Followers

Showing posts with label gMore. Show all posts
Showing posts with label gMore. Show all posts

Wednesday, January 24, 2018



Beautiful Andrew
by Glenmore Bacarro
part 1 of 2.

Chapter I

“Bakit sa akin pa nangyari ito?” tanong ni Andrea, dama sa kanyang mga mata ang hinanakit at ang tila ba ay panunumbat sa Diyos. Mariin siyang napapikit na wari ba’y ayaw niyang makita ang awa sa mga mata ni Nel habang nakatitig sa kanya.

Panlimang araw palang niya sa hospital pero mabilis ang mga pangyayari at nalaman na agad ang kanyang sakit, ang pagkumpirma ay galling mismo sa kanyang nurse na si Nel. Naging malapit ang loob niya sa kanyang nurse sa kadahilanang hindi niya naramdaman dito ang anumang panghuhusga sa kanyang pagkatao, bagkus ay ang masuyong pagtanggap bilang kung ano siya.

Andrew ang totoo niyang pangalan, Isa siyang cross dresser, retokada, kabilang sa third sex, mula pagkabata ay alam niyang hindi siya tulad ng iba. Pinanindigan niya ang kanyang nararamdaman, naging mapangahas siya, bukod sa pagdadamit babae, pagkilos babae at pagaayos babae ay nagpalagay din siya ng dibdib ngunit hindi kailanman sumagi sa isip niya na ipapalit ang kanyang pagkalalaki. Walang problema, natanggap nman siya sa mundong kanyang ginagalawan at naging masaya siya hanggang dumating ang araw na ito…

“May pag asa pa, marami naman ng makabagong paraan ngayon para masugpo ang kanser.” Pang aalo ni Nel. Sa isip niya ay ang panghihinayang sa isang taong hindi nakuntento kung sa anuman ang binigay ng Diyos sa kanya. Terminal stage, alam niyang bukod sa dasal ay may pag asa pa sa tulong ng mga makabagong teknolohiya, ayaw niyang magbigay ng maling pagasa, ngunit habang nakatititg sa taong ito ay hindi niya mapigilan na bigyan ito ng kahit katiting na pagasa. Bilang isang nurse ay hindi niya mapigilan na damayan ito sa kanyang paghihirap.

“Anong pag-asa, nurse? Himala?” nagngingilid ang mga luhang tanong nito.

Hinagod ni Nel ang kanyang kamay at masuyo itong nginitian, “may pag-asa hanggat naniniwala ka” tinitigan niya ito at nakita niyang sumilay ang kislap ng pagasa sa kanyang mga mata, “handa kana bang maging si Andrew ulit?” nakangiting tanong niya ulit.

Napadako ang mga mata ni Andrea sa kanyang mga dibdib at di niya mapigilan ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mga labi, tumango siya kay Nel, “sisimulan ko na rin magpatubo ng kilay” pagak siyang napatawa, “mabuti na lang pala nabura na lipstick ko” pagpapatuloy pa nito.

Nakahinga ng maluwag si Nel, parang nawala na ang kaninang may hinanakit sa mundo na kanyang pasyente.
---

Naging mabilis ang mga prosesong pinagdaanan ni Andrew, pinatanggal ang kanyang pinaoperang dibdib sa madaling panahon at sinimulan na rin ang kanyang mahaba habang gamutan.

“Kumusta na si Andrew?” bungad ni Nel sa pasyenteng nakahiga, wala na ang dibdib nito at nasasanay na rin siyang Makita ito na nakadamit pangospital o damit panlalaki ang sinusuot, meron din pala itong itinatagong angking kagwapuhan, dangan nga lamang ay maganda ito pag nagayos babae, itinatago ng mga kolorete ang kagandahang lalaki nito.

“Eto, pinapakapal na ang kilay at malamang magpapakalbo na rin” anitong tila may lungkot padin sa kaisipang mawawala na ang ilang taon din niyang pinahabang makintab na buhok, “mabuti ng ipakalbo ko na habang hindi pa naglalagas,…” tumingin siya kay Nel at naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin, “nagsimula na ang chemotherapy ko” wala sa sariling paglilinaw nito.

“Tutubo parin naman yan eh…”

“Oh, here’s my favorite nurse, I’ve been looking for you at the whole hospital!” Mula sa bumukas na pinto ay bumungad ang malamyos at masayang tinig, tila ba isang anghel na puno ng buhay. 

Napadako agad ang tingin ni Andrew sa pinagmulan ng boses, at mula sa pinto ay nakita niya ang isang lalaking papalapit sa nakatayong si Nel. Matipuno, maganda ang katawan, bumagay dito ang dilaw at hapit niyang polo shirt, maaliwalas ang kanyang mukha na animoy palaging bagong ligo.

Lumapit ito kay Nel at walang pagngingiming hinagkan niya ito sa labi, isang mabilis at tila ba mapanuksong halik, alam niyang halik iyon ng isang kaibigan dahil wala siyang nabasang kahit anong malisya sa pagitan nilang dalawa, ngunit hindi niya mapigilan ang panlalaki ng kanyang mga mata sa kanyang nasaksihan.

“Ooops!...sorry hindi ko napigilan, nakakagigil ka kasi eh” wika ng lalaki habang nakangiti at pinisil ang magkabilang pisngi ni Nel.

“Tarantado ka talaga!” Nakangiting hinampas ni Nel ang lalaki. “O bat ngayon ka lang? Diba dapat kahapon ka pa nandito? Nagkita naba kayo ni Dr. De la….”

“Teka, di mo ba ko ipapakilala sa bago mong pasyente?” putol nito sa sasabihin ni Nel, at iginawi nito ang tingin sa nakahigang si Andrew.

Tila huminto ang ikot ng mundo ni Andrew, nakatingin sa kanya ang mala anghel na mukha ng lalaki, nakangiti at sumilay ang malalim na biloy nito sa kaliwang pisngi, mga matang tila ba nangaakit at puno ng buhay, bahagyang gumuguhit ang mga kunot sa noo nito sa pagkakangiti na siyang tila humihila sa singkitin nitong mga mata, na binagayan ng may katangusan nitong ilong. Malambot ang mga labi sa pagkakangiti na tila ba ay ayaw ipakita ang mga ngiping pantay pantay.

Hindi napansin ni Andrew na para siyang tangang nakatitig lamang sa mukha ng lalaki, hindi ito kagwapuhan, ngunit sa pagkakangiti nitoy lumabas lahat ng kanyang karisma. Narinig na lamang niya ang pigil na tawa ni Nel at ang pag ehem nito na tila ba may kung anong bara siyang tinatanggal sa kanyang lalamunan.

“Ehem..hmmm.. Carl, meet my favorite patient, Andrea” nakakalokong ngumiti ito kay Andrew “An..Andrew, I should say,” tumingin ito uli sa kanya “and Andrew, this is Carl, my…”

“Hi Andrew, beautiful Andrew, nice meeting you” pagputol ni Carl kay Nel, tumitig ito ng may napakatamis na ngiti kay Andrew. 

Ngumiti lamang siya bilang ganti at muli ay hindi niya mapigilan ang pagtitig sa lalaking kaharap. Para bang kay sarap sa pandinig sa pagkakabigkas nito ng ‘beautifu Andrew’

“What’s his case?” baling ni Carl kay Nel.

“Ca..can…cer, breast cancer” pautal na sagot ni Nel “t..terminal stage, but he has a high chance of survival, especially if he continues his chemo as prescribed.”

“A high chance of survival,” natigilan ito saglit “good news then, ayt?” tumitig uli ito kay Andrew, saglit na nagtama ang kanilang mga mata, at sa pakiwari niya ay may nabanaag itong takot sa mga matang kanina lang ay puno ng buhay.

“Anyway, Nel I’ll wait for you at the station, I’ll treat you for lunch…and name what you want to eat then I’ll buy it for you.” Iginawi niya uli ang kanyang tingin kay Andrew at kinindatan ito sabay ng napakatamis na ngiti. Tumalikod na ito at tinungo ang pinto.

Matagal ng wala si Carl pero nanatiling nakatitig parin si Nel sa pinto, tanging siya lamang ang nakakaalam kung anuman ang kanyang iniisip.

“S..sino sya?” tanong ni Andrew “I mean ano mo siya? Both of you seems to be so close?” paglilinaw niya sa tanong niya.

“Ah, si Carlos, kaibigan ko siya, palagi mu yan nakikita ditto pakalat kalat, at wag kang magataka kung ganun ang pakikitungo niya sakin dahil ganun siya sa lahat, sadyang makarisma at mabait ang taong yun…” natigilan siya habang nakatitig kay Andrew, “wag mong sabihing…nagkakagusto ka sa kanya?” wari ay nanunudyong biro niya ditto.

“Magagalit ka ba kung sakali?” balik tanong ni Andrew.

Natigilan si Nel, may kung anong agam agam at takot siyang nadarama. “H..hin..di, at alam kong walang magagalit sayo dahil wala akong alam na karelayon niya”

“Talaga?” kumislap ang mga matang bulalas niya, at hindi sya makapaniwala sa tinuran nito. Hindi niya sukat akalain na sa tono ng pananalita ni Nel ay okay lang sa kaibigan nito ang same sex relationship.

“At pwede pa kitang tulungan…” pambibitin niya at ngumiti ng nakakaloko, Masaya siya nang nakita niya ang kislap ng pag asa sa mga mata nito.

“P-promise?” parang batang nagsusumamo si Andrew.

“Of course Andrew…beautiful Andrew.” Humagalpak siya ng tawa pagkabigkas noon sa tono ng bagbigkas ni Carl. Natawa at sumabay nalang din si Andrew sa matutunog na halakhak ni Nel.

---

 “Second operation!?” tila pinagbagsakan ng langit ang nadarama ni Andrew ng ipaliwanag sa kanya ni Dr. Santos ang gagawin nilang hakbang “Tell me the truth doc, may pag asa paba ako?” tila siya batang humahagulgol. Hindi niya aakalain na hindi pa pala nawawala ang mga cancer cells sa kanyang katawan bagkus ay kumalat pa ito.

“That is the best choice para hindi lumala pa, we should remove those cancer cells bago pa mandin iinvade nito ang mga vital organs mo, there is a high chance for this second operation to be successful.”

“How about the risks doc, I know that there are possibilities that this operation will fail, and alam ko na pwedeng sa susunod ay baka hindi kayanin ng katawan ko…and ayoko ng buhay na patay doc, kung ikakamatay ko na lang din naman, why do such effort? No doc, ayoko na.”

“Mr. Tabuso, we just want you to know that we are doing the best we can do and we are offering the best choice for you, hindi parin kami nag gi-give up, as soon as pumayag ka, we’ll do the operation, I just hope that you'll say yes sooner than later, pagisipan mo.”

Hindi na siya umimik at isinubsob niya ang mukha sa unan ng kanyang kama.


Kanina pa nakalabas ang doctor ng narinig niyang bumukas ang pinto, alam niyang si Nel iyon.
Naramdaman niya ang paglapit ng mga yabag sa kanyang kama, at ang pagupo nito sa katabing upuan.

“I need to be alone, Nel…” humihikbing wika nito. Hindi ito sumagot. Isa ito kung bakit napalapit ang loob niya kay nurse Nel, marunong itong makinig at hindi ito nagsasalita hanggat alam niyang hindi pa handang kausapin.

“Bakit ako pa?” patuloy niya “All I have wanted is happiness, i just needed someone to want me, to love me. I did things to satisfy their wants. To be accepted, ang gusto ko lang naman maging normal sa mundo ko. Pero bakit ito ang ibinigay Niya? Wala ba akong karapatang lumigaya?”

Tahimik lamang siya, naramdaman ni Andrew na pinulot nito ang natanggal niyang bandanang pantakip sa ulo nito, masuyong mga kamay ang humagod sa kanyang likuran at batok, tila ba inaalalayang humarap sa kanya.

Dahan dahang humarap si Andrew, at nagitla siya sa taong kaharap. Si Carl.

Ngumiti ito, at dahan dahang isinuot ang bandana sa kanyang kalbong ulo, itinali niya ito, sakto ang pagkakahigpit na aimoy sanay sa paglalagay nuon. Dumako ang tingin niya sa mukha nito, naksilay padin ang maiklig ngiti sa kanyang mga labi, hinagod niya ang kanyang mukha, pinadaan ang mga daliri sa humpak na niyang mga pisngi, napapikit si Andrew sa ligayang hatid nito, naramdaman niya ang pagdantay ng mga daliri nito sa nakapikit niyang mga mata, at malamyos na pagdampi nito sa nangingitim na bandang ibaba nito. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa ayaw tumigil, napamulat uli si Andrew, napatitig sa lalaking kaharap, itinaas ni Carl ang mga kamay at inayos niya ang bandana sa ulo nito,

 “Tahan na Andrew, my beautiful Andrew” kasabay nito ay dinampian niya ng mahinhing halik ang pisngi nito.

Tulala, hindi maipaliwanag ni Andrew ang nararamdaman, dagli siyang bumitaw sa pagpapantasya at mahinang naitabig niya si Carl, lumayo ito ng bahagya at iniiwas ang paningin sa nuoy nakatitig paring si Carl.

“Na..na..saan si n,,nurse Nel?” mahina niyang sabi.

Imbes  na sumagot ay ang nakakatulig na masayang halakhak ni Carl ang pumailanlang sa apat na sulok ng silid.

“Ahahaha! You’re blushing.” Tudyo pa nito na siyang lalong nagpamula sa kanya.

“Anong…” namimilog ang mga matang halos himatayin sa kahihiyan si Andrew.

“Oh common, you are blushing…” ulit nito at itinuro pa ang kanyang mukha. Sa inis ay isnubsob nalang ni Andrew ang kanyang mukha sa unan at nahiga uli.

Ilang sandal ding hindi natigil sa kakatawa si Carl, hanggang sa hindi na rin niya mapigilan ang mangiti at makisabay sa nakakahawang halakhak nito.

“Tarantado ka!” sabi nitong paharap sa kanya.

“yeah I know” sagot nito na nakaniti parin. “Now you’re more beautiful that you are smiling.”

“Hmmpp..” paiwas niyang sagot. “inaasar mo lang ako kasi retokado ako, ngayun pa na makapal na kilay ko, wala nakong dibdib…hmmp!”

“Sorry, I didn’t mean that…” Sumeryoso bigla ang mukha nito “you are beautiful in every single way, and…and you look better than the girl in that picture.” Nginuso nito ang larawan niya sa may side table, group picture iyon, sya kasama ang mga kaibigan, dinala iyon ni Zachie ng malamang magtatagal pa sya sa hospital.

“Hmmpp..!” napairap siya at lihim niyang sinumpa si Zachie sa pagdadala ng larawan na iyon.
bumalik uli ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “wanna join me  for lunch?” kumindat ito “treat ko wag ka mag-alala, baka sabihin naman ni Nel hindi ko inaalagaan ang paborito niyang pasyente.”

Napangiwi siya sa narinig “So utos lang pala ni nurse Nel kaya moko nilapitan ngayon?” ngumuso siya, nagkukunwaring galit “pati ba pagiging mabait mo utos din ni Nel?”

“Ahahaha! You are so beautiful when you’re doing that.” Napakatamis ng mga ngiti niya “halika na bago pa magbago isip ko.”

Tumayo siya at sumunod sa nauna nang si Carl, nawala na ang kanina ay takot at agam agam sa kanyang puso, tila ba nawala ang kanyang karamdaman sa mga ngiting iyon.

---
Chapter 2

Naging malapit sina Andrew at Carl sa isa’t isa, halos lagi silang magkasama na nakikita sa kabuuan ng hospital, kung minsan ay nakakasama din nila si nurse Nel. Sweet at mabait sa kanya sina Carl at nurse Nel, at sa ilang araw nilang magkakasama ay hindi niya mapigilan ang mahulog ang loob kay Carl. Ang hospital ang naging tagpuan nila, matagal na ding hindi naka confine si Andrew, dumadalaw dalaw na lang din ito sa hospital para sa kanyang check up na kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya gagawin, kung hindi lang dahil sa kung minsan ay sinusumpong siya ng panghihina at pagsusuka, at higit sa lahat sa hospital lang niya lagi nakikita si Carl. Halos ginawang bahay na ni Carl ang hospital, hindi niya alam kung saan ito nakatira bukod sa isang kwarto sa hospital na kanyang pinagtatambayan pag naroon ito. Ang tanging alam lamang niya ay ulila na siyang lubos at ang namayapa nitong ama ay stock holder sa hospital na ‘yon.

Himalang wala itong cellphone, kahit halos lahat na yata ng tao sa mundo ay gumagamit nito, natanong niya minsan at tanging kibit balikat lang sagot nito sabay sabing aanhin niya pa ito? Ayaw man niyang aminin ay tuluyan ng nagagapi ng pag ibig ang lahat ng kanyang takot, hindi niya kayang ipagtapat kay Carl ang nararamdaman dahil sa tuwing nagbabalak siya ay parang lumalayo si Carl sa kanya, para bang nagtatayo ito ng pader sa pagitan nila kapag nagtatangka siyang ipadama dito ang lihim niyang pagibig. Ngunit alam niya, sa bawat salita at tingin sa kanya ni Carl ay mayroon din itong nararamdaman para sa kanya, kailangan lang niya itong paaminin, ngunit papaano?

---

 “But why Carlo?!...’di bat handa na ang lahat? Bakit ngayon umaatras ka?!” halos pasigaw na ang boses ni Nel, dinig na dinig ito ni Andrew habang papalapit siya sa pinto ng Conference Room, sinabi ni nurse Jamie na dito raw niya matatagpuan sina Nel at Carl.

“I told you my reasons, Nel… I just can’t.” mahinahon na sagot ni Carl.

“No, Carl... you should do it, please… for me, for all of us” tila nagmamakaawa na ang boses ni Nel.

“I changed my decision, I’m ready for the consequences… you can’t chance my mind Nel. I don’t want you to understand, I just want you to know.” Pagtatapos ni Carl.

“But Carl,” garalgal ang boses ni Nel, pagdakay halos pabulong itong nagsalita “it’s because of him, right? Its Andrew.”

Kumabog ang dibdib ni Andrew pagkarinig niya sa kanyang pangalan, pipihitin na sana niya ang pinto ng biglang may kung anong kirot ang sumirit sa kanyang dibdib, parang sasabog ito at waring gustong kumawala ng nagpupumiglas niyang puso, sisigaw sana siya para humingi ng tulong ngunit wala ng namutawing salita sa kanyang bibig dahil tuluyan na siyang nawalan ng ulirat, mabuti na lamang at makapal ang balabal na nakabalot sa kanyang ulo kaya hindi ganon kalakas ang hampas ng kanyang ulo sa sahig.


Pagdilat ng kanyang mga mata ay mukha agad ni Carl na alalang alala ang kanyang nabungaran.

“Are you okay beautiful?” nakangiti ngunit nagaalalang tanong nito, hinalikan niya ito sa noo.

Napangiwi si Andrew sa tinuran nito ngunit tumango na lamang siya at iginawi ang paningin sa dalawang taong naguusap sa may pintuan, sina Dr. Santos at nurse Nel.

Lumapit ang mga ito ng may pagaalala, “How’re you feeling Mr. Tabuso?” tanong ni Dr. Santos. Tahimik lang na nakamasid si Nel, idinako nito ang paningin kay Carl at dagling tumango.

Tumango din si Carl na naintindihan ang ibig sabihin ni Nel, masuyong hinalikan nito ang kamay ni Andrew, tumalikod at tinungo ang pinto.

Masuyo ang halik at ramdam niya na puno ng pagmamahal, ngunit bakit kung minsan ay umiiwas ito.
Naguguluhang itinuon niya ang paningin kay Nel, matipid na ngiti ang isinukli niya dito.

“Ahmm…Mr. Tabuso, we really have to do the operation” walang pasakalyeng paliwanag ni Dr. Santos, “base sa mga signs and symptoms mo, maaring lumala o kumalat na ang mga cancer cells”  dagling tumigil saglit ang doctor “Mr. Tabuso, you have a high chance of survival, kung papaya ka lang sana… we're just concerned sa kalagayan mo, Andrew” lumambot ang boses na pagpapatuloy ng doctor.

“Give me time to think doc.” Ang tanging nasagot niya at tumalikod sa dalawa, ayaw na niyang magi sip, gusto niyang mapag isa.

Lumabas ng kwarto ang dalawa, iiling iling si Nel at may mapait na ngiti sa kanyang mga labi, sa isang saglit din ay napatiim bagang sya, tila ba may kung anong iniisip na nagpaparanas sa kanya ng galit at sakit.


Chapter 3

“They told me, you’re still not in to it… Andrew, beautiful Andrew, they knew best.” mula sa pinto ay biglang sumulpot si Carl, nakatalikod siya dito at nakaharap siya sa bintana at nakatanaw lang sa kawalan.

Napapikit siya pagkarinig niya sa boses nito, nasasanay na siya sa pagtawag nito sa kanya ng Beautiful Andrew, at ang malamyos nitong boses ang tila ba nagbibigay lakas sa kanya kung kayat hindi pa sya tuluyang gapiin ng sakit niya gayung tinanggihan na niya ang ibang mga gamot at maging ang magpaopera, natanggap na niya ang kamatayan niya, ngunit sa bawat sandaling nakakasama niya si Carl ay sumusilay ang pagasa sa kanyang dibdib.

Lumapit siya sa tabi nito at itinuon din niya ang tingin sa kawalan, medyo mataas pa ang araw sa bandang kanluran, ang liwanag mula sa bintana ay dagling tumama sa pagod niyang mukha, wala ang sigla na dati rati ay laging nakasilay rito. Napabuntong hininga ito, malalim na tila ba ninanamnam ng bawat himaymay ng kanyang katawan ang hangin na kanyang nilalanghap, dinig na dinig ito ni Andrew.

“Ano ang pinaguusapan niyo kanina ni nurse Nel,” tanong nito na hindi parin nakatingin sa kanya “narinig ko ang pangalan ko…b-bago ako himatayin.” Sinulyapan niya ito.

“Nothing, it’s…it’s about…n-nothing. Wag mo nang isipin yon, may mga bagay kang dapat pagtuunan ng panahon kesa don.” Sagot ni Carl na iniiiwas nito na magtama ang kanilang mga mata.

Napabuntong hininga si Andrew, at hindi na nagsalita pa, tama si Carl may mga bagay na mas higit niyang pagtuunan ng pansin, itinuon niyang muli ang tingin sa malayo.

“Come, I’ll show you something” bigla ay bumalik ang sigla sa boses ni Carl, nakangiti ito at kita sa mga mata ang tila sorpresa na gusto niyang ipakita dito.

Tatanggi na lamang sya ng hilahin ni Carl ang kanyang kanang kamay at akayin siya patungo sa pinto.

Naglakad sila sa may pasilyo at tumigil sa harap ng elevator, nasa pangalawang palapag ang kanyang kwarto. Hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi ni Carl, sumakay sila at pinindot niya ang number 5 ang pinakamataas na palapag.

Pagkalabas sa elevator ay inakyat nila ang ilang hakbang na hagdang bakal patungo sa isang makipot na pinto, tumigil sandal si Carl, humarap kay Andrew at ngumiti ng matamis.

“Ready?” tumango siya bilang tugon, “here we go…”

Binuksan niya ang pinto, sa una sinalubong sya ng nakakasilaw na araw, ilang sandali din siyang nagadjust ng paningin matapos ang ilang pagkurap, at unti unti ay tumambad sa kanya ang animoy mala harding tanawin, ang halos kabuuan ng rooftop ay puno ng halaman at bulaklak, isang landscape masterpiece sa isang lugar na hindi mo aakalain na pwedeng maging ganon.

Hindi niya akalain na sa itaas pala ng hospital na iyon ay may mala langit na lugar, sa hilagang bahagi ay nakapila ang mga bansot na kawayan na halatang alagang alaga, kasama ng mga ito ang manaka nakang halaman na mala cherry tree na nagsisimula palang mamukadkad ng mga matiting kad nitong bulaklak.

Sa isang sulok ay isang fountain na bagamat hindi umaandar ay mas nagbigay buhay sa paligid dahil sa kumakapal na mga lumot at ferns na nakakapit na ditto, sa kabila ay nakatayo ang isang maliit na nipa cottage na tulad ng sa mga de kalibreng resort, dahil na din sa nakita niyang nakausling aircon sa isang sulok nito.




Nakatayo siya mismo sa pathway na gawa sa bricks at pebbles, na tila ba isang hari na maglalakad patungo sa kanyang trono, sa magkabilang gilid ay sari saring mga bulaklak at halamang nakaayos na sobrang nakakaaya sa mata. Itinuon niya ang tingin sa kung saan patungo ang pathway at hindi niya napigilan ang mapangiti at mamangha ng makita niya ang isang maliit na gazebo, doon ay may bakal na swing na nakasabit sa dalawang poste ng gazebo na halos puluputan na ng puti at pulang vine roses na hitik na hitik sa bulaklak.


Sa tabi nito ay isang maliit na puno na wala ng mga dahon at may mga napakaraming sanga, parang patay ang punong iyon, ngunit mas nabigyan nito ng kakaibang buhay ang kabuuan ng tanawin.

Napakaromantiko ng lugar, at hindi niya mapigilan ang ihakbang ang mga paa at tinungo ang duyan, naupo sya doon at nilingon si Carl na seryosong pinagmamasdan sya.

“I never thought may ganitong lugar ditto…” iginala niya ang paningin sa paligid “bakit ngayon mo lang ako dinala ditto?” kunwari ay nagtatampong ingos niya rito. Napakamot lang ng ulo nakangiti at pailing iling ang papalapit na si Carl.

Naupo ito sa tabi niya, at itinuon ang tanaw sa nakakasilaw pang araw, napapikit siya at ninamnam niyang muli ang paghugot ng napakahabang paghinga.

Pinagmamasdan sya ni Andrew, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, halos gusto niyang yakapin ito at haplusin ang maamo nitong mukha, napagmasdan niyang tila humumpak ng kaunte ang mukha nito, parang nagbawas ito ng timbang na syang lalong mas bumagay ditto dahil mas napansin ang prominente nitong cheekbones at panga.

“But this is not the thing I want to show you” putol ni Carl sa kanyang pangangarap.

“Huh? May mas maganda pa ba dito, saan?” aniyang luminga linga.

“Wait for me here” tumayo ito at tinakbo ang cottage sa bandang likod.

Naghintay siya ng ilang saglit, lumabas ito na may hawak na tabo na may lamang tubig.

“Come, fallow me.” Sumenyas ito sa kanya na sundan siya.

Naglakad ito patungo sa sulok kung saan ay nagtapos ang mga nakahilerang bansot na kawayan, huminto ito saglit sa may harap ng halamang parang cherry tree, hinawi niya ang isang sanga nitong halos mabali na dahil dami ng kulay peach na bulaklak nito.

Sinulyapan niya si Andrew at sinenyasang lumapit, “Come, I want you to see it.”

Lumapit siya, at hinanap ang anumang bagay na tinutukoy nito ngunit wala siyang Makita, napakunot siya ng noo at tiningnan si Carl ng may pagtataka.

“Ahaha…” pagak na tawa ni Carl, “there…there it is beautiful Andrew” at itinuro ito.

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito, at hindi niya naitago ang pagkadismaya sa nakita.

Sa sulok ng gusali, isang bahagi nito ang tila ba marupok sapagkat tila gumuguho na ang mga bato, at doon ay may isang halamang tumubo sa isang halos naka hung na bato, na kung hindi dahil sa mga ga-hiblang ugat nito na nakakapit sa mas matibay na parte ng pader ay gumuho na rin ang batong kinapitan nito na kung mangyayari man ay maaaring isasama din nito sa paguho pababa ang halamang nakakapit dito.

“I always see to it na hindi ito nagagalaw ni Nel o ni manong Jessy…yung taga pagalaga sa garden na ‘to, baka kasi pag sila ang nagalaga sa halamang ito ay baka tuluyang mahulog,” isinawsaw niya ang kamay sa tabo at maingat na pinapatak ang tubig sa mismong mga ugat ng halaman, kailangan pa niyang i-bend ang katawan upang maabot ito “imagine…five floors, wouldn’t that be a certain death?” tila tanong nito sa sarili habang ipinagpapatuloy ang pagdidilig. “hindi ko hahayaang mangyayari iyon sa kanya” aniyang may pagmamahal sa mga mata.

Nakaramdam ng tila pag kainggit si Andrew, mabuti pa ang halamang iyon at pinapakitahan ng pagmamahal ni Carl, pagmamahal ng parang sa isang kabiyak. May topak ba ang taong ito? Sa dinami rami ng halaman dito sa garden any yung suicidal pa ang trip alagaan? tanong ni Andrew sa sarili.

“You’re like this plant, you know?” bigla ay sabi nito.

“Huh?” naguguluhang tugon niya “Ako? Bat mu naman nasabi yan?” pag kuwa’y tila kinilg sa kaisipang ang halamang kinaiinggitan niya ay inihahalintulad sa kanya.


“That you still have a chance, that as long as your roots grasped this wall you won’t fall” seryosong turan nito. Patuloy lang ito sa matagalang pagdidilig.

“Ows? Then maybe you’re the stone kung saan ako nakatuntong?” may panunuksong wika niya.

“Bakit mo naman nasabi ‘yon, huh?” itinigil nito ang pagdidilig, ipinunas ang basang kamay sa laylayan ng kanyang damit.

“That as long as you’re there I wont fall?”

“Shouldn’t that be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember your roots hold me.” Napakaseryosong turan nito, noon lamang siya nakita ni Andrew na naging ganon ang reaksyon.

Ngumiti lamang siya, gusto niyang sabihin dito na sya ang dahilan kung bakit sya masaya at syang dahilan kung bakit hindi pa sya tuluyang bumibitaw. Nais niyang iparamdam dito na mahal na mahal na siya nito. Gusto niyang ipagsigawan sa mundo na handa niyang gawin ang lahat maangkin niya lamang ito. Nakatitig sya sa mga labi niya at pinipigilan lamang niya ang sariling siilin ito ng halik.

“This plant will bloom orange, or perhaps yellow…yes, I like it yellow.” wala sa sariling pagiiba nito sa usapan.

“Tangek! Adik ka talaga, puti at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan. Everyday ata tawag nila dyan o yan yung periwinkle?”

“Hahaha...its catharantus. And yeah I know, but I want this one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”

“E ano naman ibig sabihin niyan sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”

“Sus..tinatanong paba yon? Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakaloko “it means you are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.

“Tarantado!” ngunit hindi niya din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”





Chapter 4

“Do you believe in miracles?” walang anu ano’y tanong ni Carl habang naglalakad sila pabalik sa gazebo.

Napatigil saglit si Andrew sa paglalakad at tiningnan kung seryoso ito, “oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?” sagot niya.

“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…” sagot nitong malamlam ang mga mata “even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”

Ngumiti siya sa tinuran nito, “Have you found your miracle, Carl?” tanong niyan muli.

“Probably…” biglang lumungkot ang mukha nito at iniiwas ang tingin, “Have you seen my miracle?” halos kasabay din nitoy ang muling pagsaya ng kanyang boses.

“You have miracles, huh? Ano yun aber?”

“That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…” tumigil ito saglit at sumeryoso ang mukhang tinitigan siya nito, “Andrew, I want you to live… I want you to live and see my miracle.”

Naaaninag sa mga mata nito ang tila pa paghihirap ng kalooban.

Nais niyang yakapin ito sa mga sandaling iyon, nais niyang ipagtapat na dito ang nararamdaman, ngunit tulad ng dati ay parang naramdaman ito ni Carl at umiwas.

“Sa..sandali l-ang, ibabalik ko lang ‘tong tabo, at…at the cottage,”

“Sama na ko, isa pa gusto ko ring makita ang loob niyan,” inginuso niya ang cottage.

Sumunod sya rito, pinagbuksan siya ng pinto at pinatuloy




“Dito ako mas lumalagi pag wala ako sa kwarto ko sa 2nd floor, this is my resting place, when I want to unwind, to relax…”

Simple ang loob ng cottage,sa gitna ay may isang kama na kasya ang dalawa, sa tabi nito at side table na may lampshade, nakaharap ito sa isang tv at dvd set. Sa bandang kanan ay may pinto patungo sa isang maliit na cr. Sa kaliwa ay may isang malaking bintanang natatakpan ng malambot na puting kortina, nakaharap sa may kanluran kalinya sa may gazebo, kita ang halos buong garden, dito ay may maliit na mesang salamin at dalawang bakal na upuan na may dalawang kulay pulang throw pillow. Sa mesa ay may nakapatong na orchid sa isang maliit na paso, may pulang bulaklak din ito. Simple ngunit parang napakasarap tirhan kung masasabi na bang tirahan ang cottage na yon.

Lumapit siya sa may bintana at hinawi ang putting telang nakatabing, malapit ng lumubog ang araw, at halos anino na lamang ng lahat ng bagay ang naaaninag, napakaganda ng tanawing kanyang nakikita, hindi nakikita ng buo ang papalubog na araw dahil sa puno sa may gazebo ay natatakpan ng mga dahon nito. …mga dahon… napasinghap sya. Parang kanina lamang ay patay ang punong iyon.

Natawa si Carl, kanina pa pala ito sa tabi niya at pinagmamasdan siya, may hawak iton dalawang bote ng San Mig.Light. marahil ay nabasa nito ang iniisip niya, iiling iling na ipinahawak nito sa kanya ang isang bote at ipinatong ang sa kanya sa mesa, may kung anong inabot ito sa gilid ng bintana.

“Tirador?” manghang tanong ni Andrew, talagang may sayad na ata ang lalaking ito, sa isip isip niya.

Mula sa may mesa ay pinulot ni Carl ang tansan, niyupi niya ito sa gitna gamit ang mga daliri at walang imik na ibinala sa tirador, itinutok niya iyon sa puno at pinakawalan ang bala.

Parang sumabog ang paligid, dahil ang katahimikan kanina ay binulabog ng mga pakpak na nagpapagaspas, halos limampung ibon ang nagsiliparan mula sa patay na puno sa may gazebo. Hindi mapigilan ni Andrew ang mamangha, dahil bukod sa mga ibon ay tumambad sa kanya ang papalubog na araw na na-accentuate ng mga sanga ng patay na puno, na tila ba mga ugat na nananalaytay sa kabuuan ng papalubog na araw, mga aninong nagpabitak bitak sa araw, at tuluyang umagos ang maladalandang sinag nito sa kabuuan ng silid.



“Hindi talaga ako magaling na shooter, too bad not a single one fell” si Carl, abot tenga ang ngiti.

“It’s beautiful… the sun, the tree…”

“Yup, that was not intended, I used to watched the sunset d’yan sa gazebo kasi hindi ko nakikita ng buo mula rito, but when the tree died, ditto ko na lagi pinagmamasdan ang araw sa kanyang pamamalam…” tila may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng bigkasin niya ang mga salitang iyon, “then the birds came…”

“Yeah…the birds, unbelievable…and the tree.” ulit nito.

“Even death has its own beauty…” wala sa sariling sagot ni Carl, seryoso ang mukha nito at sa mga mata ay nagngingilid ang mga luha, iyon ang kauna unahang nakita ni Andrew ang lungkot sa mga mata ni Carl “that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.”

Mataman niyang tinitigan si Carl, “C-arl…” anas niya.

“I want you to live, Andrew” mahina ang salitang iyon, “be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

Pumatak ang unang butil ng luha sa kanyang mga mata, hindi sya makaimik, tinanggap na niya na hindi na sya gagaling, tinanggap na niya na tanging himala lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Paano niya sasabihin sa kanya na kaya ayaw niyang magpaorera ay dahil takot na siyang baka paggising niya ay magbabago ang lahat, paano kung hindi na sya magising at magiging pasanin na lang bilang lantang gulay?

Muntik na niyang ikamatay ang unang operasyon, mas nanaisin na laman niyang hayaang gapiin ng cancer ang kanyang katawan kaysa madiliin niya ang kanyang kamatayan.

Lumabas sa banyo si Carl at mukha na itong nahimasmasan, nakalahati na niya ang iniinom niyang beer sa kahihintay dito. Umupo siya sa isa sa mga silya, madilim na ng mga oras na iyon tanging ang liwanag galing sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob ng cottage. Sa garden nakabukas ang mga ilaw doon ngunit hindi parin ito kasing ganda sa tuwing umaga.

“Andrew, can you promise me one thing?” seryoso si Carl, at napakislot si Andrew sa tinuran nito, hindi na sya nasasanaw na tawagin ito sa pangalan lamang niya.

“Yes, Carl?” pagdidiin nito.

“C-can you promise me that you’ll never fall inlove with me?” tumitig sya sa kanya, binabasa ang kanyang reaksyon.

“Ah-..wha..t?...” pautal na tanong ni Andrew, gayong dinig na dinig niya ang sinabi nito.

“Promise me not to love me, that you won’t fall…”

Paano ba niya sasabihin kay Carl na nahulog na siya ng husto, na mahal naa mahal na niya ito. Heto sya ngayon at pinapapangako niya siya upang waag siyang mahalin, ngunit bakit? Bakit ayaw niyang siya ay mahalin, alam niyang nagsisinungaling lamang ito dahil ramdam niya mahal rin sya nito.

“What if I can’t?” mapaghamong sagot niya.

“Then perhaps, we should stop seeing each other…” seryosong tinitigan sya nito.



....to be continued.


Saturday, October 21, 2017

JoyRide



Authors note: 
        Halloween month is approaching. Here's a piece I made way back 2011, so some scenes are based on some subject of the past, such as the defunct show, Wowowee of ABS-CBN. All events and ideas stated in the story is my personal belief. If you have other ideas of heaven and religious belief that is opposite to mine, it is not my intention to oppose yours.
       The photo used in this story is not mine. CTTO.

Also by gMore Bacarro...
      Midnight Blue
      Endorsed To Love

JoyRide


Mag aalas tres na ng madaling araw ng nagkayayaan ang barkada na magsiuwi na. Medyo umiikot na ang paningin ko dahil medyo naparami ang inom, nagpumilit parin akong umuwi kahit hindi na ko pinapayagan ni Luigi, hindi lang dahil sa naparami na ang inom ko kundi dahil medyo malayu-layo ang uuwian ko at bukod pa sa wala akong kasabay pauwi, tanging ako lang ang naiiba ang daan na tatahakin.

Mga ilang minuto din akong naghintay ng sasakyan, bibihira na ang dumadaang jeep sa mga ganung oras. Kumaway nalang si Luigi na iiling iling ng papalayo na ang sinakyan kong jeep.

Uumupo ako sa may bandang harapan, at isinandal ang ulo sa may headrest ng upuan ng driver. Nagagapi na ng antok ang aking katawan ng bigla akong umalog sa kinauupuan ng mapadaan sa isang hump ang sinasakyan ko.

“Manong, konting ingat naman” saway ko na medyo pautal na dahil sa antok at kalasingan.

“Pasensya na boy, hindi ko napansin yung hump” hinging paumanhin niya, sabay ng paghinto dahil may sasakay na pasahero.

Sumakay ang isang babae at isang lalake na sa biglang tingin ay alam mong magkasintahan, tulad ko ay hlatang nakainom din ang dalawa.

Iginawi ko ang tingin sa mga pasahero, anim lahat pang pito ako. Isang matandang lalaki na siguro’y nasa edad kwarenta pataas ang nakaupo sa may bandang pintuan, nagiisip ako kung saan galing ang lalaking ito at inabot na ng ganitong oras. Isang nurse ang nakaupo sa tabi nito, alam kong nurse dahil nakauniform ito, at may tangang itim na libro, tila wala sa sariling nakatulala at mugto ang mga mata, sinulyapan ko siya ng may pagtataka. Sa tabi niya umupo ang kaninang magkasintahang kasasakay lang.

Mula sa kinauupuan ko naman ay nakaupo sa aking tabi ang isang lalaki, matangkad at gwapo, at nasasagap ng aking ilong ang matapang nitong pabango. Sa bandang pintuan naman ay isang ale na nakapikit at nakasandal, wari ko ay natutulog.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata ng humintong muli ang jeep. Naramdaman kong umusog papalayo ang katabi kong lalaki at ang pagupo ng isa pang pasahero, hindi ko na iminulat ang aking mga mata dahil sumasakit narin ang aking ulo.

Wari’y naalimungatan ako ng maramdaman kong tila nagkakagulo, may sari saring boses akong naririnig na hindi pa naipoproseso ng aking utak dahil sa kalasingan.

“Walang gagawa ng masama kung ayaw niyong unahin ko kayo! Pag may tumakas babarilin ko.” bigla kong iminulat ang aking mga mata ng marinig ko ang boses na iyon.

Tila nawala ang kalasingan ko ng makita kong nakatutok ang isang baril sa mga pasaherong nadoon, sa aking tabi ay isang lalaking naka jacket ang may hawak ng baril, tanging sa akin lamang hindi nakatutok dahil akoy nasa tabi nito.

“Walang mangyayaring masama kung susundin niyo lamang ang gusto ko.” Sigaw ng lalaki, “lahat ng pera, alahas pati celphone niyo, ilagay niyo sa plastik na to…ikaw, kolektahin mo!” utos nito sa lalaking katabi ko kanina bago siya sumakay.

Napagtanto kong nakatigil pala ang jeep na sinasakyan naming sa isang madilim na kanto. Pilit kong hinuhuli ang mga mata ng holdaper, hindi ako takot sa baril, marahil ay dahil sa bata pa ako ay nakakakita at nakahawak na ako ng mga ganung bagay. Hinahanap ko ang kaba sa aking dibdib ngunit marahil sa epekto ng alak ay tila ba wala lang sa akin ang nangyayari.

Iniabot ng lalaki ang plastic na pinagkolektahan ng mga gamit, limingon sakin ang holdaper at sinenyasang kunin ko iniaabot ng lalaki, kalmadong inabot ko iyon at hindi ko napigilang itaas ang aking kilay na wari ba nagtatanong kung ano ang gagawin ko doon.

“Ibigay mo sa driber,..oy ikaw, lahat ng pera ilagay mo d’yan sa supot…” utos nito sa driver, tulad ko ay kalmado lang ding sinunod nito ang utos niya.

Nababanaag ko ang takot sa mga mata ng lahat ng pasahero, ang ale sa may pintuan ay tila ba gusto ng tumakbo ngunit pinipigilan lang ang sarili, sa nerbyos ay naluluha ito. Ang matandang lalaki sa tapat nito ay tila nagiisip kung papaano niya maagaw ang baril na hawak ng holdaper, ngunit sadyang malayo ito sa kinauupuan namin. Ang nurse ay tila humuhugot ng lakas sa librong hawak dahil yakap yakap niya ito. Samantalang mahigpit din ang yakap ng babae sa kanyang kasintahan at pilit itinatago ang mukha na tila ba na pag ginawa niya iyon ay maglalaho bigla ang holdaper, nakayapos din ang lalaki na wari ay pinoprotektahan ang babae.

Palipat lipat ang baril sa pagkakatutok sa lalaking katabi ko kanina, na sa gwapo nitong mukha ay nababanaag din ang takot, at sa mga pasaherong naroroon. Manaka naka ay inililipat nito ang baril sa driver at kung minsan ay sa mukha ko. Magkalapit lang kami ng holdaper, na sa maling galaw ko lang ay maaaring ako ang uunahing barilin.

Habang iniaabot ng briver sa akin ang plastic na naglalaman ng pera at mga gamit ng mga pasahero ay natanaw ko ang paparating na head light. Nabuhayan ako ng loob ng sa di kalayuan napansin kong isa itong patrol car.

Dalian mo, ilagay mo ang mga gamit mo sa pastik.” Utos nito sa akin, wala itong kaalam alam na papalapit na ang sasakyan.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng aking loob ng walang anu ano’y bigla kong inagaw ang baril na hawak nito, nagpambuno kami at sa paligid ay dinig ko ang sigawan, at ang hindi matatatwang sirena ng patrol car.

Mabilis ang mga pangyayari, naramdaman ko na lamang na ginapi ako ng kanyang lakas at ang paghampas ng matigas na bagay sa aking ulo, at bago ako nawalan ng ulirat ay isang malakas na putok ang pumailanlang.

----

Iminulat ko ang aking mga mata, at ramdam ang sakit sa aking ulo, nawala ang aking kalasingan, kinapa ko ang aking noo at naramdaman ko maiinit na likido na umaagos mula rito, sa lumilinaw kong mga mata, ay napagmasadan ko dugo sa aking mga palad.

Pinilit kong tumayo, at laking pasalamat ko ng tumigil na ang pagagos ng dugo mula sa ulo ko na napukpok, nakapagtataka ito dahil alam kong matagal bago huminto ang pagdurugo pag sa ulo ang nasugatan.

Lumabas ako ng jeep at nakita ko ang papalayong patrol, nakatayo ang mga pasahero at ang driver na nakatanaw sa papalayong patrol.

“Kawawa naman siya,” dinig kong bigkas ng driver. Nainis ako ng marinig ko iyon, bakit naawa pa ang driver sa holdaper na iyon, at isa pang kinaiinisan ko ay ang hindi pagdala sa akin sa hospital. Mabuti na lamang at huminto na ang pagdurugo ng aking sugat.

“Sa tingin mo patay na kaya yon?” tanong ng matandang lalaki sa nurse na katabi nito kanina, may mga bakas ng dugo sa puting uniporme nito.

“Hindi ako doctor…pero alam kong malala ang tama niya, n-napuruhan siya.” Umiiling iling ang nurse, at tila ba gusto nitong maiyak.

May kung anong kirot akong naramdaman ng marinig ko ang tinurang iyon ng nurse, ang putok na iyon ay marahil galing sa mga pulis, na kung nagging mabagal lang ang kanilang responde ay maaring ako ang nabaril at napatay ng holdaper.

“Halina kayo, ihahatid ko kayo sa kung saan man kayo pupunta, tutal wala namang sumama sa inyo sa presinto ay hayaan niyo nalang na ihatid ko kayo” pagmamagandang loob ng driver.

Imbes na makisali sa umpukan ay umikot ako sa may harap ng jeep at pumasok, naupo ako sa passenger seat at hinintay na makasakay lahat ngf pasahero, ilang saglit pa ay pumasok na rin ang driver, natigilan ito pagkakita sa akin, sa mga mata ay ang dagling pagtataka, iginawi nito ang mga mata sa natutuyong dugo sa aking noo.

“Bakit nandito kapa anak?” tanong nito habang papasok at umupo.

“Okay lang ako manong…tara joyride na tayo, ako na huli niyong ihatid.” Wala sa sariling sagot ko, tuluyan ng wala ang kanina ay pagkaantok at ang kalasingan ko.

“Sige, joyride tayo anak…” umiling iling na sagot ng driver.

---

Nakausad na ang jeep at bahagyang nakakalayo ngunit dama parin ang tension sa loob. Ang mga pasahero ay tila nagkukumpulan sa may bandang pinto ng jeep, nakita kong magkahawak kamay pa ang babaeng may kasintahan at ang aleng umiiyak parin dahil sa takot.

Lumiko ang  ang jeep sa isang eskinita at huminto sa tapat ng isang apartment, dinig ko ang pagpapasalamat ng matandang lalaki at bumaba ito.

Umandar na muli ang dyip, nagtanong ako ng may pagtataka sa driver.

“Paano mo nalaman na doon bababa ang mama eh hindi ko naman narinig na sinabi niya kung saan siya nakatira?”

Ngumiti lamang ang driver at inabot nito ang built in cd player ng kanyang sasakyan
“Soundtrip muna tayo para masaya ang iyong joyride” pinindot nito ang play button at pumailanlang ang matamis na melodya sa kanyang sasakyan.

Ngumiti lang din ako at nawala sa isip ko ang tanong ko kanina.

“Ano nga po pala ang pangalan niyo?”

“Lando, pwede mo akong tawaging ‘tay Lando.” Inginuso nito ang naksulat sa may bubong ng kanyang dyip sa bandang taas lang niyang nakaupo. Tatay Lando

Iginawi ko ang tingin sa aking uluhan ng mabasa ko ang nakasulat din doon, Nanay Edith sa aking kuryusidad ay nilingon ko kabuuan ng dyip at sa bubong nito ay nakasulat ang iba’t ibang pangalan Jhon Michael, Edisha, Raffael, Christine, Pat-pat, Jeff, Bantay…bahagyang tumaas ang kilay ko ng mabasa ko ang huling pangalan.

“Bantay?”

“Ahahaha…si bunso kasi, gusto niya nakasulat din si bantay.” Nakatawang sagot ni ‘tay Lando. Doon ko napagtanto na ang mga pangalang iyon ay mga pangalan ng kanyang mga anak.

“Malaki pala ang pamilya niyo ano ho?”

“Oo, at sa awa ng Diyos masaya at nakakaraos naman kami…mabuti na lamang at nabawi ko ang kinita ko sa holdaper na ‘yon, di sana walang pang saing si misis.” Anitong inginuso ang pangalang nasa uluhan ko.

“Hindi ba kayo nahihirapan… anim ang anak niyo.”

“Kung minsan oo, pero pag umuuwi ako nararamdaman ko mga yakap ng mga anak ko nawawala lahat ng hirap…isa pa tulong tulong naman kami. Si misis nagtitinda sa palengke, yung panganay ko may trabaho na din, at yung panganay naghahanap na din ng mapapasukan…”

“Mahirap maghanap ng trabaho ngayon…ako nga hanggang ngayon tambay padin.”

“Yan ang mahirap sa gobyerno natin…mas inuuna pa nila ang pangungurakot bago ang problemang dinaranas ng bansa natin.” Umiiling iling na sabi nito.

“Tama po kayo, kawawa ang mga tulad naming…ang iba pa pinagsasamantalahan ang pangangailan natin ng trabaho…haisss..” napbuntong hininga ako.

“Sabagay, hindi magiging Pilipinas ito kung hindi ganon…” pagak na natawa si ‘tay Lando. “Kaya dumarami ang holdaper eh.” Inabot nito ang pamunas at pinunasan ang windshield ng kanyang dyip upang makita ang daan dahil nanlalabo ito dahil sa tila nagpapawis ito, tila may hamog na laging nagpapalabo dito, nagtataka ako dahil maalinsangan naman ang panahon.

Hinintay kong matapos siya sa ginagawa bago ako nagsalita.

“Hmmm ‘tay Lando, ilang beses naba kayong nahoholdap?”

“Pangalawa ngayung gabi, buti na lamang naibalik sakin ang kinita ko, pero…” kusang binitin nito ang sasabihin at tumingin lang sa akin ng makahulugan.

Magtatanong pa sana ako ng ihinto niyang muli ang dyip at bumaba ang magkasintahan, sandaling naghintay si Mang Lando at sumakay muli ang lalaki pagkatapos nitong ihatid hanggang makapasok ang babaeng kasintahan sa loob ng gate ng kanilang bahay.

“Ang galling, paano niyo uli nalaman na dito bababa ang babae at hinintay niyo pa ang lalaki, eh wala naman akong naririnig na sinabi nilang dalawa?” nagtatakang tanong ko kay Mang Lando.

Ngumiti ito at kinindatan ako, “Nag eenjoy kaba sa Joyride mo anak? Kahit hindi mo sabihin sa akin kung saan ka pupunta eh maihahatid kita sa bahay niyo…” tiningnan niya ako na tila ba nanloloko…

Sineryoso ko ang tinuran nito dahil nagtataka din ako kung bakit at kung papaano niya naihatid ang dalawang pasahero gayung halos hindi nagsasalita ang mga ito.
“May madjik ka ata eh” sagot kong sinakyan ang pagbibiro nito.

“Ahahaha..hindi naman anak, may kakayahan lang ako na naiiba sa karamihan.”

“Anong kakayahan. ‘tay Lando?”

“Nababasa ko ang iniisip ng mga taong nasa paligid ko.” Nangingiti itong sumagot at tumingin sa akin.

“Huh? Di nga ‘tay? Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumawa lamang ito, at sumilip sa kanyang rear view mirror.

“Sige nga tay ano iniisip ko?” naghahamong turan ko.

“Iyon nga ang problema ko kanina pa, hindi kita mabasa…” nakangiti parin ito ngunit kita ko sa kanyang mga mata ang tila lihim na siya lamang ang nakakaalam.

“O e pano moko ihahatid kung hindi mo naman pala nababasa ang isip ko?” tila may pagmamayabang na tanong ko “Hmmm..sige, sila na lang…” lumingon ako sa mga pasahero, “…yung unang dalawang bumaba, bukod sa alam mo kung saan sila bababa ano pa ang iniisip nila?”

“Makulit ka din ano? Kapareho mo ang bunso ko…sige, yung unang lalaking matanda alam mo bang ang iniisip kanina bago ang kaguluhan? Iniisip niya ay ang paghihinala sa kanyang misis?”

“Paghihinala?”

“Oo, naghihinala siya na may kalaguyo ang kanyang misis…nakakatawa nga kung bakit ganon ang tao kung minsan, kung kalian tumatanda na tsaka pa sila nagkakaganoon…”

“Malay mo may pinaghuhugutan siya sa kanyang hinala…” tanong ko.

“Anak, ang tao matagal na sa kanyang kamalayan ang paghihinala…nasa sa atin kung papaano natin gapiin ito, isa pa sa tingin mo ba tatagal ang relasyon nila ng ganon kung niloloko lamang siya ng kanyang misis?”

“Eh bakit siya naghihinala?”

“Ibabalik ko sayo ang tanong anak, bakit maghihinala ang isang tao ng mga bagay na hindi pa niya nakikitaan ng pruweba?”

“Siguro dahil…” natigilan ako “..siguro dahil siya mismo ang gumagawa nito?” wala sa sariling sinagot ko ang sariling tanong, “kaya lang naman naghihinala ng masama ang isang tao sa kapwa nila ay dahil malamang sa hindi ay sila mismo ang gumagawa ng mga bagay na kahina hinala.”

Natawa na lamang si Mang Lando, ngunit hindi ako sigurado kung umaayon siya sa sagot ko.

“Eh yung babaeng kakababa kanina, yung jowa nung lalaking ‘yon?” nginuso ko sa rear view mirror ang lalaki.

“Ah yun ba, alam mo ba kung ano ang iniisip niya habang nagkakagulo kanina? Gusto niyang ipagtapat sa kanyang kasintahan na ang matalik na kaibigan nito ang tunay niyang mahal…” umiling iling si Mang Lando, “…iniisip niya na bago siya mamatay ay kailanganag maipagtapat niya…ngunit alam mo kung ano ang mas nakakatuwa?” ngumiti si Mang Lando na tila ba may isang lihim na gusto niya isiwalat, inabot nitong muli ang pamunas at pinunasan ang nagpapawis na windshield habang nagsasalita “…ang nakakatuwa ay ang iniisip ng lalaking iyan, na ipagtatanggol niya ang babaeng mahal niya at handa niyang ialay ang buhay hindi para sa ikaliligaya ng sarili…kundi para sa dlawang taong mahalaga sa buhay niya.”

Napatingin ako kay Mang Lando, “Anong ibig mong sabihin ‘tay?”

“Ang misteryo nga naman ng buhay hindi ba, anak? Kapag nanganganib o kapag kaharap mo na ang kamatayan bumabalik at bumabalik ka pa din sa kung saan ang matuwid. Oo ang unang instinct ng tao ay ang iligtas ang sarili, ngunit habang tumatagal ay ang kaligayahan ng kanilang mga mahal ang iniisip. Alam ng lalaking iyan na ang tunay na mahal ng kanyang kasintahan ay ang kanyang matalik na kaibigan, at hindi ba nakakatuwang isipin na handa niyang ialay ang buhay para sa babaeng minamahal at ang matalik na kaibigan? At ang babae, alam man niyang masasaktan ang lalaking nagmamahal sa kanya, at masakit man sa kanya ay handa niyang tanggapin ang anumang kaparusahan sa pagtatapat na gagawin niya. Sa huli ay ginusto niyang itama ang mga pagkakamali.”

Mahaba ang naging paliwanag ni Mang Lando, aaminin ko nahirapan ang utak ko sa pagiintindi ng kanyang mga sinabi.

Tumigil ang dyip at bumaba ang lalaki, lumingon ako at sa aking puso ay ang pagkahabag.

“Wag kang maawa anak, iyan talaga ang katotohanan sa buhay. Tanggap na ng lalaking iyan ang kahihinatnan ng kanyang relasyon, nakapagdesisyon na siya. At huwag kang magalala, kaya may nawawala sa ating buhay ay dahil may darating na mas higit pa sa nawala sa atin, isang tao o bagay na makapagpapasabi sa’tin ng pagpapasalamat kung bakit nawala ang mga bagay na dati’y naging atin. May mas lamaking plano ang nasa itaas.”

Napangiti na lamang ako sa tinuran ni Mang Lando, hindi ko lubos maisip kung papaanong nakakabuti sa isang tao ang nawalan.

Narinig kong pagak na natawa si Mang Lando at tumingin ng makahulugan sa akin.

“Tingnan mo ang nurse na iyon,” nguso niya, lumingon ako sa nurse na hanggang ngayon ay yakap yakap parin ang libong hawak “…nawalan din siya ng minamahal, ngunit hindi tulad ng lalaking iyon may pagmamahal na naisukli sa kanya.”

“Mabuti pa pala siya, nakaranas siya ng pagmamahal sa babaeng minamahal niya.”

Narinig kong muli ang pagak na tawa ni Mang Lando, “May mga pagmamahal na hindi pa lubusang natatanggap ng lipunan…ang ipinagtataka ko lang, bakit kailangan pang itatwa kung parepareho lang naman tayo ng hanap,” tiningnan ako ng makahulugan ni Mang Lando, “…hindi bat pagmamahal ang hanap nating lahat? Ikaw anak nasubukan mo na bang magmahal?”

Sasagot na sana ako ng biglang napapreno si Mang Lando dahil sa biglaang pagtawid ng isang asong askal, napasinghap ang ale at napausal ng dasal, tumalsik ang hawak na libro ng nurse at dumausdos paharap, nabuksan ang balat nito at sa unang pahina ay nakasulat ang mga katagang “Endorsed to Love”. dinampot niya ito, at pilit kong hinuli ang mga mata nito, nakita ko ang lungkot ngunit tila tumagos lamang sa akin ang kanyang mga tingin. Kakausapin ko sana siya ng umalulong ang asong muntik masagasaan, kinilabutan ako at napalingon sa asong tila may kung anong nakikita sa loob ng dyip.

Pinaandar muli ni Mang Lando ang dyip at kita sa kanyang mukha ang lungkot at umiling iling “Sadyang napakahiwaga ng buhay…ah eh anak, nageenjoy ka naman ba sa iyong joyride?” makahulugang bigkas nito.

“Oo naman po,” nangingiting wika ko, “medyo kinilabutan lang ako dun sa aso, nakakatakot…para bang ditto pa sa dyip nakatingin.”

“Bakit ka natatakot, hindi naman sila nananakit?”

“Anong ibig niyong sabihin…?” napamaang ako at kinilabutang muli ng mapagtanto ko ang kanyang ibig sabihin. “…ibig niyong sabihin, m-may…”

Huminto ang dyip at bumaba ang lalaking nurse, nilingon niyang muli ang nakaputing lalaking bumababa sa dyip, tangan parin nito ang itim na libro na tila ba doon siya humuhugot ng lakas.

“Napakadakila ng pagibig niya…” bulong ko at itinuon kong muli ang tingin kay Mang Lando na abala sa pagpupunas ng wind shield.

“Balik tayo sa usapan ‘tay Lando ano ang ibig niyong sabihin kanina?’
 “Marami sa kanila ang hindi alam ay patay na sila…” panimula ni Mang Lando at muli ay pinaandar ang dyip “ang iba ay sadyang ayaw lang na umalis pa ditto sa lupa dahil mayroon pa silang gusting gawin.”

“Nakakakilabot naman kayo ‘tay Lando, pano nyo naman nalaman yun…?”

Ngumiti lamang ito.

“Hanep naman kayo, bukod sa nakakabasa kayo ng isip ay nakakakita pa kayo ng multo?” pabirong sabi ko.

“Hindi lang nakakakita anak, nakakausap ko pa sila, madalas ay sila mismo ang gumagawa ng paraan para makausap ko.”

“Ganun ba, pero bakit may mga taong nakakakita rin pero hindi kinakausap?”

“Parang buhay din sila anak, gayung bukas ang kanilang mga mata at tenga ay nakikita at naririnig lamang nila ang mga bagay na gusto nilang makita o marinig, at alam mong nandyan sila sa paligid kapag nararamdaman mo ang kilabot at lumalamig ang paligid mo.” lumingon siya sa akin na tila ba may gusto pang sabihin.

“Ang labo naman ‘tay, pano yun?” putol ko.

“Katulad din sila ng ibang buhay na tao na nabubuhay sa pagkukunwari o kasinungalingan. Gayung alam nilang patay na sila ay hindi nila tanggap iyon at patuloy silang nagkukunwaring nabibilang parin sila dito sa ibabaw ng lupa…at pag nagtagal tuluyan nilang makakalimutang patay na sila at nanatili silang palaboy sa mundo ng Kalagitnaan, kung saan dito ay nakikita lamang nila ang gustong makita, at naririnig lamang nila ang gustong marinig o nararamdaman nila ang gusto lang nilang maramdaman.”

Saglit akong natahimik at pinagmasdan si Mang Lando na pinupunasang muli ang wind shield.

“Tama ba ang pagkakaintindi ko ‘tay, na sadyang ang pagtanggap sa katotohanan ang siyang nagpapalaya sayo? Sabagay may mga taong kahit nakikita mong masaya sa mga panlabas nilang kaanyuan ay may mga itinatagong lungkot o hinanakit sa mundo, na sa paghubad lamang sa maskarang kanilang suot ay doon makikita ang tunay na sila, at mananatili sila sa kulungang gawa ng kanilang pagkukunwari at mananatiling nakatabing sa kanilang mga mata ang maskarang kanilang suot kaya hindi nila mahanap ang daan tungo sa kanilang tunay na kaligayahan…tama ba ako ‘tay?” mahaba kong paliwanag.

Tumingin sakin si Mang Lando…natutop ko ang aking bigbig ng makita kong duguan ang damit nito.

“A-anong…? O-Okay lang kayo…?”

Napakunot ang noo niya at ibinaba ang tingin sa kanyang damit.
“A eto ba, ngayon mo lang nakita…” saglit itong natigilan at tinitigan ako ng makahulugan, “…nakuha ko ang mantsang ito ng binuhat ko yung nabaril kanina.” paliwanag nito.

“G-Ganun ba,” ngunit bakit parang hindi ko napansin mula kanina, “…a eh, kumusta naman y-yung h-holdaper…napatay ba siya? Dinig ko yung nurse kanina…”

Tumingin siyang muli at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

“Y-yung nabaril…” paliwanag ko, “yung holdaper…yung nabaril, sa tingin niyo ho buhay pa yun? Mabuti na lamang at dumating ang mga pulis…pag nagkataon baka ako na ang binaril niya.”

Sa halip na sumagot ay inihinto ni Mang Lando ang dyip sa isang squatters area, sumilip siya sa nanlalabong rear view mirror at hinintay na makababa ang lalaking katabi ko kanina.

Napalingon din ako, at muli ay bumalik sa isip ko ang usapang hulaan sa iniisip ng mga pasahero.

“O ‘tay, bumaba na yung pogi hindi ko pa natatanong kung ano ang iniisip niya” lingon ko kay Mang Lando.

“Sa tingin mo may asawa na ang lalaking iyon?” balik tanong niya sa akin.

“Mukha pa naman syang bata at sa porma mukhang binatang binata pa…” sagot kong tila ba naamoy muli ang samyo ng pabango ng lalaking iyon.

“Maporma siya at mukhang mamahalin diba anak?”

“Oo nga po eh…” natigilan ako ng may napagtanto ako.

“Di ba?” makahulugang ngumiti siya sa akin na naintindihan ang aking iniisip, “kailangan ng lalaking iyon ang ganda ng katawan at ganda ng kasuotan…dahil sa mundo niya iyon ang puhunan.”

Napalingon ako sa lugar na binabaan ng lalaki, at kita sa lugar na iyon ang isang patotoo na hindi talaga pantay ang estado ng bawat tao.

“Kasalanan ba ang maging mahirap?” wala sa sariling tanong ko.

“Kapag sinabi ko bang oo ay nabigyan ko ng rason ang trabaho ng lalaking iyon?” balik tanong ni Mang Lando, na ngayon ay nasasanay nako sa paraan ng kanyang pagsagot “..at pag sinabing kong hindi, may magagawa kaba o ang gobyerno…o tayo, upang gawing pantay pantay ang lahat?” pagpapatuloy nito.

Hindi ako nakasagot dahil nagtatalo ang isip ko sa kung alin nga ba dahilan kung bakit may mayaman at kung bakit may mahirap.

Sa hindi ko pagsagot ay ipinagpatuloy ni Mang Lando ang mga sagot patanong.

“…kung hindi siya maghuhubad para sa iba’t ibang uri ng taong nananamantala sa kanyang ka-wala-an may ipapakain kaya siya sa kanyang magina, may pambili ba siya ng gatas ng kanyang sanggol na anak? Kung hindi niya titiisin ang pagsasalaula sa kanyang katawan marahil ay mamatay siya at ang kanyang mga mahal sa buhay na dilat ang mga mata…alin ba ang mas nanaisin ng isang tao, ang sirain ang sariling buhay o tanggalin ang sariling dignidad kapalit ay buhay ng mga taong mahal niya, o ang mabuhay ng tuwid sa mga mata ng tao kapalit ay ang pagtitiis na makita ang mga mahal niya na unti uti ginagapi ng kamatayan? Sa mga tulad niya, tanging pagkain sa hapag ang nagbibigay lakas upang ipagpatuloy ang pagsuong sa mga pagsubok na kinakaharap nila araw araw.”

“Ngunit hindi ba kasalanan maging sa mata ng Diyos ang kanyang ginagawa, bakit hindi siya magsikap at maghanap ng disenteng trabaho, mukha naman siyang malakas.” tanong ko.

“Nakita mo kung saan siya nakatira anak diba, sa tingin mo nakapag aral ba siya? At hindi ba ikaw na rin ang nagsabing mahirap makahanap ng trabaho…sa isang tulad mong nakapag aral…maswerte ang mga tulad niya na tinatanggap parin sa kabila ng pagiging mangmang at mahirap, ngunit siya…alam mo bang habang nagkakagulo kanina, inisip niya na sana sya na lang ang nabaril at napatay upang makatakas na siya sa sumpang ipinagkaloob sa kanya mula pagsilang…ang sumpa ng pagiging mahirap, ngunit kanina…” tumigil siya saglit at sumilay ang malungkot na ngiti “ngunit kanina bago siya bumaba, alam mo bang lubus lubos ang pasasalamat niya sa Diyos at buhay pa siya upang maiabot niya sa kanyang maybahay ang gatas ng kanyang anak?”

Pilit iniintindi ng utak ko ang mga sinabing iyon ni Mang Lando, at nasagot ang tanong ko kanina, na namatay nga ang nabaril na holdaper.

“Ano nga ba ang maituturing na kasalanan sa mata ng Diyos?” tanong na nagpabalik sa akin sa malalim na pagiisip, napatingin ako kay Mang Lando na inaabot ang pamunas.

Sinagot ko siya kung ano ang obvious na sagot “Kung ano ang maga nakasulat sa Bible?”

Pagak siyang tumawa, “Kung ganon…kasalanan ang ginagawa ng lalaking iyon, ganun ba yon anak?” tanong niyang may ngiti parin, “..at lugmok din sa kasalanan lahat ng mga taong pumatol sa kanya…kung ganon nawalan ng rason ang lahat, kasalan ang maghanap ng ipapakain sa iyong pamilya sa paraang pagsasalaula sa iyong katawan, at kasalanan ang maghanap ng panandaliang aliw o panandaliang pagmamahal na sa mga tulad niya mo lang mahahanap…at ang lahat sa pagmamahal lang din nagsimula…kung ganon kasalanan nga ang magmahal…”

“A-Alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin ‘tay” ani kong napaamang sa kasagutan niya, ngunit aaminin kong may kung pwersa ang nagtutulak sa akin upang tanggapin ang katotohanang iyon.

“Ahahaha…” muli ang pagak niyang tawa, “…alam ko anak, maging ako ay hindi naniniwala sa mga sinabi ko, ngunit kung minsan mahirap lang intindihin ang batas na sumasakop sa ating buhay.

“Ang kasalanan ay gawa ng kasamaan.” sagot ko na naguguluhan padin at pilit na binibigyan ng rason ang mga katagang narinig ko.

“Hindi ako naniniwala sa kasamaan” sagot ni Mang Lando, tuwid at tila ba nagsasabi lang ng kanyang pangalan.

“Kung ganon hindi rin kayo naniniwala sa kasalanan?”

“Isa ang mahirap intindihin ng bawat isa sa atin… na walang batayan ang kasamaan, na wala ang kasamaan kung nandiyan ang pagmamahal. Tandaan mo anak, walang sariling ‘pagkatao’ ang dilim…hindi ito kusang dumarating, nagkakaroon lamang nito kapag nawala ang isang bagay, kapag nawala ang liwanag doon lamang nagkakaroon ng dilim. Walang kusa, hanggat nariyan ang liwanag, hanggat hindi inaaalis o hanggat hindi nawawala hindi at hindi kailanman darating ang dilim…hanggat may pagmamahal, walang kasamaan at kapag wala ang kasamaan wala ding kasalanan ang isisilang sa mundo”

Tagos ang mga katagang iyon ni Mang Lando, walang pagkukusa ang kasamaan…natahimik ako at pilit iniintindi kung bakit nararanasan padin ang kasaman.

“Kung ganon ‘tay, may rason kung bakit tayo hinoldap?”

“Dapat kaawaan ang mgat taong gumagawa ng kasamaan, hindi dahil alam nating walng pagmamahal sa kanilang puso kundi dahil wala silang makitang liwanag sa kanilang buhay, wala silang mahanap na pagmamahal sa gitna ng dilim ng kanilang pagkatao…ikaw anak, kaya mo bang magmahal ng taong masama, kapag pinatay ka o pinatay ng taong iyon ang mahal mo sa buhay… handa mu bang ibigay ang kahit gakatiting na liwanang ng iyong pagmamahal sa kanya? Mahirap hindi ba…kahit kung iisipin mo kaya sila nawalan ng liwanag ay dahil kinuha din ito ng iba sa kanila…pinagkaitan, ninakawan…”

“Kung ganon ‘tay, e di wala palang katapusan ang mga kasalanan…halimbawang ako ang inagawan ng ‘liwanag’…” may diin ang bigkas ko, “…maari rin kayang matulad ako sa kanila?”

“Likas na sa tao ang paghihiganti…instint ba tawag don? Instinct  na ng tao ang huwag malamangan at ang lumamang at kung minsan doon nagmumula ang walang hanggang cycle ng kasamaan…nasa sa iyo kung kayang mong labanan ang makahayop na instinct  na ‘yon, dahil kahit ang pinakamaliit na bagay na panlalamang na ginawa mo sa kapwa mo ay sapat na iyon upang manakaw ang liwanag na siyang bumubuhay sa kanilang pagkatao.”

“Hanep ‘tay ang lalim…” palatak ko, at dagling nagisip ng malalim na tanong, aaminin kong nageenjoy ako sa usapan namin habang nagjo joyride “kung ganon naman pala…e saan naggaling ang instinct? Parang hindi naman ata pwedeng nagging likas na ito sa isang tao mula pagkapanganak?”

“Parang tinanong mo ako kung saan nanggaling Diyos? Kung ang lahat ay nanggaling sa Kanya o gawa Niya…saan naman Siya nanggaling, sino ang gumawa sa Kanya?”

Natameme ako sa sagot niya, hindi ko sukat akalain na ang mamang driver na ito ay may likas na talino sa pilosopiya o teolohiya.

Inihinto niya ang dyip, hindi ko na nilingon ang aleng bumaba dahil busy ang utak ko sa paghanap ng sagot sa katanungan niya.

“Naniniwala ba kayo sa Diyos?” tanong ko ng nakababa na ang ale at muling napaandar ang dyip.

“Sino ba ang Diyos na tinutukoy mo, ang anak ang ispirutu santo o ang ama?” balik tanong niyang muli. “…o ang mga sandamakmak na santong nakapaligid sa atin?”

Muli ay tila nadismaya ako kay Mang Lando, dahil parang palalo na ang kanyang katalinuhan at maging ang paniniwala ko ay kinukwestyon.

Hindi ako kumibo, at itinuon ko ang paningin sa harap…parang ayoko ng pagusapan pa ang topic na iyon.

“Ang aleng ‘yon, ayaw mo bang malaman kung ano ang iniisip niya?” tumingin siya sa akin na nakangisi.

“Bago nagkagulo, nagdarasal siya n asana ay palarin siyang makapasok sa Wowowee, yung sa tv?” pagpapatuloy niya.

Sa sinabi niyang iyon ay nakuha ang atensyon ko.

“…o kaya kahit hindi siya makapasok ay maiabot man lang niya ang sulat niya kay Willie, umaasang mapagdamutan siya nito ng pampagamot sa maliit pa niyang anak na mamatay na sa ospital? Nakakatawa na nakakaawa diba, ang nagagawa ng pera para sa mga mahihirap na tulad ko. Parang si Willie na lang ang natititrang pagasa, pumila ka lang may 500 kana, pag sinuwerteng nakapasok may 5000 kana at kapag nanalo pwedeng milyonaryo kana…” dinig kong muli ang pagpalatak nito.

“Kung minsan nga naiinis ako dun, kasi nanghihiya siya at malakas magtrip…siguro dahil alam niyang kailangan ng pera niya.” himutok ko.

“Ayan na naman tayo anak, kung ako mas gugustuhin ko rin ang pumila at magbakasakali kaysa kumalam ang sikmura at maghintay sa mga panagko ng gobyerno, at least siya, hubaran ka man niya ng respeto o dangal may naiaabot naman sayo at nakakatulong kahit papano.”

Hindi nako kumibo dahil ayokong makipagtalo ng dahil lamang kay Willie basta hindi ko siya gusto.

“Mabalik tayo dun sa ale…kumusta na ang anak niya?” tanong ko upang maibaling ang topic naming mula kay Willie.

“Bata pa at walang muwang, ngunit sobra na ang paghihirap ang nararanasan niya…” tumigil ito saglit at bumuntung hininga, “kung minsan ang paghihirap at pasakit ng mga batang walang muwang at inosente ang isa sa mga dahilan kung bakit pinagdududahan natin kung meron ba talagang Diyos, kung bakit ang wala pang kasalanang musmos ay kailangan maghirap at mamatay ng maaga…mahirap intindihin kung meron nga bang mas malaking plano Siyang nakalaan at ginusto Niya na kitilin ang buhay ng musmos na iyon.”

May punto siya, sapol ang mga nakatatak ng paniniwala sa aking utak at puso. Bakit nga ba pag may nangyayaring hindi maganda ay lagi nating sinasabi na may mas malaking plano ang Diyos kung bakit nangyari iyon, ngunit sadyang mahirap intindihin kung ano ang planong iyong..at sa tulad ng halimbawang sinabi ni Mang Lando ano ang mas malaking plano ang nakalaan sa pagbawi niya sa buhay ng isang musmos sa pamamagitan pa ng unti unting pagpapahirap dito, bakit hindi pa kunin ng wala ng sakit pang maramdaman tutal inosente at wala pa siyang muwang sa kamunduhan.

At least hindi na niya kailangan danasin ang hirap ng buhay, ang mas mahabang torture habang nandirito ka pa sa mundong ito…magiging masaya siya sa langit kapiling ng Maylikha.” sagot kong pilit ipinagtatanggol ang paniniwala.

“Tama ka, masaya na siya sa langit niya…”

“Mahirap atang paniwalaan na ang taong hindi naniniwala sa Diyos ay naniniwala sa langit?” putol ko sa mga sasabihin pa niya, nakasilip ako ng butas sa argumento nito.

“Sinabi ko bang hindi ako naniniwala sa Diyos, anak?” tinitigan ni Mang Lando “…naniniwala ako sa hangin kahit hindi ko ito nakikita, naniniwala ako sa talino kahit hindi ko ito kayang gapiin…at kung ang naging basehan mo ay ang hindi ko paniniwala sa kasamaan na siyang nagpapatunay na may Diyos upang itoy gapiin, naniniwala naman ako sa apoy na kahit kalian ay hindi namamatay at hindi nananakaw na siyang pagmumulan ng liwanag kapag lahat na ng puso ay nabalot ng dilim...at kung hindi ko man maipaliwanag sayo kung saan nanggaling ang apoy na ito, siguro…iyon ang Diyos ko, isang nilalang na basta nadoon na lang at walang sinuman, maging Siya, ang may alam kung saan man Siya nagsimula.”

“Wala din naman palang pinagkaiba ang mga Diyos natin.” Sagot ko na tila nabunutan ng tinik, dahil nalaman kong halos pareho lang pala kami ng Diyos na pinaniniwalaan.

“Siguro nga anak, dahil nagsisimba din naman ako at pinapakinggan ko ang mga turo
Niya at pilit namumuhay ayon sa Kanyang mga turo at aral.” bumuntung hininga siya at nagpatuloy, “ang kaibahan lang siguro, hindi ko iniaasa sa Kanya o kaya ay isinusumbat ang mga nangyayari sa buhay ko…dahil alam kong lahat ng mga ginagawa ko, at lahat ng nangyayari sa akin mabuti man o masama ay sarili kong kagagawan. Bagkus ay nagsisilbi siyang pinagkukuhanan ko ng ‘liwanag’ sa tuwing nababalot o aandap andap na ang apoy ng aking pagkatao.”

“Kung ganon, hindi ka naniniwala sa mas malaking plano o greater plan ng Diyos k-ko, na nakalaan sayo sa tuwing may mg apinagdadaanan ka.?” susog ko.

“Hinde…dahil alam kong nangyari ang mga bagay na iyon ayon sa pagkakamali ko mismo, ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas ng loob ay ang walang kamatayang ‘liwanag’ na nanggagaling sa Kanya, ang kanyang mga aral, ang kanyang mga halimbawa na nakikita at nababasa ko sa Biblia. Na ang susunod na hakbang ay wala sa mga kamay Niya bagkus ay sa sarili kong pagsisiskap at sariling pagpaplano ay muli akong makabangon.”

Napangiti ako ng lihim, dahil sa mga sinabi nito napagalaman kong hindi halos nagkakaiba ang aming mga Diyos, ang sa kanya ay may bahid ng pagkapraktikal ang sakin ay may pag ka … natigilan ako at nagdesisyong itanong ang pumasok sa isip ko.

So hindi kayo naniniwala sa mga himala, …yung paglalakd sa tubig…yung pagbuhay sa patay…”

“Manggagamot si Hesus anak, hindi siya tulad ng sa mga perya na madyikero…” napatawa itong muli “marahil ay mababatukan mo ako kung sasabihin kong hindi ako naniniwalang naglakad siya sa tubig… ngunit tulad ng sinabi ko, manggagamot siya at ginagamot niya ang bawat kudlit ng kadiliman sa ating mga puso.”

Hindi na ako nangahas na magtanong pang muli.

“Ano ang persepsyon mo sa langit?” tanong ni Mang Lando, habang pinupunasan niya ang windshield at ang rearview mirror.

“Masaya…” wala sa sariling sagot ko, “tulad ng sinabi ko kanina, ang batang anak nung ale…at least nandoon na siya sa lugar na puno ng saya at tuwa, kapiling ng Maylikha.”
“E di naniniwala ka din na ang impyerno ay puno ng naglalagablab na apoy at kumukulong asupre?” sa tanong palang na iyon ay kinilabutan na ako.

“Opo” matipid kong sagot.

“Ako dim u tatanungin kung ano ang langit ko?”

“Ang langit sa akin ay wala sa itaas at wala din sa baba ang impyerno…” pagpapatuloy nito na hindi na hinintay ang tanong ko.
“Ang langit at ang impyerno ay nasa bawat utak ng tao…kapag namatay ka, hanggat hindi nabubura ang pagmamahal o pagkamuhi sayo ng mga taong iniwan mo doon ay mamalagi ka. Hanggat buhay ka sa alaala ng mga nagmamahal sayo, at iniisip nila na ikaw ay nasa mabuti nang kalagayan…iyon ang langit mo. At habang patuloy ang pagkamuhi sayo ng mga naapi mo at hindi ka pa napapatawad, hanggat buhay ang iyong alaala sa mapait nilang karanasan sayo…doon ang impyerno mo.”

“Ibig niyong sabihin ang langit at impyerno ay nagagawa ng mga taong iniwan mo? Ayun ba ang dahilan kung bakit may multo?”

Ngumiti lamang si Mang Lando, at nakita ko ang paghanga sa kanyang mga mata.

“Ngunit hindi lahat ng bumabalik ay dahil sa mayroon pa silang hindi nagagawa, ang iba ay dahil hindi pa nila alam na kailangan na nilang pumunta sa langit na alam kong puno ng saya…isa pa anak, hindi ako naniniwala sa walang hanggang impyerno…ang poot at hinanakit sa puso ay nawawala rin lalo na sa tulong ng ‘Diyos’ natin. Langit lamang ang magpasawalang hanggan…at darating araw na magkikita din tayo doon, at sana dala ko parin ang dyip ko para makapag joyride tayo uli.”

Doon ko lamang napansin na nakahinto na pala kami sa tapat ng bahay naming.

“Umuwi kana anak, magpahinga kana…tapos na ang Joyride.”
Ngumiti si mang Lando at nakita kong muli ang lungkot na lagi ay nakasilay sa kanyang mga mata sa tuwing akoy kanyang tinititigan.

Bumaba ako sa jeep at hinintay na makaalis si Mang Lando, sinulyapan niya akong muli at kumaway.

Nawala na sa paningin ko ang sasakyan at tinungo ko ang tarangkahan ng bahay na nagtataka parin kung papaanong naihatid ako ni Mang Lando gayung hindi ko sinasabi kung saan ako nakatira…totoo kayang nakakabasa siya ng isip?

Bumuntung hininga akong pumasok sa nakabukas naming gate.

Sinulyapan ko ang bahay at nagtaka kung bakit nakabukas ang ilaw sa loob, nakalimutan kayang isara ito ni nanay, excited akong naglakad patungo sa pinto upang ikwento sa aking ina ang karanasan ko sa jeep at ang joyride naming ni Mang Lando.
Nasa harap nako ng bahay ng mapansin kong may naguusap sa loob at ang hindi maitatangging tunog ng paghikbi, dinig ko iyon sa bahagyang nakabukas na pinto.

“Pasensya na misis...ginawa naming ang lahat ngunit sadyang napuruhan siya.” Tinig ng isang lalaki.

“Heto po ang mga gamit ng inyong anak, at eto po ang address ng hospital kung saan naroroon ang b-bangkay niya.”

Itinulak ko ng buong lakas ang pinto, at tumambad sa akin ang dalawang pulis at ang aking inay na hilam ng luha.

Sabay sabay na napalingon sa kinaroroonan ko ang mga tao sa loob…ilang segundong nakatingin sila sa pinto at ang tila ba nagtataka. Ilang sandali pa ay nagkatinginan ang dalawang pulis at napalakas ang hagulgol ng aking ina.

“Inay…ano ang ibig sabihin nito…Inay!” sigaw ko ngunit tila bingi ang mga tao sa loob.

“Misis nakikiramay po kami…” mahinhing tinapik ng isang pulis ang balikat ng aking ina, at mabilis nilang tinungo ang pinto, may mga matang tumatagos sa akin…umalis ako sa dinaraanan nila kasabay ng tila bombang katotohanang bumulaga sa akin.

Isang nakatutulig na putok ang pumailanlang…

…ang holdaper.

…ang dugo…ang alulong ng aso…

“…alam kong malala ang tama niya, n-napuruhan siya…” parang narinig kong muli ang tinuran ng nurse.

At ang mga salita ni Mang Lando…

“…gayung bukas ang kanilang mga mata at tenga ay nakikita at naririnig lamang nila ang mga bagay na gusto nilang makita o marinig, at alam mong nandyan sila sa paligid kapag nararamdaman mo ang kilabot at lumalamig ang paligid mo.”

“…lumalamig ang paligid mo…”

…ang wind shield, ang rear view…nagpapawis.

…malamig…

 May kung anong bikig sa aking lalamunan ang namuo ngunit walang luhang sumilay, at walang boses na lumabas, nanlulumo akong pinagmamasdan ang aking nananaghoy na ina.

Mula sa aking likuran ay naramdaman ko ang mainit na pagdaloy ng dugo, tila sumisirit at ang hapdi ay kinakain ang aking ulirat…

Isang bala…mula sa holdaper.

“…nakikita at naririnig lamang nila ang mga bagay na gusto nilang makita o marinig…”

“…ang iba ay naririto dahil hindi nila alam na patay na sila…”

Isang nakatutulig na putok ang pumailanlang…

Binalot ng dilim ang aking  paningin, at ang sakit mula sa aking  sugat ay hindi ko na makayanan…tinatakasan na ako ng aking ulirat.

Mula sa itaas ay may isang nakasisilaw na liwang, papalapit at habang lumalapit ito ay naiibsan ang sakit na aking nadarama, palapit ng palapit…nakakaigaya, at napupuno ang puso ko ng kakaibang ligaya… ng walang hanggang pagmamahal.

…pag-big.

Bago ako tinangay ng kakaibang ligayang hatid ng liwanag na iyon ay muli kong narinig ang mga huling katagang binigkas ni Mang Lando.

“Umuwi kana anak, magpahinga kana…tapos na ang Joyride.”

…tapos na ang Joyride.

----

end



Comments and suggestions to improve my writing is highly appreciated. :0

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails