Followers

Showing posts with label Unexpected. Show all posts
Showing posts with label Unexpected. Show all posts

Saturday, August 17, 2013

Friday, August 9, 2013

'Unexpected' Pre-Finale

Hi!

Ito na ang pre-finale! Yay.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta. Napansin ko sa mga comments niyo na marami ng naiinis kay Josh. Well, truth to be told, I can't blame you, dahil ako rin mismo ay naiinis na rin sa kanya haha. But I guess talagang ganoon ang naging paraan ko para i-craft siya. Lahat naman ng mga characters may kanya-kanyang personalities eh. It just so happens na ganoon ang kay Josh. And aminin natin, kung hindi man lang nag-inarte si Josh ay malamang matagal ng natapos ang story na ito, at hindi na ganoon kaexciting (assuming na exciting nga siya haha).

Abangan ang next update! Baka medyo matagalan, dahil syempre, kailangan kong pagbutihan ang pagsusulat noon. :)

Huwag kayong mag-alala, dahil mahaba ang finale. :)) Napansin kong may pagkamaikli pala ang mga chapters na naisusulat ko haha. Anyway...

Happy Reading!

Monday, August 5, 2013

'Unexpected' Chapter 34

Hi!

Maraming salamat sa mga nagcomment, at nagbasa sa Chapter 33! I'm glad na maraming kinilig sa chapter na iyon. On a more serious note, thank you sa paghihintay ng update na ito. Malapit ng matapos ang story! Hope you stick with me 'til the end. :)

Happy Reading!

--

Chapter 34

Makalipas ang ilang araw ay mas lalong naging maganda ang samahan namin ni Josh. Everything felt different. Pakiramdam ko, mas malaya na ako. Tuluyang nawala na lahat ng mga inhibitions ko unlike before. Ngayong alam na niya ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na ako naghe-hesitate iparamdam iyon sa kanya. Napakasarap pala sa pakiramdam na malaya mong naipapahayag ang pagmamahal mo sa taong mahal mo.

More importantly, ang pinakapaborito kong bagay ay iyong hindi na ako nag-aalala sa kung anuman ang iisipin o mararamdaman ni Josh, dahil... mahal din niya ako.

Tangina. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi ko akalaing ang isang taong matagal ko ng pinapangarap ay heto, sinabing mahal din niya ako. I still feel like I’m on cloud 9. Maswerte ako, because the risk I took was worth it. Lahat ng efforts ko para mapansin niya ako ay hindi nasayang. Madalas na lang akong napapangiti ng wala sa oras, laging tulala dahil sa sobrang kaligayahan. Minsan napapatanong na lang ako kung ano ba ang nagawa kong mabuti sa mundong ito para bigyan ako ni Lord ng ganitong kagandang biyaya?

Sino ba ang mag-aakalang naghihintayan lang pala kaming dalawa?

Pero may dalawang bagay na bumabagabag sa akin.

Una, ano nga ba kami? Matapos naming mag-aminan ay alam naming pareho na higit pa sa magkaibigan ang estado ng relasyon namin, mas malalim.  Alam ko, alam ko. Dapat hindi ako nagmamadali. Pareho lamang kaming bago sa ganito... lalo na ako. Ang nakakapagtaka nga, eh parang wala lamang sa akin ang ganitong set-up: na pareho kaming lalaki. I don’t care even just a little bit. More importantly, ayokong madaliin si Josh, hindi lamang dahil bago lamang ito sa kanya, ngunit dahil alam kong nasa healing process pa siya. Ang importante ay may panghahawakan na ako, at na alam na namin ang damdamin ng isa’t-isa. Ang pagmamahalan namin sa isa’t-isa ay ang tanging bagay kung saan ako nakasisiguro.

Ikalawa, nag-aalala ako kay Josh. Palagi na lamang siyang lutang tuwing nasa klase. Tuwing magbibiro ako ay si Janine lamang ang tatawa. Tumatawa si Josh, ngunit alam kong hindi totoo ang mga tawang iyon. Ramdam ko mula sa kanya na nakikibagay lamang siya sa kanyang paligid, at may mabigat na dinadala. Hindi rin siya gaano nagkakakain, na siyang pinag-aalala ko lalo. Palagi ko namang ipinararamdam sa kanya na lagi lamang akong nandiyan para sa kanya. Si Janine naman ay hindi rin nagkukulang bilang isang kaibigan. Ngunit wala pa siyang alam tungkol sa pag-aaminan namin ni Josh.

Dalawang Josh ang nakikita ko araw-araw. Isang cold, aligaga, at parating lutang na Josh tuwing nasa school namin, ngunit ang ikinatutuwa ko naman ay bumabalik ang dating Josh na nakilala ko tuwing kaming dalawa lamang ang magkasama. I guess that explains na nasusulasok siya sa presensya ng school namin, knowing he might bump into Gab anytime. Kaya naman lahat ng mga kilos niya ay kalkulado, at sobrang conscious siya sa mga nangyayari sa paligid niya to the point na hindi na niya napapansin ang mga bagay-bagay na malapit sa kanya.

Alam ko... na si Gab pa rin ang dahilan ng lahat ng ito. Alam ko kung gaano ikinukulong ni Josh ang sarili niya sa nakaraan, sa mga alaala ng pinagsamahan nila, sa pagmamahal na ibinigay niya. Kita ko sa mga mata niya na sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa nagawa niya kay Gab. Hindi ako nangahas na pag-usapan iyon, dahil alam kong hindi iyon isang teritoryo ng buhay niya na maaari kong pakialaman. Isa pa, oo nasasaktan ako tuwing nasasambit ang pangalan niya sa mga pag-uusap namin.

Naiinggit ako dahil sa lalim ng pinagsamahan nilang dalawa ni Josh. Hindi na nakapagtataka kung bakit ganito ang mga kilos ni Josh. Hell, he’s so scared. Alam ko ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi niya maibigay ng buo ang pagmamahal niya sa akin... and that frustrates me a lot. Pero like what I said, ang importante ay alam ni Josh na handa akong tulungan siya sa paggamot ng mga sugat na dulot sa kanya ng nakaraan.

Nakahanda ko.

Mahal ko siya, eh.

--

“Josh.” pagtawag ko sa atensyon niya. Kasalukuyan kaming nakasakay sa tricycle matapos ang klase namin. Hindi na naman siya sumagot. Napabuntong-hininga ako dahil sa ganitong ayos niya nitong mga nakaraang araw matapos ang pag-aaminan namin sa park. “Lutang ka na naman, bes.” matamlay kong puna sa kanya.

“Masama lang pakiramdam ko.” cold niyang sabi. Inilapat ko naman ang palad ko sa noo niya, at napasinghap. “Shit, ang taas ng lagnat mo!” nag-aalala kong pahayag. Ngunit parang wala lamang iyon sa kanya, na tila kanina pa niya alam na may lagnat siya. Napailing na lamang ako sa pag-iinarte niyang iyon. “Bakit hindi ka nagsasalita? Bakit hindi ka nagsabi na masama na pala pakiramdam mo kanina? Pinilit pa kitang magbadminton.” paglalabas ko ng sama ng loob.

“Matt, ok lang. Promise.” sabi niya. Ngunit alam kong hindi okay. Everything’s far from okay. Alam kong marami pa rin siyang kinikimkim na mga bagay-bagay. Isa pa, hindi niya ako tinawag na “bes”, kaya alam kong wala talaga sa loob niya ang kausapin ako. Pinilit ko ang sarili kong huwag na munang magsalita, dahil alam kong walang mabuting maidudulot iyon, seeing his attitude right now. “Doon na muna ako sa inyo.” huli kong sabi, at hindi ko na hinintay kung ano pa man ang magiging reaksyon niya dahil buo na ang desisyon ko.
Hinawakan ko na lamang ang kamay niya sa buong biyahe, at laking tuwa ko naman dahil hindi siya tumutol.

--

“Hijo, ano gusto mong kainin?” maligalig na tanong sa akin ni tita. Kasalukuyan kaming nasa kusina matapos naming dalhin si Josh sa kanyang kwarto upang makapagpahinga. “Nako, tita. Hindi na po. Thank you.” tugon ko sa alok niya. “Nahiya ka pa. Ipagluluto na rin kita. Pilitin mong kumain si Joshua, ha. Hindi kasi niya maiinom ‘yung gamot niya pag walang laman ang tiyan niya.” paalala sa akin ni tita na siyang tinanguan ko naman. Masaya ako dahil hindi na galit si tita sa akin. Ang gara nga, eh. Parang wala lamang nangyari at kinalimutan na lamang niya ang nangyari noong birthday ko. But who am I to complain? Maganda nga, dahil for once, some things are falling into place.

“Tita, hindi nga po siya nagkakakain nitong mga nakaraang araw. Tapos lagi na lang po siyang lutang, hindi makausap ng matino kapag nasa school. Nag-aalala po ako, sobra.” pagsusumbong ko kay Tita. Mataman naman niya akong tiningnan, at matapos ay ngumiti na siyang ikinataka ko ng lubusan. At hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin si tita patungkol sa naging reaksyon niya. “Ahhh, tita? Ano pong meron?” nahihiya kong tanong.

“Ang bait mo talagang kaibigan sa anak ko. Kaya gusto kita para sa kanya, eh.” ngiting pahayag ni tita Stella. Naramdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko sa naging komento niya. Alam na ba niya ang tungkol sa amin ni Josh? Tutol ba siya? Ilan lamang iyan sa mga tanong na kasalukuyang bumabagabag sa akin. “Ahh, salamat po. Mabait din naman pong... kaibigan si Josh sa akin kaya dapat po ganoon din ako sa kanya.” nakayuko kong pahayag.

I didn’t see this coming. Ano nga ba ang magiging reaksyon ng mama ni Josh? Eh ng papa niya? Hindi nila alam ang pagkatao ni Josh, at oo, lubusan ko iyong ikinatatakot. Paano kung hadlangan nila ang pagmamahalan namin? Anong gagawin ko? Hindi, hindi ko kaya. At doon ay naisip kong pwede ko naman siyang dalhin sa bahay when worst comes to worst. Alam kong maiintindihan naman ni papa, kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkaaminan na kami. Alam na naman niya ang damdamin ko para kay Josh, eh. I guess matutuwa naman iyon dahil successful ako dito. Isa pa, magiliw naman si papa kay Josh kaya alam kong maluwag siyang tatanggapin nito.

Look at me, getting ahead of myself.

“Oo, napakabait ng anak ko. Ang gwapo pa. Kaya ang swerte talaga ng mapapang-asawa niya. Nako.” tila kinikilig na pahayag ni tita na siyang ikinalumo ko. Clearly, ay wala siyang alam. “Oo nga po. Napakaswerte niya kung sinuman siya.” mapait kong pahayag. Just the thought of him with someone else, nanghihina na ako ng lubusan. “Ikaw ba, Matt? Wala ka pa bang girlfriend? Sayang naman gandang lalaki mo.” kaswal na tanong ni tita habang nagpprito ng ulam. Gusto ko namang masamid sa naging pahayag ni tita. Dahil na rin siguro sa frustration at stress ng mga nakaraang araw ay bigla ko nalamang nabulalas ang mga saloobin ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

“Tita, wala akong girlfriend. At hinding-hindi po ako magkakagirlfriend, dahil may mahal na po ako. Mahal ko po ang anak niyo.” matapang kong pahayag, na siyang ikinasisi ko matapos kong masabi iyon. Stupid, Matt! Tiningnan ko ang reaksyon ni tita. At natakot ako. Blangko lamang ang mukha niya, tila inaabsorb ang mga salitang sinabi ko kanina. “Hindi ko po lolokohin si Josh, tita.” dugtong ko, at matapos ay yumuko. I might as well go all the way. Nandiyan na, eh. Hinintay ko ang sasabihin ni tita.

Ngunit wala siyang sinabi.

Iniangat ko ang paningin ko, expecting na makikita ang galit na mukha ng nanay ni Josh, ngunit ikinagulat ko na lamang na bumalik siya sa pagpprito ng ulam na tila walang nangyari, na parang hindi big deal ang sinabi ko, na parang... matagal na niyang alam. Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang naging reaksyon ni tita, ngunit natatakot pa rin ako. Iyon lamang ang bagay na sigurado ako.

“Natahimik ka?” kaswal na tanong ni tita habang inilalagay ang niluto niyang corned beef sa dalawang plato. Nagtama ang aming mga tingin, at nakita kong relaxed naman ang mukha ni tita, na siyang ikinaluwag ng loob ko. “Ahhh, tita... okay lang po ba.. ah, iyong—basta kay Josh, ah...” nauutal kong pahayag. “Nako, matagal ko ng alam. Kaya hindi na ako nagulat.” ngiting baling niya sa akin matapos lagyan ng kanin ang dalawang plato.

“Hin—Hindi po kayo galit?” hindi ko makapaniwalang tanong. Umiling lamang siya at lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya. “Matagal ko ng alam na gusto ka ng anak ko. Sinabi niya sa akin dati.” tugon niya sa tanong ko. Sa loob-loob ko ay kinilig ako. Oo, kilig na kilig ako, dahil iniimagine ko pa lamang ang scenario ng pagsasabi ni Josh kay tita tungkol sa pagmamahal niya sa akin ay napapangiti na ako. “Nako, ikaw rin pala. Alam mo ba, sinabi ko na ‘yan sa kanya dati... kasi halata naman sa’yo, eh. Ang obvious mo kaya.” parang ka-barkada ko lamang si tita kung kausapin niya ako ngayon. Nahiya ako sa huli niyang pahayag.

“Nako, ewan ko ba sa batang iyon. Masyadong maraming iniisip. Deny ng deny. Nag-ooveranalyze lagi.” naiiling na sabi ni tita. Natawa naman ako at sumang-ayon sa kanya. “Oo nga po! Kaya po nahirapan ako sa kanya, eh. Pero okay na po ngayon. At least alam na namin pareho at—“ pinutol ako ni tita. “You mean, nagkaaminan na kayo?” natutuwang pahayag ni tita. Tumango lamang ako. “Ikwento mo, dali!” parang teenager na kinikilig na sabi ni tita bago umupo upang makinig sa kwento ko kung paano kami nagkaaminan ng anak niya.

--

“Bes, kain ka na. Kailangan mong uminom ng gamot.” mahinahon kong utos sa kanya. Agad naman siyang tumalima, ngunit matapos ang tatlong subo ay umayaw na siya. Napailing na lamang ako, at pinilit siyang kumain. “Isa pa, Josh.” pagmamakaawa ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako at ang plato, at muling ibinalik ang tingin niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. “Fine.” pagsuko ko.

Agad kong kinuha ang plato, at naglagay ng pagkain sa kutsara at itinapat iyon sa bibig niya. Nangiti siya ng panandalian bago tuluyang sumubo ng pagkain. “Iyon lang pala ang gusto ng baby, subuan siya ni daddy.” natatawa kong biro sa kanya. Ngayon, wala na akong hiyang natitira sa pagbanat ng mga jokes, lalo na iyong mga romantic, dahil alam kong wala na namang iyon kaso sa kanya.

“Ikaw lang pala ang kailangan ko. Bumalik na gana ko.” balik niya sa akin na siyang ikinatawa ko. I like seeing this side of Josh. Simula nang magkaaminan kami ay tila nabuksan ng kaunti ang pintuan ng puso niya, at ngayon ay medyo hinayaan na niya ang sarili niyang mapalapit sa akin. Natutuwa ako dahil pati siya ay nakikisabay na rin sa mga banat ko. Parang since alam na niya na mare-reciprocate ko ang mga nararamdaman niya ay medyo nabuwag na rin ang pader na ginawa niya noong akala niya ay wala siyang pag-asang mahalin ko rin siya. Natatawa na lamang ako sa loob-loob ko.

Matapos niyang maubos ang pagkain ay pinainom ko muna siya ng gamot bago ko galawin ang pagkaing ginawa para sa akin ni tita. Hinawakan ko ang noo niya at nasipat kong sinat na lamang ang lagnat niya, dahil mas mababa na ang temperature niya kumpara kanina. Matapos kumain ay ibinaba ko ang pinagkainan namin, at hinugasan iyon bago bumalik sa kwarto niya. Tinext ko na rin si daddy na baka gabihin ako ng uwi dahil may lagnat si Josh. Hindi na ako nagtaka nang pagbalik ko ay nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog, dahil natagalan din naman ako sa ginawa ko.

Pinagmasdan ko lamang siya mula sa gilid ng kama niya. Ngayon ay mas lalo kong naapreciate ang itsura niya. Sa mga ganitong pagkakataon kung saan malaya ko siyang napagmamasdan. Napangiti na naman ako sa tanawing nasa harap ko. Ang payapa niyang mukha, ang mapupungay niyang mga mata... no wonder I fell for him. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na nahulog ako sa isang lalaki, pero ganoon naman talaga ang pag-ibig, ‘di ba? Love moves in mysterious ways, sabi nga nila.

Nasipat ko ang kamay niya at nakita kong may hawak siyang isang piraso ng papel na nakatupi. Curious, kinuha ko iyon mula sa kanyang pagkakahawak at tiningnan ang laman nito. Nagulat naman ako dahil sa akin naka-address ang isang sulat sa loob.

Matt,
Sorry nga pala sa inakto ko kanina... and nitong mga nakaraang araw na rin. Sorry dahil pinaghihintay kita. Sana hindi ka napapagod. I’m trying, believe me... Hindi naman magbabago iyon, eh. ‘Yun lang... and, salamat sa pag-aalaga. You’re the best nurse ever hehehehe.
- Bes

Napangiti ako ng todo matapos mabasa ang liham niya sa akin. It was so sweet of him to do that. “Haay, Josh.” wala sa sarili kong bulalas. Nag-uumapaw na ang pagmamahal ko para sa kanya. Humiga ako sa tabi niya, at ikinulong siya sa isang yakap. Naramdaman ko agad ang init ng katawan niya. Iba ang pakiramdam ko ngayon. Masayang-masaya. At bago pa ako tuluyang lamunin ng antok, binigyan ko muna ang sarili ko ng isa pang pagkakataong masulyapan ang mukha ng taong mahal ko.

--

Nagising dahil naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Tiningnan ko si Josh sa aking tabi, at natuwa naman ako dahil nakayakap na siya sa akin. Agad kong tiningnan ang cellphone ko at nakita kong mag-aalas otso na pala ng gabi. Alam kong kailangan ko ng umuwi, ngunit muli kong tiningnan ang mukha ni Josh, and again, napangiti na lamang ako. Oo, ganoon na katindi ang epekto niya sa akin. Matapos ang ilang minuto ay maingat akong kumalas mula sa yakap niya upang tuluyan ng makauwi. Alam kong masaya akong uuwi dahil sa mga nangyari ngayong araw, at dahil sa unang beses ito kung saan naging napakalapit ko kay Josh physically.

Ngunit akala ko lang pala iyon.

Habang maingat na iniaalis ang braso niya ay bigla siyang nagsalita. Alam kong tulog siya at hindi buo ang malay-tao niya, ngunit tila isang bomba ang pinasabog niya sa harap ko na siyang nagwasak ng aking puso.

“Gab... huwag mo akong iwan... Gab...” pagpigil sa akin Josh.

Napatigil ako ng ilang segundo, pilit inaabsorb ang narinig ko. And in an instant, napailing ako, at napahinga ng malalim. Lumuhod ako sa tabi ng kama niya, pinagmasdan ang mahimbing niyang mukha, at hinaplos ang buhok niya. At doon ay bumigay na ako.

“Bes,” pagsisimula ko, matamang tinitingnan ang mga mata niya kahit nakapikit pa ito. “Ayokong nakikitang nasasaktan ka, lalo na dahil alam kong wala akong magawa para i-ease ang pain na nararamdaman mo. Josh... konti na lang nararamdaman ko ng susuko na ako. Ewan ko ba, paano ko ba maaalis sa’yo ang kalungkutan mo? Naffrustrate na ako sa sarili ko, Josh... kasi wala akong magawa para mapasaya ka.” pahayag ko habang patuloy na lumalabo ang mata ko dahil sa mga luhang naglalabasan mula rito. Agad kong pinunasan ang pisngi kong kasalukuyang basa na ng mga luha.

“Josh, mahalin mo na ako ng tuluyan... kalimutan mo na siya, please. Iyon lang ang kailangan ko. Pakiramdam ko kasi, kahit na sinabi mong mahal mo ako, hindi mo pa rin iyon maibigay sa akin. Ang sakit, bes, kasi ako ang nandito, pero siya ang iniisip mo.” nagmamakaawa kong sabi sa kanya, kahit alam kong tulog siya at hindi niya ako naririnig.

“Josh, I’m here. Sana makita mo na ako ng tuluyan. Mahal kita. Huwag mong kakalimutan iyon.” pagtatapos ko bago siya bigyan ng isang halik sa noo. Binigyan ko ang sarili ko ng isa pang sulyap sa kanya bago tuluyang lumakad tungo sa pinto palabas ng kwarto niya.


--

Itutuloy...

--

Author's note:
What do you think of this chapter? Let me know through your comments.

Oh, and pre-finale na ang next update! So abang-abang din. :) Thanks, guys! I love you all. :)

Thursday, August 1, 2013

'Unexpected' Chapter 33

Hi! 

Maraming salamat sa mga nagcomment, at patuloy na bumabasa sa story na ito! I can't believe na sinusubaybayin niyo pa rin ang buhay ng mga tauhang ito. I really appreciate it! :)

So... ito na ang pinakaabangan niyong chapter! :)

Important announcement: Kaya hinabaan ko ang update ngayon, dahil baka hindi ako makapag-update sa mga susunod na araw, for various reasons. Una, because it's a time of mourning for our family and I need to pay my respects and commit myself as a member of our family. Pangalawa, dahil peak of academic requirements submission sa susunod na Linggo, so kailangan kong magfocus. But don't worry, hindi ko naman ititigil ang pagsuslat. May ilang chapters pa before the finale (which finally! nangangalahati na ako, so malapit ko na 'to matapos). 

I hope you don't leave me hanging kahit matagalan ang susunod na update.

Comment on what you guys think! It's one of the longest chapters I've written, and not to mention, one of the main highlights of this series, so I'd really appreciate to know what you think.

And without further ado, here's Chapter 33! :)

Happy Reading!

--
Chapter 33
 
Matt.

Nang matapos namin ang pagkain ay niyaya ko silang lahat upang magpahangin sa may rooftop ng hotel. Tumanggi ang dalawang babae na sumama, dahil magsswimming daw muna silang dalawa. Ngunit halata ko naman kay Janine na alam niya ang gusto kong mangyari: ang masolo si Josh, dahil pilit niyang kinaladkad si Kate matapos niya kaming tanggihan kahit hindi pa nakakasagot ang huli. Napailing na lang ako sa loob-loob ko, ngunit natuwa din naman ako dahil magkakaroon na kami ng quality time ni Josh.

Tahimik kami mula nang makasakay at makalabas ng elevator, maging hanggang sa marating namin ang pinakatuktok ng hotel. Bakas sa mukha ni Josh ang pagkabagabag mula sa mga bagay na nangyayari sa kanya. Nawala ang buhay ng mga mata niya, at tuluyang naging malamlam. Ang mga ngiting madalas kong nakikita, at ang mga ngiting nakapagpa-ibig sa akin ay tila nababawasan na. Lalo pang umiigting ang aking kagustuhang tulungan siya, at ipagtapat ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya ngayong nakikita kong siyang nahihirapan.

Gusto kong iparamdam sa kanya na may isang taong handang magmahal sa kanya na kailanman ay hindi siya iiwan.

--

Josh.

Kasalukuyan kaming nakadungaw sa rooftop ng hotel ni Matt, pilit ineenjoy ang tanawin at ang malamig na simoy ng hangin. For the first time, I actually felt peace. Masyado akong naconscious sa mga bagay na nangyari nitong mga nakaraang araw; mula sa tampuhan namin ni Matt, hanggang sa mga nangyari sa amin ni Gab kagabi. In a way, thankful ako dahil dinala ako ni Matt dito. Tamang-tama ang set-up, na siyang ikinakalma ng senses ko.

Walang nagsasalita ni isa sa aming dalawa, tila nagkakaintindihan kami na hindi ito ang tamang panahon para sa isang usapan. Alam kong may ideya na si Matt na may mga bagay na bumabagabag sa akin, at nagpapasalamat ako, dahil hindi pa naman siya nangangahas na magtanong. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

At dito ay biglang nagbalik ang ilang alaala, mga alaalang lalong nakapagpalungkot sa akin, mga alaalang nagpaalala sa akin kung paano ko siya minahal.

Flashback

Nandiyan siya kapag kailangan ko siya.

Nagising ako sa pagring ng aking cellphone. Nang tingnan ko ang orasan ko sa may dingding ay nakita kong alas-siyete pa lamang ng umaga. Kinuha ko ang aking cellphone at nadatnan ko ang pangalan ni Gab doon. “Argh!” reklamo ko, dahil biglang naistorbo ang aking mahimbing na tulog. Tumayo ako sa kama at sinagot ang telepono. Pagtayo ko ay agad-agad din naman akong napatumba pabalik ng kama. Bigla kong naramdaman ang pamimigat ng katawan ko, ang sakit ng ulo, at ang lamig ng paligid.

“Tangina, nagtuloy pala.” di ko makapaniwalang pahayag, sa kadahilanang nagtuloy ang simpleng binat ko kagabi, at palagay ko ngayo’y tuluyan na akong nilalagnat.

“Gab? Ang aga pa. Bakit ka nambubulabog agad?” matamlay kong tugon sa kanya, at matapos ay bigla-bigla akong naubo. “Uy, okay ka lang, bes? Hindi maganda tunog ng boses mo.” nag-aalala niyang tanong. Kinuha ko ang kumot ko at dali-daling ibinalot sa katawan ko. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita kong sarado naman ang aircon at mataas ang araw sa labas. “Ahhh, wa-walaaa, okay lang ako. Bakit ka ba napatawag?” nanginginig kong tugon. “Sinong kasama mo diyan?” seryosong tanong niya. Naubo ako bago muling makasagot. “Wala. Nagpunta si mama sa tita ko.” tugon ko.

Nagtaka na lamang ako nang bigla niyang ibinaba ang telepono.

“Ugggh,” singhap ko, dahil sa nararamdaman kong bigat ng katawan. Sinubukan kong matulog muli.

--

Naramdaman ko na lamang na may mga kamay na yumuyugyog sa katawan ko.

Pagdilat ko ay laking gulat ko nang madatnan ko si Gab, nakakunot ang noo akong pinagmamasdan. “Uy.” matamlay kong bati. “Tangina ka. Ang taas ng lagnat mo. Oh heto, ginawa kita ng noodles.” sabi niya sa akin. Tinulungan niya akong ilapat ang katawan ko sa headboard ng kama para makakain ako ng maayos. Tiningnan ko naman ang ginawa niyang noodles. Napangiti ako sa loob-loob ko, dahil naappreciate ko ang ginawa niyang ito para sa akin.

Napabuntong-hininga siya.

“Oo na. Sorry iyan lang ang nakayanan ko. Alam mo namang napakagaling ko sa kusina.” sarkastiko niyang reklamo sa akin. “Ay, hindi ganoon, Gab. Mukhang masarap nga, eh.” sinsero kong depensa sa sarili ko. “Buti na lang natawag ako sa’yo, kundi baka kung ano na nangyari. Huwag mo na akong pag-aalalahin.” malungkot niyang pahayag.

Inalagaan at binantayan niya ako magdamag hanggang sa gumaling ako.

Hindi ko alam na iyon na pala ang simula.

---

Siya rin ang nagpapalakas ng loob ko.

“Bes, calm down!” iritang turan sa akin ni Gab.

“How the fuck do I calm down?! I didn’t sign up for this!” pabalang kong sagot sa kanya. Napailing siya at napabuntong-hininga. “Look... I know na naiinis ka sa akin, because I put your name in there. Pero the thing is, kasi... I trust you. I believe in you. Alam kong kaya mo, eh. Kaya ikaw ang napili kong mag-intermission number sa program. Sinasayang mo ‘yang talent mo, because of your lack of self confidence. You need to grow some balls!” kalmado niyang pagpapakalma sa akin.

“Magkakalat lang ako, Gab!” balik ko, tila hindi natinag sa sinabi niya.

“Look, just think that... when worse comes to worse, if magkalat ka man, but God knows that won’t happen, I’m still here to support you. I’m your number one fan... okay, medyo cheesy ‘yung last part, pero sige ngayon lang haha. Sige, bes! Kaya mo ‘yan!” pagccheer niya sa akin. Natawa na lang ako, dahil bihirang ilabas ni Gab ang ganitong side niya.

And because of that, I’ve managed to evade stage fright. Natawa pa nga ako, dahil sumisigaw pa siya habang kumakanta ako, which earned him some raised eyebrows, dahil hindi niya ugali iyon. To the school, he’s this professional, aloof, and intimidating leader... but to me, he’s the greatest bestfriend one could ever dream of, but during that day, I dreamt of something more...

Nang araw na iyon ay napagtanto kong mahal ko na pala siya.

---

Pero hindi araw-araw ay masaya.

“Bes!” aligaga at ngiting-ngiting salubong sa akin ni Gab. Naweirduhan naman ako sa inaakto ni gago ngayong araw. “Ano bang meron at aburidong-aburido kang magkita tayo? Ano ba ‘yung sasabihin mo, ha?” curious kong tanong. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin.

“I think I found my inspiration.” seryoso niyang sabi sa akin, habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin. Tumaba naman ang puso ko sa narinig kong iyon. “Bakit, ano bang nangyari?” masaya kong balik sa kanya. It must be something really special kung ganito ka-ecstatic si Gab.

“I think I found it.” pagsisimula niya, bakas pa rin ang matamis na ngiti sa kanyang labi. “Found what?” ngiti kong tanong sa kanya. I’m really happy when I see him smile. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ng paligid tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya.
Shit, matindi na nga ang tama ko.

“Uhhh, the girl I want to court. I’ve decided to pursue Therese! Can you help me?” nahihiya niyang turan sa akin.

Tulala.

Tulala ako hanggang sa unti-unti ko ng naramdaman ang sakit, ang realidad na kahit kailanman ay hindi maibabalik sa akin ni Gab ang nararamdaman ko para sa kanya. “Wow! Eh ‘di maganda! Oo naman, tutulungan kita! Basta balitaan mo ako kapag kayo na, ha.” tugon ko. Sinubukan kong maging masaya—or at least magmukhang masaya—para sa kanya. Diyan ako magaling, eh: sa pamemeke ng emosyon. “Oo naman. You’re the best! Thanks, bestfriend!” dagdag pa niya, lalong pinaparealize sa akin ang katangahan kong tulungan siyang manligaw kay Therese... pero sa tingin ko hindi naman katangahan ‘yung ginawa ko, eh. Kamartyran siguro, pero kasi naman, kapag mahal mo ‘yung tao, lahat gagawin mo para makita lang siyang masaya.

Kahit masaktan ka pa.

Akala ko, dahil sa nangyari ay tuluyan ng mawawala ang pagmamahal ko para sa kanya, pero nagkamali ako.

Dahil ang sakit na nararamdaman ko ang lalong nagsasabi sa akin kung gaano ko kamahal si Gab.

--

Bumalik na lamang ako sa ulirat nang bigla kong naramdaman ang pagkalabit sa akin ni Matt. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa, dahil hindi ko inaasahang aakbayan niya ako. Hinigpitan niya ang kapit ng mga daliri niya sa balikat ko, tila sinasabing nandito lang siya para sa akin. Hinawakan ko naman agad ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko, upang iparating sa kanya ang aking pasasalamat.

Wala ni isang salita ang lumabas mula sa mga labi namin.
--
Matt.

Nang tingnan kong muli ang relo ko ay napansin kong mahigit isang oras na kaming nasa rooftop ni Josh. Wala ni isa sa aming nagsalita. On my part, I did it out of concern, dahil alam kong kailangan niya ng comfort. Kaya I thought of something. Ganito ang ginagawa ko tuwing may bumabagabag sa akin. Hahanap ako ng aking secret spot kung saan tahimik, at walang tao. I find solace in silence. Kaya nga tuwing may dinadala ako ay pumupunta ako sa likod ng stage sa school as a rendezvous from everything in this world. Kahit panandalian lamang ang pagtakas sa mga problema, hindi ko maikakailang ang kahit panandaliang katahimikan ay nakakatulong upang hindi ka tuluyang lamunin ng bigat ng mga pasanin mo sa buhay.

Niyaya ko na siyang bumalik sa kwarto namin na siya namang sinang-ayunan niya agad sa pamamagitan ng pagtango. Habang naglalakbay kami pabalik ng kwarto namin ay naisip ko na ngayon ko ng gawin ang pagtatapat ko ng nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaroon ng lakas ng loob upang gawin ito ngayon, ngunit alam kong parte ng kung anumang rasong iyon ay ang pagnanais kong pawiin agad ang lungkot ni Josh sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanya na may isang taong handang magmahal sa kanya.

And before I knew it, nakita ko na lamang ang sarili ko sa kwarto namin.

Ito na talaga. Dapat masabi ko na kay Josh. Pero napaisip rin ako. Tama bang ngayon ko isingit ang pag-amin ko sa kanya gayong halata namang may mabigat siyang dinadala? Hindi ba’t parang nagiging selfish ako? Should I wait a bit more? Pero naisip ko rin na kung kailan ko pa masasabi sa kanya? Masasayang ang lahat ng pinaghirapan namin ni Janine at ni Nikki. I should do this now. There’s no other way.

Bigla na lamang akong nanlumo sa susunod kong naisip.

Paano kung i-reject niya ako? I’m scared... no, scared is just an understatement.

I’m terrified.

Ito ang dahilan kung bakit ko tinanong si Josh kanina habang kumakain kami ng lunch. I need to prepare myself just in case this doesn’t work out... kung sakaling hindi niya ako mahal. Just the thought of it... gusto ko ng maiyak, pero this is not the time for that. This is not the time to be a coward. I need to be brave.

I need to man up!

--

“Josh, ano bang problema?” nag-aalala kong tanong bago ako dalhin ng mga paa ko patungo sa kama niya.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto namin upang magpahinga. Naputol ang pagmumuni-muni ko ukol sa pag-amin kay Josh nang marinig ko ang mahihinang hikbi na nagmumula sa kanya. Agad-agad akong humiga sa tabi niya at ikinulong siya sa isang mahigpit na yakap. Bigla siyang napaigtad at binigyan ako ng nagtatakang tingin. Agad tumindi ang pag-aalala ko nang makita ko ang mugto niyang mga mata.

“What the hell, Matt?” irita niyang pahayag.

“What did I do wrong?” tanong ko, bakas ang pag-aalala at pagtataka sa boses ko.

“That. Niyakap mo ako.” balik niya.

“Anong mali doon?”

“It’s not normal. Matt, please.”

“Gusto ko ang ginagawa ko. Just let me do this, please.” ang mga salitang lumabas sa bibig ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

Hindi ako nakinig sa protesta, at imbes ay binigyan ko siya ng isa pang mahigpit na yakap. If aamin na ako sa kanya, I might as well go all out. Isa pa, gusto kong dahan-dahanin ang pag-amin ko sa kanya. Ayoko siyang mabigla, seeing his state right now. At saka... baka hindi ko na ito magawang muli kapag hindi niya matanggap ang pagmamahal ko.

“Josh, alam kong may dinadala ka. Ilabas mo lang ‘yan.” mariin kong sabi sa kanya, habang yakap-yakap ko siya. At doon ay naramdaman ko na lamang ang unti-unting pamamasa ng suot kong t-shirt. Nararamdaman ko rin ang mahina niyang paghikbi. Bawat hikbing naririnig at nararamdaman kong nangggaling mula sa kanya ay siyang hiling ko na mabawasan ang bigat at sakit na kanyang nadarama.

Kusa akong kumalas sa yakapan namin at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Namasdan ko ang taong mahal ko habang may ilang butil pa rin ng luha ang tumutulo mula sa mga mata niya. “Anong nangyari, Josh?” seryoso kong pahayag.

“Bes, I don’t know. Wala akong kwentang tao. Nasasaktan na ako, bes.” sagot niya habang napapailing.

“Don’t say that. Hindi totoo ‘yan. Kung alam mo lang, Josh. I thank God everyday because you happened.” ngiti kong pahayag habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

“Si Gab kasi...” pagsisimula niya.

At nalaman ko na nga ang nangyari kagabi.

I felt threatened, dahil mahal rin pala ni Gab si Josh. Masakit, dahil nakikita ko siyang nasasaktan. Masakit dahil malaki ang posibilidad na wala na akong magagawa, na wala na akong pag-asa. Ito lang naman ang hinihiling ni Josh noon pa, ‘di ba? Ang mahalin siya ni Gab? So bakit siya umiiyak? Hindi ba dapat ay masaya siya?

Matt, magtino ka. Huwag mo ipahalata sa kanya ang kalungkutan mo! Kailangan ka niya ngayon. pag-uutos ko sa aking sarili.

“I don’t get it... hindi ba dapat masaya ka?” tanong ko.

“Matt, kung alam mo lang... natatakot ako. Hell, ito na! I rejected him! I’ve hurt him. Matt, only God knows how I felt nang makita ko ‘yung mukha niya, his tears. I’ve ruined everything. Kahit pagkakaibigan namin, Matt hindi ko man lang naisalba! Natatakot ako, bes. Ang sakit palang magmahal...”

“Bes, I’m always here. Kakayanin mo ‘yan.” pagputol ko sa kanya.

Natigilan siya ng panandalian.

“Why do you have to do that?” tanong niya sa akin.

Ano ba ang pinagsasasabi ni Josh.

“Do what?” taka kong tanong.

“Everything, Matt! Bakit ang bait bait mo sa akin? Bakit mo ba ako pinagtiyatiyagaan? Bakit hindi mo ako sinusukuan? Ano bang meron sa akin at hindi mo ako maiwan-iwan kahit na maraming beses na akong nagiging pabigat sa’yo? Bakit mo ako nililigtas tuwing pakiramdam ko matatalo na ako, na mahuhulog na ako sa kawalan? Bakit, Matt?” sunud-sunod niyang tanong.

Napaamang ako. I guess it’s time.

“Josh... it’s hard to start. Pero I guess dapat sa simula ako magsimula.” I never intended this to be a speech, pero this just goes to show how things can go out of plan.

“Hindi ka man maniwala, pero noong una kitang makita... when I saw your eyes at kung gaano sila kalungkot, from then on, I had this urge to help you. Gusto kong maibalik ‘yung sigla sa mga mata mo. And bes, kahit kailan naman hindi ka naging pabigat sa akin, eh. Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinapalakas araw-araw.  Like what I said, I thank God everyday dahil dumating ka sa buhay ko.” sagot ko.

“Thank you, Matt. Basta, salamat talaga.” sinsero niyang sabi habang nagkatitigan lamang kami.

Nagising na lamang ako sa katinuan nang maramdaman ko ang kusang paggalaw ng katawan ko papalapit kay Josh. Hindi naman siya tumutol. Mataman kaming nagkatitigan ni Josh. Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ni Josh ang tao sa mundo, na may parte kami ng mundo na hindi mapapasukan ng iba, na sa amin lang.

Huminga ako ng malalim.

“Josh, ‘di ba sabi ko sa’yo sasabihin ko na kung sino ‘yung taong minamahal ko? At gusto ko ikaw ang unang tanong makarinig ng pag-amin ko sa kanya.” pagsisimula ko. Ngunit wala siyang tugon bukod sa isang tango. Patuloy pa rin ang siyang nakatitig sa akin. Napadako naman ang tingin ko sa mga labi niya. Napansin kong napapikit ang mga mata ni Josh, tila alam ang susunod kong gagawin.

Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. I’m risking everything here. Iniisip ko pa lamang kung gaano ako kasaya at kung gaano nag-uumapaw ang pagmamahal ko sa kanya ay naiiyak na ako. Sa kabilang banda, lalong nakadagdag sa nagbabadyang mga luha ang posibilidad na baka hindi ako tanggapin ni Josh matapos nito.

Muti ay pinagmasdan ko ang mukha ng taong mahal ko.

At wala na akong sinayang na pagkakataon.

“I love you, bes.” pag-amin ko bago tuluyang maglapat ang aming mga labi kasabay ng masaganang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

--

FAST FORWARD

Natapos rin ang isang buwan naming sembreak, at pasukan na.

Buong sembreak akong tuliro, at hindi makausap ng matino. Hindi ako naglalalabas ng kwarto, hindi nagkakakain ng maayos. Tuwing naalala ko ang mga nangyari matapos ng unang gabi ng field trip namin ay hindi ko maiwasang hindi mapakali.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Ang layunin ko naman talaga ay ang sabihin sa kanya. Masyado lang talagang makapal ang mukha ko at nag-expect ako na aamin din si Josh after ko siyang halikan! Ang tanga tanga ko talaga.

Kaya nangyari na ang ikinakatakot ko.

Hindi niya ako pinansin matapos ng gabing iyon. Parang nagsisisi tuloy ako. Hindi ko maikakailang sobrang nasaktan ako. He rejected me. Hindi man niya sinabi sa akin directly, ang mga kilos naman niya ang tila nagpapamukha sa akin noon. Ano pa nga ba ang sensible reason kung bakit siya ganito ngayon sa akin? Rejection.

Only God knows if he’s still willing to keep the friendship.

Regardless of that fact, hindi ako umiyak. Hindi ko maikakailang sobrang nasaktan ako, pero may isang malaking bahagi ko pa rin ang umaasang mali ang hinala ko. Hangga’t hindi ko naririnig mula sa mga labi ni Josh na hindi niya ako tanggap, na hindi niya ako mahal, hindi ako mawawalan ng pag-asa.

--

Matamlay akong naglakad palabas ng bahay, tungo sa kotse namin para makaalis na ng bahay at pumasok ng school. Habang naglalakbay patungong school ay biglang sumagi sa isip ko kung paano ang magiging tratuhan namin ni Josh ngayong araw. Ngayon kasi ang una naming pagkikita matapos ang field trip. Do we act like nothing ever happened? Or ipagpapatuloy na lamang namin ang nakakailang na dramang ito?

Nang makarating kami ng school ay agad-agad kong nasipat si Nikki na siyang nilapitan ko. Kasalukuyan siyang mag-isa, at nakikinig ng music sa kanyang iPod habang nakaupo. Nang makita niya ako ay kinawayan ko siya at binigyan ng isang hilaw na ngiti. Tinanggal niya ang mga earphones niya. Tinabihan ko siya at itinaas ko ang mga paa ko sa mesa
.
“Natuloy mo ba?” simpleng tanong niya. Umiling lang ako. Hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon.

--

Josh.

Ako... mahal ni Matt?

Lihim akong napapangiti tuwing naaalala ko ang nangyari noong gabi ng field trip. Sino ba naman ang mag-aakalang mamahalin din ako ng bestfriend ko? Na kaya pala niya akong mahalin? I know that I tend to over-analyze things, pero alam ko this time, hindi na ako nag-aassume. Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya na nagbabadya na ng mga luha that night, and naramdaman ko iyon sa halik niya.

Ngunit bakit ko nga ba siya hindi pinanapansin?

Oh, right.

I’m scared as fuck. Malaki pa ang inflicted damage na iniwan sa akin ni Gab, and it would be unfair for Matt dahil ramdam kong buong sarili niya ang ibinibigay niya sa akin. Hindi naman atang patas na tira-tira lamang ng natitira ko pang tapang ang ibahagi ko sa kanya. Mahal ko siya, eh. Kaso takot talaga ako. Ang daming bagay na nakapagpaalala sa akin kay Gab. Hindi ko masisi ang sarili ko dahil mas matagal naman talaga ang pinagsamahan namin, ngunit naiinis ako na dahil dito ay hindi ko tuluyang mabuksan ng buo ang puso ko para sa kanya.

Hindi ko iyon masabi sa kanya.

Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko at siguraduhin ang nararamdaman ko para kay Gab. Hindi naman kasi ako maaapektuhan ng ganito kung wala na akong natitirang pagmamahal sa kanya. And thankful ako na wala pang alam si Matt ukol sa nararamdaman ko para sa kanya, because I don’t want to lead him into a life na walang kasiguraduhan. Ngunit nag-aalala ako dahil siguradong iniisip niyang nireject ko siya kaya ko siya iniiwasan. Kailangan ko siyang makausap.

Gab, kailan ba kita makakalimutan?

--

Matt.
Tahimik pa rin kami ni Josh hanggang sa loob ng classroom. Sa ‘di malamang kadahilanan ay hindi pumasok si Janine na siya lalong nakapagpaigting ng katahimikan sa paligid namin. Napapansin ko naman na pasulyap-sulyap si Nikki sa amin at tila tinatantsa kung kailan kami magsisimulang mag-usap.

“Bes.”

“Matt.” sabay naming bigkas.

Medyo nanlumo ako dahil sa pangalan ko niya ako tinawag. Ngunit natuwa naman ako dahil kinausap na niya ako matapos ang isang buwan! Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag, text, at messages ko sa kanya sa facebook. Kahit nang magpunta ako sa bahay niya ay palagi na lamang sinasabi ni tita Stella na wala siya, ngunit alam kong nagsisinungaling lamang si Tita, dahil ang tingin na binibigay niya sa akin ay may bahid ng awa, ng pag-aalala.

“Ikaw muna.” pag-encourage ko sa kanya.

“Hindi, ikaw na lang.” nahihiya niyang sagot.

“Pwede ba tayong mag-usap mamaya after class?” mahinahon kong pakiusap sa kanya. 

Laking tuwa ko nang tumango siya.

“Ikaw, ano sasabihin mo?” tanong ko.

“Ahhh nevermind.” tugon na lamang niya.

At muling nanumbalik ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

--

Dinala ko siya sa park sa loob ng subdivision namin matapos ang klase. Gusto ko dito dahil nakakatagpo ako ng peace of mind sa lugar na ito. Tahimik, malinis, at walang istorbo. Isang perkpetong lugar para sa isang masinsinang usapan. Alam ko sa oras na ito ay masasagot na ang mga katanungan ko. Malapit ko ng malaman kung may pag-asa pa ba ako sa laban na ito, o tuluyan na akong talo?

“Matt, something’s bothering me.” pagsisimula niya. Natutuwa naman ako na kahit ako ang nag-anyaya sa kanyang makipag-usap ay isa ang kusang nagsisimula ng conversation.

“Hmm?” tanong ko.

“Tayo.” tugon niya.

“Friendship?” ingat kong tanong.

“That night... noong field trip.” utal niyang pahayag.

“What about that?”

“The...”

“Kiss?” pagputol ko sa kanya.

“Yeah. Anong ibig sabihin noon?”

Napabuntong-hininga ako.

“Josh, alam kong alam mo na ang ibig sabihin noon. I thought I made it very clear...”

“So you were serious? Matt, if this is one of your silly jokes... stop.” tila di niya makapaniwalang pahayag.

“Yes. Ikaw talaga ‘yung mahal ko, eh. Seryoso.” nahihiya kong pag-amin.

Nakita ko naman ang pamumula ng mga pisngi niya na siyang ikinatuwa ko sa loob-loob ko.

“I don’t understand... bakit ako?”

“Josh, ang manhid mo pala talaga, no? Buong taon na ako nagpapansin sa iyo. Lahat ng banat ko, lahat ng sweet gestures ko, everything. Lahat iyon, may hidden meaning. If you thought, if lang ha—you thought that you were assuming things, tama ka sa mga assumptions mo. Hindi ko ginagawa iyon para lang mangtrip, o dahil palabiro lang talaga akong tao. Josh, seryoso ako. Lahat ng sinabi ko sa’yo during that night were true... and still is. Walang nagbabago, bes. At sa tanong mo kung bakit ikaw ang mahal ko? Sa totoo lang... hindi ko alam. Hindi naman dapat pinapaliwanag ang nararamdaman ng isang tao, eh; dinadama ‘yon.”

Hindi ko inasahan ang susunod niyang naging reaksyon. Nakita ko na lamang ang isang malusog na butil ng luha na dumadaloy sa kaliwa niyang pisngi. Ang mas ikinagulat ko ay ang biglang pagngiti ng kanyang mga labi, tila binabalewala ang luha sa kanyang mukha.

Oh shit. He’s going to reject me.

“So totoo talaga? Na mahal mo ako?” pagtatanong niyang muli. Hindi ko mabasa ng mabuti ang mukha niya, ngunit tila may nakikita akong awa at paghingi ng tawad sa mga mata niya.
Rejection. I tried not to cry. Tumango ako ng madiin.

“So, uhm... you’re gay? Uhm, bisexual?” maingat niyang tanong, tila nahihiya sa magiging reaksyon ko. Tila nabilaukan naman ako sa narinig ko sa kanya. Napakaseryoso kasi ng usapan, kaya hindi ko inexpect ang ganitong uri ng tanong mula sa kanya.

Josh, you’re amusing me.

“Uhm, next topic please?” nahihiya kong sagot. Ngunit naisip ko namang he might get the wrong idea kaya naman binawi ko agad ang huli kong pahayag. “Uhm, sorry. Pero yeah... I guess, pero sa’yo ko lang naman naramdaman, ‘to eh. First time. Kaya takot na takot ako noong una, pero pretty much tanggap ko naman. Kung iyon man ang tawag doon, then be it.” pagbawi ko.

Nakita ko naman ang lalong pamumula ng mga pisngi niya. Clearly ay hindi niya inasahan ang magiging tugon ko.

“Alam mo ba kung bakit hindi ko tinanggap ang alok ni Gab? Kung bakit ko siya ni-reject kahit mahal ko siya?” tanong niya.

Nanatili akong tahimik, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Kinakabahan.

“Dahil sa’yo. Mahal din naman kita, eh. Mas mahal kita kaysa sa kanya.” natatawa niyang sabi, ngunit di maikukubli ang lungkot sa mga mata niya.

Putangina!

“Oo, mahal kita, bes! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal ko para kay Gab. Ughhh, nakakainis ka. Bakit kasi ang bait-bait mo? Nahulog tuloy ako.”

Hindi pa rin ako makatugon.

“Hoy, Matt! Oh my God! Were you just testing me? To see if bibigay ako?! Tangina, hoy—“ naputol ang paglilitanya niya nang bigla ko siyang yakapin.

“Mr. Joshua “paranoid, overanalyzing, numb” Gutierrez, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya! I love you. I love you. I love you. Hindi kita niloloko. Putangina, mahal din pala ako ng taong mahal ko!” hindi ko na maikubli ang sayang nararamdaman ko.

Mahal din ako ni Josh!

Gusto kong ipagsigawan iyon, pero napigilan ko pa rin ang sarili ko. Naramdaman ko ang mahinang paghagikgik niya.

“Josh...” muling pagsisimula ko.

“Bes, natatakot ako. I don’t think I’m ready.” malungkot niyang tugon.

“Bakit?”

“Gab...”

Hindi na niya kailangang ipagpatuloy pa ang kanyang mga sasabihin, dahil alam ko na. Alam ko na, na hindi pa niya kayang buksan ang puso niya, dahil puno pa ito ng mga sugat.

“Hindi naman kita minamadali, bes.” ngiti kong pahayag sa kanya. Pilit ko siyang inintindi. Ganoon naman kapag nagmamahal ka, ‘di ba? Iniintindi mo ‘yung tao, dahil mahal mo siya.

“Baka mapagod ka lang.” nakayuko niyang pahayag.

Iniangat ko ang ulo niya gamit ang palad ko.

“Hinding-hindi mangyayari iyon, ok? Maghihintay ako. Ang importante ay may panghahawakan na ako. Josh, you made me so happy. Ang tagal kong hinintay ‘to. Thank you. I love you.” naluluhang sabi ko.

Mga luhang puno ng kaligayahan.

--


Itutuloy...

What do you guys think? Let me know through your comments! :D

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails