XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 16
SI KIBO
" I miss him." nguso ko, miss na miss ko na yung bwiset na Keith na yun.
" Well, ngayong nakapasa na sya sa board, mukhang magiging busy na sya at hindi na sya papakawalan pa ni Daddy." ngiti ni Queenie.
I am so happy na okay na sila ng parents niya, Nakakauwi na sya sa bahay nila tapos ngayon napasa niya na yung board niya at nagsisimula na magtrabaho.
Isa nalang...Isa nalang yung kulang.
" Napakahirap kaya pagsabayin ang lovelife at career, tingin mo kaya ni Kuya yun? Eh ikaw kapag nakagraduate kaya mo ba yun?"
" I don't know?" nguso ko.
" Dad is super busy lalo na if he have a ongoing project which is madalas talaga meron, So I'm sure ganun din mangyayare kay kuya."
" Pano ako?" nguso ko.
" I'm here." rinig kong saad sa likod ko, paglingon ko nakita ko lang si Allen na may ngiti sa labi.
" Kuya Allen??!" gulat na saad ko
" First, I told you not to call me Kuya. Second I am here para I-claim yung 3 dates na pangako mo sakin." ngiti niya, patakbo naman akong lumapit sa kanya saka sya niyakap ng mahigpit.
" Kuya Allen, I really miss you."
" Wala ng kuya please?"
"Super miss youuuuu." excited na saad ko saka sya niyakap ng mahigpit.
" Hello Allen, gwapo mo talaga." rinig kong saad ni Queenie, humiwalay lang ako sa kanya saka pinagmasdan yung mukha niya.
" Kamusta ka? I'm sorry sa nangyare sa Daddy mo huh."
" Sorry for your lost." tango ni Queenie.
" It's okay."
" Okay ka na?"
" Wait, I have to go. Iwan ko na kayong dalawa huh." saad ni Queenie.
" Ingat ka sa pagdadrive huh."
" Bye Queenie." ngiti ni Allen.
" Wag mo ko ngitian Allen, marupok ako!" natatawang saad niya saka kinuha yung mga libro niya at nauna ng naglakad. " Kibo see you on Monday." wave pa niya ng kamay niya.
" So how are you?" ngiti ko sa kanya pero nagkibit lang sya ng balikat.
" Tara, lakad tayo."
" Teka where is your car?"
" Nasiraan ako ng car sa highway, tumawag ako ng mekaniko then rode a taxi to get here." ngiti niya.
" I see, tara?" saad ko saka naunang maglakad. " Gusto ko din pumunta sa chekko ngayon eh."
" Namiss ko yung ngiti mo."
" Thanks, so kamusta ka?"
" Ito, okay naman." saad niya, tuwing sinasabi niya talaga na okay sya, alam mong hindi. " Moving on." lingon niya sakin, hindi ko lang mapigilang pagmasdan yung mukha ni Allen ng mga oras na yun.
Mejo pumayat sya pero di parin nabawasan yung taglay niyang kagwapuhan dahil dun.
" Wala na yung Dad mo." malungkot na saad ko pero nagkibit lang sya ng balikat. " I know naman na kahit ganun yung Daddy mo, mahal na mahal mo yun."
" Paano mo nasabi?"
" Nakwento lang sakin ni Kuya Neko."
" Na kwento na alin?"
" Nung unang inatake daddy mo, Kuya neko was there right? He told me that you are crying nung sinugod sa ospital Daddy mo. Sinabi mo pa nun na magiging mabuting anak ka na wag lang mawala yung daddy mo." lingon ko sa kanya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " I know na kahit ganun sya sayo, you love him. Sayo nga galing yung cane ng daddy mo di ba?"
" He is my Dad after all, I love him." pilit na ngiti niya.
" Hows your Mom?"
" Nakalabas na sya ng ospital, she's okay."
" So ano na plano mo?"
" Plano ko?"
" Yeah, sabi ni Jessica ikaw daw napili ng mga board members para magpatakbo ng kumpanya, I know how big FGC is, kaya mo na ba?"
" They choose me, pero tinangihan ko."
" What? Why?"
" I hate that company, our company at tingin ko hindi pa ko handa para patakbuhin yun."
" So sino magpapatakbo ng kumpanya?"
" My Mom and after the merging Jessica's Dad will help my Mom. "
" Ayaw mo bang ikaw pumalit sa Daddy mo?"
" Not yet, Hindi pa ko ready." ngiti niya. " Masyadong madaming kailangan ayusin sa kumpanya at tingin ko wala pa kong enough na knowledge about sa mga pasikot sikot dun."
" So anong plano mo?"
" To travel the world?" saad niya na ikinalaki ng mata ko. " That is my dream di ba?"
" Really?"
" Yeah, tutuparin ko na sya and I have 3 chances to convince you para sumama sakin."
" I'm studying pa kaya." simangot ko.
" I have a project pa na kailangan tapusin so sakto yun pag kagraduate mo, pwede ka ng sumama sakin."
" Kuya Allen?" nguso ko.
" Wala ng kasing kuya pwede?"
" Fine, alam mo naman si Keith yung gusto ko di ba?"
" How about have sex with me?" ngiti niya, napalunok lang ako saka umiwas ng tingin. " I think I'm hot enough para hindi mo tangihan."
" I hate you." inis na saad ko, natawa naman sya.
" How about yung isa sa chance na ibibigay mo sakin ay chance na makasex ka?"
" Stop it!" lingon ko sa kanya, ramdam ko lang yung pag iinit ng pisngi ko.
" Namumula ka, I'm just joking." natatawang saad niya.
" It's not funny."
" Well, if become desperate. I will try to rape you?"
" Gusto mo sa jail ka magtravel?"
" Ayaw."
" Good, so stop that idea kasi ipapakulong kita."
" Joke lang naman." ngiti niya pero inirapan ko lang sya. " I Do have the three chances so I will not waste that, I will make sure that I will make you fall in love with me again."
" Really."
" Yeah, so maghanda ka kasi buburahin ko yang Keith mo sa puso mo."
" Wow, kaya mo kaya?"
" Pag nagawa ko, sasama ka sakin?"
" Sure." kibit ko ng balikat.
" Gutom ka na?"
" Yeah, superrr!"
" Alam mo ba na isa mga goal ko ay matikman yung mga pagkain sa buong mundo, I want to try different delicacy. Yung streetfood sa india, Truffles ng france and Italy, yung famous red curry soup ng thailand, kung gaano kaangahang yung pagkain sa korea or yung dutch stroopwafel sa netherlands" Ngiti niya kita ko lang yung excitement sa mukha niya ng mga oras na yun.
" That's a lot of food."
" At madami pang ibang pagkain, sweets, pasta, breads. I will taste them all." saad niya, napalunok lang. Shit! Parang ang sarap nung mga sinabi niya. I really love pasta! "So kapag sumama ka sakin, makakain ka ng maraming marami."
" Kailan ba?" ngiwi ko sa kanya na ikinatawa niya. " Gusto ko din ng ganun, I want to taste everything too."
" How about taste me first?" nakangiting saad niya, sumimangot naman ako.
" Kapag nainlove ako sayo, sasama ako."
" Iiwan mo si Keith?"
" Ay oo nga pala, si Keith... no ayoko.. hindi ako sasama sayo."
" You love pastry di ba,
" Stop it! Pero Yeah, I love pastry."
" Then let's go taste all the different pastry around the world."
" Marupok ako sa pagkain! Ang sama mo!" simangot ko saka naunang naglakad nang lingunin ko sya kita ko lang yung pag ngiti niya. He is free now, He can now do everything he wanted and I am so happy for him.
Pero kung naibigay lang sana ng Daddy niya yung freedom na gusto niya, baka wala sana yung lungkot sa mga mata ni Allen ngayon.
He is free..but his eyes can never lie about his sadness
Hanggang makarating kami sa Chekko.
" Hi Kibo and..." bati sakin ni Vanessa pero natigilan to ng makita si Allen sa Likod ko.
" Magandang gabi." bati ni Allen dito.
" Hoy tulala ka." bunggo ni Trey kay Vanessa.
" Uhm yeah nice to see you again Allen."
" Yeah." tango ni Allen.
" Hi Trey." ngiti ko na sinagot naman niya ng pagsaludo habang may ngiti sa labi.
" Namiss kita ah." saad ni Trey sakin. " So ano order mo kibo kibo baby." hawi niya kay Vanessa na nasa counter na napako na ata yung tingin kay Allen.
" Okay lang ba si vanessa?"
" Allen, wala ng intro intro. May chance ba sayo si Vanessa?" tanong ni Trey, napatingin naman ako kay Allen.
" Trey, gusto mo balian kita ng likod." inis na saad ni Vanessa.
" She likes you Allen, so meron ba?"
" I like someone already na eh, so hindi na ko available." ngiti ni Allen.
" Eh di ba hindi na matutuloy yung kasal mo dun sa Jessica?" maang ni Vanessa.
" Yeah, kasi nalaman niya na may gusto akong iba." napapakamot na saad ni Allen.
" Ay kawawa naman po sya!" natatawang saad ni Trey pero sinabunutan lang sya ni Vanessa. " Aray, masakit!" reklamo niya na ikinatawa ko.
" Panira ka talaga kahit kailan!"
" Masakit naman eh!" hawak niya sa ulo niya.
" Punta lang ako sa kitchen." saad ni vanessa saka nakasimangot na tumalikod at pumasok sa loob.
" Lagot ka." ngiti ni Trey kay Allen. " At kung sino man yang gusto, papakulam sya ni Vanessa." saad pa niya, nagkatinginan lang kami n Allen saka natawa.
" Sige na ano na order mo."
" Same, then I want lasanga." ngiti ko, pagkasabi namin ng order namin ay dumeretso na kami sa mesa at umupo.
" You know what, Vanessa is so beautiful."
" Yeah, kaso cute yung gusto ko eh." ngiti niya, inirapan ko naman sya. " Pinapakamusta ka nga pala ni Jessica, she actually followed you in instagram. Cute na cute sya sayo."
" I know, I am so cute." pacute na saad ko, natawa naman sya. " Alam mo, nung tumabi ako kay Jessica, nagmukha akong elementary student, ang tangkad niya grabe."
" Magkaheight naman kami eh."
" Yeah, pero with how she dress grabe para syang model, ang payat payat pa niya."
" Kung nakita mo lang sya before, she is boyish back then pero ngayon pinapagalitan sya ng Mommy niya kapag di sya nakaayos, Someday kasi she will be the queen of Xiayen."
" Wow."
" Kamusta kayo ni Keith?"
" Okay kami, nakapasa na sya sa board. Top 10!"
" Wow nice, top 3 ako eh."
" Tinatanong ko?"
" Sinasabi ko lang." ngiti niya.
" But I am so happy na nakapasa na sya and nagtetraining na sya sa company ng Daddy niya."
" Miranda Construction and Development corporation."
" Yeah, competitor niyo ba sila?"
" Nope, Mejo maliit pa yung sakop ng MCDC like subdivisions, houses. They can't handle big projects yet maybe in the near future maging competitor rin namin sila if they grow big but for now FGC is leading the game when it comes to construction and development plus the merging with Xiayen."
" So are you saying na walang wala yung company nila Keith sa FGC?"
" Exactly."
" Ang yabang mo." simangot ko na ikinatawa niya hanggang ilapag ni Trey yung mga order namin.
" Hoy Kibo, inom tayo nila Vanessa kapag may time ka huh." tapik ni Trey sa balikat ko.
" Sure." tango ko, kumindat naman sya sakin bago kami iniwan agad ko naman tinusok yung straw sa milk tea ko at nakangiti tong sinipsip. " I miss thisssss!!' kinikilig na saad ko dahil sa lamig nito.
" So kailan yung 3 dates natin?"
" Uhm hindi pa ba to kasama?"
" No!" iling niya agad.
" joke lang,"
" Kailangan paghandaan ko yung mga dates natin kasi sisiguraduhin kong mahuhulog ka sakin."
" Para malinaw huh, I love keith." ngiti ko sa kanya.
" Asawa nga naagaw, ikaw pa kaya?" ngiti niya na ikinasimangot ko. " Aagawin kita sa kanya, kung kailangan gamitin ko yung katawan ko. Gagawin ko."
" Shut up! Walang ganun." ngiti ko sa kanya, natigilan lang sya ng tumunog yung phone niya. Nang tingnan niya kumunot lang yung noo niya. " Why?"
" Si Mommy."
" Why don't you answer your phone?" saad ko hanggang tumigil yung tunog nito.
" Hindi parin ako sanay na tinatawagan na niya ko." iling niya.
" Really?"
" Yeah, kinakausap na niya na din ako." buntong hininga niya. " Pakiramdam ko tuloy my nanay na talaga ko."
" Di ba yun naman gusto mo?"
" She even cooked for me yesterday, I felt really weird lang." nang muli niyang tingnan yung phone niya, isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi niya.
" Why?"
" Nagluto daw sya, she's asking kung pauwi na ko."
" Wow, Uwi ka na." ngiti ko.
" Uhm pano ka?"
" Isang taxi lang ako noh, safe naman sa way ko kaya don't worry about me."
" Pero."
" I'm fine, ano ka ba. Bumabawi na yung Mommy mo sayo. Iniiyakan mo yun dati di ba na kahit isang beses hindi ka pa napagluto ng Mommy mo,I remembered na nagdrama ka pa kay mommy dahil din. I think kahit sya nakalaya na rin sa Daddy mo."
" Yeah, I guess so."
" Sige na, una ka na."
" Sure ka talaga?"
" Oo naman." ngiti ko, humugot lang sya ng malalim na hininga saka tumayo.
" Okay una na ko, yung 3 dates natin huh. Send me your schedules kung kailan ka free para makapag adjust yung time ko okay? Kahit gaano ako kabusy, kung para sayo gagawan ko ng paraan."
" Okay." tango ko. " Ingat ka." ngiti ko.
" Pwede pakiss?"
" Sapak gusto mo?"
" I miss yor lips, pwede pa ba ko matulog sa condo mo?"
" Hinahalikan mo kapag tulog noh?!"
" Sometimes, alis na ko." natatawang saad niya saka tumalikod at naglakad palabas, nung lumingon sya gigil lang akong nagdirty finger sa kanya, kita ko lang na natawa sya.
Hinahalikan niya ko? Kainis... para pa naman ang sarap sarap ng lips niya. Haixt!
Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tinuloy yung pagkain ko.
" Oh nyare, bakit iniwan ka nun?" saad ni Trey na umupo sa harapan ko.
" Kailangan na niya umuwi eh."
" Kawawa ka naman, wala na nga si Keith iniwan ka pa ni Allen."
" May jowa ka ba ngayon?" tanong ko.
" Wala nga eh." iling niya.
" Ay kawawa ka rin pala noh, walang jowa." ngiti ko, natawa naman sya.
" You know what, may secrets akong alam?"
" Secrets?"
" Secret, singular pala, isa lang naman yun eh." ngiti niya.
" Ano naman yun?"
" Gusto mo malaman?"
" Uhm masasaktan ba ko kapag nalaman ko? Kapag oo? Nevermind."
" No, hindi ka masasaktan." iling niya. "Maeexcite ka."
" Really? Ano ba yun?"
" Secret nga eh, bakit ko sasabihin?"
" Ang gwapo mo Trey." ngiti ko.
" Dali Dali, lapit ka bubulong ko sayo. Madali naman akong kausap eh." natatawang saad niya, nilapit ko naman yung mukha ko, hanggang tumayo sya at nilapit yung mukha niya sa tenga ko at may ibinulong.
Nanlaki lang yung mata ko ng marinig yung sinabi niya saka napatitig sa mukha niya.
Holy Mother father!
Nakangiti lang syang bumalik sa upuan niya saka kumindat sakin.
" What do you think?"
" Uhm." iwas ko ng tingin.
" Nakakaexcite di ba?"
" Pano mo yun nalaman?" nguso ko pero nagkibit lang sya ng balikat. Saka inabot yung milk tea ko at sumipsip dito. " That's mine eh!"
" Sunday bukas di ba, wala kang pasok? Tara labas tayo nila Vanessa ngayon."
" Si Keith?"
" Tinawagan namin sya kanina, nasa office pa daw sya at bukas na daw sya makakauwi sa condo. Hindi ba nagsabi sayo?"
" Hindi ko nasagot yung tawag niya kanina, pero nagtext na baka late nga sya makauwi."
" So, labas tayo?"
" Yung secret mo, alam na ba nila Vanessa?"
" Akin lang yun, saka napilit mo ko eh kaya nashare ko sayo."
" I see."
" Di ako madaldal, ano sama ka?"
" Uwi muna ako para magbihis." tango ko.
" Shoot! Leeeegoo!" taas niya ng kamay niya. " High five?"
" Ah yeah yeah." apir ko sa kanya.
SI KEITH
Nasa office ako nun habang pinag-aaralan yung mga bagong project ng kumpanya ni Daddy ng marinig ko yung katok sa salamin na pinto.
" How do you like your office?" ngiti niya pagpasok, binaba ko naman yung mga papel na hawak ko at sinara yung laptop sa harap ko saka pinagmasdan yung buong office na nilaan niya para sakin. " Matagal na tong nakaabang sayo, finally magagamit mo na din."
" Dad, why don't we compete with fgc? Let's join the bidding for big projects?" tanong ko, kita ko lang na napangiti sya. " Why?"
" FGC is just like a different breed, magkaiba yung company natin sa company nila. Yeah they have the big projects, roads, bridges, buildings but we focus on subdivisions, housing, private sector..It's on us."
" So hindi tayo pwede makipagcompete sa kanila?"
" Maybe someday, not now son. Kapag binangga natin sila ngayon ay para tayong langgam na bumangga sa higante."
" I see."
" Bakit mo natanong?"
" I know Allen Fernandez."
" Really, how do you know him?"
" A friend of a friend."
" Nakausap mo?"
" Konti." tango ko.
" That's nice, alam mo ba na bilang lang ang nakakalapit sa taong yun. He is the future of FGC and no one dare to touch him, he is a future king and one day kapag fully grown na yung pangil at kuko niya, he will be so powerful that no one can beat him."
" Ganun?"
" Yeah, let's go home. Magagalit sakin Mommy kapag inabutan tayo ng hating gabi dito." saad niya, niligpit ko naman yung mga papel sa harapan ko. " If Allen Fernandez is the future of FGC, then you are the future of our company." saad ni Daddy, napalingon lang ako sa kanya.
" Am I?" kunot ang noong saad ko, kita ko naman na napailing sya.
" I know na may iba kang gusto bukod sa pagtatrabaho dito, I know may ibang landas ka na gustong tahakin and company is not part of it right?"
" How do you know that?"
" I'm your dad."
" Um, well as of now. I want to learn about everything about our company."
" Pero hindi mo gustong ikaw ang magpatakbo nito di ba?"
" yeah." ngiti ko.
" I see, then give me a grandson." ngiti niya.
" What?"
" Bigyan mo ko ng apo para sa kanya ko ibibigay yung kumpanya, bigyan mo ko marami para masaya."
" Whatever Dad." natatawang saad ko.
" I miss you Keith." ngiti niya. " My son."
" Dad, ang corny." saad ko saka sinukbit yung bag ko. " Let's go."
" Gusto ko na ng apo?"
" Ilan ba kasi gusto niyo?" natatawang saad ko.
" Mga sampu, okay na ko."
" Ang dami!" iling ko saka nauna ng lumabas ng office. " Napakamahal pa naman ng vitro." bulong ko.
" What did you say?"
" I said, I need to work my butt off para mabigyan ko kayo ng sampung apo. Kailangan ko ng madaming madaming pera."
SI ALLEN
Pagkaparada ng taxi sa harap ng malaking gate ng mansion namin ay bumaba lang ako saka mariin pinagmasdan yung matarik na gate na yun, matatanaw mo sa labas yung tayog ng istrakturang nakatayo sa pinakaginta ng solar sa loob.
Napakalaki nito at napakaganda sa labas, hindi aakalain na sa likod ng ganda at tayog nito ay minsan may nanirahan na masamang hari at duwag na prinsipe.
Nagsimula lang tumulo yung luha sa mata ko.
Nang mga oras na yun, parang nakikita ko yung bata na ilang beses nahulog sa bisikleta habang tinuturuan ng nakakatakot nitong tatay.
Takot na takot yung batang yun pero di tumigil yung tatay nito sa pag alalay at pagpupursige sa anak na matuto magbisikleta, kita na din yung dugo sa tuhod ng paslit pero paulit paulit parin syang tumayo at muling sumakay sa bisikleta.
Hanggang pumadyak ng tuloy tuloy yung paslit na di natutumba, nanlalaki ang mata niyang lumingon sa tatay niya na may ngiti sa labi.
" I told kaya mo." tango ng tatay niya hanggang muling bumagsak yung paslit ngunit sa pagkakataon na yun ay agad niyang tinayo yung bisekleta at muling sumakay dito at dali daling nagpedal. " Dahil marunong ka na, papayagan na uli kita pumunta sa kaibigan mo."
" Thank you Dad." hikbi ng paslit saka masayang nagpedal habang paikot ikot sya malaking bakuran ng palasyong yun. Nang sandaling yun kita yung saya sa mukha niya, kahit punong puno sya ng sugat sa tuhod ay di nakaapekto yung sakit nito sa saya niya ng sandaling yun.
" That king is not that evil, He love the prince. He just don't know how to show it."
but
the king is gone
And the prince now want to live a normal life.
SI KIBO
" Trey really likes to party." lingon ko kay Vanessa, nasa isang bar kami nun habang pinagmamasdan si Trey na nakikipagsayaw sa mga babaeng andun.
" Actually, parehas sila ni Keith." kibit niya ng balikat saka uminom sa vodka sa harap niya. " Mejo tumigil lang sya nung naging close kayo."
" Mejo?"
" Yeah, minsan naaya parin sya ni Trey, pero kadalasan hindi. Pero ngayon tingin ko bihira na sya makakasama."
" Why?'
" Corporate life is kinda complicated and hindi na niya magagawa yung mga nakasanayan niya, like partys unlike trey na manager sa travel and tours so mejo maluwag sa schedule. Keith will be glued on his computer from now on, doing some coding and engineering stuff."
" I see."
" I think, Keith is done with easy go lucky life style. Nasa adulting stage na sya, are you okay with that?"
" Uhm, I don't know."
" Teka, ikaw yung gusto ni Allen noh?"
" Ah...kasi.. ah no.. hindi ako." iling ko.
" You are not a good liar." simangot niya, pilit naman ako ngumiti.
Nanlaki lang yung mata ko ng makita si Trey na nakipaghalikan sa kasayaw niya.
" Why?" saad ni vanessa na sinundan yung tingin ko.
" You know what that's normal, you can do it too if you want." natatawang saad niya, sunod sunod na iling naman ginawa ko. " if you want to hang out to a place like this, you can ask trey. Madami syang alam na ganitong lugar." Hanggang makita ko na naglakad si Trey kasama yung babae,
" Where are they going?"
" Sa tabi tabi." ngiti niya.
" Iiwan niya tayo?"
" Nope, babalik yan. Enjoy ka lang, wala ka bang nakikitang gwapo sa paligid?" tanong niya agad ko naman nilibot yung tingin ko sa paligid, may mga itsura naman, may mga nakita din akong nakatingin sakin pero agad akong umiiba ng tingin.
" Wait, it's my turn." saad ni Vanessa saka tumayo.
" Saan ka pupunta?"
" I came here to have a good time, so let's enjoy." ngiti niya saka nakisalo sa mga nagsasayaw.
Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumayo, sumenyas lang ako kay Vanessa na pupunta sa cr.
Sa hallway papunta sa cr naabutan ko lang si Trey at yung babae na naghahalikan.
Oh shit.
Hanggang magtama yung mata namin ni Trey.
" Kibo." ngiti niya.
" Uhm, cr lang ako." saad ko saka sila nilampasan. Ilang beses na kami nakapasok ni Queenie sa mga ganitong bar pero never pa namin natry makipagflirt or makipaghalikan. We like to party but we are not that wild.
Paglabas ko ng cr naabutan ko lang si trey pero wala na yung babaeng kasama niya.
" Asan na yung kahalikan mo?" untag ko sa kaniya.
" Umalis na eh, teka nagpaalam ka ba kay Keith?"
" Hindi?"
" I see, sabagay hindi pa naman ata kayo di ba?"
" yeah."
" Tara na party na tayo." akbay niya sakin saka ako hinila sa gitna at nagsayaw.
" Neko." bulong ni Trey sa likod ko.
" What?" lingon ko sa kanya, pero isang ngiti lang yung binigay niya sakin.
SI KEITH
Linggo ng tanghali ng magpasya akong umuwi sa condo pagkagaling ko sa chekko.
" Bwiset na minions yun, kung kailan talaga hindi ako pupunta sa opisina saka pa umuwi sa kanila." bulong ko pagsakay sa elevator. Tuwing pupunta ako sa condo niya, lagi syang tulog at kahit anong gising ko sa kanya ay wala paring talab.
Halos gahasain ko na sya, tulog pa din!
I'm sure kapag katabi ng Allen na yun si Kibo, hindi lang pagtulog ginagawa niya.
Bwiset sya!
Ilang sandali pa ng mag ring yung phone ko.
" Why Trey?" sagot ko dito
" Inom tayo later."
" Sure, sumasakit ulo ko sa dami ng pinaaaral sakin ni Dad na project. Akala ko after ko maipasa yung exam magiging madali na lahat."
" Welcome to the real world." natatawang saad niya, napakamot naman ako sa ulo. " Ito na ang totoong trabaho Keith kaya goodluck."
" Yeah I know, basta inom tayo later. Gusto ko ipahinga yung utak ko." Bumukas naman yung elevator at nagsimula ako humakbang papunta sa unit ko. Pagpasok ay dumeretso lang ako sa sofa at pabagsak na naupo.
Dinial ko lang yung number ni Kibo pero tanging ring lang yung narinig ko dito.
" Bwiset kang minions ka!" bato ko ng cellphone sa maliit na mesa pero napalingon lang ako ng may marinig na kung ano sa kwarto ko.
SHIT!
Hanggang manlaki yung mata ko ng makita yung nakapulang hoodie na lumabas sa kwarto at tumuloy sa pinto.
" Stop!!!!" sigaw ko ng hahawakan niya yung doorknob, tumigil naman sya. " Don't you dare!" gigil na saad ko ng aktong gagalaw sya. " Humarap ka!"
Dahan dahan lang syang humarap sakin saka ngumiti.
" Who are you!?" gigil na saad ko pero umiling lang sya saka binuksan yung pinto at tumakbo palabas.
Damn!
Agad naman akong humabol sa kanya hanggang makita ko yung nakapulang yun sa elevator, halos madapa naman ako sa pagmamadali, habang nakatingin sa kanya kita ko lang yung ngiti sa mukha niya saka tinaas yung hawak niyang underwear hanggang magsara yung elevator.
" Holy shit!!" gigil na saad ko saka pumunta sa stairs. " Wait! Pababa ba o pataas? Oh shit!" pagbalik ko sa harap ng elevator nakita ko lang na pababa yung tungo ng elevator.
" Sino ka bang babae ka!" bulong ko saka pilit inaalala yung mukha niya. Oh damn it bakit di ko na maalala! Shit!
Alam ko kababago ko lang ng passcode ng condo ko at si Trey at Vanessa lang ang sinabihan ko?!
" Waah badtrip." gigil na saad ko saka humakbang pabalik sa condo ko, yun na eh! Nakaharap ko na tapos nakawala pa! " Mahuli lang talaga kita! Teka ano ba gagawin ko kapag nahuli ko sya." gulo ko sa buhok ko pagpasok sa condo.
" I just need my underwears back!"
Pero sino ba sya?
Di ko maalala mukha niya but she looks young at never pa ko nagkaroon ng girlfriend na ganun kabata.
Her eyes, damn it!
It's beautiful pero ano ba itsura nun?
Kainis na mata to oh!
Ay oo nga pala, walang kinalaman yung mata ko kahit ilang beses ko pa palitan. Nasa utak ang problema! So fuck you my brain!
Nung gabing yun ay pumunta lang kami ni Trey sa isang bar at duon nag inom.
" Astig ng gift sayo ng Daddy mo huh, new car!" ngiti ni Trey pag upo namin.
" Kailangan ko daw yun sa trabaho at di daw bagay sakin na nakamotor na pupunta sa opisina."
" Totoo naman kailangan laging maayos yung damit mo. Mukhang kagalang galang lage tapos nakamotor kang darating. Hindi talaga bagay dude."
" I know." Kibit ko ng balikat.
" Hindi ka lang basta engineer sa kumpanya niyo, you are also the son of it's owner."
" Alam ko, sinabi na sakin yan ni Daddy."
" So kamusta kayo ni Kibo?"
" Uhm okay kami, busy sya sa school tapos busy ako sa opisina."
" Nagkikita pa kayo?" tanong niya na sinagot ko ng iling.
" Tuwing pumupunta ako sa condo niya, tulog na sya. Tatlong sem nalang kasi kailangan nila tapusin para makagraduate so sigurado ko na pagod na pagod sya lage dahil puno yung load nila ngayon."
" Wow, nakakasira talaga ang pag aaral at trabaho sa love."
" Shut up." simangot ko.
" Alam mo bang galimg si Kibo at Allen sa Chekko kagabi?"
" What?"
" Magkasama sila kagabi."
" Seryoso?"
" Yeah, and ang sweet nila."
" Shut up Trey, loyal yung piggy ko na yun."
" Loyal?"
" Oo naman, sa dami ng beses na nagtabi sila matulog ng Allen na yun. Walang nangyare sa kanila kahit isang beses. Ganun kaloyal si Kibo."
" Pero ang sweet nila."
" Allen is part na ng family nila so parang pamilya na turing ni Kibo sa kanya."
" Di ka nagseselos?"
" Nagseselos, pero I trust Kibo. Napatunayan na niya sakin kung gaano sya kaloyal kaya may tiwala na ko sa kanya, ako lang gusto nun kaya kahit ilang beses pa sila magsama ni Allen, ako pa din ang pipiliin niya."
" Wow, confident."
" Oo naman." ngiti ko, sinalinan niya naman yung baso ko ng alak. " Kasama ko si Kibo kagabi."
" What?"
" Sabi ko kasama ko si Kibo kagabi."
" Hayop ka Trey huh!" Simangot ko.
" Kasama si Vanessa gago." ngiti niya. " Nag bar kami kagabi pero maaga din kami umuwi, nagyaya din sya agad, iniwan kasi sya ni Allen sa chekko kaya niyaya ko na. Mukhang stress at pagod sa school eh."
" Kala ko."
" What? Na gusto ko si Kibo?"
" Nevermind, umuwi yun sa bahay nila ngayon kaya di parin kami nagkikita. Simula pa naman bukas dadalhin na ko Daddy sa site ng on going project namin."
" Hindi pa nga kayo ni Kibo pero halos di na kayo nagkikita?"
" Saklap, pero nakapag usap na kami sa phone kanina. Busy din talaga sya sa school kaya okay lang naman sa kanya. Susunod sana ako sa kanila kanina kaso tinawagan ako ni Mommy kanina para umuwi sa bahay."
" Kawawa ka naman." ngiti niya.
" Whatever! Bakit nga pala hard iinumin natin?"
" Uhm ayoko na muna ng beer, puro beer na ko sa bahay pakiramdam ko lumalaki na tyan ko."
" Gago, 3 times a week ka sa gym kaya di lalake yang tyan mo."
" Busy ako dude, nakaupo lage at nakaharap sa computer tapos pag uwi sa bahay beer."
" Sabagay."
" Tanga, ganun na din future mo!" natatawang saad niya.
SI ALLEN
Pagkalipas ng ilang araw ay natanggap ko lang yung text ni Kibo kung kailan sya pwede makipag date, I will make sure na mahuhulog uli sya sakin.
" Why are you smiling?" tanong ni Jessica, nasa conference room kami nun kung saan ginanap yung board meeting para iannounce na si Mommy na ang bagong ceo ng kumpanya.
" Uhm nothing." iling ko.
" Your mom is so smart, I am so amazed that she knows everything I mean even the smallest thing about fgc, mukhang matagal na niyang pinag aralan tong kumpanya. I think FGC is in goodhands."
" Of course, kaya ni Mommy to."
" Mukha nga."
" Plus with the help of your dad."
" Kapag umalis ka, babalik ka pa ba?" tanong niya, natigilan lang ako. " This company needs you."
" bahala na." ngiti ko.
" Anong bahala na? We need you Allen."
" I think naman, kahit libutin ko ang mundo there will be no place like home. So babalik parin talaga ko dito."
" buti naman."
" So kapag umalis ako, kayo muna ni Mommy ang partner."
" Medyo nakakatakot din Mommy mo pero I'll do my best."
" You own a yatch right?"
" Yeah, why?"
" Can I use it?" ngiti ko.
" Sure."
SI KEITH
Alas onse na nun ng gabi ng makauwi ako sa condo pagkatapos ng napakahabang araw sa office at sa site, I know masyado pang maaga pero Daddy is asking me to do a proposal para sa isang client and I think mababaliw na ko sa ginagawa ko.
Buti nalang, dad assign someone to guide me and she is awesome.
Napangiti lang ako pagpasok sa condo ni Kibo at makita syang mahimnbing na natutulog sa sofa.
" Mukhang pagod ka nanaman." buntong hininga ko, nasa tabi niya yung at nakamedyas pa sya. Halatang paguwi niya ay nahiga na agad sya kahit di pa nagbibihis. Binuhat ko lang sya papunta sa kwarto niya at dahan dahan syang hiniga sa kama.
" I really miss you." halik ko sa pisngi niya saka to masuyong tinusok ng daliri. " Ang lambot lambot talaga ng pisngi mo." natatawang saad ko saka pinatungan. " gahasain kaya kita, grabe ka matulog."
Nagsimula naman akong humalik sa leeg niya, yung mabango niyang amoy ay nagdala ng init sa pakiramdam ko hanggang mapadako yung halik ko sa labi niya pero ilang sandali pa ng tumigil din ako at nahiga sa tabi niya.
" Badtrip!" nakasimangot na lingon ko sa kanya, kita ko naman na umungot sya saka tumalikod sakin.
Kinuha ko naman yung phone ko saka dinial yung number ni Trey.
" Why?" sagot niya, rinig ko lang yung ingay sa paligid niya.
" Where are you?"
" Party?"
" Where?"
" bakit pupunta ka? madaming girls dito." saad niya, nakagat ko lang yung labi ko saka napalingon kay Kibo. " Let's go, have fun and loosen up sometimes."
" I'm with Kibo." mahinang saad ko.
" Ay kawawa ka naman." natatawang saad niya.
" But he's sleeping."
" Aw, then let's go?"
" Pero."
" Keith let's go."
" I love him."
" Wait what??"
" Trey I love him."
" And so?"
" Mahal ko sya."
" Yeah he is loyal, pero you're different coz I know you're not."
" Whatever Trey."
" Fine fine I got it mahal mo sya kaya sige na, istorbo ka eh. I'll text you the address if gusto mo pumunta." saad niya hanggang maputol yung linya ilang sandali pa ng mabasa ko yung text niya na nakalagay yung address.
Nakagat ko lang yung labi ko saka tumayo at binigyan ng mabalis na halik si Kibo sa labi.
" Damn it." nakasimangot na bulong ko saka nagmamadaling lumabas ng condo ni Kibo.
SI KIBO
" Sure ka ba na okay lang sa Mom mo na kasama ako sa dinner niyo?" napapakamot kong saad kay Queenie pagpasok ko sa kotse niya, pagkatapos ng lab namin ay tumawag yung mommy niya para mag dinner sa labas.
Umuwi muna ako para magpalit ng damit.
" Yeah, I told her na kasama kita so sabi niya isama na daw kita." ngiti niya. " Saka para makakain ka ng totoong food, I know naman na dahil sa sobrang pagod mo pag uwi kaya di ka na nagluluto sa condo mo."
Kinuha ko naman yung eye glasses sa dashboard ng kotse niya.
" I really love that glasses, you should buy din ng ganyan."
" Hindi naman malabo yung mata ko."
" Kahit di malabo, you should protect your eyes parin noh."
" Sabagay." saad ko saka sinuot yung glasses sa mata ko. " Bagay ba?"
" Bagay." tango niya.
" Suotin ko muna."
" Sure, bago din yang damit mo huh. Ngayon lang kita nakita na nagmaong jacket."
" Pinagshopping ako ni Mommy nung umuwi ako, kaya eto. New clothes, amoy bago pa nga oh." amoy ko sa damit ko.
" Ganda, new style."
" Yeah right, bagay ba?" ngiti ko, nag approve naman sya sakin. " Kapag naalala ko na kailangan gumising ng 7am, nanghihina ako buti nalang malapit nanaman ang Sunday at makakapag stream ako hanggang madaling araw."
" Grabe naman kasi yung 7am to 8pm, tingin mo may energy pa ko paguwi nun, gusto ko nalang mahiga at matulog tapos gigising nanaman na halos di pa sumisikat ang araw."
" So let's enjoy nalang this Dinner." saad niya, nagtaka lang ako ng mapansin yung dereksyon na tinatahak ng kotse niya.
" Wait saan ba?"
" Sa gold city." Lingon niya na ikinakunot ng noo ko. " Andun na si Mommy, inaantay na niya tayo."
" Why duon? First class hotel yun ah?"
" I don't know, maybe may kameeting sya dun."
" Di ba hindi na nagwowork Mommy mo?"
" Yeah, I don't know bakit duon." ngiti niya hanggang tumigil kami sa sobrang taas na building na yun, pagbaba namin ay binigay lang ni Queenie yung susi sa parking attendant.
" Nadala na ko nila Mommy dito dalawang beses, this place is so beautiful." lingon ko kay Queenie.
" At beautiful din presyo ng mga pakain." natatawang saad niya.
" Well I think it's worth it naman."
" We have a reservation with Poly Miranda."
" Ah yes, Mrs Miranda is actually waiting for you." ngiti nung nasa front desk sa resto sa loob nun, sinamahan lang kami ng staff dun papunta sa isang table, hay napakalaki talaga ng lugar na to.
" Hello Mom."
" Hi tita."
" Hi Kibo, I miss you." ngiti nito. " Ang tagal mo ng di nakakapunta sa bahay."
" Uhm mejo busy po sa school saka po umuwi din po ako ng semstral break samin kaya di po ako nakapasyal sa inyo."
" Yeah I know, so what do you want to eat."
" Mom, pwede ako mag order gusto ko?" ngiti ni Queenie.
" Sure, order kayo ng kahit ano." ngiti nito, nagkatinginan naman kami nni Queenie saka tumango. " Mom, we are really hunry kaya ihanda niyo na yung wallet niyo.
" No Worries."
Pagkatapos namin sabihin lahat ng order namin ay nag apir lang kami ni Queenie na ikinatawa ng Mommy niya.
" Your father is ben rodriguez Right?"
" Yes po." tango ko.
" I see, so how is he?"
" He's fine po, busy po sa company." saad ko. " I have to pee, wait lang po punta lang po ako sa cr."
" Gusto mo samahan kita?" tanong ni Queenie pero umiling lang ako.
" Hindi na, I'm okay." saad ko saka tumayo, naglalakad na ko papunta sa cr nun ng may makita akong pamilyar na mukha, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko hanggang mapansin ko yung babaeng kaharap niya.
Nakatalikod yung babaeng yun sa dereksyon ko kaya hindi ko makita yung mukha nito.
Kita ko lang yung pagtawa niya sa habang kausap yung kasama niya, mukhang nag eenjoy sya.
Nang tumapat ako sa table nila ay tumigil lang ako, nagtama naman yung mata naming dalawa.
" Why?" tanong niya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
" Do you know him Keith?" tanong nung babae, kita ko naman na mariin akong tinitigan nito hanggang mapadako yung tingin niya sa tenga ko. Hindi ko suot yung hikaw.
" Do you need anything kiddo?" ngiti ni Keith pero marahan lang akong umiling saka tumingin dun sa babae. She's beautiful, wow that face.
Sa dating nung babae, halatang mayaman at may sinabi sa buhay. Napakaamo din ng mukha nito at halata din na mamahalin yung damit na suot niya.
Ngumiti lang yung babae sakin.
" Your glasses is so cute." ngiti nung babae sakin, tumango naman ako saka naglakad papunta sa cr. Pagpasok ay humarap lang ako sa salamin saka kinapa yung hikaw ko sa bulsa saka hinubad yung glasses ni Queenie na suot ko.
Ang sakit pala kapag di ka nakikilala ng mahal mo.
Madalas sa chekko or sa condo lang kami nagkakasama ni Keith, nakalimutan ko na sa labas ng mundo na binuo naming dalawa ay imposible pala para sa kanya na makilala ako, imposible sa kanya na matandaan yung mukha ko.
Prosopagnosia, damn it!
Binalik ko lang sa bulsa ko yung hikaw at muling sinuot yung glasses ni Queenie.
Paglabas ko ng banyo ay humakbang na ko pabalik pero nakita ko lang si Keith na naglalakad na papunta sa dereksyon ko, tumungo naman ako saka humakbang hanggang magtapat kami at lumagpas sya.
Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko saka tinuloy yung paghakbang.
Kahit ilang beses kami magkasalubong ay hinding hindi niya ko makikilala.
ITUTULOY
AUTHORS NOTE: Thanks sa lahat ng patuloy na nagbabasa, super love you guys. Kay young thanks sa help sa story na to, mwuahugs! Sa mga nagcocomment.. Super thank you guyssss.
Pls like, share, comment, vote... And follow na din.. Love lots guys.. May group kami sa facebook.. For some discussion and ek ek.. Just search bluerose. Thankssss
No comments:
Post a Comment