Followers

Tuesday, September 8, 2020

Loving You... Again Chapter 76 - The Judge

  






  



Author's note...










Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.

The Judge na kanta ng Twenty One Pilots. Ang kantang ito ay para kay Inno habang iniisip kung bakit nga ba hindi siya gusto ni Randolf. Bakit nga ba ang dami nang dumaan na boyfriend kay Isabela at ni isa sa kanila ay hindi pumasa para sa kaniya? At siyempre, nang may nakakita sa kanilang dalawa na nag-uusap sa labas ng comfort, well, basahin niyo kung sino ang nakakita sa kanila.

Heto na po ang Chapter 76.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
70 | 71 | 72 | 73 | 74 | 75 |











Chapter 76:
The Judge







































Inno's POV

 

        Kaagad akong bumaba sa unang palapag. Nasalubong ko naman ang Mama ko na naguguluhan.

 

        “May dalawa kang girlfriend na mayaman?” kaagad na tanong sa akin ni Mama.

 

        Inikot ko na lang ang aking paningin. Napansin nga ni Mama na magkaiba iyung kotse na nasa harap ng bahay.

 

        “Hindi ko po syota iyung nasa labas,” wika ko habang dumiretso sa labas. “Ma'am, mukhang naligaw ka ata.”

 

        Mabilis na tiningnan ko ang kasuotan ni Isabela. Kaswal lang ang kaniyang pananamit. Nakakatuwa lang siyang, tingnan.

 

        Para namang nawala ang dugo sa mukha ni Isabela at hindi makapagsalita, sa hiya? “I-I'm sorry. I think, maling bahay ang napuntahan ko.”

 

        “Bakit? Kaninong bahay ba ang gusto niyo pong puntahan?”

 

        Kaagad naman napalitan ng ngiti ang labi niya. “Joke lang.”

 

        Hindi ko makuha ang biro niya. Hindi ako makapagsalita sa katangahan ko.

 

        “Ako po ba talaga ang pinunta niyo dito?” tanong ko.

 

        “Oo naman. Pwede ba tayong mag-usap? Kaya lang...” Tumingin siya sa paligid at inaasahan ko na may pandidiri sa kaniyang mukha. “... gusto ko ay pribado tayong mag-usap,” tuloy niya nang humarap siya sa akin.

 

        Tiningnan ko lang ang relo ko at nakitang malapit na akong ma-late sa trabaho. “Hindi po pwede. May trabaho pa po ako, mga isang oras pa.”

 

        “Okay lang. Ipag-drive mo na lang ako sa trabaho mo,” sabay hagis niya ng susi sa akin.

 

        Nasalo ko naman ito.

 

        “Tapos habang nasa byahe tayo, mag-usap tayo. Tsaka, please. Huwag kang mag-‘po’ sa akin Inno.”

 

        “Sabi mo ehh. Kukunin ko lang ang mga kailangan ko sa loob ng bahay,” paalam ko saka pumasok ulit ng bahay.

 

        Pagkapasok ng bahay ay binigyan ako ng isang tingin ni Mama pero hindi ko ito pinansin. Nang bumalik ako ay nasa loob na ng kotse si Isabela.

 

        “Ano nga po- Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan natin?” tanong ko nang pinaandar ko ang sasakyan.

 

        “May gusto lang akong malaman tungkol kay, Randolf,” sagot niya. “Gaya ng, ano ba ang gusto niya sa isang babae?” Wow. Iyung anak ni gov, may gusto kay Randolf.

 

        “Ikaw?” hindi ko siguradong sagot.

 

        “Yeah, may gusto ako kay Randolf,” sabi ni Isabela na mali pa ata ang pagkakaintindi niya sa sagot ko. “Pero mukhang napakalayo ko sa mga gusto niya.”

 

        “Hindi. Ang ibig kong sabihin, ikaw.”

 

        Tumahimik nang mga ilang segundo ang kotse. Nang ayos na para tumingin sa kaniyang direksyon ay tumingin na ako sa kaniyang direksyon nang mga ilang segundo sabay balik sa pagmamaneho.

 

        “Ang ibig kong sabihin, kung tama ang tingin ko sa mga gusto ni Randolf, ikaw,” paliwanag ko. Maliban na lang kung masama ang iyung ugali.

 

        “Pero bakit parang ayaw niya ako kung tipo niya pala ako?” mukhang tanong ata ni Isabela sa kaniyang sarili.

 

        “Baka may mali kang ginawa,” sagot ko.

 

        “Mali ba na sabihin ko sa kaniya na gusto ko siya?” Maliban na lang kung masama ang iyung ugali.

 

        “Baka, iyun ang isa sa dahilan. Pasensya na, hindi ko kasi alam ang ugali ni Randolf kapag nilapitan siya ng isang babae. Siguro, kung gusto niya lumapit sa iyo, lalapit siya sa iyo.”

 

        Inantay ko siyang rumesponde na parang bata na hindi nakuha ang gusto. Para makumpirma ko na ang problema ay siya talaga, na masama ang kaniyang ugali. Pero nang saglit ko siyang tiningnan, nakatingin lang siya sa bintana at mukhang nag-iisip. Siguro nga, hindi masama ang ugali niya.

 

        Rinig kong nagpakawala si Isabela ng malalim na hininga. “Ewan ko ha? Pero baka hindi na lumapit sa akin si Randolf. Kasi mukhang ang gusto niyang babae ay kaparehas lang ng katayuan sa buhay.”

 

        “Baka,” kibit-balikat ko. “Pero paano mo naman nasabi iyun?”

 

        “Alam mo iyun. Ako na nga ang lumapit, ayaw pa niya. Hindi naman ako isang masamang tao. Isa lang naman akong babae na may gusto sa kaniya. At kung nasa standards niya ako, kami na dapat. Kaya sigurado ako na may kinalaman ang pagiging anak ni gov. Habang siya ay...” Hindi niya itinuloy ang sinabi dahil parehas namin alam kung ano iyun. May bago na naman akong nalaman tungkol kay Randolf. Baka nga katayuan sa buhay ang problema niya.

 

        “Kaya naiinggit tuloy ako sa inyo ni Camilla. Mukhang napakaganda ng relasyon ninyo. Kahit na, alam mo na.”

 

        “Salamat. Parehas kaming nagtrabaho para sa relasyon namin. Alam mo, bakit hindi ka na lang maghanap ng iba? Alam mo iyun. Kasi kung pipilitin mo iyan at wala talagang gusto sa iyo si Randolf, ikaw lang ang masasaktan. Hindi siya.”

 

        Nakarating na ako sa isang building na ginagawa kung saan ako nagtatrabaho. Hininto ko lang ang kotse, mga ilang metro ang layo sa trabaho.

 

        “I don't know. Pero ang feeling ko kasi, siya na talaga at hindi na dapat ako naghanap ng iba,” sabi niya nang nagkaharap na kami. “Marami na akong naka-relasyon na katulad ko, pero parang wala pa rin. Pagdating kasi kay Randolf, parang may spark,” sabay buka niya sa kanyang mga kamay, na maiisip mo ay fireworks ang pinapahiwatig niya, pero hayaan mo na. “kami. At ayokong pakawalan ang spark na iyun dahil minsan lang sa buhay ko na makaramdam ng ganoon.“

 

        Diretso ko lang na tiningnan si Isabela. Baka dahil nga sa marami kang naka-relasyon? Iyun kaya ang dahilan kaya ayaw niya sa iyo?

 

        Isa sa mga nagustuhan ni Randolf ay ang kasalukuyang syota ni Robbie. Oo, may gusto siya doon pero hindi iyung tipong napaka-intense na gusto. Siguro, as a friend lang? Pero ang punto doon, napaka-pure nung syota na iyun ni Robbie. Si Robbie pa lang iyung unang boyfriend nung babae. Pero mukhang hindi na inosente ang babae dahil si Robbie ay- hindi na importante iyun.

 

        “Subukan mo kaya siyang ligawan," suhestyon ko.

 

        Hindi makapaniwala si Isabela sa aking sinabi na halos lumuwa ang kaniyang mga mata. “Excuse me?”

 

        “Mukha namang hindi ka liligawan ni Randolf kaya, ikaw na lang. Kung sinsero ka na gusto mo siya, ligawan mo.”

 

        “Hindi naman kaya mukhang desperada ang labas ko noon?” Hindi ka pa ba desperada sa lagay na iyan? Kaya nga sinasabi ko kanina na maghanap ka ng iba.

 

        “Oh my God!” sabi ni Isabela sa kaniyang sarili matapos may napagtanto. “I'm so desperate for him.”

 

        Hindi na lang ako nagsalita dahil iyan sana ang gusto kong sabihin kanina pa. Napaka-desperada niya para sa pagmamahal ni Randolf. Pero ano kaya ang ginawa ni Randolf at baliw na baliw sa kaniya ang babaeng ito?

 

        Tiningnan-tingnan ko lang ang aking pambisig na relo dahil natahimik na naman si Isabela. Humugot naman siya ng malalim na hininga at inayos-ayos ang kaniyang maayos na buhok.

 

        “Thank you sa pakikipag-usap sa akin,” puri niya. “This is really helpful to me. At tama ka. Hindi manliligaw sa akin si Randolf. Kaya liligawan ko siya.”

 

        “Good luck. At, mauna na ako sa iyo. Kakain pa ako bago pumasok kaya...” Sinimulan ko ng alisin ang seatbelt ko.

 

        “Here,” abot niya sa akin ng ilang papel. “Tanggapin mo. Like I said, you are so helpful to me. Sana pwede pa kitang makausap for more men insights. Especially kay Randolf.”

 

        Hindi ako nagdalawang-isip na tinanggap ang pera. “Salamat. At, nasa tamang tao ka para magtanong.”

 

        Nagpalitan lang kami ng ngiti ni Isabela bago pa ako lumabas ng sasakyan. Dumiretso na ako sa isang kainan at binili ang mga kakainin ko ngayon at kakainin ko pa lang. Nang lumabas ako ay hindi ko na nadatnan ang kotse ni Isabela. Medyo weird ang simula ng araw ko dahil may babae pala na desperado para kay Randolf. Sana ay hindi siya sumobra sa kaniya dahil hindi magiging maganda ang resulta nito kapag si Randolf ang pinag-uusapan.

 

Alexander's POV

 

        “-chu!” bahing ni Randolf sa kaniyang facemask.

 

        Kasalukuyan akong nasa pintuan ng kwarto at naaawa na tinitingnan lang si Randolf, kasama si boss Aulric. Tinamaan ata ng lagnat ang tao, na sanhi ng sipon, o ubo? Hindi ko alam. Hindi ko napansin.

 

        “Magiging okay lang ba siya? Napainom mo na ba siya ng mga gamot?” pabulong na tanong ni boss Aulric.

 

        Tumango lang ako. “Dapat pala, pinainom ko na siya ng gamot nang napansin ko ang kalagayan niya.”

 

        “Hmmchu!”

 

        “Hayaan mo na. Malay ba nating tanga siya at hindi inisip na pwede niyang inumin iyung mga gamot sa medicine cabinet.”

 

        “Hmmchu!”

 

        “Pwede ba na dito ka muna mamaya?” pakiusap sa akin ni boss.

 

        “Hmmchu!”

 

        “Pwede naman. Pero paano iyung lakad mo kila Kurt?” nagtatakang tanong ko.

 

        “Hmmchu!”

 

        “Kaya kong mag-drive. Tsaka, may banta ba talaga sa buhay ko, ngayon? Hindi pa nga ako nagsisimula,” paliwanag niya.

 

        “Hmmchu!”

 

        “Hindi pa naman kita, ganoon ka kailangan. Tsaka gusto ko na may madadatnan iyung doktor na pinapunta ko. Medyo tight iyung schedule niya kaya, baka gagabihin siya,” dagdag pa ni boss.

 

        “Hmmchu!”

 

        “Tsaka pang-pito na niyang bahing iyun. Okay lang ba talaga siya?”

 

        Tumungo ako sa medicine cabinet at may hinanap na isang bagay. Nang nakita ko ang Vicks ay kaagad akong bumalik sa tabi ni Randolf tsaka pinahiran ang pagitan ng kaniyang labi at ilong.

 

        “Gumagana ba talaga iyan?” nagtatakang tanong ni boss Aulric mula sa pintuan.

 

        “Hnu bu uyun?” tanong ni Randolf na nakapikit pa rin ang mata.

 

        “Vicks,” sagot ko. “Nakita ko sa isang meme kaya gusto kong subukan.

 

        “Gago,” mura ni boss. “Huwag ka nga masyadong magpapaniwala sa mga meme.”

 

        Inangat ko ang pang-itaas ni Randolf tsaka pinahiran ang kaniyang dibdib. “Ako din naman. Pero malay mo. Gumanda ang pakiramdam niya.”

 

        “Tigilan mo nga iyan. Mukhang pinag-e-eksperementuhan mo iyung tao. Mamaya, lumala pa iyung sakit niyan,” saway ni boss.

 

        Nang natapos na ako ay tiningnan ko ang kalagayan ni Randolf. Hindi na siya masyadong bumabahing nang tiningnan ko siya nang mga ilang minuto pa. Pero medyo mataas pa rin ang kaniyang temperatura. Gumana ba iyung ginawa ko?

 

        “Baka sa Pilipino lang gumagana ang Vicks,” sabi ko kay boss nang palabas na ako ng kwarto.

 

        “Placebo effect ang tawag doon,” iling ni boss habang sinasara ang pintuan. “Matutulog muna ulit ako. Tapos diretso na ako kila Kurt paggising ko. Bantayan mo si tanga ha?” turo niya sa kwarto namin.

 

        Tumango lang ako bilang sagot.

 

Jin's POV

 

        Nakarating na kami ni Isaac sa establisyimento nila Kurt. Kasabay ng pagdating namin ay si Andrew, Knoll, at Caleb na magkakasama sa kotse ni Caleb.

 

        “Boy!” bati ng mga lalaki na nag-apiran at nagpalitan ng brohug.

 

        Isang kotse naman ang huminto sa harapan ng establisyimento at nagulat kami na si Derek ang bumaba.

 

        “Derek,” bati naman ng mga lalaki sa kaniya na nag-apiran din at nagpalitan ng brohug. Kasama naman ako pero pagdating kay Derek ay kinawayan ko lang siya.

 

        “Tara, pasok na tayo at umakyat,” yaya ni Andrew sa amin.

 

        May mas iingay pa sa amin nang pumasok kami sa loob. Sa isang malaking telibisyon ng computer shop ay may palabas ng isang laban sa Dota 2. At tuwing may nangyayaring banggaan ay nagsisisigaw ang mga tao sa shop, kahit iyung mga nasa kalagitnaan ng laro. Sila Andrew at Caleb naman ay nakisigaw na rin dahil mukhang may mga sarili silang manok sa pinapalabas sa telebisyon.

 

        Napahinto na muna kami para panoorin ang banggaan na nangyayari sa telebisyon. Nang natapos na ito ay muli na naman kaming naglakad papunta sa mas mataas na palapag. Tuwang-tuwa naman na naglakad si Caleb at nagsisisigaw na...

 

        “Sulit iyung pinusta ko sa team ko!”

 

        Kung ano man iyun, mukhang sulit na sulit talaga para sa kaniya. Habang si Andrew naman ay mukhang may pinaghihinangayan na isang bagay.

 

        “Boy, may susunod pa iyan,” pag-e-encourage ni Derek na mukhang naglalaro din ng Dota 2.

 

        Pagdating namin sa itaas ay nadatnan namin ang mga tao na abalang-abala sa ginagawang pagbubuhat ng mga equipment. Para bang may shooting na mangyayari sa palapag na ito. Napa-isip ako kung nasa tamang lugar ba kami hanggang sa sinalubong kami ni Kurt.

 

        “Guys, nakarating din kayo,” bati niya.

 

        “Ano meron? May shooting ba?” tanong ni Knoll.

 

        “Yeah, me-ron,” hindi niya siguradong sagot. “Actually, last minute na idea ko ito para ma-promote ang shop.” Mukha namang may nakita si Kurt sa likod namin. “Zafe, Aulric, nakarating din kayo.”

 

        Kaagad naman akong napalingin sa likod para makita si Zafe, at si pekeng Aulric. Sa saglit na segundo ay naisip ko ang tunay na Aulric.

 

        “Zafe,” bati na naman ng mga lalaki sa kaniya.

 

        “(Pekeng) Aulric,” bati naman ni Derek sa kaniya.

 

        “May shooting ba?” nakangiting tanong ni Zafe kay Kurt matapos mag-apir sila ni Caleb.

 

        “Yeah,” sagot na naman ni Caleb. “Bale, ganito kasi.”

 

        Ipinaliwanag sa amin ni Kurt na kaming walo ay makakasali sa isang reality show para sa kaniyang vlog. Iyun ay kung papayag kami na tuwing isang araw sa isang linggo ay pupunta kami sa lugar na ito at mag-commit na pumunta palagi. Ipinaliwanag din niya na kapag kami ay pumayag ay makakatulong ito sa pagpo-promote ng kaniyang shop. Bale ang gagawin namin ay maglalaro kami at parang may drama sa likod ng aming paglalaro.

 

        “Iyung para bang sa Dota 2?” tanong kaagad ni Caleb.

 

        Mapait na ngumiti si Kurt. “Malapit doon pero hindi ganoon kasikat.”

 

        Nag-usap-usap muna ang mga kalalakihan. Hindi kasama doon sila Derek, Zafe, at si pekeng Aulric.

 

        “Ano ba ang gagawin? Paano ba iyan?” tanong naman ni Andrew.

 

        May pinanood sa amin si Kurt na isang clip sa YouTube kung saan ipinapakita niya ang mangyayari kung sakali ay pumayag kami. Imbis pag-usapan ang nangyayari sa video, bumalik naman sa isang panahon ang mga lalaki. Kung saan sila ay masayang naglalaro ng mga RPG kagaya ng Ragnarok. Napasali naman sa usapan si pekeng Aulric at ipinaliwanag ni Knoll ang nangyayari sa video. Nakuha ni Aulric ang nangyayari sa video at pumayag na rin siya sa gusto ni Kurt.

 

        “Hindi ka ba sasali sa amin?” mukhang nag-aalalang tanong ni Zafe sa akin.

 

        “Sasali, siyempre,” nakangiting sagot ko. “Biruin mo, sa isang linggo may reunion tayo dito. At mukhang mag-e-enjoy naman tayo.”

 

        Sinimulan na namin ang pagpi-film para sa pinakaunang episode ng vlog namin. Si Kurt ang taga-kwento at mukhang ang pinakakalaban namin dahil siya ang naglalabas ng mga halimaw. At ang galing niya magkwento sa lenggwahe ng malalim na tagalog.

 

        Sa kalagitnaan ng laro namin, hindi ko maiwasan na bigyan ng kulay ang laro sa pagitan ni pekeng Aulric at Zafe. Si pekeng Aulric ang taga-suporta sa aming grupo, pero napapansin ko na binibibigyan niya ng pansin si Zafe kesa sa aming lahat. Oo, si Zafe ang pumo-pronta sa grupo namin. Pero bakit para kay pekeng Aulric, si Zafe lang ang mahalaga sa kaniya? Dahil kaya sa distansya namin sa isa't isa?

 

        “Magbabalik po kami matapos ang ilang paalala,” sabi ni Kurt na hudyat na ng aming break.

 

        Naghiwalay na kaming lahat at pumunta sa iba't ibang upuan. Naghiwalay din ang mga audience namin at mukhang bumaba muna.

 

        “Si Randolf pala, bakit hindi mo kasama?” tanong ni Zafe kay pekeng Aulric. “Pati iyung bodyguard mo?”

 

        “Nagkasakit,” sagot niya. “Kasama niya si Alexander sa condo para mabantayan. Mamaya, lumala pa iyung sakit. Ang tanga niya kasi. Hindi niya ata alam na ang medicine cabinet ay para sa lahat.”

 

        Pilit lang na tumawa si Zafe. Para nga talaga siya si Aulric. Pero iyung tunay na siya, hindi ganyan ang ugali niya. Ano ba ang nakukuha niya sa pag-aakto ng kaniyang idolo?

 

        “Kumusta na pala ang mag-ina mo?” naitanong ni pekeng Aulric.

 

        Nagpatuloy pa ang pag-uusap ng dalawa. Pagkatapos sa mag-ina ay bumalik sila sa pag-uusap ng laro namin ngayon. Tumayo ako sa aking inuupuan at lumipat kila Derek.

 

        “Wala pa naman akong nakikita,” naabutan kong sabi ni Knoll.

 

        “Anong nakikita?” tanong ko.

 

        “Si Andrew kasi, sinabi niya na nakita daw niya si Aulric at mukhang, minumulto ata siya,” ani Isaac.

 

        “Oo pre. Nakita ko siya habang nasa mall ako. Bumubili ako ng bagong damit nang dumaan iyung multo ni Aulric. Takot ako dahil, taena.” Nanginig si Andrew sa kaniyang ikini-kwento. “May atraso ba ako sa kaniya bago siya mamatay? Hindi ba, wala? Baka naman dahil hindi natin nabibisita iyung puntod niya gaya ng ginagawa natin kay Shai at Ricky.”

 

        Napatingin naman ang lahat kay Derek. Kahit si Isaac na hindi pa minumulto ay napatingin din.

 

        “Ewan ko kung saan nilagay ni Papa iyung mga abo niya,” paliwanag ni Derek. “Pero rinig ko sa mga katulong namin, nasa isang vault daw.”

 

        “Oi, huwag niyong sabihin na gusto niyong nakawin ang mga abo niya para hindi na kayo multuhin ni Aulric?” sabat ko. At hindi pa naman ako naniniwala sa multo.

 

        “Para hindi niya multuhin, baka?” tugon ni Caleb.

 

        “Pwede ba tayong magpa-misa para sa kaniya?” suhestyon ni Andrew.

 

        “Anong misa?” tanong ni Zafe na nasa likod ko na pala kasama si pekeng Aulric.

 

        Saglit na nagulat kami dahil ang pinag-uusapan namin ay may kinalaman sa dalawa.

 

        “Para sa dati kong kaibigan,” sagot kaagad ni Andrew. “Minumulto kasi niya ako at baka, matigil siya.”

 

        “Hmm,” nasabi na lang ni pekeng Aulric. Bakas sa mata niya na hindi siya naniniwala sa mga multo.

 

        “Guys, okay na ba kayo? Magsisimula na ulit tayo,” tawag ni Kurt sa amin mula sa mesa.

 

        At bumalik na kaming lahat sa mesa.

 

        Kinabukasan, maghahapon na nang nagising ako. Pagkatapos kasi ng laro ay nagkamustahan pa kami at pumunta sa MOA para mag-Starbucks. Enjoy naman ang gabi ko maliban lang sa paulit-ulit na ginagawa ni pekeng Aulric para kay Zafe. Parang nagbago ang hangin sa pagitan ng dalawa nang nag-usap sila. Mukhang hindi ata nirereklamo ni Zafe na hindi siya pina-follow ni pekeng Aulric sa Instagram. Alam ko dahil tumingin din ako kung sino ang pina-follow ni pekeng Aulric. Lahat ng kapamilya ni Zafe maliban lang sa tao mismo siya naka-follow.

 

        Sa bagay. Hindi naman big deal iyun. Pero ako, big deal sa akin iyun.

 

        Kinuha ko ang aking phone at sandamakmak na nofications ang lumabas. Nang nakita ko ang pangalan ni Aulric sa Instagram, kaagad kong pinindot ito para makita.

 

        “Kompleto na ang mga alalay ko,” basa ko sa status ni pekeng Aulric sa isang litrato kung sa kumakain ata sila ng hapunan. At iyung isang bodyguard niya na naka-shades, nakasuot pa rin ng shades. May kondisyon kaya ang mata ni Alexander?

 

        Matapos kong pusuan ang post, napunta naman ang atensyon ko sa Messenger. May bago akong notification. Pero hindi ito galing sa isang tao. Galing ito sa mga tao.

 

        Binuksan ko ang group at, nandito lahat ang mga kaibigan ko. Maliban lang kay Zafe.

 

Caleb: Guys, seryoso! Nakita ko din iyung multo ni Aulric. Pagkauwi ko, nakita ko siya. [nginig]

 

Andrew: Pati din ikaw?

 

Camilla: Alam niyo, ako din. Nakita ko siya habang sinusubukan kong bumili ng damit para sa party nila Jin.

 

Knoll: Seryoso kayo? o_o

 

Isaac: Baka naman nagkataon lang na namamalik-mata lang kayo guys? Hindi pa naman Nobyembre. Septyembre pa lang.

 

Andrew: Camilla, kailan mo siya huling nakita?

 

Camilla: Noong isang araw lang. Nakakakilabot pero, tingin ko ay namamalik-mata lang ako.

 

Caleb: Ano gagawin ko guys?

 

Isaac: Magsimba tuwing linggo at magdasal?

 

Camilla: Asa ka pa diyan kay Caleb. Palagi nga iyan hindi sumasama kapag niyayaya noon.

 

Caleb: Gagi. Hindi ko alam kung may atraso pa ako kay Aulric. Pero para manahimik lang siya, magsisimba ako at hihingi ng tawad sa kaniya.

 

Andrew: Pero alam niyo, parang ang weird. Kung may mga kasalanan pa tayo kay Aulric noon, hindi ba dapat ay nagpapakita na siya noon pa? Bakit ngayon lang siya nagpapakita?

 

Camilla: Hoy, ano iyang sinasabi mo?

 

Isaac: Sinasabi mo bang may kinalaman iyung pekeng Aulric kaya nagpapakita na siya ngayon?

 

Andrew: ...

 

Caleb: Posible.

 

Derek: Luh! Guys, huwag naman kayo ganyan sa stepbrother ko. Baka naman namamalik-mata lang talaga kayo dahil, alam niyo na. Baka dahil may magpakilala lang sa inyo na pekeng Aulric ay na-miss niyo na iyung una kaya nagpapakita siya sa inyong, mga paningin?

 

Camilla: To tell you the truth, hindi ko nami-miss si Aulric. Hindi sa ano, na, hindi ko siya gusto o ano. Pero alam niyo kasi, matagal ng patay ang tao. Kapag kasi nami-miss mo ang isang patay, aasamin mo na sana, kinabukasan ay bigla na lang siya magpakita sa iyo. Naka-move on na ako sa kaniya. At kay Ricky, at Shai.

 

Andrew: Naiintindihan din kita. Ganyan din ako dahil nawalan na din ako ng ilang mga kaibigan.

 

Caleb: Same.

 

Andrew: Pero kung nagmu-multo si Aulric sa atin, hindi na ako mapalagay.

 

Isaac: Ewan ko sa inyo. Basta ako, hindi pa ako minumulto. Kaya hindi ako naniniwala sa mga maligno na iyan.

 

Andrew: Ako din naman hanggang sa parang multuhin niya ako.

 

Camilla: Ano ba ang ginagawa ni Aulric nang minulto ka niya? Kasi sa akin, parang dumaan lang siya.

 

Andrew: Nakatingin ng diretso sa akin.

 

Caleb: Ganoon din siya sa akin. Nakatingin ng diretso. o_o

 

Isaac: Ipa-misa na natin para matapos na.

 

Knoll: Private?

 

Andrew: Oo. Tapos invite natin si Zafe.

 

Caleb: Loko-loko. Huwag niyong gagawin iyun.

 

Camilla: Basta set na kayo.

 

        Wala akong masabi sa nabasa ko. Ang imahinasyon talaga ng mga tao. Pero kung magpapa-misa sila para sa kaniya, pupunta ako.

 

        Tumayo na ako dahil tumunog na ang sikmura ko. Bago mabuksan nang tuluyan ang pintuan, naabutan ko si Isaac na nakangiti.

 

        “Nakakatuwa nga. Parang kami mismo iyung nasa isang RPG game. Parang, Log Horizon,” kwento ni Isaac sa phone. Mukhang si Sharina ata ang kausap niya.

 

        Tahimik lang ako na naglakad papunta sa kusina at hindi ko na muna ginambala ang saglit na kasiyahan ng dalawa.

 

Colette's POV

 

        Habang nagmamaneho ako sa sasakyan, nakikinig ako sa isang video. Video ito kung saan starring si Zafe at ang ibang mga kaibigan niya sa isang semi-reality, semi-fantasy na laro sa pagkakaintindi ko. Nakikinig ako sa usapan ng mga kaibigan niya na nagtatalo kung paano gagawin ang isang bagay na hindi ko maintindihan.

 

        Nakarating na ako sa eskwelahan ni Felric at mukhang napaaga ang dating ko dahil hindi pa labasan ng mga bata. Habang naka-park ang sasakyan, napunta na ang kwento sa pagpalpak ni Zafe na makuha ang isang value ng dice kaya nasa isang delikadong sitwasyon siya.

 

        “Ililigtas ko si Felric (karakter ni Zafe sa video). Pagagalingin ko ang mga sugat niya para masalag ang atake ng kalaban,” wika ni Ulcria (karakter ni pekeng Aulric sa video) habang inaabutan siya ni Kurt ng mga dice.

 

        Bigla naman naging tense ang music habang pinapagulong ni pekeng Aulric ang dice sa kamay. Natigil lang ito nang naitapon na niya ang dice at ang sumunod na nangyari ay nagpahiyaw sa lahat. Nailigtas ni Ulcria (pekeng Aulric) si Felric (Zafe).

 

        “Give me five!” sabi ni Felric (Zafe) kay Ulcria (pekeng Aulric).

 

        Itinaas naman ni Ulcria (pekeng Aulric) ang kaniyang kamay at nagbanggaan ang kanilang mga palad. Nakakatuwa tingnan. Mas lalo pang nakakatuwa dahil hindi ako nakakaramdam ng pagseselos. Siguro ay dahil kaibigan ko si pekeng Aulric at ang tunay ay, hindi ko gaano kakilala.

 

        Nag-alarm naman ang phone ko hudyat na oras na para lumabas si Felric. Lumabas na ako ng sasakyan at tumungo sa harapan ng eskwelahan. Pagkarating sa harapan ay may nakita ko na naman siya.

 

        Nanigas ako matapos makita na naman ang imahe ni Aulric na nakatayo sa pasukan ng eskwelahan habang nakatingin sa akin. May problema kaya sa utak ko at nakikita siya? Nagha-hallucinate ba ako?

 

        Bumukas naman ang pintuan ng pasukan sa eskwelahan kasabay ng paglabas ng mga magulang at ng mga bata. Bigla siyang nawala nang may dumaan na. Dali-dali naman ako pumasok para malaman kung totoo ba siya o namamalik-mata ba ako.

 

        “Mommy,” tawag sa akin ni Felric na nasa harapan ko na pala.

 

        Nagulat ako dahil hindi ko siya napansin sa harapan ko. “Hi anak.” Inayos ko muna ang aking sarili. “Let's go. Uwi na tayo.”

 

        Hinawakan ko ang kamay ni Felric at naglakad kami papunta sa sasakyan.

 

        “Okay na po ba si ninong?” tanong ni Felric na nasa likod ko.

 

        “Okay na siya, anak,” sagot ko.

 

        “Pwede ba akong, sumama mamaya?” Hindi mapalagay si Felric sa itinatanong niya.

 

        "Anak, hindi pwede,” pagtanggi ko agad. “Para sa mga matatanda lang ang event na iyun.”

 

        “Pero gusto kong makita si ninong. Gusto kong malaman na okay siya. Kasi, kapag nawala siya, paano niya mapapakasalan si Tita Isabela?” nguso niya.

 

        Inikot ko ang aking paningin dahil parang tumatalino na ang anak ko sa paggawa ng dahilan para lang makita si Randolf. Hindi sa ayokong makita niya iyung tao. Well, kaibigan ko si Isabela. At kung makakatulong ang anak ko na magkatulyan sila, bakit hindi? Kaya lang, may boyfriend na iyung tao. Pero ipupusta ko ang kotse ko na hindi iyun magtatagal.

 

        Kinuha ko mula sa aking bag ang cellphone nang napadaan na kami sa isang traffic light. Ilang pindot ko lang ay nilagay ko sa cellphone holder ito na malapit sa computer interface ng aking sasakyan. Ilang ring nito at may sumagot kaagad

 

        “Good afternoon, (pekeng) Aulric,” bati ko sa kaniya.

 

        “Umm, good afternoon din po, ma'am,” tugon naman ng boses sa kabila. Ito yata iyung boses nung alalay niya na palaging naka-shades.

 

        “Si (pekeng) Aulric?” kunot-noong tanong ko.

 

        Tumahimik saglit ang kabilang linya pero naririnig ko ang sinasabi ni pekeng Aulric na...

 

        “Kausapin mo lang.”

 

        “Nagre-relax,” sagot ng kausap ko.

 

        “Buti pa siya,” sabi ko sa sarili ko. “Pakitanong sa kaniya kung sasama ba si Randolf mamaya. Gusto kasi siyang makita ng anak ko.”

 

        “Sasama ba daw si Randolf mamaya?” rinig kong sinabi ng lalaki kay pekeng Aulric.

 

        “Oo, sasama iyun mamaya. Bakit niya naitanong? Tanong mo nga?” rinig ko naman na sinabi ni pekeng Aulric.

 

        “Yes, sasama si Randolf mamaya,” sagot sa akin ng lalaki na hindi ata pinansin ang tanong ng amo niya.

 

        “Isasama ko kasi si Felric sa party at ayaw niya magpaiwan. Isa pa, gusto niyang makita ang Ninong niya,” sagot ko kahit hindi pormal na itinanong sa akin nung kausap ko.

 

        Kita ko naman sa itaas na salamin ang excitement ni Felric.

 

        “Okay. Iyun lang po ba?” Napaka-boring naman kausap ang taong ito.

 

        “Yeah. Bye.” Ibinaba ko na agad ang aking phone. “Narinig mo iyun? Darating si Ninong mo mamaya.”

 

        “Yehey!”

 

Zafe's POV

 

        Hawak-kamay na pumasok kami ni Colette sa private penthouse ng isang napakalaking building. Napakaraming tao sa loob. Halos magkakapareha naman ang suot ng mga lalaki. Pero ang mga babae, iba-iba ang disenyo ng kanilang mga kasuotan.

 

        “Tara, hanapin na natin si Ninong,” yaya ni Felric na karga-karga ko.

 

        Magkasabay kaming lumakad ni Colette at hinanap si pekeng Aulric. Sa paglalakad ay nakita namin ang ilan sa aming mga kaibigan. Si Camilla at Inno ay sumasayaw sa gitna kasabay ang ilang mga tao. Nakita naman ako ni Camilla at kumaway. Napalingon naman si Inno at sumaludo sa akin. Sumagot ako ng isang tango at bumalik naman sa sayaw ang dalawa. Mukhang habang nagsasayaw ay nag-uusap din ang dalawa.

 

        Sa hindi sa kalayuan ng dalawa ay nakita ko si Knoll na mukhang may ka-date. Nginitian naman ako nito at ganoon din ito.

 

        Si Andrew, Caleb, Isaac at Sharina ay nasa isang table at nag-uusap. Binati ko din sila.

 

        Si Kurt at Larson ay narito din. Mukhang kasama pa ni Kurt ang magulang niya. May kausap naman silang isa pang pamilya. Hindi ko alam kung pamilya ba ito ni Larson o hindi.

 

        “Zafe, dumating ka din,” bati sa akin ni Jin na sinalubong kami. Of course, nandito ang buong pamilya niya. Party nila ito.

 

        Nagkamayan kaming dalawa. “Yeah. Pasensya na at busy sa ibang bagay ang mga magulang ko.”

 

        “At least, nakapunta ka.” Binitawan na ni Jin ang kamay ko tsaka marahang kinurot sa pisngi ang anak ko. Ngumuso naman si Felric. “As usual, napakaganda mo Colette sa suot mong gown.”

 

        “Thank you,” tugon ng asawa ko. “Si Isabela at pekeng,” tumikhim muna siya saglit. “Aulric nga pala?”

 

        “Nakita ko si Isabela na kinakausap si Kristel,” paliwanag ni Jin. “Iyung isa, hindi ko pa nakikita.” Napatingin naman siya sa likod namin. “Oh. Andito na sila.”

 

        Nilingon namin ni Colette ang likuran namin. Mula sa elevator, lumabas si pekeng Aulric kasama ang kaniyang stepfather, stepbrother, at si Randolf.

 

        “Ninong!” tawag ni Felric na nagpupumiglas na bumaba.

 

        Ibinaba ko naman si Felric para salubungin si Randolf. Tumakbo ito papunta sa kaniya. Pero habang tumatakbo ay nabangga niya ang server na dumaan sa harap ni pekeng Aulric. Nawalan ng balanse ang server na may hawak na mga inumin at ilang dessert kaya natapon ito sa kaniya.

 

        Napalingon ang lahat sa direksyon niya. Wala na akong oras na sinayang at tumakbo na papalapit kay Felric. Pero kaaagad na pumagitna si pekeng Aulric sa aming dalawa.

 

        “Hayaan mo na,” walang emosyon niyang saad. Sinubukan niyang pagpagin ang kaniyang suot pero balewala ito dahil marami-rami ding inumin ang naitapon sa kaniya.

 

        “Sir, pasensya na po,” paghingi ng tawad sa kaniya ng nabangga na server.

 

        “Randolf, kunin mo na ang bata,” utos ni Tito Henry. “(Pekeng) Aulric, mag-ayos ka na kaagad.”

 

        “May reserba pa akong suit sa unit ko” sabi ni Jin na tumatakbo palapit kay pekeng Aulric.

 

        Kinuha na kaagad ni Randolf si Felric at dali-daling sumakay ng elevator. Nagsara ang elevator kaagad at bumaba na ito

 

        Bumalik na lahat ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa na para bang wala lang iyung nangyari. Pero ako, may dapat akong gawin.

 

        “Ako na ang sasama,” nasabi ko.

 

        Napatingin naman ang mga tao sa harapan ko.

 

        “Tara na, tara na,” para bang nagmamadali na sabi ni pekeng Aulric.

 

        May hinagis sa akin si Jin na nasalo ko naman agad. “57, kaliwang kwarto.”

 

        Kita kong pinindot ni Derek ang elevator para umakyat. Nang tumungo kami dito ay saktong andyan na ang elevator.

 

        Kasama si pekeng Aulric ay nakarating na kami sa unit ni Jin. Katulad ng isang taong nakapunta na sa isang lugar, mabilis na pinuntahan ni pekeng Aulric ang kaliwang kwarto matapos buksan ko ang ilaw.

 

        “Pasensya nga pala sa ginawa ng anak ko. Hindi ko inaasahan na magkakaganito,” nagmamadali kong sabi na para bang kapag hindi ko ito sinabi kaagad ay lalala ang sitwasyon sa pagitan namin.

 

        “Jeez! Okay lang.” Humarap muna siya sa akin matapos magbukas ng isang aparador. “Wala namang nasaktan, o namatay. Kaya, chill lang.” What does that even mean?

 

        Binalewala ko na lang ang sinabi niya. Tama. Dapat, chill lang.

 

        Nang tumingin na ako sa kanya, nakaharap na siya sa aparador at kaagad na hinubad ang suot na suit. Tumalikod naman ako na para bang nakikita ko ang asawa ko na nagbibihis. Hah! Kung si Aulric lang talaga, hindi ako tatalikod dahil nakita ko na iyung katawan niya. Kaya lang, hindi siya si Aulric.

 

        “Nakakatuwa nga lang dahil may katulad na senaryo iyung nangyari,” natatawang sabi niya.

 

        “Huh?”

 

        “Parehas naman nating alam na ampon ako. May pamilya din ako dati,” kwento niya. “Sa isang party, isa sa mga server ang Mama ko. At ako na excited na makita ang Mama ko, nilapitan ko siya at niyakap. Hindi ko naisip noong mga panahon na iyun, dahil bata pa ako, ang mangyayari sa gagawin ko. Natapon ni Mama ang nasa tray niya ay hulaan mo kung kanino tumama.”

 

        “Kanino?” curious kung tanong.

 

        “Kay Sir Henry.”

 

        Narinig ko ang pagsara ng aparador. Pagkaharap ko ay nasa tapat na siya ng isang salamin at nag-aayos.

 

        “Sigurado ka ba talaga na ikaw ang Tatay ni Felric at hindi si Randolf?” tanong niya. “Kasi, mukhang excited na excited siya talaga na makita iyung tao. Tumawag pa nga si Colette para malaman kung sasama ba siya sa amin.”

 

        Natawa na lang ako sa itinanong niya. “I get that alot. Sa totoo lang, hindi ko alam. Baka oo, baka hindi. Pero sigurado ako na anak ko iyan. It's just, Randolf. I don't know, baka may sikreto silang dalawa na sila lang ang nakakaalam kaya close sila. O baka Randolf, just being, Randolf. Magaling kaya siya pagdating sa bata. And I hope na puro magaganda at tamang bagay ang itinuturo niya sa bata.”

 

        Humarap si pekeng Aulric sa akin. “Okay. I'm ready. Bumalik na tayo sa taas.”

 

        Lumakad na palabas si pekeng Aulric. Nang lumampas siya ay bigla akong may naalala. Bigla ko naman hinawakan ang pulsohan niya. Napatigil siya at tumingin sa akin. Bigla ko naman binitawan ang kamay niya at nagharap kami.

 

        “Bakit?” tanong niya.

 

        “Umm, bigla kasi akong may naalala. Napanood ko iyung movie nila Joseph at Chris. At gusto kong itanong kung balak mo pa bang mag-produce ng isa pang movie,” paliwanag ko.

 

        “Bakit hindi natin iyan pag-usapan habang naglalakad sa taas?”

 

        Mapait akong ngumiti. “Alam mo naman kung ano ang meron sa taas.”

 

        Naguguluhan na tumingin si pekeng Aulric sa relo niya saka tumingin sa akin. “Unfortunately, hindi na muna ako magpo-produce ng pelikula. Pero hindi ibig sabihin na hindi kita matutulungan sa kung ano ang gusto mo.”

 

        Lumunok ako at humanda sa aking mahabang paliwanag. “Alam mo kasi, nakipagkita ako sa isang psychiatrist matapos mapanaginipan halos palagi ang tunay na Aulric nitong mga nakaraang araw. At habang nag-uusap kami ng psychiatrist, pinasulat niya sa akin kung ano ba daw ang nakikita ko sa panaginip ko. Kada-gabi na nagsusulat ako, pare-pareho lang ang laman. Ang tunay na Aulric, sinagip ako mula sa aking kotse. Nabuhay kaming pareho dahil nakalabas kaming dalawa. Pero parehas naman natin alam na, hindi iyun nangyari.”

 

        Tumango-tango si pekeng Aulric. “Kaya gusto mong gumawa ng pelikula gamit ang plot na iyan?”

 

        Ngumiti lang ako. “Hindi naman iyun ang plot. More like iyun sana ang katapusan. Na nabuhay silang dalawa at ipinagpatuloy ang buhay.”

 

        Mula sa aking bulsa, kinuha ko ang flashdrive at ibinigay ito sa kaniya.

 

        “Sinulat ko diyan iyung mga bagay na naalala ko sa relasyon namin ni Aulric diyan. Lahat ng mga alaala. At matapos maisulat lahat, somehow, nag-iba na ang mga panaginip. Nakahiga na ako sa kandungan niya. Pero paulit-ulit na niyang sinasabi ang mga salitang, pakawalan ko na siya. And I will. I should. Para sa anak ko, at para sa pamilya ko.”

 

        Matapos sabihin ang parte ko ay umalis na ako ng lugar na iyun. Natatakot na baka hindi na naman magkakatotoo ang sinasabi ko dahil sinabi ko na ito noon. Papakawalan ko na siya.

 

Jin's POV

 

        “Nakabalik na ba si (pekeng) Aulric?” tanong sa akin ni Isabela.

 

        Tumingin lang ako sa elevator na hindi pa bumubukas simula nang umalis si pekeng Aulric.

 

        “Konting tiis lang, Isabela. Aakyat din iyun,” sagot ko.

 

        Nguniti naman si Isabela at umalis. Habang nakatingin kay Isabela ay nagkasalubong kami ng tingin ni Sharina. Masama ang tingin niya sa akin.

 

        Ipinulupot na lang niya ang kamay kay Isaac at kunyari'y nakikinig sa pinag-uusapan ng kausap ni Isaac.

 

        Bumukas na ang elevator. Nagtaka ako matapos makita si Zafe na mag-isang lumabas sa elevator. Sinalubong ko siya pero dire-diretso siyang naglakad.

 

        “Susunod siya,” nakangiting sabi ni Zafe.

 

        Kahit na alam kong totoo ang sinasabi ni Zafe ay pumasok ako sa elevator at bumaba. Sa floor kung nasaan ang unit ko ay nasalubong ko si pekeng Aulric.

 

        “Everything good?” tanong ko.

 

        “Yeah, sure,” sagot ni pekeng Aulric na pumasok sa elevator. “Ibabalik ko sa taas?”

 

        “Oo. Dalian mo at hinahanap ka na ni Isabela.”

 

        Natawa naman siya sa sinabi ko. “Paano mo alam?” Pinindot niya ang buton at umakyat ang elevator.

 

        “Well, kanina ka pa niya hinahanap. Mukhang gusto kang kausapin tungkol sa pelikula mo. Nice plot twist by the way. Kahit alam kong sa huli ay si Russell (Chris) at Mario (Joseph) ang magkakatuluyan, nasaktan ako para kay Marian (Marie).”

 

        “Nasaktan ka para kay Marian?”

 

        “Sa kalalim-laliman ng aking isip, may naisip ako na hindi maganda. Paano kung ang pagpili ni Aulric kay Zafe ay isang maling desisyon ng buhay niya? Kung hindi ba si Zafe ang pinili niya, buhay pa kaya siya?”

 

        Nakakunot ang mukha niya nang tiningnan niya ako sa repleksyon ng pader sa harapan. “Bitter ka pa rin talaga na hindi ikaw iyung pinili ni Aulric? Let it go, dude!”

 

        “Kung mababago ko lang talaga ang nakaraan, gagawin ko ang lahat para mapili niya ako.”

 

        Pinatunog lang ni pekeng Aulric ang dila niya. “Sayang naman iyan kung sa patay ka pa rin nakaka-isip ng ganyan. Ano na lang ang masasabi ng mga taong magkakagusto sa iyo kapag narinig nila iyan?”

 

        Bumukas ang pintuan ng elevator at umiling siya nang lumabas. Matapos kumuha ng inumin para sa aming dalawa, sumunod ako sa kaniya nang napansin ko na pumunta siya sa terrace, malayo sa mga tao. Nakatingin siya marahil sa mga tao na nasa baba.

 

        “Bakit hindi mo pinuntahan si Isabela?” tanong ko sa kaniya pagkabigay sa isang inumin na kinuha ko.

 

        “May katotohanan kaya na may kinalaman ang pamilya ni Isabela sa isang malaking sindikato sa Rizal?” tanong niya matapos tingnan lang ang inumin na kinuha niya mula sa akin.

 

        Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “Ano ka ba? Chismis lang iyun lalo na sa mga mayayamang pamilya,” natatawa kong tugon. “Kasi hindi ba, mabilis yumaman sa pagbebenta ng droga? Kahit ang pamilya namin, may ganyang usap-usapan. Kahit ang mga Schonebergs, pamilya ni Isaac, Rizal, ni Camilla, Zafe, ang stepfather mo, kahit si Aulric na mahirap din, may ganyan din. Tsaka itaga mo ito sa bato. Hindi kami yumaman sa mabilis na paraan. Magaling lang talaga sa negosyo ang pamilya namin.”

 

        Pinag-isipan na muna ni pekeng Aulric ang kaniyang sasabihin. “I hate to break it to you pero totoo iyung kay Aulric. Ang pinagkaiba lang, iyung tatay lang niya ang nakinabang sa kaniyang ginagawa.”

 

        Natigil ako sa sinabi niya. “Hindi ko alam iyun,” iling ko. “Eitherway, kahit totoo iyun, kakaibiganin ko pa rin siya. Wala naman siyang masamang ginawa sa akin para layuan siya.”

 

        Tiningnan lang ako ni pekeng Aulric habang iniinom niya ang laman ng champagne glass.

 

        “Friend, andyan ka lang pala,” wika ni Isabela nang napansin na niya na kasama ko si pekeng Aulric. Lumakad siya papalapit sa amin habang hawak-hawak ang isang parte ng palda niya para hindi siya matapilok. “I've been waiting for you. Nandito ka lang pala at kausap si Jin. Sali naman ako sa usapan niyo?” Na may kinalaman ang pamilya ninyo sa isang malaking sindikato? Huwag na lang.

 

        Tuluyan lang inubos ni pekeng Aulric ang kaniyang inumin at tumingin lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita.

 

        “Pinag-usapan lang namin ang tungkol sa pelikula sa ginawa niya,” sagot ko nang napansin kong hindi talaga magsasalita si pekeng Aulric.

 

        “Ahh! Yes. The ending was...” Pumikit lang saglit si Isabela at kinuyom ang kaniyang mga kamay. “... satisfying. Nakaka-relate talaga ako lalo na't marami din akong naka-relasyon na ganyang tao. Iyung hindi ibibigay iyung gusto mong bagay, which by the way, reasonable. Hindi naman ako humihingi ng isang napakalaking bagay na parang napakaimposible na makuha. Ang gusto ko lang naman ay ganito, ganyan. At kapag naibigay mo, we are cool. Right? Right?”

 

        Tumango-tango lang kami ni pekeng Aulric sa sinasabi niya. Napapaisip ako kung bakit kaya hindi nagtatagal ang mga relasyon ni Isabela.

 

        “I read your latest status in Facebook, ” wika ni pekeng Aulric. “Where is he by the way? Gusto ko siyang makilala.”

 

        Lumingon si Isabela sa elevator tsaka bumalik ang tingin niya sa amin. “Huling text niya, malapit na siya. Kung saan iyung malapit na iyun, hindi ko alam.”

 

        Maya-maya ay nakatayo si Zafe sa hindi malapit sa amin. Pero naririnig namin ang sinasabi niya.

 

        “Ganoon ba? Okay. Tatawagan ko iyung bahay namin para papasukin kayo. Ingatan mo si Felric ha?” sabi ni Zafe.

 

        “Sabihin mo na isama niya si Alexander,” sigaw ni pekeng Aulric sa kaniya. “Sabihin mo na hindi ako nagtitiwala na hindi niya magasgasan ang kotse ko.”

 

        Sinabi naman iyun ni Zafe sa kausap niya. “Paano ka daw?” tanong ni Randolf sa telepono.

 

        “Kayang-kaya ko ang sarili ko. Pwedeng si Isabela o si Jin ang maghatid sa akin.”

 

        “Oh, sure,” nakangiting sabi ni Isabela. “Nako! Siguradong marami tayong pag-uusapan niyan.”

 

Randolf's POV

 

        Nagtataka lang ako na nakatingin kay Alexander habang marahan na kinukurot ang pisngi ni Felric, na natutulog. Nakatigil kasi ang sasakyan dahil sa stoplight na nadaanan namin pauwi sa bahay nila Zafe. Tuwing titigil siya ay hindi niya pinapatawad ang pisngi ng bata.

 

        “Hindi ka halatang gigil sa bata,” komento ko nang umabante na ulit ang sasakyan.

 

        “Sino bang hindi? Napaka-cute nila habang bata pa hanggang sa maging sakit sila sa ulo kapag sampung taong gulang na sila,” sagot ni Alexander.

 

        Bigla kong naalala ang nakitang luha sa likod ng shades niya. “Okay ka lang ba kahapon? Ewan ko kung dahil sa antok pero nakita kong lumuha ang mata mo nang umalis tayo sa sinehan.”

 

        Matagal na hindi sumagot si Alexander. “Hindi ko masasagot ang tanong na iyan. Pero okay lang ang lahat. Nakita ko lang kasi ang anak ko na malaki na.”

 

        Nagulat ako sa sinabi niya. “May anak ka na pala?”

 

        “Malas ko lang, meron,” iling niya. “Nalaman ko lang noong isang taon. Okay naman ang pamilya na nag-aalaga sa kaniya. At least, kasama niya ang Nanay niya habang lumalaki. At mabait ang kaniyang Tatay.”

 

        Huminto na naman ang sasakyan kaya pinisil na naman niya ang pisngi ni Felric. Hindi na ako nagsalita dahil naintindihan ko kahit papaano ang sinabi niya. Hindi siguro niya naalagaan ang anak niya habang kasing-edad ni Felric iyung bata.

 

        “Alam mo, bagay sa iyo ang maging Tatay,” biglang sabi ni Alexander nang umandar na naman ang sasakyan.

 

        “Tumigil ka nga,” nahihiyang kong balik.

 

        “Totoo. Napaka-pasensyoso mo kay Felric kahit na napakakulit niya. Kung ako iyan, hindi ko alam ang gagawin. Wala akong fatherly instincts pagdating sa edad na iyan. Natatakot kasi sila sa akin dahil sa shades ko.”

 

        “Hubarin mo kasi iyan para hindi ka mukhang nakakatakot.”

 

        Hindi naman kaagad sumagot si Alexander. “Photophobic ako.”

 

        “Photophobic? Takot sa litrato? Ano iyun?”

 

        “Hindi. Photophobic,” seryosong saad niya. “Alam mo ba kaya nakakakita tayo ay dahil sa ilaw na nakakapasok sa ating mata?”

 

        Sinubukan kong intindihin ang sinasabi niya. Umiling ako.

 

        “Kaya lang, sa kaso ng mga mata ko, para akong direktang nakatingin sa headlights ng sasakyan natin. Isipin mo na hindi ako direktang nakatingin sa headlights ng sasakyan. Pero parang nakatingin na rin ako sa headlights ng sasakyan at sumasakit na kaagad ang ulo ko.”

 

        Ang naintindihan ko lang sa sinabi niya ay sumasakit kaagad ang ulo niya kapag may ilaw sa paligid. Kaya pala may suot siyang sunglasses palagi.

 

        “May ganyan ka palang karamdaman. Pasensya na at niloloko kita kung bakit may suot kang sunglasses,” sinsero kong wika.

 

        Ngumiti naman siya sa direksyon ko. “Okay lang iyun. Para namang hindi kita niloloko. Kaya lang, parehas kami ni Felric na itutulak ka kay Isabela.”

 

        Kumunot ang noo ko. “Ano ka ba? May boyfriend na nga iyung tao, doon pa ako itutulak.”

 

        “Malay mo, hindi na naman magtagal iyan.”

 

        Pagkadating namin sa gate ng bahay ni Zafe, nagpakilala ako sa guard. Pinapasok naman kami dahil kilala na ako ng gwardya. Sinalubong naman kami ni Ate Rea na mukhang nakasuot pantulog. Isa sa mga katulong ni Zafe at ang pinaka-señior dahil sa matanda na.

 

        “Ay, Randolf. Ikaw lang pala iyan,” sabi nito nang binuksan na ni Alexander ang pintuan ng kotse. “Nako! Mukhang pagod na pagod si Felric. Akin na at ako na ang bahala diyan.”

 

        “Huwag na po, ate Rea. Kaya ko na po ito,” tanggi ko.

 

        Bumaba na kami ni Alexander at pumasok na sa bahay.

 

        “Kung ganoon, ano gusto mong inumin? Tubig, kape, coke?” alok nito habang binubuksan ang ilaw sa bahay.

 

        “Ay! Huwag na po kayong mag-abala. Babalik po kami kaagad doon sa party ng amo namin. Ate Rea, si Alexander pala,” pagpapakilala ko dito. “Alexander, si Ate Rea.”

 

        “Ay! Magandang gabi, hijo.”

 

        “Magandang gabi din po,” nakangiting bati ni Alexander. “Matulog na lang po kayo at kami na ang bahala dito sa bata. Kaya na po ni ninong Randolf iyan.” Parang inaasar ata ako ni Alexander.

 

        Gumalaw-galaw si Felric. “Ninong,” saka hinigpitan ang pagkakayapos sa akin.

 

        “Ay! Sige mga hijo. Matutulog na ako at para mabawi ang mga tulog ko. Napakadami ko pa namang gagawin mamaya. Kayo na lang ang magpatay ng ilaw bago lumabas.”

 

        “Sige po. Good night,” bati ko.

 

        Bumalik na sa kwarto si Ate Rea habang kami ni Alexander ay umakyat sa kwarto ni Felric. Nang pinagbuksan niya ako ng pintuan, kaagad akong nagtrabaho para bihisan kaagad si Felric. Hindi naman ako nagtaka nang pumasok siya sa CR ng bata. Baka makiki-ihi lang.

 

        Kita ko naman na pinagmamasdan niya ng mabuti ang kwarto ni Felric. Parang inuusisa pa nga niya kung ano ang mga bagay na makikita sa kwarto ni Felric. Siguro, iniisip niya kung ano kaya ang kwarto ng anak niya noon?

 

        “Una na ako sa labas,” biglang sabi niya paglabas. “Antayin na lang kita sa sasakyan.”

 

        Hindi naman ako nakapagpaalam sa bilis niyang lumabas. Sa bagay. Bakit pa ba ako magpapaalam?

 

        Naka-pajama na si Felric, ilang minuto ang nakalipas. Nang kinumutan ko siya, hinalikan ko siya sa noo.

 

        “Good night. Sweet dreams,” bati ko.

 

        Hindi tumugon si Felric. Mahimbing na kasi siyang natutulog. Ang cute at ang peaceful talaga niya kapag tulog.

 

        Bumalik na ako sa sasakyan. Nagtaka naman ako nang hindi ko siya nadatnan sa loob ng sasakyan.

 

        “Tara na?” tanong ni Alexander sa sakin na mukhang galing pa sa loob ng bahay.

 

        “Saan ka galing?” tanong ko nang pumasok sa sasakyan.

 

        “Sa paligid ng bahay. Ang ganda kasi,” sagot niya saka pinaandar ang sasakyan.

 

        Napatingin lang ulit ako sa bahay ni Zafe. “Mukhang naa-appreciate mo iyung ‘art’ sa pinagawa niyang bahay.”

 

        Pinaandar na ni Alexander ang sasakyan palabas ng bahay. “Oo naman. Bukod sa napakaganda ng disenyo ng bahay, diyan din nakatira ang pamilya niya. Isang bagay na gusto ko din makamtan. Ang makapagpagawa ng bahay kasama ang mga pinakamamahal ko sa buhay.”

 

        Natahimik lang ako sa sinabi niya. Wala pang isang oras ay sinabi niya sa akin ang tungkol sa anak niya. Siya ang ama pero hindi niya maalagaan. Gusto ko sanang tanungin siya kung ano ang meron at bakit hindi niya makasama ang taong minamahal niya. Pero tumahimik na lang ako dahil naniniwala ako na balang araw ay sasabihin din niya sa akin. Dahil isa siyang mabuting kaibigan.

 

Camilla's POV

 

        Ayos naman ang lahat sa kasiyahan ng mga Bourbon. Walang eskandalong nangyayari pagdating kay Inno. Sa kasiyahan na ito, napapansin kong napaka-ingat gumalaw ni Inno. Sasabihan ko sana siya na mag-relax pero mukhang nag-e-enjoy naman siya kasama ako.

 

        Habang nag-uusap nga lang sila ni Isaac, may napapansin lang akong kakaiba kay Isabela. Ewan ko kung namamalik-mata lang ako pero tumitingin talaga siya sa direksyon ni Inno kahit na may nakapulupot na lalaki sa bisig niya.

 

        Bigla akong na-insecure. Kaya inilapit ko ang upuan ko sa upuan niya at hinawakan ang kamay niya. Hinawakan din naman niya ang kamay ko nang hindi nai-interrupt ang pinag-uusapan nila ni Isaac tungkol sa history ng kumpanya ng Bourbon.

 

        “Grabe makadikit,” pang-aasar ni Sharina.

 

        Dinilaan ko lang siya. Nainggit naman siya at inilapit din ang upuan kay Isaac tsaka hinawakan din iyung kamay niya. Deadma naman si Isaac pero hinalikan niya ang kamay ng katipan saka patuloy na sinagot ang tanong ni Inno.

 

Inno's POV

 

        Hindi ko talaga makukuha kung paano mag-isip ang mga tao. Saglit lang akong tumingin kay Isabela pero nginitian niya ako. Para kay Camilla, napigilan ko naman na sagutin ang mga ngiti niya.

 

        Ewan ko ba. Baka ito ang solusyon niya sa pagiging desperado kay Randolf? Ang maghanap ng bago?

 

        Nang natapos na ako magbanyo, sakto naman na pagkalabas ko ay lumabas din si Isabela. Ngumiti lang ako tsaka lumakad paalis pero pinigilan niya ako pagkahawak sa aking pulsohan.

 

        “Sandali,” sabi niya.

 

        Natigil naman ako at humarap sa kaniya.

 

        “Alam ko kung ano iyung ginagawa ko, pero hindi iyun ganoon,” paliwanag niya.

 

        “At bakit ka magpapaliwanag sa akin?” tanong ng utak ko sa sarili.

 

        “Alam mo kasi, napansin ng mga magulang ko kung ano ang nangyayari sa love life ko kaya nireto nila ako sa kaniya. Pero alam ko naman na hindi kami magtatagal.”

 

        Hindi niya sinagot ang tanong ko. Talagang walang tyansa iyung lalaki sa kaniya dahil ngayon pa lang ay may hatol na siya sa mangyayari. Sana lahat, nagbibigay ng pagkakataon na patunayan nila ang pagmamahal sa isang tao. Gaya ni Camilla na nakikita kong naka-reflect sa salamin sa likod ni Isabela.

 

        Nang nakita ko si Camilla, lumakad na siya paalis.

 

        “Bigyan mo kaya ng tyansa ang mga magulang mo?” payo ko. “Alam ng mga magulang ang makakabuti sa mga anak nila. Kaya...”

 

        Ngumiti ako bago ko iniwan so Isabela. Pagkabalik ko sa mesa ay si Isaac at Sharina lang ang nakaupo. Nakatingin sila sa akin na para bang may ginawa ako.

 

        “Si Camilla?” tanong ko.

 

        Nagkibit-balikat lang si Isaac. “Uuwi na ata.”

 

        “Huh?”

 

        Kaagad akong pumunta sa parking lot at pinuntahan ang space kung saan naka-park ang sasakyan. Pero hindi ko nakita doon ang sasakyan niya.

 

Zafe's POV

 

        Kita kong ngumiti si pekeng Aulric nang tiningnan niya ang kaniyang phone. Sa sumunod na segundo ay tumunog naman iyung sa akin. Text message pala ni Randolf na natutulog na ng mahimbing si Felric. Napangiti naman ako.

 

        “Mukhang may magandang balita kayong nakuha,” sabi ni Isabela na nakapulupot ang bisig sa bago niyang boyfriend.

 

        “Nakauwi ng safe ang anak ko. I think that is an enough reason to smile,” sagot ko.

 

        “True,” sabay na sabi ni Colette at pekeng Aulric.

 

        “I'm sorry Isabela,” paghingi ng dispensa ni pekeng Aulric. “Mukhang aabot si Alexander para ihatid ako sa condo.”

 

        “Ay! Sayang naman. I was looking forward for it pa naman,” malungkot na tugon ni Isabela.

 

        “Maybe next time. Besides, ayoko namang istorbohin kayo ng boyfriend mo.” Sa pananalita ni pekeng Aulric, parang may pinapahiwatig siya sa kaibigan.

 

        Sa sumunod na segundo ay nagsalita na ang mga taong nag-organize ng party ito, namely ang pamilya Bourbon. Nagsalita sila tungkol sa history ng kumpanya nila. Iyung isang kapatid, nakaisip ng ideya kung anong produkto ang ibebenta nila, pinilit niya ang kaniyang mga kapatid, at nabuo ang kumpanya. May mga tao naman sa kumpanya nila na pinarangalan dahil sa achievements nila. Tumayo naman sa harapan ang lahat ng Bourbon. Kasama si Sharina na nakangiti lang.

 

        “At ngayon i-a-announce na namin ang mga bagong board member ng kumpanya,” anunsyo ng emcee.

 

        Isa-isa naman na tinawag ang mga bagong board member ng kumpanya. Hindi naman mga bago ang in-announce ng emcee hanggang sa pagkatapos tawagin ang pangalan ni Isabela.

 

        “Mr. Jin Bourbon, at si Mr. Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. At ang bagong CEO ng company ay si Mr. Dexter Bourbon.”

 

        Nagulat ako nang tinawag nila ang pangalan ni pekeng Aulric. Isa sa mga pangarap ko ay makasama din siya sa kumpanya ng pamilya namin. Naalala ko na 2nd year pa lang kami noon sa Boubon University, nag-uusap na kami tungkol sa thesis na isa-submit namin sa mga huling taon. Pero hindi nangyari iyun.

 

        Pilit akong ngumiti at pumalakpak. Kasasabi ko lang na pakakawalan ko siya. Pero siya, parang buhay na hindi ko mapakawalan.

 

Jin's POV

 

        Pagkatapos bumaba ng stage, pumunta sa elevator si Dexter. Pagkabukas ng elevator ay parang napaatras naman siya nang nakita kung sino ang nasa loob. Si Alexander na naka-shades pa rin kahit wala namang araw sa labas.

 

        Lumabas siya ng elevator at mukhang pumunta kay pekeng Aulric. Pumalit naman si Dexter na sinasara na ang pintuan ng elevator. Pumasok naman ako bago pa niya tuluyang itong masara.

 

        “Alam mo ba ito?” tanong ni Dexter. Seryoso pa niya akong tiningnan na para bang gusto niya na ilabas ko ang totoo kong nararamdaman.

 

        “Hindi ko alam kuya. Nagulat din ako katulad mo,” paliwanag ko.

 

        Bumukas na ang elevator at lumabas kaming dalawa. Naglakad kami papunta sa unit ko.

 

        “Alam naman nila na hindi pa ako handa sa isang napakalaking responsibilidad na iyan. Hindi pa bumabalik sa akin si Natasha. Tapos bigla nila akong gagawin na CEO?” litanya pa niya.

 

        “Pero we have to do it someday,” sabi ko nang pumasok na kami sa unit.

 

        Galit na humarap si Dexter sa akin. “But that someday doesn't mean that it has to be today! It's not like mamamatay na iyung mga magulang natin para ibigay sa atin ang mga posisyon nila.”

 

        Pagkabukas ko ng ilaw, nagulat ako nang may nakahandusay na tao sa likod ni Dexter. Alam na alam kong si Tito Antoine ang tao dahil nakita ko ang suot siya bago mawala sa party sa taas. Kaagad naman lumingon si Dexter sa likod niya nang nakita ang ekspresyon ko.

 

        “Dad!” tawag niya kay Tito Antoine.

 

        Sinubukan niya itong gisingin pero hindi ito sumasagot.

 

        “Humihinga pa siya,” sabi ni Dexter nang hinanda ko na ang phone para tumawag ng ambulansya. “Tumawag ka na ng ambulansya! Dali!”

 

        Ramdam kong kinakabahan si Dexter sa nakita dahil ganito din ang nangyari noon sa Mama niya. Si Dexter ang nakadiskubre noon sa walang-malay na katawan ng Mama niya. At na-diagnose ito na may sakit hanggang sa palala ito ng palala hanggang sa mamatay ito.

 

        “Dad, gumising ka na! Please! Hindi ito nakakatawa!” pakiusap pa rin ni Dexter na nagsimula ng lumuha.

 

ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails