Followers

Tuesday, January 1, 2019

Loving You... Again Chapter 68 - The Scheme





  



Author's note...



Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.


Happy New Year sa inyong lahat! Heto na po ang Chapter 68!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 |

















Chapter 68:
The Scheme







































Ronnie's POV




          “Pwede ko bang basahin ang dyaryo? Naging interesado ako bigla," sabi ni Gerard na naging interesado sa binabasa ko.




          “Sure," pagpayag ko.




          Habang kinukuha niya ang dyaryo ay tumunog naman ang phone ko.




          Kinuha ko ito. “Huwag ka muna umalis. Pagkatapos ng tawag, ibibigay ko na sa iyo iyung sweldo mo."




          Pumunta ako sa kwarto ko at sinagot ang phone. “Hello."




          “We have the results now," sagot ng isang boses ng babae. Si Natasha. “Evidences that is enough to set you off.”




          “Enough to set me off?"




          Rinig kong pinatunog niya ang kaniyang dila. “You will not like what you will hear next. Listen carefully."




          Tumahimik ako at naghanda sa susunod na maririnig ko.




          “Napatay ko na po si Gerard, ma'am," sabi ng isang boses.




          May narinig akong boses na nagulat. “T-That was fast and unexpected," sabi ni Tita Hilda. “Magaling."




          May beep akong narinig at isang boses na naman ang narinig ko.




          “Hello. Pumunta ka sa address na ibibigay ko at iligpit mo na ang bangkay. Salamat," sabi ng boses ni Harry.




          “Kaninong bangkay po?" tanong ng isang boses. Boses ni Gerard.




          “Kay Keifer," sagot niya at natapos ang tawag.




          Tama nga si Natasha. Nandilim ang paningin ko sa aking narinig. Dapat patay na silang dalawang. Hindi man lang ako nagpaalam kay Natasha at tinapos na agad ang tawag. Humugot ako ng malalim na hininga at kumuha ng pera sa vault ko. Pagkatapos ay nilagay ko ito sa isang sobre. Medyo marami ang ibinigay ko para hindi siya maghinala.




          Bumalik na ako sa sala at inabot kay Gerard ang sobre. Tiningnan ko lang siya nang kumunot ang noo niya.




          “Doble sa dati ang binibigay mo ngayon," sabi ni Gerard.




          “Sa magulang ko galing iyung iba. At kanang kamay kita, hindi ba? Dapat lang na malaki-laki ang ibigay ko sa iyo," ngiti ko.




          Umupo ako at kinuha ang dyaryo. “Bakit hindi ka na lang mag-drop sa course mo? Dito ka na lang at full-time na magtrabaho."




          “Pwede. Kaya lang ay nasimulan ko na iyung pag-aaral ko. Kailangan ay tapusin ko iyun. Iyun ang kredo ko, hindi mo ba alam? Walang makakawala sa akin kapag target ko ang isang tao."




          Tumango ako at humugot ng malalim na hininga. “Good work, Gerard," puri niya.




          “Magpapahinga na ako."




          Sinundan ko lang siya ng tingin habang kalmado pa rin akong nakatingin sa kaniya. Delikado si Gerard. Nararamdaman niya na iyung pakiramdam ng tao sa paligid niya lalong-lalo na kung gusto mo siyang patayin. Kahit sa isip ko ay pansamantala kong kinalimutan ang galit ko.




          Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya mahagip ng mata ko. Umakyat siya sa pangalawang palapag.




          Naglakad-lakad ako sa baba para mag-isip kung ano ang gagawin. Bukas, makalawa, malalaman din ni Gerard na alam ko ang sikreto nila ni Keifer.




          Natigil ako nang naalala ko ang mga kaalyado ko. Bakit hindi na lang sila ang magligpit sa kaniya?




          Nag-text ako kay Natasha. Wala pang ilang minuto ay nag-reply agad siya.




          “Let me handle it. ;)"




          Binasa ko ang text niya. Okay.




          Habang palakad-lakad ay natigil ako dahil pababa na si Gerard para lumabas. Habang nagkukunyari na hindi nakatingin sa kaniya ay napansin ko ang sobre na dumating kanina lang. Imbitasyon ito sa pagdiriwang ng kaarawan ng Mama ni Daryll. Oo nga pala. Pupunta pala ako sa pagdiriwang mamaya dala kunyari ang regalo ng mga magulang ko. Mama, Papa, magkikita na rin tayo.




          Dumating na ako sa pagdiriwang ng Mama ni Daryll. Pagkapasok sa mansyon ay sinalubong ako ni Tita Veronica. Ibinigay ko ang aking pinakanatural na ngiti at ibinagay kaagad dito ang kaniyang regalo.




          “Happy Birthday po, Tita Veronica," bati ko.




          “Ay! Salamat hijo," sabi ni Tita pagkatanggap ng regalo.




          “Pasensya na po at hindi po makakadalo ang mga magulang ko ngayon," paghingi ko ng tawad para sa mga magulang ko. “Busy po sila ngayon. Hayaan niyo po at sa susunod na taon ay babawi po sila. O baka isa sa mga araw na ito ay bisitahin nila kayo." Malapit kasi silang kaibigan ni Tita Veronica.




          “Ay! Okay lang. It's the thought that counts naman," ngiti ni Tita. “Kain ka hijo. Nasa backyard iyung catering."




          Iginala ko ang aking tingin at napansin si Ren at Larson na pababa.




          “Ren, Larson," tawag ko sa kanila.




          “Hello," bati ni Ren.




          Tahimik na tumango si Larson. Napansin ko na hawak-hawak ni Ren ang kamay ni Larson. Binitawan ni Ren ang kaniyang kamay at bumaba agad.




          “Dahan-dahan," pagpapaalala ni Larson na mukhang nag-aalala. Sumunod din naman ito.




          “Mabuti at pumunta ka," natutuwang sabi ni Ren. “Nandito si Kuya Allan, tsaka si Daryll at Jasper, naglalaro ng xbox. Tara laro tayo."




          “Ren, pakainin mo muna iyung tao bago kayo maglaro. Gutom ka ba hijo?" tanong ni Tita Veronica na bumalinh sa akin. “Teka Ren, kakagising mo lang hindi ba? Kumain ka na muna."




          “Tamang-tama. Sabay na tayong kumain," deklara ni Larson.




          “Tara-tara!" excited na sabi ni Ren.




          Kinuha ni Ren agad ang isa sa mga kamay namin ni Larson at naglakad papunta sa likod. Muntikan naman kaming matumba dahil sa ginawa niya pero nakuha ko agad ang aking balanse.




          Sa likuran, nanghihinala na ako dahil may bagay ako na napansin ko ulit. May pagkakahawig si Larson at Ren. Pagkakahawig na itinanggi nila at sinabi pa nila na ipina-DNA test nila ang isa't isa para naman walang problema kung mapakasalan nga ni Ren si Allan. Hindi mangyayari iyun.




          Pero iyung Mama ni Larson, hindi niya kahawig ito. Si Allan naman, may konting pagkakahawig sa Mama niya. Bakit ganoon?




          “Okay ka lang ba Ronnie?" tanong ni Larson matapos isubo ang isang kutsara ng kanin na may sauce ng menudo. Ngumuya siya habang nakatingin sa akin. Mukhang napansin niya ang mga tingin ko..




          Ibinaba ko ang mga kubyertos at sinalubong ang tingin ni Larson. “Wala naman," iling ko. “Ano lang kasi..." Napakagat ako sa aking ibabang labi. “...frustrated ako. Alam mo iyung pakiramdam na tama ka pero iba iyung sinasabi ng mga tao." Uminom ako ng juice.




          “Gaya ng?"




          “Sa tingin ko ay magkapatid talaga kayo," diin ko.




          “Iyan nga din ang sinasabi ko, Ronnie!" ismid ng Mama ni Allan. “Baka nga naipagpalit ng mga doktor sa ospital si Ren at Allan."




          Nagsalubong ang dalawang kilay ko. “May ganoong insidente? Sa ospital?" tanong ko. Ngayon ko lang nalaman na may ganoong nangyayari sa mundo.




          “Oo naman," sagot ni Larson. “Pero Mama, paano kung si Ren talaga ang kapatid ko at nagkatuluyan sila ni Allan, incest kaya iyun?"




          Naging blanko ang ekspresyon ng Mama ni Allan. “Napaka-komplikadong tanong naman iyan," ngiwi niya. “Siyempre, in a sense, hindi naman sila magkadugo. At kung si Ren nga talaga ang anak ko, paano naman si Allan? Pagkakaalam ko, wala ng magulang si Ren kaya..." Kumumpas ang Mama ni Allan dahil mukhang hindi niya alam kung ano ang isasagot.




          “Pero Tita, kayo ni Allan, magkahawig," punto ko. “Kaya sigurado po akong anak niyo siya. Pero si Larson at Ren..."




          Natahimik ako at muling nag-isip. Siguro, kailangan kong tanungin si Ren mismo.




          “Ren, tingnan mo nga si Larson. Magkamukha kayo hindi ba?" tawag ko sa atensyon nito.




          Tumigil sa pagkain si Ren at nakipagtitigan kay Larson. Matagal siyang nag-isip sabay umiling.




          “Parang hindi naman," nguso niya sabay harap sa akin. “Si Ronnie talaga, kung ano-ano ang sinasabi."




          “Pero kayo ni Joseph na magkapatid, hindi kayo magkamukha," punto ko ulit. Hindi ko alam kung hindi marunong tumingin itong si Ren dahil halatang-halata naman kasi.




          “Dahil ampon siya ni Mama," diretsong sagot niya.




          Nagulat ako sa sinabi ni Ren. Ampon lang pala si Joseph?




          “Si Mama naman, kaya hindi ko na siya kahawig dahil tumaba na siya."




          Nag-isip ako kung tama ba ang sinasabi ni Ren. Sa totoo lang, hindi ko alam kung sigurado ba si Ren sa mga sinasabi niya or niloloko niya ako. Pero hindi marunong magsinungaling si Ren, sa obserbasyon ko.




          Ininom ko lang ang juice sa baso ko. Nakuntento ako sa sagot ni Ren. So hindi talaga magkapatid si Larson at Ren.




          Ilang subo ang lumipas, ibinaba na ng Mama ni Allan ang kaniyang kubyertos. “Si Mareng Karina at iyung asawa niya, nandito. Makikipagtsikahan lang ako sa kaniya," excited na paalam nito.




          Pagkapunas ng labi ng Mama ni Allan ay tumayo agad siya at lumakad papunta doon sa babae na sikat na sikat na newscaster. Napansin ko naman si Kuya Larson na mukhang may hinahanap.




          “Tagal naman ni Kuya Allan," simangot ni Ren. “Tara Ronnie. Makipaglaro na tayo sa loob."




          Madaling inubos ni Ren ang pagkain sa kaniyang plato. Tungga sa tubig sabay takbo papunta sa loob ng mansyon.




          “Oi, hintay lang," sabay ko kay Ren.




          Tumayo ako at binalingan ng tingin si Ronnie. Kita kong nakatanggap ito ng text at sumama ang timpla ng mukha nito.




          “Ronnie?" tawag ni Ren sa akin na mukhang hinihintay talaga akong sumabay sa kaniya.




          Hindi ko siya pinansin at inantay kung ano ang susunod na gawin ni Larson. Ibinaba nito ang phone at dahan-dahan akong lumakad papunta kay Ren habang nakatitig kay Larson na dali-daling dumaan sa gilid ng bahay. Pagkakataon nga naman. Naiwan nila si Ren.




          Humarap ako kay Ren at nginitian ito. “Oo nga pala Ren. Si Allan pala, nasa shop nila. Tara at puntahan na natin."




          Naguluhan si Ren. “Pero kasama lang namin siya kanina ni Kuya Larson." Nalungkot siya. “Ano ba iyan? Akala ko ba, dapat ay palagi kaming magkasama?"




          “Kaya nga tara na. Sabay ka sa akin."




          Hinawakan ko ang kamay ni Ren at naglakad palabas. Kapag nakalabas kami at wala man lang aberya, gagawin ko na ang plano namin ngayon.




          Hindi naman pumalag si Ren nang lumabas kami. Willing na willing siyang sumabay sa akin dahil akala niya ay nasa shop si Allan. Nang nakasakay na kami ng kotse, kinuha ko mula sa likod ng kotse ko ang panyo na may chloroform. Kaagad na nilagay ko ang panyo sa ilong niya nang sa ganoon ay mawalan siya ng malay. Pumalag-palag si Ren matapos ko gawin iyun sa kaniya hanggang sa nawalan siya ng malay.




          Sa isang warehouse, naka-park ang aking kotse. Itinali ko mabuti ang paa at kamay ni Ren. Nang minulat niya ang kaniyang mata, kaagad niyang sinubukang lumayo sa akin. Kahit alam niyang hindi siya masyadong lumalayo sa akin, sinubukan niya pa rin. Umupo lang ako sa upuan na may hand desk habang nakatingin sa ginagawa niya. Habang lumapit ang isa kong tauhan, hindi naman nito sinasadyang napadaan sa inaatrasan ni Ren. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya nang nalaman niyang wala siyang magagapangan.




          “Ibalik mo siya dito," senyas ko sa tauhan ko.




          Itinayo niya ito pero nagpumiglas si Ren.




          “Hindi! Ayoko!" sigaw ni Ren. “Harry, ayoko na. Hindi pa ba sapat na pinatay mo si Keifer sa harapan ko?!"




          Naguluhan ako sa sinasabi ni Ren. Obvious naman na ang taong kinakausap niya ay hindi para sa akin. Sinenyasan ko ang tauhan ko na ilapit si Ren. Tinulak naman ng tauhan ko ang likod niya. Bumilis ang puso ko sa takot nang tumama ang ulo niya sa sahig.




          Bigla akong napatayo. “Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa tauhan ko, na ngayon lang napansin na nakatali ang mga paa ni Ren.




          Bumaba ang tingin ng tauhan ko. “Sorry boss."




          “Aaagh!"




          Kaagad akong lumapit para alamin ang kalagayan ni Ren. Mukhang namimilipit ang kaniyang ulo sa sakit dahil mukhang ipinikit niya ng mahigpit ang kaniyang mata. Napapad ang kanang kamay ko sa aking noo dahil hindi ko alam ang gagawin. Aspirin, tama.




          “Kumuha ka ng aspirin," utos ko sa tauhan ko.




          “B-Boss? Aspirin? As in, iyung gamot?" tanong nito.




          “Oo! Para hindi na manakit ang ulo nito dahil sa katangahan na ginawa mo!" sigaw ko. “Alis!"




          Dali-daling tumakbo ang tauhan ko palabas. Kinakabahan ako habang nakatingin kay Ren na namimilipit sa sakit. Kailangan ay buhay ko siya na maibigay sa kanila. Bwisit! Na-delay pa ng isang araw ang plano ko.




          Kinuha ko ang aking phone habang nagsisisigaw pa rin sa sakit ng ulo si Ren. Asaan na ba iyung tauhan ko at ang tagal naman kumuha ng aspirin?




          “Hello," bati ni Natasha.




          “Natasha, what should I do?" tanong ko. Pakiramdam ko ay umiinit na ang paligid. Kinakabahan ako.




          “What should you do? Go to the airport right now?" pahula niyang sagot.




          Nagpabalik-balik ako ng lakad. “Go to the airport right now wherein I'll present Ren to your boss? What if he kills my parents if I present Ren, dead?!"




          “W-Why? What happened? Someone killed Ren?" nag-aalala niyang tanong.




          “No. It's just-" Tiningnan ko si Ren. “he is currently in agony right now. He feels that someone is breaking his head."




          “How did it happen?" medyo concerned na ang tono ng kaniyang pagtatanong.




          “My tauhan-" Bigla kong naalala ang tamang ingles sa sasabihin ko. “my henchmen pushed Ren to walk without looking at his feet. And his head hit the floor-"




          “Oh no."




          Natigil ako nang hindi nawala ang pagiging concern ni Natasha sa boses niya.




          “Okay, try giving him aspirin," sabi niya. “and then relocate to the place near the Subic base. I will tell our boss to give us a day to get ready."




          Ibinaba na kaagad ni Natasha ang phone. Namimilipit pa rin sa sakit ng ulo si Ren. Hindi maganda ito.




Joseph's POV




          Kagaya ng iba, hindi mapakali si Mama matapos malaman na nawawala si Ren. Mga eksaktong isang araw na nang nawala si Ren. Ako din, hindi mapakali dahil ibang kaso ito dahil nawawala at hindi lang basta-basta nawawala, gaya ng iniiwasan ka ng tao?




          Pero kahit ganoon, pinagpatuloy ko ang buhay ko kahit papaano. May test kami sa school ngayon kaya nag-aaral ako.




          Habang nag-aaral ay narinig kong tumunog ang phone ko. Pangalan ni Jonas ang naka-display. Kinuha at sinagot ko ito.




          “Jonas, balita," masayang bati ko dito.




          “Hi," bati niya. “Andyan ba sila Keifer, Larson, Mr. Schoneberg, or kahit sino?" Mabilis ang pagkakabigkas ni Jonas sa mga pangalan nila.




          “Ohh! Hinay-hinay lang. Bakit ang bilis mo naman magsalita?"




          “Na-kidnap si Nicko."




          Natutop ko ang aking bibig. Hindi ko alam. Masyado akong na-absorb sa buhay ni Ren kaya hindi ko alam na pati si Jonas.




          “I'm sorry. Ipagdadasal ko na mabawi mo si Nicko," kaagad na tugon ko.




          “No need. Kaka-recover ko lang sa kaniya mula sa kidnapper niya," paliwanag niya.




          “Mabuti naman at nabawi mo siya."




          “Listen. May sasabihin ako kila Keifer. Kaya lang, hindi ko siya ma-contact. May kinalaman ito sa paghahanap kay Ren. Apparently, may narinig si Nicko tungkol sa balak nila kay Ren. Ipupuslit daw nila ito sa labas ng bansa.”




          “Okay. Ano ang plano nila?" Kinuha ko ang isang notebook at pumunta sa pinakahuling pahina ng kwaderno.




          “Si Nicko, ganoon sana ang binabalak ni Anthony. Si Nicko papunta sa Malaysia, tapos sa Thailand, pero hindi na mahalaga iyun."




          “Saan namang bansa?" tanong ko.




          “H-Hindi ko alam. Walang sinabi sa akin si Nicko," paliwanag niya. “Pero ang alam niya, ipupuslit daw nila sa Subic."




          “Okay, okay. Salamat."




          Hindi ko na inantay na magpaalam kami ni Jonas sa isa't isa at ibinaba ko na ang phone. Kaagad na nag-type ako ng numero at tinawagan si Edmund.




Gerard's POV




          Bigla naman akong nagising matapos mabuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Hinigop ko ang hangin sa paligid at sinubukan kong tumayo at magwala. Hindi ko pala iyun magagawa dahil nakatali pala ako sa upuan.




          “Took you long enough," sabi ng isang boses na mukhang nagmula sa isang babae.




          Ginala ko ang aking paningin. Hindi ko pinansin ang aking panlalamig dahil sa tubig na bumuhos sa akin. Napakadilim. Ang tanging ilaw lang ay sa kinauupuan ko at nakatutok pa sa mukha ko. Mukhang nasa isang warehouse kami, theatro, o ano. At hindi ko makita ang kausap ko. At nakaramdam ako ng panghihina sa katawan. May ginawa sila sa akin. Hindi ko alam kung ano iyun pero nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. At, ano ba iyung naririnig ko?




          “That was one of the latest drug that can keep a person knocked out for a week and was manufactured by..." Natigil ang babae at mukhang humakbang ng ilang hakbang sa paligid ko. “You know what, that is not even important right now." Sinasabi ko na nga ba. May ginawa sila sa akin. At ang pagsasalita ng babae, napakalakas na para bang napakalapit niya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung talagang malapit ba siya sa akin o baka medyo malayo siya?




          “Who are you?" tanong ko at sinubukan kong itaas ang aking boses kahit na nakakabingi ito sa aking pandinig.




          “Just a friend," sagot ng babae. Narinig kong humakbang na naman ito ng ilang hakbang. Nasa likod ko siya.




          Medyo natawa ako sa sinabi niya. “I don't send my friends to heaven, or hell. But you, you will surely join them," banta ko.




          “Yeah. I'm sure. If I didn't drugged you, I swear that you can defeat me, right here, right now. I will be defeated by a thug. What a shame," sabi ng babae na mukhang naghihinayang.




          “Why don't we try it again?" suhestyon ko.




          “I would love to, but not in your current state."




          May narinig na naman akong ingay sa aking likuran. Ang hula ko ay may hinihila siya. At base sa naririnig ko, ang hula ko ay umuupo siya. Hindi ko lang malaman kung paano siya umupo.




          “You should at least face me." Napalunok ako habang pinakikinggan ang tibok ng puso ko. Alam kong puso ko ang naririnig ko. Pero parang gusto ko itong tumigil nang sa ganoon ay hindi ko marinig. Gusto kong magpakamatay.




          Narinig kong mahina na tumawa ang babae. Tumunog na naman iyung upuan na dala niya siguro. Dumaan siya sa upuan pero ang nakikita ko lang ay ang paa niya at ng upuan. Hindi ko siya makita dahil sa ilaw na nakatutok sa akin. Halatang ayaw talaga niya magpakilala.




          “Yeah. Face me behind the lights," sarkastikong sabi ko. “I meant, show me yourself. At least, give me the intimacy of showing your face before I kill you."




          “I'm sorry. I can't have that much intimacy because I'm already taken," tugon ng babae na mukhang umupo na. “You really should stop on planning to kill me, because that is not going to happen. I have a gun now with me, just in case you get out. So, let's get to the point. I have a proposal for your safe return."




          “Proposal?"




          Sinubukan kong pakalmahin ang aking puso para marinig ang sasabihin niya. Gusto kong malinaw na malinaw ko siyang maririnig sa bawat salitang bibitawan niya.




          “You see, Ronnie found out about this a day ago."




          “Napatay ko na po si Gerard, ma'am," sabi ng isang boses. Mukhang may hawak siyang phone at pine-play ang mga bagay na pinaparinig niya sa akin.




          May narinig akong boses na nagulat. “T-That was fast and unexpected," sabi ni Ma'am Hilda. “Magaling." Uto-uto.




          May beep akong narinig at isang boses na naman ang narinig ko.




          “Hello. Pumunta ka sa address na ibibigay ko at iligpit mo na ang bangkay. Salamat," sabi ng boses ni Harry.




          “Kaninong bangkay po?" tanong ng boses ko. Pero ang lumabas sa phone ni Harry ay siguradong boses ng isa sa mga tauhan niya at hindi akin.




          “Kay Keifer," sagot niya at natapos ang tawag.




          Gusto kong ilagay sa ulo ko ang aking kamay pero hindi ko magawa dahil nakatali ako. Hindi iyun ang resulta na inaasahan ko. O baka magaling lang talaga sila mag-recover.




          “You know what it means, right?" tanong ng babae.




          “I'm dead," sagot ko.




          “Exactly. Which is why you are here in a dark warehouse with me. He asked me to take care of you because his goons cannot take care of you. Oh, the 3 person you killed, that was his."




          May nahuli akong kakaiba sa sinasabi niya. “His? And what side are you on?" Dahan-dahan na humihina na ang pagkakadinig ko sa tumitibok kong puso.




          “My side. Ronnie and I are not exactly allies. He has his own side and mine as well. And our objectives are different."




          “What is your objective?" tanong ko. “I know Ronnie's. Well, a wind of it. But I don't know yours. I don't even know you given by the fact that I cannot identify you by voice alone. And what the hell? We are conversing in english language instead of the usual filipino trashtalking. What does a foreigner want with me?"




          “Hmm. You see, that is why we are here. To talk about something. A favor to give that you have to give me, in exchange for your safety."




          “And what's the favor?"




          “Here's the catch." Naaaninag kong umayos siya ng upo at mukhang inilalapit niya ang kaniyang mukha. “It's a surprise," bulong niya pero hindi bulong na sinasabi sa mahinang boses.




          Humugot ako ng malalim na hininga. “If it's a surprise, no deal. You can go ahead and kill me."




          Nakarinig na naman ako ng yapak na papalapit sa amin. May isa na namang tao ang lumapit pero hindi sa akin kung hindi sa babaeng kausap ko. Dumaan na naman ito sa dilim at hindi ko malaman kung babae o lalake dahil sa nakakasilaw na ilaw na nakatutok sa akin. May ibinulong ito sa babae at umalis na naman ito sa paraan na pumasok ito.




          “Ronnie's objective is to smuggle Ren outside the country," sabi ng babae. “And it was hastily planned the same day that we fought."




          Nagulat ako sa sinasabi ng babae. Nakuha ni Ronnie si Ren?




          “It was totally unexpected. It happened so fast to Ronnie. Because a minute, Ren is guarded by people closest to him, then a second, he is not. So he took the opportunity to abduct the poor unsuspecting boy." Nag-iba na naman siya ng posisyon sa pag-upo. “At the same time, Ronnie gave what Anthony wanted because he reported on what he observed of you. Too bad though. Even in your fatigued state that time, you are quite a match."




          Naalala ko ang gusto ni Anthony. Si Nicko.




          “Unfortunately, just now, Nicko was saved right away and Anthony's plan ultimately failed because he didn't thought that someone could track them thru the mobile app that was running while Nicko is running. While his plan failed, Nicko caught a wind of Ronnie's grand plan. And now, Nicko gave the information to the Schoneberg's, but I'm afraid that he heard just a part. Fortunately, I have the big part of it. I know how the plan goes."




          Pinagkone-konekta ko ang mga bagay na sinasabi ng babae. Pero wala akong mahanap na malinaw na koneksyon dahil hindi ko alam ang pakay niya sa lugar o bansa namin. Ahh! Gusto niyang kumuha ng isang pabor mula sa akin kapalit ng kalayaan ko. Pero bakit ako assuming na kakagatin ko ang offer niya?




          “If you'll bite my offer, you will be the hero in this story," patuloy niya. “You know why? Your friends gave up on finding Ren. And a glimmer bright of hope will shine because they have the place, but they don't have the grand scheme. They will fail ultimately, and Ren will be lost forever."




          Bigla kong nakuha ang kaniyang pakay. “Your objective is Ren," sabi ko.




          “Ohh! You found out." Nag-iba ang boses ng babae. Matigas ang pagkakasalita niya ngayon mula sa palabirong boses.




          “Why? I don't understand. You are allied with Ronnie. Why not help him?" tanong ko.




          “Because the person I am working for has a change of heart," sagot niya at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. “My boss gave himself a moment of his thoughts, and then he realized that this is not the outcome that he wanted. So he changed strategies. Instead of forcing someone to join us, we will do it with a little persuasion instead. Through you."




          “The person you are talking about, I'm not even close to him. What makes you think that he will be persuaded by me?"




          “It's a gamble." Bumalik ang kaniyang palabirong boses. “You will persuade him, one way or another because you owe me a favor."




          Naglakad ang babae palapit sa akin. Pero dumaan na naman siya sa madilim na parte. Ugh! Saka ko lang napagtanto na may mga maitim na pader sa gilid ng paningin ko. Kaya pala nawawala sila kapag dumadaan sa gilid.




          Naramdaman ko siya sa likod ko at tinanggal ang bagay na nakatali sa kamay ko. Nang nakawala ako, bigla kong naramdaman ang kamao niya sa batok ko. Nangitim na naman ang aking paningin. Pinakawalan niya ako kahit na hindi pa ako pumapayag sa gusto niya.




          Nang gumising ako, nasa ulonan ko ang phone ko at ang isang piraso ng papel. Iginala ko ang aking tingin at nalaman na nasa damuhan na ako nakahiga. Nasa isang gubat na ako. At medyo nahihilo pa.




          Mula sa malayo ay nakikita ko ang yungib na pinupuntahan ng mga estudyante sa kanilang field trip- dali-dali kong tiningnan ang papel at nakitang may nakalagay na mga letra at numero rito. Mukha itong plate number ng isang sasakyan. Plate number ng isang sasakyan? Bakit ito lang?




          May iba pa akong numero na nakita. Apat na numero, at mukhang itong military time. Ano ito? Oras para saan? Oras na makarating sila Ronnie saan? Hindi bale na. Sasabihin ko ito kay Keifer. Sana naman ay malaman niya kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong ito.




Keifer's POV




          Nabuhayan ako ng loob matapos marinig ang tawag ni Edmund na may ideya na siya sa mangyayari kay Ren. Salamat sa mabilis na pagresponde ko sa pagkakaligtas kay Nicko kaya nakakuha ako ng impormasyon.




          Kasalukuyan na nakasakay kami sa van papuntang Subic. Dala ang pag-asa na makita pa namin ulit si Ren. Kasama ko si Mr. Schoneberg, na kinansela ang kaniyang mga commitment para sa gagawin namin, si Allan, at si Edmund na nagmamaneho. Hindi namin kasama si Larson na nasa shop at nagpapalamig. Duwag siya. Kasalanan niya ang pangyayaring ito pero ayaw niyang may gawin siya.




          “Bakit hindi na lang natin intindihin si Kuya?" sabi ni Allan na katabi ko sa pag-upo.




          “Bakit ko siya iintindihin kung naiintindihan ko ang gusto niyang intindihin?" sagot ko. “Hindi niya mahal si Ren. Gusto niyang mawala na siya ng tuluyan para hindi na niya ito makita at maalala ang nangyari noong bata pa siya."




          “Pero hindi iyun ang gusto niyang mangyari," rinig kong sinabi ni Allan na tumingin sa bintana. “Mahal niya si Ren bilang isang kapatid."




          “Kung mahal niya ang kapatid niya, hindi niya pipiliin ang kaniyang ambisyon at pangarap. Buhay ni Ren ang pinag-uusapan natin dito. Alam mo ba ang mangyayari kung hindi natin masasagip si Ren?"




          Tumingin siya saglit sa pwesto ko at tumingin ulit sa labas. “May kapatid ka ba, Keifer?"




          “Huwag mong iwasan ang tanong. Walang kinalaman ang pinagsasasabi mo sa tinatanong ko sa iyo."




          “Then, hindi mo naiintindihan si Kuya Larson." Humugot siya ng malalim na hininga. “Sa pagkaka-intindi ko, si Larson ang black sheep sa pamilya nila. Dahil sa ginawa ni Ren, inako niya ang isang bagay at bahagyang nasira ang kinabukasan niya kaya pinalayas siya sa pamilya niya."




          Naging curious ako sa sinasabi niya. “Anong ginawa ni Ren?" tanong ko.




          “Ayon kay Larson, isang araw, sila lang ni Ren at ang bagong kapatid sa bahay nila. Naghugas lang daw siya ng plato sa ibaba nang narinig niyang tumatawag si Ren. Nagulat daw siya nang nakita niyang binubuhat ni Ren ang kapapanganak na baby nila. Pagkakita niya ay nahulog na ang baby. Aksidenteng napatay ni Ren ang kaniyang kapatid."




          Biglang akong nainis sa sinasabi ni Allan. Pero wala akong karapatan. Hindi ko alam na iyun ang nangyari. Gumagawa naman ng dahilan ang isip ko na sisihin si Larson. Kasi kasalanan naman niya talaga. Bakit niya iniwanan si Ren na alagaan iyung kapatid niya? Masisisi ko ba si Ren na siguradong bata pa noon. Pero hindi ko na inilabas.




          “Ngayon, maayos na ang kinabukasan niya dahil natagpuan niya kami. At nagkrus na naman ang landas nila ni Ren. Nangyari na naman ang kaparehas na senaryo. This time, iligtas si Ren pero hindi na niya matutupad ang kaniyang pangarap, habang buhay."




          “At okay ka lang ba doon?" seryosong tanong ko. “Pinili niya ang kaniyang pangarap kesa sagipin si Ren, na mahal mo. Okay ka lang ba doon?"




          “Wala akong magagawa doon." Tiningnan niya ako sa mata. “Namili na siya. Ngayon, ang sarili. At naiintindihan ko naman iyun. Kaya napagpasyahan ko ang isang bagay. Gusto kong matuto mula sa iyo, Keifer. Gusto kong ako na mismo ang sasagip kay Ren."




          Nakakita ako ng determinasyon sa mata niya. Bigla naman akong nag-alala sa sinasabi niya.




          “Alam mo ba sinasabi mo?" tanong ko.




          Masamang tumingin sa akin si Allan na para bang nagbibiro ako. “Oo naman. Bakit ba?"




          Walang babala kong tinapon ang aking baril mula sa holster ko. Bigla naman nag-panic si Allan at sinusubukan saluin ang baril. Pero sa ginagawa niya ay para bang ito'y isang apoy na bumabaga habang lumilipad mula sa kaniyang palad. Hanggang sa nahulog ito sa sahig ng sasakyan. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Kita ko naman ang takot sa mata ni Allan at tumingin siya sa akin na para bang natatakot siya sa susunod na sasabihin ko. Humugot na lang ako ng malalim na hininga at pinulot ang baril.




          “Pwede bang balaan mo muna ako bago itapon sa akin ang baril?!" asik niya sa akin.




          “Tuturuan kita," nasabi ko. “Pero hindi ngayon. Gusto ko na dito ka lang sa loob ng sasakyan hanggang sa mabawi namin si Ren. Kapag lumabas ka sa van na ito mamaya, baka wala na akong turuan pagbalik ko."




          Ibinaba ni Allan ang tingin niya sa baril na hawak ko. Tumango lang siya saglit.




          “Pero paano nila ipapasok si Ren sa Subic?" tanong ni Edmund na nagmamaneho. “At sigurado ka bang sa military base nila gagawin iyun?"




          Sumingit ako sa gitna nila Edmund at Mr. Schoneberg. “Sigurado ako. Makapangyarihan din ang pamilya nila Ronnie dahil may kapit sila sa militar. Diyan din nila pinupuslit ang mga illegal na bagay."




          “Hindi nakakatuwang malaman iyan na sa mismong base militar pa na pag-aari pa ng pamahalaan nangyayari ang mga iyan," kunot-noong sabi ni Mr. Schoneberg.




          “Hindi lang po iyan ang bagay na hindi ninyo ikakatuwa Mr. Schoneberg," mapait na sabi ko.




          Tumunog ang phone ni Mr. Schoneberg. “Keifer, Edmund, sigurado ba kayo sa mga plano ninyo? Sumagot na ang general na kinokontak ko sa military base. Magkakaroon ng inspeksyon sa loob ng base at isinama ko kayo bilang mga tauhan ng heneral. Maraming point of access ang base kaya-"




          Natigil ang pagsasalita ni Mr. Schoneberg nang tumunog ang phone ko. Hindi ko alam kung bakit pero bakit napatingin sila sa akin? Ahh! Baka tinatawagan na ako ni Ronnie para magpaalam?




          Nang tiningnan ko ang aking phone, nanlaki ang mata ko matapos makita ang pangalan ni Gerard. Kaagad ko itong sinagot.




          “Gerard!" tawag ko sa pangalan niya.




          Napansin ko sa harapang salamin ng sasakyan na napatingin sa akin si Edmund.




          “Keifer, asaan kayo?" kalmadong tanong ni Gerard.




          Tumingin ako sa labas ng sasakyan. “Papunta kaming Subic. Ilang kilometro na lang," dagdag ko nang nakakita ako ng isang sign board na nagsasabi na ilang kilometro na lang at nasa Subic na kami.




          “Magaling." Rinig kong humugot siya ng malalim na hininga. “Pero, paano kayo makakapasok?" Nagtatanong siya sa sarili niya.




          “Kasama namin si Mr. Schoneberg. Pinag-uusapan lang namin kanina na may kontak siya sa loob ng base at sasabihin na may inspeksyon na mangyayari." Bigla kong naalala ang nangyari sa bahay niya. “Okay ka lang ba? Anong nangyari sa iyo?"




          “Nalaman na niya," sabi niya na mukhang iniiwasan ang pinag-uusapan namin, pero hindi pa siya tapos. “Mga tauhan ni Ronnie ang umatake sa akin kanina. At mukhang may tulong sila na hindi ko inaasahan para lang mapatumba ako."




          Medyo natawa ako. “Halata nga. Napatay mo iyung tatlo sa kanila."




          Napansin ko ulit ang tingin ni Edmund sa akin nang tumingin din ako sa harapang salamin.




          “Anyway. Kagaya ng dati, nakagawa ako ng paraan para makawala sa kanila. Ngayon naman, hinayaan ko silang mabuhay. At para makuha ang impormasyon na nakuha ko, na gamit iyung natutunan ko kung paano magpahirap ng tao bago man lang sila mamatay," kwento niya. Nakakatakot si Gerard.




          “Okay. Buhay pa ba sila?"




          Pilit na tumawa si Gerard. “Hindi ka ba nakikinig habang nagkikwento ako? Bago pa man sila mamatay. Of course, pagkatapos ko silang pahirapan, binigyan ko sila ng prebelehiyong mamatay." Parang normal lang na pag-uusap sa amin ang ganito.




          “Anyway, wala na tayong panahon. Hindi alam ng kalaban natin na alam natin kung ano ang gagawin niya," patuloy niya. “Malaki ang tyansa na mababawi natin si Ren. Hindi. Mababawi natin si Ren."




          “Pupunta ka ba dito sa Subic? Susunod ka ba sa amin?" sunod-sunod na tanong ko.




          “Keifer, nasa Rizal pa rin ako. At mangyayari ang plano nila mga ilang oras na lang mula ngayon."




          “Nandito na tayo," rinig kong sinabi ni Mr. Schoneberg nang huminto na ang sasakyan sa isang gusali.




          Humugot ako ng malalim na hininga. “Sabihin mo na ngayon. Ano ang plano nila?"




Larson's POV




          Nakuha ko na din ang resulta na hinahanap ko sa server. Sa kasamaang palad, hindi ito tungkol kay Ren. Hinahanap ko kung sino ang nagpadala sa akin ng mensahe tungkol kay Gerard.




          Habang abala ako sa ginagawa, hindi ko napansin na pumasok si Mama sa shop. Nang napansin ko iyun, agad kong iniwasan ang kaniyang tingin. Hindi ko kayang tingnan si Mama sa mga nangyayari ngayon.




          “Larson," tawag ni Mama sa akin.




          Hindi pa rin ako lumingon. Pero hinawakan ni Mama ang aking kamay. Sa wakas ay sinalubong ko na din ang mga tingin ni Mama sa akin. Tinawag ko ang isang bantay para gawin ang trabaho niya. Pumunta naman kami ni Mama sa likod ng shop.




          “Larson, nalaman na nila kung saan si Ren."




          Saglit na nagkaroon ng liwanag sa mata ko. Pero sa mga bagay na sinabi ko, hindi ko maisip na ayaw na ng lahat sa akin.




          “Mabuti naman," walang siglang tugon ko saka umiwas ng tingin.




          Ang mga bagay na sinabi ko, mag-iiwan ito ng masamang impresyon sa kanila. Pansariling kagustuhan o ang kapatid ko.




          “Larson," tawag ni Mama.




          Tiningnan ko si Mama. Nang nagkatinginan kami, siya naman ang naunang nag-iwas ng tingin.




          “Ay. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano nga ba ito?"




          Ibinaba ni Mama ang maliit bag sa lamesa na naroon. Binuksan niya ito at kinuha ang isang bote ng tubig tsaka uminom ng konti. Ibinalik niya ang bote sa bag tsaka huminto saglit.




          “Mama, okay-"




          “Hindi iyun okay," pag-aburido ni Mama sa sasabihin ko. Humarap siya sa akin. “Ano kasi, hindi talaga okay iyun. Kaya mo ba iyun? Kaya mo bang panindigan iyung sinasabi mo, hanggang sa huli? Kaya mo bang abutin ang pangarap mo tapos maiisip mo kung anong iyung pinagpalit mo sa pangarap na iyun? Kaya mo bang salubungin ang mga tingin ni Allan sa tuwing magkikita kayo?"




          “Kaya ko," sagot ko.




          Nagulat si Mama sa isinagot ko.




          Napailing ako. “Mama, alam ko ang gusto mong sabihin. Pero, kaya ko. At aware ako sa mga desisyon na ginagawa ko."




          “Anong gusto mong sabihin?" tanong na naman ni Mama.




          Inalalayan ko si Mama na umupo kami sa gilid ng mesa.




          “Mama, plano ko pa rin na iligtas si Ren. Tsaka sigurado ako, buhay pa si Ren kapag natupad ko na ang mga pangarap kong iyun. Hindi nila papatayin si Ren. Pero kailangan ko ng panahon."




          “Pero paano kung pahirapan naman nila siya? Paano kung itanim nila sa isip nito na pinabayaan natin siya? Paano kapag ililigtas mo na siya, ayaw naman niyang magpaligtas dahil pinabayaan mo siya?"




          Ugh! Mga bagay na hindi ko naisip. Tagged it as mga bagay na dapat kong isipin sa hinaharap. Dagdag pa na hindi sigurado kung mangyayari ba iyung iniisip ko para sa hinaharap. Lalo na kapag sinabi mo pang...




          “Bahala na si batman."




          Humugot ako ng buntong-hininga.




          “Mama, napagpasyahan ko na pormal na akong magpapakilala kay Ren. Kung matagumpay na maiuuwi nila si Ren ngayon, magpapakilala ako," sabi ko.




          “At kung hindi?" tanong ni Mama.




          Tumingin ako sa lupa na may masamang ekspresyon. “Pagsisisihan nila na kinuha nila si Ren mula sa atin. Sisiguraduhin ko na nasa ilalim na sila ng lupa."




          Huminga ng maluwag si Mama. Niyakap niya ako.




          “Sana hindi mangyari iyun," bulong niya.




          “Ang alin? Ang ibaon sila sa lupa?" tanong ko.




          Humiwalay si Mama. “Oo. Iyun. Para ka ng katulad nung matanda. At iyung mga umampon sa Tatay mo."




          “Pinapatay natin iyung pamilya nung matandang nakabuntis sa iyo," pagpapaalala ko.




          “Ay!" Inis na pinalo ako ni Mama sa tagiliran. “Tigilan mo na nga iyan. Tsaka alam ko."




          “Aray!"




          Lumungkot ang mukha ni Mama. “Alam ko. Pero kahit kailan, ayoko ng mangyari iyun ulit. Gusto kong mamuhay na tayo ng payapa."




          Ilang minuto ang lumipas, nakahinga na ako ng maluwag habang nakatingin sa monitor ng server. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa aking sinabi kay Mama kanina. Sa monitor, makikita dito ang isang lumang litrato. Ito ang litrato namin ni Lars, Larson, at Tatay. Parang kahapon lang, kami lang iyung mga anak. Tapos nabuntis na naman si Nanay...




          “Pa-load," anang isang boses.




          Kasabay nang paglabas ng isang notification sa server, at nung may nagpa-load sa akin, nagising ako sa aking ulirat. Kaagad na pinunta ko sa server ang atensyon ng computer at sa customer na magpapa-load. Si Kurt.




          “O-Oi," hindi ko siguradong sabi. “Buhay ka."




          Kita ko ang alala sa mukha ni Kurt pero nagseryoso ito. “Alam kong biro mo lang iyun. Pero mukhang hindi ka nagbibiro. Ang ibig kong sabihin, pinipilit mo lang ang sarili mo na magbiro."




          “Syempre," ngiti ko. “Sino ba dito sa shop ang palagi kong niloloko?"




          Kumunot ang noo ni Kurt sa galit. Ay! Maling biro!




          “Right." Itinuon ko ang atensyon sa monitor. “Pero alam mo, hindi kita lolokohin ng isang taon. Sinisigurado ko sa iyo."




          “Ako din," tugon niya. “hindi din kita lolokohin ng isang taon."




          Nagulat ako sa isinagot niya. Kapag niloloko ko kasi si Kurt, sumasagot siya sa akin ng kaparehas na intensidad, Tumigil na ako sa ginagawa ko. Sa sandaling oras, ang bilis niyang magbago. O baka dahil sa mga nangyari kaya nagkaganito siya.




          “Alam mo na iyung pangalan ng account ko," sabay lapag ng isang libo sa counter.




          Alt+tab, alt+tab, pinindot ko ulit iyung alt+tab sa huling pagkakataon. Ipinakita ng system ang resulta ng hinahanap ko.




          “Kurt, asaan ka ba kahapon?" tanong ko.




          “Bakit mo tinatanong?" Umiling siya bigla. “Hindi bale na. Nandito ako sa shop, naglalaro."




          “Ahh! Akala ko, iniiwasan mo ako. Hindi kasi kita nakita sa party ni Mrs. Schoneberg."




          “Yeah. Iniiwasan naman talaga kita," diretsong sagot niya. Hindi man lang siya kumurap. “Sige na. I-load mo na iyan para makapaglaro ako."




          Humugot lang ako ng malalim na hininga at ni-loadan ang account niya. Pagka-load ay nagpalit ako ng tab na tinitingnan. Isa itong MAC address nung pinanggalingan ng mensahe tungkol kay Gerard. Alam ko na kung kanino galing ito.




Edmund's POV




          Dear Mama, kahit hindi mo ako patawarin, patatawarin na kita. Dear Edwin, enjoy life. Seriously, kinakabahan ako ngayon. Kasalukuyan kami na nasa likuran ng pang-militar na sasakyan papuntang Subic. Lahat kami ay nakagayak pang-militar, may hawak na malaking kalibre na baril, maliban lang kay Keifer. Tanging handgun lang ang armas niya.




          1 hour ago...

          “Masyado ka pang bata," pinandilatan siya ng heneral. “At ayaw mong tanggapin ang mataas na kalibre ng baril?" tanong ng heneral, na itatago namin sa pangalang ‘Heneral'. Confidential flashback ito dahil baka makasama sa ‘National Security' ng bansa kapag binanggit namin ang pangalan niya.




          Nasa likuran kami ng isang building kung saan namin kinita si ‘Heneral'. Sa likuran ng building ay may shooting range kung saan binibigay sa amin ni ‘Heneral' ang mga baril na ginagamit ng tauhan na papalitan namin.




          Sinuot ko na ang headset at ganoon din sila ‘Heneral' at Keifer. Ang iba ay nasa labas at nakaupo. Sa malinaw na salamin, nakikita ko si Allan na pinapanood kami. Gaya ng pinapagawa ni ‘Heneral', sinubukan kong tamaan ang mga target. At ang resulta, inabot ako ng ilang putok bago ako makatama. Kapag natamaan mo na kasi ang dummy, babagsak na ito.




          “Hindi na masama," puri ni ‘Heneral' nang inalis ko ang aking headset. Pero mapait itong ngumiti. “Sana nga lang ay hindi umabot sa putukan ang mga mangyayari ngayong araw."




          Bahagya akong kinabahan. “Sana nga po," tugon ko.




          May pinindot na naman ang heneral dahilan para may mga bagong dummy na lumabas. Ngayon naman ay si Keifer, pero gamit ang kaniyang handgun na hindi ko alam kung ano ang modelo. Ano nga ba iyung modelo na pinagpapraktisan ko?




          Sinuot na namin ulit ang headset. Pero nagulat ako nang tumingin lang si Keifer sa ‘Heneral' na tumingin din sa kaniya. Pagkatapos ay nagnakaw siya ng tingin sa mga target at ikinasa ang baril. Muli na naman tumingin si Keifer kay ‘Heneral'. Ang dominant niyang kamay ay nakaturo doon sa mga dummy saka nagpaputok siya. Nang tumingin ako sa mga dummy, laking gulat ko na wala na iyung mga dummy. Ibig sabihin, natamaan niya lahat sa isang tira lang nang hindi man lang tumitingin.




          “Pabida," bulong ko sa sarili.

          Napakayabang ni Keifer. Anyway, nanghiram kami ng ilang identity doon sa mga kasamahan ng heneral. Mag-iinspeksyon kami sa mga pasukan ng base kung may anomalya ba na mangyayari dahil sa biglaan ang inspeksyon na mangyayari.




          “Dito na ang pwesto ninyo," sabi nung kanang kamay ni ‘Heneral' na tiningnan lang kami, maliban kay Keifer.




          Kaagad na bumaba ang dalawang sundalo na tiningnan nung lalaki.




          “Mag-iingat ka," bulong sa akin ni Keifer. “Sana ay mabawi natin si Ren. Wala akong tiwala sa kontak ni Mr. Schoneberg.”




          Tumango lang ako at bumaba ng sasakyan. Nang bumaba kaming tatlo ay nag-salute kami sa mga nagbabantay. Nag-salute din sa amin ang mga ito. Pinagmasdan ko ang mga sundalo na nagbabantay sa gate na iyun. Mukha silang hindi mapalagay sa hindi ko malaman na dahilan. Dahil kaya sa nangyayaring inspeksyon?




          Naghintay na kami sa base habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga sundalong nakabase dito. Bigla akong napaisip kung paano namin mahuhuli o makikita ang sasakyan kung saan nakatago si Ren. Higit sa dalawa ang pasukan sa base. Pero dalawa lang kami ni Keifer. Sinabi na namin ang plate number na dapat bantayan. Pero iyung binulong ni Keifer ang nakakabahala. Wala siyang tiwala sa mga kasamahan namin.




          Habang nakatingin sa isang sasakyan pang-militar na kalalapag lang, bigla kong naalala si Gerard. Ano na kaya ang ginagawa niya? Sinabi na niya kaya kay Larson ang totoo sa kaniya?




          Biglang naputol ako sa aking pag-iisip nang may narinig akong putok ng baril. Tumunog ang mga radyo ng mga bantay. Nagsasalita sila sa tagalog pero hindi ko maintindihan iyung mga coded message gaya ng, ‘1-2', ‘3-4', ‘5-6'. Ang naiintindihan ko lang ay ‘alpha', ‘beta', tsaka kapag may nangyari sa mansyon, nagsasabi sila sa lenggwahe na naiintindihan ko. Pero naiintindihan ko kahit papaano iyung sinasabi nila. May gulo na nangyayari sa isa sa mga gate ng base.




          “Men, go! Go! Go!" sigaw ng kasama naming sundalo habang tinuturo ang sasakyan na naka-standbye malapit sa gate.




          Kaagad na sumakay kami sa sasakyan, katulad ito ng sasakyan na sinakyan namin kanina. Umandar ito at kitang-kita ko sa likod na mabilis lumiliit iyung gate na binabantayan ko kanina. Ilang segundo ang lumipas, parang may bumangga sa harapan ng sasakyan dahilan para umikot ito. Kaagad akong humawak sa kung anong mahahawakan ko habang nakikita ang isang malaking sasakyan na mabilis umandar. Isang 6-wheeler truck na may cargo.




          “Edmund, okay ka lang?!" sigaw ng boses ni Keifer nang naka-recover agad ako. Nakasakay din siya sa sasakyan at siya ang nagmamaneho.




          “Oo," sagot ko. “Okay lang ako. Habulin mo. Habulin mo!"




Keifer's POV




          Nang iniwan ko si Edmund, at mukhang okay naman siya, hinabol ko na ang 6-wheeler truck na mukhang hindi hihinto. Tarantadong iyun!




          10 minutes ago...

          Sa gate na binabantayan ko kanina, may isang truck na kararating lang. Kitang-kita ko na lumapit ang isang gwardya para siguro magtanong kung ano ang nilalaman ng truck, at kung kasama ba ito sa mga alam nilang darating. Pero hindi iyun ang nangyari. Kinumusta ng mga sundalo sa base ang driver ng truck. Nag-usap ang mga ito saglit. Hindi ko mabasa ang labi nila o marinig ang kanilang sinasabi. Pero nakatingin ang dalawa sa amin. Nakita ko naman na may inaabot na pera iyung driver pero tumanggi ang sundalo. Dahil siguro sa inspeksyon na nangyayari at siguro ay dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho. Pero alin man doon ang dahilan, hindi na mahalaga dahil sa sumunod na segundo ay wala ng malay ang nasabing sundalo.




          May kasama pala ang driver at binaril na ang sundalo nang hindi nila nakuha ang gusto nila. Kaagad na nagtago kami sa kung anong mataguan namin dahil baka may magpakita pang ibang tao at barilin kami. Nangyari nga ang iniisip ko at may putok ng baril pa akong narinig, hindi sa tig-iisang putok kung hindi maraming-marami na. Ang nasabing truck ay humarurot papasok ng base.




          Sinubukan kong barilin ang gulong ng trak sa kinatatayuan ko. Sumabog naman iyung gitnang gulong kaya nag-iba saglit ang direksyon, pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo.




          Sa gitna ng barilan, nakita ko ang sasakyan na sinakyan namin papunta sa gate na iyun. Iyung susi ng sasakyan ay nasa tabi ko lang, iyung tao mismo, iyung kaliwang kamay ni heneral. Isang tingin lang ang inabot ko para ibigay sa akin ng tao ang susi ng sasakyan.




          “Mauna ka na," sabi nito nang nag-landing sa kamay ko iyung susi. “Samahan mo-"




          Tumango lang ako saka tumungo sa naka i-standbye na sasakyan. Pinaandar ko agad ito saka humarurot patungo sa truck, saktong-sakto nang may isang sundalo ang nakasakay sa harap. Muntikan pa siyang mahulog.




          “Sorry, nagmamadali," paghingi ko ng paumanhin nang hindi ko man lang tinitingnan. May pinasama pala sa akin na isang sundalo.

          Biglang pumasok sa isip ko kung ano ba talaga ang nangyayari. Teka, narito kami para kunin si Ren. Ano?! Rumeresponde kami ngayon dahil may mga armadong tao ang nasa loob ng base?




          Umiling ako para malinawan ako sa mga dapat kong gawin. Okay, pansamantala kong trabaho ang pagiging sundalo, kaya dapat ay rumesponde ako na parang sundalo. Ang malas ko naman. Sumakto pa na may kaguluhan na nangyayari sa base. Hindi nga lang mawala sa isip ko kung bakit maiingay ang dinala bilang baril. Susugod ka sa base ng militar, maiingay ang dadalhin mo? Maliban na lang kung...




          Nang nakalapit na ako sa truck, pinaputukan ko na ang mga likuran na gulong. Sumabog ang mga ito kaya nawalan naman ng balanse ang trak saka tumagilid. Teka, hindi ang buong trak, iyung cargo lang. Sa huling sandali ay nag-disconnect ang driver sa kargo kaya patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Huminto naman kami doon sa cargo ng truck dahil napagpasyahan ko na hanggang doon na lang kami. Hindi naman iyun ang pinuntahan ko kung bakit ako nandito. Nandito ako para kay Ren. Tsaka iyung driver ng ulo nung truck, nahabol na ng mga sundalo sa base.




          Nagradyo naman ang kasama ko na na-secure na namin ang dinadalang kargo ng truck. Bigla naman ako napaisip kung bakit may ganitong insidente sa base ng Subic. At ang kargo ng trak, ano ang laman?




          “May karapatan tayong buksan ang trak," sabi ng kasama ko.




          Niratrat niya ang bakal na lock nung trak, at bumukas ito. Pagkabukas ay nagulat ako dahil nagtangka ang mga taong ito na magpuslit ng shabu sa base ng Subic. Teka, shabu na ipinupuslit sa Subic? Gawain ito ng pamilya ni Ronnie. At bakit hindi ito alam ni Gerard na may ganitong plano si Ronnie? Hindi kaya, kaunti lang talaga ang alam ng tauhan ni Ronnie? Kaya ba maiingay ang dala nilang mga baril? Hindi kaya, distraction lang ang trak na ito!




          Bumalik agad ako sa sasakyan dahil sa hinala ko na alam nila Ronnie ang gagawin ko. Trinaydor ba kami ni Gerard? Pero hindi maaari iyun. Nasa panig namin siya.




          Pagkabalik kay Edmund ay wala na siya doon maliban lang sa trak na sinasakyan niya. Umalis agad ako doon at pinuntahan naman ang bawat gate para makita kung may trak o sasakyan na may plate number na ibinigay ni Gerard. Dahil sa nangyari sa loob ng base, saglit na magkakaroon ng lockdown kahit na tapos na ang gulo. Pero sa isa sa mga gate, may nakita akong maliit na trak na nakapasok. At ang plate number ay katulad sa plate number na ibinigay ni Gerard. Pagkababa ko ay pinagbabaril ko ang mga gulong sa harapan ng trak. Bigla naman nagtaas ng baril ang mga sundalo sa base at nakatutok sa akin. Ang mga baril naman ng sundalo ay may busal para hindi marinig ng iba. Nandito talaga sila.




          Bigla akong nagising sa katotohanan ng aking ginawa. Nawala sa isip ko na mag-isip ng mabuti. At ngayon, nasa isang delikadong sitwasyon ako. Kahit na nasa tama ang aking pinaglalaban, hindi ko masisiguro ang aking buhay.




          “Huwag kayong magpaputok!" sigaw ng boses ni Ronnie.




          Bumaba si Ronnie sa trak habang dala-dala si Ren. Si Ren naman ay kusang sumasama pero nakahawak pa rin si Ronnie sa kaniyang braso.




          “Keifer," sambit ni Ren sa pangalan ko.




          Nanlaki naman ang mata niya pagkakita sa akin. Bahagyang nanlaki ang mata niya at sumakit ang kaniyang ulo. Sinalo naman siya ni Ronnie na nakatingin pa rin sa akin na may masamang tingin.




          “Umm, Ren, okay ka lang?" tanong ko para masiguro ko na ayos lang siya. Pero base sa reaksyon ni Ronnie, tingin ko'y ayos lang siya.




          Sinubukan kong lumapit pero nakarinig ako ng tunog mula sa baril ng mga sundalo, nagpapahiwatig na huwag akong lalapit. Nakagat ko lang ang aking labi dahil sa napakalala ng sitwasyong ito.




          “Mmm," imik niya.




          Nakita ko ang mata niya na sumilip sa kaniyang makapal na buhok. Pero humiwalay siya ng tingin.




          “Naaalala ko na iyung nangyari," mahinang bulong niya. “Oo, ginawa niya iyun. Pinatay niya ang buong pamilya ni Harry. Pero-"




          Bago pa maipagpatuloy ni Ren ang kaniyang sinasabi, inilabas ni Ronnie ang kaniyang baril na may suppressor at pinaputukan ang aking binti. Sobrang sakit nung bala nang bumaon ito sa aking binti at bumagsak ako sa lupa.




          “Huwag!" sigaw ni Ren na sinubukan agawin ang baril niya. Pero lumapit ang dalawang tauhan ni Ronnie para pigilan siya. “Ronnie, may pinag-usapan tayo! Hayaan mo siya at sasama ako sa iyo!"




          “Hahayaan ko ang pumatay sa best friend ko? Hahayaan ko ang pumatay sa kaibigan ng pamilya ko?" Buong galit na tiningnan ako ni Ronnie. “Nahihibang ka na ba, Ren? Ang taong ito ay maraming pagbabayaran. At isa pa," Humarap siya kay Ren na patuloy pa rin nagpupumiglas. “isa lang naman si Keifer sa mga nagmamahal sa iyo. Nandyan naman si Allan."




          “Kung gagawin mo iyan, papatayin-"




          “Tumigil ka na!" sigaw ko para maputol ang sinasabi ni Ren.




          Natahimik ang lahat. Si Ren naman ay nasasaktan na tiningnan ako. Nako! Hindi ko ito gusto. Sana ay may himalang mangyari. Hindi ko alam ang gagawin. Ayoko pang mamatay habang nakikita si Ren na mukhang makukulong na naman sa isang hawla. Pero ano ang dapat kong gawin? Pumalpak ako nang hinayaan ko ang aking emosyon. Hindi ako naging objective. Ngayon, mapapahamak kaming dalawa ni Ren.




          Dahan-dahan na itinaas ni Ronnie ang kaniyang baril. Ito na ang huli kong pagkakataon. Kung siguro, maiiwasan ko ang unang bala na ipuputok niya, mabilis akong gagapang kay Ronnie para disarmahan siya. Saka isusunod ko naman ang mga taong may hawak kay Ren. Itataya ko na hindi nila papatayin si Ren kung alam nila kung gaano siya kahalaga. Pero may isang malaking problema. Kalokohan lang ang naiisip ko dahil isang paa ko lang ang gunagana. Baka huli na ang lahat kapag nagpaputok pa dalawang beses si Ronnie. Hindi maaari. Katapusan ko na talaga. Siguro, ang gagawin ko na lang ay sabihin kay Ren kung gaano ko siya kamahal. Kahit aalis ako sa mundong ito habang siya ay nasa panganib pa rin.




          Nang ibinuka ko ang aking bibig, huli na ang lahat.




          “Ughk!"




Larson's POV




          Dumating ako sa pintuan ng apartment ni Gerard. Wala na dito iyung mga pulis. Wala na rin iyung mga babala na huwag daanan ang crime scene. Mukhang nilinis na ng mga pulis ang mga kalat dito.




          Ilang katok lang ang ginawa ko at gumalaw kaagad ang pintuan. Nakauwang ito ng konti pagkabukas. Bigla naman akong napahinto matapos makita ang mata ni Gerard at ang dulo ng baril na nakatutok sa akin.




          “Hindi gumagana iyung butas na iyan?" turo ko sa butas ng pintuan ng apartment niya.




          “Basag iyung salamin dito sa loob. Hindi ko makita ng mabuti kung sino iyung mga tao sa labas."




          Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Magsasalita na sana ako nang...




          “Pumasok ka sa loob," sabi ni Gerard sabay iwas ng tingin. “May gusto akong sabihin sa iyo."




          Sinara ni Gerard saglit ang pinto at binuksan ulit. Humugot muna ako ng buntong-hininga at pumasok sa loob.





ITUTULOY...

1 comment:

  1. NAPAKA SAYA TALAGA NG NEW YEAR KO...., SALAMAT AUTHOR I LOVE YOU

    HAPPY HAPPY NEW YEAR

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails