Followers

Tuesday, September 8, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 14


 

XOXO

Keith and Kibo

Chapter 14

SI KEITH

Nasa tapat lang ako ng kwato na yun sa loob ng bahay nila Kibo, thier house is so big. Di ko akalain na ganito sila kayaman. Damn it! Pano pa kaya yung bahay ng bwiset na octopus na yun. I Know Fgc is so big compare sa company ni Daddy na baka wala pa sa kalahati. Big deals, big project all goes to Fgc. Halos lahat ata ng kasabayan ko mag exam wants to work with them.

Ano laban ko sa bwiset na yun, kung ako din magulang ni Kibo mas pipiliin ko si Allen.

Pinihit ko yung doorknob saka pumasok sa kwarto na yun.

Pinagmasdan ko lang yung loob nito hanggang makita ko yung picture nilang dalawa ni Kibo.

" Cute na pala sya dati pa." simangot ko.

" What are you doing here?" rinig kong saad sa pinto, automatiko naman akong napalingon dito. It's allen's voice. " Ano ginagawa mo sa kwarto ni Neko?"

" I'm just curious about him."

" Why?"

" Nakwento sakin ni Kibo na sobrang umiyak sya nung nalaman niyang wala na yung kuya niya, I can actualy feel his pain habang nagkwekwento about his Kuya." saad ko saka umupo sa kama. Kita ko naman na pumasok sya saka sinara yung pinto. " Medyo madami na din akong alam about Neko, so I'm curious."

" He loves him, so much." saad niya, marahan naman akong tumango.

" Mukha nga, Sabi ni Kibo, he is his hero." ngiti ko sa kanya.

" Yeah."

" Pero namatay yung hero niya na walang kalaban laban, died in his sleep? How ironic." ngiti ko, kita ko naman na napalunok sya. Tumayo lang ako mula sa kama saka humakbang papalapit sa kanya, kita ko lang yung pagkataranta sa mata niya ng mga oras na yun hanggang magtapat kami.

" W-What are you doing?" nauutal na saad niya hanggang ilapit ko yung mukha ko saka pinagmasdan yung bawat sulok ng mukha niya. Kita ko yung pagtulo ng pawis sa noo niya kasabay ng paglunok.

Ano ba pwede ko tandaan sa mukha niya, kabiwset baka makasalubong ko sya tapos hindi ko makilala.

"Magkatabi tayo matutulog di ba? You can have me, basta akin si Kibo." ngiti ko sa kanya pero isang sarkastikong ngisi lang yung sagot niya saka ako marahang tinulak. " Ayaw mo ba?"

" You're not my type, sorry." kibit niya ng balikat saka ako nilampasan at umupo sa kama.

" I saw some sexual tension there." ngiti ko sa kanya.

" Aw really, Then let me try it." saad niya saka nakangiting lumapit sakin, naapaatras naman ako ng magtapat kami pero hinawakan yung damit ko saka ako hinila.

" Lumayo ka." gigil na saad ko pero napalunok lang ako ng ilapit niya yung bibig niya sa pisngi ko, nakagat ko lang yung labi ko ng maramdaman yung init ng hininga niya sa balat ko. " This what you call, sexual tension." bulong niya na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko kaya agad ko syang tinulak.

" Hayop ka ah!" Asik ko sa kanya.

" I think you never experience having sex with a guy?"

" Why?"

" Well you're attractive so I guess it's normal for me to feel some sexual tension, im not a stone you know." ngiti niya.

" You're attracted to me?"

" No, what I am saying is that you are attractive."

" So attracted ka nga sakin."

" No, I'm attracted to Kibo but I can possibly feel sexual tension to everyone if they are attractive. I think it's normal for our body to feel that way specially if two body become so close to each other." ngiti niya, sinimangutan ko naman sya.

" Whatever, si Kibo akin sya kaya pwede ba magparaya ka nalang?"

" Ayoko." ngiti niya, inis naman akong umiwas ng tingin. Nakakabwiset talaga sya kapag nakangiti. " Anyway, dito daw tayo matutulog sabi ni Tita Samantha."

" here?"

" Yeah."

" Pwede ba sa tabi ako ni Kibo?" ngiti ko.

" Sure, susumbong nalang kita kay Tito ben."

" Sumbungero." asik ko sa kanya.

" Why do you like Kibo, I heard from Queenie that this is the first time na nagkagusto ka sa lalake."

" I like him, no I love him."

" Why?"

" I don't know, at wala kang paki."

" Mahal ko si Kibo." seryosong saad niya saka kinuha yung picture sa side table ng kama. " Do you think it's too much to ask you to just let him go?" lingon niya sakin. " Mas nauna naman ako sayo, pwede bang akin nalang sya, I really love him and gusto ko sya makasama habang buhay."

" Kung makapagsalita ka, kala mo ako yung kontrabida." simangot ko sa kanya. " Di ako mabait katulad mo, di kasing yaman, fine mas may itsura ka pero marunong din ako magmahal, kaya ko din ibigay yung love na kaya mong ibigay. Pinakawalan mo sya dati, pinili mo yun at wala akong kinalaman sa desisyon na ginawa mo so bakit ako yung magpaparaya?"

" Kasi una syang naging akin?"

" Sorry nalang, pinakawalan mo eh."

" Keith, I know ikaw yung mahal niya at sabi mo din mahal mo sya pero kaya mo bang panindigan? Hanggang kailan? Kinilala mo man lang ba sya? What is his favorite food, what is his favorites? Do you know what is his obsession? I know everything about him at tingin ko lamang ako sa bagay na yun."

" I have a lifetime to know everything about him." ngiti ko. " Wag mo problemahin yun."

" Pero."

" I think wala tayong dapat pag-usapan at ayoko din kausap ka eh, labas muna ako. Punta ako kay Kibo."

" Wait." saad niya ng hawakan ko yung doorknob.

" What?" lingon ko.

" Lalaban parin ako, aagawin ko sya sayo." seryosong saad niya.

" I think mas dapat matakot si Kibo kaysa sakin."

" What do you mean?"

" There is a difference between sexual tension and feeling cornered, the latter one is what I felt awhile ago while you felt the sexual tension right? I think I'm too handsome for you to handle."

" What?" Maang niya. " What are you talking about?"

" Baka kaysa agawin mo si Kibo sakin ay ako yung agawin mo kay Kibo. Dude, wala tayong chance okay pero kung kailangan isakripisyo ko yung katawan ko para tigilan mo si Kibo, baka pag isipan ko." ngiti ko sa kanya, kita ko naman yung sama ng tingin niya sakin. " That's right, do that face kapag ako kausap mo. Wag kang ngiti ng ngiti, hindi ako na-iinlove sa ganun." kindat ko sa kanya saka lumabas ng pinto.

He can be an easy target, poor Allen.

Nakita ko lang yung Mommy ni Kibo na paakyat sa hagdan, Inantay ko lang tong makaakyat hanggang magtama yung mata namin. Nilagyan ko naman ng ngiti yung labi ko saka marahang tumango.

" Dyan kayo matutulog ni Allen sa room ni Neko, okay?"

" Okay po." ngiti ko, marahan naman tong tumango saka naglakad papunta sa isang kwarto, muli ko naman binuksan yung pinto.

Nakita ko lang si Allen na walang pang itaas habang hawak yung isang tshirt.

" Why?" tanong niya saka humarap sakin. Halimaw na katawan yan!

Napailing lang ako sa inis, Shit kung lalake lang talaga yung gusto ko baka isa ako sa nakipag agawan sa letseng to eh! Ang sarap itapon sa blackhole!

" You're sexy at di nakakatuwa kaya pwede magbihis ka?" simangot ko sa kanya, nagsuot naman sya ng tshirt. " Sino ba nasa labas, bakit ka bumalik."

" Wala, wag kang maingay huh. Pupunta ako sa kwarto ni Kibo."

" At tingin mo papayag ako?"

" Shut up." simangot ko hanggang maramdaman ko yung pag galaw ng doorknob, nagkatinginan naman kami ni Allen hanggang bumukas to at sumilip yung ulo ni Kibo.

" Shhh." lagay niya ng daliri niya sa bibig niya. I really miss his face, kung alam lang niya na minu minuto ko tinitingnan yung picture niya para lang di ko makalimutan, kikiligin maski bunbunan niya.

Bakit ba ang pula ng lips niya, nakakainis simula nung makita ko sya kanina parang gusto ko na sya agad halikan.

" Wag kayong maingay huh."

" Kibo, ayoko ng thressome, kokotongan talaga kita." asik ko sa kanya, kita ko naman yung sama ng tingin niya sakin.

" Kagatin kita jan eh, tara. Dun tayo sa rooftop. Kuya Allen let's go."

" Bakit kasama sya?"

" Tara na, wag kayong maingay." hila niya sakin, naramdaman ko naman na sumunod si Allen.

Napangiti lang ako ng makita yung pagkakahawak niya sa kamay ko, pati lambot ng kamay niya namiss ko, bwiset! Naapektuhan kaya ako ng radiation?

Pag akyat namin sa rooftop nakita ko lang yung dalawang tent na malaki at isang mesa na may apat na bangko. Sa gilid nito ay may kung ano anong snack at bote ng alak.

" Andito na sila?" saad ni Queenie na lumabas ng tent. " My tent is so beautiful."

" Wait kay Queenie yung isa, yung isa sating tatlo?" kunot ang noong tanong ko na nakaturo sa mga tent, marahan naman na tumango si Kibo. " Sabing ayoko ng thressome di ba?"

" Edi kami nalang ni kibo." ngiti ni Allen, gigil ko naman syang tiningnan. Sasalita pa tong bwiset na to eh! " Uhm kibo, sinuot ko pala yung damit ni Neko."

" Okay lang kuya Allen."

" Pwede bang drop the kuya na?"

" Pero."

" Nanliligaw na ko sayo oh?"

" No, kuya pa din itawag mo sa kanya." simangot ko.

" Okay Allen, Allen." ngiti ni Kibo.

" Thanks Kibo." saad ni Allen saka ako nilampasan.

" Shit ka talaga eh noh." simangot ko sa putek na minions na to.

" Love you." bulong niya.

" Let's go, alak na alak na ko." saad ni Queenie. " Umiinom ka neto Allen?" taas ni queenie ng red horse.

" Yeah."

" Grabe, ang simple ng suot mo pero para ka pa ding yayamanin." ngiti pa ni Queenie.

" Mukha din naman akong yayamamin di ba?" lingon ko kay kibo pero nag kibit lang sya ng balikat saka natawa.

" Tara na." hila niya sakin hanggang umupo kami.

" Simula nung nawala kuya mo, natuto ka na uminom." saad ni Allen kay kibo.

" Pag cute daw kasi, dapat marunong uminom." ngiti niya, Pacute ding tong minions na to eh kainis!

" Wag ka ngang magpacute." asik ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

" Lahat naman tayo umiinom ng beer right?" ngiti ni Kibo, tumango lang ako. " Yan lang naipuslit namin ni Queenie, magagalit si Mommy."

" Make sure lang na di ka malalasing, nang re-rape ka kapag may tama ka na eh." simangot ko, napatingin naman si Queenie at Allen kay Kibo. " Why?"

" Di ba wala pang nangyayare sa inyo?" tanong ni Allen, kita ko naman na namula si Kibo.

" Yeah."

" Wala pa ngang nangyayare pero ngayon gustong gusto ko na, kaya Kibo be ready kasi papagurin kita." ngiti ko.

" That is so gross kuya, may girl kaya kayong kasama." irap ni Queenie.

" Ay sorry."

" Dapat pala sinubukan ko na may mangyare satin nung nakita kitang tiningnan yung katawan ko nung nakahubad ako pagkatapos maligo." saad ni Allen na nakatingin kay Kibo.

" Kuya Allen, I mean Allen." ngiwi niya, well sa bagay na yun, nakakaproud tong minions na to. Nakita ko yung katawang ng octopus na to at hindi biro yung ganda ng katawan niya. Tanginis, gwapo na pati katawan olats pa din ako! Kahit saang banda ata lamang sya sakin.

" May abs sya Kibo?" ngiti ni Queenie.

" Meron." tango ni Kibo, sinipa ko naman yung paa niya sa ilalim ng mesa. " Ouch!"

" Kuya walang sakitan!"

" Wag na wag mo sinasaktan si Kibo, magkakasubukan tayo." seryosong saad ni Allen na ikinasimangot ko. " Saka may abs naman talaga ko, ikaw meron ba?"

" Ayiee gusto niya makita, Kibo itong allen mo tingin ko type din ako eh."

" In your dreams." asik niya saka uminom sa beer sa harap niya, nang magtama yung mata namin ay dumila lang ako sa kanya. Akala niya di ko naramdaman na kahit type niya ko, Napakagwapo ko talaga.

Nakita ko naman na uminom si Kibo ng beer saka seryosong tumingin kay Allen.

" Kuya Allen, You know naman na I like Keith di ba?" saad niya.

" See, ako gusto niya." ngiti ko.

" I know, pero please give me a chance?"

" Ako na pinili eh, bakit bibigyan ka pa ng chance."

" Shut up kuya."

" Dad ask me to give you a chance, so susubukan ko."

" What do you mean?" lingon ko sa kanya.

" Shut up kuya, makinig ka muna!" saad ni Queenie, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. Malamang si Allen ang gugustuhin ng parents nila, gwapo , mayaman, may napatunayan na at higit sa lahat, family friend pa.

Ano ba gagawin ko para magpa good shot sa parents ng minions na to?

" Bibigyan mo ko ng chance?"

" Chances." ngiti ni Kibo. " 3 dates, make me fall in love using 3 chances or 3 dates."

" What the hell! Sa harapan ko pa talaga huh!?" inis na saad ko.

" Keith, Ikaw yung gusto ko pero tama si Daddy. What if, mahal ko pa pala si allen. Nabubulag lang ako kasi nasa isip ko na ikaw lang yung gusto ko. Saka nagtataka din ako sa sarili bakit gusto kita eh sama sama ng ugali mo." nguso niya, sinimaan ko lang sya ng tingin. " Gusto ko bigyan ng chance si Allen, Wala pa naman tayong relasyon saka wala pang nangyayare satin so I think pwede ko pa syang bigyan ng chance."

" Damn it!" inis na saad ko, kita ko naman yung ngiti ni Allen kay Kibo.

" Thank you."

" So meron tayong 3 dates."

" Yeah, okay after ng tatlong date na yun at tingin mo si Keith parin. Tatangapin ko na, hindi ako mangugulo, magpaparaya na ko."

" See Kuya, maganda tong idea ko di ba." saad ni Queenie.

" Ah ikaw nakaisip nito?"

" yeah, ang bright ko noh?"

" Whatever."

" So keith payag ka ba?" lingon ni Kibo sakin.

" Pano kung sabihin kong hindi?"

" Itutuloy ko pa din?" ngiti niya.

" Loyal daw?" pang uusig ko sa kanya.

" Please, 3 dates. Kapag walang nangyare sa tatlong chances ko na yun. Sayong sayo na si Kibo."

" Mangyayare? You mean sex?" maang ko.

" I mean kung hindi sya nainlove uli sakin?"

" Pano kung magsex na kami?" deretsong tanong ko sa kanya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya saka tumingin kay Kibo.

" That's fine with me, mahal ko si Kibo kahit anong mangyare. Kahit magsex pa kayo o hindi."

" Sex talaga topic niyo, kahit nandito ako?" simangot ni Queenie.

" I think mas okay siguro na rin yun, You'll have sex with him, and we will do it too. Para mapadali yung pagdedesisyon ni Kibo." ngiti niya.

" Kuya Allen naman eh."

" Shut up walang sex!"

"Bakit porket ba nakipagsex si Kibo sa iba, mawawala na din yung love mo? Sa sex ba nasusukat ang pagmamahal mo isang tao?"

" of course not!"

" Yun naman pala eh." ngiti niya, nang tingnan ko si Kibo kita ko lang yung pamumula niya. Hang cute niya! pero kapag ako ginagahasa niya mukhang syang uhaw na uhaw na maliit na demonyo. " What do you think Kibo?"

" Bakit may sex pa kasi?" napapakamot na saad niya, Well mukhang ako lang talaga nakakaalam kung gaano sya kawild, sakin lang sya dapat ganun bwiset sya!

" Para malaman mo kung sino yung mas magaling sa kama?" ngiti ni Queenie.

" Shut up Queenie." simangot ko.

" Wala ng sex! Hindi ako makikipagsex sa kanya hanggang di natatapos yung tatlong letseng dates na yan. Okay, so kapag nagsex kayong dalawa, kibo kalimutan mo na ko!" inis na saad ko.

" Wow, all I have to do pala is have sex with Kibo?" ngiti ni Allen, sinimaan ko naman sya ng tingin. " Sabi mo kapag nagsex kami, kalimutan ka na ni Kibo?"

" Bakit pa kasi bibigyan mo sya ng chance?" lingon ko kay Kibo saka uminom ng beer.

" Pumayag ka nalang please?" pilit na ngiti ni Kibo habang deretsong nakatingin sakin hindi ko naman mapigilan titigan yung mukha niya.

Keith kalma, I know gustong gusto mo na papakin yung malalambot niyang labi pero hindi sa harap ng dalawang to.

Damn it kanina ko pa sya gustong gusto halikan, Miss na miss ko na talaga yung mga halik niya. " Please?" saad pa niya, napalunok lang ako.

Keith pigilan mo yung sarili mo!

" Pangako, after nun at walang mangyare. Susuko na ko, just give me a chance." saad ni Allen, pero wala akong paki sa kanya.

Mababaliw ako, kung patayin ko kaya tong dalawa namin kasama para mahalikan ko na sya? Oh shit kapatid ko pala si Queenie.

" Kuya, it's okay. Dito mo rin malalaman kung para talaga kayo sa isa't isa?" saad ni Queenie, kita ko naman yung tingin sakin ni Kibo.

" Please keith?" saad ni Kibo, nilapit ko naman yung mukha ko sa kanya saka sya sinenyasan na lumapit. " Papayag ako, pero akin lang yang lips mo. Wag mo syang hahalikan! damn it I really want to kiss you." bulong ko, marahan naman syang tumango habang may ngiti sa labi.

" Okay payag na si Keith." ngiti ni Kibo.

" Fine." iwas ko ng tingin.

" Thanks Keith." saad ni Allen, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.

" Are you scared ba kuya?"

" No." inis na saad ko saka uminom ng beer, halos abutin din kami ng hating gabi sa pagkwekwentuhan nun hanggang maiwan kaming dalawa ni Allen, si Kibo at Queenie naman ay pumasok na sa tent dahil sa sobrang antok.

Napabuntong hininga lang ako, mukhang bukas ko pa sya mahahalikan ta[os ang masaklap kaming pang dalawa ng bwiset na to ang naiwan.

Nang makitang ubos na yung alak sa baso niya ay sinalinan ko to, napatingin naman sya sakin.

" Keith I don't have any interest in you, zero, wala." saad niya, natawa lang ako. Parang hindi naman yun ang naramdaman ko kanina, tingin ko kapag inakit ko to mahuhulog sya sakin eh. " Naiintindihan mo ba ko?" saad pa niya.

" Okay sige, sabi mo eh." tango ko.

" Good."

" but the sexual tension kanina was really high." kagat labing saad ko saka lumingon sa kanya pero nakita ko lang yung talim ng titig niya sakin.

" Shut up!" gigil na bulong niya.

" Whatever." kibit ko ng balikat saka muling uminom ng beer sa harap ko, tumingala lang ako sa kalangitan at nakita yung ganda ng mga bituin na tumatanglaw samin ng gabing yun.

Parang ang sarap magsex dito.

Sa ilang araw kong hindi nakita yung minions na yun, pakiramdam ko uhaw na uhaw na ko sa kanya.

" Why Kibo?" maya maya ay tanong niya,napalingon lang ako saka nagkibit naman ng balikat. " You're straight, never ka naman daw nagkagusto sa lalake pero panong nangyareng nagkagusto ka sa kanya. Do you think having a girlfriend is much better, normal? mas tahimik?"

Well tama naman sya dun, kung babae naman talaga gugustuhin ko mas hindi kumplikado.

" Being in a same sex relationship is actually harder than you thought, Hindi madali kaya bakit ang tapang tapang mo pasukin yung ganitong kakumplikadong sitwasyon?" tanong pa niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " You can have any girl you want, have a family."

" You know what, at first naguguluhan din ako sa sarili ko. Why all of sudden nagkagusto ako sa lalake which is so weird for me pero parang everytime na titigan ko si Kibo, there is some sorf of connection between us. I don't know what it is basta pakiramdam ko gusto ko sya lagi nakikita."

" Maniwala ka sa hindi, sinubukan ko pigilan yung letseng nararamdaman ko pero nahulog at nahulog parin ako. Ganung lang siguro kacharming si Kibo." ngiti ko.

" I guess so."

" Actually nasabi ni Kibo sakin na okay lang sa kanya na wag ko syang mahalin, magsex lang kami then that's it. He never ask me to love him and somehow, nasaktan ako nung sinabi niya yun." napangiti lang ako ng maalala yung mga pangil ni Kibo. " Para akong sinaksak dito." hawak ko sa dibdib ko.

" You're gay right?" tanong ko sa kanya.

" Yeah, I am only attracted to boys. Kay kibo."

" Is it sad to be gay?"

" Why sad ba si Kibo?"

" Tingin ko, and I hate it. Why people have to be sad for being who they are, why do we live in a world that you can be judge by your sexuality not by your personality, why do people think differently when they hear the word gay. Why the world is so mean, people are so fuck up and I hate them for making Kibo sad." Saad ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. " He is too pure and innocent."

" This world is a cruel place." Sarkastiko niyang saad.

SI ALLEN

Pagpasok ni Keith sa tent ay naiwan lang akong mag isa habang nakatingala sa langit.

the world is not as peaceful as we think. People are dying, there is hunger,some are hurting and crying. there is evil everywhere, they do dominates and that's how cruel the world is.

And sometimes innocent people are the victims.

FLASHBACK - Neko's POV

" Kuya who are they?" tanong ni Kibo, naglalakad kaming tatlo nila Allen nun ng makita namin yung ilang tao na nasa harap ng gate ng bahay namin.

" I don't know." Kibit ko ng balikat, hanggang makarating kami sa gate.

" Kayo ba yung mga anak ni Mr Rodriguez?" tanong nung isa.

" Pasok na kayo." saad ni Allen sa amin.

" Ano po kailangan niyo kay Dad?" Tanong ni Kibo.

" Nagbabasakali kami na wag sana ipasara yung branch sa Trento, mahigit limang taon na kaming nagtatrabaho sa inyo at kung ipapasara yun mawawalan ng hanap buhay yung mga employado dun."

" I'm sorry po, pero wala po silang kinalaman sa kung anong nangyayare sa bussiness ni Mr. Rodriguez. You can call his secretary to set up an appointment so you can talk directly to him." saad ni Allen.

" Why magsasara yung branch dun?" kunot ang noong saad ni Kibo, umiling lang ako.

" Pasensya na po, I'll try to talk to Dad and I'm really sorry po." nakatungong saad ko.

" Pasok na tayo." saad ni Allen. Binuksan naman ng gwardya yung gate para makapasok kami, nang lingunin ko yung mga tao sa gate ay isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.

" Kuya bihis lang ako huh." nakangiting saad ni Kibo saka agad umakyat sa hagdan.

" May alam ka sa problem sa bussines ng Daddy mo?" tanong ni Allen pagpasok namin sa kwarto ko, nagkibit lang ako ng balikat. " I heard from dad na hindi lang sa trento yung magsasarang branches ng resto niyo. Atleast more than five? Madaming empleyado yung mawawalan ng trabaho."

" I actually don't have any idea what is happening, mas may alam ka pa." natatawang saad ko saka pabagsak na nahiga sa kama. " Nalulugi na kaya si Dad? May alam ka pa ba di ko alam?"

" Uhm, meron pero I think wala akong karapatan na magkwento." pilit na ngiti niya.

" Sabihin mo na, I know ayaw lang ni Daddy na pati kami ni Kibo mamoblema."

" Are you sure?"

" Yeah."

" Mr. Trinidad, took a lot of money from your company then dissapeared. From what my dad told me, matagal ng nag eembezzles ng pera si Mr. Trinidad sa kumpanya niyo." napaupo lang ako, Tito Dan is Dad closest friend and partner in his bussines.

" What, are you serious?" di makapaniwalang saad ko, marahan naman syang tumango.

" Yun ang sabi sakin ni Daddy, so there is huge financial problem ngayon ang Daddy mo, at kapag hindi sya nakahanap ng investor ay isa isang magsasara yung mga resto niyo for lack of funds. I think masyadong nagtiwala yung Dad mo that results in having no fraud prevention plan."

" Bakit ginawa yun ni Tito Dan?"

" Para sa pera? Worst case scenario is magfile ng bankruptcy yung Dad mo para ma matulungan sya sa mga utang ng kumpanya, I'm sure with the finacial problem, mahihirapan yung dad mo to handle the debts or loans ng kumpanya niyo."

" May loans si Daddy."

" Of course, almost every company has it para masustain yung bussiness kaya kapag nagkaloko loko sa pera and hindi macover yung nawala, hindi makakabayad ng taxes, loans and there is a high possibility na yung assets niyo yung makukuha, which includes this house and all the properties na meron kayo. So Tito Ben need to find an investor as soon as possible."

" Wow, ganun pala kaserious to."

"Yeah, so as of now mas okay na wala muna kayong trouble ni Kibo para di makadagdag sa stress ng Daddy mo, I know tito Ben alam ko na makakahanap sya ng way para makasurvive yung company niyo."

" Yung company niyo kamusta?"

" Well, we do have outdated equipments so naghahanap din si Dad ng investor for our company, fgc is fine for now but dad need more improvements lalo na sa mga equiments, running a company is never an easy thing. Dad wants me learn lahat ng pasikot sikot ng kumpanya and I really hate it!"

" Yeah, dami mong alam eh."

" Buti nga Dad mo, di ka pa pinepressure sa company. Nasa ikalawang taon palang tayo sa collage and engineering ang kinuha ko not bussines ad. "

" Wala naman sinabi si Dad na gusto niyang ako magpatakbo sa bussiness niya." natatawang saad ko. " Well kung may mapapatakbo pa ko after mag graduate." ngiti ko.

" Crazy." Ngiti niya, kinuha ko naman yung phone ko saka nagtext kay Kibo. " Bakit mo nga pala ako niyaya dito?"

" Uhm porn?" ngiti ko sa kanya.

" What?" natatawang saad niya, tinaas ko lang yung phone ko. " Madami akong nadownload, wanna watch it?"

" Uhm."

" Seryoso, madami to."

" Uhm kasi."

" Here." bato ko sa kanya ng phone ko. " Wait cr lang ako." saad ko saka pumasok sa banyo na nasa kwarto ko. Nang silipin ko si Allen nakita ko lang na nakatutok lang sya sa phone ko. Umupo lang ako sa toilet saka tumulala.

Siguro naman kakayanin ni Daddy kung ano man problema ng kompanya.

Hanggang mapadako yung tingin ko sa cabinet, tumayo lang ako saka to binuksan. Mula sa likod ng mga kung ano anong nandun ay may kinuha lang akong botelya saka to binuksan.

" Kibo si too young pa, maabutan ko pa kaya sya makagraduate?" bulong ko saka uminom ng gamot na yun.

" What are you doing?" rinig kong saad ni Kibo napalingon naman ako sa pinto. " Oh I'm sorry, di ko sinasadya." binuksan ko naman yung pinto, nakita ko lang si Kibo na natataranta habang pilit pinupunasan yung baba ni Allen.

" What happened?" tanong ko.

" Ah kuya natapon ko yung juice." pilit na ngiti ni Kibo, hanggang mapansin ko yung phone ko na nakaplay pa yung porn agad naman tong kinuha ni Allen saka pinatay.

" Shit." ngiwi ni Allen sakin, natawa naman ako.

" I'm really sorry kuya Allen."

" It's okay." tango niya saka nagtago sa likod ko. " Pa cr huh." saad niya saka nagmamadaling pumasok sa cr.

" Nakita mo?" bulong ko kay Kibo, nakangiti naman syang tumango. Natawa lang ako sa ginulo yung buhok niya. "Labas na."

" Ang gwapo ni Kuya Allen."

" Oo na, sige na." tulak ko sa kanya palabas saka sinara yung pinto, lumabas naman ng cr si Allen.

" Nahuli ako ni Kibo." napapakamot na saad niya.

" Na?"

" Ah wala wala." iling niya. " Uwi na ko Neko."

" Maglalaro pa tayo ng ps2 di ba?"

" Wala na kong mukhang ihaharap sa kapatid mo, shit."

" Why?"

" Nakita nga niya ako na ginagawa yun?"

" yung alin."

" Neko, yung ano."

" Yung alin?"

" Ay nevermind, uuwi na talaga ko." saad niya saka sinukbit yung bag niya at nagmamadaling lumabas, Natawa lang ako.

I know Allen likes Kibo, Ilang beses ko na syang nahuhuling nakatitig sa kapatid ko. Well kung si Allen ang magiging asawa niya ay sobrang matutuwa ako.

Umupo lang ako saka kumuha ng papel at nagsulat sa study table ko, pagkatapos ay inipit yung papel na yun sa isa sa mga libro ko.

Isang ngiti lang yung pinakawalan ko saka nahiga sa kama ko at tinitigan yung ukulele na nakasabit sa dingding ng kwarto.

" kapag nagkita na uli tayo, yayakapin kita ng mahigpit." nakangiting saad ko saka pumikit.

Alas nueve ng gabi, Kasalukuyan akong gumagawa ng presentation sa study table ko ng marinig ko yung pagbukas ng pinto ko, paglingon ko nakita ko lang si kibo na nakangiting habang nakadungaw yung ulo sa pinto.

" I told you, you should knock first?"

" Sorry, are you busy?"

" Mejo?"

" Kuya, I've got nightmares again." nguso niya.

" You want to sleep here?"

" Okay lang ba?"

" Sure." ngiti ko sa kanya, excited naman syang pumasok saka nahiga sa kama ko. " Wag kang maingay huh."

" Opo." ngiti niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka pinagpatuloy yung pagtatype sa laptop ko, halos inabot din ako ng isang oras nun, nang lingunin ko si Kibo ay nakita ko lang na nakapikit na to habang may yakap na unan.

Pagkapatay ng laptop ay tumabi lang ako sa kanya saka pinagmasdan yung mukha niya.

" Tulog ka na?" bulong ko, napangiti lang ako ng dumilat yung mata niya.

" I can't sleep." nguso niya. Inangat ko naman yung ulo niya saka inunan sa braso ko, naramdaman ko naman na yumakap sya sakin. " Kuya, okay lang ba yakapin kita?"

" Nakayakap ka na nga?" natatawang saad ko.

" Don't you think it's weird?" bulong niya saka siniksik yung ulo niya sa dibdib ko.

" Ginagawa mo naman talaga to, so what's wierd about this?" saad ko saka masuyong tinapik yung likod niya. " Is it because you're gay or what?"

" Yeah."

" Uhm kaya ilang linggo mo na tong di ginagawa?"

" Tinitiis ko nalang kahit nanaginip ako ng masama, baka kasi ayaw mo na kasi ganito ako? Kuya nagbago ba tingin mo sakin nung nalaman mo?"

" Hindi."

" Pero I like boys, tapos lalake ka?" bulong niya, natawa lang ako.

" Lalake ako pero kapatid mo ko, wag mo kasi lagyan ng malisya." kurot ko sa pisngi niya. " Di mo kailangan mailang sakin okay, I am your kuya and walang kinalaman kung ano man kasarian mo. You can hug me, you can sleep with me kahit kailan mo gusto and it's okay."

" Talaga?"

" Of course bunso." himas ko sa buhok niya.

" Thank you kuya."

" Do you want me to sing?"

" Okay lang?" ngiti niya.

" Ikaw pa ba?"

" Kuya bakit napapadalas yung punta niyo sa hospital ni Mommy?" tanong niya. " Are you sick?"

" No?" iling ko agad.

" Really?"

" Well, our doctors just ask me to do some test. I think may nakita sila during our annual check up but nothing serious naman."

" Are you sure?"

" Oo naman." hawi ko sa buhok niya. " Kanta na ko?"

" Yeah kuya." ngiti niya, umayos lang ako ng higa saka tumitig sa kisame.

I see trees of green
Red roses too
I see them bloom
For me and you
And I think to myself
What a wonderful world

I see skies of blue
And clouds of white
The bright blessed day
The dark sacred night
And I think to myself
What a wonderful world

Ilang minuto ang lumipas hanggang makatulog sya, isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko habang pinagmamasdan yung mukha niya.

" I love you, at lagi kitang babantayan kahit wala na ko."

END



SI KIBO

Naalimpungatan lang ako ng maramdaman yung pagtusok ng kung sino sa pisngi ko, agad naman akong tumalikod dito pero naradaman ko lang yung pagyakap niya sakin at yung pagsandal ng ulo niya sa likod ko.

" Kibo, wake up na." bulong niya.

" Where's Allen?" ungot ko.

" Umalis na, ang aga aga sya hinahanap mo." saad niya saka hinigpitan yung yakap sakin. " I miss you." bulong niya saka umupo at muling pinindot yung pisngi ko. " Namiss ko tong pisngi mo.

" Kahapon ka pa andito ah, miss mo pa din ako?" saad ko saka humarap sa kanya, kita ko lang yung ngiti niya habang tinutusok yung pisngi ko ng daliri niya.

" Eh ngayon lang kita nayakap, daming kontra. Buti nga maaga umalis yung Allen mo."

" Nagpaalam sayo?"

" Maaga daw sya sa office nila eh."

" Di nanaman siguro kumain ng breakfast yun bago pumasok sa trabaho."

" Concern?"

" Para kang ewan."

" Mas para kang ewan, bakit kasi kailangan bigyan mo pa sya ng dates dates na yan eh, ako naman yung gusto mo di ba?"

" I want to give him a chance, kilala ko na sya simula mga bata kami and narealize ko na he is good man, sobrang bait nung taong yun at ayoko sya saktan na hindi man lang sya nakalaban and gusto ko din pag bigyan si Daddy."

" Pano kung sa tatlong dates na yun, mahulog ka sa kanya?"

" Naisip ko din yan, naisip ko na if mahulog ako sa kanya ibig sabihin hindi ganun kalalim yung love ko sayo, na baka minahal kita kasi nawala sya?" ngiti ko, kita ko naman na napabuntong hininga sya.

" Sakit naman nun." simangot niya pero isang ngiti lang yung pinakawalan ko saka kinapa yung baba niya, kita ko naman na nanlaki yung mata niya. " Kibo, nasa kabilang tent si Queenie.

" I just miss touching it." bulong ko pero hinawi niya lang yung kamay ko. " It's big pa din."

" whatever, pero mas namiss ko to." saad niya saka nilapit yung mukha niya hanggang maglapat yung labi naming dalawa, masuyo ko lang sinagot yung halik niya. I miss his kisses every morning kapag magkatabi kami. " Ang lambot talaga ng lips mo noh, nakakainis." hawak niya sa labi ko ng maghiwalay kami.

" Wait anong gagawin mo kapag nahulog ako kay Allen?"

" Di ko alam." kibit niya ng balikat. " I think mababaliw ako, hays naiisip ko palang baka maging boyelente ako tapos kidnapin kita at itali sa kama habang buhay."

" Katakot naman."

" Matakot ka talaga, kaya kapag nahulog ka sa kanya wag na wag ka ng magpapakita sakin kasi di ka na makakauwi sa inyo, magiging akin ka forever." simangot niya saka muli ako binigyan ng halik. " Yang mga labi mo na yan, paduduguin ko yan araw araw, I will punish you hanggang maisip mo na ako lang dapat minamahal mo."

" Harsh mo, kamusta exam mo?"

" Pasado yun, pusta mo pa virginity mo." ngiti niya saka ako pinatungan, nakagat ko lang yung labi ko habang nakatingin sa mukha niya. " Handa ka na ba?"

" Pero sabi mo kagabi, di muna?" nguso ko pero hinalikan niya lang ako sa pisngi.

" Well okay lang sakin, pero sayo okay ba?" bulong niya sa tenga ko.

" Keith nasa kabila si Queenie." bulong ko pero hinalikan niya na ko sa labi, hanggang maramdaman ko yung pagkagat niya sa babang parte ng labi ko. " Masakit!" palo ko sa balikat niya pero natawa lang sya.

" Good morning worlddddddd!" rinig kong saad ni Queenie, agad naman lumayo sakin si Keith.

" Gising na sya, pakiss, last nalang." bulong niya saka ako muling hinalikan, sinagot ko lang to pero natawa ako ng marinig yung pagbukas ng zipper ng tent ni Queenie.

" Hoy gising na guys!!"

" Shit, hindi ba natin pwede gawin dito sa bahay niyo?" bulong niya pero marahan lang akong umiling saka sya hinawi at binuksan yung tent. Paglabas ko nakita ko lang si Queenie na nakadipa habang nakatingla sa langit.

" Goodmorning baby Vampire." lingon niya sakin.

" Morning." saad ko, lumabas naman ng tent si Keith.

" Si Allen tulog pa?"

" Umalis na kanina pa." sagot dito ni Keith saka nag inat inat.

" Umalis? Ibig sabihin naiwan kayong dalawa ni Kibo jan? Oh my God!? bakit wala akong narinig?"

" Queenie, kagigising ko lang din." ngiti ko.

" You mean, hindi naman kayo nagsex jan?"

" Queenie, are you curious ba kung pano kami magsesex ni Kibo?" tanong ni Keith, kita ko naman yung sunod sunod na pag tango ni Queenie. " Wag kang mangarap, di mo makikita."

" Kuya, hindi ko pa nakikita yung chinchin niyan ni Kibo, nakita mo na ba?"

" Queenie, parang ewan!"

" Yeah, and it's cute." ngiti ni Keith, gigil naman akong tumingin sa kanya. " Why, nakita ko naman na talaga yan and cute talaga."

" Keith naman eh!" padyak ko.

" I want to see it too!!" Lumingon naman ako kay Queenie saka sya binigyan ng matalim na tingin.

" Kainis talaga kayong daalwa!"

SI TREY

" Trey someone's looking for you." saad ng assistant ko pagpasok sa office ko. Nag angat naman ako tingin saka binaba yung eye glasses ko. " Si Mrs Miranda po."

" You mean my Mom?"

" No, sir Mrs Poly Miranda, Keith's Mom."

" Oh I see, papasukin mo." ngiti ko. " Anyway, naayos ko na yung presentation natin sa client, please call them and set a meeting, maybe tomorrow or Thursday."

" Okay po." ngiti nito, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka sinara yung laptop ko at inayos yung mga papel na nasa mesa ko. Ilang sandali pa ng pumasok yung mommy ni Keith.

" good morning Tita." bati ko dito.

" Morning Trey." saad nito saka umupo sa upuan.

" What brings you here Tita?" tanong ko pero isang ngiti lang yung pinakawalan niya.

" I just want to ask something about Keith."

" About Keith po?"

SI KEITH

" Finally, nakapagsolo din tayo." hinihingal na saad ko dahil sa pagtakbo namin ni Kibo palayo kay Queenie. Nagjojogging kami nun sa loob ng subdivision nila. Nang tingnan ko si Kibo kita ko din yung hingal niya.

" Why?" tanong niya.

" Uhm, kasi." saad ko saka lumapit sa kanya at yumuko para halikan sya sa labi.

" Wait what are you doing?" marahan niyang tulak pero hinawakan ko lang yung kamay niya saka sya masuyong hinalikan sa labi pero muli niya lang akong tinulak. " Why, I just wanna kiss you?"

" Nasa labas tayo eh."

" Ah so bawal makita yung wild side mo kapag nasa labas tayo?"

" Whatever keith." simangot niya saka naglakad.

" Just wanna kiss you."

" Wag naman in public?"

" Di ba sabi ko kahit public pa, wala akong pakialam?"

" Ako may pakialam, andito tayo sa lugar namin noh. Alam mo kahit bakla ako gusto ko walang masasabi yung ibang tao kala mom and Dad."

" Whatever." ngiti ko saka ako mabilis na hinalikan sa labi. Inis naman syang tumingin sakin. " Hahalikan kita kahit saan ko gusto."

" I hate you!"

" You're an angel kapag iba ang kaharap pero pag tayong dalawa lang kulang nalang lumabas sungay mo."

" Bala ka nga jan, magjojogging na ko."

" Yeah mas mabuti pa, yung pisngi mo kasi lumolobo na." saad ko saka pinalobo yung pisngi. Muli lang syang humarap habang may matalim na tingin. " piggy?"

" Ahhh! I hate you." padyak niya na ikinatawa ko.

" Tara na." saad ko saka sya nilampasan at nagsimula mag jogging.

" Madapa ka sana!!" sigaw niya, tumigil naman ako saka humarap sa kanya. Nakatayo lang sya habang inis na nakatingin sakin. Ano kaya magiging reaction niya kapag nalaman niya na yung totoo?

Masasaktan sya pero hindi ko alam kung kakayanin niya yung sakit na niloko sya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

" He did not died in his sleep Kibo, he was shot." bulong ko sa sinabi ni Allen sa video.

SI ALLEN

Isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko pagparada ng kotse ko sa tapat ng malaking gate ng mansion namin, alam ko nasa loob na si Daddy at malamang ay alam na din niya na hindi matutuloy yung kasal namin ni Jessica.

" Are you ready?" lingon ni Jessica sakin.

" Are you sure, sasamahan mo ko?"

" I know your Dad, kahit di mo sabihin alam ko sinasaktan ka niya." saad niya pero isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko.

" Di na ko papayag na masaktan pa niya ko, I am too old for that."

" I wonder paano ka lumaking mabait, magalang at may mabuting puso samantalang ganun yung Daddy mo sayo." tanong niya pero nagkibit lang ako ng balikat. " Bihirang bihira kita makitang umiyak at hindi pa yun dahil sa Daddy mo. All these years, alam ko lahat ng ginawa mong desisyon, sya ang may gusto."

" I grew up with Kibo and Neko and thier parents were so kind to me, So kind that I wish they are my parents. Naramdaman ko din na may kapatid ako dahil sa kanilang dalawa, may mga panahon na sa kanila ako nagchri-christmas even my birthdays. That family have a big role kung sino ako ngayon, Kung hindi dahil sa kanila baka I am monster now just like my Dad."

" I hope kayong dalawa ni Kibo ang magkatuluyan." ngiti niya.

" That's my wish."

" You want my help?"

" No, I will make him fall in love with me again." ngiti ko.

" And that is the Allen, I know."

" Pasok na tayo?" saad ko, marahan naman syang tumango. Pagbusina ko ay agad lang bumukas yung malaking gate na yun, nang lingunin ko si Jessica ay ngumiti lang sya sakin saka hinawakan yung kamay ko.

Alam ko magagalit si Daddy sa sasabihin namin pero ayoko ng magpadikta ng kahit ano mula sa kanya,hindi na, hinding hindi na.. I'm gonna live my life the way I wanted it to be.

ITUTULOY

Authors note: Super thank you sa lahat ng nagbabasa nitong story! super love you guys. Kay Young na sobrang laking help dito sa story, mamats. Madami akong gusto batiin kaso habang sinusulat ko to nakalimutan ko na haha sorry, promise mag nonotes na ko sa next chapter.

We do have private groups in facebook for more updates and ek ek, just search "bluerose". Please dont forget to follow me, vote, likes and comments. kahit approve lang masaya na ko haha. mamats uli!









2 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails