Followers

Sunday, July 14, 2013

Ang BABY Boy 3





*******Saturday 9:00pm*******

Hindi makatingin ng direcho itong si Carl kay Mrs. Valdez dahil sa kaniyang pagka-kaba at alam niyang medyo naDissapoint  sa kaniya ang kaniyang Amo sa ginawa niyang pagpra-Promise kay Joey Boy na isasama niya ito sa isang Party.
Hindi din naman kasalanan nitong si Carl ang kaniyang mabilisang pagdeDesicion dahil talaga namang nadurog ang kaniyang puso dahil sa kaniyang pagkaawa sa situation ng kaniyang alaga...
Hanggang ngayo'y sariwa pa din sa isipan ni Carl ang nakakalunos na hitsura kanina ni Joey Boy na halos manlaki na ang mga mata nito't tumulo na ang laway dahil sa pagkainggit nito sa mga batang umAttend sa birthday Party ng kaniyang kaPlaymate na si Rachel.
"I'm not sure kung ano ang sasabihin ko sa iyo Carl.." Ang dissapointed na bungad ni Mrs. Valdez sa binata.
Tumungo na lamang itong si Carl dahil sa kaniyang labis na pagkahiya sa kaniyang bagong Amo at kabago-bago pa lamang kasi niya sa kanila at nanghihimasok na siya sa mga affairs ng mga ito...
"Nasabi ko na naman sa iyo ang situation ni Joey Boy di ba... Everytime na umaatend siya ng mga Party..." Ang pagpapatuloy ni Mrs. Valdez sa Binata.
"Sorry po talaga Ma'am Silvs... Naawa lang po talaga ako kay Joey Boy..." Ang reply na lamang ni Carl dito at talaga namang wala na siyang maisip na pupuwede niyang idahilan.
NaRealized na din ng binata na ang pagkakamali niya'y kaagad siyang nangako sa kaniyang alaga at nalimutan niyang magpaalam muna sa Mommy nito. Hindi na kasi nakapag-isip ng direcho that time si Carl dahil napakalakas na ng pag-atungal ni Joey Boy at talaga namang halos madurog na ang kaniyang puso dahil ang nakaka-awang hitsura nito habang lumuluha.
Magiging okay na din sana ang lahat-lahat kung hindi lang siya naunahan nitong si Joey Boy kanina...
Pagkadating na pagkadating kasi nila ng bahay from Joey Boy's Pedia appointment ay nagtatakbo na ito sa kaniyang Mommy at masayang-masaya nitong ibinalita ang sinabi sa kaniyang promise ng kaniyang Kuya Carl.
"I know what you feel Carl...
Kung naawa ka kay Joey Boy eh ano pa kaya ang nararamdaman ko bilang isang ina..." Ang maikling sambit ni Mrs. Valdez.
Kaagad na napatingin si Carl sa mga malulungkot na mata ni Mrs. Valdez at tila ba para siyang binuhas ng iced cold water ng mga sandaling iyon.
Nasabi na naman sa kaniya ni Mrs. Valdez ang reason kung bakit hindi niya pinapayagang pumunta sa mga party ang kaniyang anak at lalong naGuilty itong si Carl dahil hindi niya naConsider ang feelings ni Mrs. Valdez.
"Sorry po talaga Ma'am Silvs..." Ang nahihiyang paumanhin muli ni Carl na siyang ikinabugtong hininga na lamang ni Mrs. Valdez.
"You can't take back your words..." Ang talunang usal muli ni Mrs. Valdez sa binata.
"HA?! Ano po yun Ma'am Silvs..."
"Tuparin mo ang Promise mo kay Joey Boy..."
"Ano po..." Ang gulat na tanong ni Carl.
"Diba nangako ka kay Joey Boy... At his age of 28... Mentally he's a child...
It will break his heart kapag hindi ka tumupad sa promise mo..." Ang clear na explain lang ni Mrs. Valdez kay Carl.
Ang hindi alam ni Carl ay bago pa siya kinausap ni Mrs. Valdez ay nakausap na ito ng kanilang Driver na si Manong Cris upang ipagpaalam itong si Joey Boy at nagbigay ng salita itong Driver na hindi niya pababayaan itong si Joey Boy.
"Sige po..." Ang usal na lamang ni Carl at pagkatapos ay kaagad na tumayo itong si Mrs. Valdez at tumungo na sa Room nito.
Naiwang nakaupo pa din sa Sofa ang binata't hindi maiwasang makaramdam si Carl ng Guilt para kay Mrs. Valdez at lalong-lalo na para kay Joey Boy...
Hindi din kasi naisip nitong si Carl na hindi basta-basta lang ganoon ang pagbibigay ng Promise sa mga mata dahil kahit na damulag na itong si Joey Boy ay Musmos pa din ang kaniyang puso't pag-iisip.
Hindi din naisip ni Carl na lalo lang na ma-a-Upset itong si Joey Boy kapag hindi niya tinupad ang kaniyang pangako dito and that time ay biglaang nangamba ang binata dahil sa mabigat na sinabi sa kaniya ni Mrs. Valdez...
Napalunok na lamang ng sariling laway itong si Carl at lalo siyang nangamba na baka maging isang malaking katatawanan lang itong si Joey Boy kapag isinama niya ito sa Birthday Party ng kaniyang Nanay Cion...
Gustuhin mang bawiin ni Carl ang kaniyang nasabi kay Joey Boy ngunit huli na ang lahat at alam niyang labis na umaasa na parang bata itong si Joey Boy na isasama niya ito...
Habang nagmumuni-muni itong si Carl sa kanilang salas ay tahimik na nakatingin sa kaniyang reflection sa kaniyang Dresser itong si Mrs. Valdez...
Hindi mapigilang mapangiti nito dahil slight lang siyang na Dissapoint kay Carl pero mas nabilib siya sa binata't natuwa dito dahil kahit bago pa lamang ito bilang CareGiver ng kaniyang Anak ay nakitaan na niya kaagad ito ng pagkaConcern kay Joey Boy...
Alam niyang nagkamali lang itong si Carl at nagPanic dahil sa mala-Loud Speaker na pag-atungal ni Joey Boy pero ang tanging magagawa lang niya bilang isang ina'y panghawakan ang binitiwang salita sa kaniya ng kanilang Driver na hindi nito pababayaan si Joey Boy...
"Sana'y maging okay ang lahat..." Ang mahinang nasambit na lamang ni Mrs. Valdez habang naglalagay siya ng Ponds sa kaniyang mukha.
Gustuhin man niyang pagbawalan ang kaniyang anak na huwag ng sumama kay Carl ay napilitan na din siyang hayaan na lamang ito dahil naaawa din naman siya kay Joey Boy.
Alam ni Mrs. Valdez na hindi kasalanan ni Joey Boy na maging isip bata kaya nama'y ibinigay niya ang kaniyang tiwala kay Manong Cris at Carl...
Bilang isang ina'y hindi niya matiis itong si Joey na masira ang pagkaGood Mood nito at ang pagiging napakasaya nito kanina...

*******************

Hindi pa din nawawala ang pangangamba nitong si Carl hanggang sa maisipan na niyang umakyat na sa kanilang room ni Joey Boy at pagkabukas na pagkabukas niya ng pintua'y kaagad niyang nabungaran ang naghihilik na si Joey Boy...
Hindi maiwasang mapaSmile ni Carl habang pinagmamasdan niya itong si Joey Boy na natutulog at nakayakap pa sa Sponge Bob Pillow nito...
"Ngorks... Ngorks... Ngorks... Zzzzzz..."
Kasabay ng paghihilik ng nahihimbing na si Joey Boy ay unti-unting natunaw ang pangambang nagpapabigat sa puso ni Carl...
"Haaaisst..." Ang bugtong hininga na lamang ni Carl at doo'y nangako ang binata sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa inosenteng si Joey Boy.
"Hindi kita pababayaan... Promise..." Ang naiusal ni Carl sa kaniyang isip for Joey Boy at hindi na naman niya muling namalayan na unconsciously na naman siyang nangako kay Joey Boy.

*********Sunday**********

Kaagad na idinilat ni Carl ang kaniyang dalawang mata nang maalimpungatan na naman siya sa kaniyang pagtulog pero this time ay para bang kinakabahan siya dahil kahit sa panaginip ay hindi siya tinatantanan ng pag e-Ehek ni Joey Boy...
"EHEK... EHEK... EHEK..."
Ang muling narinig ni Carl na mas lalo pa niyang ikinaba't baka nababangungot na siya ng mga sandaling iyon...
"Carl... Wake Up!!!" Ang usal ni Carl sa kaniyang isipan upang gisingin ang kaniyang sarili mula sa pagkakabangungot.
"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang patuloy pa ding outburst ni Joey Boy na ikinataas ng dalawang kilay naman agad ng binata.
Agad na napabalikwas patayo sa kaniyang kama itong si Carl nang maRealized niyang gising na pala siya ng mga sandaling iyon...
"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang muling malakas na tinig ni Joey Boy na tila ba nagpaPanic.
Kaagad namang tinignan ni Carl ang Bed ni Joey Boy at laking gulat niya nang makita niyang wala na ito sa kama...
"NAMAN!!!" Ang naiinis at naiiyak na sambit na lamang ni Carl nang makita niya sa kaniyang CellPhone na 4:17am pa lamang ng umaga.
"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang mas malakas na ngayong tinig ni Joey Boy mula sa Banyo at agad namang pinuntahan siya nitong si Carl dahil dinig na dinig na ng binata ang pagpaPanic sa pag-e-Ehek nito.
"WHAT HAPPENED JOEY BOY???!!!" Ang kaagad na tanong ni Carl nang makapasok na siya sa Bathroom.
"MY EYES... MY EYES... MY EYES...
EHEK... EHEK... EHEK..." Ang sunod-sunod at nagpaPanic na usal ni Joey Boy kay Carl.
Akmang hahawiin na ni Carl ang Shower Curtain nang bigla siyang natigilan dahil kitang-kita niya sa kabila nito ang silhouette ng hubad na katawan ni Joey Boy...
Agad na nag-init ang dalawang pisngi ng binata kasabay ng 100% na pagkagising ng kaniyang ulirat...
Kahit isip bata itong si Joey Boy ay kitang-kita ng dalawang mga mata ni Carl sa Silhouette nito na nagtataglay ito ng semi Athletic Physique na siyang lalo pang nagpaPraning sa Binata...
"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang muling pagpaPanic ni Joey Boy sa likod ng Shower Curtain.
"HELP ME KUYA CARL... EHEK..." Ang next na sambit ni Joey Boy.
NagInhale at Exhale muna itong si Carl kasabay nang pagpapa-ala-ala nito sa kaniyang sarili na isa siyang Professional Nurse/CareGiver nitong si Joey Boy...
"What Happened?" Ang bungad na tanong ni Carl kay Joey Boy nang hawiin na niya ang Shower Curtain.
"MY EYES... MY EYES... MY EYES..." Ang nagpaPanic pa din na sagot ni Joey Boy sa natigilang si Carl.
Nanlaki talaga ang mata ng binata nang mabungaran niya ang maputi't lean na Blod na katawan ni Joey Boy...
Nababalutan ito ng sabon pero hindi naitago ng mga bubbles and soap suds ang pagkabalbon ng katawan ni Joey Boy at kahit na anumang pilit ang gawing pag-iwas ni Carl ay bumabalandra sa kaniyang paningin ang nakabuyangyang na putotoy ni Joey Boy...
"Tuli na pala ito..." Ang hindi maiwasang description ni Carl sa kaniyang nakita.
"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang muling tarang ni Joey Boy na ikinabalik ng natulalang diwa nitong si Carl.
Speechless pa din itong si Carl at talaga namang nagulat siya't may karapatdapat na  ipagmamalaki itong si Joey Boy.
"Shhhhh... Sige let's rinse it na..." Ang nasambit na lamang ni Carl sa nagpaPanic na si Joey Boy habang binubuksan niya ang shower at kaagad namang tumapat itong si Joey Boy nang marinig niya ang paglagaslas ng tubig.
Muli na namang natulala itong si Carl habang pinagmamasdan niya ang pag-agos ng tubig mula sa showerHead pababa sa katawan ni Joey Boy...
Mula sa masabong ulo ni Joey Boy hanggang sa mauumbok na pisngi ng puwet nito...
Mabilis na namang nag-init ang dalawang pisngi ng binata at kaagad niyang inialis ang kaniyang paningin sa nakaBold na si Joey Boy...
"SHIT!!!" Ang malakas na nasambit kaagad ni Carl nang mga sandaling iyon nang makita niyang nakabukas ang bote ng kaniyang Clear Fr Men Anti Dandruff Shampoo.
Kaagad na suminghot itong si Carl at hindi na siya nagtaka kung nakamoy siya ng mabangong menthol smell sa buong bathroom...
Kaagad na dinampot ni Carl ang bote ng kaniyang shampoo at ibinulsa upang hindi na muling makita pa ito ni Joey Boy...
NaCurious kasi itong si Joey Boy nang makita niya ang Bote ng Clear Anti Dandruff Shampoo kaya instead na gamitin niya ang kaniyang Johnson and Johnson's Head to Toe Body Wash ay kaniyang ginamit na lang ang shampoo ni Carl.
Ang akala ni Joey Boy ay katulad ito ng kaniyang nakasanayang Head to Toe Wash ng Johnson and Johnson na 'No More Tears'.
After na makapagbanlaw itong si Joey Boy ay kaagad na lumabas itong si Carl upang makapagCompose ulit ng sarili at talaga namang hindi niya iniExpect na ganoon kaYummy ang katawan ng kaniyang inaalagaan...
"Nurse ka... Professional ka... Sana'y ka ng makakita ng ganyan..." Ang paulit-ulit na pagpapaala-ala ni Carl sa kaniyang sarili.
"What's wrong Kuya Carl?" Ang biglang sambit naman ni Joey na ikinagulat ni Carl.
Hindi na namalayan ng binatang nakalabas na pala ang nakaBold na si Joey Boy sa bathroom at walang pakialam itong kung nakikita siya nitong si Carl na naglalakad papunta sa kaniyang cabinet.
Ini-iwas na lamang ni Carl ang kaniyang paningin sa nagbibihis na si Joey Boy at kaniyang pinagtuunan na ligpitin na lamang ang kanilang mga Bed...

*********************

Ganoon na naman ang naging routine nina Joey Boy and Carl kinaumagahan at hindi na napagod pa itong si Carl dahil naka-Bike na siya habang sinusundan niyang magJogging itong si Joey Boy...
Nahupa ang pagkagambala nitong si Carl sa kakaEhek ni Joey Boy habang masaya itong tumatakbo paikot ng Subdivision at slight nang nawala sa isipan ni Carl ang nangyaring pagkaExposed ng katawan nito sa kaniya kanina...
Kitang-kita ni Carl ang blissful na happiness and excitement sa mukha't aura ni Joey Boy lalong-lalo na during their breakfast...
"Mommy... I don't have a gift..." Ang biglang usal ni Joey sa kaniyang Mommy sa kalagitnaan ng kaniyang paglantak ng StarMargarine Rice.
"Naku... You don't need that Joey Boy..." Ang usal naman ni Carl.
"But I like to eh..." Ang reply naman ni Joey Boy.
"Hindi naman Children's Party ang pupuntahan natin eh..." Ang usal naman ni Carl na ikinangiti lang ni Mrs. Valdez.
Tahimik na pinakinggan lamang ni Mrs. Valdez ang ginagawang pagpapaliwanag ni Carl sa kaniyang anak...
"EHEK???!!!" Ang gulat na sambit kaagad ni Joey Boy.
"I told you na isasama kita sa Party... Pero hindi ko sinabi na sa Children's Party..." Ang explain naman ni Carl sa nagulat na si Joey Boy.
"BASTA I WANT TO GO THERE WITH A GIFT!!! MOMMY!!!" Ang hindi papatalong usal naman ni Joey Boy dahil pakiramdam niya'y naisahan siya ng kaniyang Kuya Carl.
"Sige..." Ang mahinahong usal naman ni Mrs. Valdez sa kaniyang anak.
"Naku... Huwag na po Ma'am Silvs..." Ang tanggi naman ni Carl.
"Hayaan mo na Iho at kapag nagDecide yang si Joey Boy eh talagang final na yan...
Ganito na lang...
Sabihin mo kay Manong Cris na idaan kayo sa Mall...
Bibigyan kita ng pambili ng isang Cake sa red Ribbon..." Ang sambit ni Mrs. Valdez kay Carl.
"What do you think Baby... Cake na lang ang Gift mo sa Mommy ng Kuya Carl mo..." Ang next na sinabi naman ni Mrs. Valdez sa kaniyang anak.
"Ayaw nya ng Doll?" Ang inosenteng tanong naman ni Joey Boy kay Carl na napangiti naman agad.
"Hindi na siya naglalaro ng Doll..." Ang sagot naman ni Carl.
"Sige na nga Mommy... Cake na lang!" Ang napilitang sambit na lamang ni Joey Boy.
NapaSmile na lang si Mrs. Valdez sa kaniyang anak at kaagad niyang kinindatan itong si Carl...
Masaya itong si Mrs. Valdez dahil naGets kaagad ni Joey Boy ang explanation ni Carl at hindi ito nagwating nang malaman nitong hindi Children's Party ang pupuntahan nila...
Ang Birthday Party pa din ang bukambibig nitong si Joey Boy at lalo siyang naeExcite dahil matagal nang panahong hindi siya nakakapunta sa isang Birthday Party...
Kahit sa kaniyang mga Pets ay ikinuwento ni Joey Boy ang tungkol sa pupuntahan nitong Birthday Party na siya namang lalo pang ikinangiti ni Carl...
Iba ang kaniyang pakiramdam kapag nakikita niyang masaya and good ang mood nitong si Joey Boy...

**********11:00am***********

Kahit na ano pa mang gawing pagpilit at pagkumbinsi nitong si Carl kay Joey Boy na iwanan na nito ang kaniyang BackPack ay makulit pa din itong tumatanggi sa kaniya hanggang sa makalabas na sila ng mansion at makalapit na sa Revo...
"Hindi mo na kailangang magBackPack..." Ang ulit ni Carl sa makulit na si Joey Boy.
Naka Khaki Cargo shorts itong si Joey Boy at Red na Lacoste Polo Shirt with his usual get up na Cap and BackPack...
"NO! EHEK!" Ang sambit lang na sagot ni Joey Boy kay Carl.
"Joey Boy... Behave ka dun ha... Para next time eh payagan na kitang umAttend ng mga Party." Ang muling bilin ni Mrs. Valdez sa kaniyang anak na papasakay na sa Revo.
"YES MOMMY... MWAAAAH... BA-BYE MOMMY!!!" Ang sambit naman ni Joey Boy sabay bigay niya ng Flying Kiss sa nag-aalalang si Mrs. Valdez.
"Take Care of Joey Boy..." Ang bilin naman ni Mrs. Valdez kina Manong Cris and Carl.
"Opo Ma'am Silvs..." Ang reply kaagad ni Carl habang si Manong Cris nama'y nginitian na lamang ito.
Napangiti na lamang si Mrs. Valdez at kaniyang kinawayan na lang ang masayang kumakaway at nagbabaBye na si Joey Boy mula sa loob ng Revo...
Hindi maipaliwanag ni Mrs. Valdez ang kaniyang nararamdamang magkahalong pag-aalala at ang kaniyangnararamdaman kasiyahan ng mga sandaling iyon...
Bothered pa din ang Mommy ni Joey By na baka maging kenkoy na naman ang kaniyang anak sa Party pero masaya siya dahil wagas na nakangiti ngayon ang kaniyang anak at masayang-masaya...
"I hope it works well..." Ang bugtong hininga na lamang ni Mrs. Valdez at talagang nagtitiwala siya kina Manong Cris at Carl na aalagaan nito si Joey Boy.
Kahit na pinilit nina Carl at Manong Cris itong si Mrs. Valdez kanina na sumama sa Party ay tumanggi ito dahil nagpaLuncheon Meeting siya at almos two weeks din siyang hindi nakaPasok sa kanilang Company dahil sa paghahanap niya ng CareGiver para sa kaniyang One and Only Son...
"Tawagan mo na yung BoyFriend mong taxi Driver at sabihin mong sunduin na tayo!" Ang sunod na bilin ni Mrs. Valdez sa kanilang maid na si Katie nang maisara na nito ang Gate ng Mansion.
"Break na kami Ati..." Ang cool na reply naman ni Katie sa kaniyang amo.
"Syet naman Katie! Kailan pa?" Ang sunod na tanong naman ni Mrs. Valdez.
Paminsan-minsan kasi ay inaarkila ni Mrs. Valdez ang taxing minamaneho ng Boyfriend ng kanilang maid na si Katie kapag nagkakasabay ang kaniyang appointment at ang schedule ni Joey Boy.
"Kahapon lang Ati..."
"Anong nangyari?"
"AMBOT!" Ang clueless na sagot lang ni Katie sa kaniyang nagbubuntong hiningang amo.
"Don't worry Ati... Taxi driver din ang bago kong BF... NaText ko na!" Ang next na usal na sambit ni Katie na ikinagulantang naman ni Mrs. Valdez.
"Ewan ko sa'yo!" Ang nasambit na lamang ni Mrs. Valdez kay Katie at hindi na ito nagReact pa at talaga namang speechless si Ma'am Silvs na nakahanap kaagad-agad ang kanilang maid ng bagong Boyfriend.

*********************

Idinaan muna ni Manong Cris sina Carl and Joey Boy sa Mall upang bumili ng Cake at itong si Joey Boy na din mismo ang pumili sa Black Forest Cake na kanilang binili.
After that ay buong biyaheng nakiusap itong si Carl kay Joey Boy na magBehave habang itong si Manong Cris nama'y patawa-tawa lang dahil parang walang naririnig itong si Joey Boy...
Habang nakikiusap sa kaniya itong si Carl ay nakaSmile lang ng pagkatamis-tamis itong si Joey Boy habang mainggat nitong hinahawakan ang Box ng Red Ribbon cake na nasa sa kaniyang Lap...
"Baka naman puwedeng huwag ka nang magBackPack Joey Boy..." Ang muling sambit ni Carl sa kaniyang alaga.
"NO!" Ang matigas na reply muli ni Joey Boy.
"Hayaan mo na siya Carl... Hindi sana'y si Joey Boy na umalis nang walang nakasukbit na bag sa kaniyang balikat..." Ang natatawang sambit na lamang ni Manong Cris kay Carl.
NagSigh na lamang itong si Carl at doon niya lang naalala na hindi pa pala niya nakikita kung ano nga ba ang laman ng backpack nitong si Joey Boy.
"Can I look inside your BackPack..." Ang next na sinabi ni Carl para paalam kay Joey Boy dahil bigla siyang naCurious sa mga sandaling iyon.
"NO!" Ang matigas na sinabi ulit nitong Joey Boy sa natamemeng si Carl.
"Makikita ko din yan..." Ang sambit na lamang ni Carl sa kaniyang isipan nang magGiveUp na siya ng mga sandaling iyon at nagplanong tignan na lamang ang bag nitong si Joey Boy mamayang gabi kapag natutulog na ito.
Muling bumalik sa pagpapaalala itong si Carl na magBehave itong si Joey Boy hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay...
Medyo bothered pa din itong si Carl na baka maOverwhelmed itong si Joey Boy at gumawa ng eksena sa Birthday Party ng kaniyang Nanay Cion...

*********************

Nagtext kaagad itong si Carl sa kaniyang Ate Carmie at ipinaalam dito na nasa sa kanto na sila at nang makapagPark na itong si Manong Cris sa harap ng bahay nina Carl ay kaagad na lumabas itong si Ate Carmie upang salubungin ang kaniyang kapatid...
Medyo Excited din kasi itong si Ate Carmie nang nagText sa kaniya kagahapon itong si Carl na isasama nito ang kaniyang inaalagaang bata...
"Nasan na ang Alaga mo Carl?!" Ang bungad ni Ate Carmie nang makababa na ang kaniyang kapatid mula sa Revo.
Mahilig kasi sa bata ang Ate Carmie nitong si Carl...
"Happy Birthday... MWAAAAH!!!" Ang happy and sweet na kaagad na inusal ni Joey Boy sabay halik niya sa Cheek ni Ate Carmie nang makababa na ito sa Revo.
"Kapatid ko yan Joey Boy... Hindi siya ang may Birthday!" Ang natatawang usal naman kaagad ni Carl nang makita niyang iniaabot ni Joey Boy ang Box ng Red Ribbon Cake sa natulalang si Ate Carmie.
"EHEK... ERASE... ERASE... ERASE..." Ang gulat at nakaSmile na usal naman ni Joey Boy.
Napatawa na lamang si Manong Cris sa antics ni Joey Boy at sa Shocked na hitsura ng pagmumukha nitong si Ate Carmie...
"Let's go inside na..." Ang yaya kaagad ni Carl sabay hawak niya sa wrist ni Joey Boy at akay papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Pasok na po kayo..." Ang emotionless na sambit naman ni Ate Carmie kay Manong Cris.
Kahit na hindi iExplain ni Carl sa kaniyang kapatid na alaga niya itong si Joey Boy ay naGets na kaagad ni Ate Carmie ang buong situation ng kaniyang kapatid...
Medyo Shocked pa din ang nakakatandang kapatid ni Carl habang tahimik na din siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay...
Kahit na madaming nanliligaw dito kay Ate Carmie ay wala pa itong nagiging BoyFriend dahil talagang ang ginawang priority ng dalaga ay ang kanilang kabuhayan at ang kaniyang bunsong kapatid na si Carl kaya nama'y shocked na shocked ito nang halikan siya nitong si Joey Boy.
That was Ate Carmie's first time to be kissed ng isang gwapo't cute na lalaki sa katauhan nitong si Joey Boy...

*********************

Labis ang tuwa ni Nanay Cion nang makita niya itong si Manong Cris dahil nakaAttend ito sa kaniyang Birthday Party at pagkatapos ay kaaagd niyang hinanap ang alaga nitong si Carl...
"HAPPY BIRTHDAY... MWAAAHHH!!!" Ang take two na pagGreet ni Joey Boy and after niyang  maKiss sa pisngi itong si Nanay Cion ay kaagad siya nitong niyakap.
"Hmmmm... Ang gwapo gwapo naman ng alaga mo Carl!" Ang impress na sambit kaagad ni Nanay Cion habang niyayakap niya ng mahigpit itong si Joey Boy.
"Gift ko po..." Ang next na usal ni Joey Boy sabay abot niya sa Box ng Red Ribbon Cake after na maHug siya ni Nanay Cion.
"ANG SWEET NAMAN... ANONG PANGALAN MO?" Ang nausal na lamang ni Nanay Cion sa nakaSmile na si Joey Boy.
NaGets na din ni Nanay Cion ang situation ni Joey Boy...
"My name is Joey Valdez...
I'm 28 years old..." Ang hindi natapos na introduction ni Joey Boy dahil niyakap siyang ulit ni Nanay Cion at talaga namang pinangGigilan siya nito.
Katulad ni Ate Carmie'y mahilig din sa bata itong si Nanay Cion...
"Nagugutom ka na ba Joey Boy... Halika kumain ka na... Susubuan kita..." Ang next na nanggigil na usal ni Nanay Cion kay Joey Boy.
Behave namang sumama itong si Joey Boy nang hinila siya at dinala ni Nanay Cion sa Buffet Table...
Pinabayaan na lamang ni Carl ang kaniyang Nanay sa pag-Eestima nito kay Joey Boy at kahit na din itong si Ate Carmie ay hindi na nakapagpigil na pangGigilan ito...
Tahimik lang at nakangiting pinagmamasdan ni Manong Cris ang masayang si Joey Boy...
"What do you like to eat..." Ang baby Talk na tanong ni Ate Carmie kay Joey Boy.
"I like Spaghetti po..." Ang magalang na usal naman ni Joey Boy sabay turo niya sa bandehado ng Spaghetti na nakahain sa Mesa at kaagad namang nilagyan ni Nanay Cion ang hawak niyang plato ng Spaghetti.
"I also like Fried chicken..." Ang next na sambit ni Joey Boy kay Ate Carmie sabay turo niya sa mga nakahaing Fried Chicken at kaagad naman siyang kinuhanan ni Nanay Cion.
Aliw na aliw talaga ang mag-ina dito kay Joey Boy...
"What's that?" Ang tanong kaagad ni Joey Boy sa isang ulam sa mesa.
"That's Lumpiang ShangHai... Masarap yan... Ako ang nagluto..." Ang proud na sinabi naman kaagad ni Ate Carmie.
"I like that one..." Ang sambit ni Joey Boy sa Lumpiang ShangHai at kaagad namang kinuhanan siyang ulit ni Nanay Cion ng tatlong piraso.
"What's that..."
"Embutido... Masarap din yan..."
"I like to have that... I like lot's of Rice too..." Ang sweet na sinasambit ni Joey Boy sa mga putaheng nakahain sa Mesa.
"IPIS!" ang shocked na sambit ni Joey Boy nang magawi ang kaniyang pagtuturo sa nakahaing Halabos na Hipon.
"It's Hipon Joey Boy... It's delicious." Ang natatawang explain naman ni Ate Carmie.
"Gusto mo ba Baby?" Ang tanong ni Nanay Cion kay Joey Boy.
Umiling na lamang itong si Joey Boy na lalo pang ikinaSmile ng mag-ina...

*********************

Just like what happened noong nasa playground itong si Joey Boy ay naging Apple of the eyes ng mga bisita ni Nanay Cion itong si Joey Boy at talagang aliw na aliw silang pagmasdan ang naka-Cheerfully Smile and Behave na behave  na si Joey Boy...
"Eto pa Joey Boy... Aaahhh..." Ang sambit ni Nanay Cion habang sinusubuan niya itong Joey Boy.
"Aaahhh..." Ang mabait namang tugon ni Joey Boy sabay open niya ng kaniyang mouth sa nag-aabang na filled spoon na hawak ni Nanay Cion.
"Masarap ba Joey Boy..." Ang tanong naman ni Ate Carmie.
"Tsalap... tsalap... tsalap..." Ang masayang usal naman ni Joey Boy habang ngumunguya ito na siya pang lalong ikinatuwa ng mag-ina.
"Marunong naman yang kumain eh..." Ang reply lang ni Carl sa kaniyang Nanay at Ate.
"Huwag ka ngang KJ!" Ang masungit na usal lang ni Ate Carmie sa napasimangot na si Carl.
Hindi maintindihan ni Carl kung bakit naasar siyang pagmasdan ang kaniyang Nanay at Ate na sinusubuan at inaasikaso itong si Joey Boy...
Pakiramdam ni Carl ng mga sandaling iyon ay siya ang dapat na gumagawa ng ganoon kay Joey Boy...
"HOY! Asikasuhin mo si Cris at yung iba nating mga bisita! Huwag yung nakatinghod ka lang dyan. Kami na ang bahala sa Baby namin!" Ang utos naman ni Nanay Cion kay Carl habang sinusubuan niyang muli itong si Joey Boy.
Napasimangot na lamang itong si Carl at wala na siyang nagawa pa kundi sundin na lamang ang ipinag-uutos sa kaniya ng kaniyang Nanay...
Proud na proud itong si Nanay Cion at Ate Carmie na ipakilala itong si Joey Boy sa kanilang mga bisita at tuwang-tuwa naman ang mga ito sa sweetness ni Joey Boy...
"Blessing Yang mga ganyan..."
"Ang bait naman..."
"Ang cute cute..."
"Ang pogi..."
"Sana may Baby din akong ganyan..."
"Suwerte yang ganyang bata..."
"Ang Cute talaga..."
Ang mga papuri ng kanilang mga bisita kay Joey Boy na naririnig ni Carl na siyang lalo pa nitong ikinainis...
Dahil sa pagkabugnot at pagseselos nitong si Carl sa kaniyang Nanay at Ate ay hindi na namalayan ng binatang lumipas na ang ilang oras at saka na lamang niya naRealized na mag a-Alas-Tres na pala kaya nama'y kaagad niyang tinignan itong si Joey Boy.
NapaSmile naman itong si Carl dahil wala na sa tabi ni Joey Boy ang kaniyang Nanay at Ate at ang kasama naman ngayon nitong si Joey Boy ay ang mga batang bitbit ng kanilang mga bisita...
Masayang nakikipagkuwentuhan naman itong si Joey Boy sa mga batang nakapaligid sa kaniya habang umiinom sila ng Zesto...
"Tara na at sisindihan na ang Cake na regalo ni Joey Boy!" Ang malakas na usal ni Ate Carmie sa lahat ng kanilang bisita and on cue namang nagsitayuan ang mga ito upang makiJoin sa Mesa.
Naiwang mag-isang nakaupo lamang itong si Joey Boy sa salas nang magsitayuan na din ang mga batang kasama niya upang pumunta na sa pagblo-Blow ng Cake ni Nanay Cion...
"Let's go na Joey Boy!" Ang masayang anyaya kaagad naman ni Carl at talagang naImpress ang binata sa ipinapakitang pagbi-Behave ni Joey Boy.
NakaSmile lang na pinagmamasdan ni Joey Boy ang mga bisitang kumakanta ng 'Happy Birthday' at masaya niyang tinitignan itong si Nanay Cion na nasa gitnang mesa...
Dalawa ang cake na may mga nakasinding Candles na hihipan ng Birthday Celebrant...
Ang isa'y binili talaga ni Ate Carmie para kay Nanay Cion at ang isa nama'y ang Black Forrest Cake na iniregalo nina Joey Boy...
"Wish muna Nay!" Ang masayang bilin ni Ate Carmie nang matapos na ang pagkanta sa kaniyang Nanay Cion ng Happy Birthday.
Hihipan na sana ni Nanay Cion ang mga Birthday Candles nang mapansin niyang napanganga itong si Joey Boy at kaagad namang huminto itong si Nanay Cion at napangiti...
"Joey Boy... Tulungan mo nga akong hipan ang mga mga kandila." Ang nakaSmile na sambit ni Nanay Cion sa naiinggit na si Joey Boy.
"EHEK... REALLY???!!!" Ang hindi makapaniwalang outburst naman ni Joey Boy na ikinaSmile ng lahat ng bisita. Tumungo na lamang itong si Nanay Cion habang inaakay na ni Ate Carmie itong si Joey Boy papunta sa gitna ng Mesa.
"Kanta ulit kayo..." Ang masayang sambit ni Nanay Cion sa mga bisita at kaagad namang nagsikantahan muli ang mga ito ng Happy Birthday for Joey Boy.
"BLOW THE CANDLES NA!" Ang masayang sambit nina Ate Carmie at Nanay Cion sa masayang si Joey Boy na kaagad namang nagInhale and exhale.
"WOOOOSHHHHHHH..." Ang may Sound pang pag-ihip ni Joey Boy sa mga Candles sa dalawang birthday Cake.
"Hindi namatay!" Ang puna ng mga bata sa mga nakasindi pa ding mga candles sa Black Forest Cake.
Napangiti naman ang lahat at kahit itong si Carl ay napaSmile na din dahil Trick Candles pala ang naisama ng Cashier ng Red Ribbon sa kanilang biniling Black Forest Cake kanina.
"EHEK... Erase... Erase... Erase..." Ang nagulat na sambit ni Joey Boy nang hindi namatay ang mga Candles sa Black Forrest Cake.
Kaagad na nagInhale muli ng malalim itong si Joey upang mag-ipon ng maraming hangin sa kaniyang lungs and after 5 seconds ay malakas siyang umihip...
"WHOOOOSSSHHHH..." Ang mahabang pag-ihip ni Joey Boy ngunit hindi pa din namamatay ang mga trick Candles.
Walang pasabing muling nagInhale itong si Joey Boy for the third time at kasabay ng pagLevel Up ng kaniyang Determination to extinguish the trick Candles ay bumuga ng malakas itong si Joey Boy...
"PWE... PWE... PWE... PWE... PWE..." Ang sunod-sunod na pagdura ni Joey Boy sa Black Forest cake na ikinatuwa naman ng mga bisita na nakapaikot sa mesa.
"ANG GALING-GALING TALAGA NI JOEY BOY!!!" Ang masayang outburst ni Nanay Cion habang pinapalakpakan niya itong si Joey Boy nang mapatay na nito ang mga Trick Candles.
"MWAAH..." This time ay si Nanay Cion na ang pumugpog ng halik sa pisngi ni Joey Boy at talaga namang kanina pa siya gigil na gigil dito.
"PA-KISS DIN JOEY BOY!!!" Ang hindi mapigilang sambit naman ni Ate Carmie at kaagad din niyang  pinugpog din ng halik itong si Joey Boy.
"Bakit Joey Boy?" Ang biglang tanong ng isang bisita nang mapansin niyang naging seryoso ang mukha ni Joey Boy na siya namang ikinatahimik ng lahat ng mga bisitang nakapalibot kay sa kanila.
"What's wrong Joey Boy..." Ang nagtatakang tanong din ni Ate Carmie sa biglang nanahimik na si Joey Boy.
Nagtaka na lamang itong si Carl nang mapansin niyang pabaling-baling ang mata nitong si Joey Boy sa mga bisita...
"Bakit Joey Boy..." Ang nakaSmile na tanong muli ni Nanay Cion dito.
"U... U... U..." Ang sambit lang ni Joey habang nakatingin siya sa maamo't nakangiting mukha ni Nanay Cion na lalo pang ikinaCurious ng mga bisita.
"Masaya ka ba..." Ang mahinahong tanong muli ni Nanay Cion kay Joey Boy.
"U... U... U..." Ang sambit muli ni Joey Boy at walang pasabing umasim ng unti-unti ang pagmumukha nito na siyang ikinaPanic naman kaagad nina Manong Cris at Carl.
"U... U... UWAAAAAAAAAAHHHHH!!!" Ang malakas na pag-iyak nitong si Joey Boy na siyang ikanabingi't gulat ng lahat ng mga tao.
Hindi na mapigilang umatungal nitong si Joey Boy dahil sa sobra niyang saya at sa pakiramdam niyang mahal na mahal siya nina Ate Carmie at Nanay Cion.
Kaagad na niyakap naman ni Nanay Cion at Ate Carmie ang humahagulgol na si Joey Boy at lalo pa itong umatungal ng husto...
"UWAAAAAHHHH... I'M SO HAPPY... UWAAAAHHHHH..." Ang sunod-sunod na atungal nitong si Joey Boy na ikinaSmile naman ng mga tao.
Hindi mapigilang mapaSmile nitong si Carl nang mga sandaling iyon at muling natunaw ang kaniyang puso dahil sa Tears of Joy nitong si Joey Boy...

*********************

Hindi maipinta ang mga ngiti sa mga labi nina Manong Cris at Carl habang papauwi na sila pabalik sa Mansion nina Joey Boy...
Masaya sila at naging maayos ang pagAttend ni Joey Boy sa Birthday Party ng Nanay ni Carl at talaga namang napakasaya nila para kay Joey Boy...
Hindi din expected ni Carl na sobrang naTouched itong si Joey Boy sa mainit na pagWelcome sa kaniya nina Nanay Cion at Ate Carmie...
NaTouched din naman ang lahat ng bisita at higit sa lahat ay itong sina Ate Myrna and Nanay Cion sa ipinakita nitong si Joey Boy kaya nama'y sinabihan nila itong si Joey Boy na bumalik ulit na siya namang ikinagalak at ikinaExcite muli ng alaga ni Carl...
"Are you Happy..." Ang nakaSmile na tanong ni Carl sa nanahimik na si Joey Boy.
"EHEK..." Ang nasambit na lamang ng masayang si Joey sabay ngiti niya sa kaniyang Kuya Carl at talaga namang wala itong masabi sa kaniyang naExperience sa araw na iyon...
NagSigh na lamang itong si Carl habang masaya niyang pinagmamasdan ang katabi niya sa Revong si Joey Boy...
Hawak pa din ni Joey Boy ang kahon ng Red Ribbon na kanilang binili kanina...
Dahil nga sa naduraan nitong si Joey Boy ang Black Forrest ay siya lang ang kumain sa kalahati nito kanina sa Party at ang kalahati nga'y ipinaTakehome na lamang sa kanila nina Nanay Cion kasama pa ng iba pang mga ulam kanina...
Pinadalhan din sila ng isang Llanera ng Leche Flan na siyang paboritong-paborito nitong si Joey Boy at talaga namang Naka-isang Llanera din itong si Joey Boy kanina sa Bahay nina Carl...

*********************

Labis din naman ang kasiyahan ni Ma'am Silvs nang ibinalita sa kaniya ng kaniyang anak na si Joey Boy pagkadating na pagkadating ng mga ito sa Mansion ang masaya nitong experience sa birthday party ng Nanay ng kaniyang Kuya Carl at proud na proud nitong ipinakita sa kaniyang Mommy ang mga paTakeHome sa kaniya nina Nanay Cion and Ate Carmie...
Pinag-usapan nina Manong Cris, Carl at Ma'am Silvs ang mga nangyari sa Birthday Party over Coffee at talaga namang naging Proud itong si Ma'am Silvs sa pagiging Behave ng kaniyang anak habang itong sina Joey Boy at Katie nama'y inaayos sa kitchen ang mga ipina-Take home nina Nanay Cion at Ate Carmie...

********8:30pm*********

Hindi na nagDinner itong si Joey boy at nagSnack na lamang ito ng Leche Flan at Black Forrest Cake at uminom ng kaniyang Milk bago ito umakyat sa kaniyang kuwarto habang ang kaniyang Mommy nama'y kinausap muli itong si Carl...
"Thank You Carl..."
"Walang ano man po yun Ma'am Silvs... Sabi nga po nina Nanay eh gusto po nilang pumunta ulit itong si Joey Boy sa bahay eh..." Ang masayang reply naman ni Carl sa kaniyang Amo.
"Malaking bagay ang ginawa mo para sa anak ko..." Ang next na sinabi ni Mrs. Valdez na ikinahiya namang bigla ng binata.
"Carl..."
"Yes po..."
"Please consider helping my son... Sana magStay ka na dito kasama ni Joey Boy..." Ang next na usal naman ni Mrs. Valdez sa natamemeng binata.
Nawala sa isip nitong si Carl na nasa one week trial period pa lamang siya...
Tumungo na lamang ang binata sa nakangiting si Mrs. Valdez dahil wala pa siyang masabi kung itutuloy ba niya ang pagiging Caregiver niya kay Joey Boy...
"Please consider it Carl..." Ang nakangiting sambit muli ng umaasang si Mrs. Valdez sa binata nang tumayo na ito to call it a day na at naiwan na naman niyang mag-isang nag-iisip itong si Carl sa salas.
Sa mga ipinakitang behavior sa kaniya nitong si Joey sa mga naunang araw and considering din pagbeBehave nito today sa Party ay medyo lumaki ang chances sa pagdeDecide ni Carl na baka ituloy na lamang niya ang pagtratrabaho para kay Ma'am Silvs...
"Let's see..." Ang nakaSmile na bulong na lamang ni Carl sa kaniyang sarili at talaga namang napakaGood ng mood niya ngayon dahil sa nangyari sa birthday party ng kaniyang Nanay Cion.
Habang naglalakad papuntang staircase itong si Carl para makatulog na din ay nag-iisip itong si Carl na sabihin na niya kay Ma'am Silvs bukas na payag na siyang maging CareGiver ni Joey Boy...
Bago maihakbang ni Carl ang kaniyang isang paa sa pinaka-unang baitang ng hagdana'y kaagad siyang napatigil nang mapansin niya sa gilid ng kaniyang mga mata na parang may kakaiba sa kulay ng tubig ng Aquarium kung nasa saan nakalagay ang Pet na Arowana nitong si Joey Boy...
"JOEY BOY..." Ang naiiyak na lamang na nasambit ni Carl nang malapitan na niya ang Aquarium at maConfirm kung bakit nanlalabo ang tubig nito...
Pailing-iling na lamang itong si Carl habang talunan niyang pinagmamasdan ang mga lumulutang na piraso ng Black Forest Cake sa tubig ng Aquarium...
Sa sobrang pagkaOverwhelmed kasi nitong si Joey Boy dahil sa paTakeHome sa kaniya nina Nanay Cion at Ate Carmie ay hindi na nito napigilang iShare sa kaniyang mga Pets ang Black Forrest Cake...
Mahigit isang oras ding nilinis nina Carl at Katie ang Aquarium ng Pet Arowana nitong si Joey Boy at gayundin naman ang kulungan ng mga Pet nitong Love Birds...
Binanlawan nila isa-isa ang mga LoveBirds dahil punong-puno ang mga balahibo ng mga ito ng mga Icing ng Cake...
Sa kabutihang palad nama'y inubos at sinimot ng mga Pet na Dogs ang ibinigay na Cake sa kanila nitong si Joey Boy kaya nama'y medyo nabawas-bawasan din ang kanilang trabahong paglilinis ni Katie that evening...

*********************

Nanlulumo na itong si Carl nang makapasok na siya sa kanilang kuwarto ni Joey Boy at bago siya maligo'y pinagmasdan niyang muli ang nahihimbing na si Joey Boy...
Kaagad na napaSmile itong si Carl at gumaan ang kaniyang kalooban habang pinagmamasdan niya ang pleasant and peceful na guwapong mukha ni Joey Boy...
Nanariwa na naman sa ala-ala ni Carl ang pag-iyak nitong si Joey Boy habang yakap-yakap ito ng kaniyang Nanay at Ate...
Unconcsiously ay lumapit itong si Carl sa higaan ni Joey Boy...
Hindi maipaliwanag ni Carl ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon habang lalo pa niyang pinagmamasdan ang cute na mukha ng nahihimbing na si Joey Boy...
"Wala namang masama..." Ang bulong ni Carl sa kaniyang sarili at pagkatapos ay kaniyang inilapat ang kaniyang mga labi sa pisngi ni Joey Boy...
"Mwaaahh.." Ang pagbibigay ng smack ni Carl sa kaniyang alaga at kanina pa niya ito gustong iKiss at pangGigilan.
Lalo pang napaSmile itong si Carl nang makita niyang napangiti bigla sa kaniyang pagtulog itong si Joey Boy after he kissed him on his cheek...
"Ehek... Tsalap... tsalap... tsalap..." Ang biglang nasambit ng natutulog na si Joey Boy na lalo pang ikinangiti ni Carl.
Alam ni Carl na kasalukuyang nangangarap sa kaniyang pagkakahimbing itong si Joey Boy...
Pabalik-balik sa panaginip nitong si Joey Boy ang masayang nangyari sa kaniya kanina...
Ang masasarap na food...
Ang masasayang larawan ng mga bisita...
Ang pakikipagkuwentuhan niya sa mga bisitang bata habang nagseZest-o sila...
Ang mahigpit na pagkaka-Hug at pag-Kiss sa kaniya nina Nanay Cion at Ate Carmie...
At higit sa lahat ay ang nakangiting mukha ng kaniyang Kuya Carl na nagproPromise na isasama siya sa Birthday Party...
"Thank you Kuya Carl..." Ang sunod na naibigkas muli ni Joey Boy sa malalim nitong pagkakahimbing na siya pang lalong ikinataba ng puso ni Carl ng marinig ito.






To Be Continued

55 comments:

  1. Embedded Music Comes From Lesley Gore's IT's MY PARTY (And I Cry If I Want To)

    GOODEVENING PO SENYONG LAHAT!!!
    REGARDS PO SENYONG PAMILI!!!

    NaUpdate na din ni Ponse ang iba pa niyang Stories :))) JUst Click The Title Below If You Want To Read It :)))

    ANG JANITOR SA MUSEONG PAMBATA 2

    NAKITULOG ANG KUMPARE NG DADDY KO 4

    INGAT PO KAYONG PALAGE!!! EHEK!!! :)))

    ReplyDelete
  2. hanakngtipaklong tong si katie LOL taxi driver ang trip! dami kong tawa dun ah...

    heartwarming talaga manong yung chapter na to..

    hmmm... kakaibang pag-ibig... ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. But Still... LOve pa din kaya nga lang To eh nasa ibang situation :)))

      Delete
    2. Kasi nga ... Basta driver ... ..... Hehehehe.

      Delete
  3. Naku hindi na si budoy ang pumasok sa isip ko.... Si JOsh na hahahaha

    Subrang tawa ko don sa regalo sana ni joey boy kay nanay cion na manika hahhahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat nagdya-Jogging din si Josh Kuya Pj eh :)))

      Delete
  4. naloka ako kay Katie hahahaha!
    kuya Ponse Im loving this story,Im loving Carl,JoeyBoy and all the characters, napaka heart warming nga ng chapter na to, thumbs up po! Btw Im really wishing na makapag post ulit ako ng new story but I cant,hndi nko makapag OL sa pC since lumipat kami at wala na naman kaming pera haay! Maybe pwde ko isend sau ung draft at ikaw na magpost kuya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. No Need Gandang Tzekai :))) ICopy Paste na lang ni Ponse :))) EHEK!!!

      Delete
  5. Wd!!!




    bubwit-'`

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ansabe mo kuya Bubwit ???

      Delete
    2. ang "bubwit" ay ang kanyang code name kc po anonymous sya. parang ako, tingnan mo meron din inilagay n code name n 0339.

      -0309-

      Delete
  6. aw... no more tears LOL d q naicp un xD

    ang sweet ni joey boy sarap panggigilan... gs2 q dn panggigilan si Alpy Boy LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saksak Lawfer gusto mo? EHEK!!! :)))

      Delete
    2. yoko, kaw nlang saksakin q sa likod... if you know what i mean :D

      anu pla ung laman ng bag ni joey boy? kala q ba ttgnan nia kinagabihan? nkaka-curious

      Delete
  7. AHahah adik ka kuya ponse nakakabitin :))))

    ReplyDelete
    Replies
    1. EHEK!!! KUya Ianzky eh parang mini story na yan eh :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :)))

      Delete
  8. enjoyed reading the story bossing........

    ReplyDelete
    Replies
    1. SINONG BOSSING Kuya Patryckjr???
      Ponse na lang po para Adik :)))

      Delete
  9. maganda, thanks. kelan kaya ang nxt chapter?

    ReplyDelete
    Replies
    1. As soon as possible po kuyang Anon ... Not less than seven days :))) Tenchu p sa pagbasa't pagCmment! GOD BLESS!!!

      Delete
    2. thanks s reply. binasa ko uli, maganda tlaga story eh.

      -0309-

      Delete
  10. tuli na pala sya... wahahaha! kuya ponse, anung laman ng backpack ni joey boy? wahaha. ang galing po! :)

    ReplyDelete
  11. tuli na pala sya... wahahaha! kuya ponse, anung laman ng backpack ni joey boy? wahaha. ang galing po! :)

    ReplyDelete
  12. Replies
    1. Adik po ang chapter na ito Kuyang Anon :))) Next time p lagay po kayo ng name ha :))) GOD BLESS!!! :)))

      Delete
  13. hay.. nakaka-tats nmn yung scene dun sa bertdey party.
    di ko mapigilangaiyak sa tuwa. feeling ko kasama rin ako sa mga bisita dun. hehe..

    nice!

    ReplyDelete
  14. hay.. nakaka-tats nmn yung scene dun sa bertdey party.
    di ko mapigilangaiyak sa tuwa. feeling ko kasama rin ako sa mga bisita dun. hehe..

    nice!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice to meet you Kuya Ferdinad :))) See you po sa part 4 :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :)))

      Delete
  15. Adik ka neng ,hagalpak tawa ko dun Sa dinuraan ung cake eh 😄😄😄

    hands nito ,I love Joey boy and Carl ...

    kelan ang binyagan ?? 😍😍😍

    tnx Sa update neng and god bless ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pagdating mo Ate Joy :))) PAra malaki-laki ang pakimkim ni Jey Boy :))) NYAHAHAHA!!! :)))

      TAKE CARE ANDGOD BLESS DIN PO DYAAN :)))

      Delete
  16. bkit yung comment ko di napost? :( ehek!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Et pa lang Kuyang Anon ang nailagay ng magOnline si Pnse... EHEK!!!

      Delete
  17. Ayan may pambitin ka na naman. Ano ang laman ng backpack? Di naman siguro its a map?! Ehek!

    Di naman yata bagay na putotoy ang tawag sa tuling talong. Hehehehe.

    Lakas ng charm ni Joey Boy, ngaun pa lang naiisip ko na kung paano lalabanan ni Carl ang sariling mahulog kay Ehek este Joey Boy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag Pumasok na si Joey Boy sa School... :)))

      Sana totoo si Joey Boy Mr.Stan :))) EHEK!!!

      Delete
    2. Ako Si Stan - EHEKJuly 15, 2013 at 9:31 AM

      Wow school boy na si joey boy

      U...
      U...
      U...
      U...
      Uwahhhhhhhhhhhhh!!!!!

      Delete
  18. kahit kailan ang galing mo kuya ponse adik ka..hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Adik lang si Ponse Kuya Russ :))) Take Care ka palage :))) GOD BLESS!!!

      Delete
  19. Replies
    1. As soon as Possible Kuya Uno :))) Not Less than Seven Days for my Update :))) Take Care Palage :)))

      Delete
  20. Napaka-heartwarming ng chapter na 'to. Love it! ☺

    Belated happy birthday nga pala Mr. Ponse. Pakain ka naman. Hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tara sa McDo Pedro Gil Mr.BOOM :))) EHEK!!!

      Delete
  21. ok lang po kuya ponse. :D excited na ako kay joey boy. :D
    jjj

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natatandaan mo pa ba Kuya JJJ itong Reply ni Ponse sa Comment mo nung kasagsagan ng story nina 'Nakapulot' ...

      NAWALA ULIT ANG COMMENT MO MR.TXTDMAN... MAY MOMO ATA...'

      :))) Baka nasundan ka dito ng Momo Jjj :))) EHEK!!!

      Delete
  22. ay syet! natatandaan mo pa pala yun kuya ponse! hahahaha! ang galing nman ng kautakan mo po :) i wonder anu kaya laman ng backpack ni joey boy mah beybi :D
    jjj

    ReplyDelete
  23. ay syet! natatandaan mo pa pala yun kuya ponse! hahahaha! ang galing nman ng kautakan mo po :) i wonder anu kaya laman ng backpack ni joey boy mah beybi :D
    jjj

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bigyan ko kayo ng hint Jjj ni Stan :)))

      'These are the few of My Favorite Things' from the OST of Sound Of Music :)))

      EHEK!!!

      Delete
  24. Nakakawala talaga ng stress itong c joey boy hehehe....
    I really enjoy reading dis chapter....
    Tks sa update ponse.... God bless

    Ask ko lng anyari sa undercover?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Itinago ko muna Kuya Richie :)))

      Abangan mo na lang Kuya Richie ang Revelation kung sino si Kenny :))) Basta :))) EHEK!!!

      Delete
  25. love this story to the nth level!!! inaabangan ko talaga to kuya ponse. cant wait sa mga mangyayari. saka sana lagyan niyo rin ng love triangle to kasi ganun ung mga tipo kong story pero ok lng kahit wala basta sundin niyo lang kung ano ung gusto mo talagang flow ng story. basta talaga kuya pag ikaw ang nagsulat nakakakilig talaga. tanong ko lang kung ay may nauna pa po ba kayong story bukod sa ang rnb, iphone at tutor?

    ReplyDelete
  26. ehek! Ntwa nmn aq dun s bathroom scene nla!haha now i know y no more tears gmit ni joey boy!hehe ntouch din aq s pgwelcom ni nanay at ate kay joey boy.
    klan po nxt chapter?im starting to fol inluv n s story!

    ReplyDelete
  27. so nice ang cute aman ng story ponse! he he he

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails