Followers

Showing posts with label Strange Love. Show all posts
Showing posts with label Strange Love. Show all posts

Sunday, January 27, 2013

Strange Love 10



Strange Love 10


May mga pangyayari talaga sa ating buhay na ni sa hinuha ay hindi mo man lang maiisip - those too good to be true moments. Kadalasan pa nga ay sa sobrang saya at sarap sa pakiramdam ng mga ito ay ayaw natin panghawakan o yakapin. Sapagkat natatakot tayo, na ito ay mawawala din agad, at higit na masakit kung pananatiliin natin ang ating sarili sa galak na hindi naman pala kailanman mananatili.


Ngunit iba ako... Pinili kong samyuin at yakapin ang bawat sandaling nakasama ko siya. At ngayon, nagdurusa ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga araw na iyon. Mga araw na sana ay maibalik kong muli.




"Ang sarap talaga pagmasdan ng langit 'no?"


Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa pinong buhangin, at nilingon ang taong ngayon ay nakangiting inaaabot sa akin ang dala niyang buko. Umupo ito sa aking tabi at hindi pa rin naalis ang kanyang mga ngiti.


"Sana palagi na lang tayong ganito Mikael, yung masaya, kalmado. Walang iniisip kundi yung kung ano ang kasalukuyan.", sabay inom nito mula sa buko na hawak niya at huminga ng malalim.


Sana huwag ka na rin maging mabait sakin, para mas madali sakin na kalimutan ang nararamdaman ko para sayo...



Dalawang araw na din ang lumipas simula ng dumating kami sa resort na ito. Hindi ganoon kadami ang tao kaya naman tamang-tama ito para sa mga taong gusto makapagpahinga. Sa mga araw na ito ay hindi rin pumalya ang pagiging maasikaso at malambing ni Jaime sa akin. Pinabayaan ko siyang gawin ng malaya ang lahat.


Kung noong una ay marami akong tanong para sa kanya, nawala lahat ng iyon, para kasing walang nang saysay para magtanong pa ako. Mas pinili kong maniwala na lang sa mga bagay na ipinapakita niya sa akin. At sapat na iyon para sa akin, sa ngayon.


Words are not enough for me to fully express what I am feeling for you,Jaime. I hope someday ay mapalaya ko na ang sarili ko at tanggapin na hanggang magkapatid na lang ang ating magiging samahan.


Nakatitig lang ako sa dagat at hindi na sumagot pa sa kanyang sinabi dahil alam naman niya na sumasang-ayon ako. Bukas nandito na sila Jun at ang mama niya pati na rin ang bestfriend kong si Coleen. And the day after tomorrow,babalik na kami sa amin at tulad ng plano uuwi na si Jaime sa kanila para ayusin ang gusot nilang pamilya.


"Mikael?"


"Hmmmm?


"Ah eh..gusto ko sana malaman mo na...",pagtigil niya, marahil ay iniisip kung itutuloy ang kanyang sasabihin.


"Na ano?", kalmado kong tanong.


"Na... masayang-masaya ako kapag kasama kita... At alam mo ba kung sakali mang mabubuhay ulit ako, gusto kong makilala kang muli at gagawin ulit natin itong ganito. You have changed me more than what you can think of, Mikael.", sabi niya habang ito ay nakatingin sa mga alon ng dagat.


"Kuya Jaime...masaya din ako.", ang tanging nasambit ko at mula doon ay muli kaming nanahimik. Gusto ko siyang yakapin ngunit ayoko din kumilos dahil baka konting galaw ko lang ay hindi ko na mapigilan at maiyak na naman ako sa kanyang sinabi. Ang hirap... Sobrang hirap na palagi akong nasa puntong bibigay na ako, susuko...


Can you at least stop it Jaime? Stop making me fall for you even more. Mas lalo lang ako nababaliw sayo.




-----Jaime


Tanghali na ng nagising ako at wala siya sa tabi ko, marahil naglalakad-lakad ito palibot sa resort. Lately, napansin kong malalim ang kanyang iniisip at madalas itong tahimik. Wala na rin tanong ang dumating, na parang naiintindihan na niya ang lahat o ayaw na lang din magtanong pa.


Mangilang beses ko na rin gustong aminin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit inuunahan ako ng takot.


Tok!tok!tok!


"Jaime!Pre, nandito na kami! Gising!"


Pinagbuksan ko ang ubod ng kulit kong kaibigan na si Jun. Tulad ng dati, masigla at happy-go-lucky person pa rin ito.


"Tanga kanina pa ko gising. Kailangan ba talaga sumigaw? Nakakahiya ka!, sabay batok ko kay Jun.Kahit kailan talaga ang ingay talaga nitong taong ito.


"Oh, teka wala siya?", tanong niya habang nililibot ang kwarto namin ni Mikael.


"Oo, di ko alam saan siya nagpunta. Pag-gising ko wala na siya sa tabi ko."


"May LQ kayo?",nakangisi nitong sabi.


"WALA! Doon ka na nga lang sa labas kung mang-aasar ka lang.", inis kong balik sa kanya.


"Easy lang pre, ito naman hindi na mabiro. Tara na nga at ng makapag-tanghalian na tayo."


"Lakas mo kasi mang-asar eh nag-aalala na nga yung tao. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya,tapos nangaasar ka pa. Sinong hindi maiinis nun Jun?!"


"OK!OK!Hands up na ko. Baka nandyan lang din yun sa tabi-tabi, may kasama nang iba. Hahahaha!", at itinaas nga nito ang dalawa niyang kamay na nagpapakita ng pagsuko. Pang-asar talaga!




Nasa hapag-kainan na kami ng maalala ko na tawagan ko na lang siya pero naiwan ko pala yung phone ko.


"Jun, babalik ako sa kwarto, naiwan ko yung phone. Tatawagan ko lang si Mikael."


'Wag na, heto at ako na tatawag sa lokong yun.




"Hello Mikael. Nasan ka na pare? Kanina pa kami inuugat dito kakahintay sayo."


"Jun pasensya na ,naliligaw kasi ako pero pabalik na ko sa main road. Sorry talaga."


"Ano ba naman yan Mikael! Anlaki laki mo na pre naliligaw ka pa?Tang..."


"Bunso,saan ka ba banda? Puntahan kita.", pag-agaw ko sa phone ni Jun.


"Kuya Jaime ok lang po ako, kaya kong pumunta dyan sa resort, mali lang ako nang nilikuan kanina from the toll gate."


"Wag ngang matigas ang ulo mo Jan Mikael, nagugutom na kami kaya kung hinintayin pa namin matunton mo 'tong resort, baka abutin pa ng bukas bago pa kami makakain.", yamot kong sagot sa kanya.


"Hay naku Jaime! Ikaw lang naman 'tong nagsabi na wag tayo kumain hanggang wala iyang si Mikael eh. Hahahaha!", sabat pa ni Coleen.


"Ah, basta nasan kana?"




Napagpasyahan namin na maghintay na lang siya sa bayan na malapit sa resort at hintayin kami sa isang kainan doon.


Agad kaming pumunta ni Jun sa reception para makapagtanong kung may sasakyan kaming pwedeng gamitin.


Loko talaga yun, hindi man lang sinabi na lalabas siya ng resort. Kainis di man lang nag-isip na may mag-aalala sa kanya.


Kung hindi lang kita mahal eh, hahayaan kitang maghanap ng way mo pabalik dito. Kainis!





----Mikael


Kahit kailan talaga, hindi ako maalam sa mga direksyon. Kaya madali akong maligaw,haaay... Nakakahiya ka Mikael.


Habang naghihintay ay inilabas ko sa aking bulsa ang munting regalo ko para sa taong mahal ko. Kaninang umaga pagka-gising ko ay agad kong naisipan na bigyan siya ng isang bagay na magpapa-alala sa kanya sa akin. Simple lang naman itong nakuha ko at sana magustuhan niya.


Tinignan kong mabuti ito at binusisi ang bawat detalye nito. Isang handmade bracelet  ang kinuha ko para sa kanya, na may dalawang maliit na palawit sa dulo.


Kahit sana sa ganitong bagay ay maiparating ko kung gaano ako nagpapasalamat at masaya sa pagdating niya sa buhay ko. Hanggang sa napagnilaynilayan ko ang unang pagku-krus ng aming landas. Ang bilis ng panahon, ni hindi ko naisip na ilang buwan lang pala ang lumipas pero parang taon na kaming magkakilala.







Things seems to be perfect that day. Lahat kami ay masaya at hindi maalis ang mga ngiti sa aming mga labi. Ngunit lahat ay nagbago sa isang iglap lang...


The changes are unbearable. Kung dati ay hindi na ako loner,



NGAYON ...ganoon na ulit ako.


Hindi ko akalain na maiiba ang lahat sa pag-uwi ni Jaime sa kanilang bahay.  Ang masaklap pa noon ay hindi ko na nagawang ibigay ang bracelet na pinili ko para sa kanya.


 Ngayon heto ako at naghihintay sa kanya. Sa lugar kung saan kami ay nagsimula magkakilanlan.


Ang huling natatandaan kong sinabi niya sa akin bago siya umalis ng bahay ay ang mga katagang, mahalaga ka sakin Mikael.


Ngunit para saan na iyon ngayon. Pagdating sa school ay hindi man lang niya ko pinapansin at madalas ay iniiwasan niya ako o walang imik kapag kinakausap ko siya. Madalas na rin itong hindi pumapasok at ang nakakapagtaka pa nito ay parang walang naghahanap sa kanya maliban sa akin.


Sinubukan kong tanungin si Jun ngunit ang sabi nito ay wala siyang ideya kung ano nangyayari sa kanyang matalik na kaibigan, pero ramdam ko na may itinatago siya sa akin. Subalit anumang pilit ko kay Jun na sabihin sa akin kung ano ang problema ay hindi niya ito sinasagot.


Napaka-gulo ng lahat. Hindi ko akalain na maging ang bestfriend ko ay tatalikuran ako sa panahong ito.



"Whaaaat?! Anong ibig mong sabihin na mahal mo si Jaime??"


"Mahal ko siya Bes... Mahal ko si Jaime", nakayuko kong pag-amin sa aking kaibigan.


Hindi ito nagsalitang muli at nakatayo lang siyang nakatingin na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Akala ko maiintindihan niya pero mukhang isa pa ito sa po-problemahin ko.


"Sorry Mikael, I can't do this. I can't believe you are gay. Nakakadiri.", she walked out on me and did not even bother looking back, to see how hard I cried that night.


Helpless... Ganyan ang pakiramdam na naiwan ng mga kaibigan kung kelan kailangan mo sila. Ang meron ka na lang ay ang sarili mo para kapitan. Parang araw-araw gigising ka na lang for the sake of kailangan mong tapusin ang pag-aaral mo. Ngunit sa bawat gising na iyon ay maaalala mo na mag-isa ka, dahil nasanay ka na nasa tabi mo ang taong pinakama-mahal mo.


"Ano bang nangyari Jaime?", sambit ko habang nasa kama at kinakausap ang aking sarili. Tumulo ang aking luha sapagkat wala man lang akong makuhang sagot. Kung sana ay kausapin man lang niya ako ng maayos na kung ayaw na niya akong maging kaibigan. Na malaman ko man lang ang dahilan ng mga pagbabago niya  ay sisikapin kong doon magsimulang ayusin ang sarili ko.


Ngunit wala, ang meron lang ako ay mga hula lamang. At hindi sapat ang lahat ng iyon para masabi ko sa sarili ko na tama na. Higit akong nasasaktan dahil wala naman akong ginawang masama sa kanya... Sa kanilang lahat, para ganituhin nila ako.


"Mikael... Anak, narito ako oh. Pakikinggan kita anak... Kahit ano pa yan... Ramdam ko ang bigat ng dinadala mo anak. Kaya sana hayaan mo akong kunin ang mga ito para sayo. Nahihirapan akong nakikita kang ganyan.",lumuluhang sambit ni Inay ng makita niya akong umiiyak pagpasok niya ng kwarto.


Halos nakalimutan ko na may Ina pa pala akong pwedeng lapitan. Noong narinig ko ang kanyang tinig ay agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko na kinimkim ko mula nang makauwi ako.


"Bakit ganoon Inay??Bakit sa isang iglap iniwan na lang nila ako na wala man lang pasabi kung ano ang dahilan. Naging masama ba ako sa kanila??",humihikbi kong pagsusumbong sa kanya.


"Wala kang ginawang masama anak. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nangyayari dahil nakita ko naman kung gaano ka pahalagahan ni Jaime.Ang mabuti pa anak ay tawagan mo siya sa kanila at pag-usapan niyo na itong mabuti."


"Pero Inay, baka hindi niya rin sagutin ang tawag ko."


"Subukan mo muna anak, kung hindi niya sagutin eh tama na rin siguro iyon. Ginawa mo na ang parte mo para malaman kung bakit naging ganyan, kung ayaw ka niyang harapin ay kailangan na natin tanggapin yun at magpatuloy nalang ulit at kalimutan ang mga nangyari.
Pinalaki kitang mabuting tao anak, kaya alam ko na wala kang ginagawang mali sa kanila to deserve this. Minsan lang talaga anak, kung sino pa yung totoong tao sila pa yung nakakaranas ng ganitong pighati. Dahil na rin ang mga totoong tao lang ang may alam kung paano magpahalaga sa damdamin ng iba. Basta anak, narito ako, hinding hindi kita tatalikuran. Mahal na mahal kita...", sabay halik nito sa aking noo.


Niyakap ko siya ng mahigpit at tumango sa kanyang mga sinabi. Tama ang inay, kailangan ko nang tapusin ang mga tanong sa isipan ko. Sana nga lang ay harapin niya ako.


"Heto ang number nila sa bahay, nakuha ko yan kay Mr.Anthony. Nag-aalala na kasi talaga ako sayo at kakausapin ko na sana si Jaime. Mahal kita anak, magiging ok din ang lahat ha."


"Opo Inay. Mahal din kita, maraming salamat po at nariyan kayo sa panahon na akala ko wala na akong matatakbuhan. Sorry din po kasi halos nakalimutan kong may magulang pa ako na pwede kong hingahan, na pwede kong hingan ng tulong.", at mula doon ay bumuhos na naman ang aking mga luha.


Tumango lang si Inay noon at maluluha ding hinaplos ang aking buhok. Alam kong mas masakit para sa mga ina ang makitang nasasaktan ang kanilang anak. Dahil minsan na rin nagbigkis ang mga ito sa kanilang sinapupunan. Alam lang nila kung kailan masaya ang kanilang anak at kailan hindi. Mothers really knows how to give unconditional love to their children. Nagpapasalamat ako ng malaki sa Panginoon na ang relasyon namin ng aking ina ay maganda at nagagawa kong magsabi sa kanya ng kahit ano.




Jaime... Harapin mo sana ako kahit sa huling pagkakataon pero sana hindi. Sana maayos na natin ang lahat. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mawalay ka sakin. Akala ko dati kapag sinimulan mo akong layuan ay makakalimutan ko itong nararamdaman ko para sayo, ngunit hindi ko inasahan na ganito pa ang mangyayari. Nangungulila ako sayo... Gusto na kitang marinig tumawa. Gusto na kitang mayakap nang muli...





------Jaime

Mikael ko... Sana patawarin mo ako sa gagawin kong ito. Patawarin mo ako at kailangan kitang saktan. Patawarin mo ako mahal ko... Gagawin ko ito para sayo, balang araw maiintindihan mo din kung bakit ko ito nangyari.


Dahan-dahan akong pumanhik sa Tree House at tila iyon na ata ang pinaka-mahabang hagdan na aakyatin ko. Gusto kong tumalikod at kumaripas ng takbo dahil maisip ko pa lang na sasaktan ko ang taong pinakamamahal ko ay hindi na kinakaya ng aking dibdib at konsensya. Bakit kailangan ganito ang kahantungan ng lahat?! BAKIT!


Sa inis ko ay padabog kong inakyat ang mga huling baitang nito.


At naroon siya nakaupo at nakayuko. Hindi nito inangat ang kanyang ulo kaagad at himbis ay pinunasan niya muna ang kanyang mukha. Umiiyak siya... Mas lalo ako nanlumo at gustong tumakbo sa kanyang tabi at tapusin na ang kahibangan ko at yakapin siya at sabihin sa kanya na mahal na mahal na mahal ko siya.


Ngunit... Iba ang dapat kong gawin. Naglakad ako papuntang balkonahe para itago ang pighati sa aking mukha. Hindi ko siya kayang harapin.


Ang ilang sandali na kami ay tahimik ay parang ilang oras na pahirap para sa aming dalawa. Parehas yata kami nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita. Noong mapagpasyahan kong magsalita ay siya naman itong isinatinig ang mga salitang nagpabagsak ng mga nangingilid kong luha.


"I miss you so much, Jaime."


Hindi ako sumagot dahil alam ko na kapag nagsalita ako ay ibubuko ako ng aking boses. It will crack and I might not be able to supress my feelings.


"Ano bang nangyari at nagbago ang lahat? Bakit bigla mo akong iniwasan? May nagawa ba akong masama?", sunod-sunod niyang tanong.


"Dahil kailangan ko nang itigil ang pagpapanggap ko."


"Anong ibig mong sabihin?"

           
"Nagkaayos na kami ng pamilya ko. Hindi na kita ... Hindi na kita kailangan." God! I'm so sorry Mikael, to say these words to you. Sana mapatawad mo ako... You'll be fine without me...


Katahimikan ulit ang bumalot sa aming dalawa. Tama na Mikael, don't make me say foul things to you. It's better for you to leave. Ayoko nang masaktan pa kita lalo. Tanggapin mo na sana na hindi na tayo magkakasama pang muli. Kung kaya ko lang ay babaguhin ko ang lahat ngunit wala akong kakayahan para gawin iyon.


"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Sabihin mo ang totoo, pakiusap."


You ask for it... Wala na ako magagawa.


"Alam mo, kahit bali-baliktarin mo pa ang mundo, kung ano ang sinabi ko yun ang TOTOO! Leave with it! Do you really BELIEVE that someone like me will hang out with SOMETHING like you?? Oh yes! You heard me right. Something. Kasi para sakin isa ka lang bagay na kinailangan ko lang pero ngayon na ayos na ang lahat, all I need to do is to dispose you. Oo nga pala, heto pala yung pinahiram mong panyo. I had it washed several times so you don't have to worry."


Hinagis ko ang puting panyo na galing sa kanyang ama na hindi man lang lumilingon sa kanya.


"What else do you want to hear? Siguro naman Mikael hindi mo na hahayaan na mas lalo ko pang pababain ang pagkatao mo. And please, huwag kang magpaawa pa riyan. Sasayangin mo lang ang effort mo because I won't give a damn, kahit pa umiyak ka pa ng dugo ay hindi na nun mababago ang katotohanan sa mga sinabi ko. You are nothing to me.Kung ok na lahat. I will go then."


"Kung wala lang ako sayo, para saan lahat ng ginawa mo para sakin? At bakit ka pa nagpunta rito?!", madiin niyang salita sa akin.


"Lahat yun ay pagpapanggap lang Mikael. At pumunta ako dito para tigilan mo na ako at nahihiya na ako na panay sunod mo sa akin. Kaya simula ngayon huwag na huwag ka na lalapit sa akin." nagtuloy tuloy na ako sa hagdan para umalis.


Hindi ko na kayang marinig ang kanyang paghikbi. Nasasaktan ako ng doble dahil ako ang dahilan ng hinagpis niya. Patawarin mo ako mahal ko. Patawarin mo sana ako...


Unti-unti kong nilisan ang Tree House, ang saksi ng pagkabuo at pagtatapos ng aming pagkakaibigan.


I wish you well my love. Don't dwell too much in the pain that I had caused you. Strive for your dreams and be happy... Paalam, Mikael ko.





-----Mikael


"Bakit… ", retorikang kong tanong sa aking sarili.


Patuloy ang paglalakad sa hindi malaman patutunguhan. Hindi alintana ang panganib sa paglalakad sa dis oras ng gabi. Walang pakialam sa lamig at gutom. Ang alam lang niya ay ang sakit na dulot nang hindi mapaniwalaang pangyayari.


Mahigit isang oras na simula nung iwan ko sa aking paborito lugar ang taong sobra kong pinahalagahan. Pagod. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na alam kung anong lugar itong aking napuntahan. Naawa ako sa aking sarili kapag naaalala ko ang kanyang mga sinabi pilitin ko mang iwinawaksi ang mga ito ay patuloy itong umaalingawngaw sa bawat sulok ng aking isipan. Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig at wala na akong naisatinig ng mga oras na iyon.




Marahil hanggang dito na lang talaga ang kwento naming dalawa. Love is really strange. Hindi mo alam kung kailan at kanino mo ito mararamdaman. Kung nariyan na wala rin makakapagsabi kung hanggang kailan. At kadalasan, ikaw lang ang nagmamahal at ikaw lang ang nasasaktan. Tulad ko ngayon, pinili ko ito at kailangan kong harapin ang mga consequences ng naging desisyon ko. Ang desisyon na papasukin siya sa buhay ko...


Hinding hindi mo maaalis sa sarili mo yung pakiramdam kahit pa ilang beses mong kalimutan. Magiging parte mo na iyon, you may forget the feelings but still you will not forget what happened.


At basta nagmamahal ka, wala ng ibang dahilan. You can't resist it. You just have to deal with it lalo na kung hindi ito masusuklian ng napili ng puso mo.






Wakas...







Hi po, sorry super tagal ng updates ng kwento ko. MAraming maraming salamat po sa mga sumubaybay sa aking unang kwento. I hope you like it. Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na palaging nariyan to support me and to push me whenever tinatamad na akong ituloy itong kwentong ito.

There are still a lot of questions to be answered so ibig sabihin po ay....may book 2 po ito.(Sana lang sipagin ako hahahahaha!)


Maraming salamat po ulit sa inyongmga nagbabasa ng aking gawa at salamat din sa mga magagandang feedbacks po ninyo.


Chris Li


Monday, December 31, 2012

Strange Love 09






Author's note:

Hello po! Ito na po ang latest chapter ng aking kwento. Sorry po at napaka-tagal ko mag-update. Maraming salamat din sa mga taong na walang sawa sa pagsuporta sa akin. Alam niyo na kung sino sino kayo diba? Thank you sa mga nagbabasa ng aking munting kwento at sa mga readers at kaibigan ko na pinupukpok ako na ipagpatuloy ko lang ang pag-sulat. Ito pong chapter ay handog ko po para sa inyo ngayon na magbubukas na ang bagong taon.


I wish you guys a Happy New Year!Lagi po kayo mag-iingat ha? Thank you po ulit!


-Chris Li







Strange Love 09



---Mikael



"Nasaan na tayo Kuya Jaime?",tanong ko sakanya.


"Malapit na tayo sa daungan ng mga barko. Naiinip ka na ba?"


"Medyo." Hindi kasi tayo naguusap kanina pa, sa isip-isip ko lang.


Simula nung bumyahe kami at iwanan kami ng lolo nya ay tahimik kaming dalawa. Tila hindi magkakakilala at kanya kanya lang sa pagmamasid.


Kinailangan kaming iwan ng lolo niya sapagkat mayroon urgent call ito mula sa kanyang mga kasosyo. Bago ito umalis ay nagpasalamat ako sa oras na inilaan niya para samahan kami at ganito ang kaniyang sinagot:


"No worries, Mikael. Gusto ko rin kasi makilala at makasalamuha ang kaibigan na nagpabago sa apo ko. By the way, I hope you can call me lolo as well, instead of Mr.President. Enjoy your vacation!", sabay tapik nito sa aking balikat at nagbilin na ibigay na lang sa katiwala nila ang susi, maghihintay daw ito bago kami umalis mula sa daungan.


"Kuya, ang bait ng lolo mo ‘no? Hindi ko akalain na ganoon siya ka-simple. Sana lahat ng mayayaman ganoon, hindi matapobre o arogante. Pwede ko ba talaga siyang tawagin na lolo? Buhat kasi nung nawala si Itay sa amin, wala nang tumayong parang ama para sakin, si Inay lahat ng gumawa nun...", pambabasag ko sa aming katahimikan.


"Oo naman, Mikael. Yung si Lolo, ang kakampi ko maliban kay Manang Ising. Tingin ko naman sincere siya nung sinabi niya sayo na tawagin mo din siyang lolo. Nakikita niya rin siguro kung gaano ka kabait, kayo ni Tita Jean kaya naman siguro panatag siya sa iyo."


"Nakakatuwa lang kasi isipin Kuya Jaime, na parte na kami ni Inay ng pamilya niyo kahit papaano. K-kulang na lang ay makilala din namin ang mga magulang mo...",pag-aalinlangan kong sambit sa aking mga huling salita. Tinignan ko ang reaksyon niya, blangko ito at hindi kaagad sumagot.


"My parents... I almost forgot them. Para kasing kayo na ang nagpuno ng mga pagkukulang nila sa akin. I found the unconditional love sa inyo ni Tita Jean…"


"Wala ka bang balak na balikan sila at ayusin lahat ng gusot ninyo? Lalo na ngayon, nag-mature na ang pag-iisip mo. Besides, magulang mo pa rin naman sila, pwede silang magbago para sayo. Naging busy lang sila na ibigay sayo lahat kaso nakaligtaan nila ibigay sa iyo yung atensyon at apeksyon na hinahanap mo. Kuya... Wag mo sana isipin pinapaalis kita, I just want you to let go of your family burdens."


"Someday...",matipid niyang sagot. Medyo napahiya ako at ganito lamang ang kanyang naging sagot, kaya naman hindi na ako muling sumagot at tumingin na lang sa aming dinaraanan.


Magiging masaya kaya itong bakasyon na ito? Ngayon pa nga lang tahimik na kami eh. Looking forward na lang ako kay Jun. Siya na lang kukulitin ko, hindi itong tuod na ito. Kainis!



Ilang minuto pa at nakarating na kami sa unang stop at tinawagan na nito si Ram, ang katiwala ni Mr. President.


Pagkababa namin ng kotse ay agad nitong ibinaba ang mga gamit namin at isa-isang binuhat. Pinilit ko man siya na dadalhin ko ang iba ay inaalis naman nito ang mga kamay ko mula sa mga bags namin.


"Sir Jaime?", sabat ng isang lalaki habang nagpupumilit akong tulungan siya.


"Kuya Ram! Heto po pala yung susi. Kamusta na po kayo nila Manang Ising?"


"Mabuti naman kami, pinapa-abot niya pala sayo na nasasabik na siyang makita kang muli. Si Sir Anthony na nga lang po yung naga-assure sa magulang mo na nasa mabuti kang kalagayan eh. Kailan po ba ang balik ninyo?", sagot nito sa apo ng amo niya.


"Kuya Ram... Hindi ko po alam. Sige po alis na rin ho kami at para makarating kami kaagad sa isla. Salamat po ulit. Mag-iingat po kayo ha.", at nakipagkamay na si Kuya Jaime sa anak ata ni Manang Ising.


"Ingat din po kayo doon.", sabi ni Kuya Ram at tinugon ito ni Kuya Jaime ng pagtango lamang.


Nagsimula na rin kami maglakad ng mapansin kong wala namang mga barko o bangka sa paligid. Sa di kalayuan ay may isang tila warehouse at iyon ang tinutumbok ni Kuya Jaime. nagmamadali ito pumunta doon, siguro ay nabibigatan na sa kanyang mga dalahin. Ang arte kasi at ayaw pang magpatulong magbuhat.


Pagkarating sa pinto ng warehouse ay sinusian nya ito at paika-ikang pumasok. Kukulitin ko na sana ulit siyang bitbitin ko ang ibang bagahe nung pagpasok ko ay napanganga na lang ako sa nakita ko. Sa mga pelikula ko lang kasi iyon nakikita.


Isang yate ang nasa aking harapan. May sarili itong daungan kaya naman kahit kelan mo ito puntahan ay handing-handa na ito patakbuhin. Malaki ito at kasya siguro ang labing-limang katao. Nilibot ko ang paligid nito at di ko mapigilan ang mapahanga.


"Nagustuhan mo ba bunso?",sambit ng taong nasa aking likuran. Humarap ako sa kanya ng nakangiti. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko pero masaya ako sa tila surpresa na ito.Tumango ako sa kanya ng nakangiti pa rin.


"Ang yaman niyo talaga ‘no? Meron kayong sariling ganito, kaya di niyo na kailangan makipag-siksikan sa mga barko o bangka."


"Hindi naman sa amin ‘yan eh. Kay lolo yan, nagpresenta siyang ipagamit ito noong malaman niyang magbabarko lang tayo. Dati rin kasi, noong high school pa lang ako, tinuturuan niya na rin ako gumamit nyan kaya siguro kampante na rin siyang ipahiram sa akin."


"Ahhh… Ang bait talaga ni Mr. President!", sabi ko habang dinadama ang gilid ng sasakyan namin maya-maya.


"Lolo."


"Ha? Ako Lolo?"


"Tangeks! Itinama ko lang yung tawag mo kay ‘Mr.President’, diba nga Lolo mo na rin siya???"


"Nakakailang kasi Kuya Jaime, parang hindi bagay sa akin na tatawagin ko ng lolo ang may-ari ng school na pinapasukan ko…", kamot-ulo kong sagot sa kanya.


"Naku, masanay ka na!", sabay kindat nito sakin.


Heto na naman ako at muntik na mawalan ng puso at puputok ata sa ginawa niya. Tumalikod nako sa kanya at hinanap ang hagdan paakyat sa yate bago pa man ako mawalan ng malay.


"Hindi mo man lang ba ako tutulungan sa mga gamit natin?!", pasigaw nyang sabi.



"Kaya mo na yan diba?! Hahahahahaha!", pang-aasar ko sa kanya.







-----Jaime


Nagsimula na kaming baybayin ang dagat, maaraw noon at maganda ang klima. Sa labas ay naroon ang aking mahal, pinagmamasdan ang malawak na katubigan at baka daw makakita siya ng mga dolphin.




Sila na ang pamilya ko…




‘Yan ang pinipilit kong isinisiksik sa aking isipan ngunit patuloy ding lumulutang ang bagay na pilit kong kinakalimutan.



Sina Mama at Papa.



Bakit ko pa sila kailangan balikan, kung hindi man lang nila ako hinahanap o hinanap man lang?! Sa ilang buwan na nawala ako sa puder nila ay ni minsan di ko nakita ni anino nila.


Isinantabi ko na muna ang galit ko sa aking pamilya at sinet ang yate sa auto-pilot mode para na rin mapuntahan ko si Mikael. Oras na para isa-isahin namin ang mga tanong namin para sa isa't isa.


Labdab. Labdab. Labdab.


Paglabas ko ay agad kong pinuntahan ang harap ng yate ngunit wala na siya roon. Tinignan ko kung nasa galley o sa mga cabins pero wala. Saan ba ang mokong na yun at mukhang pinaglalaruan ako?! Kapag nakita ko talaga siya naku!kokotongan ko yun.
Hindi kaya nasa favorite part ng sasakyan ko siya naroon. Doon ako palagi nagpapalipas ng oras kapag hinihinto ni lolo ang yate sa gitna dagat.


Tinungo ko ang buntot ng yate at bumaba ako ng isa pang deck.


Ayun nga siya at nakaupo sa dulo nito at dinadama ang tubig sa kanyang mga paa. Kumakanta ito ngunit malungkot ang himig. Himig ng isang nangungulila sa kanyang mahal. Hinintay kong matapos ang kanyang pagkanta bago ako umupo sa kanyang tabi.


"Gawa mo?", tanong ko sa kanya.


"Hindi, si Itay may gawa nun. Nami-miss ko na kasi siya… Mabait yun, si Itay, at ayaw na ayaw nun na nakikita akong umiiyak noong bata pa ako. Sana narito pa siya para masabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko ngayon. Kung gaano ako kasaya at gaano din kalungkot kung minsan.", unti-unting bumagsak ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi.


For a moment there, wala akong nasabi sa kanya. Kasi naisip ko, ako kumpleto ang mga magulang ko, pero magkalayo kami at hindi kami maayos at heto siya nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa kanyang ama.


 Naiinggit ako at gusto ko tuloy tawagan sila Papa, nasasabik na din pala ako makita sila. Kakaiba talaga si Mikael, nailalabas niya sa akin yung mga bagay na kinukubli ko, kahit pa man hindi niya ito sadya.


"Sige Mikael, pagbalik na pagbalik natin. Uuwi ako sa amin at kakausapin ko ang mga magulang ko. I shouldn't prolong this grudge of mind. You made me realize that, just now, na nagsasayang ako ng panahon at baka magsisi lang ako ‘pag wala na rin sila." Inakbayan ko siya at bahagyang pinisil ang kanyang balikat.


"Talaga kuya? Gagawin mo yun?"



"Opo, pangako ‘yan. Makikipag ayos na ako sa kanila. At ikaw, ‘wag ka na malungkot, narito pa naman kami nila Tita Jean eh, pati si Lolo at ang mga kaibigan natin. Hindi man namin mapapalitan o mapapantayan ang Itay mo ay narito kami para sayo at ayaw din namin nakikita kang umiiyak… Sino ba nang-away sayo at ipapalapa natin sa pating?!"


Natawa ito at akmang babatukan ako nito nang marealize niyang hindi pala pwede. Kasi pwede kaming mahulog sa tubig. Ngumisi ako sa kanya at dumila. Ito yung mga moments na we don’t need words to express ourselves, pero alam ko na masaya siya. Silent moments but full of meaning. Hay naku, I wish I could tell him my true feelings for him.


"Tara Mikael, kain na tayo. Nagugutom na ko eh, ang BIGAT kasi ng mga bitbit ko kanina!",sabi ko habang kunyari eh minamasahe ko ang aking mga balikat.


"Kasalanan mo ‘yan. Tinutulungan ka na kanina ayaw mo pa. Ang arte mo! Hahahahaha!",at tumakbo na ito paakyat mula sa stern at pumasok na sa loob. Tignan mo nga naman eh inunahan pa ako?


Hapon na rin noon nung makarating na kami sa aming destinasyon. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan niya sa lugar na ito. Hindi ko na rin siya pinigilan bitbitin ang ibang mga bags kasi sa totoo lang eh MABIGAT talaga sila. Nagpapaka-gentleman lang ako kanina at ayoko siya mapagod.


Nauna siyang bumaba at lumakad sa kahoy na pathway. Ilang hakbang pa namin ay tumigil ito at tila namatanda.


"Oh, bakit ka tumigil??", takang tanong ko sa kanya.


"Kuya... Dyan tayo mag-stay?"


"Ayaw mo??"


Humarap ito sa akin at nanlalaki ang mata nito.


"Kuya!Ang ganda! Huwag mong sabihin sa lolo mo rin ito?"


"Huwag na puro tanong at pumasok na tayo at gusto ko munang humilata." Kinabig ko na nga siya at bahagyang tinutulak para maglakad.


The place is actually amazing. Ang mga daanan ay gawa sa cobblestones at may mga lampshades na nakaayos sa mga damuhan sa gilid nito. Ang reception area naman nila ay gawa sa kahoy pati na rin ang mga upuan.


Pagkakuha ko ng susi sa attendant ay tumuloy kaagad kami sa room na aming pina reserve.




Simula na...





"Mikael may hihingin sana akong pabor... P-pwede mo bang ipikit ang mga mata mo bago tayo pumasok sa kwarto."


"Anong kalokohan na naman yan ha, Kuya?"


"Please... Trust me."


Pinikit na nga nito ang kanyang mga mata kaya naman nauna na akong pumasok sa kwarto namin. Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa perfect spot. Tinanggal ko ang aming mga gamit at itinabi ito sa gilid at humarap sa kanya. He really amazes me... But now is not the right to be mesmerized.


"Pwede ka nang dumilat.",bulong ko sa kanya.


Dumilat si Mikael ...ngunit hindi ang inaasahan kong reaksyon ang nakita ko sa kanya. Ilang sandali din niya tinignan ang tanawin sa labas ng aming kwarto. Sinadya ko kasing piliin ang kwartong ito na kita ang karagatan pati ang buong kagandahan ng resort. Kaharap ito ng higaan kaya naman kahit sa pag-gising mo ay mare-relax ka sa ganda ng tanawin.


"Hindi mo ba nagustuhan? Bakit ka umiiyak bunso?May mali ba dito?Gusto mo lumipat ng kwarto?",hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya lumuha ng ganoon sa nakita niya. Akala ko magugustuhan niya.


"Please tell me, anong problema? Ayaw mo ba dito? Mikael naman eh. Please talk to me, nag-aalala na ako!",pagyugyog ko sa kanyang mga balikat.


Mangilang beses din siyang tumingin sa tanawin na papalubog na araw at may gustong siyang sabihin ngunit hindi masambit. Nahihirapan akong makita siyang ganoon. He seems to be in so much pain pero hindi ko alam kung ano iyon. The more na inaalo ko siya ay lalong namumuo ang mga luha niya.


"May masakit ba sa iyo? Sabihin mo naman please, Mikael. Tell me what's happening to you.", tinignan niya ako sa mata. My God! Nakita ko na naman yung mga tingin niyang iyon. Sobrang lungkot at sakit ang pinapahiwatig ng mga ito. He hugged me so tight after that at ganoon din ang ginawa ko. I don't understand kung ano bang nangyari at naging ganito siya.


Pinaupo ko siya sa kama at kinuhaan ng tubig.


"Okay ka na ba?", humihikbi pa rin ito at nangingilid ang mga luha. Bahagya itong tumango bilang tugon.


"Sorry Jaime, hindi ko napigilan..."


"May dinaramdam ka ba? May mali ba sa ginawa ko?"


"Wala, hindi mo rin naman maiintindihan eh. Okay na ako. Huwag ka na mag-alala." Namumula pa ang mga mata nito at ilong, that's my first time to see him cry so hard.


"Oh siya sige, hindi na kita pipilitin kung ano man yang dahilan mo, basta kung kaya mo na sabihin handa ako makinig sayo.",pag-aassure ko sa kanya.


"T-teka, nasaan na pala sila Jun at ang Mama niya?"


"Ah eh, kwan kasi Mikael... Hindi ngayon ang dating nila...",kamot ulo kong sagot sa kanya. nangunot ang noo nito at muling nagtanong.


"Bakit?"
           

"Gusto ko kasi sana gawing special itong bakasyon na ito para sating dalawa, kaya kinuntsaba ko si Jun na mauna tayong magpunta rito at susunod din sila. Kahit si Tita Jean, alam niya itong planong ito kaya naman hindi na siya masyadong matanong nung nagpaalam "kuno" tayo. Sana huwag kang magalit... Gusto ko lang naman kita surpresahin."


"Kaya pala kayo nagngingitian ni Jun noon, dahil dito.", medyo naging maaliwalas na ang mukha niya. Tumayo ito at pumunta sa balkonahe. Sinundan ko siya dahil na rin hindi ako mapakali sa naging reaksyon nya kanina.


Bago pa man ako makalapit ng tuluyan sa kanya ay nagsalita ito. Nagtanong. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. My mouth went dry at tumibok ang puso ko ng mabilis.


Ibang-iba talaga kapag isinasakatuparan mo na ang isang plano. May mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyayari tulad nito.

 Huminga ako ng malalim habang paulit-ulit na umaalingawngaw ang kanyang tanong sa aking isip, hindi ko sigurado kung ano ba ang isasagot ko...bahala na…










"Bakit mo ba ito ginagawa Jaime...?"
















Itutuloy....

Monday, November 26, 2012

Strange Love 08


Author's Note:

Hi po sa inyong lahat!


Sorry po sa late update, naging busy po kasi ako at nagkasakit rin kaya hindi ko naharap ang pagsusulat. Maraming Salamat po sa inyo! Sana po ay magustuhan niyo po ito.






Strange Love 08

Una akong nakarating sa aming tagpuan. Magdadapi't hapon na rin ngayon, medyo mas maaga sa napag-usapan naming oras. Mas mabuti na rin siguro ito para maihanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang mangyayari sa pag-uusap namin.

Nilibot kong sandali ang kabuuan ng lugar na unang naging saksi sa aming pagkakaibigan. At muli, mukhang ito rin ang magiging saksi sa pagtatapos nito. Nakakalungkot kung bakit kailangan mangyari ito. Ang taong mahalaga sa akin ay ngayon kailangan ko nang bitawan. Kung dati nga, noong bata pa ako ay iniiyakan ko ang mga nasisira kong mga laruan o gamit, paano pa kaya ngayon ang nasisirang pagkakaibigan.

Masakit… pero kailangan ko nang harapin, dahil kung tatakbuhan ko lamang ito ay malamang puro tanong na lang ang tatakbo sa aking isipan. Kung tutuusin ako din naman umani nitong nangyayaring ito. Kung hindi ba naman ako tanga at pinapasok ko siya sa buhay ko eh di sana tahimik pa rin ang buhay ko. Matabang na buhay pero walang sakit na tulad ngayon.

Ang ganda ng pagtatapos ng aking buhay kolehiyo, nagkaroon nga ako ng degree ngunit kasabay nito ay ang pagkawatak-watak ng aming pagkakaibigan. Maybe, I was really born to be lonely - I'm an exception to the saying that "No man is an island"…

Sa mga pag-iisip ko nang ganito ay unti-unti nang kumawala ang tubig sa aking mga mata. Naalala ko pa noong party para sa amin ni Jun bilang mga candidates for graduation sa isang resort. Ang saya-saya noon. Tama ako na hiniling ko na sana huwag nang matapos ang gabing iyon. Kasi matapos ang panahong iyon ay gumuho lahat ng itinayo naming samahan.

Ang gabing huli kong nakasama ang taong mahal ko.




----Mikael


"Woooooohoooooo! SEMBREAK na pare!! Isa na lang at GRADUATES na tayo! Nyahahaha!!",buong siglang hiyaw ni Jun matapos ang aming huling subject. Nakakatawa siyang panuorin dahil para siyang bata na pinayagan pumunta sa isang Children's Party.


One more semester at matatapos na kami. Excited ako na kinakabahan kapag naiisip ko na magtatapos na ako sa pag-aaral, na sa wakas lahat ng aming pinagpaguran ni Inay ay magkakaroon na ng magandang bunga. Makakapag-trabaho na rin ako at matutulungan ang aking ina sa paghahanap-buhay at paglaon ay makapagbukas ng negosyo para sa kanya. Bagong simula para sa pagtupad ng mga inaasam na pangarap.


Nakaupo lang ako noon at tinatawanan si Jun habang ito ay nababaliw sa sobrang tuwa.


"Huy! BALIW! Para kang kiti-kiti ang likot mo.", si Kuya Jaime.


Napalingon kami sa pintuan at naroon siya, katatapos lang din ata ng kanyang huling subject. Haaay, bakit ba hindi ako nagsasawang tignan siya? Mamula-mulang pisngi dahil sa init, magagandang mga mata na matutunaw kahit sino ang matitigan nito, at ang mga labing tila ba ang sarap hagkan... na minsan na rin dumampi sa aking mga labi.


"Eh bakit ba? Eh sa natutuwa ako at makakapag-bakasyon na tayo. Ang KJ mo talaga pare. Minsan iniisip ko sana hindi ka na lang nagbago, kasi wala na ako kasama sa kalokohan eh. Hahahahaha!",pangaasar ni Jun kay Kuya Jaime.


"Ganoon talaga Jun. May nagpatino sa akin eh." Sabay lapit nito sa akin at tinignan ako nang nakangiti. Gusto kong maihi sa sinabi niyang yun, ako nga ba ang tinutukoy niya? Paano naman niya nasabing napatino ko siya??


Umupo ito sa armchair ng aking upuan,paharap kay Jun. Hindi na ako mapakali dahil napakalapit niya sa akin at nasasamyo ko ang kanyang amoy. A homey smell na hindi ko pinagsasawaan langhapin. Gusto ko nga sana siyang yakapin at lambingin ngunit nakakailang naman kung gawin ko iyon. Tiyak marami ang magtataka at magiisip kapag ganun ang aking gagawin. So I just kept my cool and diverted my attention to something else.


Napansin kong tahimik silang dalawa at nang tignan ko ang mga ito ay nagngingitian silang parehas; Nakakalokong mga ngiti na hindi ko mawari kung ano ba ang dahilan.


"T-teka saan ba lakad mo Jun?", tanong ko sa kanya.


"Lakad ko? O lakad natin??", at nakangisi na naman ito at bumaling kay Kuya Jaime.


"T-tayong tatlo?", takang tanong ko.


"Sasama din si Mama, isama din natin si Tita Jean.", dagdag pa ni Jun.


Kinakabahan talaga ako sa mga ngisi nitong si Jun, para bang may tinatago sila sa akin. At hindi ko nagugustuhan iyon, napagtitripan ata ako eh. At itong si Kuya Jaime ay nakatingin lang din sa reaksyon ko, binabasa ako?? Nagsisimula na ako mainis pero itinago ko iyon at pinakitang game ako sa kalokohan na niluluto nilang dalawa.


"Sure, kelan ba yan at nang masabihan ko na si Inay?"


"Bukas."


"ANO?! Bukas kaagad? Ang bilis naman! Wala pa akong pera!"


"Huwag ka na mag-alala, kasi kahit kelan naman wala kang pera eh. Kaya kami na ni Mama bahala."


"Ang yabang mo, panget!!"


"Bleeh! Magsumbong ka sa ninuno mo!!",sabay labas ng dila nito at nagmukhang nakakain ng maasim si Jun.


"Dami niyong dada, tara na nga at umuwi, para makapaghanda na rin ng gamit."


I dont know if I should be excited sa lakad namin para bukas. Hindi kasi ako mapakali kung ano ba ibig sabihin ng ngitian na yun ni Kuya Jaime at Jun. Isa pa ay ayaw nila sabihin kung saan kami papunta, para tuloy akong tanga o pinagti-tripan nitong dalawang mokong na ito.


Pagkadating na pagkadating namin ni Kuya sa bahay ay agad itong pumunta sa kwarto.Sinundan ko naman ito. Hindi halatang excited siya at magiimpake na kaagad ng mga damit. Teka bakit parang ang dami naman ata ng damit na inililigpit niya. Pati mga damit ko siya na rin ang pumili at nag-silid.


"Kuya?", pagtawag ko sa kanya ngunit hindi ata ako narinig. Tuloy pa rin ito sa paghahalungkat ng mga kailangan namin.


"Huyyyyy! Para kang maglalayas ah! At bakit parang nagmamadali ka? Bukas pa ho iyon diba? At isa pa, hindi pa tayo nagpapaalam kay Inay."


Humarap ito sa akin at tinignan ako sa aking mga mata. Seryoso ang kanyang mukha. Ang weird talaga, kanina lang pangiti ngiti ito ngunit ngayon biglang seryoso. Gusto kong mainis at mabugnot kasi wala akong maintindihan sa nangyayari.


"Bunso, do you trust me?",mahinang sambit niya sa akin.


"Oo, p-pero ano bang nangya…", hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil nilagay niya ang kamay niya sa aking mga labi.


"So, could you please just let me be, even just this time…kailangan ko ito. Alam ko, naguguluhan ka sa nangyayari pero, I will explain everything kapag nandoon na tayo. Save your questions first. Trust me…"


Dahil sa nasa bibig ko pa rin ang kanyang kamay ay tumango na lang ako bilang pagsang-ayon saka niya ito tinanggal. Ano pa nga bang gagawin ko kung hindi manahimik habang pinagmamasadan siya magayos ng gamit. Somehow, natutuwa ako sa ginagawa niya dahil siya na ang umaayos ng gamit ko. Hinayaan ko na nga lang talaga siya dahil mukhang importante nga sa kanya ito.


Pati ang pagpapaalam kay Inay ay siya na rin ang gumawa. Pumayag naman ito ngunit tulad ng inaasahan ko ay hindi ito makakasama dahil kinabukasan na kaagad ang alis at hindi ganoon kadali magpaalam sa kanilang opisina. Binilinan na lang niya kami na mag-ingat doon.


Isa na namang pinagtataka ko ay hindi nito tinanong ang detalye ng aming lakad. Kung saan ba kami papunta, kung ilang araw ba kami doon at kung sino-sino ang kasama namin. Para bang walang nangyari at nagpatuloy lang kami sa pagkain ng hapunan.


Hindi ako mapakali habang hinuhugasan ang mga pinagkainan namin. Iniisip ko pa rin kung ano bang mangyayari. Kinakabahan ako kung ano bang mangyayari at parang mayroon silang itinatago sa akin. Kahit sa pagtulog ay hindi ko magawang antukin kakaisip, excited na rin at parang may mga paruparu sa aking dibdib.

Anticipating something unexpected.


"Mikael? Hindi ka makatulog? Sorry ha…", tanong ni kuya habang nakatalikod sa akin.


"Ano ka ba Kuya, ok lang yun. Humanda ka na lang sa mga tanong ko sayo."


"Hmmm ok, then you should sleep. I'm ready to answer your questions mamaya pag nandoon na tayo."


"Opo... Dapat lang na handa ka!", at natawa ito sa huli kong nasambit sa kanya.


Ipinikit ko na nga ang mga mata at ipinahinga ang aking isipan. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas.



----Jaime


              Umaga na pala. Hindi ko man lang namalayan na pasikat na pala ang araw. Kanina ko pa kasi pinapaulit-ulit sa aking isipan ang aming plano ni Jun.


              At first, nag-hesitate ako sabihin sa kanya ang lahat, dahil baka hindi niya maintidihan. But, I was wrong, iba talaga si Jun kahit na maloko ito at parang walang bagay na seseryosohin ay nakinig siya sa akin. He even smile at me, a genuine smile na parang proud sa inamin ko sa kanya.


              Yes, I confided to my best friend na I have fallen to Mikael.


              Ang sarap sa pakiramdam na may napagsabihan ako tungkol dito. I'm not planning on proposing to him kasi nga ayoko masira ang pagkakaibigan namin. Instead, I will just make him feel how much he means to me… How much I love him. I will make him feel special, kahit hindi niya maibalik sa akin ito , equally or more. Ang mahalaga, I can freely express my feelings without admitting it to him.


              A ridiculous plan, I know, pero ano pa nga ba. Tanga na nga takot pa…


              "You are so special Mikael… Patawarin mo sana ako kung sakaling tanungin mo ako at hindi ko masagot. I don't want to lose you… and I definitely don't want to be separated from you. Kung kuya lang talaga ang tingin mo sa akin, so be it. I will still stay by your side… until I can.",sabi ko sa aking isipan habang tinitigan siya sa kanyang pagtulog.


              It's time… labdab!labdab!labdab!


              "Mikael, gising na! Kailangan na nating maghanda para umalis.", as usual hindi ito natitinag pero nalaman ko na rin ang sikreto para magising ito. Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga at hinipan ito ng pagkalakas-lakas. HAHAHAHA! And Voila! Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-upo nito sa kama.


              "Kuya naman eh! Kailangan ba laging gawin yun?!",yamot nitong sambit habang nagkakamot ng ulo.


              "Kailangan na natin maghanda paalis po, Mahal na prinsipe!", pangaasar ko sa kanya.


              "Hala, sige tumayo ka na diyan o kakagatin ko pa yang tenga mo!" Tinignan pa ako nito ng masama bago tumayo at padabog na lumabas ng kwarto dala-dala ang tuwalyang panligo niya. Ang sarap niyang asarin lalo na kapag ganoon na napuputol ang kanyang tulog.


              Tok!Tok!Tok!


              "Jaime, anak. Halika muna dito sandali.",pagtawag ni Tita Jean sa akin.


              "Ano po iyon Tita?", tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng kwarto.


              "Mag-iingat kayo doon ha. Sino ba maghahatid sa inyo doon?", pagbibilin nito sa akin.


              "Opo Tita. Si Lolo Anthony po ang magdadala sa amin papuntang pier tapos kami na po bahala sumakay ng barko papunta po doon.. Huwag po kayo mag-alala ako po ang bahala kay Mikael.", at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.


              "Sige, aasahan ko iyan. Tawagan mo ako kaagad or i-text kapag nakarating na kayo doon.", sabay halik nito sa aking noo at tinungo na ang pinto palabas.


              "T-teka po Tita, aalis na po kayo? Hindi na po niyo hihintayin si Mikael matapos maligo para mabilinan niyo po?", takang tanong ko sa kanya.


              "Hindi na kailangan hijo, alam na ng anak ko kung ano ang dapat sa hindi. At isa pa, may tiwala naman ako sa iyo kaya sapat na ikaw ang kinausap ko. Ayaw mo din naman na mas lalo siya magtaka diba?", natawa na lang ako dahil bago ito tuluyang umalis ay kumindat pa ito sa akin.


              What was that for? Does Tita Jean knows I love his son? Pero bakit parang hindi naman siya galit?


              Natutuwa ako at the same time hindi ako sigurado sa aking mga kuro-kuro. Ang mag-ina nga naman ito, ang weird nila but then yun nga ang gusto ko sa kanila eh.


              Bumalik ulit ako sa kwarto at habang naliligo pa si Mikael ay binisita kong muli ang aming mga dadalhin,mahirap na baka may makalimutan at walang magamit doon sa aming pupuntahan. I can feel the excitement every minute na tumatakbo. Para akong mawawalan ng malay sa kaba dahil na rin sa aking mga plano. I wish it will turn out well. I want this to be perfect for him.


              "Kuya, kaw naman maligo.", napalingon ako sa kanya matapos nitong basagin ang aking mga iniisip. At napatanga ako sa kanya. I've seen him half naked for several times already but then, now he is in front of me, with droplets of water  on his body... Wow! Hello there gorgeous! I wanted to say that but hmmm awkward hahahahha!


              "Kuya? Bakit parang namatanda ka?"


              "Wala...mukha kasing masarap...", I said absentmindedly while looking at his lips. Para bang nagsasabi na ilapat ko rin ang mga labi ko rito. Really tempting me.


              "Ha? Alin ang masarap?", nakakunot noo niyang sabi sa akin. Kaya naman napailing na lang ako at pilit na pinatino ang aking sarili bago pa ako maulol.


              "Ang ibig kong sabihin, eh mukha ngang masarap maligo dahil malamig ata ang tubig ngayon.",pagpapalusot ko at kinuha na ang tuwalya para makaligo.


              "Ahhhh, opo. Malamig nga ang tubig ngayon. Anong gusto mong almusal kuya?"


              "Kahit ano lang, kakain ko yan basta ikaw naghanda. Hahahaha!", pagbibiro ko sa kanya bago ako nagpunta sa banyo para maligo.


              Oh my goodness! Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakakapanibago ang ganitong pakiramdam. Gusto kong i-resist pero it feels so right to love Mikael. Ang gulo naman! nakakainis!


              With all of that in my mind. Binuhasan ko na lang ang sarili ko ng malamig na tubig. nagbabakasakaling matauhan ako bumalik sa normal. But then, I failed again. The image of Mikael's flashed into my mind at di ko napigilan makagat ang sarili kong labi. For once, naramdaman ko kung gaano kalambot ang mga iyon ngunit sandali lamang iyon.


              Well stop it, Jaime! Remember mas importante ang araw na ito kesa sa mga pantasya mo.


              Buhos dito, buhos doon. Kudkod dito kudkod doon. I made sure na I am at my best for ths event. Well, I am still the Campus Crush right? Dapat mapansin niya ako, sana mapansin niya ako...


              Matapos kong maligo at tutungo na sana ng kwarto para makapag-bihis ay kta ko si Mikael sa kusina at nagluluto ng sinangag. May kung ano akong naisipan gawin at gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon nya rito.


              Dahan-dahan akong nagpunta sa kanyang likuran at humawak sa kanyang bewang.


              "Hmmmm, ang bango naman nyan niluluto mo Mikael. Mukhang masarap, mukha lang naman. Hehehe!"


              Natigilan ito sa ginagawa saglit ngunit hindi nagsalita at patuloy sa pag gisa ng niluluto niya. Inilapit ko ang aking mukha sa ibabaw ng kanyang balikat, kunyari ay pinapanuod ang kanyang ginagawa. Then I look at his face and is smiling. Teka ang daya dapat ako ang mangsusurpresa pero ako itong nagulat sa reaksyon niya.


              Tinignan niya rin ako habang ito ay nakangiti. Haaay, this guy really, really, really always caught me off guard.


              "Gutom na gutom ka na Kuya ah.", sambit niya.


              "Oo nga eh, gutom na ako." sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sakanya at kinakabisado ang detalye nang kanyang maamong mukha.


              "Kuya... May sasabihin ako...."


              "Ano yun?", kabadong tanong ko sa kanya labdab!labdab!labdab!


              "Kaialangan mo na magbihis, kasi nariyan na rin si Mr.President eh, ang lolo mo. Mukhang gutom na rin siya, nakakahiya naman paghintayin.", medyo pabulong niyang sagot sa akin.


              "Good Morning, apo."


              And he was there, sa isa sa mga upuan sa may hapag kainan, nakangiti sa akin. Awkward... Tinanggal ko ang aking mga kamay sa bewang ni Mikael at humarap sa aking lolo... Awkward ulit...


              "G-good morning Lolo. Kanina pa kayo nandyan??", nahihiya kong pagbati sa kanya.


              "Yes.",simpleng sagot niya at nakangiti pa rin ito.


              "Sige po Lolo Anthony, I will just get myself ready. Mauna na po muna kayo kumain ni Mikael.", pagpapalusot ko habang papunta sa kwarto.


              "No, it's ok we will wait for you. Tama ba Mikael, hijo?"


              "Opo Sir Anthony."


              Tumango na lang ako dahil nahihiya talaga ako at natunghayan pala ng aking lolo ang lahat. Buti na lang wala akong ibang ginawang kalokohan. Napailing na lang ako habang gumagayak. Natatawa na lang din ako sa ginawa ko kasi himbis na si Mikael ang magulat sa ginawa ko, ako itong nagulat at doble pa.


              Hay naku, Jaime. You still have a long day ahead you. Ano pa kayang kapalpakan ang gagawin mo? Remember, this should be special for him.








Itutuloy..... 

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails