Hindi
maalis-alis ang ngiti sa mga labi ni Manong Cris habang sinusulyapan niya ang napapa-iling
na si Carl habang kasalukuyang bumibiyahe sila ngayon papunta sa bahay ng
binata.
"Parang
nagsisisi ka ata ah?" Ang masayang tanong ng driver sa binata.
"Ewan
ko ho ba... Hindi ko ho alam..." Ang pagbuntong hininga na lamang na sagot
ni Carl kay Manong Cris.
Kahit
na nagdadalawang isip kanina itong si Carl ay napa-Oo na lamang siya sa
pakiusap ni Mrs. Valdez na iTry muna niyang alagaan ang anak nitong si Joey Boy
kahit isang linggo laman at Now lang narealized nitong si Carl na parang
nagkamali siya sa kaniyang pagdedesisyon sa alok ni Mrs. Valdez kanina.
"Mabait
naman si Joey boy eh..." Ani ni Manong Cris.
"Matagal
na po ba kayo sa kanila Manong?" Tanong ng binata.
"Matagal
na din... Dalaga pa si Ma'am Silvs eh ako na ang driver nila... Naninilbihan
naman ang asawa ko bilang katulong sa kanilang pamilya." Ang kwento ng
driver. Tahimik lamang na nakikinig itong si Carl.
"Ang
mayaman talaga ay itong sina Ma'am Silvs... Basta ang pagkaka-alam ko lang ay
isang trabahador sa kanilang kumpanya si Sir David... Nung umpisa eh tutol ang
mga magulang ni Ma'am Silvs at may iba na silang gusto para sa kanilang anak...
Kaso nagmatigas itong si Ma'am Silvs at sinuway ang mga magulang niya...
Nagtanan
sina Ma'am Silvs at Sir David kaya hayun... Napilitan din ang mga magulang ni
Ma'am Silvs na payagan ang anak nila... Alam mo naman ang mga mayayaman...
Hindi basta-basta nagpapapasok ng estranghero sa kanilang pamilya..." Ang masayang pagpapatuloy ni Manong Cris.
"Naipakita
naman ni Sir David at nakuha niya ang tiwala nila kaya natanggap na din siya ng
mga magulang ni Ma'am Silvs... Kaso ang naging problema nama'y maselan pala
kung magbuntis si Ma'am Silvs... Dalawang beses siyang nakunan...
Ramdam
talaga namin ang kalungkutan ng pamilya nila at talaga namang gustong-gusto na
nilang magkaanak... Katapos pa eh talagang excited din naman ang mga magulang
ni Ma'am Silvs na magkaroon na sila ng apo... Parehong wala na ang magulang
naman ni Sir David...
Kaisa-isang
anak itong si Ma'am Silvs kaya medyo mabigat ang kagustuhan ng mga magulang
niya na magka-Apo na para maging tagapagmana sa kanilang kumpanya..." Dugtong
ni Manong Cris sa tahimik na binata.
"Medyo
pinanghihinaan na ng loob sina Ma'am Silvs at baka pagnaBuntis ulit siya ay
malaglag na naman ito pero mabait talaga ang Diyos...
Nabuntis
ulit si Ma'am Silvs at yun na nga... Si Joey Boy..." Ang nakangiting
sambit ni Manong Cris na ikinaNgiti din ni Carl. Medyo naTouched kasi ang
binata sa ikinuwento ng Driver sa kaniya.
"Bilib
din naman ako sa mag-asawa dahil kahit sinabihan na sila ng Doctor na delikado
ang magiging lagay ng bata kapag ipinagpatuloy ni Ma'am Silvs ang kaniyang
pagbubuntis... Kung makaraos man eh malaki ang posibilidad na magkaDiperensya
ang kanilang anak... Pero ipinagpatuloy pa din ni Ma'am Silvs ang kaniyang
pagbubuntis at yun na nga... Ipinanganak niya si Joey Boy...
Natuwa
naman silang lahat at normal na normal ang bata nung ipinanganak at hindi naman
nakitaan agad ng diperensya ang bata... Noong mga tatlong taon o apat na taon
lang itong si Joey Boy eh may napansin na silang kakaiba at nang ipatingin nila
ang bata eh yun na nga... nakalimutan ko na ang tawag doon... Basta hindi
sumasabay ang pag-iisip ni Joey Boy sa kaniyang edad... Ano bang tawag doon...
Ah... Ahm... Retarded... Ayun... Naging retarded si Joey Boy..." Ang
nalulungkot na sambit ni Manong Cris.
"Developmental
Disability..." Ang biglang sambit ni Carl.
"Ha???"
Ang tanong naman ni Manong Cris sa binata.
"Ang
tamang tawag po sa Retarded... Pangit po kasing pakinggan..." Ang explain
naman kaagad ni Carl na siyang ikinangiti ni Manong Cris.
"Kahit
naman ganoon si Joey Boy eh mabait yun... Malambing... Maalalahanin...
Magalang...
...
...
Huwag
lang magwawala..."
"NAGWAWALA???!!!"
Ang gulat na usal kaagad ni Carl.
"Ha...
Ah... Eh... Ibig kong sabihin eh huwag lang umiyak..." Ang bawi ni Manong
Cris sa kaniyang pagkakadulas habang pangisi-ngisi ito na ikinataas ng dalawang
kilay ng binata.
Bilang
Nurse ay alam ni Carl kung ano ang mga pinagdadaanan ng mga may Mental Retardation
or Developmental Dissability kaya hindi niya maiwasang kabahan ng mga sandaling
iyon.
"Liko
nyo na po dyan... Malapit na po tayo sa amin..." Ang next na sinambit ni
Carl sa Driver.
Pinahatid
na ni Ma'am Silvs itong si Carl kay Manong Cris sa bahay nito upang makuha na
agad ng binata ang kaniyang mga gamit at para makatiyak silang hindi na
magbabago pa ang isip ng binata at wala na itong kawala sa pagpayag nito na
maging CareGiver ni Joey Boy.
"Teka
lang po... PakiHinto n'yo po doon sa tabi ng naglalakad na babae... Pakibukas
naman po ng bintana..." Ang next at nagmamadaling request ni Carl kay
Manong Cris na sinunod naman nito.
"NAY!!!
NAY!!!" Ang malakas na pagtawag ng binata sa kaniyang Nanay nang makita
niya itong naglalakad sa daan.
"SUSME!!!
HANAP AKO NG HANAP SA IYO EH NAKASAKAY KA PALA DIYAN!!!" Ang namamngha't
gulat na sambit ni Nanay Cion kay Carl at hindi talaga niya akalaing nakasakay
sa isang magarang kotse ang binata.
"Sakay
na po kayo!" Ang alok naman ni Manong Cris kay Nanay Cion at kaagad na
bumaba ito upang pagbuksan ng pintuan si Nanay Cion.
"Nay...
Si Manong Cris... Driver ng bago kong Amo... Manong Cris... Nanay ko..."
Ang introduce ni Carl nang makaupo na ang kaniyang Nanay sa BackSeat.
"Ibig
ba niyang sabihin eh natanggap ka?" Ang gulat na tanong ni Nanay Cion sa
kaniyang anak. Nginitian na lamang ni Carl ang kaniyang Nanay.
"AY!!!
THANK YOU LORD!!!" Ang masayang usal naman ni Nanay Cion at hindi na
bagsak ang balikat ng kaniyang anak galing interview.
"Nang
Cel?" Ang biglang tanong naman ng Driver kay Nanay Cion na ikinakunot
kaagad ng noo nito. NaCurious kaagad si Nanay Cion kung bakit siya tinawag ng
Driver sa ganoong pangalan.
"Nang
Cel... Si Cris to... Si Cris... Asawa ni Rosa..." Ang masayang sambit ni
Manong Cris habang nagdriDrive ito.
"CRIS???!!!
CRIS!!! IKAW PALA YAN!!! ANG LAKI NA NG TINANDA MO!!!" Ang masayang
outburst ni Nanay Cion na biglang ikinaCurious ng Clueless na si Carl.
Tinawag
lang naman kasing 'Aling Cion' itong Nanay ni Carl nang lumuwas ito ng Manila
at ang mga kamag-anak lang nito sa Probinsya ang tumatawag sa kaniyang 'Nang
Cel'. Marcelina kasi ang real name ng Nanay ni Carl.
"Kamusta
na si Pinsan?" Ang next na tanong kaagad ni Nanay Cion kay Manong Cris.
"Kakauwi
lang ho sa probinsya nung isang buwan at hindi na kayang mag-alaga ng bata kaya
nagpahinga na lang..." Ang explain naman ni Manong Cris.
"Pinsang
buo ko ang Asawa niya..." Ang nakangiting explain kaagad ni Nanay Cion
nang makita niyang nagtataka sa kanilang dalawa itong si Carl.
"Dun
pa din ba kayo sa Amo nyo?" Ang next na tanong ni Nanay Cion kay Manong
Cris.
"Doon
na ho kami sa anak niyang babae naninilbihan... Kailangan talaga niya ng tulong
Nang Cel..." Sagot naman ni Manong Cris.
"Si
Carl nga ho ang pumalit para maging kasa-kasama ng alaga ni Rosa!" Ang
next na sinabi ni Manong Cris na biglang ikinatuwa ni Nanay Cion.
"Aba...
aba... Para ata sa'yo talaga ang trabahong yun ah!!!" Ang namamanghang
sambulat ni Nanay Cion sa kaniyang anak na ikinabuntong hininga naman ni Carl.
"May
problema ka ba... Ayaw mo sa trabaho mo... Bakit ganyan ang hitsura mo?!"
Ang sunod-sunod na tanong ni Nanay Cion nang makita niya ang pagkadismaya ng
anak habang natatawa na lamang si Manong Cris sa hitsura ni Carlo.
"Teka...
Sinabi mo Cris na alaga... Bata ba ang alaga ni Rosa?" Ang sunod na tanong
ni Nanay Cion.
"Bata
Nang..." Ang reply lang naman ni Manong Cris.
Napailing
lang si itong si Carlo sa sinabi ni Manong Cris at sasabat na sana siya ngunit
napag-isip-isip niyang may punto din naman ang Driver kaya napagpasyahan na
lamang niyang manahimik.
"Yun
naman pala Carl eh... Madali lang naman alagaan ang bata..." Ang next na
sinabi ni Nanay Cion sa anak at doon na nagstart itong magbigay ng tips kay Carl
tungkol sa pag-aalaga ng bata.
"Kung
alam nyo lang Nay..." Ang isip-isip ng binata habang walang katapusan ang
pagtuturo sa kaniya ng kaniyang Nanay hanggang sa makarating na sila sa
kanilang bahay.
****************************
PinagCoffee
muna ni Nanay Cion si Manong Cris habang nag-iimpake naman itong si Carl at
hindi maiwasang magtanong sa kaniyang anak itong si Nanay Cion nang makita
nitong isang backpack lang ang bitbit ng anak nang makababa na ito.
"Yan
lang ang dala mo?" Ang ani ni Nanay Cion na tinunguhan na lamang ni Carl.
"Isang
linggo lang naman ho ako Nay eh..."
"Bakit?"
"Testing
lang naman..."
"Sakit
ba ng ulo ang aalagaan mo... Makulit ba yung bata Cris?" Ang tanong kaagad
ni Nanay Cion sa dalawa.
"Naku
hindi ho... Mabait nga po yung magiging alaga ni Carl..." Ang mabilis na
sambit kaagad ni Manong Cris.
"Sabi
naman po kasi ng Mommy nya eh subukan ko lang kahit isang linggo... Kung hindi
ko naman po kaya eh sabihin ko lang daw..." Ang explain ni Carl sa
kaniyang Nanay.
"Hay
naku... Saan ka makakakita ng ganyang kabait na amo... Ipinahatid ka pa ng
Kotse... Hindi tatagal sina Cris sa mga yun kung hindi mababait... Basta ang
masasabi ko lang sa'yo Carl eh pagtiyagaan mo yang trabaho mo..." Ang
sermon kaagad ni Nanay Cion sa kaniyang anak.
"Alis
na ho kami Nang Cel..." Ang paalam naman ni Manong Cris sabay tayo nito
ngunit humirit pa ulit itong si Nanay Cion.
"Nga
pala Cris... Punta kayo dito sa at birthday ko... Sa Linggo... Maghahanda
ako... 65 na ako! Huling handa ko eh noong nag 60 ako... May day off naman
kayong dalawa ni Carl di ba?" Ang sambit ni Nanay Cion sa dalawa.
"Tignan
ko po Nang Cel at baka may lakad ang amo ko..." Ang kaagad na ani ni Mang
Cris kay Nany Cion.
"Off
ko po ng Sunday Nay..." Ang sambit naman ni Carl.
"Aasahan
ko yan Cris... Maaga kang pumunta dito sa Linggo para makatulong... O kung
pwede kang umuwi ng Sabado ng gabi eh umuwi ka..." Ang next na sambit
naman ni Nanay Cion sa dalawa.
"Nga
pala Carl... Mag-iingat ka lagi ha... Ingatan mo ang alaga mo... Alam kong kaya
mo yun at Nurse ka... Magaling kayong mag-alaga... Pinag-aralan nyo naman yan
sa eskuwela..." Ang pahabol ni Nanay Cion sa anak.
"Opo
Nay..."
"Hindi
lang basta pag-aalaga Carl...
Katulad
ng ginawa namin sa'yo ng Ate mo! Tinuruan ka namin ng magandang asal...
Turuan
mo din ang alaga mo at higit sa lahat mahalin mo siya..." Ang last na
sinabi ng Clueless na si Aling Cion sa papaalis na anak na ikinangiti naman ni
Manong Cris.
"Cris...
Sabihin mo sa akin kung hindi maayos sa pagtratrabaho yang anak ko ha..."
Ang pahabol naman ni Nanay Cion kay Manong Cris na ngiti lamang ang isinagot.
"Pakisabi
na lang po kay Ate ha... iteText ko din po siya..." Ang last na sinabi ni
Carl sa kaniyang Nanay at pagkatapos ay mabilis itong lumabas na ng kanilang
bahay at baka maisipang magSermon pang muli sa kaniya si Nanay Cion.
Halos
hindi mawala-wala ang ngiti ni Manong Cris habang nagdriDrive itong pabalik sa
Mansion dahil labis niyang ikinagalak na malamang kamag-anak ng kaniyang asawa
itong sina Carl at batid ng Driver na magiging mabuti ang binata kay Joey Boy.
Binilinan
kasi si Manong Cris ng kaniyang asawang si Manang Rosa bago ito umuwi sa
kanilang province na bantayan nito ang magiging papalit sa kaniyang
tagapag-alaga ni Joey Boy at kahit na hindi binilinan ay gagawin ito ni Manong
Cris dahil napamahal na sa kanilang mag-asawa itong si Joey Boy.
****************************
Pagkadating
na pagkadating nina Carl at Manong Cris sa Mansion ay agad silang sinalubong
nina Ma'am Silvs at ng Maid nitong si Katie at walang pasabing ibinalita kaagad
ni Manong Cris sa kanilang amo ang good news.
"Naku
Ma'am... Kamag-anak pala ni Rosa itong sina Carl!!!" Ang hindi mapigilang
pagbabalita ni Manong Cris kay Ma'am Silvs.
"THAT's
GOOD!!!" Ang hindi makapaniwalang outburst naman ni Ma'am Silvia na kaagad
na ipinagtaka ni Carl.
"Basta
One week mong tignan kung kaya mong alagaan si Joey Boy..." Ang mabilis na
segway naman kaagad ni Ma'am Silvs sa binata nang makita nito ang reaction ni
Carl.
Kitang-kita
naman ng binatang kinindatan ni Manong Cris itong si Mrs. Valdez na lalo pa
niyang ipinagtaka.
"Ilabas
mo na Manong ang Revo para makaalis na tayo..." Ang next na sinabi ni Mrs.
Valdez sa kanilang Driver.
Dalawa
kasi ang kotse nina Mrs. Valdez, isang Merecedes Benz na siyang ginamit nina Carl
kanina at sa tuwing may lakad na kasama itong si Joey Boy ay ang Revo ang
kanilang ginagamit.
"Tuwing
Friday ng hapon kasi kami pumupunta sa Sementeryo para dalawin ang Daddy ni
Joey Boy... Si Katie na ang magtuturo sa'yo ng ilang bagay dito sa
bahay..." Ang sambit naman ni Mrs. Valdez kay Carl.
Sa
hindi maipaliwanag na kadahilana'y parang naawa itong si Carl kina Mrs. Valdez
at Joey Boy dahil katulad nilang mag-iina'y ulila na din pala ang mga ito sa
Ama.
"Tawagin
mo na nga si Joey Boy at aalis na kamo..." Ang utos ni Mrs. Valdez kay
Katie nang mailabas na ni Manong Cris ang Revo.
"Carl...
Thank you for considering ha..." Ang nakaSmile na pagpapasalamat muli ni
Mrs. Valdez sa binata at talaga namang thankfulna thankful siya sa pagtanggap
ni Carl sa trabaho.
"Naku...
Ako nga po Ma'am Silvs ang dapat magpasalamat..." Ang pakitang tao na
sambit naman kaagad ni Carl.
"Bakit
ang tagal naman..." Ang nagtatakang next na nasambit ni Mrs. Valdez nang
hindi pa din lumalabas si Joey Boy.
"KATIE...
JOEY BOY... ANO BA... LET'S GO NA!!!" Ang malakas na isinigaw ni Mrs.
Valdez nang hindi na ito makapaghintay pa sa kaniyang anak.
"EHEK...
EHEK... EHEK... EHEK... EHEK..." Ang biglang pa-Alingaw-ngaw naman ng
boses nitong si Joey Boy mula sa loob ng Mansion at talagang pinigilang
mapangiti nitong si Carl nang makita niyang mabilis na tumatakbo itong si Joey
Boy palabas ng bahay.
"Talagang
may BackPack pa..." Ang isip-isip ni Carl nang makita niya ang get up ng
kaniyang magiging Alaga.
"Ehek...
ehek... ehek... ehek... ehek..." Ang sunod-sunod pa ding usal ni Joey Boy
habang tumatakbo ito't hanggang makapasok na sa Revo na kaagad namang isinarang
mabilis ni Manong Cris.
"Bakit
ang tagal nyo?" Ang ipinagtatakang tanong naman ni Mrs. Valdez kay Katie.
"Kasi
naman Ati ang tagal pumili ng Shoes ni Joey Boy ih... You know..." Ang
explain naman ng Maid na si Katie na ikinailing na lamang ni Mrs. Valdez.
"Ikaw
na ang bahala kay Carl... Hindi na kami maghahapunan dito... Maiwan ko muna
kayo..." Ang bilin at paalam ni Mrs. Valdez sa dalawa bago ito umalis.
"Ingat
po kayo..." Ang paalala ni Carl sa kaniyang Amo.
"Nu
Problem Ati!" Ang proud namang pahabol ni Katie.
"Let's
talk again Carl pagdating ko..." Ang last na bilin ni Mrs. Valdez sa
binata bago ito tuluyang sumakay na sa Revo.
"Follow
me Ga..." Ang pagyaya naman ni Katie kay Carl at kaagad namang sinundan ng
binata ang maid papasok sa Mansion.
****************************
Clear
na clear naman ang pagExplain ni Katie sa mga responsibility nitong si Carlo sa
Mansion at talagang laking gulat ng binata nang ipinakita sa kaniya ng Maid ang
room ni Joey Boy.
"You'll
sleep dini..." Ang usal ni Katie sabay turo sa isang single bed na nasa
gilid ng napakalaking room ni Joey Boy.
"This
is the bed of Joey Boy..." Ang next na sambit ni Katie sabay turo sa King
Size bed ni Joey Boy.
Medyo
napaSmile si Carl nang makita niyang ternong SpongeBob ang unan at bedding ni
Joey Boy.
"This
is Joey Boy's Cabinet... Dini naman ang sa imo..." Ang next na usal ni
Katie kay Carl at nabilib talaga ang binata dahil sa magagara't pangbatang
gamit na nasa sa loob ng room ni Joey Boy.
"Any
thing else Dong?" Ang last na sinabi ni Katie na inilingan na lamang ni
Carl.
"Dini
ka muna Ga at may gagawin pa ang Beauty ko..." Ang next na usal naman ni
Katie ng makatiyak itong nasabi na niya ang lahat-lahat kay Carl at nang wala
na siyang maisip na ibilin kay Carl ay iniwan na niya ito sa kuwarto.
Hindi
talaga mapigilang maimpress at mapaSmile itong si Carl habang masaya niyang
tinitignan ang mga picture frames sa kulay powder blue na wall ng room nitong
si Joey Boy.
Nandoon
ang mga cute na cute na baby picture ni Joey Boy, Ang family portrait na kasama
ni Joey Boy ang Mommy and Daddy nito and may isa pang picture na kasama naman
nito sina Manong Cris at ang hula ni Carl ay si Manang Rosa ang matandang babae
na kasama nila.
Naimpress
din si Carl sa napakadaming cartoon character na toys na karamihan ay puro
Naruto Shippuden Action Figures na mga nakaDisplay sa room ng kaniyang alaga.
Slight
na nagAssume itong si Carlo na may pagkaMaingat sa mga gamit itong si Joey Boy
nang makita niyang nakahalera ng maayos sa isang estante ang napakadaming mga
Snoopy Toys na galing sa Happy meal ng McDo kasama ang iba pang maliliit na Toy
Collectibles.
Hindi
din napigilang mapangiti ni Carlo nang pumasok siya sa Bathroom ng Room dahil
nakita niyang puro Johnson and Johnson Baby Products ang mga ginagamit nitong
si Joey Boy.
"Haaay..."
Ang buntong hininga na lamang ng binata dahil biglang pumasok sa isip niyang
magiging interesante ang kaniyang One Week trial period bilang CareGiver nitong
si Joey Boy.
***********8:30pm************
Kaagad
na pinagbuksan ng gate ni Carlo itong sina Manong Cris at wala naman siyang
ginagawa dahil nagawa nang lahat ni Katie ang mga gawaing bahay at kahit na ano
mang gawing pag-i-insist nitong si Carlo na tumulong kay Katie ay sinasabihan lamang
siya nitong ireserba na lang ang kaniyang lakas para sa pag-aalaga kay Joey
Boy.
"Good
Evening po." Ang bati ni Carlo nang makababa na sina Ma'am Silvs sa Revo at
kaagad niyang napansing nalalambot itong si Joey Boy na pumasok sa Mansion.
"Ganyan
talaga ang bata yan pag ganitong oras... 8:00pm kasi siya kung matulog...
Nagyaya kasing manood ng Sine..." Ang explain lang ni Ma'am Silvs sa
binata nang makita niyang nagtataka itong nakatingin kay Joey Boy.
"Ganoon
po ba?" Ang sambit naman ni Carl sa kaniyang amo.
"May
routine kasing sinusunod si Joey Boy... Let's talk na..." Ang sambit ni
Mrs. Chavez sa binata habang papasok na sila sa Mansion kasunod ni Joey Boy.
Kaagad
na umakyat sa itaas at pumasok na sa kaniyang room si Joey Boy habang dumirecho
naman sa salas itong sina Mrs. Valdez at Carl.
"Sinabi
na siguro sa'yo ni Katie ang ilan pero there are somethings na dapat mong
malaman kay Joey Boy..." Ang bungad ni Mrs. Valdez sa binata nang maka-upo
na sila.
"Hindi
ka naman mahihirapan kay Joey Boy...
Marunong
siyang maligo, magtoothbrush and independent na siya sa Bathroom...
Marunong
na siyang magbihis...
Hindi
lang siya marunong magTie ng ShoeLace..." Ang explain ni Mrs. Valdez sa
nakikinig na binata.
"Basta
you'll need to be on his side palagi dahil talagang may mga pagkakataong na
kailangan ni Joey Boy ng Help...
Kahit
sa pagkain eh sasabayan mo ang baby ko...
Just
like what I said...
May
routine na sinusunod si Joey Boy...
Basta
pakiramdaman mo na lang siya Carl...
I
know naman na you know what to do since you're a Nurse...
Ikaw
din ang sasama sa kaniya sa mga Dental, Pedia appointment niya
And
sasamahan mo din siya sa School... Monday to Wednesday lang naman yun...
Ano
pa nga ba...
Basta
independent si Joey Boy...
Pwede
kayong lumabas ng bahay at mag-ikot-ikot basta hanggang sa loob lang ng Village
Saulado
naman ni Joey Boy ang buong village and kilala siya ng mga tao dito...
Binilinan
na lang namin ang mga gate guard dito sa subdivision eh huwag nila siyang palalabasin
na walang kasama...
Sa
Food naman eh walang bawal sa kaniya...
Huwag
lang siyang sobrang kumain ng mga Sweets at talagang napakaHyper ng batang
iyan...
Siguro
wala na akong maidadag-dag pa...
I'll
give you a list ng mga activities ni Joey Boy baka bukas na lang...
Do
you have any questions pa ba Carl?" Ang pagtatapos ni Mrs. Valdez sa
natamemeng binata.
"Wala
na po Ma'am Silvs..."
"Thank
You talaga for considering Carl..." Ang nakaSmile na sambit muli ni Mrs.
Valdez sa binata.
"Thank
you din po talaga Ma'am..." Ang sambit naman ni Carl and this time ay
hindi na pakitang tao ito dahil parang nakilala na ni Carl ng kaunti itong si
Joey Boy nang inInspection niya ang room nito kanina.
*************11:00pm****************
Hindi
pa din makatulog-tulog itong si Carl dahil talagang tiniyak niyang mabuti ang
mga sinabi sa kaniya kanina ni Ma'am Silvs.
Nakita
naman ng dalawang mata ng binata nang makapasok na siya sa kanilang Room ay
nakabukas na ang Aircon at nakatapat na ang Electric Fan sa natutulog na si
Joey Boy.
Nakaternong
G.I. Joe Pajama na ito at yakap-yakap ang malaki nitong Sponge Bob na Unan.
Nakita
din ni Carlo sa bathroom sa kanilang room na nasa laundry basket na ang mga
pinagbihisan nito at nakasampay na din ang tuwalyang ginamit ni Joey Boy nang
naligo ito.
"Ngorks...
Ngorks... Ngorks... Shhhhzzzzz.... Ehek!" Ang naririnig lamang sa
nahihimbing na si Joey Boy na siyang ikinaSmile ni Carl dahil hindi talaga
makapaniwala ang binata na kakaiba din ang rythm ng paghilik ni Joey Boy at
talaga namang kahit sa pagtulog ay ume-Ehek pa din ang kaniyang alaga.
Napapailing
na lamang itong si Carl habang nakahiga na siya sa kaniyang Bed at talaga
namang hindi siya makapaniwala na makakatulog siya sa isang kuwarto na AirConditioned
and after ilang minutes ay nagtalukbong na siya ng comforter dahil gumagapang
na ang matinding lamig sa kaniyang buong katawan.
Kung
magAircon kasi itong si Joey Boy ay talagang itinotodo nito sa pinakaLowest
Temp ang settings plus nakaNumber three pa ang electric fan at kahit nakatutok
ito kay Joey Boy ay tumatama pa din ang buga ng hangin nito sa direction ng puwesto
ng bed ni Carl.
****************************
"Hmmm...Uhhhmmm..."
Ang ungol ni Carl nang maalimpungatan siya sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog.
"Pasaway
kayong mga lamok kayo..." Ang mahinang sunod na reklamo ng binata habang
binubugaw niya ang lamok na dumadapo sa kaniyang pisngi.
"Ano
ba..." Ang sunod na naiusal ni Carl nang naramdaman niyang sunod-sunod na ang
dapo ng lamok sa kaniyang pisngi.
"HA?!"
ang next na biglang naitanong ng binata nang matiyempuhan niyang mahuli ang
lamok ngunit unti-unting naRealized ng binatang isang daliri pala ang hawak-hawak
niya ng mga sandaling iyon.
"GUDORNING
KUYA... WHAT's YOUR NAME AGAIN???!!!" Ang masyang outburst ni Joey Boy
nang makadilat na si Carl.
"WHOOOAAA!!!"
Ang gulat na usal naman ni Carl sabay upo niya sa kaniyang kama. Hawak pa din
niya ang daliri nitong si Joey Boy.
"Anong
oras na?" Ang tanong kaagad ni Carl kay Joey Boy nang maRealized niyang
ang daliri pala ni Joey Boy ang tumutusok-tusok sa kaniyang pisngi.
"It's
morning na Kuya... What's your name ulet?" Ani ni Joey Boy.
"I'm
Carl... Wait lang..." Ang mabilis na reply ni Carl kay Joey Boy sabay tayo
niya agad sa kama't pasok sa banyo.
Mabilis
na naghilamos at nagtoothbrush itong si Carl at saka lang niya naala-ala ang
get up ni Joey Boy ngayong umaga nang mapansin niyang nasa laundry basket na
ang pajama nito.
"NAMAN!!!"
Ang usal ni Carl nang makita niyang madilim pa sa labas ng bintana ng banyo.
Pagkalabas
na pagkalabas ni Carl sa kanilang bathroom ay tinignan muna niya ang oras sa
kaniyang CellPhone at talaga namang gustong niyang maiyak ng mga sandaling iyon
nang makita niyang saktong 5:00am pa lang ng umaga.
"Why
don't you sleep ulit..." Ang suggest ni Carl sa nakaupo sa kama niyang si
Joey Boy.
"It's
morning na Kuya Carl... Time for exercise..." Ang nakaSmile na sambit lang
ni Joey Boy.
Napabugtong
hininga na lamang itong si Carl nang mapansin niyang naka Ternong Adidas Navy
Blue Jogging suit itong si Joey Boy at kaagad niya itong nilapitan upang
isintas ang suot-suot nitong rubber shoes.
"Lord..."
Ang isip-isip na lamang ng inaantok pang si Carlo habang sinisintasan niya
itong si Joey Boy at pakiramdam niya'y nabiktima siya ng sinasabi sa kaniya ni
Ma'am Silvs na 'pakiramdaman ang Routine nitong si Joey Boy'.
****************************
Wala
nang nagawa pa itong si Carl kundi sundan na lamang itong si Joey Boy at laking
gulat nito nang lumabas ito ng gate.
"GUDORNING
ATE KATIE!!!" Ang masayang greet ni Joey Boy sa nagwawalis nilang Maid.
"Ang
aga n'yo namang magising!" Ang hindi makapaniwalang usal naman ni Carlo
kay Katie.
"It's
hard at first Ga... Masanay ka din Dong..." Ang explain naman ni Katie sa
nanlalambot pa din at antok na binata.
Naupo
na lamang sa gutter itong si Carlo at pilit niyang iminumulat ang kaniyang mga
mata upang bantayan itong nag-i-iStretching na si Joey Boy...
Kahit
mapungay ang mga antok na mata nitong si Carl ay hindi nito mapigilang
mapaSmile nang marining niyang nagbibilang itong si Joey Boy ng One to Eight,
Eight to One kasabay ng ginagawa nitong pag-i-iStretching...
After
na magStretching ni Joey Boy ay bigla itong tumayo ng tuwid at nagpaMewang...
"Inhale...
Hmmmm..." Ang sambit ni Joey Boy na ikinaSmile ulit ng binatang si Carl.
"Exhale...
Woooosh..." Ang next na sinabi ni Joey Boy.
Nabilib
din naman itong si Carlo dahil maayos naman ang routine ng kaniyang alaga pero
masyadong napakaaga nito para sa kaniya...
Ilang
ulit ding nagInhale and exhale exercise itong si Joey at walang pasabing bigla
na lamang itong humintong parang estatwa na ikinataas ng dalawang kilay ng
nagtatakang si Carl...
1
min...
2
mins...
3
mins...
Hindi
pa din kumikilos itong si Joey Boy kaya nama'y tumayo itong si Carl mula sa
kaniyang pagkakaupo sa Gutter upang lapitan niya ang kaniyang alaga at baka
hindi na ito humihinga...
"EHEK!!!"
Ang walang pasabing outburst ni Joey Boy na ikinatalon sa gulat naman ni Carl.
"SHET!!!"
Ang malakas na naisambulat na lamang ni Carl nang biglang tumakbo ng mabilis itong
si Joey Boy.
Wala
nang nagawa pa itong si Carl kundi habulin na lamang itong si Joey Boy.
"Joey...
Boy... Sag... Saglit... lang..."
"EHEK...
EHEK... EHEK..."
Hindi
na malakasan pa ni Carl ang kaniyang pagtawag kay Joey Boy dahil kinakapos na
siya ng hininga at medyo nananakit na ang kaniyang mga paa sa kaniyang paghabol
sa mabilis na nag-jo-Jogging na si Joey Boy.
Ilang
minutes palang ni Carlo sa kakahabol kay Joey Boy at pakiramdam na niya'y
isusuka na niya ang kaniyang Lungs ngunit nagpatuloy pa din siya sa paghabol
dito at alam niyang delikado na mag-isa lang itong si Joey Boy sa ganitong mga
oras.
"Ehek...
Ehek... Ehek..."
Hindi
rin maiwasan ng binatang mainis kapag naririnig niya ang masayang pag-ehek ni
Joey Boy habang pilit siyang sumasabay sa pagtakbo nito ng mabilis.
"LORD..."
Ang pagtawag ni Carl ng mga sandaling iyon kasabay ng kaniyang pagdarasal na
sana'y makayanan ng kaniyang Islander Slippers ang ginagawa niyang paghabol at
higit sa lahat ay makaSurvive siya ng umagang iyon...
Hindi
na namalayan ni Carl ang pagsikat ng araw at ang oras ng kanilang pagtakbo ni
Joey Boy at saka na lamang naRealized ng binata na nakaikot na pala sila sa
buong executive village nang makita niyang malapit na sila sa Mansion nina Joey
Boy.
"Ehek...
Ehek... Ehek..." Ang masasayang outburst pa din ni Joey Boy habang patuloy
pa din ito sa pagtakbo hanggang sa makapasok na ito ng mabilis sa Gate ng
Mansion.
Dire-Direchong
tumatakbo pa din na pumasok sa loob ng Mansion itong si Joey Boy habang itong
si Carl nama'y kaagad na nagCollapsed sa Bermuda ng Malawak na Yard ng Mansion.
"Ayos
ka lang ba Dong?" Ang kaagad na tanong ng nagdiDilig na si Katie nang
makita niyang nakaHiga sa Bermuda ang binata.
"HAAAH...
OKAY LANG... HAAAHH..." Ang hinihingal na usal ni Carl sa Maid. Hindi pa
rin niya nahahabol ang kaniyang paghinga ng mga sandaling iyon.
"Tinawag
kita Ga... Kaso hinabol mo agad si Joey Boy eh... May Bike naman tayo Dong..."
Ang emotionless na sambit ni Katie.
"SYET!!!"
Ang usal na lamang sa isipan nitong si Carl sa sinabi sa kaniya ng Maid at hindi
na siya nakapagReact dito at tinitignan na lamang niya ng masama ang patuloy na nagdiDilig na si
Katie dahil mas importante'y makahinga siya ng maayos ng mga sandaling iyon.
****************************
Nang
manumbalik na ang lakas at makahinga-hinga na ng kaunti itong si Carl ay agad
siyang umakyat sa kanilang kuwarto at napanganga na lamang ang binata nang mabungaran
niyang nakaligo na at nakabihis na itong si Joey Boy.
"Wait
for Kuya Carl... Maliligo lang ako..." Ang hingal na sambit ni Carl kay Joey
Boy na tinunguhan at nginitian lamang ni Joey Boy.
Mabilis
na naligo't nagbihis itong si Carl at nang makalabas na siya ng bathroom ay
hindi na siya nagulat nang wala na doon si Joey Boy kaya nama'y mabilis siyang
lumabas ng kuwarto't nakasalubong niya ang maid na si Katie sa kaniyang pagbaba
ng hagdan.
"Breakfast
na Dong..." Ang sinabi lang ng maid sabay talikod nito't baba ng hagdanan.
Tahimik
na lamang na sinundan ni Carl ang Maid at medyo nahiya siya nang makita niyang
nakaupo na sa long table sina Mrs. Valdez at Joey Boy.
"Let's
eat na kuya Carl..." Ang masayang sambit naman ni Joey Boy habang
sinesenyasan ni Mrs. Valdez itong si Carl na maupo sa tabi ng kaniyang anak.
"Pray
ka na Baby..." Ang ani ni Mrs. Valdez kay Joey Boy at agad namang pumikit
ito't yumuko at tahimik na nagPray.
"LET'S
EAT NA... EHEK!!!" Ang masaya't malakas na sambulat ni Joey Boy sa Mesa
after 5 Seconds na ikinagulat naman ni Carl.
"Ganyan
talaga magPray ang Baby ko... Kindly help him Carl..." Ang nakaSmile na
sambit lang ni Mrs. Valdez nang makita niya ang reaction sa mukha ng binata.
"Every
morning eh lagyan mo ng Star Margarine yang rice ni Joey Boy and the rest eh
siya na ang bahala..." Ang next na instruction ni Mrs. Valdez kay Carl.
Agad
namang sinunod iyon ng binata at nang malagyan na niya ng Star Margarine ang
rice ni Joey Boy ay saka na lamang ito kumain.
Pinagmasdan na
lamang ni Carl ang kilos ng kaniyang alaga samesa at kung ano ang magiging
behaviour nito during meal time...
Maingat
na tinusok ni Joey Boy ng straw ang isang tetra pack ng Moo at dahan-dahan itong
nagSip. Hindi naiwasang mapangiti ni Carl dahil nakaClose pa ang Eyes ni Joey
Boy habang iniinom ang Moo at kitang-kita sa facial expression nito na enjoy na
enjoy at sarap na sarap si Joey Boy sa pagSip ng Moo.
"Tsalap....
tsalap... tsalap..." Ang sambit ni Joey Boy nang maubos na niya ang Moo
and after that ay kumuha na ito ng isang jumbo hotdog at isang fried egg para
ilagay sa kaniyang plate kasama ng Star Margarine Rice at saka niya magana
itong kinain.
"Sumabay
ka nang kumain iho..." Ang sambit naman ni Mrs. Valdez dahil nakanganga
lang itong si Carl habang pinapanood si Joey Boy.
Kaunti
lamang ang nakain ni Carl dahil medyo nahihiya siya at first time niyang
makisalo sa mga mayayaman at hindi niya minsan maiwasang matulala kapag
nakikita niya ang maganang pagkain ni Joey Boy.
"BURP...
BUSOG... EHEK!!!" Ang masayang sambit kaagad ni Joey Boy nang ibaba na
niya sa kaniyang simot na plate ang ginamit niyang Spoon and Fork.
"Painumin
mo na siya ng Vitamins... Hindi kasi makapagTake ng tablets ni Joey Boy eh..."
Ang next na sambit naman ni Mrs. Valdez sabay turo niya sa isang malaking
bottle ng Ceelin Ascorbic Acid Syrup for Kids at isang spoon.
Pinigilan
na lamang ni Carl na mapangisi habang mabait na ininom ni Joey Boy ang Ceelin
Syrup na inilagay niya spoon.
"One
more pa..." Ang next na sambit ni Joey Boy na ipinagtaka naman ni Carl.
"Two
Tablespoon ang dosage fo Joey Boy..." Ang maikling explain naman ni Mrs.
Valdez sa nagtatakang binata.
"Mamaya
after lunch eh samahan mo si Joey Boy sa Pedia niya para maExplain sa'yo ni
Doctora ang lahat na dapat mong malaman sa health ni Joey Boy..." Ang next
na sambit ni Mrs. Valdez pagkatapos painumin ni Carl ng pang Second Round ng Vitamins
C itong si Joey Boy.
"Saan
ka pupunta?" Ang kaagad na sinabi ni Carl nang biglang tumayo itong si
Joey Boy sa mesa't naglakad papuntang kusina. Hindi siya sinagot ni Joey Boy
kaya nama'y si Mrs. Valdez na ang nagExplain sa binata.
"Just
follow and watch over him na lang Iho... Si Katie na ang bahala sa gawaing
bahay..." Ang nakangiting sambit ni Mrs. Valdez kay Carl na kaagad namang
tumayo upang sundan si Joey Boy.
****************************
Naging
routine na ni Joey Boy every morning ang pag-jo-Jogging and after breakfast ay
siya ang pinapakain niya ang mga kaniyang mga Pets.
Tahimik
lang na inObserbahan ni Carl itong si Joey Boy habang umiikot sila sa labas ng
buong mansion.
Unang
pinakain ni Joey Boy ang dalawa nitong pet na Miniature Bulldog na nakakulong
sa isang malaking cage then after niyang iCuddle ang mga ito'y next nilang
pinuntahan ang two pairs of love bird para mabigyan din ng pagkain.
After
na malagyan ng pagkain at kausapin ni Joey Boy ang mga love birds ay sinundan siya
ni Carl papasok ng bahay at last nilang pinuntahan ang isang Aquarium kung nasa
saan nakalagay ang Pet nitong Arowana.
"Kuya
Carl... Meet Fishy..." Ang introduce ni Joey Boy sa kaniyang pet Arowana.
Hindi
na nagtaka itong si Carl sa name ng Arowana dahil ang pakilalang name nitong si
Joey Boy sa mga nauna nitong mga pets ay sina 'Puppies' and 'Birdies'.
"Saan
ka naman pupunta?" Ang next na tanong ni Carl nang lumabas ulit si Joey
Boy sa bahay at lumabas ng gate.
"Sa
mga playmates ko..." Ang maikling reply lang naman ni Joey Boy habang
patuloy ito sa paglalakad. Tulad ng dati tahimik na lamang itong si Carl na
sinundan si Joey Boy hanggang sa makarating sila sa playgroud ng subdivision.
NagEnjoy
din naman si Carl na panoorin itong si Joey Boy habang nakikipaglaro ito sa mga
bata na sa tingin ng niya'y mga nasa grade one to two ang mga iyon.
Behave
naman at sweet si Joey Boy sa kaniyang mga kaPlaymates and ganoon din naman
sila kay Joey Boy. Napansin din ni Carl na 'Apple of the Eye' ng kaniyang mga
kalaro itong si Joey Boy.
Naging
peaceful naman ang lahat-lahat hanggang sa mag-ba-Bye na si Joey Boey sa kaniyang
mga kaPlaymates at tantiya ni Carl ay more than just 30 mins lang nakipaglaro
itong si Joey Boy sa playground.
"Joey
Boy... What's that..." Ang tanong ni Carl habang naglalakad silang dalawa
papauwi nang mapansin niya ang isang card na hawak-hawak ni Joey Boy.
"Rachel
gave it to me eh... Punta daw ako sa party niya..." Ang explain naman ni
Joey Boy sabay abot niya ng card kay Carl. Na sense ng binatang may sadness sa
tono ng boses ni Joey Boy.
"Mamaya
ito ah..." Ang nasambit lang ni Carl nang mapag-alamanan niya't mabasa ang
invitation na ipinakita sa kaniya ni Joey Boy.
"Masaya
doon..." Ang sunod na sambit ni Carl.
"Hmmmppp...."
Ang kaagad na reply lang sa kaniya ni Joey at lalong nagtaka si Carl nang
makita niyang sumimangot ang kaniyang alaga.
Pagkabalik
nila sa Mansion ay kaagad na pumanhik ng tahimik sa kanilang kuwarto itong si
Joey Boy samantalang itong si Carl nama'y kaagad na hinanap si Mrs. Valdez
upang ipakita dito ang ibinigay na invitation kay Joey Boy ng kaPlaymate nito.
"Hindi
ko pinapupunta sa mga Children's Party ang anak ko..." Ang maiksing
explain lang ni Mrs. Valdez kay Carl.
Magtatanong
ulit ang binata ngunit naunahan siyang magsalita ni Mrs. Valdez...
"Alam
yan ni Joey Boy..." Ang matamlay na idinugtong pa ni Mrs. Valdez.
"Bakit
po?" Tanong ni Carl.
"I'll
just be straight to you Carl...
Alam
mo na naman ang Condition ng anak ko and there are times na talagang na-o-Overwhelemed
si Joey Boy kapag sobrang saya niya... Lalo na sa mga Childrens Party...
Minsan
nasosobrahan kaya nagiging exag ang behaviour ng anak ko..." Ang paliwanag
ni Mrs. Valdez kay Carlo.
"One
time eh nagsayaw yang si Joey Boy sa isang Children's Party at walang
nakapagpigil...
Pinagtawanan
siya ng mga guest at masakit para sa akin ang makitang nangyayari yang ganyan
bagay sa anak ko...
Alam
ni Joey Boy na hindi siya pupuwedeng umattend ng party...
Sinabihan
ko din naman ang lahat ng mga kapitbahay namin..." Ang next na malungkot
na paliwanag ni Mrs. Valdez sa tahimik na si carl.
Hindi
na nag-usisa pang lalo itong si Carl sa kaniyang amo at naiintindihan naman
niya ang situation ng mag-ina at ang condition nitong si Joey Boy.
Walang
ibang nagawa itong si Carl kundi maawa na lamang siya para kay Joey Boy...
*************1:00pm***************
Walang
imik lang si Joey Boy sa buong biyahe nila papunta sa Pedia nito at alam ni
Carl ang reasn ng pagiging malungkutin ng kaniyang alaga.
"Manong
Cris..." Ani ni Carl sa driver.
"Ano
yun Carl..."
"Ganyan
ba talaga pag malungkot si Joey Boy?"
"Masanay
ka na... Talagang tahimik yan... Ano bang nangyari?" Tanong ni Manong Cris
at kaagad na inExplain naman ni Carl ang tungkol sa invitation na ikinabugtong
hininga na lamang ni Manong Cris.
"Naawa
nga din ako dyan... Malaking bagay sa isang bata ang pumunta sa isang Birthday
party..." Ang matamlay na usal lamang ni Manong Cris kay Carl habang
tinitignan niya sa kaniyang rear view mirror ang nananahimik na si Joey Boy na
nakatingin lang sa labas ng bintana ng Revo...
"Dito
na tayo..." Ang sambit muli ni Manong Cris nang ihininto niya sa tabi ng
isang lumang bahay ang Revo.
"Kala
ko ho ba sa Pedia Tayo?" Ang tanong naman ni Carl dahil nagAssume siyang
sa isang clinic or hospital nila dadalhin si Joey Boy.
"Dito
nakatira ang Pedia ni Joey Boy..." Ang nakaSmile na usal lang naman ni
Manong Cris sa nagtataka na namang binata.
Inalalayan
ni Carl ang nakaBackPack na si Joey Boy na bumaba sa Revo at muli niya itong
inobserbahan...
Kaagad
na nagDoorBell itong si Joey Boya at wala pang one minute ay pinagbuksan na
sila ng isang matandang babae na nagtataglay ng isang Pleasant Face...
"How's
my Darling..." Ang masayang tanong ng matandang babae sabay yakap niya kay
Joey Boy. Hindi naman nagRespond itong si Joey Boy.
"Why
ka Sad?" Ang next na tanong naman ng matandang babae sa walang imik pa din
na si Joey Boy.
"Come
in na Darling..." Ang masayang sinabi na lamang ng matandang babae kay
Joey Boy sabay ngiti niya kay Carl.
"Ikaw
ang bagong playmate ni Joey Boy?" Ang next na usal ng matandang babae na
tinunguhan at nginitian lamang ni Carl.
Tumagal
ng isang oras ang appoinment ni Joey Boy sa kaniyang Pedia at dito napag-alaman
ni Carl na Retired na pala si Dra. Marquez kaya lang ay hindi talaga niya
mabitaw-bitawan itong si Joey Boy dahil ayaw magpatingin nito sa iba pang Doctor.
Aminado
naman itong si Dra. Marquez na napamahal na din sa kaniya itong si Joey Boy
kaya naman kahit hindi na siya nagkli-Clinic ay tinitignan pa rin niya ito
hanggang ngayon. Pedia na ni Joey Boy sa simula pa lamang itong si Dra.
Marquez.
After
na maCheck Up ni Dra. Marquez si Joey Boy ay pinaghanda pa niya ng Snacks sina
Carl at doon niya ipinagbilin sa binata ang mga dapat nitong tandaan sa health
ni Joey Boy.
Natuwa
naman si Carl nang malaman niyang hindi masasakitin itong si Joey Boy at hindi
din ito high maintainance. Ang bilin lang sa kaniya ni Dra. Marquez ay laging
bantayan itong si Joey Boy at Baby pa talaga kasi ito.
"See
you next month darling ha... Huwag ka nang sad... Kiss muna..." Ang baby
talk ni Dra. Marquez kay Joey Boy nang papasakay na ito sa Revo.
"Yes
Doktora... MWAAAHHH... Ehek!!!" Ang mabait and sweet na reply naman ni
Joey Boy sabay smack niya sa cheeks ng kaniyang Pedia.
"Alagaan
mong mabuti ang darling ko ha... Turuan mo at mahalin mo din si Joey
Boy..." Ang last na bilin ni Dra. Marquez kay Carl nang nagpaalam na sila dito.
Hindi maiwasang maalalang muli ni Carl ang kaparehas ding bilin sa kaniya ng
kaniyang Nanay Cion.
Hindi
pa din pakiwari ni Carl kung bakit nag-ibang bigla ang mood nitong si Joey Boy at
nakangiti na ito ng pagkatamis-tamis after they left the house of his Pedia.
"Why
are you smiling?" Ang hindi mapigilang tanong ni Carl kay Joey Boy.
"SECRET!!!
EHEK!!!" Ang sambit lang ni Joey Boy na ikinangiti ng Clueless na si Carl.
Medyo pleasant na ang mood ni Joey Boy habang papauwi na sila.
Walang
kaalam-alam itong si Carl na may Candy ang bulsa ng walking shorts ni Joey Boy
na ibinigay sa kaniya ng palihim ni Dra. Marquez kanina.
************3:30pm****************
Naging
plesant ang buong biyahe nina Joey Boy sa Revo papauwi ngunit naging sad ulit
ang mood ni Joey Boy nang madaanan nila sa loob ng Village ang bahay ng kalaro nitong
si Rachel at kitang-kita ng dalawang mata ni Carl na napasinghap at lumuwa ang
mga mata ni Joey Boy nang mapatapat ang kanilang Revo sa Bahay ni Rachel.
Nakabukas
kasi ang gate ng malaking bahay nina Rachel at kitang-kita mula sa loob ng Revo
ang masaya't nasa kasagsagan ang Birthday nito.
Obvious
na obvious na madaming bata ang invited at kitang-kita ang iba't ibang kulay ng
mga Balloons at dinig din hanggang sa loob ng Revo ang malakas at masayang 'Happy
Birthday' na music.
Halos
matunaw ang puso nina Carl at Manong Cris habang pinagmamasdan nilang nakadikit
na ang mukha nitong si Joey sa salamin ng pintuan ng Revo at alam nilang inggit
na inggit ito sa iba pang mga batang umAttend sa Birthday Party ni Rachel.
"U...
U... U..." Ang usal ni Joey Boy sa loob ng Revo.
"What's
that Joey Boy?" Ang tanong naman ni Carl.
"U...
U... U..." Ang usal muli ni Joey Boy.
"Ano
yun Joey Boy..." Ang tanong muli ni Carl kay Joey Boy.
...
...
...
"U... U... U..."
...
...
...
"UUUUWAAAAAAAAAAAHHH!!!!"
Ang walang pasabing malakas na pag-iyak ni Joey Boy na ikinaPanic bigla nina
Manong Cris at Carl.
"UWAAAAHHH...
UWAAAHHHH...
UWAAAAHHH..."
Lalong
lumalakas ang walang pagtigil na nakakabinging pag-iyak ni Joey Boy at para ba
itong kinakatay na baboy ng mga sandaling iyon.
"Don't
cry Joey Boy..." Ang pagpapatahan ni Carl sa umaatungal na si Joey Boy...
Kitang-kita
ni Carl ang sunod-sunod at mabilis na pagbagsak ng matatabang luha mula sa
dalawang mga mata ni Joey Boy...
"Manong
pakitabi mo muna saglit..." Ang pakiusap ni Carl kay Manong Cris at agad
din namang nagPark si Manong Cris sa tabi nang kalsada.
"UWAAAHHH...
UWAAAHHH...
UWAAAHHH..."
Ang walang tigil pa ding pag-iyak ni Joey Boy ng mag sandaling iyon dahil
talagang upset na upset itong si Joey Boy dahil hindi siya pupuwedeng umAttend
ng Birthday Party.
Bago
pa kasi sila umalis ng bahay papunta sa kaniyang Pedia Appointment ay
pinipigilan na nitong si Joey Boy ang kaniyang pag-iyak ngunit nang makita niya
ang Party sa bahay nina Rachel ay hindi na niya talaga mapigilan ang kaniyang
sarili kaya nama'y ibinuhos na ni Joey Boy ang kaniyang pagkaUpset ng mga
sandaling iyon.
"Stop
na Joey Boy... Please... Huwag ka nang malungkot..." Ang mahinahong
pagpapatahan ni Carl sa kaniyang alaga.
Automatic
na niyakap niya ng mahigpit itong si Joey Boy at kaaagad na hinimas-himas ang
likod nito...
"WHY
CAN'T I GO TO THE PARTY KUYA CARL???!!! WAAAAHHHH!!!" Ang upset na sambulat
naman ni Joey kay Carl sabay yakap din niya dito ng mahigpit.
"We'll
go to a party tomorrow promise!" Ang unconscious na reply naman ni Carl
kay Joey Boy.
Kaagad
namang tumigil sa pagngawa iong si Joey Boy...
"Really???"
Ang humihikbing tanong naman kaagad ni Joey Boy.
"Promise...
Isasama kita sa Party!" Ang sambit muli ni Carl.
Hindi
na ngumawa pa itong si Joey at sumisinghot-singhot na lamang ito...
"Promise
Kuya Carl?" Ang pagdududang tanong naman muli nitong si Joey Boy at talaga
namang hindi ito makapaniwala sa sinabi sa kaniya ni Carl.
"Oo
sabi eh... Sige wipe your tears na..." Ang nakaSmile na reply kaagad ni
Carl sabay bigay niya ng kaniyang panyo kay Joey Boy.
Napangiwi
na lamang itong si Carl nang biglang siningahan ng malakas ni Joey Boy ang
kaniyang panyo habang itong si Manong Cris nama'y napapangiti sa ginawa nitong
si Carl...
"Promise
mo yan Kuya Carl ha... Kahit magalit si Mommy!" Ang next na sinambit ni
Joey Boy upang hindi na mabawi pa ni Carl ang Promise nito sa kaniya.
"Fuck..."
Ang biglang pumasok kaagad sa isipan nitong si Carl at hindi maiwasang tumayo
ang mga balahibo sa batok ng binata nang maimagine niya na nagagalit itong si
Mrs. Valdez.
Hindi
talaga maipaliwanag ng binata kung bakit hindi niya kaagad naisip na baka
magalit at hindi pumayag ang Mommy ni Joey Boy bago siya nagPromise dito...
Yun
kasi ang nararamdamang sabihin ni Carl ng mga sandaling iyon sa umiiyak at
Upset na upset na si Joey Boy...
Malinaw
din kay Carl at kahit ayaw man niyang aminin sa kaniyang sarili ay medyo
affected siya sa pagka-upset at pag-iyak ni Joey Boy at tila ba kinukurot ang
kaniyang puso habang nakikita niyang nagkakaganoon itong si Joey Boy...
To
Be Continued
Embedded Music come's From Nancy Sinatra's Version of 'WISHIN AND HOPIN'
ReplyDeleteGANDANG HAPON SA LAHAT!!!
GOD BLESS!!!
EHEK!!!
haay i feel this,hindi lang comedy,damang dama ko yung damdamin,thanks kuya ponse.
ReplyDeleteSalamuch din Gandang Tzekai!!! EHEK :)))
DeleteDi ko mahulaan ang mga susunod na mangyayari. Blinded pa ako sa kaka ehek ni joey boy. Pero sa totoo lang naeexcite ako kuya p.Super inaabangan ko talaga to.
ReplyDeleteBelated Happy Birthday Kuya P ha. God Bless.
EHEK!
Salamuch sa Greeting Mr.Stan :))) GOD BLESS DIN!!!
DeleteEHEK!!! :)))
bakit walang notice? naaliw ako sa imahinasyon mo Kuya. Ehek ehek din
ReplyDeleteI'll inform you Kuya Gaston Next Time :))) EHEK!!! :)))
Deleted nman children's party ang ppuntahan so d nman cguro mgagalit c mam silvs
ReplyDeletebt anyway, bata ang isip bat kelangan pti gamit pambata? :o j&j products pampaligo? lolx
peo clueless pa dn q pnu mabubuo ang romantic(?)love sa paningin ng isang batang isip... hmm... bitin na bitin aq :/
Malalaman mo kung Bakit Johnson & Johnson Lawfer :)))
DeleteNasa Part 2 Pa lang tayo kaya :)))
Interesting story.can't wait for the next chapter.
ReplyDeleteAs Soon As Possible po Kuyang Anon :)))
DeleteTenchu po sa pagbasa't PagComment!!! STAY BLESSED!!! :)))
Ang pumapasok lang talaga sa utak ko ay si BUdoy lang hahahaha...
ReplyDeleteGenius si Budoy and Retard si Joey Boy Kuya PJ peo parehong Pogi :)))EHEK!!!
DeleteNyahahaha!!!
kakaiba ito manong ah! di ko mawari kung pano maiinlove si joeyboy kay carl vice versa.. hmm... is it going to be a relationship (love) or a commitment?
ReplyDeleteIba ang MaInlove sa Mapamahal To... This will be different since kakaiba din si Joey Boy :)))
Deleteibig sabihin neto manong.. commitment? mukhang kakaiba nga. the other side of love.. ka-abang abang manong.. galing.. belated happy birthday pala.. i greeted you sa 1st account mo.. ang dami ksi di ko na malaman kung san ako mg message LOL
Deletesalamat sa update
ReplyDeleteSalamuch din Melok :))) See You sa Part 3 ASAP :))) EHEK!!!
Delete:'( i love you both na carl and joey boy. ehe
ReplyDelete:'( i love you both na carl and joey boy. ehe
ReplyDelete:'( i love you both na carl and joey boy. ehe
ReplyDeleteEHEK!!! :))) Salamuch kuyang Anon sa pagbibigay mo ng Space sa Puso mo kay Joey Boy :)))
DeleteI like your story and it's something different from the ones I've read. i applaud you, i just hope this won't turn into a straight falling in love with a gay guy again.
ReplyDeleteM2M po ang theme ng MSOB po Kuyang Anon kaya po ganoon po ang mangyayari :)))
Deletengayon pa lang natatakot nko na once na mainlove si Carl kay Joeyboy at sobrang maattached naman si Joeyboy kay Carl tas kailangan na maghiwalay, Ugh! Parang ang sakit nun tas magwawala at mag iiyak c Joeyboy,nakaka awa,its breaking my heart.
ReplyDeleteLater na ang Drama Gandang Tzekai kapag nangahalati na tayo sa Kuwento :))) EHEK!!!
DeleteNc 1 !!!!!!!!!!!
ReplyDeleteGets ko na Comment mo Kuyang Anon :))) Tenchu sa pagbasa't pagComment :))) EHEK!!! :)))
DeleteKaabang abang talaga ito, ung flow na maiinlove si carl kay joeyboy at paano tutugunin ni joeyboy... Exciting d ba... Thanks kuya ponse...
ReplyDeleteSlamat din Bobby :) as of now eh let's just welcome Joey Boy sa Puso natin :))) See you po sa part 3 :)))
DeleteMay kakaibang atake ang storya na ito...naaaliw ako sa mga eksena ni joey boy. Magmsmatured pa kaya xa? Wait n lang sa next chapter... Ehek ehek. Tnx ponse
ReplyDeleteRandzmesia
Sa mga Case ng Mental Retardation eh impossible na... EHEK!!! Everything will be discussed kuya Randz sa mga next Installments :))) Tenchu sa pagbasa't pagComment :))) EHEK!!!
DeleteHello kuya ponse..nice story..Sinong author nito ikaw ba?sana.masundan agad...I'm sure sa birthday ng nanay ni Carl ang Punta nila..hayyy..
ReplyDeleteMore power sa lahat ng contributor dito.
Wag lang sanang magsapawan ng mga kwento at sana'y tapos po sya
Sullivan Eduardo
Hindi pa nga pumapayag si Mommy Silvs Tito Ed eh :)))
Deletehehe ganda nito talga..sana mwala ang pagka ano pag nagkiss na sila hehe
ReplyDeleteOo nga Kuya Russ :))) PagNagKISS :))) EHEK!!!
DeleteKuya ponse pavor naman po oh :))
DeleteCould you pleas give an update of this story via txt , by the way here's my number po 09094269189. Thank you in advance I appreciate it a lot :))))
Nice story po :))
ReplyDeletePero clueless ako sa pag-ehek ni joey boy penge naman po ng link ng part 1???
Yung link sa Part One Kuya Lanzky eh it's below the cover/Picture of the story :))) pero jus click the link mo na lang below :)))
DeleteAng BABY Boy 1
Kuya ung part 1 po is ung scene ni manong chris and carl??????
DeleteAnd it means po na part 2 ung susunod na ipopost????
I'll wait for the answer thankyou po
So it means po na part2 na sya I thought its the first chapter kya clueless ako ahaha
ReplyDeleteBy the way ianzky po thank you very much po :))))
Yup Kuya Ianzky... Next post eh Part 3 na :))) EHEK!!!
DeleteKuya Ianzky...
DeleteYung nakitang mo pong Part One below the picture eh link po sya para sa nakaraang part... Ganyan po kasi si Ponse magPost eh... :))) Like this One Example...
Click mo eto:
Ang RnB FINALE
Kuya ponse nakita ko na po to xia :)))
ReplyDeleteBy the way kuya ponse may iba ka pa pong writtings??????
Kuya kung d po nakakaabala kindly message po ako via fb at ianosete_lol@yahoo.com
I PMed na you Ian :))) Ako yung 'AdikNgJapan' :)))
DeleteOk po I already saw it thank you po kuya ponse :)))))
DeleteBy the way ano po schedule ng next post????
nice! Peo k2lad nga ng sbi nla prang npakalabo n mgkron ng love connection..npka batang isip ni joey boy..sbgay malau p lalakbayin n2ng kwento..
ReplyDeletenice! Peo k2lad nga ng sbi nla prang npakalabo n mgkron ng love connection..npka batang isip ni joey boy..sbgay malau p lalakbayin n2ng kwento..
ReplyDeleteAng hirap iimagine yung magiging love story neto! Interested ako dto ah! Keep it up kuyang writter :")
ReplyDelete-Kyo
ngaun ko lang npansin ang story na to d2 at first time ko rin mka encounter ng gantong story and i must say its very interesting at iba ang klase ng pagsu2lat mu may narator keep it up..
ReplyDeleteTCGB.:))
missing them so much na..... huhuhuhu
ReplyDelete