Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.
Heto na po ang Chapter 77.
Camilla's POV
「7 years ago...
“Alam mo, dumaan ako sa library at nakita kong may kasamang
babae si Knoll,” sabi ni Aulric sa kalagitnaan ng pagkain.
“Talaga? Ano ginagawa nila?” tanong ni Shai na mukhang handa
ng sapakin si Knoll.
“Nag-aaral lang sila,” sagot ko. “Mag-chill nga kayo.”
“Pero may kasama siyang ‘ibang babae’,” pag-enunciate pa ni
Shai.
“Ay! Okay lang iyun. Hindi naman sila naghahalikan o ano.
Tsaka personal na kilala ko iyung babae. May boyfriend din iyung tao.” Bigla
naman akong nag-alala. “Paano kaya kung makita ng boyfriend ni Iris iyung
dalawa?”
“Baka nagkaroon ng black eye iyung boyfriend mo,” sulsol ni
Aulric.
“Yeah, alam kong dating sira ulo iyung boyfriend ko, pero
alam ko naman na mabait siya. Siguro naman, walang mangyayaring masama sa
kanila.” Tiningnan ko ang pambisig na relo ko kung oras na ba para sa susunod
kong klase. “Hay! Tapusin na nga natin iyung pagkain. Baka ma-late ako sa
susunod kong class.”
“Babe, bakit nandito ka pa?” hinihingal na wika ni Knoll
galing sa likod ko. “Late na tayo, tara na.”
Kinuha ni Knoll ang gamit ko saka ang kamay ko. “Pero hindi
pa ako tapos kumain.”
“Pakakainin na lang kita mamaya. Late na tayo, dali!” saka
naglakad na kami papunta sa klase namin.
“Bye guys,” paalam ko kila Shai at Aulric.」
Habang nagmamadali akong umuwi, bigla akong may narinig na
parang pumutok. Halos mauntog ako sa manibela ng aking sasakyan dahil may bagay
ata sa kaliwa ko na nawala. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan para makita ang
lagay nito. Flat na iyung gulong ko sa kanan.
Bigla naman akong may naalala na kaparehas na senaryo. Si
Inno. Matapos ko siyang makita kasama si Isabela, bumaba kaagad ako sa parking
lot at umalis pauwi. Alam kong wala pa naman na nangyayari sa amin, pero
nagagalit ako. Nagagalit ako kay Inno dahil nakikipag-usap siya kay Isabela.
Pero bakit naman ako magagalit? Ano ba ang nagawa ni Inno? Ano ba talaga ang
gusto ni Isabela?
Hindi ko napansin na may sasakyan ang nakahinto sa likuran
ko. Nasa daanan pala ako at muntik na akong masagasaan.
“Sorry,” sabi ko matapos tumabi.
Pero nang tumabi ako, nanigas ako matapos makita ang
sasakyan. Kilala ko ang may-ari ng sasakyan at iyung plate number, hindi ko ito
makakalimutan.
“Okay ka lang?” tanong ni Knoll matapos ibaba ang bintana sa
passenger's seat ng sasakyan.
“Yes, okay lang ako,” pagalit na sagot ko. “Gusto ko lang
mapag-isa.”
Tumingin siya sa paligid. “Hindi magandang spot ang
kinatatayuan mo para mapag-isa. Umuwi ka na sa inyo.”
Tumingin din ako sa paligid. “Yeah, alam ko. Kaya huwag mo
akong utusan na umuwi.”
Galit na pumasok ako sa aking sasakyan. Akala ko ay kapag
pumasok na ako sa sasakyan ay lulubayan niya ako. Pero andyan lang ang sasakyan
niya sa gitna ng kalsada. Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin siya umalis.
Pero gumalaw na ang sasakyan niya. At huminto ito sa harapan ko. Damn it!
Lumabas naman siya sa sasakyan at kumatok sa bintana ko.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa nairita na ako at pinagbuksan siya ng
bintana.
“Ano ba ang problema mo, huh?” naiinis na tanong ko.
“Ano ba ang problema mo? Bakit hindi ka umuwi?” kalmadong
balik-tanong niya.
“Gusto kong mapag-isa. Iyun lang. Kaya pwede ba? Iwanan mo na
ako dito?!”
“Kung gusto mong mapag-isa, huwag dito sa kalsada na parang
may adik na susulpot sa likuran mo at hoholdapin ka. Kung may mangyari sa iyo
dito tapos ako ang huling nakakita sa iyo, sa tingin mo, anong mararamdaman ko?
Gusto mo bang mag-tandem si Aulric at Shai na multuhin ako?”
“‘di mabuti nga nang mamatay ka sa sindak dahil kabayaran
iyan sa panloloko mo sa akin!”
Parang may kumurot sa puso ko na parang nagpapahiwatig na
sobra na ang sinabi ko. Diretso akong tumingin sa daanan at kinalma ang sarili.
Pinigilan ko pa ang sarili ko na humingi ng tawad dahil sa sinabi ko.
“Alam ko.” Sa gilid ng paningin ko, kita kong lumunok siya.
“Pero kung mamamatay ako dito ngayon, okay lang na ako lang ang mamatay. Kaya
kung ano ang problema at hindi ka makaalis...”
Natahimik na lang si Knoll at hinawakan ang bintana ng
sasakyan. Kaagad siyang umalis sa bintana at tumingin sa gulong na na-flat. Of
course, alam niya iyun. Adik sa kotse si Knoll at nakikita niya kaagad ang mga
senyales na may problema sa kotse. Nagtataka lang ako kung bakit pinipigilan
niya ang sarili na bilhin ang mga kotseng gusto niya dahil marami naman siyang
pera, silang pera.
Kaagad siyang bumalik sa bintana at inilahad ang kamay.
“Asaan na iyung reserba mong gulong?”
Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. Bumaba ako
sa passenger's side na pintuan at binuksan ang likuran ng kotse ko. Pagkabukas
ng likuran na pintuan ng kotse ay nakita niya ang mga gamit at ang dalawang
reserbang gulong ng kotse. Gusto ni Inno na dalawa. Kinuha lang ni Knoll ang
mga kailangan niya. Hindi man lang niya pinansin ang isang shopping bag na
naglalaman ng damit ni Inno.
Naalis na ni Knoll ang gulong at nasa kalagitnaan na siya ng
pagbalik. Napansin ko naman na may nakakabit na baril sa kaniyang belt. Ano ba
ang tawag doon?
“May baril ka,” sabi ko na para bang sinasalaysay ko sa
kaniya ang panahon.
“May lisensya ako,” sagot niya kaagad habang patuloy pa rin
siya sa pag-aayos.
“Hindi ko tinatanong.”
Hindi ako sinagot ni Knoll. Pero nangangati ako na magtanong
kung bakit may baril siya. Kaya lang, ayoko siyang kausapin tungkol sa mga
bagay-bagay na tungkol sa kaniya.
“Anong nangyari sa inyo ng syota mo? Bakit hindi mo siya
kasama?” tanong niya sa akin.
“Wala ka na doon. Problema naming dalawa iyun kaya huwag ka
ng makisawsaw,” pasuplada kong sagot. “Dalian mo na lang diyan at bawas-bawasan
natin ang pag-uusap, pwede ba? Alam mo naman na ikaw ang huling tao na ayaw
kong makausap ngayon.”
“Fine,” rinig kong sinabi niya. “Ni hindi mo nga ako
pinagpaliwanag noon.”
“Anong sabi mo?” kunot-noong tanong ko.
“Akala ko ba bawas-bawasan natin iyung pag-uusap? Bakit
nagtatanong ka pa kung ano ang sinasabi ko?”
“Okay lang kung walang follow-up iyung sinabi mo.” Inikot ko
ang aking paningin. “Pero rinig na rinig ko na may sinasabi ka.”
“Himala. Naririnig talaga niya kapag bumubulong ako,” walang
hiyang sabi niya na hindi naman bumubulong.
“Hindi ka bumubulong! Gago!”
“Ang sabi ko, pakinggan mo ang paliwanag ni Inno,” tugon niya
nang inikot na niya ang huling pyesa para ayos na ang aking gulong. Tumayo siya
at humarap sa akin. “Ayan! Tapos na. Ngayon, umuwi ka na at mag-usap kayo ng
syota mo.”
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Siya na ngayon ang
nagbibigay sa akin ng relationship advice. Kaya sumakay na ako sa sasakyan at
umalis sa lugar na iyun.
Kinabukasan ng umaga, pagkadilat ng aking mata, saka ko lang
naramdaman ang bigat ng sinabi ni Knoll. Pakinggan ko daw ang paliwanag ni Inno.
Bagay na hindi ko ginawa kay Knoll noon. Oh my god! Ano ba itong ginagawa ko?
Narinig kong may kumatok sa kwarto ko. “Ma'am, si sir Inno,
nandito po.”
Nagtaka ako at tumingin sa orasan. Nakikita kong work day
niya ngayon at lampas na sa oras ng pasukan si Inno.
“Pakisabi na pumasok na siya. Mamaya na lang kami mag-uusap.”
Biglang nagbago ang isip ko. “Or mas mabuti pa na sabihin mo na wala ako.
Umalis.”
Humiga ulit ako sa kama. Pero may kumatok ulit.
“Anak, maghihintay daw siya sa iyo na bumalik,” sabi naman ni
Mama na mukhang dumaan lang para sabihin ang bagay na iyun.
Humugot ako ng malalim na hininga. Mukhang wala na akong
magagawa sa pagkakataong ito. Mukhang kailangan ko talaga siyang harapin kahit
na ang gagawin ko ay labag din sa kalooban ko.
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako. Napatayo naman si Inno
nang nakita ako at mukhang nag-aalala siya. Magsasalita pa sana siya pero hindi
na lang niya tinuloy. Parang may kung anong pwersa ang nag-aaway sa kaniya haya
hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.
“I'm sorry. Nagsinungaling ako na nandito ako,” paghingi ko
ng tawad saka umupo sa tapat ng sofa na inuupuan niya. “Hindi pa kasi ako handa
na harapin ka. I just realized na naiwan kita sa Maynila at hindi ko alam kung
ano ang nangyari sa iyo after that.”
“Okay lang,” tugon ni Inno. “Gusto ko lang naman malaman kung
ano ba ang ginawa kong mali. Alam ko naman na may ginawa akong mali.”
Bumalik sa akin ang ala-ala na nahuli ko siyang kausap si
Isabela.
Lumunok ako at tumingin ng diretso sa kaniya. “Yes, you did
something wrong. And that was about Isabela. Nahuli ko kayong nag-uusap.”
Para naman natandaan niya ang sinasabi ko. “Si Isabela. I'm
sorry. Papalabas na kasi ako ng CR nang lumabas din si Isabela kasabay ko at
gusto ko siyang hindi kausapin hanggang sa matapos ang party. Kaya lang-”
Nagtaka ako sa sinabi niya. “Wait, hindi mo siya kakausapin
hanggang sa matapos ang party? Nag-uusap na ba kayo before?”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Since mukhang si Isabela
ang problema, yes. Nag-uusap kaming dalawa.”
Kumulo bigla ang dugo ko sa narinig. Pero nagpigil ako.
“Pero one time lang iyun.” Patuloy pa rin na nagpaliwanag si
Inno. “Hindi ko lang sinabi sa iyo dahil baka magselos ka or ano. Akala ko kasi
ay isang beses ko lang siya na makakausap at wala na.”
“Ano ang pinag-usapan niyo?” kalmadong tanong ko kahit na
nagagalit ako.
Napansin ata ni Inno ang pag-iba ng emosyon. “Tungkol kay
Randolf,” maingat na sagot niya. “Mukhang patay na patay kasi siya kay Randolf
at tinanong niya ako tungkol kay Randolf. Nagbigay lang ako ng ilang advice,
pero ano nga ba ang tyansa na makikinig siya sa akin. Hindi ako sinunod at may
kinitang iba.”
Tumunog ang phone ni Inno sa bulsa niya. Tiningnan lang niya
ito saglit pero ibinaba niya ito.
“Also, friend ko siya sa Facebook. Break na sila nung kinita
niya kagabi.”
Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Galit na galit ako
dahil narinig ko ang pangalan ni Isabela. At iniisip ko na nagsisinungaling
lang si Inno. Pero hindi niya gawain iyun.
”Camilla.”
Dumilat ako at nakita si Inno na nakaluhod sa harapan ko at
hawak ang aking kamay.
“Alam kong si Isabela ang problema. At kung may gusto kang
mabago sa mga bagay-bagay, sabihin mo. Kaya kong hindi makausap siya. Ang hindi
ko kaya ay...” Para naman nag-alangan siya sa kaniyang sasabihin. “... mawala
ka. Kung gusto mong i-block siya sa Facebook at sa buhay ko, gagawin ko.
Ayokong kaibiganin iyung mga tao na hindi sinusunod ang advice ko. Pero, may
mga tao akong kaibigan ko pa rin dahil matagal ko ng tino-tolerate ang
katangahan nila.”
Siguro kung malalaman niya ang nangyari noon, lalayuan niya
si Isabela. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaupo ko siya sa tabi ko.
Tumango-tago ako. “Yeah. Si Isabela ang problema. Dahil siya
ang dahilan kaya nag-break kami nung ex ko.”
Hindi naman makapaniwala si Inno sa sinabi ko. “Okay.”
Binitawan niya ang kamay ko at kinuha niya ang kaniyang phone
na nasa mesa.
“Diretso block.”
Pagkababa niya ng phone ay hinawakan niya ulit ang kamay ko.
Para naman gumaan ang aking pakiramdam sa ginawa niya.
“Salamat, at I'm sorry,” sabi ko. “I'm sorry kung naapektuhan
ang social life mo dahil sa akin.”
Umiling siya. “No. Ako dapat ang mag-sorry. Tsaka iyung mga
taong ganoon, hindi na dapat kinakaibigan. Sana nga lang ay hindi siya patulan
ni Randolf. Hindi ako pumasok ngayon. Nuod tayo ng pelikula?”
Pwede pa naman siya mag mag-half day. “Okay.” Pero pinili
niya akong makasama.
Binitawan niya ang aking kamay at tumayo na siya. “Magluluto
na ako ng popcorn.”
Napangiti lang ako nang tumungo na siya sa kusina. Kung ang
dating ako iyun, magwawala ako. Pero dahil sa sinunod ko ang sinabi ni Knoll,
mas naging kumplikado ang lahat.
Alexander's POV
「14 years ago...
Sa pang-sampung pagkakataon ay napabagsak na naman ako ni
Natasha.
“Damn it!” sigaw ko sa kisame ng kwarto.
“That's because you were going easy on me.” Inabot ni Natasha
ang kaniyang kamay para tulungan ako at kinuna ko naman iyun.
“Of course. It's not like I am going to kill you or
anything.”
Inayos ni Natasha ang kaniyang porma. “Come on. This is a
part of your training. What if an another operative goes dark? If I were that
person, you will be dead by now.”
“Fine.” Huminga ako ng malalim at inayos ulit ang porma ko.
Sa pang-labing-isang pagkakataon ay napabagsak na naman ako
ni Natasha. Sa pang-labing-dalawa, pang-labing-tatlo, pang-labing-apat. At sa
wakas, sa pang-labing-lima ay napabagsak ko na si Natasha. Sa pagkakataon na
iyun, sinugod ko ang kaniyang labi at nag-sex kami.
Siyempre, pagkatapos ng sex, naging malapit kami sa isa't isa
at lumabas kami. Tuwing nakakatapos kami ng misyon ay ginagawa namin iyun na
para bang mamamatay na kami. Nagtagal naman ang relasyon namin pero...
“What's wrong?” tanong ko habang kumakain kami sa isang
restaurant sa Espanya.
“I saw your search history in every terminal you used,” sagot
niya sa akin.
Natigil ako sa pagkain at tumingin sa mata niya, nag-iisip na
dapat akong magalit dahil pinaghihimasukan niya ang privacy ko. Pero uwimas na
lang ang tingin ko dahil alam ko naman kung ano ang nakita niya.
Sa labas, may mga bata na naglalakad kasama ng kanilang mga
magulang. Isa na rito ay si Philip, at ang kaniyang tumatayong ama. Napatingin
naman si Natasha sa labas at nakita niya ang dalawa.
“I saw the results. He is your son,” wika ni Natasha na
tumingin na sa akin. “And that is why you were holding something back between
us is because you still love ‘her’.”
“Natasha.” Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang
kamay. “I love you. It's just, I am haunted by the fact that it was really my
son. And I throw away the chance to be with my son for...”
Binawi niya ang kaniyang kamay at galit na tumingin sa akin.
“Do not finish that sentence. What the agency does is for the greater good. Not
just for us but for everyone.”
“Keep saying that to yourself. I wonder why we can't clean
Mexico when we can actually do that. Ahh, yes! That is because the agency has a
deal with the drug lords there. And wait, that information about the dangerous
weapon that you went was from a drug lord in there.”
“Yes, it is,” pag-amin ni Natasha. “But we will return to
them and make sure that they will pay. In the meantime, we wait. Because once
we cleaned Mexico, we need to clean Thailand, Philippines, China, United States
and Africa. And while we clean those countries, those bastards will rebuild in
Mexico and to the other country that we clean. Choosing us is not the worst
choice. It is the best choice. And with you in it and the other operatives, we
can make that dream a reality.”
“Is that what you say to yourself when you assassinate
someone for a druglord in Africa?”
Nagulat si Natasha sa sinabi ko. Akala niya ay siya lang ang
nakakaalam kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang terminal.
“Yes. Yes, I do,” sagot niya.
Hindi ko masikmura ang sinasabi niya. Mas malala ito sa
pagtatraydor sa akin ng kasamahan kong pulis sa Mexico. Sana pinatay na lang
ako ni Natasha nang nalaman ko ang mga madidilim na sikreto ng ahensya.
“I am breaking up with you,” sabi ko. “And with it, I decided
to leave the agency effective today. Good bye Natasha.”
Tumayo ako at sinundan ang aking plano. Pagkabukas ko ng
pintuan sa sasakyan na ginamit namin ni Natasha, palihim akong lumabas at
pumindot ng isang buton. Pagkatapos pindutin ang isang buton ay pinindot ko ang
isa pa. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid. Nagmula ito sa kotse
namin ni Natasha kung saan ay inaasahan ko na papatayin niya ako. Malas niya.
Hindi niya ako napatay. Pero sinigurado ko na patay na ako para sa kaniya.
Ilang taon ang nakalipas, ginagawa ko ang trabaho ko kay
Aulric nang nagkita kami ni Natasha. Kaagad na gusto kong gawin ay sundan siya
at iligpit dahil kahit siya ay hindi niya alam na buhay pa ako. Kitang-kita ko
sa gulat na ekspresyon niya na hindi niya inasahan na buhay pa ako. Imbes na
lumapit at komprontahin ako, siya ang tumakbo palayo.
Sumunod ako sa kaniya pero hindi nagtagal ay naabutan ko
siya. Kaya lang, naabutan ko siyang sumusuka sa isang basurahan sa loob ng
mall. Natigil ako. Maingat ko siyang nilapitan. Baka pakana niya ito para
mapatay niya ako.
“Are you okay?” tanong ko sa kaniya.
“No,” sagot niya bago mahimatay.
Sumunod na oras, nalaman ko sa doktor na buntis siya. Nakaupo
lang ako sa gilid niya habang hinihintay siya na magising.
Maya-maya ay bumuka na ang mata niya. Kaagad niyang ibinaling
sa akin ang kaniyang paningin at hindi naman siya dali-daling bumangon.
“So, you're alive,” sabi niya.
“And you're pregnant,” balik ko.
“Artificially inseminated.”
Nagtaka ako sa sinabi niya. “Part of your work?”
“Yes, and no. I'm already decommissioned.”
“Someone is after you?”
“No. Already took care of it.”
Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tiningnan ko
lang siya habang siya ay nakapikit at mukhang nagpapahinga. Hindi siya
nagsisinungaling.
“Look, you can leave now,” sabi niya habang nakapikit pa rin.
“It's not like I'm after you or anything. You are already dead. Live your life
and let me be here.”
“And you're a pregnant woman,” pag-uulit ko ulit. “Look, our
departure may be ugly because someone whispered on your ears to eliminate me
once I defect the agency, but I can't leave you like this. I can kill you
easily without trying that much, do you understand that?”
“I can still kick your ass.”
“And I can kill your child.”
Kaagad siyang dumilat at galit na tumingin sa akin sa
hinawakan ang kaniyang tiyan. Motherly instincts.
“Fine.” Humiga na siya ng maayos at tinalikuran ako. “Just,
let me rest for a while.”」
Kumatok ako sa pintuan ng isang condo unit. Bumukas naman ito
at sinalubong ako ng isang kasambahay.
“Ay, sir. Nandito ka pala. Halika, tuloy po kayo,” sabi nito
na excited buksan ang pintuan.
Ibinigay ko ang hawak kong plastic at pumasok ako sa condo.
“Ma'am, Alexander is here,” anunsyo ng kasambahay.
Sa sala ng condo, naabutan ko si Natasha na natutulog sa
rocking chair. Tiningnan ko ang kasambahay at pinatahimik ang kasambahay gamit
ang aking daliri na nakatakip sa aking bibig. Tumango ang kasambahay at
ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
Umupo ako sa kutsyon na nasa harapan niya. Hindi ko maiwasan
na mapatingin sa tiyan niya na malaki na. Ayon sa kalendaryo ko, baka dalawa o
tatlong buwan na lang at manganganak siya.
“For the 9th time Alexander, it's not yours,” sabi ni Natasha
na alam kong kanina pa niya nalaman na nandito ako. Training namin na kahit
umiidlip, alam namin ang nangyayari sa paligid.
“I know. It's just...” Ganito din ba ang nangyari kay Roxan
noon?
“Hmm...”
Napatayo naman ako at tumingin sa pintuan ng balkonahe kung
saan makikita ko ang ibang building na matatayog. “Roxan and her family are
here. Philip is also here. I met him in the comfort room of a mall.”
Hindi umimik si Natasha pero alam kong nakikinig siya habang
nakapikit ang kaniyang mga mata.
“Philip is starting to look like me. That is why I know that
I am really his father. He has my eyes, my nose. Do you ever wonder what
characteristics will your child inherit from you?” tanong ko.
“Honestly, I don't know,” sagot niya. “And I don't care. But
I know that when I give this child to one of his relatives, he'll have a great
life.”
“Would you like to share me the details of who is the
father?”
“Not a chance. Or else, I will have to kill you for real this
time.”
Itinaas ko lang ang kamay ko. “Okay.” Humugot ako ng malalim
na hininga at umupo ulit sa kutsyon. “Something happened.”
「36 hours ago..
Kasama si boss Aulric, pumunta kami sa isang hospital at
nadatnan si Jin na nakaupo sa labas. Nanatili naman akong nakatayo at
nagbabantay habang si boss Aulric ay umupo katabi ang kaibigan.
“Anong nangyari?” tanong ni boss Aulric. “Nagulat ako nang
malaman na may isinugod sa hospital. Tapos lahat kayo, wala sa party.”
“Si Tito Antoine ang isinugod sa ospital,” sagot ni Jin.
“Nadatnan namin siya ni Dexter na walang malay doon sa unit namin.
Inalo ni boss Aulric ang kaibigan na para bang namatayan ito.
“I'm sorry. Kumusta na siya, by the way? Ayos lang ba siya?”
Umiling si Jin. “Nalaman namin na may stage 2 lung cancer si
Tito nang dumating na ang resulta ng mga test niya. Si Papa at tito Marcus,
gustong masamahan ang kapatid nila sa bahay. Kaya pala binigay na sa amin ang
mga posisyon ng mga magulang namin. Also, I heard na si Dexter ang magiging
Chief Executive Officer, kung mananalo siya sa botohan.” Tumingin siya kay boss
Aulric para siguro humingi ng suporta.
“Of course. I will support him.”
Tumango-tango si Jin. “But he is not ready. Lalo na't hindi
pa siya nakaka-move on sa nangyari nila ni Natasha. Tapos ito pang nangyari na
nadatnan namin na walang malay iyung Papa niya sa unit namin. Alam mo ba noon
na ganito din ang nangyari sa Mama niya noon? Nadatnan siya ni Dexter na walang
malay ay nagtuloy-tuloy na iyun. Kaya ngayon, ayaw umalis ni Dexter sa tabi
niya sa takot na baka maulit ulit ang nangyari noon.”
Tumingin sa sahig si boss Aulric bago magsalita at tumingin
kay Jin. “Gusto mo ba na ikaw ang pumalit? Susuportahan din kita kung gusto
mo.”
Umiling ulit si Jin. “I don't know if I can. But I know that
Dexter can.”
“Then he should stand up. Like everybody else. You see, kung
walang tatayo sa inyo, ako ang tatayo para sa chairmanship at hindi maganda
iyun. Kumpanya iyan ng pamilya ninyo. Payag ba kayo na isang tagalabas ang
mamamahala sa kumpanya? I understand that masakit para kay Dexter ang mga
nangyayari. I understand na tingin mo ay hindi mo kayang mamuno dahil hindi ka
confident at alam mong si Dexter ang magandang choice. But someone has to stand
up, Jin. The company is the legacy of your family. Kayo mismo ang dapat
mag-alaga dahil hindi magiging successful ang kumpanya ninyo kung hindi
naghirap ang mga magulang ninyo.”
Tumango lang si Jin habang inaalo siya ni boss Aulric.」
“That is why you need to return. To boost his morale,” wika
ko. “Dexter needs you.”
“I don't know.” Tinuro ni Natasha ang sarili at sumama ang
timpla ng mukha niya. “Does this looks like morale boosting for him? When he
learned that I'm pregnant because I self-inseminated myself?”
“He'll understand you. You know that. Once you explained it
to him, or part of it, I'm sure that Dexter will stand beside you. He will help
you and you will help him.”
“I want to, but I can't.” Nagsimula ng tumulo ang luha sa
mata niya. “I know that he'll do whatever it takes to help me. But I don't
trust him on that part. He loves me so much. I know that he is in the bad place
right now, but I don't want to add more in his plate right now. Because like
him, I love him so much. I don't want to complicate things for him.”
Nadurog ang puso ko nang tuluyan na siyang umiyak. Tumayo ako
mula sa aking kinatatayuan at niyakap siya.
“I'm sorry,” paghingi ko ng dispensa.
Nakalimutan ko bigla ang nature ng trabaho naming dalawa. Ang
trabaho namin noon ay dapat hindi lumabas sa aming bibig. Ako, sila-sila lang
din naman ang nakakausap ko kaya walang problema sa akin ang bagay na iyun.
Pero ang mga katulad ni Natasha na may sari-sariling buhay, hindi ko alam ang
bigat na dinadala nila sa tuwing hindi nila masabi-sabi sa mga mahal nila sa
buhay ang mga ginagawa nila. Pero mararanasan ko din iyun. Hindi nga lang
ngayon.
Makalipas ang ilang minuto, nasa loob na ako ng kwarto ni
Natasha. Nakahiga siya sa kaniyang higaan habang may kinakalikot ako sa laptop
niya.
“Found anything interesting?” rinig kong tanong ni Natasha sa
likod ko.
Tiningnan ko ang phone ko. “Nothing. Just a bunch of casual
converastion.” Kailangan ko ng bumalik.
Nag-disconnect ako ng ear piece sa computer at tumayo para
magpaalam kay Natasha. “I have to go. Do you want me to do something for me before
I left? Manang is probably awake outside.”
Ipinikit lang ni Natasha ang mata niya. “Just promise me that
you will not say anything to Dexter.”
Napalunok ako. “Of course. Take care of yourself. Just call
me if you need anything.”
Sa huli, tinanggap din ni Dexter ang posisyon. Dahil sa unang
board meeting na nangyari, humarap si Dexter na handang-handa, ayon sa sinabi
ni Randolf.
Randolf's POV
Kaagad akong tumayo para batiin si Jin nang bumisita siya sa
opisina ni boss-pekeng Aulric.
“Good afternoon, Mr. Bourbon,” bati ko.
“Tumigil ka please,” ngiti ni Jin tuwing binabati ko siya.
Tumayo lang siya sa harapan ng mesa ko habang naghihintay
para kay boss pekeng Aulric. Ilang linggo na simula nang nagtrabaho ako sa
kompanya nila. Madalas na sabay silang kumakain ng tanghalian. Sila na ba? Or
baka ang pinag-uusapan lang nila ay tungkol sa negosyo?
Matapos umalis ang dalawa, may babaeng lumapit sa akin na may
dalang paper bag.
“Hi,” bati ni Angelica na matamis ngumiti. “Pinapabigay ni
boss.”
Pagkalapag niya ng bag ay kinindatan niya ako saka umalis.
Sakto naman na dumating si Alexander na may dalang paper bag.
“Well, well, well, naunahan na naman ako ng manliligaw mo,”
nang-aasar na sabi niya matapos makita ang bag sa mesa ko.
“Tumigil ka nga,” iling ko. “Hindi niya ako nililigawan, ano
ka ba?”
Pinanlakihan niya ako ng mata, base sa galaw ng kilay niya.
“Sabihin mo iyan sa sarili mo. Halika na. Kumain na tayo.”
Habang kumakain kami, napadaan naman si Dexter Bourbon.
Binati siya ng mga taong nakasalubong niya at ganoon din ako. Hindi ko naman
maiwasan na makita ang tingin niya kay Alexander. Parang may kung anong tensyon
ang bumabalot sa dalawa.
“Bakit parang ang sama ng tingin sa iyo ni Dexter tuwing
nakikita ka?” naitanong ko sa kaniya pagkatapos kong lumunok.
Tinuro lang ni Alexander ang sunglasses niya. “Baka iniisip
niya na ako si Randy Santiago,” biro niya. Kilala na niya si Randy Santiago.
“Masarap ba ang pagkain?” biglang naitanong niya.
Tumango lang ako.
Malawak naman siyang ngumiti. “Sa sobrang sarap ay hindi ka
makapagsalita.”
“Alexander, hindi naman siya nagluto ng pagkain, o ano.”
“Hmm, hindi naman siya nagluto ng pagkain, o ano,” panggagaya
niya sa sinabi ko sa nang-aasar na paraan. “Come on. Matagal na silang break
nung syota niya.”
“Hindi matagal ang dalawang linggo. Kung seryoso talaga siya
sa akin, huwag siyang maghanap ng syota, sa loob ng tatlong buwan.”
Pinanlakihan niya ako ng mata, base sa galaw ng kilay niya.
“Ang kapal ng mukha mo. Ikaw na nga nililigawan, ikaw pa maarte. Ano ka,
babae?” Natahimik siya saglit at tumingin sa kinakain. “Pero sa bagay. Kahit
‘siya’ din naman. Nagkaroon ng grace period nang malaman niya na napakabilis
kong magpalit ng syota.”
“Gaano katagal iyung sa ‘kaniya’?” tanong ko.
Tumingin na lang siya sa akin at umiling habang nakangiti.
“Huwag.”
Alexander's POV
Ayokong sabihin, baka isang taon niyang paghintayin si
Isabela. Ang kapal ng mukha.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang break nila. Mag-isa
nang bumalik si boss Aulric sa opisina niya.
“Randolf, huwag kang magpapasok. Harangan mo ang pintuan kung
kailangan,” utos ni boss Aulric.
Pagpasok namin ay umupo kaagad siya sa kaniyang upuan. “Anong
balita?”
“May isa akong good news at isang bad news,” sabi ko.
Humugot siya ng malalim na hininga at tumingin sa akin ng
diretso. ”Ano muna ang good news?”
“Umm, may nangyari sa kasama ko kaya ako na ang papalit para
makinig. At ang bad news ay, wala pang nangyayaring maganda.”
Going back sa party noon ng mga Bourbon, pinasok ko ang bahay
nila Zafe at nagkabit ng ilang mga ‘bug’ para marinig namin ang pinag-uusapan
ng pamilya habang nasa bahay sila.
“Baka naman hindi ganoon katindi ang partisipasyon ni Colette
kaya hindi napag-uusapan kahit sa panaginip,” komento ko.
“Pinapakita lang iyan na nakakatulog pa rin ng mahimbing ang
mga masasamang tao,” ngiti ni boss Aulric.
“Hmpf! Absolutely!”
“How about Isabela? Magkakaroon ba tayo ng opportunity para
malagyan ng ‘bugs’ ang lugar niya?”
Umiling ako. “I don't see it happening kahit under the guise
na samahan ko si Randolf.” Tinuro ko ang aking salamin. “Masyado akong
kahina-hinala. Kung si Randolf naman ang gagawa, baka masaktan lang ang
feelings niya, at ang imbestigasyon natin. Siguro, maghintay na lang muna tayo
ng magandang pagkakataon. Sa ngayon, naka-focus ang effort ko para sagutin na
ni Randolf si Isabela.”
“Ang gwapo naman ni Randolf,” komento niya. “No wonder na
baliw na baliw si Isabela sa kaniya. Siguro, iyun iyung sikretong tinatago
niya. Ang kabaliwan ni Isabela sa kaniya.” Tinaas-taas ni boss Aulric ang kilay
niya na para bang alam niya na alam ko ang sikreto ni Randolf. Bluff iyan. Alam
kong halos alam ng lahat ang bagay na iyun pero hindi ko kukumpirmahin na iyun
nga talaga ang sikreto.
“Gwapo lang si Randolf. Napansin mo ba na medyo pumuputi na
siya?” balik ko. “Anyway, kumusta kayo ni Jin? Mukhang madalas ang date ninyong
dalawa sa cafeteria.”
Sumama ang timpla ng mukha niya. “Ugh! Huwag ka nga, Alexander.
Pinapasama mo ang araw ko dahil sa tanong mo. Ano pa ba? Puro business lang ang
pinag-uusapan namin. Nakikita niya ako as business partner at wala ng iba. Kung
type niya ako, baka ang pangalan ko lang. Hindi niya ako type bilang, ako
mismo.”
“Bakit hindi ka gumalaw at ipakita mo sa kaniya na gusto mo
siya?”
“Gusto ko siyang tsupain pero kung nakikita niya ako as
‘Aulric Aulric’, huwag na lang.”
Halos hindi ako makapagsalita sa narinig ko. Naalala ko ang
mga karanasan ko kay Roxan at Natasha.
“Right. Ano kaya kung ikaw ang manligaw sa kaniya gaya ng
ginagawa ni Isabela kay Randolf?” suhestyon ko.
Hindi makapaniwala si boss Aulric. “Gusto mong sapakin kita?”
“Kung babayaran mo iyung sapak, okay lang.”
“Ako? Liligawan ko si Jin? No way! Lalaki ako, Alexander.”
“At lalaki din si Jin. Alam mo naman na sa setup na ganito,
kailangan ay isa sa inyo ang bumigay. Kung parehas kayong magmamatigas, walang
mangyayari sa inyong dalawa.”
“Sabihin mo sa akin iyan kung may nakarelasyon ka ng lalaki.”
Humugot ako ng malalim na hininga. “Boss, kung baga sa
Algebra, ang lalaki sa lalaki at lalaki sa babae ay parehas lang pero iba ang,
variables.”
“Bobo ako sa Algebra at pinaka-ayaw ko iyang subject. Ano na
ang gusto mong sabihin?”
“Sa kahit anong uri ng pag-ibig, pwede din naman magmatigas.
Sa love, ang exclusive feature lang naman ay magkaanak ang babae dahil sa
ginawa ni lalaki. Hindi exclusive na magmatigas dahil kahit sino ay kayang
gawin iyan. Hindi exclusive feature na babae lang ang nililigawan. Kita mo
naman si Randolf, si Isabela pa ang nanliligaw sa kaniya. Ganoon din sa inyo ni
Jin. Walang mangyayari sa inyong dalawa kung papatay-patay kayong dalawa. Kaya
isa dapat sa inyo ni Jin ang bumigay at magbigay.”
Tumango-tango lang si boss Aulric sa akin. Hindi ko mabasa
ang mukha niya kung nagustuhan niya ba ang sinabi ko o hindi.
“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka ng bumalik sa trabaho
mo,” sabi niya.
Tumango lang ako at lumabas ng opisina.
“Aalis na ako,” paalam ko kay Randolf.
“Mag-ingat ka,” tugon niya.
Imbes na dumiretso ako sa baba, dumaan muna ako sa opisina
nila Isabela.
“Hi,” bati ni Angelica na tumayo agad matapos akong makita.
“Kumusta? Nagustuhan ba niya ang pagkain?”
Tumango ako. “At most 3 months na lang daw. As long as hindi
magkaka-syota ang amo mo.”
Sumama naman ang tingin niya sa akin. “Ay! Kapal naman ng
mukha niyan! Siya na nga nililigawan, siya pa ang maarte!”
Ngumiti naman ako. “Ikaw kaya? Ligawan kita, sasagutin mo ba
ako?”
Kinilig si Angelica at hinampas ako sa tagiliran. “Ikaw
talaga! Kung single lang talaga ako ngayon sasagutin kaagad kita.” Bigla naman
siyang tumayo. “Ma'am, welcome back.”
Tumango lang ako nang nakita si Isabela.
“Alexander, pwede ba kitang makausap saglit?” ngiti niya.
“Angelica, huwag muna magpapasok ng bisita.”
Pumasok kami sa opisina niya.
“Umupo ka,” turo niya sa upuan na nasa harapan ng mesa.
Umupo naman ako.
“Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin,” panimula niya
habang umuupo. “Sa panliligaw kay Randolf. It's a bit unorthodox, but I'm
willing to do it because I like him.”
“I wish you well, ma'am Isabela,” tugon ko. “Kaya lang po,
ang latest na hamon niya ay kung hindi daw kayo magkaka-syota sa loob ng
tatlong buwan, baka sagutin ka niya.”
Ngumiti naman siya. “Of course. Gagawin ko iyun. The things I
do for love. Buti na nga lang at tumutulong ka. Si Inno sana ang hihingan ko ng
tulong sa bagay na ito kaya lang, mukhang ikaw ang pinakamalapit na mahihingan
ko ng tulong.”
Sa transcript na ginawa ng computer tungkol sa pag-uusap ni
Isabela at Colette, nabanggit doon na si Inno ay bin-lock si Isabela. Bakit
naman kaya?
“I'm just doing Randolf a favor. Kung gusto mo siya at wala
naman siyang ibang tao na ginugusto, bakit hindi na lang kayo?”
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin saglit.
“Can I ask you a personal question, Alexander?” tanong niya.
“As long as pwede kong hindi sagutin,” sagot ko.
“What's with the sunglasses? Hindi kita nakikita na wala
iyan? Parte ba iyan ng uniform sa trabaho mo?”
「Ayon sa mga nakalap ng recorded surveillance tapes...
“You know, parang nakakapanghinala iyung isang bodyguard ni
pekeng Aulric,” sabi ni Isabela sa phone.
“Alin doon? Iyung may suot na sunglasses?” tanong ni Colette
na katatapos lang maligo at sinusuklay ang mahaba niyang buhok sa harapan ng
salamin.
“Para siyang secret agent. Para siyang spy sa pelikula. Tuwing
nakikita ko siya, napapaisip ako kung nakatingin din ba siya sa akin dahil
hindi ko makita ang mga mata niya. Ano kaya iyung taong iyun? May bagong trend
na pinapauso?” litanya ni Isabela.
Natawa naman si Colette. “Baka nga isa talaga siyang secret
agent at hindi lang natin alam?”
“Gaga! Kaya nga secret agent dahil hindi natin alam!”」
“The truth is I'm photophobic,” diretsong sagot ko. “Hindi ko
mabuksan ang mata ko kapag wala akong sunglasses dahil may lumalabas na laser
beam kapag ginawa ko iyun.”
Medyo hindi makapaniwala si Isabela sa sagot ko. “Ohh!
Talaga?”
“Ma'am, nagjo-joke lang po ako.”
Natawa naman kami parehas.
“Well jokes aside, sasakit kaagad ang ulo ko dahil sa mga
ilaw. Kaya suot ko palagi itong sunglasses ko kahit saan ako magpunta.”
“Nagagamot ba iyan? Are you drinking some medication for
that?” sunod-sunod na tanong niya. Mukha siyang concerned talaga.
Umiling ako. “Unfortunately, permanent na ito.”
“I'm sorry for asking,” paghingi niya ng dispensa.
“It's alright.” Napatingin ako sa aking relo. “Bababa na po
ako ma'am. Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho.”
Ngumiti naman siya. “Okay. Thank you ulit sa tulong na ginawa
mo sa akin para kay Randolf.”
Naglakad na ako palabas ng opisina. “Just don't forget ma'am.
Love conquers all,” huli kong sinabi bago ako tuluyang lumabas.
Pagkalabas ay medyo nag-aalala ako. Tinatanong ko ang sarili
ko kung nakumbinsi ko ba siya sa mga sinabi ko. Of course, totoo na permanente
ang pagiging photophobic ko. Sana hindi na siya manghinala na isa akong secret
agent. At sana, sana ay hindi niya maisip na gamitin sa akin ang mga nalaman
niya sa kalagayan ko. Makapaglaro nga sa phone ko habang naghihintay.
Zafe's POV
Sa café, habang nagbabasa ng dyaryo, bumukas ang pintuan ng
shop. Kaagad ko naman ibinaba ang dyaryo at kumaway doon sa tao na pumasok.
Nang nakita niya ako, may sinabi si pekeng Aulric kay Alexander. Dumireto si
pekeng Aulric sa mesa ko habang ang kasama niyang gwardya ay pumunta sa counter
para um-order ng kape.
“Hi,” bati ni pekeng Aulric habang umuupo. “Sorry at na-late
ako. Marami pa kasi akong ginawa trabaho.”
“Kami din naman,” tugon ko. “Ganyan talaga kapag malapit na
ang pasko. Kumusta ang business?”
“Zafe, aware ka naman siguro na bawal pag-usapan ang business
sa labas ng building na iyun. At kakompetensya ka namin, remember?” ngiti niya.
“Sinusubukan lang kita,” biro ko.
“Ikaw ha! Bakit hindi ka kaya magtanong sa asawa mo? Kaibigan
niya si Isabela?”
“Nah!” iling ko. “Kahit magkaibigan iyung dalawa, hindi
sinasabi ni Isabela kung ano ang nangyayari sa kompanya ninyo.”
“I see. So, about sa hinihingi mo...”
Nag-usap kami ni pekeng Aulric tungkol sa pinapagawa kong
pelikula. At natuwa naman ako na may kumuhang producer at direktor. Sa
kalagitnaan ng pag-uusap namin, dumating si Alexander na may dalang kape para
sa aming dalawa. Umupo naman siya sa mesa, hindi gaano kalayo mula sa amin.
Sa kabilang banda naman, magsisimula na daw ang shooting sa
susunod na buwan.
Habang nagpapaliwanag si pekeng Aulric sa akin, bigla naman
naagaw ang atensyon ko sa labas. Sa labas, nakita ko saglit ang tunay na Aulric
na dumaan sa aking paningin sa isang kisap-mata lang. Nagulat ako dahil hindi
ko inaasahan na makita ang multo niya na ganoon. Mukhang maayos naman siya,
pero bakit nagpapakita siya sa akin? Masaya ba siya sa ginagawa ko ngayon?
“Zafe!” halos pasigaw na tawag sa akin ni pekeng Aulric.
“Ha? Bakit?” tanong ko nang ibinalik ko ang atensyon ko sa
kaniya. Tumingin ako sa labas kung nandoon pa ba ang tunay na Aulric pero hindi
ko na siya nakita.
Napatingin si pekeng Aulric sa labas. “What's going on?”
Bumalik naman ang mata niya sa akin. “May sumusunod ba sa atin o ano? Andyan ba
si Isabela? Nagpapakita ba sa iyo si Aulric?”
“W-What? Bakit mo naman naitanong na nakikita ko si Aulric sa
labas?”
Nanghihinala na tiningnan niya ako. “You mean may nakita kang
parang multo niya kanina?” Bigla naman siyang tumingin sa labas.
“Yeah. Pero saglit lang iyun. Kasi, nagmumulto,” sagot ko.
“Hindi ko alam kung totoo ko ba siyang nakikita.”
Bumalik na ang atensyon niya sa akin. “It's suspicious, you
know? Somehow, nagmumulto si Aulric sa circle of friends niyo.”
“Nagmumulto? Sa circle of friends namin?” nagtataka kong
tanong. “Sino sa circle of friends namin?”
“‘di ko alam,” kibit-balikat niya. “Hindi ko naman masyadong
nakita iyung phone ni Randolf kung sino-sino iyung mga tao sa chatbox. Also,
kung hindi ka kasali, baka tinatago nila ang bagay na iyun sa iyo,” Bigla naman
siya may naalala. “Ohh! Pero nakita ko iyung pangalan ni Andrew. At may isa
akong nabasa doon na nagpakita daw si Aulric kay Camilla habang namimili sila
ng damit ni Inno.”
Tumango lang ako.
“Hindi ba napaka-suspicious? Somehow, ikaw at si Camilla,
minumulto ni Aulric?”
“Hindi ka ba naniniwala sa multo?” tanong ko.
Umiling siya. “Kahit kailan, hindi ako naniniwala sa ganoon.
Maniniwala lang ako kapag nakakita ako ng isa.”
“For me, totoo ang mga multo. Kung totoo nga na nagpapakita
si Aulric sa circle of friends ko, bilang isang multo, baka nagpapahiwatig siya
sa amin na may dapat kaming gawin bago siya, tumuloy sa langit.” Patutuluyin
kaya siya sa langit sa ugali niya?
“At ano naman iyun?”
Pinili ko ang susunod kong mga salita. “Gusto kong, namin, na
pormal na magpaalam sa kaniya. Gusto namin na ipakalat ang abo niya sa lawa. At
baka mamaalam na siya ng tuluyan.” At baka maka-move on na rin ako ng tuluyan.
Tumango si pekeng Aulric. “Paano kung iyung pagmumulto na
nangyayari, paano kung senyales iyun na buhay pa siya?”
“(Pekeng) Aulric,” seryosong tawag ko sa pangalan niya habang
nakakuyom ang kamay ko sa mesa. “do you think, kung buhay pa siya, nakaupo ka
sa harap ko?” Pinigilan kong pagtaasan siya ng boses dahil galit na galit ako.
“Do you think, aampunin ka pa ni Tito Henry kung buhay pa siya? Do you think,
hahayaan niya akong mag-isa matapos ang mga nangyari? Patay na siya. Kung hindi
ka naniniwala sa multo, so be it. Pero huwag mong ipagtulakan na kaya namin
siya nakikita ay dahil buhay pa siya. Dahil kung buhay pa talaga siya, matagal
na dapat siyang nagpakita sa amin. Pagpasok niya, may mga fireworks na
magpuputukan. At ikaw, nagtatrabaho pa rin na isang contractual sa isang
grocery store.”
Saglit na nagulat ako sa aking sinasabi. Ganoon siya. Oo,
pina-background check ko ang pekeng Aulric sa harapan ko. Kahit ibang mukha ang
gumagamit sa pangalan niya, ayokong madungisan iyun ng kahit sino.
“I'm sorry,” paghingi niya ng tawad. “Yes, kung buhay pa si
Aulric, hindi magiging ganito ang buhay ko. And dare I say, I thank him.”
Mapait siyang ngumiti habang iniwan lang sa ere ang mga salitang, na namatay
siya.
Tumayo siya sa kaniyang upuan. “You know, don't worry.
Tutulungan ko kayo na makapagpaalam na maayos kay Aulric. Kakausapin ko si Tito
Henry. And once again, pasensya na sa mga sinabi ko. Minsan talaga, hindi ko
iniisip ang pakiramdam ng tao habang nagsasalita, dahil wala akong pakialam.
I'll send you the progress of the movie in your email. Just DM me the address.”
Lumakad na siya paalis habang si Alexander ay tumayo at
pinagbuksan pa siya ng pintuan. Humugot lang ako ng malalim na hininga habang
pinagpatuloy ang mga ‘kung’ ko kung buhay pa si Aulric. Magiging mas masaya
kaya ako?
Alexander's POV
Tahimik lang ako na sumunod kay boss Aulric habang palabas
siya ng cafe na iyun. Bago pumasok sa kotse, napatingin siya CCTV na nakatutok
sa labas. Narinig ko ang napag-usapan nila sa loob. Na nagmumulto daw ang tunay
na Aulric sa circle of friends nila.
Palagay ko, iniisip ni boss Aulric na imbestigahan ko ang
nangyayaring pagmumulto ng tunay na Aulric. Kahit ako din naman ay hindi
naniniwala sa multo. Baka may paliwanag kung bakit nagpapakita sa kanila ang
multo ng tunay na Aulric. Baka nga buhay pa siya.
“Boss, pwede kung-”
“Manahimik ka, Alexander,” pagputol niya sa mungkahi ko.
“Hindi mo sinabi sa akin na pina-background check ako ni Zafe.” Tumingin naman
siya ngayon kay Randolf na nasa kotse at mukhang kanina pa natutulog. May
pinagawa kasi si boss Aulric sa kaniya bago pumasok sa café. Baka natapos na
siya sa ginagawa at natulog na lang.
Nagkibit-balikat lang ako dahil sabi niya, manahimik ako.
“Magsalita ka,” utos niya.
“Pasensya na kung hindi ko sinabi,” paghingi ko ng dispensa.
“Sa tingin ko kasi, parang hindi na importanteng sabihin ko iyun sa iyo. Ano ba
ang makukuha nila sa background check nila sa iyo?”
“Wala silang ibang makukuha kung hindi ang buhay ko noon,”
bulong niya sa hangin.
“Pero sa tingin ko ay ang parte na ito ay dapat sabihin ko sa
iyo. Mukhang hindi ata alam ni Colette na pina-background check ka ni Zafe.
Matapos itapon ni Zafe ang mga impormasyong tungkol sa iyo, tinapon niya ito sa
isang basurahan. Nakita naman ito ni Colette. Mukhang alam na din niya ang
buhay mo noon.”
“Bale wala sa akin iyun. Tara na.”
Sumakay lang si boss Aulric sa kotse at hindi man lang ako
hinintay na pagbuksan siya. Tumingin lang din ako sa CCTV ng cafe bago tuluyan
na sumakay na din sa kotse. Baka nga multo lang talaga ang mga nakikita nila.
At kung hindi nababahala si boss Aulric sa bagay na iyun, hindi din ako
mag-iimbestiga.
Randolf's POV
Kasalukuyang nasa sala ako sa bahay ni Tito Henry at gumagawa
ako ng mga pinapagawa ni boss-pekeng Aulric. Sa sala ding ito ay masaya na
nag-uusap ang mga miyembro ng pamilya.
“Basta, natatawa talaga ako kapag naaalala ko iyun,”
tawang-tawa na sabi ni Derek.
“God, Derek, huminga ka naman. Kanina ka pa tawa ng tawa,”
natatawa ding sabi ni boss-pekeng Aulric. “By the way, Papa, maiba lang ako. Next
Sunday, nagbabalak po kami na magpamisa para kay Aulric.”
Natigil ako sa pagtipa. Sa isang segundo lang, biglang
nag-iba ang ora sa paligid ng pamilya. Itinuloy ko naman ang pagtipa at ang
aking pakikinig.
“H-How did you know that?” gulat na tanong ni Derek.
“Minsan kasi, i-set mo iyung phone mo na mag-lock kapag
lumayo ka ng matagal na saglit,” tugon ni boss-pekeng Aulric. “That said, Papa,
I am on board on what Derek and the others are planning.”
Sa sulok ng paningin ko ay napailing si Sir Henry. “I don't
know, (fake) Aulric. Am I ready to do that? Kailangan ba nating gawin iyan?”
“Well, for the sake of other people na nangangailangan daw ng
closure sa mga nangyari. Lalong-lalo na at minumulto sila Derek at ang mga
kaibigan niya ng multo ni Aulric,” paliwanag ni boss-pekeng Aulric.
“Is this true, Derek?” tanong ni Sir Henry. “Natatandaan ko
pa noon na hindi ka natatakot sa multo dahil hindi sila totoo.”
Napalunok si Derek. “Honestly, Papa, hindi ko alam ang nakita
ko. But when I think of that single moment na nakita ko si Aulric, I believe na
minumulto niya ako. Siguro, kaya hindi pa siya tumutuloy sa langit ay dahil
minura niya kaagad si San Pedro pagdating pa lang doon,” natatawang biro niya.
“Baka nga totoo na si Aulric ay nasa lupa pa, at kasama lang natin. Pero hindi
natin siya nakikita. At para makabalik siya sa langit, kailangan ay pakawalan
na natin ang abo niya. Iyun iyung nabasa ko nang nag-research ako kung bakit
minumulto niya ako.”
Mapait na ngumiti si Sir Henry. “Kung minumulto ka niya,
bakit hindi ako? Nasa akin ang abo niya. Kung makikiusap siya sa akin, gagawin
ko naman.”
“Papa, let's not wait for that to happen,” sabat ni
boss-pekeng Aulric. “And I'm pretty sure kung bakit hindi ka minumulto ni
Aulric ay dahil palagi siyang nasa isip mo. Baka nga habang tinawag mo ang
pangalan ko, iyung mukha niya ang nakikita mo imbes na ako.”
“So, Papa, this coming next Sunday, magpapamisa kami para sa
kaniya. Iyung abo na lang ni Aulric ang kulang,” anunsyo ni Derek.
“I'll think about it,” mapait na tugon ni Sir Henry.
Tumayo lang si Sir Henry saka umakyat na sa kwarto niya.
Hindi man lang siya nagpaalam sa dalawa.
“Para ba mas lalo siyang maniwala na kailangan niya ito,
sabihin ko kaya na minumulto din ako ni Aulric?” tanong ni boss-pekeng Aulric
na humarap kay Derek.
“Man, mas lalong hindi iyun maniniwala sa iyo. Ni hindi mo
nga gaanong nakasalamuha iyung tao,” iling ni Derek.
“By the way, okay lang naman siguro kung kasama si Zafe,
right? Seeing na okay na iyung si Papa at siya, siguro naman-”
“Stop right there,” pagputol ni Derek. “Yeah, okay sila. Pero
kailangan ba niyang pumunta? Baka naman magselos si Colette dahil pumunta pa
siya sa misa? At bakit kasama pa si Zafe?”
“Aba! Hindi ko problema iyun. Tinanong ko lang kung okay si
Zafe at Papa na magkita sa misa na iyun. At, alam mo na. Nung nag-meeting kami,
mukhang nakakita ata ng multo.” Hindi niya sinasabi pero pinapahiwatig niya na
nakita niya si Aulric.
“Siguro. Ewan.” Tumunog ang phone ni Derek. Tiningnan niya
lang ito saka tumayo. “Matutulog na ako,” paalam niya.
Tumingin naman si boss-pekeng Aulric sa akin nang nawala na
sa paningin namin si Derek. “Ikaw Randolf? Minumulto ka ba ni Aulric lately?”
Umiling ako. “Hindi naman. Baka iyung mga malapit sa puso
niya ang mga taong minumulto niya?” Hindi naman siguro counted iyung nakikita
ko siya sa panaginip ko.
Tiningnan lang niya ako matapos akong sumagot. Kung makatingin
siya, para bang magsisinungaling ako sa ganitong kaseryoso na bagay.
“Matulog ka na at bukas mo na tapusin iyan,” sabi niyang nang
tumayo na siya para pumunta sa kwarto.
Nang hindi ko na siya nakita sa aking paningin, pinagpatuloy
ko ang pinapagawa niya hanggang sa natapos ako. Nag-Facebook pa ako saglit sa
laptop niya bago ako natulog.
Isaac's POV
Derek: Apparently, minumulto
na din si Zafe.
Camilla: HINDI NGA?!
Andrew: Ano ba iyan?!
Kaaga-aga, nagtatakutan kayo!
Knoll: Gago, ikaw kasi pasimuno.
Hindi ba nga, ikaw iyung unang minulto ni Aulric?
Isaac: Baka kailangan natin
ialay si Knoll para matigil na ang pagmumulto ni Aulric.
Camilla: Ay! Guys! Tumigil
kayo. Wala tayong iaalay para kay Aulric. Shucks! Si Shai nga, hindi naman tayo
minumulto! O kahit si Ricky.
Andrew: Magkasama na iyung
dalawa sa langit. Sumalangit nawa.
Derek: Update nga pala sa
gagawin na misa, salamat kay pekeng Aulric. Napaisip niya si Papa na ipakalat
na ang abo niya sa misa.
Andrew: Ay, wow! Siya pa
talaga gumawa nun?
Derek: Nag-meeting kasi sila
at habang nagme-meeting sila ay nagparamdam si Aulric.
Camilla: Interesting. Huwag
mong sabihin na pupunta din si Zafe sa misa.
Derek: Baka oo, baka hindi.
Hindi ako sure.
Andrew: Parang hindi niyo
naman kilala si Zafe. Siyempre, pupunta iyun!
Knoll: Yeah, sure ako na
pupunta iyun.
“In 10 meters, turn left,” sabi ng phone ko na ginagabayan
ako sa destinasyon na pupuntahan ko. “Then, drive ahead for 400 meters.”
“Babe, pwede pa-pindot nung messenger,” pakiusap ko kay
Sharina na kanina pa nagme-message sa group namin.
Pinindot naman niya ang messenger para makita ko ang dadaanan
namin ayon sa mapa.
“So, ikaw babe. Minumulto ka din ba ni Aulric lately?” tanong
niya.
“Ano ka ba babe? Hindi maganda sa amin iyung nagpapakita ang
patay sa iyo. Naniniwala pa naman ang lolo ko na kapag nagpapakita ang patay sa
iyo, may mangyayaring masama sa iyo,” paliwanag ko. “Baka daw kasi kaya
nakikita mo ang multo ng patay ay dahil may ginawa kang masama rito, o baka
siya ang magsusundo sa iyo patungo sa kabilang buhay. Kaya, huwag naman sana
magpakita sa akin ang multo ni Aulric. At huwag naman sana na may mangyaring masama
sa mga kaibigan ko.”
“Ako, nakita ko dati ang multo niya,” kwento niya.
Binitawan ko ang kanang kamay ko sa manibela para mahawakan
ang kamay niya. “Babe naman, tumigil ka nga.”
“Kaya lang, noong nakita ko siya iyun iyung mga panahon na
naglalasing pa ako,” tuloy pa niya sa kwento.
Hinaplos-haplos ko lang ang kamay niya. Baka noong mga
panahon na iyun, iyun iyung nagbabalak ka talaga na magpakamatay. Nako! Sana
naman ay hindi totoo iyung mga pinagsasasabi ni lolo.
“In 10 meters, turn right,” sabi ng phone ko.
“Ohh! Malapit na tayo,” excited na saad niya.
Nang lumiko na ako, hindi ko inaasahan na makita ang multo ni
Aulric na dumaan sa aking paningin. Nakikita ko siya sa bangketa na naglalakad
papalapit sa amin. Pagkapos ay biglang dumilim ang paligid at nawalan ako ng
malay.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment