by:oonheru
email: watashioonheru03@gmail.com
fb: facebook.com/oonheru
twitter: oonheru
instagram: oonheru
Author's Note: hello hahaha pasensya na po ulit kung medyo na delay ang update kasi busy po talaga sa school eh. so ayun po eto na hehe.
Oo nga pala HAPPY 27th months samin ng mahal ko <3 dahil sa kwento kung ito nagkakilala kami <3 i love you po mahal ko. Happy motmot. mwuaaaah
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon ng makaharap ko ang aking textmate na si Francis pala.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa tinagal tagal na magka textmate kami ay nagkita na rin kami. Iyon kasi ang gusto kong mangyari ang makita ko sya.
Pero sa pagkakataong iyon na nakaharap ko na siya nanaig pa rin ang aking galit dahil hindi ko matanggap na niloko nya ako, pinaglaruan at pinaasa. Alam mo ung pakiramdam ng ung kaisa isang taong itinuring mong bestfriend ay siya palang loloko sayo sa mahabang panahon na akala mo ay hinding hindi nya magagawa sayo ang ganong bagay.
Umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo biglang sumama ang aking pakiramdam parang magkukumbulsyon ako sa mga oras na iyon
Nangingilid ang aking mga luha.
Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit. Halos limang minuto kaming nasa ganoong ayos.
Pinagtitinginan kami ng mga batang naglalaro sa park.
Kumalas siya. Hinawakan nya ako sa pisngi at pinahid ang luha sa kanyang mga mata.
"Marky, sorry patawarin mo ako"
Pagkarinig ko ng salitang sorry hindi ko na napigilan at tuluyan ng bumagsak ang luha sa aking mga mata.
Isang malakas na sampal sa kanyang mukha ang aking pinakawalan.
Hinawakan nya ang bahagi ng kanyang pisngi na sinampal ko.
"Kulang pa yan sa lahat ng panlolokong ginawa mo sakin"
"Teka, magpapaliwanag ako Marky" sabay hawak nya sa aking mga braso
"Hindi ko alam
Kung dapat pa ba akong maniwala sayo Francis. Sinira mo ang pagkakaibigan natin. Sinira mo ang pagtitiwala ko sayo. Ayaw na kitang makita kahit kelan"
Sabay talikod ko sa kanya ang patakbong lumabas ng park. Hindi ko na siya nilingon pa.
Pagkalabas ng park agad akong umupo sa may upuang semento doon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Nakayuko ako habang pinapahid ko ang mga luhang pumapatak sa mata ko.
Maya maya pa may lumapit sakin at nag abot ng panyo. Tiningnan ko sya si EJ. Tumabi sya sa akin at hinimas himas ang aking likod
"Ano nangyari Marky?" tanong niya habang kino-comfort niya ako
Hindi ako umiimik pakiramdam
ko kasi kapag sinabi ko pa ang mga nangyari ay baka humagulhol na ako ng iyak.
"Tahan na" sabi pa niya
Tiningnan ko sya sa mata, napakaamo ang kanyang mata, parang sinasabi nito na wag kang mag alala marky nandito lang ako sa tabi mo dadamayan ka sa lahat ng oras na kailangan mo ako. Tahan na.
Ngumiti siya.
Gumanti din ako ng ngiti.
Ibinuka niya ang kanyang dalawang braso, tinitigan ko sya, ganun din sya at ngumiti ulit sakin. Yumakap ako sa kanya. Habang magkayakap kami pakiramdam ko safe na safe ako. Un bang pakiramdam na may kakampi ka at walang sino mang pwedeng umapi sayo. Kahit papano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
"Saan mo gustong pumunta?" tanobg sakin ni EJ.
"Kahit saan" sagot ko naman
Pumunta kami sa SM at doon namasyal at kumain ng dinner. Alas 8 na ng gabi kami umuwi.
Habang nasa byahe kami hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kanina. Kapag naiisip ko un yumayakap ako kay EJ. Matagal din ang byahe namin 45 mins.
Unang bumaba si EJ ng Van dahil nasa Subdivision ang bahay nila. Ako naman ay sa School pa bababa.
Bago sya bumaba hinalikan pa nya ako sa pisngi. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun basta masaya ako.
Pagkababa ko ng van biglang umambon. Tinakbo ko nalang pauwi ng boarding house. Basang basa ako pagdating. Nadatnan ko naman si Kuya na nag gigitara.
"oh bakit basang basa ka?" tanong nya
"Naabutan po kasi ako ng ulan eh" sabi ko naman
"Saan ka pala pumunta maghapon? Hindi ka nagpaalam sakin"
"Ah eh ano po mah binili lang ako sa SM" sabi ko naman
"oh siya mag banlaw kana sa CR baka magkasakit ka pa nyan may pasok pa naman bukas"
"Kukuha muna ako ng bihisan ko" sabay tumbok ko sa locker ko.
Kinabukasan pagka gising ko may nakahanda ng pagkain sa mesa. Alam ko si kuya ang nagluto nun. Nagtimpla ako ng dalawang kape dahil sanay ako na kapag breakfast may kapeng kasama maliban na lang kung sa labas ako kumakain ng breakfast hehe.
Maya maya pa lumabas na si kuya sa CR kakatapos lang niya maligo. napa " WOW ULAM" nalang ako dahil sa sobrang yummy ng kanyang katawan. tamang tama kahit sinangag nalang ang kainin ko sa umagang iyon habang pinag mamasadan ko ang kanyang kawatan ay solve na ako. LOL haha landi ko! ampft!
"Gising kana pala Bunso, kain na tayo ng breakfast!" lika na
Umupo siya sa mesa at inalis pa talaga niya ang twalyang nakatapis sa kanya. Kitang kita ko ang malaking umbok sa loob ng kanyang puting brief. Humigop siya ng kape.
"Hmmm yummy" sambit niyang nakangiti sabay kindat sakin.
Hinigop ko rin ang kapeng tinimpla ko at nasabi ko nalang na
"Mas YUMMY" sabay sulyap sa katawan nya
Naligo na rin ako pagkatapos namin kumain.
Masaya akong pumasok sa school ewan ko ba kung bakit ang saya ng umaga ko hihihi.
Alas otso na ako ng makarating sa room namin. nandoon na rin ang aking mga kaklase na nagchichismisan sa nangyaring weekend nila.
Bigla naman akong nalungkot dahil kung gaano kasaya ang mga classmate ko sa naging weekend nila ay kabaliktaran naman sa akin.
Dumating na ang prof namin at nagsimula na siyang mag discuss. Inikot ko ang aking paningin, may hinahanap ang aking mata sa loob ng classroom ngunit hindi ko ito makita.
"Buti naman at hindi sya pumasok" sa isip isip ko.
Habang abala ako sa pagsusulat may tumabi sa akin. Hindi ko siya nilingon. Kilala ko ang amoy ng pabango nya hindi ako nagkakamali si Francis yung tumabi sa akin.
Ewan ko ba parang nawala ako sa mood makinig at magsulat.
Hindi sya umimik, hindi rin ako umimik hanggang sa natapos ang aming klase.
Pumunta ako sa likod ng aming building habang hinihintay ang next subject ko.
Kinuha ko sa bag ang aking cellphone at nagpatugtug ng music.
"Pwede ba kitang makausap?" boses mula sa aking likuran.
Hindi ko pinansin yun kunyare hindi ko narinig ung sinabi nya at dinuyan duyan ko pa ang dalawang paa ko na kunyare ang sumasabay sa kanta.
lumapit siya sa harapan ko.
"Kausapin mo naman ako oh! Paano natin maayos ang problema kung hindi ka makikipag usap sa akin?" sabi nya na nagmamakaawa
Tiningnan ko siya nag eye to eye kami. Hindi ako nakatagal yumuko ako, ewan ko ba parang pag nakikita ko ang mga mapupungay nyang mga mata ay parang nahihipnotismo ako.
"Ano bang kasalan ko?" tanong pa nya.
Nag panting ang tenga ko sa sinabi nyang iyon.
"Kasalanan mo? Hindi mo ba alam? Matapos mo akong lokohin mag dedeny ka na hindi mo alam? Nagka amnesia ka ba?" ang sarkastik kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam
ang sinasabi mo. Hindi kita niloko at wala akong balak na gawin yan sayo. Ang tanging alam ko lang na kasalan ko siguro ay yung mahalin ka"
"Wow pang best actor ang drama" sabay palakpak ko pa na may halong pang aasar.
"Hindi ko alam kung paniniwalaan pa kita Francis, ayaw na kita makita kaya please lang layuan mo muna ako" dugtong ko pa.
Iniwan ko syang mag isa sa likod ng building namin at pumasok na ako para sa next subject ko.
Hindi siya pumasok at wala akong paki alam.
Naging madalas ang pagkikita namin ni EJ, kumain sa labas, manood ng sine, at mag happy happy kasama ang barkada nya.
Masaya ako na lagi syang kasama parang nahuhulog na ang loon ko sa kanya. Ang bait bait nya sa akin kapag may problema ako lagi syang nandyan sa tabi ko. Alam ko masaya din sya na kasama ako palagi.
Maaga akong umuwi sa boarding house dahil may meeting ang Eng'g faculty. Umakyat ako sa rooftop para kunin ang mga nilabhan ko.
Malapit na ako sa may pintuan ng may narinig akong nag uusap.
"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya?"
"Hindi ko nga alam pare kung saan ako mag sisimula eh. Kung paano ko ipapaluwanag sa kanya. Alam ko magagalit ng sobra sobra un sa akin. Kilalang kilala ko ugali nun eh."
"Kesa naman pare na sa iba pa nya malaman o siya mismo ang makaalam"
"Ewan ko ba hindi ko alam ang gagawin ko, naguguluhan na ako"
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan dahil baka mahuli ako na nakikinig sa usapan nila. Hinintay kong silang bumaba ng rooftop para makilala kung sino ung nag uusap doon.
Limang minuto pa ang nakalipas may naririnig na akong yabag na pababa ng hagdan. Nag kunwari ako na paakyat pa lang. Kinabahan ako ng makilala kung sino ung dalawang nag uusap sa rooftop. Si kuya Mike at Si Kuya Mandy.
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng makita ko sila ewan ko ba. Ngumiti lang ako sa kanila at kinuha ko na ang mga sinampay ko sa rooftop.
Sabado na naman, kami na naman ni kuya ang tao sa boarding house namin. May nakahanda na ulit pagkain pagkagising ko.
Wala si kuya sa higaan nya at ang gulo gulo pa nito. Hindi man lang inayos. Lumabas ako para hanapin sya at sabay kaming kakain. Hindi ko sya makita.
Inayos ko muna ang bed ko at inayos ko din ang bed nya.
"Ang kalat talaga ng bed ni kuya" sa isip isip ko.
Inalis ko ang foam sa higaan nya, kumuha ako ng kobre kama sa locker nya pinalitan ko ito ng cover.
Pinagpag ko ang foam nya at may nalaglag na SIM CARD. Pinulot ko iyon at inilagay muna sa table. Pagkatapos kong ayusin ang mga higaan namin kumain na ako ng breakfast.
Binalikan ko ulit ang Sim card na nalaglag kanina.
"Kanino kaya ito? Medyo luma na rin" sa isip isip ko.
May nag udyog sakin na isalang ko ito sa aking cellphone para tingnan kung ano ang laman nun.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bed ako at inalis ang simcard at inilagay ko ang napulot kong SIM.
Binuksan ko ang cellphone ko. May SIM PIN ito. Nag input ako ng 1234 pero error. Nag input pa ako ng maraming beses sa number para mahulaan ang PIN ng simcard. Isang try ko nalang at PUK na ang sim.
Nag isip ako sandali. Baka kay kuya ang sim na ito. Naalala ko sinabi nya sa akin ang passcode ng kanyang cellphobe dati ng hiramin ko ito.
"Tama baka un nga" sabi ko sa aking sarili
Pagka input ko ng number na kagaya ng passcode ni kuya ay na unlocked na ang SIM, laking tuwa ko ng nabuksan ko ito.
Una kong tiningnan ang mga contacts. Kay kuya nga ang SIM na ito. Nagpalit na siguro sya ng bagong number.
Binuksan ko naman ang inbox ko para magbasa ng text. Puro quotes ang laman nito nakaka umay basahin lahat. Pumunta ako sa Folder na ang pangalan ay BABY KO at may mga lamang message ito.
Nag dalawang isip akong basahin ang mga messages na iyon kasi baka sa girlfriend yun ni kuya. Medyo kinilig ako. Pero binuksan ko pa rin ito.
Pagkabasa ko ng isang messages kinabahan ako bigla. ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako pwedeng magkamali text ko ang laman ng Folder na BABY KO ang name!
Parang may sumabog na granada sa aking ulo pagkabasa ko ng mga text. Umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. Hindi ako makapaniwala. at ang nasambit ko nalang ay
"Si Kuya Mike ang textmate ko?"
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Kelan next part?
ReplyDeleteawww. matagal ko ng hinihintay ang update nito :}
ReplyDeletethanks! sana may kasunod na
Ayan n!!!!!!
ReplyDeleteGrabe ang tagal kong hinintay ito..
Sa wakas meron n..
Sana po regular n ang pag-update neto..
Tnx mr. Aurtor! ^_^
Sabik n akong mabasa ang nxt chpter!!!!
Woww.. thanks author. Iniintay ko din to.
ReplyDeletewaaahhhhh excited for the next part.. sana masundan ulit agad..
ReplyDeletemr writer accpet mo ako sa fb mo para malaman ko agad kung may kasunod na to..haha
san ung previous chapters nito?
ReplyDeleteAuthor, kailan pa po ang next part nito? Matagal ko na pong hinihintay.
ReplyDeleteAuthor please update.....
ReplyDeletekelan po update nito?
ReplyDeletemasyado pa ata syang busy :(
ReplyDeleteHindi na masusundan ito, ha-ha-ha (lol)
ReplyDeleteBakit Po Kuya?? Sana Po Masundan Pls. Nmn Po :( Kumukuha Po Kasi Ako Nang Mga Idea Kaso Nasasaktan Din Po Ako Ngayon Sa Edad Na 16 Pls Nmn Po Kuya :( Sana Po May Kadugtong :(
ReplyDeleteBakit Nmn Po?? Sana Po Masundan Pa Ito Kuya, Kumukuha Kasi Ako Nang Experience Sa Edad Na 16, Sa Po Kuya Masundan Ito Pls. Sana Po Pls. :( Pls. po :(
ReplyDelete