Followers

Saturday, September 12, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 15


 

XOXO

Keith and Kibo

CHAPTER 15

SI KIBO

" What are you doing here?"rinig kong saad sa likod ko, nakaupo ako nun sa gilid ng pool habang nakalublob yung paa ko sa tubig.

" Akala ko tulog ka." natatawang turan ko, umupo lang si Keith sa tabi ko saka nilublob din yung paa niya sa pool.

" nakakahiya, tulog ako lagi."

" Okay lang, nasabi ko kay Mommy na bumabawi ka ng tulog. Alam ko naman sobrang puyat mo talaga dahil sa pagrereview." ngiti ko. " You should sleep more."

"No, I'm fine. May naaamoy ako sa loob, amoy cookies."

" Yeah tinuturuan ni Mommy si Queenie magbake ng cookies, kay mommy na recipe yung binigay ko sayo before."

" Ang sarap nun."

" Super, Favorite namin yun ni Kuya Neko. Nung mga nag aaral pa kami, lagi kami nagmamadali umuwi sa hapon kasi laging nagbebake si Mommy for us."

" You really love your Kuya Neko noh?"

"Yeah, Pumasok nga ako sa room ni Kuya Neko kanina." saad ko, kita ko naman na napalingon sya sakin.

" Anong ginawa mo habang tulog ako?"

" Hinawakan ko?" natatawang saad ko, binunggo naman niya ko ng braso. " Ouch."

" Ang manyak mo talaga noh?"

" Sayo lang."

" Whatever."

" Keith can I ask you something?"

" Sure."

" Are you serious ba talaga sakin?" seryosong tanong ko, nakita ko naman yung marahan niyang pag tango habang nakatingin sa tubig ng pool. " how, pano? Bakit?"

" Ano ba naman tanong yan." natatawang saad niya.

" Kasi parang imposible."

" Sobrang seryoso ako, so nakikita mo na ba ko ngayon na makakasama mo habang buhay?" lingon niya sakin.

" Ayaw mo ba magkaroon ng normal na pamilya?"

" Pwede naman tayong maging normal na pamilya?"

" I mean yung may nanay, tatay. Yung ganun?"

" Kibo?"

" I am happy na seryoso ka sakin, sobrang saya ko pero Keith ayoko kita ikulong sa kumplikadong buhay na meron ako."

" Kumplikado, saang banda?"

" Keith naman eh."

" Ano ba kasi sinasabi mo? Mahal kita mahirap ba intindihin yun at kapag sinabi ko na mahal kita ibig sabihin nun na nakikita ko yung future natin na magkasama at wala akong paki whatever it is."

" I want to have a normal family." lingon ko sa kanya. " Yung may nanay at tatay, that is my dream pero that dream? Hindi sya mangyayare kasi ganito ako, sayo possible at ayoko hadlangan yung bagay na yun."

"So it's you na may pangarap talaga ng ganun? Eh bakit dinadamay mo ko?" simangot niya. " Pangarap ko ngayon ay makasama ka habang buhay."

"Keith naman kasi, magpatalo ka naman minsan?"

" Why? Okay so ano ba gusto mo mangyare?"

" Gusto ko mangyare?"

" yeah, tell me. Tatry ko mag adjust." ngiti niya.

" Gusto ko wag mo isarado yung posibilidad na magkapamilya ka, na mainlove ka sa babae. Sobrang okay ako dun, it's fine with me."

" Di ka masasaktan?"

" Uhm masasaktan pero kaya ko don't worry."

" Ewan ko sayo."

" Basta kung ano meron satin ngayon, maging masaya nalang tayo. Wag natin isipin yung bukas, or yung future. Kung magkasama parin tayo pag tanda, then fine pero kung hindi. That's okay. Hindi ako makikialam kung magkagusto ko sa babae or mainlove ka sa babae."

" Ayoko."

" Hindi ako magsisinungaling na hindi ako masasaktan kapag nangyare yun, but I'll be happy for you."

" Kibo naman eh."

" Please?"

" Ayoko."

" Please?" saad niya saka pinagdaop yung dalawang palad niya habang nakatingin sakin, napabuntong hininga naman ako. " Sige na Keith, please?"

" Wag kang magpacute." simangot ko sa kanya.

" Sige na kasi, please?"

" Ano nga kasi?"

" Promise me na magpapakasal ka, gusto kita makita na nakatayo sa altar habang hinihintay yung bride mo na naglalakad sa aisle tapos magkakaroon ka ng maraming anak. Dalawang babae tapos dalawang lalake. You will grow old happy and succesful with your beautiful family."

" Ayoko." iling niya.

" Sige na kasi please."

" Ayoko sabi eh." saad niya saka hinawakan yung kamay ko at tumalon sa pool. Oh shit! Pag ahon namin nakita ko lang yung ngiti sa labi niya habang nakatingin sa mukha ko. " I hate you, kaliligo ko lang eh!"

" I love you Kibo." saad niya, aktong hahalikan niya ko ng ilubog ko yung ulo ko sa tubig saka lumangoy. Nang makasiguro akong nakalayo sa kanya ay saka ako umahon.

" I hate you!" inis na saad ko pero nakangiti lang syang nakatingin sakin, hanggang lumangoy sya papunta sakin. Umatras lang ako hanggang bumanga yung likod ko sa dulo.

Pag ahon niya sa harap ko, tanging pag lunok lang yung nagawa ko habang nakatitig sa gwapo niyang mukha.

" I love you." ngiti niya.

" Ahhhhhhh, nakakainis ka talaga!" saboy ko sa kanya ng tubig pero niyakap niya lang ako saka lumubog sa tubig. Pilit akong nagpumiglas pero natigilan ako ng magtagpo yung mga labi namin sa ilalim.

Nang sandaling yun parang tumigil ang oras, no..I think pinatigil niya yung oras.

Nang maghiwalay yung labi namin ay hinila niya lang ako paahon, nanatili akong nakatitig sa kanya.

I want him... I really do..

" Gusto ko patunayan sa sarili ko na kaya kong panindigan yung sinabi kong mahal kita, pero kahit ikaw hindi naniniwalang kaya ko, kaya natin, na pwede pala tayo?" saad niyang nakatitig sa mukha ko. " Mahal mo ko pero bakit hindi mo matangap yung mga salitang 'mahal din kita'?"

" Kasi yung mga salitang yun para sa mga katulad ko, tanging sa panaginip lang maririnig." saad ko na may mapait na ngiti.

Hanggang maramdaman ko yung paghaplos niya sa mukha ko.

" Keith." bulong ko pero tinusok niya lang ng daliri niya yung pisngi ko, gigil ko naman syang tiningnan.

" Ang cute mo kapag seryoso." ngiti niya.

" Hate you!" saboy ko ng tubig sa kanya pero tanging pagtawa lang yung naging sagot niya saka gumanti sakin.


SI ALLEN

Isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko pagparada ng kotse ko sa tapat ng malaking gate ng mansion namin, alam ko nasa loob na si Daddy at malamang ay alam na din niya na hindi matutuloy yung kasal namin ni Jessica.

" Are you ready?" lingon ni Jessica sakin.

" Are you sure, sasamahan mo ko?"

" I know your Dad, kahit di mo sabihin alam ko sinasaktan ka niya." saad niya pero isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko.

" Di na ko papayag na masaktan pa niya ko, I am too old for that."

" I wonder paano ka lumaking mabait, magalang at may mabuting puso samantalang ganun yung Daddy mo sayo." tanong niya pero nagkibit lang ako ng balikat. " Bihirang bihira kita makitang umiyak at hindi pa yun dahil sa Daddy mo. All these years, alam ko lahat ng ginawa mong desisyon, sya ang may gusto."

" I grew up with Kibo and Neko and thier parents were so kind to me, So kind that I wish they are my parents. Naramdaman ko din na may kapatid ako dahil sa kanilang dalawa, may mga panahon na sa kanila ako nagchri-christmas even my birthdays. That family have a big role kung sino ako ngayon, Kung hindi dahil sa kanila baka I am monster now just like my Dad."

" I hope kayong dalawa ni Kibo ang magkatuluyan." ngiti niya.

" That's my wish."

" You want my help?"

" No, I will make him fall in love with me again." ngiti ko.

" And that is the Allen, I know."

" Pasok na tayo?" saad ko, marahan naman syang tumango. Pagbusina ko ay agad lang bumukas yung malaking gate na yun, nang lingunin ko si Jessica ay ngumiti lang sya sakin saka hinawakan yung kamay ko.

" Jessica, can you please stop me if I lose myself habang kausap si Daddy?"

" What do you mean?"

" Just stop me." lingon ko sa kanya, marahan naman syang tumango.

Alam ko magagalit si Daddy sa sasabihin namin pero ayoko ng magpadikta ng kahit ano mula sa kanya,hindi na, hinding hindi na.. I'm gonna live my life the way I wanted it to be.

Marahan lang akong kumatok pag tapat namin sa pinto ng office ni Daddy, Isang tango lang ang ginawa ni Jessica kaya pinihit ko na yung doorknob.

Pagpasok ko kita ko lang yung matalim na tingin sakin ni Daddy, mga tingin na nagpanginig sakin nung bata pa ako, mga matang halos mapanigipan ko sa gabi dahil sa takot.

Hanggang mapadako yung tingin ko sa baston niya na nasa gilid ng mesa, hindi ko na mabilang kung ilang beses tumama sakin yung bagay na yun at kung gaano karaming pasa ang natamo ko sa bawat palo nito sa katawan ko.

Mga pasa na kahit nasa alaala nalang ay ramdam ko parin hanggang ngayon ang hapdi.

Pinakalma ko lang yung sarili ko,

" I'm really dissapointed in you." madiin na saad niya pero di ako bumitaw sa tingin niya. " Matapang ka na talaga ngayon bakit ano na ba mapagmamalaki mo!" mapait na saad niya, napalingon lang ako ng pumasok si Jessica.

" Jessica you're here."

" Magandang gabi po tito." bati ni Jessica dito. " I guess, alam niyo na po yung sasabihin namin."

" Itutuloy niyo yung kasal niyo kahit anong mangyare." seryosong saad ni Daddy.

" Tito, walang kasalang mangyayare."

" Why?"

" Kasi hindi po ako ang mahal ng anak niyo." saad ni Jessica, kita ko lang yung gigil sa mukha ni Daddy habang nakatingin sakin. "Nakapagdecide na po ako at alam na rin po ng magulang ko. If you are thinking about the merging will not push through kung di kami magpapakasal, matutuloy po sya Tito and my parents are okay about us not getting married."

" Narinig niyo po Dad?" saad ko saka nagbigay ng matamis na ngiti.

" Marry him Jessica."

" I don't want Tito."

" You have to!" mataas ang boses na saad ni Daddy, napalingon naman sakin si Jessica. " Kailangan mo sya pakasalan Jessica!"

" I'm sorry Dad, hindi mo sya madidiktahan."

" The merging, Hindi yun mangyayare kung hindi mo papakasalan ang anak ko!" saad niya pero natawa lang ako. " I'm serious, take this as a warning Jessica! Pakasalan mo sya o walang mangyayareng merging."

" Tito."

" At kanino sila makikipag merge, sa mga chua? Jessica I think they are the better choice. You should consider them." ngiti ko kay Jessica, nakita ko naman na kinuha ni Daddy yung baston niya saka gigil na lumapit sakin, nilabanan ko naman yung tingin niya.

" Tito, wag nating gawing kumplikado."

" Yes, Dad wag nating gawing kumplikado."

" Hijo De puta! Mierda!" duro niya sa noo ko, hinayaan ko lang sya. " Napaka Bobo! Idiot! Pinche idiota!"

" Tito stop it." bulong ni Jessica.

" Manang mana ka sa nanay mong tanga!" Saad niya kasunod ng napakalakas na sampal.

" Tito!"

Isang sarkastikong ngiti lang yung ginawa ko habang pinagmamasdan yung mukha niya na mababakas na ang katandaan, mga guhit sa mukha na marka ng lipas na panahon.

Buong buhay akong natakot sa kanya, buong buhay ako nabalot na kaba at naging sunod sunuran sa taong walang ibang importante kundi kumpanya niya at pera.

Taong kahit kailan hindi naging pamilya ang turing samin.

Yung bawat pananakit niya kay Mommy, yung pag mamaliit niya sa pagkatao namin. He is one of the powerful bussines man in this country. Napakadaming connections, napakadaming galamay.

Mula ng magkaisip ako at pinilit niyang pinasok sa kumpanya, inalam ko lahat ng pasikot sikot dito, dark secrets, Illegal deals, underground partners, inalam ko lahat.. yung pundasyon nito, yung lakas at higit sa lahat yung kahinaan nito.

At isa sa pinangako ko sa sarili ko ay pabagsakin yung kaharian na binuo ng isang halimaw na hari.

And that king...is now old and weak.

And I know where to hit him.

" Tita I said stop." hinawakan ko naman yung kamay ni Daddy saka to sinalya.

" Tanga, bobo!" muling duro niya sa sentido ko. " Kahit kailan hindi ka talaga nag iisip, parehas kayong bobo ng nanay mo! Naiintindihan mo huh! Nakapatanga! Stupido!"

" Pollas en vinagre." Gigil na bulong ko habang nakatingin ng deretso sa mata niya, kita ko lang na natigilan sya. "My mom is so smart and young but you are old Dad." ngiti ko saka may nilabas sa coat ko. Tinaas ko lang yung ilang bank book na binigay sakin ni Mommy.

" What's that?" saad niya, natawa lang ako ng mapait saka lumapit sa isang cabinet at may nilabas na mga papel dun at binato sa harapan niya, ilang cabinet pa yung binuksan ko saka nilabas yung mga papel dito at lumapit sa kanya at sinaboy sa harapan niya yung mga yun. " Ano to?!" saad niya saka kumuha ng ilang papel saka to sinubukan basahin.

" Do you want your glasses?" ngiti ko.

" What is this!!!" gigil na saad niya.

" Jessica, mas okay siguro kung di na matuloy yung merging because this company is going to collapse." saad ko na may matamis na ngiti, kita ko lang yung gulat sa mukha niya.

" Nababaliw ka na bang bata ka!"

" Cause I will detroy it! I will fuckin destroy it!" madiin na saad ko habang gigil na nakatingin sa kanya. " Narinig mo ba ko Dad, I will destroy it!" sigaw ko.

" Allen." hawak ni Jessica sa braso ko.

" Mierda!" sigaw ni Daddy, kita ko lang na nawalan sya ng balanse pero naitukod niya yung baston niya.

" No, Dad. Mom and I are so tired of your bullshit! And now? Maiiwan kayo dito mag isa, ALONE...LONELY..OLD AND MISERABLE!" gigil na saad ko.

" Stop fuckin around , Allen." bulong niya.

" I will make sure that your company will go down in hell." saad ko na kasabay ng matalim na tingin. " Lahat ng pinaghirapan niyo, lahat ng pera, connections ay mawawala nalang na parang bula." saad ko pa, kita ko naman na nahawakan ni Daddy yung dibdib niya habang nakatingin sakin. " Maiiwan kayong mag isa, makukulong at mamatay mag isa!" sigaw ko. " Mamatay kang mag isa!"

" Allen, stop!" saad ni Jessica ng makitang bumagsak si Daddy.

" Kami ni Mommy, aalis kami dito at mabubuhay na malayo sa halimaw na katulad niyo!"

" Tito are you okay?" tarantang saad ni Jessica saka lumapit kay Daddy.

" Mula pagkabata, lahat ng pananakit, lahat ng mura at pang aalipusta niyo samin ni Mommy, tinandaan ko lahat yun at pinapangako ko na pagbabayaran niyo lahat yun! You're evil! And evil deserves to die."

" Allen stop!" sigaw ni Jessica.

" Demonyo ka Dad, demonyo ka!" gigil na saad ko kasabay ng luha. " I want you to go to hell!"

" Allen he is not breathing!!" rinig ko pang sigaw ni Jessica saka nagmamadaling lumabas, rinig ko lang yung sigaw niya at paghingi ng tulong pero nanatili akong nakatingin kay Daddy na nakahiga na sa sahig ng office niya hanggang magsimula tumulo yung luha ko habang pinagmamasdan sya.

" Die, just die!" bulong ko.

" Die, Just die!!" Sigaw ko habang binibigyan ng sunod sunod na suntok yung lalakeng yun. " Die!!!" sigaw ko hanggang may humila sakin at agad akong niyakap, pilit naman akong nagpupumiglas.

" Allen, calm down."

" Let me go! I will kill him!!" sigaw ko.

" Allen stop!!!" sigaw nito saka madiin na hinawakan yung mga balikat ko. tila natauhan ako ng mapagmasdan yung mukha ni Neko. " Stop it please!" mahinang saad niya. " Calm down allen please." pilit na ngiti niya hanggang mapaupo ako at magsimula dumaloy yung luha ko ng makita yung dugo sa mga kamay ko.

" Am I monster now?" umiiyak na saad ko.

" No." iling niya.

" Neko, there's a blood." hikbi ko.

" Allen no.. you are not a monster kasi para samin ni Kibo you are an angel. We love you , mom and dad loves you. I told you na kapag dumating yung panahon na tingin mo kinakain ka ng galit mo sa Daddy mo. Think of us, think of me, kibo. Naiintindihan mo?" Ngiti ni Neko habang hawak hawak yung dumudugo kong kamao. " You will never be a monster to us, remember that okay, mahal ka namin." saad niya hanggang makita ko yung luha na tumulo sa mata niya.

" Did I kill him?" bulong ko na ang tinutukoy ay yung lalakeng binugbog ko, marahan naman na umiling si Neko.

" I think he's fine, tumakbo na eh." ngiti ni neko, napatungo lang ako saka hinayaan yung luha ko hanggang maramdaman ko yung pagyakap niya sakin at yung pagtapik niya sa balikat ko.

" I hate you neko."

Pinunasan ko lang yung mukha ko saka agad lumapit kay Daddy at hinawakan yung pulso niya.

Inayos ko lang yung higa niya saka hinawakan yung ulo at tinaas yung baba niya.

" Dad." bulong ko saka sinimulan syang ipump kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng luha ko. " Dad, wake up." hikbi ko.

pilit ko lang inaalala yung ginagawa ni Neko nung tinuro samin kung paano gawin yung cpr. Tumangi ako nun na pag aralan yun dahil alam ko may sakit si Daddy sa puso at nangako ako sa sarili ko na papanuorin ko lang syang mamatay at hinding hindi ko gagawin to sa kanya.

" I hate you neko." bulong ko kasabay ng mga hikbi.

Hanggang dumating yung mga tauhan namin tinuloy ko naman yung pagpump kay Daddy. Tinakpan ko lang yung ilong niya saka sya pinilit binigyan ng hangin gamit yung bibig ko saka sya muling pinump. " Dad, please wake up." paulit ulit ko lang tong ginawa. " Don't die please, no.. no please."

" Parating na yung ambulansya." rinig kong saad ni Jessica, hanggang makita ko yung muli paghinga ni Dad, tinaas ko lang yung baba niya.

" Pakihanap yung aspirin niya please." lingon ko kay Jessica. " Maybe nasa cabinet niya.

" yeah." saad ni jessica saka nagmamadaling naghalungkat sa mga cabinet.

" Ihanda niyo kotse!" sigaw ko kasabay ng mga hikbi. " bilisan niyo!" naramdaman ko naman yung pulso niya. " Dad you'll be okay." bulong ko kasabay ng mga luha. " Please don't die." hawak ko sa kamay niya.

Pabagsak lang akong naupo sa sahig ng marinig ko yung sirena ng ambulansya sa labas.

" They are here." saad ni jessica.

" Ako na sasama sa Daddy mo." rinig kong saad ni Mommy, tumulo lang yung luha ko ng magtama yung mata naming dalawa, isang ngiti lang yung binigay niya saka marahang tumango sakin. " Ako na bahala anak."

Nang dalhin ng mga paramedic si Daddy ay tahimik lang akong umiyak habang nakaupo sa sahig.

" Allen." rinig kong saad ni Jessica. " It's okay, you save him." ngiti niya.

SI VANESSA

" The king of Fernandez group of companies has died." di makapaniwalang basa ko sa article na yun. Oh my God! "Kagabi lang to nangyare ah."

" What?" maang ni Trey habang pinapakain si Piggy,Nasa chekko kami nun habang nag aayos na ng mga gamit para magsara ng store.

" Wow, grabe."

" Ano nga kasi?"

Hinarap ko naman yung phone ko sa kanya.

" Read it."

" FGC? Tatay ni Allen?!" gulat na saad niya, marahan naman akong tumango. " Well sabi sa article, inatake daw sa puso pero hindi yun ang ikinamatay niya."

" Eh ano?"

" Nabangga ng van yung ambulansya na sinasakyan nila papunta sa ospital, dead on arrival yung tatay ni Allen and yung mom niya is sugatan. Halos wasak daw yung ambulansya. This is huge! This is really huge my God!"

" Tragic!"

" This is a big news sa bussines world and I think mapipilay ang Fgc sa pagkawala ng hari nila at posibleng mawala sa pamilya ni Allen ang pagpapatakbo ng kumpanya kapag nagdesisyon ang board of directors na mag appoint ng bagong ceo. Allen is so young para pamahalaan yung ganun kalaking kumpanya pwera nalang kung magtake over yung Mommy niya."

" Really?"

" Matutuloy pa kaya yung pag merge ng xiayen sa fgc. This news is crazy." iling ko.

" Di ba andun si Keith kala Kibo ngayon?"

" Yeah."

" Ilang beses ko na nakita yan si Allen, mukha pa naman syang mabait."

" Of course he is my husband." ngiti ko.

" Ay hindi nakakatawa." simangot niya.

" I can't imagine kung ano pakiramdam ni Allen ngayon, feel sorry for him."

" Feeling mo talaga asawa mo noh. Anyway, sasabihin ko ba kay Keith yung pinag-usapan namin ng mommy niya?" tanong niya pero isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka binaba yung phone ko.

" I think wag nalang?" pilit na ngiti ko.

" Pano kung may gawin yung Mommy niya?"

" Hindi naman siguro?"

" Pagkatapos nilang mag kaayos ng Mommy niya, ilang beses na sya nakauwi sa kanila at sabi ni Keith sakin kapag nakapasa na sya sa board ay malamang sa kumpanya sya ng Daddy niya magtrabaho."

" I think walang gagawin si tita Poly na ikagagalit ni Keith, believe me."

" Are you sure?"

" Yeah." ngiti ko.

" Wait, I saw a picture sa condo mo last time."

" What picture?"

" Yung nasa side table ng kama mo?"

" What about that?"

" Do you know him?"

" Sino?"

" Yung lalake dun sa picture?"

" Yes, Why? Ilalagay ko ba naman yun sa kwarto ko kung di ko kilala."

" Sabagay."

" Why, do you know him?"

" Yeah." ngiti niya kasunod ng pagtango.

" How?" tanong ko pero nagkibit lang sya ng balikat.

SI KIBO

" Thank you po sa pagwelcome po sakin dito sa bahay niyo." nakangiting saad ni Keith kila Mommy at Daddy.

" Thank you din po Tita, tito." ngiti ni Queenie.

" Keith, wala pa kong tiwala sayo at hindi porket maluwag ka namin na tinanggap dito sa bahay namin ay tinatanggap ka na rin namin bilang nobyo ng anak ko." seryosong saad ni Daddy. " Kasi hindi pa at di ko alam kung matatangap ko."

" Dad naman, wala ng ganyanan." Simangot ko.

" Ben, yung pumunta sya dito on his own feet ay sign na seryoso sya kay Kibo, di ba Keith?"

" Opo, mahal ko po yung anak niyo at kung kailangan po pumunta po ako dito lagi ay gagawin ko para mapatunayan ko lang po na seryoso ako."

" Kuya, hindi talaga ko masasanay na ganyan ka,Ang alam ko kasi babaero yung kuya ko eh" natatawang saad ni Queenie, kita ko naman na binigyan lang to ng matalim na tingin ni Keith. " I see, nagbago ka na nga!"

" Queenie, just zip your mouth please?" ngiti ko sa kanya.

" Di ko itatago sayo na mas gusto ko si Allen para sa anak ko." saad ni Daddy kita ko naman yung pag tungo ni Keith. " Pero hindi ko isasarado yung posibilidad na baka nga kayo ng anak ko ang nakatadhana. Ipangako mo na hindi mo sasaktan tong anak ko kasi sa oras na gawin mo yun, ipanalangin mo wag kong makita kahit anino mo kasi malilintikan ka sakin."

" May pagbabanta talaga Dad?"

" Opo, pangako po." tango ni Keith.

" Let's go na." saad ni Queenie. " Tito and tita, Alis na kami. Kibo see you sa start ng class huh and paregards nalang kay Allen huh." saad pa ni Queenie.

" Yeah kitakits."

" Nakakalungkot yung nangyare sa magulang niya, feel sorry for him."

" Yeah, sabihin ko." tango ko

" Bye." ngiti ni Keith saka ako hinalikan sa pisngi.

" Bakit kailangan may halikan pang maganap!?" hila sakin ni Dad, kita ko naman na natawa si Mommy.

" Sorry po, Alis na po kami."

" Ingat." wave ko ng kamay hanggang makasakay sila ng kotse ni Queenie. Inantay ko lang sila hanggang makalabas ng gate yung kotse nila. Nang humarap ako kala mommy isang kibit lang ng balikat yung ginawa ko.

" Kay Allen pa din ako." ngiti ni Daddy. " Yung promise mo, bibigyan mo ng chance yung manok ko."

" Whatever Dad." simangot ko.

" Ben, stop it."

" Okay, basta allen for the win."

" Kamusta po kaya si Allen?" pilit na ngiti ko. " May balita na po kayo kung may mangyayareng burol?"

" Wala daw burol na mangyayare, yung mommy ni Allen okay na sya, mejo madami syang sugat na natamo but sh'es fine."

" This is so sad." nguso ko, yinakap naman ako ni Mommy. " Nag aalala ako kay Allen."

" Then give him a call?"

" Okay lang kaya Dad?"

" I don't know, but I think kailangan niya ng karamay ngayon." kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa saka sinubukan idial yung number ni Allen pero tanging ring lang yung narinig ko.

" I think he is busy."

" Sure ka ba talaga na di ka pa uuwi sa condo mo?"

" Ang sama ko naman kay Allen kung wala ako sa libing ng Daddy niya, I have to be there Mom."

" Okay." gulo ni Mommy sa buhok ko.

" Dad balitaan mo kung ano na update kay kuya Allen huh. Kapag nacontact mo sya sabihin mo sakin, gusto ko sya puntahan para kamustahin eh."

" Sige anak." ngiti ni Daddy.

Pagkalipas ng dalawang araw ay itinakda yung libing ng Daddy ni Allen, at eto din yung unang beses na makikita ko sya pagkatapos ng pagkawala ng Dad niya.

Sa malaking sementeryo sa lugar namin dinaos yung misa, tanging malalaking tao sa bussines world ang dumalo sa libing na yun. Halos lahat ay nagulat sa biglaang pagkawala ng pinaniniwalaan na isa sa pinakamalaking pangalan sa hanay mga bussines man sa bansa.

Sa dami ng taong kumakausap kay Allen ay hirap na hirap ako makalapit sa kanya, nagkaharap kami kanina pero halos wala pang limang segundo kami nakapag usap, hinila agad ako ni Daddy at Mommy dahil ang daming tao sa likod namin na gusto kumausap kay Allen.

He is really the son of fgc.

Halos tumingkayad ako makita lang si Allen sa na napapalibutan ng napakadaming tao.

" Hi there." rinig kong saad sa gilid ko.

" Jessica?"

" Yeah, it's me." ngiti niya, umiwas naman ako ng tingin. Oh shit! Baka bigla niya kong sabunutan.

" Wait, I think hinahanap na ko nila Mommy." saad ko aktong maglalakad ako ng harangan niya ko. " Uhm why?"'

" You owe me an apology."

" Uhm about what?"

" Dun sa paghalik mo sa boyfriend ko."

" Uhmm, kasi ano..uhm."

" What?"

" Sorry." nguso ko saka tumungo. " I'm really sorry."

" Apology accepted." saad niya, nag mag angat ako ng tingin nakita ko lang yung ngiti niya.

" Ganun kadali?"

" Oo naman, hiwalay na kami ni Allen. Romantically pero we're still a bussines partners." ngiti niya.

" Galit ka sakin?"

" Nung una pero I think dapat mag thank you ako sayo."

" Why?"

" Kasi kung hindi dahil sayo, nakasal ako kay Allen."

" Akala ko gusto mo si Allen?"

" Yeah, I like him pero I think hindi kami yung para sa isa't isa. So thank you kasi napigilan mo yung pagsira namin sa buhay ng isa't isa. Ayoko makasal sa taong hindi ako yung mahal, nasaktan ako pero naisip ko na mas okay ng masaktan ako ngayon kesa masaktan habang buhay. I'm sure sasaya naman ako sa tamang tao para sakin. So thank you." ngiti niya, nagkibit lang ako ng balikat.

" Welcome, are you sure? Yun na yun?"

" What do you mean?"

" Ganun mo kabilis natanggap?"

" I'm the type of person na ayaw gawing kumplikado yung mga bagay bagay. If ganun talaga then fine. Naturuan kasi ako na utak muna at wag magpapadala sa emosyon, and tingin ko we are better of friends."

" Astig!" ngiti ko. "Grabe ang tangkad mo, para kang model."

" Thanks."

" O maliit lang talaga ko?" ngiwi ko, natawa naman sya. Lumingon lang ako kung nasaan si Allen, napakadami paring tao dun. " Gusto ko makausap si Allen."

" I don't think makakausap mo sya, napakadami niyang dapat asikasuhin simula ngayon. Madaming taong dapat kausapin. Simula ngayon magiging busy na dahil mukhang sya ang pinili ng board of directors na pumalit sa Daddy niya."

" Are you serious?"

" Yeah, so goodluck to him."

" Grabe." nguso ko.

" Ang cute mo, anyway iwan na kita huh. I need to talk to my Dad pa eh." saad niya marahan naman akong tumango. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka nagsimulang maglakad pabalik sa kotse namin nila Daddy.

Natigilan lang ako ng mag ring yung phone ko, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng makita yung pangalan ni Keith.

" I passed!!!" excited na saad niya.

" Really!! Oh my God!"

" I told you ipapasa ko di ba?"

" Congratz."

" Thanks, nasaan ka?"

" dito sa libing ni Daddy ni Allen, tapos na pero napakadami parin tao."

" Nakausap mo na sya?"

" Hindi eh."

" Kailan ka uuwi dito?"

" Start na ng class ko bukas, ihahatid ako ni Daddy bukas sa school."

" Ganun?"

" Ikaw, sorry huh di mo ko kasama sa pagcelebrate."

"Okay lang, Nagluto si Mommy sa bahay, naghanda sila so uuwi ako sa bahay tapos bukas isasama ako ni Daddy sa company nya. Nagpromise kasi ako sa kanya na kapag naipasa ko yung board ay dun ako magtatrabaho sa kanya."

" Pano na yung sex natin?" nguso ko, natawa naman sya.

" Namimiss na kita halikan, nakakainis. Miss na kita Kibo."

" Ilang araw palang tayong di nagkikita ah!"

" Yeah pero yung gayuma mo kasi ang lakas! Ilang araw palang pero pakiramdam ko taon na."

" Whatever Keith." buntong hininga ko.

" Are you sad?"

" I am happy kasi nakapasa ka sa board."

" Pero bakit parang ang sad ng boses mo?"

" Nasa funeral kaya ako." nguso ko, narinig ko naman na natawa sya. " Gusto ko yakapin kanina si Allen kasi he looks really sad, halatang halata yung lungkot sa mga mata niya at di ako sanay na nakikita syang ganun."

" Di muna ako magseselos."

" bakit ka naman magseselos."

" Kasi gusto mo sya yakapin, pero alam ko na pamilya na yung turing mo sa kanya."

" Sobra, kung andito lang si Kuya Neko mas mapapanatag ako kasi dadamayan niya si Allen. Kaso wala na sya. Lagi ko sinasabi na kuya is my hero pero para kay Allen, he is not just his hero. He is his saviour, a shoulder to cry on, protector. Naisip ko tuloy kung nasaktan ako nung nawala si Kuya, what more pa kaya si Allen."

" Ikaw ba talaga kapatid ni Neko o si Allen?" natatawang saad niya, napangiti lang ako. " I hope nakilala ko yan si Neko, sa lahat ng kwento mo sa kanya pakiramdam ko napakabait niya."

" Sobra."

" Sige na, uuwi ako sa bahay."

" Ingat ka huh."

" I love you." saad niya.

" Ayoko ng I love you, gusto ko sex."

" Ewan!" inis na saad niya, natawa lang ako ng maputol yung linya.

" Bakit ko ba narinig yun, hon yung gamot ko please." rinig kong saad ni Daddy, nanlaki lang yung mata ko saka napalingon. Kita ko lang yung pag ngiwi ni Mommy habang nakatingin sakin.

" Uhm, kasi ano." napapakamot na saad ko.

" Dati cookies lang ng mommy mo gusto mo, ngayon.."

" Dad." nguso ko.

" Wag kang magpacute, hindi cute yung narinig namin."

" Sabi ko nga." ngiti ko saka pumasok sa kotse.

SI KEITH

Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko ng makita yung napakalaking tarpaulin na nakalagay sa malaking gate ng bahay namin.

" Sir keith?" bati sakin nung gwardia ng makita ako, tinanguhan ko naman to saka nagbigay ng simpleng ngiti. " Congrats po." bati pa nito sakin.

" Salamat."

" Kanina pa po kayo inaantay sa loob." saad niya saka binuksan yung malaking gate, binuksan ko naman yung makina ng motor ko saka pinaandar papasok.

" Kuyaaaaa!!!" rinig kong sigaw ni Queenie.

" Makasigaw ka." natatawang saad ko pagkaparada ng motor ko, hinubad ko lang yung helmet ko saka nakangiting humarap sa kanya. " Namiss mo ko?"

" Magkasama tayo nung isang araw." irap niya na ikinatawa ko. " Kanina ka pa namin inaantay, congratulations kuya."

" Thanks, wala bang gift?"

" Secrets." ngiti niya saka ako hinila, pagpasok namin naabutan ko lang si Daddy at Mommy na nasa sala. Ilang beses na ko nakauwi dito sa bahay namin simula nung maging ayos kami ni Mommy pero sa mga pagkakataon na yun ay bihira ko talaga kausapin si Daddy.

Gusto ko muna may mapatunayan bago ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.

Nang mga oras na yun kita ko lang yung saya sa mukha ni Daddy habang nakatingin sakin, He was really dissapointed sakin nung binagsak ko yung exam ko 2 years ago and alam ko nasaktan sya dahil dun. Lahat ng kailangan ko sa pagrereview binigay niya before, pinapagalitan pa niya si Queenie dati kapag maingay.

" Dad, Finally naipasa ko na." ngiti ko, lumapit naman sya sakin ako niyakap.

" I am so proud of you." saad niya habang tinatapik yung balikat ko. " I know naman na kayang kaya mo yun."

" Congratz anak." ngiti ni Mommy. " Medyo madami akong niluto."

" MEJO?" simangot ni Queenie. " Kuya, feeling ko fiesta ata ngayon sa dami ng pagkain." saad pa na niya na ikinangiti ko saka yinakap si Mommy.

" Thanks Mom."

" I am so proud of you."

" Pupunta ba sila kuya Trey at Ate Vanessa?"

" Yeah pupunta sila." ngiti ko. Pagkatappos kumain ay tumuloy lang ako sa kwarto ko saka pabagsak na nahiga sa kama.

Pinagmasdan ko lang yung bawat sulok nito hanggang mapadako yung tingin ko sa painting ko na yun na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.

Tumayo lang ako sa kama saka to nakangiting pinagmasdan.

" Isang tao lang ang nakaappreciate sayo at hindi ko na sya papakawalan pa." saad ko saka humakbang sa estante kung saan nakalagay yung mga libro ko.

Kumuha lang ako ng isang libro dito saka to binuklat hanggang makita ko yung kapirasong papel na yun.

" I successfully passed the board exam." bulong ko kasunod ng isang ngiti.

SI KIBO

" I am so tireddddd." bagsak ang balikat na saad ni Queenie paglabas namin ng lab sa school. Natawa lang ako saka kinuha yung mga librong hawak niya. " Thanks, tingin ko ubos na yung lakas ng katawang lupa ko. Kasisimula palang ng bagong sem ubusan agad ng energy."

" Hindi ka na nasanay."

" Hindi talaga ko masasanay, wala na tayong social life at higit sa lahat walang lovelife!"

" Laban lang." ngiti ko.

" Weh pano muna yung cute?" ngiti niya na agad ikinasimangot ko saka naglakad ng mabilis. " Kibo isa lang please?"

" Tigilan mo ko."

" Dali na?"

" Ayoko nga."

" Nagkita na ba kayo ni Kuya?"

" Hindi pa?"

" I have info." ngiti niya.

" Really, ano?"

" pano muna yung cute?"

" Queenie naman eh!"

" Edi wag." ngiti niya saka ako nilampasan.

" Fine, oo na!" simangot ko, kita ko naman yung pagharap niya sakin.

" Isang cute lang please?"

" I hate you!"

" Pano po yung cute my little cutie vampire."

" Hindi ako maliit!"

" Okay, pano yung cute my cutie vampire?" saad niya, humugot naman ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa kanya. " Isang cute lang?"

" Okay." saad ko saka ngumiti at nagpacute. " Done!"

" isa pa please?"

" Queenie!"

" Please, one more?"

" I really hate you." simangot ko saka pumikit. Pagdilat ko ngumiti lang ako saka nagpacute.

" Gotcha!!" saad ni habang hawak yung phone niya.

" Queenie burahin mo yan!"

" Ayaw." saad niya saka tumakbo.

" Wait yung info about your kuya!?" habol ko sa kanya.

" Ah oo nga pala."

" Umuwi na sya sa inyo? Lagi syang wala sa condo niya eh."

" Uhm ilang beses sya natulog sa bahay kasi maaga sila sa office ni Daddy, mejo busy sya. Hindi ba sya tumatawag?"

" Gabing gabi naman kasi sya tumawag, eh antok na antok na ko kaya di ko nasasagot tapos nag cacallback ako kinabukasan sya naman ang di sumasagot Or kung masagot niya nagmamadali naman sya lagi."

" So hindi pa kayo nagkikita?"

" Ako nakita niya, pumasok sya sa condo ko habang tulog ako. Di niya ko ginising kainis!"

" Napakahirap mo kaya gisingin, tingin ko nga pwede ka makidnap kahit tulog ka tapos di ka parin magigising."

" Uhm, ginising kaya niya ko?" palihim ko naman na nahawakan yung band aid sa leeg ko, kainis na Keith yun. Magiiwan nga ng marka na pumunta sya, sa leeg pa!

" Malay." kibit niya ng balikat.

" I miss him."

" Well, ngayong nakapasa na sya sa board, mukhang magiging busy na sya at hindi na sya papakawalan pa ni Daddy."

" Pano ako?"

" I'm here." rinig kong saad sa likod ko, paglingon ko nakita ko lang si Allen na may ngiti sa labi.

" Kuya Allen??!" gulat na saad ko.

" First, I told you not to call me Kuya. Second I am here para I-claim yung 3 dates na pangako mo sakin." ngiti niya, patakbo naman akong lumapit sa kanya saka sya niyakap ng mahigpit.

SI KEITH

Linggo ng tanghali ng magpasya akong umuwi sa condo pagkagaling ko sa chekko.

" bwiset na minions yun, kung kailan talaga hindi ako pupunta sa opisina saka pa umuwi sa kanila." bulong ko pagsakay sa elevator. Tuwing pupunta ako sa condo niya, lagi syang tulog at kahit anong gising ko sa kanya ay wala paring talab.

Halos gahasain ko na sya, tulog pa din!

I'm sure kapag katabi ng Allen na yun si Kibo, hindi lang pagtulog ginagawa niya.

Bwiset sya!

Ilang sandali pa ng mag ring yung phone ko.

" Why Trey?" sagot ko dito

" Inom tayo later."

" Sure, sumasakit ulo ko sa dami ng pinaaaral sakin ni Dad na project. Akala ko after ko maipasa yung exam magiging madali na lahat."

" Welcome to the real world." natatawang saad niya, napakamot naman ako sa ulo. " Ito na ang totoong trabaho Keith kaya goodluck."

" Yeah I know, basta inom tayo later. Gusto ko ipahinga yung utak ko." Bumukas naman yung elevator at nagsimula ako humakbang papunta sa unit ko. Pagpasok ay dumeretso lang ako sa sofa at pabagsak na naupo.

Dinial ko lang yung number ni Kibo pero tanging ring lang yung narinig ko dito.

" Bwiset kang minions ka!" bato ko ng cellphone sa maliit na mesa pero napalingon lang ako ng may marinig na kung ano sa kwarto ko.

SHIT!

Hanggang manlaki yung mata ko ng makita yung nakapulang hoodie na lumabas sa kwarto at tumuloy sa pinto.

" Stop!!!!" sigaw ko ng hahawakan niya yung doorknob, tumigil naman sya. " Don't you dare!" gigil na saad ko ng aktong gagalaw sya. " Humarap ka!"

Dahan dahan lang syang humarap sakin saka ngumiti.

" Who are you!?"

ITUTULOY

AUTHORS NOTE: First thanks sa lahat ng nag aabang and nagbabasa, love you guys. Kay young super thanks sa help mo sa story na to and sa lahat ng advice love lots! mwuah mwuah.

Please dont forget to like, share, vote and comment and pafollow na din.. Thanksss







No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails