Followers

Showing posts with label Rainbows End. Show all posts
Showing posts with label Rainbows End. Show all posts

Tuesday, May 6, 2014

Rainbow's End 4


Good day to everyone :] Gusto ko pong magpasalamat sa blog na ito for letting me post my story. Hope you like it. I am very sorry sa napakalate na update. I was sick for a week due to respiratory infection and I needed to rest. I do hope you'll understand. Critiques and suggestions are highly appreciated. More power to MSOB!

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

CHAPTER 4

Days turned to weeks and weeks turned to months. Sabado noon ng umaaga at nagising ako dahil sa malakas na pag-alarm ng aking phone. Hinagilap ko ang pinagmumulan ng tunog at agad itong sinilip. Nawala ang pagkaantok na naraamdaman ko nang mabasa ko ang reminder na ini-set ko para sa araw na iyon.

It was the 8th year anniversary ng aming pagkakaibigan ni Trevor. Sariwang sariwa pa sa aking isipan ang unang araw nang aming pagkikita at pagkakakilala.

Baliktanaw...

Thursday, April 24, 2014

Rainbow's End 3: Flourishing Feelings

Thank you MSOB for posting my story! Critiques and suggestions are HIGHLY appreciated! Enjoy reading :D
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
CHAPTER 3: Flourishing Feelings
Tuluyan na ngang gumaan ang loob ko kay Venus. Talagang ineensure niya na hindi ako maiilang or macoconscious sa paligid ko. Hindi ko na namalayan na unti unti nang napuno ang room ng mga estudyante, hanggang sa pumasok ang isang pamilyar na tao...Ang lalaking nakabanggaan ko sa mall. I was quite shocked by the sight of him.
Nilibot niya ang kaniyang paningin around the classroom. Marahil ay naghahanap siya ng puwestong mauupuan.
"Shoooot! Not here!" ang naibulong ko na lamang sa sarili nang makita kong bakante pa pala ang upuang nasa kaliwa ko. Sa kanan ko ay nakaupo na si Venus at nakita kong nakatitig din siya sa beautiful stranger na nasa pintuan. The face, the body, the aura. Talaga namang perfect na perfect siya. Idinukdok ko na lamang sa isipan kong mahal ko si Trev para ma suppress ang aking pakiramdam.
Tiningnan ko ulit ang lalaki. Pakiramdam ko ay bigla akong kinuryente ng high voltage live wire nang magtama ang paningin naming dalawa. Napansin kong kumunot nang kaunti ang kaniyang noo at pagkatapos ay ngumiti na talaga namang nagpaningning sa kaniyang kaguwapuhan. Marahil ay naalala niya ang aking pagmumukha mula sa insedente sa mall.
Nagsimula na siyang maglakad at talaga namang lahat ng sangkatauhan sa room ay napukaw niya ang pansin. Ibayong kaba naman ang naramdaman ko nang ma realize ko ang direksyon ng kaniyang paglakad. He is inching towards me at talaga namang nakasmile pa ha. Hindi ko maipaliwanag ang feeling of uneasiness na bumabalot sa akin. Aalis ba ko sa upuan ko? No, that would be obvious.
"Hi! Can I sit here?" sabay bitiw na naman sa kaniyang pamatay na smile na alam kong pati si Venus ay nawindang din dahil sa biglang pagtigil nito sa kaniyang kadaldalan.
"Aw, ang hot." ang bulong sakin ni Venus na muntikan ko naman na ikatawa. Pagkatapos ay arteng tila naghahyperventilate.
"Ah-h, eh, no proble-m pre." ang naiilang ko na lamang na sagot sa kaniya. Pilit kong hindi pinapahalata ang pagkailang na nararamdaman ko para sa kaniya and I hope that it's effective.
"Hmm...thanks! Brent nga pala tol." sabay lahad ng kamay na agad ko namang pinaunlakan.
"Ang lamig naman ng kamay mo. haha." ang puna niya na medyo ikinahiya ko.
"Hindi ah!" ang may pagkadefensive kong tugon.
"I know that you're the guy from yesterday dun sa mall. Yung natapunan ng juice? naku I'm so sorry talaga. What's your name nga pala tol?"
"Ah, It's Clyde at tulad nga ng sinabi ko, kasalanan ko naman yun kaya nothing to say sorry about."
"Hmm...okay, if you say so." sabay ngiti na muli na namang nagpalabas sa magkabilaang dimples nito.
Parang hipnotismo ang kaniyang bawat ngiti at titig. Unti unti nitong binubuhay ang isang marubdob na pagnanasa sa aking kalooban.
Pero hindi, kailangang hindi ako magpadala. Marahil ay friendly lamang talaga ito kaya hindi dapat ako magconclude ng kung anu-ano pa.
Pinilit ko na lamang na idivert ang atensyon ko sa iba pang mga bagay sa loob ng room upang hindi na maoccupy pa ng lalaking ito ang aking pansin. Nang mapatingin ako kay Venus ay pinandilatan ko na lamang ito dahil nakangiti ito ng nakakaloko. Baka mamaya ay kung anu-ano na lamang ang biglang sabihin nito.

Thursday, April 17, 2014

Rainbow's End 2: Spark


Good day po sa lahat ! Gusto ko lang po ulit na lubos na magpasalamat sa blog na ito for letting me post my story.
Muli, ako po ay isang newbie writer and this is my first. I know that I have so much to improve and I'm willing to learn. Your comments and critiques would be highly appteciated! Thank you!
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
CHAPTER 2: Spark
After 2 days...
Talaga namang na miss ko na si Trev kahit sandaling panahon pa lamang ang dumaan. One week na lamang ang nalalabi para sa aking summer vacation. I decided to check kung online siya sa facebook. Medyo kabado ako as I logged my account. Kakaiba talaga ang tama ko sa aking bestfriend. Excited kong chineck ang online friends sa chat tab at hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang pangalang Trevor Martin Corpuz sa special tab na ginawa ko para sa kaniya, labelled bestfriend.
Nagdalawang isip akong kausapin siya dahil sa ilang na nararamdaman ko pero chance ko na ito so I clicked his name anyway.
"Hi best." Ang pambungad ko dito. Alam kong nakita niya ang message ko dahil sa seen status nito.
1 minute, 2 minutes, 3 minutes... I was about to give up at isiping na seen zoned ako when ATLAST! nagreply na siya!
"Hey Clyde, what's up?"

Sunday, April 13, 2014

Rainbow's End 1: Ray Of Hope


Rainbow's End
By: Elocihn23
Author's Note,
Hello po sa lahat ng ka MSOB! First of all, I would like to thank this blog for giving me the opportunity to post my story. Newbie writer lang po ako and this is the first time that I'm going to write a story xD Expect it to be faulty but please bear with me :-) I am very eager to learn po so your comments and critique would be highly appreciated. Thank you very much po and more power!
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Chapter 1 : Ray of Hope
Kasabay sa pagbuhos ng ulan ay ang ang pag-agos ng aking luha mula sa aking namumugtong mga mata. Hindi ko alintana ang lakas ng pagbagsak at ang malamig na hanging kaagapay nito. Wala na atang natitirang espasyo sa aking dibdib kundi ang namamayaning kalungkutan at hinagpis na aking nararamdaman.
"What have I done?" "Ang tanga tanga mo talaga!" Ito lamang ang paulit ulit kong nasambit sa aking sarili habang binabagtas ko ang kalsada. Patay malisya na lamang ako sa mga nagtatanong na mga matang nakatutok sa akin.

Wednesday, April 9, 2014

Rainbow's End TEASER



By Elochin23

Promises are meant to be broken. Iyan ang palasak na kasabihang pinaniniwalaan ng mga taong pinangakuan, pinaasa, at sinaktan. Pero paano kung ang pangakong pinanghahawakang ito ay ang nag iisang pinagmumulan ng iyong kaligayahan? handa ka bang ito ay bitawan na upang huwag nang lalo pang masaktan, o magbubulagbulagan na lamang ba sa katotohanang ika'y kaniya nang kinalimutan?

Ako si Clyde, 17 years old. Isang incoming college student sa isang unibersidad sa Cavite. May hitsura naman ako. Medyo maputi at chinito. 5'7 ang height ko. Pero mayroon akong lihim na ikinukubli sa lahat. Oo, isa akong discreet bisexual at patago kong minamahal ang aking matalik na kaibigang si Trev. Ka edad ko si Trev. Hindi ko maiipagkakailang napakaguwapo nito kahit hindi maputi at Pinoy na pinoy ang hitsura. Kung ikukumpara, may hawig siya kay Jericho Rosales. May pagkahomophobe ito dulot ng kaniyang nakaraan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit wala akong lakas ng loob na mag "out".

Pero kaunting araw na lang at mag mamigrate na sila sa States. Hindi na ito bagong balita pero talaga namang kakaibang kirot ang dulot nito sa aking puso.

Dapat ko na bang ibasura na lamang ang aking nararamdaman para sa kaniya? Oh mananatiling hopeless romantic at umasang magkakaroon din ng katuparan na ako'y mahalin niya?

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails