Followers

Showing posts with label Project MSOB Anthology. Show all posts
Showing posts with label Project MSOB Anthology. Show all posts

Wednesday, November 14, 2012

MSOB ANTHOLOGY: 13 SOTRIES OF LOVE, HUNGER, AND PARANOIA...

Gusto ko lamang pong i-announce na released na po ang aming pinakabagong book, ang "MSOB ANTHOLOGY: 13 STORIES OF LOVE, HUNGER, ANG PARANOIA"

May 13 kuwento po ang laman ng librong ito na sinulat ng 10 authors. Ibat'-ibang kuwento, iba't-ibang maramdaman - kilig, galit, pagmamahal, pagkaawa, paghanga, pananabik, pati takot at pagkagulat. May aral, may realizations sa buhay, makakarelate ka. Iba't-ibang manunulat, iba't-ibang atake sa pagbuo ng kuwento...


Ang aming publisher po ay ang central book supply, Inc. at heto po ang site at mg outlets nila:

http://central.com.ph/centralbooks/outlets/

Puwede na po kayong bumili d'yan sa halagang 349.00 pesos. Or... pwede kayong kumuntak kay Rovi Yuno (editor at isa sa mga
writers niyan) may limited extra copies po siya na maaaring pirmahan niya at mga kasama naming writers. Si Rovi p ay maaari ninyon hanapin sa fb, search for Rovi Yuno.

Gusto ko ring i-promote ang book signing namin niyan (kasama ang IDOL KO SI SIR na book):

Date: January 26, 2012 / Saturday
Time: 4:30 - 7:00pm
Venue: Central Book Supply, Inc., Phoenix Bldg, 927 Quezon Avenue, QC


Dadalo po ako sa book signing event sampo ng mga kasama kong writers at artists. Please join po, invited ang lahat. Heto ang event:

http://www.facebook.com/events/397227390351006/


Puwede pong mag-confirm kung mag-attend po kayo.

Maraming-maraming salamat po lalo na sa mga sponsors, editors, artists, writers, at sa mga sumuporta sa project na ito.

Labis po kaming nagpapasalamat sa aming mga sponsors:

Mr. Mister
Mr. Gazeebo
Mr. Dadi J
Mr. Arvin S. Antolin
Mr. Blue
Mr. Oliver Allorent
Mr. Ric
Mr. Patryck
Mr. Neil Christian Oleriana
Mr. Ian
Mr. Anonymous B.
Mr. Christian Benitez

-Mikejuha-

Wednesday, October 24, 2012

Ang Lalaki Sa Pamilya (Tatlong maikling kwento)








Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.


Inihahandog ng libtong ito ang...



Ang Lalaki Sa Pamilya (Tatlong maikling kwento)

ni: Patrice Marco



Ikaw, isa ka ba sa Lalaki Sa Pamilya? Paano mo alam?

abangan...

Tuesday, October 23, 2012

Paid








Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.


Inihahandog ng libtong ito ang...





Paid
ni: Kenji Oya



Lahat ng bagay sa mundo ay may kabayaran. Wala na nga atang masasabing libre pa. Everything has a value. Sadly, kahit pa ang happiness ay may bayad na rin para sa iba.

Ngunit ano nga ba ang bagay na kaya mo pa makuha ng walang bayad? Meron pa kaya nito? O kung wala man, ano ang kaya mong ibigay para sa kagustuhan mo? Ano ang magiging dahilan mo para sa kagustuhang nais mong makamit? At pag nakuhamo na nga ito, kaya mo bang sabihin na masaya at kuntento ka at the end of the day?

I can give you what you want.. Ang tanong.. Are you willing to pay the price?





abangan...

Wednesday, October 17, 2012

Si Igor At Ang Kanyang Prinsesa







Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.


Inihahandog ng libtong ito ang...





Si Igor At Ang Kanyang Prinsesa
ni: Michael Juha


Paano kung iniwan kayo ng inyong ama nang dahil lamang sa isang lalaki? At paano rin kung nagiging paranoid ang iyong ina sa “kabaklaan” na tinatawag dahil sa matinding galit niya sa pag-iwan sa kanya ng iyong ama; iyong galit at takot na ang bawat kilos at galaw mo ay pinagsusupetsahan niya na, tinatanong, pinaghihinalaang isang bakla ka na rin na katulad ng iyong ama?

Sa pagkawala ng kanyang ama, batas ng kanyang ina ang nasusunod sa kanilang pamamahay.

Hindi problema ang lahat. “Hinding-hindi ko susundin ang yapak ng aking ama; hindi ako magiging bakla...” ang matigas na pangakong binitiwan niya sa sarili.

Ngunit iyan ay kung siya ang nasusunod. Sa buhay ng isang tao, tanging tadhana lamang ang makapagsabi kung ano ang maaaring mangyari pagdating ng bukas.

Kaninong batas ba ang nararapat na piliin? Ang batas ng magulang, o ang batas ng puso?

Si Joel. Siya lamang ang tanging nakakaalam kung paano sagutin ang katanungang ito.





abangan...

Monday, October 8, 2012

Twenty Eight







Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.


Inihahandog ng libtong ito ang...






Twenty Eight
by: Bx

Ang buhay ay parang isang bus ride. Minsan mabilis at kung minsan ay mabagal. Minsan ay natatapat tayo sa pangit na ordinary bus na talaga namang nagpapahirap sa atin sa byahe. Minsan naman ay masaya tayong natatapat sa air-conditioned bus at naaenjoy natin ito. Habang tayo ay patuloy na bumabagtas sa kalsada ng buhay ay makakaranas tayo ng mga lubak sa daanan na makakapagpabagal sa ating pag-usad. Sa kabila ng magulo at mabakong byaheng ito ay

makakasabay natin ang ilan pang pasahero na di-kalaunan ay magiging parte na ng ating buhay. Pero paano kung kailangan mo ng bumaba dahil nandyan na ang rutang inaasam mo? Iiwan mo ba sila o lalagpasan mo ang babaan para lang makasama sila hanggang sa dulo ng terminal?



abangan...

Friday, October 5, 2012

AT 40






Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.


Inihahandog ng libtong ito ang...





AT 40
by: Rovi Yuno

We can escape death but never aging. Sinasabi nila na hindi natin makokontrol ang pagtanda pero kaya nating manipulahin kung paano tayo tatanda. Naimagine mo na ba ang iyong sarili sa edad na 40? May asawa ka na kaya nito? May mga anak na ba at pamilya? Isa ka na bang successful businessman? Or isa kang late bloomer na magmamahal palang sa ganitong edad? Does life really begin at 40?


Ikaw? Paano mo nakikita ang sarili mo sa edad na cuarenta?



abangan...

Tuesday, October 2, 2012

Donato





Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.


Inihahandog ng libtong ito ang...




DONATO
by: Jon Dmur

Lahat tayo ay naghahangad ng isang kaibigan kung saan tayo ay makakaramdam ng pagmamahal, pangunawa at pagtanggap. Lahat tayo ay naghahanap ng isang kaibigan na kahit kailan ay hindi tayo iiwan kahit ano pa man ang mangyari. Lahat tayo ay naghahangad ng isang mabuting bestfriend. Paano kung ang bestfriend na iyong nahanap ay kabaligtaran ng mga nais mo? Paano kung pasaway sya at basag-ulo? At paano kung magising ka nalang isang araw na sya na ang tinitibok ng iyong puso?



abangan...

Irreversible





Labintatlong  kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.


Inihahandog ng librong ito ang...


IRRVERSIBLE
by: Dalisay Diaz

“What if death is with you all the time?”


Established newscaster si Roblen sa isang nangungunang TV network. He was on top of his field at talaga namang kinikilala ang kanyang kredibilidad sa napiling larangan. Then came Nicole, a beautiful brunette who easily captured his heart. At 28, marami na ang nagsasabing dapat na siyang mag-asawa at ito nga ang kanyang napipisil na maging kabiyak.


He wooed her and asked for Nicole’s hand in marriage and he was not disappointed with her answer. Nagulat man ay natuwa ang marami sa kanilang whirlwind romance. But the whole happily-ever-after scenario was about to change when people and friends from his past started to die brutally, one by one, on the day he announced his engagement with Nicole. Nagsimula rin ang mga pagtatangka sa buhay nilang dalawa nang magbalik sila sa Baryo San Jose, ang bayang sinilangan niya.


He got the shock of his life when police declared who the suspect was. It was no other than Anthony, his best-friend who died fifteen years ago. Paano matutuloy ang kasal nila ni Nicole kung nakaamba sa kanila palagi ang kamatayan na dulot ng paghihiganting isang dekada na ang nakakalipas.

abangan...


Monday, September 10, 2012

PANAWAGAN SA MGA NAG-PLEDGE NA MAG-SPONSOR SA MSOB ANTHOLOGY


PANAWAGAN SA MGA NAG-PLEDGE NG DONATIONS PARA SA MSOB BOOK ANTHOLOGY PROJECT NGUNIT HINDI PA NAKAPAGPADALA

We are still waiting pa po sa inyong pledges. Otherwise please pm, or email me at getmybox@hotmail.com upang malaman namin na cancelled na ang inyong pledge:

Maraming salamat po!

At para po doon sa gusto pa pong humabol at makibahagi sa aming project na ito, mangyari po lamang na mag email sa akin at getmybox@hotmail.com

Good luck sa project ng MSOB at lalo na sa mga wroters, sponsors and the whole team!

We are on target po and hopefully, the book will be released by the 2nd week of October.

-Mike

Thursday, August 23, 2012

PANAWAGAN SA MGA GUSTONG MAG-SPONSOR SA AMING PROJECT: MSOB BOOK ANTHOLOGY


Kauna-unahang book anthology poject po ito ng MSOB at para po sa mga mga supporters, fans and followers na nagnanais makatulong sa ating minamahal na mga amateur writers upang magkaroon sila ng book at mas maengganyo pa silang magsulat, nais ko pong manawagan para sa inyong donation or sposnsorship sa para sa pagpublish po namin sa aming nasabing Book Anthology. Kahit magkaanong halaga ay taos-puso po naming tatanggapin. 

Ang aming target na bubuuin ay ang halagang Php 30,000 po para sa publication and printing. Ang aming treasurer po ay sina Rovi at Dalisay.

I-acknowledge po namin ang inyong tulong sa pamamagitan ng paglagay ng inyong pangalan (or pseudonyms) sa libro at bibigyan din po namin kayo ng libreng book/s na may signature ng lahat ng mga authors.

Mga authors na kasali:
1) Mikejuha,
2) Dalisay
3) Rovi
4) Patrice
5) Lui
6) Dhenxo
7) Kenji
8) Benedict
9) Gab
10) Guest Writer
11) Guest Writer

Illustrators:
1) Justyn Shawn
2) Patrice
3) Marlon
4) Erwin
5) Jake

Targets:

Aug 23: Editing/proofreading, illustrators’ drawings
Sep 20: Final editing proofreading of manuscripts by individual writers
Oct 18: Submission of final manuscript to publisher
Oct 25: Proofreading of blueprint by writers
Oct 30: Return to publisher to proceed final printing
Nov 7-14: Release of book

Para po sa mga nais magdonate, please contact Mikejuha through this email: getmybox@hotmail.com

Sa ngayon po ay may mga pledges na at gusto kong pasalamatan na sila in advance:

1. Mr. M: 10K
2. Mr. PB: 5K
3. Mr. AA: 5K
4. Mr. DJ: 2K
5. Mr. Pt: 1K
6. Mr. Bl: Not yet specified

Sana po ay may dumagdag pa. Kung sakali man pong sumubra ito, huwag po kayong mag-alala, we will strictly account po sa inyo ang mga expenses. Ang matitira ay gagawin naming seed money para naman sa  susunod na grand EB.

Maraming salamat po!

-Mikejuha and MSOB Anthology Writers-

Wednesday, November 16, 2011

MSOB Book Anthology Authors #6, #7, #8, #9, #10

Gusto ko pong i announce ang mga recommended na authors for the MSOB Book Anthology, sila po ay sina:

1. migs

2. white_pal

3. ace.vince.raven

4. alexander cruz

5. kirk chua

6. Benedict Pangan

7. Lopez Dhenxo

8. Jayson Patalinghug

9. Zekiel Palacio

10. Shufflin Lui

Sa mga nabanggit na mga writers, please object po kung wala kayong time for this project upang di na kayo maisali sa poll.

Gagawa na po tayo ng poll sa blogs ng MSOB, sa blog ni Rovi, Dalisay, Jeff, at Kenjie. Gagawa din tayo ng poll sa Solid and Torrid MSOBians. I add natin ang lahat ng results nito sa Dec 16 to find out sino ang mga pasok. Ang top 5 ay siyang maging writer na mag-occupy sa slots #6, #7, #8, #9, and #10.

Good Luck po!

Sana suportahan ninyong mga readers, followers, and fans ang book project naming ito. Ang book po na ito ay para sa inyong mga tagasubaybay namin.

-Mikejuha-

Sunday, October 30, 2011

Project: MSOB Anthology

Ang MSOB po ay magkakaroon ng project na tatawagin kong “Project: MSOB Anthology” Bale magpublish po ng isang libro ang MSOB which should be out in the Market by April/May, 2011.

Ang purpose po ng project na ito ay:

1. Upang mabigyan ng break ang ating mga writers to have their works published in the hard copy/book at lalo pa silang ma-encourage na magsulat;

2. Upang mabigyna ng kasiyahan ang mga followers and fans ng MSOB na makabasa ng "libro" at souvenir na rin galing sa kanilang mga idol na writers;

3. Upang ma-promeote ang cohesiveness, unity, and bond among writers (and fans/followers) ng MSOB.

May 10 pipiliing MSOB writers po ang kasali. Isang writer, isang kuwento. Bago ang kuwento and never been published po. Ang kuwento ng bawat writer ay hindi lalampas sa 10 chapters. Novelette lang siya ngunit syempre, malaman at masustansya. (Note: MSOB writers po, hindi qualifies ang non-MSOB writers)

Sa sampong writers na kasali, lima dito ay napili na: (1) Mikejuha, (2) Rovi, (3) Dalisay, (4) Jeffrey, (5) Kenjie.

Ang natitirang lima ay kayo pong mambabasa namin ang pumili. Ganito po ang proseso:

1. Mag recommend po ng pangalan ng paborito ninyong writer na hindi pa napili sa taas para sa makakasali #6, #7, #8, #9, and #10 na writers. Idaan ang rekumendasyon sa pamamagitan ng pagcomment sa post na ito sa pangalan ng author ng gusto ninyong makasali sa project na ito.

2. Sa November 20 ay pipiliin na namin ang remaining 5 na authors base sa resulta ng inyong rekomendasyon sa post na ito at sa post sa Solid MSOBians ng fb.

3. Kung sakaling may mahigit lima ang nairecommend ninyo na isali, may poll tayong gagawin dito sa MSOB at sa fb Solid MSOBians group simula November 25 – December 29.

4. Sa January 1, 2012 ay may kumpleto na tayong line-up sa sampung authors na siyang bubuo sa Project MSOB Anthology na ito.

5. January – magdesisyon ang grupo sa mga sumusunod na kumite at assignments: moderator, chief editor, associate editors, proof-readers, graphic artists, layout artist, etc. Puwede manghingi ang grupo ng tulong mula sa mga volunteers and followers. Mag assign din later ang grupo ng iba pang kumite kagang marketing, advertising, etc. Note: Hindi profit ang main objective nito kundi ang pagbuo ng isang proyektong makatulong sa mga writers at makakapagbigay ligaya sa mga followers. Subalit kung may profit man dito, this will be shared equitably among authors and volunteers.

6. February – submission of stories to the editorial staff

7. March – Finalizing the book/Submission to publisher

8. April – Release/marketing/advertisement. (Target din natin na makapasok sa National Bookstore)

Sana ay i-recommend ninyo ang mga authors na gusto ninyo upang ma-inspire din sila.

Kaya... Go! Go! Go!

Ano pa ang hinihintay? Magrekomenda na!

:-)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails