YOU’RE
MINE – Chapter 3 (Meet Venom)
Stefan
“Jules” Salvatore
Para akong binuhusan ng malamig na tubig
ngayon sa itsura ko. Nakatulala lang ako at nakatingin sa pader kung saan
nakasulat ang sinabi kong salita. Pulang pula ito. Halatang dugo talaga ang ginamit. Pero hindi ko alam kung galling
ito sa dugo ng tao o hayop.
Dugo.
Bumabalik na naman ang mga ala-ala niya.
Bumabalik na naman sa akin ang lahat ng mga nadatnan ko nang gabing nakita ko
siyang halos bawian na ng buhay at naliligo sa sarili niyang dugo. Naaalala ko
na naman yung gabing yun. Ayoko nang maalala siya. Ayoko nang bumalik ang mga
ala-alang nagpapakonsensya sa akin. Naramdaman ko na lang ang paglalambot ng
mga tuhod ko at ang panginginig ng bawat parte ng katawan ko. Nagbalik siya. Galit
siya sa akin. Gusto niya akong gantihan. Pero mahal ko siya. At sa pagkaka-alam
ko kahit konti lang, meron pa ring kaunting pagmamahal na natitira sa akin para
sa kanya. At sabi niya noon sa akin bago nangyari ang lahat na mahal na mahal
niya ako. Kaya ba niyang gawin sa akin ito? Kaya niya ba akong saktan?
Oo. Kaya na niya. Hinayaan ko siyang
mamatay. Hinayaan ko lang siyang bawian ng buhay. Wala akong ginawa.
Napaluhod na lang ako at napayakap sa
sariling katawan ko. Nanginginig ako at punong puno ng takot. Binabalikan na
niya ako. Parang may naririnig akong nagsasalita pero hindi ko masabi kung
sino. Parang alalang alala siya. Nakapikit ngayon ang mga mata ko. Ayokong
idilat ang mga ito dahil na rin sa kadahilanang
takot akong makita kung ano man ang nangyayari ngayon.
