Followers

Showing posts with label Si Kuya Mike ang Textmate Ko. Show all posts
Showing posts with label Si Kuya Mike ang Textmate Ko. Show all posts

Thursday, September 27, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [16]

Author’s Note: Hello ulit sa lahat. hahaha
Ito na ang karugtong ng kapanapanabik na eksena ni Marky at Francis..
Enjoy reading. Sensya kung may typo error.

Email: watashioonheru03@gmail.com

By: oonheru
Facebook: http://facebook.com/oonheru
Twitter: http://twitter.com/oonheru


Here we go!
--------------------------------------------------------------
“Teka Francis mali ito.” Pag awat ko sa kanya.
“Paanong mali?”
“Diba may Girlfriend ka? Ayaw kong ako ang maging dahilan ng pag aaway nyo.”
“Wala naman talaga akong Girlfriend. Hindi ko totoong Girlfriend si Ana. Pinagseselos lang niya ung dating boyfriend niya pero hindi talaga naging kami. Nagkabalikan na rin silang dalawa last week lang. May iba kasi akong mahal.”
Tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Pinahid ko ito.
“Tahan na, wag ka ng umiyak”
“Marky, mahal kita.” At humagulhol na siya ng iyak
“Mahal din naman kita eh. Tahan na wag kanang umiyak.”
“Hindi mo naman ako naiintindihan eh”
“Paanong hindi?”
“Marky mahal kita ng higit pa sa isang kaibigan”

Nawindang ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw ko naman siyang biruin na baka gutom lang yan kasi baka magalit na naman siya. Seryoso ang kanyang mukha, nakatingin sya sa akin, hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya. Inangat niya ang baba ko at tiningan ang aking mga mata. Nangungusap ang aming mga mata na animoy nagkakaintindihan ito. Unti unti papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit siya at pumikit na rin ako. Naramdaman ko na lumapat na ang kanyang mga labi sa aking labi.


TOK TOK TOK...

Isang lamakas na katok sa pintuan ang nagpatigil sa aming dalawa, nagulat kami parehas, nabitin ako sa tagpong iyon.

“Sino yan?” sigaw ni francis
“Sir kakain na raw po ng dinner sabi ng Mama nyo. Bumaba nalang po kayo”
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Sige kain kana at uuwi na rin ako.”
“Dito kana kumain ng dinner”
“Hindi sa bahay nalang ako kakain”
“Dito na! Okay? Pinag handa pa naman kita ng masarap at paborito nating ulam”
“Wow talaga? Yehey!”

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya.

“Sige na una kana sa baba, CR lang ako.”

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hanggan. Infairness ang taas ng hagdanan nila nakakatamad bumaba. Pagka baba ko iginiya ko ang aking mga sa buong kabahayan. Sobrang ganda talaga ng bahay nina Francis, ang swerte naman niya kasi pinanganak siyang mayaman.

“Oh Hijo, kakagising mo lang ba? Ang gulo pa ng buhok mo hindi ka pa nag suklay man lang.” sabay yakap sa akin ng isang babae.

Napayakap na rin ako sa kanya. Nung niyakap ko siya kakaiba ung pakiramdam sobrang saya ko. Siguro sobrang miss ko na ang mama ko kasi ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita.

“Ma..” si Francis
Napa HA naman ang Mama ni Francis.
“Naku Hijo pasensya kana napagkamalan kitang si Francis. Ikaw pala yan Maky. Sorry hijo.”

Ngumiti nalang ako. Si francis naman lumapit sa Mama nya ang humalik sa pisngi. Nakaka inggit naman.

“Lika na sa dinning room kakain na tayo. ” akit sakin ni francis
Habang kumakain kami para naman akong nasa hot seat dahil sa dami ng tanong ng mama ni francis.

“Kumusta kana Marky?” Mama ni Francis
“Okay naman po ako. Kayo?”
“Mabuti naman Hijo. Kumusta ang pag aaral nyong dalawa?”
“Okay lang din po.”
“Taga saan ka nga pala?”
“Taga Island po ako.”
“Saan yun?”
“Malayo po somewhere in blue pacific.”
“talaga? Wow mukhang maganda mag bakasyon dun.”
“Oo nga po eh.”
“Si Mama ang daming tanong hindi tuloy makakain ng maayos si Marky.”
“Hindi okay lang Francis”
“Oh Okay lang naman pala eh. Saka minsan lang naman mapadpad si Marky dito.”
“Teka po, bakit nyo po alam ang pangalan ko?”
“Lagi ka kasing kinekwento sa akin nitong si Francis eh”
“Ma naman...” si Francis
“Naku Hijo wag kang maingay dyan nag uusap kami ni Marky” sabay tawa
Tumawa na rin ako. Napailing nalang si Francis sabay tingin sa akin. Kinilig naman ako dun, ano kayang ikinikwento ni Francis sa Mama nya tungkol sa akin?
“Nangungupahan lang kayo dito?”
“Opo”
“Bakit di nalang kayo dito tumira sa bahay, tutal ang laki laki naman nito saka may mga kwartong bakante dyan. May maghahatid na din sa inyo sa school. Di ba anak?”
“Ah. Oo nga po mama, malaki naman kwarto ko eh. Saka may bakante pang kwarto sa kabila kaya pwede dun ang kuya nya. Sama nalang kami ni Marky sa kwarto ko. hehehe”
“naku wag na po, nakakahiya naman.”
“Naku Hijo wag ka ng mahiya, ituring mo na kaming pamilya mo”

Ngumiti nalang ako. Marami pa kaming napag usapan na kung ano-ano. Magaan ang loob ko sa kanya kahit noon lang kami nagkita. Kasi pag pumupunta ako sa bahay nila laging wala ang mama nya kasi busy sa trabaho. Palakwento ang mama ni francis kung ano ano ang kwento nya tungkol kay francis. Hiyang hiya naman si francis dahil binubuking siya ng kanyang mama, kinukwento nya sa akin kung ano ang mga kalokohang ginawa ni Francis nung bata pa siya.
Pagkatapos naming kumain umakyat na ulit kami sa kwarto ni Francis.

“Francis uuwi na ako”
“Uuwi kana agad?”
“Oo baka pagalitan na ako ni kuya eh”
“Oh sige, teka lang”
Kumuha siya ng damit sa kanyang Locker at ibinigay sa akin.
“Ano ito?”
“Magpalit ka ng damit. Uuwi ka bang naka ganyan lang?” sabay ngiti

Natawa din ako kasi naka boxer at sando lang pala ako.

“Sige salamat ha. Soli ko nalang sayo ito pag nalabhan ko na”
“Wag na sayo nalang yan”
“Sige salamat ulit.”
“Ipapahatid na kita sa driver. Wag kana umangal kasi delikado gabi na”

Napa Oo nalang ako.

“Sige kita tayo bukas. Pumasok kana ha?”
“Opo papasok na po ako” sabi naman niya
“Okay good! See you tom.”

Kinabukasan pumasok nga si Francis, kinausap niya ang aming mga instructor dahil nga madalas siyang absent. Naging okay naman ang lahat. Back to normal kaming dalawa dating gawi ulit.

Alas kwatro na ng hapon ng magkaroon kami ng urgent meeting sa PEP Squad. Hindi na daw tuloy ang Cheerleading Competition dahil may na aksidenteng taga ibang colleges. Sobra naman kaming nalungkot sa balita.

(Note: Sa totoong buhay natuloy ang aming Cheerleading Competition tinatamad lang akong mag type. Hehehe nalimutan ko na kasi ung buong routine namin eh saka di na upload sa youtube ung video namin. LOL Nitong 2012 lang walang Cheerleading kasi nga gawa nung naaksidenteng taga ibang Colleges. )

“Paano ba yan Francis hindi na tuloy ang CDC natin”
“Okay lang un, atleast may natutunan tayo sa pag sayaw.”

Umuwi na ako sa bahay at umuwi na rin si Francis sa kanila pagkatapos nya akong ihatid.

Humiga ako sa aking kama. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Ngayon okay na ulit kami ni Francis, pero bakit nya sinabing Mahal niya ako? Saka hindi pala nya tunay na girlfriend si Ana. Kaya pala parang iisa ung lalaki sa may Jollibee at labas ng school nung hinug ni Ana si Francis, kaya pala may tinitingnan siya noon dahil pinag seselos lang nya ang ex nya. Hay buhay nga naman.

“Okay na ulit kami ng bestfriend ko.” Text ko sa textmate ko.
“wow! Congrats! Masaya ako para sa inyo.”
“Salamat ha ?”
“Naku wala un.”
“Salamat ulit. Mwuaaa! :*”
“Wow may kiss pa talaga. Hehehe Mwuaaa!”

Kinilig naman ako sa reply niyang iyon. Grabe kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya Mahal ko na yata ang textmate ko.

“I love you hehe” text ko
“bakit may i love you pa?” tanong niya

Para naman akong napahiya noon.

“ahmm. Wala sobra lang akong natutuwa.”
“wow ha. Naku baka tuluyan na akong ma inlove sayo nyan.”
“Sana nga hehehe joke.”
“Hehehe alam mo, parang mahal na yata kita eh.”
“weehh?” reply ko
“seryoso ako”

Nagulat naman ako sa text nyang iyon. Grabe kahapon lang may umamin sa akin tapos ngayon meron na naman. Eh bukas kaya? Hahahah ang haba ng hair ko. Charot!

“ah eh...” ung lang reply ko.
“Mahal na yata talaga kita eh kasi tuwing ka text kita sobrang saya ko nawawala ang stress ko, ang pagod ko, problema, alam mo un ang sarap sa pakiramdam”

Bumuntong hininga ako. The feeling is mutual. Kung alam mo lang mahal na din kita.

“Pwede ba tayong magkita sa linggo?”
Kinabahan ako sa text niya. Hindi agad ako naka reply. Ito na ba ung pagkakataon na makikita ko na ang textmate ko sa personal. Im so eggzited! LOL
“Sige okay lang kung ayaw mo. ?”
“Ah sige magkita tayo sa linggo sa SM nalang.”
“Talaga? Sige ako bahala sayo. Sagot kita”

Para akong lalagnatin sa text nyang iyon. Grabe pinag pawisan ako ng malalagkit. Ano kaya ang ibig niyang sabihin na sagot niya ako at siya bahala sa akin? Gosh! Bahala na si batman sa linggo.

After namin mag palitan ng text messages. Natulog na rin ako.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. After lunch naligo na ako para pumunta na sa SM.

“Saan ang punta mo? Bihis na bihis ka ah?” si kuya
“Sa bahay lang ng classmate ko. Gagawa daw kami nung project namin sa database” pag sisinungaling ko
“ah okay”
“Ikaw saan ka pupunta?” tanong ko naman sa kanya
“Dyan lang sa tabi tabi”
“Ah okay. Sige kuya alis na ako.”
“Okay mag iingat ka bunso.” Sabay kiss sa akin

Alas dos ng hapon nasa SM na ako. Hindi ko mapakali ng mga oras na iyon. Grabe sa tagal naming mag textmate ngayon ko lang siya makikita sa personal. Ano kaya itsura niya? Hay!

“Nandito na ako sa loob ng SM kakapasok ko lang.” Text ng textmate ko
Hindi ko alam ang pakiramdam ko noon para akong matatae o maiihi at para akong lalagnatin. Para namang binobomba ang aking dibdib.

“Okay sige.”
“Nasaan ka ba? Ako nalang pupunta sayo dyan.”
Sinabi ko naman kung nasaan ako. Habang nakaupo ako. Palinga linga ako hinahanap ko ang textmate ko baka nandyan nya. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko.
“Malapit na ako”

OMG! Hihimatayin na yata ako sa sobrang nerbyos! Nanginginig ang aking mga kalamnan hindi dahil sa lamig kundi dahil sa magkahalong excitement at kaba. “This is it” sabi ko sa aking sarili.

Maya maya pa may humawak sa aking balikat. Hindi agad ako lumingon alam kong siya na un. Hindi na ako naka tiis nilingon ko na siya. At labis akong nawindang ng bonggang bongga sa di inaasahang pangyayari.
“KU-KUYAAAAA????”

(Itutuloy)


Abangan sa October 5 ang pagpapatuloy ng kwentong "SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO"... :D

Sunday, September 23, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [15]


Email: watashioonheru03@gmail.com

By: oonheru
Facebook: http://facebook.com/oonheru
Twitter: http://twitter.com/oonheru


Author’s Note: Hello sa lahat. Kaway! Pasensya na ulit kung ngayon lang naka pag update busy kasi ako sa Thesis namin at mga gawain sa school eh. Hehehe tapos 2 weeks pa akong nagkasakit. :(

Salamat pala sa mga sumusubaybay ng kwentong ito. Mahal ko kayo ?

Enjoy reading. Sensya na kung may mga typo error :D


Here we go!


Friday, August 3, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [14]

Note: Hello po sa lahat. Heto na po ang chapter 14 ng kwento ko. Pasensya na po talaga sobrang busy lang po sa school eh ang daming gagawin tulad ng thesis, saka mga major subject! Hays sana 2013 na para maka graduate na ako agad agad. Hahaha

Anonymous- yup Engineering po ang course ko 5th year na sa wakas. hehehe

Kaway po sa mga walang sawang sumusubaybay sa story kong ang tagal bago mag update hahaha pasensya na talaga kayo busy busyhan lang talaga. I love you all. mwaaahhh

Kaway din po sa mga taga MSOB members at Authors lalo na kay Kuya Mike Juha, Ingat ka po parati dyan sa Saudi. :) Kay Bunso Woo Jung, Alejandro, Prince Raymark, Mack Makulit :P, Dada Rovi Yuno, Papa Antoy, Daddy Denz, Kuya Kenjie, Kuya Marky, Kuya Jeff, Friend MM, Kuya Kent, Tito Carlo, Britney Bitch Colby, Jerry, Ji Jie, Kuya Dm, Kuya X, Kuya Jasper, Kuya Chack, Jojie, Kuya Puti, Kuya Denxo, Eban, Ian(ung nag tetext sa akin) may nalimutan pa ba ako? Hehehe baka mag tampo eh.

At sa pinaka mamahal kong si jishin, ingat ka po parati mahal ko. Mahal na mahal po kita. Mwuaaa :* Advance happy 16th Monthsary po!

Email: watashioonheru03@gmail.com

By: oonheru
Facebook: http://facebook.com/oonheru
Twitter: http://twitter.com/oonheru

sorry kung may mga typo error :D
_________________________________________________________________________________

Pagkatapos naming mag usap hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. "Bakit kaya hindi pa ako dinadalaw ng antok?" - bulong ko sa aking sarili.Kumusta na kaya si Francis? Ano na kaya ang ginagawa niya nung mga panahong hindi kami magkasama? Masaya kaya siya o malungkot din tulad ko dahil sa nangyari? Paano kaya ako gagawa ng hakbang para makapag usap ulit kami para makahingi narin ako ng sorry sa kanya. Parang maging okay na ulit kami tulad ng dati.Nakakamiss kasi ung lagi kang may kasama sa galaan, sa paggawa ng mga assignment, sa kalokohan at ung may kasabay ka pag kumakain. Ung may mang-aasar sayo, magpapatawa kapag malungkot ka. Hay ang hirap pala ng ganito kahit may iba ka pang mga kaibigan bukod sa kanya iba parin kapag siya ang kasama ko.

Naalala ko pa nga nung may FieldTrip kami para sa subject na Engineering Materials. 2 weeks before fieldtri nag announce ang prof. namin na may fieldtrip nga kami kasi isa iyo sa mga requirements para pumasa sa subject nya. As usual mga Factoy ang pupuntahan namin. 2 days nalang bago ang fieldtrip wala pa rin akong pambayad kasi nagkataon na maraming binayaran si mama kaya ganun. Nalungkot naman ako kasi kung hindi ako makakasama baka bumagsak ako sa subject na yun.

"Uy Marky, malungkot ka yata ngayon kanina lang eh ang saya-saya mo ah. May problema ba?" - tanong ni francis sa akin habang nakaakbay."Ah wala naman, wag mo nalang akong alalahanin" - sabi ko naman"Sus, pwede ba yun. Alam kong may problema ka, sige na sabihin mo na sa akin baka makatulong ako" -sabi pa niya."Wala nga ang kulit mo" - ang inis kong sabi."Sige na please?" - pangungulit niya"Ano kasi.." - sabi ko"Ano?" - pag intay niya sa sagot ko"Nakakahiya eh" - sabi ko pa"Sus, ngayon ka pa ba mahihiya, tagal na natin eh. Tungkol ba saan yan?" - tanong pa niya"Sa fieldtrip..." - sabi ko"Anong problema doon?" -tanong niyaHindi ako umimik kasi nga nahihiya ako."Uhmm alam ko na, wag kang mag-alala sagot kita! Ako na ang nagbayad para sa fieldtrip natin." - sabi niya sabay kindat sa akin."Huh? bakit mo naman binayaran ung bayaran ko?" -sabi ko"Sus,What friends are FALL, diba?""Huh? FALL? baka naman FOR?" - sabi ko na medyo natawa."FOR ba? edi FOR ito naman parehas lang un, hehe" - sabi niya ng nakangiti.

Bukod sa pagiging mabait ni francis gwapo pa! Mayaman ang pamilya nila. Isang beses pa lang ako nakarating sa bahay nila at sobrang laki nito. Architect kasi ang papa nya at ang Mama naman niya ay Engineer kaya Engineering ang kinuha niyang kurso. kahit na mayaman sina francis mas pinili niyang dito mag aral sa province kahit gusto ng mama at papa niya na sa manila siya mag-aral. Mas gusto daw niya ang simpleng buhay ung tahimik, malayo sa gulo kaya ayaw niya sa manila.

Araw na ng aming Plant tour. 4:30am palang nasa school na kami dahil malayo ang aming byahe. dapat daw 7am ay nasa planta na kami dahil marami kaming pupuntahan. Umakyat na ako ng bus at humanap ng mauupuan namin ni francis, buti nalang kami ni francis ang magkatabi sa cheating arrangement. LOL. ilang sandali pa dumating na siya nakita ko kasi siya sa may bintana ng bus. Pag akyat nya sa bus di ko mapigilan ang mapa NGANGA dahil sa sobrang gwapo nya at bagay na bagay sa kanya ang kulay puti niyang jacket at skinny jeans. OMG! hahaha kalerQUI.

"Oh anong nangyari sayo bakit parang tulog kapa yata?"-sabay tapik niya sa aking balikatSa halip na sumagot ay nakatingin lang ako sa kanya, kaya naman pinisil niya ang aking ilong."Hoy gising!!!"-sabi niya"ah eh ano?"- sabi ko na biglang bumalik ang aking katawang lupa mula sa panaginip. hahaha"sabi ko baka pwedeng umupo?""ah eh, oh sige upo kana. saan mo ba gusto umupo?"- tanong ko"dito nalang, ikaw nalang dyan sa may bintana"-sabi niyaTahimik...Maya maya tinanong niya ako,"Bakit ka naman natutulala kanina?"-tanong niya"Ah eh wala antok pa siguro ako, ang aga kasi natin eh"-alibi ko sa kanya. bagaman na sabihin kong ang gwapo mo kasi. hahaha"ah akala ko kung ano eh"-sabi niya"na ano?"-tanong ko"wala, sabi ko ang gwapo ko noh?'-sabi nya sabay ngiti"hahaha oo nalang ako"- sabi ko naman. hihihi landi ng pota!"oo nga sobrang gwapo mo hihihi"-bulong ko sa aking sarili. LOL"wala ka bang dalang jacket?"-tanong niya sa akin. napansin kasi niya na giniginaw ako"wala eh"- sabi ko.Hinubad niya ang kanyang jacket para ipahiram sa akin"eto oh gamitin mo muna itong jacket ko para hindi ka lamigin"-sabi niya"eh paano ka?"- tanong ko sa kanya"wag mo akong intindihin sanay ako sa lamig, lagi kasi akong naka aircon eh. hehe'-paliwanag niya"salamat ah"-sabi ko"sus, para un lang hehe""Nga pala may dala din akong extrang damit dito kung gusto mo magpalit mamaya, pahihiramin kita"-dugtong pa niya.

Saktong 5am umalis na ang bus namin at saktong 7am nasa planta na kami. Pagdating namin doon, nakipag usap muna ang instructor namin sa guard at pinapasok na kami. Sampung tao bawat group dahil sa sobrang dami namin, may isang employee na nag assist sa amin, pinapaliwanag niya kung paano ginagawa ang isang materials step by step, enjoy na enjoy kami sa plant tour namin. makalipas ang dalawang oras sunod naman naming pinuntahan ay Gardenia sa Laguna, gaya ng unang napuntahan namin pinakita sa aming ung actual na paggawa ng tinapay.

Pagkatapos namin sa Gardenia pumunta kami sa SM Sta. Rosa dahil doon kami mag la-lunch at syempre gala gala muna kasi free time namin yun. Pagkatapos namin kumain nag lalakad lakad muna kami kasi may 1 hour pa naman kami."Saan mo gusto pumunta?" -tanong niya sa akin"kahit saan"-sabi ko naman"gusto mo mag ARCADE tayo para maranasan naman nating ung dating mga bata pa tayo hahaha"“sige”-sabi ko naman.

Isang oras din kaming nakapag laro sa Arcade. ang sarap talagang maging bata. Ung tipong sobrang saya mo at wala kang iniisip na problema dahil puro laro lang ang alam mo. :)

"Time na pala tayo. Tara na balik na tayo baka maiwanan pa tayo eh" -akit niya sa akin"Okay sige tara na."- pag sang-ayon ko.

May pinuntahan pa kaming dalawang planta, alas 3 na kami ng matapos doon. Since may free time pa ulit kami napagkasunduan naman namin na ubusin nalang ang free time namin sa Tagaytay.

7pm na kaya pinabalik na kaming lahat sa bus para umuwi na rin. Binilang muna kaming lahat bago umalis para siguradong kumpleto kaming lahat. Habang nasa byahe nag kwentuhan muna kami ni Francis.

"Nag enjoy ka ba?"-tanong niya"oo naman, sobrang enjoy na enjoy"-sabi ko sa kanya na nakangiti"Mabuti naman. Nakakapangod nga lang pero enjoy naman. :)"-sabi niyaNgiti nalang ang isinukli ko sa sinabi niya. Nasa isang oras na kaming bumabyahe, ang mga kasama ko sa bus any mga tulog na pero kami ni francis hindi pa. Pero halata ko na gusto na din niyang matulog sa byahe. ako naman hindi talaga ako natutulog sa byahe, ewan ko ba basta ang gusto ko gising lang ako. One time kasi na pauwi ako sa amin natulog ako sa byahe ayon lumampas ako sa dapat kong babaan kaya simula noon hindi na ako natutulog sa byahe. hahaha

"Pwedeng sumandal sa balikat mo? inaantok na kasi ako eh gusto ko muna umidlip kung okay lang sayo"-tanong niya sa akin"Sige okay lang un ito naman"At sinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat pero mukhang nahihirapan siya sa kanyang pwesto kaya inilagay ko ang dala kong bag sa aking harapan at doon ko ipinatong ang kangyang ulo para makaayos siya ng pag higa. napangiti nalang ako, hinaplos haplos ko ang kanyang buhok habang natutulog siya. Sa haba ng byahe hindi ko namalayan na naka idlip na din pala ako. Nagising nalang ako nung nasa school na ulit kami at kanya kanyang uwi na.

"Hays!"- ang malalim na buntong hininga ko

Nagulat naman ako dahil biglang tumayo si kuya sa kanyang higaan. Nasa taas kasi ako ng double deck at siya ang nasa baba ko.

"Nakakagulat ka naman kuya"-sabi ko"Eh ikaw nga ang mas nakakagulat dyan eh ang lakas ng buntong hininga mo daig mo pa ang pasan ang daigdig eh"-sabi niya"Masama ba huminga?"-sabi mo naman"Ewan ko nga sayo bunso, matulog ka nga!""Hindi po kasi ako makatulog eh"-paliwanag ko"Bakit naman? halika dito sa tabi ko ikaw matulog"-akit niya

Bumaba naman ako sa aking higaan at humiga sa higaan ni kuya ko. Medyo malawak naman ang deck namin kaya kasya ang dalawang tao. Humiga ako sa bisig niya at yumakap. siya naman kinakantahan ako habang hinahaplos haplos ang buhok ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

10am na ako nagising dahil napuyat ako eh. haha pero tulog pa rin si kuya ko. Pinag masdan ko lang siya habang natutulog , "ang gwapo talaga ng kuya ko kahit tulog, ang swerte naman ng babaeng mamahalin niya naiinggit ako."-bulong ko sa aking sarili. ewan ko ba parang nakaramdam ako ng lungkot at selos ng maisip ko na kapag mag-aasawa na ang kuya ko, baka pag nangyari yun hindi na kami tulad ng dati saka malalayo nasiya sa akin. Hays!

Hinalikan ko siya sa pisngi gaya ng ginagawa ko pag mag katabi kami matulog kahit noong mga bata pa kami. Nagulat ako ng biglang minulat niya ang kanyang mata, nagising siya sa pag halik ko sa kanya kaya naman niyakap niya ako ng mahigpit.

"Good Morning Bunso ko!!! mwaaaaaah mwaaaaah""Good Morning din kuya koooo mwuaaaaaaaaaaa"Babangon na sana ako mula sa pagkakayakap niya pero lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. "Kuya babangon na po ako"-sabi ko naman"Dito ka muna sa kuya, na miss ko kasi ang ganito eh"-sabi naman niyaWala naman akong nagawa kundi ang mahiga sa sa dibdib niya, naramdaman ng mga binti ko na kumikislot kislot ang kanyang sandata alam kong malaki iyon kasi nakita ko na iyon kapag mag kasabay kaming naliligo ni kuya. Gosh! Im hard! LOL hahahaNakatulog ulit kaming dalawa at alas dose na kami ulit nagising parehas.

Bumangon na kami parehas. Ako nag ligpit ng tinulugan namin, si kuya naman nag luto ng aming pananghalian. Pagkatapos ko sa aking ginagawa naligo na ako, pagkatapos ko naman si kuya naman ang naligo. Pagkatapos namin magbihis dalawa sabay na kaming kumain ng lunch.

"di ba mamayang gabi na ang Speech Fest nyo?"-tanong niya habang kumakain kami"Oo nga po eh"-sabi ko naman"Good luck sa inyo bunso, Manonood ako sa inyo mamaya. Galingan nyo ha?""Sige po. salamat"

Alas dos na ako nakapunta sa school. Nandun narin ang aking mga classmate. Wala kaming inaksayang panahon, agad naming inihanda ang aming mga gagamiting props at kung mga ano ano pa. Alas kwatro na kami ng matapos. Sa sobrang pagod umupo muna ako sa bench ng Gym para magpahinga. Tiningnan ko naman ang mga Engineering classmates ko na nag aayos pa ng kanilang mga props. Hinahanap ng mata ko si Francis ngunit hindi siya mahagilap ng aking mata.

"Nasaan na kaya siya?"-tanong ko sa aking sariliLumapit naman si EJ sa akin."Oh, mukhang malungkot ka yata?"-tanong niya"Ah hindi. Napagod lang ako kanina"-sabi ko naman"Ah ganun ba, Goodluck nalang sa atin mamaya"-sabi pa niya"Oo nga eh, kinakabahan nga ako"-sabi ko naman"Kaya nga eh. basta gawin nalang natin ang best natin para maging successful ang Speech Fest na ito. Oh sige iwan na muna kita puntahan ko lang sila"- sabay alis niya

"Nasaan kaya si Francis bakit wala pa siya?"-bulong ko sa aking sarili"Hoy friend!!!"-sabay hampas sa likod ko. si Monica pala."ui monica, kumusta kana?""Eto as usual maganda parin. hahaha charot! ikaw kumusta kana man?""eto medyo hindi okay. Nasaan pala si Francis?"-tanong ko"Si Francis?? Hindi na siya pumapasok eh. diba dapat ikaw ang nakakaalam kung nasaan siya. Nasaan na nga ba siya?""Ewan ko nga eh. Madalas absent siya eh""anyareee friend? LQ kayo? kalerQUI huh"- si monica"Baklang bakla ka naman Monica. hahaha. LQ? hindi ah. hindi naman kami eh"-sabi ko naman"Naku friend ako ang babaeng bakla. hahaha nakakaloka! Ano ba talaga ang nangyari ha?""Nagkatampuhan kasi kami eh. 3weeks na nga. wag mo na akong tanungin kung bakit.""ah eh. nakakaloka naman! Bakit di pa kayo bati? anong petsa na!""Ayaw ko makipag bati saka ayaw naman niyang makipag usap sa akin eh."-paliwanag ko"huwaaw naman friend! Hiyang hiya naman ang Mt. Everest sa sobrang taas ng pride nyong dalawa. nakakaloka naman kayo, daig nyo pa ang mag jowa ah. Kung hinihintay mo siya ang unang mag approach sayo at hinihintay ka rin niyang ikaw ang unang mag approach sa kanya. edi maganda parehas kayong NGANGA. naku friend payong kaibigan lang ikaw na ang unang kumausap sa kanya, im sure naman kakausapin ka nun. parang panty lang yan friend eh, kung hindi mo ibababa walang mangyayari. hahaha pinapatawa lang kita. oh sya gogora na akelz at magsisimula na ang concert ko. chos!"

Naiwan akong mag isa sa bench, iniisip ko ang mga sinabi sa akin ni monica. hays!Pumunta na rin ako sa back stage dahil start na ng aming speech fest. naunang mag perfoem ang mga engineering classmate ko at sumunod naman kami. Sabi nga nila The Show must go on....

After namin mag perform kinausap ako ni EJ."Bakit mukhang wala ka sa sarili mo kanina habang nag peperform tayo? ni wala man lang expression yang mukha mo. may problema ba?""Wala akong problema. kung meron man wala ka na doon"-ang mataray kong sagot."uhmmm so meron nga. ah tutal friday naman ngayon, napagkasunduan namin na mag inuman nalang sa bahay namin o sa dyan nalang sa bar sa may bayan. ano pwede ka ba?"-tanong niya"Hindi ako umiinom eh, saka baka pagalitan ako ng kuya ko""Uhmm sumama ka nalang kahit hindi kana uminom. please? or pwede ka din uminom para makalimutan mo pansamantala ang mga problema mo"-sabi pa niya Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Mag inom kaya ako para naman makalimutan ko pansamantala ang mga problema ko. wala namang pasok bukas eh. Sakto namang papalapit si kuya.

"oh kuya bakit ngayon ka lang po?"-tanong ko"sorry bunso, nagkaroon kasi kami ng urgent meeting eh kakatapos lang namin."-paliwanag nya"ah ganoon po ba.""Oo, oh ano nangyari?"-tanong niya"tapos na po kanina lang""sayang hindi ako nakapanood. oh pano uuwi na tayo?"

Tumingin naman ako kay EJ. Malungkot ang mukha niya. kaya naman naisipan kong mga paalam kay kuya na sasama ako sa kanila."uhmm kuya pwede ba akong sumama sa mga classmate ko?""saan naman kayo pupunta?"-tanong niya"mag iinuman daw po. tutal wala namang pasok bukas eh. For celebration lang naman po"-sabi ko kay kuyaHindi umimik si kuya. Nag iisip siya kung papayagan ba ako o hindi."uhmm wag kang mag alala ako nalang ang maghahatid sa kanya mamaya pag uwi namin."-sabi ni EJ kay kuya"Nasaan pala si Francis? Kahit siya nalang ang mag hatid sayo mamaya or sunduin nalang kita mamaya"-sabi ni kuyaHindi naman ako nakaimik."ah kuya wala po si francis eh"-sabi ko naman"oh sige sunduin nalang kita mamaya. tawag nalang ako. wag kang mag inom ng marami ha?""opo kuya. salamat po."-sabay halik ko sa kanya sa pisngi at hinalikan naman niya ako sa noo."sige ingat kayo. uuwi na ako""sige po kuya. ingat ka din po pag uwi"

Nang makaalis na si kuya pumunta na kami sa isang bar sa may bayan lang. Pag dating namin doon agad naman kaming nag order ng maiinom namin. Uminom na rin ako pero pa konti konti lang, masaya naman ang inuman pero parang may kulang. Ewan ko ba. Dahil sa sobrang dami narin siguro ng problema marami ang naimon ko at medyo lasing na ako pero ung mga kainuman ko mukhang walang pang tama. Inaalalayan naman ako ni EJ kapag tumatayo pumupunta sa CR. Sa sobrang ingay sa bang halos mag sigawan na kapag nag uusap o kaya naman dapat ilapit ang bibig sa tenga para mag kaintindihan. "Okay ka pa?"-tanong ni EJ sa akin"Medyo may tama na ako eh"-sabi ko naman"Hayaan mo ako ang bahala sayo"-sabi pa niya at umakbay sa akin.“sige salamat :): sabi ko.

Napalingon ako sa may pintuan ng bar at nakita ko si Francis na nakatayo doon at nakatingin sa amin na mukhang galit na galit.





(Itutuloy)

Thursday, March 29, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [13]





email: watashioonheru03@gamail.com

fb: http://facebook.com/oonheru

by: oonheru







Pagkatapos naming mag pa medical hindi na kami nag practice sabi ng aming team captain mag pahinga nalang daw muna kami.Hindi pa rin ako makapaniwala na pareho ang birthday namin ni francis dahil sa tagal ng pagsasama naming ay ngayon ko lang nalaman. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin iyon? Bakit niya isinekreto? Yan ang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan. Naalala ko pa kapag birthday namin dalawa hindi siya pumapasok sa klase. Kapag nagtetext naman ako sa kanya sasabihin nya ay nasa manila siya. Pero hindi niya nakakalimutang batiin ako. At kapag umuuwi siya galing manila marami siyang pasalubong na dala sa akin gaya ng chocolates, damit at perfume. iyon daw ang kanyang regalo sa akin. Ang bait talaga ni francis katulad siya ng aking kuya.




“Prince galit ka pa ba sa akin?”- boses ni francis mula sa likuran. Hindi ko parin siya pinansin at nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Nag iisip kung papansinin ko ba siya. Hindi kasi ako sanay ng sinisigawan, ayaw ko ng ganoon. Pero sa kabila ng hindi ko pag pansin sa kanya pilit naman niya akong kinukulit at Sinundan niya ako kung saan ako pupunta.




“Pansinin mo naman ako oh! Nag mumukha na akong tanga kakasunod sayo, parang nakikipag usap ako nito sa buwan eh” Nag panting ang tenga ko sa aking narinig kaya naman hinarap ko siya.




“sino ba ang may sabing sumunod ka ng sumunod ka sa akin? Hindi ka ASO, TAO ka kaya wag kang buntot ng buntot sa akin. Okay?”




“okay fine, simula ngayon hindi na kita kukulitin o susundan o kung ano pa man”




“mabuti kung ganoon, nakakairita kasi pag may sunod ng sunod sayo eh”




“oo nga siguro nga. Magsama kayo ni EJ!”- ang mataas niyang boses




“wag mong idamay ang taong walang kinalaman dito.”- mataas na rin ang boses ko




“Alam mo ba nung nag text ako sayo, at yayayain sana kitang kumain sa labas sabi mo busy ka sa ginagawa mo. Pero ano? Kasama mo si EJ noon diba? Kumain pa nga kayo sa labas eh tapos doon ka pa natulog sa kanila”




“eh ano naman ang pakialam mo kung kumain kami sa labas ni EJ? At ano rin ang pakialam mo kung doon ako nakitulog sa kanila? Saka mga classmate namin ang kasama ko matulog kina EJ” Hindi siya nakaimik sa aking sinabi, nakayuko siya at halatang napahiya sa aking sinabi




“Concern lang naman ako eh”




“CONCERN?? Tama ba ang narinig ko? Hindi yan pagiging concern. SELFISH ang tawag dyan at higit sa lahat ayaw ko sa taong makitid ang utak.” Hindi siya naimik sa aking sinabi. nakayuko lang siya.




“Sorry” at tuluyan na siyang humagulhol. Naiiyak na rin ako ng mga oras na iyo pero hindi ako nagpahalata.




"Hindi ko kailangan ang sorry mo!"




Umalis na ako at iniwan siyang mag isa at umuwi na sa boarding house. Pagdating ko agad kong hinubad ang uniform ko at nag suot lang ng boxer na puti. Humiga ako sa kama at ipinatong ko ang aking kaliwang kamay sa aking noo at iniisip ko parin ang nangyari kanina habang nakatitig sa kisame.




“oh bunso nandiyan kana pala. Wala ka na bang klase?” tanong ni kuya sa akin




“wala na po eh. Ikaw ba?” tanong ko rin sa kanya




“wala na rin eh. Teka umiyak ka ba bakit mapula ang mga mata mo?”




“ah hindi po napuwing lang po ako sa labas kanina, mahangin kasi eh” ang pag sisinungaling ko




“ah ganoon ba akala ko may nag paiyak sayo eh” sabay gulo ng buhok ni kuya sa akin




“wala kuya, saka sino naman ang aaway sa akin, eh ang bait ko kaya”




“malay natin ang best friend mong si Francis ang umaway sayo" Hindi ako nakaimik sa sinabi ni kuya bagkos nag change topic nalang ako.




“eh kumain ka nab a kuya?” ang sabi ko




“ hindi pa nga eh. Ikaw ba?”




“hindi pa rin eh. Tara kain tayo libre mo ako hah?”




“hahaha loko ka talaga sige na nga. Pero kiss ko muna” si kuya




“ayaw ko nga” pagpapakipot ko




“sige ka hindi kita ililibre, sa paborito mong resto pa naman tayo kakain pero wag nalang walang kiss eh”




“ang daya naman ni kuya. Sige na nga eh oh kiss




”At nag flying kiss ako sa kanya




“Ayaw ko ng flying kiss sawa na ako dyan hahaha” Wala na rin naman akong nagawa kundi i kiss siya sa pisngi. Kasi pag hindi ko ginawa iyo hindi nya ako ililibre sa paborito kong resto. Hahaha




Lumipas ang dalawang linggo at hindi na nga kami nag papansinan ni francis. Hindi narin kami mag katabi sa upuan at kahit nag kakasalubong kami sa school o sa labas man parang hindi kami mag kakilala. Kahit sa practice ng aming cheerleading hindi din.




Parang na guilty naman ako sa nangyayari sa amin parang gusto ko siyang kausapin at humingi ng sorry sa kanya para mag kaayos na kami, gusto kong ibalik ung dating saya ng pagiging mag bestfriend naming dalawa. Hindi ako sanay ng ganito. Pero umiiral pa rin ang pride ko. Hindi ako mag sosorry sa kanya. Yan ang sabi ko sa aking sarili.




Alas dose na ng madaling araw hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dala na rin siguro ng mga problema ko kaya naman nag text ako sa aking textmate.




“Kumusta kana?” ang text ko




“Okay lang naman ako. Ikaw kumusta kana?”




“eto hindi makatulog ”




“may insomia ka ba? hehehe"




"hehehe wala" sagot ko




"may problema ka ba?” tanong niya




“Oo eh. Maraming marami ”




“Share mo naman baka makatulong ako sayo”




Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang aking problema, pero kelangan ko itong ilabas para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.




“Nag away kasi kami ng bestfriend ko eh. Hanggang ngayon hindi pa rin kami ng papansinan eh dalawang linggo na ang nakakalipas."




"So ano ang gusto mong gawin ngayon?"




"Gusto ko ulit ibalik ung dating pagkakaibigan naming dalawa. Ano ba ang dapat kong gawin?”




“Na mi miss mo siya?”




“Oo miss ko na siya :(”




“ANO BA ANG?” NA MI MISS MO, SIYA O ANG KAWALAN NIYA?” Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya parang isang milyon ang halaga ng kanyang katanungan. Hindi ko alam ang aking isasagot. Matalinhaga ang kanyang tanong at napakalamin nito.




“Parehas” ang reply ko makalipas ang sampung minuto




“hindi pwedeng parehas dahil may isang bagay kang na mi miss sa kanya yun ay SIYA O KAWALAN niya. Alin bas a dalawa?”




“Siya po” ang sagot ko




“Ang sakit lang na dati-dati kami ang magkasama. ngayon daan-daanan nya na lang ako. Ano ba ang dapat kong gawin para mag kaayos kami ulit?” text ko pa




“ Minsan akala mo di mo kaya, pero pag nakaya mo you'll become stronger. Simple lang naman para mag kaayos kayo ulit, humungi ka ng sorry sa kanya”




“eh hindi naman ako ang may kasalan eh” sabi ko




“Hindi importante kung sino ang may kasalanan, hindi porket ikaw ang humihingi ang tawad ay kasalanan mo na, minsan may mga bagay tayong dapat isaalang-alang para maging maayos ang lahat. Wag mong pairalin ang pride mo. walang mangyayari sa inyo kung mag hihintayan kayong dalawa kung sino ang mag bababa ng pride. Isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan ng dahil lang sa pride?




”Para naman akong sinampal sa kanyang sinabi. Oo nga naman hindi dapat pairalin ang pride.




“hindi. Eh kasi naman pinag seselosan niya ang mga kaibigan kong iba eh”




“Normal lang yun sa mag bestfriend. nasanay siguro siya na lagi mong napag tutuunan ng pansin. pero Alam mo wag kang magagalit kong nagseselos siya kasi mas masarap sa pakiramdam yung alam mong pinag dadamot ka kesa pinamimigay ka. Ikaw ano ba ang mas gusto mo sa dalawa?” Sheeeet bakit ganito ang kanyang mga sinasabi sa akin, talagang natatamaan ako sa kanyang mga sinasabi.




“Di ba pagiging selfish yun?” tanong ko sa kanya




“Para sa akin, hindi kasi minsan kaya nag seselos ang tao kasi ayaw niyang mawala tayo sa kanila. Mahal tayo ng mga taong iyon.”




“Ah okay po. Pero bakit binabaliwala na niya ako?”




“Siguro dahil sa nangyari sa inyo. baka gusto na nyang maka move on. Alam mo minsan kaya nasasabi nating binabalewala tayo ng isang tao kasi iniisip natin na mahalaga tayo sa kanya. Ang tanong mahalaga ka ba sa kanya? ”Napaisip ako sa kanyang sinabi. Mahalaga ba talaga ako kay francis?




“Uhmmm siguro naman mahalaga ako sa kanya, mag bestfriend nga kami diba?”




“maganda yan! Basta wag ka lang masyadong mag expect kasi sa bandang huli ikaw rin ang masasakatan”




“Opo salamat sa payo”




“Alam mo ma swerte ka nga dahil iyan lang ang problema mo. Hindi tulad ng ibang taong may sakit na cancer, may taning ang buhay, mga putol ang paa, eh nakikisabay sa agos ng buhay at hindi nawawalan ng pag asa na balang araw magiging ayos din ang lahat. diba mas malaki pa ang problema nila kesa sayo? Kaya isipin mo na mas maswerte ka sa kanila. Enjoy mo lang ang life at isipin mo na challenge lang ang lahat at sigurado ako na malalampanasan mo din iyan. Kung ang mga bata nga na nasa langsangan na walang magandang tulugan, walang makain at mainom, walang magandang bahay, walang mga magulang ay kayang ngumiti sino ka naman para sumimangot diba? Smile kana”. Sobrang hiwaga ng kanyang mga sinabi hindi ko alam kung saang parte ng mundo niya kinuha ang mga iyon sorbang galing niya magpayo. Gusto ko siyang Makita sa personal. Sabi ko sa aking sarili.




"Mahal mo ba siya?" tanong niya




"Oo mahal ko siya kasi bestfriend ko siya" sagot ko




"what i mean is ung higit pa sa isang bestfriend?"




"uhmm dati, pero ngayon bestfriend nalang talaga"




"huh bakit naman?"




"kasi pag nagagalit sa akin ang isang tao, ung tipong wala naman akong ginagawang masama tapos susumbatan ako ayun unti unting nawawala ang pagmamahal ko"




"mahirap ka palang galitin hehehehe. smile ka naman oh"




“opo naka smile na ako :D” Sobrang saya ko ng mga oras na iyon parang nawala lahat ng aking problema sa kanyang mga sinabi.“Oh siya matulog kana. Baka may pasok ka pa bukas, bawal mag puyat ha? Hehehe”




“opo salamat pala sa payo ha?”




“wala un basta pag may problema ka text mo lang ako. Teka wala ka bang kapatid na matanda sayo?” tanong niya




“Meron po. Ung kuya ko.” Ang sabi ko




“eh bakit hindi mo sa kanya sinasabi ang problema mo?” tanong niya




“nahihiya kasi ako sa kanya eh”




“sus wag kang mahiya sa kuya mo, baka nga mas magaling pa magpayo sa akin yan eh. Hehehe”




“naku mas magaling ka sa kanya magpayo. Hehehe”




“Oh sya, matulog kana at matutulog na din ako. Good night ”




“Good night din. Sweet dreams ”




(itutuloy)

Wednesday, March 21, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[ 12]



email: watashioonheru03@gamail.com
fb: http://facebook.com/oonheru
by: oonheru

"Bunso kain na tayo"- ang pagyaya ni kuya sa akin

"sige po, nagugutom na din ako eh"

Habang kumakain kami tinanong ako ni kuya

"Ilang bese mo na bang napanaginipan iyon?"

"maraming beses na po. bakit?"-tanong ko naman

"nakapag tataka lang eh kasi paulit ulit na ganon ang panaginip mo, ganun lagi ang set-up, sa hospital, may mga baby, ung ganun"

"ewan ko nga po kung bakit laging ganun nalang"

After naming kumain naligo na ako para pumasok sa school. at gaya ng dati lagi akong dinadaanan ni francis para sabay kaming pumasok.

"Good Morning Best"-ang bati ni francis sa akin na nakangiti

"Good Morning din"

"oh bakit mukhang malungkot ka?"

"ah wala ito. tara na"- akit ko sa kanya

Calculus ang subject namin noon. tahimik lang ako at nakikinig sa aming proffesor.

"uy, bakit ang tahimik mo ata ngayon?"-tanong ni francis

"ah, wala. nakikinig ako kay sir eh, medyo mahirap ung topic natin eh. makinig ka rin kaya"-sabi ko naman

"wehh di nga? wag kang mag-alala best Mahal ka nun"-sabi naman nina

"Mahal?? nino naman??"-ang nakakunot kong noo

"ung mahal mo. hehehe"

"loko ka talaga. saka na ang lovelife mag aral na muna tayong mabuti. okay?"

"okay po sir"- ang pabiro niyang sabi

pagkatapos ng aming klase bumili muna kami ng snack ni francis sa canteen.

"saan na ang punta mo ngayon?"-tanong niya sa akin

"sa CAS (College of Arts and Sciences) doon na kasi ang next na klase ko sa speech communication eh"

"ah oo nga pala. kasi naman dapat hindi ka nagpalate mag enroll yan tuloy hindi tayo mag classmate"- na ang boses niya ang may halong lungkot

"hayaan mo sa susunod hindi na ako mag papalate para mag classmate ulit tayo. saka isang subject lang naman tayo hindi mag ka klase ah"

"hehehe promise yan ha?"

"hmmm NEVER SAY A PROMISE!"

"huh bakit naman?"-tanong niya

"basta gagawin ko nalang, mamaya hindi ko matupad ang promise ko. hehehe"

"hehehe. ihahatid nalang kita sa room nyo"

"sige salamat. Naku may practice pala kami ngayon sa speech fest namin. kayo ba?"

"bukas pa ang practice namin"

"ah ganun ba?"

"yup"

Naglakad na kami ni francis papuntang CAS ng may tumawag sa akin.

"uy princeee!!!"

Nilingon ko naman kung sino ang tumawag sa aking pangalan. si EJ pala

"uy EJ ikaw pala"-ang bati ko sa kanya

"tara na mag start na ang practica natin. sino pala kasama mo?"

"ah si francis bestfriend ko since birth sa engineering"

"Erylle John bro, pero EJ nalang itawag mo sa akin "

"Francis Kevin, Francis nalang tol."- sabay shake hands nilang dalawa

"so tara na EJ, sige Francis salamat sa paghatid"

"sige ingat ka ha? tol ingatan mo ang bestfreind ko ko ha? pag may nangyari dyan ikaw ang mananagot sa akin. hehe"-ang pabirong sabi ni francis

"oo naman bro. sige alis na kami"

"sige bye"

at umalis na nga kami papunta sa Gym at si francis naman palabas ng school.

"sige wag mo kalimutan mamaya ha kita tayo?"-text niya sa akin

"okay"-reply ko naman

Nang makarating na kami sa gym ay nandoon na lahat ng mga classmate namin. binigyan kami ng kanya kanyang gagawin. ang napunta sa akin ay pagsasayaw dahil nga sa cheerleader daw ako. hehehe
at nagsimula na ang aming practice. ako ang naging choreographer. sayaw dito sayaw doon. nakakatuwa ang sumayaw lalo na pag hilig mo ito. kasi bata palang ako ay mahilig na ako mag sayaw. naalala ko pa nung elementary days ko. tuwing graduation ay laging may intermission number kami ng mga kaklase ko.

lumipas ang isang oras at nag break na muna kami.

"Okay 10 mins break"-sabi ng pinaka leader namin

uhaw na uhaw na ako kaya kinuha ko ang tubig sa bag. lumapit sa akin si EJ at inalok niya ako ng Chocolate.

"Prince, chocolate gusto mo?"

"ah hindi meron naman ako eh"

"sige na marami kasing pinadala si mama eh, hindi ko naman mauubusan lahat yan."

Tinanggap ko naman iyon dahil ayaw kong magalit sa akin ung tao,baka sabihin choosy ako. hahaha

"salamat :)"

"wala un, nga pala after nitong practice natin may klase ka pa?"-tanong niya sa akin

"wala na bakit?"

"tara mag meryenda tayo. libre ko"- pagyaya niya sa akin

"ah sige salamat nalang"-pakipot effect ko. chos!

"sige na, wala kasi akong kasabay mag meryenda eh., please??"-pag mamakaawa niya

"sige na nga"

"Yehey, thank you ha?" sabay bitiw ng wagas na ngiti

"Okay back to practice na. kelangan nating maka buo ng routine dahil malapit na ang speech fest natin."

Ganun parin ang ginawa namin practice practice. Alas tres na kami natapos ng practice. after noon sabay kaming nag meryenda ni EJ. Pumunta kami sa isang resto na mukhang mamahalin ang mga pagkain. Agad naman kaming humanap ng pwesto. Pag upo namin nilapitan kami ng waiter at tinanong kung ano ang aming order.

"Anong gusto mong meryenda? Pumuli ka nalang :)"-sabi ni EJ

Tiningnan ko ang menu at pumili ng meryenda.

"Mango Panacotta nalang sa akin"

"Yan na din sa akin. anong drinks mo?"

"Ikaw anong gusto mo?"-tanong ko sa kanya

"Ikaw"-ang sabi niya

"ha??"-ang sabi ko naman

"sabi ko ikaw na ang pumili ng drinks natin"

"ah okay. Sprite nalang sa akin"

"sige coke sa akin"

after naming umorder nag intay kami ng ilang sandali..

"Bakit ka nga pala napunta sa section namin?"-tanong niya

"ah kasi naubusan ako ng slots eh kaya ayon sa inyo ako napapunta"

"SIR eto na po ung order nyo"-sabi ng waiter sa amin

habang kumakain kwentuhan lang kami ni EJ marami rami din ang napag kwentuhan namin. Nalaman ko na nag iisang anak lang pala siya at ang mama niya ay nasa Japan. tatay lang niya ang kasama niya sa kanilang bahay.

Nasa ganun kaming pag-uusap ng biglang tumawag si Francis sa akin

"Oh Francis napatawag ka?"-tanong ko

"Nasaan ka na? May practice tayo ngayon sa PEP"

Naku lagot ako nito, nakalimutan ko pala na may practice kami sa PEP ngayon.

"uhmm EJ mauna na ako ha? nakalimutan ko kasi na may practice pala kami sa PEP"-paliwanag ko

"sige, salamat ulit"

Dali dali naman akong pumunta sa school at tiyak na mapapagalitan na naman ako ng trainor namin. pag dating ko doon hindi nga ako nag kamali at napagalitan nga ako.

"Late kana naman Prince!!!!"-bulyaw sa akin ng Trainor namin

"Sorry po. nawala sa isip ko na may training pala ngayon"-paliwanag ko

"Sige na mag practice na kayo. One man lang ang practice natin ngayon. okay punta na kayo sa stunt group nyo"

dali dali naman kaming pumunta sa aming stunt group at pumunta sa field Nakalatag na din doon ang mga foam. ka stunt group ko si Francis, siya ang base at ako naman ang back spot at ang flyer namin ay si Sarah.

"Yan tuloy napagalitan ka"-sabi ni francis

Okay lang yun. Nakalimutan ko kasi eh"-sabi ko naman

"Kung saan saan ka kasi pumupunta eh"-ang pabulyaw niyang sabi

"sinisigawan mo ba ako?"-ang pabulyaw ko ding sabi

"Hoy ano na naman yan? mag practice na nga kayo"-bulyaw din sa amin ng aming trainor.

Alas otso na ng matapos ang aming practice at bago kami umuwi nag meeting muna kami.

"Okay makinig. Bukas wala muna tayong practice pero kelangan ninyong mag pa medical dahil isa iyon sa mga requirements bago tayo sumabak sa labanan. May pupuntang mga Nurse dito bukas 9am. maliwanag ba?"-sabi ng aming trainor

"Maliwanag po"-sabay sabay namin sabi

After ng aming meeting pumunta muna ako sa CR para magpalit ng damit dahil amoy pawis na ako. Sumunod naman si francis sa akin.

"Sorry nga pala kanina, nasigawan kita"

Hindi ko naman siya pinansin, patuloy ako sa pag palit ng damit.

"Galit ka ba?"-si francis

"Pansinin mo naman ako. Please?"-pag mamakaawa niya

Pero hindi ko parin siya pinansin hanggang makalabas kami ng School. Hindi narin ako nag pahatid sa kanya sa bahay na lagi niyang ginagawa dahil ayaw kong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa akin. pag dating ko sa bahay, kumain lang ako at nagpahinga na.

Kinabukasan 8:45 na akong nakapunta sa School. Pagdating namin sa Gym marami narin ang magpapa medical kaya umupo muna kami at inintay pa naming matapos ang ibang players.

"ate pwede po bang patingin niyan?" sabay turo ko sa papel na hawak niya, iyon ay listahan ng mga kasali sa grupo namin.

Agad naman niyang inabot sa akin. Maging ang mga kasama ko ay nakitingin narin. Hahanapin kung sino ang pinakabata o matanda tapos magtatawanan.

"arvin ang tanda mo na pala 22 kana pala akala ko 18 ka lang" sabi ni argie isa sa ka grupo ko.Tawanan naman ang lahat.

"oh ito namang si mc jade 17 pa lang pala pero mukhang 20 na" sabi ulit ni argie. Tawanan na naman kami.

Maya maya pa tinawag na kami ni francis. Lumapit kami sa table ng isang Nurse na medyo may edad na din, siguro mga 45 year old na. Paglapit namin doon hindi ko parin pinapansin si francis.

"Magkapatid ba kayo?"-tanong sa amin ng Nurse

"Ah hindi po"-sagot ko naman

"Mag bestfriend po kami"-sabi naman ni Francis

"ah akala ko magkapatid kayo kasi magkamukha kayo. Siguro lagi kayong magkasama kaya naging magkamukha na kayo"

"Ganon po ba un, pag laging magkasama nagiging magkamukha?"-tanong ni francis

"Sabi nila ganoon daw iyon"

"Ano name mo?"-tanong sa akin

"Prince Marky Rodriguez po"-sagot ko naman

"Francis Kevin Gariguez naman po ako"

"Birthday mo?"-tanong ulit

"October 5, 1991 po"

"Ganon din po ako. October 5, 1991."-sabi ni francis

Bigla naman akong nagulat sa sinabi ni Francis dahil ngayon ko lang nalaman na parehas pala ang aming birthday.
Bigla namang namulta ang nurse sa hindi malamang dahilan.

"Okay lang po ba kayo?"- ang sabay naming tanong

"O...Oo O..kay lang ako"-ang pautal utal niyang sabi

"Halika dito at ikaw ang una kong kukuhanan ng BP"-sabi sa akin

Lumapit sa akin ang nurse at saka niya ako kinuhanan ng BP. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kanyang kamay. At itinaas pa niya ang sleeves ng tshirt ko na para bang may tinitingnan.

"bakit nyo po tinitingnan ang balat ko sa balikat?"-tanong ko

"ah eh wala wala"-sagot niya

"okay lang po ba talaga kayo? ang lamig kasi ng mga kamay ninyo eh."

"oo. gutom lang siguro ito."-sabi naman niya

Pagkatapos ko. Si francis naman ang kinunan niya ng BP. Pinagmamasdan ko lang ang nurse kasi ang weird ng dating eh.
Ganoon din ang ginawa niya kay francis tinaas niya ang sleeves ng tshirt nito at may tiningnan din. Hindi ko naman nakita kong ano iyon.

Pagkatapos naming kunan ng BP ay pumunta na kami sa aming mga ka grupo. Ngunit sadya yatang napakalinaw ng aking pandinig dahil narinig ko ang sinabi ng nurse

"SILA NGA"

(itutuloy)

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[ 11]

email: watashioonheru03@gamail.com
fb: http://facebook.com/oonheru
by: oonheru


"Sino si EJ?"- ang tanong ulit sa akin ni kuya

"Classmate ko daw po siya sa Speech Communication eh"-ang sagot ko sa kanya

"Bakit may daw?"-ang usisa niya sa akin

"Eh hindi ko naman po kasi siya kilala eh"- paliwanag ko

"Huh, bakit hindi mo kilala?"- tanong niya ulit

"Eh kasi po iba ang course ko sa kanila, diba naubusan ako ng slots sa engineering para sa subject na speech communication kasi nga po na late ako ng pag eenrol, kaya no choice po ako, eh sa History lang ang may natitirang slots para dun, saka laging sa likod ako umuupo kaya wala pa akong kakilala sa kanila, tapos after ng class lumalabas agad ako kaya ganun po"- ang mahaba kong paliwanag sa kanya

"Ah ganun ba. buti ako hindi ako naubusan ng slots sa mga subjects ko.. hehehe"

"Di ikaw na nga kuya. hehehe.."- sabi ko naman

"Kuya naaalala mo ba nung magkasama tayo pumunta sa bayan nung sabado?"-tanong ko

"Oo, bakit anong meron?"-tanong din niya

"Naalala mo ba ung lalaking bumati sa akin?"-tanong ko ulit

"Oo"- sagot niya

"Siya pala si EJ"-ang sabi ko

"Ah siya pala ung lalaking matangkad na payatot, pero pwede na din. hahaha"-ang malakas niyang tawa

"Pwede na ding ano?"-ang tanong ko naman

"Pwede na ding pag tyagaan ng mga Chicks. hahaha"

"Grabe ka naman kuya. hehe"

Gaya nga ng nasabi ko si EJ ay history student, 5'6 ang kanyang tangkad, maputi, slim ang katawan pero gwapo din naman.

Naalala ko pa nung unang pumasok ako sa klase namin sa speech communication, dahil sa late ako nag enroll, second week na ako nakapasok. Naka free style ako noon dahil pag second week ng pasukan ang mga engineering ay mga naka free style kasi aabutin ka ng isang linggo pag eenroll sa sobrang dami ng population namin.
Pumasok ako sa room at ako lang ang naiiba ang ang suot dahil lahat sila ay naka uniform. Damang dama ko ang sobrang kaba dahil wala akong kakilala sa mga bago kong classmate. Lahat sila nakatingin sa akin pagpasok ko. Sa unahan ako umupo dahil iyon lang ang bakante. Ilang sandali pa dumating na ang aming professor.

“Good Morning Sir”- ang bati ng mga classmate ko

“Good Morning din”-ang bati ni sir

Agad naman akong napansin ni sir dahil ako lang ang bukod tanging naka free style sa klase.

“New Comers?” –tanong niya

“Yes Sir”- ang sagot ko naman sabay abot ko ng registration form at classcard ko.

“Mr. Prince Marky Rodriguez. Bachelor of Science in Computer Engineering 3rd year”- ang sabi ni sir

Para naman akong napahiya sa sinabi ni sir. Binanggit pa talaga ang buong pangalan at course ko. NKKLK

“Okay, Introduce yourself”- ang sabi ulit ni sir

“huh binasa na nga nya ang buong pangalan ko tapos magpapakilala pa ako?”- sa isip isip ko.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumayo at mag-pakilala.

“uhmmm ahmm. My name is Prince Marky Rodriguez taking up Bachelor of Science in Computer Engineering, 3rd year, 19 year old.”- sabay upo ko

“Thank you Mr. Rodriguez! What is your status? Pinapatanong ng mga Classmates mo”- ang sabi ni sir

May gad kelangan pa ba un?

“Single po”-ang sabi ko naman

“Oh Single daw siya. Pwedeng pwede”-sabi naman ni sir

Nagtawanan naman ang buong klase. Jusko parang ayaw ko ng pumasok dito. Hahaha. Nag blush na yata ako sa sobrang hiya, dahil hindi naman ako sanay na pag usapan ang Lovelife lalo na sa ora ng klase. Chos!

“bakit ka nga pala naka free style? Monday ngayon dapat naka uniform ka.”- tanong ulit ni sir

“kasi po kakatapos ko lang mag enrol eh”-paliwanag ko

“ah ganun ba. Hmmm I like your pants”-sabi ni sir

Napatingin naman ako sa pantalon ko. Kasi ang pantalon ko ay kumukintab. Ewan ko ba hahaha eksaherada si sir LOL. Ngumiti nalang ako kay sir.

In fairness ang gwapo ni sir Jeff (un ang pangalan niya) Rosy chick ang kanyang kutis, mga 5’7 ang kanyang height at matipuno ang katawan. After noon nag simula na angklase naming. Nakinig naman ako kay sir pero hindi ako nag paparticipate kasi nahihiya pa ako sa mga classmate ko. Kelangan ko muna mag adjust.

“Bunso ang lamig no?”-ang pumukaw sa aking pagbabalik sa nakaraan.

“oo ng kuya kahit naka jacket na ako ramdam ko pa rin ang lamig.

“halika nga dito at yayakapin kita para hindi ka na masyadong lamigin.”-ang sabi ng kuya ko

Ang swerte ko talaga sa kuya ko bukod sa Gwapo, mabait, matalino, masipag, maalalahanin, mapagmahal sa kapatid at higit sa lahat naka sweet. Ako na yata ang pinaka maswerte sa buong mundo kasi siya ang naging kuya ko.

“Tingnan mo kuya oh ang daming stars oh.”- sabay turo ko sa kalawakan

“oo nga at ang ganda ng buwan”-dugtong pa niya

“sandali lang bunso may kukunin lang ako ha?”-si kuya

“ano naman po ang kukunin mo?”-ang tanong ko sa kanya

“kukuha ako ng karton para may sapin tayo ditto, malamig ang semento eh, baka mag kasakit ka pag humiga tayo dyan”
“okay sige po kuya”

Maya maya pa may dala na si kuyang karton at inilatag ito sa semento. Agad naman kaming humiga para pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Humiga naman ako sa mga bisig ni kuya at siya naman ay haplos haplos ang mga buhok ko habang nagkokwento. Hindi ko namalayan Nakatulog na pala ako.

“Prince halika at sumama ka sa akin”-ang sabi ng isang lalaki na hindi ko kilala, halos ka edad ko lang siya.

“bakit saan tayo pupunta?”-ang tanong ko

“basta may pupuntahan tayo”-ang sabi niya

“eh hindi naman kita kilala eh, bakit ako sasama sayo. Saka sino ka ba?”-ang tanong ko

“Makikilala mo rin ako pag dating ng takdang panahon. Basta sumama ka nalang sa akin dahil importante ang ipapakita ko sayo”

Napaisip naman ako, ano kaya ang ipapakita niya sa akin? Bakit makikilala ko pa siya pag dating ng takdang panahon?
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad patungo sa isang gusali. Pumasok kami at naglakad – lakad.

“ano ba ang gagawin natin dito sa Hospital?”- ang naiirita kong tanong sa kanya

“pupunta tayo doon sa Neonatal, Intensive Care Unit(sabi ni Marcky Pabilan sa chat )”

“Ano naman ang gagawin natin doon?”-tanong ko ulit

Nawiwerduhan na ako sa nangyayari. Sana hindi nalang ako sumama sa kanya.

“Nandoon ang Neonatal, Intensive Care Unit”-sabay turo niya. Nasa pinaka dulo ito.

Binilisan ko na ang paglakad ko para makarating sa Neonatal, Intensive Care Unit room at para makauwi na agad dahil natatakot na ako ng mga oras na iyon. Pag lingon ko sa kanya mula sa likuran nawala na siya.

“nasaan na kaya un?”-tanong ko sa sarili ko

Hinayaan ko nalang iyon at tinungo ko ang Neonatal, Intensive Care Unit room. Nang malapit na ako, agad ko naming nakita ang loob dahil sa fiber glass ang kwarto. Maraming mga batang sanggol doon. At ang nakaagaw ng pansin sa akin ay ang tatlong batang magkakalapit lamang medyo nakahiwalay ung isa at ung dalawa naman ay halos magka dikit ang crib nila. Siguro kambal sila.

Bigla naman akong natakot ng nakita ko yung isang baby na medyo nakahiwayan na kulay ube na ito. Patay na yata ang sabi ko sa sarili ko. Tumayo ang aking balahibo sa aking nakita at kumaripas ng takbo at nagsisigaw palabas ng Hospital.

“AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Isang sampal ang lumanding sa aking napakinis na pisngi (Chos! Haha). Napakalakas noon ang sakit kaya.

“bunso napapano ka?”-ang tanong ni kuya na alalang alala

Habol habol ko ang paghinga, kaya naman kumuha ng tubig si kuya sa ref at pinainom ako.

“Binabangungot ka na naman ba bunso?”-ang tanong ni kuya sa akin

Agad naman akong yumakap kay kuya dahil takot na takot pa rin ako. Hindi ko na napigilan at umiyak na ako.

“Iyon na naman ba ang panaginip mo?”

“opo kuya”-umiiyak pa rin ako

“Bakit ba paulit ulit mo nalang iyong napapanginipan?”-tanong ulit ni kuya

“hindi ko po alam, hindi ko po alam”

(itutuloy)

Saturday, March 26, 2011

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[10]

Author's Note: I'm Sorry sa inyo dahil sa pagkabitin nyo sa part na ito. Masyado lang po talagang busy sa pag-aaral ang dami
kasing mga reports at project na ginagawa kaya naalintana ang pag update ko nito sana ay maintindihan nyo ako. =)


"ANG PART NA ITO AY INIHAHANDOG KO SA PINAKAMAMAHAL KONG KUYA EJ I LAB U KUYA KO"

SA SUNOD KO NA BABATIIN UNG IBA HEHEHE

sana suportahan nyo ako sa MR.PCC at sa BIKINI OPEN lol sasali kasi ako eh LIKE lang naman kailangan pero di pa ngayon
popost ko na lang po dito later pag umpisa na ng labanan ^_^

by:oonheru
email:watashioonheru03@gmail.com
facebook:oonheruwatashi03@gmail.com

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[10]


Nataranta ako bigla ng mabasa ko ang kanyang text hindi dahil exited ako na marinig ang kanyang boses kundi baka bigla siyang tumawag
at naku baka magtaka si kuya sa akin.
Bigla akong tumayo mula sa aking pagkakahiga para pumunta sa rooftop at doon nalang kami mag-uusap dahil ayaw kong marinig ni kuya ang
aming paguusapan baka usisain nya ako kung sino iyon. at saka panira yan ng moment kapag may kausap ako sa telepono kung ano-ano ang sasabihin niyan.
naaalala ko noong kausap ko ang isa kong kaklase dahil may itinatanong sa akin ng bigla na lang si kuya na lumapit sa akin at nagsalita

"babes sino yang kausap mo?" ang sabi niya. kaya naman uusisain din ako ng kausap ko sa telepono kung sino iyon o kaya naman ay

"uy ung tagay mo kanina pa nag-iintay" ganyan si kuya panira talaga ng moment.

"saan ka pupunta?" ang agad niyang tanong ng bumangon ako sa higaan.

"ah eh sa rooftop may kukunin lang po" ang pag sisinungaling ko sa kanya.

"anong kukunin mo?" ang pag usisa niya.

"ah eh ung damit ko na nakasampay baka kasi umulan wala akong isusuot bukas." ang sabi ko naman

"gabi na ah madilim doon, baka kung mapano ka pa. sasamahan na lang kita?" ang sabi naman niya

"ah eh ah eh wag na kuya madali lang talaga ako promise!" ang panghihikayat ko sa kanya na wag ng sumama.

"ah okay sige ikaw ang bahala may kakausapin lang ako, balik ka agad ha?"

"opo" ang maikli kong sagot at dali dali akong tumakbo paakyat sa rooftop. habol habol ko ang paghinga sa katarantahan ko. hehe
dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng gate ng rooftop. sinalubong ako ng napakalamig na simoy ng hangin.

"wew ang lamig talaga dito" ang bulong ko sa aking sarili.
Napakaganda talaga pag nasa mataas na lugar ka makikita mo mga kabahayan na nasa malayo, ang mga sasakyan sa daan at higit sa
lagat ang kagandahan ng mga bituin sa langit at ng buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi.

Napalingon ako sa may bandang kanan ko at nagtaka na lang ako sa aking nakita.
"aba may resthouse na pala dito? himala nag pagawa si tita" ang sabi ko sa aking sarili. tita ang tawag namin sa aming land lady.
Nilapitan ko ito at saka doon ako umupo.

Agad ko naman kinuha ang aking cellphone sa bulsa.
"ui tawag ka na" ang text ko sa kanya
maya maya pa tumawag na nga siya

"KRINGGGGG KRINNGGG"..

Calling...++MYTEXTMATE

bigla akong kinabahan ng tumatawag na siya ewan ko kung bakit siguro excited lang ako na makausap siya dahil unang beses pa lang ng aming pag uusap.

"Heee--llow" ang pautal utal kong sabi

"hi musta?" ang sabi naman niya.

wew ang ganda ng kanyang boses grabe.

"okay lang naman po ikaw?" ang sabi ko

"okay lang din, sige kakantahan na kita"

at kumanta na nga siya.

LENGEND: baka kayo maligaw hehehe

>SIYA
"AKO

>kay tagal ng iyong pagbabalik, minsan nahuhuli ko ang sariling nakangiti, nakatingin,
malayo ang tingin malalim ang isip kelangan magkita muli.
hehe umuulan na" ang sabi niya sa akin

"hindi tumugil na ang ulan sige ituloy mo lang" ang sabi ko naman

>"Sa pagpatak ng bawat sandali
Nakatikom lagi ang aking mga labi
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik makapiling ka. oh tapos na"

"makapiling ka" ang pagsingit ko

>"makapiling ka. ahahaha"

"wow nice pwede ka nang sumali sa pinoy dream academy"

>"bugok"

"oo, ang ganda kaya ng boses mo

"alam mo yung ano kantang i love the way you love me?"

>"hah?"

"ung kantang i love the way you love me"

>"i love the way you love me?"

"oo i love the way you love me"

>"hindi nga"


"patayin mo na ung music mo jan"

>"makapiling ka"

"ung ano na lang ung ano, a smile in your heart un favorite ko yun"

>"english naman ang gusto mo eh, nosebleed ako hindi ako marunong mag english"

"kakantahin lang naman eh"

>"papatunayan ko na ako lang sayo hinubog mong buhay ko na ang pag-ibig mo"

"anong pamagat nun?"

>"papatunayan"

"ah chorus nga, sige nga kantahi mo ang chorus"

>"ayoko nga"

"anong chorus nun?"

TINATAMAD NA AKONG MAGSULATTTT... KAYA..

(please email me para sa audio. watashioonheru03@gmail.com)
Note: utang na loob wag kaung magsesend ng paulit-ulit, ang magsend ng paulit-ulit ay hindi ko bibigyann at eto ang format:

subject: SKMATK10[urname]
Message: bahala kayo kung ano message nyo
at don't forget na magcomment muna before magsend ng request okay?lagay nyo sa [urname] ung pangalan nyo sa comment.
kung ayaw nyo naman po ay okay lang hindi naman po ito sapilitan eh.
at oo nga pala ang audio ito ay may pahintulot sa nagmamay-ari ng boses na ipublish ko dahil boses ko iyan.(hahaha adik)
Pagpasensyahan nyo na ang panget kong boses ha?hehehe at wala kayong karapatan na ibigay iyan sa iba o i upload sa ibang website
please lang po!
masesend ko to sa inyo kung naka online pa ako hehehe

at pagkatapos maputol ng aming pag-uusap ay nag text siya.

"Uy, Pasensya ka na, malolowbat na ako eh, next time na lang ulit ha? Nice talking you ang cute ng boses mo. Hehehe" ang text niya sa akin.

"hehehe hindi po kaya mas cute ang boses mo kesa sa akin" ang reply ko naman sa kanya

"hehe sige charge lang ako ah, ingat ka lagi!mwaaaah" ang huling text niya.

kinilig naman ako sa text niyang iyon dahil may kiss na kasama haha landi ko talaga.

"ingat ka din po. mwuaa" ang huling text ko sa kanya.

Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na iyon ewan ko ba parang mas lalo pa kaming naging close sa isat-isa ng textmate kong iyon
simula ng marinig ko ang kanyang boses nakakainlove pakinggan. hayzz para akong lumulutang sa ikat pitong alapaap.

Sinasariwa ko parin sa aking isipan ang pag-uusap namin kanina. pero teka parang may ka boses siya na kilala ko hindi ko lang maalala kung sino
ahm ewan siguro kahawig lang ng kanyang boses iyon pero kahit na may ka boses pa siya nagagandahan ako doon.

Pumunta ako sa loob ng kubo ng rooftop at doon naupo dama ko pa rin ang sobrang saya ng mga oras na iyon at ang lamig ng hangin.
Ngunit ay kaunting lungkot din akong nadarama, ewan ko ba parang gusto ko siyang kausap na lang palagi.haha landee! Nasa ganun akong pag momoment
ng biglang may humawak sa aking braso mula sa likuran ang sobrang lamig ng kamay niya para siyang kagagaling mula sa hukay.

Napasigaw ako sa sobrang takot dahil takot ako sa multo hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa takot. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng napakalamig
na kamay na iyon at napaiyak ako sa sobrang takot. Si kamatayan ba ito? bakit andito siya? patay na ba ako? susunduin na ba niya ako?
anong gagawin niya sa akin? kung hindi siya si kamatayan sino siya? killer? magnanakaw?

kumaripas ako ng takbo pababa sa rooftop pero sadyang mabilis si kamatayan nakaharang agad siya sa iisang pintuan pababa. No choice na ako kundi
tumalon sa rooftop na apat na palapag siguro naman hindi ako mamamatay pag tumalon bahala na, kumaripas ulit ako ng takbo ang tatalon na
ngunit napakabilis talaga ni kamatayann. naku si kamatayan nga ito.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso para pigilan sa aking gagawin. Pero bakit? Dapat hahaayaan niya akong gawin iyon. Hindi ito si kamatayan,
killer yata ito katapusan ko na yata. pumalag ako at sumisigaw parin ngunit niyakap niya ako at sinabihan na

"huwag kaang maingay"

Nagulat naman ako dahil nagsalita siya ka boses siya ng textmate ko, hindi kaya siya na iyan? pero paano niya nalaman kung nasaan ako?
o masyado lang ako nabighani sa boses niya kaya siguro lahat na lang ng boses eh kahawig niya.
Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin dahil sa nagpupumiglas pa rin ako. Ngunit naamoy ko ang kanyang pabango. Sh*t Hindi ako pwedeng
magkamali pabango yan ni kuya Mike ko.

Tinadyakan ko siya sa paa para makawala sa mga bisig niya at ganun nga ang nangyari, humarap ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang suntok sa sikmura!

"araaaay kooooo! ang daing niya.

Agad naman akong lumapit sa switch ng ilaw para makita ko kung sino nga ang gagong ito at hindi nga ako nagkamali si kuya Mike ko nga,
suot ang kanyang tribal na jacket at pantalon, namimilipit pa rin siya sa sakit dahil sa pagsuntok ko.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero nanaig parin ang galit ko sa ginawa niya sa akin aba halos papatayin na niya ako sa takot kanina.

at doon na ako umiyak ng bonggang bongga hindi dahil naaawa ako sa kanya kundi dahil sa ginawa niya sa akin(adiiik haha)
pinilit niyang tumayo kahit namimilipit parin siya sa sakit at lumapit sa akin.

"bunso sorry, hindi ko sinasadya" ang paghingi niya ng tawad sa akin.

Hindi ako umiimik at patuloy parin sa pag-iyak.
Niyakap niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. Nagpupumiglas ako pero wala din akong nagawa kundi ang umuyak sa mga bisig niya dahil malakas siya.

"Bunso sorry na talaga hindi ko na uulitin promise!" ang patuloy na paghingi niya ng tawad sa akin.
Pinagsusuntok ko ang kanyang dibdib dahil parin sa sobrang galit. Hinahayaan lang niya ako sa aking ginagawa ngunit napagod din ako at patuloy na nag iiyak.

"Sige lang bunso ipagpatuloy mo lang ang pagsuntok sa dibdib ko kung iyan ang paraan para makaganti ka sa ginawa ko at mawala ang galit mo sa akin,
titiisin ko kahit masakit basta patawarin mo lang ako. Sorry na please?" ang walang humpay na paghingi niya ng sorry

Napagod narin ako sa kakaiyak at nanatili parin sa bisig niya.
Walang humpay parin ang paghingi niya ng sorry sa akin.

"Sorry na please? Sorry na please? Sorry naman oh," naiiyak na rin siya sa paghingi ng tawad sa akin.

Nakaramdam na ako ng awa sa kanya ,humihingi na nga siya ng sorry hindi ko pa pinapatawad.

"bunso sorry na please?" at tumulo na ang kanyang mga luha.

"OO na pinapatawad na po kita" ang nakakatawa kong sabi.

"oh bakit ka tumatawa diyan?" ang tanong niya na umiiyak parin.

"eh kasi naman kuya sorry ka ng sorry. PAULIT-ULIT? UNLI UNLI?" at tumawa ako ng malakas.hahaha

"bunso sorry talaga" ang sabi niya ulit.

"ULIT ULIT TALAGA? sinabi ng okay na eh pinapatawad na po kita sorry din po kasi nasuntok kita" hehehe

at tumawa na rin siya.

"hehehe wala ka namang kasalanan eh"

TAHIMIK!

"kriinnggggggg kriinngggg"

May tumatawag sa akin baka ang textmate ko. kinuha ko ito sa aking bulsa at tiningnan muna ang numero

"Calling 09156872*** "

pero hindi ito naka register sa phonebook ko. Sinagot ko naman ito.
Nang matapos na kaming mag-usap tinanong ni kuya kung sino ang kausap ko kanina.

"sino iyong kausap mo?" ang tanong niya sa akin

"Ah si EJ po kuya" ang sabi ko sa kanya

"EJ? sinong EJ?

(itutuloy)

Sunday, January 16, 2011

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [9]

Author's Note: Pasensya na talaga kayo kung ngayon lang ulit ako nakapag update kasi busing busy kasi ako eh i hope na naiintindihan nyo ako :)

Batian Portion:

Bunso: Ayaw kong mawala ka sa akin, sana kung ano man ung mga problema na dumating sa atin ay makayanan natin, sorry na oh.

Binabati ko rin ang Chatmate ko Dito na si Jishin. wew wala kna kakulitan pag gabi kasi wala na ako sa manila..hehehe

"i want to be remembered as the boy who smiles even though his heart is broken and the one who can always brighten up your day even if he couldn't brighten his own"

kay enzo: wew sayang hindi mo ako nakita nung nasa SM North Edsa ako..hehehe

kay kuya mike: ingat ka po lagi dyan.



ANNOUNCEMENT!

Nasa facebook ko na po lahat ng part nito at ung mga video. wag na kayong mag email sa akin dahil hindi ako magrereply! thanks.


by:oonheru
email:watashioonheru03@gmail.com
fb:oonheruwatashi03@gmail.com


SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO 9





Hindi na natuloy ang aming praktis dahil nagkaroon ng urgent meeting ang mga seniors ng aming squad kaya umuwi na lang ako para makapag pahinga.

Alas sais na noon ng gabi, habang naglalakad kami ni francis sa corrigidor ng aming university ay dumadampi sa aming mga balat ang napakalamig na simoy ng hangin, kakaiba talaga ang klima dito parang baguio din dahil sa napakalamig.

Napadaan kami sa aming Admin building ng aming university, napakaganda talagang pagmasdan kahit na hangang fourth floor lang ang taas nito. Sa labas pa lang at makikita mo na ang nag gagandahang mga halaman na may mapupulang bulaklak na namumukadkad at ang puno ng mangga na nagbibigay lilim sa parking lot nito.

Hindi ko naman maiwasan na hindi smaalala ang nakaraang enrollment.
alas sais pa lang ng umaga ay gumising na ako, nagmadali akong nag ayos papunta ng school para magpa enroll.

eksaktong alas syete na ng makarating ako sa school, dumiretso agad ako sa aming building para hanapin ang aming chairman para mag pa evaluate ng grade. ewan ko ba kung bakit me ganun pa ang daming ka churva ek ekan.
umakyat ako ng thirdfloor ng aming building dahil nandoon ang office ng chairman namin.
hindi na ako nagtaka nung makarating na ako dahil sa haba na ng pila.
pumila agad ao sa pinakadulo, wala akong makitang classmate ko kaya nagtiis ako doon dahil late na naman ako nagpa enroll.

halos tatlong oras akong nakapila doon bago natapos dahildahil sa sobrang dami ng mga studyanteng naniningit sa pila na walang paki alam sa mga nasa hulihan. basta makakita lang ng kakilala o kaya ay kaibigan ay ichichika muna ng kauntian tapos ayon success naka singit na siya sa pila.

ganyan lagi ang senario sa aming school, paraparaan para madaling matapos at hindi maubusan ng slot kundi international ka, kelangan madiskarte ka kung hindi, hindi ka talaga aasenso sa pila.hehe
Ganyan din ang ginagawa ko pag minsan, laging sumisingit sa pila, kapag sumingit ang isa sa kaklase ko buong section na iyan. hehe bagamat galit na galit ang mga nasa hulihan ay wala naman silang magawa, at kung nakakamatay lang ang mga sinasabi ng mga naiinis dahil sumingit ka matagal ng maraming namatay sa pila..pero pagkapasok sa tenga namin labas din sa kabila. wapakelsz ba.

Pagkatapos kong magpa evaluate ng grades sa aming chairman ay panibagong pila nanaman sa assessment at dating gawi ganun pa rin.
napakatagal ng process ng assesment kaya naman super kakabagot sa pila at nakakagutom pa.
kitang kita mo sa bawat mukha ng mga studyanteng naka pila ang pagkainis at mukhang stress na stress at ang masaklap pa dito ay pag inabot ka ng cut off. mag iintay ka na naman ng another 1 hour bago makapag pa encode ng mga subject mo at makakakuha ng registration form mo.
ewan ko ba sa school namin kung bakit sobrang bagal ng enrolment process dapat sana may online enrolment na lang para hindi na mahirapan ang mga estudyante sa pagpila ng bonggang bongga. kung minsan pa nga aabutin ka ng isang linggo bago ka makapag pa enroll.

after ng assessment kelangan mo na namang pumila sa cashier para bayaran ang tuition fee mo. kakaloka talaga ang enrolment eh. at kapag nakapag bayad kana saka ka palang makakapag paenrol. pero pagkatapos noon ay ibayong ligaya ang iyong madarama dahil tapos kana.

Nang matapos na ako magpa enrol ay nagpasya narin akong umuwi dahil sa sobrang pagod. malapit na ako sa gate ng makita ko ang guwardiyang hindi nagpapasok sa akin. nag aapoy ang galit ko sa kanya dahil kung pinapasok niya ako hindi sana iyon mangyayari. napakahigpit talaga ng mga mokong na gwardya.
Naalala ko noong may nakasabay akong isang studyante sa pagpasok sa gate ng bigla siyang hinarang ng guard dahil naka tsinelas lang siya at sinabihan siya ng ganito:

"bakit naka tsinelas ka? hindi mo ba alam na bawal pumasok ang naka ganyan? babae kapa naman. hindi ka ba binibili ng magulang mo ng sapatos?"
aba sa isip isip ko ay ano naman ang karapatan ng walang hiyang gwardya na ito para pagsabihan c ate ng ganun? taga bantay lang siya hindi taga puna. ahmf..
at ddali daling umalis ang babaeng pinahiya ng guard sa ibang estudyanteng pumapasok sa gate.

Nakalabas na na kami ni francis ng school at nakita ko naman si Ana na kanyang girlfriend na papalapit sa amin. bigla niyang niyakap si francis at hindi alintana ang mga estudyanteng nasa paligid.

"ang landi ng gaga" sa isip isip ko lang. pinag masdan ko lang siya at may nilingon siya, tiningnan ko ang nilingon niya at nakita ko ang magsyota ata yun at ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin noon, hindi ko na lang iyon pinansin.
kumalas siya sa pagkakayakap kay francis at akmang hahalikan niya ito

"hoy!! mahiya naman kayong dalawa sa mga estudyanteng nakakakita sa inyo at tingnan nyo oh may CCTV camera!" sabay turo ko sa CCTV Camera na nakaharap sa amin sa taas. tila natauhan naman ang hunghang sa sinabi ko at hindi na itinuloy ang paghalik niya kay francis. "ahmf ang landi landi".

umuwi akong mag isa sa boarding house dahil hindi na ako ihinatid ni francis na lagi niyang ginagawa kung hindi lang umepal ang babaeng iyon.
nang makapasok na ako sa aming kwarto ay inilapag ko na ang mga dala kong gamit at tinungo ko ang locker para magpalit ng damit pambahay. boxer lang ang sinuot ko kasi sanay ako na iyon ang laging suot kahit sa totoong buhay. hehehe
humiga ako sa aking kama at napa buntong hininga ako. ahmp.
kinakausap ko na naman ang sarili ng mga oras na iyon.

"bakit ba ganun ang nararamdaman ko? bakit lagi na lang akong nagseselos kapag kasama namin ni francis si Ana? ayaw ko namang sabihin ito kay francis baka mag iba ang pagtingin niya sa akin o baka layuan niya ako. natatakot akong mangyari iyon. at ayaw ko ring masira ang friendship namin dahil lang sa maling nararamdaman ko.
Pero bakit parang may nararamdaman din ako sa aking textmate? sa katunayan masaya ang araw ko pag nagtetext siya ewan ko ba kung bakit ganun ang nararamdaman ko. sa katunayan nga eh puro text lang niya ang laman ng inbox ko wala ng iba. kahit simpleng "goodnight o goodmorning" ay hindi ko dinedelete. at kapag mag isa lang ako ay wala akong ginagawa kundi basahin lang ang mga text niya.

Bumaba si kuya ko sa higaan niya at humiga sa higaan ko.

"oh bakit dito ka humiga?"ang tanong ko sa kanya.

"wala gusto lang kita makatabi ulit sa pagtulog, na miss ko kasi yung lagi tayong magkatabi sa pagtulog pag nasa isla tayo" ang pagpapaliwanag niya.

"ako rin eh na miss ko rin ang kuya ko na katabi ko sa pagtulog, at syempre ung mga yakap mo. hehehe" ang sabi ko naman.

"hhmmmmm,,wag kang malikot matulog ha?" sabay gulo ng buhok ko.


"opo hindi na ako malikot matulog" ang pag depensa ko naman.

"wehh? hindi nga?"

"oo promise" sabay tawa ko.

tumawa na rin siya.pero sa kabila ng pag tawa kong iyon ay may lungkot pa rin akong nararamdaman.

tumayo ako at kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko. humiga ulit ako sa tabi ni kuya at nag text ako sa textmate ko. magkaharap kami parehas ni kuya kasi baka mabasa niya ang mga text ko kasi super pakialamero yan.
nag send ako ng sad face sa textmate ko.

":(" ang text ko.

"oh bakit may problema ba?" ang reply niya.
haixt naman oh pagkabasa ko pa lang ng text niya parang nawala na ang lungkot ko.

"ah wala naman, anong gawa mo?" ang pag lilihis ko sa unang text ko.

"eto nakahiga katabi ang kapatid ko, sigurado ka ba na wala kang problema?" ang pangungulit niya.

"wala nga" ang reply ko.

"hmmm alam ko may problema ka, sige na sabihin mo na baka makatulong ako"
wala na rin akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya

"eh kasi ano eh" ang pagbitin ko sa sasabihin

"anu?" ang reply niya

"baka naman pagtawanan mo ako" ang sabi ko naman.

"hindi, promise" ang paniniguro niya.

"eh kasi ewan ko ba sa sarili ko hindi ko maintindihan"

"ang alin ang hindi mo maintindihan?" ang tanong niya ulit.

"hindi ko maintindihan kung bakit nagseselos ako sa girlfriend ng kaibigan ko sa tuwing makikita ko silang magkasama." ang pag amin ko sa kanya.

"ah ganun ba. natural lang naman na mag selos ka kahit wala kang karapatan, basta mayroon kang nararamdaman sa kanya hindi un maiiwasan. kaya wag ka nang malungkot. please?"

wow grabe talaga, napangiti ako sa text nyang iyon.

"hoy!! anong nginingitingiti mo dyan?" ang tanong sa akin ni kuya.

"ah wala po" ang pag sisinungaling ko.

"wala daw. ok" ang sabi nya.

"ah ganun ba iyon?" ang freply ko sa textmate ko.

"yup. gusto mo kantahan na lang kita para hindi ka na malungkot?" ang text niya

"huh? paano naman?" ang reply ko agad.

"tatawag ako syo ngayon."

(itutuloy)

Wednesday, December 15, 2010

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [8]

Author's Note:
hi pasensya na kayo kung matagal ako mag update kasi busy parin po sa studies eh. tnt
san pala kayo mag papasko? gusto nyo ba PSP?hehehe

ako sa manila ako mag papasko sa QC sa fairview malapit sa SM Sta. Mesa AT SA CALOOCAN SA STA.QUITERIA sa friday ang punta ko dun tsk tara mag padis point? sino ang gustong sumama? lol

text text na lang eto no. ko


zero nine two one tuwang tuwa ka naman..hahahaha

nasa part two ang number ko.

nga pala nasa fb ko na rin ang kwento kong ito add nyo na lang ako. At nandoon na rin ang video ng Idol ko si sir at si kuya mike ang textmate ko 4 :)

by:oonheru
email:watashioonheru03@gmail.com
fb:oonheruwatashi03@gmail.com


SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO 8

Pagkagising ko hindi ko agad maigalaw ang aking katawan para akong binugbog ng sampung tao.

"aray ko po masakit ang katawan ko" ang mahina kong usal.
bagamat nahihirapan akong bumangon ay pinilit ko pa rin para pumasok sa school at tinext ko si francis.

"tol, ang sakit ng buong katawan ko grabe!"

"ako nga rin eh sobrang sakit hindi ako makabangon, napasubo tayo sa audition ah. hehehe" ang reply niya sa akin.

"oo nga ikaw kasi pasimuno ka, sige mag aalmusal muna ako, ikaw din mag almusal na kita na lang tayo sa school mamaya"

"sige salamat, pakabusog ka ha kain ka ng marami :)" ang reply ulit niya.

"hahaha malakas talaga akong kumain eh.lol"

nang makatayo na ako paika-ika ang lakad ko ang sakit talaga ng mga hita ko, balakang, likod at braso. Napansin pala ni kuya ang paglakad ko.

"Bunso, napaano ka at bakit ganyan ang lakad mo hirap na hirap?" ang sabi niya sa akin.

"ah. kasi kuya napagod ako kahapon sa school" ang pag aalibi ko sa kanya kasi pag sinabi kong sasali ako sa cheerleading hinding hindi siya papayagdahil natatakot siya na baka mabalian ako o kung ano ang mangyari sa akin. alam ko na gusto rin ni kuya na sumali sa pep kaso natatakot siya na mabaliaan.

"sigurado ka ba? baka naman sumali ka na sa mga prat sa school natin ah" ang pagdududa niyang tanong sa akin


"kuya naman hinding hindi ako sasali doon nakakatakot kaya at bakit ako sasali doon?" ang pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"aba malay ko ba kung inakit ka lang ng mga kaklase mo para sumali" ang sabi niya sa akin

"hubad nga ng damit at short mo " ang utos niya sa akin

"haaa? bakit naman ako maghuhubad?" ang nagtataka kong sabi sa kanya

"para makasigurado ako na hindi ka nga sumali sa fraternity para may mga pasa ka diyan sa katawan mo" ang kanyang mata ay nanlalaki

"ayaw ko nga" ang pagmamaktol ko naman.

"abatt!! baka gusto mong ako pa ang maghubad sayo" ang pasigaw niyang sabi.
wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lang dahil ayaw ko ng mahabang argumento.

"sige na nga" ang pagdadabog ko. nang mahubad ko na ang damit ko.

"oh ayan may nakita ka ba?"

"okey, good boy! kaya bunso kapag may sasalihan kang organization sa campus magpapaalam ka muna sa akin ha?" ang paglalambing niya sa akin.

"ha eh bakit pa e malaki na ako"

"eh kung may mangyaring masama sayo sino sa palagay mo ang sisisihin diba ako saka nangako ako kina mama at papa na aalagaan kita dito at babantayan." ang pagpapaliwanag niya.

oo nga naman siya ang malalagot kapag may nangyaring masama sa akin.

"weh? ang sweet naman ng kuya ko pa kiss nga" ang sabi ko sa kanya.

"i kiss kiss mo sa pader" ang sabi niya sabay tawa

"para naman akong sinampal ng mga oras na iyon dahil sa pagkapahiya. padabog akong umalis at tinungo ko ang aking locker para maligo na nilakasan ko ang pagsara noon na nagpapahiwatig na ako ay galit, nawalan na rin ako ng ganang kumain. sumunod naman si kuya sa akin.

"hahaha si bunso nagtampo kaagad,sige i ki kiss na kita saan ba?" ang paglalambing ulit niya sa akin

"i kiss kiss mo sa semento" ang padabog kong sabi

"bunso, sorry naman" sabay harap niya sa akin

"ewan ko sayo, tabi dyan at maliligo na ako" sabay hawi ko sa kanya. agad naman akong niyakap ni kuya at pinag hahalikan sa batok. xxeeeettttnesss iyon ang weakness ko kapag hinahalikan ako sa batok.

"kuya ano ba nakikiliti ako" ang pasigaw kong sabi. ngunit hindi siya tumigil sa ginagawa niya. ibayong kiliti ang aking nararamdaman noon.

"kuya ano ba. hahahaha"

"ikaw kasi pa demure ka pa gusto mo rin naman.hehehe hindi ka na galit? ang tanong niya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.

"hindi na, ikaw talaga kuya alam na alam mo ang kiliti ko" ang sabi ko sa kanya.

"syempre kapatid kita eh at lahat ng kiliti mo alam ko gusto mo i kiss pa kita sa leeg at likod mo? sabay tawa.

"hahaha ayaw ko na maliligo na ako at baka ma late pa ako"

"sige dalian mo dyan at sabay na tayong kakain ng almusal."

Isinamapay ko na ang BRIEF AT twalya sa sabitan at binuksan ko ang shower at nagsimula na akong magsabon.
ang lamig talaga ng tubing ang usal ko.
ramdam ko pa rin ang pananakit ng aking katawan nahihirapan akong yumuko parang mag ka crack ang likod ko.

Pagkatapos kong maligo sabay naman kaming kumain ni kuya. at dahil maagap pa naman naglakad na lang ako papunta ng school dahil hindi naman umuulan at walking distance lang ang boarding house namin sa school. nang makarating na ako sa aming building umupo muna ako sa may hagdanan at tinext ko muna ang textmate ko.

"goodmorning, EAT kana po ng breakfast mo. dont skip :)"

"nag breakfast na ako ikaw ba?" ang tanong niya sa akin

"hehe nag breakfast na rin ako. what na po gawa mo?" ang tanong ko rin sa kanya

"maliligo na sasama ka ba? hehehehe" ang reply niya sa akin

"hehehe tara" ang pagsang ayon ko sa sinabi niya. adik talaga ako eh.

"sige txt kita later maliligo lang ako"

inilagay ko na sa bag ang cellphone ko.

"uy marky pasensya na kararating ko lang kanina ka pa ba dyan? ang pagbati niya sa akin.

"ahhmm medyo, lika upo ka muna dito sa tabi ko may 15 minutes pa naman tayo eh."

lumupas ang 15 minutes at nagsidatingan na rin ang aming mga classmates at si sir ay dumating na rin.
pagpasok pa lang namin sa school disaster na agad dahil sa sobrang ingay ng mga ka klase ko parang palengkeng sabungan sa sobrang ingay.

"okey class tahimik muna kayo dahil may mahalaga akong announcement sa inyo."
tumahimik naman ang lahat at tumingin kami kay sir malungkot ang kanyang mukha.

"okey class hindi na ako ang magiging instructor ninyo sa subject na ito at sa iba pang subject na ito"

over react naman ang mga ka klase ko at may sumigaw pang isa

"sir! hindi kami papayag!! katarungan para kay SIR!!"

tawanan naman ang lahat

"pero sir bakit?" ang tanong ng iba ko pang mga ka klase.

"kasi pupunta na ako ng ibang bansa"

hiyawan ulit

"pasalubong sir pag uwi ha!" sabi ng isa kong classmate.

"pinitition na kasi kaming mag asawa ng mga anak namin doon at doon na rin kami titira"

nalungkot naman ang buong klase sa rebelasyon ni sir.

Si Engr. Zoleta ay isa sa pinakamabait na teacher sa engineering dahil wala ni isa mang estudyante ang bumabagsak sa subject niya kaya naman paborito siya ng lahat ng mga naging estudyante niya dahil sure pass ika nga.

"pasensya na kayo kung hindi ko agad sinabi. bukas na ang flight namin papuntang australia pero may kapalit na ako at papasok na siya mamaya dito sa laboratory. sige goodluck class pakabait kayo lahat"

"iiyak na yan, iiyak na yan" ang sabay sabay na pag cheer ng aming mga classmate. hehehe adik eh

umalis na rin si sir at umalingaw ngaw na naman ng ingay sa loob ng laboratory. chismisan kung sino ang bagong kapalit ni sir. ang kadalasang tanong nila ay kung nambabagsak ba o mabait. at kapag may backgroung ng pambabagsak ay kinatatakutan maging instructor.

ilang sandali pa ay parang may isang anghel na pumasok sa loob ng room. maganda, sexy at mukhang dalaga pa marahil ito na ang kapalit ni sir.

"Good Morning Ma'am" ang pagbati namin sa kanya pa impress syempre. hehehe

"Goog Morning din Class" ang pagbati ni ma'am

"by the way ako nga pala si Engr. Kristina Balasabas, 25 years of age, second time ko mag handle ng subject na ito, Data Stucture and algorithm analysis o cpe1."

"ma'am may asawa na po ba kayo?" ang tanong ng isa kong manyak na classmate.

"ah wala pa i'm single" sabay ngiti ni ma'am

hiyawan na naman ang mga ka klase ko dahil para lang sasali si ma'am sa beauty pageant. walang humpay ang hiyawan at may sumisipol pa.

"QUUUUIIIIIIEEEEETTTTTT!!!!!!" ang pasigaw ni ma'am na sabi sabay hampas ng kamay sa white board at nanlalaki ang mga mata.

para namang may dumaan na anghel na hubot hubad naka duster sa aming harapan sa sobrang pagkagulat at pagkabigla. hehehe tahimik ang buong room at tanging mga kaba lamang ang maririnig mo ng mga oras na iyon. ang bagsik pala ng teacher na ito siguro ito na yata ang pinaka terror na magigi kong teacher.

"oh bakit kayo natahimik?" ang tanong niya sa amin

wala ni isa man ang nagsasalita

"okey hindi nyo pa kilala ang aking ugali strikta ako pag dating sa pagtuturo at may mga rules kayong dapat sundin una, ayaw na ayaw ko ng may late, kung ma lelate kayo wag na kayong pumasok. pangalawa, ayaw ko ng maingay kundi palalabasin ko. pangatlo kapag mag quiz or exam ayaw na ayaw kong lilingon sa katabi at kapag nahuli ko kayo mag dropped na kayo" ang sabi niya at napakarami pa niyang sinabi na rules na dapat sundin,. katakot takot talaga ang teacher na ito.

"okey recitation tayo ngayon" sabay balasa ng mga classcards.

hindi naman maipinta ang mga mukha ng mga classmate ko sa sobrang takot maging ako rin.

"Mr. Arvin Vasquez, stand up"

parang napipilitang tumayo ang classmate ko

"okey what is the syntax of c++?" ang tanong ni ma'am

hindi naman makasakot ang classmate ko at parang mag co colapse na sa nerbyus. hehehe

"ano hindi mo ba alam?"

tumango na lang ito sabay upo. grabe ang pressure.

"okey malapit na pala mag time may assignment kayo"
at ibinigay ni ma'am ang assignment. nakahinga na rin kami ng maluwag dahil tapos na ang bagyo. hehehe

pagkalabas ni ma'am bulung bulungan ang mga classmate ko hindi sila makapag move on kay ma'am. napag usapan ng aming mga mag ka klase na mag group study sa bahay ng isa naming classmate.

pag kalabas namin ng hapong iyon agad kaming pumunta. sa una syempre kwentuhan muna tungkol sa bagsik ni engr. balasabas, tama nga sa kanya ang kanyang surname. hehehe.
natapos na ang aming kwentuhan at nagsimula na ang aming group study. ang iba ay nag nagtatanungan kung sino ang may alam ng sagot. natapos na ang aming group study at nag aya naman ang isa kong classmate na mag iinum daw.

pumayag naman ang iba pa naming mga classmate.

"ui isang bote lang ha at may pasok pa tayo bukas" ang sabi ko sa kanila
Pumayag naman sila AT SYEMPRE HINDI MAWAWala ang patak patak pag inuman. Hehehe
Bumuli naman ang iba kong classmate ng alak at kami ang natira sa bahay at nag kukwentuhan pa rin.

"tol, may gitara ka ba dito?" ang tanong ni francis kay ronel ang may ari ng bahay.

"oo merun, teka lang kukuni ko sa kwarto ko."
Maya maya dumating na ang mga bumili ng alak.
"marunong ka pa lang mag gitara?" ang tanong ko kay francis

"oo naman, hehehe gusto mo kantahan pa kita" ang pabiro niyang sabi. kiniliog naman ako doon. jeje

"sige nga" ang nakangiti kong sabi sa kanya. landi eh!

"oh francis" sabay abot ng gitara

"okey wag kayong maingay kakanta daw si francis" sabi ni jasper

palkpakan naman ang lahat at nagsimula nang kalabitin ang gitara


Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita

Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan

Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang

Lagi kitang inaabangan
Baka sakali maka-usap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba

Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man

Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang

Hindi na magbabago ang puso ko
Ako'y magmamahal sayo ooh... ohh...
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang


hiyawan naman pagkatapos niyang kumanta. ang ganda pala ng kanyang boses nakaka inlove. hehehe

“oh marky tagay mo” sabi ni ronel

“ayaw ko na masakit na ang tiyan ko eh” ang sabi ko naman

“ah ako na lang ang sasalo ng tagay niya” sabi naman ni francis

HUMANGA NAMAN ako sa kanya dahil sa inako na ang tagay na para sa akin.

at ng naubos na ang isang bote ng alak nag pasya nang mag si uwian.

gaya ng dati hinatid ulit ako ni franncis.

"salamat ulit sa paghatid" ang pag thank you ko sa kanya

"ah wala iyon" ang nakangiti niyang sabi

"sige alis na ako marky goodnight" sabay halik na naman sa aking pisngi.

"hey. bakit mo ako hinalikan?" ang tanong ko sa kanya

"wala goodbye kiss lang yun.hehehe"

"sige ingat sa pag uwi"

hay grabe masaya na naman ako ng gabing iyon.hahaha



(itutuloy)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails