Followers

Wednesday, July 10, 2013

THE GAME OF REVENGE - - - - Chapter 7 :) (Am i falling for him?)

By: Kulyitpangit:)



 -  - - - - - - - - - -  -- - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - 



John Mickey Fortaleza





"A... .a .  ..anong sa. . . .sabi mo?" sabi ko na nauutal pa. Ehhhh. Pabigla bigla naman kasi siya ehhh. Tsaka si Austin na instant campus crush sa school namin manliligaw sa akin? Hindi kaya nakainom ng gamot ito? XDDD





"Manliligaw ako sa . . . . ..  iyo. Bawal ba yun?" sabi niya sa paraang parang ang inosente. Ou!!! GAnun! :D. Ehhh. Naman Austin ehhhhhh.





"Tinotopak ka na naman ehhh." sabi ko na yung parang nagtatampo. Oo. Ganun din. XD. Maniniwala kaya ako dito o pinagtitripan na naman niya ako. Ehhh. Hindi ko alam!! Si Austin kasi pabilga bigla sa katopakan.!!!!





"Yan ka na naman ehhh. Sinasabi mo na namang hindi ako seryoso. Sa tingin mo pinagtiripan kita? Sige nga tatanungin kita. Sa tingin mo bakit sa lahat ng pwedeng lapitan nung first day of classes ikaw nilapitan ko? Bakit lagi kitang kinukulit? Bakit lagi akong nagpapapansin sa iyo? Bakit lagi kitang sinasamahan tuwing hapon pag iniintay mo sina PJ? At bakit nilalapitan kita kahit ayaw sa akin ng ate at kuya mo?" sabi niyang tuloy tuloy. haha. Hindi na ata huminga ehh. XD





Pero napaisip ako bigla sa mga tanong niyang yun. Bakit nga ba? Bakit nga ba sa lahat ng tao sa akin niya ginagawa yung mga yun? At hindi rin naman ako manhid. Alam kong ayaw nina ate sa kanya. Anung rason? Hindi ko rin alam. Bakit nga ba ako nilalapitan ni Austin lagi kahit minsan sinusungitan ko siya. Bakit nga ba ako nilalapitan ng maladiyos ng greek mythology sa gwapong nilalang na ito?





Bakit?





"Hoy." biglang sabi niya na nakapagpagising sa ulirat ko. Hindi pala ako nakapagsalita. Hindi ko siya nasagot.






"Bakit nga ba Austin? Ewan." nasabi ko na lang. Ehhhh. Totoo naman kasi ehhh. Hindi ko alam. Wala akong alam. :|





"Dahil gusto kita John Mickey Fortaleza. Kung tatanungin mo ko kung bakit? Hindi ko rin alam.Hindi ko alam ang rason. Basta ganun na lang. And i know mas lalalim pa ito. At gusto ko yun. Kaya ako manliligaw. Sige na. Matulog kana. Late na rin. Sunduin na lang kita bukas after lunch dyan. Sleeptight. Goodnight my precious gem." sabi niya sabay baba ng tawag.




Kanina pa natapos yung tawag pero nasa tenga ko pa rin yung phone. Hindi pa rin ako makagalaw. Umuulit ulit sa tenga ko yung mga sinabi niya.




'Dahil gusto kita John Mickey Fotaleza'


'Goodnight my precious gem'





Gusto niya ako? Gusto ako ni Austin? Liligawan niya ako? Seryoso?




Alam na alam kong namumula ako. Buti na lang wala akong kasama ngayon. Buti na lang hindi dito natulog si kuya. Buti na lang hindi ako nakikita n Austin kung hindi matatawa sila sa itsura ako. Madali lang akong magblush and i know pulang pula na ako.





Ok. Aaminin ko naman. Gusto ko rin naman si Austin. Sino bang hindi? Gwapo siya. Tsaka mabait  naman siya sa akin kahit makulit. Hindi ko lang talaga inasahan na aabot sa ganito. Hindi ko naman kasi binibigyan ng kahulugan yung mga pangungulit niya. But, all this time may ibig sabihin ang mga yun? Gusto niya ako.





Hayyyy. Ibinaba ko na yung phone ko sa side table. Nahiga ako, pero hindi ko pa pinikit ang mga mata ko. Pilit ko pa ring inaabsorb yung mga sinabi niya. Hayyyy. Ano ba kasi pumasok sa kukote mo Austin at ganun ang sinabi mo? Napangiti na lang ako sa tinuran ng utak kong yun.



Ano kayang mangyayari bukas? Magiging awkward kaya? Huwag naman sana.



Pinilit ko na lang natulog. Bahala na bukas. Aaminin ko, nakatulog ako ng gabing yun na may mga ngiti sa labi ko.






Austin Alejandro




Pagkababa na pagkababa ko ng tawag, nagtatalon na ako sa tuwa. Sumigaw ako! Suntok suntok sa hangin!! WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!! Sa wakas nasabi ko sa kanya!!





Sa wakas nasabi ko kay Mickey na gusto ko siya. Na manlilgaw ako sa kanya!



YESSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Sa wakas alam na niya.



Last week ko pa sanang gustong sabihin sa kanya, pero natotorpe ako. Baka ireject niya ako. Tiwala naman ako na may itsura ako pero, syempre first time kong manliligaw, at sa parehong lalaki ko pa!! Ahhhh. Bahala na!!!





At least alam na niya at hindi niya naman ako nireject at tuloy din ang first date namin bukas. Tuloy na tuloy.




Seryoso po ako sa kanya. Promise!



Lalapitan ko pa ba siya kung hndi? Alam ko ding mainit ang dugo sa kin ng ate at kuya niya lalo na si PJ, pero sige pa rin ako. Kasi nga tinamaan ako dun. Ewan ko nga ba kung bakit? Basta nangyari na lang ng hindi ko inaasahan!!




WOOOOOOOOOOOOOHH. Napasigaw na naman ako!!!




Sigaw pa rin ako ng sigaw nang may marinig akong  sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Gusto pa atang sirain yung pinto ehhh.




Syempre binuksan ko yung pinto bago pa masira.




Para akong matatawa sa nakita ko pagkabukas ko ng pinto. XDD Sina manang at iba naming katulong kasama yung mga driver at pati yung hardinero may hawak hawak na mga sandata at parang makikipag away sa porma!!! XDDDD





May walis, kahoy, dustpan, at iba pa.




"Young master ano pong nagyari? Narinig po namin kayong sumisigaw!" sabi ni manang.




"BWAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" bulanghit ko ng tawa. Yung mga itsura nila parang mga timang! XDDDD. Halos mahiga na ako sa sahig sa kakatawa. XDDD




"Young master?" sabi ulit ni manang. Naman kasi ehhh! Gusto pa atang maging wrestler ng mga ito!!! hahaha



Tumayo ako sa pagkakahiga ko tsaka pinakalma ko ang sarili ko tsaka ko sila hinarap.




"Ayos lang ako manang. Sige na. Matulog na kayo." sabi ko na nakasmile.




Nagsi alisan na nga sila. Syempre tiningnan ko muna sila hanggang makababa sila ng hagdan, pero bago pa man bumaba si manang bigla siyang tumingin ulit sa akin.




"May nangyari ba anak?" sabi niya na nakangiti. AHHH?? Ano naman kayang ibig sabihin ni manang?




"Ano pong ibig niyong sabihin manang?" nasabi ko na lang.



"Iba kasi ngiti mo ngayon ehhh. Parang may kahulugan." sabi niya na naman na nakangiti.



"EHHHH. Si manang talaga. Kung ano anong napapansin. Sige na matulog na kayo." sabi ko na nakasmile at nagkakamot sa ulo.




Bumaba na siya. Ako naman dumiretso sa kwarto ko at nahiga.



"Haist. Iba ka talaga Mickey-boy. Kahit ngiti ko nababago mo."






John Mikey Fortaleza






Sabado pero sobrang aga kong nagising. Sinet ko ang alarm ko ng 9:00 kasi usually pag saturday 11 na hindi pa rin ako nagigising, but this time 6:30 pa lang gising na ako.



Bakit nga ba?



Ahhhh. Oo nga pala. Date namin ngayon ni Austin!



Pero JOHN MICKEY FORTALEZA MAMAYANG AFTER LUNCH PA YUN!!!!!!!!! EXCITED KA MASYADO EHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!




Hayst. Makabangon na nga lang. Kinuha ko yung laptop ko ta's log in sa fb. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakapunta na pala ako sa profile ni Austin.




Bad hands! Bad hands! XD






Edi dito na lang ako. Ano pang magagawa ko ehh nandito na ako? XD




Pumunta ako sa photos. Tiningnan isa isa ang mga pics niya. Gwapo talaga ang mokong!!! Parang hindi pa rin ako naniniwala na nagustuhan niya ako. Ang hirap paniwalaan. I mean may itsura ba ako?



Haystt. Bahala na rin mamaya. Ano pang magagawa ko? I don't have the guts para icancel yun no.




Time past that day nang mabilis. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain nag ayos na ako.




Nagsuot ako ng white t-shirt tas alam niyo yung parang leggings pero maluwag siya na kulay black tas hanggang tuhod? Tas dun sa may tuhod e stretchable para fumit dun sa tuhod mo? Basta yun yun. Ginagamit din ng mga dancers yun tas nah suot ako ng pure white na vans shoes.



Naghintay ako sa sala ng hindi naman katagalan and at last. May pumasok na itim na kotse  sa bahay namin. Aluh ito na siya.



Nag stop siya sa harap ng bahay. Syempre ako gora naman.


Bumaba ang taong dahilan ng pagiging masaya ko this day.


Si Austin.



Pero bakit ganito? Bat parang nag i'slo motion ang lahat ng bumaba na siya.



At itong putaragis na puso na ito. Bigla  bigla na lang tumambol ng napakalakas. Anong problema ko?



"Tara na?" sabi ni Austin na gumising sa akin. Tiningnan ko siya. Wala akong maramdaman o makapa man lang na feeling of awkwardness sa kanya. Saya ang nakikita ko. Parang ang saya saya niya. Seryoso nga ba  talaga siya?



"O sige ba." sabi ko na lang na naka smile. Pumasok kami sa kotse pero hindi ako makatingin sa kaya. hindi ko kaya. Nahihiya ako. Ano namang sasabihin ko? Tengene nemen ehhh.




"Ahm. About nga pala dun sa kagabi." biglang sabi niya na nakatingin sa akin.




Oh my ito na. Ito na talaga. Nakakatakot! XDD Anong sasabihin ko?




"Ah . . . .ahh. Ba . . ..bakit yun?" nauutal kong sabi. Lord i need your help pls. XD




Tumingin siya sa harapan ng kotse tsaka siya nagsalita. "Seryoso ako dun. Manliligaw talaga ako. Gusto talaga kita. Paano? Hindi ko rin alam. First time ko manligaw ehh. hehe. Pero isa lang sinisiguro ko, alam kong gagawin ko ang lahat para magustuhan mo rin ako. Hindi ako titigil." sabi niya na nakatingin pa rin sa daang tnatahak ng kotse.




ALuh. Naman Austin. Hindi ako makapagsalita. Pero alam kong namumula na ako. Naman kasi Eh!!!





"Pero sana, walang awkward moments na mangyari sa atin ngayon hah? Special kasi itong araw na ito ehhh. First date natin. Sana maenjoy nanting dalawa. Kung magkakailangan tayo baka malungkot lang ako. Pwede ba yun?" sabi niya tas tumingin siya sa akin.



Hindi ko alam pero parang naramdaman kong sincere siya sa akin dahil sa mga salitang yun. Parang gumaan ang pakiramdam ko at nawala lahat ng awkward feelings na nararamdaman ko kanina.



"Sige ba." sabi ko na magaan ang loob. Alam kong magiging normal na naman kami. Kukulitin niya ako at mabubuo ang araw ko.



Nakarating kami sa mall. So ayun, sinimulan na namin ang date namin. XD



Nanood kami ng sine. Nakadalawanga kami ehhh. Nag games kami. Naglibot sa buong mall. Para kaming mga timang. Tawa kami ng tawa. Minsan nga maghahabulan kami ehhh. Para kaming mga bata. Ta's binilhan niya rin ako ng teddy bear. Kulay blue. Sabi niya ilagay daw namin sa kotse pero sabi ko hawakan ko na lang. Wala lang gusto ko lang yakapin. hehehe. So ayun!!! Walang awkward moments na naganap. Normal lahat. Makikita mo sa mga mata ni Austin ang sobrang saya. Parang batang nabigyan ng laruang noon pa niya pinabibili. Alam kong ganun din makikita mo sa kin. Hindi ko alam pero masaya talaga ako pag kasama ko siya. Ever since the first day ehhhh. hehehe. Inabot kami ng 8 o'clock sa mall pero bago kami umuwi kumain muna kami.




"Nagenjoy ka?" sabi niya na nakangiti sa akin. haysss. Gwapo talaga.




"Sobra. Uulitin natin ito haah?" sabi ko naman. Totoo naman. Sobrang nag enjoy ako ngayong araw. Parang ayaw ko na ring matapos. Pero di bale marami pa naman sigurong pagakakataon.




"Im happy na na enjoy mo ang company ko. Don't worry. This won't be the last." sabi niya na nakngiti na naman.




Ngumiti na lang ako bilang response.




Pagkatapos kumain inihatid na niya ako sa bahay. Mga 9 na nun.




"So Goodnight?" sabi niya. Nasa labas kami ng kotse. Sa harapan ng bahay.




"Yup. Sana maulit." sabi ko naman.




Ngumiti siya. Nakatalikod na siya, pero hinwakan ko siya sa kamay tsaka pinaharap sa akin.



Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero ngawa ko.



Oo. Nagawa ko po.




Hinalikan ko siya sa pisngi. Oo. Sa pisngi lang. Huwag excited. Pag kami na lang sa lips!!! XDDD







"Thank you." sabi kong nakangiti tsaka ako nagtatakbong pumasok ng bahay.




Narinig ko pa siyang nagsisigaw sa labas ng bahay. haahahaha. Parang timang. Tas narinig kong umalis na ang kotseng sinakayan namin.




Napahiga na lang ako sa kama. Nakangiti. Kinikilig!!!!! WIIIIIIIIIIIIIIIIHHHHHHH!!!! XDDD




May isang tanong lang ako.





'Am I falling for him?'




 - - - - -- - - - - - -  - - - -- - - - - - - -  - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - -




Ayan na po



Comments na po ahhh. Puhlease! :(




I need comments.




Maganda  ba naggiging outcome ng story o pangit? :(





Thanks to kuya mike.










4 comments:

  1. Nice story;...nakakatawa n nakkakilig...

    ReplyDelete
  2. nakaka kilig sobra :)
    sna araw araw ang update

    ReplyDelete
  3. Sige lang author. Astig ng Story.
    Maganda talaga :))


    -btempt

    ReplyDelete
  4. wow! so nice aman, kaya lng paanu kaya matatanggap ni kuya nya pag nlamang may napupusuan ng iba c JMF ? he he he

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails