Followers

Showing posts with label Perfect Two. Show all posts
Showing posts with label Perfect Two. Show all posts

Sunday, October 14, 2012

Perfect Two - Episode 14

Author's Note: Sorry po sa sobrang tagal na update. Masyado lang po kasing busy sa school and sa pag-aayos ng mga requirements for college applications. Pasensiya na po talaga :(

Maraming salamat po sa mga nagbasa ng last episode. Again sorry po talaga.

Oh and btw, a quick recap: Jessa is Mr Santos' wife. Vincent is their son. The main character's name is Marvin Theopher,. Napansin ko kasing napapagbaligtad ng iba yung mga names hehehe.

Anyway eto na po ang Episode 14. Sana po magustuhan niyo. Just leave comments below.

Episode 14 - Forgive me

---------------------------------------------------
“Jessa? What are you doing here?” I asked her. What brings her here? How did she even know kung saan ako nakatira? And why is she crying? Did something bad happen?

“Marvin’s at the hospital..” she said.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anung dapat kong maramdaman. Ayan na naman ako. Should I feel happy na kinarma siya? Or should I feel sad about it? Parang ang sama ko naman kung magiging masaya pa ako, nasaktan na nga yung tao. Pero teka, sinaktan din naman niya ako diba? Hindi ba pwedeng fair na kami ngayon?

“He wants to see you..” she said.

“Why?” tanong ko.. gusto niya akong makita? Baka naman kapag nagkita kami eh mapadali ang kamatayan niya.

“Please… this is his only wish before he…” she stopped for a while.  “Before he dies…” she said.

“Before he what? What do you mean? He’s going to die?” I was shocked with what I heard. He’s going to die?

“He didn’t tell you?” she was surprised too.

“No..” I just said. Tell me about what? Is she telling me the truth? Or baka naman niloloko land din niya ako gaya ng panlolokong ginawa sa akin ng asawa niya.

“He has diabetes. He’s been better before.. pero nitong mga nakaraang linggo, bumalik ang panghihina niya, hindi namin alam kung bakit, kapag naman sinasabi namin magpatingin siya sa doctor, sinasabi niya pagod lang siya.. hanggang sa nitong mga nakaraang araw, palagi na lang siyang malungkot at umiiyak, hindi natutulog.. at ikaw lang ang hinahanap niya. lagi niyang ipinagpipilit na puntahan ka, gusto ka raw niyang hingan ng tawad..nung isang araw, nag-collapse siya at isinugod namin siya sa ospital. The doctors said that he can only be better if he helps himself, and I don’t think he’s considering on helping himself.. I don’t know what to do.. he doesn’t want to eat..he doesn’t wan to talk to anyone, not even to his own child..” pagsasalaysay niya. Nagsimula na siyang umiyak. “All he wants is to see you..”

Bigla akong napatulala. This is all because of me. He’s there in the hospital because of me, because I made everything worse, and his family is suffering because of me. And he will die if I don’t go to him..Pero hindi ko alam kung paano siya haharapin? Anung sasabihin ko sa kanya?

“I promised him that I will bring you to him. Please Theopher, you’re our only hope.. hindi ko alam kung anung gagawin ko kapag nawala siya. I don’t want to lose him. Paano na kami ng anak namin?” sabi niya.

Si Vincent, ang anak ni Jessa at ni Mr. Santos. Bigla kong naalala ang mukha ng bata. Ang bata pa niya para mawalan ng ama. Ang bata pa niya para pagdaanan ang lahat ng ito..

Biglang may tumusok sa puso ko. Now isn’t the time to be mean and heartless. Kahit na malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi ko maiwasang isipin ang isang inosenteng batang masasaktan kapag pinairal ko ang pride ko.

So I decided to come with her. Hindi naman ako ganun kasama para tanggalin ang karapatan ng isang bata na ma-enjoy ang buhay kasama ng kanyang ama. Kung ako lang ang makakapagligtas sa kanya, kahit labag sa loob ko, gagawin ko.

“What hospital is he in?” I asked her.

And she told me what hospital his husband is admitted. Bigla namang lumabas si mommy sa likuran ni Jessa.

“Anak? What’s happening here? May problema ba?” tanong niya.

“Mommy!” sabi ko. “U-Uhhmm nothing mom..” I just told her.

Kaagad pinunasan ni Jessa ang mga luha niya at pinilit ngitian si mommy.

“Uhh mom, lalabas lang po ako saglit, sasamahan ko lang po itong kaibigan ko, nasa ospital po kasi yung asawa niya.” Paalam ko kay mommy.

“Ha? Bakit anung nangyari?” tanong ni mommy.

“Mahabang kwento po, kailangan na po namin umalis mommy, magpapahatid na lang po kami sa driver natin. At pakisabi na lang po kay Paul na aalis lang ako sandali.” Sabi ko na lang.

“O sige mag-iingat kayo ha.” Sabi ni mommy.

At umalis na kaming dalawa ni Jessa sa bahay namin. Hindi na ako nagpalit pa ng damit. Hindi kami nag-usap sa daan. And the silence started to creep me out. I became nervous all of a sudden. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag nagkita na kami.. Baka hindi ko mapigilan ang galit ko. Baka lumala lang siya kapag mali ang sasabihin ko. Pero nagtaka ako, alam na kaya niya and kung anu ang maeron kami noon ng asawa niya? Natatakot naman akong magtanong. Mukha namang hindi pa niya alam, dahil kung alam na niya, hindi siya pupunta sa bahay namin para kumbinsihin akong sumama sa kanya,. Kung alam niya kung anu yung nangyari, edi sana pinatay na niya ako kanina pa.

Mga ilang oras din ang nakalipas at narating din namin ang ospital. Mabuti na lang at walang traffic. Nagmamadaling naglakad si Jessa papasok ng ospital. Sinundan ko naman siya. We passed a dozen of rooms. May isa pa nga kaming nadaanan na isang kwarto na may nag-iiyakan. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Nakadama ako ng matinding lungkot sa aking nakita.

“Itay!! Bakit mo kami iniwan?!” sigaw ng isang batang babae habang umiiyak sa harap ng bangkay ng kanyang ama.

“Roman!! Bakit?! Roman!” sigaw naman ng isang babae, marahil ay iyon ang asawa niya.

Patay na ang padre de pamilya. Lahat ng anak niya at ang asawa niya ay nasa paligid niya. Mas lalo akong nahabag ng makita ko ang isang batang umiiyak, nasa limang taong gulang pa lamang siya marahil. Nakita ko sa kanya ang anak ni Jessa. Iyak ng iyak yung bata. Hindi ko na napigilan na pumatak ang luha ko. Ng mapalingon ako sa kaliwa ko, nakita ko si Jessa na lumuluha habang nakatingin lang din sa pamilyang nag-iiyakan. Marahil ay nagtatanong siya sa sarili niya na, paano kung ganoon ang mangyari sa kanilang mag-ina? Paano kapag namatay ang asawa niya? Kakayanin kaya niya?

Bigla siyang napatingin sa akin at pinunasan ang mga luha niya. Tumango siya at nagsimula muli siyang lumakad. Tumingin akong muli sa pamilya bago sinundan si Jessa. Mga ilang kwarto rin siguro ang nilampasan pa namin at narating na namin ang kwarto ng asawa ni Jessa.

Nasa labas yung anak niya at may kasamang lalaki, marahil ay kapamilya nila. Umiiyak yung bata.

“Mama!” sabay takbo ng bata sa nanay niya. “Hindi na ako love ni Papa! Ayaw niya ko usap! Di na niya ko love!”

Parang may tumusok sa puso ko. Umiiyak ang batang ito at iniisip niya na ayaw sa kanya ng daddy niya at hindi na siya nito mahal. Kawawa naman siya.

Iyak pa rin siya ng iyak. Niyakap siya ni Jessa. “Anak, don’t say that.” Hinarap niya ito at hinawakan sa magkabilang pisngi. Pinahid ang mga luha niya ng kanyang ina. “Mahal na mahal ka ni Papa. Okay? Lagi mo yang tatandaan. Mahal na mahal ka niya. At mahal na mahal ka rin ni Mama. Okay?” sabi niya. Umiiyak na rin si Jessa.

“Vincent.” Sabi ko. Humarap sila sa akin. Umupo ako para magkalevel kami nung bata. Hinawakan ko ang mga braso niya. Nakatingin lang siya sa akin habang lumuluha pa rin.

“Tama ang sinabi ng Mama mo,. Mahal na mahal ka ng Papa mo.” Sabi ko.

“eh bakit ayaw niya usap sa akin?” sabi niya.

“May problema lang kasi ang Papa mo ngayon. Pero don’t worry, promise ko sa’yo, kakausapin ko ang daddy mo.” Sabi ko. “Tapos papagalitan ko siya kasi pinapaiyak ka niya.” Sabi ko sabay tawa. Natawa rin naman ang bata. I can’t take it when I see a kid crying. Kahit na hindi kami magkakilala, feeling ko kapatid ko yung bata, at sobra akong naaapektuhan kapag umiiyak sila.

“Talaga po?” sabi niya.

“Oo, promise ko sa’yo yan.” Sabi ko.

“Tenchu!” sabi niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin naman siya. Napaluha naman ako. I have to do something. Kawawa naman itong batang ito, walang kamalay-malay, wala namang ginagawang masama, wala namang kasalanan, pero nagdudusa siya ng ganito.

Pagtingin ko kay Jessa, nakangiti lang siya sa akin at sinabing, “thank you.”

“O, wag ka na iyak ha.” Sabi ko sa bata. Tumango naman ito.

“O, Vincent, kay tito Mark ka muna ha. Pupuntahan lang namin si Papa mo sa loob” sabi ni Jessa. Sinunod naman siya nung bata.

Tumayo ako para sundan si Jessa papunta sa pinto ng kwarto ng kanyang asawa.

Binuksan ni Jessa ang pinto. Pumasok siya, ako nama’y tumigil sa harap ng pintuan. Parang may biglang pumigil sa akin. Parang hindi ko siya kayang makita. Hindi ko alam kung bakit.. Para akong estatwang nakatayo sa harap ng bukas na pintuan. Tumalikod si Jessa at niyaya akong pumasok. Nakatitig lang ako sa kanya. Parang gusto ko na lang umalis. I was about to run away when I heard a voice.

“Nandiyan na ba si Li-” napatigil siya sa pagsasalita. “Si Theopher?” tanong niya.

His voice was soft, like he’s whispering and trying to get some air to talk.

“Yes hon, he’s here.” Jessa replied. Pinuntahan niya ako sa pinto. “Theopher,” sabi niya at saka tumango.

Kinakabahan pa rin akong harapin siya. Sinubukan kong galawin ang mga paa ngunit parang ayaw nitong gumalaw. Nilapitan ako ni Jessa at saka kinuha ang mga kamay ko. Niyaya niya ako para pumasok sa loob. Wala nang nagawa ang mga paa ko kungdi ang sumunod kay Jessa.

I was shocked when I saw him. He looks different now. It’s only been days since the last time I saw him, and now look at him. He looks paler, his eyebags darker and his eyes are red, probably because of all the crying he did. He also looked thinner.

He smiled at me. I can’t help not to weep. A tear fell off my right eye. This is all my fault. He is here because of me and he’s dying because of me.

“Pwede mo muna ba kaming iwan dalawa dito? Gusto ko lang siyang makausap.” Sabi ni Mr. Santos sa kanyang asawa.

Tumango naman si Jessa at lumabas na ng kwarto. Pagkasara ng pinto, nanatili pa rin akong nakatayo at nakatingin sa kanya.

“Little Vinvin ko.” Sabi niya.

Sa pagkakarinig ko ng sinabi niyang iyon, biglang nagflashback sa isip ko ang lahat ng nangyari sa amin: the first time we met, the first time he made me feel like there are butterflies in my tummy, the first time I saw him in person, the first time I hugged him, and also the first time I realized that loving him is the biggest mistake I made. That even brought more tears to my eyes. But I can’t feel the anger anymore. All I have inside me right now is pity; pity on him. And also regrets. Nagsisisi ako naging harsh ako sa kanya. Kung alam ko lang..kung alam ko lang.

He stretched out his hand to reach me. I went near and sat beside him. I actually held his hand. It was cold. At first I don’t want to touch his hand, not because I’m not yet ready, but I was afraid that I might move the tube thingy of the dextrose connected to him. Speaking of ready, I don’t know what came in to me, maybe I was possessed by a “good” soul or something, but I suddenly felt like I have no grudges for him.

“I’m sorry..” he said. At nagsimula na siyang umiyak. It broke my heart even more to see him cry. “I’m sorry dahil nagsinungaling ako sa’yo, I’m sorry dahil nasaktan kita, I’m really really sorry.” Dagdag pa niya.

I don’t know what to say. Ilang beses na siyang naghihingi ng tawad sa akin. At hindi ko masabing, kalimutan na lang natin ang mga nangyari and move on. Dahil maski sa sarili ko, hindi ko alam kung napatawad ko na nga ba talaga siya sa nangyari. Kaya tinanung ko na lang siya, “Why didn’t you tell me about your illness?”

“Because ayokong kaawaan mo ko, ayokong maging mabait ka sa akin ng dahil lang sa may sakit ako. Gusto kong tingnan mo ako bilang isang normal na tao.” He said.

“I never looked at you as if you were different. Even if you told me about this, nothing will change.” I replied. Ganun naman kasi talaga ako, oo, siguro may konting special treatments like hindi ko siya papagurin and all that, pero sa ibang bagay, hindi ko naman siya pipigilan at huhusgahan ang isang tao ng dahil sa sakit niya.

Natahimik lang kaming dalawa. Mga ilang segundo rin siguro ang nakalipas ng magsalita siyang muli.

“Buti naman at pumayag ka na pumunta dito.” Sabi niya.

“Because it’s my fault kung bakit ka nandiyan.” Sabi ko.

“It’s not yours, it’s mine. Ako nga diba ang nanakit sa’yo?” sabi niya.

“Pero ako yung nagmatigas na wag kang patawarin sa ginawa mo.” I can’t help not to feel bad.  And because of that, nagsimula na akong umiyak.

“Kung hindi lang ako nagsinungaling sa’yo, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko! Sana mamatay na lang ako. Para mapatawad mo ko..” sabi niya.

“Don’t say that!” sabi ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magpapakamatay siya ng dahil sa akin.

“But if it is the only way, then I’ll” napatigil siya at napahawak sa dibdib niya. “Ahh!” sabi niya.

“Are you ok?!” nagsimula na akong mag-panic.

“Yeah, I’m okay,” he said. At medyo kumalma na siya. Kumirot siguro ang dibdib niya.

Natakot ako bigla, akala ko may masama ng nangyari. “Do you want me to call the nurse?” I asked.

“No. It’s okay, I’ll be fine.” He said.

Nagkatitigan lang ulit kami.

“Your wife…told me that you don’t want to talk to anyone, nor to eat.” Sabi ko.

Hindi naman siya sumagot.

“Your son is crying outside, he told me na ayaw mo raw makipag-usap sa kanya. Iniisip niya na hindi mo na siya mahal. Iyak siya ng iyak. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” tanong ko.

Hindi siya sumagot.

“Don’t do this to yourself…kuya.” I said.

At sa pagkakarinig niya ng salitang “kuya”, his face lit up.

“You called me kuya…I miss you calling me that…” he said, and he started to cry again.

“You have to be strong… labanan mo tong sakit mo…wag mong hayaang maging hadlang ako sa paggaling mo…because, I…” napatigil ako…siguro nga ito na ang tamang oras para sabihin ko ito. “I forgive you.”

Napangiti siya ngunit lumuluha pa rin.

“But you have to forgive yourself too… Your wife needs you, your son needs you…” I said.

Siguro’y na-realize niya na tama ang sinasabi ko. Niyakap niya ako bigla. “Thank you..” sabi niya

Napatawad ko na siya. Besides, ako rin naman talaga ang may kasalanan, kung hindi ako nagpahulog, edi sana hindi mangyayari ang lahat ng to. Pero on the second thought, kung hindi nangyari ang mga bagay na ito, edi hindi ko malalaman na mahal pala ako ni Paul. Hindi ko masasabi sa kanya na mahal ko rin siya. Hindi magiging kami. Hindi ako magiging masaya ngayon, diba? So Kahit na ilang timbang luha ang lumabas sa mga mata ko, mero pa ring magandang kinalabasan. tama nga ang sabi nila, there’s a rainbow after the rain.

Napaluha na lang ako. Hindi dahil sa lungkot, kungdi dahil sa saya. Masaya ko ngayon kasi ang gaan gaan sa loob na wala nang galit, wala ng kahit anong hinanakit.

Napansin niya ang pagluha ko. “don’t cry, it reminds me of what I did to you. And it hurts me.”

“Shhh, I already told you. Wala na yun.. kalimutan na natin yun. Okay?” sabi ko.

At nagngitian kami.

“Promise me, you will do whatever it takes to feel better… okay?” sabi ko.

“I promise.” He said, at hinawakan niya ang kamay ko.

Bigla ko namang naalala yung anak niyang si Vincent. “Wait lang ha.” Sabi ko at pumunta sa pinto.

“San ka pupunta?” tanong niya.

“basta.” Sabi ko na lang.

Lumabas ako at nakita ko sina Jessa at yung Mark. Nakakandong naman si Vincent sa nanay niya. Napatingin sila sa akin.

“Vincent, halika tawag ka ni daddy mo.” Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at bumukas ang kanyang bibig at nagpamalas ng isang matamis na ngiti. Kaagad siyang tumakbo papunta sa akin.

“Talaga po?!” sabi niya.

Tumango naman ako habang nakangiti. Nakangiti lang naman samin si Jessa.

Tara?” sabi ko at tumango siya.

Binuksan ko ang pinto at pumasok kaming dalawa.

“Papa?” sabi ni Vincent.

“Anak.” Sabi naman ng tatay niya.

“Papa!” sabi nung bata sabay takbo sa papa niya. Kaagad itong umakyat sa kama ng papa niya at niyakap siya. “akala ko di mo na ko love.” Sabi niya.

“Sorry anak.. sorry.. hindi na mauulit anak..sorry..” sabi naman ng tatay niya.

Naluha naman ako sa nakita ko. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na rin pala si Jessa. Pagtingin ko sa kanya, nagpapahid na rin siya ng luha. Niyakap niya ako at bumulong, “Thank you, thank you so much.. Ito na siguro ang pinakamagandang Christmas gift na natanggap ko, ang bumalik sa amin ang asawa ko… Salamat talaga Theopher.. maraming maraming salamat.”

“Wala yun.” Sabi ko na lang.

Napatingin kaming dalawa sa mag-ama.

“Anak, lagi mong tatandaan ha, mahal na mahal ka ni papa. Wag mong iisipin na hindi kita love. At pagpasensyahan mo na rin ang papa ha. Nagagalit man ako minsan, pero hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal.” Sabi ng tatay niya.

“I love you too papa!” sabi naman ni Vincent.

Nagstay muna ako sandali at pagkatapos ay nagpaalam na rin. Bago ako umalis,

“Salamat.” Sabi ng asawa ni Jessa.

Nginitian ko naman siya.

“Magkikita pa ba tayo ulit?” tanong niya.

“Oo naman.” Sabi ko.

Ngumiti naman siya. “Ingat ka dun ha. Sabihin mo sa akin kapag pinaiyak ka ng boyfriend mo, bubugbugin ko yun. Lalo na hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sa akin.” Sabi niya.

Bigla ko naman naalala na halos bugbugin nga pala siya ni Paul noon.

“Sorry nga pala sa ginawa sa’yo ni Paul ha.” Sabi ko naman.

“Wala yun, tama lang ang ginawa niya.” Sabi niya sabay tawa. “Pinoprotektahan ka lang niya, dahil mahal ka niya.” Sabi niya.

Ngumiti na lang ako. “Magpagaling ka ha. At wag mo nang papaiyakin yang si Vincent, sige ka kapag nagsumbong na naman sa akin yan, naku!” pagbabanta ko sa kanya.

“Opo! Parang ikaw pa ang kuya sa ating dalawa ha.” Sabi niya sabay tawa.

Natawa na rin ako. Okay na nga talaga kami. Siguro hindi mo maiaalis sa memory ko kung anung nangyari noon, pero handa akong kalimutan ang pride ko para magpatawad, lalo na para sa kapakanan ng maraming tao.

“Pwede ba kitang yakapin ulit?” tanong niya.

“Sure.” Sabi ko.

Niyakap niya ako at pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila.

Masaya ako dahil wala na akong iniintinding problema, except sa pagtatago ng relasyon namin ni Paul. Wala ng galit sa loob ko. At puro saya na lang ang nasa puso ko. Siguro dahil na rin sa Christmas spirit kaya ganito ang nararamdaman ko. Mabilis kaming nakarating sa bahay namin.

Mga ilang oras din siguro akong nawala. Naabutan kong kumakain na ng tanghalian ang pamilya ko.

Pumunta ako sa dining area.

“Oh kamusta na yung kaibigan mo?” tanong ni mommy.

“Okay naman po siya.” Sabi ko naman.

Napansin ko namang wala si Paul doon.

“Si Paul po?” tanong ko.

“Nasa kwarto mo pa.” sabi ni mommy.

“Kumain na po ba siya?” tanong ko.

“Hindi pa nga eh, sabi niya hihintayin ka daw niya. Sabi ko nga baka matagalan ka pa, pero sabi naman niya na tumawag ka na pauwi ka na.” sabi ni mommy.

Huh? Pero hindi naman ako tumawag sa kanya ah. Hmmm..

“Ah sige po tatawagin ko lang po siya para makakain na rin kami.” Sabi ko na lang.

Kaagad akong nagpunta sa kwarto. Naabutan ko siyang nakahiga at nakatingin lang sa kisame.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“San ka galing?” tanong niya.

“Pinuntahan ko lang si..” napatigil ako. Hindi ko masabi sa kanya yung pangalan, baka kasi magalit siya.. “Yung asawa ni Jessa.” Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin na ulit sa kisame.

“Naku, nagtatampo ang labs ko.” Sabi ko. First time kong gamitin yung word na “labs.” He calls me that, I think it’s corny, pero ayan lumabas na lang sa bibig ko.

“Bakit ba kasi pumunta ka pa dun?” sabi niya.

I sighed. “Paul, gusto ko lang naman maging maayos na ang lahat. Besides, it’s Christmas, shouldn’t we just forget all the bad things and be happy?” sabi ko naman.

He sighed. “Nag-alala lang naman kasi ako sa’yo. Baka kasi may ginawa na naman sa’yo yung bugok nay un.” Sabi niya.

“Awwee ang sweet naman ng labs ko.” Sabi ko.

“Siyempre naman, ayokong iiyak ang labs ko, lalo na ng dahil sa lalaki.” Sabi niya.

Hinalikan ko naman siya sa pisngi. Napangiti naman siya sa ginawa ko.

“Sa pisngi lang?” sabi niya.

Aba, demanding!” sabi ko naman.

“Hmp! Wag na nga!” sabi niya. Tumayo siya at tinungo ang banyo.

Tumayo na rin ako at hinatak ko ang kamay niya. “Naku, tampo na naman ang labs ko.”

Hinarap ko siya sa akin. Binilot ko ang mga kamay ko sa leeg niya, nilagay naman niya ang mga kamay niya around my waist.

Nginitian ko siya at hinalikan sa labi.

Hindi ko napansing naiwan ko palang nakabukas ang pintuan. Nagulat na lang ako sa pagpasok ni Daddy.

“Anak hali-” napatigil si daddy sa kanyang sasabihin.

Nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong natakot. Nakita niya kaming naghahalikan ni Paul.

“Dad.” Ang nasambit ko na lang.





-----------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.

Monday, September 10, 2012

Perfect Two - Episode 13


Author's Note: Maraming maraming salamat po sa walang sawang nagbabasa at sumusuporta sa series na ito. Sorry po dahil natagalan ang update..busy po kasi, lalo na ngayon na back to school na naman po ako.. anyway, thank you po sa mga nagcomment sa previous episode na sina: _ian_ , _xtian, kuya win, Josue, Jerwin, Ernes_aka_jun, kuya kambal, Franklin, Marshy, Hem, Al Justin, kuya Jeffrey, Kevin, Anjo, kuya Jennor, kuya dhenxo at lahat ng anonymous.. :) Maraming salamat din po sa mga nagcomment dun sa mga nauna pang episodes. Oh and ngayun ko lang napansin, mali pala yung spelling ko ng "hurricane" dun sa last episode hahahah sorry xD.. anyway, eto na! Enjoy reading! Leave comments below! :D

Episode 13 - "I Love You"

I stared at him. His eyes are still watery but he’s smiling at me.

Si Paul…my bestfriend…I still remember the first time we met..

“P— ” I was about to say something when someone knocked on my door. Napatingin ako sa pinto at tumingin muli kay Paul.

Great timing! I don’t know what to tell Paul. As in hindi ko talaga alam kung anung sasabihin.. Baka nga puro “Paul” na lang ang lumabas sa bibig ko, kasi wala talaga akong maisip..Good thing someone interrupted!

Yumuko si Paul at pumunta sa bathroom. I felt a bit guilty. I felt like I broke his heart.. Pero wala pa naman akong sinasabi diba?

“Anak?” Si mommy.

Binuksan ko yung pinto at bumungad sa akin ang aking ina na nakangiti.

“Mom,” sabi ko.

“You’re lolo’s downstairs.” Sabi niya.

Bigla akong naging excited. Well, you see, I’m a lolo’s boy.. and a mommy’s boy,…and a daddy and lola’s boy.. well.. I’m everybody’s. hahaha.. anyway, me and my lolo are very close to each other.. He taught me a lot of stuff.. Whenever he’s not at work, we always go to the clubhouse to play badminton. I was actually closer to him than my brothers. He use to tell me that when I was 3, whenever he comes home from work tired and exhausted, once daw na i-hug ko lang siya ang i-kiss, nawawala ang pagod niya.

We used to go the lake near our village and fish. I always catch the little ones and I used to be sad, because he always get the big ones. He used to tell me that it’s okay and just try again next time till I get the big ones and never give up. One afternoon, I was lucky to catch a big fish. I was so happy that I even showed it to my lola. From that day, I learned to be patient.. I realized that things don’t pop up instantly, you have to wait for the right time. And he taught me not to give up. You see, my lolo didn’t come from a rich family. The things that we have now are not inherited from his parents or any relatives. All these things are all from his hard work. I remember when he used to tell me that room is like the size of their house before. He has 3 siblings and he is the oldest. He never knew his dad. His mom told him he left them for another woman. He never really looked for him. And when I asked why, he told me, “Kung gusto niya kaming makita at makilala, pupuntahan niya kami.. Pero hindi niya ginawa.. Isa pa, hindi naman ako naghahanap ng ama, nabuhay akong ang nanay ko lang at ang mga kapatid ko ang nandiyan sa tabi ko..At masaya na ako doon..” His mom, my great grandma, used to sell rice cakes in the streets.

“I used to help my mom to sell them,. Sumisigaw ako ng ‘Kakanin! Bili na po kayo ng kakanin!’..Lagi ko yun ginagawa bago ako pumasok sa eskwela at pag-kauwi ko..We don’t have electricity in our house..Lampara lang at kandila ang ilaw namin..Wala akong sapatos noon, tapos yung tsinelas ko upod na at natatanggal na yung dahon. Kaya ang ginagawa ko, nilalagyan ko ng alambre para hindi kumalas.”

Natatawa pa siya habang nagkukuwento sa akin. He had a rough childhood, as the oldest of the children, he volunteered to work para matulungan ang nanay niya sa mga gastusin. Naging kargador siya sa palengke, naglalako ng mga basahan, nagtitinda ng kakanin, nagtatawag ng pasahero sa jeep.. He worked hard para lang may maipakain sa mg akapatid niya. Pero hindi pa pala dun nagsimula ang kalbaryo sa kanyang buhay. Namatay ang dalawa niyang kapatid at ang kanyang ina nung nasunog ang bahay nila. Naglalako siya ng kakanin kasama ang isa pa niyang kapatid ng malaman nilang nasusunog na ang bahay niya. Huli na ng makarating sila sa bahay nila. Naiwan sa loob ng bahay nila na natutulog ang dalawa niyang kapatid ng magsimulang lumaki ang apoy. Sinubukan iligtas ng nanay nila ang mga kapatid niya ngunit pati siya’y na-trap sa loob. Nasunog sila ng buhay. Iyak siya ng iyak habang yakap-yakap ang nakababata niyang kapatid na lalaki. He was just 15 that time. He was about my age, and comparing my life to his, I might the luckiest kid in the world.

Pagkalibing ng kanilang ina, tumira sila sa tiyahin nila. Mabait naman daw ito, wala siyang asawa’t anak kaya itinuring na lamang niyang mga anak ang dalawang magkapatid. Pinag-aral sila nito. Hindi naman nakalimutan ng lolo na ibalik ang kabutihan ng kanyang tiyahin sa kanya. Nag-aral siya ng mabuti. Nakapagtapos ng Business Administration at namasukan sa isang kompanya, not knowing that he’s going to build his own company in the future. Ng makaipon ay nakapagpatayo sila ng maliit na restaurant at ipinangalan sa kanyang tiyahin, ang Castillo de Veronica. Iyon din kasi ang gusto ng tiyahin niya dahil mahilig itong magluto. Bata pa lang siya’y tinuruan na siyang magluto ng nanay niya. At kagaya ng kanyang ina, magaling din magluto ang kanyang tiyahin. Kaya nahasa ang talento niya sa pagluluto. At dahil na rin sa galing niyang mamahala, lumago ang kanilang kabuhayan. Namatay ang kanyang tiyahin sa katandaan. Iyak siya ng iyak dahil ito ang kinikilala niyang ina at napakalaki ng utang na loob niya dito. Ngunit masaya itong namatay dahil sa naibigay ng lolo sa kanya ang matagal niyang pangarap ang makapagpatayo ng isang restaurant. His younger brother, the only one he had left, also died in a car accident. He was left alone and sad, and that’s when my lola came to his life.

And the product is what we have today. He has his own company. He has branches nationwide. He has a daughter and 3 grandchildren.

“Ayain mo na rin si Paul para makilala siya ng lolo mo.” Dagdag pa ni mama.

“Sige po tata--” hindi pa ko tapos sa sasabihin ko ng biglang nagsalita si mommy.

“Paul halika’t para makilala ka ng papa.” Sabi ni mommy.

Napalingon ako kay Paul. He looked at me pero there’s nothing I can see in his eyes. He was expressionless. Then he looked at my mom and gave away a smile.

“Sige po tita.” Sabi niya.

We walked down together, not saying anything and not even looking at each other. Ewan ko, parang ang layo layo na niya, even though we’re just inches apart. I tried to clear my mind. I can deal with that later.

“Theopher!” sigaw ni lolo. My lolo always call me Theopher and before, little Theo, maybe because I was named after him. He’s Mr. Teodoro Castillo.

“Lolo!” tumakbo ako papunta sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

“How’s my little Theo?” tanong niya.

“Lolo, I’m not little anymore.. I’m big na oh!” sabi ko.

“No matter how old you are, no matter how big you get, you’re still my little Theo” sabi ng lolo. He smiled at me and then looked at Paul. “I see you have a guest.”

Napatingin ako kay Paul pero kaagad din ako nagbago ng tingin ng bigla siyang tumingin sa akin. “Ah opo, Lolo, meet Paul, my bestfriend.” Parang nag-hesitate pa akong sabihin yung “bestfriend.” That’s coz I know that he doesn’t wan to be just my bestfriend..

“Nice to meet you po Mr. Castillo.” Sabay alok ng hand shake.

Inabot naman ni lolo yung kamay ni Paul at nakipagkamay. “Just call me lolo. Besides, bestfriend mo naman tong apo ko, you’re already part of the family.” Nginitian niya si Paul.

Napangiti naman ako sa sinabi ng lolo. Mabait naman kasi talaga ang lolo ko. Lahat ng kaibigan ko, wini-welcome niya palagi.

“Teka nagugutom na ba kayo?” tanong ni lolo.

“Hmm…medyo po.” Sabi ko na medyo natatawa.

“Do you want to help me cook for dinner?” yaya ni lolo.

Cooking is one of our bonding times. Siya nga ang nagturo sa akin magluto eh.

“Sure Lo!” sabi ko naman.

“Do you want to join us, Paul?” tanong niya.

It would be awkward for the both of us..

“Hindi na po, kayo na lang po.. magpapahinga na lang po ako sa taas.” Sagot naman ni Paul.

“Ahh ganun ba, sige.” Sabi naman ni lolo.

“Sige po akyat na po ako, excuse me.” Paalam ni Paul at umakyat na siya.

Nakatingin ako sa kanya habang umaaakyat siya ng hagdan.

Mukhang napansin naman ng lolo na parang may something sa aming dalawa ni Paul. “May problema ba kayo apo?” tanong niya.

Po?” tanong ko, pretending that I didn’t hear what he said.

“Sabi ko, may problema ba kayo? Para kasing hindi kayo magbestfriend, parang nag-iiwasan kayo ng tingin. May ginawa ba siya sa’yo?” tanong niya.

“Naku wala po lolo. Wag niyo na lang po yun initindihin. Tara na po!” yaya ko kay lolo.

“Sige, pero kapag may ginawa yan sa’yo sabihin mo lang kay lolo ha? Marami tayong tauhan, kayang kaya natin siyang ipa-” hindi pa tapos ang sasabihin ni lolo when I cut him.

“Lolo!” sabi ko.

“What?! I’m just saying.” Sabi niya at tumawa.

I know he was just kidding. Ganyan kasi ang lolo ko, napaka-protective sa amin, lalo na sa akin..ewan ko ba.

We went to the kitchen and started cooking

“So have you thought of what are you going to take for college?” tanong ni lolo habang naghihiwa ng sibuyas.

I was cutting celery naman. “Hmmm hindi pa nga po eh, pero I want to take something related to business, para na rin po makatulong sa company,.” Sagot ko naman.

“That’s good.. At least now I have someone to leave all these after I retire.” Sabi niya. “Kasi naman yang mommy mo, ayaw pa tanggapin ang offer ko. Nagpumilit pang pumunta sa America, eh pwede namang dito na lang kayo. Pwede naman magtrabaho sa kompanya ang mommy at daddy mo. Pero wala naman akong magagawa, kundi ang suportahan na lang sila sa mga desisyon nila. As long as safe ang mga apo ko and happy kayo, happy na rin ako.” Dagdag pa niya.

Hindi naman kasi marunong magtampo ang lolo. He always look at the bright side. Nung umalis kami, he just think na gusto lang maging independent ng mga parents ko, na hindi umasa sa kanya. Actually that’s what my parents want, they want to live a normal and simple life, yung hindi sila kailangan yukuan ng mga tao sa trabaho, yung hindi sila binibigyan ng special treatments. Kasi kung dun sila sa company ni lolo magttrabaho, hindi ganun ang mangyayari. Kaya pinili na lang nila pumunta sa America.

Nginitian ko naman si Lolo. “Don’t worry lolo, someday, matutulungan na rin po kitang mamahala ng company.” Sabi ko naman.

Ngumiti naman siya pabalik.

Nag-usap pa kami ng mga kung anu-anu tulad ng kung kamusta ang pag-aaral ko, anong itsura ng school ko, kung mababait ba ang mga tao doon at kung anu-ano pa..

Bigla naman sumagi sa isip ko si Paul.. anu na kayang ginagawa niya ngayun? Natutulog kaya yun? Okay lang kaya siyang mag-isa? Ewan ko bigla kaong nalungkot.. Para kasing gusto ko, nandito siya, kasama kong nakikipagtawanan sa lolo ko..pero hindi ko rin naman kasi siya masisisi kung bakit ganun siya ngayon.. Pero diba sabi naman niya handa siyang maghintay? Eh bakit siya ganun?

“Don’t let opportunities pass in front of you…” sabi ng lolo.. we were talking about opportunities in my future career. Pero I can’t help relate it to Paul. He’s already there at hindi ko na kailangan maghanap pa.. He’s good looking, he’s nice, and he loves me.. Pero bakit hindi ko magawang tanggapin ang pag-ibig niya.. Napaka-unfair ko naman sa kanya. I’ve known him for quite some time, and I know him so much.. Pero bakit ako natatakot na masaktan, kung alam ko namang hindi niya gagawin sa akin yun?

“Kapag may dumating na maganda sa buhay mo, wag mo nang pakawalan! Grab it! Dahil isang beses lang yan darating sa buhay mo..At baka pagsisihan mo sa huli..” dagdag pa ni lolo. At dun napaisip ako. Paul always make me feel safe and secure. Paul makes me happy..Paul protects me..Paul catches me whenever I fall…Paul wipes away my tears..Paul loves me.. I can’t be happy without Paul..I can’t stop crying if he’s not there to hug me..I never felt such peacefulness at night, and that’s because he’s there with me, and I know that when I wake up, he’s still there.. I can’t live without Paul.. and I think..i think…I love Paul Rivera..

Right after we cooked, I went straight to my room. Pagbukas ko ng pinto nakita kong wala siya sa kama. Chineck ko yung bathroom at nakita kong nakabukas yung pinto. Kakahubad lang niya ng T-shirt nung pumasok ako sa bathroom..Nagulat siya ng makita ako. Tumingin siya sa akin pero bumaling kaagad ang tingin niya.

“O nandiyan ka pala.” Sabi niya. “May kailangan ka bang gawin?” tanong niya.

Hindi ako sumagot.. Hindi ko alam kung bakit ako pumasok sa banyo in the first place..Basta may nagtulak na lang sakin..At parang wala na akong pakielam sa kung nau man ang mangyayari..Basta gusto kong sabihin sa kanya..na mahal ko rin siya..

“Sige lalabas muna ako.” Sabi niya. Nasa likod ko ang pinto. Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang door knob sa likod ko. “Excuse me.” Sabi niya.

Pero sa halip na umalis ako. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa door knob at sinarado ang pinto at pinihit ang lock.

I stared at him. And he stared back. I touch his face and then I kissed him..He kissed me back.. I wrapped my arms around his neck and he wrapped his arms around my body..

It was the first time I have given my lips away. At hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.. Dahil kung mayroon man akong pagbibigyan ng halik ko, si Paul yun..ang taong nagmamahal sa akin..at ang taong mahal ko..Siguro mahal ko na nga siya..Dahil hindi ko siya matiis, hindi ko kayang nagtatampo siya, hindi ko kayang wala siya sa tabi ko..

Nagkalas ang mga labi namin at nagdikit ang mga noo namin..I looked up and my eyes met his.

“So does this mean that you’re giving me a chance?” tanong niya.

I smiled at him and nodded. He hugged me so tight and lifted me. “Yes!!” sigaw niya. “Yeah!!”

Binawal ko naman siya. “Paul! Tumigil ka nga! Baka may makarinig sa’yo o!” sabi ko. But I wasn’t mad, I was actually happy.. Ewan ko..basta ang alam ko, magaan ang feeling ko..

“Ayy sorry..” sabi niya at tumawa siya. He put me down and put both his hands on my cheeks. “I’m so happy Vin..You don’t know how good this feeling is..I promise you..i will never hurt you..I will never make you cry..I will never leave you..I love you so much..” and he kissed me.

“I love you too Paul..” and I’m officially confirming, na mahal ko nga siya..Matagal na..ayaw ko lang din aminin sa sarili ko..pero ngayon..buo kong tinatanggap.. Niyakap niya ulit ako.. I can’t take off the smile in my face..for once, I felt like I made the right decision..I felt sure about this..Unlike with Mr. Santos, I know na hindi nagsisinungaling si Paul..alam kong mahal niya ako..

I didn’t even think about what I said next. “You know Paul, I haven’t taken a shower yet.”

He just gave me a devilish smile and kissed me harshly.. I didn’t stop him.. I let him do what he wants and I just followed his lead. He took off my shirt.. I pulled down his shorts. But our lips never left each other.. He took off my shirts and all we’re wearing are our boxers. I wrapped my arms around his neck. He lifted me up, and I wrapped my legs around his waist. He slowly walked to the shower. Isinandal niya ako sa dingding. I gasped when my bare skin touched the cold tiles. Napangiti naman siya. I stepped down. He took my hands and put it in sides of his boxers. He’s telling me to take it off. Bigla akong kinabahan for a second..Pero nandito na ako, ngayon pa ba ako mag-baback-out? Bahala na. He touched the sides of my boxers..Parang sinasabi niya na sabay namin tanggalin. I swallowed once and then I pulled down my boxers. He also pulled down his. He grabbed my boxers off my hands and threw it out with his. He pressed his entire body to me.. And I felt his naked body touch mine. I don’t care kung anu nang mangyari..Basta ang alam ko, I’m ready for what can happen..And since si Paul naman to, hindi ko na kailangang mangamba, at mabahala.

He kissed me again and slowly slid his lips down to my neck. He turned on the shower and I felt the warm water rushing to my body. I hugged him tight.. and I gave him the power to do whatever he wants to my body..

At nangayri na nga ang nangyari. (I’m still 17 so sex scenes are still prohibited. Hahahah!)

After taking a shower and did what we did (lol), naisipan namin magbubble bath. We we’re sitting on the bath tub. I was on top of him and leaning on him. His arms were wrapped around my body and my fingers are in between his fingers.

We were both quiet when I said a joke. “I thought you’re not gonna hurt me?”

“huh?” clueless na tanong niya.

“ang sakit kaya!” I told him.. Masakit naman talaga..first time ko kaya!

Mukhang na-gets naman niya,. “Ahh..” at tumawa siya. “Sorry po…Yaan mo next time, I’ll be gentle..hindi na kasi ako nakapag-pigil eh..nakakagigil ka kasi!” hinalikan niya ako sa pisngi.

Kinilig naman ako.. It’s been a while since I felt this.

“I love you Marvin Theopher Castillo Rivera..” sabi niya at tumawa siya

Rivera..Parang ang sarap pakinggan na nasa pangalan ko ang surname niya. I turned my body to face him. “Rivera? Bakit sinagot na ba kita?” pambibiro ko..

“Hindi pa, pero simula ngayon, asawa na kita.” Sabi niya.

Kinilig ako sa sinabi niya. “Ang bilis mo naman!” sabi ko.

“Siyempre kailangan mabilis! Hindi na dapat pinapakawalan! Baka mapunta pa sa iba. Eh ngayon na sakin ka na, wala nang makakaagaw sa’yo. At kung makuha ka man nila, sinusuguro ko sayong gagawin ko ang lahat para mababawi kita.” Ngumiti siya sa akin.

Ang sweet sweet niya talaga. Talaga ngang mahal niya ako.

“Bolero ka talaga!” biro ko.

“Kapag ikaw ang kausap ko..Walang halong bola.. Kapag may sinabi ako sa’yo, iyon ang sinasabi ng puso ko.. At alam mo iyan..” seryosong sagot niya.

Napangiti niya ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ako. “I love you..” sabi niya.

“I love you too..” sagot ko naman.. at nagyakapan na kaming muli.

Pagkalabas namin ng banyo, dumiretso kaagad kami sa kama. Wala kaming suot kungdi underwear lang. Nakatulog akong nakayakap sa kanya.. For the past few days, ang reason ng pagyakap ko sa kanya ay para tumahan ako sa pag-iyak, pero ngayon, hindi na ako umiiyak.. I’m happy, happy na alam kong mahal ako ng taong mahal ko.

When I woke up, he was  staring at me. “O nacute-an ka nanaman sa akin.” Biro ko.

“Cute ka naman talaga eh..” sabi niya ng nakangiti.

Nginitian ko lang din siya pagkatapos ay hinalikan niya ako. Bumangon na kami at nagbihis. 7PM na. 5 hours away before Christmas and I feel like it’s Christmas already..and I had the best gift ever.

Bumababa kami sa hagdan ng biglang nakipag-holding hands si Paul. Tinry ko namang tanggalin kasi nga baka may makakita sa amin..at alam kong magagalit sina daddy pag nalaman niyang ganito ako..at may relasyon kami ni Paul.. tinry kong tanggalin ang kamay niya ngunit hinigpitan pa niya ito. Tumingin ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata ngunit ngumiti lang siya sa akin..

“Paul!” sabi ko.

Nakababa na kami ngunit ayaw pa rin niyang tanggalin ang kamay niya. Natatakot na ako..pano kung may makakita sa akin? Lagot ako nito! Ano ba kasing nasa isip nito at ayaw pang tanggalin yung kamay niya!

Humarap ako sa kanya. “Paul sige na tanggalin mo na, please..” pagmamakaawa ko.

“Kiss ko muna.” Sabi niya.

“Ha?! Ayoko nga! Mamaya may makakita sa atin!” sabi ko.

“Eh di ko tatanggalin to.” Itinaas niya ang kamay naming magkaholding hands.

Although kinikilig ako, hindi ko maiwasan na wag matakot. Kasi naman tong mokong na to eh!

“Ano? Kiss or holding hands?” tanong niya.

Arrgghhh asar naman kasi to! No choice.. Lumingon ako sa paligid. Mukha namang walang tao, kaya minabilis ko na. hinalikan ko siya sa lips.

“O ayan na! Tanggalin mo na!” sabi ko.

“Ang bilis naman! Gusto ko matagal!” hirit pa niya.

“Ang duga mo! Sabi mo kiss lang! Walang time na napagkasunduan! So tanggalin mo na tong kamay mo or hindi ka na ulit makakatanggap ng kiss galing sakin!” pagbabanta ko sa kanya.

Para namang daig pa niya ang nakakita ng multo sa bilis ng pag kalas niya sa kamay ko,,. Napangiti naman ako.. Eh yun lang naman pala katapat nito eh.

Lumabas kami sa backyard namin at naabutan naming nakaupo ang silang lahat habang  nagiihaw ng hotdogs at barbecue naman sina daddy at mommy.

“O Paul, Marvin, lika kayo’t kumain kayo o.” yaya ni Daddy.

Naunang kumuha si Paul. Kumuha siya ng dalawang stick ng barbecue at ibinigay sa akin yung isa.

“Thanks,” sabi ko pagkaabot niya ng barbecue.

Nginitian naman niya ako.

Naupo kami sa gilid ng pool at inilaglag at ibinabad ang mga paa sa tubig. We were both staring at the sky.

“Ito na siguro ang pinakamasayang pasko ko.” Sabi niya. He kept his voice low so that they wouldn’t here us.

I looked at him. He stared back at me.. “Me too.” Sabi ko naman.

Oo, ito na nga siguro ang pinakamasayang pasko ko..nandito ako sa Pilipinas, kasama ang buong pamilya ko..at higit sa lahat kasama ko ang taong mahal ko..kasama ko si Paul.

We waited until 12 midnight. We were both sitting there when the fireworks burst in the sky and lit up the night. Ganyan kasi dito, tuwing Christmas at New Year, may pa-fireworks and clubhouse.

I was amazed on how bright the colors were. It was beautiful. Paul held my hand and kept it hidden between our legs. I just stared at him and he smiled. Nginitian ko na lang din siya..Bahala na, kung makita nila.. Basta ang alam ko, I want to share this beautiful moment with the person I love.

“Merry Christmas!” sigaw ni daddy.

Bigla naman kaming nagkalas sa pagkaka-holding hands namin at lumapit sa kanila para makipagyakapan at bumati ng “Merry Christmas.”

Nagkapalitan ng mga regalo, nagkainan, at pagkatapos ay nagyayang uminom ng wine. We always drink wine every Christmas and New Year. I started when I turned 15. Pero sinenyasan ako ni Paul na umakyat na sa kwarto pagkatapos ng isang glass ng wine..mukhang may pinaplano na naman to ah..

Nagpaalam na kami sa kanila na matutulog na..pero hindi naman talaga kami matutulog.. Right after he closed and locked the door on my room, he searched for my lips and kissed me. He didn’t even bother to open the lights. I tasted the wine in his lips and tongue.

We are slowly walking to my bed and taking off of our clothes at the same time. He threw me into bed and went on top of me.

“Are you ready for your Christmas present?” tanong niya.

“Surprise me.” Sabi ko.

At sa gabing iyon, pinagsaluhan namin ang kaligayahan..Happy ako sa nangyari sa amin..Kung kasalanan ang tawag mo sa ginawa namin, ito ang kasalanang hindi ko pinagsisisihan.. at ito na ang pinakamagandang kasalanang ginawa ko. Mahal ko nga talaga si Paul.. Hindi ko ibibigay ang katawan ko sa kanya, kung hindi ko siya mahal..hindi ko siya hahayaang halikan ako kung hindi ko siya mahal..hindi ako kikiligin ng ganito, kung hindi ko siya mahal…kaya mahal ko siya..

Nagising ako ng may kumakatok sa pinto. Nagbihis muna ako pagkatapos ay binuksan ang pinto.

“O mommy, good morning po Merry Christmas.” Bati ko sa mommy ko at pagkatapos at bumeso sa kanya.

“Merry Christmas din anak..may bisita ka nga pala sa baba.” Sabi niya.

Bisita? Sino naman kaya ang manghihingi sa akin ng aguinaldo?

Thinking na kakilala ko naman yung bisita, sinabi ko na lang na, “Sige po mommy, maghihilamos lang po ako.”

“Sige anak.Sumunod ka kaagad ha.” Sabi ni mommy.

“Opo.” Sagot ko naman,

Isinara ko ang pinto at tinungo ang bathroom. Pagkatapos kong maghilamos, lumapit ako kay Paul, na ngayo’y nag-iinat na.

“Morning.” Sabi ko pagkatapos ay kumandong sa kanya at inilagay ang mga kamay sa leeg niya.

“Morning Labs ko. Merry Christmas.” Hahalik na sana siya ng pinigilan ko siya at tinakpan ang bibig niya.

“Umm! Magmumog ka muna!” sabi ko sabay tawa.

“ehhh sige na labs..please..isa lang po..tapos mumog na ko..” pagmamakaawa niya na parang isang bata.

Pinagbigyan ko naman siya. Hinalikan ko siya sa labi. “O sige na mumog ka na.” Tumayo ako at pumunta sa pinto. “Bababa na ko, sunod ka na lang.”

“Sige, love you.” Sabi niya sabay kindat at nguso.

“Sira!” sabi ko.. Pagkatapos ay sumimangot siya. Hay nako itong mokong talaga na to.. Para mapangiti siya, sinabi ko, “I love you too,.”

At ngumiti naman siya. Bugok talaga to..kung hindi lang kita mahal! Naku!!

Bumaba na ako at pumunta sa sala baka kasi nandoon yung bisitang sinasabi ni mommy.

Nagulat ako sa nakita ko..Isang babaeng nakaupo sa couch namin..Nakatingin lang siya sa cellphone niya at hindi siya mukhang masaya. May lungkot sa kanyang mukha at mga mata. Ng magkita ang mga mata namin, biglang tumulo ang isang luha sa kanyang mata. What is she doing here?

Jessa…



-------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.

Thursday, August 30, 2012

Perfect Two - Episode 12

Author's Note: Sorry po sa late na update :(
Btw, I would like to thank those who read the previous episode. And gusto ko rin po magpasalamat sa mga comment nina Kuya Win :P, kuya kambal, kuya jennor, kuya jeffrey,kuya dhenxo, Ernes_aka_jun, vinz_uan, franklin, kuya jm, arvin, xtian and robert.
Anyway, eto na po ang next episode! Enjoy reading and comment na lang po kau, thanks!

Episode 12 - Mind Huricane

I was shocked as I cope up with the fast transition of the events. I pulled myself away from him and stood up.

“I-..” tumayo siya para lapitan ako. “I’m sorry.” Hinawakan niya ang kamay ko.

“It’s ok…” ang nasabi ko na lang… Pero okay nga lang ba talaga? Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact.. dapat ba magalit ako? Dapat ba matuwa ako? Hindi ko talaga alam.. Right now, nasa state of shock pa rin ako. Tumalikod ako at tinungo ang pinto..

“Where are you going?” tanong niya.

“I-I just need some air..” sagot ko na lang.

“Uhmmm samahan na kita.” Alok niya.

“No need..” sabi ko. Sabay pa namin nahawakan ang door knob.

“Sigurado ka?” tanong niya.

“Yeah…” sabi ko na lang. At hinayaan naman niya akong makalabas.

I went to the beach. I stared at endless darkness. For the first time in my life, there’s nothing I can feel.. There’s nothing on my mind.. It’s as if everything went blank for a second.. Then it flashed back to my head.. He kissed me.. Paul Rivera kissed me.. my bestfriend..my long-time crush..the person who I’ve thought na straighter than any straight line…..kissed me… am I dreaming?? Did it really happened??? But it’s impossible….it can’t be true…

I pinched my cheeks to see if I can feel it..I felt it…so it is true..he did kissed me…so ibig sabihin,…he’s not as straight as I think…pero bakit niya ko hahalikan?..

Then it came up to my mind… He likes me…No! He doesn’t! baka nagkamali lang siya… baka hindi naman…baka….argghhh…why am I arguing with myself?? Shouldn’t I be happy with what happened? Hindi ba dapat nagtatatalon ako sa tuwa? Hindi ba dapat kinikilig ako ng sobra sobra??

Pero bakit…wala akong maramdaman…Bakit parang, may pumipigil sa dapat kong maramdaman…bakit…uggggghhhh!!!!!!

My mind was full of questions.. I didn’t even realized na nakaluhod na pala ako at nakatitig lang sa buhangin. And then somebody spoke up.

“Marvin..” sabi niya.

Biglang nagising ang buong pagkatao ko. Ayoko siyang lingunin.. ayoko siyang makita.. ayoko ko siyang makausap.. ayoko siyang makasama.

Kaya tumayo ako at nag-umpisang maglakad palayo sa kanya. Hindi ko man lang siya tinignan..

Sinundan niya ako at hinawakan ang kamay ko. “Marvin, please, kausapin mo naman ako..”

Pero hinablot ko ang kamay ko mula sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

Sinundan niya akong muli at humarang sa daan ko.. “Please naman, just give me some time, for God’s sake!”

Sinampal ko siya..“Time?! For God’s sake, I’ve given you a lot of time! I’ve given you time that you don’t even deserve! You wasted all of those time that I’ve given you! And now you want me to give you more?! Who are you to tell me what I should do, huh?!” sumbat ko sa kanya.

At hindi siya nakasagot. “Oh ano? You told me you want to talk to me? Why so speechless all of a sudden? Huh?!”

“I-I-I’m so..” hindi pa tapos ang sasabihin niya ng bigla akong nagsalita.

“What? You’re sorry?! How many times are you gonna say sorry?! You think your sorry can fix everything?! You think na, sa sorry mo na yan, papatawarin na kita?! At papalampasin ko yung ginawa mo?! You lied to me MR. MARVIN SANTOS! Pinagmukha mo kong tanga! Pinaniwala mo ko na mahal mo ko! Yun pala, may asawa’t anak ka na pala! Tapos ano ngayon, mag-sosorry ka?! Bullsh*t!” halos duraan ko na siya sa sobrang bilis ng pagsasalita ko.

Tinalikuran ko na siya ngunit pinigilan niya ako.

“Please..gagawin ko ang lahat…mapatawad mo lang ako…” at ngayo’y lumuluha na siya.. “Please vinvin….i’m sorry…Just..tell me what I have to do…just forgive me…”

I didn’t even think about what I said. “Go to hell!” and I pushed him off me and ran away from him.

I know I was wrong..I know I was rude..But I couldn’t help myself not to be angry.. I want him to know how painful it is to be in my situation..and hirap hirap para sa akin nito..

Sinundan niya ko at hinawakan ang dalawa kong braso. “Marvin please…” pagmamakaawa niya.

Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin. “Aray! Ano ba?! Nasasaktan na ko!”

Sinusubukan ko pa ring kumawala sa kanya ng bigla na lang may sumuntok sa kanya.

“Walangya ka! Layuan mo siya!”  sinuntok siya ni Paul sa kaliwang pisngi. Halos natumba siya.

“Paul!” sigaw ko. At pinigilan ko na siya bago pa siya makasuntok ulit.

“Tang-ina! Bakit ka ba nakikielam sa amin ha?!” sumbat naman nung isa.

“Boyfriend niya ako kaya may karapatan akong makielam!” aba at mukhang kinareer na talaga niya yung sinabi niya kanina.. “Gago ka! Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kanya! Pinaiyak mo siya! Sinaktan! Kaya papatayin kita!”

I’ve never seen him so furious. Kitang kita mo sa mukha niya, sa mga mata niya at ramdam na ramdam ko ang galit niya. Nakasuntok siya muli at hindi ko siya napigilan. Ngayo’y nakahiga na sa lupa si Mr. Santos at si Paul naman sinusuntok suntok siya. Parang bigla akong natakot sa kanya.

“Tama na!” sinubukan kong pigilan si Paul. Hinatak ko ang kamay niya pero parang ayaw niyang magpahatak. “Paul! Tama na!” At hinatak ko na si Paul para lumayo na siya sa nabugbog niya.

“Pasalamat ka nandito si Marvin kung hindi! Papatayin talaga kita!” Pagbabanta pa ni Paul.

Hindi naman makasagot si Mr. Santos, sa halip ay pinunasan na lang niya ang dugo sa labi niya. “Kung yun lang ang paraan para mapatawad ako ni Marvin, sige, patayin niyo na ako.”

Bigla akong napatingin sa kanya,. Ano?! Ginawa pa kong killer?!

“Oh eh yun naman pala eh, papatayin na kita!” lalapitan na sanang muli siya ni Paul ngunit pinigilan ko siya.

“Paul tama na!” humarang ako sa harap niya at hinawakan ang mga braso niya. “Please..tama na..”

Nagkita ang aming mga mata. Yung sa kanya, puno ng galit, yung sa akin, nakikiusap. He just sighed and grabbed my hand. Bago kami umalis, muli siyang lumapit kay Mr. Santos. “Wag na wag mo na siya ulit lalapitan dahil hindi lang yana ng aabutin mo sakin!” 

At umalis na kami. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko ng mahigpit. Hindi naman ako nagreklamo. Kasi ang time na pinakanakakatakot si Paul, yung talagang ayaw mo siyang kausapin, gambalain, at pakielaman, ay kapag galit siya. Lahat kaming magkakaibigan hindi makaimik kapag galit si Paul, natatakot kasi kami. I’m not saying na violent siya, minsan lang kasi namin makita si Paul na galit, kaya hindi namin alam kung anung mga kaya niyang gawin pag galit siya.

Hindi kami nag-uusap hanggang pag dating namin sa kwarto. Pagsara ng pinto, binitawan na niya ang kamay ko. “Bakit ka ba kasi nakipagkita sa lalaki na yun?” Medyo kalmado na ang boses niya pero nararamdaman ko pa ring may galit sa boses niya.

“I-I didn’t..know..he was..there..” Hindi ako makatingin sa kanya.. ewan ko, parang natatakot ako..

He was about to say something pero mukhang napansin niya ang pagiging tahimik ko.. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang braso ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya, marahil ay sa takot, kaya biglang gumalaw yung mga braso ko.

“Bakit?” nagtatakang tanong niya.

“W-wala. Nilamig lang ako.” Palusot ko na lang.

“Sige, halika na matulog na tayo,.” At niyaya niya akong matulog na.

“Sige, magbabanyo lang ako.” Sabi ko naman.

“O sige.”

Pumasok ako sa bathroom at binuksan ang ilaw. Humarap ako sa salamin.. Muli, hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko.. Una, naguguluhan sa paghalik sa akin ni Paul, pagkatapos, galit ng makita yung taong nanakit sa akin, pagkatapos, takot… Ang gulo! Para akong mababaliw.. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na ako makasabay.. Para kasing iba na yung Paul na nasa harap ko.. Hindi ko na alam kung anung ibig sabihin ng bawat galaw niya.Hindi ko na mabasa kung anung iniisip niya. Hindi katulad dati, alam ko kapag nagsasabi siya ng totoo, alam ko kapag galit siya, alam ko kapag nagtatampo siya, alam ko kapag may gumugulo sa isip niya…Pero ngayon…hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan…hindi ko alam kung bakit sobrang galit ang nakita ko sa kanya,. At hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko..Bakit hindi ko siya maintindihan?? Bakit niya ako hinalikan? Posible bang may nararamdaman para sa akin si Paul? Possible bang mangyari yun? Pero hindi talaga eh. Hindi talaga pwede.. Mababaliw na yata ako.. Sasabog na ang utak ko sa kakaisip. Arrrgghh!!! Naguguluhan na talaga ako!

Matagal-tagal rin siguro akong nasa loob ng bathroom dahil pag labas ko, tulog na si Paul. Humiga na rin ako, but I kept a space between us. I looked at him—the guy whom I’ve thought I knew, but suddenly, just one kiss changed everything, complicated things, and left my mind asking, how much do I really know Paul? Could the kiss really mean something? Ayokong mag-assume…pero ano pa bang meaning ng halik?? Meron bang friendly kiss kapag isang gay at isang straight? Or is he really straight? Gosh! Why am I even thinking this way?? But could it be?? The Paul that every girl in school dreams about, is gay????

I sat up and stared at the view outside..looks like Paul left the balcony door open.. But it’s okay.. It’s kinda relaxing watching the curtains dance with the wind then the dark sky enlightened by stars and the moon..Plus the sound of splashing water on the shore..Everything seems so relaxing.. And hindi ko na pala namalayang nakatulog ako ng nakaupo.

Pag-gising ko, nakaupo pa rin ako, pero nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Paul, na katabiko ring nakaupo. Inangat ko ang ulo ko. Medyo kumirot ng kaunti kaya napa-aray ako,.Well, it’s been a long night, I wouldn’t whine because I know that my head can’t handle everything that happened the day before.

“O okay ka lang?” tanong niya. Sa tono ng pagasasalita niya, parang walang nangyari kagabi.

Tumango na lang ako, pero hawak pa rin ang ulo ko.

“Bakit ba kasi natulog ka ng naka-upo? Ayan tuloy.” tanong niya muli.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay binigyan ko siya ng isang ngiti. Ngunit hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

“Nagugutom ka na ba?” tanong niya. Sa tono niya, alam kong alam na niya na may something wrong with me.. kaya sinubukan kong wag magpahalata.

“Medyo,.” At binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Pinilit kong tignan siya sa mata. I hope my eyes didn’t give away anything.

Mukha namang nakumbinsi ko siya dahil nginitian niya ako pabalik. “Sige hilamos ka na tapos kain na tayo, hinihintay na nila tayo.”

“Okay.” Tumayo ako at pumunta sa sa bathroom at naghilamos.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I can’t give anything away.. I have to act like there’s nothing wrong.. I’m not ready to confront him yet…Natatakot ako sa isasagot niya.. Paano kung mali ako? Edi napahiya lang ako diba???

Pero wala naman sigurong mawawala kung magtatanong ako diba? Besides, he gave me the thought, dahil nga hinalikan niya ako… Pero malay mo baka aksidente lang yun, malay mo may naalala lang siyang babae, tapos yun…Arrrggghh!! Nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko.. -_-

Natigil lang ako sa pag-iisip ko ng biglang may kumatok,. “Vin? Okay ka lang ba jan?” tanong ni Paul.

Kaya mo to Vin..Just don’t let him penetrate you.. Whew!

Binuksan ko yung pinto. “Tara na?” yaya ko sa kanya.

I tried to act as normal as possible, one wrong move, and he might spot it instantly.. So I was very careful..Mula sa pagkain, hanggang sa pag-swimming sa beach..

Hindi ko na rin pa nakita ang Santos family sa resort. Mukhang nakauwi na sila. Mas okay na rin na hindi ko sila nakita, baka may mangyari na naman.

I had another alone moment sa bathroom that afternoon. Siguro I just have to let this pass.. Hindi ko kailangan mangamba, hindi ko kailangan matakot.. kung anu nga siya,…edi okay lang, diba? Tinanggap naman niya ako noon, so, dapat tanggapin ko rin kung ano siya diba? Pero bakit ako natatakot? Natatakot ba kong malaman na may pagtingin din siya sa akin? Bakit naman? Hindi ba noon pa man, may gusto ako sa kanya, hindi ba dapat masaya pa ako na may gusto rin siya sa akin? Pero bakit iba nararamdaman ko? Bakit ako natatakot?

Paglabas ko ng bathroom, napansin kong nakaupo lang siya sa balcony. And I saw in his eyes na may malalim siyang iniisip. Malayo ang tingin niya. I feel like hindi ko siya napaniwala na walang something na gumugulo sa isipan ko. I feel like alam niyang nagsisinungaling lang ako sa kanya. Na-gi-guilty man ako, parang hindi pa rin kasi ako handing pag-usapan.

Nilapitan ko siya at umupo sa upuan sa tabi niya. “Ang ganda no?”  I was talking about the view. It was one of the most beautiful sunsets I’ve seen. The sun looks like it’s touching the sea. The mixture of colors in the sky and the sea, yellow, orange, blue; the palm trees rooted on the white sand,. Everything seems to harmonize with each other, to make a very beautiful and romantic view.

Hindi siya sumagot, sa halip, nagbuntong-hininga na lang siya.

Nagpakamanhid na ako. “Is there a problem Paul?” I’m such a hypocrite.

“Wala.” He said. We both know that he lied.

“Sure ka?” I don’t know why am I persuading him of telling what’s bothering him, eh alam ko naman kung anu un..

“Namimiss ko lang siguro sina mama.” Sagot na lang niya.

Right, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo. Paul has 3 brothers (2 older and 1 younger) and 2 younger sister. Single parent lang ang mommy niya, his dad died a year ago, from a car crash. I met his dad before, mabait siya, and mapapansin mo talaga na mahal na mahal niya ang pamilya niya, although sometimes he’s strict, nasa lugar naman. Paul’s mom was the sweetest person I’ve met, well next to my mom.lol. Palagi niya nga akong inaasikaso kapag na kila Paul ako, she makes me feel like I’m a part of their family. Mababait din yung mga kapatid niya, sina Kuya William, Kuya Allen, Charles, at pati na rin yung dalawa niyang cute na little sisters, sina Lauren and Lisa, twins sila by the way. Nung namatay na ang daddy nila Paul, si Tito Angelo, ang mommy niya na, na si Tita  Annie, at ang mga kuya niya ang nagtrabaho.

Ang alam ko, lahat ng kamag-anak niya, nasa ibang bansa na, meron sa US, meron Spain, meron din sa Australia. Sa pagkakalam ko wala na siyang natirang relatives ditto sa Pilipinas.

“Bakit hindi mo sila tawagan? Baka nami-miss ka na rin nila.” Sagot ko naman.

“Tinawagan ko na sila kanina nung nasa bathroom ka pa. Mukhang nagtatagal ka na ata sa bathroom ngayon ah, ayos ka lang ba?” tanong naman niya.

Napansin din pala niya iyon.. Kasi naman ako, kapag nag-umpisang magmoment, hindi ko na nararamdaman ang oras. Ang isang oras ay parang 10 minutes lang. Biniro ko naman siya, “Ah eh kasi mini-make sure ko muna na cute ako bago ako lumabas.” Sabay ngiti sa kanya.

Natawa naman siya. “Hindi mo naman kailangan yun.” Sabi niya. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. “Kasi cute ka naman kahit hindi na mag-ayos.” sabi niya.

Hindi ko alam kung anung sasabihin ko, kaya bigla kong iniba ang usapan. “Uhmm do you wanna grab some ice cream?” tanong ko.

Mukha namang nadisappoint siya, pero hindi niya pinahalata at nginitian niya ako. “Sure.”

Natapos ang araw na puro ngitian na lang ang ginawa namin at hindi nag-uusap.

Kinabukasan, nag-check out na kami at umuwi na. Dec. 24 na, ilang oras na lang pasko na! This is a different Christmas for me, kasi nga kasama ko si Paul. Well last year, he came too, pero tanghali na ng Dec. 25 nun. Iba ngayon, since Christmas Eve pa lang, kasama ko na siya. Kaya nga lang naiwan ko sa States yung gift ko sa kanya, malay ko bang pupunta rin siya dito diba?

“O mga anak, mag pahinga muna kayo para gising na gising kayo mamayang Noche Buena!” sabi sa amin ng mommy ko pagdating namin sa bahay.

“Tama ang mommy niyo, sige na umakyat na kayo sa kwarto ninyo.” Dagdag naman ni daddy.

Kaya umakyat na kaming lahat para makapag-pahinga. Napagod ako sa biyahe kaya dumiretso kaagad ako sa kama ko at nahiga. Nagulat na lang ako na tumabi sa likod ko si Paul at niyakap ako. Hindi ko naman siya binawal at hinayaan na lang siya. Kahit pagod ako, hindi ako makatulog. Hindi ko nga rin alam kung bakit.

Maya maya, nagulat na lang ako na biglang suminghot si Paul. Umiiyak ba siya? Suminghot siya ulit. Kaya tumalikod ako para harapin siya. Umiiyak nga siya.

“Bakit ka umiiyak?” bulong ko.

Pero hindi siya sumagot, sa halip, niyakap niya lang ako ng mahigpit. Hinimas-himas ko naman ang likod niya at sinubukan siyang patahanin.

“Ano bang problema?” tanong ko.

Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata. He held my cheeks and kissed me. Hindi ako nakagalaw, he caught me off guard. Hindi ko naman alam kung bakit pero bigla ko na lang siyang tinulak palayo sa akin at tumayo. Lalo naman lumungkot ang mukha niya.

“Why did you kissed me?” tanong ko.

“Bakit ba ang manhid manhid mo?!” sumbat niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. “What?”

Tumayo siya at lumapit sa akin. “Gusto ko lagi kitang nakikita. Gusto ko lagi kong naririnig ang boses mo. Gusto ko palagi kitang kasama. Gusto ko palagi kitang nayayakap nahahalikan. Gusto ko palagi tayong magkatabing matulog. Gusto ko pag-gising ko nandiyan ka lang sa tabi ko.”

Hindi ako makasagot sa kanya. Parang hindi ko maabsorb yung mga sinasabi niya.

“Kapag nagagalit ka sa akin, para akong nanghihina na prang may sumasaksak sa puso ko. Kapag may nananakit sa’yo, gusto kitang ipagtanggol. Aamnin ko sa’yo, nung gabing pumunta ako sa inyo na maraming pasa at sugat, nakipag-away ako noon.”

Napaisip ako bigla.. “Ano?!”

“Oo, nakipag-away ako.. kay Frank.. Nakita kitang umiiyak, at hindi ko na napigilan ang sarili ko.. Nasa bahay ako noon ng kaibigan ko, at nakita kong nandoon din siya, nagdilim ang paningin ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko..” pagsasalaysay niya. “At nung nakita kong kausap mo yung lalaking nanakit sa’yo, hindi ko napigilang magalit,..ayokong nakikita kang umiiyak..ayokong nakikita kang nasasaktan..” dagdag pa niya.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko. “Vin, gusto kita.. marahil noon hindi ako sigurado..pero ngayon…siguradong sigurado ako,.”

“N-naka-drugs ka ba Paul? Tumigil ka nga!” sabi ko na lang. At tumalikod sa kanya. Papunta n asana ako sa bathroom ng bigla niya akong pinigilan.

“Vin! Mahal kita!” sabi niya.

“J-joke ba to? O sige na sige na you caught me, matulog ka na.” sabi ko na lang.

Kinuha niya ang kanang kamay ko at idinikit ito sa dibdib niya. “Hindi ako nagjo-joke Vin..Feel my heart..You know I’m telling the truth.. and I know that you can feel it too, you just don’t want to admit it.”

Well, wala ng point para iwasan ko pa tong issue na to.. Kailangan ko na nga talaga harapin..

“Paul,” tinanggal ko ang kamay ko sa dibdib niya.

“Bakit? Ayaw mo ba sakin?” tanong niya.

“Baka hindi mo-” hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

Hinawakan niya ang pisngi ko. “Hindi ako sigurado? I told you Vin..I love you.. And I am 100% sure of that. Bakit ba ayaw mo maniwala? Hindi pa ba sapat na proof yung paghalik ko sa’yo? Mayroon bang bestfriend na hinahalikan sa lips ang bestfriend niya? Mayroon bang bestfriend na handing patayin ang kung sinu mang manakit sa kaibigan niya?”

Hindi ako nakasagot. Tama nga ang mga sinasabi niya.. Pero natatakot pa rin ako. Parang pagkatapos ng nangyari sa amin ni…(kilala mo na kung sino siya)…parang ayoko na.. Parang feeling ko na masasaktan lang din ako, kaya wag na lang.. na I will end up crying lang naman.. so ano pang point para i-try ulit diba? Mapapagod lang ako kakaiyak..Mapapagod lang akong masaktan..

Parang nabasa naman niya ang nasa isip ko. “I will never hurt you Vin.. Kung iniisip mong katulad nila ako, nagkakamali ka.. Iba ako sa kanila.. at alam mo yan..kilala mo ko Marvin..”

Hindi ko alam kung anung sasabihin ko..Mabait si Paul.. minahal ko na siya noon, noon na akala kong straight siya,..noon na akala ko na walang ibig sabihin ang pagyakap niya sa akin at ang pagiging sweet niya…Pero ngayong sinasabi niya sa akin na mahal niya ako, hindi ko masabing gusto ko siya.. Oo aaminin ko, gusto ko nandiyan siya palagi.. Gusto ko pag-gising ko nakayakap siya sa akin..I feel secure if he’s around. I feel happy kapag kasama ko siya..Pero natatakot ako…natatakot ako na baka mawala siya sa akin…Baka kapag minahal ko siya, naging kami, tapos magkakaproblema, maghihiwalay, at mawawala siya sa akin…. Ayokong mawala siya sa akin…kaya nga mas pinili ko na lang na hindi aminin sa kanya noon na mahal ko siya, dahil natatakot akong mawala siya…

Kinuha niya ang mga kamay ko. “Vin please…kaya kong maghintay kung hindi ka pa ready…just please give me a chance..”

Chance..Isang bagay na ibinigay ko noon sa isang tao..pero anong kinahinatnan ng chance na iyon? Umiyak lang ako..nasaktan…so why should I give out another one kung dun naman pupunta lahat diba? Papahirapan ko lang ang sarili ko..

Pero may isang parte sa utak ko na nagsasabing, “TAKE RISKS!!” ***

Take risks? Kaya ko ba? Should I give him a chance kahit na alam kung na kung saan papunta to? Dapat ba kong maniwala sa kanya na iba siya at hindi niya ako sasaktan? Dapat ko bang buksan muli ang puso ko para sa kanya?


------------------------------------
Until the next episode,
Vin.


***(courtesy of Mr. Erwin F. thanks kuya :P)

Thursday, August 16, 2012

Perfect Two - Episode 11

Author's Note: Thank you po sa mga nagbasa and nagcomment dun sa last episode :) Sorry po kung nabitin kayu. hehehe. and btw @kuya win -- I miss you too po! and thanks heheh.

anyway, eto na po yung next episode :P enjoy reading!

Episode 11 - The Kiss
------------------------------------------------------
Yes, he kissed me.. Hindi Malabo ang mata mo, yung talaga ang nabasa mo..kaya maniwala ka!

He kissed me…on my forehead… (disappointed ka no?)

Nagulat ako sa ginawa niya, and also there’s a splash of kiligness din pero dapat wag magpahalata, so I asked him, “Para saan yun?”

Pero hindi niya sinagot yung tanong ko, instead, he just gave me a smile and said, “Tara na sa loob, baka magkasakit ka pa, at baka mahimatay ka na naman…ang bigat mo kaya!” at tumawa siya.

“So what are you saying? Na ang taba taba ko?” kunyaring sinungitan ko siya. Kumalas ako sa yakap niya at tumayo, “Diyan ka na nga! Hmmmp!” Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para kumuha ng towels para sa aming dalawa. Sinundan naman niya ako. Kumukuha ako ng tuwalya ng lumapit siya sa akin at yakapin ako.

“Uy, labs, sorry na..” panunuyo niya.

“Labs? At kalian pa kita nagging labs? At saka, labs????? And corny huh..” pero sa loob ko, nag-uumpisa na akong kiligin..

“Naku kunyari pa yung labs ko,..” at tinusok niya yung leeg ko,. Alam niya kasing may kiliti ako doon..(actually kahit san mo ako hawakan makikiliti ako, hahahahah.)

It made me twitch and smile at the same time. “Tigilan mo nga ako Paul!”

“Ayieeee.” At tinusok niya ulit ako.

“Paul!” Mas nilakasan ko yung boses ko, para kunyari galit na ako.. But as I’ve said before, my bestfriend knew me so much, na alam niya kung kalian ako galit at kung kailan hindi.. hindi ko nga alam kung bakit pa niya ginagawa to, eh alam naman niya na hindi ako galit sa kanya.

“Sige titigilan kita, pero sa isang kundisyon..” sabi niya.. Pagkatapos ay inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, “Sabay tayong maliligo..”

Kailangan ko pa bang sabihin na kinikilig na ako ngayon???? Hahahah.. Pero as much as I want to, siyempre hindi niya alam na crush ko siya, mahirap na, diba? At chaka, baka mamaya kung anu pang magawa namin hahahahah. Kaya itiniwa ko na lang.

Para kang sira!” sabi ko, pagkatapos ay tumawa muli..

Bumulong muli siya, “Hmmmm…Natatakot ka lang eh,..natatakot ka na…mawala ang virginity mo….”

Nagulat ako sa sinabi niya..It stunned me, kung ganyan ang iniisip niya, eh anu pa kayang tumatakbo sa isip ng mokong na to?

Humarap ako sa kanya.. Medyo nainsulto ako ng kunti, pero kunti lang naman kasi alam ko namang nagjojoke lang naman siya. “As if naman na kaya mo.” Panunukso ko sa kanya. I know he can’t do it. My God, he’s straighter than the Empire State Building noh!

“Oh you know I can!” sabi niya ng may pagmamayabang.

“Really?” Lumapit ako sa mukha niya,. My lips are a couple of inches away from him. “Prove it.”

“You want me to prove it? Ok, I will,.” At naghubad na siya ng shirt niya. Kinabahan ako bigla,. I was stunned with his body, mas gumanda pa since the last time I saw him shirtless.. I mean, THOSE ABS! Gosh! Vin, calm down, calm down, don’t look at those abs..

Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin, yung makapanlaglag-underwear na smile.. Grabe, parang may isang model sa harap ko.. “So ano? Are you still up for it?” tanong niya.

Wala akong nagawa kundi ibato sa kanya yung tuwalya. “Maligo kang mag-isa mo!” at lumabas ako ng banyo. I know na tumatawa siya paglabas ko.

Argghh! What am I thinking? Pumunta ako sa salamin para i-check kung nagbblush ba ako.. Mukhang hindi naman..Buti na lang…Argghhh Paul! Why do you have to be so cute and hot?

Napagpasyahan kong dun na lang maligo sa bathroom ni kuya, baka kasi kapag after pa ako ni Paul maligo, mang-asar pa ulit yun..At baka bumigay na ako sa gusto niya..

Nakatapos akong maligo at pumunta na ako sa kwarto ko para makakuha ng damit.. Boxers lang kasi ang nadala ko.. Mukhang hindi pa tapos maligo si Paul dahil naririnig ko pa rin ang tubig na nanggagaling sa shower. Kaya pumuta na lang ako sa walk-in closet ko, para mamili ng damit na isusuot. Mukhang maaraw na ulit sa labas kaya naisipan kong mag-suot na lang ng sando, and then jersey shorts. Nakapagbihis na ako at nagtutuyo na ng buhok habang nakaupo sa kama ng biglang lumabas si Paul. Nakapagbihis na rin pala siya sa banyo, and just like me, he’s wearing sando and jersey shorts too.

“O, nakaligo ka na? San ka naligo? Sayang, hindi ko pa naman ni-lock yung pinto, hinihintay kasi kita eh..” sabi niya ng nakangiti.

“Bugok!” sabi ko na lang.

Naisipan naming lumabas ng bahay. I prefer walking pero nung nakita ni Paul yung mga bike naming magkakapatid, pinilit niya akong mag-bike na lang. Nun ko lang napansin ang mga Christmas decors namin sa loob at labas ng bahay. May malaking malaking Christmas tree na may mga gold and red Christmas balls, ribbons and other stuff. Sa labas naman, nakabilot ng mga Christmas lights ang mga puno at mga bushes, pati na rin ang lining roof, doors, windows, at ng balcony.

“Ang ganda pala dito sa inyo Labs! Ang gagara ng mga bahay! Kitang kita mo talaga na mayayaman!” sabi niya habang namamangha sa mga bahay na nadadaanan namin.

“Quit calling me Labs! Mamaya may makarinig sa’yo diyan oh!” oo na, ako na kinikilig.. Pero sino ba naman kasi hindi kikiligin, hello? He’s like the pinoy version of Channing Tatum! Sige nga ikaw? Hindi ka ba kikiligin?

Nginitian lang niya ako at kumindat.

Kung itatanong mo saking kung anung/saang time na pinaka-cute si Paul, it’s when he’s amazed with things. Ewan ko, I find him really cute kapag ang laki laki ng ngiti niya tapos yung mga mata niya lumalaki and nag-ssparkle. 

Totoo yung sinabi niya. Magaganda nga ang mga bahay dito,.Sa village kasi kami nakatira, well, they call it Lakewood City, pero it’s more like a village or a subdivision. Yun nga lang, ang mga nakatira yung talagang may pera. I wouldn’t say na mayaman kami,. My lolo is rich, but not us. Although many people say na dahil nga mayaman ang lolo ko, ibig sabihin mayaman na rin kami. Ang sabi ko naman, those properties are not under my parents’ names. So we don’t own those, so hindi kami mayaman. Although sinsabi ng lolo na what’s his is ours na rin, since nga only child ang mommy so sa kanya at sa aming magkakapatid niya ipapamana ang lahat ng ari-arian niya. Basta! Magulo! Hahahah

My lolo owns a company.. They’re on the restaurant business. Marami na siyang naipatayong branches sa bansa and he’s aiming to build one in US. Inaalok niya ngang magtrabaho sa kanya ang mommy at daddy eh, pero ayaw nila. Hindi ko alam kung bakit.. Pero ang alam ko, my lolo is convincing my dad to manage nga ung itatayo nilang branch sa US. Ewan ko lang kung papayag si daddy.

Narating namin ang clubhouse. “Anong meron sa loob nito?” tanong ni Paul.

“Hmmm..marami, may basketball court, volleyball court, tennis court, badminton court, tapos may malaking swimming pool and golf course sa likod.” Sagot ko.

“Hmmm…Tara pasok tayo!” paanyaya niya. Siyempre ako naman, go na lang..Ayoko namang tanggihan pa si Paul, after all he did for me, anu ba naman ung itour ko siya sa buong area namin db?

Iniwan namin ang mga bike namin malapit sa isang puno. Pumasok kami sa clubhouse at naabutan naming nagsswimming yung mga teenagers na nakatira rin dito. Kilala ko silang lahat, kasi sabay-sabay kaming lumaki, schoolmates, tapos kalaro na rin. Siyempre noon, wala namang mali-malisya, and noon, hindi ko naman alam na ganito ako noh. Besides, these people are not the pintasero-type. Hindi sila yung mga anak-mayaman na mayayabang, spoiled, maraming luho sa katawan, and all those other stuff. Iba sila, simple lang at mababait.

Anyway, mukhang namukhaan naman nila ako.

“Marvin!” sigaw nung isang lalaki. At napunta sa akin lahat ng atensiyon.

“Kuya Leo?” hindi ako sure kung siya nga yun pero parang siya nga..hahaha ng gulo ko no?

Umahon siya sa pool at lumapit sa akin. Siya nga..Si kuya Leo. “Vinny! Kailan ka pa dumating? Ang laki mo na ah! Yayakapin sana kita kaya lang, basa ako eh, baka mabasa ka pa. Hiya naman ako sa’yo.” sabay ngiti sa akin.

Niyakap ko naman siya, walang malisya yun ah! “Sa akin ka pa nahiya kuya! Nung isang araw lang ako dumating, may jetlag pa kasi kaya isang buong araw ako nakatulog, kaya ngayon lang ako nakalabas. Hehehe” sagot ko naman.

Kung si Paul ang pinoy version ni Channing Tatum, si kuya Leo naman ang masasabi kong pinoy Brad Pitt. Gwapo, matangkad, maputi, makinis ang mukha, matangos ang ilong, charming face, and well built ang katawan. Kababata ko siya, mas matanda nga lang siya sa akin ng 2 taon. Parang tunay na kuya ko na rin siya. Silang dalawa ni kuya ang magkabarkada talaga, pero dahil nga madalas siya sa bahay namin, lagi kaming nagkikita, tapos palagi ko rin siyang nakakalaro. At since only child cia, ako ang tinuturi niyang kapatid. Ganoon kami ka-close noon. Vinny ang tawag niya sa akin. (BTW, hindi ko pa cia crush noon, sabi ko nga, bata pa ako noon at wala namang malisya ang lahat.)

“Ahh kuya, si Paul nga pala, kaibigan ko, from States rin.”

Iniabot ni kuya Leo ang kamay niya kay Paul, “Leo, pre.”

Nakipagkamay naman si Paul. “Paul,.”

Tara swimming tayo!” paanyaya sa amin ni kuya Leo.

“Ahh sige kayu na lang, napadaan lang naman kami.” Sabi ni Paul.

“Oo nga, enjoy na lang kayo..” sabi ko naman.

“Ahh ganun ba? Eh tara na lang muna saglit, para makapag-hi ka naman sa mga kaibigan natin.” Sabi ni kuya Leo.

Well..wala namang mawawala, eh. Kaya sumunod kami sa kanya at pinuntahan yung iba pa.

“Oh guys, si Marvin oh, he’s back from States. And friend niya si Paul.” Pagpapakilala sa amin ni kuya Leo.

Nag-hi naman kami sa kanila,. Kilala ko naman silang lahat, hindi lang yung close talaga, hindi katulad kay kuya Leo. Niyaya pa nila kaming mag-stay pero sabi namin na kailangan na naming umalis. Kailangan na rin naman kasi naming umalis, kailangan na kasi namin ayusin ni Paul yung mga gagamitin namin para sa stay namin sa Palawan.

By the way, kung tatanungin niyo kung bakit ditto sa clubhouse nagsswimming ang mga taong ito, hindi dahil sa wala silang pool sa mga bahay nila.. actually, lahat ng mga bahay dito meron. Mas malaki lang kasi yung sa clubhouse, then may slide and dive board (or whatever it’s called).

Palabas na kami ng clubhouse ng maramdaman kong may nag-iba kay Paul,. Parang nag-iba yung aura niya. Hindi mapapansin yun ng iba pero ako, alam na alam ko..may iba sa kanya..parang galit na ewan..

Hindi ko muna pinansin. Pinuntahan na namin yung punong pinag-iwanan ng bike namin. Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang umalis ng hindi pa ako hinihintay. “Paul!” sigaw ko. Pero hindi siya lumingon. Kaya napagpasyahan kong sundan na lang siya.

Anu nanaman kaya ang pumasok sa utak nito? Nauna siyang dumating sa bahay. Hinayaan ko muna siyang pumasok at umakyat bago siya sundan, ayokong ipahalata sa iba na may problema kami..actually ako nga hindi ko alam kung may problema kami..

Dumiretso siya sa kwarto. Sinundan ko naman siya, mukhang nagkakasiyahan sa likod ang pamilya ko kaya walang tao sa loob nung pumasok kami.

Pagpasok ko sa kwarto ko, naabutan ko siyang nakahiga sa kama. Nakatingin lang sa kisame. Lumapit ako sa kanya at nagtanong, “Anong problema mo?”

“Wala.” kahit sino naman siguro malalaman nag alit siya dahil sa tono ng boses niya.

“Wala? Eh bakit ka nagkakaganyan?” tanong kong muli.

“Wala nga!” At tumagilid siya para tumalikod sa akin.

Lumuhod ako sa kama at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya, at niyugyug siya. “Paul! Anu ba? Kausapin mo nga ako!”

“Dun ka na nga! Dun ka na sa Leo mo!” sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit naman niya sasabihin yun? “Ano?!”

“Dun ka na nga!” sabi niya.

“Ewan ko sa’yo hindi kita maintindihan!” at tumayo na ako at pumunta sa closet ko para ihanda ang mga damit ko.

Hanggang sa pagkain namin ay hindi kami nagkikibuan ni Paul.. Hindi ko naman kasi siya ma-gets..bigla na lang siyang magiging ganun.. Hay nako!

“Mga anak, nga pala, yung nagpareserve ako ng mga rooms natin, hindi ako nakakuha ng malaking unit, para sana isang unit na lang tayong lahat. Kaya lang wala na daw available, kaya puro pang 2 tao lang yung mga unit na nakuha ko at saka isang queen size bed lang each. Pero kumpleto naman, may balcony lahat, may bathroom siyempre, may TV, then may wifi din sila.. So kami ng daddy niyo sa isa, si kuya niyo at si Ian yung isa, tapos si Marvin at si Paul dun sa isa. Okay lang ba?” Pagpapaliwanag ni daddy.

“Eh sila lolo and lola?” tanong ni Ian.

“May work pa kasi ang Papa, ang lola niyo naman, ayaw sumama ng hindi kasama ang lolo niyo..”

“Ahh okay.” Sabi na lang ni Ian.

“Paul, Marvin, ano okay lang ba sa inyo?” tanong ni daddy.

Nagkatinginan kami ni Paul. “Opo.” Sabay naming sinagot.

“Okay good, matulog kayo ng maaga ha, maaga pa ang flight natin bukas.” Sabi naman ni mommy.

Matutulog na ako ng kausapin ako ni Paul.

Nakahiga na ako ng lumapit siya sa akin at yakapin ako. “Sorry na..”

“Hmmpp! Dun ka na nga!” pagtataboy ko sa kanya.

“Sorry na…” at hinigpit niya ang yakap niya sa akin.

“Matulog ka na nga Paul! Maaga pa tayo bukas!” pagsusungit ko sa kanya.

Pero hindi pa rin siya tumigil.. “Labs..sorry na po..”

At natawa ako sa sinabi niya.. “Oo na sige na! basta wag mo na nga ako yakapin! Kinikilabutan ako!” kunyaring ayaw ko, pero sa loob ko, gustong gusto ko!

“Yehey! I lab you labs!” sabi niya.

“Bugok!” sabi ko na lang.

Nakatulog kami na nakayakap siya sa akin. Hindi ko na rin siya sinuway, kasi nga gusto ko rin naman yun! Hahahah!

Maaga ang flight namin papuntang Palawan. Nakatulog nga ako sa biyahe papuntang airport. Pero nung nasa plane na kami, hindi na ako nakatulog kasi saglit lang din naman ang biyahe. Maganda ang napiling beach resort nila Mommy. White sand beach, blue sea, palms everywhere, tapos since nasa west side kami ng Philippines, makikita namin ang magandang sunset. Pati ang mga crew nila dito mababait.

Pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto para ilagay ang mga gamit namin. Maayos naman yung kwarto namin. Maganda ang ambiance. Wooden yung flooring ng balcony, tapos yung bed malapit dun sa balcony kaya kung gusto mo ng fresh air bago matulog pwedeng pwede na kahit nakahiga. Tapos may table sa gilid ng bed, tapos may nakapatong dun na lamp. Tapos maluwang yung bathroom, may malalaking salamin (perfect na perfect para sa akin). May malaki ring closet. Tapos may glass cabinet na lalagyanan ng mga silverware, plates at glassware. Tapos may frigde din at microwave oven. Tapos may vase na may roses sa table sa tabi ng TV set..Basta, cute yung kwarto heheh.

Pagkaayos namin ng mga damit namin sa closet, nag-aya si Paul sa beach. Kaya nagpalit na kami ng damit to swimming outfits; shorts, shirt, flipflops, shades.

Tara! Swimming na tayo!” yaya niya.

“Sige ikaw na lang, dito na lang ako sa shore,.” Sagot ko naman.

“Sure ka?” tanong niya.

“Oo.” Sabi ko at nginitian siya.

Umupo ako sa isa sa mga beach chairs (or whatever it’s called) doon. Dala dala ko ang libro kong “Alex Rider.” I’m on the last book of the series na kasi kaya gusto ko na siyang tapusin. Gusto ko kasing nagbabasa ng mga ganitong books, mystery and adventure. Anyway, iniwan naman sa akin ni Paul yung tsinelas niya at yung t-shirt niya pati na rin yung shades niya pagkatapos ay pumunta na siya sa dagat.

The weather’s so nice. The sun, the breeze, the sea, everything seems so perfect. Pero I can’t concentrate. Bumabalik pa rin talaga sa akin ang mga nangyari.. Yung pagtatagpo namin, yung pagkita ko sa anak niya sa elevator, yung paghalik sa kanya ng asawa niya, yung pagsabi niya sa akin ng minahal niya ako. Halos isang oras na din siguro akong nagfe-fake-reading ng dumating muli sa Paul.

“Vin! Tara na miming ka na!” paanyaya sa akin ni Paul.

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa libro para hindi niya mahalata na may gumugulo sa isip ko. “Ikaw na lang, Paul.”

“Ehhhhh wala akong kasama eh,.” Sabi niya.

“Si kuya? Si Ian?” tanong ko.

“Sige na nga,. Kila kuya na lang ako sasama.. pag ikaw may kailangan sa akin, lagi naman akong nandito para sa’yo, pero ako, sasamahan mo lang ayaw mo pa.” pagtatampo niya.

Medyo na-kunsensya naman ako sa sinabi niya. Tama kasi siya, he’s always there for me whenever I need him..He’s always there whenever I need someone to talk to, someone to lean on. Ang unfair ko naman sa kanya diba..

“Sige na nga..” sabi ko na lang..

“Wag na mukhang napipilitan ka lang eh..” sabi niya.

“Eto na nga po! Lika na!” hinawakan ko ang kamay niya at niyaya siya. Ngumiti ako sa kanya.

Mukha namang nakumbinsi ko siya dahil ngumiti siya pabalik.

Tinanggal ko ang t-shirt ko, pati na rin and shades at flipflops. “O tara na.” At pumunta na kami sa dagat. Paul’s a good swimmer.. me?? Not so much..lol. May fear pa rin kasi ako sa pagswimming lalo na sa dagat, marami kasing tumatakbo sa isip ko,.. Pano kung may pating jan? Pano kung higupin ako ng dagat? Pano kung tangayin ako ng alon? Pano pag may kumagat sakin na sea creature or something??? Siguro epekto yan lahat ng mga nababasa ko.

Pero nandiyan naman si Paul eh. May magliligtas sakin kapag nalunod ako.. may mag-CPR. May mag-ma-mouth to mouth resuscitation! Charot!.

Nakaraos naman kami ng hindi ako nagiging paranoid, or naaksidente. Nag-enjoy naman ako. Pansamantala kong nakalimutan ang mga gumugulo sa isip ko..marahil kasi kasama ko si Paul..ewan..basta masaya ako..

 We took a short break para kumain ng lunch sa restaurant ng resort. Dumaan muna kami sa room namin para iwanan ang libro ko. Looks like hindi ko pa matatapos ang libro ko. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na naman kami sa beach, pero this time, nagstay na lang kami sa shore. Malapit sa isang palm tree. Naglatag kami ng dalawang malaking towels sa buhangin at iyon ang hinigan naming dalawa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising akong nakadapa sa towel. Tumingin ako sa kanan ko at nakitang wala na doon si Paul. Tumayo ako at inikot ang ulo ko para hanapin kung nasaan siya,. Pero dumami na ang mga tao at nagging mahirap para hanapin siya. Yang si Paul talaga, iniwan ako! Lagot sakin yun!

Hinahanap pa rin ng mga mata ko si Paul sa mga tao ng biglang may nagsalita sa likod ko.

“Looking for me?” tanong niya.

Tumalikod ako para harapin siya. Nakangiti siya sa akin at may hawak na dalawang buko na may straw. “San ka ba nagpunta, iniwan mo naman ako mag-isa dito eh!”

“Bakit? Na-miss mo ko no?” sabi niya ng may pilyong ngiti.

Tinulak ko ang noo niya. “Umm!”

Tumawa lang siya. “O eto, uminom ka muna.” Iniabot niya sa akin yung isang buko.

Bumalik kami sa kwarto namin dahil nga marami nang tao, besides, parehas na kaming tinatamad. Naligo muna kami para matanggal ang amoy dagat at ang mga buhangin sa aming mga katawan..Pagkatapos ay natulog na kami. Napagod na rin kasi kami.

Paggising ko, magkayakap kaming dalawa. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya para hindi siya magising. Pero nagising siya.

“Sorry, sige matulog ka na ulit.” Sabi ko na lang.

“Hmm? San ka pupunta?” tanong niya.

“Ah eh wala, aasog lang ako ng konti, nayakap kasi kita, baka hindi ka makahinga.” Sabi ko.

Tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya. Nagulat na laang ako ng niyakap niya ako.

“O, kailangan nakayakap?” tanong ko.

“Shh…wag ka nang maingay, matulog na lang tayo..” sabi niya.

Kaya hindi ko na lang ininda, at natulog na lang ako ulit. Sa muli kong pag-gising, palubog na ang araw.

Nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi naman ako gumagalaw. “Paul?”

“O?” sagot niya.

“Nagugutom na ko..kain na tayo..” sabi ko.

Natawa naman siya. “O sige, nagugutom na rin ako eh..”

Kasama namin sila daddy ng mag-dinner kami.. Pero nagpa-iwan kami ni Paul nung nag-aya na silang matulog. Kaming dalawa na lang sa table, kumakain ng ice cream, at nakatingin sa dagat. Nagulat na lang kaming dalawa ng biglang may kumalabog sa likod namin. Pag lingon namin, may batang nakadapa sa floor, mukhang nadapa. Kaya kaagad kaming tumayo at nilapitan yung bata.

“Are you okay?” tanong ko sa bata habang itinatayo siya ni Paul.

Nagtaka ako dahil hindi siya umiyak. Inangat ko ang mukha niya at nagulat ako sa nakita ko…Siya…yung…anak…ni…siya nga…hindi ako pwedeng magkamali.

“Okay ka lang ba bata?” tanong sa kanya ni Paul.

“Opo, matapang po ako hindi po ako iyak!” sabi ng bata.

“Wow!” natawa naman si Paul sa sinabi nung bata. Ako naman parang natulala lang sa nakita ko..if he’s here, then…

“Vincent!” sigaw ng isang lalaki sa likod ni Paul..

And that’s when I saw him, the reason of my grief. Nagkatitigan lang kaming muli. Bumalik lahat sa akin.. Pero hindi lungkot.. kungdi galit ang nangibabaw sa akin.. Gusto ko siyang suntukin, sampalin, tadyakan, lahat lahat na.

“Papa!” sabay yakap sa kanya nung bata. Kinarga niya ito at nagtanong, “Anung nangyari sa’yo? Bakit namumula yang tuhod mo?”

Si Paul ang sumagot sa tanong niya. “Ah eh nadapa po kasi siya, buti nga po hindi siya umiyak eh, mukhang matapang ang anak ninyo.”

“Hon! Vincent!” biglang lumitaw sa likod nila si Jessa. Napatingin siya sa akin at nagulat. “Theopher, right? Nandito ka din pala.”

Biglang napatingin sa akin si Paul. Parang nagtatanong na “magkakilala kayo?”

“Hi, uhmm…dito kasi ang napili ng mga parents ko para magbakasyon. I didn’t know na nandito din pala kayo,.” Because if I know na nandito kayo, then sa iba na lang kami pupunta. Gusto ko sanang sabihin yun pero ayoko naman maging bastos,. I’m not the bad guy here, ako nga ang naagrabyado eh.

“And uhmm si Paul nga pala–” hindi pa ko tapos magsalita ng bigla siyang nagsalita.

“Boyfriend niya.” Sabay abot ni Paul sa kamay niya. Napatingin ako sa kanya. BOYFRIEND??!

“Oh..” ang nasabi na lang ni Jessa. Gulat naman ang makikita sa mukha nung asawa niya.

Actually ako rin nagulat..Pero hindi ko pinahalata, at sumakay na lang sa kung anu mang gimik niya.

Iniabot ng asawa ni Jessa ang kamay ni Paul, at nakipagkamay sa kanya,. “Marvin pare. At.. asawa ko, si Jessa, tapos..anak namin..si Vincent..”

Nginitian naman sila ni Paul. Ng mabaling sa akin ang tingin ng asawa ni Jessa, Parang naging malungkot siya. (kung mapapansin mo, hindi ko na sinasabi ang pangalan niya,..Hindi ko kasi kayang sabihin ang pangalan ng taong nanakit sa akin..)

Pero hindi ako naaawa sa kanya. Hayaan mo siyang maging malungkot..Kulang pa yan sa ginawa niya sa akin.. Kaya inasar ko pa siya, nginitian ko siya pagkatapos ay nakipag-holding hands kay Paul.

“Ah eh sige, mauna na kami. Enjoy na lang kayo.” Paalam ko sa kanila.

“Sige, kayo rin.” Sabi ni Jessa. Kahit na nakangiti siya sa amin, alam kong nandidiri siya sa amin. Pero wala akong pakielam.

Umalis na kami. Hanggang sa kwarto namin, hindi pa rin naghihiwalay ang mga kamay namin ngunit hindi kami nagsasalita. Pagdating namin sa kwarto, dun na ako nagsimulang umiyak..hindi ko alam kung bakit ako umiiyak,. Ang alam ko galit ako sa kanya..pero hindi ako nalulungkot, so bakit ako umiiyak?

“Bakit ka umiiyak?” tanong sa akin ni Paul habang pinupunasan ang mga luha ko.. “Dahil ba sinabi kong boyfriend mo ko? Sorry na…”

“Hindi Paul…”

“Eh bakit?” tanong niya.

“Yung lalaki kanina…siya yun…” sabi ko.

“Siya ang alin?” tanong niya.

“Siya yung taong dahilan kung bakit ako umiiyak.” Sabi ko sa kanya.

“Yung gago na yun?!” tanong niya.

Tumango lang ako.

“Gago siya, humanda siya sa akin!” lalabas n asana si Paul ng kwarto pero pinigilan ko siya.

“Paul wag na..please..” pakiusap ko. “Please…”

At niyakap na lang niya ako habang humahagulgol ako sa kanya. “Shh tahan na..tahan na..” Sinubukan niya akong patahanin pero hindi pa rin ako tumitigil.

Inalalayan niya ako papunta sa kama at inihiga niya ko doon. Humiga naman siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at ibinilot ang kanyang mga bisig sa akin.

“Hindi mo dapat siya iniiyakan..I already told you.. he’s not worth it.” Sabi niya.

“I just can’t help it..Palaging bumabalik sa akin ng lahat..”

“You deserve someone better..You don’t deserve this..” sabi niya.

Pero tuloy lang ako sa pag-iyak..

Inangat niya ang ulo ko para magkaharap kami. Pinunasan niya ang mga luha ko..And that’s when I happened…

He kissed me..and this time, he really KISSED me..on my lips..

------------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails