Followers

Showing posts with label Palagay Ko Mahal Kita. Show all posts
Showing posts with label Palagay Ko Mahal Kita. Show all posts

Tuesday, July 22, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 5

Ewan ko ba. Bakit yata kinakabahan ako sa unknown number na ito. Kaagad kong binuksan ang mensahe. Nanlaki ang mga mata ko. Halos hindi makapaniwala. Nakalagay sa mensahe ay
"Miss na miss na kita bhest. Pasensya kana kung hindi tayo magkasama sa iisang unibersidad. Si mama kasi pilit na dito ako pinapasok sa maynila. Pasensya kana ulet bhest"
Dahil dun naalala ko ang bestfriend ko noong high school. Siya si Kevin. Sobrang naging mabait siya sakin. Sobrang maalaga at maalalahanin. Pero pagkatapos ng graduation hindi ko na muling nakita siya. Isang linggo makalipas ang graduation pinuntahan ko siya sa bahay nila. Malapit lang naman kasi sila sa amin. Pero laking panghihinayang ko ng malaman na nagpunta na pala sila ng maynila. Nagalit ako sa kanya nun. Hindi man lang siya nagpaalam sakin. Simula noon wala na akong balita sa kanya at pilit kinalimutan. Ang pangakong magkasama pa rin sa isang unibersidad at hindi mag hihiwalay. End of flashback.

Friday, July 18, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 4

“Bell?”
“hi Bebs! I miss you so much hahaha”
“paano ka nakapasok? Paano mo nga pala nalaman ang inuupahan ko?”
“syempre Bebs! Hahahaha ako pa malakas ang connection. Hahaha”
“ a ganun ba?”
“buti nalang at naisipan kong ngaun na pumunta kung hindi baka mamaya naghihilik kana jan”
“a Bell masama ang pakiramdam ko. Nalulula ako.” Ang palusot ko dahil alam kong aalis na kame
“sus sinungaling! Samantalang kanina lang parang di ko alam hahahaha. Tayo na jan”
“anung hindi alam? Huh?”
“wala noh. Hahahaha”
Pinilit niya akong sumama pero talagang ayaw ko. Syempre makikita ko si Marvin.
“ok fine kung ayaw mo edi wag mo!” bigla syang umalis nag alit ata
Akala ko umalis na talaga ang bruha yun pala ay kukuha lang nag kakampi. Bumalik ito ng ngiting ngiti na parang may binabalak. Sumipol siya akala ko ay simpleng sipol yun pala ay mag ibig sabihin. Maya maya ay naramdaman kong parang may ibang tao na kasama na itong si Bell. Nabigla ako ng biglang lumitaw si Marvin at ngiting ngiti ang tukmol. Kaagad kong nilapitan si Bell at hinila sya palabas.

Monday, July 14, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 3

Sa aking paglingon ay inaasahan kong si Bell ang aking makikita. Subalit mali pala. Pero bawi naman. Hahaahha. E sino pa ba ang lalaking super-duper crush ko. Edi si Marvin. Naka ngising parang aso ang kumag. Kala nya close na kame.hahahaha. Ngumiti nanaman ang kumag…. Napatulala nanaman ako. Pero sa pag ngiti nya mas lalong lumutang ang kanyang kagwapuhan. Nakadagdag din sa kanyang kagwapuhan ang kanyang matikas na tindig at suot na fitted shirt na bakat na bakat ang katamtaman nyang pangangatawan. Skinny jeans na kapansin-pansin ang malaking hinaharap nito. Habang pinagmamasdan ang kabuoan ni Marvin.
“Michael nasaan si Bell? Bakit hindi siya pumasok” ang pagtatanong niya na hindi ko narinig.
“ui! Michael!” sabi nyang muli
Pinisil nya ang aking ilong at saka lang ako natauhan. Sobrang nakakahiya kitang kita nya ang mga reaksyon ng aking mukha habang pinagmamasdan siya. Hindi agad ako nakapagsalita parang may bumara sa aking lalamunan.
“e…ewan ko.. hi… hindi ko alam” sabay alis dahil sa sobrang hiya sa kanya. Mabilis kong tinungo ang elevator para makarating sa 5th floor para sa susunod kong klase. Dahil nag hihintay ako tumingi ako sa bandang kaliwa at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin.
“MICHAEL!”

Thursday, July 10, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 2

Dahil sa mga nangyari… dahil sa mga sinabi nya sa akin.. lahat nang panlalait lahat nang pang-aapi niya ay hindi na ako nakapag pigil. Tumayo ako at lakas loob akong humarap sa kanya.
“OO, tama ka! Siguro nga mayaman ka at mahirap lang kame. Isang hampalupa kagaya ng sinasabi mo. Pero sa pagiging hampaslupa ko may isang bagay na hindi papayagang sabihin mo. Kung meron man sa ating dalawa ang hindi marunong rumespeto ikaw yun.” ang aking nasabi siguro bunsod ng sobrang galit.
“Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Hindi mo ako kilala” putang ina mo!”
Ang sagot nyang galit na galit. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko.
“Hindi puta ang ina ko. Pinalaki nya akong marunong rumespeto sa kapwa ko. Pinalaki nya akong may takot sa diyos. Oo, hindi nga kita kilala. At hindi mo rin ako kilala. Kung umasta ka parang ikaw lang ang tao sa mundo. Siguro kaya ganyan ang ugali mo hindi ka tinuruan ang magulang mo. Bakit wala nabang oras para sayo ? kaya ba ganyan ang ipinakikita mo dahil kulang ka lang sa pansin dhil pati magulang walang panahon sayo”

Sunday, July 6, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 1

Ako nga pala si Michael Castillo, magfe1st year college palang ako sa isang kilalang unibersidad dito sa Batangas. Nakakuha kasi ako ng full scholarship dahil nung grumaduate ako bilang valedictorian ng aming batch… hindi sa pagmamayabang… OO! VALEDICTORIAN! .hehehehe….

Buti nalang at nakakuha ako ng scholarship para kahit papaano ay hindi na mahirapan ang aking magulang para sa aking pag aaral. Nag-aaral pa rin kasi ang dalawa kong kapatid… katunayan ako ang nag iisang lalaki at panganay pa… ilang araw na nga lang pala at magsisimula na ulet ang pasukan. Malayo ang samen sa Batangas kung kaya’t naghanap ako ng pwedeng marentahang maaring matuluyan. Nakahanap ako bilang bedspacer na malapit sa iskwelahan kaya pwedeng lakarin. Total full scholarship ang nakuha ko kaya itong sa rent lang at baon ko para sa dalawang linggo ang ginagastos ng aking magulang. Kailangan kong magtipid dahil sa maliit na sari sari store lang ang kinabubuhay namin sa probinsya. Mula kasi ng ma stroke si Itay hindi na muli itong nakapagtrabaho, kaya heto kailangang magtipid dahil katulad ng aking nabanggit may mga kapatid din ako na nag-aaral. Hehehehehe…..

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails