Followers

Showing posts with label Envy Me. Show all posts
Showing posts with label Envy Me. Show all posts

Tuesday, December 11, 2012

Envy Me! (3)

by v_i_nce
email: v_i_nce@yahoo.com

Author's Note:
I'M SO SORRY!

Sobrang isang taon akong di nakapagsulat at hindi inupdate ang story na ito. 

PLEASE FORGIVE ME!

Sana basahin niyo pa rin ang series na ito. I don't want to promise anything pero sisikapin ko na ituluy-tuloy na ang pag update. If truth be told, nagkaroon ako ng personal na problema kaya hindi ko nasundan agad ang 'Envy Me'. 

But I'm here now. And I do hope that I can make it up to you.

Please continue to leave comments.

Thank you~

-v_i_nce

P.S.
I apologize in advance for the crappy singing. Sana di mabasag ang eardrums niyo. hehehe

=============================================================

BIYERNES NG HAPON, PAGKATAPOS NG PHILOSOPHY SUBJECT ay di na talaga maiwasan ni Grey ang mag-alala para kay Hal. Matapos niya itong itext noong nakaraang araw para imbitahan sa gimik na magaganap sa Sabado ay hindi ito nagreply. Inisip niya na baka nagkamali ito ng pagbibigay ng cellphone number sa kaniya. Nahihiya naman siyang tawagan ito dahil baka makulitan ito, at ang isiping wala naman itong pakialam at siya lamang ang nagbibigay ng kulay sa pakitungo nito sa kaniya ang mas lalong nagpigil kay Grey na kontakin ito ulit. Subalit kanina sa klase ay hindi rin pumasok ang lalake.

“Balisa ka na naman,” ang puna ng kaibigan niyang si Matt. Kasama niya ito na nakaupo sa isa sa mga benches na nakapalibot sa buong campus. Free period nila ng mga panahong iyon at wala na silang pasok pagkatapos nito subalit tinatamad pa silang umuwi, idagdag pa na kailangan din nilang tapusin ang article review na pangdalawahang assignment nila sa isang subject, at siyempre, sila ang magpartner.

Nakaupo si Matt sa may damuhan habang nakabukas naman ang laptop nito sa ibabaw ng bench. Kanina pa ito tipa ng tipa sa keyboard upang sagutan ang mga katanungan sa kanilang aralin habang si Grey naman ay nakatanaw sa kawalan. Tinatanong na pala siya nito kung ano pa ang idadagdag niya sa review nila subalit wala siyang napansin.

“Sorry tol, lumilipad isip ko,” hinging paumanhin ni Grey sa kaibigan.

“Pansin ko nga. Ano ba kasi talaga ang gumugulo sa isip mo? Ilang araw na kitang nakikitang ganyan.”

“Wala to tol,” sagot niya, subalit binawi din naman agad. “Actually, Matt may tanong ako sayo.”

“Shoot, pare. You asked the right guy. I’m Matt, and I know them all,” ang pabirong tugon nito.

“Loko ka. Huwag na nga lang.”

“Tampo ka naman agad. Sige na. Ano yun?”

Humugot muna ng malalim na hininga si Grey bago nagsalita.  “Langhiya, nahihirapan ako kung pano to sasabihin-

“TIME-OUT! Huwag mong sabihing nababading ka na sakin,” biglang singit ng kaniyang kaibigan.

Siya nama’y biglang namutla sa sinambit nito. Para pagtakpan ang biglang pagpapanic niya ay sinuntok niya si Matt sa braso.

“Adik ka ba? Malabo mangyari yun. At kung sakali mang maging bading ako, hinding-hindi ako magkakagusto sayo, adik,” bulyaw niya dito.

“Aray ko naman. Sobrang seryoso mo. Alala kong nakakadalawa ka na sakin ha,” angal nito na ang tinutukoy ay ang pambabatok niya dito noong nakaraang araw sa canteen kung saan hindi pa ito nakakaganti.

“Sorry tol.”

“Oo na. Basta may utang ka sa aking suntok at batok. Ano na ulit yung itatanong mo sakin?,” pagbabalik ni Matt sa pinag-uusapan nila kanina.

“Huwag na. Nawala na ako sa moment,” sagot niya, sabay balik sa binabasang article.

“Masyado ka ng matampuhin ha. Kung di pa kita kilala, aakalain kong pusong mamon ka.”

Walang maisip na sabihin si Grey sa tinuran ng kaibigan kaya minabuti na lamang niyang huwag kumibo. Humaba ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa muli siyang magsalita.

“Tol, mahal mo ba talaga si Carla?”

Kagyat na nagdilim ang mukha ni Matt sa narinig subalit hindi ito napansin ni Grey dahil nakatutok ang paningin niya sa binabasa kahit pa nga ba wala naman siyang maintindihan dito.

“Mahal ko siya tol. Mahal na mahal,” ang mahina ngunit klarong turan nito.

“Talaga tol? Pano mo naman nasisiguro na pagmamahal na talaga ang nararamdaman mo?” parang wala siyang napansin sa pagbabago ng mood ng kaibigan at patuloy pa rin niyang inusisa ito.

“I don’t know, man. Ang alam ko lang ay parati ko siyang naiisip. Kapag nakikita ko siya, nagliliwanag ang paligid ko, but I can’t seem to find the courage to talk to her,” malumanay na paliwanag ni Matt habang nakatingala sa kawalan.

“Tol, parang ganyan na rin ang nararamdaman ko ngayon,” ang wala sa isip na sabi niya.

Bigla na namang tumalim ang tingin ng kaniyang kaibigan subalit pinalitan agad nito ng isang mapagbirong ngiti. “Talaga? Sino namang malas na babae ang napupusuan mo?”

Bigla na namang natahimik si Grey, subalit agad din naman siyang nakabawi. “Huwag mo na munang alamin tol. Naguguluhan pa ako. At saka, ayoko munang isipin. Komplikado.”

“Naks naman. May pakomplika-komplikado ka pa. Para namang di tayo magbespren nito.”

Hindi na nakasagot si Grey sa sinabi ng kaibigan dahil may lumapit na guard sa kanilang dalawa, kasama ang isang lalake na sa tantiya niya ay delivery boy.

“Grey, may naghahanap sayo,” ang sabi ng guwardiya ng eskwelahan nila.

“Salamat po,” tugon naman niya dito bago ito tuluyang tumalikod at bumalik sa pwesto.

“Kayo po ba si Grey?” ang tanong ng delivery boy.

“Oo, ako nga,” ang sagot niya, sabay pakita ng kaniyang school ID.

“Pakipirmahan na lang po dito,” ang sabi ng lalake habang inaabot sa kaniya ng isang pirasong papel.

Saka lamang napansin ni Grey ang bitbit nitong kahon na ipinasa sa kaniya.

“Salamat po,” ang tangi niyang naisambit. Naguguluhan siya kung ano ang laman ng package at kung galing kanino ito.

“Wow, utol. Ano kaya ang laman niyan?” ang biglang singit ni Matt.

Nakaalis na ang delivery boy kaya nagawa nitong agawin mula kay Grey ang box. Pahaba ito na parang sa isang wine subalit mas malapad at malaki. Dali-dali namang nabuksan ito ng kaniyang kaibigan kaya wala na siyang nagawa kundi ang tingnan na lamang ito. Sa loob ay isa pang bilugang latang container ang nakita niya na kulay blue. At nang buksan ito ni Matt ay tumambad ang ulo ng isang teddy bear na kulay asul din. Kay amo ng mukha nito at talaga namang ang cute tingnan. Ipinasa naman agad ni Matt ang package sa kaniya ng mapagtanto nito na isang regalo ang stuffed toy at nakalaan yun kay Grey.

“Ang sweet naman ng nagpadala niyan, utol. Check mo sa loob, baka may card.”

Hindi nga nagkamali ang kaniyang kaibigan. Sa loob ay may puting sobre na nasusulatan ng ‘Greyson’. Kilala niya ang ang sulat-kamay na ito.

Excited na binuksan ito ni Grey at binasa ang nilalaman:

I’m sorry, I was not able to respond to your message. Nagkasakit ako kaya hindi rin ako nakapasok ng dalawang araw. Anyways, I just want to say na aasahan kita sa Sabado. I’ll be there.

By the way, sana magustuhan mo ito. Sa tingin ko, paboritong kulay mo ang blue kaya yan ang napili kong ibigay sa’yo. I hope that I’m not making you uncomfortable. I just wanna do these things for you. 

Masaya na ako kung tatanggapin mo yung mga binibigay ko.

I can’t wait for Saturday.

I’m trying, Greyson, but I can’t seem to get you out of my system.

See you soon,

-Halex

Hindi mapigilan ni Grey ang mapangiti ng malapad habang binabasa ang mensahe ni Hal. Parang kinukuryente ang buo niyang katawan sa tuwing nakikita niya ang teddy bear na pinadala nito, hangang sa hindi niya na matiis at niyakap ang stuffed toy ng pagkahigpit higpit.

“Tol, namumula ka. Ngayon lang kita nakitang namumula,” ang sinabi ni Matt ang nagpabalik sa kaniya sa katinuan. Nakita niya itong nakatingin sa kaniya na nakasalubong ang kilay subalit dagli din nitong pinalitan ang mukha ng ngiti na may halong panunudyo.

“Sino ang nagpadala? Siya ba yung napupusuan mo, utol?” dagdag pang tanong nito.

Hindi alam ni Grey kung ano ang isasagot. Buti na lamang at nang mga panahong iyon ay lumapit sa kanila si Sheila kasama ang iba nilang kaklase.

“Grey, text-text na lang bukas ha,” ang sambit ng babae sabay kindat pa.

Mag-uusisa pa sana si Matt ng biglang may tumili sa isa sa kanilang kaklase.

“Wow! Ang cute. Kaninong teddy bear yan? Pwede bang pahawak?” at iyon na ang pinagtuonan ng atensyon ng mga bagong dating kaya naman nagkaroon si Grey ng pagkakataong itago sa kaniyang bag ang sulat ni Hal.

“Siya nga pala, Matt, labas tayo bukas ha, kasama sina Sheila. Nakalimutan kong sabihin sayo,” ang pag iiba niya ng usapan para mawala sa isip ng kaibigan ang identity ng nagpadala ng regalo.

“Ah, ok. Sige, text mo na lang ako,” ayun na lang ang naging tugon ni Matt. Sa di kalayuan ay nakita nito si Carla na nakatanaw sa kanila, kasama ang mga kaibigan nito. Subalit ng mapansin ng babae na nakita siya ni Matt ay pinamulahan ito ng mukha at nag-aya na sa mga kaibigan na umalis na.

“Tol, ayos na siguro tong assignment natin. Mauuna na akong umuwi sayo,” ang biglang sabi ni Matt kay Grey, ang boses ay kababakasan ng kaunting pagkairita.

“Tol, sandali. Sabay na tayo. Huy mga loko kayo, akin na yan. Kay bago-bago pa pero dinumihan niyo na,” ang biro niya sa mga kaklase sabay tawa habang hinahablot ang teddy bear.

“Mauuna na kami,” baling naman ni Matt sa mga kaibigan at sabay na silang naglakad ni Grey palabas ng campus.

“MAUNA NA KAYONG PUMASOK. HIHINTAYIN KO LANG SI MATT,” ang sabi ni Grey sa kaniyang mga kasama. Nasa labas sila ng isang restobar kung saan maririnig na ang masayang tugtugin ng live band sa loob. Madalas silang maghang-out dito dahil bukod sa masarap ang mga pagkaing paninda ay pwede pa silang mag-inuman at magsayawan habang may tumutugtog na banda.

Asan na kaya ang mokong na yun, ang naisip ni Grey habang palakad lakad siya sa labas ng naturang establishment. Ugali na ni Matt ang maging late sa mga lakad nila kaya naman di na siya nagtataka na late din ang kaibigan sa gabing yun. Subalit ang totoong pinag-aalala niya ay kung nasaan na si Hal. Tinext niya ito kaninang umaga para magpasalamat sa regalo na natanggap niya at para sabihan na rin ito kung saan sila magkikita. This time, nagreply na ang lalake at sinabing huwag siyang mag alala dahil pupunta talaga ito. Kaya naman todo ang excitement niya para sa gabing iyon.

Hindi siya mapakali kanina sa pagpili kung ano ang isusuot. Sa bandang huli, napagdesisyunan niyang mag puting t-shirt na lang na bakat sa kaniyang slim na pangangatawan at maong na pantalon na may pilas sa bandang tuhod. Simple ngunit nakakaakit siyang tingnan sa kaniyang get-up. Patunay dito ang pagtitig sa kaniya ng mga kababaihan at kabaklaan na pumapasok sa resto. Ngunit wala sa kanila ang pansin ni Grey. Hindi siya mapakali na parang ninenerbyos na lalabas sa kauna unahang date ng buhay niya.

“Tol, sorry natraffic ako. Asan na sila?” ang biglang pagsulpot ni Matt sa tagiliran niya. Hindi man lamang niya napansin ang paglapit nito.

“Huwag ka ng magdahilan. Para namang di pa ako sanay sayo,” ang sagot naman niya dito. “Nasa loob na sila. Pinauna ko na. Baka tubuan pa ng ugat kakahintay sayo.”

“Sobra naman ito. Sorry na nga. Tara, pasok na tayo,” ang paghingi ulit ng paumanhin ni Matt.

Subalit nagdalawang isip siya na ihakbang ang kaniyang mga paa papasok sa gusali.

“May hinihintay pa ba tayo?” ang biglang tanong ng kaibigan na napansin pala ang pag aatubili niya sa pagpasok.

“Ah, wala. Wala na. Sige, pasok na tayo,” yun lang at nagtuluy-tuloy na sila sa mesa na inihanda nina Sheila para sa grupo nila.

“Ayan na pala ang mag-asawa,” ang pambungad ng isa nilang kaklase. “Simulan na natin ang kasiyahan.”

“Matt, ang pogi mo talaga. Tabihan mo naman ako,” ang hirit naman ng isa pa nilang kasamang babae.

Talaga naman kasing nakakaakit ang porma ni Matt sa suot nitong polo shirt na bakat din sa katawan at maong pants. Umaapaw ang sex appeal ng kaibigan niya lalo pa’t dinagdagan nito ang look ng salamin na bagamat walang grado ay nakapagbigay naman dito ng imahe na maginoo, pero dahil skin head ay mas lalong naging kaakit akit sa mata ng mga kababaihan at kabadingan. Nagmukha itong disente na may itinatagong kalokohan.

Pagkaupo pa lang ay inabutan na silang dalawa ng tig iisang bote ng alak at kaniya kaniyang menu para maka order ng makakain.

“Dalawang order ng sisig, apat na chicken gizzard barbecue at tatlong order ng kanin,” ang tugon ni Matt sa dumating na waiter.

“Para sayo lahat yun?” ang nabiglang tanong ni Sheila dahil sa dami ng inorder nito.

“Hindi ah. Grey, ayos na ba yun?” ang baling nito sa kaniya.

“Oo tol, salamat,” tumitingin si Grey sa menu pero nahalata ni Matt na parang wala naman sa binabasa ang kaniyang atensyon. Kaya naman nakapagpasya na lang ito na umorder para sa kanilang dalawa. Ang totoo nito ay nasa lalaking hindi pa dumadating ang isip niya at gumagapang na ang disappointment sa damdamin niya ng mga sandaling iyon dahil parang hindi sisipot si Hal.

“Alam na alam ni Matt ang gusto ng asawa niya ah,” ang pabirong sambit ni Martin, isa sa kanilang mga kasama.

“Oo naman. Pareho kaya kami ng paborito ng loves ko. Diba mahal?” sinakyan naman ni Matt ang sinabi nito sabay abot sa kamay ni Grey.

“Oo love. Kaya naman love kita eh,” ang pabiro niya na ring tugon at inabot ang nakalahad na palad ng kaibigan. Marahan niya itong pinisil at binigyan ng nang aakit na ngiti. Subalit pansin ni Matt na hindi umabot sa kaniyang mga mata ang ngiting iyon.

“What’s wrong?” ang pag aalala nito sa kaniya. Subalit hindi na nakuhang sumagot ni Grey dahil umeksena na si Sheila.

“Matt, huwag ka na nga. Alam kong biruan niyo lang yan pero sa gabing ito, kahit biro, bawal! Akin si Grey ngayon,” ang malanding tugon nito sabay hilig sa kaniyang braso.

Tawanan ang lahat ng nasa mesa nila. Nagkatinginan na lang sina Matt at Grey at sabay pa na napailing.

Nang dumating na ang kanilang inorder na pagkain ay nilantakan agad ito nina Grey at Matt. Tig iisa at kalahati sila ng rice, tig isang order ng sisig, at tig dadalawang chicken gizzard. Sanay na sila sa isa’t isa kaya naman kung kumilos kahit sa pagkain ay animo’y synchronized sila. Nariyang hindi pa sasabihin ni Matt ay iaabot na ni Grey ang toyo dito habang ito naman ay naglalagay ng kalamansi at pumipiga ng sili sa sawsawan nila. Ito na rin ang naglagay ng kalamansi sa kanilang sisig at siya naman ang  nagbudbod ng toyo. Alam na nila kung ano ang gusto ng isa’t isa kaya kung titingnan ay para talaga silang may relasyon.

“Ang sweet niyong dalawa. Magtigil nga kayo. Nakakairita!” bulyaw na naman ni Sheila sa kanila, sabay tawanan ng grupo.

MAGHAHATING GABI NA AT NAPAPARAMI NA RIN ANG NAIINOM NI GREY AT NG KANIYANG MGA KASAMA. Tuloy pa rin ang tawanan, kulitan at kwentuhan nila. Sa pagdaan ng mga oras, napagtanto na niya na di na talaga dadating ang lalake kaya naman minabuti na lamang niyang ienjoy ang gabing iyon. Sumasabay siya sa mga biruan ng grupo at kung tumutugtog ang banda ng pangsayaw na awitin ay tumatayo din sila ng mga kaibigan papunta sa dance floor. Nararamdaman na nilang lahat ang tama ng alak, kaya naman ang mga babaeng kasama nila ay dikit na ng dikit sa kanilang dalawa ni Matt. Kapag nagsasayaw ay gumigiling ang mga ito sabay hawak sa kanilang mga batok, inaakit sila gamit ang malalambot na mga katawan at mga titig na parang nag aapoy.

Nang magpatugtog ang banda ng isang mabagal at malamyos na tugtugin ay hinablot siya ni Sheila para maging partner nito. Subalit hindi na niya makayanan at ihing ihi na siya ng mga panahong iyon kaya nagpaumanhin siya dito na pupunta muna sa CR. Dinig pa rin niya ang awitin ng banda sa loob ng cubicle dahil sa likod lang ng mini-stage matatagpuan ang palikuran. Nang papunta na siya sa lababo para maghugas ng kamay ay sabay na natapos din ang awitin. Maya maya ay narinig niyang nagsalita ang singer ng banda.

“Thank you sa lahat ng nakikisaya sa amin dito ngayong gabi. This time, may isa na naman po tayong panauhin from one of our customers.”

Pang lima na itong taong ito sa mga nagrequest na maki-jam sa bandang nakasalang ngayong gabi. Mas lalong nag eenjoy ang mga parokyanong pumupunta sa lugar na iyon dahil pwede silang magrequest ng mga awitin na ipapatugtog sa banda, at kung malakas ang loob nila ay maaari din silang kumanta sa harap.

“This is for you,” ang tugon ng lalakeng bagong salang sa entablado bago pumailanlang ang isang mellow na tugtugin.




Biglang kinabahan si Grey ng marinig niya ang tinig na iyon. Wala sa sarili na naglakad siya palabas ng CR. Kumakanta na ang lalake. Ramdam niya ang bawat salita na inaawit nito. Tagos sa kaniyang puso ang mensahe na pinaparating ng kanta. Ang tinig nito ay parang maiiyak, isang tao na matagal nang nangungulila. Hindi niya maintindihan subalit naaapektuhan siya ng pagkanta nito. Pakiwari niya ay para sa kaniya ang awit na iyon.

Nakarating na siya sa gilid ng stage. Nakita niya si Hal sa gitna, hawak hawak ang stand ng mikropono. Nakapikit ito, ninanamnam ang bawat salita ng kanta. Subalit sadya yatang may koneksyon silang dalawa. Nang maramdaman nito ang presensya niya ay dahan dahang dumilat ang mga mata ni Hal sabay lingon sa kaniyang direksyon. Titig na titig ito sa kaniyang mga mata habang umaawit. 

Pakiramdam niya ay silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon at para sa tenga lamang niya ang kanta nito. Wari niya ay nagdilim ang kaniyang paligid at ang nag iisang spotlight ay nakatutok lamang sa lalakeng nakatayo sa kaniyang harapan, hinaharana siya.

Sa di maintidihang kadahilanan ay namasa ang kaniyang mga mata habang nakikinig dito at pansin din niyang ganun din ang nangyayari kay Hal.

Ibinalik siya sa tamang huwisyo ng malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid. Bago pa man tumulo ang kaniyang luha ay pasimple niya itong pinahid gamit ang likod ng kaniyang palad. Pag angat niya ng mukha ay nakita niya si Hal na naglalakad pababa ng entablado, palapit sa kaniya.



Journal Entry
@my bedroom
Note: Ang sakit ng katawan ko at nilalamig ako. Dyaheng trangkaso naman ito.

He invited me! Wow. Ang sarap sa pakiramdam.

I didn’t know what to expect after I left a message and a picture on his desk. 

Scratch that... 

Actually, inakala ko na magagalit siya sa akin at iisipin niyang inappropriate yung ginawa ko.

Pero hindi…

At ininvite pa niya akong gumimik. Wow.

Sa sobrang excitement ko ay hindi ako nakatulog. Buong magdamag kong inisip kung ano ang mangyayari sa Sabado. I want to spend time with him alone. Kahit paminsan minsan lang ay makasama ko siya, sobrang saya ko na. Hindi ko alam kung anong gagawin namin pero basta anjan siya, wala akong pakialam kahit umupo lang kami sa isang tabi at mag-usap buong gabi.

Haiz!

Sana mawala na tong sama ng pakiramdam ko. Kakausapin ko na lang siya bukas para malaman ko kung saan at anong oras kami magkikita.

-Halex



Journal Entry
@my bedroom
Note: ASAR!!!

Friday ngayon. Makikita ko sana siya sa Philo class namin pero ang sama pa rin ng pakiramdam ko. Di ko pa kayang pumasok. Dang it!

Ano na kaya ginagawa niya ngayon? Hindi na siya nagtext ulit. Galit kaya talaga siya sakin?
Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung tuloy pa kami sa Sabado. Sana naman di siya nagcancel. I really want to be with him.

Mamayang tanghali kung mejo ok na ang pakiramdam ko, pupunta na lang ako sa mall sa labas. I want him to know that I am looking forward sa sabado. And at the same time, gusto ko siyang bigyan ng regalo.

Naaalala ko pa na gusto niya ang bear hugs kaso lang hindi siya makabili dahil sa takot na baka magtanong ang parents niya kung bakit may mga stuffed toys siya sa kwarto niya. Siguro naman ngayon na malaki na siya, hindi na makikialam masyado ang mama at papa niya. I hope that he’ll like it.

Breakfast na muna ako. Hindi pwede ito. Kailangan kong magpagaling para bukas.

-Halex



Journal Entry
@restobar
Note: I wanna get wasted!

I saw him… with his friends… and boyfriend.

Kanina pa ako andito. Akala ko kami lang dalawa ang lalabas. I was wrong. Nakita ko ang grupo nilang pumasok.

Ang sweet nilang dalawa ng nobyo niya. Kulang na lang magsubuan sila.

I hate this feeling. I hate being jealous. But I can’t help it. Sobrang sakit.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magstay dito. Ayokong nakikita siya sa piling ng iba, pero di ko rin naman kayang umalis. I haven’t seen him in almost three days, and I missed him so much. I wanna drink the sight of him, kahit na sa malayo lang ako. At saka parang may problema siya. I can see it in his eyes.

Dito na lang muna ako. Pero ayoko muna na magpakita sa kaniya o malaman niya na andito ako. At the very least, not now na wala pa akong lakas ng loob. Siguro mamaya pag natamaan na ako ng alak. And who knows? Baka kumapal ang mukha ko at kantahan ko pa siya sa harap ng stage.

What am I thinking! Baliw na yata talaga ako.

Yes! Baliw talaga ako. I’m crazy for you, Greyson. I’m still deeply and madly inlove with you.

Please be with me one more time. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I hope I have the courage to say this to your face and just be done with it. Pero takot ako. Sobrang takot ako na baka ipagtabuyan mo lang ako at magalit ka sakin ng tuluyan lalo na kapag bumalik na ang alaala mo. That’s what I fear the most. I don’t know what to do kapag nangyari yun.

-Halex

ITUTULOY

Wednesday, November 23, 2011

Envy Me! (2)


by v_i_nce
email: v_i_nce@yahoo.com

Author's Note:
Marami pong salamat sa lahat ng bumasa ng first part ng istoryang ito, especially sa mga nagcomment na sina Gerald, Andy, Darkboy13, Chris, Nicko, Ericka, si batang_agas na di na pala masyadong bata (hehe peace po kuya:D), si utol Sean na inutusan kong basahin ang kwento ko saka mag iwan na rin ng comment (haha tol ang bait mo talaga sa akin), si Anonymous na hindi nag iwan ng kaniyang pangalan, and of course si kuya Mike na parating tumutulong sa akin kahit na masyado na akong makulit sa kaniya. Sana po patuloy niyo pa rin siyang suportahan at iboto ang kaniyang blog post para sa PEBA.

Pagpasensyahan niyo na po kung medyo may kabagalan akong magpost ng istorya. Saka isa pa sa ihihingi ko ng pasensya ay kung hindi naging maayos ang pagpoproof read ng chapter na ito. Naubusan na po kasi ako ng oras at kinailangan ko ng matulog kaya sorry po talaga.

Gusto ko lang din po sanang iacknowledge ang isa rin sa mga idol ko na si Kuya Goofy na siyang may akda ng tula na mababasa ninyo dito sa chapter na ito. Huwag kayong mag alala, nagpaalam po ako sa kaniya na ipopost ko ang tula niya dito so hindi po iyan nakaw. hehe

Of couse, special mention din po ang baby ko na sinusuportahan ako sa kung ano man ang gusto kong gawing kabulastugan gaya na lang ang pagsusulat. Kahit na alam ko, minsan hindi naman maganda iyong ginagawa ko pero ineencourage pa rin niya ako. Thank you so much baby. Alam kong nagawi ka na dito at binasa mo na yung unang part nito. Sana next time mag iwan ka na rin ng comment. Hehehe

Sa lahat, enjoy pong muli sa pagbabasa. Sana magustuhan niyo.

Please leave a comment para malaman ko kung ano ang iniisip ninyo. Sa mga nagrerequest na malaman ang nakaraan ng istoryang ito, huwag po kayong mag alala, darating po tayo diyan. hehehe:D

-v_i_nce

Monday, November 21, 2011

Envy Me! (1)




by v_i_nce
email: v_i_nce@yahoo.com

Author's Note




Magandang araw po sa lahat ng mga mambabasa ng Michael's Shades of Blue. Ako nga po pala si Vincent at first time ko pong magpost ng kwento sa internet.

Dati, isa lamang po ako sa mga masugid ngunit silent readers ng blog na ito, subalit dahil sa galing ng mga manunulat na nandito ay nagkaroon ako ng insperasyon upang subukin ang larangan na ito.

Habang binabasa ninyo ang paunang mensaheng ito ay marahil sumagi sa isip ninyo na isa lamang akong inggeterong tao na walang originality. Tama po kayo. Kinainggitan ko ang mga manunulat ng blog na ito at naihiling ko na sana magkaroon din ako ng kahit katiting na talento na gaya ng sa kanila. Kaya naman heto ako ngayon sa aking unang akda.

Kung nababasa ninyo ito ngayon, nawa'y mag iwan po kayo ng anumang kumento para naman malaman ko kung ano ang iniisip ninyo at magkaroon na rin ng pagkakataon na matuto para mapabuti ang aking pagsusulat.

Maraming salamat.

Lubos na pasasalamat din po para kay kuya Mike Juha sa kaniyang pagpapaunlak na makapagpost ako sa blog na ito. Kuya, sana makuha ninyo ang awards sa PEBA dahil deserving po kayong manalo. Nananatili po kayong idol ko. Maraming salamat ulit.

Sa lahat, enjoy reading! Sana'y magustuhan ninyo.




-v_i_nce





===========================================================================




“I’M SORRY, I’M SO SORRY. Please huwag kang bumitaw. Huwag na huwag mo akong iwan, parang awa mo na,” ang pagsusumamo ng isang lalaki habang hawak-hawak sa kanyang mga bisig ang isang taong animo’y wala ng buhay. Madilim ang paligid, walang makikitang bituin sa kalawakan, at pumapatak ang mahinang ulan na para bang ang kalangita’y umiiyak ng pigil dahil sa nakikitang eksena sa gitna ng makitid na eskinitang iyon. Sa di kalayuan ay maririnig ang palahaw ng isang paparating na ambulansya.

“Gumising ka, parang awa mo na. Di ko kayang mabuhay ng wala ka, Greyson, please. Greeeeeysoon,” ang patuloy na sambit nito. Maya-maya ay nagkaroon ng ingay sa paligid sanhi ng pagdating ng inaasam na tulong. Subalit imbes na salubungin ang mga taong paparating ay nahintakutang nagmadaling lumayo ang lalaki. Mabilis siyang tumakbo at nagkubli sa isang di kalayuang gusali, sumisilip upang patuloy niyang makita ang buong pangyayari. Di naman magkamayaw sa pag-aatupag ang mga medics sa taong tinawag na Greyson. Oras ang kalaban, at batid nila na kakaunti na lamang ay bibigay na ito.

Nang makitang ipinapasok na sa loob ng ambulansya si Greyson ay umalis na rin palayo ang lalaki. Di alintana ang lumalakas na ulan, patuloy lamang siya sa walang direksyong paglalakad hanggang sa matumbok niya ang isang tulay. Tumigil siya at tinanaw ang maruming ilog na dumadaloy sa ilalim. Maya-maya ay inilabas niya ang isang kwarenta’y singkong baril at walang sabi-sabi na itinapon ito saka mabilisang tumakbo na para bang sa paraang ito’y matatakasan niya ang masaklap na tagpong naganap kani-kanila lang.

GREY WOKE UP WITH A START. Nakatitig siya sa kisame habang may malalim na iniisip. Inaalala niya ang panaginip na siyang naging dahilan ng kanyang balisang pagtulog nang nagdaang gabi, subalit habang pinipilit niya ito ay mas lalo lamang nagiging malabo ang lahat. Ilang araw na rin siyang ginugulo nito ngunit kaiba sa mga nakalipas na umaga na putok lang ng baril ang kanyang natatandaan, may naglalarong isang detalye sa kaniyang isipan ngayon. Isang lalaki ang nakikita niyang umiiyak habang nagsasalita sa isa pang taong kandong nito sa gitna ng daan. Kung ano ang saysay ng naturang eksenang kanyang naaalala ay di niya lubusang mawari, at wala na rin siyang panahong pagtuonan ito ng pansin dahil sa nagsisimula na namang sumakit ang kanyang ulo sa kakaisip. Kaya naman minabuti na lamang niyang tumayo mula sa pagkakahiga para simulan ang kanyang araw.


Habang bumabalikwas mula sa kama, hinayaan niyang dumausdos ang kumot na ginamit sa pagtulog. Kapansin-pansin ang kakisigan ng kaniyang tindig na hindi natatakpan ng anumang saplot dahil nasanay na siyang matulog ng hubo’t hubad. Sa tindig na 5’5”, di maipagkakaila na naaakma ang hugis ng kaniyang katawan sa kanyang kabuuang imahe. Ordinaryo man ang tangkad subalit kung titingnan ay para siyang isang modelo – balingkinitang katawan, mamasel na dibdib na katamtaman lang ang laki, mga binting magaganda ang hugis na nagbibigay ng ilusyon ng katangkaran, mga brasong bagamat hindi namumugto sa laman ay bumagay naman sa lapad ng kanyang mga balikat, at tiyan na walang kataba-taba na kababakasan ng mga linya na parang sa isang kalahating dosenang pakete ng de-latang inumin. Mayroon ding mga mumunting balahibo sa may ilalim ng kanyang pusod na parang inahit ang porma dahil sa katuwiran nito, pababa sa dako pa roon hanggang sa bahagya itong kumapal. Kapansin-pansin din ang laki ng kanyang alaga na sa panahong iyon ay tigas na tigas at tuwid na tuwid sa pagkakatayo. Kay ganda ng hugis nito, umaabot sa pitong pulgada ang haba at may katamtamang katabaan. Ang ulo ay mamula-mula at sa panggitnang hiwa ay may lumalabas na patak ng malabnaw na katas. Napatitig si Grey sa kaniyang kahubdan lalung lalo na sa tigas niyang ari.


Normal lang na tigasan ako sa umaga pero bakit may precum na lumalabas ngayon? Ang naitanong niya sa sarili ng mapansin ang kanyang paunang dagta. May kung anong kiliti ang gumapang sa kaniyang katawan ng biglang sumagi sa isip niya ang isang tagpo kung saan may dalawang taong naghahalikan sa ibabaw ng kama. Marahil ay parte iyon ng kaniyang nagdaang panaginip subalit hanggang doon lang ang kaniyang naaalala. Wala sa isip na pinahid ng kaniyang daliri ang malapot na likido na nagmumula sa butas ng kaniyang pagkalalaki at isinubo ito. Habang sinisipsip niya ang kaniyang hintuturo ay akmang hihimasin na ng kabilang kamay ang kaniyang naghuhumindik na alaga ng mapansin ang peklat sa may bandang kanan ng kaniyang pusod.


Alam ni Grey na may kaparehong peklat din sa bandang likuran niya, kung saan tumagos ang bala na muntik ng kumitil ng kaniyang buhay may tatlong taon na ang nakakaraan, base na rin sa kwento ng mga magulang niya. Wala siyang naaalala sa mga kaganapang ito dahil ng mangyari ang aksidenteng iyon ay nabagok daw ang kaniyang ulo at nagkaroon siya ng tinatawag na selective amnesia kung saan partikular na mga detalye lang ng kaniyang buhay ang di niya natatandaan. Sinabi ng kaniyang mga magulang na noong nangyari ito ay naglalakad lamang siya sa kahabaan ng isang daan ng may mangyaring nakawan sa isang gusali sa kabilang panig. Nagkaroon ng palitan ng putok ng baril at sa malas ay natamaan siya ng isang ligaw na bala.


NAGISING SI GREY NA NAKAHIGA SA ISANG PUTING SILID kasama ang kaniyang mga magulang. Naguguluhan siya lalung lalo na ng makapa ang benda sa kaniyang ulo at maramdaman ang kirot sa may tiyan. Agad niyang tinanong ang mga ito kung anong nangyari sa kaniya. Nagkatinginan naman sila dahil sa kaniyang kainosentihan sa mga naganap. Pinatawag nila ang doktor upang matingnan siya at malaman kung ano ang naging problema. Nang dumating ito ay tinanong siya ng mga bagay tungkol sa kaniyang sarili at nakaraan na nasagot naman niya ng tama. Subalit nang dumako ang usapan sa nangyari ng nagdaang linggo, bago siya dinala sa ospital, ay wala siyang maibigay na kasagutan.


“Base sa lumabas na resulta sa kaniyang CTscan at MRI, nagkaroon po ng mild concussion ang inyong anak,” ang paliwanag ng doctor. “Maaaring ito po ang dahilan kung bakit nagsasuffer siya ng tinatawag nating selective amnesia kung saan binablock ng kaniyang utak ang mga traumatic na alalaala na nangyari sa kaniya, and in this case ay iyong nangyaring aksidente.”


“Hindi ba magkakaroon ng permanent damage ang anak ko, doc?” ang tanong ng kaniyang ina, na halatang pinipigil ang sariling huwag pumalahaw ng iyak dahil sa problemang kinasadlakan.


“Kung titingnan po natin ang test results ay wala na po kayong dapat na ipag-alala. Give him a few months and he will fully recover,” ang sagot nito na nagbigay ngiti sa kaniyang mga magulang.


“Eh, paano po ang alaala ko?” sabat niya sa usapan. Bigla namang napatingin sa kaniya ang lahat na para bang noon lang nila napagtanto na nasa loob pala sila ng kaniyang silid at nakikinig siya sa kanilang pag uusap.


“Walang kasiguraduhan kung kelan babalik ang alaala mo, o kung babalik pa nga ba ito,” malumanay na siwalat ng doctor. “This case rarely happens and basing from the few who had the same situation with you, walang makitang pattern ang mga dalubhasa sa recovery ng memories nila. Ang iba sa kanila ay bumalik ang alaala habang ang iba naman ay natuto na lang na tanggapin ang kawalang ito.”


“Ah, eh, doc, maraming salamat pero pwede po bang maiwan mo muna kaming mag-anak? Pasensya na po kayo,” ang hiling paumanhin ng kaniyang ina sa butihing doktor.


Of couse. Kausapin niyo na lang po ang nurse kung may kailangan pa po kayo. In two days at kung maayos na ang lahat ay pupwede ko ng idischarge ang pasyente at sa bahay niyo na lang po siya patuloy na magpahinga,” iyon lang at tumungo na ito sa pinto at marahang isinara ito.


“Ma, ano po ba ang nangyari sa akin?” ang di mapigilang tanong ni Grey sa kaniyang ina nang makaalis na ang doktor.


Nagkatinginan muna ang kaniyang mga magulang na para bang nag uusap ang mga ito ng palihim. “Magpahinga ka muna anak. Bukas ay ikukwento namin sa iyo ang lahat ng nangyari, pero sa ngayon ay kailangan mo munang bumawi ng lakas,” ang sabi naman ng kaniyang ama.


Ayaw pa sana niyang tumigil subalit naramdaman na naman niya ang kirot sa kaniyang tiyan at pati na rin sa kaniyang ulo na ng mga sandaling iyon ay nagsimula ng sumakit. Kaya naman napilitan na lamang siyang sundin ang kaniyang ama.


Kinabukasan, gaya nga ng napag usapan ay ipinaliwanag ng mga magulang niya ang nangyari. May dala silang isang dyaryo kung saan nakapaskil sa harap nito ang nakawang nangyari noong nagdaang linggo. Nasabi din sa naturang report na may isang lalaki ang natamaan ng ligaw na bala habang nagkaroon ng engkwentro ang mga gwardiya ng nasabing gusali at ang dalawang magnanakaw kung saan nahuli ang isa habang ang kasabwat naman nito ay namatay gawa ng tama sa ulo. Bagamat hindi sinabi ang pangalan ng sibilyan na nadamay para maprotekhanan ang pribadong pagkatao nito ay inisip na niya na siya iyon base na rin sa kwento ng kaniyang mga magulang.


MAY APAT NA BUWAN RIN SIYANG NAGPAHINGA sa kanilang bahay at nang maramdaman niyang handa na siyang pumasok muli sa eskwela ay saka naman nagmungkahi ang kaniyang ama na lumipat ng tirahan sa siyudad. Nagtataka man sa biglaan nitong desisyon ay nagpatianod na lamang siya. First year college siya ng mga panahong iyon sa kursong Marketing at napamahal na rin sa kaniya ang mga kaibigan at kaklase na ng malaman ang nangyari ay regular na dumadalaw sa kanilang bahay upang makumusta siya at makipagkwentuhan. Namangha ang mga ito nang malaman na nadamay pala siya sa nangyaring krimen sa kanilang bayan at siya yung tinutukoy na natamaan ng ligaw na bala. Naikwento rin ng mga ito na bukod sa nangyaring nakawan ay may isa pang kaganapan ang pinag uusapan ngayon sa kanila. Tungkol naman ito sa isang tao sa gitna ng eskinita na may tama ng baril. Isang misteryo daw kung sino ito kasi kulang ang mga naireport sa dyaryo gawa na rin siguro na gustong itago ng pamiliya ang naturang pangyayari. Ni hindi nga alam kung lalake ba iyon o babae at kung nagawa ba itong sagipin ng mga rumesponde. Sa pagkakarinig ng balitang ito, nagsimulang sumakit ang kaniyang ulo kaya noong mapansin ng kaniyang ina na papunta na sa kinaroroonan nila habang dala dala ang mga inihandang snacks ay hiniling nito sa mga kaibigan niya na iwan muna siya para makapagpahinga.


TUNOG NG ALARM CLOCK sa bedside table ang nagpabalik sa diwa ni Grey sa kasalukuyan. Nang binalingan niya ito ay nakita niyang alas sais y medya na pala ng umaga. Pagkatapos patayin ang nakaririnding ingay ay pumasok na siya sa loob ng banyo para makapaligo.


Tatlong taon na rin pala ang nakalipas, ang nasambit niya sa kaniyang sarili habang pumapailalim sa shower at binabasa ng maligamgam na tubig mula dito ang buo niyang katawan. Pagkatapos makapag shampoo at sabon ay tinungo niya ang sink para magtoothbrush at mag ahit ng balbas. Nakaharap siya sa isang salamin habang ginagawa ito. Makaagaw pansin talaga ang kaniyang mga mata na nangungusap at parang parating maiiyak subalit kapag kumislap sa kasiyahan ay talaga namang nakakabighani. Itim na itim ang mga ito na mayroong mahahabang mga pilik na parang sa isang babae. Ang mga kilay naman niya’y hindi kakapalan subalit maayos na maayos na animo’y inahit ngunit hindi naman. Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang mga labing maninipis at wari parating nang eengganyong mahalikan. Ang basang buhok naman ay tuwid na tuwid na kahit hindi lagyan ng langis o gel ay nangingintab pa rin. Ang lahat ng ito ay nakapagkit sa isang angular na pagmumukha kaya naman kahit may pagkababae ang kaniyang features ay lalaking lalaki parin siyang tingnan. Chiseled ang kaniyang panga at talaga namang napakalakas ng kaniyang appeal hindi lamang sa mga babae kundi pati na rin sa mga lalaking kahit hindi bading ay napapatingin sa kaniya.


Pagkatapos gumaniyak ay kumuha lamang siya ng isang pirasong mansanas mula sa mesa at saka mabilis na umalis papuntang eskwelahan.

PAGKAPASOK PA LANG SA GATE ay sinalubong na agad si Grey ng kaniyang matalik na kaibigan na si Matthew. “Ang tagal mo namang dumating, tol. Magsisimula na ang klase natin. Wala na tuloy tayong panahong daanan si Carla,” ang sabi nito sabay mahinang tulak sa likuran ng kaibigan. Ang tinutukoy na babae ay ang pinopormahan nito sa kabilang department kung saan kumukuha naman ng Mass Communication.



“Pinuntahan mo na lang sana mag-isa. Ako pa ngayon ang sinisisi nito, eh di ko naman sinabi sayong hintayin mo ako. Batukan kaya kita diyan,” ang pabirong sagot naman niya sa kaibigan.

“Napaka-ungrateful naman ng mokong na to. Pasalamat ka nga at hinintay kita.”



“Loko! Palusot ka pa. Ang sabihin mo ay gagawin mo na naman akong pain kasi napakatorpe mo,” tatawa-tawang banat niya. Kilala niya kasi itong mahiyain sa mga babae lalo na sa mga natitipuhan nito.

“Sinong torpe? Sino? Huy magpakalalaki ka nga kung sino ka man. Nakakahiya ka sa lahi natin,” painosente naman ito na sinabayan pa ng paglingun-lingon sa paligid na mistulang naghahanap kung sino ang tinutukoy niya, pagkatapos sabay bulong ng, “Gagu, huwag ka ngang maingay. Nakakahiya baka may makarinig, masira pa reputasyon ko.”



“Aba at may reputasyon ka na palang pinangangalagaan ngayon.”


“Oo naman. Mejo tagilid nga lang ng konti kasi ikaw ang parati nilang nakikita kong kasabay. Alam naman nating pareho na sa ating dalawa, ‘di hamak na mas nakakalamang ako at talaga namang may topak ka,” ganting pambabara naman nito.


“Mukha mo...”

“Gwapo, alam ko,” di pa nga niya natatapos ay agad na dugtong ng kaibigan. Kaya naman nagtatawanang sabay na lamang nilang tinungo ang classroom na pagdadausan ng kanilang unang subject para sa araw na iyon.



Nasa fourth year college na silang pareho. Simula nang mag transfer siya sa lugar na iyon dahil sa biglaan nilang paglilipat sa siyudad ay naging kaklase na niya si Matthew na kumukuha rin ng Marketing. Sa simula pa lang ay naging malapit na ang loob nila sa isa’t isa, kaya naman hindi naging mahirap sa kaniya ang kaibiganin ito at ngayon nga ay magbest friends na ang turingan nila.


Gwapo rin naman talaga ang kaibigan niya. Singkit ang mga mata nito na namana sa inang may lahing intsik. May makakapal na mga kilay at matangos na ilong. Ang mga labi ay bagama’t hindi kasing nipis ng sa kaniya ay singpula naman at parang hugis puso, bilugin ang mukha pero hindi naman matabang tingnan, at ang buhok ay pinapamaintain na naka semi skinhead. Matangkad sa kaniya ang kaibigan ng tatlong pulgada sa height nitong 5’8”, maganda ang tindig at ang kutis ay maputi. May pagkabalbon ito kaya kahit mas makinis pa sa babae ay macho pa ring tingnan. Kaya naman sa ilang taong pagkakakilala nila ay alam niyang maraming mga babae ang nagkakainteres dito. Ngunit magkaganoon man ay wala pa siyang nababalitaang naging nobya nito simula ng maging magkaibigan sila.


Katatapos pa lamang ng kanilang Midterm Exams noong nagdaang linggo kaya malayo pa lang sa classroom ay kapansin-pansin na ang ingay ng kanilang mga kaklase. Papasimula pa ang final term ng unang semestre at hindi pa sila bugbog sa mga assignments at pag-aaral para sa quiz. Hindi pa rin dumarating ang kanilang professor at walang nakapansin sa kanilang pagpasok kaya naman naisipang pagtripan ni Grey ang kaniyang mga kaklase.


“WHAT’S THE NOISE ALL ABOUT?! THIS ROOM ISN’T A ZOO!,” ang sigaw niya gamit ang pinalaking boses. Ginaya niya ang tono at pananalita ng kanilang Office of Student Affairs Director. Kilala kasi itong terror kaya naman nanginginig ang buong student body kapag ito na ang nagsasalita.


Tumahimik ang lahat sa pagkabigla at nahintakutang inayos ang mga sarili. Subalit nang mapansin ng iba ang tawa ni Matthew na katabi lang niya ay humalakhak na rin ang mga ito.


“Akala ko kung sino, ang mag-asawa lang pala,” narinig nilang sigaw ng isa nilang kaklase sa may likuran.


Tawanan pa rin ang lahat. Sanay na silang tawaging mag asawa kasi alam naman nila na biro lang iyon. Sa lalaki ba naman nilang pumorma ay wala talagang magkakamali na pagkamalan silang mga bading. Ang totoo nga niyan ay karamihan sa kanilang mga kaklaseng babae ay may mga pagtingin sa kanilang dalawa, at maging sa buong campus ay sikat din sila dahil sa taglay nilang kakisigan.


Hinawakan ni Matthew ang magkabila niyang balikat at tumitig sa kaniyang mga mata. “Grey, asawa ko, mahal na mahal kita,” ang sabi nito sa pinalamyang boses.


Tawanan ulit ang lahat. Sinakyan naman niya ang biro nito. “I love you more, my dear,” sagot niya sabay dahan dahang inilapit ang ulo sa mukha ng kaibigan na para bang hahalikan niya ito.


Napa ‘EW!’ naman ang iba nilang kaklase. Nang halos maglapat na ang kanilang mga labi ay sabay silang umiwas at imbes na mag lips to lips ay parang mga matronang nag beso beso ang dalawa, saka sabay na naghalakhakan at nagbatukan. Subalit ng tingnan nila ang paligid ay nabigla silang pareho nang mapansing tahimik na ang lahat. May isang estudyante na nakaupo sa harapang banda ang sumeniyas sa kanila na tumingin sa kanilang likuran.


“I believe that this place is called a classroom and not a comedy bar to showcase your antics. I’ll see you both later during free period in the afternoon,” yun lang at walang lingon-likod na umalis ang Office of Student Affairs Director.


“Lagot!,” ang sabay nilang naibigkas.

“LIBRE KA BA SA SABADO? Gusto ka sana naming iinvite ng mga friends ko na manood ng sine, and of course, you’ll be my date,” narinig ni Grey na paanyaya sa kaniya ni Sheila, isa sa mga kaklase niyang lantaran kung magpakita ng motibo na gusto siyang maging nobyo. Palibhasa ay maganda at sexy kaya may lakas ng loob itong makipag usap ng deretsahan at walang paliguy-ligoy.



Mag-aala una na ng hapon ng mga panahong iyon at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang subject. Kakatapos lang ng lunch break at talaga namang nakakaantok sa pakiramdam na bagamat may kalamigan ang silid-aralan dahil sa aircon ay nakadagdag lamang ito sa kagustuhang matulog ng nakararaming mga mag-aaral.


“Tol, ano, may lakad ba tayo sa Sabado?,” sa halip na sagutin ang tanong ni Sheila ay niyugyog muna niya si Matthew na nakaidlip na sa mesa.


“Huh? Uwian na ba?,” ang tugon naman nito na iniangat saglit ang mukha subalit bumalik ulit sa pagkakayuko. Komportable itong natulog muli na ginamit ang mga pinagsalikop na braso bilang unan.


Napilitan naman siyang lingunin ang babae sa harapan. “Pasensya ka na sa kaibigan ko...”
Naputol ang kung ano pa mang sasabihin niya sana nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanilang propesor, kaya naman asar na bumalik na lang sa sariling upuan si Sheila para hindi mapagsabihan. Nagpasalamat naman siya ng lihim dahil hindi na niya kinailangang tanggihan ito. Sa totoo lang ay wala siyang balak na lumabas, subalit ayaw naman niyang ipahiya ang kaklase.


“Good afternoon...” ang panimula ni Mr. Domingo at ng mailapag na ang mga materyales sa teacher’s table ay nagsimula ng magdiscuss. \


Sa may likurang banda ng klase pumupwesto ng upo ang magkaibigan kaya naman hindi masyadong pansin sa harapan ang kung ano man ang ginagawa nila. Patunay dito ay ang di pagsita ng propesor kay Matthew na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahimbing pa ring natutulog. Si Grey naman ay hindi malaman ang gagawin dahil sa kabagutang nararamdaman. Inaantok na rin siya subalit kailangan niyang manatiling gising para kung sakaling malingunan ni Mr. Domingo ang kanilang direksyon ay madali niyang masisipa ng palihim ang kaibigan. Ganito ang parating set up nila. Malas nga lang niya dahil naunahan siya nitong makatulog kaya wala na siyang magawa kundi ang maging look out nito sa kahabaan ng kanilang klase.


Panay na ang kaniyang hikab at napapapikit na rin ang kaniyang mga mata. Ramdam niyang kakaonti na lang ay bibigay na ang mga ito at tuluyan ng sasara. Ayaw niyang mangyari iyon dahil una, nakakahiya kapag may makakakita sa kaniya na nakatulog habang nakaupo at bahagyang nakaawang ang bibig, at pangalawa, kalahating oras na lang ay matatapos na ang subject at kailangan na nilang pumunta sa Office of Student Affairs. Baka pagtripan pa sila ng mga classmates at hindi sila gisingin bilang ganti sa kanilang ginawa kaninang umaga.


Akmang babagsak na sana ang kaniyang ulo patagilid ng biglang may kumatok sa may pintuan at pumasok ang isang lalaking may dalang notebook. Nakasuot ito ng hood kaya hindi kita ang mukha subalit makatawag pansin ang katangkaran nito na umabot na yata sa anim na talampakan. Parang artista ito kung maglakad na kakikitaan ng tiwala sa sarili sa bawat hakbang. Dagling natahimik ang kanilang guro dahil sa di inaasahang panauhin. Ewan din subalit naramdaman na lamang niya na biglang nabuhay ang dugo sa kaniyang buong katawan, rumaragasang dumaloy ito papunta sa kanina lamang ay pundido niyang utak at kumalat hanggang sa kahuli hulihang hibla ng kalamnan sa kaniyang mga paa at kamay. Ang puso niya ay parang jinump start na makina ng motor na pinapainit ang buo niyang katawan sa pamamagitan ng pagdodouble time sa pagbomba ng dugo. Kay lakas at kay bilis ng pintig nito na kung hindi niya mairerelax ay ramdam niyang para na itong sasabog ano mang segundo.


“What can I do for you?,” ang tanong ni Mr. Domingo sa naiiritang boses dahil sa pagkakaistorbo ng kaniyang klase. Subalit sa halip na sagutin ng lalaki ay may ibinigay lamang itong papel saka walang sabi sabi na naglakad papunta sa likurang bahagi ng classroom. “Okay, welcome Ramirez, Hale...,”



“Please, just call me Hal,” putol nito sa kung ano pa man ang sasabihin ng kanilang guro sa mejo naaasar na tono sabay lingon sa harapan, saka naisipang idugtong ang katagang ‘Sir’ bago tumalikod muli at ipinagpatuloy ang paglalakad habang naghahanap ng bakanteng pwesto. Nakita nito ang isang upuan katabi ng sa kaniya kaya naman binalingan siya nito ng nagtatanong na tingin kung pupwede ba itong umupo doon.


Nang magtama ang kanilang mga mata ay biglang pumasok sa isip ang lalaking nakita niya sa kaniyang panaginip ng nagdaang gabi. Kasabay nito ang pagsaklob ng di maipaliwanag na emosyon sa kaniyang damdamin na mas lalong nagpabilis ng pintig ng kaniyang puso. Nagsisimula na ring sumakit ang kaniyang ulo subalit hindi na niya napansin dahil pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata nitong malalamlam at kulay brown. Deep set ang mga iyon na naiibabawan ng mga makakapal na kilay na bahagyang nakakunot. Matangos ang ilong ng lalaki na parang sa isang espanyol at ang mga labi ay singpula ng mansanas. Ang balbas nito ay parang hindi inahit ng tatlong araw kung saan nagsisimula ng tumubo. Nakakalat iyon sa kabuuan ng baba nito na may bahagyang hati sa gitna, patungo sa magkabilang panga. Kagaya ng sa kaniya, prominente rin ang bone structures nito na nagbibigay ng karagdagang angas sa pagmumukha ng lalaki. Napansin din niyang mejo may kahabaan ang may pagkakulot na buhok nito na natatabunan ng suot na hood.


Nang mapansin niyang bahagyang napangiti ito, marahil dahil sa pagkakatulala niya ng ilang segundo, ay marahan na lamang siyang tumango at bahagyang napayuko, tanda na pwede itong umupo katabi niya. Nararamdaman niyang kanina pa nag iinit ang kaniyang mukha dahil sa pangyayari. Alam niyang namumula ang kaniyang mga pisngi na mas lalo lamang niyang ipinagtaka. Naninibago siya sa sarili dahil sa pagkakatanda niya, unang pagkakataon na nangyari sa kaniya ang ganitong bagay.


“Mga kabataan ngayon...,” ang naibulong ng kanilang propesor saka ipinagpatuloy ang naudlot na lecture. Naupo naman ang tinawag na Hal sa tabi niya at kampanteng ibinukas ang dalang notebook sabay sulat dito habang pabaling-baling ang tingin sa harapan, tanda na taimtim itong nakikinig sa kung ano man ang sinasabi ng kanilang guro. Subalit manaka-naka ay nakakaramdam siya ng nakakaliliting sensasyon mula sa direksyon ng lalaki na para bang tinititigan siya nito paminsan-minsan. Hindi naman niya makumpirma ang hinala dahil nahihiya siyang lumingon dito. Kaya naman hanggang matapos ang klase ay naging balisa na siya. Hindi na niya naramdaman pa ang antok, bagkus ay parang buhay na buhay ang kaniyang katawan at ramdam niya ang mga pangyayari sa kaniyang paligid.


Nang tumunog ang bell na naghuhudyat na magsisimula na ang kanilang free period ay saka pa lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na lingunin si Hal subalit ng bumaling siya ay wala na ito sa upuan. Nakita na lamang niyang papalabas na ito ng pinto kasabay ng iba pa niyang mga kaklase. Wala na siyang nagawa kundi ang gisingin na lang si Matthew na tulog na tulog pa rin ng mga panahong iyon.


“Huy! Adik, gumising ka na. Tapos na ang klase at kailangan na nating pumunta sa OSA,” ang sabi niya dito na ang tinutukoy ay ang opisina ng direktor na nakahuli sa kanila kaninang umaga.


“Aaaahhh! Ang sarap ng naging tulog ko, tol,” sambit naman nito habang nag iinat.


“Pansin ko nga, loko ka. Buti hindi ka nahuli ni Mr. Domingo kung hindi, dagdag pa iyan sa kasalanan mo sa OSA.”


“Naku, maniwala ka naman. Gusto lang tayong masolo ng direktor na iyon. Alam mo naman na may pagkaberde ang dugo nun. Siguro nang makitang maghahalikan sana tayo ay nainggit at gusto ng private show.”


“Hahahahaha. Adik!” Nagkatawanan ang magkaibigan. Maya-maya pa ay sabay na nilang tinungo ang opisina ng Student Affairs.






Journal Entry


@ school habang nagkaklase


Note: ang boring ng propesor
Nakita ko na ulit siya.

Oh my God. How I missed him. Gusto ko siyang yakapin at paliguan ng mga halik. Gusto ko ulit maramdaman ang bisig niya na nakapulupot sa katawan ko.
I still love him so much, it hurts. Akala ko kakayanin ko na malayo sa kaniya pero hindi pala. When I saw his face, parang nagkakulay na ulit ang mundo ko.

I knew I was lonely without him but I never really had any idea how much until I saw him again. Kung hindi ko pa nga lang sana napigilan kanina ay baka hinablot ko na siya at niyakap ng mahigpit. Ngayon nagtataka ako kung pano ako nakasurvive ng wala siya.

All those years, I tried to forget him but to no avail. I thought I would go insane and I believe that I was in the brink of losing my mind. Kaya nakapagdesisyon na ako. Di ko na kaya pa ang lumayo. Susubukan ko ulit.

Kaya andito na ako ngayon. Inisip ko na bahala na, basta makita ko ulit siya at mapalapit ulit sa kaniya, magiging okay na ang lahat. Pero hindi pala ganoon ka dali. Ngayong nasa gilid ko lang siya, abot kamay ko na, ngayon ko naramdaman ang takot. Ngayon ko naisip na baka tuluyan na siyang mawala sa akin at hindi ko makakaya iyon. Mamamatay ako pag nangyari iyon.

Gusto ko nang kalabitin siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na andito na ako, na hindi na ulit ako mawawala sa piling niya. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi niya ako matanggap. Huwag naman sanang mangyari ang ganoon.

Naasar ako kanina dahil kamuntik nang sabihin ni prof ang buo kong pangalan. Ayaw kong may makaalam na ibang tao at baka gamitin pa nila sa pagtawag sa akin. Siya lang ang gusto kong marinig na tumawag sa akin ng ganoon. At alam ko, ako lang din ang binibigyan niya ng karapatang tumawag sa kaniya sa buo niyang pangalan... dati. Hindi ko lang alam ngayon.

Nagkatinginan kami kanina. Tama nga ang hinala ko. Di niya ako naaalala. Pero parehong pareho ang naging reaksyon niya noong una ko siyang makilala, kaya di ko mapigilang mapangiti. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Ang cute niyang tingnan, lalo na kapag nagblush siya. Alam ko di niya ugali ang magblush. Inamin niya sa akin noon na ako lang ang nagpapapula ng kaniyang mga pisngi. Kaya naman masaya ako dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin pala ang epekto ko sa kaniya. O baka naman nagbago na siya. Baka ngayon madali na lamang siyang maapektuhan ng ibang tao at pamulahan ng mukha. Ah basta, bahala na.

Di ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon. Ang mahalaga ay masaya ako. Kuntento na ako na nakikita ko na siya ulit ng hindi kailangan ang magtago. Kuntento na ako... sa ngayon.

Whatever happens, hindi na ako papayag na igive up siya ng basta-basta. I’ll do my best to win him back, I promise. Pero hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Waaaaaaaaaah! Ano ba itong iniisip ko. Stop being negative! Stop! Stop! Stop!

Give me another chance, GREYSON, please. Don’t give up on us, baby, ‘cause I’m not giving up on you. I’m not letting go anymore, never.




-Halex



ITUTULOY

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails