Followers

Sunday, July 21, 2013

Ang BABY Boy 4





******* 4:06am Monday********

Nakaligo't reading-ready na itong si Carl for this day at talaga namang excited na excited siya bilang Caregiver ng natutulog pa ding si Joey Boy.
Medyo inaantok pa si Carl that time dahil medyo late na siyang nakatulog kagabi'y hindi pa din mawala-wala ang kaniyang smile sa mga oras na iyon at sariwa pa sa kaniyang ala-ala ang pagiging behave nitong si Joey Boy sa birthday party ng kaniyang Nanay yesterday.
"Hmmm..." Ang naiusal na lamang ni Carl dahil nagtataka siya't mahimbing pa din ang tulog ni Joey Boy. Usually kasi'y mas nauuna pa sa kaniyang gumising itong si Joey Boy.
"Baka napagod lang kahapon..." Ang sunod na naiExplain na lamang ng binata sa sarili.
Slight na nainip na itong si Carl sa kakatingin kung magigising na ba si Joey Boy kaya nama'y ibinaling na lamang nito ang kaniyang attention sa isang maliit na papel na iniabot sa kaniya kagabi ni Ma'am Silvs.
Binasang muli ni Carl kung anong nakasulat dito...
Joey Boy's Schedule
8:00am - 11:00am School
1:00pm - 3:00pm Naptime
3:00pm - 5:00pm Kung anong gustong gawin ni Joey Boy
Ito lang ang mga nakasulat sa note na ibinigay ni Ma'am Silvs kay Carl kagabi.
Medyo napaSmile itong si Carl nang mabasa niya ang word na 'School' from the note...
Tahimik at maingat na hinanap ni Carl ang bag na palaging nakasukbit sa likod nitong si Joey Boy dahil kahapon pa siya talagang Curious na makita kung What's Inside of Joey Boy's BackPack dahil ayaw nitong ipakita sa kaniya ito kagahapon.
Lalong nagwating ang curiosity ng binata nang hindi nito makita sa loob ng kanilang room ang backpack nitong si Joey Boy...
Almost 15 minutes na hinanap at hinalungkat ni Carl ang lahat ng mga drawers and cabinets sa loob ng room ngunit hindi pa din niya makita-kita ang back pack nitong si Joey Boy kaya nama'y muli niyang hinalughog ang buong room ngunit bigo pa din siya for the second time around.
Even sa ilalim ng kanilang mga bed at kahit sa likod ng mga curtains ay wala siyang nakitang bag kaya nama'y hindi din pinaligtas ni Carl ang kanilang Bathroom. Kahit na binaligtad na ni Carl ang banyo'y hindi pa din niya mahanap-hanap ang Bag ni Joey Boy.
"Syet naman... Makikita ko din yun..." Ang talunang sambit na lamang ni Carl sa sarili when he gave up sa paghahanap ng backpack ni Joey Boy.
Almost 30 minutes na naghahalungkat itong si Carl kaya nama'y napagdesisiyunan na lamang niyang gisingin itong si Joey Boy para sa daily exercise routine nito.
"Joey Boy... Wake up na..." Ang malambing na sambit ni Carl sa kaniyang alaga habang marahang niyuyugyog niya ito upang gisingin.
"Ngooorrkkksss... Ngooorrrrkkksss... Ngoooorrrkkksss... Zzzzz..." Ang malakas na hilik lamang ni Joey Boy at nanatili pa din ito sa malamantika nitong pagtulog.
"Joey Boy..." Halos manlambot na itong si Carl sa kakagising kay Joey Boy at kahit na malakas na ang pagyugyog niya dito'y walang effect pa din.
"Haaaaissstttt..." Ang mahabang pagbuntong hininga na lamang ni Carl nang mga sandaling iyon at naGive up na din siya sa panggigising niya kay Joey Boy.

**************5:30am*****************

Nainip na itong si Carl sa kakahintay na magising itong si Joey Boy kaya nama'y naisipan na lamang niyang bumaba upang makatulong-tulong sa gawaing bahay at talaga namang namumuti na ang kaniyang mga mata kakahintay sa kaniyang natutulog na alaga.
"Aga mo namang magising Dong..." Ang bungad ng naglulutong si Katie kay Carl nang pumasok ang binata sa kitchen.
"AY! GoodMorning po!" Ang mabilis na usal naman kaagad ni Carl nang mapansin niyang nagkoCoffee sa kitchen itong sina Ma'am Silvs at Manong Cris. NakaPang Office na ang kaniyang amo at posturang-postura ito.
"Ang aga mo namang magasing...." Ang ipinagtatakang puna ni Mrs. Valdez kay Carl.
"Nasanay na po kasi ako kay Joey Boy at maaga siyang nag-eExercise..." Ang reply naman ni Carl na ikinagulat ni Mrs. Valdez. Halata nito na inaantok pa ang binata.
"AY SORRY CARL..." Ang nabiglang usal naman kaagad ni Ma'am Silvs sa biglang nagtakang binata.
"Hindi pala namin nasabing late magising si Joey Boy kapag may pasok siya sa school... Hindi siya nag-eExercise..." Ang medyo nahihiyang sambit ni Mrs. Valdez sa binata habang nakangiti lang itong si Manong Cris.
"HA?!!! Este ayos lang po... Tutulong na lang po ako kay Katie..." Ang bawi naman kaagad ni Carl sa kaniyang amo at talaga namang gusto niyang umiyak ng mga oras na iyon dahil nabiktima siyang muli ng Scheduled routine nitong si Joey Boy.
"Coffeee ka muna at sumabay ka na lang kay Joey Boy magBreakfast..." Ang nakasmile na sambit ni Mrs. Valdez sa kawawang si Carl. Hindi mapigilang mapangiti ni Ma'am Silvs dahil halata sa hitsura ng binata ang magkadismaya.
"Paano... Ikaw nang bahala sa Baby ko ha... Babalik din kaagad si Manong Cris para ihatid kayo sa School... Iniwan k ang ban ni Joey Boy kay Katie..." Ang paalam ni Ma'am Silvs sa nagulat na namang si Carl.
"Ganito po kayo kaagang pumasok..." Ang hindi mapigilang tanong ng binata sa kaniyang Amo.
"Yes Dear... Para maihatid ni Manong Cris si Joey Boy sa School... Monday to Wednesday lang naman..." Ang mahinahong reply ni Ma'am Silvs sa binata bago ito tuluyang lumabas na sa kusina kasunod si Manong Cris.
"Bilib nga din naman ako kay Ma'am Silvs..." Ang sambit naman ni Katie nang umupo na din ito sa kitchen table para magCoffee.
"Ha?" Ang reply ng binata.
"Grabe ang sakripisyo ni Ma'am Silvs para kay Joey Boy..." Ang next na sinabi ni Katie sa tahimik na si Carl.
Hindi mapigilang mapangiti ni Carl nang mga sandaling iyon at bigla niyang naisip ang kaniyang Nanay Cion at Ate Carmie dahil katulad din nila itong si Ma'am Silvs.
Alam ni Carl ang sacrifices ng mga ito para sa kaniya at gayundin naman ang sakripisyo nitong si Ma'am Silvs for Joey Boy.
Alam ng binata na hinding-hindi magagawa ito nina Ma'am Silvs, Nanay Cion and Ate Carmie sa kanila kung hindi sila Labs na labs ng mga ito...
"Tulungan na kita... Ano bang gagawin natin..." Ang kaagad na sinabi ni Carl nang tumayo na itong si Katie after nitong makapagCoffee.
"I can manage... I work alone Dong..." Ang cool na cool na usal lang ni Katie sa binata.
Natameme na naman at hindi nakapagReact itong si Carl sa sosyal na maid nina Joey Boy.
"ATE KATIE... ATE KATIE... ATE KATIE..." Ang malakas at nagpaPanic na biglang atungal ni Joey Boy mula sa second floor ng mansion.
"ANO YUN JOEY BOY..." Ang sigaw naman ni Katie.
Tahimik lang itong si Carl na nag-aabang sa sasabihin ni Joey Boy.
"I CAN'T FIND MY I.D." Ang next na atungal ni Joey Boy.
"GOSH Joey Boy!" Ang next na sinabi ni Katie at akmang aakyat na sana ito nang pinigilan siya ni Carl.
"Ako na lang..." Ang sambit ni Carl kay Katie at hindi na niya hinintay na magReply ang maid at kaagad na inakyat na lamang niya itong si Joey Boy.
"Goodluck Dong..." Ang nasambit na lamang ni Katie para sa binata at pagkatapos ay ipinagpatuloy na nito ang paghuhugas sa pinagkapehan nilang apat.

**************6:30am*****************

"Tara na... Baba na tayo... Baka ma-Late ka..." Ang pagpupumilit ni Carl kay Joey Boy ngunit parang walang naririnig ang kaniyang alaga't patuloy pa din ang paghahnap nito sa kaniyang nawawalang ID.
Kahit na anong ginawang paghahanap ni Carl sa buong bedroom nila'y hindi niya makita-kita ang ID nitong si Joey Boy.
"Maybe it's inside your bag..." Ang usal naman ni Carl sa naka-uniform nang si Joey Boy.
NakaWhite Polo ito at Khaki na pants and black Leather Shoes at ID na lang ang kulang dito...
"I already looked inside Kuya Carl..." Ang mangiyak-ngiyak na sambit naman ni Joey Boy.
"I'll just tell your teacher that you lost your ID."
"NO!"
"Whay naman Joey Boy?"
"I might get lost..." Ang usal naman ni Joey Boy na ikinangiti naman ni Carl.
"O nga naman..." Ang sambit kaagad ni Carl sa kaniyang isip.
Biglang napangiti na lamang itong si Carl nang may magandang pumasok na idea sa kaniyang isip...
"Where's your bag Joey Boy... I'll look again..." ang tanong kaagad ni Carl para makita na niya what's inside Joey Boy's backpack.
"There..." Ang sambit lang ni Joey Boy sabay turo sa magulo niyang Bed.
Kaagad namang nakita ni Carl ang backpack ni Joey Boy na natatabunan ng Comforter at mga unan at laking gulat nitong si Carl nang makita niyang ibang backpack ito...
"Is this your bag Joey Boy?"
"Yes..."
Wala nang nagawa pa itong si Carl kundi tignan ang laman ng Blue G.I. Joe backpack nitong si Joey Boy. Iba ito sa backpack ni Joey Boy na ginamit nito nang pumunta sila sa birthday party ng kaniyang Nanay Cion. It's a Red Naruto Shippuden na backpack.
Tiniyak muli nitong si Carl kung nasa sa loob nga ang ID nitong si Joey Boy ngunit puro gamit lang ni Joey Boy sa school ang laman nito...
Muling napailing itong si Carl at nagbakasakaling kakagatin ni Joey Boy ang naisip niyang idea dahil baka nga ma-Late na itong si Joey Boy sa school...
"Here Joey Boy..." Ang sambit ni Carl sabay abot niya ng kapirasong papel na kaniyang pinilas mula sa grade one pad ni Joey Boy.
"What's this..."
"Yan ang ipapakita mo kapag nawala ka..." ang explain naman ni Carl.
Matagal ding nag-isip itong si Joey Boy habang tinitignan niya ang piece of paper na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Kuya Carl kahit hindi niya ito kayang basahin samantalang itong si Carl nama'y nasa kalagitnaan ng matinding pagdarasal na sana'y kagatin ni Joey Boy ang kaniyang idea...
"Okay..." Ang sambit na lamang ni Joey Boy sabay lagay niya ng kapirasong papel sa kaniyang bulsa.
"YES!!! THANK YOU LORD!!!" Ang malakas na naiusal ni Carl sa kaniyang isipan at talaga namang thankful siya't hindi naging pasaway itong si Joey Boy.

**************************

NapapaSmile itong si Carl habang pinagmamasdan niya ang maganang pagkain ni Joey Boy ng Breakfast na ipina-take-Home sa kanila nina Nanay Cion and after that ay talaga namang naaliw itong si Carl nang pinainom na niya ito ng Vitamins ang mabait na si Joey Boy...
"Here's your baon na Joey Boy..." Ang sambit naman ni Katie kay Joey Boy nang ibinigay na nito ang Lunch Box na katerno sa G.I. Joe na backpack ni Joey Boy bago ito tumayo sa table.
"Thank you Ate Katie... Ba-Bye..." Ang sweet na reply naman ni Joey Boy sa kanilang maid.
"Panggastos ninyo... Ibinilin kagabi ni Ma'am Silvs... Muntik ko nang makalimutan..." Ang next na sinabi naman ni Katie kay Carl sabay abot ng P1,000.00 bill dito.
"Take care mga Dong..." Ang reply lang ni Katie kina Joey Boy at Carl habang nagliligpit ito ng kanilang pinagkainan.
"Ganito ba kalaki ang allowance ni Joey Boy..." Ang nagtatakang tanong naman ni Carl.
"Ambot..." Ang emotionless na reply ni Katie at walang katinag-tinag pa din ito sa pagliligpit.
Hindi na nagReact ulit itong si Carl at nakakahiya naman sa Maid na si Katie dahil concentrate na concentrate ito sa pagliligpit ng hapagkainan...

**************************

Gusto mang tanungin ni Carl itong si Joey Boy kung saan nito nilalagay ang red nitong backpack pero nagDecide na lamang siyang manahimik na lamang dahil tahimik na nakatingin lang itong si Joey Boy sa labas ng bintana ng Revo
Kaagad na tinignan ni Carl ang kaniyang CellPhone nang biglang tumunog ang text alert message nito...
"Namimiss ko si Joey Boy. Uploaded na sa FB ko ang mga Pic kahapon." Ang text message ni Ate Carmie kay Carl.
Nankangiting niReply-an ito ni Carl at ikinuwento sa kaniyang ate na napanaginipan pa nga ng kaniyang alaga ang birthday party...
"Sabi ni Ate Carmie at Nanay na namiMiss ka na daw nila..." Ang banggit ni Carl kay Joey Boy nang maReply-an na niya ang kaniyang Ate Carmie.
"EHEK..." Ang masayang outburst naman kaagad ni Joey Boy nang marinig niya ang sinabi sa kaniya ng kaniyang Kuya Carl.
"Oo naman..."
"When can we visit them..."
"Magpaalam muna tayo sa Mommy mo..."
"When nga Kuya Carl..." Ang makulit na sambit ng excited na si Joey Boy.
Napapangiti na lamang itong si Manong Cris dahil sa reaction ni Joey Boy at inabangan na lamang niya ang sasabihin nitong si Carl...
"This weekend... Kung papayag ang mommy mo..."
"Promise Kuya..."
"Promise Joey Boy..."
"EHEK!!! MWAAAHHHH!!!" Ang mas malakas na outburst kaagad ni Joey Boy at walang pasabing binigyan niya na naman ng isang mahigpit na Bear Hug itong si Carl and this time ay may kasama ng sunod-sunod wet Kisses sa buong mukha nito...
"Joey Boy... Tama na..." Ang natatawang sambit ni Manong Cris na siya namang sinunod ni Joey Boy.
Katulad ng kaniyang Ate Carmie ay nagulantang at nagulat din itong si Carl dahil it was his first time aswell na mahalikan siya ng isang lalaking kasing gwapo't cute ni Joey Boy...
Buong biyahe papuntang school ay naging masayang-masaya ang mood nitong si Joey Boy dahil na naman sa promise sa kaniya ng kaniyang Kuya Carl at talaga namang gustong-gusto na niyang makitang muli sina Nanay Cion at Ate Carmie...
Kabaligtaran naman ang nangyayari kay Carl...
Sumasabay sa pagbibiyahe nila ang pagleLevel up ng kaniyang pagkaConscious at talaga namang shocked na shocked siya sa ginawa nitong si Joey Boy...
Alam ni Carl na isip bata ito pero hindi niya maitatangging naAttract siya kay Joey Boy when he first saw him...

**************************

Bago bumaba ang dalawa'y binilinan ni Manong Cris na babalik ulit siya sa school around quarter to 11:00am para sunduin ulit sila...
"BaBye Joey Boy... Aral kang mabuti..." Ang pagpapaalam ni Manong Cris kay Joey Boy.
"Yes Manong... EHEK!!!" Ang masayang outburst ni Joey Boy at kasabay ng kaniyang pag-ehek ay kaagad nitong binuksan ang pinto ng Revo't nagtatakbong palabas...
"Ingat kayo..." Ang pahabol na lamang ni Manong Cris kay Carl dahil mabilis din itong bumaba para habulin ang nagtatakbong si Joey Boy.
"EHEK!!! EHEK!!! EHEK!!!" Ang masayang outburst ni Joey Boy habang tumatakbo papasok sa entrance ng School.
Mabilis din naman siyang hinahabol nitong si Carl at kitang-kita ng binata na lumapit itong si Joey Boy sa dalawang nakaUniform na babae na inAssume ng binata na mga teacher ito ni Joey Boy.
"AMISHU TEACHER JAI... MWAAAH!!!"
"AMISHU TEACHER NHINZY... MWAAAH!!!"
Ang sweet na narinig ni Carl from Joey Boy nang makalapit na siya dito...
"Ikaw ba ang bagong playmate ni Joey Boy... I'm Teacer Nhinzy..."
"Hi... I'm teacher Jai..." Ang greetings ng dalawang teacher kay Carl nang mapansin nila ang binata.
"I'm Carl.." Ang reply naman ni Carl sa dalawang magagandang teacher sabay pakikipagShakeHands niya sa mga ito.
"I'm Joey Boy!" Ang masaya't hindi patatalong introduction naman ni Joey Boy na ikinaSmile ng dalawang teacher.
"Jai.... Why don't you go inside the classroom with Joey Boy muna at mag-uusap lang muna kami ni Carl..." ang sambit ni Teacher Nhinzy sa kaniyang Co-Teacher.
Natatawa na lamang itong si Carl nang ipinabitbit ni Joey Boy ang Backpack nito kay Teacher Jai habang naglalakad na sila papasok sa isang building.
"NapakaLovable talaga ni Joey Boy... Kamusta naman ang adjustment mo..." Ang pagsisimula ni Teacher Nhinzy at talaga namang nabilib itong si Carl dahil natumpok kaagad ni teacher Nhinzy ang kaniyang Dilema.
"I'm still adjusting..." Ang natatawang reply naman ni Carl na siyang ikinatawa na din ni Teacher Nhinzy.
"Kami ni Teacher Jai ang naghaHandle kay Joey Boy..." Ang intro ni Teacher Nhinzy nang makapasok na sila sa classroom ni Joey Boy at kaagad na napansin ni Carl na mag-isa lang itong si Joey Boy sa Classroom.
"Wala siyang classmate..." Ang nagtatakang tanong ni Carl nang makita niyang umupo na si Teacher Jai sa harapan ng table na kinauupan din Joey Boy at nagsimula na ito sa kanilang lesson.
"Mag-isa lang si Joey Boy talaga..." Ang reply naman ni Teacher Nhinzy.
"Hindi namin kasi siya pwedeng isama sa iba pang mga SPED students at mahilig mangGaya yan kasi ng iba... Dati kasi nang isinama namin siya sa isang class eh nagkaroon siya ng classmate na naglalaro ng laway kaya hayun... Pinaglaruan na din ni Joey Boy yung laway niya..." Ang next na paliwanag ni Teacher Nhinzy.
"Actually ang mental age ngayon ni Joey Boy eh pangPreschool at talaga namang gumagawa kaming dalawa ni Teacher Jai ng paraan para makamove up siya sa next na grade kaya lang eh talagang nagStay na si Joey Boy sa ganyang level..." Ang pagtatapos ni Teacher Nhinzy.
"EHEK!!! FOUND IT KUYA CARL!!!" Ang biglang malakas na outburst ni Joey Boy na ikinagulat ng mga adult na kasama niya inside the classroom.
NapaSmile na lamang si Carl habang tinitignan niya ang masayang si Joey Boy na iwinawagay-way ang kaniyang ID sa kanilang tatlo.
"Nasa lunchbox ko lang pala... EHEK..." Ang next na masayang explain ni Joey Boy.
"Sige suot mo na yan and let's continue na!" Ang heartwarming na pagEncourage naman ni Teacher Jai sa nadistract na si Joey Boy.
"I'll drink some water muna... EHEK!!!" Ang masayang palust naman ni Joey Boy kay teacher Jai.
Kaagad na napansin ni Carl na napakunot ang noo ni Teacher Jai habang si Teacher Nhinzy nama'y nagsalubong ang dalawang kilay nito...
"May problem ba?" Ang hindi mapigilang tanong kaagad ni Carl kay Teacher Nhinzy.
"Cute ang pag-e-Ehek ni Joey Boy pero hindi pa namin siya nakoCondition at nasasanay na limitahan ang pag-Ehek niya..." Ang talunang sambit ni Teacher Nhinzy.
"Ahm... May ginayahan ba siya ng pag-e-Ehek..."
"Walang bata dito sa school ang nag-e-Ehek... Si joey Boy lang talaga... Nagulat na lang kami one time nang nasa vocabulary na ni Joey Boy ang Ehek..." Ang explain ni Teacher Nhinzy.
Besides sa Red na Backpack ni Joey Boy ay lalo pang nadagdagan ang curiousity ni Carl at napaisip siya kung saan napulot nitong si Joey Boy ang pag-e-Ehek nito.
"LOOK KUYA CARL OH... I'M WRITING..." Ang outburst naman muli ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl.
"Basta ang kailangan mo lang gawin eh tignan ang notes namin ni Teacher Jai sa assignment notebook ni Joey Boy after his class... basta as much as possible eh kailangan mo siyang sanaying gumawa ng assignments kasi dati eh walang pakialam ang mga naging caregiver ni Joey Boy sa academics niya... I hope you're different..." Ang next na explain ni Teacher Nhinzy sa nakangiting si Carl.
Napatingin itong si Carl sa kaniyang alaga...
Hindi mapigilang magSmile ni Carl habang tinitignan niyang magsulat ang gwapong si Joey Boy dahil nakalabas pa ang dila nito at parang hirap na hirap sa kaniyang pagsusulat...
"Look Kuya Carl... I'm finished na!!!" Ang next na inusal namang muli ni Joey Boy.
"Is it okay lang ba Carl kung maghintay ka na lang sa waiting area namin dito sa School... NadiDistract si Joey Boy kasi..." Ang pakiusap ni Teacher Nhinzy na siya namang sinunod ng binata without taking any offense.

**************************

Maaga pa nama'y nag-gala-gala muna itong si Carl outside the School at habang naglalakad siya'y malalim ang kaniyang iniisip...
Pakiramdam ng binata'y napakalaki ang responsibility niya kay Joey Boy...
Hindi lang siya ang caregiver nito at pakiramdam niya'y para na siyang guardian nito at talagang affected na affected siya sa last na sinabi ni Teacher Nhinzy na walang pakialam kay Joey Boy ang mga naging previous caregiver nito...
"Alagaan mong mabuti si Joey Boy... Mahalin mo siya..." Ang biglang pumasok sa isipan ni Carl habang naglalakad-lakad siya. Ito ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang Nanay Cion at ng Pedia nitong si Joey Boy na si Dra. Marquez.
Napag-aralan na naman din ito ni Carl noong nursing student pa siya at alam naman niyang kailangan ng Love and affection ng mga katulad ni Joey Boy...
Medyo namula ang mga pisngi nitong si Carl nang hindi niya mapigilang pumasok muli sa kaniyang isipan na isang baby na nasa katawan ng isang gwapo't cute na lalaki itong si Joey Boy...
"MakapagFB na nga lang..." Ang naiusal na lamang ni Carl nang mapadaan siya isang computer shop.
Kaagad na tinignan ni Carl ang mga uploaded na DP sa FB ng kaniyang Ate Carmie at pumili siya ng dalawang image na ipinaPrint niya upang ibigay kay Joey Boy...
Naala-ala kasi nitong si Carl ang mga picture frames na nakaDisplay sa room nila ni Joey Boy...
Alam ni Carl na labis na matutuwa itng si Joey Boy...
Gustong-gusto talagang makita nitong si Carl na masaya palagi itong si Joey Boy...
After na maiPrint na ang mga DP ay muling tinignan ni Carl ang kaniyang Dummy FB account and that time ay natanggap na niya sa kaniyang sariling malas talaga siya sa Online Relationship dahil wala na talagang paramdam sa kaniya ang last niyang naging BF sa FB...

**************************

Ilang minutes lang ang hinintay ni Carl sa waiting area dahil saktong 11:00am ay inihatid na ni Teacher Nhinzy and Jai itong si Baby Boy sa waiting Area and sakto din namang dumating itong si Manong Cris upang sunduin na sila...
"Bye Teacher Jai... MWAAHHH..."
"Bye Teacher Nhinzy... MWAAHH..." Ang masayang paalam ni Joey Boy sa kaniyang mga magagandang teacher at hindi talaga niiya nakalimutang iKiss ang mga ito sa Cheeks.
"Don't forget your assignments ha..." Ang pahabol ni Teacher Jai kay Joey Boy nang sumasakay na ito sa Revo.
"Tignan mo na lang yung Notes namin sa notebook ni Joey Boy... And Carl... Please help Joey Boy..." Ang pakiusap ni Teacher Nhinzy kay Carl.
"I will..." Ang nakaSmile na reply naman ni Carl sa mga nakangiting mga maestra ni Joey Boy bago sila tuluyang umalis na...
"May surprise ako to you Joey Boy..." Ang excited na sambulat ni Carl sa kaniyang alaga.
"WHAT IS IT???!!!" Ang excited na outburst naman ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl.
"Here..." Ang reply kaagad ni Carl kay Joey Boy sabay bigay ng dalawang picture na kaniyang ipinaPrint kanina.
"EHEK...!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy nang makita niya ang picture na kasama niya sina Ate Carmie at Nanay Cion at yung isa nama'y magkasama and nakaSmile silang dalawa ng kaniyang Kuya Carl.
"TENCHU KUYA CARL!!! MWAAAHHH!!!" Ang next na sinabi ni Joey Boy sabay BearHug niya sa kaniyang Kuya Carl at pagbibigay muli ng mga wet kisses sa cheek nito.
"ARAAAAY!!!" Ang naiusal na lamang ni Carl nang walang pasabing bigla siyang kinagat ni Joey Boy sa balikat.
"Stop Joey Boy... Ganyan lang talaga yan kapag natutuwa ng sobra... Nanggigigil..." Ang natatawang sambit naman ni Manong Cris habang nagdriDrive.
"Saan mo gustong bumili ng Lunch Joey Boy..." Ang next na tanong ni Manong Cris.
"JABEEE..." Ang sinambit kaagad ni Joey Boy.
Kapag may pasok ay nagteTakeOut muna si Joey Boy bago umuwi for his Lunch.
"Naiabot ba sayo yung allowance ni Joey Boy..." Ang tanong naman ng Driver sa tumutungong si Carl.
Hinihimas-himas pa din nitong Carl ang kaniyang balikat na pinaggigilan nitong si Joey Boy after na makapagTakeOut na sila ng lunch ni Joey Boy sa drive thru ng Jollibee at kaagad na nagbakas ang ngipin at namaga na ang balikat nitong si Carl nang makauwi na sila...

************12:00pm**************

Habang kumakain ng Jollibee itong si Joey Boy ay binabasa nitong si Carl sa assignment notebook nito ang nakasulat na note ni Teacher Nhinzy. Nagtataka pa din itong si Carl nang pumayag itong si Joey Boy na matignan niya ang loob ng backpack nito na ginagamit sa school.
Lalo pang naglevel up ang pagkaCurious ni Carl na makita ang laman ng Red na backpack nitong si Joey Boy...
Wala namang masyadong assignment itong si Joey Boy kundi ang pagsusulat lang kaya nama'y after na makapagLunch ni Joey Boy ay hinayaan na lamang ni Carl na umakyat ito sa kanilang Room at alam naman niyang Nap time na din naman ni Joey Boy...
Sasabihin nalang ni Carl kay Joey Boy na gumawa ito ng assignment after na makapagNap na ito...
NagStay pa itong si Carl ng ilang minutes sa iba-iba para tulungan itong si Katie but just like before eh hindi pumayag ang maid na si Katie na tumulong itong si Carl...
Medyo naaasiwa pa din kasi itong si Carl dahil pakiramdam niya'y pinagsisilbihan siya nitong si Katie...

**************************

Kaagad-agad na bumulaga ang malamig na buga ng air-conditioner sa pagmumukha ni Carl nang makapasok na siya sa kanilang room ni Joey Boy at mabilis ding tumaas ang kilay ng binata nang makita niyang nakatalukbong ng Comforter itong si Joey Boy at nakatutok muli dito ang naka number three na electric fan...
"Patayin na natin ang Electric fan ha... Nilalamig ka na ata..." Ang sambit ni Carl sa nakatalukbong na si Joey Boy.
"NO!" Ang matigas lang na sambit ni Joey Boy under his comforter.
Hindi na lamang pinatay nitong si Carl ang electric fan at baka magwating ang kaniyang alaga kaya nama'y pumasok na lamang siya sa bathroom upang iCheck kung nakapagpalit na si Joey Boy at kaagad naman niyang nakita ang mga pinagbihisang uniform ni Joey Boy na nasa laundry hamper na...
Nabilib muli itong si Carl kay Joey Boy dahil well trained ito and since na wala naman siyang ginagawa'y minabuti na lamang ng binata na mahiga na din at binasa na lamang niya ang mga previous notes ni Teacher Nhinzy sa assignment notebook nitong si Joey Boy and after ilang minutes lang ay nakatulugan na ni Carl ang kaniyang ginagawa...
Mas nauna pa siyang makatulog kaysa sa nakatalukbong na si Joey Boy...
Clueless itong si Carl sa kasalukuyang ginagawa nitong si Joey Boy...
"Ehek... ehek... ehek..." Ang mahina't masasayang expression ni Joey Boy habang pinagmamasdan nito ang dalawang picture na ibinigay sa kaniya kanina ng kaniyang kuya Carl...
Masayang-masaya itong si Joey Boy habang pinagmamasdan niya ang mga nakaSmile na mukha nina Nanay Cion, Ate Carmie at ng kaniyang Kuya Carl...
Just Like Carl ay nakatulugan na din ni Joey Boy ang ginagawa nito...
Mahimbing na naghihilik itong si Joey Boy habang mahigpit pa din niyang hawak-hawak ang dalawang picture sa kaniyang kamay...

**************************

BLAG!!!
Ang malakas na pagbagsak ng pintuan sa room nina Joey Boy na siya namang ikinagising at ikinagulat ng natutulog na si Carl...
Kaagad na tinignan ni Carl ang empty bed ni Joey Boy at nagmamadali siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga and after niyang i-turn-off ang airconditiner at electric fan ay kaagad siyang lumabas na din sa kanilang room...
Nahagip pa ng mga paningin ni Carl habang pababa siya ng hagdanan itong si Joey Boy na palabas papuntang backyard ng mansion...
NakaBathrobe lang ito at nakaFlipflops...
"Magswiswimming ata..." Ang isip-isip ni Carl dahil nakaGoggles at naka swimming cap paitong si Joey Boy.
"SHIT!!!" Ang naibulalas na lamang ni Carl sa kaniyang isipan nang makalabas na din siya sa backyard.
Natigilan siya sa hitsura nitong si Joey Boy...
Tinanggal na nito ang suot-suot nitong bathrobe at tumambad sa dalawang nakaluwang mga mata ni Carl ang maputi't makinis and mabalbon na athletic physique ni Joey Boy...
NakaSkimpy Dark Blue swimming trunks lang ito at nakatayo ito sa edge ng kanilang swimming pool...
Naupo na lamang si Carl sa monoblock chair kung nasa saan nakalagay ang towel and bathrobe ni Joey Boy at nakangangang pinagmasdan na lamang niya ang antics ni Joey Boy...
Pilit na inii-iwas ni Carl ang kaniyang paningin sa malaking bukol sa swimming trunks ni Joey Boy ngunit kahit anong pilit niya'y tumatambad pa din ito sa kaniyang paningin...
"Inhale... Exhale..." Ang narinig na lamang ni Carl kay Joey Boy nang magsimula na itong magWarm up.
Hindi na napigilang mapaSmile itong si Carl nang magsimula na namang magStretching itong naka Swimming Trunks na si Joey Boy na lalo pang nagpaEmphasize sa bukol nito...
"Why are you smiling Kuya Carl..." Ang biglang usal ni Joey Boy na ikinaBlush ng dalawang pisngi ni Carl...
"Wa-wa-wala naman..." Ang nauutal na reply ng biglang naConscious na si Carl.
Kaagad na lumapit itong si Carl sa nakatayo sa edge ng pool na si Joey Boy...
"Marunong ka palang magSwimming..." Ang impress na sambit ni Carl kay Joey Boy para maiba ang usapan.
"YES NAMAN!" Ang proud na proud na sinabi kaagad ni Joey Boy.
"Do you know how too swim Kuya Carl..." Ang balik tanong naman nito.
"YES NAMAN!!!" Ang pabirong panggagaya ni Carl kay Joey Boy.
"WOW! SHOW ME!!!" Ang malakas na outburst kaagad ni Joey Boy at walang pasabi niyang hinawakan sa dalawang braso ang kaniyang kuya Carl.
"WAIT LANG JOEY BOOOOOOY... NOOOO..." Ang malakas na sambit naman ng nagpaPanic na si Carl ngunit huli na ang lahat.
Just like what happened before ay parang manyikang ihinagis ng walang kahirap-hirap nitong si Joey Boy sa pinakamalalim na part ng swimming pool itong si Carl...
Hindi expected ni Carl na gagawin yun ni Joey Boy kaya nama'y nagyabang at nagsinungaling siya kanina at sinabing marunong siyang magSwimming...
"WOW!!! DIFFERENT STYLE!!!" Ang excited na outburst ni Joey Boy habang masaya niyang pinagmamasdan ang kumakawag na si Carl.
"ANG GALING MO NAMAN KUYA CARL..." Ang next na sinambit ni Joey Boy nang lumubog na itong si Carl sa tubig.
Kahit na anong gawing pagkampay at pagsipa ni Carl sa tubig ay mabilis pa din siyang lumulubog hanggang sa magblackout ang kaniyang paningin...
"MARUNONG KA DIN PALANG MAGFLOATING!!!" Ang impress na next na nasambit ni Joey Boy nang makita niyang lumutang ang katawan ni Carl sa pool.
"ATE KATIE OH... LOOK!!! KUYA CARL KNOWS HOW TO FLOAT!!!" Ang malakas na sambit naman ni Joey Boy nang makita niya ang kanilang maid na lumabas from the mansion at may dala-dalang snacks.
"JOOOEEEEY BOOOY!!!" Ang malakas na sigaw naman ni Katie nang makita niya ang hindi na gumagalaw at nakalutang pataob na si Carl...
"DIDO NA YAAAAN... MANOOOOONG CRIIIIIIISSSS!!!" Ang next na tili ng maid na si Katie upang makahingi ng saklolo't hindi din kasi siya marunong lumangoy.

************5:30pm**************

Kaagad na humagulgol itong si Carl nang magkaroon na siya ng malay at mabungaran niya ang kaniyang Nanay Cion at Ate Carmie sa loob ng kanilang room ni Joey Boy...
Nandoon din si Mrs.Valdez at si Manong Cris sa loob ng room...
Kaagad namang naiahon ni Manong Cris itong si Carl sa pool kanina at sa kabutihang palad nama'y naiRevive itong si Carl ngunit nawalan din kaagad ng malay ang binata after nitong maisuka ang mga nalulon niyang tubig mula sa pool...
"Pasensya na po talaga Misis..." Ang paulit-ulit na paghingi ng paumanhin ni Mrs. Valdez kay Nanay Cion.
Ipinaalam kaagad ni Manong Cris kay Mrs. Valdez ang nangyari at si Ma'am Silvs na din mismo ang nag-utos kay Manong Cris na ipatawag ang Nanay at ang Ate nitong si Carl...
"Ano bang nangyari..." Ang tanong naman kaagad ni Ate Carmie sa kaniyang kapatid.
"Sinabi ko kasi kay Joey Boy na marunong akong lumangoy... Nagbibiro lang naman ako Ate..." Ang naiiyak na sambit nitong si Carl.
"ARAAAY!!!" Ang malakas na daing ni Carl nang walang pasabing binigyan siya ng isang malakas na seltok ni Ate Carmie.
"AYAN ANG NAPAPALA MONG MAYABANG KA!!!" Ang pagsisimula ng panenermon ni Ate Carmie sa kaniyang kapatid.
"BAKIT KA NAMAN KASI NAGSINUNGALING SA HARAPAN NG BATA!!!" Ang segunda mano naman ni Nanay Cion kay Carl.
"ARAAAY!!!" Ang muling daing ni Carl nang si Nanay Cion naman ang sumeltok sa kaniya.
"Pasensya na din po kayo sa anak ko... Naniwala sa kaniya si Joey Boy..." Ang sambit naman kaagad ni Nanay Cion sa nag-aalalang si Ma'am Silvs.
"PASALAMAT KA KAY MANONG CRIS AT NABUHAY KA PA!!!" Ang galit na galit pa ding sermon ni Ate Carmie kay Carl.
Batid naman ni Carl na hindi dapat sisihin itong si Joey Boy at talaga namang kasalanan niya ang nangyari sa kaniya kanina.
"Huwag kang magsisinungaling sa mga bata! Ang tanda-tanda mo na!" Ang next na sambit naman ni Nanay Cion sa kaniyang anak.
TagTeam ang mag-ina sa panenermon kay Carl...
"SORRY PO!!!" Ang sambit na lamang ni Carl kay Ma'am Silvs at talaga namang hiyang-hiya siya dito.
"Tignan mo! Takot na takot si Joey Boy at nagtatago! IKAW KASI!!!" Ang naiinis na banggit muli ni Ate Carmie.
Kahit na hindi sabihin kay Joey Boy ang mga nangyari'y naramdaman nitong may nagawa siyang isang malaking kasalan at takot na takot siya dahil baka pagalitan siya ng kaniyang Mommy kaya nama'y nagtago kaagad siya sa backyard kasama ng kaniyang mga pets...
"Talagang ganoon lang yun at alam niyang paggalitan ko siya..." Ang reply naman ni Ma'am Silvs kay Nanay Cion.
"Huwag nyo nang pagalitan si Joey Boy at kasalanan ng anak ko talaga..." Ang usal naman ni Nanay Cion.
"Sorry po talaga..." Ang nahihiyang sambit na lamang muli ni Carl sa lahat.
"Uuwi na ho kami at ayos na naman pala si Carl... Pasensya na po talaga..." Ang paalam ni Nanay Cion kay Ma'am Silvs.
"Magkape na ho muna kayo... Tapos ipapahatid ko na ho kayo kay Manong Cris..." Ang anyaya kaagad ni Ma'am Silvs kina Ate Carmie at Nanay Cion.
"Huwag na po kayong mag-alala Ma'am... Pasensya na po talaga sa kapatid ko..." Ang paghingi ng paumanhin naman ni Ate Carmie.
"Hindi ko tuloy nayakap si Joey Boy... Miss na miss ko pa naman siya..." Ang usal ni Nanay Cion sabay irap niya sa kaniyang anak na si Carl.
"Baka po pwedeng sumama na po ako sa inyo... Gusto ko pong matulog sa kuwarto ko..." Ang biglang pagmamakaawa ni Carl sa kaniyang nanay at talaga namang gustong mayakap at makapiling ni Carl ang kaniyang Nanay at Ate after what he experienced.
"Ang arte mo naman..." Ang sumbat kaagad ni Ate Carmie.
"Nay... Ate..." Ang hagulgol naman ni Carl at kaagad siyang tumayo sa kama't mabilis niyang niyakap ang mga ito.
"NAKAKITA PO AKO NG LIWANAG... HINDI LANG PO AKO DUMIRECHO... KALA KO PO TALAGA NAMATAY NA AKO..." Ang hindi maipaliwanag na sumbong naman ni Carl sa kaniyang Nanay at Ate Carmie.
"Hay... Ikaw naman kasi..." Ang sambit ni Ate Carmie at hindi na din niya natiis ang kaniyang kapatid at kaagad na hinagod-hagod niya ang likod nito.
"Misis... Baka naman ho puwedeng sa bahay na po muna magpalipas ng gabi ang anak ko..." Ang mahinahong usal naman ni Nanay Cion sa naShocked na si Ma'am Silvs.
Pumayag naman itong si Ma'am Silvs sa suggestion nitong si Nanay Cion at alam naman niyang medyo naTerrorized itong si Carl sa mga nangyari...
Nagbitaw naman ng salita itong sina Nanay Cion and Ate Carmie kay Ma'am Silvs na maaga pa itong si Carl na babalik bukas...
Hindi pa din nagpakita itong si Joey Boy kina Nanay Cion at wala na silang nagawa pa kaya umuwi na sila kasama itong si Carl na hindi nakikita't nayayakap itong si Joey Boy...
Sa totoo'y miss na miss na nila ang sweetness ni Joey Boy kaya nama'y bago umalis itong sina Nanay Cion ay inimbitahan muna nila si Ma'am Silvs na kung may time ang mga ito'y dalawin sila sa bahay at isama itong si Joey Boy...
Masaya namang pinaulakan ni Ma'am Silvs sina Nanay Cion and she's very happy and thankful dahil kitang-kita niya ang pagkaConcern ng family ni Carl para sa kaniyang anak...

************6:30pm**************

Balisa pa din itong si Joey Boy dahil alam na alam niyang paggalitan siya ng kaniyang Mommy dahil sa kaniyang ginawa sa kaniyang Kuya Carl kaya nama'y mainggat na umakyat itong si Joey Boy sa kaniyang room at iniwasan niyang makita siya ng mga kasama niya sa mansion...
After na maisara ni Joey Boy ang pintuan ng kaniyang kuwarto'y kaagad na kinuha niya sa kaniyang secret hiding place inside his room ang kaniyang Red na Backpack...
Kinuha niya mula sa loob ng bag ang picture nilang dalawa ng kaniyang kuya Carl at malungkot niya itong tinignan...
Sa loob ng Red na BackPack kasi inilalagay ni Joey Boy ang mga importanteng bagay para sa kaniya...
Madali lang kasing ma-attached sa mga bagay-bagay itong si Joey Boy especially sa mga ibinibigay na mga things ng mga loveones niya kaya nama'y iniingat-ingatan niya ang mga ito sa kaniyang Red na Backpack...
Isa na nga dito ang Pictures na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Kuya Carl kanina...
Kahit din sa mga tao'y madaling maAttached itong si Joey Boy...
"Kuya Carl..." Ang mahinang nasambit na lamang ni Joey Boy habang tinitignan niya ang picture na magkasama silang dalawa...
Hindi din napigilang tumul ang luha nitong si Joey Boy ng mga sandaling iyon dahil sa mura niyang mental age ay hindi niya nakayanan ang pang-uusig ng kaniyang konsensya...
Alam ni Joey Boy na mali ang ginawa niya sa kaniyang Kuya Carl at kitang-kita niya kanina na umalis ito kasama sina Nanay Cion and Ate Carmie...
Walang imik-imik ay kaagad na ipinasok ni Joey Boy sa kaniyang Red na Backpack ang kanilang picture at pagkatapos niyang maisara ang kaniyang backpack ay kaagad niyang isinukbit ito sa kaniyang likuran at pagkatapos ay nagsuot kaagad siya ng cap...
Parang si Swiper sa palabas na 'Dora The Explorer ' ay tahimik na lumabas itong si Joey Boy sa kaniyang room at maingat niya muling iniwasan ang kaniyang Mommy, Si Katie and si Manong Cris hanggang sa makalabas na siya sa kanilang Gate...
Kaagad na nagtatakbo palabas ng Village itong si Joey Boy at tanging nasa sa isip lamang nito ay kailangan niyang makapagSorry sa kaniyang Kuya Carl...
Sakto namang nakikipagFlirt via text messaging ang gate guard sa kanilang village kaya nama'y hindi nito napansing nakalabas na sa village itong si Joey Boy...

************9:30pm**************

NagpaPanic na itong si Joey Boy dahil ilang hours na siyang palakad-lakad at hindi pa din niya makita ang kaniyang Kuya Carl...
This was also Joey Boy's first time na abutan ng dilim sa lansangan na mag-isa...
Kahit na natatakot na itong si Joey Boy ay nagpatuloy pa din siya sa kaniyang paglalakad at tanging iniisip lamang niya'y is to say sorry to his Kuya Carl...
"PSSSTTT.... Dre... Shot ka muna..." Ang tawag ng isang lasing kay Joey Boy nang mapadaan ito sa kanilang pag-iinuman.
Biglang naglevel up ang pagkatakot sa puso nitong si Joey Boy dahil hindi na niya alam kung nasasaan na siya at lalo pa siyang natakot dahil hinila siya ng mga nag-iinuman sa kanialng mesa na nasa labas lamang ng isang sari-sari store...
"Inom ka muna Pare..." Ang next na sinabi ng lasing habang iniaabot nito ang tagay sa takot na takot na si Joey Boy.
"U... U... U..." Ang usal lamang ni Joey Boy sa mga nag-iinuman.
"Ansabe mo Dre..." Ang nagtatakang tanong naman ng isang lasing.
"U... U... U..."
"Ha... Ano yun Dre?" Ang tanong muli ng lasing.
"U... U... UWAAAAAAHHHH..." Ang malaAmbulansyang atungal ni Joey Boy na siya namang ikinawala ng tama ng mga nabinging nag-iinuman.
"UWAAAAAHHHH!!! UWAAAAAHHH!!! UWAAAAAHHH!!!"
Hindi na napaigilang maiyak nitong si Joey Boy that time at talaga namang takot na takot na siya kanina pa.
"ANAK NANG... PATAHIMIKIN NYO NGA YAN!!!" Ang reklamo naman ng isang lasing dahil parang sasaboog na ang kaniyang ear drums dahil sa malaLoudSpeaker na pag-iyak ni Joey Boy.
Halos lahat ng taong nasa kalye'y nakatingin lamang sa direction ng umiiyak na si Joey Boy...
Ang akala ng iba'y may kinakatay na Baboy sa kanilang lugar nang marinig nila ang atungal nitong si Joey Boy...

************10:30pm**************

Galit na galit itong si Ate Carmie habang paakyat siya sa kuwarto ng kaniyang kapatid na si Carl dahil ilang beses na niyang pinagsasabihan ito na huwag nitong hahayaang nakababad sa Charger ang cellphone nito...
Nakita na naman kasi nitong si Ate Carmie ang cellphone ng kapatid na nakasaksak pa din sa charger kahit fully charge na ito...
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo Carl na huwag mong iiwang nakaCharge yan... Mahirap na at baka magkasunog pa tayo dito... HOY NAKIKINIG KA BA..." Ang sunod-sunod na usal ni Ate Carmie sa kaniyang bunsong kapatid.
Hindi makapagsalita itong si Carl dahil labis ang kaniyang pagkagulat sa mga messages sa kaniya ni Ma'am Silvs...
Mayroong 12 na messages sa kaniyang inbox at 7 na missed call ito...
"ANO KA BA CARL!!!" Ang naiinis na usal muli ni Ate Carmie sa kaniyang kapatid nang hindi siya kinikibo nito.
"ATE! NAWAWALA DAW SI JOEY BOY!!!" Ang Outburst na lamang ni Carl na biglang ikinatigil ng kaniyang Ate Carmie kasabay ng pagtunog ng incoming call alert tone ng cellphone ni Carl.
Kahit na hindi registered sa memory ang number ay mabilis na sinagot iyon ng binata...
"Eto ba si Carl..." Tanong kaagad ng babaeng nasa kabilang linya.
"Eto nga po..."
"Nakita kasi namin sa bulsa ni Joey Valdez ang isang papel na may nakalagay na In Case Of Emergency eh ikaw ang Kontakin..."
"HA? ANYARE!!!???" Ang shocked na tanong ni Carl kasabay ng mabilis na panlalamig ng buong katawan ni Carl.
"Anyare?" Ang concern na tanong kaagad ng nag-aalalang si Ate Carmie nang matapos na ang pakikipag-usap ng kaniyang kapatid sa phone.
"Taga SOCO yung tumawag... Puntahan daw natin sa Presinto si Joey Boy... Itetext niya kung saan..." Ang tulalang usal na lamang ni Carl na lalo pang ikinaPanic ni Ate Carmie.

**************************

Ilang minutes lang ay nakasakay na sa Jeep sina Carl at Ate Carmie papunta sa presinto at pati na din itong si Nanay Cion ay hindi napigilang sumama na din...
Dahil sa pagpaPanic ay nakalimutan na nilang tanungin ang kalagayan ni Joey Boy doon sa babaeng nag-inform kanina kay Carl...
Labis ang kanilang pag-aalala kay Joey Boy...
NaiText na din ni Carl sina Ma'am Silvs at napagkasunduan nilang sa Presinto na lamang sila magkikita-kita...
Hindi na din sinabi ni Carl kay Ma'am Silvs na tagaSOCO ang tumawag sa kaniya...
"Lord..." Ang usal na lamang ni Carl at alam niyang nagdarasal din ang kaniyang Nanay Cion and Ate Carmie na sana'y walang masamang nangyari kay Joey Boy...





To Be Continued

47 comments:

  1. Embedded Music is an instrumental from The Jackson Five's 'I Want You Back' :)))

    MAGANDANG HAPON PO SENYONG LAHAT AND REGARDS PO SENYONG PAMILI :))) INGATZ PALAGE :)))

    NakapagUpdate na din p ak ng isa kong OnGoing and nakapagTransalate na din poo ako ng Comics in Tagalog :))) Click the titles to check it out po :)))

    Ang Janitor Sa Museng Pambata 3 of 3

    Naughty Boy TAGALOG

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow! tnx ponse at may update agad! nice he he he.

      Delete
  2. Hahahahahahaha ang sweet ni joey boy... Pwedeng si katie rin paki hagis sa swiming pool hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. kala k Kuya PJ eh may maiisip ka na namang katulad ni Jey Boy eh :)))

      Delete
    2. Hahahahaha actually meron hahahahaha si dora yung kakambal ni kimmy hahahahahahaha

      Delete
  3. Muntik na c carl kc nmn ngmamayabang sa batang walang kamuwangmuwang LOL...
    Ano nmn kaya ginawa ni Joey Boy dun sa ng-iinoman....

    ReplyDelete
    Replies
    1. An kaya ang Report ng SOCO sa presinto Kuya Richie :))) EHEK!!!

      Delete
  4. hahaha


    galing mo kuya ponse


    ryuigi of nueva ecija

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi p magaling ang kuya Ponse mo Kuya Ryuigi... Adik p si Ponse :))) Nice to meet you nad tenchu sa pagbasa't pagComment Kuya Ryuigi :))) GOD BLESS!!! EHEK!!!

      Delete
  5. omg,pati ako na attached na kay Joey boy,sana okay lang sya,kinakabahan ako. Kuya Ponse wag kang ano ah? Wag mo kawawain c Joey boy haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. An ka ba Gandang Tzekai naman :))) Wala pa tay sa kalahati eh :)))

      Delete
  6. anung gnawa ng mga walanjong mga lasenngo na un kay joey boy??
    o bka nman mali ang tanong q?
    anong ginawa ng machong machong si joey boy sa mga lasenggo??

    LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saan ba magaling si Joey Boy Lawfer??? :)))

      Delete
  7. haha DIDO! dami kong tawa kay Katie! tinago talaga ni joeyboy yung papel na binigay sa kanya ni Carl.. galing naman ni joeyboy may initiative! nice one manong! salamat sa update!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din To :))) Blessing talaga ang ganyang mga Baby :)))

      Delete
  8. un pa din ang cute hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pagsama palagi kay Joey Boy Kuya Russ :)))

      Delete
  9. haizt, mali tlaga ung ginawang pagsisinungaleng ni CARL SA BATA. Dapat lesson learned sa kanya e2, ayan tuloy muntik ng mapahamak lalu ang alaga nya. Dapat warningan din ung sekyo , negligence on his part ang pagkakalabas ni JOEY BOY . hmmmm, maxado na akong harsh! he he he. nice chapter again PONSE!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kita kits p tayo Tito Robert sa Presinto :))) EHEK!!!

      Delete
  10. Wala talaga akong maisip kung saan mapupunta ang kwento to. Kaabang abang naman talaga.

    Kuya P sobrang galing ng obra mo na to. Classic!!!

    In fairness na eexcite ako sa itsura ni Joey Boy na naka trunks.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi magaling Mr.Stan :))) Adik po :))) Malapit na tay sa kalahate :)))

      Delete
  11. haha kakaloka c joey boy..tama hinala q n mga importanteng bagay nklgay dun s bag ni joey boy! :D

    anu kya nngyari s knya?hayst bka cnaktan xa ng mga lasenggo! :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Rowena :))) Basta po :))) Excited na si Ponse sa next chapter :)))

      Delete
  12. hanung nangyare? hays.. YES NMAN!! BITIN! EHEK. LOVE IT!

    JJJ

    ReplyDelete
  13. hanung nangyare? hays.. YES NMAN!! BITIN! EHEK. LOVE IT!

    JJJ

    ReplyDelete
  14. hanung nangyare? hays.. YES NMAN!! BITIN! EHEK. LOVE IT!

    JJJ

    ReplyDelete
  15. hanung nangyare? hays.. YES NMAN!! BITIN! EHEK. LOVE IT!

    JJJ

    ReplyDelete
  16. hanung nangyare? hays.. YES NMAN!! BITIN! EHEK. LOVE IT!

    JJJ

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tignan natin sa Report ng SOCO Kuya Jjj :)))

      Delete
  17. Each chapter seems getting interesting and fun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu po sa pagbasa't pagCommentt Kuyang Anon :))) Nice to meet you :)))

      Delete
  18. kuya ponse ehek... next chapter na po... paano kaya mangyayari sa love story nila carl at joey boy... hehehehehehe mag lips to lips ba sila....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dadating tayo dyan kuya Bobby... :))) Mangangalahati na kasi tayo sa kwento eh :))) EHEK!!!

      Delete
  19. sana lng walang nangyari ke Joey baby boy......

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kakatayin ko si Carl Kuya Patryckjr kapag may nangyari kay Joey Boy :)))

      Delete
  20. wahhhhh...
    bitin na bitin EHEK

    ReplyDelete
  21. Replies
    1. As soon as possible Mr.Meloh :))) EHEK!!!

      Delete
  22. nagaabang ako nga kasunod... EHek.. ehek... ehek...
    kuya ponse gawa ka nga ng audio ng ehek...
    feeling ko kc, nakakainis ung sound na un hehehehe...
    sayo ba nangaya si joey boy

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po kuya Mars... :))) Malalman mo din kung saan napulot ni Joey Boy ang EHEK! :))) Para tayong may Case study :)))

      Delete
  23. Kinakabahan ako sa SOCO Nayan ah, based sa mga napapanuod ko sa soco puro patayan eh. Bahalla na a next chapter! Update na dalii!!

    -kyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. as soon as possible kuya Kyo :))) Salamuch sa pagbasa't pagComment! Nice to meet you!

      Delete
  24. after 4 days n wlang unternet, eto basa mode n nanan. thanks. love it.

    -0309-

    ReplyDelete
    Replies
    1. at talagang madaling araw pa Kuya 0309... tamang-tama at ginagawa na ni Ponse ang Part 5 :)))) STay Blessed! See you po sa part 5 :)))

      Delete
  25. Hi can i leave a comment??? Sir ponce... Astig...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails