Followers

Monday, July 1, 2013

Ang BABY Boy 1


Hindi na mapakali itong si Carlo ng mga sandaling iyon kaya nama'y hindi na muna siya dumirecho papauwi ng bahay at nagDecide na lamang siya na puntahan ang kaniyang nakakatandang kapatid na babae sa Mini Grocery Business nito.
Almost two months ng nababakante at walang trabaho itong 22 yrs old na binata dahil puro na lamang 'tatawagan' and 'We will notify you once may opening na' ang ibinibigay sa kaniya ng mga Local Hospitals and Clinics na kaniyang pinag-a-Apply-an.
Isang registered nurse itong si Carlo at medyo naLate siyang makapagTapos sa kaniyang Kursong BSN dahil hindi talaga nila maiwas-iwasan ng kaniyang Nanay at Ate na mapahinto ang binata ng ilang sem dahil sa kakapusan nila noon.
Maagang naulila sa ama ang magkapatid kaya ang Nanay Cion na lamang ang kasa-kasama nila sa bahay at ang gumapang sa pag-aaral ng magkapatid at sa hindi maiwasang pagkakataon ay nagDecide na lamang bigla itong Ate ni Carlo na huminto na lamang noong first year college pa ito upang makapagtapos ang kanilang binata.
Ngumiti naman ng bahagya ang magandang kapalaran sa mag-iina nang unti-unting umunlad ang kanilang maliit na puwesto ng Dry Goods sa Palengke at ngayon nga'y isa na itong Mini Grocery na kasalukuyang pinamamahalaan ng kaniyang Ate Carmie.
"ATE!!!" Ang masaya't malakas na pagtawag ni Carlo nang makapasok na siya sa maliit nilang Grocery Store.
"ANO YUN CARL???!!!" Ang sigaw naman ng Ate Carmie ng binata mula sa likod ng mga kahon ng Lucky Me Pancit Canton.
Kaagad namang tinungo ng masayang binata ang kapatid nito...
"Ate!!! May Interview ako bukas!!!" Ang masayang pagbabalita ni Carlo nang mabungaran niya ang kaniyang Ate Carmie na nasa kalagitnaan ng pagreReStock sa kanilang Shelves ng mga Instant Pancit Canton.
"Saang Hospital?"
"Hindi Hospital Ate! Dun sa naikwento ko sa'yo one time..."
"Dun sa Clinic... Saang lugar na nga ba yun?"
"Hindi din doon... Doon sa Wanted Ad sa dyaryo!"
"Yung naghahanap ng Male CareGiver..." Ang panghuhula muli ni Ate Carmie sa sinasabi ng binata.
Nginitian na lamang siya ng pagkatamis-tamis ng kaniyang kapatid dahil natumpok niya ang sinasabi nito...
"Carl naman... Registered Nurse ka!"
"Ate naman! Wala nga akong mapasukang Hospital eh..." Ang mabilis na pagCounter naman ng binata sa kaniyang Ate para hindi na muli itong maglitanya pa.
"Ayaw mo na lang maghintay ng tawag sa mga Hospital o Clinic???" Ang pag-uumpisa nitong si Ate Carmie sa kaniyang kapatid.
"Registered Nurse ka tapos magke-CareGiver ka lang! Buti sana kung sa abroad yan!" Ang sunod na sinambit ni Ate Carmie na ikinaRoll naman ng Eyes agad ng Binata.
"Hay naman Ate... Kaysa naman mamuti ang mata ko sa kahihintay eh doon muna ako!!!"
"Panong mamumuti ang mga mata mo eh habang naghihintay ka eh tumulong-tulong ka dito sa tindahan!"
"Eh di sasabihin mo na namang sayang lang ang pinag-aralan ko dahil nandito ako sa tindahan... ARAY!!!" Ang reklamo kaagad ni Carlo sa kaniyang ate at walang pasabing sineltukan siya kaagad nito.
"Namimilosopo ka pa!!!" Ang naiinis at natatawang sambit naman ni Ate Carmie sa kaniyang kapatid.
"Hindi pa naman ako natatanggap ah..." Ang nakangiting reply naman ni Carlo.
"Bahala ka na nga Carl..." Ang napapa-iling na sambit naman ng kaniyang Ate habang ipinagpatuloy na muli nito ang pagreRestock.
"Kumukuha lang naman ako ng experience eh..." Ang bulong ng binata sa kaniyang kapatid nang tinulungan na niya ito sa ginagawa.
"Tiyaga-tiyaga lang Carl... Sa simula lang yan..." Ang nakangiting sambit na lamang ni Ate Carmie sa kapatid.
"Sana hindi na lang ako nag Nursing..." Ang wala sa isip na naiusal ng binata na ikinatahimik naman ng kaniyang Ate.
Batid ni Ate Carmie na medyo nawawalan na ng pag-asa itong si Carlo dahil hindi talaga nito inaasahang mahihirapan itong makapasok ng trabaho na related sa kaniyang Course at talagang nagExpect ng malaki ang kaniyang binatang kapatid.
"Ayaw mo na bang mag-Apply sa mga Health Center..." Ang tanong ng dalaga sa kaniyang kapatid.
"Nag-apply naman ulit ako ate kaso ang sabi sa akin eh mas priority daw nila yung mga nakapilang application para maging patas sa lahat..." Ang walang emotion na sambit lang ni Carlo.
Naka 6 Months naman itong si Carlo sa Health Center and after that ay wala na itong napasukan pang iba kahit na napakarami na nitong pinagpasahang application.
Gustong-gusto talaga ni Carlo na makapagAbroad kaya nga lang ay kinakailangan niyang makakuha ng sapat na work related experience upang maging qualified siya na magApply at kahit pagiging CareGiver ay aApplyan ng binata makapag-Abroad lamang.
"Nakuha mo na ba yung Baranggay at Police Clearance mo?"
"Nakuha ko na Ate... Ewan ko ba at bakit andaming hinihinging requirements nung nagpaWanted Ad!" Ang nagtatakang sambit naman ni Carlo.
"Kailan nga ba yung interview mo?"
"Bukas Ate..."
"Nga pala Carl... Saang lugar naman yung pupuntahan mo bukas..."
"Sa San Juan..."
"Ang layo naman... Baka malugi ka sa pamasahe nyan... Magkano ba ang sasahurin mo dun?"
"Hindi ko pa alam Ate... Stay-in naman at may Day-off... Libre pagkain din..." Ang sagot naman ni Carl sa kaniyang Ate.
"May pamasahe ka pa ba?" ANg next na tanong ni Ate Carmie.
Napangiti na lamang ang binata dahil kahit na malaki na siya'y concern na concer pa din sa kaniya ang kaniyang Nanay at Ate...
"Meron pa naman Ate... Inabutan ako ni Nanay..." Ang sagot naman ni Carl habang inaalis na niya ang mga empty boxes ng Lucky Me Pancit Canton.
"Mukhang malakas ata ang benta ni Nanay Ah!" Ang nakaSmile na sambit naman ni Ate Carmie.
Kahit na makailang ulit na nilang pilitin ni Carlo ang kanilang Nanay na tumigil na sa pagtitinda ng Gulay at sa Mini Grocery Store na lamang ito mamalagi ay ayaw pa din nito at ang tanging reason lang na ibinibigay nito sa kanila ay sobrang napakaBoring daw sa kanilang Mini Grocery Store...
"May ipapagawa ka pa ba Ate?" Ang tanong ni Carlo sa kapatid.
"Kunin mo sa likuran yung isang kahon ng Surf Powder at isang kahon ng Young's Town Sardines at Stock-an mo yung mga Shelves at paubos na din..." Ang sagot naman ni Ate Carmie habang papunta na ito sa Cashier dahil medyo nangangailangan na ng tulong ang kanilang kahera.
Buong maghapong tumulong itong si Carlo sa Mini Grocery ng kaniyang Ate at bago magAlas Tres ng hapo'y sumabay na din ang binata papauwi sa kanilang Nanay upang makatulong naman sa gawaing bahay.
Habang wala pa kasing work ang binata'y ito ang nag-aasikaso sa palilinis at pagluluto dahil maagang umaalis sa kanilang bahay ang mag-ina upang pumunta na't magtinda sa palengke.
Sumusunod na lamang ang binata sa kaniyang Nanay Cion at Ate Carmie upang dalhan ang mga ito kung paminsan ng Lunch at pagkakatapos ay tutulong na din ito sa kanila.
Mahal na mahal talaga ng binatang si Carlo ang kaniyang Nanay at Ate.
Alam ni Carl ang pagsasakripisyo at pagtitiyaga ng kaniyang Nanay at Ate sa kaniya noong nag-aaral pa siya kaya nama'y nais niyang makapagtrabaho at kumita ng malaki upang mabigyan ng maalwan na pamumuhay ang mga ito.

*************The Following Morning*************

Kung hindi pa ginising ni Nanay Cion itong si Carlo ay hindi talaga ito magigising dahil late na itong nakatulog kagabi dahil sa sobrang excited na nito sa kaniyang interview sa araw na iyon at walang patid ang pagdarasal ng binata kagabi na sana nama'y hindi 'I'll Call You..." Ulit ang maging sagot ng papasukan niyang trabaho.
"Huwag ka masyadong maging excited Carl... Saka nalang kapag natanggap ka na..." Ang paalala naman ni Nanay Cion sa kaniyang binata dahil ilang beses na din niyang nakita itong umuwi mula sa mga interviews na bagsak ang dalawang balikat nito.
"Eto dagdag mo sa pamasahe mo..." Ang sambit naman ni Ate Carmie kay Carlo nang inabutan niya ito ng pera.
"Ate may pera pa ako..."
"Kunin mo na para hindi ka na maghingi ulit..." Ang sagot naman ni Ate Carmie at kaagad na itong lumabas ng bahay para hindi na makatanggi pa itong si Carlo.
Thankful talaga ang binatang si Carlo dahil kahit papano'y medyo nakakluwag-luwag na sila Financially dahil na din sa pagsisipag at pagtutulungan nilang tatlo...
Kaagad namang nagligpit ng hapag ang binata't matapos na mahugasan ang plato't makapaglinis ng buong bahay itong si Carlo ay kaagad-agad siyang naligo't nagbihis na upang tumungo na sa kaniyang Interview na nakaSchedule ng 11am.

**********************************

Bago pa man sumakay ng Bus itong si Carlo na papuntang San Juan ay nagpaAutoLoad muna siya sa tindahan at nang nakasakay na siya ng Bus ay doon lamang siya nagRegister ng paUnliFB ng Globe at nang maActivate na ang kaniyang Promo'y wala ng inaksayang mga sandali pa ang binata't kaagad na nagFB kaagad ito sa kaniyang phone.
Kahit na masaya ang binata ng araw na iyon dahil sa pagkakaroon niya ng Chance na magkatrabahong muli'y hindi pa din nitong maiwasang malungkot dahil almost one week nang hindi nagpaparamdam sa kaniya ang kaniyang nakaOnline Relationship sa FB.
"Takte naman!!!" Ang hindi maiwasang masambit ni Carlo nang hindi na niya makita ang FB ng kaniyang Online BoyFriend. Ang isip-isip ng binata'y marahil ay naBlocked na siya nito...
Isang Discreet itong si Carlo at hindi niya ito ipinaalam sa lahat ng mga taong nasa sa kaniyang paligid dahil naaasiwa pa talaga siya sa idea na ang isnag katulad niya'y nagkakagusto sa kapwa niya lalaki.
Hindi naman sa nagyayabang itong si Carlo dahil lahat ng mga kakilala niya'y sinasabihan siyang mukhang siyang artistahin dahil sa pagkakaroon niya ng matangos na ilong...
Malalamlam na mga mata't maamong mukha...
At nakadagdag din sa kaniyang kaguwapuhan ang pagkakaroon niya ng 5'8" na height at tamang timbang...
Pareho ding Mestizo't Mestiza ang Nanay at Tatay nina Carlo at Ate Carmie kaya nama'y nakuha din nila sa kanilang mga magulang ang pagiging maputi at makinis.
Dahil dito'y nahihiya itong si Carlo na magOut dahil halos lahat ng mga tao sa palengke'y palagi na lamang pinagtatawanan at binibiro ang mga Beki sa parlor at ayaw ng binata na sapitin niya ang ganoong sitwasyon at alam niyang pagtatawanan at tutuksuhin lamang siya kapag umalingasaw ang kaniyang kalansahan...
"Haaayyyy..." Ang pagbuntong hininga na lamang ng binata After niyang sumuko at magLogOut sa FB.
Gumawa ng isang Dummy Account itong si Carlo sa FB na siya niyang ginagamit upang mailabas niya ang kaniyang tunay na Sexuality Online at doon din siya nakikipagRelationship sa mga nagiging kaClose niya sa FB.
Lahat ng mga nakaOnline Relationship nitong si Carl ay hindi niya nakakaMeet at halos pare-parehas lang ang mga ito na Sweet sa umpisa at kinalaunay hindi na magpaparamdam kay Carlo at kahit na maka-ilang PM or ilang text na ang ipinapadala ng binata'y walang effect pa ding effect sa mga ito.
Minalas-malas muli itong si Carlo dahil ganoon na naman din ang nangyari sa kaFB niya at talaga namang medyo dinamdam ito ng binata.
Hindi na talaga nadala-dala itong si Carlo dahil nakaka-ilang beses na din siyang pinupulot sa basurahan dahil sa kaniyang pakikipagRelationship sa FB.
"Kulit mo kasi Carl..." Ang sermon ng binata sa kaniyang sarili dahil batid naman niyang malas siya OnLine ngunit palagi pa din siyang nagbabakasali dahil yun lang naman ang kaniyang outlet sa kaniyang buhay Paminta.

****************10:30am******************

Ang mga nakaOnline Relationship niya sa FB ang nasa sa isip pa din ng binata hanggang sa makarating na siya sa Address na nakaSaad sa Wanted Ad at kaagad na nawala sa isipan ng binata ang pag-i-Emo niya ng mga sandaling iyon dahil labis ang kaniyang pagkagulat at pagkamangha at talaga namang hindi niya inaasahan na napakaOA sa laki ang bahay ng kaniyang pag-a-Apply-an.
Medyo nagCompose muna ng sarili itong si Carlo bago siya nagDoorbell at wala pang isang minuto'y nakarinig na siya ng pagbubukas ng tarangkahan mula sa likod ng napakataas ng gate...
"Magandang Umaga po... Ako po yung mag-a-Apply na CareGiver..." Ang bungad ni Carlo sa matandang lalaking nagbukas sa kaniya ng gate.
"Ikaw pala... Sige pasok ka..." Ani ng matandang lalaki kay Carlo.
"Ako po pala si Carl..." Ang pagpapakilala kaagad ng binata sa matandang lalaki para magpaImpress dahil kutob-kutob niyang baka iyon ang kaniyang aalagaan at magiging Amo.
"Ako naman si Crisaldo... Manong Cris na lang..." Ang pakilala naman ng matandang lalaki sabay pakikipagShake hands niya sa ina-alok na kamay ng binata.
"Ako ang Driver nina Mrs. Valdez... Tara na..." Ang paanyaya muli ni Manong Cris sa binata na siya namang ikinamangha ng isa at lalo pang ikinaExcite ni Carlo dahil bigatin pala ang kaniyang papasukan sakaling matanggap siya dito.
"Day... Papasukin mo muna siya... Siya yung nag-a-Apply na CareGiver..." Ang pagpukaw naman ni Manong Cris sa isang patpatin at maputlang maid na nagwawalis naman sa Patio ng Mansion.
"Manong Cris naman! Sabi ng Katie eh!" Ang reklamo naman ng maid.
"Huwag mo na lang pansinin yang maid at maarte lang talaga yan." Ang natatawang bulong naman ni Manong Cris sa nakaSmile na binata.
Hindi talaga makapaniwala itong si Carlo at deUniform pa ang maid...
"I'm Katie... Pasuk na tayu Ga..." Ang sambit naman ng maid na si Katie kay Carlo at talaga namang pinigilang matawa ng binata't napaka-Imba ng pangalan ng maid with matching Strong Accent pa.
Tahimik lamang na sumunod itong si Carlo kay Katie sa loob ng mansion at talaga namang lumuwa ang mata ng binata dahil sa mga mamahaling muwebles at appliances na kaniyang nakita sa loob ng Mansion.
"Upo ka dini while waiting for Ma'am... I'll call lang si Ma'am..." Ang conyotic na bilin ni Katie kay Carlo nang madala na niya sa isang maliit na salas ang binata at nang tinunguhan siya  nitong si Carlo ay kaagad namang iniwan na niya ito upang tawagin na ang kanilang Amo.
Hindi talaga maalis-alis ng binata ang pagkabilib niya sa may-ari ng Mansion dahil may receiving area pa ito kung saan siya nakaupo't naghihintay...

****************After 20 minutes******************

Matagal ding naghintay sa maliit na salas itong si Carlo at hindi naman siya nainip dahil pagala-gala ang kaniyang mga mata sa loob ng napakalaking bahay. Matagal di niyang pinagmasdan ang napakahaba't malaking Chandelier na nasa pinaka Center ng Mansion na hula niya'y talagang pinasadya para sa Mansion.
Batid ng binata na mamahalin ang lahat ng mga furnitures at palaging up to date ang mga appliances ng bahay dahil kitang-kita niya ang napakalaking Flat screen TV sa pangalawang salas ng mansion.
Hamak na mas doble ang laki nito sa kinauupuan niyang receiving area and that time lang naRealized ng binata na nakabukas pala ang Flat Screen TV...
Kaagad namang tinignan ni Carlo kung sino ang nanood at biglang nagLevel Up ang kaniyang pagkaConscious nang makita niya ang isang lalaking nakaSlouch sa napakalaking Sofa...
As a bisexual ay kaagad na in-Inspection ni Carlo ang lalaki mula ulo hanggang paa...
Fair ang skin ng lalaki at hindi maitatangging malaman dahil semi fit ang suot nitong puting Shirt...
NapaSmile itong si Carlo dahil bagay na bagay sa lalaki na sa tingin niya'y nasa 25-30 yrs old ang suot-suot nitong khaki walking shorts...
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni Carlo nang dumako na ang kaniyang pag-i-Inspection sa mukha ng lalaking nakaSlouch sa Sofa...
Barber's Cut ang Hair Style nito't napakalinis tignan ang maamong mukha nito dahil napakakinis ng kutis ng lalaki...
Nagtataglay din ito ng set ng magaganda't malalalim na mga mata...
Matangos din ang ilong ng lalaki...
Lalaong napangiti itong si Carlo nang mapansin niya na may kahawig na Artista ang lalaki...
Slight na kahawig nito si Dennis Trillo na may pagka Zanjoe Marudo at kapag tumawa ito dahil sa eksena ng palabas sa TV na kasalukuyang pinapanood nito ay nagmumukha itong kawangis ni John Lloyd dahil sa malalalim na dimples nito sa magkabilaang pisngi...
Hindi rin maitatanggi na cute ang smile nito dahil sa mapuputi'at magaganda nitong set of teeth...
"OMG..." Ang naibulong na lamang ni Carlo ng mga sandaling iyon dahil isang rare find and certified na eye candy ang lalaki sa kaniyang paningin...
"HA HA HA!!!" Ang biglang paghalakhak ng lalaki dahil sa nakakatuwang eksenang pinapanood nito sa Flat Screen TV.
NapaSmile na din itong si Carlo dahil Naruto Shippuden pala ang kasalukuyang pinapanood ng lalaki....
Favorite din niya kasi ang Anime na iyon at talagang hindi din mapigilan nitong si Carlo na matawa sa Anime kapag may mga Comedy Scenes si Naruto at ang iba pang cast...
"Good Morning!!!" Ang biglang narinig na boses ng isang babae na siya namang ikinagulat nitong si Carlo.
"Good Morning din po..." Ang kinakabahang bati din ni Carlo sa papalapit na babae.
Kahit na simple lang ang ayos ng babae na sa tingin ni Carlo'y nasa 50-60 yrs old ay halata pa din niya ang pagkaElegante nito't pagkakaroon ng High Breeding...
"Sit Down Pls... You're Carlo Right?"
"Yes Ma'am..." Hindi pa din maiwasang kabadong sagot nitong si Carlo sa kaharap niyang babae dahil hindi siya pupuwedeng magkamali sa kaniyang hinalang ito ang mag-iInterview sa kaniya.
"Kamusta ka na..." Ang heartwarming na next na tanong ng nakaSmile na babae.
"Okay naman po ako Ma'am... Kayo po..."
"I'm fine thanks for asking... Dala mo ba yung hinihingi ko..."
"Yes Ma'am..." Ang sambit naman agad ni Carlo sabay bigay niya ng mga Requirements sa babae.
"Just Call me Mrs. Valdez na lang or probably Ate Sylvs..." Ang nakaSmile na reply naman ng babae habang tinitignan niya ang mga papeles ni Carlo.
"Pasensya ka na at kailangan kong maghigpit... alam mo naman ang panahon ngayon..." Ang dagdag na sambit ni Mrs. Valdez habang iniisa-isa niya ang NBI, Police Clearance at Baranggay Clearance ng binata.
"You're a registered Nurse pala..."
"Yes Ma'am..."
"That's good..."
"So... When can you start..."
"HA???!!!" Ang malakas na tanong ng nagulat na binata sa kaniyang kaharap.
NapaSmile na lamang itong si Mrs. Valdez sa reaction ni Carlo...
"Ah... Eh... Magkano po ba ang sweldo... AY SORRY PO!!!" Ang pagbawi ng tanong ni Carlo kay Mrs. Valdez dahil nawala ang pagkoConcentrate niya sa sinabi sa kaniya ng kaharap...
"Here..." Ang sambit lang ni Mrs. Valdez sabay pakita niya sa screen ng kaniyang hawak na iPhone na ikinalaki ng dalawang mata ni Carlo.
"BAKIT ANG LAKI PO ATA???!!!" Ang hindi makapaniwalang tanong muli ng binata.
"Tama lang yang compensation mo sa magiging trabaho mo..."
"Ilan po ba ang aalagaan ko?"
"Isa lang naman..."
"Teka po pala Mrs. Valdez... Tanggap na po ba ako talaga.."
"Oo naman..."
"Ha???!!!" Ang hindi makapaniwalang usal muli ng binata.
"To Tell you the truth... Ikaw ang panglimang tinanggap ko... May nauna ng apat kaya lang due to personnal issues eh mga nagQuit din sila..."
"Bakit po nagQuit?" Ang lalo pang ipinagtakang tanong nitong si Carlo.
"Ha... Ah... Eh... Kasi..." Ang hindi madire-direchong sentence ni Mrs.Valdez sa nakangangang binata.
"HA HA HA..." Ang malakas na muling pagtawa ng lalaking nanood ng Naruto Shippuden.
"Ahm... Why don't I introduce you na lang sa magiging alaga mo..."
"Sige tara po..." Ang sambit naman ni Carlo sabay tayo sa upuaan.
"Tatawagin ko na lang siya..." Ang mabilis na ani naman ni Mrs. Valdez sa binata.
"Hindi po ba Bed Ridden ang aalagaan ko?" Ang tanong ng lalong nagtatakang si Carlo.
"Nope Dear..."
"Ha???!!! Matanda po ba???"
"Hindi rin Dear...
Why don't you sit down first..." Ang nakaNgiting sambit ni Mrs. Valdez sa papaupong nagtatakang binata.
NaImagine na kasi nitong si Carlo ng makita iya ang wanted ad sa Dyaryo na baka Bed Ridden or Elderly Person ang nangangailangan ng Care Giver.
"Wait lang Dear... May NagMessage..." Ang next na sinambit ni Ms. Valdez sa binata ng biglang tumunog ang Cellphone nito.
...
...
...
"Joey Boy... Come here..." Ang pagtawag ni Mrs. Valdez habang patuloy pa din siya sa pagteText na siya namang lalo pang ikinaCurious ni Carlo.
"Bata po pala..." Ang sambit na lamang ni Carlo ng mga sandaling iyon.
"SomeWhat..." Ang usal naman ni Mrs. Valdez.
"Wait lang po... Ano pong 'SomeWhat' Ma'am???"
"You'll see... JOEY BOY..." Ang muling pagtawag ni Mrs. Valdez kaya lamang ay wala pa ding lumalapit na bata sa kanila na napansin nitong si Carlo.
"Tsk!!! JOEY BOY!!! MOMMY's CALLING YOU!!!" Ang mas malakas na pagtawag muli ni Mrs. Valdez na siya namang ikinagulat ni Carlo nang tumayong bigla ang lalaking nanonood ng Naruto Shippuden.
Napako ang tingin nitong si Carlo sa tumayong lalaki...
"Baka anak niya..." Ang isip-isip na lamang ni Carlo nang wala pa ding lumalapit na bata sa kanila...

1 min...

2 mins...

3 mins...

Wala pa ding lumalabas or lumalapit na bata kina Carlo and that time ay natapos na itong si Mrs. Valdez sa kaniyang SMS Convo sa kaniyang iPhone...
"JOEY BOY!!! CLOSE THE TV NA AND COME HERE!!!" Ang galit na usal ni Mrs. Valdez.
Kitang-kita ng dalawang nanlalaking mata ni Carlo na nakatingin itong si Mrs. Valdez sa lalaking nakatayo...
"EHEK... YES MOMMY!!!" Ang gulat na naibulalas ng nakatayong lalaki sabay kuha ng remote at pagpatay sa TV na siya namang ikinalaki pang lalo ng mga mata ng nagulantang na si Carlo.
Hindi maiwasang pumintig ng mabilis ang puso ng binata habang papalapit sa kanila ang lalaking that he Checked Out Earlier...
Napabuntong hininga na lamang itong si Mrs. Valdez nang makita niya ang reaction sa pagmumukha nitong si Carlo...
"Please... Try mo muna kahit One month lang..." Ang pakiusap ni Mrs. Valdez kay Carlo.
"Ha... Ano po ulit iyon..." Ang tanong ni Carlo sa kaharap.
"Try mo muna kahit one month lang... Please... Mabait naman yang Anak ko..." Ang pakiusap muli ni Mrs. Valdez sa naguguluhang Binata.
"I'm sure na makakasundo mo si Joey Boy..." Ang pahabol ng umaasang si Mrs. Valdez.
"YES MOMMY!!! WHY DID YOU CALL ME???!!!" Ang maliksing bungad kaagad ng lalaki kay Mrs. Valdez nang makalapit na ito sa dalawa and that time ay unti-unti ng naaAbsorb nitong si Carlo kung ano ang kaniyang kasalukuyang situation.
"Meet you're new playmate na... Go ahead and Introduce yourself na..." Ang sweet na baby talk ni Mrs. Valdez sa kaniyang anak.
"WOW MOMMY!!!
MAY BAGO NA ULIT AKONG PLAYMATE!!!
YAHOOOO!!!" Ang masayang outburst naman kaagad ng lalaki.
Napangangang muli na lamang itong si Carlo nang biglang tumayo ng tuwid sa kaniyang harapan ang lalaki at nag-inhale and exhale...
"My name is Joey Boy..." Ang nakaSmile na introduction ng lalaki kay Carlo...
"Hmmm... Yung proper introduction Baby..." Ang sweet na pagpapaala-ala ni Mrs. Valdez sa kaniyang one and only Son.
"EHEK!!!
Sorry Mommy...
Erase... Erase... Erase..." Ang nakangiting gulat na usal naman ni Joey Boy sa kaniyang Mommy.
"My name is Joey Boy...
EHEK!!!
MALI NA NAMAN!!!" Ang natatawang sambit muli nito na lalo pang ikinagulat ni Carlo.
"Last na Mommy... Promise..." Ang next na paghingi ng paumanhin muli ni Joey Boy na iniSmile-an na lamang ng kaniyang Mommy.
"My Name... Is... Joey... Valdez...
I'm... 28 Yrs Old...
I Live at...
...
I Live at...
At...
At...
...
Mommy Nakalimutan ko na eh...
EHEK!!!" Ang sambit muli ng nakangiti't inosenteng si Joey Boy kay Mrs. Valdez.
"That's Okay Dear..." Ang sinabi na lamang ni Mrs. Valdez sabay tayo niya't yakap sa anak.
"WHAT's YOUR NAME?" Ang next na tanong ni Joey Boy sa nakanganga pa ding si Carlo.
"HA???!!! AH... EH... My Name is... Este.. I'm Carl..." Ang tense na sagot lamang ng binata at tila nahawa na siya sa pagsasalita nitong si Joey Boy.
"NICE TO MEET YOU!!!" Ang masayang reply naman ni Joey Boy sa binata at walang pasabing mahigpit niyang niyakap itong si Carlo.
"Uuuuhhhmmmpppttt..." Halos hindi na makahinga itong si Carlo dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Joey Boy.
Batid ng binata na matitigas at malalakas ang kalamnan nitong anak ni Mrs. Valdez...
"STRONG KA BA KUYA CARL???" Ang out of nowhere na next question ni Joey Boy nang pinakawalan na niya sa kaniyang Bear Hug ang binata.
"HA???!!! AH... EH... Yes naman..." Ang clueless na sagot ni Carlo na ikinalaki kaagad ng mata ni Mrs. Valdez.
"AKO DIN STRONG... LOOK OH..." Ang excited na sambit kaagad ni Joey Boy at walang pasabing itinikom nito ang dalawa nitong kamay at ngumiwi...
"GRRRRRRRR..." Ang next na usal ni Joey Boy habang para itong nag-iipon ng Energy.
"MOVE AWAY!!!" Ang sambit agad ng nagpaPanic na si Mrs. Valdez kay Carlo ngunit naging huli na ang lahat dahil hindi na nakagalaw ang binata dahil sa sobrang pagtataka niya sa ginagawa nitong si Joey Boy...
"YYYYAAAARRRRRRRRGGGHHHH..." Ang malakas na sigaw ni Joey Boy at walang pasabing umamba ito sa direction ni Carlo...
WAPAK!!!
"CAAARL!!!" Ang sigaw ni Mrs. Valdez nang parang manyikang tumalsik itong si Carlo sa kinauupuan nito.
"Are you okay..." Ang nag-aalalang tanong kaagad ni Mrs. Valdez kay Carlo habang inaalalayan niya itong makatayo.
"Ah... Ahhhh... Araaay..." Ang naiusal na lamang ni Carlo habang pinapaupo siya nitong si Mrs. Valdez.
Lalong gumulo ang isipan ni Carlo ng mga sandaling iyon habang hinihimas-himas niya ang kaniyang kumikirot na kanang braso...
"SABI KO SA'YO STRONG AKO EH!!!" Ang masaya't may happy tune pang pagyayabang ni Joey Boy kay Carlo.
"Sorry... Pagpasensyahan mo na ang anak ko..." Ang nahihiyang iniusal naman ni Mrs. Valdez sa hindi pa ding makapag-isip ng straight na si Carlo.
"SAY SORRY TO YOUR KUYA CARL!!!" Ang galit na sambit naman ni Mrs. Valdez sa kaniyang anak na bigla namang napasimangot.
"SAY SORRY NA... YOU HURT HIM!!!" Ang ulit ng Mommy ni Joey Boy.
"Okay lang po ako Ma'am... Pahingi na lang po ako ng tubig..." Ang habol hiningang request ni Carlo kay Mrs. Valdez nang makapagSalita na ito.
"SORRY KUYA CARL!!!" Ang mabilis na inusal naman agad ni Joey Boy at kaagad na lumapit ito kay Carl.
Kaagad namang nagCover ng mukha itong si Carlo at baka masapak na naman siya ngunit laking gulat ng binata ng niyakap siyang muli ng mahigpit nitong si Joey Boy...
"SORRY KUYA CARL..." Ang malungkot na muling paghingi ng paumanhin ni Joey Boy habang lalo pa nitong hinihigpitan ang kaniyang pagHug kay Carlo...
"Don't be Angry..." Ang pahabol pa ni Joey Boy...
"Okay na... Okay na..." Ang nagpaPanic na usal naman kaagad ni Carlo nang maramdaman niyang hindi na naman siya makahingang muli dahil sa pag Bear Hug sa kaniya nitong si Joey Boy...
"Have some Keyndi..." Ang nakaSmile and sweet na alok ni Joey Boy nang pinakawalan na niya itong si Carl...
"Where did you get that Candy? I told you that you can't have a Candy eh..." Ang biglang sambit naman ni Mrs. Valdez sa anak.
"EHEK!!!" Ang gulat na outburst naman kaagad ni Joey Boy.
"I'm asking you Joey Boy..."
"Ahm... ahmm... Mommy kasi eh... Ahmmm..."
"Joey Boy..."
"Ate Katie gave it to me eh..."
"Joey Boy... Bad ang nagsisinungaling...
Nakita mo na naman ba yung pinagtaguan ko ng mga sweets?" Ang pag-iInterogate ni Mrs. Valdez sa naCorner na si Joey Boy.
"EHEK!!!" Ang malakas na sambulat muli ni Joey Boy sabay takbo nito ng mabilis papuntang kusina.
"Talaga naman..." Ang bugtong hininga na lamang ni Mrs. Valdez habang napapailing na lamang ito sa kaniyang anak.
"SORRY!!! Nakalimutan na kita... Okay ka lang ba..." Ang muling tanong ni Mrs. Valdez sa nanglalambot na si Carlo.
"Ayos na po ako..."
"Can you consider it... Kahit One month lang..." Ang muling paiusap ni Mrs. Valdez kay Carlo.
"Parang mahirap po ata... "
"Mabait naman ang anak ko eh..."
"Ma'am kasi po... eh..." Sasabihin na sana nitong si Carlo na hindi niya kayang alagaan itong si Joey Boy nang naudlot bigla ang kaniyang ideDeliver na sentence...
"EHEEEEEEEEEK... EHEK... EHEK..." Ang malalakas na pagsigaw ni Joey Boy na umalingaw-ngaw sa loob ng buong mansion na ikinagulat nina Mrs. Valdez at Carlo...
"IPIS... IPIS... IPIS... IPIS... IPIS...IPIS!!!!" Ang sunod-sunod na sigaw ni Joey Boy nang lumabas ulit ito sa kusina't nagtatakbo paakyat ng hagdanan.
"JOEY BOY!!! IT'S ALREADY DIDO... PATAY NA ITU GID!!!" Ang pahabol ng katulong na si Katie nang lumabas din ito mula sa kusina na hawak-hawak ang dustpan at pinapakita ang nawalis niyang ipis kay Joey Boy.
"EHEK!!!" Ang nakakabinging pag-iyak na sigaw naman ni Joey Boy sa kanilang Maid.
"Pleeeease.... Kahit one month lang..." Ang pagmamakaawa ni Mrs. Valdez sa natulalang si Carlo.
Napakagat ng mga labi itong si Carlo at nag-isip-isip...
"Mas malaki pa ang sasahurin ko dito kaysa noong nasa clinic pa ako..." Ang nanunuksong idea na pumasok kaagad sa isip ng binata...
"Harmless naman si Joey Boy eh..." Ang muling pakiusap ni Mrs. Valdez sa binata...
"EHEK!!!" Ang muling pag-alingaw-ngaw ng boses ni Joey Boy sa loob ng buong Mansion.
"Please naman Dear... Kahit One week lang naman... Please..." Ang walang sawang pagConvince ni Mrs. Valdez kay Carlo...
"Try mo lang please..." Ang hopeless na dagdag pa nito sa nagdadalawang isip na binata.
Napabuntong hininga na lamang ang binatang is Carlo habang pinagmamasdan niya ang umaasang mukha ni Mrs. Valdez...
Hindi pa din makapag-Decide itong si Carlo nang mga sandaling iyon habang patindi ng patindi ang kirot na kaniyang nararamdam sa kaniyang brasong sinuntok ni Joey Boy...
"EHEK... EHEK... EHEK..." Ang sunod-sunod na outburst ni Joey Boy habang walang tigil ito sa kakatakbo.
Hindi na nagsalita pa itong si Mrs. Valdez at mabilis na pinuntahan na lamang nito ang kaniyang anak at iniwang nakanganga't nag-iisip itong si Carlo.
Hindi na naiwasang maisip ng binata na parang may riot sa loob ng Mansion habang pinagmamasdan niya ang nagpaPanic at nagtatakbong si Joey Boy ng mga sandaling iyon...



To Be Continued

48 comments:

  1. Embedded Music Is 'BABY LOVE' From 'The SUPREMES'

    GOODEVENING PO SENYONG LAHAT :)))

    TAKE CARE AND REGARDS SENYONG PAMILII :)))

    MAG-ADIKAN ULIT TAYO :)))

    ReplyDelete
  2. Hmmmm kakaiba na naman ang plot na ito kuya p ha. Exciting. Aabangan ko ulet ito. Mukha ngang magkakaadikan na naman tayo nyan. Hehehe
    Thanks kuya p!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dating gawi Mr.Stan :))) Tenchu sa pagbasa't pag-iwan ng Comment :))) EHEK!!! NYAHAHAHA!!!

      Delete
    2. Ehek! LOL!
      Lakas maka-ehek!

      Delete
  3. hahaha! Walangya ka kuya Ponse,pinatawa mo ako ng walang humpay! Subaybayan ko din to,ang astig mo talaga! EHEK! Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi Astig ang Kuya Pnse mo Gandang Tzekai :)))

      ADIK si Ponse... EHEK!!! HAHAHA!!! :)))

      Delete
  4. Kakaibang bromance to ponse ahh..
    Ano kayang gagawin ni carl ky joey boy para mapaamo niya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. O baka naman the Other Way Arond Kuya Richie... EHEK!!!
      To early to tell sa ngayon :)))

      Delete
  5. Next chapter na..ang Ganda..


    Sullivan Eduardo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. As soon as possible Kuya Ed :))) EHEK!!!

      Delete
  6. Bago to.. Heheh adik k tlgakuya ponse

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang kapalit ng 'Ang RnB' Kuya Russ... EHEK!!! :)))

      Delete
  7. wow panibagong aabangan kunanamn to hehe kka iba up date na po agad agad^^



    Franz

    ReplyDelete
    Replies
    1. As soon as possible Kuya Franz :))) Tenchu sa pagbasa't pag-iwan ng Comment... EHEK!!! :)))

      Delete
  8. nku nku kya pla baby boy LOL

    ikaw naiimagine q sa baby boy na to alpy ^w^

    ReplyDelete
  9. looks so exciting ang magiging flow ng story mo this tym ponse! hope plage may nupdate ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan po Tito Robert ang kapalit ng 'Ang RnB' kaya dating gawi po ulet... EHEK!!! :)))

      Delete
  10. nice story.
    Author,kayo din po ba ang nagsulat nung campus trio?
    Ndi kc tinapos yung book 2

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po ako ang nagsulat ng Campus Trio Kuyang Anon :)))
      Wait wait ka na lang po dun sa Author at baka busy sa school :)))

      Delete
  11. mukang maganda EHEK.. may susubaybayan n nman ako
    nmiss kita daddy Ponse

    ReplyDelete
  12. ganda nito EHEK
    mishu daddy ponse

    ReplyDelete
    Replies
    1. NaMiss ka sin ni Ponse Mr.Meloh... EHEK!!! :)))
      Kala ko naKidnap ka na din :))) NYAHAHAHA!!!

      Delete
  13. Ehek.... Hhahahahahaha dami ng tawa ko dito.... Dagdag mo pa si katie..anong kulay ba ang buhok nya dong? Neon green? Hahahahahaha adik lang ba... Bawal ka talaga sa Davao ba kasi bawal ang adik doon at baka ma DDS ka doon hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makikidnap din kita Kuya Pj... EHEK!!! :)))

      Delete
    2. Kumuha na ako ng bodyguard para di ako ma kidnap :p

      Delete
  14. Kuya ponse isa nnman nakakaadik na bromance novel... Sabi ko na nga eh, ikaw lang may likha niyan... Aabangan ko yan... Yan pa naman gusto ko ahek ahek... Congrats kuya adik ponse... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu sa pagbasa't pag-iwan ng Comment Kuya Bobby... EHEK!!!

      I'll be using my Signature Dark Blue Fonts and the usual Image Cover and Embed Music :))) TC PALAGE!!! EHEK!!! :)))

      Delete
  15. Naloka naman po ako sa dami ng sponsors mo Mr. Ponse, andyan na lahat, from noodles to corned beef, pati detergent hindi mo pinatawad. Hahaha!

    As always, exciting na naman po yung plot mo. Mukhang magiging lovable and riot (as well) yung story nila, since mukhang love story to between a mentally challenged guy and his nurse (tama ba? sorry as assumption. LOL). I'm looking forward sa mga susunod na chapters. Congrats! :)

    --BOOM

    ReplyDelete
  16. Alam m naman si Ponse Kuya Boom :))) Mahilig sa mga pangMasang Produkto... EHEK!!! :)))

    We're going to tackle kung ano nga ba ang 'Love' in the eyes of a pure and innocent Heart :)))

    Tenchu po sa pagbasa't pagComment Mr.Boom... EHEK!!!

    ReplyDelete
  17. May bago nanaman akong aabangan!

    ReplyDelete
  18. Wow! May bago nanaman akong aabangan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay lang po na abangan mo Kuya Uno... Huwag mo lang Kidnapin... EHEK!!! :))) JOKE!!! (Ang corny hahaha!!!)

      Tenchu po sa pagbasa't pagComment :)))

      Delete
  19. Exciting ito Kuya Ponse :)! Babasahin ko ituuu hahah

    -Yo

    ReplyDelete
    Replies
    1. NakakaRelate ka ba kay Joey Boy Yo??? EHEK!!! :))) NYAHAHAHA!!!

      Delete
  20. interesting! i want to know how he will handle his patient

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko pa din po alam kung papaano po Kuyang Anon :))) EHEK!!!

      Delete
    2. you're the author so you should know, shouldn't you? Eeeeeeekkkkkkkkkkk ayaw mo lang sabihin para mayroon kaming thrill, lol. i know you did some researching

      Delete
  21. wahaha! adik si joey boy.. wahahaha exciting! adik na adik ka kuya ponse. :)

    ReplyDelete
  22. wahaha! adik si joey boy.. wahahaha exciting! adik na adik ka kuya ponse. :)

    ReplyDelete
  23. Kuya ponse nakita ko na po thank tenchu :)))



    By the way kuya ponse meron ka po bang fb account ????

    ReplyDelete
  24. Ang cute kuyaponse :D :)

    ReplyDelete
  25. Haha nice one! Grabee ang kyut! Tawa aq ng tawa kay baby joey!

    ReplyDelete
  26. Ginulat mo ako sa pag introduce mo sa main character. Pero mas ginulat mo ako kay joey boy.. this story is very interesting.
    Just when i thought alam ko na ang pattern mo, you showed me something new. Something uncommon... nakuha mo tlga ang attention ko. i will continue reading this and sorry kasi late ko nang nasimulan. :)

    ReplyDelete
  27. Wow very nice parang budoy Lang...mukang maganda unang chapter pa lang...zenki of kuwait

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails