Followers

Tuesday, September 1, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 13

 



XOXO

Keith and Kibo

Chapter 13


SI ALLEN

" Ayoko makasal." gigil lang akong dumakot ng buhangin. " I hate my life! I really hate it, gustong gusto ko tumakas nalang pero hindi ko magawa. Bakit ba ang duwag ko?"

" Kuya Allen."

" Nakakainis, masama ba hilingin na wag matuloy yung kasal ko? Kung hindi lang namin kailangan ang Xiayen hindi ko talaga gagawin to. Sobrang nakakainis!"

" Ayaw mo ba talaga magpakasal?"

" Yeah, sayo ko lang sasabihin pero ayoko talaga. Ayoko, ayokoo, ayokooo!" iling ko pero nagulat ako when he grab my shirt and pull me towards him hanggang maglapat yung labi naming dalawa, Nanlaki lang yung mata ko sa ginawa niya, ilang sandali akong natigilan hanggang unti unti ko tong sinagot.

Hinahalikan ba niya ko? Totoo ba to?

" Allen." rinig kong saad ni Jessica, natauhan naman ako saka dahan dahan napalingon.

" Kibo?" saad ni Queenie, napatingin naman ako kay Kibo.

" Why did you do that?" bulong ko nakita ko naman tumalikod si Jessica saka nagmamadaling naglakad.

" You're a cheater." pilit na ngiti ni Kibo.

" No, I'm not! Kibo naman eh!" inis na saad ko saka tumayo at nagmamadaling sinundan si Jessica.

Where is she?

Pilit ko lang syang hinanap hanggang makarating ako kung saan nakapark yung kotse ko, nakita ko lang syang nakasandal dun habang nagpupunas ng mukha.

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka humakbang papalapit sa kanya.

" Jessica." Mahinang banggit ko ng pangalan niya, nag angat naman sya ng mukha saka matalim na tumingin sakin. " It's not what you think, let me explain."

" Sure, explain." mapait na ngiti niya, nakagat ko lang yung labi ko saka umiwas ng tingin. " What was that? Why are you kissing him?"

" Yung nakita mo, that was a mistake."

" Mistake?"

" Yeah, he kissed me."

" From what I saw, I think it's the other way around. You were kissing him."

" No." iling ko. " Hinalikan niya ko and-"

" You kissed back?" saad niyang deretsong nakatingin sa mga mata ko, hindi naman ako nakasagot sa tanong na yun. " Are you gay?" tanong niya, napalunok lang ako habang nakatitig sa mata niya. " Allen are you gay?"

" Papakasalan kita, mahalaga pa ba yun?"

" What?!" di makapaniwalang saad niya.

" Jessica please?"

" I am asking you if you are gay?!!" madiin na saad niya.

" Jessica."

" Just fucking answer it!" gigil na saad niya, ginulo ko lang yung buhok ko saka umiba ng tingin. Damn it! " Do you like Kibo?"

" Jessica, let's just forget kung ano man nakita mo. Promise, wala lang yun at hindi yun makakaapekto sa relasyon natin. I'm faithful, magiging mabuting asawa ako at wala akong gagawin na kahit anong makakasira sa relasyon natin."

" Why don't just answer my question?"

" Jessica please?"

" Bakit mo ko papakasalan? Dahil ba sa merging?" tanong niya na tanging pag iwas ng tingin ang naging sagot ko hanggang makita ko yung sarkastikong ngiti sa mukha niya. " Allen, I need your answers."

" Jessica please?"

" Please what?!" gigil na saad niya. " Please what! Allen what!?"

" Can we just forget it, fine nagkamali ako. I Admit it, I kissed him back and I am so so sorry, I am really sorry sa nakita mo. Can you forgive me? Please?"

" Bakit di mo magawang sagutin yung mga tanong ko?"

" Jessica, please?" saad ko, hinawakan ko naman yung kamay niya saka dinala sa labi ko at masuyong hinalikan. " Forgive me please, give me another chance?" mahinang saad ko. " I made a mistake and ipapangako ko na hindi na sya mauulit. Just give me another chance?"

" You want another chance then let me ask you one question."

" What?"

" Do you like him?" deretsong tanong niya, napalunok naman ako. " Just answer it or I will talk to your dad and tell him kung ano yung nakita ko." saad niya na may pagbabanta sa mga mata. " Answer it!"

" Yeah, I like him." bulong ko kasunod nun yung malakas na sampal na dumapo sa pisngi ko. " I like him." muli kong saad kasabay ng luha sa mata ko. Nang mag angat ako ng tingin nakita ko lang yung mga luhang tumulo sa mata niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

" Are you gay?" Mahinang saad niya.

" Kung yung pagkakagusto ko kay Kibo is Gay, then fine. I am."

" How dare you!"gigil na bulong niya kasabay ng luha.

" Jessica, ayusin natin to. Magpapakasal tayo remember?"

" Papakasalan mo ko dahil sa merging di ba? I want an honest answer." hikbi niya.

" Yeah." nakatungong saad ko, kita ko lang na napaupo sya saka nasapo ng dalawang palad yung mukha niya kasabay ng paghikbi. " I am sorry." saad ko saka umupo at sinubukan syang niyakap pero pilit niya lang akong tinutulak. " Jessica, I'm really sorry."

SI KIBO

" Why did you do that?" di makapaniwalang saad ni Queenie habang nakaupo sa tabi ko, nagkibit lang ako ng balikat saka ngumiti. " Jessica is so mabait, You are so bad Kibo."

" Uhm do you think enough na ginawa ko para di matuloy kasal nila?"

" What!?"

" Why?"

" You mean, ginawa mo yun para di matuloy kasal nila??"

" Ayoko matuloy kasal nila."

" But why, do you still like him?"

" No!" iling ko agad.

" Then why?"

" Tingin ko lang hindi sila dapat makasal, yung ginawa ko is for the both of them. Magpapakasal sila for bussines and I don't think na tama yun kaya kung may chance ako na pigilan yun, then I'll do it kahit pa kapalit yung lips ko." nguso ko, natawa naman sya.

" You're crazy."

" But you know what, yung lips ni kuya Allen. Wow! Ang sarap." kagat labing saad ko. " Grabe, Para akong humahalik sa prinsipe kanina."

" Wait di ba you're flirting with my Kuya, what if malaman niya to?"

" Don't tell him!"

" Why?"

" Tsk! Yung halik na yun for a good cause at kapag gumawa ka ng mabuting bagay, you don't have to tell sa lahat." saad ko saka tumayo. " Let's go."

" Where?"

" Maghanap tayo ng gwapo." ngiti ko saka naglakad.

" Hoy Kibo huh!"

" Joke lang!" natatawang saad ko pero nilampasan niya lang ako. " Hoy wait."

" Maghahanap tayo ng gwapo di ba? saan ba!? tara!" excited na saad niya. " I'm sure madaming gwapo dito." hila niya sakin.

" Basta wag mo sasabihin sa kuya mo?"

" I'll zip my mouth my cute little vampire!"

" Di ako naniniwala, madaldal ka eh."

" Pangako nga!" natatawang saad niya.


SI ALLEN


Ilang minuto kaming walang imikan nun habang nasa labas ng kotse hanggang pumasok sya sa driver side, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka binuksan yung pinto ng kotse.

" Get in, ayoko may makarinig nito." seryosong saad niya, pumasok lang ako saka humugot ng malalim na hininga.

" Jessica." nakasandal lang sya sa upuan habang nakapikit.

" Do you know what I am feeling right now?" bulong niya. " Anger, so frustrated and hurt but I won't let this emotions to control me. I have to think and I'm sure that there is perfect rational explanation about this."

" Jessica."

" Why?" mahinang saad niya. " I need you to explain it to me."

" FGC needs Xiayen."

" Did my dad ask you to marry me kapalit ng merging?"

" No."

" Damn it! Allen, Xiayen need fgc as much as fgc needs Xiayen and you know that! You don't have to marry me para magmerge yung mga company natin." gigil na saad niya.

" My dad wants me to marry you, walang kinalaman yung Daddy mo or your Mom."

" Your dad?!"

" He thinks na kapag kasal tayo, wala ng dahilan ang xiayen para magdalawang isip sa merging, kasi pamilya na tayo. And I think it's true, kapag nagpakasal tayo magiging isang kumpanya na tayo."

" Are you crazy?!"

" Jessica, Please ituloy natin yung kasal."

" How dare you! Allen I told you that I want a perfect family."

" There is no such thing as perfect family!"

" Fine, atleast I want a happy family!" Mataas ang boses na saad niya. " You like Kibo, do you think magiging masaya ako huh! Do you think magiging masaya yung bubuoin natin pamilya knowing na hindi mo naman ako gusto. My God, Allen we have been bestfriend since collage tapos nagawa mo ko lokohin?"

" Lokohin? I never cheated on you."

" Anong tawag mo sa paghalik mo kay Kibo."

" I told you na sya ang humalik sakin."

" Eh bakit mo sinagot!?"

" Kasi I like him!"

" And that is cheating!" gigil na saad niya, umiwas naman ako ng tingin.

" Pero di ako ang humalik, and never ko sya hahalikan kasi we have a relationship."

" You never kiss him before?" saad niyang deretsong nakatingin sa mata ko. " Answer me!"

" I did." bulong ko.

" you're a liar!"

" But he doesn't know it, hinalikan ko sya nung tulog sya, that's it!"

" Wait, yung friend mo na tinitirahan mo. Is it Kibo?"

" Jessica?"

" Sa kanya ka nakatira di ba?" tanong niya pero nakagat ko lang yung labi ko." Answer it or I will kill you!"

" Yeah!"

" Fuck you!"

" Walang nangyare,Kaya kong sabihin na I never cheated on you, Loyal ako, I'm faithful. Jessica let's not do this please? I never kiss him kapag gising sya, nagnanakaw lang ako ng halik kapag tulog sya. Actually yung nakita mo kanina was our sec-"

" Second kiss?" lingon niya sakin.

" Yeah it's true, That was our second kiss. the first one nung naging kami 2 years ago."

" Naging kayo?!" di makaniwalang saad niya. " Oh shit! You are so dumb jessica." palo niya sa ulo niya. " Ano pa, tell me everything! Sabihin mo na lahat please, Si Neko don't tell me nakarelasyon mo din yun?! You were so close nung mga unang taon natin sa collage."

" No, si Kibo lang yung mahal ko."

" Mahal!?" gulat na saad niya. "Calm down Jessica." bulong niya saka humugot ng malalim na hininga. " Can I just Kill you?!"

" two weeks lang kami ni Kibo, until nalaman ni Daddy na may karelasyon ako but he never know that it is Kibo. Binantaan niya ko kaya lumayo ako kay Kibo."

" Do you have plan na ipursue sya, like gawin kabit kapag nagpakasal tayo?"

" No, may boyfriend sya." iling ko, narinig ko naman yung mapait niyang pag ngisi. " So let's just get Married, okay. Hinding hindi na mauulit yung nakita mo."

" Are you crazy!?"

" Jessica please?"

" Nakailang sabi ka na ng please, isa pa. Ikaw pagsusuotin ko ng wedding gown ko! Shit that gown is so expensive!" nag ngangalit ang ngipin na saad niya, umiwas naman ako ng tingin. " Allen, mahal kita eh."

" Then marry me?"

" Pero di mo ko gusto!"

" I like you!"

" but do you love me?" tanong niya, umiwas naman ako ng tingin. " See! Hindi mo ko mahal!"

" But atleast I like you?"

"Should I say thank you kasi you like me?"

" No."

"Asshole! Hindi alam ng Daddy mo na gay ka?"

" Of course not."

" Allen, mangyayare ang merging kahit di mo ko pakasalan, naiintindihan mo ba yun huh!"

" Pero."

" Shut up!!" sigaw niya. " Kung merging ang dahilan mo ng pagpapakasal sakin, forget it kasi hindi ako magpapakasal sayo."

" Why because I'm gay?"

" Kasi hindi ako ang mahal mo!" madiin na saad niya habang masama ang tingin sakin. " Wala akong pakialam kung gay ka or whatsoever, my problem is hindi ako ang mahal mo at ayoko bumuo ng pamilya na hindi pagmamahal ang pundasyon! Do you get that?!"

" Just marry me? Jessica masasayang yung preparation na ginawa natin. Ilang araw nalang."

" Kasalanan ko ba yun? It is your fault na pumayag kang magpakasal when you can just say no!"

" Kaya nga, ituloy nalang natin?"

" No! Isang beses lang ako maglalakad sa aisle ng simbahan at sisiguraduhin ko na yung tamang tao at mahal ako yung katabi kong haharap sa pari. Don't worry, mangyayare yung merging."

" Jessic-"

" Wag kang mapeplease! Naririndi na ko!" gigil na saad niya, umiwas lang ako ng tingin saka sumandal sa upuan. " Sobra akong nag invest ng time and effort sa kasal na to, My God Allen."

" Marry me."

" Walang kasalang mangyayare, and I am so thankful na nakita ko yung nakita ko kanina kasi napigilan ko yung pagsira mo sa pangarap ko. Allen, let's not do this, let's not ruin each others life. I have nothing against you being gay, I am so fine with that cause there is nothing wrong about that anyway but what is wrong is pinaniwala mo kong mahal mo ko na hindi naman pala! And I so hate you for that!"

" I am sorry."

"You should be sorry." Simangot niya, ilang sandali kaming nabalot ng katahimikan. " Make make up pa ko kapag kasama ka tapos di mo naman pala ko gusto." saad niya habang nagpupunas ng tissue sa mukha.

" Wala naman akong sinabi na magmake up ka."

" Si mommy nagsabi, so kasalanan niya?" irap niya. " You know I hate make up, I tried to be a girly girly for you tapos wala din pala."

" Sorry." bulong ko. " So hindi na talaga matutuloy kasal natin?"

" Be honest, do you really want that wedding?" tanong niya, marahan lang akong umiling. " See!"

" Jessica, I'm sorry."

" Allen, hindi ako manhid. Actually I am waiting for you to get caught, Bestfriend tayo and I know you so well, Nung nagpropose ka I was so happy but at the back of mind I know na napipilitin ka lang. I know your Dad is kinda scary pero hindi niya dapat pinipilit yung bagay na hindi mo naman gusto, live your life Allen." seryosong saad niya.

" Should I?"

" You should, Allen we're bestfriends and I do love you. Nasaktan ako sa nakita ko kasi mahal kita pero ayoko makulong sa isang kasal na hindi mo naman gusto. I don't want that kind of marriage. I know kung gaano kaestrikto yung Dad mo,pero Allen it is your life so magdesisyon ka para sa sarili mo. Hindi mo ko mahal so wag mo ko pakasalan."

" Pero pano ka, mahal mo ko di ba?" nakatungong saad ko.

" I love you, I really do. Pero I think, we are not meant for each other? Masakit pero I have to accept it. You know naman how open minded, how rational I am. You should have told me para di na tayo umabot sa ganito, nagsayang pa tayo ng pera at oras para sa isang kasal na hindi naman pala dapat mangyare."

Hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko.

" I have to accept it pero it doesnt' mean na okay na ko. Magmomove on ako, mag iinom pero di ko papakita sayo." simangot niya. " Sobrang masakit pero you know me, I am strong."

" Yeah." tango ko.

" Your tuxedo." simangot niya. " Don't you ever think na ibibigay ko sayo yun, tha's mine at ipapasuot ko yun sa papakasalan ko."

" But I paid for that?"

" Do you want me to ask you to pay for the damages you cause me, emotionally? huh?"

" No."

" So shut up!"

" Fine."

" Samahan kita kausapin Daddy mo."

" You will do that?"

" Of course."

" Yung merging."

" Don't worry about that, mangyayare sya kahit sino pa ang humarang."

" Thank you."

" No, Thank you. Nakita ako ni Kibo bago ka niya hinalikan, yung tingin palang niya na yun. Alam ko na."

" Si Kibo, that little kiddo!" simangot ko.

" You should thank him, I want thank him too. Coz he saves us from a failed marriage."

" Yeah sure.."

" May boyfriend sya?"

" Hindi pa sila pero mahal niya daw."

" I see, hindi pa pala eh. Why makes some move."

" Mahal niya."

" Don't tell me suko ka na agad, that is not the Allen I know. Ang alam ko sinusubukan mo muna lahat ng possible ways kapag di nag work saka ka lang sumusuko."

" Do you want me to-"

" Free yourself and love him." ngiti niya, isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " Oh my God I am so out my mind, now I'm giving you advice to pursue him." irap niya sakin, natawa naman ako. " Don't laugh!"

" Yeah sure." napapakamot na saad ko, nang lingunin ko sya nakita ko lang yung ngiti sa labi niya. " Why?"

" Never kita nakitang tumawa pero nung kasama natin si Kibo, Nakangiti ka, tumatawa. Siguro naramdaman ko na rin na gusto mo nga sya, the way you look at him is different from the way you look at me."

" Jessica."

" Tama si Mommy nung sinabi niya sakin na para kang robot, nakaprogram lahat ng sagot at sasabihin mo but now I finally see you smiling, yung totoong ngiti, yung totoong tawa? Allen kung si Kibo ang yung makakapagbigay ng happiness mo. Go for it."

" I really like him." kibit ko ng balikat.

" I think matagal tagal tayong magkakasama hindi dahil magpapakasal tayo kundi dahil sa merging, so let's not make everything so complicated. Let's have each others back." lahad niya ng kamay niya. " Partners?"

" Partners." ngiti ko sa kanya saka tinanggap yung kamay niya.

" Okay, let's do this." Binatawan niya lang yung kamay ko saka kinuha yung phone ko sa dashboard ng kotse ko saka binigay sakin, kunot ang noo naman akong tumingin sa kanya.

" Let's call everyone, inform them na walang kasalang mangyayare." simangot niya.

SI KEITH

Nag aayos lang ako ng gamit ng marinig ko yung pag ring ng phone ko. Agad ko lang tong kinuha at sinagot.

" Trey, why?"

" Nabigay ba sayo ni Vanessa yung underwears na binili ko para sayo, I told her na suotin mo sya during exam."

" The red underwears? Bakit ang dami?"

" Ah baka lang kasi manakaw, atleast may reserba." natatawang saad niya.

" Actually nagkulang nga ng isa."

" Ang lupit talaga nung kumukuha huh!" tawa niya. " I am so curious anong ginagawa niya sa underwears mo."

" Makakapagtayo na sya dude ng department store ng mga underwears." natatawang saad ko, halimaw na magnanakaw yun. Hindi ko na alam kung gaano karaming underwears ko ang nakuha niya.

" Try mo magchange sa boxer, let's see kung kukunin niya din."

"Ayoko, Bakit di na gumagana yung camera dito?"

"Ah kasi nagdala ako dyan ng babae nung nakaraan, kaya ini-off ko na. Baka makita mo pa eh."

" Kailan?"

" Nasa chekko ka nun, don't worry nilinis ko. Wala akong iniwang bakas."

" Ewan sayo!"

" Kamusta exam mo kahapon?"

" I think mapapasa ko sya." nakangiting saad ko saka naglagay ng damit sa bag ko.

" Wow, well congratz in advance. Inom tayo?"

" No, thanks dude. Aalis ako, mga 2 days siguro."

" San ka pupunta?"

" Kay kibo."

" Seriously?"

" Yeah, papatunayan ko sayo na deserve ko yung support mo."

" Sabi mo eh." natatawang saad niya. " Nagpaalam ka kay Vanessa?"

" Yeah, oo naman. Sige na bye!"

" Okay ingat, kamusta mo ko kay Kibo."

" Mukha mo!" saad ko. Pinatay ko lang yung phone ko saka pinagpatuloy yung pag aayos ng gamit. Nang masigurado ng ayos na ang lahat ay pumasok ako sa kwarto saka kinuha yung laptop ni Allen.

Di ko maimagine kung ano magiging reaction ni Kibo kapag napanuod niya to, shit burahin ko nalang kaya?

Sobrang mahal niya yung kuya niya, at kapag nalaman niya to sigurado akong madudurog sya.

Humugot lang ako ng malalim na hininga saka binura yung folder na yun saka binalik sa drawer ko.

Bakit kasi kailangan pa mangyare yun at bakit kailangan nila magsinungaling?

SI KIBO

" KIBOOOO!!" rinig kong sigaw ni Queenie habang kumakatok sa pinto ko hanggang bumukas to.

" What? Bakit ka sumisigaw?"

" May tao sa baba!"

" Bisita? Si Mommy na bahala dun, malamang kumare niya."

" no! Lalake at ang gwapo."

" Gwapo?" ngiti ko.

" Sobrang gwapoooo!"

" Artista?"

" Nope."

" Ay kaso iba naman yung gwapo sayo sa gwapo sakin, magkaiba tayo ng taste." simangot ko. " Hindi ko nga alam kung saan bandang gwapo yung tinuro mo sakin dun sa tabing dagat eh."

" Bulag ka lang, tara na kasi."

" Kilala ko ba?"

" Tara na, baba ka na. Gwapo talaga sya promise."

" Kapag hindi yan gwapo, humanda ka sakin." simangot ko, sabay lang kaming bumaba. Nasa hagdan palang ako nakita ko na yung nakatalikod na lalake na may sukbit na bagpack, may hawak tong bulaklak habang kausap si Mommy.

" Who's that?" Tanong ko hanggang humarap yung lalake, napanganga lang ako ng makita si Keith.

" Sabi sayo, gwapo eh." natatawang saad ni Queenie.

" Keith!?" di makaniwalang saad ko saka patakbong lumapit sa kanya. " What are you doing here?"

" Ako yung nagsabi sa Address." ngiti ni Queenie, sinimangutan ko naman sya. " At nagpaalam ako sa mommy mo na pupunta sya."

" Totoo ba yung sinabi niya anak?"

" Ah ano sinabi niya Mom?"

" Manliligaw mo daw sya?"

" Oh my God!" saad ni Queenie habang hawak yung bibig niya. " Kunware nashock ako, alam ko po tita." natatawang saad niya.

" Ewan sayo Queenie, pasensya na po." tango ni Keith kay Mommy. ANG BAIT!

" So manliligaw mo nga sya?"

" Uhm Mom, kasi ano."

" Para sayo." ngiti ni Keith, ano nakain neto at todo ngiti.

" Sigurado ka?" ngiwi ko.

" Tangapin mo nalang." nakangiting saad niya pero kita yung gigil sa mga ngipin niya, nakangiti ko naman kinuha yung bulaklak.

" So manliligaw mo nga?"

" Ata?"

" Uhm tita, Ang handsome ng kuya ko noh?" saad ni Queenie sa likod ko.

" Mejo hawig kayo, gwapo sya anak huh. Pwede na." ngiti ni Mommy. " Ready na ko ng dinner."

" Salamat po." ngiti ni Keith dito.

" Ah wait, oo nga pala dito pala magdidinner si Allen. Tumawag sya kanina." saad ni Mommy.

" Why daw po?"

" I don't know, baka papunta na yun. Iwan ko muna kayo."

" Salamat po tita."

" Queenie, can you help me?"

" Sure tita, maiwan ko muna kayong dalawa huh."

" Anong ginagawa mo dito?" napapakamot na saad ko ng maiwan kaming dalawa.

" Bakit ayaw mo ko makita?"

" Gusto." iwas ko ng tingin.

" Namiss mo ko?" ngiti niya, inirapan ko naman sya. " Why, bakit ako namiss kita?"

" Fine, oo na I miss you."

" Kuya." rinig kong saad ni Queenie, napalingon naman kami. " I'm so sorry sa istorbo pero kuya napagpaalam na kita kay Tita samantha na dito ka matutulog." ngiti pa ni Queenie na ikinanganga ko.

" What?" maang ko

" I'm not sure lang kung papayag sya na magkasama kayo sa isang kwarto." natatawang saad pa nito. Hanggang marinig ko yung kotse sa labas, nagkatinginan naman kami ni Queenie saka nagmamadaling lumabas ng pinto. Nakita ko lang yung yung pagpasok ng kotse ni Allen sa gate.

" Bakit dito sya magdidinner?" tanong ni Keith sa likod ko.

" Malay ko?"

" Kuya, hinalikan sya ni Kibo nung isang araw." saad ni Queenie, nakagat ko lang yung labi ko. Pag tingin ko kay Keith kita ko lang yung sama ng tingin niya sakin.

" Uhm explain ako later." pilit na ngiti ko. " Ang usapan di ba walang laglagan." simangot ko kay Queenie, nagpeace sign naman sya sakin.

Pagkaparada ni Allen ng kotse, nakita ko lang yung pagbaba niya.

" Oh my God." bulong ni Queenie, napanganga lang ako ng makita yung porma niya at yung hawak niyang malaking boquet ng roses. " What is happening?" nganga ni Queenie. Nang lingunin ko si Keith nakatingin lang sya sa bulaklak na hawak ko na wala pa ata sa kalahati ng laki ng bulaklak na dala ni Allen.

" Pwede ka na magtayo ng flower shop Kibo." ngiti ni Queenie.

" Shut up?"

" Pano muna yung cute."

" Gusto mo ihampas ko sayo to?" amba ko kay Queenie pero natawa lang sya,

" Hi, Kibo." ngiti ni Allen. " Para sayo." abot nito ng bulaklak. Napalingon naman ako kay Keith saka dahan dahan tong tinanggap.

" Oh Allen, you're here." rinig kong saad ni Mommy.

" Goodevening po."

" Magandang gabi din." ngiti ni Mommy. " Queenie, let's go help me."

" Yes po tita, pahiram po mamaya ng gunting niyo sa garden. Ang haba po ng buhok ng anak niyo eh." natatawang saad ni Queenie saka hinila si Mommy papuntang dining area.

" So ano ibig sabihin nito?" saad ni Keith.

" Yeah, Kuya Allen, what is this?"

" Bulaklak?" ngiti niya.

" I mean, why?"

" Masama ka ba bigyan ng bulaklak, Uhm hi Keith. Nanjan ka pala."

" Hi mo mukha mo." simangot ni Keith.

" Keith." kurot ko sa kanya.

" Wala pa nga akong ginagawa, mukhang nagseselos na." iling ni Kuya Allen.

" Kamusta kayo ni Jessica?" Pilit na ngiti ko.

" Okay kami, uhm nagdesisyon kami na hindi na ituloy yung kasal."

" What!?" gulat na saad ni Keith.

" Ano sabi ng Daddy mo?"

" Uhm Bukas pa babalik si Dad, kaya bukas pa niya malalaman."

" Di na tuloy yung kasal niyo?"

" Yeah." ngiti niya, naramdaman ko naman yung paghila sakin ni Keith sa tabi niya.

" He's mine." bulong ni Keith.

" Ang alam ko, hindi pa kayo." ngiti ni Kuya Allen. " Let me give you a good fight, baka magulat ka. Ako piliin niya."

" Aano sabi mo?" saad ni Keith.

" Kuya Allen." nguso ko.

" Ninakawan mo ko ng halik, I need to get it back..with the interes that you can't imagine."

" What the hell."

" Relax Keith, andito tayo sa bahay namin." pisil ko sa braso niya pero sinimaan niya lang ako ng tingin.

Damn it ano ba gagawin ko, kita ko lang yung sama ng tingin ni Keith kay Allen. Inamin niya sakin na mahal pa niya ko tapos ngayon hindi na tuloy yung kasal nila ni Jessica, ibig sabihin..Malaya na si Kuya Allen at pwede na niya-

" Pwede ba wag mo syang tingnan." Simangot sakin ni Keith.

" I think tito Ben is here?" lingon ni Kuya Allen, nang lumapit ako sa pinto natanaw ko lang yung pagpasok ng kotse ni Daddy sa gate.

" Si Dad, Oh my God. I am so dead, I am so deadddd!" lingon ko kay Keith. " Bakit ka kasi pumunta dito, di ko pa nasasabi yung tungkol sayo eh." bulong ko.

" Nandito nga yang ex mo eh." simangot niya.

" Normal naman andito ako, I am family friend." ngiti ni Allen pero sinimangutan lang sya ni Keith.

" Ayusin mo mukha mo, next time na tayo mag away please. Kailangan magustuhan ka ni Daddy." kita ko naman na umiwas sya ng tingin.

" Uwi nalang kaya ako." Bulong niya. " wag mo nga ako ngitian." asik niya kay Allen.

" Shut up Keith!" kurot ko sa braso niya.

" Goodevening Tito Ben." bati ni Kuya Allen kay Dad.

" Allen, What are you doing here?" tanong nito hanggang mapunta yung tingin nito sa bulaklak na hawak ko saka muling tumingin kay Allen. " Why is he holding flowers? Galing sayo? Wait a two boquet?"

" Goodevening Sir." bati ni Keith.

" Goodevening, and who is this young boy?"

" Uhm Dad, si Keith po."

" Manliligaw po ni Kibo." ngiti ni Allen.

" Manliligaw?" ngiwi ni Daddy saka napatingin sakin.

" Uhm Dad, can we talk?" ngiwi ko, kita ko lang yung tingin nito kay Keith mula ulo hanggang paa.

" And ako rin po tito, nanliligaw na po sa anak niyo." saad ni Allen, napatingin naman kaming tatlo sa kanya. OMG! " Okay lang po ba?"

Kita ko naman na natawa si Daddy.

" What are you talking about Allen, you're getting married right?" Kunot ang noong tanong ni Daddy saka muling tumingin kay Keith. " Dalawang suitor? Wait are you serious? Pano nangyare?" di makapaniwalang saad ni Daddy.

" Dad, let's talk." Ngiwi ko saka hinila si Daddy paakyat sa hagdan hanggang makarating kami sa office niya.


SI KEITH


" Manliligaw ka kay Kibo?" nakasimangot na saad ko kay Allen, pero nagkibit lang sya ng balikat. Putek, bakit ba ang gwapo ng letseng to. Sa porma palang halata mo na galing sa mayamang pamilya, yung kotse niya halatang bagong model.

" Bakit ikaw lang ba may karapatan magmahal sa kanya?"

" Pwede ba, ituloy mo nalang yung kasal mo. Wag mo kami guluhin ni Kibo!"

" Sino nagsabi na mangugulo ako, just to remind you wala pa kayong relasyon ni Kibo. Wala pa ngang nangyayare sa inyo so I think may laban ako." ngiti niya.

" Wag ka ngang ngumiti! Nakakasira ng araw yung bibig mo.

" Really." ngiti niya.

" Bwiset!"

" Okay." ngiti uli niya, hampasin ko kaya to ng sapatos.

" Nakakabwiset yung ngiti mo, type mo ko noh!" asik ko sa kanya na ikinatawa niya.

" That's funny, tulong ako sa kitchen baka ikamatay mo yung inis mo sakin eh." tapik niya sa balikat ko saka ako nilampasan. Agad ko naman pinagpagan yung balikat ko. Bwiset!


SI KIBO


" What is the meaning of that?" Saad ni Daddy pagpasok sa office niya, nilapag ko naman sa mesa niya yung dalawang bulaklak, kita ko naman yung tingin niya sa mga yun. " Di ko akalain na bukod sa mommy mo, may makakatanggap pa ng bulaklak sa bahay na to."

" Daddy naman."

" So sino yung nasa baba."

" Si Keith po."

" Okay, explain."

" Dad, si Keith po ano..Uhm gusto ko po sya."

" Ah keith yung name niya pero what!!? May gusto ka na?" nanlalaki ang matang saad ni Daddy. " Seryoso ka ba? Suitor mo sya, nanliligaw sayo?"

" More of ako yung nanliligaw sa kanya." pilit na ngiti ko. " I really like him Dad."

" Gusto ka ba niya?"

" Sabi niya po."

" Sabi niya, so kayo na?"

" Not yet."

" Why?"

" Gusto niya po na maipasa niya muna yung board bago ko sya ipakilala sa inyo, Engineer sya Dad like allen."

" And speaking of Allen, what is he talking about? In a few days ikakasal na sya di ba so bakit sya manliligaw sayo?"

" Uhm di na daw tuloy kasal niya."

" Whaaat!"

" Dad, sinabi na niya sa inyo kanina. Bakit nagugulat pa kayo?"

" Baliw ba sya, alam na ba ng Daddy niya?"

" Di pa ata?"

" Eh baka bago mo sya masagot at maging kayo,Eh nacremate na sya ng Daddy niya!"

" Dad naman."

" So si Keith ang gusto mo?" Tanong ni Daddy, marahan lang akong tumango. " Mas gusto ko si Allen."

" Dad, Si Keith ang gusto ko."

" Why not Allen? Bestfriend sya ng kuya mo at halos kasama niyo na sya lumaki at naging anak na namin sya ng Mommy mo so natural sakin na mas gustuhin sya kesa dun sa Keith mo."

" Wala na kong feelings kay Kuya Allen, Dad."

" Oh goodness."

" Si Keith po ang mahal ko."

" Mahal???? Oh holy molly, mababaliw ako." hawak ni Daddy si ulo niya saka naupo. " Nung kinausap niyo kami ng kuya mo about your sexuality, Halos isang linggo akong tulala at pakiramdam ko anak muntikan akong mabaliw pero mas nakakabaliw pala kapag may dinala ka ng lalake at hindi lang isa, kundi dalawa. Anak yung batok ko." saad niya habang yung batok niya.

" Dad." nguso ko.

" May nangyare na ba sa inyo nung Keith na yun?" tanong niya habang hawak yung dibdib niya.

" Wala pa Dad." saad ko, kita ko naman yung pagbuga niya ng hangin. " Dad, tanggap niyo naman ako di ba?"

" Yeah, tanggap ko na. Pero akala ko hindi pa ngayon, akala ko magtatapos ka muna."

" Dad, magtatapos ako don't worry."

" Pwede bang si Allen nalang, tingin ko mapapanatag ako kapag sya yung pinili mo."

" Di niyo pa naman kilala si Keith eh."

" And that is my point, we don't know him so how can we trust him? Pano kung lokohin ka niya?"

" Dad."

" Gwapo naman sya, kung makakabuo lang sana kayo I'm sure sobrang cute ng magiging anak niyo kaso anak hindi eh. Pinag-uusapan namin ng Mommy mo kung pagbibigyan mo kami kapag humingi kami ng apo sayo, kahit isa lang?"

" How?"

" Get a girl? How about Queenie?"

" Daddy?" ngiwi ko.

" Okay let's have a deal."

" No, I don't like it."

" Pakinggan mo muna ako."

" Dad, I am gay. Wala naman pilitan?"

" Kahit isa lang anak, please?" ngiti ni Dad, nanlaki naman yung mata ko ng may maalala. " Why?"

" May sinabi sakin si Keith about vitro."

" What's that?"

" hahanap kami ng girl na pwedeng magbuntis para samin, gusto din ni Keith magkapamilya kami eh, So yung sperm namin ang gagamitin then pwede na kami magkaanak."

" Really?"

" yes Dad!" ngiti ko sa kanya.

" I See, so mabibigyan mo kami ng apo?"

" Without having sex with a girl." Approve ko sa kanya kasabay ng malaking ngiti.

" So it's possible, but I'll choose allen parin." ngiti ni Daddy, ngumuso naman ako saka bumagsak ang balikat. " Give him a chance."

" Pero Dad."

" Don't you know how big he is risking sa ginagawa niya ngayon, sa panliligaw sayo and he is so brave to do that. You know his Dad, Hindi biro kalabanin yung daddy niya pero look at him, nandito para sabihin samin na nangliligaw sya."

" I like Keith."

" Please? I think kung andito kuya mo, si allen din gugustuhin niya para sayo."

" No dad, sasabihin sakin ni Kuya Neko na piliin ko kung sino ang gusto ko."

" I doubt it, My vote is for Allen." ngiti niya.

"Whatever ." simangot ko.

" Give me a hug, my unica hija." ngiti ni Daddy saka binuka yung kamay niya.

" Daddy I'm not a girl, I am boy who likes boy."

" Kahit ano ka pa, yakapin mo na daddy mo." simangot niya, natawa lang ako saka yumakap kay Daddy.

Halos walang imikin nun habang lahat kami ay nasa harapan ng hapag kainan, ramdam ko lang yung taas ng tension sa paligid.

" So Allen, are you serious na hindi na tuloy yung kasal niyo ni Jessica?" basag ni Daddy sa katahimikan.

" Yes, tito."

" How?"

" Hinalikan po ako ni Kibo." saad niya saka tumingin sakin, nag init naman yung pisngi ko matuon yung tingin nilang lahat sakin. " Nahuli po kami ni Jessica." dagdag pa niya, kaya nakagat ko lang yung labi ko.

" Is it True?" tanong ni Mommy.

" I saw it Tita, it's true." ngiti ni Queenie, inis naman akong tumingin sa kanya. " Why totoo naman?"

Nang tingnan ko si Keith, nakatingin lang sya sakin. For sure binabalatan na niya ko ng buhay sa utak niya. Damn it!

" Tito, I know na hindi magiging madali lalo na kay Daddy but I just wanna try. Ayoko mag sisi sa huli na wala akong ginawa, na hindi ko man lang sya pinaglaban kaya please give me a chance." Pilit na ngiti ni Allen.

" Ipaglaban? bakit meron pa bang kayo?" bulong ni Keith, inis naman akong tumingin sa kanya.

" Ikaw, seryoso ka ba sa anak ko?" seryosong tanong ni Daddy kay Keith.

" Sobrang serious po, kahit pakasalan ko po sya bukas gagawin ko."

" Di ba kuya you hate commitment, ang dami mo ngang babae eh." saad ni Queenie, nakagat ko naman yung labi ko. Oh shit ano ba ginagawa ng magkapatid na to?!

" Madami kang babae?" Tanong ni Mommy, sunod sunod na iling naman ginawa ni Keith.

" Wala po, Si kibo nalang po. Sya lang po mahal ko." pilit na ngiti niya, pero mariin lang tong tinitigan ni Daddy. " Promise po, hindi ko po lolokohin yung anak niyo."

" Mahal ko po si Kibo." saad ni Allen.

" Kuya Allen." simangot ko.

" I'm serious Kibo, Nakipaghiwalay po ako before sa kanya kasi nalaman ni Dad na may karelasyon ako and I am not that stable that time, I don't have anything to protect Kibo so I decided na makipaghiwalay sa kanya para di sya galawin ni Daddy, But now? I have my own money and kaya ko ng humiwalay sa anino na Daddy anytime. Kaya ko na po ipaglaban si Kibo ngayon and I'm asking for a chance, chance para patunayan na mahal ko sya at gagawin ko lahat maging masaya lang sya." seryosong saad ni Allen.

" He is happy being with me." bulong ni Keith.

" Keith!" gigil na bulong ko.

" I wish marinig ko din yan sa lalakeng ihaharap ko sa bahay." irap ni Queenie sakin. " Kuya Allen, I'm single. How about ako nalang?"

" How about kayo nalang ni Kibo?" ngiti ni Mommy.

" Tita, gusto ko na gahasain yang anak niyo kaya lang yung may lawit ang gusto! Eh wala ako nun kaya kay kuya nalang sya. Na kay kuya yung boto ko."

" So it's a tie." lingon ni Daddy sakin.

" What tito?" kunot ang noong saad ni Allen.

" Daddy?" simangot ko.

" Ikaw hon kanino ka?" tanong ni Daddy kay Mommy.

" May botohan?" bulong ni Keith sakin.

" Uhm ayoko muna bumoto, Dito kayo matutulog dalawa di ba?" tanong ni Mommy.

" Uhm uuwi po ako." saad ni Allen.

" No, dito ka matutulog. Tabi kayo ni Keith." ngiti ni Mommy, nagkatinginan naman silang dalawa. " Ayoko pa mabuntis anak ko kaya walang pupunta sa kwarto ng anak ko, naiintindihan niyo?"

" Mommy!" inis na saad ko, kita ko lang yung pagtawa ni Queenie.


SI ALLEN


"So anong plano mo sa Daddy mo?" tanong ni Tito Ben, nasa office niya kami nun habang umiinom ng brandy. " Hindi niya magugustuhan yung ginagawa mo."

" I know tito."

" Eh bakit manliligaw ka pa din kay Kibo?"

" I love him." seryosong saad ko saka uminom sa baso ko. " Mahal ko po sya tito."

" Pwedeng sya ang pagbuntungan ng Daddy mo, I know your Dad. I know him so well kaya alam ko na he is capable of hurting Kibo kung sakali." saad nito pero isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " Allen, don't get me wrong okay. I like you for my son pero kaya mo ba sya protektahan, I mean sigurado ka ba na kaya mo na?" marahan lang akong tumango.

" He is still studying, may pangarap pa si Kibo at sa oras na saktan sya ng Daddy. I will make sure to fight back whatever it takes. Sya nalang ang meron kami ng Tita Samantha mo and we don't care kung gaano kapowerful ang Daddy mo. We will protect our son no matter what." Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko. " Why?"

" Kibo is so lucky, everyone is trying to protect him. I wish i have it, I wish someone is there for me like Neko did for me before."

" Allen iho."

" You know tito, what scares me the most right now? It is not Dad. It's the thought that I won't be able to protect Kibo. 2 years ago, nakipaghiwalay po ako sa kanya to protect him from Dad and I promise to myself na darating yung araw na pwede ko sya mahalin uli, na kaya ko na protektahan sya habang nasa tabi niya ko at tingin ngayon na yun. Tito, Kaya ko na." ngiti ko.

" That's good to hear." ngiti ni Tito Ben.

" Tito about Neko."

" What about him?"

" Do you think Kibo deserves to know the truth?"

" He is still a kid Allen."

" He is 21 now, you and tita samantha can't hide it from him forever."

" Allen do you think it's better na hindi nalang niya alam?"

" You know what Tito, Masasaktan si Kibo kapag nalaman niya yung totoo pero parang mas masakit po na nagsinguling tayo sa kanya? He deserves the truth and he doesnt deserve being lied to." seryosong saad ko, kita ko naman na umiwas ng tingin si Tito Ben saka sumandal sa upuan niya.

" Masasaktan yung anak ko."


SI KEITH


Nasa tapat lang ako ng kwato na yun sa loob ng bahay nila Kibo, thier house is so big. Di ko akalain na ganito sila kayaman. Damn it! Pano pa kaya yung bahay ng bwiset na octopus na yun. I Know Fgc is so big compare sa company ni Daddy na baka wala pa sa kalahati. Big deals, big project all goes to Fgc. Halos lahat ata ng kasabayan ko mag exam wants to work with them.

Ano laban ko sa bwiset na yun, kung ako din magulang ni Kibo mas pipiliin ko si Allen.

Pinihit ko lang yung doorknob saka pumasok sa kwarto na yun.

Pinagmasdan ko lang yung loob nito hanggang makita ko yung picture nilang dalawa ni Kibo.

" Cute na pala sya dati pa." simangot ko.

" What are you doing here?" rinig kong saad sa pinto, automatiko naman akong napalingon dito. It's allen's voice. " Ano ginagawa mo sa kwarto ni Neko?"

" I'm just curious about him."

" Why?"

" Nakwento sakin ni Kibo na sobrang umiyak sya nung nalaman niyang wala na yung kuya niya, I can actualy feel his pain habang nagkwekwento about his Kuya." saad ko saka umupo sa kama. Kita ko naman na pumasok sya saka sinara yung pinto. " Medyo madami na din akong alam about Neko, so I'm curious."

" He loves him, so much." saad niya, marahan naman akong tumango.

" Mukha nga, Sabi ni Kibo, he is his hero." ngiti ko sa kanya.

" Yeah."

" Pero namatay yung hero niya na walang kalaban laban, died in his sleep? How ironic." ngiti ko, kita ko naman na napalunok sya. Tumayo lang ako mula sa kama saka humakbang papalapit sa kanya, kita ko lang yung pagkataranta sa mata niya ng mga oras na yun hanggang magtapat kami.

" W-What are you doing?" nauutal na saad niya hanggang ilapit ko yung mukha ko saka pinagmasdan yung bawat sulok ng mukha niya. Kita ko lang yung pagtulo ng pawis sa noo niya kasabay ng paglunok.

"Magkatabi tayo matutulog di ba? You can have me, basta akin si Kibo." ngiti ko sa kanya.


ITUTULOY


Author's note: Thanks sa mga patuloy na sumusupport kay Kibo, love you guyss! salamat kay young, sa pagshare ng ideas and help sa story mwuah mwuah! For more updates you can join in our private group in facebook. Just search BLUEROSE.


Please like, share , comments, vote and subscribe! haha I mean follow.. love lots







1 comment:

  1. Thanks for the update Mr Author!
    Wow! This chapter's great!
    I loved how Jessica simply kept her head at that situation. Also, i think i prefer Allen rather than Kibo, hahaha peace! Cant wait for the revelation about Neko. More power Mr Author!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails