Followers

Showing posts with label 318 (Ang textmate ko). Show all posts
Showing posts with label 318 (Ang textmate ko). Show all posts

Friday, June 14, 2013

318 (Ang textmate ko) Final Chapter.





318 (Ang textmate ko)

By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel


Authors note:

Hello guys! Final Chapter here! =)

Maraming maraming salamat po sa mga readers ng kwento na to. =) God bless po sa inyong lahat.

Sana po ay magustuhan niyo ang ending na ginawa ko.

Gusto ko rin po sanang pasalamatan si Sir Mike Juha for allowing me na magkaroon ng appearance ang characters ng paborito kong kwento niya, basta po.. mababasa niyo na lang po siya sa final chapter ^_^

At, may surprise po ako sa inyo pagkatapos niyo pong basahin ang final chapter.

PS: Pa-add po sana ako sa facebook (nielisyours@yahoo.com.ph) thanks! =)

-nieL





Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)




Paalam, Colby, Xander at Tristan…



Eksaktong pagkatapos na pagkatapos ng kanta ay laking gulat ko ng biglang may tumabing lalaki sa akin. Sa aking palagay ay hindi siya ganoong katangkaran, hindi rin siya mataba at hindi rin naman payat- slim lang. Sa palagay ko ay nasa edad 21 ang lalaki, pero hindi ko sigurado. Naintriga naman ako dahil sa dinami dami ng bakanteng upuan sa sea wall ay pinili niyang umupo sa tabi ko. Disente naman kung titignan ang lalaki.
Habang nagpupunas ako ng luha gamit ang aking kamay ay nakatuon naman ang kanyang paningin sa dagat.
Maya maya ay inabutan niya ako ng isang kulay blue na panyo at sinabing..



“Mukhang mabigat ang pinagdadaanan mo ah? Sana man lang kahit heto makatulong.” Sabi sa akin ng lalaki habang hawak hawak ang kulay blue na panyo at nakatapat ito sa akin. Tinangap ko ang panyo at pinahid eto sa mga luha. “Alam mo, namiss ko ding mamalagi sa seawall na to..”
Syempre nagtaka naman ako kung bakit confident siyang i-share at kausapin ako ng ganun, e hindi naman kami magkakilala. “Ganun po ba? Bakit? Madalas din po ba kayong umuupo dito sa may sea wall na to?” Naitanong ko na lang.


“Oo, lalong lalo na kapag nakakaramdam ako ng lungkot. Dito ako madalas mamalagi. Tinitignan ang payapang dagat at nagiisip-isip..” Sagot ng lalaki.


Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pareho kaming natahimik. Tila walang gustong bumasag sa katahimikan at parehas nakatuon ang aming paningin sa dagat.


“Naalala ko ang sarili ko sayo..” Pagbasag niya sa katahimikan.


“Po?? Paano mo po nasabi?”


“Dati kasi, noong halos kasing edad lang siguro kita ay madalas ako dito lalong lalo na sa kapag nararamdaman ko ang nararamdaman mo ngayon..”


“Anong nararamdaman?” Pagmamang-maangan ko.


“Yung nalulungkot, kapag pakiramdam ko ay napakaraming tanong sa aking isip.” Sabi ng lalaki. Hindi na ako nakasagot pa sapagkat tama naman siya.


“Uhm? Maari ko bang malaman kung ano ang dahilan?” Pagtatanong ng lalaki. Syempre, nagulat naman ako sa pagtatanong niyang iyon. Ganun na lang ba siyang kakumportableng tanungin ako?


“Ahh. Ehh..” Nauutal kong sagot.


“Kahit wag mo nang idetalye. Gusto lang kitang i-unload. Kasi kanina ko pa pinupuna, parang ang bigat ng dinadala mo..” Ewan ko, pero mistula akong nakaramdam ng comfort sa lalaking iyon. Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay may maitutulong siya sa nararamdaman ko sa ngayon.


“Ahh. Kasi.. kasi..” Nauutal kong sabi. “Kasi, pinagpalit ako ng taong mahal ko sa ex niya. Ang sakit lang kasi ginagawa niya pala akong rebound. Mahal niya pa pala ang ex niya. Ang ending, ako ang dehado, ako ang kawawa. Minahal ko siya ng buong buo pero.. wala. Wala pala akong mapapala..” Kwento ko sa lalaking kausap ko. Hindi na siya sumagot pa bagkus tinignan niya ako at tila iniintindi ang sitwasyon na pinagdadaanan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako. Hindi ko din maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon e samantalang hindi pa naman kami magkakilala. “Bakit?” Tanong ko sa pagkakayakap sa kanya.


“Tama lang kasi ang hinala ko. Halos parehas lang pala tayo ng pinagdaanan dati. Pakiramdam ko kasi dati ay dinudurog ang puso ko noong makita ko ang taong mahal ko sa piling ng ex ko. Alam ko, mahal niya ako dahil parehas namin kaming nanindigan sa bandang huli. Kaya nga, masayang kaming nagsasama ngayon e. Nagawa niya lang kasing magkaroon ng relasyon sa ex ko para din sa akin. Noong una ay nagkaroon ako ng galit at syempre sobra akong nasaktan, pero sa bandang huli ay naunwaan ko din kung bakit niya ginawa iyon.” At natigilan siya sandali. “Sa sitwasyon mong iyan, kailangan lang talaga ay unawain mo na ang lahat ng bagay na nangyayari sa iyong buhay dahil laging may dahilan kung bakit ito nangyayari. Na kahit anong sakit na nararamdaman mo, isipin mo na lang na bahagi lang talaga ng buhay na’tin na masaktan, para rin sa atin, dahil kung hindi tayo masasaktan, hindi tayo magiging matatag.” Payo sa akin ng lalaki. Pakiramdam ko ay naliwanagan ako ng bahagya sa sinabi ng lalaki. Hindi ko pa rin nakuhang umimik. Dumadaloy pa rin ang luha sa aking mga mata.


“Salamat..” Pagpapasalamat ko sa kanya.


“Walang anu man. Basta, ito ang laging isipin mo..” Nagbitaw siya ng isang malalim na buntong hininga bago magsalita muli. “Na kahit na masaktan ka. Dadating at dadating ang taong para sa iyo. Hindi na’tin alam kung nasaan siya ngayon. At lalong hindi na’tin alam kung sino siya. Basta ang lagi mo lang isipin ay dadating siya.” Muli ulit siya natigilan. “Kasi ako? Hindi ko rin inaakala na paglalaruan muna ng tadhana ang kapalaran ko bago ko mahanap ang taong para sa akin. Hindi ko rin inaakala na nasa tabi tabi lang pala siya, at ang mas matindi ay lagi ko pa pala siyang kasama..” Nagtaka naman ako sa sinabi ng lalaki. Hindi ko kasi makuha ang punto niya sa paglalahad niya sa kanyang buhay pagibig.


“Huh?” Natataka kong tanong.


“Ah basta. Maki-agos ka lang sa daloy ng buhay. Kasi sa huli ay may nakatadhana upang mahalin ka ng buo. At hindi pa doon matatapos ang sakit.. Kasi kahit sa tingin mo ay iyon na, o sabihin na nating iyon na nga ang taong hinahanap mo. Susubukin pa rin kayo, kailangan niyo lang ipaglaban ang isa’t isa, kahit si kamatayan pa ang maghiwalay sa inyo.” Payo niya pa. Ako naman ay nakatungo lang at nakikinig sa mga payo niya.


“Uhm? Sino pala iyong taong sinasabi mo? I mean? Yung taong iniibig mo?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Tol.” Ang narinig ko mula sa isang lalaki na kumalabit sa lalaki na kausap ko ngayon. Gwapo ang lalaki at matangkad ito. Sa aking palagay ay nasa edad-25 na ang lalaki. Kung titignan mo itong mabuti ay para itong kalahating pinoy at kalahating lebanese? Ewan, hindi ako sigurado pero iyon ang dating sa akin ng lalaki.


“Ahh, heto na pala siya..” Sabi ng lalaking kausap ko kanina. Laking gulat ko naman dahil pareho pala silang lalaki. Gay couple din pala sila, at lalo tuloy akong namangha dahil sa sinabi nga ng lalaki na nanindigan sila sa kabila ng mga pagsubok. Nakakatuwa dahil bagay na bagay sila ngunit hindi ko rin naman maiiwasan ang makaramdam ng konting ingit dahil nga sa taliwas ang sitwasyon ko sa nakikita ko sa kanila. Mag-asawa na ba sila? Hays. Ewan pero nakapa-sweet nilang tignan. “Oh siya, una na kami. Sana man lang ay kahit papaano ay nakatulong ako upang mapanatag ang loob mo..” Sabi sa akin ng lalaki at tumayo ito. Inakbayan naman siya ng kanyang boyfriend at lumayo. Ngunit, laking gulat ko ng bigla itong bumalik at inabot sa akin ang kanyang kamay. “Oh, I forgot, Enzo nga pala.” Pagpapakilala niya sa sarili. “And you?’


“Ahh. Colby. Colby ang name ko..” Pagpapakilala ko rin.


“Nice meeting you Colby. Oh paano ba yan, uuna na kami ah?” Pagpapalam niya.


“Salamat kuya Enzo, nice meeting you din po..” Pagpapasalamat ko at muli siyang tumakbo sa boyfriend niya.


Ewan ko, ngunit parang pamilyar ang pangalan na iyon sa akin.  Ang mahalaga, ay kahit papano ay naliwanagan ako sa sinabi ni kuya Enzo. Na kahit na mawala sa akin si Tristan, dadating at dadating ang taong para sa akin. At mas lalo akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni kuya Enzo na ‘sa huli ay may nakatadhana upang mahalin ka ng buo’ sana nga. Sana nga ay may dumating para sa akin.


Bagaman hindi pa ako nakaka-recover sa hapdi ng sugat na binuo ni Tristan sa puso ko. Inisip ko na lamang na may mga tao pa namang nagmamahal sa akin, nandyaan ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko,  at si bes.
Sa ngayon, hindi ko pa kayang kalimutan si Tristan dahil mahal ko pa siya. May dalawang buwan din halos ang pinagsamahan namin bilang ako si Colby, at kung isasama pa ang mga panahong nagpapangap ako, halos may limang buwan ko siyang minahal, kaya naman hindi ganoong kadaling kalimutan ang mga masasayang alala.


Ngunit, naniniwala ako sa kasabihang “Only time heals..” Tama naman e, kailangan ko lang siguro ng oras upang kalimutan at ibaon na sa lupa ang nararamdaman ko para kay Tristan. Pero, hindi pa ngayon. Dahil masakit pa. Sobrang sakit pa.
Mga sampung minuto bago umalis si kuya Enzo ay muli kong isinalpak ang earphone ko sa aking tenga. Sari saring mga kanta ang pinakinggan ko, may mga love songs na salungat naman sa nararamdaman ko. Hanggang sa isang pamilyar na kanta ang muling tumugtog mula sa aking playlist.




(Paki-play na lang po yung video if gusto niyo pong pakingan yung kanta, salamats!) (Credits to the owner of this video)




Paalam- Silent Sanctuary


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…


Kung may bago ka nang mamahalin
Wag kang mag alala ako ay masasanay rin
Parang kahapon lang tayo’y magkasama
Naging isa na syang ala-ala
Mula ngayon araw-araw ng mananalangin
Na sana’y lagi kang masaya…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…


Paalam na…


Sa mga yakap at halik
Sa tamis at pait
Bakit hinayaan?
Sinayang ko lang
Ang iyong wagas na pag-ibig


Di na kita kukulitin…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong di na
Mabubuhay pa…


Paalam na…
Paalam na…
Paalam na…
Paalam na…


Iyon ang kantang kinanta sa akin ni Tristan noong una kaming nagkasama sa mini park ng subdivision namin. Muli, bumalik tuloy ang mga masasayang alala namin sa kantang iyon.


Ngunit, ang mensahe ng kanta ang nagdulot sa akin ng ibayong kalungkutan. Bawat salita kasi na sinasabi sa kanta ay tumatagos sa buong katauhan ko.  


Kailangan kong magparaya, masaya na siya sa piling ng iba. Siguro, kahit sa huling pagkakataon ay doon ko na lang ibuhos ang buong pagmamahal ko sa kanya – ang palayain siya. Alam kong magiging mahirap sa akin ang lahat, pero anong magagawa ko? Hindi dapat ako magpumilit, mahirap ang isang relasyong pilit. Mahirap ang isang relasyon na inaayon lamang sa sinasabi ng iisang tao, dapat ay laging naayon sa damdamin dahil pareparehas lang din naman kaming mahihirapan.


Kahit masakit at punong puno ng galit ang puso ko para kay Tristan. Dapat ko siyang unawain. Kung mas mahal niya si Rafael dapat ko siyang hayaan, kung iyon at iyon lang ang makakapagpaligaya sa kanya. 


Kailangan kong magparaya. Para sa kanya, at para na rin sa ikabubuti ko. Kahit na.. kahit na sobrang sakit.
T.T



Hindi na kita guguluhin Tristan, malaya ka na..ganyan kita kamahal… T.T



Maya maya ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko. May tumatawag! Ng makita ko ang screen ng cellphone ko, si bes pala..


Calling: Bes


“Hello bes?” Bungad ko sa tawag niya.


“Uy, bes? Kamusta?”


“Ayos lang naman bes.. Ito na sa seawall. Nakatambay..”


“Alam ko.” Napa-“huh?” naman ako sa sinabi ni Xander? Paano niya nalaman e nasa Manila siya? “Huh? Paanong alam mo?” Nagtataka kong tanong.


“Tingin ka sa likod..” Sabi ni bes.


Lumingod ako sa likuran ko at laking gulat ko na nasa likod nga si bes at si.. teka.. bakit? Bakit kasama niya si Tristan?!


“Kakausapin ka niya bes, kung ano man ang magiging takbo ng usapan niyo, nandito lang ako.” Sabi ni Xander sa phone. Unti-unting lumapit si Tristan at nakatungo ito. Mistulang nahihiya, ngunit paano naman kaya niya nakumbinsi si bes? At paano sila nakapunta dito? At bakit siya nandito? Ako na nga ang kusang lumayo di ba?


Nakasalpak pa din ang earphone ko sa aking tenga habang siya naman ay nakaupo sa tabi ko at nakatungo. Kung titignan mo kami ay pareho kaming malungkot at mistula kaming hindi magkakilala, parang walang pinagsamahan. Tahimik at tila walang gustong bumasag ng katahimikan na namamagitan sa amin. Ewan ko kung ano laman ng isip niya. Basta ako, tanging hapdi at sakit lang ang lamang ng puso’t isip ko.


Gusto ko siyang hagkan ngunit hindi pwede, hindi ko na siya pagmamayari pa. Gusto ko siyang halikan ngunit sa palagay ko ay isang kataksilan naman kay Rafael ang gagawin ko. Gusto kong haplusin ang kanyang mukha ngunit parang may pwersang pumipigil sa akin upang wag itong gawin. At higit sa lahat, gusto kong muling ariin ang puso ni Tristan, ngunit, pagmamay-ari na ito ng iba. Masakit man, ay kailangan kong tangapin.


Iyon na ata ang pinakamasakit na tagpong naramdaman ko sa tanang buhay ko. Ang angkinin ang taong mahal ko ngunit hindi pwede dahil hindi na siya sa akin. At ang pinakamasakit sa lahat, ay ang magpaalam sa taong mahal mo ng labag sa kalooban mo ngunit kailangan dahil iyon lang ang tanging paraan upang  lumigaya siya.


“Tristan?” Pambasag ko sa katahimikan.


“Hmmm?” Simpleng tugon niya.


Hindi ko na siya sinagot pa. Ang tanging ginawa ko ay inabot ko sa kanya ang kaliwang bahagi ng aking earphone. Tinangap niya naman ito at ipinasok sa kanang bahagi ng kanyang tenga. Nilakasan ko ang volume ng cellphone ko at pinatugtog at sabay naming pinakingan ang kantang..



(Paki-click na lang po ulit yung video if gusto niyo pong maranig yung song. Salamats!) (Credits to the owner of this video)




Before I let you go – Freestyle


I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that your love
Made me feel... Oh... So right


But now I feel lost
Don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears
I'm trying with all my might 


Because you've gone and left me 
Standin' all alone
And I know I've got to face 
Tomorrow on my own
But baby



Before I let you go
I want to say I love you... 
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby... 
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah... 
So before I let you go
I want to say I love you... 


I wish that it could be 
Just like before
I know I could've given you 
So much more
Even though you know
I've given you all my love


I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you 
That I'm always dreamin' of


Because you've gone and left me 
Standin' all alone
And I know I've got to face 
Tomorrow on my own
But baby


Before I let you go
I want to say I love you... 
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby... 
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah... 
So before I let you go
I want to say


Cause letting love go is never easy
But I love you so
That's why I set you free
I know someday, somehow
I'll find a way 
To leave it all behind me
Guess it wasn't meant to be my baby


Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do
So before I let you go
I want to say... 
So before I let you go
I want to say... 



I love you...



Napakasakit ng mensahe ng kanta. Habang pinatutugtog ang kanta ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Napakasakit sa damdamin ang magparaya, lalo na’t napamahal ka na sa tao. Ngunit wala akong magagawa, this is my only option.


Naalala ko na naman yung mga araw kung saan parehas kaming inspired sa isa’t isa. Yung mga oras na ako pa si Vince, noong pinatawad niya ako sa kabila ng pagsisinungaling ko, noong naging kami, noong first and second monthsary namin. Ngunit, sadya sigurong mapaglaro ang tadhana upang linyahan ang lahat ng ito.


Totoo nga siguro ang sinasabi sa kanta na Cause, letting love go is never easy.. But I love you so, that’s why I set you free.. Tama na ang magparaya ay masakit. Ngunit, sa sobrang pagmamahal ko sayo Tristan gagawin ko to. Dahil mahal kita. Hindi lang, mahal na mahal kita.


Tinignan kong mabuti ang reaksyon ni Tristan pagkatapos na pagkatapos ng kanta. Napansin kong may tumutulong luha din mula sa kanyang mga mata. Marahil ay may nararamdaman pa siyang guilt sa sarili.


“Colby..” Pagtawag niya sa pangalan ko sabay yakap sa akin. “Patawad Colby, patawad sa lahat ng nagawa ko.. sa pagtataksil ko, sa ginawa kong sugat sa puso mo.. patawad Colby, patawad.” Malambing niyang sambit habang nakayakap sa akin.


“Hindi kita masisisi..” Nasabi ko na lang.


“Colby? Aaminin ko sayo, kami nga ni Rafael kahit na mayroon pa tayong relasyon at humihingi ako ng tawad para dun. At Colby, hindi ko intensyon ang saktan ka. Sasabihin ko na dapat sayo kaso hindi ko din inakala na aabot pa sa puntong pati ang buhay mo manganib. Nakaramdam ako ng sobrang pagkaguilty sa sarili Colby. Hindi ako naging fair sa iyo. Minahal mo ako ng buo pero ako..” Nahahabag niyang sabi. Niyakap ko na lang siya. Hindi alintana ang mga tao na nasa seawall pa sa mga oras na iyon. Oo, masakit para sa akin ang palayain si Tristan, pero heto na lang ang natatanging pagpipilian ko. Heto na lang ang paraan na alam kong masakit ngunit sa bandang huli ay parehas naman kaming magbe-benefit.


“Mahal mo talaga siya?” Tanong ko sa kanya.


“Oo Colby, sorry..” Pagamin niya. Hindi na ako tumugon pa. Tumalikod ako sa kanya at tinabunan ng panyo na bigay sa akin ni kuya Enzo ang aking mukha upang hindi niya na makita pa ang paghihinagpis ko. Napakaraming tulo ng luha ang dumaloy sa aking mga mata. Ewan ko ba kung bakit hindi maubos ang mga luha ko. Napakasakit kasi e. Napakasakit na harap harapang sabihin sayo ng taong mahal mo na hindi ka na niya mahal at iba na ang tinitibok ng puso niya.


“Colby, harapin mo naman ako. Patawad na Colby..” Sabi niya.


Hindi ako nagpatinag. Ganun pa rin ang posisyon ko. Kailangan kong ilabas ang lahat ng luha at sakit na nasa loob loob ko.


Sa palagay ko ay nasa dalawang minuto na akong ganoong posisyon ng bigla akong humarap sa kanya at siniil siya ng halik!


Sa tingin ko ay iyon ang halik na punong punong ng sakit at dalamhati. Ipinapangako ko. Ito na ang huling halik ko sayo Tristan – Paalam Tristan.


“Tristan, mahal na mahal kita tandaan mo yan. At dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Binibigyang laya na kita.. “ Sabi ko sa kanya sabay tayo mula sa kinauupuan namin. Tumalikod ako at lumakad palayo sa kanya.
Sa bawat hakbang ko ng aking mga paa palayo sa kanya ay mistulang napakabigat. Iyon bang parang ayaw ko nang umalis sa tabi niya ngunit iyon lang ang natatangi at tamang paraan upang lumigaya siya. Dahil mahal mo siya, at siya lang tanging dahilan kung bakit mo siya pinalaya - sa ikaliligaya niya.


Masakit man, ay kailangan ko na lang tangapin. Hindi talaga siguro kami ni Tristan para sa isa’t isa.


Habang naglalakad ako papunta sa kawalan ay napuna ko ang isang lalaking sobrang napamahal na rin sa akin, ang taong nagpapasaya sa akin sa oras na malungkot ako, si Xander – Ang bestfriend ko.


“Bes??” Tanong niya sa akin habang umiiyak ako. “Anong nangyari? Ba-bakit ka umiiyak?”


“Wala na siya bes! Sinuko ko na siya, pa-para sa ikaliligaya niya..” Maiyak-iyak kong sabi kay Xander. Hindi niya na ako sinagot pa, niyakap niya na lang ako ng mahigpit at tila sinasabi sa mga yakap niya na ‘okay lang yan, marami pang iba diyan, lilipas din iyan..’


“Bes, sorry kung dinala ko pa siya dito. Kinulit ko si Tita na pumunta dito para man lang madamayan ka sa paghihinagpis mo, pero kinulit ako ni Tristan na makausap ka. Ayaw ko sanang pumayag pero noong nasa terminal na ako ng bus ay sinundan nya ako. Lumuhod siya sa harapan ko. Sobra daw kasi siyang naguguilty sa lahat ng nagawa niya. Kaya pumunta siya dito upang humingi ng tawad.. at..” Natigilan si Xander.. “At magpaalam sayo..”


Napahagulgol na lang ako habang yakap yakap ako ni Xander. Sana, si Xander na lang ang minahal ko. Hindi na sana ako dehado pa. Dahil, alam kong mamahalin niya rin ako. Pero, bestfriend lang din talaga kami, at sa ngayon ay masakit pa ang sugat na ginawa ni Tristan sa aking puso.


Siguro nga ay tama ang kasabihang, may mga taong sadyang darating sa buhay na’tin upang turuan tayo kahit sa paraang masasaktan tayo. Dahil kung hindi naman masasaktan ang puso, hindi ito matuto at magiging matatag.


Alam ko, tama ang ginawa kong desisyon na palayain si Tristan. Sa ngayon, hindi ko masasabi kung ano ang pakiramdam. Mixed Emotions kasi sa totoo lang. Masaya dahil alam kong magiging masaya na siya sa piling ng iba dahil kung mas pipiliin kong manatili siya, parehas lang kaming madedehado at masasaktan. Ngunit, sa kabilang banda naman ay sobrang hapdi dahil alam ko sa sarili ko at ramdam ko na mahal ko si Tristan, sinunod ko lang ang gusto niya dahil alam kong tama ito. Alam kong sa huli, ay hindi ko pagsisihan ang ginawa kong desisyon.


Noon ang pagaakala ko ay kami na talaga ni Tristan ang para sa isa’t isa. Lubha kasi akong namangha dahil tinangap niya at pinatawad ako sa kabila ng ginawa kong kasinungalingan sa kanya at syempre tinangap niya ako kahit na hindi naman ako pinagkaluoban ng kaaya ayang itsura. Ngunit, lahat pala ng pagaakala ay dapat binibigyan ng limitasyon, kasi kung masyado kang mag-eexpect, sa huli ay ikaw din ang masasaktan.


Masalimuot man ang kinahantungan ng unang lalaking minahal ko ng buong buo sa aking buhay ay hindi ako nagsisisi. Nasaktan man ako, ay pipilitin kong isilid sa kaloob looban ng utak ko na parte talaga ng buhay pagibig ang masaktan ka.


Hindi ako susuko. Dahil tama si kuya Enzo sa kanyang sinabi. May taong nakatadhana talaga para sa akin, siguro nga ay tulad rin ng sa kanya ay pinaglalaruan lang ako ng tadhana.
Naniniwala ako, hindi pa ito ang katapusan ng kwento ko.



“Hindi pa…”




Wakas..















(So guys? How’s the ending? Sorry kung bad ending ahihi >.< Hindi pa naman eto yung last e.
Yes, tama ang inyong nabasa, “Hindi pa..” Dahil.
.
.
Inahahandog ko sa inyo, ang pangalawang book ng 318 series =) "318 (My Second Attempt to Love)" And yes, nandoon pa po ang ating minahal at kinainisan na Character, si Colby. =) Ipopost ko din po ang teaser bukas =))

Salamat! :*



-nieL

Tuesday, June 11, 2013

318 (Ang textmate ko) Chapter 12.




318 (Ang textmate ko) 


By: Imyours 18
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph   (https://www.facebook.com/niel.isyours?ref=tn_tnmn)        
Wattpad Username: Nyeniel

Authors Note:

Guyyysss!! Eto na hehe. One more episode, ending na tayo. Salamat po sa mga sumuporta sa kwentong to. Hanggang sa susunod na kwentong isusulat ko, sana po ay patuloy nyo pa rin pong tangkilikin =) Salamatsss.. 


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.



ENJOY READING ...





Chapter 12



“Gago ka!! Anong ginawa mo sa bestfriend ko???!!!!!” Galit na tanong ni Xander sa akin. Kapansin pansin sa kanya ang pamumula sa sobrang galit. Tumagataktak din ang pawis nito. Sige lang Xander! Saktan mo lang ako! Kahit na sa ganitong paraan man lang sana ay mabawasan ang guilt na nararamdaman ko sa loob loob ko.


“Xander, aaminin ko, nagkamali ako..” Mapagkumbaba kong sagot.


“Oo Tristan! At hindi lang basta basta yun.. Alam mo ba ang ginawa mo Tristan?! Ha?! Ha?! Sinaktan mo ang damdamin ng bestfriend ko! Tapos ngayon?! Muntikan pa manganib ang buhay niya ng dahil sayo! Nang dahil sa kataksilan mo!!!” Galit niyang tugon. Nanatili pa rin akong nakaupo sa sahig at tila iniisip ang mga sinasabi ni Xander. Lalo tuloy akong nakaramdam ng gulit sa sarili, lalo akong nahahabag sa nangyari kay Colby, muntikan ng manganib ang buhay niya at nakakatiyak ako na kapag nagising na siya ay sasabihin niyang hindi niya na gustong mabuhay pa o bakit binuhay pa siya dahil sa mga nakita niya.


“Patawad Xander..” Mahina kong sabi. Napansin kong may iilang mga tao ang nakiki-usisa sa pagkakasuntok sa akin ni Xander ngunit hindi ko na ito ininda. Ang tanging nasa isip at damdamin ko ay ang guilt, ang guilt sa lahat ng nagawa ko. Napahamak si Colby ng dahil sa akin! Nang dahil sa kataksilan ko! Na-guguilty ako!


“Patawad?! Magagamot ba ng patawad mo ang sinaktan mong damdamin ng bestfriend ko?! Ha?!” Si Xander. Hindi ko na nakuhang sumagot pa sa mga sinabi niya. Naramdaman kong tumulo na lang din ang luha ko dahil sa sobrang pagkahabag na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano gagamutin ang sugat na binuo ko sa puso ni Colby. Napakasama ko!! “Bakit Tristan?! Kung iyong Rafael na iyon ang makita mong may kasamang iba?! Anong pakiramdaman?! Di ba masakit?! Di ba walang kasing sakit ang pagtaksilan?! Ha?” Dagdag niya pa at napansin kong may namumuong luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa naramdaman ko muli ang isang pang suntok na lumapat sa aking mukha. “Su-subukan mong lumapit sa bestfriend ko! Wag na wag kang lalapit sa bestfriend ko! Tandaan mo yan!” Pagbabanta sa akin ni Xander.


“Xander, tama na yan..” Malumanay na pagkakasabi ni Grace upang amuhin ang galit na galit na si Xander. Napansin kong masama pa rin ang tingin sa akin ni Grace ngunit pinipilit niyang pakalmahin ang sarili para na rin sa ikabubuti at upang hindi na lumalala pa ang tensyon sa amin ni Xander. “Sige na, umuwi ka na Tristan..”


Sinunod ko ang sinabi ni Grace. Umuwi na lang ako at napagdesisyunan kong bukas na lang dalawin at alamin ang kalagayan ni Colby. Naiintindihan ko ang reaksyon ni Xander kung bakit siya nagkakaganun. Nasaktan ko ang damdamin ni Colby, at muntikan pa manganib ang buhay niya ng dahil sa akin. I’m the only one who is responsible to what happened. Nagagalit ako sa sarili ko! Sa kagaguhang ginawa ko! Na-guguilty ako! Of all the times minahal ako ni Colby ng sobra pa sa inaakala ko, pero anong ginanti ko?! Ang sama sama ko!!!




Rafael’s Point of View:



Natatakot ako sa mga nangyayari sa ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong mahalin at balikan muli si Tristan. Alam ko na mahal niya ako, at mahal niya pa ako kahit na sila na ni Colby ngunit masyado akong nagpaalipin sa nararamdaman ko. Hindi ko man lang inisip ang mga risk na pwedeng mangyari. Hindi ko man lang inisip na may masasaktan at hindi na siya sa akin. Sobrang pagkahabag ang nararamdaman ko! Pakiramdam ko ang sama sama ko!!


Alam ko na mas magiging mas masaya siya sa piling ko. Kaya naman nagawa kong balikan si Tristan muli habang sila pa ni Colby. Hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang pumasok sa usap ko upang sundin agad ang nararamdaman ko without knowing kung ano ang pwedeng maramdaman ni Colby. Alam ko ang pakiramdam ng pagtaksilan at iwanan, pero hindi ako naging aware na iparamdam to sa iba.


Kinausap ko na si Tristan na sana ay sa lalong madaling panahon ay kausapin niya na si Colby at hiwalayan na ito dahil hindi na tama. Mahirap ang isang tagong relasyon. At lalong mas mahirap ang isang illegal na relasyon.


Noong una ay hindi ko pinuna ang kalagayan ni Tristan. Hindi ko ininda na committed pa siya kay Colby, ang tanging nasa isip ko ay mahal ko pa siya. At aaminin ko, kahit ilang buwan na rin ang nakakalipas pagkatapos namin magbreak ay hindi ko pa rin makuhang kalimutan si Tristan.


At nagkaroon nga kami ng relasyon habang sila pa ni Colby na kapatid ng bestfriend ko. Kaya naman mas lalo akong nahabag sa sitwasyon dahil dati kong bestfriend si Grace at madami na rin kaming magandang pinagsamahan. Pero, masisisi niyo ba ako kung sinunod ko lang ang puso ko?!


Akala ko kapag sinunod ko ang nararamdaman ko ay magiging okay ang lahat. Darating pa pala sa pagkakataon na pagbabayaran ko ang isang magandang relasyon na sinira ko. Oo, nasira ko ang relasyon ni Colby at ni Tristan! At, ngayon mas lalo akong nakakaramdam ng guilt sa sarili. Alam ko ang pakiramdam ng iwan ng minamahal mo. May ilang beses ko na ring naranasan iyan.


Gusto kong humingi ng tawad kay Colby. Ngunit, alam kong sa nasaksihan niyang sitwasyon kanina ay alam kong kahit maka-ilang patawad pa ako ay hindi niya ako mapapatawad. Gusto kong ihingi ng tawad ang lahat, sa simula pa lang na hiniya ko siya ng mabanga ko siya noon at matapunan siya ng chocolate shake sa katawan, hanggang sa nasaksihan niya kanina at higit sa lahat ang tagong relasyon namin ni Tristan habang may relasyon pa sila.


Ngunit, hindi ko kayang i-give up si Tristan sa sa kanya. Alam kong sinusubok lang kami ni Tristan. Ako ang tinitibok ng puso niya, at ngayon ay kailangan namin manindigan. Kailangan din namin itama ang lahat ng nagawang kamalian ng relasyon namin.


“Babe?” Tawag ni Tristan mula sa labas ng kanyang kwarto. Alas-2 na ng madaling araw noon ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil sa dami ng iniisip ko. Hindi na ako sumagot pa. Hinayaan ko lang siya pumasok sa loob ng kwarto niya. Hinalikan niya ako sa labi ngunit hindi ako gumanti ng halik. “Bakit babe? Anong problema?” Malumanay niyang tanong.


“Ang relasyon na’tin..” Mahina kong sagot sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko na niyakap niya ako.


“Alam ko, alam kong mali.. Pero, hindi naman na’tin ginusto ang lahat di ba? Sinunod lang naman na’tin ang nararamdaman na’tin. Handa na rin naman tayo umamin babe e. Kaso sadyang mapagbiro ang tadhana upang mapa-aga at mangyari ang lahat ng ito.” Sambit ni Tristan. Oo may punto siya, ngunit hindi pa rin maalis ang ‘guilt’ na nararamdaman ko sa loob loob ko. “Nararamdaman ko babe, naguguilty ka sa mga nangyayari. Ako rin naman e, lalo na’t may relasyon pa kami at hindi pa kami naghihiwalay, pero handa akong pagdaanan ang lahat ng ito babe, may paraan upang itama na’tin ang lahat. Marahil ay nasaktan na’tin ang damdamin ni Colby ngunit kilala ko si Colby, napakabait niyang tao upang hindi makapagpatawad..” Dagdag niya pa.


“Hindi mo kasi ako naiintindihan babe, ako yung tumatayong kontrabida dito! Nahihirapan din ako! Kasi hindi lang ako binabagabag ng konsensya ko! Pakiramdam ko ay sa akin nakamata ang lahat! Ako ang masama!!” Naluluha kong sagot kay Tristan. Pinunasan niya ng kanyang mga daliri ang luha na dumaloy sa aking mga pisngi at hinalikan niya ang aking labi.


“Rafael, masakit sa iyo ang nangyari.. masakit din sa akin. Nararamdaman ko din ang nararamdaman mo. Pero nandito na tayo babe, kailangan na’tin panindigan na to.” Ani ni Tristan. “Walang mali sa pag-ibig. Minsan kahit sabihin na nating may natatapakan tayong tao kailangan pa rin na’tin manindigan. Kasi, hindi magiging tama kung pipigilan mo ang nararamdaman mo. At kung sasama ako sa taong alam kong hindi ko mahal. Magiging unfair ito sa iyo, sa akin, at lalong lalo na sa kanya. Kaya siguro masaklap man ang kinahantungan ay kailangan tayo manindigan. Kailangan na’tin isipin kung ano ba ang tama sa sitwasyon na nangyayari ngayon. At ikaw, ikaw ang kailangan ko Rafael, sayo lang ako humuhugot ng lakas..” Malumanay niyang sabi. Ewan ko, pero parang naliwanagan ako sa mga kamaliang nagawa namin sa mga sinabi niya.


“Mahal na mahal kita Tristan..”


“Mahal na mahal din kita Rafael..”


“Maipapangako mo ban a kahit anong mangyari, paninindigan mo ang pagiibigan natin. Kahit na alam kong masakit at may masasaktan?”


“Pangako..”




Colby’s Point of View:




Bakit nagising pa ako?! Bakit hindi na lang nila hinayaan na mamatay ako?! E di sana hindi na bumabalik pa sa isipan ko ang lahat ng pagtataksil ni Tristan!! E di sana wala nang sakit- sakit na binuo ni Tristan sa loob loob ko. Sana hindi na lang ako nagising! Sana tuluyan na lang akong namatay! !


Bumalik tuloy sa isipan ko ang nakita ko noong araw mismo ng birthday ko!


“Lo..” Naudlot ang sasabihin ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ni Tristan. Kitang kita ng dalawang mata ko ang paghahalikan nila ng isang lalaking pamilyar sa aking paningin! Parehas silang walang saplot! Te-teka!! Siya yung lalaking nang-hiya sa akin sa akin noong first day of school. Siya rin iyong lalaking nakita kong kasama ni Tristan sa mall kasama ang isa pang babae. Shit! Ba-bakit?! Sila naghahalikan?! At bakit sila pareho silang hubo’t hubod at tila sarap na sarap sa ginagawa nila.


Nagising na lang ako sa aking diwa na tumutulo ang napakaraming patak ng luha sa mga mata ko. Naririnig ko ang pagtawag ni Tristan habang palabas ako ng bahay nila ngunit hindi ko ito ininda. Ang nasa loob ko ay ang hapdi at tila tinatadtad ang puso ko sa sobrang sakit sa eksenang nakita ko. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko sa nasaksihan.


Nagtatakbo ako ng parang wala nang bukas. Tila wala ako sa sarili at hindi ko na nararamdaman na wala pala akong suot suot na tsinelas. Napakasakit! Sa sobrang sakit ng nakita ko ay parang namanhid ang buong katawan ko.


Hanggang sa nakita ko ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa isang sasakyang paparating sa akin. Bumusina ito ng napakalakas ngunit hindi ko ito pinansin. Naaninag ko pa ang mukha ng taong nasa sasakyan ngunit ngayon ay hindi na ito malinaw sa akin. Basta ang alam ko ay isang lalaki ang nasa loob ng sasakyan. Napuna kong gulat na gulat siya at pilit na pinepreno ang sasakyan ngunit huli na. At iyon na ang huli kong natandaan..

________________________________

Ngayon ay narito ako sa hospital at teka? Bakit hindi ko maigalaw ang kaliwang kamay ko? At 

ARRRGGHH! Ansakit!


 Agad agad kong nakita si Xander at si Ate Grace na tulog sa couch ng hospital. Hindi ko na sila ginising pa. Agad na napako ang mata ko sa kisame,  inisip at binalikan ang mga pangyayari na nasaksihan ko- ang pagtataksil sa akin ni Tristan.


How can he do this?! We’re in a relationship pero nakikipagtalik siya sa iba! Alam niya ba kung gaano kasakit?! At hindi pa klaro sa akin kung sino iyong lalaking iyon?! Kung bakit? Kung bakit siya nasa kama ng boyfriend ko at mistulang enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa?!


Hindi nagtagal ay napansin kong may nagbukas ng pintuan. Hindi ko ito ininda dahil nananatili pa ding nakapako ang tingin ko sa kisame. Para akong wala sa sarili, walang pakielam sa mundo, ang tanging nasa isip at puso ko ay ang sakit! T.T


Agad kong tinanaw kung sino ang nagbukas ng pinto. Shit lang! Anong ginagawa niya dito! Pagkatapos ng ginawa niyang pagtataksil ay nandito siya? Kulang pa ba ang sakit na binuo niya sa puso ko?! Gusto niya pa bang dagdagan?!


Lumapit siya sa kama ko ngunit hindi ko siyang tinignan. Ibinaling ko ang aking paningin sa kisame at hindi pinansin ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. What the hell! After mo makipaglampungan sa lalaking iyon?! Hahalik ka sa akin?!


“Colby, kamusta na?” Mahina niyang tanong. Napansin kong parang may kung ano sa boses niya. Parang boses ng isang nagmamakaawang tao. Pero, kahit anong gawin niyang pagmamakaawa, hindi pa rin maalis ang sakit dito sa puso ko.


“Kamusta na.” Paguulit ko sa sinabi niya. “Hindi mo ba kayang sagutin ang tanong mo? Of course hindi okay! Nang dahil sayo..” Sagot ko sa kanya.


“Colby. Nan-“ Naputol niyang sagot.


“Nandito ka para ano? Para saktan muli ako? Hindi ka pa ba kuntento?! Kulang pa ba Tristan?! Kung pa ba?” May pagtataas ng boses kong sabi. Inangat ko ng konti ang aking katawan ngunit biglang sumakit ang kaliwang kamay ko. “Arrayyy!” Sigaw ko sa sobrang sakit. Nagising si Xander at si ate Grace sa mga pagsigaw kong iyon.


“Anong nangyayari dito bes? Nagising ka na pala?” Alalang tanong ni Xander. “Bakit ka nandito?!” Bulyaw niya kay Tristan.


“Gusto ko lang naman kamustahin si Colby, gusto kong alamin ang kalagayan niya..” Mahinahong sabi ni Tristan. Kamustahin?!  O come on, kamustahin ang ginawa mong kalokohan?! Ang resulta ng ginawa mong pagtataksil?!


“Umalis ka na, maayos na ako..” Malamig kong sagot sa kanya. Napansin ko si bes na parang pigil na pigil ang emosyon. Namumula kasi ito at parang gusto niyang suntukin si Tristan. Ngunit, kilala ko si Bes, alam kong hindi niya gagawin iyon dahil alam niyang ayaw ko ng gulo, lalo na sa kalagayan ko ngayon.


Umalis si Tristan ng hindi na nagsalita. Mistula itong isang batang pinahiya ng kanyang guro sa harapan ng klase sa sobrang pagkahiya. Dapat lang siyang mahiya! Dahil kung binabagabag man siya ng konsensya nya ay kulang pa sa sakit na nararamdaman ko sa ngayon.


“Bes kamusta ka na?” Pangagamusta ni Xander.


“Okay lang bes..” Malamig kong tugon. Hindi ko alam, pero hindi pa rin ma-absorb sa loob loob ko ang mga nasaksihan kahapon sa bahay nila Tristan. “Bes, bakit masakit iyong kamay ko? Anong nanyare?”


“Nagkaroon ka ng bone fracture bes. Sabi ng doctor ay madali naman daw gagaling iyan. Kailangan lang daw ng regular check up sa orthopedic. Sabi din ng doctor na pwede ka na rin namin iuwi bes. Dahil iilang test na lang ang gagawin sa iyo ng doctor..” Sambit niya. “Bes? Pwede ba akong magtanong?”


“Oo naman bes, ano yun?”


“Ano ba talagang nangyari? Kasi kami ng ate mo walang masyadong idea. Ang alam lang namin ay yung lalaking kasama ni Tristan dito kagabi ay si Rafael na boyfriend na ngayon ni Tristan. Bes, nasuntok ko siya kagabi sa sobrang galit ko. Sa sobrang pagkamuhi ko sa ginawa niyang pagtataksil sa iyo. Nasaktan kasi ako bes e. Ayoko nang nahihirapan at niloloko ka. Kasi tinuring kitang kaibigan at parang kapatid na din. Kaya ayokong ginagago ka bes..” Paglalahad ni Xander. Sobra naman akong na-touched sa sinabi niya. Buti pa siya, ayaw niya akong nakikitang masaktan, pero yung Tristan na iyon?! Shit! I almost gave my all pero ano?! Anong sinukli niya? Tangina!


“Wag na lang na’tin pagusapan bes.. Nasasaktan ako kapag naalala ko.” Sagot ko kay Xander. At muling dumaloy ang luha ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Niyakap lang ako ni bes at ni ate.


Alas-10 ng umaga nang dumating si mommy. Tapos na ang lahat ng test na ginawa sa akin ng doktor. Sa kabutihang palad ay bone fracture lang naman ang komplikasyon ko. Kailangan ko lang daw magkaroon ng regular check up sa orthopedic upang gumaling daw ito agad.


“Mom? Pwede po bang humingi ng favor?”


“Ano yun son?”


“Pwede bang doon muna ako kila tita sa probinsya mom? Kahit 1 week lang po. Gusto ko lang po muna mag-unwind. Tutal, may isang lingo pa at tatlong araw pa naman po bago magpasukan e..” Hiling ko kay mommy. Gusto ko muna kasi sana mag-unwind upang kumalimot saglit sa mga pangyayari. Masyado na akong nasasakal at gusto ko munang kumalimot, kahit saglit. Ayaw ko munang maalala ang lahat ng pangyayari na nakapagdadala ng sakit sa loob ko.


“Okay lang sa akin anak. Gusto mo bang isama si Xander? Para may makausap ka doon? Para makapag-bonding kayo?” Pagtatanong ni mommy. Mas okay na sigurong hindi ko muna isama si bes. Gusto ko munang makalimot sa mga pangyayari. Gusto ko munang mapagisa.


“Hindi na lang muna siguro mom.. Ako na lang po muna.. tutal isang lingo lang naman po ako dun”


“Okay sige nak. Bukas na bukas ipapasundo kita sa tita mo.”


Nakasanayan ko na kasi na kapag may simpleng problema ako dati ay kila tita ako pumupunta. Ewan ko ba, napakaganda kasi ng tanawin doon e. Lalong lalo na ang sea wall na madalas kong tambayan. Napakaganda at napakapayapa doon. Lalong lalo na sa gabi kung saan iilan na lang ang namamasyal. Napakaganda ding panuorin ng sunset doon. Kaya naman kapag nandoon ako kila tita ay madalas akong nasa sea wall na iyon ng mga alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Masyado ko kasing na-enjoy ang tanawin doon.


Kaya naman doon ko piniling pumunta muna sa nalalabing araw ng semestral break.


Alas-12 ng tanghali ay bumisita ang mga kaibigan ko. Nakakatuwa dahil kumpleto sila at may dala dala pa talaga silang prutas para sa akin. E magdi-dismiss na rin naman ako mamayang hapon. Pero syempre, thankful ako.


Masaya ko silang kinausap. Iyon bang parang walang iniindang sakit? Iyon bang puro pagpapangap lang ang ngiti?! Shit! I can’t imagine na makakaya ko palang mag-pretend ng nararamdaman ko!!


Ngunit, kapag bestfriend mo talaga ay sadyang kilala ka. Kapag bestfriend mo talaga ay nararamdaman niya ang  tinatago mong emosyon, kahit hindi mo sabihin.


“Excuse me, guys, can you leave us for a while? Kakausapin ko lang si Colby?” Pakiusap ni Nerrisse sa tropa.


“Bakit kailangan pa namin lumabas? Bawal ba i-share?” Si Rex.


“Saglit lang naman. Please?” Si Nerrisse.


“Okay, tara na muna guys. Colby? Mamaya na lang tayo mag-kwentuhan ah? Kausapin mo muna tong bestfriend mo.” Si Rizza.


“Okay..”


Akmang lalabas na silang lahat maliban kay Nerrisse ng biglang..


“Mahal, maiwan ka dito..” Pagtawag ni Nerrisse kay Lemuel. Nagtaka naman ako kung bakit pati si Lemuel ay kasama.


“Tamo to! Kami di pwede tas yung jowa pwede?” Pagtatampo ni Rex.


“Ugok! Basta, importante lang! Tsupi muna mga teh!” Si Nerrisse.


At lumabas na nga silang lahat, naiwan kaming tatlo sa loob ng room ko. Ewan ko lang kung nasaan si Xander. Ang alam ko lang kasi ay nasa information sila mommy at ate upang asikasuhin ang paglabas ko maya maya.


“Teh, amin ka sa akin? Pagkapunta mo kagabi kila Tristan saka ka naaksidente right?” Tanong ni Nerrise. Tumango na lang ako bilang tugon. “Bakit? Nakapunta ka na ba sa kanila noon? Bakit hindi mo siya kasama?” Paguusisa niya.


“Ayaw ko nang pagusapan pa teh..” Malamig kong sabi. “Kahit anong tungkol kay Tristan, please ayoko nang pagusapan..” Naluluha kong tugon. Nagulat naman si Nerrisse ng bigla akong naluha. Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko. Upang bigyan ako ng comfort.


“Teh? I’m sorry sa tanong. Bakit ka umiiyak?”


“Kasi teh, ang sakit! Sobrang sakit! Iyong binigay mo na ang lahat tapos.. ta-tapos..”


“Tapos ano?”


“Pag-pagta-taksilan ka lang..” Sagot ko habang umiiyak. Ngunit, laking gulat ko ng biglang sumingit sa usapan namin si Lemuel.


“Tsk.tsk.tsk..” Ani ni Lemuel. Bigla siyang lumapit sa amin mula sa couch ng kwarto ko.


“Bakit Lemuel?” Nagtatakang tanong ni Nerrisse.


“Actually, ine-expect ko na to..” Pagsisiwalat niya. Hindi ko naman makuha ang nais niyang sabihin.


“Huh?” Pagtataka ko.


“Si Tristan.. Na pagtataksilan ka..” Pagbubunyag niya. Huh? Hindi ko talaga magets? Alam ni Lemuel ang lahat? “Tulad ng sabi ko dati, classmate at naging malapit na kaibigan ko si Tristan. Alam ko ang tungkol sa kanya. Lalong lalo na si Rafael, ang ex-boyfriend niya. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Naging mag-bestfriend kasi sila bago sila naging mag-on. Napaka-sweet ng dalawang iyon. Kaya tumagal ang relasyon nila. Ngunit hindi rin sila pinalad dahil puro na lang sila away.. At tulad ng nakita ko noong nakaraan araw habang nasa mall ako. Nakita ko silang magkasama, hawak hawak ni Tristan ang kamay ni Rafael. Sasabihin ko nga dapat kay Mahal yun ngunit ngayon lang din kami nagkita.. At gusto ko din sana tanungin noon si Tristan kung bakit kasama niya si Rafael at mistulang sweet na sweet sila, ngunit akmang lalapit na sana ako ng bigla na lang silang nawala sa paningin ko noong lumingon ako sandali..” Pagsisiwalat ni Lemuel.


O______O


Shit! Yung Rafael na sinasabi ni Tristan na tropa niya na naninirahan sa subdivision namin ay ang lalaking nanghiya sa akin noong first day of school? Ang Rafael na tinutukoy din ba ni Lemuel sa kanyang kwento ay siyang Rafael na nakita kong kanaig ni Tristan kagabi?! Shit! Kaya pala! Kaya pala hinahanap ng demonyong yun ang Rafael na iyon sa subdivision namin?! Dahil hindi pa siya maka-move on! Shit! Shit! Ang tanga tanga ko!! Na-uto ako! Naisahan ako!! Shit lang! Taena!


“Teh? Na-natatandaan mo pa ba? Yung lalaking nakabungo sa akin? Yung lalaking nanghiya sa akin noong first day of school? Si-siya yung nakita kong ka-kasama ni Tristan kagabi.. “ Pagsisiwalat ko kay Nerrisse.


“Oo, natatandaan ko.”


“Oo, nandoon din ako noong mga oras na iyon. Bumibili ako ng lunch ko noon sa canteen until may nagsapakan na daw. At laking gulat ko na si Rafael at Tristan iyon. Ang ipinagtataka ko pa ay para silang hindi magkakilala na nagsusuntukan. Kaya nga ang pinagtataka ko ay kung bakit sila magkasama noong nakaraang araw e samantalang noong first day of school ay ang init ng dugo nila sa isa’t isa. Tama ka Colby, iyon nga si Rafael. Si Rafael na ex-boyfriend ni Tristan..” Pagsisiwalat niya pa.


Ang tanging nagawa ko na lang ay ang mapahagulgol habang yakap yakap ni Nerrisse. Ang sakit sakit! Sa simula pa lang ay naloko na ako. Eto ba?! Eto ba ang ganti mo sa ginawa kong pagsisinungaling dati Tristan? Pwes! Hindi ko ginusto iyong dati! At ikaw na ang nagsabi na pinatawad mo na ako! Ikaw ang nag-insist upang mahalin kita! Pero ano? Sasaktan mo lang din ako? Ginawa mo pa akong rebound sa ex mo! Shit ka!
Hiniling ko muna kila Nerrisse at Lemuel na iwanan ako saglit. Gusto ko munang mapagisa kahit sandali. Pakiramdam ko kasi ay sumikip ang dibdib ko sa mga natuklasan. Napakasakit! Sana nalalaman mo Tristan kung gaano kasakit! At alam nyo kung ano ang mas masakit?! Mahal ko pa siya! Pero, alam kong hindi na pwede! Kasi, may iba nang tinitibok ang puso niya! Hindi na ako! At ewan ko kung kailanman ay tinibok ba ako ng puso niya.


Inilabas ako ng ospital nang alas-3 ng hapon. Inalalayan ako ni Xander papalabas ng ospital.


Habang nasa sasakyan ay pinaguusapan namin ni Xander ang pagpunta ko bukas sa probinsya. Pinipilit ako ni Xander na sana ay sumama siya bukas ngunit isa lang ang nagiging tugon ko.


“Okay na ako bes, 1 week lang naman e..” Pagaalibi ko na ‘okay’ lang ako. Napabuntong hininga na lang si Xander at hinahaplos ang ulo ko na para kong kuya at ako ang bunsong kapatid.


Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Tita. Pagkatapos na pagkatapos ng check up ko sa orthopedic ay agad agad niya na akong sinundo sa amin papunta sa probinsya.


At tulad ng dati, napakaganda pa rin ng probinsya. Highly urbanized na rin naman ang lugar nila Tita kahit na probinsya ito. Ngunit, hindi pa rin natatabunan ng mga buildings ang natural na ganda ng probinsya.
Habang nasa sasakyan ay tinignan ko ang phone ko. Napakaraming text messages ni Tristan ngunit dinelete ko lahat ng ito kahit na hindi ko pa ito binabasa. Napakarami niya ring missed calls ngunit hindi ko ito pinansin. Masakit pa ang ginawa niya sa akin! Sobrang sakit pa! At gusto ko muna kumalimot! Sana ay ganun na lang kadali mag-move on, lalo na’t alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya.


Nakarating kami ng payapa sa bahay nila tita. Alas-2 ng hapon nang napagdesisyunan kong pumunta sa paborito kong tambayan – ang seawall.


Buti na lamang at hindi ganong kainit sa mga oras na iyon kaya presko ang pagtambay ko noon sa sea wall.
Itinuon ko ang aking paningin sa mapayapang dagat habang nakasalpak ang earphone sa aking tenga. Parang wala na akong maiiyak, wala na akong mailuha. Sa aking palagay ay sumuko na ang aking mga mata sa dami ng luhang inilabas. Sa tingin ko din ay pagod na pagod na ang puso ko sa pagtibok para sa maling tao. Namanhid na din ang puso ko dahil sa paulit ulit na pagalala sa nasaksihan ko noong nakaraang gabi, sa tuwing naiisip ko ang pagtataksil niya habang may relasyon pa kami.


Habang nasa ganoon akong pakikinig ng playlist ko ay laking gulat ko ng biglang tumugtog ang theme song namin – Ang It Might be you.


Sa totoo lang ay napakaganda at nakaka-inlove ang mensahe ng kanta. Ngunit, sa tulad kong nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon, isa lang ang interpretasyon ko sa awitin – sobrang sakit. Lalo na’t theme song pa namin ni Tristan itong kantang ito. Lalo ko tuloy namimiss ang mga masasayang sandali na bigla na lang nawala. Bumalik tuloy sa alaala ko ang mga masasayang sandali na magkasama kami ni Tristan. Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha.


Kaya pala iyon ang kantang pinili niya para sa akin. Kasi, nandoon ang salitang ‘might’ kung saan wala pa siyang kasiguraduhan kung ako na nga ba talaga. Siguro kaya hindi natuloy sa “its you” dahil hindi niya pinandigan ang lahat sa amin. Masakit? Oo, pauulit ulit na nga ako e, pero wala e! Iyon at iyon lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.


Hanggang sa isang pamilyar na kanta ang pinatugtog sa aking playlist. Noong una ay hindi ko pinapansin ang kantang ito dahil hindi naman siya sumasalamin sa aking sitwasyon. At never pang sumalamin sa aking sitwasyon. Paborito ko kasi ang bandang tumutugtog nito at napakaganda ng pagkakagawa nila ng kanta. Ngayon, sumasalamin na ito sa akin, sa sitwasyon na pinagdadaanan ko.

(Paki-play na lang po yung video, salamat! ^_^) (credits to the owner of this vid)




Rebound –Silent Sanctuary

O kay bilis naman
Magsawa ng puso mo
Ganyan ka ba talaga
Bigla nalang naglalaho.

Para bang walang nangyari
Di mo man lang sinabi.

Sana'y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.

Nakakainis talaga
Nagmuhkha tuloy akong tanga
Pinaasa mo kasi
Puso ko ngayon tuloy lumuluha.

Dahil iniwan mo kong mag-isa
Limang araw lang ay babay na.

Sana'y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.

Rebound mo lang pala ako.

Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.

Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..

Isa pala akong rebound sa relasyon namin ni Tristan. Minahal niya lang ako ngunit hindi pa pala talaga siya nakaka-move on sa ex-boyfriend niya. Ako naman si tanga! Ayan, masyado akong nagpadala sa kilig! Kaya hindi ko napapansin ang mali, hindi ko napapansin na ginamit lang pala ako.


Alam mo iyong pakiramdam? Hindi ko pala love story to? Storya pala to ni Rafael at ni Tristan. Kumbaga, isa lang pala akong rebound. Isang sangkap upang mas mapasarap pa lalo ang kanilang relasyon. Shit lang!


T.T


(SIGH)


Napakasakit ng mensaheng dala ng kanta. Lalong lalo na sa mga linyang Pinaasa mo kasi, puso ko ngayon tuloy lumuluha, napakarami niyang pangako! Ngunit nasaan na ang mga kasagutan? Minahal ko siya ng buo pero ano ang isinukli niya? Kataksilan upang masaktan ang puso ko ng sobra sobra.


Habang pinatutugtog ang kantang iyon ay walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Buti na lamang at kokonti ang tao noon sa sea wall. Pakiramdam ko kasi ay pinatatamaan ako sa bawat linya ng awitin. At sa bawat linya ng awitin na iyon at naalala ko at nare-realized ko ang lahat lahat.


Eksaktong pagkatapos na pagkatapos ng kanta ay laking gulat ko ng biglang may tumabing lalaki sa akin. Sa aking palagay ay hindi siya ganoong katangkaran, hindi rin siya mataba at hindi rin naman payat- slim lang. Sa palagay ko ay nasa edad 21 ang lalaki, pero hindi ko sigurado. Naintriga naman ako dahil sa dinami dami ng bakanteng upuan sa sea wall ay pinili niyang umupo sa tabi ko. Disente kung titignan ang lalaki.


Habang nagpupunas ako ng luha gamit ang aking kamay ay nakatuon naman ang kanyang paningin sa dagat.
Maya maya ay inabutan niya ako ng isang kulay blue na panyo at sinabing..




“Mukhang mabigat ang pinagdadaanan mo ah? Sana man lang kahit eto makatulong.”





-          I T U T U L O Y




Sino kaya yun? =)
Last chapter na po ang next guys.



Thursday, June 6, 2013

318 (Ang textmate ko) Chapter 11





318 (Ang textmate ko) 


By: Imyours 18
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph           
Wattpad Username: Nyeniel
Authors Note:


Guys! :’( Sorry guys pero depressed si author. Baka matagalan po ang 12 and Finale. Pasensya na guys. Eto na po pala ang Chapter 11 ng aking akda. Hopia Like it ;)




Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.



ENJOY READING 




Chapter 11

Xander’s Point of View:

Sa totoo lang ay nayayamot at naiinis ako kanina kay bes. Paano ba naman kasi, bakit siya pa ang kailangan pumunta sa boyfriend niya? E di ba siya ang may birthday? Tristan? Bakit ba ang pa-chicks mo?! Grrrrr! Kung hindi lang sana magagalit si bes ay makakatikim na ng suntok yang lalaking yan! Sobra na siya!!


Dumeretso agad ako sa bahay nila Colby pagkatapos namin ihatid sila Nerrisse at pagkatapos niya sumakay ng bus papunta kila Tristan. Bakit hindi pa kasi ako sinama e?! Asar!


 Nagtanong si Tita kung nasaan si Colby, gustong gusto ko sanang sabihin kung saan siya pumunta kaso nasabi pala sa akin dati ni Colby na hindi pa alam ni Tita ang tungkol sa kanila ni Tristan kaya naman ang nasabi ko na lang. “Ah, sumama po sandali kila Nerrisse Tita, may bibilhin lang daw po siya. Sasamahan ko nga po sana kaso sabi niya saglit lang daw siya at babalik din agad siya agad..” Pagdadahilan ko. Um-ok na lang si Tita.


Alas-8 na ng gabi ngunit hindi pa dumadating si Colby, kahit man lang text ay wala. Nasa salas ako ng bahay nila habang binabasa ang librong niregalo niya sa akin noong high school pa kami.


Maya maya ay biglang nag-ring ang telepono nila Colby..


“Tita, nag-riring po yung phone..” Sabi ko kay Tita habang nililigpit ang mga pinagkainan namin kanina sa birthday party ni Colby.


“Sagutin mo muna Xander, tatapusin ko lang tong ginagawa ko. Paki-tanong na lang kung sino..” Pakiusap ni Tita. Wala kasi si Manang kaya si Tita ang nagliligpit ng mga ginamit naming utensils at gamit kanina sa birthday ni Colby.


“Okay po.” Simpleng sagot ko.


“Thanks dear..” Malambing na sagot ni Tita.
Ewan, ngunit nakakaramdam ako ng matinding kaba bago ko inaangat ang phone. Hindi ko mawari kung bakit ako nararamdaman ang ibayong kaba na iyon e, iyon bang pakiramdam mo na masamang balita ang bubungad sayo sa phone? Ganun ang nararamdaman ko.
Inilapat ko sa tenga ko ang telepono at pinakingan kung sino ang nagsasalita sa kabilang linya.


“Hello? Is this Rivera’s resident?” Pagtatanong ng isang babae,  sa aking palagay ay parang isang call center agent or receptionist ng isang restaurant, hotel o hospital.


“Ah.. Eh.. Opo, eto nga po. Bakit po?” Magalang kong sagot.


“This is RMI Hospital, nakita po kasi ng lalaking nakasagasa kay Mr. Jake Colby Rivera yung calling card niya, nandito po sila ngayon sa hospital.. Naaksidente po si Mr. Rivera.” Mistula naman nanlaki at tila gumuho ang mundo ko sa narinig. Hanggang sa ang kabang naramdaman ko kanina ay napalitan ng mas matinding kaba at pagkataranta! Shit!! Anong.. anong nangyari kay Colby?!!!


“Po??!!” Pagkukumpirma ko sa kausap at tumaas ang boses ko. Hindi ko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa aking mga pisngi.


“Opo, nasa emergency room po ngayon si Mr. Rivera, hanggat maari po sana ay puntahan na po ninyo si Mr. Rivera dito sa hospital..”


Hindi ko na nakuha pang patapusin ang nurse sa pagsasalita. Agad kong binaba ang telepono at tumakbo kay Tita sa kusina.


“Tita?! Si Colby na-na-naak-naksidente daw po..” Naluluha kong sambit at tila natataranta.


“Ha?!!!” Gulat na reaksyon ni Tita at tila nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. “Paa-pa-paanong nasagasaan?!” Nauutal na tanong ni Tita. Napansin kong may tumulong luha din sa kanyang mga mata at tila tarantang taranta ito.


“Opo Tita, yan po ang sabi ng nurse na tumawag dito! Nasa RMI Hospital po ngayon si Colby at nasa emergency roon daw po ang room niya..” Sabi ko kay Tita.


Agad agad kaming tumakbo papunta parking lot ng bahay nila Colby upang sumakay at mapuntahan agad si Colby. Laking gulat ko naman nang bumaba si Grace ng kwarto niya kasama ang bunsong kapatid at tila natataranta at may kausap ito sa phone.


“Mom, si Colby.. Na-naaksidente daw po..” Natataranta niyang sabi.


“Alam na namin, tumawag ang nurse ng hospital dito.” Sabi ni Tita. “Grace, iready mo ang sasakyan mo, ako na ang magmamaneho..” Utos ni Tita at hindi pa rin nawawala ang pagkataranta nito.


“No mom, ako na lang po ang magmamaneho,doon na lang po kayo sa likod ni Karen, kami na po ni Xander dito sa harap.” Kalmadong sabi ni Grace. Halata sa mukha niya ang pagaalala pero mas pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.


Sobrang bilis ng pagharurot ni Grace ng sasakyan. Lahat kami ay tila wala sa sarili at gulat na gulat sa nangayari kay Colby. Napansin ko din si Tita na panay ang hawak sa rosary na dala dala niya. Diyos ko po, hinihiling ko po sana na walang masamang nangyari sa bestfriend ko, sana po ay hindi malala ang nangyari sa kanya, sana po ay patunabayan niyo po siya. Natatakot po ako panginoon. Sana po walang nangyaring hindi maganda kay Colby, sana po..


Habang nagdadasal ako ay hindi ko mapigilang hindi dumaloy ang luha ko sa aking pisngi. Sinasabi ko na nga ba e! Sana sinamahan ko na lang si bes! E di sana walang nangyaring masama sa kanya! Taena! Kasalanan ko din to! Kapag may nangyaring masama sa bestfriend ko, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!


Marahil ay napansin ni Grace walang tigil kong  pagiyak simula kanina, hinawakan niya ang kamay ko at sinabing. “Okay lang Der, gagaling ang bestfriend mo.. Gagaling ang kapatid ko.. Ipagdasal lang natin..” Kalmadong sabi sa akin ni Grace, napapansin ko ding naluluha siya at parang may kung anong iniisip at dinanadamdam. Parang galit? Kanino naman? At bakit kaya?


Pagkarating na pagkarating namin ng hospital ay tinanong agad namin ang receptionist ng hospital kung saan ang emergency room. Simbilis naman ng kidlat ang pagmamadali naming tumakbo papunta sa emergency room. Buti na lang ay malapit lang ito sa reception ng hospital kaya madali na namin itong natunton.
Laking gulat ko ng nakita ko si Tristan at ang isang lalaki na parang pamilyar sa akin. Sa palagay ko ay nakita ko na ang lalaking iyon.. hmmm? Tama! Nakita ko na siya sa tuwing bumibisita ako kila Colby! Sa subdivision nila Colby minsa’y nakikita ko siya.  Ano naman ang ginagawa niya dito? At bakit kasama niya si Tristan? Bakit? Bakit? Bakit parang ang sweet nila?


Napansin kong umiiyak si Tristan at ang lalaki naman ay walang tigil sa pagpupunas ng kanyang tumutulong luha.


Habang nasa ganun akong pagoobserba sa dalawang iyon ay napansin kong si kumaripas ng lakad si Grace palapit sa dalawang iyon.


Pagkalapit na pagkalapit ni Grace sa dalawa ay laking gulat ko dahil biglang nagbitaw ng isang malakas at malutong na sampal si Grace sa lalaking kasama ni Tristan.


Bakit?


Bakit kaya yun ginawa ni Grace?


Taena.



Don’t tell me?!




Grace’s Point of View:


I was in the middle of sleeping with my little sister when I heard a very annoying ring tone. ARRRGGHH! Phone ko lang pala. Bago ko kinuha ang phone ko ay tinignan ko muna ang wall clock ko. 8:00 pa lang pala. Nakakapagod kasi kanina e, pero masaya kasi nakabonding ko rin ang barkada ng little brother ko kaya naman nakatulog ako agad.


Tinignan ko ang screen ng phone ko at laking gulat ko ng name ni Tristan ang nag-pop-up sa screen ko. At oo nga pala, bakit kaya wala ang mokong na iyon kanina sa birthday ng kapatid ko? Boyfriend niya ito kaya dapat ay nasa tabi niya ito especially ngayon, espesyal kaya ang araw na to para kay Colby!
Sinagot ko ang phone..


“Hello? Napatawag ka?” Maarte kong tanong.


“Ge-grace..” Nauutal niyang tugon at parang umiiyak ito sa dating ng boses niya. “Si Colby..” At pagkasabi niya ng ngalan ng kapatid ko ay lalong lumakas ang paghikbi ni Tristan.


“Anong meron kay Colby? Nandito siya ah? Hinatid niya lang kanina ang mga kaibigan niya kasama si Xander? At bakit wala ka dito?! Di ba boyfriend mo siya? Di ba dapat nandito ka?!” Panunumbat ko.


“Sorry Grace, pero nandito si Colby sa hospital.. Naaksidente siya, puntahan niyo na siya please?!” Alalang niyang sabi. Huh? Teka? E di ba ang paalam ni Colby ay ihahatid lang nila hanggang sa sakayan ang mga kaibigan niya. Paanong naaksidente?!


“What?!! E nandito si Colby sa bahay kanina e, teka..” Pagaalangan ko sabay tayo at agad tinumbok ang pintuan ng kwarto ni Colby. Laking gulat ko at wala nga ang kapatid dito. Kaya naman agad agad akong bumaba upang tignan kung nandoon ba si Colby ngunit laking gulat ko nang makita si Xander at si mommy na natataranta.


At totoo nga! Naaksidente daw si Colby ayon sa nurse na tumawag sa landline namin. Si Xander daw ang nakasagot. Pero? Bakit? Bakit alam ni Tristan? Kasama niya ba si Colby ng nasagasaan ito? Pero bakit si Colby lang ang naaksidente? Ewan, pero grabe! Grabe ang pagkataranta ko sa mga oras na iyon. Parang nawawalan ako ng kontrol sa sarili sa mga oras na iyon! Sa sobrang kaba na baka kung ano na ang mangyari kay Colby. Huwag naman sana.


Si mommy sana ang magmamaneho kaso napansin kong natataranta na siya, kaysa naman lahat kami ay mapahamak ay ako na lang ang nagmaneho at pilit pinakalma ang sarili upang makapag-concentrate sa pagmamaneho. Pumayag naman si mommy.


Pagkarating na pagkarating namin sa hospital ay nagtanong agad kami sa receptionist kung saan ang emergency room. Buti na lang ay hindi ito ganung kalayo sa entrance.
Ngunit, laking gulat ko nang makita ko si Rafael at si Tristan na nasa labas ng emergency room? Bakit? Bakit sila nandito?


Si Rafael at si Tristan ay ex-lovers, kaibigan ko si Rafael, bestfriend ko pa noong high school. Pero bihira kasi ito magpunta sa bahay at bihira maglalabas ng bahay dahil wala na itong ibang inatupag kung hindi dota, at mga barkada o gimik sa gabi. Ako lang nag-iisang babaeng kaibigan ni Rafael at ang tanging umiitindi sa kanya sa tuwing nagaaway sila ni Tristan. Ngunit, malaki ang galit ko ngayon kay Rafael dahil noong first year college kami kung saan nagkaroon ako ng boyfriend ay pinapili niya ako kung sino ang mas mahalaga? Ang boyfriend ko o siya?! Sino siya para itanong yan? Of course both pero pinapili niya ako. Ganyan ba siya ka-selfish? Kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit yan hiniwalayan ni Tristan e! Masyado kasing selfish, seloso at paranoid, sa kaibigan at sa boyfriend. Akala mo kung sinong maagawan!


Hindi ko maikakailang may attitude si Rafael, para kasi sa kanya, ang kanya ay kanya. Kaya naman nang malaman kong si Colby na at si Tristan ay sobrang natakot ako dahil alam ni Rafael na kapatid ko si Colby. E magka-away nga kami di ba? Natatakot ako na baka i-magnet pabalik ni Rafael si Tristan At sinong dehado? Ang kapatid ko?! No! Hindi maari! Alam ko ang pinagdananan ng kapatid ko upang maging sila ni Tristan at kung paano niya panghawakan ang kanilang relasyon! At subukan lang ng Tristan na yan magpa-akit! Hindi ako magaatubiling sikmuraan siya.


Ngunit eto! Bakit ngayon nasa harap ko si Rafael at tila pinupunasan niya ang tumutulong luha sa pisngi ni Tristan? Nagkabalikan na ba sila? Habang sila ni Colby?! Shit! Wag ko lang malaman laman Tristan!
Kaya naman agad akong lumapit sa kanila at pinakawalan ko ang isang malutong na sampal kay Rafael. Kung sa tingin niyo ay mababaw ang dahilan ko dahil hindi ko pa alam ang tunay na nangyai? Eto lang ang masasabi ko, hindi! Dahil bakit siya nandito? Di ba wala na sila? Imposible naman na to the rescue agad siya dito para ano? Para i-comfort ang ex-boyfriend niya?!


Laking gulat ni Rafael nang binitawan ko siya ng isang malutong na sampal ngunit mas lalong akong nagulat sa ginawa ni Tristan.


“Ano ka ba?! Bakit mo siya sinampal Grace?!!!!” Malakas niyang sabi. Madaming tao noon sa corridor ng hospital at ang iba naman ay nagtitinginan na sa amin.


“Bakit? Ex mo na yan di ba? Anong ginagawa niyan dito? At bakit? Bakit kayo ang kasama ni Colby nang maaksidente siya?!!” Malakas kong tugon, napansin kong natigilan si Mommy, si Tristan at si Karen sa mga ibinulgar kong rebelasyon. Nagulat naman si Tristan at si Rafael ay nakatungo lang at tila nakokonsensya.


“Grace! Wag dito! Hindi alam ni Tita ang tungkol sa amin ni Colby, wag dito please!” Bulong niya sa akin. Sumangayon naman akong sumama sa kanya at doon kami nagusap sa labas ng hospital upang hindi na magkaroon ng idea si mommy tungkol sa relasyon nila Colby at Tristan. Wala pa kasing kaalam alam si Mommy tungkol sa tunay na katauhan ni Colby. Kaya naman sinunod ko ang gusto ni Tristan, para sa kapatid ko..


“Grace..” Sambit ni Tristan at umiiyak ito.


“Ano?!” Malamig kong tanong.


“Sorry..” Umiiyak niya pa ring sagot.


“Sorry for what? Bakit? Ikaw ba ang kasalanan ng nangyari kay Colby? Don’t tell me..?” Tanong ko sa kanya at tumaas na ang boses ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Tahimik lang ito at umiiyak. Hindi makapagsalita.. “Kayo na ba ulit ni Rafael?” Cold kong tanong.


“Oo.” Simple niyang sagot. Pakiramdam ko naman ay gumuho ang mundo ko sa nalaman. Ewan ko, hindi naman ako si Colby pero dahil sa kapatid ko siya ay nasaktan din ako. Shit! Bakit nagawa iyon ni Tristan? Alam niya ba kung gaano siya kamahal ng kapatid ko? E halos makalimutan na nga ni Colby ang sarili niyang bestfriend dahil sa sobrang pagmamahal ng kapatid ko sa kanya tapos ito igaganti niya? Ang pagtaksilan ang kapatid ko? T*ng ina!!


“Bakit siya nasagasaan? Anong nangyari sa kanya?! Sabihin mo Tristan?! Ano bang nakita niya at pumasok sa kukote niya ang magpasagasa?!” Tanong ko kay Tristan habang naluluha.


“Na-nakita niya. Nakita niya kaming..” Hindi niya na natuloy ang sinasabi niya at nabitawan ko ang isang napakalakas na sampal sa kanyang kaliwang pisngi.


“Tandaan mo Tristan! Tandaan niyo ni Rafael! Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko. Hinding hindi ko kayo mapapatawad! Swear!” Sambit ko sa kanya ng pasigaw.
Palayo na ako kay Tristan ng bigla kong naisipang bumalik muli at sinabing. “Ako na ang magpapasalamat sa birthday gift mo sa kapatid ko! Maraming salamat Tristan! Naaaapakabuti mong boyfriend!” Sarcastic kong sabi kay Tristan at sabay alis. Ewan, pero pakiramdam ko ay lalo siyang nakonsensiya sa pagpapaalala kong birthday ng kapatid ko.


Awang awa ako sa kapatid ko. Naranasan ko na rin makaramdam ng unfaithfulness sa ex-boyfriend ko at aaminin ko, sobrang sakit. Kaya naman natatakot ako para sa kapatid ko, dahil hindi lang puso niya ang nasaktan, nanganganib din ang buhay niya sa ngayon.


Bumalik at tila kalmado na si Mommy at si Karen, ngunit si Xander ay nananatili pa ding umiiyak sa tabi ng kama ni Colby. Dumating ang doktor at sinabi sa amin ang nangyari kay Colby..


“Mr. Rivera is stable at this moment, but oobserbahan pa ang kaliwang kamay niya dahil parang may bone fracture ito. Maya maya ay dadalhin siya sa X-ray lab upang tignan kung may bone fracture ba siya or wala. Pwede na naman siyang magising at any time pero hindi pa advisable na i-uwi si Mr. Rivera dahil marami pang test siyang gagawin upang obserbahan ang nangyari..” Pagpapaliwanag ng doktor. Bagaman nagaalala ay guminhawa rin ang pakiramdam ko nang malaman na pwede nang magising ang kapatid ko at hindi naman ganung kalala ang nangyari sa kanya.



At dinala si Colby sa X-Ray Laboratory ng hospital.


Pagkatapos ng mga higit isang oras ay sinabi ng doktor na may bone fracture daw si Colby sa kanyang kaliwang kamay. Bagaman natakot kami ay sinabi sa amin ng doktor na madali naman daw itong magagamot, sa ngayon ay lalagyan daw muna ng bendahe ang kamay ni Colby hanggang sa makalabas siya at sinabi din ng doktor n dalhin si Colby sa orthopedic upang pa-obserbahan ang nangyari. Sa ngayon ay pwede nang gumising si Colby sa kahit anong oras..


Ala-1 na ng madaling araw nang mapansin kong hindi pa rin umuuwi si Tristan, ngunit wala na si Rafael. Hindi ko siya kinausap ngunit napansin ko ang pagkabalisa sa kanyang ginagawa at tila malungkot sa mga nangyari.


Pinauna ko na rin si mommy at si Karen dahil pansin ko kay mommy na pagod na ito at depressed na sa mga nangyayari. Sinabi ko na kami ng dalawa ni Xander ang magbabantay kay Colby dahil bakasyon naman namin pareho. Pumayag naman si mommy dahil sa sinabi ng doktor na stable na ang kapatid ko.
Nang kaming dalawa na lang ni Xander ang nasa kwarto na pinaglipatan ni Colby. Nilipat kasi siya ni mommy sa isang private room. Syempre nandoon si Colby pero nanantili pa rin itong tulog. Maya maya ay bigla akong tinanong ni Xander, halata sa mukha niya ang lungkot at pamamaga ng kanyang mata sa sobrang iyak dahil sa pagaalala sa bestfriend niya.


“Grace, ano ba talagang nangyari? Anong sabi ni Tristan? Bakit daw?” Tanong ni Xander at kapansin pansin ang pagka-crack ng kanyang boses. Marahil ay sa pagiyak kanina.


“Wa-wag mo na lang alamin Xander, na-nanaaksidente siya, na-banga ng sasakyan. At buti na lang ay pumreno ang sasakyan ngunit bumanga pa rin ito kay Colby, kaya siya bumagsak sa lapag at napilayan..” Pagdadahilan ko.


“Hindi yun ang punto sa tanong ko Grace. Ang tinatanong ko kung bakit niya nagawa iyon? Nag-suicide ba siya? O aksidente talaga? Alam ba ni Tristan ang dahilan? Siya ba ang dahilan?” Sunod sunod na tanong ni Xander. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Pero dapat ay manatili itong sikreto kay mommy.


“Are you sure na wala kang mababangit kay mommy? Mapagkakatiwalaan ba kita Xander?” Paninigurado ko.


“Oo Grace, pinapangako ko! Teka, tungkol ba ito sa relasyon nila Colby at Tristan? Kung iyon lang ay matagal ko nang alam at nililihim din namin iyon kay Tita..” Sambit niya.


“Si Tristan ang dahilan upang mangyari kay Colby ang lahat, pero aksidente ang nangyari..” Paliwanag ko.


“Kung si Tristan ang dahilan? Paanong aksidente? At sino yung lalaking sinampal mo kanina?”


“Si Rafael.”


“Sinong Rafael?”


“Siya ang ex-boyfriend ni Tristan..”


“At bakit nandito siya? Ang ibig sabihin ba-ba n-nun ayyy???” Nauutal na tanong ni Xander.


“Oo.” Simpleng sagot ko. Marahil ay nakuha agad ni Xander ang punto ko kaya naman agad agad itong tumayo upang tumbukin ang pintuan. Akmang pipigilan ko pa sana si Xander ngunit malakas ito at tila ayaw paawat na lumabas sa pintuan ng kwarto ni Colby. Lumabas din ako upang pigilan si Xander sa binabalak niyang gawin. Alam kong alam niya na naghihintay pa rin si Tristan sa pagising ni Colby kaya naman agad agad itong lumabas at alam ko ang pakay niya. Gusto niyang resbakan si Tristan para sa bestfriend niya! Alam ko nasaktan din si Xander sa ginawa ni Tristan kay Colby.



Tristan’s Point of View:




Alas- 3 ng hapon. Paalis na sana ako upang pumunta sa birthday party ni Colby nang biglang dumating si Rafael sa bahay. Oo, aaminin ko, si Rafael ang ex-boyfriend ko na binalikan ko habang may relasyon kami ni Colby. Napakasama ko no? Oo e, I admit, pero nagmahal lang naman ako e. Masasabi bang masama ako kung sinusunod ko lang ang dikta ng puso ko? Minahal ko si Colby ngunit mas minahal ko at minamahal ko na muli ngayon si Rafael.  


Aaminin ko, last week ay nagkaroon muli kami ng relasyon ni Rafael. Hindi ako nilubayan ng konsensya ko dahil may relasyon pa nga kami ni Colby. Sa tuwing nagtetext siya sa akin at kapag tinatawag niya ako ng ‘love’ ay labis ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay gumagawa ako ng isang krimen kung saan walang kaalam alam ang naging biktima ko. Oo, mali ang ginagawa ko pero masasabi kayang mali kung nagmamahal lang din ako at sinusunod ko lang ang naayon sa aking nararamdaman?


Selfish ba talaga kapag nagmamahal ka? Kailangan bang isipin mo pa ang nararamdaman ng iba? Kailangan mo bang magsakripisyo para sa nararamdaman ng iba? E paano kung hindi na ako nag-eenjoy? E paano kung ako na ang nadedehado? Haissst! Ang gulo! Hindi ko na alam ang gagawin ko!


Alam ni Rafael ang tungkol sa relasyon namin ni Colby, ngunit hindi siya nagpatinag at sinabi niyang alam niyang mahal ko pa siya. Oo, aaminin ko. Namimiss ko ang ex-boyfriend ko dahil marami naman kaming magandang pinagsamahan ngunit hindi ko rin inaakala na babalik ang nararamdaman ko para sa kanya.
Unang araw ng klase noon. Nakatambay kaming tatlo nila Nerrisse at ni Colby noon sa cafeteria. Sila kasi ang una kong nakilala sa klase dahil mabait naman sila at parang welcome na welcome ako sa kanila, kaya agad ko silang nakalagayan ng loob. Hindi ko pa alam ang tungkol sa pagsisinungaling ni Colby noon.
Sinabihan ko si Colby na sagutin ang kung sino mang tumatawag sa kanya dahil kanina ko pa nararamdaman ang vibration ng phone niya. Agad agad naman siyang tumayo at lumayo sa amin upang sagutin kung sino man ang tumatawag sa kanya.


Laking gulat ko noong paparating sila Rafael sa canteen kasama ang mga kabarkadang lalaki. Hindi ako nakakasiguro kung kanina pa sila sa cafeteria dahil natanaw ko lang  sila na naglalakad na papunta sa isang stall sa canteen.


Laking gulat ko nang matapunan si Colby ng chocolate shake na iniinom niya. Nakabangaan niya pala si Rafael! Noong una ay hindi ko masyadong ininda ang pagkakamali ni Rafael dahil ang alam ko ang hihingi siya ng paumanhin kay Colby. Ngunit, laking gulat ko nang tinawanan niya pa ito at sinabihan ng ‘tatanga tanga’. Hiindi naman ganung pilyo si Rafael pero nang maghiwalay kami ng bakasyon ay bigla ko na lang napansin ang pagbabago sa kanya. Balibalita ko nga noon na nagaadik na naman siya sa Online Games kasama ang mga tropa niya. During our affair dati kasi ay tinigil niya na ito. Hinayaan ko na lang dahil iyon na siguro ang way niya para makapag-move on.


Sinugod ko si Rafael sapagkat nabastos si Colby. Ewan ko ba pero kahit na sabihing may nararamdaman pa ako sa ex-boyfriend ko nun ay ayoko ng pinakita niyang paguugali. Laking gulat ko ng binawian niya ako ng suntok! Damang dama ko ang suntok na yun! Pakiramdam ko ay doon niya binuhos sa suntok na iyon ang lahat ng galit niya sa ginawa kong break up namin. Aaminin ko, nasaktan ako na para kaming naguusap at nagbabanta sa isa’t isa ng hindi magkakakilala.


Mainit pa rin ang tensyon sa amin ni Rafael simula nang maghiwalay kami hanggang maging kami ni Colby. Paano ba naman? Nag-shift ako sa kursong Accountancy at siya naman ay Business Administration, sa madaling salita, gumagalaw kami sa parehas na building, sa parehong college.


At ang mas nagpalala pa sa tensyon ay ang pagsali niya sa basketball team. Matagal niya nang balak sumali sa basketball team. Nasa Collge of Computer Studies pa lang kami ay nais niya nang sumali doon upang makasama ako. Kaya naman laking gulat ko nang bigla siyang sumali sa team, e wala na kami e.
Isang hapon habang naghihintay ako ng practice ay bigla akong niyaya ni Rafael na mag-one on one game . Laking gulat ko naman dahil hindi niya naman ako kinakausap kapag nasa game kami e. Kaya naman nanibago ako. At pinagbigyan ko na siya dahil kami pa lang naman ang tao sa gym dahil maaga pa.
Habang naglalaro kami ni Rafael ay parang may kung anong tensyon akong nararamdaman sa aming dalawa. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at parang may thrill akong naramdaman. Iyon bang kabado ka at parang masaya ka sa ginagawa mo? Pero kinalaunan ay parang na-enjoy ko na rin ang laro. Ewan ko ba pero parang dulot na saya akong naramdaman habang nakikipaglaro sa kanya.


Pagkatapos namin mag-laro ay ako ang tinanghal na panalo. Tinawanan niya lang ako at para kaming magkaibigang naglalaro. Ganitong ganito kami ni Rafael noon kapag nagkakatuwaan, dinadaan namin sa paglalaro ng basketball.


Sabay kaming pumunta ng shower room ng gym. Hindi ko ma-idedeny ngunit may nangyari sa amin sa loob ng shower room ng mga oras na iyon. Hindi ko mawari kung bakit nangyari iyon, basta naalipin na lang ako sa paglapat ng aming mga labi. Sinasabi ko na nga ba! Hindi pa ako ganung nakakalimot kay Rafael. At sa araw na ding iyon ay bumalik ang relasyon namin ni Rafael. Alam kong mali pero naalipin ako sa nararamdaman ko, alam kong masakit pero mahal kita Colby, mas mahal ko lang si Rafael.
May ilang beses din na nagpapasama si Colby sa akin na lumabas, ngunit hindi ko magawang samahan ito dahil nagpapasama din sa akin si Rafael. May isang beses na nagpasama siya sa akin sa pumunta ng mall ngunit tinangihan ko ito dahil sinamahan si Rafael na samahan siya sa pinsan niyang babae at ipakikilala niya daw ako.


At dumating nga ang araw ng birthday ni Colby, balak ko sanang sabihin na sa kanya ang tungkol sa amin ni Rafael pagkatapos ng birthday niya. Naawa kasi ako sa kanya. Wala siyang kaalam alam na napagtataksilan ko siya. Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. Kaya buo na ang desisyon ko na wag nang patagalin ang lahat at sabihin na sa kanya upang hindi na lumalala pa at mas masakit kung sa iba niya pa ito malalaman.


Alas-3 ng hapon, handa na ako pumunta sa bahay nila Colby ng biglang dumating si Rafael. Umiiyak ito dahil nag-away daw sila ni Tita. Syempre, bilang boyfriend niya ay kailangan niya ang comfort ko. Hanggang sa ang pagpapatahan ko sa kanya ay nauwi sa pagpapaligaya namin sa aming sarili.
Pagkatapos namin pakawalan ang bugso ng aming damdamin ay hinalikan ko siya. Isang halik na mas maalab at mas mainit pa sa apoy. Punong puno ng emosyon at tila hindi iniinda ang mga kamalian o mga problema ng aming pagiibigan! Para kaming nawalan ng pakielam sa nangyayari sa paligid at tanging mga damdamin lang namin ay sinusunod namin!


Habang nasa ganun kaming paghahalikan ay laking gulat ko ng biglang may bumukas ng pintuan, si Colby. Nanlaki ang mata nito sa nakita at napansin kong may nangingilid na luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya na nakuha pang magsalita. Agad agad itong tumakbo palabas ng bahay. Hinabol ko siya. Shit! Caught in act! Alam ko masakit iyon kay Colby! Sobrang sakit! Shit!


Hinabol din ako ni Rafael pero mistulang wala na akong pakielam. Ang mahalaga sa akin ay maipaliwanag ko ang lahat kay Colby, maipagtapat ko ang totoo sa kanya at humingi ng tawad dahil nasaktan ko siya.


Hinahanap ko si Colby sa mga kalsada ngunit hindi ko ito makita. Hanggang sa natanaw ko ang kumpulan ng mga nagkakagulong tao at ang sinisigaw nila ay..”May nasagasaan, tulungan ko iyong lalaki! Nasagasaan yung lalaki..”


Bagaman hindi ako sigurado kung si Colby nga yun ay nakaramdam ako ng ibayong kaba. Lumapit ako sa kumpulan ng mga tao at laking gulat ko na si Colby nga ang lalaking nasagasaan!!


Agad agad ko itong binuhat at tinulungan naman ako ng lalaking nakasagasa sa kanya. Humabol sa akin si Rafael at dinala namin si Colby sa pinakamalapit na hospital gamit ang sasakyan ng lalaking nakasaga sa kanya.


Grabe! Kapag may nangyaring masama kay Colby ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Taena! Bakit pa kailangang umabot sa ganitong punto?! Sasabihin ko na nga sana bukas para hindi na lumalala pa ang sitwasyon! Bakit?! Eto na ba ang karma ko sa pagtataksil na nagawa ko?! Ang kainin ng konsensya ko? At bigyan pa ako ng mas mabigay na dalahin?!


Sobra akong naiinis sa sarili ko sa nangyari sa kanya! Dapat pala hindi ko na lang nilihim, hindi na sana lumala pa ng ganito! Oo nga’t nagmamahal lang ako pero napakasama ko pa lang tao! Ang sama sama ko!!
Pakiramdam ko ay pinatay ko si Colby! Nasaktan siya at napahamak! Dala dala pa ang sakit ng kanyang kalooban sa nakita kanina! Colby! Sana maintindihan mo ko. Dingin mo sana ang paliwanag ko! Sana mapatawad mo ko kung ano man ang nagawa ko sayo.


Dinala agad namin si Colby sa emergency room. Tinawagan ko si Grace at takang taka ito kung bakit ko daw kasama si Colby na naaksidente e samantalang nasa bahay lang daw nila ito kani-kanina lang.


Maya maya ay dumating si Grace, si Xander, si Tita at si Karen, pinatawagan kasi ng lalaking nakasagasa sa reception ang pamilya ni Colby kasabay ng pagtawag ko kay Grace.


Lumapit sa amin si Grace at laking gulat ko ng bigla niyang sampalin si Rafael. Naiintindihan ko at nakuha ko na na-gets agad ni Grace ang pangyayari, una ay dahil alam niya ang tungkol sa amin ni Rafael dati at marahil ay nakuha niya agad kung bakit nandoon si Rafael; at ang tungkol sa amin ni Colby. Hindi ko alam pero nagulat ako sa ginawang iyon ni Grace kaya napagtaasan ko siya ng boses. Pinakiusapan ko siya na magusap kami sa lugar na kami lang upang hindi malaman ni Tita ang ugnayan namin ni Colby. Wala pa kasing alam si Tita tungkol sa amin. At ayoko nang madagdagan pa ang pasakit ni Tita. Pumayag naman si Grace.


Inamin ko ang lahat kay Grace at sinumbatan niya ako. Sa panenermon na iyon ni Grace ay tila nabalot ng kahihiyan ang buong katauhan ko. Lalong lalo nang sinabi niya na ‘birthday’ ni Colby ngayon. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasamang tao sa mundo! Shit! Bakit ba kailangan mangyari to?! I swear, kapag may nangyaring masama kay Colby! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Ang sama sama ko! Shit! Shit!
Bumalik ako sa kinauupuan namin ni Rafael kanina. Pinauna ko na siya dahil walang tao sa bahay at sinabi ko sa kanya na bukas na kami magusap dahil iintayin ko pang bumuti ang kalagayan ni Colby. Alam ko nagselos siya pero sinabihan ko siya na wag siyang magselos dahil komplikado pa ang sitwasyon sa ngayon. Mahal ko si Rafael, mas mahal ko na siya kay Colby. Ang nais ko lang ay makahingi ng tawad kay Colby, sa lahat ng kagaguhang nagawa ko sa kanya! Sa pagtataksil ko. Sana mapatawad mo ko, Colby.



Ala-1 na ng madaling araw ay nandoon pa ako sa hospital. Hinahantay na may pumasok na doktor sa room na pinaglipatan kay Colby.




Habang naghihintay ako at nakaupo sa mga upuan sa corridor ay biglang lumapit sa akin si Xander at tila namumula ito sa galit. Laking gulat ko ng hinawakan niya ang kwelyo ng aking damit at pinakawalan ang isang napakalakas na suntok sa aking mukha dahilan upang bumagsak ako sa sahig at pumutok ang labi ko!!






“Gago ka!! Anong ginawa mo sa bestfriend ko???!!!!!”







-          I T U T U L O Y 

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails