Followers

Showing posts with label His Husband. Show all posts
Showing posts with label His Husband. Show all posts

Saturday, August 17, 2013

His Husband (Forever)


PART 1     PART 2      PART 3     PART 4     PART 5 AND 6      PART 6.1 AND 7

THIS IS THE MOMENT !     THIS IS IT !     PART 8 AND 9      PART 10 AND 11

PART 12 AND 13     PART 14 AND 15     PART 16 AND 17     PART 18 AND 19

PART 20 AND 21     PART 22 AND 23     WERE CHASING THE WORD 'FOREVER'

MEMOIRS




N/N:
   Ito na ang ending huhuhuhu, naiiyak ako HAHAHA... Maraming-Maraming Salamat po sa lahat ng sumuporta, nag-marathon, nag-comment.. Actually dito na lang ako magrereply sa mga comment niyo. Kasi ending is an achievement.. Kaya kung natapos mo 'to.. Aba ! Achievement to Pre ! AHAHAH 
KAY ANONYMOUS (NA HINDI AKO MAKAMOVE-ON), KAY ATSEA, COFFE PRINCE, RANDZMESIA, VHIN.. AND RYAN CARLOS...MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA :D



When He Says: Forever

KRISTEN’S SIDE:
  
“Natatandaan mo pa ‘to, ito yung kinasal sila Ate Roxanne and Kuya Dustin.. Hahahaha ang epic ng pagsindi mo sa kandila natumba, buti na lang hindi nasunog yung gown ni Ate Rox.” Sabi ko sa kanya.

Andito kami ngayon sa Playground, Apat na taon na ang lumipas simula nung nangyari yung eksena namin sa Playground na ito.. Hindi ko dinemanda si Roxanne, napatawad ko silang lahat.. Hindi naman kasi tayo dapat mabuhay sa galit eh.

“Oy akala mo ikaw lang, ito naman yung epic fail mong move para pagselosin si Alexander kay Lawrence.” Sabi naman ni Evo.

Sina Lawrence at Alexander din ang nagkatuluyan, masaya na sila ngayon at parehong nakapagtapos.. Si Lawrence ay isang business man at si Alexander naman ay Chef.. Actually restaurant ang naging negosyo ni Alexander na si Lawrence ang namamahala..

Sa amin naman ni Evo, ako ay nakapagtapos sa kursong Accountancy at si Evo naman ay Engineering, pareho naming minamanage ang negosyo na pinag-isa ng mga magulang namen.. Ang taray diba.? HAHAHA.

“Babe, tignan mo ito yung picture natin sa New York ‘nun.” Sabi ni Evo habang nakatingin sa scrapbook na laging updated sa pagkuha ng mga memories.

Ginawa namin yung scrapbook nung first year college kami, Magkaiba man kami ng course.. Wala namang humahadlang sa’min.. Halos botong-boto ang lahat sa EVOTEN HAHAH. Pero syempre hindi naman maiiwasan na may magkagusto sa’kin o sa kanya..

Tanda ko pa nga ‘nun nung may babae na nakipagsabunutan sa’kin eh, HAHAHA ang epic ko ‘nun kasi talagang lumaban ako.. Aba! Walang makaka-agaw kay happiness ko.. Nung kay Evo naman, nakipaglaban siya sa Quiz Bee at yung kalaban niya yung matagal nang may gusto sa’kin.. Mukhang shonga lang, taong kalye talaga ang peg ko.. makipag-sabunutan daw ba eh ahahaha.

“Naalala ko pa yung tumutusok sa likod ko nung nasa New York tayo, HAHAHA ang tigas babe.” Sabi ko sa kanya, hahaha namula ang gago.

“Pero admit it yun ang pinakamasarap na hotdog na natikman mo sa buong buhay mo.” Sabi niya sa’kin.

“HAHAHA gago.!” Sabi ko sa kanya at hinampas ang braso niya.

“Bakit hindi ba.?” Sabi niya sabay hinga sa tenga ko, Shit ang kuryente HAHAHA.

 “Hahahaha, ewan ko sa’yo… Sumbong kita kay JP.!” Sabi ko sa kanya.

Kay JP naman, balik na kami sa dati.. Hindi ko naman siya binutunan ng galit haha hindi ako galit sa kanya.. In fact nagpapasalamat pa ‘ko sa kanya kasi bumalik ang past ko at nasagip niya ko sa kamatayan.. Sila na ni Bim ngayon, maraming pinagdaanan ang couple na ‘yan..

Nakapagtapos si JP bilang Macho Dancer, HAHAHA at si Bim naman ay GRO HAHAHAHAHA Joke lang.. Si JP isa na siyang Architect at si Bim naman ay isa nang Script Writer sa isang broadcasting company.. HAHAHA..

“Hmmm pero alam mo babe, halos lahat pala tayo stable na.. Sila Sheila at yung jowa niya nagfly-fly na sa ibang bansa tapos si Paula naman, kuntento sa pagiging Housewife.. ako ayaw mo ba kong maging housewife na lang.?” sabi ko sa kanya sabay nguso.

“Ayoko, tsaka na ‘yan.” Sabi niya sakin then he gave me a peck sa lips.

“Eh.! Ayoko na magtrabaho, nakakasawa na.” sabi ko at tumayo na kinauupuan namin sa ilalim ng puno.

“Ano gusto mo.? Maghirap tayo.?” Sabi niya na tumayo na din.

“Wag kang OA, anong maghirap agad.?” Sabi ko sa kanya habang nakasalubong ang kilay.

“Bakit.? Pag nawala ka, walang maga-asikaso sa kompanya, hindi ko naman natutukan yun ng maigi.!” Sabi niya.

“Kahit na! Kaya mo naman ‘yun eh, andun din naman yung board.” Sabi ko sa kanya.

“Tumigil ka Kristen Delos Reyes Yu, gusto mo lang yata ng 10 round kaya ka gumaganyan sa’kin.” Sabi niya.

“Leche Evo Patrick Yu.!” Sabi ko sa kanya.

“Hindi nga babe, wag ka munang mag housewife.” Sabi niya.

“Sige na nga.” Sabi ko at umupo na ulit.

Umupo din siya at sinandal niya ko sa braso niya. Normal na sa’min ang simpleng away na ganun. Sagutan lang naman pero laging nauuwi sa pagbabati. Were perfect, imperfect couple.. Masaya kami sa kung anong hindi perpekto samin. Tanggap namin ang isa’t isa, ang mga defects kung baga.

“Mahal na mahal kita.” Sabi ni Evo sa’kin, na nakatingin talaga diretso sa mga mata ko.

“Mahal na mahal din kita, akala mo ikaw lang.?” sabi ko sa kanya and gave him a peck.

Natigil lang ang paglalambingan namin nung narinig namin ang kulog, Nilagay agad ni Evo yung scrapbook sa ilalim ng puno para siguradong hindi ito mababasa kung umulan man..

As expected, isa-isa ng tumulo ang mumunting patak ng ulan, Tumayo kami ni Evo… Pero may naisip ako.. HAHAHA.

“Habulin mo ko Babe.!” Sabi ko sa kanya at tumakbo..

(PLAY THIS AND JUST FEEL THE ESSENCE OF LOVE AND EVERYTHING :D )

When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move

Tumakbo rin siya at hinahabol, ako masaya ako ngayon at alam ko na ang pakiramdam ng totoong masaya, dahil kay Evo Patrick Yu.. natutunan ko ang salitang kontento..

While we're young, come away with me
Keep me close and don't let go

Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you

Nagsimula ang kwento ko, 4 na taon na ang nakakaraan… Umuwi ako sa bahay namin ng may mag-asawang nagsabi na ipapakasal nila ako sa lalaki, nagulat ako syempre.! Pero iba pala talaga ang tadhana…

Who'd have thought that I'd breathe the air
Spinning 'round your atmosphere

I'll hold my breath, falling into you
Break my fall and don't let go

Dumaan kami sa iba’t-ibang pagsubok ng pagmamahal, andyan yung selosan, angkinan at kidnapan… Pero iba ang kapangyarihan ng pag-ibig, kaya nitong talunin ang lahat…

Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you

Sa tuwing lumalapit si Evo sa’kin, nararamdaman ko pa rin yung kuryente.. Iba… grabe nakakapanghina pag lumalapit siya.. Butterflies in the stomach, I think yan yung term..

“Hahaha mahahabol na kita Babe.” Sabi niya at Lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you

Lahat ng bagay kakayanin ko, para sa kanya.. Hindi ko alam ang mangyayari pag wala siya si Evo ang nagbibigay kulay sa mundo at bawat araw ko.. Siya yung ilaw ng mga mata ko.. Pagkain ng puso ko at bahay ng utak ko…

Moving closer...

“Waaaaah, ang duga mo Babe, lagot ka sa’kin pag nahuli kita.” Parang bale-wala lang ang ulan sa’min..

Closer to you...

Maabutan niya na ‘ko… Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo sa damuhan ng playground.. Maputik pero wala namin kaming pakiaalam dun.

Moving closer...

Hanggang sa hiningal na ‘ko at tumigil sa gitna ng playground… Hingal na hingal din na lumapit sa’kin si Evo… Basang-basa na kami pero patuloy pa rin ang pagpatak ng ulan…

I'm moving closer to you

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko at naramdaman ang labi niya na gumagalaw at ang dila nito na sumasabay sa patak ng ulan.. Yan ang kwento ko at ni Evo.. and I’m very proud to say that I’m His Husband.. Forever..


FIN <3




N/N:
  Natapos ko 'tong i-type ng lumuluha HAHAH.. Again sobrang maraming THANK YOU.. Last na 'to COMMENTS PO :D 
 
                       

                   

Sunday, August 11, 2013

His Husband (Memoirs)



PREVIOUS 3 PARTS:

           PART 22 AND 23          Were Chasing The Word 'Forever'




Author's Note:

     Maraming Salamat po sa pagsubaybay :) Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on dun sa isang Anonymous na nag-comment, Grabe sobrang maraming THANK YOU PO :D Pati na rin kay AtSea, Randzmesia and Vhin :*






When He Says: Memoirs




Mga dapit-hapon ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Dustin galing America.. Nakaramdam siya ng kaba at excitement dahil magkikita na muli sila ni Roxanne.. Alam niyang malaki ang nagawa niyang kasalanan sa pag-iwan dito ilang taon na ang nakararaan.. Umalis siya dahil hindi sa ayaw niya na at hindi na niya mahal si Roxanne. Blinock-mail siya ng tatay nito na ibabaon sila nito sa hirap pag hindi nito sinunod na mangibang bansa.





Wala nang nagawa si Dustin nuon na magdesisyon na pumayag sa gusto ng tatay ni Roxanne, alam niya ang lahat ng nangyari kay Roxanne.. ito ay dahil pinamamanmanan niya ito sa tauhan niya.. Mayaman na si Dustin ngayon at isa na siya sa tinitingalang arkitekto sa America.





Ngayon nasa isang sitwasyon siya na kailangan niyang harapin ang nagawa niya.. Ibinalita sa kanya ng tauhan niya dito sa PIlipinas ang ginagawa ngayon ni Roxanne. Dali-dali siyang pumunta sa pinakamalapit na Police Station at sinabi ang nangyayari sa Playground kung saan maraming pwedeng mapahamak. Napahawak na lang siya sa mukha dahil siya ang may kagagawan nito, hindi lang naman si Roxanne ang nasaktan niya kung hindi pati ang nasira nilang anak.





“Ahhhhhhh..” halos mapasabunot siya sa kakaisip, Ang mga pulis naman ay naga-antay na lang ng mobile.





“Sir handa na po ang lahat.” Sabi nung pulis.





Sumakay na siya sa kotse sunod lamang sa mga Pulis, kinakabahan siya sa pwedeng magawa ni Roxanne. Kilala niya ito, grabe ito magalit at gumanti sa sinuman ang nakasakit o nakagawa ng hindi maganda dito.





Mga ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa Village at tinungo ang playground, naabutan niya si Roxanne na may tinututukang baril sa isang lalaking nakapasak ang bibig at nakatali, may katabi siyang isang parang bouncer at may hawak itong dalawang lalaki, ang isa ay kung hindi siya nagkakamali yuon ang pinsan ni Roxanne na si John Paul.





“ROXANNE.” Ang sigaw ni Dustin pero sabay ng pagsigaw niya ang pagpindot nito sa gatilyo at hinarang ng pinsan nitong si John Paul.





“Dustin.” Naluluhang sabi ni Roxanne..





Lumapit ang mga pulis kay Roxanne at duon sa kasama nitong lalaki, nakita niya ang pinsan nito na umiiyak habang nakatingin sa lalaking duguan ang ulo dahil sa pagkatama nito sa bato nung hinarang ni John Paul ang bala.




“Fuck, dalin na natin siya sa Ospital.” Ang sabi nung lalaking halos mukha ng baliw dahil sa pag-iyak nito.





Tinulungan ni Dustin sina Evo, sinakay agad nito sa kotse at mabilisang dinala sa pinakamalapit na Ospital. Nang madala nila ito ay hindi nagtagal si Dustin at pumunta sa presinto kung saan naroon si Roxanne.





EVO’S SIDE:



Were currently here sa ospital kung saan nasa emergency room pa rin si Kristen, si JP naman ay tulala na nakaupo sa tabi ko.. I know kailangan ko siyang pasalamatan sa pagsalo niya sa bala na dapat sana ay kay Kristen.. Hinihintay niya lang ang nurse upang magamot ang sugat niya kaya siya nasa tabi ko.




“JP.” I said.




“Evo, I don’t know kung mapapatawad mo pa ‘ko, pero I’m sorry for everything.” Humahagulgol nitong sabi.




“It’s ok, wala ka namang kasalanan, you’re just blinded by love for my Kristen.” I said and pat his back.





“No, kasalanan ko ‘to.” He said.





“Walang may kasalanan nito JP.”





Hindi na lang siya sumagot at hikbi na lang nito ang naririnig ko.. He’s guilty pero hindi ko naman siya dapat sisihin since si Roxanne ang may pakana ng lahat ng ito.




“Sir, gagamutin na po natin ang sugat niyo.” Sabi ng nurse kay JP.




Unti-unti itong tumayo at pumasok sa kwarto, ako naman ang mga hiwa ko sa kamay ay itinali ko na lang ng panyo, hindi nanaman ito masyadong dumudugo kaya hindi ko na inaksayahan pang magpagamot, I’m on mix emotions at masyadong pre-occupied ang utak ko..Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.




“Mukhang malaki ang problema mo Kuya, ito oh.” Tumingala ako at nakita ko ang isang magandang bakla na hawak ang isang panyo.




Hindi ko alam pero kinuha ko ang panyo at pinunas sa mata ko at sa mukha kong madumi, nakita ko siyang ngumiti.




“Ako nga pala si Jade.” Inabot nito ang kamay nito sa akin..




“Evo Patrick Yu.” Sabi ko and grab his hands.




“Ano nga palang ginagawa mo dito.?” Tanong niya.




Kwinento ko sa kanya ang lahat and I think mga 30 minutes din kaming magkausap, nakita ko ang awa sa mukha niya ..




“Uhmm nice meeting you Evo, una na ko ah.? Don’t worry ipagdadasal ko ang asawa mo.” Sabi niya. Then I just gave a fainted smile.




Halos kakaalis lang ni Jade ng lumabas ang doctor mula sa kwarto kung saan ginagamot si Babe.




“Sino ang pamilya ng pasyente.?” Tanong ng doctor at luminga-linga.




“I’m His Husband, Doc.” I said at lumapit sa kanya.




Nakita kong sumeryoso ang mukha nito, Shit.!





3rd Person’s POV (Focus ito sa PAST nila  Kristen.)



Nagulat siya ng matulak siya ni JP at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumama ang ulo nito sa bato… Bigla na lang parang may kung anong memorya ang unti –unting bumabalik sa utak niya.. Nagsimula ito nuong.




Matagal ng naninirahan sina Krisanta at Stephen sa village na matagal na sa lugar, mayaman ang pamilya nila.. Mayroon silang dalawang anak.. Sina Paulo at Kristen.. Bata pa lang ay pansin na ni Krisanta ang mahinhin na pagkilos ni Kristen, hindi niya naman masabi ito sa anak dahil bata pa lang ito 5 na taon pa lang ‘nun si Kristen at next year ay mag-aaral na ito ng kindergarden.




Nakatanaw lang si Kristen sa balkonahe ng bahay nila ng makita niya ang isang bata na mukhang bagong lipat sa tapat ng bahay nila, hindi niya alam kung bakit napapangiti siya pag tinitignan niya ito ng palihim, sulyap-sulyap lang..




Lumipas ang isang linggo at pasukan na, wala na ang kuya niya kaya siya lang mag-isa sa bahay, ang mga magulang naman nito ay busy sa mga trabaho nila.. Malungkot si Kristen kaya pumunta siya sa playground upang sana ay maglaro.




Nakita ni Kristen ang batang lagi niyang tinitignan sa harap ng bahay nila, napangiti siya at dumukot ng candy sa bag niya.. Lumapit siya dito..




“Gusto mo ng candy kuya.?” Sabi ni Kristen na agad namang kinuha ng bata.




“Sure.” Nakita ni Kristen ang napakagandang ngiti nito na ikinangiti niya rin.




“Ako nga pala si Kristen Delos Reyes.” Sabi ni Kristen at umupo sa tabi nung lalaki.




“I’m Evo Patrick Yu.”  Sabi nito at ngumiti ulit kay Kristen.




Simula ‘nun ay naging magkaibigan at lagi na rin silang naglalaro sa playground.Isang araw ay wala ang pamilya ni Evo kaya napagdesisyunan niyang magligid sa Village nila, lagi namang wala ang magulang niya kaya ok lang sa kanya ang mag-gala basta hindi lalabas ng Village. Habang naglalakd ay napansin ni Kristen ang isang batang nasa labas ng bahay nito at umiiyak..




“Bakit malungkot ka bata.?” Sabi ni Kristen at tinignan naman siya nung bata.




“Nag-away kasi yung mama at papa ko.” Umiyak ulit yung bata at nataranta si Krisnten.




“Anong pangalan mo.?” Out of nowhwere na tanong ni Kristen.




“Ako si John Paul, you can call me JP, can we be friends.?” Sabi nito at tumigil na sa pag-iyak.




“Sige friends na tayo, ako nga pala si Kristen.” Sabi ni Kristen at inabot ang kamay nito na agad namang tinugon ni JP.




Simula ‘nun ay naging magkakalaro at magkaibigan silang tatlo, pero laging nagkakagalit sina Evo at JP dahil minsan ay nagagalit sila pag ang isa sa kanila ay binibigyan ni Kristen ng atensyon.. Kung sa pagiging matanda ay matatawag itong selos.




Hapon nuon at si Evo at Kristen lang ang nasa playground, masaya si Evo dahil solo niya lang si Kristen.. Hindi mapagilan ni Kristen na umamin na, aminado siyang may iba siyang nararamdaman kay Evo.. Yung puso niya abnormal pag kasama niya ‘to tulad ngayon na parang walang oras, nakatigil ang mundo..




“Alam mo, pag kasama kita.. Iba ang nararamdaman ko.” Sabi ni Kristen.. totoo naman kasi ‘yun.




“I feel that too Tenten.” Sabi ni Evo habang nakatingin diretso sa mga mata ni Kristen..




“Hoy, parang kayo lang ang magkaibigan.” Biglang sigaw ni JP.




Hindi alam ni Evo at Kristen na narinig niya lahat ng pinag-usapan nila, galit siya kay Kristen pero mas galit siya kay Evo.. Ilang beses niya na itong nakitang laging naglalapit ang mukha, isa pa ay nuong nasa tapat sila ng bangin at nagsumpaan.. Nandun din siya..




Naglaro lang silang tatlo, inis nanaman si Evo dahil nawala nanaman ang sana’y moment nilang dalawa ni Kristen.. Sa sobrang galit naman ni JP ay kinuha nito ang bracelet ni Evo na bigay ng nanay nito sa kanya.. Pasimple lamang at nakuha niya din..




Kinabukasan ay halos halughugin na ni Evo ang buong bahay nila para mahanap ang napaka-importanteng bracelet na ‘yun.. Regalo sa kanya ‘yun ng Mommy niya nung birthday niya nung isang taon.




Malungkot siyang tumungo sa playground at nakita niyang may sinusungkit si Kristen sa puno.. Tumingin si Evo at nakita niyang bracelet niya pala yung kinukuha ni Kristen..




“Patpat diba bracelet mo ‘yun.?” Tanong ni Kristen. Tumango lang si Evo na malungkot pa rin.




“Tss wag ka na sad makukuha din natin ‘yan.” Sabi ni Kristen.




Ilang sungkit pa ay hindi nila talaga ito makuha, dismayado si Kristen na makuha ito dahil ayaw niyang maging malungkot si Evo..




“Kargahin mo ‘ko Evo.” Sabi ni Kristen.




Pinilit siya ni Kristen at maabot na sana nila ito pero umuga si Evo dahil nabibigatan siya kay Kristen. Pero hindi na nakaya ni Evo at tuluyan niyang nabitawan si Kristen, parehong tumama ang ulo nila sa bato.. Nakita iyon lahat ni John Paul, dali siyang humingi ng tulong.




Nadala sa ospital si Kristen at Evo na parehong duguan ang ulo… Umamin si JP sa kanila na siya ang nagpalagay sa Driver nila nuong bracelet.. iyak lang ng iyak nuon si JP.. Nagsisisi siya sa nagawa.. Hanggang lumipas ang 3 araw ay nagising na si Evo.. nagulat ang Mommy nito at si Krisanta na wala itong maalala. Kinabukasan din nuong araw na yun ay nagising na rin si Kristen.. nanlumo sila dahil kapareho din ito ni Evo.




Simula ‘nun ay napagpasyahan ni Krisanta at Stephen na ipamahala muna ang kumpanya nila kila Anthony at Ysabelle.. Oo hindi sila naghirap.. pinakasal lang nila ang dalawang bata dahil alam nilang sila lang ang makakapagbalik ng nakaraan nila.. Dahil hindi utak ang susi sa memorya kung hindi ang puso.




Nabale-wala nuon si JP at lumipat na rin ng Village hanggang sa nalaman niya na lang na sa Public School naga-aral si Kristen.. Sumunod na lang siya dito at duon ay nakilala niya na ang bagong Kristen.





EVO’S SIDE:


Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita kong nakahiga si Kristen.. (malamang nakahiga..) Hinimas-himas ko ang buhok niya at tumulo nanaman ang luha ko..



“Kristen, mahal na mahal kita gumising kana please.” Sabi ko kay Kristen.



Ligtas siya sabi ng doctor, mabuti na lang daw at hindi nag clot ang dugo nito sa utak dahil mas delikado daw iyon.



“Kristen..” malambing na sabi ni Evo.



Nagulat na lang ako ng unti-unting bumukas ang mga mata nito.. lalong tumulo ang mga luha ko..



“Kristen.” Masiglang sigaw ko.



“Patpat.” Niyakap ko na lang siya..









Habang mayakap ay hinalikan ko siya agad.. Sobrang saya ko… Sobra :)









Author's Note:

     Oha ! HAHAHAH Sunod na po ang Ending nitooo :D Again maraming maraming salamat po sa pagbabasa ! :D








Wednesday, August 7, 2013

His Husband (Were Chasing The Word 'Forever')



PREVIOUS 4 PARTS:

         PART 20 AND 21          PART 22 AND 23


Author's Note:

         Pasensya na po sa delay, nagbakasyon at may pasok na kasi ang magandang si ako.. Sana'y maunawaan niyo.. Maraming salamat po kay Andy, sobran maraming thank you po. :3 You inspire me HAHAHA :D Thank you rin po sa mga nag-comment sa nakaraang chapter :D 

          Maikli lang po ito, kasi hindi ko na kinompile ang dalawang chapters :D 






When He Says.. Were Chasing the Word ‘Forever’

Mabilis tumakbo ang araw kasabay ang oras, isang linggo na ang nakalipas nang magpakamatay si Evo.. Hindi gingulo ni JP si Kristen, Masakit man kay JP ay kailangan niyang hindi pansinin si Kristen. Si Evo naman ay masaya dahil katabi nito ngayon ang asawa sa kanilang kama, hindi niya inaakalang mapapatawad siya nito.

“Mahal na mahal kita.” Ang sabi ni Evo sabay himas sa buhok ng asawa.

Kinabukasan ay araw nanaman ng eskwela kaya nagmamadali silang bumangon, Ikatlong linggo na ng Nobyembre, Halos 1 buwan at kalahati na silang mag-asawa..


KRISTEN’S SIDE:

Masaya naman ako sa piling ng asawa ko pero hindi ‘nun maalis ang guilt ko sa sarili ko at sa mga ginawa ko, pinagsisihan kong sinagot ko pa nun si JP, alam kong mali na bumalik kay Evo pero ayokong mawala ang taong mahal na mahal ko.

“Tss, ang lalim nanaman ng iniisip mo, wag mo nang isipin ‘yun ok.? Ako na ang kakausap kay JP.” Paninigurado sa’kin ni Evo habang sinusuot ang uniporme nito, sinabayan niya pa ito ng paghalik sa aking noo, simbulo na magtiwala lang.

Halos isang linggo na rin kaming walang pansinan, marahil ay pansin na niya na nagkabalikan na kami ng asawa ko, hindi ko siya malapitan, hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry.

“Halika na, male-late na tayo.” Sabi niya.

Lumabas na kami ng Condo at nakapunta na kami sa School, wala pang traffic dahil umaga pa lang ‘nun. Pagpasok namin ng school ay kokonti pa lang ang tao at inaantay ang bell para sa Flag Ceremony, Lumalamig na din ang panahon dahil malapit na ang buwan ng Disyembre.

Nakita ko ang mga bakla na parang ang saya-saya nila, bakit hindi na nga ba katulad ng dati.? I mean hindi ko magawang maging masaya..

“Bakla, aga natin ah.” Sabi ni Paula at busy sa pagkalikot nito sa Cellphone.

“Hi Evo.!” Bati naman ni Sheila, ngumiti lang si Evo at nagpaalam sa’kin na pupuntahan niya lang daw sila Lyndon.

Maya-maya pa ay nag-bell na, Sabay-sabay kaming pumunta sa first subject namin, wala  pa rin akong nakikita kahit anino ni John Paul, hindi ko alam bakit nga ba ‘ko masyadong guilty.. Lumipas ang 3 oras at natapos ang tatlong subject, break na ngayon kaya kasama ko si Evo sa Canteen.

“Bakla, wag mong damdamin ang mga nangyari, Wala kang kasalanan.. Si JP ang may gusto ‘nun.” Sabi ni Sheila at kumagat sa burger nito.

“Oo nga bakla, ang daming nagbago sa’yo ang tahimik mo na, Parang hindi na ikaw yung Kristen na kaibigan namin.” Sabi naman ni Paula, nginitian ko lang sila ng pilit.

“Hayyy Evo Patrick Yu, ano bang ginagawa mo sa asawa mo.?” Sabi ulit ni Paula.

“Hindi ko rin alam, pero ipaglalaban ko kay JP ang relasyon namin.” Sabi ni Evo.

“Wala namang kasalanan si Evo dito mga bakla kayo.!” Sabi ko sabay ngumiti, alam kong alam nila na hindi maganda ang mood ko kaya wala ng sumagot sa sinabi ko.

Natapos ang pagkain namin at naramdaman ko na parang sasabog na ang pantog ko.

“Magc-CR lang ako.” Sabi ko at tumayo.

“Sama na ‘ko.” Sabi ni Evo na akmang tatayo na pero pinigilan ko.

“Mukha kang tanga Evo, kaya ko na mag-isa.” Sabi ko, umupo na lang siya ulit at pinayagan na ako.

  
Dahan-dahan akong naglakad patungong CR at nung malapit na ‘ko sa tabi ng Garden ay nakita ko si JP na mukhang malungkot at hindi mawari ang nararamdaman.

“Je—JP.?” Tanong ko, at pagkatapos ay tumigil sa paglalakad.

“Kristen.” Seryoso ang boses nito.

“Uhmmm.” Wala akong mahagilap na salita, hayyy nakakaloka na.

“Mag-usap tayo.” Sabi niya sabay hatak sa’kin.

“Teka JP, saan mo ‘ko dadalhin.?” Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay bigla niya na lang akong binalibag sa kotse niya, hindi niya dala ang bike niya ngayon. Kinakabahan ako sa nangyayari kaya agad kong kinuha ang cellphone ko, tatawagan ko sana si Evo. Nag-ring ito ng isang beses pero kinuha ito ni  JP, pagkatpos ay binuksan nito ang bintana at binato ni JP ang cellphone nito sa labas.

“Shit! JP, ano bang gusto mo.?” Sabi ko sa kanya, at pinapalo ang braso niya.

Natigil ako dahil alam ko kung nasan kami, sa Village ito nila Evo.. Pero bakit ganun ang nararamdaman ko, naghahalo ang takot ang saya at ang kaba. Tumigil ang kotse at nakita ko kung nasaan kami, nasa PLAYGROUND  kami ng Village.

“Alam mo, pag kasama kita.. Iba ang nararamdaman ko.” Sabi ko habang katabi ang isang bata.

“I feel that too Tenten.” Sabi nung bata habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

“Hoy, parang kayo lang ang -----.”


”AHHHHH.” Napahawak ako sa ulo ko at napaupo ako sa damuhan ng playground.
  
Marahas akong hinila ni JP habang nakaupo ako sa damuhan, tirik na tirik nun ang araw kaya damang-dama ko ang init ng lupa, sinasabayan pa nito ang sinag ng araw. Dinala niya ako sa parang abandonadong  maliit bahay (parang guard house lang.) sa mismong playground, sira sira at walang pintura ito, kung titignan mo sa gabi ay siguradong matatakot ka..

“Magaling Pinsan.” Tumingin ako kung sino ang nagsalita…

“Roxanne.?” Sabi ko, akala ko ba maayos na kami nito.

Hindi ako makapalag dahil itinali ako ni JP sa upuan sa loob ng bahay.. Masakit sa likod, sobrang higpit ng pagkakatali..

“Ako nga my Dear, miss me.?” Sabi nito at humalakhak na parang demonyita.

“Bakit mo ‘to ginagawa Roxanne.?” Sabi ko at tumulo ang luha.

“Wala lang My Dear, para naman may Thrill diba.?” At tumawa nanaman ito na parang demonyita.

Umalis ito sa harap ko at sinabihan nito si JP na siya na muna ang bahala. Tinitignan lang ako ni JP habang lumuluha. Mga hikbi ko lang ang naririnig sa buong lugar.
  
“Ano bang gusto mo JP.?” Tanong ko sa pagitan ng paghikbi.

Lumapit ito sakin at hinawakan ng mahigpit an magkabila kong pisngi at siniil ako ng halik. Marahas ang halik na iyon, masakit… Halos kagatin niya ang dila at labi ko..

“J—P.” ang tangi ko na lang nasabi at hinalikan niya nanaman ako.

Matagal niya kong hinalikan hanggang maubusan kam ng hininga, humihigal kaming dalawa sabay sa paghinga ay isa-isa nanamang tumulo ang luha ko, bakit niya ba kasi ‘to gingawa.

“JP, bakit JP.?” Tanong ko sa kanya.

“Mahal lang kita Kristen.” Sabi niya at binigyan ako ng smack sa lips.

Hindi ko alam, traydor nanaman ba ‘ko.? Hindi ko naman ‘to sinasadya, hindi ko ‘to gusto.

“Alam mo naman JP na hindi kita mahal.” Sabi ko.

Hinalikan niya ulit ako, maya-maya ay bumaba ang halik nito sa leeg ko.. Hindi ko siya mapigilan sa mga ginagawa niya, pero hindi ko na rin mapigil ang init sa nagaganap sa’min. Hinubad niya ang suot na T-Shirt at nakita ko ang magandang katawan niya.

”Pero dahil sa’yo Kristen natuto ako sa salitang pagmamahal. Para kang libro na hindi kong pagsasawaang basahin, ikaw lang at tanging ikaw lang ang pagbibigyan ko ng buo kong atensyon kahit na buhay ko ibibigay ko sa’yo.. That’s how I loved you. I promise you that I’ll spend my lifetime with you every single second of forever…”

Natauhan ako sa ginagawa namin at pilit akong kumakawala, naisip ko ang pangako ni Evo.. Kung gaano niya ‘ko kamahal at kami lang hanggang dulo.

Unti-unting bumukas ang pinto at nakita ko ang galit nag alit na mukha ng asawa ko.

“Evo.” Bulong ko.

Maya-maya ay pumasok si Roxanne, at isang lalaking parang bouncer..

“Very Good, complete attendance na kayo.” Nagulat na lang si Evo ng hawakan siya nito sa magkabilang kamay at naglagay sa likod ko ng isang upuan at itinali siya, mas lalong humigpit ang pagkakatali.

“Hayop ka Roxanne.” Sabi ko ng pasigaw.

“Bakit baby akala mo kayong dalawa lang.?” sabi nito at nag-snap sa harap ng bouncer nito.

Lumapit ang bouncer kay JP..

“Shit, ano to insan.?” Sabi ni JP at nagpupumiglas, pero hindi siya makakawala at naigapos ang kamay niya sa likod.

“Bagay lang sa’yo ‘yan John Paul Montederamos.” Sabi ni Roxanne, at nakita kong tumulo ang luha nito sa mata.

Bakit kaya.? Lumapit si Roxanne kay JP na nakatayo sa tabi ko at nakagapos ang paa at kamay. Sinampal niya sa right cheek si JP ng sobrang lakas..

“Ahh shit tangina ano ba kasalanan ko sa’yo.?” Sabi ni JP.

“Hindi mo alam.?” Sagot niya na sobrang lakas at sinampal naman siya nito sa left.

“Tangina, ano bang problema mo.?” Sabi ni JP na nagpupuyos na sa galit.

“Kilala mo pa ba si Dustin.?” Tanong ni Roxanne sa kanya.

Hindi nagsalita si JP at parang alam nito at kilala nito ang sinabi ni Roxanne.

“Bakit mo pa sila kailangang idamay.” Sabi ni JP kay Roxanne.

Inilabas ni Roxanne ang baril nito sa bulsa niya, at itunutok sa akin..

“Shit Roxanne, itigil mo ‘yan.” Sabi ni JP.

“Fuck.!” Sabi naman ni Evo ng lumingon ito sa akin at nakita niya ang baril.

Itinuro ni Roxanne si Evo, lumapit ang bouncer at ipinatayo din si Evo, naiwan lang akong nakaupo duon.

“Itigil mo ‘yan Roxanne, Tangina.” Sabi ni JP at nagpupumiglas.

“Bakit ko ititigil.?, nawala sa’kin ang pamilya ‘ko.. Siguro ito na lang taong mahal mo.?” Sabi ni Roxanne.

“Shit itigil mo ‘yan, you bitch.” Sabi ni Evo..

Pero lalo pang itinutok ni Roxanne ang baril sa’kin, ninenerbyos ako sa mga nangyayari, ‘Diyos ko, kung oras ko na po.. Tanggap ko na po ito.’


EVO’S SIDE:
Were on the situation na kailangan maging matapang ako, katulad dati pag nandito kami sa playground nuon, I’m not afraid na masugatan since andyan ang lakas ko.. Si Kristen.. Nakuha ko sa likod na bulsa ng pantalon ko ang maliit na cutter, ito sana ang gagamitin ko kanina..Sabi kasi ni Roxanne ni kinuha nga daw ni JP si Kristen kaya nagdala ako ng cutter, hindi ko nga alam kung bakit ito ang dala ko.

Unti-unti kong nilapit ang cutter sa tali na nasa likod ng kamay ko, natatamaan nito ang kamay ko at nararamdaman kong may tumutulo dito, mahapdi pero nararamdan kong unti-unting lumuluwag ang pagkakatali hanggang sa matanggal ko na ito.

Nakatingin sa akin si JP, si Roxanne naman ay lumabas muna pero nandito yung alalay niya.. Hindi muna itinuloy ni Roxanne ang pagbaril kay Kristen, gusto niya daw na uunti-untiin niya para mas lalong masaktan si JP.

Hindi ko alam kung bakit kailangan naming madamay dito ng asawa ko.. Gusto ni Roxanne na dalawa kaming masaktan.. Hindi niya lang alam kung gaano ko kamahal si Kristen, baka mapatay ko siya..

Si JP naman ay nakatingin sa tumutulong dugo sa kamay ko.. Unti-unti akong lumapit sa kanya at nagkukunwari pa rin akong may tali, ang alalay naman ni Roxanne ay naninigarilyo sa tabi ng pintuan.. Kinindatan ko si Kristen at mukhang alam na niya kaya hindi na lang siya nagpapahalata.

Iniabot ko sa kanya ang cutter ko, nangigigil siyang tinatangal ang tali niya sa kamay, hindi niya pa magalaw ang paa niya dahil nakatali din ito.

Gumalaw at tumingin naman sa’min ang alalay ni Roxanne kaya natigil kami sandal, nakita kong tinignan lang kami nito at umismid, bumalik naman ito sa pagyoyosi makalipas ang mga 3 minuto.. Sa wakas ay natanggal na ni JP ang nasa kamay nito.

**
Nakalagan si Kristen  ni Evo ng walang kamalay-malay ang alalay ni Roxanne, Si JP naman ay nakatali pa rin ang paa nito pero nakalagan din siya ni Evo ng mabilis.

Bigla na lang bumulaga si Roxanne sa Pintuan at nakatutok ang baril kay Kristen. Tatakbo na sana si Kristen pero napigilan siya ng alalay nito na nasa pintuan..

“Gusto niyo ng laro.? Sige total naman ay lumubog na ang araw ay tapusin na natin ito sa playground.

Hawak ni Roxanne si Kristen na ngayon ay nakatali na ulit ang kamay ganuon din si JP at Evo na hawak naman nung alalay nito.

“Gusto kong makita sa mga mukha niyo ang sakit ng mawalan.” Sabay tutok nito sa nakaupong si Kristen isang metro ang layo kay Evo at JP… May mga pasal sila sa bibig kaya halos walang makasigaw  

“TAPUSIN NA NATIN ‘TO.” Biglang pumutok ang baril.

Nakakawala si JP sa pagkakahawak sa kanya at sinalag ang bala na dapat sana ay kay Kristen, natumba naman si Kristen sa pagkakaupo nito at tumama ang ulo sa malaking bato..

“ROXANNE.” May sumigaw na lalaki sa likod.

Sinamantala ni Evo ang pagkakataon at tinuhuran ang lalaking alalay ni Roxanne, umimpit ito sa sakit.. nakalapit siya kay Kristen at JP na ngayo’y parehong duguan.

“Dustin.?” Tanong ni Roxanne na hindi makapaniwala, maya-maya pa ay tumunog ang sirena ng pulis.

Si Evo naman ay Hinawakan si Kristen at inaalog alog ang mukha nito, si JP naman ay nakahawak sa Braso nito na may daplis ng bala.

“Kristen, Kristen.. Babe please gumising ka naman.” Sabi ni Evo at isa-isang tumulo ang luha.

“Sabi mo gusto mo pang magka-baby pa tayo.?”

“Kristen please.” Sabi ni Evo at niyakap si Kristen.

Si JP naman ay natulala, hindi niya alam na aabot sa ganito ang lahat, tumulo na lang din ang luha niya habang dinadama ang hapdi ng daplis ng bala sa braso nito.

“Sabi mo ikakasal pa tayo ulit.?” Sabi ni Evo ulit na ngayon ay parang hysterical na.

“Please Kristen, please.” Sabi ni Evo at niyakap na lang si Kristen.




N/N:

     Alam ko pong hindi ako magaling sa action scenes pasensya na po :3 

#TragicEndings

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails