Hindi
na mapakali itong si Carlo ng mga sandaling iyon kaya nama'y hindi na muna siya
dumirecho papauwi ng bahay at nagDecide na lamang siya na puntahan ang kaniyang
nakakatandang kapatid na babae sa Mini Grocery Business nito.
Almost
two months ng nababakante at walang trabaho itong 22 yrs old na binata dahil puro
na lamang 'tatawagan' and 'We will notify you once may opening na' ang
ibinibigay sa kaniya ng mga Local Hospitals and Clinics na kaniyang pinag-a-Apply-an.
Isang
registered nurse itong si Carlo at medyo naLate siyang makapagTapos sa kaniyang
Kursong BSN dahil hindi talaga nila maiwas-iwasan ng kaniyang Nanay at Ate na
mapahinto ang binata ng ilang sem dahil sa kakapusan nila noon.
Maagang
naulila sa ama ang magkapatid kaya ang Nanay Cion na lamang ang kasa-kasama
nila sa bahay at ang gumapang sa pag-aaral ng magkapatid at sa hindi maiwasang
pagkakataon ay nagDecide na lamang bigla itong Ate ni Carlo na huminto na
lamang noong first year college pa ito upang makapagtapos ang kanilang binata.
Ngumiti
naman ng bahagya ang magandang kapalaran sa mag-iina nang unti-unting umunlad
ang kanilang maliit na puwesto ng Dry Goods sa Palengke at ngayon nga'y isa na
itong Mini Grocery na kasalukuyang pinamamahalaan ng kaniyang Ate Carmie.
"ATE!!!"
Ang masaya't malakas na pagtawag ni Carlo nang makapasok na siya sa maliit
nilang Grocery Store.
"ANO
YUN CARL???!!!" Ang sigaw naman ng Ate Carmie ng binata mula sa likod ng
mga kahon ng Lucky Me Pancit Canton.
Kaagad
namang tinungo ng masayang binata ang kapatid nito...
"Ate!!!
May Interview ako bukas!!!" Ang masayang pagbabalita ni Carlo nang
mabungaran niya ang kaniyang Ate Carmie na nasa kalagitnaan ng pagreReStock sa
kanilang Shelves ng mga Instant Pancit Canton.
"Saang
Hospital?"
"Hindi
Hospital Ate! Dun sa naikwento ko sa'yo one time..."
"Dun
sa Clinic... Saang lugar na nga ba yun?"
"Hindi
din doon... Doon sa Wanted Ad sa dyaryo!"
"Yung
naghahanap ng Male CareGiver..." Ang panghuhula muli ni Ate Carmie sa
sinasabi ng binata.
Nginitian
na lamang siya ng pagkatamis-tamis ng kaniyang kapatid dahil natumpok niya ang
sinasabi nito...
"Carl
naman... Registered Nurse ka!"
"Ate
naman! Wala nga akong mapasukang Hospital eh..." Ang mabilis na pagCounter
naman ng binata sa kaniyang Ate para hindi na muli itong maglitanya pa.
"Ayaw
mo na lang maghintay ng tawag sa mga Hospital o Clinic???" Ang pag-uumpisa
nitong si Ate Carmie sa kaniyang kapatid.
"Registered
Nurse ka tapos magke-CareGiver ka lang! Buti sana kung sa abroad yan!" Ang
sunod na sinambit ni Ate Carmie na ikinaRoll naman ng Eyes agad ng Binata.
"Hay
naman Ate... Kaysa naman mamuti ang mata ko sa kahihintay eh doon muna ako!!!"
"Panong
mamumuti ang mga mata mo eh habang naghihintay ka eh tumulong-tulong ka dito sa
tindahan!"
"Eh
di sasabihin mo na namang sayang lang ang pinag-aralan ko dahil nandito ako sa
tindahan... ARAY!!!" Ang reklamo kaagad ni Carlo sa kaniyang ate at walang
pasabing sineltukan siya kaagad nito.
"Namimilosopo
ka pa!!!" Ang naiinis at natatawang sambit naman ni Ate Carmie sa kaniyang
kapatid.
"Hindi
pa naman ako natatanggap ah..." Ang nakangiting reply naman ni Carlo.
"Bahala
ka na nga Carl..." Ang napapa-iling na sambit naman ng kaniyang Ate habang
ipinagpatuloy na muli nito ang pagreRestock.
"Kumukuha
lang naman ako ng experience eh..." Ang bulong ng binata sa kaniyang
kapatid nang tinulungan na niya ito sa ginagawa.
"Tiyaga-tiyaga
lang Carl... Sa simula lang yan..." Ang nakangiting sambit na lamang ni
Ate Carmie sa kapatid.
"Sana
hindi na lang ako nag Nursing..." Ang wala sa isip na naiusal ng binata na
ikinatahimik naman ng kaniyang Ate.
Batid
ni Ate Carmie na medyo nawawalan na ng pag-asa itong si Carlo dahil hindi talaga
nito inaasahang mahihirapan itong makapasok ng trabaho na related sa kaniyang
Course at talagang nagExpect ng malaki ang kaniyang binatang kapatid.
"Ayaw
mo na bang mag-Apply sa mga Health Center..." Ang tanong ng dalaga sa
kaniyang kapatid.
"Nag-apply
naman ulit ako ate kaso ang sabi sa akin eh mas priority daw nila yung mga
nakapilang application para maging patas sa lahat..." Ang walang emotion na
sambit lang ni Carlo.
Naka
6 Months naman itong si Carlo sa Health Center and after that ay wala na itong
napasukan pang iba kahit na napakarami na nitong pinagpasahang application.
Gustong-gusto
talaga ni Carlo na makapagAbroad kaya nga lang ay kinakailangan niyang makakuha
ng sapat na work related experience upang maging qualified siya na magApply at
kahit pagiging CareGiver ay aApplyan ng binata makapag-Abroad lamang.
"Nakuha
mo na ba yung Baranggay at Police Clearance mo?"
"Nakuha
ko na Ate... Ewan ko ba at bakit andaming hinihinging requirements nung
nagpaWanted Ad!" Ang nagtatakang sambit naman ni Carlo.
"Kailan
nga ba yung interview mo?"
"Bukas
Ate..."
"Nga
pala Carl... Saang lugar naman yung pupuntahan mo bukas..."
"Sa
San Juan..."
"Ang
layo naman... Baka malugi ka sa pamasahe nyan... Magkano ba ang sasahurin mo
dun?"
"Hindi
ko pa alam Ate... Stay-in naman at may Day-off... Libre pagkain din..."
Ang sagot naman ni Carl sa kaniyang Ate.
"May
pamasahe ka pa ba?" ANg next na tanong ni Ate Carmie.
Napangiti
na lamang ang binata dahil kahit na malaki na siya'y concern na concer pa din
sa kaniya ang kaniyang Nanay at Ate...
"Meron
pa naman Ate... Inabutan ako ni Nanay..." Ang sagot naman ni Carl habang
inaalis na niya ang mga empty boxes ng Lucky Me Pancit Canton.
"Mukhang
malakas ata ang benta ni Nanay Ah!" Ang nakaSmile na sambit naman ni Ate
Carmie.
Kahit
na makailang ulit na nilang pilitin ni Carlo ang kanilang Nanay na tumigil na
sa pagtitinda ng Gulay at sa Mini Grocery Store na lamang ito mamalagi ay ayaw
pa din nito at ang tanging reason lang na ibinibigay nito sa kanila ay sobrang napakaBoring
daw sa kanilang Mini Grocery Store...
"May
ipapagawa ka pa ba Ate?" Ang tanong ni Carlo sa kapatid.
"Kunin
mo sa likuran yung isang kahon ng Surf Powder at isang kahon ng Young's Town
Sardines at Stock-an mo yung mga Shelves at paubos na din..." Ang sagot
naman ni Ate Carmie habang papunta na ito sa Cashier dahil medyo
nangangailangan na ng tulong ang kanilang kahera.
Buong
maghapong tumulong itong si Carlo sa Mini Grocery ng kaniyang Ate at bago
magAlas Tres ng hapo'y sumabay na din ang binata papauwi sa kanilang Nanay upang
makatulong naman sa gawaing bahay.
Habang
wala pa kasing work ang binata'y ito ang nag-aasikaso sa palilinis at pagluluto
dahil maagang umaalis sa kanilang bahay ang mag-ina upang pumunta na't magtinda
sa palengke.
Sumusunod
na lamang ang binata sa kaniyang Nanay Cion at Ate Carmie upang dalhan ang mga
ito kung paminsan ng Lunch at pagkakatapos ay tutulong na din ito sa kanila.
Mahal
na mahal talaga ng binatang si Carlo ang kaniyang Nanay at Ate.
Alam
ni Carl ang pagsasakripisyo at pagtitiyaga ng kaniyang Nanay at Ate sa kaniya
noong nag-aaral pa siya kaya nama'y nais niyang makapagtrabaho at kumita ng
malaki upang mabigyan ng maalwan na pamumuhay ang mga ito.
*************The Following Morning*************
Kung
hindi pa ginising ni Nanay Cion itong si Carlo ay hindi talaga ito magigising
dahil late na itong nakatulog kagabi dahil sa sobrang excited na nito sa
kaniyang interview sa araw na iyon at walang patid ang pagdarasal ng binata kagabi
na sana nama'y hindi 'I'll Call You..." Ulit ang maging sagot ng papasukan
niyang trabaho.
"Huwag
ka masyadong maging excited Carl... Saka nalang kapag natanggap ka na..."
Ang paalala naman ni Nanay Cion sa kaniyang binata dahil ilang beses na din
niyang nakita itong umuwi mula sa mga interviews na bagsak ang dalawang balikat
nito.
"Eto
dagdag mo sa pamasahe mo..." Ang sambit naman ni Ate Carmie kay Carlo nang
inabutan niya ito ng pera.
"Ate
may pera pa ako..."
"Kunin
mo na para hindi ka na maghingi ulit..." Ang sagot naman ni Ate Carmie at
kaagad na itong lumabas ng bahay para hindi na makatanggi pa itong si Carlo.
Thankful
talaga ang binatang si Carlo dahil kahit papano'y medyo nakakluwag-luwag na
sila Financially dahil na din sa pagsisipag at pagtutulungan nilang tatlo...
Kaagad
namang nagligpit ng hapag ang binata't matapos na mahugasan ang plato't
makapaglinis ng buong bahay itong si Carlo ay kaagad-agad siyang naligo't
nagbihis na upang tumungo na sa kaniyang Interview na nakaSchedule ng 11am.
**********************************
Bago
pa man sumakay ng Bus itong si Carlo na papuntang San Juan ay nagpaAutoLoad
muna siya sa tindahan at nang nakasakay na siya ng Bus ay doon lamang siya
nagRegister ng paUnliFB ng Globe at nang maActivate na ang kaniyang Promo'y wala
ng inaksayang mga sandali pa ang binata't kaagad na nagFB kaagad ito sa
kaniyang phone.
Kahit
na masaya ang binata ng araw na iyon dahil sa pagkakaroon niya ng Chance na
magkatrabahong muli'y hindi pa din nitong maiwasang malungkot dahil almost one
week nang hindi nagpaparamdam sa kaniya ang kaniyang nakaOnline Relationship sa
FB.
"Takte
naman!!!" Ang hindi maiwasang masambit ni Carlo nang hindi na niya makita
ang FB ng kaniyang Online BoyFriend. Ang isip-isip ng binata'y marahil ay naBlocked
na siya nito...
Isang
Discreet itong si Carlo at hindi niya ito ipinaalam sa lahat ng mga taong nasa
sa kaniyang paligid dahil naaasiwa pa talaga siya sa idea na ang isnag katulad
niya'y nagkakagusto sa kapwa niya lalaki.
Hindi
naman sa nagyayabang itong si Carlo dahil lahat ng mga kakilala niya'y sinasabihan
siyang mukhang siyang artistahin dahil sa pagkakaroon niya ng matangos na
ilong...
Malalamlam
na mga mata't maamong mukha...
At
nakadagdag din sa kaniyang kaguwapuhan ang pagkakaroon niya ng 5'8" na
height at tamang timbang...
Pareho
ding Mestizo't Mestiza ang Nanay at Tatay nina Carlo at Ate Carmie kaya nama'y
nakuha din nila sa kanilang mga magulang ang pagiging maputi at makinis.
Dahil
dito'y nahihiya itong si Carlo na magOut dahil halos lahat ng mga tao sa
palengke'y palagi na lamang pinagtatawanan at binibiro ang mga Beki sa parlor at
ayaw ng binata na sapitin niya ang ganoong sitwasyon at alam niyang
pagtatawanan at tutuksuhin lamang siya kapag umalingasaw ang kaniyang
kalansahan...
"Haaayyyy..."
Ang pagbuntong hininga na lamang ng binata After niyang sumuko at magLogOut sa
FB.
Gumawa
ng isang Dummy Account itong si Carlo sa FB na siya niyang ginagamit upang
mailabas niya ang kaniyang tunay na Sexuality Online at doon din siya
nakikipagRelationship sa mga nagiging kaClose niya sa FB.
Lahat
ng mga nakaOnline Relationship nitong si Carl ay hindi niya nakakaMeet at halos
pare-parehas lang ang mga ito na Sweet sa umpisa at kinalaunay hindi na
magpaparamdam kay Carlo at kahit na maka-ilang PM or ilang text na ang
ipinapadala ng binata'y walang effect pa ding effect sa mga ito.
Minalas-malas
muli itong si Carlo dahil ganoon na naman din ang nangyari sa kaFB niya at
talaga namang medyo dinamdam ito ng binata.
Hindi
na talaga nadala-dala itong si Carlo dahil nakaka-ilang beses na din siyang pinupulot
sa basurahan dahil sa kaniyang pakikipagRelationship sa FB.
"Kulit
mo kasi Carl..." Ang sermon ng binata sa kaniyang sarili dahil batid naman
niyang malas siya OnLine ngunit palagi pa din siyang nagbabakasali dahil yun
lang naman ang kaniyang outlet sa kaniyang buhay Paminta.
****************10:30am******************
Ang
mga nakaOnline Relationship niya sa FB ang nasa sa isip pa din ng binata
hanggang sa makarating na siya sa Address na nakaSaad sa Wanted Ad at kaagad na
nawala sa isipan ng binata ang pag-i-Emo niya ng mga sandaling iyon dahil labis
ang kaniyang pagkagulat at pagkamangha at talaga namang hindi niya inaasahan na
napakaOA sa laki ang bahay ng kaniyang pag-a-Apply-an.
Medyo
nagCompose muna ng sarili itong si Carlo bago siya nagDoorbell at wala pang
isang minuto'y nakarinig na siya ng pagbubukas ng tarangkahan mula sa likod ng
napakataas ng gate...
"Magandang
Umaga po... Ako po yung mag-a-Apply na CareGiver..." Ang bungad ni Carlo
sa matandang lalaking nagbukas sa kaniya ng gate.
"Ikaw
pala... Sige pasok ka..." Ani ng matandang lalaki kay Carlo.
"Ako
po pala si Carl..." Ang pagpapakilala kaagad ng binata sa matandang lalaki
para magpaImpress dahil kutob-kutob niyang baka iyon ang kaniyang aalagaan at
magiging Amo.
"Ako
naman si Crisaldo... Manong Cris na lang..." Ang pakilala naman ng
matandang lalaki sabay pakikipagShake hands niya sa ina-alok na kamay ng
binata.
"Ako
ang Driver nina Mrs. Valdez... Tara na..." Ang paanyaya muli ni Manong
Cris sa binata na siya namang ikinamangha ng isa at lalo pang ikinaExcite ni
Carlo dahil bigatin pala ang kaniyang papasukan sakaling matanggap siya dito.
"Day...
Papasukin mo muna siya... Siya yung nag-a-Apply na CareGiver..." Ang
pagpukaw naman ni Manong Cris sa isang patpatin at maputlang maid na nagwawalis
naman sa Patio ng Mansion.
"Manong
Cris naman! Sabi ng Katie eh!" Ang reklamo naman ng maid.
"Huwag
mo na lang pansinin yang maid at maarte lang talaga yan." Ang natatawang
bulong naman ni Manong Cris sa nakaSmile na binata.
Hindi
talaga makapaniwala itong si Carlo at deUniform pa ang maid...
"I'm
Katie... Pasuk na tayu Ga..." Ang sambit naman ng maid na si Katie kay
Carlo at talaga namang pinigilang matawa ng binata't napaka-Imba ng pangalan ng
maid with matching Strong Accent pa.
Tahimik
lamang na sumunod itong si Carlo kay Katie sa loob ng mansion at talaga namang
lumuwa ang mata ng binata dahil sa mga mamahaling muwebles at appliances na
kaniyang nakita sa loob ng Mansion.
"Upo
ka dini while waiting for Ma'am... I'll call lang si Ma'am..." Ang conyotic
na bilin ni Katie kay Carlo nang madala na niya sa isang maliit na salas ang
binata at nang tinunguhan siya nitong si
Carlo ay kaagad namang iniwan na niya ito upang tawagin na ang kanilang Amo.
Hindi
talaga maalis-alis ng binata ang pagkabilib niya sa may-ari ng Mansion dahil
may receiving area pa ito kung saan siya nakaupo't naghihintay...
****************After 20 minutes******************
Matagal
ding naghintay sa maliit na salas itong si Carlo at hindi naman siya nainip
dahil pagala-gala ang kaniyang mga mata sa loob ng napakalaking bahay. Matagal
di niyang pinagmasdan ang napakahaba't malaking Chandelier na nasa pinaka
Center ng Mansion na hula niya'y talagang pinasadya para sa Mansion.
Batid
ng binata na mamahalin ang lahat ng mga furnitures at palaging up to date ang
mga appliances ng bahay dahil kitang-kita niya ang napakalaking Flat screen TV
sa pangalawang salas ng mansion.
Hamak
na mas doble ang laki nito sa kinauupuan niyang receiving area and that time
lang naRealized ng binata na nakabukas pala ang Flat Screen TV...
Kaagad
namang tinignan ni Carlo kung sino ang nanood at biglang nagLevel Up ang
kaniyang pagkaConscious nang makita niya ang isang lalaking nakaSlouch sa
napakalaking Sofa...
As
a bisexual ay kaagad na in-Inspection ni Carlo ang lalaki mula ulo hanggang
paa...
Fair
ang skin ng lalaki at hindi maitatangging malaman dahil semi fit ang suot
nitong puting Shirt...
NapaSmile
itong si Carlo dahil bagay na bagay sa lalaki na sa tingin niya'y nasa 25-30
yrs old ang suot-suot nitong khaki walking shorts...
Mas
lalo pang nanlaki ang mga mata ni Carlo nang dumako na ang kaniyang pag-i-Inspection
sa mukha ng lalaking nakaSlouch sa Sofa...
Barber's
Cut ang Hair Style nito't napakalinis tignan ang maamong mukha nito dahil
napakakinis ng kutis ng lalaki...
Nagtataglay
din ito ng set ng magaganda't malalalim na mga mata...
Matangos
din ang ilong ng lalaki...
Lalaong
napangiti itong si Carlo nang mapansin niya na may kahawig na Artista ang
lalaki...
Slight
na kahawig nito si Dennis Trillo na may pagka Zanjoe Marudo at kapag tumawa ito
dahil sa eksena ng palabas sa TV na kasalukuyang pinapanood nito ay nagmumukha
itong kawangis ni John Lloyd dahil sa malalalim na dimples nito sa magkabilaang
pisngi...
Hindi
rin maitatanggi na cute ang smile nito dahil sa mapuputi'at magaganda nitong set
of teeth...
"OMG..."
Ang naibulong na lamang ni Carlo ng mga sandaling iyon dahil isang rare find
and certified na eye candy ang lalaki sa kaniyang paningin...
"HA
HA HA!!!" Ang biglang paghalakhak ng lalaki dahil sa nakakatuwang eksenang
pinapanood nito sa Flat Screen TV.
NapaSmile
na din itong si Carlo dahil Naruto Shippuden pala ang kasalukuyang pinapanood
ng lalaki....
Favorite
din niya kasi ang Anime na iyon at talagang hindi din mapigilan nitong si Carlo
na matawa sa Anime kapag may mga Comedy Scenes si Naruto at ang iba pang cast...
"Good
Morning!!!" Ang biglang narinig na boses ng isang babae na siya namang
ikinagulat nitong si Carlo.
"Good
Morning din po..." Ang kinakabahang bati din ni Carlo sa papalapit na
babae.
Kahit
na simple lang ang ayos ng babae na sa tingin ni Carlo'y nasa 50-60 yrs old ay
halata pa din niya ang pagkaElegante nito't pagkakaroon ng High Breeding...
"Sit
Down Pls... You're Carlo Right?"
"Yes
Ma'am..." Hindi pa din maiwasang kabadong sagot nitong si Carlo sa kaharap
niyang babae dahil hindi siya pupuwedeng magkamali sa kaniyang hinalang ito ang
mag-iInterview sa kaniya.
"Kamusta
ka na..." Ang heartwarming na next na tanong ng nakaSmile na babae.
"Okay
naman po ako Ma'am... Kayo po..."
"I'm
fine thanks for asking... Dala mo ba yung hinihingi ko..."
"Yes
Ma'am..." Ang sambit naman agad ni Carlo sabay bigay niya ng mga
Requirements sa babae.
"Just
Call me Mrs. Valdez na lang or probably Ate Sylvs..." Ang nakaSmile na reply
naman ng babae habang tinitignan niya ang mga papeles ni Carlo.
"Pasensya
ka na at kailangan kong maghigpit... alam mo naman ang panahon ngayon..."
Ang dagdag na sambit ni Mrs. Valdez habang iniisa-isa niya ang NBI, Police
Clearance at Baranggay Clearance ng binata.
"You're
a registered Nurse pala..."
"Yes
Ma'am..."
"That's
good..."
"So...
When can you start..."
"HA???!!!"
Ang malakas na tanong ng nagulat na binata sa kaniyang kaharap.
NapaSmile
na lamang itong si Mrs. Valdez sa reaction ni Carlo...
"Ah...
Eh... Magkano po ba ang sweldo... AY SORRY PO!!!" Ang pagbawi ng tanong ni
Carlo kay Mrs. Valdez dahil nawala ang pagkoConcentrate niya sa sinabi sa
kaniya ng kaharap...
"Here..."
Ang sambit lang ni Mrs. Valdez sabay pakita niya sa screen ng kaniyang hawak na
iPhone na ikinalaki ng dalawang mata ni Carlo.
"BAKIT
ANG LAKI PO ATA???!!!" Ang hindi makapaniwalang tanong muli ng binata.
"Tama
lang yang compensation mo sa magiging trabaho mo..."
"Ilan
po ba ang aalagaan ko?"
"Isa
lang naman..."
"Teka
po pala Mrs. Valdez... Tanggap na po ba ako talaga.."
"Oo
naman..."
"Ha???!!!"
Ang hindi makapaniwalang usal muli ng binata.
"To
Tell you the truth... Ikaw ang panglimang tinanggap ko... May nauna ng apat
kaya lang due to personnal issues eh mga nagQuit din sila..."
"Bakit
po nagQuit?" Ang lalo pang ipinagtakang tanong nitong si Carlo.
"Ha...
Ah... Eh... Kasi..." Ang hindi madire-direchong sentence ni Mrs.Valdez sa nakangangang
binata.
"HA
HA HA..." Ang malakas na muling pagtawa ng lalaking nanood ng Naruto
Shippuden.
"Ahm...
Why don't I introduce you na lang sa magiging alaga mo..."
"Sige
tara po..." Ang sambit naman ni Carlo sabay tayo sa upuaan.
"Tatawagin
ko na lang siya..." Ang mabilis na ani naman ni Mrs. Valdez sa binata.
"Hindi
po ba Bed Ridden ang aalagaan ko?" Ang tanong ng lalong nagtatakang si
Carlo.
"Nope
Dear..."
"Ha???!!!
Matanda po ba???"
"Hindi
rin Dear...
Why
don't you sit down first..." Ang nakaNgiting sambit ni Mrs. Valdez sa
papaupong nagtatakang binata.
NaImagine
na kasi nitong si Carlo ng makita iya ang wanted ad sa Dyaryo na baka Bed
Ridden or Elderly Person ang nangangailangan ng Care Giver.
"Wait
lang Dear... May NagMessage..." Ang next na sinambit ni Ms. Valdez sa
binata ng biglang tumunog ang Cellphone nito.
...
...
...
"Joey
Boy... Come here..." Ang pagtawag ni Mrs. Valdez habang patuloy pa din
siya sa pagteText na siya namang lalo pang ikinaCurious ni Carlo.
"Bata
po pala..." Ang sambit na lamang ni Carlo ng mga sandaling iyon.
"SomeWhat..."
Ang usal naman ni Mrs. Valdez.
"Wait
lang po... Ano pong 'SomeWhat' Ma'am???"
"You'll
see... JOEY BOY..." Ang muling pagtawag ni Mrs. Valdez kaya lamang ay wala
pa ding lumalapit na bata sa kanila na napansin nitong si Carlo.
"Tsk!!!
JOEY BOY!!! MOMMY's CALLING YOU!!!" Ang mas malakas na pagtawag muli ni
Mrs. Valdez na siya namang ikinagulat ni Carlo nang tumayong bigla ang lalaking
nanonood ng Naruto Shippuden.
Napako
ang tingin nitong si Carlo sa tumayong lalaki...
"Baka
anak niya..." Ang isip-isip na lamang ni Carlo nang wala pa ding lumalapit
na bata sa kanila...
1
min...
2
mins...
3
mins...
Wala pa ding lumalabas or lumalapit na bata kina Carlo and that time ay natapos na itong si Mrs. Valdez sa kaniyang SMS Convo sa kaniyang iPhone...
"JOEY
BOY!!! CLOSE THE TV NA AND COME HERE!!!" Ang galit na usal ni Mrs. Valdez.
Kitang-kita
ng dalawang nanlalaking mata ni Carlo na nakatingin itong si Mrs. Valdez sa
lalaking nakatayo...
"EHEK...
YES MOMMY!!!" Ang gulat na naibulalas ng nakatayong lalaki sabay kuha ng
remote at pagpatay sa TV na siya namang ikinalaki pang lalo ng mga mata ng nagulantang
na si Carlo.
Hindi
maiwasang pumintig ng mabilis ang puso ng binata habang papalapit sa kanila ang
lalaking that he Checked Out Earlier...
Napabuntong
hininga na lamang itong si Mrs. Valdez nang makita niya ang reaction sa pagmumukha
nitong si Carlo...
"Please...
Try mo muna kahit One month lang..." Ang pakiusap ni Mrs. Valdez kay
Carlo.
"Ha...
Ano po ulit iyon..." Ang tanong ni Carlo sa kaharap.
"Try
mo muna kahit one month lang... Please... Mabait naman yang Anak ko..."
Ang pakiusap muli ni Mrs. Valdez sa naguguluhang Binata.
"I'm
sure na makakasundo mo si Joey Boy..." Ang pahabol ng umaasang si Mrs.
Valdez.
"YES
MOMMY!!! WHY DID YOU CALL ME???!!!" Ang maliksing bungad kaagad ng lalaki
kay Mrs. Valdez nang makalapit na ito sa dalawa and that time ay unti-unti ng naaAbsorb
nitong si Carlo kung ano ang kaniyang kasalukuyang situation.
"Meet
you're new playmate na... Go ahead and Introduce yourself na..." Ang sweet
na baby talk ni Mrs. Valdez sa kaniyang anak.
"WOW
MOMMY!!!
MAY
BAGO NA ULIT AKONG PLAYMATE!!!
YAHOOOO!!!"
Ang masayang outburst naman kaagad ng lalaki.
Napangangang
muli na lamang itong si Carlo nang biglang tumayo ng tuwid sa kaniyang harapan
ang lalaki at nag-inhale and exhale...
"My
name is Joey Boy..." Ang nakaSmile na introduction ng lalaki kay Carlo...
"Hmmm...
Yung proper introduction Baby..." Ang sweet na pagpapaala-ala ni Mrs. Valdez
sa kaniyang one and only Son.
"EHEK!!!
Sorry
Mommy...
Erase...
Erase... Erase..." Ang nakangiting gulat na usal naman ni Joey Boy sa
kaniyang Mommy.
"My
name is Joey Boy...
EHEK!!!
MALI
NA NAMAN!!!" Ang natatawang sambit muli nito na lalo pang ikinagulat ni
Carlo.
"Last
na Mommy... Promise..." Ang next na paghingi ng paumanhin muli ni Joey Boy
na iniSmile-an na lamang ng kaniyang Mommy.
"My
Name... Is... Joey... Valdez...
I'm...
28 Yrs Old...
I
Live at...
...
I
Live at...
At...
At...
...
Mommy
Nakalimutan ko na eh...
EHEK!!!"
Ang sambit muli ng nakangiti't inosenteng si Joey Boy kay Mrs. Valdez.
"That's
Okay Dear..." Ang sinabi na lamang ni Mrs. Valdez sabay tayo niya't yakap
sa anak.
"WHAT's
YOUR NAME?" Ang next na tanong ni Joey Boy sa nakanganga pa ding si Carlo.
"HA???!!!
AH... EH... My Name is... Este.. I'm Carl..." Ang tense na sagot lamang ng
binata at tila nahawa na siya sa pagsasalita nitong si Joey Boy.
"NICE
TO MEET YOU!!!" Ang masayang reply naman ni Joey Boy sa binata at walang
pasabing mahigpit niyang niyakap itong si Carlo.
"Uuuuhhhmmmpppttt..."
Halos hindi na makahinga itong si Carlo dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa
kaniya ni Joey Boy.
Batid
ng binata na matitigas at malalakas ang kalamnan nitong anak ni Mrs. Valdez...
"STRONG
KA BA KUYA CARL???" Ang out of nowhere na next question ni Joey Boy nang
pinakawalan na niya sa kaniyang Bear Hug ang binata.
"HA???!!!
AH... EH... Yes naman..." Ang clueless na sagot ni Carlo na ikinalaki kaagad
ng mata ni Mrs. Valdez.
"AKO
DIN STRONG... LOOK OH..." Ang excited na sambit kaagad ni Joey Boy at walang
pasabing itinikom nito ang dalawa nitong kamay at ngumiwi...
"GRRRRRRRR..."
Ang next na usal ni Joey Boy habang para itong nag-iipon ng Energy.
"MOVE
AWAY!!!" Ang sambit agad ng nagpaPanic na si Mrs. Valdez kay Carlo ngunit
naging huli na ang lahat dahil hindi na nakagalaw ang binata dahil sa sobrang
pagtataka niya sa ginagawa nitong si Joey Boy...
"YYYYAAAARRRRRRRRGGGHHHH..."
Ang malakas na sigaw ni Joey Boy at walang pasabing umamba ito sa direction ni
Carlo...
WAPAK!!!
"CAAARL!!!"
Ang sigaw ni Mrs. Valdez nang parang manyikang tumalsik itong si Carlo sa
kinauupuan nito.
"Are
you okay..." Ang nag-aalalang tanong kaagad ni Mrs. Valdez kay Carlo
habang inaalalayan niya itong makatayo.
"Ah...
Ahhhh... Araaay..." Ang naiusal na lamang ni Carlo habang pinapaupo siya
nitong si Mrs. Valdez.
Lalong
gumulo ang isipan ni Carlo ng mga sandaling iyon habang hinihimas-himas niya
ang kaniyang kumikirot na kanang braso...
"SABI
KO SA'YO STRONG AKO EH!!!" Ang masaya't may happy tune pang pagyayabang ni
Joey Boy kay Carlo.
"Sorry...
Pagpasensyahan mo na ang anak ko..." Ang nahihiyang iniusal naman ni Mrs.
Valdez sa hindi pa ding makapag-isip ng straight na si Carlo.
"SAY
SORRY TO YOUR KUYA CARL!!!" Ang galit na sambit naman ni Mrs. Valdez sa
kaniyang anak na bigla namang napasimangot.
"SAY
SORRY NA... YOU HURT HIM!!!" Ang ulit ng Mommy ni Joey Boy.
"Okay
lang po ako Ma'am... Pahingi na lang po ako ng tubig..." Ang habol
hiningang request ni Carlo kay Mrs. Valdez nang makapagSalita na ito.
"SORRY
KUYA CARL!!!" Ang mabilis na inusal naman agad ni Joey Boy at kaagad na
lumapit ito kay Carl.
Kaagad
namang nagCover ng mukha itong si Carlo at baka masapak na naman siya ngunit
laking gulat ng binata ng niyakap siyang muli ng mahigpit nitong si Joey Boy...
"SORRY
KUYA CARL..." Ang malungkot na muling paghingi ng paumanhin ni Joey Boy
habang lalo pa nitong hinihigpitan ang kaniyang pagHug kay Carlo...
"Don't
be Angry..." Ang pahabol pa ni Joey Boy...
"Okay
na... Okay na..." Ang nagpaPanic na usal naman kaagad ni Carlo nang
maramdaman niyang hindi na naman siya makahingang muli dahil sa pag Bear Hug sa
kaniya nitong si Joey Boy...
"Have
some Keyndi..." Ang nakaSmile and sweet na alok ni Joey Boy nang
pinakawalan na niya itong si Carl...
"Where
did you get that Candy? I told you that you can't have a Candy eh..." Ang
biglang sambit naman ni Mrs. Valdez sa anak.
"EHEK!!!"
Ang gulat na outburst naman kaagad ni Joey Boy.
"I'm
asking you Joey Boy..."
"Ahm...
ahmm... Mommy kasi eh... Ahmmm..."
"Joey
Boy..."
"Ate
Katie gave it to me eh..."
"Joey
Boy... Bad ang nagsisinungaling...
Nakita
mo na naman ba yung pinagtaguan ko ng mga sweets?" Ang pag-iInterogate ni
Mrs. Valdez sa naCorner na si Joey Boy.
"EHEK!!!"
Ang malakas na sambulat muli ni Joey Boy sabay takbo nito ng mabilis papuntang
kusina.
"Talaga
naman..." Ang bugtong hininga na lamang ni Mrs. Valdez habang napapailing
na lamang ito sa kaniyang anak.
"SORRY!!!
Nakalimutan na kita... Okay ka lang ba..." Ang muling tanong ni Mrs.
Valdez sa nanglalambot na si Carlo.
"Ayos
na po ako..."
"Can
you consider it... Kahit One month lang..." Ang muling paiusap ni Mrs.
Valdez kay Carlo.
"Parang
mahirap po ata... "
"Mabait
naman ang anak ko eh..."
"Ma'am
kasi po... eh..." Sasabihin na sana nitong si Carlo na hindi niya kayang
alagaan itong si Joey Boy nang naudlot bigla ang kaniyang ideDeliver na
sentence...
"EHEEEEEEEEEK...
EHEK... EHEK..." Ang malalakas na pagsigaw ni Joey Boy na umalingaw-ngaw
sa loob ng buong mansion na ikinagulat nina Mrs. Valdez at Carlo...
"IPIS...
IPIS... IPIS... IPIS... IPIS...IPIS!!!!" Ang sunod-sunod na sigaw ni Joey
Boy nang lumabas ulit ito sa kusina't nagtatakbo paakyat ng hagdanan.
"JOEY
BOY!!! IT'S ALREADY DIDO... PATAY NA ITU GID!!!" Ang pahabol ng katulong
na si Katie nang lumabas din ito mula sa kusina na hawak-hawak ang dustpan at
pinapakita ang nawalis niyang ipis kay Joey Boy.
"EHEK!!!"
Ang nakakabinging pag-iyak na sigaw naman ni Joey Boy sa kanilang Maid.
"Pleeeease....
Kahit one month lang..." Ang pagmamakaawa ni Mrs. Valdez sa natulalang si
Carlo.
Napakagat
ng mga labi itong si Carlo at nag-isip-isip...
"Mas
malaki pa ang sasahurin ko dito kaysa noong nasa clinic pa ako..." Ang nanunuksong
idea na pumasok kaagad sa isip ng binata...
"Harmless
naman si Joey Boy eh..." Ang muling pakiusap ni Mrs. Valdez sa binata...
"EHEK!!!"
Ang muling pag-alingaw-ngaw ng boses ni Joey Boy sa loob ng buong Mansion.
"Please
naman Dear... Kahit One week lang naman... Please..." Ang walang sawang
pagConvince ni Mrs. Valdez kay Carlo...
"Try
mo lang please..." Ang hopeless na dagdag pa nito sa nagdadalawang isip na
binata.
Napabuntong
hininga na lamang ang binatang is Carlo habang pinagmamasdan niya ang umaasang
mukha ni Mrs. Valdez...
Hindi
pa din makapag-Decide itong si Carlo nang mga sandaling iyon habang patindi ng
patindi ang kirot na kaniyang nararamdam sa kaniyang brasong sinuntok ni Joey
Boy...
"EHEK...
EHEK... EHEK..." Ang sunod-sunod na outburst ni Joey Boy habang walang
tigil ito sa kakatakbo.
Hindi
na nagsalita pa itong si Mrs. Valdez at mabilis na pinuntahan na lamang nito
ang kaniyang anak at iniwang nakanganga't nag-iisip itong si Carlo.
Hindi
na naiwasang maisip ng binata na parang may riot sa loob ng Mansion habang
pinagmamasdan niya ang nagpaPanic at nagtatakbong si Joey Boy ng mga sandaling
iyon...
To Be Continued
Embedded Music Is 'BABY LOVE' From 'The SUPREMES'
ReplyDeleteGOODEVENING PO SENYONG LAHAT :)))
TAKE CARE AND REGARDS SENYONG PAMILII :)))
MAG-ADIKAN ULIT TAYO :)))
Hmmmm kakaiba na naman ang plot na ito kuya p ha. Exciting. Aabangan ko ulet ito. Mukha ngang magkakaadikan na naman tayo nyan. Hehehe
ReplyDeleteThanks kuya p!
Dating gawi Mr.Stan :))) Tenchu sa pagbasa't pag-iwan ng Comment :))) EHEK!!! NYAHAHAHA!!!
DeleteEhek! LOL!
DeleteLakas maka-ehek!
Nc ! ^^
ReplyDeleteAnsabe mo kuyang Anon???
Deletehahaha! Walangya ka kuya Ponse,pinatawa mo ako ng walang humpay! Subaybayan ko din to,ang astig mo talaga! EHEK! Haha
ReplyDeleteHindi Astig ang Kuya Pnse mo Gandang Tzekai :)))
DeleteADIK si Ponse... EHEK!!! HAHAHA!!! :)))
Kakaibang bromance to ponse ahh..
ReplyDeleteAno kayang gagawin ni carl ky joey boy para mapaamo niya...
O baka naman the Other Way Arond Kuya Richie... EHEK!!!
DeleteTo early to tell sa ngayon :)))
Next chapter na..ang Ganda..
ReplyDeleteSullivan Eduardo..
As soon as possible Kuya Ed :))) EHEK!!!
DeleteBago to.. Heheh adik k tlgakuya ponse
ReplyDeleteYan ang kapalit ng 'Ang RnB' Kuya Russ... EHEK!!! :)))
Deletewow panibagong aabangan kunanamn to hehe kka iba up date na po agad agad^^
ReplyDeleteFranz
As soon as possible Kuya Franz :))) Tenchu sa pagbasa't pag-iwan ng Comment... EHEK!!! :)))
Deletenku nku kya pla baby boy LOL
ReplyDeleteikaw naiimagine q sa baby boy na to alpy ^w^
EHEK!!! :))) LOKO KA LAWFER!!!
Deletelooks so exciting ang magiging flow ng story mo this tym ponse! hope plage may nupdate ha.
ReplyDeleteYan po Tito Robert ang kapalit ng 'Ang RnB' kaya dating gawi po ulet... EHEK!!! :)))
Deletenice story.
ReplyDeleteAuthor,kayo din po ba ang nagsulat nung campus trio?
Ndi kc tinapos yung book 2
Hindi po ako ang nagsulat ng Campus Trio Kuyang Anon :)))
DeleteWait wait ka na lang po dun sa Author at baka busy sa school :)))
mukang maganda EHEK.. may susubaybayan n nman ako
ReplyDeletenmiss kita daddy Ponse
ganda nito EHEK
ReplyDeletemishu daddy ponse
NaMiss ka sin ni Ponse Mr.Meloh... EHEK!!! :)))
DeleteKala ko naKidnap ka na din :))) NYAHAHAHA!!!
hak hak EHEK
DeleteEhek.... Hhahahahahaha dami ng tawa ko dito.... Dagdag mo pa si katie..anong kulay ba ang buhok nya dong? Neon green? Hahahahahaha adik lang ba... Bawal ka talaga sa Davao ba kasi bawal ang adik doon at baka ma DDS ka doon hahahaha
ReplyDeleteMakikidnap din kita Kuya Pj... EHEK!!! :)))
DeleteKumuha na ako ng bodyguard para di ako ma kidnap :p
DeleteKuya ponse isa nnman nakakaadik na bromance novel... Sabi ko na nga eh, ikaw lang may likha niyan... Aabangan ko yan... Yan pa naman gusto ko ahek ahek... Congrats kuya adik ponse... :)
ReplyDeleteTenchu sa pagbasa't pag-iwan ng Comment Kuya Bobby... EHEK!!!
DeleteI'll be using my Signature Dark Blue Fonts and the usual Image Cover and Embed Music :))) TC PALAGE!!! EHEK!!! :)))
Naloka naman po ako sa dami ng sponsors mo Mr. Ponse, andyan na lahat, from noodles to corned beef, pati detergent hindi mo pinatawad. Hahaha!
ReplyDeleteAs always, exciting na naman po yung plot mo. Mukhang magiging lovable and riot (as well) yung story nila, since mukhang love story to between a mentally challenged guy and his nurse (tama ba? sorry as assumption. LOL). I'm looking forward sa mga susunod na chapters. Congrats! :)
--BOOM
Alam m naman si Ponse Kuya Boom :))) Mahilig sa mga pangMasang Produkto... EHEK!!! :)))
ReplyDeleteWe're going to tackle kung ano nga ba ang 'Love' in the eyes of a pure and innocent Heart :)))
Tenchu po sa pagbasa't pagComment Mr.Boom... EHEK!!!
May bago nanaman akong aabangan!
ReplyDeleteWow! May bago nanaman akong aabangan!
ReplyDeleteOkay lang po na abangan mo Kuya Uno... Huwag mo lang Kidnapin... EHEK!!! :))) JOKE!!! (Ang corny hahaha!!!)
DeleteTenchu po sa pagbasa't pagComment :)))
Exciting ito Kuya Ponse :)! Babasahin ko ituuu hahah
ReplyDelete-Yo
NakakaRelate ka ba kay Joey Boy Yo??? EHEK!!! :))) NYAHAHAHA!!!
Deleteinteresting! i want to know how he will handle his patient
ReplyDeleteHindi ko pa din po alam kung papaano po Kuyang Anon :))) EHEK!!!
Deleteyou're the author so you should know, shouldn't you? Eeeeeeekkkkkkkkkkk ayaw mo lang sabihin para mayroon kaming thrill, lol. i know you did some researching
Deletewahaha! adik si joey boy.. wahahaha exciting! adik na adik ka kuya ponse. :)
ReplyDeletewahaha! adik si joey boy.. wahahaha exciting! adik na adik ka kuya ponse. :)
ReplyDeleteKuya ponse nakita ko na po thank tenchu :)))
ReplyDeleteBy the way kuya ponse meron ka po bang fb account ????
Ang cute kuyaponse :D :)
ReplyDeleteHaha nice one! Grabee ang kyut! Tawa aq ng tawa kay baby joey!
ReplyDeleteGinulat mo ako sa pag introduce mo sa main character. Pero mas ginulat mo ako kay joey boy.. this story is very interesting.
ReplyDeleteJust when i thought alam ko na ang pattern mo, you showed me something new. Something uncommon... nakuha mo tlga ang attention ko. i will continue reading this and sorry kasi late ko nang nasimulan. :)
Wow very nice parang budoy Lang...mukang maganda unang chapter pa lang...zenki of kuwait
ReplyDelete