Followers

Showing posts with label Kailangan Kita. Show all posts
Showing posts with label Kailangan Kita. Show all posts

Saturday, December 31, 2011

Kailangan Kita: Kabanata 3


Kailangan Kita
Kabanata 3: Katas ng Pagsisikap

Tulad ng plano ni Camillo, tinapos niya ang mga dapat lakarin noong araw ding ‘yon. Narito ang pumunta sa Registrar’s Office, sa Finance Center, at maging sa chairman ng mga Academic Scholar na si Mr. Lee.

“Base on your exam results…” panimula ni Mr. Lee. “You are an achiever.”

“Oh, thank you for the complement, Sir!” masayang pagpapasalamat ni Camillo.

“But,” pambibitin ni Mr. Lee na ikinakaba ni Camillo. “As an Academic Scholar of our dear institution, we need to assign you to one of our offices here. Just think of it as your service and thanksgiving for the privilege and assistance that we’re going to give you.”

“No problem, Sir.” nakawala sa kaba na si Camillo.

“But,” nambibiting uli na si Mr. Lee.

“Ano ba naman ‘yan puro “but” na lang…ayaw n’yo ba akong papasukin dito?” tudyo ng isip ni Camillo.

“Academic Scholars can plan what day, and time they like to be in service, unlike SA Grant Holders, they need to serve and to be in duty in their designated offices everyday. And another one, Academic Scholars are only required to be in duty 16 hours per week.” masayang pagbabalita ni Mr. Lee sa kinakabahang si Camillo dahil sa dami ng “but” na inuusal niya.

“What about the maintaining grade, Sir?” magalang na tanong ni Camillo.

“Don’t you worry, just study much and more harder to have as high as 1.50.” pagpapalubag ni Mr. Lee sa nadamang kaba na bumakas sa mukha ni Camillo.

“Promise, Sir.” Pagtanggap ni Camillo sa hamon.

“So, that’s all, congratulations and welcome!” saka hawak sa balikat ni Camillo. “Come tomorrow and see me before 8:00 am to talk about your one (1) week training regarding your job in your office.”

“Okay, Sir. Again, thank you, Mr, Lee.” saka umalis si Camillo sa office ng chairman ng Acad. Scho.

Hindi alam ni Camillo pero nagkaroon ng epekto sa kanya ang paghawak sa kanya ni Mr. Lee. Napansin din niyang mataman ang pagkakatitig nito sa kanya. Pero inisip na lang din niyang baka ganoon lang talaga mag-welcome ang taong ‘yon. Isa pa lalaking-lalaki naman ito kung iyong pagmamasdan.

Si Mr. Lorenzo Abuevo Lee ay ang chairman ng kasalukuyang 30 Acad. Scho. Ng kanilang pamantasan. Nagtapos ng Business Administration sa parehong kolehiyo. May angking talino kaya madaling na-absorb ng sariling institusyon bilang isang professor. Kinahuhumalingan ng kanyang mga estudyante dahil sa mapang-akit niyang mga mata na nakuha niya sa kanyang ina at mala-Adonis na hulma ng mukha.

Banat din ang katawan dulot ng iba’t ibang trabahong pinasukan upang makapagtapos ng pag-aaral dahil mula sa isang maralitang pamilya. Anak ng isang intsik na hindi man lang niya nakilala. Tanging ina niya lamang ang kanyang nakasama mula pagkabata. Ayon sa kanyang ina, nasa sinapupunan pa lamang siya ay iniwan na sila ng ama na naka-fix marriage na pala sa kapwa intsik.


Sa kabilang banda, dahil sa tapat lamang ng CASR ang guardhouse na daanan ng tao palabas at papasok, napansin ni Ron si Camillo na palabas na sana ng kausapin ng isang babae. Nagkakatawanan pa nga ang dalawa.

“At kabago-bago pa lang, eh nambababae na, aba at nagyakapan pa rito ah. Humanda ka sa akin, ang balita ko eh dito ka maa-assign.” hindi alam ni Ron kung bakit ito ang nasabi niya. Natawa pa nga siya ng mahina dahil sa naiisip.


^^^^^^^^^^
fernandzsteppingstones.blogspot.com

Thursday, December 29, 2011

Kailangan Kita: Kabanata 2

Salamat po sa mga mambabasa, nakakatuwa kasi kahit papa'no naka-88 views ako sa unang kabanata pa lamang...
Maraming salamat po! =D

^^^^^^^^^^

Kailangan Kita
Kabanata 2: Hindi Inaasahang Kalituhan

Halata sa mukha ni Ron ang pagkainip habang ina-update ang listahan ng enrollees ng kanilang pamantasan. Kasabay nito ay ang paghintay niya ng mga walk-in applicants.

“Haayy!” naitaas ni Ron ang dalawang kamay paunat. “Boring talaga sa opisinang ‘to.”

Bilang isang Student Assistant (SA) itinalaga siya ng presidente ng kanilang kolehiyo sa Center for Admissions and School Relations (CASR).

Kaiba sa mga nakaraang araw na halos mapuno na mga WI applicant ang CASR, ngayon ay paisa-isa lamang ang bilang ng mga dumarating.

“Ron?” tawag ng isang babaeng may katabaan sa naiinip na si Ron. “Pahiram naman ng cellphone mo, io-open ko lang Facebook ko.” maarte at tila nagmamakaawang sabi ng babae.

“O, ito.” sabay abot ni Ron ng kanyang phone na galing sa kanyang bulsa at wala ng iba pang sinabi.

Ilang sandali tumili ang babae na ikinagulat ni Ron at ng lahat ng empleyado sa loob ng opisina.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Ron habang siya ay nakaharap sa kompyuter at ina-update ang list of enrollees. “Ahh…alam ko na. Siguro sinagot ka na ng nililigawan mo. Haayy…kababaeng tao, siya pa ang nangungulit sa lalaki” pagkatapos ay umiling-iling pa siya.

“Hindi kaya” naiinis na sabi ng babae. “Ako, si Cecille Enrique Abila, hahabol sa lalaki?” sabi ng babae ng buong giting. “No way!”

Pagkatapos na pagkatapos ng mga huling sinabi ni Cecille ay lumapit siya kay Ron ng may mapang-asar na ngiti.

“Ikaw ha…” pabulong na panimula ni Cecille. “Mayroon kang hindi sinasabi sa amin.”

“Ha?” nagtatakang si Ron. “Ano naman ‘yon?” tanong ng kinakabahang si Ron sa kung anong nakita ni Cecille sa kanyang cellphone. Oo alam niyang mayroong mga pornclips sa kanyang phone, peo sigurado naman siyang may code iyon.

“May nag-text kasi sa’yo.” sagot ni Cecille. Basahin ko ha…”

Ron ko, gud mornin’ sau…missing u already, hope 2 see u ma2ya…muah…

“Ah…girlfriend ko ‘yan” tila siguradong si Ron.

“Charot!” sabi ng hindi naniniwalang si Cecille. “Nakakakilig na sana, kaso…” pambibitin pa niya. “Bakit Matt ang pangalan? Girlfriend? pero bakit Matt? Baka naman boy-“

Nakaramdam ng pagkainis si Ron sa ibinibintang sa kanya ni Cecille. Bilang isang lalaki, nakagagalit na pulaan ang iyong kasarian lalo pa’t alam mo sa iyong sarili na tunay ka namang lalaki. Kaya minabuti ni Ron na putulin ang dapat sana’y sasabihin ni Cecille.

“P’wede ba? May girlfriend ako. At ‘yang Matt na ‘yan…”tumigili muna si Ron upang maging kalmado. “Eh matagal na ‘yang nangungulit sa akin eh…patay na patay sa kagwapuhan ko.” dinaan sa pagpapatawang paninindigan ni Ron.

“Bahala ka…” si Cecille na hindi pa rin magawang maniwala. “Kunwari ka pa, bipolar ka rin…hihihi!” bulong niya sa sarili.

Kasalukuyang nakaupo si Ron sa harap ng kompyuter na nakatalikod naman sa salaming pader ng kanilang opisina. Kaya naman kahit na naglilikot ang kamay niya sa may keyboard ay kita pa rin niya ang kalawakan ng campus maging ang panaka-nakang pagdating ng mga tao mula sa may guardhouse.

Nakaupo’t nakasandal siya sa isang swivel chair. Nang mapagod ang kanyang mga daliri sa keyboard. Nilaro naman niya ang isang ballpen sa kanyang daliri habang nakatingin ng seryoso sa labas ng office.

“Siguro, sobrang init sa labas…” ani Ron.

Halos lahat ng opisina sa institusyong pinapasukan ni Ron ay sinusuplayan ng kuryenteng galing sa init na mula sa araw. Lahat ng airconditioning systems nila ay pinagagana ng solar energy na ikino-convert sa electrical energy ng isang malaking aparato sa tuktok ng bawat office. Isa itong bagay na makapagsasabi ng highly-equipped ang kanilang paaralan.

Tumagal pa ang pagkainip ni Ron ng makakita ng isang lalaking pawisan na papunta sa kanilang opisina. Isang tingin pa lang ay alam na niyang WI applicant ang lalaki. Kaya naman tumakbo na siya sa pinto upang pagbuksan ang lalaking halatang init na init sa labas.

Hahawakan na sana ng lalaki ang pinto ng buksan na ito ni Ron.

“Good afternoon po!” bati ni Ron ng may maluwang na pagkakangiti. “How may I help you?”

Sa halip na bumati pabalik at pumasok ang lalaking mas maliit ng kaunti kay Ron, malungkot itong umalis at payukong naglakad palayo.

“Gwapo sana…suplado nga lang.” ani Ron gamit ang tonong lalaking-lalaki, ‘yong hindi mo pag-iisipan ng iba oras na marinig mo ang mga salitang kanyang binitawan. “Haayy…makabalik na nga.”

Si Ron o Ronald Allen Sebastiano Ramirez, mula sa isang marangyang pamilya. Eredero ng iba’t ibang negosyo ng kanyang ama na si Don Herardo Carteza Ramirez. Anim na taon pa lang si Ron ng patayin ang ina ng grupo ng mga magnanakaw. Kahit na nga ba miyembro siya ng isang angat na pamilya ay sinisikap pa rin niyang makapagtapos gamit ang kanyang sariling kakayahan bilang SA (Student Assistant). Sikat sa buong campus lalo na sa mga babae dahil sa taglay na kagwapuhang nagpapatalon sa puso ninuman, isama mo pa ang boses nitong maaaring isalin sa mga animé dahil sa tindi ng dating nito. Sa madaling salita, isang perpektong leading man sa mga soap opera.

“O, anong nangyari?” takang tanong ni Cecille nang makitang wala namang kasama sa pagpanik si Ron. “S’ya ba si Matt? Ayiieee!” panunudyo pa nito.

“Tumigil ka nga…” naiinis na si Ron. “Baliw ‘ata ‘yon eh…o baka pipi…hindi man lang nagsalita…itong gwapong ‘to, dinedma lang?” pagbuhat pa nito sa sariling bangko. Saka pasalampak na umupo sa swivel chair na kinauupuan niya kanina at muling pinaglaro ulit ang isang ballpen sa kanyang mga daliri.

Maya-maya pa ay nakita niya ulit ang lalaking kanina lamang ay sinabihan niyang baliw at pipi. Subalit ngayon napako ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking una niyang nakitang basa ng pawis na ngayon ay nangakasuot ng dark violet fitted t-shirt, kaiba sa suot nitong t-shirt kanina na kulay pula. Ang buhok rin ng lalaki ay may tamang ayos sa hulma ng mukha nito na iba rin sa ayos nito kani-kanina lang.

Hindi alam ni Ron kung bakit ganito na lamang ang dating ng lalaking iyon sa kanya. Lumalakas at bumibilis ang tibok ng kanyang puso habang palapit ng palapit ang lalaki na sa kanyang tingin ay mas bata sa kanya ng dalawang (2) taon.

“Gwapo ha…” parang kuya sa batang kapatid bulong ni Ron kasabay ng paghatid ng tingin sa lalaki sa may pasukan.

Bilang kanyang trabaho, tumakbo siya sa pinto upang pagbuksan niya ang nilalang na pinagbuksan niya ng mga nakaraang minuto.

Subalit bigo siya sa kanyang nais ng magkusa na ang lalaki sa pagbukas ng pinto. Kaya minabuti na lang niya itong salubungin ng pagbati.

“G-“.

Magsasalita na sana si Ron ng mapansing napapapikit ang nasa harapan, iniangat nito ang kanyang mukha palapit sa kanyang matigas na dibdib. Hindi niya alam pero parang nagugustuhan niya ang ginagawa ng lalaki. Kung maaari nga lang, niyakap na niya ito palapit sa kanya.

Napansin ni Ron na nakakukuha na sila ng maraming atensyon, kaya siya na mismo ang nagbali ng sitwasyon.

“Ahh…Sir?” pagtawag ni Ron sa pansin ng lalaki.

Napansin niyang nagulat ang lalaki at gawa ng mga taong nakatingin, napagtanto niyang napahiya pa ito. Kaya naman nagpakilala na siya ng may ngiti ng sa ganoon kahit papaano’y masabi niyang hindi siya galit at wala itong dapat na ikahiya.

“I’m Ron. ” inilapit ni Ron ang kanyang kamay.

Tulala lang ang binata. Ilang sandali pa at…

“Huh?” turan ng lalaking wari mo’y wala pa rin sa sarili.

“What’s yours?” natawa ng kaunti ngunit nakaniti pa ring si Ron.

Napipi ng nga ng tuluyan ang lalaking kaharap ni Ron. Inabot na lamang ni Ron ang kamay ng binata at hinawakan ito.

Sa ginawang ito ni Ron saka nakuha ng lalaki ang nais ng nauna.

“Ahh…I’m Camillo.”

“Ah…gusto pa hahawakan ang kamay ko. Sige lang…bihira lang ang may makahawak ng kamay ko.” tudyo ng isipan ni Ron.




^^^^^^^^^^
Please subscribe:
fernandzsteppingstones.blogspot.com


Wednesday, December 28, 2011

Kailangan Kita: Kabanata 1


Kailangan Kita
Kabanata 1: Tulak ng Pangangailangan

Mataas ang sikat ng araw noon, kahit na nga ba humahangin ay hindi pa rin sapat upang patigilin ang pagtagaktak ng pawis ni Camillo. Papunta siya sa isang paaralang wala naman talaga sa kanyang loob na pasukan, kinailangan lamang niya dahil sa hindi siya natanggap sa eskwelahang kanyang matagal nang pinapangarap.

Puno ng kasawian ang kalooban ni Camillo ng mga oras na iyon, sa kabilang banda iniisip at pinipilit na lang niya sa kanyang sarili na ang karanasang ito ay ang gusto ng Panginoon para sa kanya.

Maraming tao na labas-masok sa tarangkahan ng paaralang iyon. Ang mga mag-aaral, dalub-guro, at aplikante upang maging bagong estudyante ay sa may maliit na gate nagdaraan na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng isa pang malaking gate kung saan pinapapasok ang iba’t ibang uri ng mamahaling sasakyan na isang ebidensya na ang institusyong papasukan ni Camillo ay hindi lamang simpleng paaralan kundi isang sikat, popular at puno ng mga mayayaman. Pero hindi na iniisip pa ni Camillo ang mga bayarin, dahil naipasa naman niya ang iskolarsyip sa institusyong ito.

Matapos niyang magsulat sa logbook ng security guards sa may guardhouse na matatagpuan sa daanan ng mga tao upang masigurado ang seguridad, nagtungo siya sa Center for Admissions and School Relations upang magpasa ng kanyang mga papeles at magtanong tungkol sa mga hakbang ng kanyang enrollment.

Katunayan, kagagaling pa lamang niya sa simbahan kung saan siya bininyagan upang kumuha ng patunay na siya ay Kristiyano. Medyo nahirapan nga si Camillo sa pagkuha sa kadahilanang ang petsa kung kalian siya idineklarang Kristiyano ay parehong nakalimutan ng kanyang ama’t ina. Sinubukan niyang tanungin ang kanyang lola subalit hindi rin nito alam ang isasagot sa apo.

Minabuti na lamang ni Camillo na manghula ng taon at 1995 ang unang pumasok sa kanyang isipan. Hinanap ito ng nasa window pero wala.

Wala na siyang maisip.

“Baka naman 1994?” bulong ni Camillo sa sarili.

Sinabi niya ito sa babaeng nasa window at jackpot, tama ang hula niya. Disyembre 18, 1994 siya bininyagan.

Print. Stamp. Sign. Bayad ng 50 pesos. At nakuha na ni Camillo ang pinakahuling papel na kailangan niya para sa kolehiyong kinailangan lamang niyang pasukan.

At ito na nga siya sa tapat ng pintuan ng CASR (Center for Admissions and Schools Relations), ito na ang pinakaunang hakbang para makamit ang kanyang pangarap                   ang maging isang tanyag na manunulat at makapagbukas ng isipan gamit ang kanyang panulat.

Bubuksan na sana ni Camillo ang pintong yari sa salamin ng may isang lalaking boluntaryong nagbukas nito para sa kanya. Dahil dito, natigilan siya at napako ang mga paa sa kinatatayuan.

“Good afternoon po!” bati ng lalaking may katangkaran ng kaunti kay Camillo. “How may I help you?”

Nanatiling nakatanga si Camillo dahil sa inasal ng nakitang nilalang sa kanyang harapan..

“Grabe...” sabi ni Camillo sa sarili. “Parang artista ang mga tao rito...nakakahiya naman...”

“Ahhm...Sir?” nagtatakang tanong ng lalaki kay Camillo. “Tuloy po-“

Hindi pa man natatapos ng lalaki ang kanyang sasabihin, biglang umalis si Camillo at tinungo ang palikuran ng nakayuko.

“Nakakahiya naman dito...mukha pa akong marungis...amoy araw pati...mag-aayos na muna ako.”

Minabuti muna ni Camillo na mag-ayos ng sarili bago pumanik sa CASR. Nais niyang maging presentable sa lahat ng taong nasa loob ng opisinang iyon at gusto niya makipantay sa ayos ng mga taong makakasalamuha niya araw-araw.

“Anong problema no’n?” nagtatakang turan ng lalaking iniwan ni Camillo. “Gwapo sana...suplado nga lang.” Sabi nito habang nakanguso sa tonong lalaking-lalaki at pagkatapos ay bumalik sa ginagawa.

Si Camillo Guillen Montallban ay ipinanganak noong ika-27 ng Setyembre, 1994. Maagang naulila sa ina na ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa Laguna kasama ang panibago nitong pamilya. Oo nga’t nariyan ang kanyang ama, subalit mas minabuti ni Camillo na manalagi sa kanyang lolo at lola dahil sa ilegal na gawain ng nauna.

Hindi rin pahuhuli si Camillo sa usapang katalinuhan at kagwapuhan. Kahit na nga ba galing siya sa isang mahirap na pamilya, kapag siya’y iyong tiningnan, aakalain mong kasapi siya ng marangyang pamilya dahil sa puti ng kanyang kutis at magandang tindig. Nagpapaangat din sa kanyang kagwapuhan ang suot niyang walang gradong salamin ngunit nagbibigay sa kanya ng impresyong pagkamahiyain.

Pabalik na si Camillo sa CASR. Dumaan siya sa gilid nito. Siguradong makikita mo ang tao sa loob dahil sa salamin nitong pader. Habang binabagtas niya ang gilid ng opisina napansin niyang mayroong isang lalaki na nasa harap ng kompyuter na nakatitig sa kanya. Sinusundan siya nito ng tingin hanggang sa marating niya ang pintong yari sa salamin.

Bubuksan na ni Camillo ang pinto ng mapansing humangos ang lalaking nakatitig sa kanya na ngayon ay papunta sa kanyang lugar.

“Naku!” sigaw niya sa kanyang isip. “Ayan na naman si kuya. Kaya ko naman kasi ang magbukas ng pinto...” bulong ni Camillo.

Agad na tinulak ni Camillo ang pinto. Nabuksan na niya ito ng dumating ang lalaking may tindig na para bang isang modelo ng mga damit.

Humakbang si Camillo, huminto ang lalaki sa kanyang harapan, naamoy agad ni Camillo ang pabango ng binata. Walang kaalam-alam si Camillo na napapapikit na pala siya habang inaamoy ang lalaki. Iniangat rin niya ang kanyang mukha habang walang malay na lumalapit na pala ang mukha niya sa malapad na dibdib ng nasa harapan.

“Ahh...Sir?” tanong ng binata.

Bumalik sa ulirat si Camillo ng marinig ang baritonong boses. Napatayo siya ng diretso dahil sa pagkabigla.

“Ah...eh” naibulalas ni Camillo. Hindi siya makahanap ng maidadahilan, hindi niya rin matignan ng diretso ang nasa harapan.

Kung titingnan naman ang lalaki, tila natutuwa pa ito sa nangyaring paglapit ng mukha ni Camillo sa kanyang dibdib. Siguro kung sa iba nangyari ito, malamang na naitulak na si Camillo palayo.

“I’m Ron.” nakangiting pakilala ng lalaki habang inilalapit ang kanang kamay kay Camillo.

Natulala na lang si Camillo dahil sa kaninang kahihiyan. Hindi niya agad nakuha ang gustong mangyari ng lalaki sa pag-abot nito ng kamay.

“Huh?” ani Camillo ng tumingin ng may pagtatanong kay Ron.

“What’s yours?” natawang kaunti na tanong ni Ron.

Wala pa ring imik si Camillo. Inabot na lamang ni Ron ang kanang kamay ni Camillo, hinila ito ng marahan palapit sa kanyang kamay at pinaglapat ito.

“Ah...” sabi ni Camillo ng makuha ang nais ni Ron. “I’m Camillo.” sambit niya ng may pilit na ngiti dahil sa pagkapahiya.


Please subscribe:
fernandzsteppingstones.blogspot.com

Kailangan Kita: Teaser


Kung siya ang kaligayahan mo...

Handa ka bang ipagpalit ang kahit na ano?

maging ang sariling buhay na handog sa'yo?


Sa mundong puno ng mapanghusgang mga mata,
Kaya mo bang iwaksi ang pag-ibig na...
kasalanan sa iba?


Kailangan Kita...

bukas na...









Please subscribe:
fernandzsteppingstones.blogspot.com
Thank you! (In advance...)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails