When He Says 8
KRISTEN’S SIDE:
Nakauwi na kami sa Pilipinas and this time, Sunday at bukas back to school na ulit kami. Actually until now hindi ako sanay kasi sa isang condo kami nakatira ni Patrick sa Illumina Residences kung makikita niyo siya sa Kalentong sa tapat ng Don Bosco Salesian. Maganda ang ambiance..
Si Babe naman ay busy lang sa kaka-review sa lessons nung umalis kami kasi daw may test bukas ngayon lang din siya nagpahinga pero siyempre hindi na naalis samin ang init ‘twing gabi, lam niyo na guys ! hahaha. Hindi alam ng mga bakla na lumipat na ko ng home.. Kaya aalis ako ngayon at pupunta kaming Luneta, sasama daw ni Paula si JP which is pumayag naman.
“Babe punta lang akong Luneta, kasama ko sina Paula.”
Naglalaro kasi si Patrick ng Candy Crush habang prenteng prenteng nakaupo sa sofa.
“Sama ko.” Sabi niya at akmang tatayo na pero hinawakan ko ang dalawang braso niya at itunulak siya at inupo.
“Wag kana sumama, ngayon ka na nga lang magpapahinga tapos magpapakapagod ka nanaman.” –Concern eh.. Hahaha
“Tss ok dapat 5pm andito kana.” Sabi niya.
“Ang aga naman.!” Sabay padyak paa.
“Ano gusto mo.? Hindi kita payagan.? Sabay tayo dapat magdi-dinner tss.”
“Oo na sige na.” lalabas na sana ko ng hinila niya ko.
Aba, dumada-moves, kiniss lang daw ba ko sa lips eh.. Hayyy.
“I love you babe, ingat ka.” Sabi niya.
Lumabas na ‘ko sa unit namen, tinext ko na ang mga bakla na papunta na ‘ko..
**
Mainit at maaraw nung dumating ako sa Luneta, in all fairness ang laki ng pinabago nito. And sabi nila maganda na daw dito pag gabi because of the musical fountain which is gusto kong makita mamaya.
Tumambay muna ako sa upuan sa tabi ng kubo. Ayokong maglakad lakad since sobrang init ng panahon. Nag-vibrate ang cellphone ko. Si Paula pala nagtext.
From Paula:
Bakla ! Hindi kmi makkpunta ni Sheila ksi may project na bingay pala samin si Ma’am nung wala ka sa skul pumalpk ksi si Sheila kailngan dw naming tapusin ‘to kasi bkas na ppasa.
SON OF A BEACHH, SO ANONG PINUNTA KO DITO.?
“Uy.” May humawak sa braso ko.
As usual nilingon ko siya.
“Uy JP.!”
Si JP pala ! Akala ko holdaper na eh hahaha.
“Nakalimutan ko niyaya ka rin pala nung dalawa.” Tumayo na ko at inayos ang aking self.
“Oo nga eh tapos biglang magte-text hindi daw sila makakapunta hahaha.” Sabi niya tapos inakbayan ako. Nubenemenyen !hahaha.
“San mo gusto pumunta.?.” sabi niya.
“Hindi ko alam, ikaw na lang bahala.” Sabi ko.
“Ocean Park tayo.!” Sabi niya na parang naka-inom ng 10 enervon.
“Sige.”
So ayun na nga at nagsimula na kaming maglakad asa dulo kasi kami sa likod nung estatwa ni Rizal malapit sa City Hall kasi ako bumaba.
Hindi pa rin mawawala syempre ang kaharutan ng lalaking ito habang naglalakad kasi kami andyan yung magbibiro ng kung ano-ano, mantitisod kunwari hindi sinasadya.
“Sira ka talaga.!” Sabi ko nung may tinisod siyang babae. Pero dahil gwapo naman ‘tong lalaking ‘to hindi na nagalit sa kanya yung babae. Hayyy.
Nakarating din kami, anlayo pala nun ! Akala ko malapit lang eh. Hahaha 12:00 na ng hapon ang ineeeet. Pumasok kami agad sa loob at pumila si JP dun sa bilihan ng tickets, since Sunday naman ngayon ay medyo maraming tao.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga gwapo dito sa kinatatayuan ko, madaming gwapo as in sobrang dami.. Pero syempre hindi nila mapapantayan si Patrick ko, *Possesive Proud Girl este Boy here* .
“Oh kung saan-saan ka nakatingin tara na.” Bungad ni JP at iniharap sa mata ko ang dalawang tickets.
Pumasok na kami sa loob at unti-unting bumalik ang ganda ko na hindi haggard hahaha. Ang ineet kasi talaga nakakasunog ng ganda. Actually first time kong pupunta dito since hindi pa kami pumupunta dito ni Evo.
JOHN PAUL (JP)’S SIDE:
As I look at him now habang papasok kami sa loob naisip ko na hindi pa rin siya nagbabago ang mannerism niya na pagkagat sa daliri habang naglalakad at yung mapilantik niyang kamay habang may itinuturong directions.
Kanina nung naglalakad kami unti-unti kong nilalabas ang ugali ko sa kanya,katulad nung mga bata pa kami, we always have a bonding sa playground kaso palagi din namang may epal,I think you know him na.
Masaya ako dahil tagumpay ang plano ko, sadya ko talagang hindi pinapunta ang dalawang kaibigan niya. This is frame-up hahaha. Pero ok lang naman daw sabi ng kaibigan niya. Tiwala naman daw sila sa’ken since kaibigan din naman nila ko.
Pumasok na kami sa loob at syempre duma-moves na ‘ko hinwakan ko ang kamay niya HOLDING HANDSS..
HEAVEN :)
When He Says 9, The LTT and HH Interconnection Moment...
JP’S SIDE:
Pumasok na kami at kinuha na ng guard ang tickets namin, pumapalag si Kristen sa pagkakahawak ko pero syempre hindi ko siya hinahayaan na matanggal ‘yun.
“JP bi-bitawan mo ako.” Sabi niya at iginagalaw ang kamay niya.
“Wag na ! Magkaibigan naman tayo eh.” Medyo naiinis na ‘ko, bakit naman ayaw niya magpahawak ng kamay.?
Wala na rin naman siyang nagawa at tumuloy na lang kami sa paglalakad. Unang makikita pagpasok ay parang simpleng plant sanctuaries lang, so tuloy-tuloy ang pagpasok..
“Wow ang laki, tignan mo JP!” he said at hinila ako dun sa parang fish pond.
Hahaha ang laki nga nung crocodile, andami ring barya na nakakalat, seriously kailan pa naging wishing well ang place ng buwaya.?
“Oo nga nuh.? Hahaha andami siguro niyang kinakain.” Sabi ko sabay tulak sa likod niya, dahilan para lalo siyang mapahawak saken. Yan ang da-moves ! hahaha
“UY! Ang bad mo JP kainis ka !” hehe ang cute niya.
“Joke lang! Hahaha hahayaan ba kitang mahulog diyan.” Eh mahal kaya kita!
“Tss halika na nga ‘dun,!” hinila niya na lang ulit ako. Hay yung feeling na kasama mo yung mahal mo.?
Ang next na ay parang maze kasi hindi naming mahanap-hanap ni Kristen ang susunod hahaha. Kaya sumunod na lang kami sa mga tao na naglalakad, napapagod na siya hahaha.. Napunta kami dun sa mga aquariums na may concave mirrors para mas makita ng tao yung mga isda.
Ang educational ng trip namin nitong mahal ko, ehem.. isa-isa niya kasing binabasa yung mga infos about ‘dun sa fishes. Hehehe hindi na nga ako nakikinig sa kanya kasi sa kanya lang ako nakatingin.
“Huy JP may sapak ka sa utak.?” Nagising ako sa kalokohan ko hahaha.
“Bakit.?” Sabi ko.
“Kanina pa naka-alis yung mga kasabay natin!” sabi niya, tinignan ko nga ang mga tao, iba na nga wala na yung mga kasabayan namin.
Dumiretso na kami, dumaan kami sa mga baby sharks haha mukhang natakot pa ang mahal ko sa mga nakita niya, don’t worry Kristen ko, andito lang ako. Hahaha..
Mula sa tinitignan naming kita mo na yung ‘Buhay na Karagatan’, ito ang pinagmamalaki ng Manila Ocean Park, nagsimula nanaman akong hilahin ni Kristen kaya naglakad na rin ako. Unti-unti kaming pumasok sa tunnel at napangiti ako.
“Ang galing ni God noh.?” Sabi niya habang paikot-ikot ang tingin sa tunnel.
“Hahaha oo nga eh, ang gaganda ng creations niya.” Isa ka na dun.
“Ang magical tuloy nitong paglalakad natin dito.” Sabi niya kaya lalo kong hinawakan yung kamay niya.
Napatingin siya sa’kin, hindi ko na lang iniisip na may asawa na siya kaya nagmumukha akong desperado sa ginagawa ko,ganun naman yata talaga pag mahal mo ang isang tao nagiging desperado ka.
“Picture tayo.” Out of the blue kong sabi sa kanya.
“Sige Remebrance.!” Sabi niya.
Kinuha ko na yung phone ko, tumigil muna kami sa paglalakad at tumabi kami sa gilid yung kita yung mga isda.
Click !
Tinignan ko agad yung picture, ang cute lang pareho kaming naka-peace tapos nakatingin ako sa kanya. HAHAHA *Bright Idea*, ginamit ko yung dummy account ko at ipinost ko sa wall ni Evo bwahahaha, syempre pag nagkagalit sila, sakin pupunta si Kristen.
“Maka-ngiti huh JP, nanalo sa Lotto ang peg.?” Sabi niya, at itinuloy na naming ang paglalakad.
“Hahaha sa nga manalo na ko sa raffle.” Raffle sa puso mo.
POSTED ! BWAHAHAHAHAHA
Natapos na namin ang tour sa Ocean Park, hindi ko alam kung sulit ang pera ko since maikli lang ang trailo na inikutan namin hindi tulad ng nakikita ko sa ibang bansa.
“Nagugutom na ‘ko JP libre mo ‘ko.” Kristen ko.
“San mo gusto kumain.?”
“Alam ko may bagong bukas na restobar dito, nakalimutan ko 6 na pala since hindi pa ‘ko kumakain ng lunch.”
“Bakit hindi mo sinabing hindi ka papala kumakain.?”
“Nagmadali kasi tayo.” Sabay make face, ang cute pa rin.
“Sige tara na sa Chansu, yung bagong restobar.”
Naglakad na kami since malapit lang naman ‘yun dito.
KRISTEN’S SIDE:
Nakarating kami agad sa Chansu Restobar, ang ganda ng napili nilang place since lagging maraming tao sa lugar na ito.
Pumasok na kami ni JP nang may bumangga sakin, it hurts you know..
“Ouch.” Habang hawak ko ang nabanggang part ng sexy body ko LOL.
“Ay! Sorry po, hindi, ko kayo napansin, pasensya na talaga.” Sabi niya, umaariba ang radar ko alam ko na kung ano itong kausap ko, si JP naman may ka-text yata.
“Okay lang, ang laki kasi ng shades mo eh.”
Tinignan ako nito pati si JP daig pa ang x-ray scanner ang peg nitong kiberlalu na ito hahaha.
“Pasensya na talaga.” Seriously Julieth ito, ulit-ulit din eh !
Tinanggal niya ang shades niya and GOD ! his eyes daig pa ang minaltrato ng kabayo, charr pero seriously mukha siyang problemado.
“May problema ka ba? Kakagaling mo lang ‘ata sa pag-iyak eh.” Nakaka-awa naman itong babaitang ‘to. Mukhang nabuntis na hindi pinanagutan. Hayyy tumulo na ang luha niya, Ghad.. I’m freaking out.
“Hala ka teh! Huwag kang umiyak! Tara dito, maupo tayo, pag-usapan natin yan.” Lumapit ako sa kanya at hinimas ang likod niya.
SI JP tahimik pa rin “Ok lang ba,saglit lang to.”
“Sure.” Sagot ni JP.
Medyo lumayo kami since ayaw kong marinig ni JP ang usapan namin.
“Ok ka lang.? Pwede mo ilabas ‘yan para makagaan sa nararamdaman mo.” Eh yun naman talaga dapat gawin pag may problema ka, duh~ hindi ka naman memory card na kayang magi-store ng napakalaking memory.
Isa-isa niyang kwinento lahat sa’kin. Slowly but surely, charr kaka-break lang pala nila ng BF niya dahil sa isang babae, I bet malandi ‘yun, pero sure naman ako dito kay Ateng na hindi lang ‘yun lalaking minahal niya ang nagmamahal sa kanya impossibleng wala, ABA ang ganda kaya nitong babaitang ‘to hahaha.
“Hanapin mo kung sino ang nagmamahal sa’yo hindi mo siya nakikita dahil bulag ka sa matagal mo ng pagmamahal sa EX-boyfriend mo.” Kasi diba, bagay na bagay ang kantang Kailan kung mayroon mang admirer ito.
“Maraming salamat sa payo at pag-comfort ah? Thanks talaga, nakakahiya, naabala ko pa kayo ng boyfriend mo.” Sabi niya na parang natauhan, nagulat na lang ako na nasa likod ko na pala si JP, chismoso talaga ang walang hiya haha.
“Huh? Hindi ko siya Boyfriend! Kaibigan ko lang siya.” May-asawa na kaya ako, kaso hindi ko lang sinabi baka lalong ma-BH ito hahaha at mag-suicide na lang dahil sa inggit waahhh Joke lang I’m so mean.
Tinignan ko naman si JP nagblu-blush at maka-ngiti WAGASS ang walang hiya, ansarap sumigaw na “KAY PATRICK LANG AKO.” Kaso nakakahiya hahaha.
“Ha? Ganon ba? Pasensya ulit, ay teka kanina pa tayo nagu-usap hindi pa tayo pormal na magkakilala, ako nga pala si Page, kayo.?”
(N/N: OH YEAH SIYA ANG LEAD CHARACTER SA LOVE TAKES TIME NI YORTZEKAI ANG DIYOSA NG WATTPAD CHARRR HAHAHA SI PAGE RILEY ICBAN.)
“I’m Kristen, and this is JP.” Kinamayan niya kami, hmm maka-lotion itong lalaking ito hahaha ang lambot na kamay.
“Oh… nice meeting you two.” Sabi niya.
“Best! Tara na! Magsisimula na second set natin.” Sabi nung Oh so Gwapong lalaking tumawag dito kay Page, nakalimutan kong may-asawa ako hahaha.
“Bestfriend mo.?” Tanong ko with a big smileee, pag BF niya back-off na ko charr, hahaha.
“Ha.? Ah eh, oo., Koy sila nga pala si Kristen at JP mga bago kong kakilala, kakain ‘ata sila sa Chansu.” Hinde maglalaro kami, playground ‘to eh hahaha Joke.
“Talaga? Nako Bro JP at Kristen masasarap ang recipe dito, hindi kayo nagkamali ng pinuntahan, may live band at comedians pa.” Proud na sabi niya siya din yata masarap bukod sa pagkain Ang landi-landi mo Kristen parang walang asawa ang peg.? Hahaha
Live Band, Second Set, My gulayyy na mahalay banda yata sila.
“Teh? Kayo ba ang banda dito.?” Pumasok na kami sa Chansu at bongga lang busing-busy ang lahat.
May nakasalubong kaming Japanese ekok pero maganda, nangagabog yata ‘to eh, Facundo ipasunog siya, charrr !
“Uy Kyoji! Pwede mo bang hanapan ng magandang pwesto tong mga bago naming kaibigan? At ikaw na din ang bahala sa kanila.” Sabi ni Page.
“Sure! This way po Ma’am and Sir.” Seriously Ma’am.? Napahagikhik lang si JP, lalakd n asana kami ng magsalita si Koy.
“Uhm JP at Kristen, magpepeform na kami nice meeting you two, enjoy the foods and enjoy the night.” Sabi ni Koy at gumora na sila ni Page sa stage, antaray lang kami naman umupo na ni JP at inasikaso nga ni Kyoji.
“Welcome sa mga bagong dating , enjoy the night, the foods and the drinks guys.” Sabi ni Koy nung nasa stage na siya.
“This is our first song four our second set and I would like to dedicate this to Kristen and JP.” Aww ako na na-touch.
JP’S SIDE:
Dumating na ang pagkain namin at akmang susubo ko na ng biglang kumanta si Page sa stage.
Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Nabitawan ko yung kutsara na ikinagulat naman ni Kristen.
“Oy JP ok ka lang.?”
“Hmm oo.” Sabi ko.
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala
Habang nginguya ko ang pagkain bumabalik lahat ng ala-ala ko nung mga panahong kasama ko si Kristen. Bagay na bagay sakin ang kanta kalian niya ba ko mamahalin.
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala
Hanggang kalian nga ba kita susundan Kristen, alam ko naman na hindi na pwede umaasa na lang ako na maalala mo pa ko, ako si JP Kristen!.
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin
“Huy JP nakatulala ka diyan!” sabi niya at ipinagpag ang kamay niya.
“Ah wala ang senti lang nung kanta.” Sabi ko at bumalik ulit sa pagkain, wala naman akong malasahan dahil sa nararamdaman ko, tinignan ko na lang ulit si Kristen , sana naman mahalin mo ‘ko.
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin
Natapos ang kanta, at todo palakpak si Kristen.. Magaling ang banda nila Page kaya nadala lang siguro ako, damang-dama ko kasi yung kanta.
Mabilis lang din naming natapos ang pagkain at sarap na sarap si Kristen, pero dahil daw 8:00pm na kailangan niya na daw umuwi.
Tss if I know dahil yan sa Evo na ‘yun.
Bago kami lumabas ng Chansu ay nagbye-bye si Kristen kay Page na ikinangiti naman nito. Iba talaga pag kalahi mo eh noh.? Hahaha.
I insists na ihatid siya pero kaya niya naman daw, inihatid ko na lang siya sa sakayan, at ako naman ay naglakad at naghanap na rin ng masasakyan. Kahit na senti moments ang last part ng ‘date’ naming at least nakasama ko siya ng matagal. I Love You Kristen ko. :)
KRISTEN’S SIDE:
Seriously habang nasa jeep kulang na lang lumuhod ako at mag-novena, Hayyy ngayon ko lang kasi naalala.
“Tss ok dapat 5 andito kana.”
“Tss ok dapat 5 andito kana.”
“Tss ok dapat 5 andito kana.”
OH MY SIOMAI, I’M DEAD -___-
Dahan-dahan akong naglalakad papuntang unit naming, 8:30 na ng gabi for sure badtrip na si Patrick. Nung nasa tapat na ‘ko, kinuha ko ang spare key ko sa bulsa at binuksan paunti-unti ang pinto. Bukas pa ang ilaw at TV.
“San ka galing.?” Isang napakalamig at galit na boses ang tumambad sa’kin pagpasok ko.
Cute ng kwento di lang ako maka-relate bading na bading ang bida eh as in pamintang pulbos hehehe
ReplyDeleteChinitongpinoy