Followers

Monday, September 14, 2020

Loving You... Again Chapter 82 - Cough Syrup

       






  



Author's note...










Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.

Cough Syrup na kanta ni Young the Giant. Wala akong masabi kung bakit ito ang napili kong title. Iyung una kasing verse ng kanta ay tungkol kay pekeng Aulric na niyaya na makipag-date kay Jin. At alam naman natin ang nangyari. Tumanggi si Jin. Pero kung malinaw ang pag-iisip ni pekeng Aulric, malalaman niya na hindi ito gaanong handa na makipag-date.

Anyway, ito muna ang huling chapter na ipo-post ko. Ihahanda ko na kung paano ito tapusin ang kwento ni Aulric. Sa susunod ulit guys.

Heto na po ang Chapter 82.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
70 | 71 | 72 | 73 | 74 | 75 | 76 | 77 | 78 79 | 80 | 81 |











Chapter 82:
Cough Syrup








































Randolf's POV

 

        Sa bahay ni sir Henry, nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame. Hindi ako makatulog dahil nag-aalala ako. Kaya bumangon ako at pumunta sa swimming pool ng bahay.

 

        Nagdala ako ng twalya. Pagkalapag ko sa isa sa mga upuan na malapit sa pool ay patayo akong bumagsak papunta sa pinakamalalim na parte ng pool. Binuksan ko ang aking mga mata at tumingin sa kadiliman ng pool. Wala naman akong inaasahang makita pero nagulat ako nang may nag-dive din na sa pool. Sa pangangatawan pa lang ay alam kong si Alexander ito. May suot din siyang itim na goggles. Wala naman akong intensyon na makita ang mata niya pero alam kong kailangan niya itong gawin.

 

        Habang bumabalik sa itaas ay pinanood ko siya na mag-swimming papunta sa kabilang dulo at pabalik. Nang nakabalik na siya sa kaniyang pinanggalingan ay hinabol niya ang kaniyang hininga habang lumulutang.

 

        “Hindi ka man lang nagyaya,” sabi niya habang papunta siya sa tabi para umupo.

 

        “Malay ko bang gising ka,” dahilan ko saka sumunod din sa kaniya para umupo sa tabi niya.

 

        Lumingon siya sa akin.

 

        “Bakit?” tanong ko habang sinalubong ang kaniyang tingin. Wala siyang sinasabi sa akin habang nakatingin.

 

        “Wala naman.” Tumingin ulit siya sa pool. “Anong problema natin? Bakit bigla mong naisip na mag-midnight swimming?”

 

        Tumahimik ako at nag-isip. Umalis ako sa kinauupuan ko at lumubog sa pool. Maya-maya ay ganoon din siya. Nakita kong tumapak si Alexander sa pader ng pool at lumangoy sa kabila. Nang umahon ako ay ganoon din siya.

 

        “Matapos iyung nangyari kanina, nag-aalala ako,” sagot ko sa tanong niya habang lumulutang. “Paano kung totoo iyun? Na isa sa mga tao sa pagtitipon na iyun ang gumawa ng bagay na iyun sa mga taong, binanggit?” Tinutukoy ko si Aulric mismo at ang Nanay niya. Pati na rin ang dalawang tao na hindi ko gaanong kilala.

 

        Umahon sa pool si Alexander at umupo ulit sa gilid. “Magugulat,” sagot niya na may mapait na ngiti sa labi. “Diyan kaya ako galing.” Itinuro niya ang goggles pero tingin ko ay sa kondisyon ng mata ang tinutukoy niya. “May hula ka ba kung sino sa tingin mo ang gumawa nun, sa kanila?”

 

        Umiling ako. “Ayokong, manghula. Hangga't hindi niyo napapatunayan na totoo ang video na iyun. Alam namin lahat na na-aksidente si Aulric, at kung gaano siya kamahal ni Zafe. Pero para sabihing pinatay si Aulric, para lang maisali pa ang pagkamatay ng Nanay niya at ng mga kaibigan niya, hindi ko iyun makuha.”

 

        Umahon na ako sa tubig at umupo sa gilid. Nang nakaupo na ako ay nasa malapit na si Alexander, umaahon. “Pasensya na pero,” sabi niya nang umahon at umupo ulit siya sa tabi ko. “subukan mo itong tingnan sa ibang anggulo. Yes, si Zafe ang nagmamaneho ng sasakyan kaya namatay si Aulric.”

 

        Kumunot ang noo ko dahil alam niya iyun. “Sino ang nagkwento-”

 

        “Huwag mong isipin iyun,” putol niya. “Kasama ako sa imbestigasyon kaya alam ko. Anyway, iyun nga. Si Zafe lang ang nandoon sa pinangyarihan. Pero maipapaliwanag mo ba na ang isang tao na palaging mine-maintain ang kaniyang sasakyan ay biglang pumalya ang preno nito? Doon pa lang, maiisip mo, si Zafe nga ba ang dahilan ng pagkamatay ni Aulric?”

 

        Sa isip ko ay dahan-dahan kong inalala ang mga mukha at pangalan ng mga tao na ipinakita sa video. “Pero kung hindi si Zafe, sino?”

 

        Inilagay ni Alexander ang kamay niya sa mga hibla ng buhok ko. “Hindi ko alam ang sasabihin. Pero ang masasabi ko lang sa iyo ay maghanda ka.” Sinuklay-suklay niya ang buhok ko. “Masakit mapagtaksilan. Mababago ka nito, sa ayaw at sa gusto mo.”

 

        Tumayo si Alexander at kinuha ang hinanda kong twalya saka pinahid sa katawan niya. “Umidlip ka kahit konti. Aayusin ko pa ang kotse ninyo para hindi kayo ma-aksidente. Alagaan mo ang boss mo.”

 

        Matapos magpatuyo ni Alexander ay pumasok ulit siya sa loob. Naiwan naman ako sa pool para mag-isip. Pagtataksil. Sana ay hindi ito totoo. Sana ay hindi isa sa amin iyun.

 

        Ilang oras ang nakalipas matapos akong umidlip, naghanda na kami ni boss pekeng Aulric na bumalik sa Maynila. Madilim pa ang langit pero sumisilip na ang liwanag ng araw. Uminom ako ng matapang na kape dahil medyo inaantok pa ako.

 

        Sa harapan ng bahay ay nakaparada na ang kotse na imamaneho ko. Nakatayo si Alexander sa harapan hawak ang susi ng kotse. Bago pumasok si boss pekeng Aulric ay galit na binangga niya ang siko ni Alexander. Natinag naman si Alexander pero nakatingin lang siya sa akin.

 

        “Mag-iingat kayo,” sabi ni Alexander matapos ibigay ang susi. Ginulo pa niya ang buhok ko. “Alam mo na ang gagawin.”

 

        “Ikaw din, mag-ingat ka,” paalam ko.

 

        Sa buong byahe, naramdaman kong masama ang timpla ni boss pekeng Aulric. Alam ko na hindi ako ang pinakapaborito niya pero, parang sobra naman ata.

 

        “Boss-”

 

        “Mag-drive ka lang, Randolf,” putol niya sa tangka ko para makipag-usap. “Huwag ako ang alalahanin mo.”

 

        Tumango lang ako at nagmaneho.

 

        Pagkarating sa building ng mga Bourbon ay nakasabay namin si Dexter.

 

        “Good morning,” bati ni Dexter sa amin nang bumaba na kami sa kotse.

 

        “Magandang umaga din,” bati ko.

 

        “Walang maganda sa morning,” tugon naman ni boss pekeng Aulric. Kumunot naman ang noo niya at parang hindi na masama ang timpla niya. “Nagparetoke ka ba? Parang may kakaiba sa iyo ngayon.” Naglakad na kami papasok sa loob papunta sa elevator.

 

        “May maganda lang na nangyari.” Tumikhim si Dexter. “Sa kompanya, lately.”

 

        “Do tell.”

 

        “Ikaw, (pekeng) Aulric, bakit napakasama ng timpla ng umaga mo ngayon? At, asaan si Alexander?” tanong ni Dexter.

 

        Nang nakatayo na kami sa elevator, binati naman sila ng ilang mga empleyado. Habang naghihintay ay dumating din si Jin na binati ng lahat maliban sa isa.

 

        “Tanungin mo pinsan mo. Bakit ang sama ng timpla ng umaga ko.”

 

        Nagkatinginan naman ang mag-anak.

 

        “Dexter, akala ko ba ay work from home ka ngayon?” tanong ni Jin. “Parang may kakaiba ata sa iyo ngayon.”

 

        “Huwag ako ang intindihin mo,” balik ni Dexter. “Ang intindihin mo iyung ginawa mo dito kay (pekeng) Aulric.”

 

        Nang bumukas ang elevator ay naubos ang mga tao sa loob. Pumasok kaming apat sa loob. Pero nang may akmang pumasok na empleyado.

 

        “Please, antayin niyo iyung susunod na elevator, ” pakiusap ni boss pekeng Aulric saka isinara ang pintuan ng elevator.

 

        Hindi naman niya pinindot ang floor na pupuntahan at humarap sa mag-anak. “Alam mo kasi, itong pinsan mo, niyaya kong makipag-date. Alam mo ba ang sinagot niya sa akin? ‘I'm sorry, Aulric. It's not you. It's me.’ Hindi pa nga kami nagdi-date, break na kami kaagad?”

 

        Sa kalagitnaan ng litanya ni boss pekeng Aulric ay ako na mismo ang pumindot sa buton ng elevator. Umandar naman ito at dinala kami sa floor na pinindot.

 

        Umiling lang si Dexter. “Jin, huwag niyo akong idamay dito. Ayusin mo to,” bulong nito sa pinsan, na parang hindi binubulong sa lakas ng boses niya.

 

        ”P-Pasensya naman,” nahihiyang balik ni Jin. “Hindi ko lang kasi alam kung ano ang isasagot ko dahil sa nangyari kahapon. I don't mean to reject you pero gusto ko na, sa isang araw, isang linggo. Pero, hindi ngayon.”

 

        Napatingin kaming lahat kay Jin. Nakarating na kami sa floor kung saan kami bababa at bumukas ang elevator.

 

        “Yes naman pala.” Tinapik-tapik ni Dexter ang balikat ng pinsan at umalis.

 

        “You need to work on your socializing skills,” inis sa sabi ni boss pekeng Aulric saka lumabas.

 

Alexander's POV

 

        Sa bahay ni Andrew kasama si Larson, ilang doorbell lang ay bumukas na ang gate. Dumungaw sa gate ang guard ng bahay nila.

 

        “Sige po, pasok po,” sabi ng guard na pinapasok kami.

 

        Kagaya ng mga mag-aaral sa Bourbon's Brother University, galing din sa may kayang pamilya si Andrew. Malaki ang sakop ng lupa nila, pero parang kalahati lang ang laki nito kung ikukumpara kay sir Henry. Malawak na backyard space, pool sa isang gilid, malaki talaga.

 

        Isa sa mga gusto kong ugali ng Pilipino ay ang hindi pwersahang pagpapalayas sa anak nila kapag tumungtong na ang edad nila sa 18. Sa Amerika kasi, magbabayad ka na ng mga gastusin sa bahay kapag hindi ka umalis. Kahit sa mga mayayaman na pamilya, ginagawa iyun. Kultura na kasi nila iyun na hindi ko alam kung saan nanggaling para sa isang progresibong bansa. Sa Pilipinas, bakit pa? Hindi ba mas maganda iyun na close kayo ng pamilya mo?

 

        Balik sa ibang bagay, pagpasok namin sa bahay ni Andrew, nagulat ako nang malaman ko na sa basement ang kwarto niya. Kung ang ground level ng bahay nila ay may kusina, sala, kainan, kwarto ng mga katulong. Kay Andrew, isang kwarto niya iyun. Hindi ko alam kung sino ang decorator ng kwarto niya pero ang ganda. Sa isang parte ng kwarto niya, may studio kung saan nakalagay ang kaniyang game consoles, ang computer niya mismo. Tapos isang parte ng kwarto niya, may sarili siyang sala, iyung higaan niya at damitan niya, banyo. Sa gilid, iyung mga shelf siya na may lamang mga laruan na titingnan mo lang, posters ng ilang banda, rich kid.

 

        “So, welcome sa kwarto ko,” bati sa amin ni Andrew na pinaupo kami sa sofa ng sarili niyang sala.

 

        “Ang ganda ng kwarto mo,” manghang saad ni Larson na tinitingnan pa ang paligid ng kwarto habang umuupo sa sofa.

 

        “May gusto ba kayong inumin?” tanong sa amin ni Andrew na binuksan ang ref sa sala niya. “Tubig, sprite, coke.”

 

        Habang abala si Andrew sa pagtingin ng laman ng ref niya, may bagay akong nakita na interesante.

 

        Mula sa kinauupuan ko, tinuro ko ang isang pamilyar na bote. “Bakit may prescription-grade ka na cough syrup?”

 

        Biglang isinara ni Andrew ang kaniyang ref. Si Larson naman na walang pake sa nangyayari ay biglang napatingin kay Andrew, at sa akin.

 

        Kunyari ay umubo si Andrew. “May konting ubo ako at,” sabay umubo ulit kunyari.

 

        “Ano ba iyun?” tanong sa akin ni Larson.

 

        “Prescription-grade na cough syrup, kagaya ng promethazine codeine na nasa loob ng kaniyang ref, softdrinks, candy, recreational drug cocktail iyun at-”

 

        “Illegal ba iyun?” kunot-noong tanong ni Larson.

 

        Umiling ako kay Larson. “Hindi ko masasagot iyan sa oo at hindi dahil iyung isa, legit na gamot iyun para sa ubo. Dapat.”

 

        “Ano iyung epekto nito?” Tumingin siya kay Andrew.

 

        “So what we got drunk. So what we smoke weed. We're just having fun,” kanta ko sa kanta ng Young, Wild and Free. “Pero iinumin mo lang.”

 

        ”Habang high siya, gumawa siya ng virus-”

 

        “Larson, no,” putol ni Andrew sa sinasabi ni Larson. “Look, inaamin ko na gumagamit ako.” Binuksan niya ulit ang ref at kumuha ng bote ng softdrinks at mga baso. “Pero hindi ko naman ata kayang gumawa ng ganoon habang high.” Lumakad siya papunta sa maliit na mesa namin at sinimulan nang lagyan ang mga baso.

 

        “Alam mo ba na habang high ka, magiging malinaw ang utak mo dahil sa wala kang pagdududa sa mga ginagawa mo,” sabi ko nang kinuha ko na ang baso na nilagyan ni Andrew ng softdrinks. “Habang kumukuha ako ng exam, uminom ako ng ‘purple drank’ at na-perfect ko ang exam namin.”

 

        Natawa lang si Andrew. “Ginawa ko din iyan.”

 

        “At ginagawa mo pa rin ngayon?” hindi makapaniwalang tanong ni Larson na hindi pa kinukuha ang baso niya. “Andrew, gusto mo ipahuli kita kay Geoffrey? Alam mo bang hindi tama iyan?”

 

        Nagulat kami sa sinabi ni Larson. Parang pinapagalitan niya si Andew.

 

        “Chill lang, Larson. I'm in control here,” sabi ni Andrew. Pero parang hindi confident ang kaniyang pagkakasabi dahil ibinaba niya ang kaniyang tingin.

 

        “Alam mo iyung kapatid ko, may masamang bagay na pinag-aadikan. At sasabihin ko ito sa iyo, Andrew. May sisirain iyan sa iyo. Hindi pwedeng wala,” babala pa nito. Ano kaya ang pinag-aadikan ng kapatid niyang si Allan?

 

        Tumayo na lang bigla si Larson at tinungo ang studio room ni Andrew kung saan nakalagay ang computer niya. Hindi man lang siya nagpaalam. Parang alam na niya ang lugar na ito. Si Andrew naman ay parang hindi pinansin ang nangyari. Kakaiba.

 

        Tumingin ulit ako sa paligid matapos inumin ang soft drinks sa baso. “So, Andrew, nice room,” puri ko. “Kung close lang talaga kita, lagi akong tatambay dito.”

 

        Ngumiti naman si Andrew. “Yeah. Palagi itong tinatambayan ng mga malalapit kong kaibigan. Pati na rin si Derek.”

 

        Nagtaka ako sa komposisyon ng salita niya. “Pati si Derek?” Malalapit kong kaibigan. Period. Pati na rin si Derek. Hindi niya considered na malapit na kaibigan si Derek? Nasa iisang chatroom lang kaya sila sa Facebook.

 

        “Oo, pati si Derek. Naglalaro kami ng League of Legends kapag may panahon kami sa isa't isa. Pumupunta siya dito dala ang gaming laptop niya”

 

        Binigyan ko siya ng kakaibang tingin dahil sa isang bagay na ginagawa niya.

 

        “No. Hindi niya alam iyun,” pagtanggi niya sa isang bagay na hindi ko pa sinasabi.

 

        Tumango lang ako. “So, alam kong, para akong accomplice ni Larson dito sa bahay mo. Pero curious lang ako tungkol kay, Aulric. Sino siya?”

 

        “Honestly, kung ilalagay ko siya sa salita, isa siyang kaibigan na sinama lang ng iyong kaibigan para maging kaibigan mo din. At, okay. Hindi kami magka-vibe or something.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Pero siya ang role model ko.”

 

        Kinuha niya ang bote ng softdrinks saka nilagyan ang mga baso namin.

 

        “Role model?” kunot-noong tanong ko.

 

        “Na huwag magbigay ng pake,” magaspang na sagot niya. Mapait siyang ngumiti at inilahad ni Andrew ang kaniyang kamay habang nakatingin sa kwarto. “Alam mo ba na kaya may ganito akong kwarto ay dahil ampon lang naman ako? Ibinigay sa akin ng mga adopted parents ang kahit anong gusto ko, dahil mahal nila ako. At mahal ko din naman sila.” Napaka-kwestyonable ng sinasabi niya dahil gumagawa siya ng ‘purple drank’, pero hayaan ko na lang siya.

 

        ”Kaya kung anong gusto nilang gawin ko, gagawin ko. Pakasalan ang kaibigan kong si Shai, okay. Para lang hindi kumalat ang balita na ampon ako, okay.”

 

        Natigil ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ampon pala si Andrew.

 

        “Kaya lang, hindi ko alam kung totoo, pero sinabi ni Shai ang sikreto ko kay Aulric, na sinabi niya kay Zafe, na nalaman ng mga magulang ni Zafe.” Ininom niya ang baso. “Ang mga magulang kasi ni Zafe ay kakompetisyon din namin sa negosyo. Pati na rin ang mga Bourbon. Alam mo kasi, ewan ko ba sa mga taong ito. Pero napaka-big deal talaga na kailangan, ang magmamana sa negosyo ay kadugo mo.” Napansin kong medyo tumaas ang boses ni Andrew. “Porke ba't hindi nila ako dugo at laman, hahayaan kong bumagsak ang negosyo namin? Bigla bang malulugi ang kompanya kapag sa akin ipinasa? Natakot noon ang mga nag-ampon sa akin. Bakit daw may nakaalam?” Napalunok siya. “Hanggang sa may naalala akong isang tao. Ang sabi ko, fuck it. Ipakilala niyo ako bilang ampon. Ano naman? Papatunayan ko sa mga kutong-lupa na iyun na kaya kong patakbuhin ang negosyo.”

 

        May itinuro siya sa isa sa mga shelf niya. “Kita mo iyung mga gintong medal na iyun?”

 

        Lumingon ako at may mga nakitang medal.

 

        “Pagkatapos kong makatapos sa Education Course, bumalik ulit ako sa Bourbon Brothers University. Tinapos ang Business, kumuha ng mga parangal para ipakain sa mga tao na iyun. At wala silang karapatan na maliitin nila ako ng tingin dahil lang sa ampon ako. Mahal ko ang mga umampon sa akin kaya hindi ko sila bibiguin.” Naging mahinahon na siya magsalita matapos humugot ng malalim na hininga. “Kaya nagpapasalamat ako kay Aulric. Hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para gawin ang mga bagay na ito kung hindi dahil sa kaniya.”

 

        Nakikita ko sa mga mata ni Andrew ang pagiging determinado. Para sa kaniya, kahit na may reserbasyon siya sa pag-uugali ng tao, nakakuha siya ng lakas mula rito. Kung nagawa nga ba niyang patunayan iyun sa mga tao, iyan ay hindi ko alam. Pero mukhang may napatunayan siya.

 

        Lumabas na sa Studio Room si Larson dala-dala ang kaniyang phone. “Tapos na ako,” sabi niya pagkalabas.

 

        “Anong balita?” tanong ko.

 

        Umiling siya. “Hindi si Andrew ang hinahanap natin.” Kinuha niya ang bote ng softdrink at uminom siya rito. “May nag-install ng backdoor sa system niya. Kaya nasabutahe ng kung sinong tao ang ginawa niyang tribute video. Hindi ko alam kung paano na-install iyung backdoor, pero baka dahil sa hindi awtomatikong nag-update iyung antivirus ng computer mo. Nang may na-click ka na link, bigla nitong dumikit sa system mo at, marami pang technical na bagay na ayokong ipaliwanag.”

 

        Kumunot ang noo ni Andrew. “Kailangan ko ba talagang i-update ang antivirus ng computer ko?"

 

        Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Andrew.

 

        Natigil si Larson na inumin ulit ang bote ng softdrinks. “Nag-a-update din iyung mga virus. Kaya iyung mga anti, kailangan mo ding i-update. Huwag kang mag-alala. Mukhang wala pa naman seryosong sira ang computer mo at pina-update ko na ang antivirus mo.”

 

        Tumango-tango si Andrew. Streamer ka pero hindi mo alam iyun?

 

        “May nahanap ka ba?” tanong ko kay Larson.

 

        Ibinaba na ni Larson ang naubos na bote. “Oo. Nag-ping ako sa pinagmulan ng backdoor at nakita ko ang lokasyon kung saan ito galing.” Tumingin sa phone si Larson tapos kay Andrew. “Salamat sa kooperasyon.”

 

        “Welcome.”

 

        Tumayo na ako at naglakad na kami palabas ng bahay.

 

        “Bisita ulit kayo kung may kailangan pa kayo,” paalam sa amin ni Andrew nang sumakay na kami sa sasakyan.

 

Andrew's POV

 

        Ilang minuto na rin ang nakalipas nang umalis si Alexander at Larson sa kwarto ko. Matapos maglinis ng aking private space ay may oras na ako para magpaka-high.

 

        Inisa-isa ko ang mga kailangan na ingredients sa mesa. Softdrinks, check! Promethazine codeine, check! Snow bear, check! Baso, check!

 

        Una ko munang ginawa ay nilagay ang candy sa baso. Saka halos pinuno ko ito ng softdrinks, at nilagyan na rin ng promethazine codeine. Maghintay muna ng ilang minuto para mahalo ng mabuti ang tatlo.

 

        Ilang minuto ang nakalipas, pwede ko na itong inumin. Nang inangat ko ang baso sa mesa, bigla akong natigil dahil sa naalala ko na sinabi ni Larson. May sisirain din ang bagay na ito sa akin.

 

        Technically, hindi ko naman inaabuso ang inumin na ito kagaya ng isang adik. Medyo-medyo lang, kapag may oras. Pero hindi ko maitatanggi na madalas ko na itong ginagawa.

 

        Nagsimula lang ito sa pakikinig ko sa kantang Cough Syrup, na akala ko ay tungkol sa isang tao na may ubo at uminom ng cough syrup. Pero iyun pala, ibang cough syrup ang iniinom niya, at na-high siya. Ni-research ko lang ito sa internet kung paano gawin at nakagawa ako.

 

        Dapat ay ilegal ang bagay na ito. Pero dahil kakaunti pa lang ang may alam nito kaya legal siya. Hindi ko alam ang pasikot-sikot ng batas. So ano ba ang dapat kong gawin? Huwag ko na itong inumin? Or Inumin na ito at bukas na lang tumigil?

 

        Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nagulat ako nang niluwa ng pintuan si Knoll. Para naman akong isang tao na nahuling may ginagawang masama dahil halos hindi ako gumalaw. Iniisip ko kung alam ba ni Knoll ang ginagawa ko.

 

        “Hi, Andrew,” bati ni Knoll. Naglakad siya papunta sa sofa na inuupuan ko at umupo sa kabilang dulo. “Pasensya na kung hindi ako kumatok.”

 

        Ibinaba ko ang hawak kong baso matapos masiguro na hindi niya alam ang inumin na iinumin ko. “Okay lang. Welcome naman kayo dito.”

 

        Napunta ang tingin ni Knoll sa baso na nasa mesa. “Pahingi.”

 

        Akmang aabutin sana ni Knoll ang baso pero pinigilan ko siya. Hinarang ko ang palad ko sa baso.

 

        “Huwag!” sabi ko.

 

        “Bakit?” naguguluhang tanong niya. “Iinom lang naman ako.”

 

        “Basta, huwag. Umupo ka nga lang diyan at ako na ang bahala. Kuha lang ako ng baso.” Kinuha ko lang ang baso ng ‘purple drank’ at tumayo para itapon ito sa lababo ng kwarto ko.

 

        “Promethazine codeine,” rinig kong basa ni Knoll.

 

        Nang lumingon ako ay nakita ko siyang binanasa ang pangalan ng bote. Kumuha ako ng baso saka pumunta sa kaniya.

 

        “Ano ito?” tanong pa niya.

 

        “Gamot sa ubo ko,” sagot ko.

 

        Pagkababa ko sa baso ay kinuha ko mula sa kamay niya ang bote.

 

        ”Hindi mo day-off ngayon pagkakaalala ko,” sabi ko habang inilagay sa basurahan ang bote.

 

        “Yeah. Nagpaalam ako sa kompanya.” Tinulungan ni Knoll ang sarili niya sa isang baso ng sofrdrinks.

 

        Kumuha ako ng bagong baso saka dinala ang sofa sa kabilang parte ng mesa para doon umupo sa harapan niya. “Anong meron? Hindi ako sanay na wala kang kasama kapag pumupunta ka dito.”

 

        “Bakit? Masama ba?” tanong niya sabay inom sa baso.

 

        Napasinghag ako. “Knoll, alam ko kung bakit ka nandito.” Kinuha ko ang bote na halos paubos na ang laman saka binuhos ito sa baso ko.

 

        Humugot ng malalim na hininga si Knoll. “Gusto kong malaman kung kumusta ang imbestigasyon."

 

        Medyo nagulat ako na hindi niya gustong pag-usapan ang nangyari kahapon tungkol sa mga ginamit kong litrato sa tribute video. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para itapon sa basurahan ang plastic na bote. Kumuha naman ako ng bagong bote sa ref saka bumalik sa inuupuan ko. May stock ako.

 

        “Err, hindi ko alam kung paano ito sasabihin,” ngiwi ko pagkatapos ay ininom ko muna ang softdrinks sa baso. “So may kung sino ang kayang kontrolin iyung computer ko. Kaya iyung ginawa kong tribute video, kung sino man ang taong ito ay nakisakay. Kaya siguro nakapasok iyung taong ito sa computer ay dahil sa hindi ko ina-update ang antivirus ko.”

 

        “Hindi mo ina-update ang antivirus mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.

 

        “Pasensya naman!” sarkastikong sagot ko. “Ngayon ko lang alam. Ngayon, pinapa-update ko na para hindi maulit iyun.” Naglagay ulit ako ng softdrinks sa baso ko.

 

        “Okay, that's good.” Good? Bakit naman?

 

        “May gusto ka pa bang tanungin?” tanong ko bago itapat sa bibig ko ang baso.

 

        “Wala na,” sagot niya. “Siguro, palipasin na lang natin ang oras dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Laro tayo. Dala ko iyung laptop ko.”

 

        Binalewala ko iyung sinabi niya. “Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa nangyari kahapon? Iyung pinagtutulakan ko kayo ni Camilla?”

 

        Ibinaba ni Knoll ang kaniyang tingin pero umiling siya. “Naiintindihan kita, Andrew.” Nag-angat siya ng tingin. “I know na walang ibang picture sila Shai, Ricky, at Aulric na wala kami ni Camilla.” Napaka-understanding naman ng kaibigan ko, pero alam ko na may kung anong meron sa pagbabago ng ugali niya.

 

        Sumeryoso ako kaya ibinaba ko ang baso ko. “Seriously, what changed?”

 

        Kumunot ang noo ni Knoll. “Anong what changed ang sinasabi mo?”

 

        “Knoll, matagal na tayong magkaibigan. Hindi man kita ganoon kakilala gaya ni Camilla, pero mas matagal tayo na naging magkaibigan kesa sa relasyon ninyo ni Camilla. Kaya alam ko na may kakaiba sa iyo.”

 

        “I learned to move on, Andrew. Tanggap ko na wala na kami. Tanggap ko na wala na akong pag-asa. At para hindi pag-usapan ang ginawa mo is a sign of maturity. Dude, ayokong mag-away tayo dahil sa ginawa mo. Dahil wala naman dapat pag-awayan.”

 

        “Actually, gusto ko ngang mag-away tayo para may malaman ako.”

 

        “Bakit? Ano ba ang gusto mong malaman?” kunot-noong tanong niya.

 

        Nakagat ko ang ibabang labi ko matapos maalala ang nakaraan. “Naalala mo iyung nangyari noon. Iyung parang katulad sa cliché love story ang nangyari. Knoll, ikaw ang nagpakana na itaas pa natin ang ante sa panloloko kay Camilla. Summer break noon at walang Shai na hahadlang sa mga plano mo. Kaya lang, isang araw ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nakiusap ka sa aming lahat na huwag ng lokohin si Camilla. Dahil obviously, may nakita ka sa kaniya na hindi namin makita. Mahal mo na siya. At pumayag kami. Dahil tama naman ang mga punto mo. Nakakapagod na rin na gumawa ng masama. Well, naging masaya naman ang lahat. Lalo ka na. Mahal na mahal mo si Camilla. Kahit na walang pakialam si Camilla kung kailan ang anniversary ninyo, you seriously do. Kahit na wala naman inaasahang birthday gift si Camilla mula sa iyo dahil hindi naman requirement iyun sa mga mag-syota, nagkumahog ka na mabigyan siya ng regalo dahil nag-aalala ka na makipag-break siya sa iyo. Nandoon ako, Knoll. Kitang-kita ko na mahal na mahal mo si Camilla kaya sinabi mo ang totoo na nabuntis mo si Isabela. Dahil ayaw mong maglihim sa kaniya. Ngayon years later, anong nangyari? Asaan ang Knoll na iyun?”

 

        “Andrew, you must understand. Si Camilla ang nakipag-break sa akin. At dapat na i-respeto ko iyun. Ako ang nagkasala. Hindi naman dapat na pilitin ko siya na makipagbalikan dahil ako ang nagkamali.”

 

        “Alam ng lahat iyun, Knoll. Ikaw ang nagkamali.” Kinuha ko ang bote saka nagsalin sa mga baso namin. “I get it. Pero bawal ba na subukan mo man lang na maibalik ang relasyon ninyo?”

 

        “I did,” sagot niya. “Hinayaan ko siya ng mga ilang araw. At kung sa mga araw na iyun ay nag-decide na magbalikan kami ni Camilla, babalikan ko siya. But I will be better. Kaya lang, hindi iyun nangyari.” Itinungga niya ang laman ng kaniyang baso.

 

        Pero hindi umubra sa akin ang paliwanag niya. “Unfortunately, that is so unlike you.”

 

        “Anong that is so unlike you?”

 

        “Knoll, when you try, you act! Ginagawa mo ang lahat! Hindi katulad ng ganito, na naghintay ka ng mga ilang araw.”

 

        Kaagad siyang nag-iwas ng tingin. “Hindi ako ganyan,” pagtatanggi niya.

 

        “Iyan! Magsinungaling ka pa sa sarili mo. Parehas natin alam, Knoll. You stopped trying. Hindi ko alam kung anong meron, pero itinigil mong subukan na ayusin ang relasyon ninyong dalawa. Yes, ang Papa ni Camilla, nag-cheat. Kaya nga isa sa mga pinakaayaw niyang tao sa buong mundo ang Papa niya. Hindi naman sapat na dahilan iyun para hindi mo subukang ayusin ang relasyon ninyo. Dahil alam mo sa sarili mo na you will do better. Iyung Papa niya, iba ng kaso iyun. Pero kayo Knoll, may pag-asa pa. At bigla ka lang nag-give up.”

 

        Bigla na lang sumabog si Knoll at binagsak niya ang kaniyang kamao sa mesa. “Fine! Gusto mo ba malaman ang totoo? Alam mo ba kung bakit nagbago ang isip ko noong lolokohin natin sana si Camilla? Alam mo ba kung bakit?!” Tinuro ng dalawa niyang daliri ang kaniyang mga mata. “Nakita ng dalawang mata ko ang kagaguhan na ginawa ng Papa niya. Alam ko ba kung sino ang kerida ng Papa ni Camilla, ang Mama ko!”

 

        Nagulat ako sa isinawalat niya. Alam din naming lahat na ang Mama ni Knoll ay may ibang karelasyon. Ang hindi lang namin alam ay kung sino ang kasama ng Mama niya sa kasalanang ito.

 

        Huminahon si Knoll at ininom ang baso niya. “Bigla akong naawa kay Camilla. Dahil katulad ko lang din siya! Isang teenager na may isang loko-lokong magulang na nakikipagkita pa sa iba. At dapat ba sa kaniya na lokohin siya ng isang katulad ko? Hindi. Kaya iyung nangyari noon sa pagitan namin ni Isabela. Hinayaan ko na siya ang magpasya. Dahil na-realize ko na katulad lang ako sa Mama ko. Na kapag may malapit na laman na matitira, doon ako kumakapit. You see, Andrew. I am not worthy to be with her. Isa lang naman ako sa mga taong manloloko sa buhay niya.”

 

        Bago pa ako makapagsalita ay kaagad na siyang umalis. Pero hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya kung bakit bigla siyang nagbago. Tingin ko, hindi iyun sapat. Hindi ba sapat ang dahilan na mahal na mahal ni Knoll si Camilla? Na kahit kailan, hindi na nito uulitin ang ginawa niya kay Isabella? Hindi ito napapansin ni Camilla, pero simula noong nangyari sa kanila ni Isabella, mas naging attentive si Knoll sa kaniya. Inaalagaan niya ito na parang buntis dahil alam ni Knoll ang kaniyang ginawang kasalanan. Pero si Camilla, natutuwa lang siya dito. Dahil kay Knoll lang siya nakaranas ng kakaibang ligaya kahit ang pundasyon ng kanilang relasyon ay isang kasinungalingan.

 

        Tiningnan ko lang ang basurahan kung saan ko tinapon ang cough syrup. Nakaka-tempt na baka malinawan ang isip ko kapag gumawa ako ng ‘purple drank’. Pero hindi ko ito kailangan. Knoll, malalaman ko din kung bakit ka nagbago.

 

Jin's POV

 

        Pagkapasok sa opisina ni Dexter, nanibago ako dahil hindi ko nararamdaman ang masamang enerhiya na nagmumula sa kaniya. Parang magaan ang ora niya ngayon.

 

        Napansin naman ako ni Dexter at ngumiti. “Nice job nga pala sa mga deals na naipasara mo lately,” puri niya. “Let's keep this up para hindi naman masabi ng mga magulang natin na binigo natin sila.”

 

        Umupo lang ako sa harapan ng mesa niya. “Mukhang mas masaya ka ngayon kesa sa kahapon,” sabi ko. “May nangyari ba?”

 

        Umiling siya pero nakangiti. “Wala naman. Masaya lang talaga, ako.” Kahit na hindi mo na nakita si Natasha? Nakapag-move on na kaya siya?

 

        “You know, bakit hindi mo tanggapin ang alok ni pekeng Aulric na makipag-date?” biglang naitanong ni Dexter habang inaayos ang mesa na hindi naman magulo.

 

        “I don't know. Parang, hindi ko lang feel,” iling ko.

 

        ”Hindi mo lang feel or takot ka lang?”

 

        “Hindi din ako takot.”

 

        “Then, ano? Surely, hindi iyan ‘hindi ko lang feel’. Dahil ba sa Aulric ang pangalan niya?”

 

        Umiling lang ako. “Ayoko lang talaga. Yes, pekeng Aulric has qualities that I like but, hindi ko lang talaga feel ngayon gawin.”

 

        Umiling lang si Dexter. “Kawawa naman iyung tao. Alam mo, you should at least try. Hindi sa nakikialam ako pero, kailan mo pa susubukan makipag-date?” Pinanlakihan niya ako ng mata. “Kapag nasa manong-tier ka na?”

 

        “Ikaw, nakikipag-date ka na ba ulit?” balik-tanong ko.

 

        “Jin, don't make this about me,” singhag niya. “Kung hindi mo magustuhan si pekeng Aulric pagkatapos ng date niyo, okay lang. No hard feelings.”

 

        “Kaya lang, paano kung makaapekto ito sa relasyon namin ngayon?” Humugot ako ng malalim na hininga. “You know, kaya nakakapag-close ako ng deal ay dahil magaling siyang magsalita. Kapag nagsasalita siya, napapatingin ako sa kaniya. Iyung mga kulang sa punto ko, dinadagdagan niya. Mukha lang na sa akin napupunta ang credit bawat meeting pero siya talaga iyun. At business-wise, ayokong mawala iyun.”

 

        Seryoso lang akong tiningnan ni Dexter. “Alam mo Jin, kung nakikita mo lang ang sarili mo habang nagsasalita, para kang in love na hindi ko maintindihan. Huwag mong isipin ang business. You have to risk it all. Go broke, or go home.”

 

        Biglang tumunog ang phone ni Dexter at sinagot niya kaagad ito. Nang sumagot siya ay nawala ang liwanag ng mukha niya bigla. Maya-maya ay ibinaba niya ang phone.

 

        “I have to go. May emergency ako,” sabi niya na dali-daling kinukuha ang kaniyang mga gamit.

 

        “W-Why? M-May nangyari ba kay Tito?” napatayong tanong ko.

 

        “No, huwag kang mag-alala. Ang alalahanin mo ay ang sarili mo dahil sa iyo ko na naman ipapapasa ang mga meetings ko.”

 

        Tinapikan niya ako sa balikat isang beses at sumunod na segundo ay nawala na siya. Curious ako kung anong emergency iyun.

 

        Lumabas na ako sa opisina niya at naglakad-lakad papunta sa opisina ni pekeng Aulric. Habang naglalakad ay napansin ko ang mga trabahador na naka-uniporme, pero hindi sa kompanya namin. Inaayos nila ang mga emergency lights kung gumagana pa ba ito o hindi. Medyo matagal na nang huling nagamit ang mga ito.

 

        Nahuli ko naman si Caleb na umaaligid at may hawak na camera saka parang kinukunan ang kaniyang mga trabahador. Si Caleb ay isa ring tagapagmana ng kumpanya nila. Ang kompanya nila ay namamahala sa mga emergency lights para masigurong gumagana ito sa oras ng kalamidad, na sana ay hindi na dumating.

 

        “Caleb,” tawag ko dito.

 

        Hindi naman siya tumingin sa akin at pinagpatuloy pa rin ang pagkuha. “Jin, musta?”

 

        “Okay naman.” Tumingin ako sa mga nag-aayos ng emergency lights. “Ikaw? Kinukunan mo sila?”

 

        “Yeah. Para sa promotional videos ng kumpanya namin.” Ibinaba na ni Caleb ang camera at tumingin sa akin. “Ilang years na rin ang kompanya namin at naisip ko na personal na kumuha ng mga pictures at videos kung paano ginagawa ng mga trabahador namin ang trabaho nila.” Tumingin-tingin siya sa paligid. “Saan ang punta mo?”

 

        “Sa opisina ni (pekeng) Aulric. Susunduin ko siya para sa mga meeting ko ngayon, na kailangan siya,” paliwanag ko.

 

        “Talaga? O baka kayo na at hindi niyo lang sinasabi sa amin?”

 

        Nagulat ako sa sinabi niya. “A-Anong sinasabi mo? Walang kami.”

 

        “Weh?” hindi naniniwalang sabi ni Caleb. “Puro kaya kayo ang laman ng social media ni pekeng Aulric.”

 

        “Hindi ako masyadong tumitingin sa social media accounts ko,” iling ko.

 

        Para namang naliwanagan siya. ”Ohh! My bad. Sorry, nag-assume lang ako na kayo na.”

 

        “Pero baka mangyari depende iyan sa mangyayari mamaya,” dahan-dahang sabi ko.

 

        Lumiwanag ulit ang mukha niya. “Great!”

 

        “May suggestion ka ba? I just realized that this will be my first date since, I don't know.”

 

        Kumunot ang noo niya. “I fail to see kung bakit nagtatanong ka pa ng suggestions. Pamilyar kayo sa isa't isa. Kumakain pa ata kayo ng sabay tuwing lunch. Don't change the routine. Talk about things under the sun. Unless may iba ka pang hinahanap sa date niyo.” Marahan niyang sinuntok ang braso.

 

        “I don't know what you mean,” tugon ko. “Anyway, I should get going.”

 

        “Wait, one last thing.” Natahimik naman siya at hindi nagsalita ng ilang segundo. “Gusto ko lang malaman ang isang bagay.” Pakiramdam ko ay bumigat ang paligid sa tono ng pananalita niya. “Wala ka naman sigurong ginawa sa kanila, right?”

 

        Saglit na hindi ko maintindihan ang tanong ni Caleb. Pero naalala ko ang nangyari sa misa.

 

        “I'm a good person, Caleb. Hindi ko kayang gawin iyun sa kanila,” sagot ko. “And hindi sa naghihinala ako, pero, ikaw din Caleb, right? Hindi mo kayang gawin iyun sa kanila.”

 

        “Of course,” sagot niya. “Wala akong dahilan para gawin ang mga bagay na iyun sa kanila. I love my friends. And ikaw. Kahit na hindi tayo gaanong nag-uusap, in both worlds.”

 

        Kapwa nakahinga kami ng maluwag sa mga sagot namin.

 

        “Punta ka na kay pekeng Aulric,” sabi niya. “Good luck.”

 

        “Salamat.”

 

        Tumalikod ako at pumunta na sa opisina niya.

 

        Hindi ko nadatnan si Randolf sa harap ng opisina niya. Kumatok lang ako ng isang beses at binuksan ang pintuan.

 

        “Victory!” sigaw ng announcer.

 

        “Jin,” tawag ni pekeng Aulric sa pangalan ko habang nakatingin siya sa phone niya. “I heard na umalis si Dexter para ipasa na naman ang trabaho niya sa atin. Ngayon na ba iyun?”

 

        “No,” iling ko. “Nandito ako para sa ibang bagay.” Umupo ako sa harapan ng mesa niya.

 

        Ibinaba na niya ang phone niya at seryoso niya akong tiningnan. “About that, I'm sorry.”

 

        Tumingin lang ako sa kaniya habang hinihintay ang paliwanag niya.

 

        “I was on edge nang nalaman ko na ayaw mo. You know, that will probably be the last chance na yayayain kita makipag-date,” paliwanag niya.

 

        “Is something wrong?” tanong ko. “Bakit mo naman nasabi na last chance mo na iyun?”

 

        “Kasi tingin ko, lahat ng ito ay temporary,” sagot niya habang nakatingin sa kwarto. “Itong meron ako, pakiramdam ko ay mawawala sa isang iglap. I don't trust Henry to just keep me bearing his dead stepson's name. Kaya gusto kong gawin ang mga bagay na baka hindi ko na magawa. I like you, Jin. And I want to be closer with you. Pero hindi ko magagawa iyun kung hindi ko hawak ang posisyong ito. Hindi ko magagawa iyun kung iba ang nangyari sa akin.” Tumayo siya at tumingin sa malaking bintana na kita ang mga building sa labas. “Hindi ko magagawa iyun kung isa lang akong empleyado sa ibang kompanya. But now that you rejected me, I don't know. Parang nasira ang mga pangarap ko.”

 

        “I'm sorry din, sa iyo,” sagot ko. Tumayo ako at tumingin din sa labas katabi niya. “Siguro kasi, nasanay ako na nire-reject ko ang mga tao tuwing sinusubukan nila na maging mas malapit sila sa akin. Kasi, wala akong gusto sa kanila. Pero ngayon, gusto kong subukan iyun, Jonathan.”

 

        Napatingin si Jonathan sa akin. “Jin.”

 

        “Labas tayo mamaya. Pagkatapos ng mga meeting natin, gusto ko na subukan kung anong meron sa ating dalawa.”

 

        Ilang beses bumuka ang bibig niya pero walang boses na lumabas. “I have to think about it.” Bumalik na siya sa kaniyang upuan. “Also, please. Huwag kang masanay na tawagin ako sa tunay kong pangalan.”

 

        Kapag naririnig ko ang mga kliyente na sinasabi nila na pag-iisipan nila ang isang bagay, nadidismaya ako. Pakiramdam ko ay kulang pa ang mga sinabi ko para magkaroon sila ng desisyon ngayon. Normal naman iyun para sa isang businessman pero, nalulungkot ako ng kaunti. Pero nang sinabi iyun ni Jonathan, hindi ako naniniwala sa kaniya. Alam kong pupunta siya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito, tama?

 

Randolf's POV

 

        Kagagaling ko lang sa banyo nang bumalik ako sa mesa ko. Kumunot lang ang noo ko matapos makita na walang tao na naghihintay sa mesa. Wala si Isabela?

 

        Matapos ayusin ang panibagong schedule ni boss pekeng Aulric, pumunta ako sa opisina ni Isabela. Naabutan ko naman si Angelica na mukhang naglalaro ng Mobile Legends.

 

        “Angelica, si Isabela?” tanong ko.

 

        “Hindi pumasok. Mukhang may ginagawa sa Rizal,” sagot niya. Nag-angat naman siya ng tingin. “Kayo na?”

 

        Hindi ko alam ang isasagot ko. “Siguro,” hindi ko siguradong sagot.

 

        Kinilig si Angelica. “Talaga? Oi, congratulations,” sundot pa niya sa tagiliran ko. “Ang gwapo mo at ikaw pa ang sumagot kay Isabela.”

 

        Bakit congratulations. “Salamat? Pero, hindi ba dapat ay tine-text niya sa akin kung may nangyari sa kaniya? May hindi kasi magandang nangyari kahapon at mukhang sinagot ko siya sa pagkakataon na iyun?”

 

        Ibinaba na ni Angelica ang phone at kinalimutan na ata ang laro. “Ay! Expert ako sa ganyan,” excited na saad niya. “Siguro, wala kayo sa bridge na iyun kaya hindi ka niya ina-update.”

 

        Naguluhan ako sa sinabi niya. “Anong bridge?”

 

        Napakamot si Angelica sa ulo. “Ang ibig kong sabihin, punto ng buhay. Gaya ng, kapag nanliligaw noong mga unang panahon. Pinagsisibak muna ng kahoy, haharanahin, holding hands, halikan, alam mo iyun. May mga ilang araw na pagitan bago magawa ng isang tao ang mga bagay na iyun. Kaya kayo na bago pa, baka wala pa sa punto na iyun.”

 

        “Hindi naman kailangan pagsibakin ako ni Isabela ng kahoy,” kunot-noong sabi ko.

 

        Itinaas ni Angelica ang kaniyang mga kamay at hindi makapaniwala na tiningnan ako. “Look, bigyan mo siya ng oras para i-proseso ang mga bagay-bagay. Maya-maya, siguradong sasabihan ka niya kung ano ang nangyayari. Okay? Maging pasensyoso ka.” Kinuha na niya ang kaniyang phone.

 

        Tumango ako at hindi na masyadong nag-alala. “Naiintindihan ko. Babalik na ako sa mesa ko.” Naglakad na ako pabalik sa mesa ko.

 

Alexander's POV

 

        “Sir, nanganak na po si ma'am,” basa ko sa text ni manang.

 

        Hindi ako nag-reply. Pero masaya ako sa balitang natanggap ko. Walang nangyaring masama kay Natasha sa kabila ng lahat.

 

        “Andito na tayo,” sabi ni Larson matapos niyang ihinto ang sasakyan sa kung saan.

 

        Tiningnan ko ang paligid kung saan niya ako dinala. Ang nakikita ko lang ay isang malaking gate. Nasa loob pa kami ng isang subdivision na hindi ako pamilyar.

 

        “Dito iyung ‘pong’ ng ‘ping’ mo?” tanong ko. Sa salita ko, ‘ping’ ang pinadalang mensahe. At ‘pong’ ay isang hudyat na natanggap ng isang bagay ang mensahe kaya ibinabalik niya ito sa nagpadala. Alam niyo iyung larong table tennis kung saan parang ‘ping’ at ‘pong’ iyung tunog ng bola kapag tinatamaan?

 

        “Oo, dito iyun,” sabi niya habang nagmamasid sa lugar.

 

        Gusto kong tanungin kung paano niya nalaman kung saan galing ang ‘pong’ dahil sumakay kami sa sasakyan at may pinindot siya sa GPS, at pinuntahan lang namin. Base pa sa mga sticker ng sasakyan ni Larson ay may access siya sa mga private spaces sa Rizal kaya nakapasok kami sa subdivision na ito.

 

        ”Marunong ka bang humawak ng baril?” bigla niyang naitanong sa akin. “Or may baril ka bang dala?”

 

        Kumunot ang noo ko. “Nasa sasakyan ko ang baril ko at hindi ko iyun dala palagi,” sagot ko. “Bakit? May papatayin ba tayo?”

 

        “Hindi,” iling niya habang binubuksan ang isang compartment na may dalang baril. “Gusto ko lang na mag-ingat tayo dahil hindi maganda ang kutob ko dito.” Sumenyas siya na kunin ko ang baril.

 

        “Lisensyado?” tanong ko habang sinusuri ang Glock. Tiningnan ko muna kung naka-safety o hindi.

 

        “Oo naman. Tara,” nauna siyang lumabas.

 

        Nang hindi na naka-safety ang baril ay ikinasa ko ito at lumabas ng sasakyan.

 

        “Sabi ko na nga ba,” rinig kong sabi niya nang tumigil siya sa harapan ng gate. “Mauna ka.”

 

        Sumeryoso ako at dahan-dahan na tinulak ang gate saka gumulong sa lupa matapos pumasok. Pagkatapos ay tumingin ako sa paligid kung may dapat ba akong barilin. Wala akong naramdaman na kailangan paputukan.

 

        “Clear?” hindi ko siguradong sabi.

 

        “Okay.”

 

        Dahan-dahan na pumasok si Larson at isinara ang gate. Tumingin ulit ako sa paligid ng pinasukan naming gate. Napakalaki ng bahay pero base sa mga pintura ng bahay at sa mga nangingitim na pader ay masasabi kong napabayaan ang bahay na ito. Mukhang wala ng nakatira dahil wala akong nararamdaman na buhay sa paligid maliban sa aming dalawa ni Larson.

 

        Dahan-dahan ay tumuloy kami papasok ng bahay. Habang naglalakad ay may narinig akong may bagay na bumagsak sa itaas na parte ng bahay. Bigla akong na-alerto at napatutok sa taas. Wala namang sumunod na nangyari pero natigil kami ni Larson.

 

        “Dito ka lang,” sabi ko kay Larson.

 

        Tumango lang siya at pumunta sa safe na lugar. Hawak ang baril ko ay dahan-dahan akong pumasok. Sa loob ng bahay, napakalinis at wala ng mga gamit ang natira. Pero nararamdaman ko na hindi kami nag-iisa ni Larson.

 

        Tiningnan ko muna ang ground floor kung may makikita akong kahina-hinala bago umakyat. Pero since kitang-kita ko naman ang buong ground floor, mukhang wala akong mapapala kapag tumayo lang ako dito kaya umakyat na ako.

 

        Sa panagalawang palapag ay medyo madilim at walang halos makita ang mga normal na tao. Buti na lang at hindi ko iyun kailangan dahil mas nakakakita ako sa dilim, at nararamdaman ko ang paligid lalo kapag ganito.

 

        Medyo mahaba ang hallway ng dalawang palapag. At dalawa lang ang pintuan na nakikita ko. Dahan-dahan na binuksan ko ang kaliwang pintuan. Kaagad akong may nakitang laptop na nakabukas at nasa sahig. Hindi nakaharap ang screen nito sa kinatatayuan ko.

 

        Pinasok ko muna ng tuluyan ang kwarto na ito matapos masiguro na walang sumpresa ang naghihintay sa akin sa likod ng pintuan. Nakapagtataka na may maitim na kurtina ang kwartong ito. Hindi ko alam kung bago ba ito o matagal na itong nandito.

 

        May isa pang pintuan sa loob ng kwarto at palagay ko'y ito iyung banyo. Muli, siniguro ko na walang sumpresa sa likod ng pintuan na ito at binuksan ko. Sa loob naman ng banyo ay may bagay na nakapulupot sa bathtub. May naamoy din ako na hindi maganda kaya alam ko kung anong meron sa nakapulupot na iyun.

 

        Kaagad ko namang kinalimutan ang kwartong ito at pumunta sa isa pa. Sa kwartong ito ay napakaliwanag dahil sa walang maitim na kurtina. Wala namang kahit ano sa kwartong ito pero pagkapasok ko sa banyo ay may bagay din na nakapulupot dito. Ibinaba ko na ang baril. Kung sino man ang narito sa bahay na ito ay nawala na.

 

        Tumingin ako sa bintana na walang kurtina. Mula sa kinatatayuan ko ay made-deduce ko kung paano nakataas ang tao na nandito kanina. May backdoor din ang bahay na ito at posibleng doon dumaan ang tao.

 

        Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang mga pulis para imbestigahan ang crime scene. Napansin ko naman si Larson na parang kakaiba ang kinikilos.

 

        ”Okay ka lang?” tanong ko dito.

 

        “Yeah, okay lang,” sagot niya. “Hindi lang ako makapaniwala sa nangyari. Iyung laptop pala na nakita mo, hindi natin makukuha iyun dahil-”

 

        “Pamilyar ako sa police procedures,” putol ko. “Mauna na muna ako sa sasakyan para magpahinga.”

 

        “Sige, sige. Dito lang ako para kausapin iyung namamahala para mapabilis iyung pagkuha natin sa laptop.”

 

        Tinapik ko lang sa balikat si Larson saka naglakad sa sasakyan. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kaya ganoon ang kinikilos ni Larson. Baka unang beses lang niya makakita ng bangkay sa buong buhay niya. Para siyang, shocked.

 

        Nang nakapasok ako sa sasakyan, isang napakagandang swerte ang nangyari. Naiwan ni Larson ang kaniyang phone. Dahil sa hindi ako tuluyang nagtitiwala sa kaniya, nilagyan ko ng bug sa system ang phone niya. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa gumawa ng smart phones. Napaka-convenient nga sa mga user, pero convenient din sa mga katulad ko na may neutral na gawain.

 

        Ang bug na nilagay ko ay kokolektahin nito ang mga ginagawa ni Larson sa kaniyang phone. Nilimitahan ko lang ito sa mga pagpapadala niya ng mensahe at sa mga tawag niya. May problema nga lang sa bug ko. Kapag hindi ito nakakakonekta sa internet ay maiipon lang sa loob ang data nito. Ibig sabihin, medyo bababa ang available space ng phone ni Larson dahil sa mga gagawin niya assuming na hindi siya kokonekta sa internet. Kapag tiningnan niya ang storage ng kaniyang phone, magtataka siya kung bakit may isang bagay na malaki ang kinukuhang space pero hindi niya ito makikita. Pero dahil sa linya ng mga gawain ni Larson, imposibleng hindi siya kokonekta sa internet. Sa oras na kumonekta siya sa internet ay dahan-dahan naman ita-transfer ng bug ang mga nakuha nitong data sa akin. Bababa ang okupado nitong space at magiging handa na naman ito para makulekta, hanggang sa may gawin ako para mawala siya ng permanente, pagkatapos ng lahat.

 

        Nang ibinalik ko na ang phone niya ay sakto naman na bumalik na si Larson. Kaagad namang tumunog ang phone niya pagka-upo niya sa driver's seat. Tiningnan naman niya ang dahilan ng notification.

 

        ”Didiretso na pala ako sa isang ospital sa Maynila,” sabi niya habang sinusuot ang seatbelt. “Ibababa ba kita doon kila sir Henry?”

 

        “Hindi na,” sagot ko. “Sa Maynila din naman ang punta ko.”

 

        “Okay.”

 

        Sa kalagitnaan ng byahe, hindi ko maalis sa utak ko ang bahay.

 

        “May significance ba iyung bahay sa kaso?” bigla kong naitanong kay Larson.

 

        “Yeah,” sagot niya. “Bahay iyun nung kaibigan ni Aulric. Si Shai. Ilang buwan pagkatapos mamatay ni Shai, allegedly nagpakamatay iyung Papa niya.”

 

        Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Allegedly?”

 

        “Ang hinala kasi ng mga pulis ay may foul play na nangyari dahil sa ilang ebidensya. Walang suicide note na nakita, huling habilin o kahit ano. Hinala pa ng mga pulis, baka kagagawan ng kapatid niya pero hindi naman napatunayan iyun. Nasa Bicol nakatira iyung kapatid niya kaya imposible daw na may kinalaman ito sa mga nangyayari. Pero dahil sa kakulangan ng ebidensya, ni-rule out na suicide ang nangyari,” paliwanag niya.

 

        “Well, may mga tao naman talaga na nagpapakamatay ng walang suicide note. Iyun iyung mga taong walang-wala na sa buhay.”

 

        “I don't know kung considered iyung Papa ni Shai na walang-wala. Stable naman daw ang business ayon sa mga malalapit sa kaniya. Pero tingin ko, nang na-realize niya na kahit gaano karami ang pera niya, kung wala naman ang anak niya, hindi siya magiging masaya. Kahit na parang ginawa niya itong bargaining chip sa pamilya ni Andrew.”

 

        “So saan na napunta ang pera niya?”

 

        “Hindi ko na alam iyan, Alexander,” natatawang iling ni Larson. “Pero baka nasa kapatid niya, ewan ko.”

 

        Ilang oras ang nakalipas, hapon na nang nakarating na din kami sa isang ospital. Incidentally, ito iyung ospital na pagdadalhan ni Natasha kung manganganak siya.

 

        “Pasensya na pero hanggang dito lang ako, Alexander,” sabi ni Larson habang inaalis ang seatbelt. “Nagmamadali kasi ako.”

 

        “Okay lang, okay lang. Kaya ko naman mag-taxi,” tugon ko habang hinuhubad din iyung seatbelt ko.

 

        Kapwa lumabas na kami ng sasakyan.

 

        “Ipapadala ko na lang sa email mo kung ano ang mahahanap ko sa laptop once na na-process na iyun ng mga pulis,” sabi niya. “Pasensya na talaga. Aalis na ako.” Halos patakbo siya na pumasok sa ospital.

 

        “Okay lang! Maghihintay ako!” sigaw ko. “Ingat ka pre!”

 

        Nag-thumbs up lang sa akin si Larson.

 

        Gabi na nang nakarating ako sa building ng mga Bourbon. Ilang oras pa at uwian na ni boss Aulric. Nag-text ako kay Randolf na kinuha ko ang gamit ko na iniwan ko sa sasakyan. Sabay dumiretso ako sa condo ni boss Aulric para ituloy ang isa ko pang trabaho. Nanlaki naman ang mata ko sa natuklasan ko ngayong gabi.

 

Jin's POV

 

        Matapos masiguro ang reservation ko sa isang restaurant, nag-text ako kay Jonathan para malaman niya kung saan kami magkikita.

 

        Sumapit na ang gabi at nagsimula na ang aking paghihintay. Hindi ako nagpaalam sa kaniya dahil makikita ko naman siya ulit dito. Iyun ay kung darating siya.

 

        Maya-maya ay dumating din si Jonathan. Matapos ituro sa kaniya ng waiter kung asaan ako, naglakad siya palapit sa akin. Pero hindi siya nakangiti.

 

        “You came,” sabi ko nang malapit na siya sa mesa. Akmang tatayo ako nang sumenyas siya na siya na ang bahala sa sarili niya.

 

        “At nagbago nga ang isip mo na makipag-date sa akin,” tugon niya habang tinulungan ang sarili sa isang upuan na katapat ko.

 

        Tiningnan ko ang kabuuan niya. “You look, great.” Number one, magbigay ng compliment sa ka-date mo. Kahit na naka-suit lang si Jonathan palagi kapag pumapasok.

 

        “Jin, alam mong-” Tumigil si Jonathan saglit at humugot ng malalim na hininga. “Thank you. Ikaw din, Jin. Kahit na hindi ka nagpalit ng damit.”

 

        Pagkatapos mag-order, hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Mag-uusap ba kami habang kumakain? Ano naman ang pag-uusapan namin? At habang nag-iisip, nakatingin lang ako kay Jonathan.

 

        “Damn! Mukhang first time mo talaga!” nasabi ni Jonathan habang sumusubo ng pagkain.

 

        “Paano mo nasabi?” kunot-noong tanong ko habang sumusubo.

 

        “Well, nakipag-date ako, once. At, nakatingin lang ako sa ka-date ko thinking, paano ko kaya napapayag na makipag-date ang taong ito sa akin,” paliwanag niya. “Ganoon ba ang nangyayari sa iyo?”

 

        Napailing ako at sumubo ulit. “Jonathan, alam ko naman na pupunta ka since ikaw ang unang nagyaya. But the actual thing about this date, hindi ko alam kung paano ito i-progress.”

 

        Tinuro ako ni Jonathan tapos pati rin siya. “This is progress. I think.”

 

        “Hindi ka ata sure.”

 

        “Well, depende iyun sa tao. For me, this is progress na nag-uusap tayo tungkol sa mga bagay-bagay. But for you, progress ba ito para sa iyo?”

 

        Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa pagkain. “I don't know. Sa tingin ko kasi, hindi ka nag-e-enjoy sa date na ito.”

 

        “True, hindi ako nag-e-enjoy,” prangka niyang sagot. “Actually, high-end restaurant was not on my mind para sa first date natin. Gusto ko sa fast food because I crave something greasy. At, gusto ko na kumain kasama mo. But, oh well. This counts.”

 

        “Ano ba ang problema mo sa mga high-end restaurant?” tanong ko sabay subo ulit.

 

        Tumaas bigla ang kilay ni Jonathan na para bang hinahamon ko siya sa isang paliksahan. “The cost-benefit thing. Jin, kita mo naman sa pagkain natin na ang konti. Hindi ako nasisiyahan sa ganito. Tapos ang laki-laki pa ng babayaran natin dahil sa ambiance.”

 

        “Pero wala kang problema kapag kasama ang mga kliyente natin?”

 

        “Because we have to make an impression to them,” paliwanag niya sabay subo. “And the money we bought for the ambiance is so worth it.”

 

        Napangiti lang ako sa sinabi niya.

 

        “Ngumingiti ka diyan?” tanong niya bago siya uminom ng tubig.

 

        “Because, nag-e-enjoy na ako. This is like any of our lunch time chats. Nag-uusap tayo tungkol sa mga bagay-bagay.”

 

        “I'm glad na na-e-enjoy mo ang company ko. But Jin...”

 

        Nakatingin lang ako sa kaniya nang hindi na siya nagsasalita. Parang may gusto siyang sabihin.

 

        “Never mind,” iling ni Jonathan. “Also, please. Huwag mong gamitin ang tunay kong pangalan kapag hindi lang tayong dalawa. Nakakatuwa na marinig mula sa labi mo iyung pangalan ko.”

 

        “I understand, (pekeng) Aulric. So I was thinking, may gagawin ka ba bukas? May musical akong papanoorin at gusto kitang imbitahan na manood kasama ko.”

 

        “Oo naman. Available ako palagi para sa iyo.”

 

        Halos matapos na namin ang pagkain nang tumunog ang phone ni Jonathan. Sinagot naman niya ito sa harapan ko.

 

        “Hi, direk.” Tumango-tango siya pero dahan-dahan na napunta sa neutral na reaksyon ang mukha niya. “Hindi pumunta si Zafe?” Tumango ulit siya. “But is everything okay? I see. I let him know.”

 

        “Zafe?” tanong ko. “Wow. I never knew na nag-uusap kayo outside of our gaming session.” Bigla akong may naramdaman na masama sa salitang binitawan ko.

 

        “We barely spoke to each other. Hindi ko nga pina-follow iyung mga social media account niya,” paliwanag ni Jonathan habang may tinatawagan pa sa phone. “Tsaka, that was a director. Si Zafe kasi, gusto gawan ng pelikula ang buhay nila ni, alam mo na kung sino. Ni-refer ko siya sa isang producer at nagustuhan ito ng producer.”

 

        “Did it end badly?” mapait na tanong ko.

 

        “Honestly Jin, hindi ko nakita ang draft niya,” naisagot na lang niya. “Colette, hi.”

 

        “Excuse me, pupunta lang ako ng comfort room,” paalam ko.

 

        Hindi na ako lumingon pa kung ano ang reaksyon ni Jonathan nang bigla akong nagpaalam. Pumunta ako sa comfort room para hugasan ang aking kamay. Nang natapos na akong maghugas ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakaramdam bigla ako ng galit pero pinipigilan ko ang sarili ko. Sinasabi ko pa sa sarili ko na, this is Jonathan. Not Aulric. They are different. Mag-usap sila ni Zafe, okay lang iyun.

 

        Gusto kong suntukin ang salamin. This is Jonathan. Not Aulric. They are different. Mag-usap sila ni Zafe, okay lang iyun. This is Jonathan. Not Aulric. They are different. Mag-usap sila ni Zafe, okay lang iyun. This is Jonathan. Not Aulric. They are different. Mag-usap sila ni Zafe, okay lang iyun.

 

        Nakarinig na lang ako ng katok. Pinunasan ko lang ang kamay at naghilamos ng kaunti. Pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ni Jonathan.

 

        “Hey, ang tagal mo na diyan. Nag-alala tuloy ako na baka tinakasan mo na ako.” Nakita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.

 

        Bigla na lang akong naawa sa kaniya. “I'm sorry. Marami lang akong na-unload.”

 

        Bahagya naman siyang ngumiti. “Okay. Ako naman ang mag-CR.”

 

        Nang pumasok siya sa CR, bumalik ako sa mesa namin. Tiningnan ko ang upuan na inokupa ni Jonathan kanina. Nakikita ko pa dito iyung pag-uusap nila ng direktor. This is Jonathan. Not Aulric. They are different. Mag-usap sila ni Zafe, okay lang iyun.

 

        Tinawag ko ang waiter para sa bill namin. Binayaran ko na ito habang wala pa si Jonathan. Nang bumalik na siya ay niyaya ko na siyang umalis.

 

        “By the way, pinauwi ko na si Randolf,” sabi niya habang papunta kami sa parking lot. “Mukhang masama ang pakiramdam dahil hindi pumasok si Isabela.”

 

        Napangiti lang ako. “Then, ihahatid na kita.”

 

        Hindi na siya pumalag nang pinagbuksan ko siya ng sasakyan. Ako pa nga mismo ang nag-ayos ng seatbelt niya.

 

        “Thank you,” nasabi na lang niya.

 

        Nang pumasok na ako sa driver's seat ay tumunog ulit ang phone ni Jonathan. Nakita ko naman sa screen siya ang litrato ni Alexander pero pinatay niya ang phone.

 

        “That was Alexander. Bakit mo hindi sinagot?” tanong ko nang nag-drive na ako paalis ng lugar na iyun.

 

        “May away kami. Biruin mo, iniwan ako para lang imbestigahan iyung nangyari kahapon,” naiinis na paliwanag niya. “At ang kapal ng mukha niya. Humingi ba naman ng raise kay sir Henry para lang iwanan ako.”

 

        Nag-alala ako sa kaniya habang dahan-dahan akong nagda-drive. “Bakit? Nasa panganib ba ang buhay mo kaya kailangan mo siya?” Bigla na lang lumakas ang pagbagsak ng ulan.

 

        “Wala naman. Pero sana naman, sa akin na lang sana siya humingi ng raise para lang imbestigahan ang bagay na iyun. Parang ang labas kasi sa akin ay kulang pa ang pinapa-sweldo sa kaniya. Kaya nayamot ako. Hindi kami bati ngayon.”

 

        Habang nagpapaliwanag si Jonathan ay bigla kong naalala iyung mga nangyari kay Zafe at Aulric. Sabi nila, malakas ang ulan noon at mabilis ang takbo ng kotse ni Zafe. Hanggang sa may biglang nagpakita sa kanila na sasakyan at nadisgrasya sila. Kaya dahan-dahan kong pinapatakbo ang sasakyan.

 

        Tumingin ako kay Jonathan na mukhang umidlip na muna. Mukhang kailangan kong bumili ng headrest para maging komportable siya.

 

Alexander's POV

 

        Nasa sala ako sa condo ni boss Aulric at nakatingin sa laptop. Tumawag ako dahil may sasabihin ako sa kaniya. Kumunot naman ang noo ko matapos ibinaba ni boss Aulric ang tawag ko. Kasabay nito ay bumukas ang pintuan sa condo at niluwa nito si Randolf. Si Randolf lang.

 

        “Ikaw lang?” naitanong ko habang dahan-dahan na ibinaba ang monitor ng laptop ko.

 

        “Oo,” sagot ni Randolf na tuluyan ng pumasok at dumiretso sa kwarto namin. “Nag-date sila boss pekeng Aulric at Jin kaya nauna ako. Mukhang magpapahatid siya kay Jin.”

 

        Napansin ko naman na medyo mababa ang sigla ni Randolf sa kinikilos nito habang pumapasok. “May nangyari ba? Parang may ka-date ka ata na hindi sumipot.” Sumunod ako sa kwarto at naabutan siyang nagbibihis. Lumabas naman ako nang akmang huhubarin na niya ang pantalon niya.

 

        “Hindi nagparamdam si Isabela ngayon,” sagot niya.

 

        Nakagat ko lang ang ibabang labi ko. “Ohh! Hindi magandang simula iyan. Kayo na hindi ba?”

 

        “Oo,” mahinang boses na sabi niya.

 

        “Just give it time,” sabi ko habang nakatitig sa bahagyang sarado na laptop. “Hindi naman instant ang pagbabago ng relasyon ninyo.”

 

        Lumabas si Randolf at nakapambahay na siya. “Magluluto na ako ng pagkain.”

 

        Hinayaan ko lang si Randolf na pumunta sa kusina. Paano ko ba ito sasabihin sa kaniya? Paano ko sasabihin sa kaniya na huwag na lang niya ituloy ang nararamdaman kay Isabela? Masasaktan siya, alam ko. Pero wala akong magagawa. Mukhang seryoso na siya sa relasyon nila pero ang manggagago lang ay kami.

 

Jin's POV

 

        Nakarating na ako sa parking lot ng building na tinutuluyan ni Jonathan. Natutulog pa rin siya nang dumating na ako. Bigla ko naman inisip kung gigisingin ko pa ba siya ngayon o mamaya na. May naaalala talaga ako sa kaniya habang nakaganito siya. Kahit alam kong magkaiba sila ni Aulric, nararamdaman ko ang nararamdaman ko noon. Siguro, lahat ay isang anghel habang natutulog. Pero ngayon, mas naaawa ako dahil iniisip ko pa ang mga paghihirap ni Jonathan noon.

 

        May sarili namang paghihirap si Aulric noon. Pero, dahil ba sa mas totoo na ang nararamdaman ko ngayon? Dahil ba sa wala na akong kaagaw?

 

        Bigla naman na-interrupt ang pagtitig ko nang narinig ko ang pamilyar na ringtone na nilagay ko sa impormasyon ni Isaac. Tumunog ang kantang Cough Syrup ni Young the Giant. Dahil sa nangyari, biglang nawala sa pagkakahimbing si Jonathan. Sinagot ko naman kaagad ang tawag.

 

        “Isaac? Bakit?” tanong ko kaagad.

 

        “Jin, sinabi ko ba sa iyo kanina na birthday nung pinsan sa side ng Mama ko?” tanong din ni Isaac. “Diretso akong bumalik papunta sa Rizal para um-attend sa party. Hindi ako nakapagluto kaya, pasensya na.”

 

        Sa gilid ng paningin ko, umayos ng upo si Jonathan habang minumulat niya ang kaniyang mga mata.

 

        “Okay lang. Kumain na ako ng dinner,” sagot ko.

 

        “Okay. Ingat ka.”

 

        “Mag-ingat ka din. Pati ang pinsan ko, ingatan mo,” out of the blue na sabi ko.

 

        Tumahimik naman siya saglit. “Ako pa.” Sabay naputol na ang tawag.

 

        “You do really care about her,” nasabi ni Jonathan pagkatapos ng tawag.

 

        “She is family,” ngiti ko. “I don't know how to be there for her. But this is the least that I can do.”

 

        Lumingon sa paligid si Jonathan. “Nandito na pala ako. Kararating lang ba natin?” Lumingon siya sa akin.

 

        “Yes,” pagsisinungaling ko. “Kararating pa lang natin.”

 

        Mabilis kong natanggal ang seatbelt ko saka pumunta sa pintuan niya at pinagbuksan siya. Saktong-sakto na pagkawala niya sa seatbelt ay makakalabas na siya.

 

        “Pasensya na kung nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe. Medyo napapagod ako lately dahil pino-protektahan ng mga board member ang investments nila. Ayos din ng kumpanya ninyo ano?”

 

        Kumunot ang noo ko. “Hindi ba sinabi ng kompanya na optional iyun kung gagawin niyo o hindi?” Naglakad na kami papasok ng building.

 

        “Yeah, sinabi. But I love the idea. To protect our investment by working with the company too. Ngayon, malalaman namin kung bakit at paano bumabalik ang investments namin.” Biglang naging seryoso ang mukha ni Jonathan. “Although, may rumors akong nakikita sa internet na ikinabahala ko.”

 

        Pumasok na kami sa isang elevator at may pinindot si Jonathan kung saan floor siya nakatira.

 

        “Gaya ng?” tanong ko.

 

        “Lately, may nakakapansin na iyung mga alak niyo at ng alak ng kompanya ni Zafe ay magkakapareho,” paliwanag niya.

 

        “That can't be true. Umiinom din ako sa alak nila Zafe at hindi ko napapansin iyan.”

 

        Bumukas na ang elevator at lumabas kami. “Really? Interesting. Well, baka mga humors lang talaga iyun.”

 

        Huminto na kaming dalawa sa isang pintuan. “Salamat sa paghatid sa akin. Anyway, kita na lang tayo bukas.”

 

        “Magandang gabi,” bati ko sa kaniya. “Kita na lang tayo bukas.

 

        Nagkatitigan lang kami ng matagal. Hinihintay ko na magpaalam din siya sa akin. Pero nagulat ako nang lumapit si Jonathan sa akin at hinalikan lang ako sa pisngi.

 

        “Magandang gabi din sa iyo,” paalam niya saka pumasok sa loob.

 

        Nahawakan ko lang ang pisngi ko. Alam ko ang pakiramdam nang mahalikan ako sa pisngi maliban sa aking mga magulang. Pero parang totoo ito kumpara sa noon na hinalikan ako ni Aulric sa labi. O baka dahil alam kong mararanasan ko ito ulit. Gusto ko ng isa pa. Pero sa susunod na lang.

 

Alexander's POV

 

        Para akong magulang ni boss Aulric kung makapaghintay ako malapit sa pintuan. Nang bumukas ulit ang pintuan ay niluwa nga nito si boss Aulric. Pero pagkasara nito ay sumandal siya sa pintuan habang nakatingin sa itaas. Mukhang may maganda na nangyari sa kanila ni Jin kanina. Pero...

 

        “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” tanong ko sa kaniya.

 

        “Hindi kita nakikita, hindi kita nakikita, hindi kita nakikita,” paulit-ulit na sabi niya na parang dasal para mawala ako sa paningin niya. Tumingin din siya sa akin ng diretso. “Kailangan ko pa bang itanong iyan? Of course, I have to keep appearance na hindi tayo bati.” Kay Jin? Wala ka bang tiwala kay Jin?

 

        Umiling na lang ako. “Anyway, may nakuha ako sa mga bug natin kila Isabela.”

 

        Tumungo na ako sa sala pero si boss Aulric ay nakasandal pa rin sa pintuan. Hinanda ko na ang earphones para ipaparinig sa kaniya ang nalaman ko pero may iba akong nakuha.

 

        “Randolf, hi,” bati ng boses ni Isabela. Parang kakaiba ang boses ngayon ni Isabela.

 

        “Isabela, m-magandang gabi,” bati din ni Randolf.

 

        Lumapit naman si boss Aulric pero sinenyasan ko muna siya na huwag akong abalahin. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at dumiretso siya sa kwarto niya.

 

        “Umm, sinabi sa akin ni Angelica na pumunta ka daw sa opisina ko. Pasensya na nga pala kung...” Parang may hangin na dumaan saglit. “Kung ngayon lang ako nakatawag. Tulog kasi ako magdamag dahil may sakit ako ngayon.”

 

        “Ganoon ba? Pupuntahan kita. May kailangan ka ba?” Napaka-attentive naman ni Randolf.

 

        “Huwag. Nasa Rizal pa ako. Huwag ka ng mag-alala dahil inaasikaso naman ako ng mga parents ko dito.”

 

        “Okay. Pagaling ka. Uminom ka palagi ng gamot para gumaling ka kaagad.”

 

        “Opo. Iinom ako para magkita na tayo. Sige na. Ibababa ko na ang phone dahil medyo inaantok na ako. Good night,” paalam ni Isabela.

 

        “Okay. Magandang gabi din sa iyo,” paalam ni Randolf sa kaniya, at naputol ang tawag.

 

        Walang epekto sa akin ang mga narinig ko. Meron sanang kaunti kung hindi ko lang alam ang totoo.

 

        Sakto na bumalik naman si boss Aulric mula sa kwarto niya at nakapambahay na. Pagkaupo niya sa tabi ko ay binigay ko naman sa kaniya ang earphones at hinanap ang file na ipaparinig ko. At ang pag-uusap ay ganito.

 

        “Isabela, andyan ba si Zafe?” nag-aalalang tanong ni Colette sa phone.

 

        “Huh? Bakit naman iyun pupunta dito sa lahat ng lugar na pwede?” hindi makapaniwalang tanong ni Isabela.

 

        “Seryoso ako Isabela. Pumunta ba siya diyan?” Mukhang hindi maayos mag-isip si Colette dahil may punto naman si Isabela sa sinasabi niya.

 

        “Okay ka lang ba?” naitanong ni Isabela na nag-aalala na din. ”I swear, wala dito si Zafe.”

 

        “Nako! H-Hindi ko siya ma-kontak.”

 

        “Tinawagan mo na ba iyung mga kaibigan niya?”

 

        “W-Wala daw sa kanila. Nag-aalala na ako. Baka may kung anong nangyari sa kaniya matapos iyung nangyari.” Bakas sa boses ni Isabela na nagsisimula na siyang mag-panic.

 

        “Okay, Colette. Calm down. Hahanapin natin siya. Magpapatulong ako sa mga tauhan ng Papa ko kung kinakailangan.”

 

        “May, may alam ka bang lugar kung saan namin siya pwedeng makita?”

 

        “Matapos iyung nangyari, I don't know. Sa puntod ni Aulric?”

 

        “Walang puntod si Aulric. Hindi ba pina-cremate siya ng Papa niya?” halos pasigaw na sabi ni Colette. Mukhang galit pa siya sa suhestyon ni Isabela.

 

        “Okay, okay. Sabihin mo din ito sa mga magulang niya at mahahanap din natin siya. Just stay calm. Huwag kayong magpahalata na nawawala si Zafe.”

 

        “Bakit naman huwag tayong magpapahalata na nawawala si Zafe? Isabela, nawawala si Zafe.” Bakit nga ba?

 

        “Basta. Just follow my instructions. Tatawagan na lang kita kung may balita na ako. Ikaw din. Tawagan mo ako kung may balita ka na.” Naputol na ang tawag dito.

 

        Parang naliwanagan si boss Aulric sa narinig. “Kaya pala hindi sumipot sa meeting niya si Zafe kanina. Hindi pala masama ang pakiramdam niya gaya ng sinasabi ni Colette kanina.”

 

        “May kasunod pa iyan,” sabi ko matapos iparinig sa kaniya ang susunod.

 

        “Hello Colette,” wika ni Isabela.

 

        “Isabela, may balita ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Colette.

 

        “Nakita namin iyung sasakyan ni Zafe malapit sa lawa. Base sa nakita ng mga tauhan namin, mukhang dinukot si Zafe,” matamlay na salaysay niya.

 

        “Ano?! Sino ang dumukot sa kaniya?! Sino?!” sigaw ni Colette.

 

        “Colette, calm down,” sabi ni Isabela na sinusubukan pakalmahin ang nag-aalalang asawa ni Zafe. “Alam namin kung sino ang dumukot kay Zafe. Pero kailangan ay hindi tayo magsumbong sa pulis.”

 

        “What?! Hindi magsumbong sa pulis?! Isabela, anong sinasabi mo?! Dinukot si Zafe! Bakit hindi tayo kailangan magsumbong sa pulis?!”

 

        ”Ito iyung gusto nila, Colette. Kaya kailangan ay sumunod tayo,” mahinahon na paliwanag ni Isabela. “Babawiin natin si Zafe. Huwag kang mag-alala. Just, calm down. Huwag muna kayo lumabas ni Felric ng bahay at doon muna kayo sa Rizal mag-stay. Sa bahay nila, okay?”

 

        “Okay, okay.” Naputol na ang tawag ng dalawa.

 

        “I assume na hindi maganda iyung huling advice ni Isabela sa kaniya. Swerte lang tayo kaya naririnig natin ang usapan ng dalawa ay dahil dumiretso sila Colette sa Maynila,” nasabi ni boss Aulric.

 

        “Anong gagawin natin? Baka may mga leads tayong makuha doon,” komento ko. “Baka makakuha tayo ng mga kakampi sa mga taong dumukot kay Zafe.”

 

        “Alexander, hindi ako magtitiwala sa mga taong dumudukot ng kapwa tao,” sagot ni boss Aulric. “Siguro, antayin natin na ma-resolve nilang dalawa ang problemang ito. I'm sure, hindi nila pababayaan ang isang importanteng tao na katulad ni Zafe.”

 

        “Kung iyan ang gusto mo.” Gusto ko pa naman makialam sa mga nangyayari kay Zafe.

 

        “Iyung assignment na pinapagawa ni Papa, ano nangyari doon?” tanong ni boss Aulric.

 

        “Alexander, nakapagluto na ako,” tawag ni Randolf mula sa kusina.

 

        “Ako, kasama ba ako sa mga pinagluto mo?” sigaw din ni boss Aulric.

 

        “Pero lumabas kayo ni Jin,” halos sabay namin na sabi ni Randolf sa magkaibang lakas ng boses.

 

        ”Busog lang ako sa mga ngiti ni Jin. Hindi ang tiyan ko,” sagot ni boss Aulric. “Tara. Kumain na muna tayo.”

 

ITUTULOY...


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails