Followers

Tuesday, July 16, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 3

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 3:  Gayfriend
Please Click The Link For Previous Chapters:  COMPILATION



Kitang kita ko sa mga tingin sakin ni Paul na gusto pa rin nya akong humingi ng tawad kay Diane kahit medyo matagal na yung insidenteng yon. 

Hay, tagal na nun malamang nakahanap yon ng ibang trabaho. 

Pero disidido talaga si Paul na makahingi ako ng sorry, so tinanong ko na lang sya kung kaya pa nyang magdrive o kung hindi at papara na lang ng taxi. 

Sabi nya kaya pa naman nyang magdrive wag daw akong mag alala "yung sinabi ko sayo WAG mong kakalimutan!" ang pahabol nya bago tumayo ng upuan at umalis ng bar. 

So eto ako ngayon, naiwan sa bar mga 12mn na mag isa sa table umiinom pa rin. Patingin tingin sa mga tao, ung iba nakatingin din sakin na parang nakakita ng artista. Heheh.. Sa pagmamasid ko nakita ko si Louie na nagseserve sa ibang table, di ko alam kung ano pinag-uusapan nila nung lalake dahil sa lakas ng music, ang nakita ko lang inaabutan si Louie ng pera na ayaw nyang tanggapin. 

Tapos non pumunta ako ng C.R. para umihi, yun lang ata ang lugar na medyo mahina ang sounds na pwedeng mag usap ng matino ang mga tao. Nasa kalagitnaan ako ng pag ihi ng may pumasok na tao, hindi ko na sana papansinin ng biglang magsalita "mag-isa ka lang? Na san na yung kasama mo?" lingon tuloy ako ng kaliwa't kanan kami lang pala tao sa C.R. so i'm quite sure na ako kinakausap nya. "ahh.. Oo, umuwi na tinawagan ng erpats" ang sagot ko naman para lang matapos na.

Yun ang akala ko, dahil ng matapos akong umihi lumapit sya sakin. "Ako nga pala si Eric tiga Makati, ikaw?" naka pormang makikipag hand shake. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman ang gusto nyang pahiwatig. 

Sa isip ko pagkinausap ko pa to hahaba ng hahaba yung usapan baka akalain pa nito interesado ako sa kanya. Pakialam ko ba kung lasing sya o ano! Humarap ako sa kanya, ngumisi at tumingin ng derecho sa mata nya. 

"hoy, hindi ko tinatanong yung pangalan mo at kung saan ka nakatira. Hindi ako interesado at wala akong pa-ki-a-lam!" at lumabas ako ng banyo. 

Tadong baklang yon akala ata interesado ako sa kanya, asa sya! Pagbalik ko sa table tumingin ako sa relo ko kung anong oras na. 1:30am na pala. Tumawag ako ng isang waiter at umorder ng isang beer at at soup. Pabalik nya tinanong ko kung anong oras nagsasara yung bar, 2am daw. Saglit na lang pala mag o-out na si Louie sa isip ko. 

Pagkatapos binayaran ko yung mga in-orderko at umalis na yung waiter. Naubos ko yung kalahating oras sa pag-iisip kung pano ang magandang approach kay Louie kaya lang WALA talagang pumapasok sa isip kong kahit ano. 

Nang mag 2am na, sinabihan ako ng isang waiter na magsasara na ang bar, saka ko na lang napansin na iilan na lang ang tao sa loob at lahat ng staff e nagliligpit na. Kaya lumabas na ako ng bar kahit medyo nahihilo-hilo na ko. 

Paglabas ko ng bar humanap agad ako ng mauupuan para dun ko na lang hihintayin si Louie kahit na wala pa akong naiisip na palusot, bahala na. Pag upo ko nakita ko yung sexy na girl sa loob ng bar na nakasabay ko sa dancefloor nakatayo sa di kalayuan sa kinauupuan ko. Mukhang hinihintay ata ako. Hehehe.. 

So ayun nawala ata yung pagkalasing ko tapos nilapitan ko. "hi" ang pagbungad ko sa kanya hello naman sya sakin at may kasama pang ngiti. So napangiti naman ako, sabi ko na nga ba type din ako nito e. Sino ba ang hindi magkakagusto sakin e gwapo kong to? Hehehe.. 

"tiga rito ka lang ba? O may hinahantay ka?" 

"ah oo may hinahantay lang ako. Pauwi na rin ako, ikaw?" 

"ay, sorry i forgot to introduce my self. I'm Christian, Ian for short." sabay akmang makikipag hand shake. Hindi naman nya ako pinahiya at nakipagshake hands naman siya. 

"i'm Joan, nice meeting you Ian." 

"nice meetin you too. Sino ba kasama mo? Gusto mo ba ihatid ko na kayo pauwi? I parked--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko sana ng may narinig akong nagsalita sa likod ko. 

"HOY, ANO GINAGAWA MO KASAMA GIRLFRIEND KO?" sabay tama ng suntok sa mukha ko. 

Napatili si Joan sa pagkabigla at sumigaw "Eric noo.." at napatakip yung dalawang kamay nya sa bibig. 

Bumagsak ako paupo tapos pinahid yung braso ko sa pisngi at gilid ng labi, may konting dugo. Tumayo ako agad at hinarap yung boyfriend ni Joan. 

"tang*** ano ba problema mo par-" di ko na natapos sa pagkabigla. 

"girlfriend mo to? Sigurado ka? Di ba BAKLA KA?!!" yung sinasabi pala ni Joan na hinihintay nya, yung lalakeng kumausap sa kin sa loob ng C.R. nung bar. 

Umakyat ata lahat ng dugo ni Eric sa ulo at namula. Kaya lalo ko pa syang ipinahiya sa gf nya. 

"Etong gag*ng to!! Boyfriend mo? Hahaha.. Baka Gayfriend!!" 

"tang***, taran**do ka!! Anong Bakla?!" susuntok sana ulit sya kaso handa na ako at nakailag sya naman ang nasuntok ko sa mukha nya. Wala namang nagawa ni Joan kundi sumigaw habang naggagantihan kami ng suntok ni Eric. 

"May gf ka na pala, lumala*di ka pa sa banyo. Bakla!!" marami pang mga ganyang salita ang lumabas sa bibig namin ni Eric sa away namin. 

At sigurado ako pagkatapos ng away namin BREAK na sila ng gf nya. Lokong yon, silahis pala. 
Pero napuruhan ata ako ng loko at natigil lang ang pagsapak nya sa'kin ng may umawat sa kanyang waiter galing sa bar na ininuman namin. 

Naalimpungatan na lang ako ng may tumapik sakin at nakasakay na ako sa kotse ko at may nagd-drive na para sa akin. 

"huy, huy.. Saan na? Saan na ako liliko?"

"dyan sa kanan tapos sa--" parang wala pa ako sa sarili ko habang nasasalita ako, napahinto na lang ako sa gulat na si Louie ang nagd-drive ng kotse ko. 

"huuuuuy.. Pano ka napunta rito? Bakit ikaw ang nagddrive dyan?" 

"tama na tanong, ituro mo na lang kung saan ang inyo ng makauwi ka na. Naaabala mo na ako eh." wala na akong nagawa kundi ituro na lang direction papunta sa subdivision namin. 

Medyo tuliro pa kasi ako at di ganong makapag isip ng maayos. Nang makarating kami sa bahay pinagbuksan kami ng gate ng katulong namin. Kinailangan pa akong alalayan ni Louie pababa ng kotse dahil hindi ako makatayo man lang ng maayos. 

"hoy, ok ka lang? Kaya mo ba?" 

"oo, kaya ko.." ang sabi ko pero halata namang babagsak na katawan ko dahil sa sakit ng katawan at hilo. 



To Be Continued

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails