Followers

Showing posts with label Unconsciously Inlove. Show all posts
Showing posts with label Unconsciously Inlove. Show all posts

Monday, May 25, 2015

Uncosciously Inlove - Ending


Author's Note

SORRY MEDYO BORING HAHAHA. LAST NA TO PROMISE LOL.






Xander’s POV



Sa buhay hindi natin maiiwasang alipustahin ka ng isang tao ng dahil lang sa estado mo sa buhay, sae dad mo at lalong lalo na sa estado ng pamumuhay mayroon ka. May mga taong sagana sa yaman, ngunit salat sa karangalan, may mga taong salat man sa buhay pero mayaman sa pangangaral ng magulang.

Hindi nasusukat at kailan man hindi batayan ang estado mo sa buhay para ipakita mo at gawin kung ano ang gusto mo, maaaring ayawan ka ng ibang tao ng walang dahilan, at maaaring gustuhin ka rin nila ng biglaan. Sabi nga nila, you were born to be true not to be perfect, we cannot please everybody so why should you explain yourself to them? Kung ayaw nila sa iyo, let them be, lagi mo na lang tandaan, na hindi ikaw ang nawalan. Kung hindi sila.

Matapos nya akong itaboy at mapahiya sa mga kaibigan nya, nandito kami ngayon sa canteen ng school kasama si jiji

“ friend anyare? Bat ganyan mukha mo? Diba dapat masaya ka kasi exempted kana sa exam?” ang pambungad ni jiji.

“ ah eh ano, wala to hehe” ang palusot ko

“ sus, sakin ka pa nagkaila no??”

Hanggang sa napaamin na nga ako sa kanila, hindi naman masamang magsabi diba? Laong lalo na at mahirap itago ang isang problema ng para sa sarili mo lamang. Hindi lagi sa buhay na tutulungan ka ng sarili mo, kakailanganin mo pa rin ng tulong at payo ng iba.

“ jusme! The nerves! Ang yabang ha?! Sinasabi ko na nga ba eh, kung sino pa ang tahimik sya pa ang mala demonyo ang ugali ang yabang!” ang nang gagalaiting sabi ni jiji

“ alam mo xander, sa totoo lang ha? Wag mo sana tong masamain, kasi yung style mo, medyo luma na, why don’t you try to be in sa mga trends ngayon? Like wearing clothes, makihalubilo sa iba bukod samin? You know? Mingle with other companions?” ang pag singit ni jay

“ uhuh, may point sya friend” ang sabi naman ni jiji

“ eh pano ko naman gagawin yun, kung pang load nga lang par maitext ko mga magulang ko wala ako eh, pambili pa kaya ng mararangyang damit?” ang pa gamin ko naman

“ yun ba? Sus, kami na ang bahala” ang sabay sabay nilang sabi

Wala man akong kaide ideya sa mga sinasabi nila ay di na lang ako umimik.
Ng makarating kami sa room ay kakaunti pa lang ang tao marahil yung iba ay nasa baba pa dahil anong oras pa lang naman, kaninang umaga ay late si Nil, so wala akong pakialam don! Mayabang.

Habang nag mumuni muni, bigla akong tinawag ng kalikasan at mukhang bubuhos na ang water falls sa aking katawan kaya dali dali akong pumunta ng C.R para magpalabas haha!

Wooo! Success! Habang naghuhugas ako ng kamay, nagulat na lang ako ng biglang may tumabi sa akin, pero since wala naman akong pakialam dun, ay hindi ko na lang pinansin. Pero nagulat ako ng biglang

“ xander, ahhmmm, ano kasi…” shit! Boses niya yun at hindi ako pwedeng magkamali.

Since tapos na akong maghugas ng kamay ay agad na lang rin akong lumabas ng C.R at dumiretso ng classroom.


(fastforward LOL)

It’s been 4 days magmula ng pang iisnob k okay Nil, may times na binabanggit nya ang pangalan ko pero hindi ko na lang pinapansin, para saan pa? para ipamukha nyang hindi kami pwedeng magkaibigan dahil mahirap lang ako at saksakan sya ng yaman? Ganoon ba yon?

Matapos ang klase ay nagtaka ako dahil hila hila ako ng mga kaibigan ko dahil may pupuntahan daw kami. Maaaring eto yung sinasabi nilang sila na ang bahala pero may kung ano sa akin ang kinakabahan na medyo naiilang. Pero gayunpaman ay sumunod na lang ako


Nil’s POV

Shit! Bakit ko ba kasi ginawa yun eh! Wala naming ginawa yung tao ng masama sa akin pero pinahiya at niyurakan ko pa ang pagkatao! Napaka bobo mo talaga nil kahit kailan!

4 na araw. APAT NA ARAW NA AKONG HINDI PINAPANSIN NI XANDER!

(flashback)
Simula kahapon hanggang ngayon ay wala kaming maayos na tulog ni xander dahil gusto ko talagang maganda ang gawa at ma exempt sa final examination. Almost 1 am na rin siguro pero ‘tong si xander eh parang ang laks lakas pa samantalang ako eh onting pikit na lang ata ng mata ko eh makakatulog na ako, habang nagpipinta sya ay hindi ko maiwasang tignan ang maaliwalas nyang mukha, mukhang napakasimple at walang karate arte, mukhang makikita mo ang bakas ng pagkamasayahin at pagiging kuntento sa buhay. Hindi ko namamalayan na nakatitig na lang pala ako sa kanya ng buong gabi hanggang sa
“ uy, okay ka lang?”
Tae! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya arrgghh!!!
“ ah eh ano,kasi a-ano eh inaantok na a-ako, oo tama, inaantok na ako, bukas na lang natin tapusin” ang pagpapalusot ko. Shit! Gumana ka please!

“ ah ganun ba, sige. Pagod na rin ako e” haaaayyysss! Buti kinagat nya

Pinipilit nyang sa lapag na lang sya matutulog pero I insist, doon na lang sya sa kama at ako na lang sa lapag, hanggang sa nagtalo kami at ang resulta? Ayun. Tabi kami sa kama.

Ilang minute pa ang nakalipas ng tignan ko sya na mukhang mahimbing na ang tulog. Pero ako? Gising na gising ang diwa, ultimo sa utak ko nag aappear ang mukha nya. Pero shit! Bakit ganito? Parang may mali. Yung labi nyang maninipis, yung pisngi nyang kay kinis kinis at higit sa lath,, ang mata nyang mapang akit.

Wtf nil! What are you thinking?!

Is this?

Is this love?

Naahhh. Ang bilis naman?!

Pero paano kung love nga?!

Love sa kapwa ko lalaki?! WHAT THE EF!

Buong gabi ako hindi mapakali and it turns out na halos mag uumaga na ako nakatulog.
Habang mahimbing na mahimbing ang pagtulog ko, nakaramdam ako ng bigat sa may bandang dibdib ko pero parang, parang ang sarap sa feeling?

Am I dreaming or what?

Hanggang sa lalong humigpit ang pagyakap ng kung sino man, ng imulat ko ang mata ko.

O.O

Si Xander nakahiga sa braso ko at yakap yakap ako!!!!!
Shit! Bat ganito tibok ng puso ko? Parang hindi normal! Potek. Nahawaan na ata ako ni Stephan haha.

Pero kasi, ang sarap sa pakiramdam eh, tinignan ko lang ang orasan sa tabi ko at 6:38 pa lang, kaya,

Kaya ninamnam ko ang sandaling ito ang niyakap din sya pabalik. Pero kapg dumating ang 7 am ay tinatanggal ko na rin para hindi sya makahalata. Ang sarap lang talagang pagmasdan ng mukha nya habang natutulog. Hanggang sa nagging daily routine ko yun ng one week at nung last day nya sa pag stay nya dito?

Hindi na ako nakapagtimpi pa at hinalikan ko na sya sa labi. Doon ko natagmpuan ang sagot na hinahanap ko. Walang duda, mahal ko na ata tong bulinggit na’to

( end of flashback)

OO, MUKHANG MAHAL KO NA SYA! At ang tanga tanga ko par gawin sa kanya yun. Natakot lang naman ako nab aka hindi matanggap ng “ itinuring” kong mga kaibigan kung sino ako at kung sino ang mahal ko. Natatakot akong layuan nila ako, sila lang naman ang mga kaibigan ko eh. Pero hindi ko naman kayang ipagpalit ang taong nagbigay kulay sa boring na buhay ko. Kaso wala eh, naunahan ang ng peer pressure. Naunahan ako ng takot at pangamba. At ngayon? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Matapos ang klase ay lagi kong binabalak na kausapin sya pero lagi syang umiiwas. Aminin ko man o hindi ay nakaramdam ako ng takot at pangamba, takot nab aka hindi na nya muli akong kausapin at pangamba na maaaring iyon na ang huli naming pag uusap. Masakit man pero kailangan kong tiisin ang pag iwas nya. Kasalanan ko naman eh. Kakausapin ko sana sya ngayon pero nagtaka lang ako ng hila hila sya ni jiji papalabas at isinakay sa kotse kasama pa ang iba nilang mga kaibigan.

Susundan ko sana sya ng harangin ako ng mga kaibigan ko

“ ey, san ka pupunta?” ang pambungad ni cristy
“ susundan ko lang si xander” ang malumanay kong sagot
“ are you crazy nil? That jologs and cool wanna be? Hahabulin mo yun? Don’t tell me, gusto mo syang kaibiganin? Duh? Anong tapat nyan samin no?” ang ingratang sagot ng isa ko pang kaibiganin

“ hindi ko lang sya gusting kaibiganin, mahal ko na sya kaya kung pwede ba tigil tigilan nyo ang panglalait sa kanya?!! Isa pang lait, baka kalimutan kong kaibigan ko kayo” ang nanggigigil kong sabi sabay walk out pauwi.

This week breaks my heart little by little. Gusto kong mabuo sya sa susunod na araw at umaasang si xander ang bubuo nito. Mabilis man sa nyong paningin, kaso wala eh. Pag inatake ka talaga ni kupido wala ka ng magagawa.


Xander’s POV

It’s been 2 days, 2 days na akong pinag eeksperementuhan ng mga ‘to. Ano na bang nangyayari, sa tuwing may gagawin sila sa akin ay lagi akong nakablind fold. Para silang mga timang na ewan. Haynako bahal na sila. At ngayon naka blind fold nanaman ako. Potek na buhay to.


“ finally! Ariel happened to you” ang bulalas ni jiji
“ ready ka na?” ang sabi ni bev
Napa tango na lang ako ng walang dahilan hanggang sa tanggalin nila ang blind fod ko pero medyo matagal bago ako makarecover sa sobrang dilim na dulot ng blind fold. Hanggang sa unti unti kong nakita ang itsura ko sa salamin.

Sobrang gulat ko ng makitang ibang iba na ang itsura ko kumpara noon. Mula buhok, mga binigay nilang damit at mga creams na iaapply sa mukha

“ mygadd!!! Ang gwapo mo pala sobra xander! Shet! Asawahin moko!” sigaw ni bev
“ hindi pwede, di kayo talo, si nil lang gusto nyan” ang sabi naman ni jiji. Agad ko lang syang inandilatan ng mata at nakuha pa nyang mag peace sign.
And yes, mula ng araw ng hindi ko pagpapansin sa kanya ay nakaramdam ako ng guilt sa tuwing lalapit sya sa akin para kausapin ako pero lumalayo lang ako ng basta. Hindi ko namamalayang gusto ko na pala sya, ara akong timang na umaaasang pagtapos ng klase ay lalapit sya sa akin tapos lalayo ako. Para akong gago na umaaasang tinitignan nya ulit ako habang wala kaming guro sa loob ng classroom. Hindi ko namamalayang nagugustuhan ko na pala sya pero lagging natatakpan ng galit ko sa kanya.

“ for sure bukas maglalaway silang lahat sa’yo. Tignan lang natin ang bagsik mo. Haha gaddd! Pakiss xander!!” bulalas ulit ni bev.

Dumating ang Monday at lumabas na ako ng dorm. Hindi na ako nagtaka kung bakit marami na ang tingin ng tingin sa akin dahil ibang iba ako kumpara noong unang hindi ako pansinin ng tao. Pero ngayon? Halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin.
Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ang mga kaibigan ni nil at syempre ay sya na rin. Ng biglang sa di inaasahang pagkakataon ay lumapit si cristy

“ hi babe, bago ka lang ba dito? Anong section mo? I can be your sweetest nightmare baby” ang malanding boses ng punyetang to

“ sorry miss? Hindi moko kilala? Ako nga pala yung pinagtawanan nyo nung pahiyain ako ng kaibigan nyo” sabay tingin kay nil na halatang gulat na gulat sa nakikita nya.
At para naming estatwa si cristy na nakatingin lang sa akin kaya nilampasan ko lang.

Dumating ang ilang araw at ganoon pa rin ang nangyayari puro snob ang ginagawa ko habang pilit pa ring lumalapit si Nil.

Andito ako ngayon sa C.R dahil kailangan ko nanamang magbawas ng tubis sa nawasa dam, pero nagulat ako ng biglang tumunog ang lock ng pinto. Shit! Nalock ata ako!

Haharap n asana ako ng biglang may humila sa akin papuntang cubicle and it turns out na si nil pala ang taong yun

“ xander let me explain please” ang nagmamakaawa nyang sabi
“ you don’t need to explain. Wala ka naming maling ginawa eh. Tanga lang talaga ako na umasang kaibigan din ang turing mo sa akin”
“ patawarin moko kung nasabi ko yun, hindi ko naman ginusto yun pero naunahan ako ng takot na baka mabigla ang mga nakapaligid sa akin”
Naguluhan man, nanatili pa rin akong tahimik at nag iintay ng sasbaihin nya
“ akala ko nung una infatuation lang dahil magkasama tayo sa bahay pero hindi eh, mahal na kita xander. MAHAL NA MAHAL! At nasasaktan ako sa palagi mong pag iwas sa akin” hanggang sa nakita ko ang butil ng luhang dumaloy sa kanya.

Nakaramdam ako ng kung anong bumalot sa puso ko na para bang natutuwa sa narinig. Hindi ko namalayang inilalapit ko na pala ang mukha ko sa mukha nya ng bigla nya akong sunggaban ng halik. Halik na puno ng pagmamahal. Pero ako na rin ang bumitaw
“ pasensya na kung nagalit ako, nasaktan ako eh, pero sa mga araw na ginagawa ko yun sayo eh nakaramdam din ako ng guilt, at hindi ko namamalayang mahal na rin pala kita”

“ s-so, ta-tayo na?” ang nauutal nyang sabi marahil sa gulat ng nalaman nya
Hindi ko na sya sinagot pa bagkus halik ang nagsilbing sagot para malaman nyang OO ang sagot ko sa tinatanong nya.

Minsan sa love hindi nating namamalayan na nahuhulog na pala tayo sa kanila dahil malalaman na lang natin ito kapag wala na sila sa ating paningin ang piling. You may be unconsciously inlove to a person because love moves in mysterious ways and no one can stop from it.


Thursday, May 21, 2015

Unconsciously Inlove (2 parts) Short Story



Author’s Note.
Hi guys! Haha! It’s axel again mah men! Bored kasi ako kaya gumawa ulit ako ng story haha pero hindi ito mahaba. Short story lang to hehehe. Siguro mga 2 chapters lang ito haha kaya pagpasensyahan nyo na. pero sana magustuhan nyo hahaha!

Laview all.




Uncosciously Inlove


Xander’s POV

“ opo nay, mag iingat po ako doon, magtetext din po ako kapag may matitirang pera sa allowance na ibibigay sa akin school, wag nyo po akong intindihin, kakayanin kop o ang sarili at pangako po nay, iaangat ko kayo sa kahirapan ni tatay at ni ineng.” Ang pangako ko sa aking inay.
Ako si Xander Martinez, isang probinsyanong nangangarp na maiahon ang pamilya sa kahirapan. Isang kahid isang tuka ang aking kinagisnang pamumuhay ditto sa malaking kabukiran ng bicol, ngunit sa labis na pag sisikap ko sa aking pag aaral at pagiging malakas sa larangan ng balibol ay nakakuha ako ng isang scholarship sa maynila kung saan libre lahat ng aking pangangailangan sa pag aaral. Ito lamang ang aking susi upang makamit ang aking tagumpay. Laking pasasalamat ko rin ng makatanggap ako ng isang cellphone mula sa aming punong barangay ditto sa aming purok.

“ basta anak kahit anong mangyari, wag kang magpapadala sa bugso ng damdamin mo, mahirap sumabak sa maynila lalo na kung wala kang kaalam alam doon. Kung maaari nga lamang, huwag kang makikipagkaibigan sa di natin kauri. Mahirap ng ikaw pa ang mapagdiskitahan” ang bilin ni inay

“ sabihin mo sa amin anak kung anong pwede naming itulong ha? Nandito lang kami ng inay mo” ang paalala naman ni itay.

“ kuya kapag bakasyon mo uwi ka ah, tapos dala moko yung Barbie hehe” ang pilit na pagpapacute ni ineng. Ang aking kaisa isang kapatid.

Batid man sa kaalaman ng iba, hindi kami ganoon katatas magsalita ng isang pagiging bikolano, dahil ang kwento sa akin ni itay noong nagkaroon na ako ng isip, sa maynila rin daw sila nakatira noon ni inay ngunit dahil sa kahirapan ay naisipan nilang dumito na sa bicol sa tulong na rin ng pamilya ni tatay. Mahirap man pero kuntento na ako sa kung anong meron ako.

Likas rin naman na alam nila kung anong pagkatao ang meron ako. Isa ako sa mga tinatawag na ikatlong lahi ngunit hindi ko sinubukang magdamit babae dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako.

“ at isa pa, huwag na huwag kang magboboypren doon anak! Mahirap na at baka lokohin ka lang ng mga yun” ang kabilinbilinan ni itay

“ itay naman eh, pag aaral po ang aatupagin ko dun, sabi nga nila diba, aral muna bago landi haha” ang pilit na pag papatawa ko sa kanila

Nandito na kami ngayon sa bus terminal kung saan hinihintay ko ang aking pag alis. Di ko man mawari pero bakas sa mga pagmumukha naming ang lungkot ng mawalay sa isa’t isa. Ganito pala ang pakiramdam na malayo ka sa pamilya mo. Lalo na kung ilang taon pa ang ilalagi ko sa maynila. Hanggang sa tuluyan na akong nag paalam sa kanila dahil aalis na ang bus.

( makalipas ang halos 15 oras na pagbyahe)

SA WAKAS! Nakarating din sa maynila. Grabe lang ang dinanas kong gutom, may baon naman ako dahil pinabaunan ako nila inay ngunit sinadya kong hindi talaga kumain ng marami dahil sa totoo lang, kapag ganito kalayong mga byahe eh sirain talaga ang tyan ko haha!
Agad ko lang hinanap si sir paul na sinasabing tutulong sa akin pagpunta sa school na papasukan ko dahil doon narin ako maninirahan dahil may mga dorms na naroroon para sa mga atletang tulad ko.

Ng Makita ko sya ay agad akong nagpakilala at dumiretso na kami sa school na papasukan ko. Hindi ko lang maipinta ang mukha ko sa sobrang laki ng school na papasukan ko. Halos hindi ko na ipikit pa ang aking mga mata sa mga natataasang gusali ng paaralang ito. Parang ayoko na tuloy ituloy to kaso nandito na eh. Kailangan ko na lang sigurong makibagay sa mga tao rito.

Habang naglalakad kami ni sir paul ay pinagtitinginan ako ng ibang estudyante rin ata dito

“ look at him, estudyante bayan ditto o bagong maintenance worker? Haha. Kadiri ang fashion statement ha. Haha!” saad ng isang babae na nakatingin sa akin habang kausap ang iba pa nyang kasama. Lima silang magkakasama pero napukaw ang aking mata sa isa nilang kasama dahil tahimik ito ngunit hindi maipagkakailang lumilitaw ang angking kakisigan sa pagkatao nito.

Ayyyssh. Ano bay an. Sinabing aral muna ago landi xander eh!

“ hayaan mo yun, wag mo ng pansinin, magfocus ka na lang sa kung anong pakay mo rito,  pabayaan mo na yung mga yun” pag papaalala ni sir paul
Tama sya, kahit mukhang pangmayaman ang eskwelahang ito ay itutuon ko na lang ang aking sarili sa pag aaral. Tama sila inay, hindi dapat ako makipagkaibigan sa mga hindi ko katulad na dukha.

(dumating ang araw ng pagpasok ni xander)

Agad lang akong nagbihis pagkatapos ng training ko sa volleyball, nakilala ko na rin ang aking mga kateam mates at buti na lang ay kahit papaano ay may mga katulad ko na mahihirap din yun nga lang lamang pa rin ang mayayaman pero ang pinakamaganda roon ay lahat sila ay mababait angt rato sa akin. Kaya hindi ako nahirapang makisalamuha sa kanila.

Matapos kong magbihis ay tinungo ko na ang room na papasukan ko, wrong timing nga naman, parang halos lahat sila ay naroroon na at hindi ko maipagkakailang naiilang ako sa mga tingin nila na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Winalangbahala ko na lang at naghanap ng mauupuan, habang iniikot ko ang aking mga mata ay nakita ko lang ang isang babae na kumakaya na parang tinatawag ako.

“ uy ikaw! Dito ka na lang, bakante naman to eh” ang sabi nya. Kaya agad kong tinungo ang lugar na sinasabi nya. Matapos kong makaupo ay nagpakilala sya sa akin

“ hi! Ako nga pala si jiji, ang dyosa ng kagandahan haha!” sabay lahad nya ng kamay.

“ ah eh, xander po” sabay ngiti sa kanya
“ wag mo nga kong pinopo eto naman haha! So friends na tayo okay?” para naman akong naestatwa sa sinabi nya

“ h bakit ganyan itsura mo? Ayaw mo ba?” ang sabi nya. Hindi naman sa ayaw ko pero mababakas kasi sa kanya ang karangyaan ng buhay kaya sa tingin ko hindi ako nababagay na makipagkaibigan sa kanya

“ ah ano kasi eh, mahirap lang ako” ang pilit na pa gamin ko
“ and so? Ah, naiilang ka kasi mayaman ako tapos mahirap ka ganon? Kaya feeling mo hindi ka nararapat na makipagkaibigan sa tulad ko ganern?” grabe naman tong babaeng to straight forward!
“ ah oo eh” ang nahihiyang sabi

“ ano k aba, hindi naman ako tulad ng iba dyan no, hindi ako namimili ng kaibigan as long as nasesense kong mabuti sila, kinakaibigan ko, kaya wag kang mag alala sa akin, akong bahala sayo. Mamaya papakilala pa kita sa iba nating classmates na kaibigan ko rin.”

Habang nag iintay ng guro, iniikot ko lang ang aking paningin ng sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang imaheng nagpatigil ng pagtibok ng puso ko. Sya yung taong nakita ko na kasama nung mga babaeng pinaguusapan ako nung nakaraang araw. Hindi ako pwedeng magkamali.

“ uy! Sino yang tinitignan mo? Nako ikaw ha! Tinitignan mo si nil ah! Sinasabi ko na nga ba eh! Hahaha!” ang pagsingit ni jiji
“ ah eh ano kasi”

“ wag ka ng magkaila nako, nasense na kita kanina haha, don’t worry tanggap pa rin kita haha, alam mo yang si nil, kaklase na namin yan simula first year, pili lang mga kinakaibigan nyan, yung tipong kauri lang nya na mayayaman”
“ ah ganon ba, ano kasi eh, feeling ko naman na mabait sya hehe”

Hanggang sa dumating na ang guro namin.

Batid sa inyong kaalaman, ako ngayon ay nasa ikatlong taon na ng highschool at nalipat ako ditto dahil para maging atleta at pambato ng school na ito.

Buong oras ng klase ko inisip si nil, nil pala ang pangalan nya, totoo nga ang sinasabi ni jiji, halatang pinipili nya ang kinakausap nya pero karamihan naman ng klase ay kinakausap nya yun nga lang, parang wala akong tyansa na makausap sya dahil mahirap lang ako.

Dumaan ang buong week at masasabi kong masaya naman ako dahil sa tulong ni jiji, dumami rin ang aking mga kaibigan at laking pasasalamat ko sa kanila na tanggap nila ako kahit magkaiba kami ng mga estado sa buhay. Sa ngayon lima silang maituturong kong kaibigan ko dito sa school

Nakikita ko rin minsan ang mga kaibigan ni nil na pinag usapan ako nung unang araw ko rito at nangutya sa aking noong isang araw

(flashback)
Mayroong isang araw ang mga estudyante kung saan Malaya silang isuot ang kung anong gusto nilang damit at ngayong araw ay nahihiya akong lumabas ng dorm. Nahihiya akong lumabas dahil sa suot ko na mukhang di kaaya aya sa paningin ng iba. Hindi naman kasi ako nagpapabili ng damit sa aking mga magulang dahil sapat lang ang kinikita ni itay sa pang araw araw naming pamumuhay. Kaso naisip ko kung hindi ako lalabas ay  hindi ako makakapasok sa klase, kaya napagdesisyunan kong pumasok na lang.

Habang naglalakad sa hallway, kita ko lang ang mga tingin ng tao sa akin hanggang sa magtama ulit ang landas naming ni chari, na pangalan pala nya at ang kaibigan ni nil na sinasabi ko.

“ O.M.G I like your outfit” sabay ngiti nya sa akin

Wala akong masabi kaya ngumiti na lang ako at nagpasalamat

“ hahaha! Funny, sang lupalop ng earth o nakuha ang ganyang style, kadiri ha, I wonder kung pano ka nakapasok sa school na’to haha! Get out freak!” sabay tulak nya sa akin. Habang ang ibang taong naroroon ay pinagtatawanan ako

Dahil sa sobrang kahihiyan, tinungo ko lang kaagad ang room habang may mga luhang pumapatak sa aking mga mata

“ oh?! Anyare sayo?!” pambungad ng aking mga kaibigan

Hanggang sa naikwento ko sa kanila ang nangyari

“ ang kapal ng mukha ah, kala mo kung sino. Wag lang magtagpo ang landas naming ng haliparot na yon nako!” ang nanggigigil n sabi ni jiji

“ okay class listen, today we’re going to have an activity, this activity requires a 2 week interval para matapos nyo yung activity. And now I am going to assign your pairs” ang panimula ni mam.
Medyo kinabahan naman ako dahil baka hindi si jiji o yung iba ko pang kaibigan ang makapartner ko mahirap na.

Hanggang sa tinawag na ni mam isa isa ang mag papartner pero wala pa rin ako
“ okay, the last partners would be Mr. Martinez and Mr. Costales”

COSTALES?!!! Si nil ang partner ko?!!!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Simula nung unang araw ay ramdam kong ayaw nya sa akin dahil alam kong iniiwasan nya ako. Tapos ngayon?! Mag partner kami?! Potek

“ haha! Uy kinikilig sya!” pang aasar ni jiji

“ okay, now I want you to sit beside on your partner at pag usapan kung ano ang gagawin nyo para sa activity na ito”
Inantay ko lang si nil na luminga linga pero para syang walang pakialam kaya naglakas loob na akong lumapit sa kanya

“ h-h-hi.” Sabay pilit na pag ngiti ko. Tinignan nya lang ako na para bang hindi interesado sa nakikita nya. Kaya kahit wala syang pasabi ay umupo ako sa tabi nya at nagbigay ng distansya sa aming dalawa

“ di na ko magpapaligoyligoy pa, doon na lang tayo sa bahay naming gumawa. Tapos. Makakaalis ka na” ang sabi nya sabay lahad ng cellphone nya

Hindi na ako nag expect. Ano pa nga bang aasahan ko? Natural. Alam ko nan gang ayaw ng tao sa akin aasa pa akong pwede ko siyang kaibiganin?

Pagkatapos ng klase agad lang akong dumiretso ng dorm dahil hindi ko na kinaya pa ang kahihiyan sa aking sarili

( end of flashback)
Ngayon na rin pala ang pagpunta ko sa bahay nila Nil. Akala ko doon lang naming gagawin, di ko inaasahang doon din pala muna ako titira sa kanila hanggang matapos naming ang activity na pinapagawa ni mam. Aminin ko man o hindi, naexcite ako ng sobra dahil makakasama ko sya kahit papaano.

Ng makarating kami sa kanila, ganoon pa rin sya, walang imik at parang hindi ako nag eexsist. Pero iwinalang bahala ko na lang.

“ maraming nakatambak na gamit sa guest room dahil inaayos pa, kaya doon ka na lang sa kwarto ko” ang diretsong sabi nya sabay akyat sa taas.
Para naman akong naestatwa sa sinabi nya. Ako? Sya? Magkasama sa isang kwarto? Nakakahiya yun!
Agad ko lang syang sinundan at dali dali ring umakyat patungo sa kwarto nya at bago pa sya makapasok

“ ah nil, doon na lang ako, sanay naman ako sa ganoong lugar, nakakahiya naman kung dyan pa ako sa kwarto mo matutulog” sabay labas ng natural kong ngiti.

“ ah eh, no, I insist. Dito ka na lang masyadong madumi doon” sabay ngiti nya rin sa akin. Para naman akong nalusaw sa ngiti nyang yun waaaah!!!

Ng makapag ayos na ako ng gamit, tinawag lang ako ng isang kasambahay nila upang sabihin na nakahanda na raw ang hapunan kaya bumaba na rin ako. Nagtaka lang ako kung bakit si nil lang ang nakaupo sa hapag kainan ng walang kasama. Pero iwinalang bahal ko na lang.

Ng makaupo ako, nalula lang ako sa mga nakahandang pagkain. Parang first time ko atang makakakain ng ganito.

Habang sya ay busy sa pag nguya, hindi ko pa rin ginagalaw ang plato ko dahil sa totoo lang nahihiya ako.

“ oh? Ayaw mob a nyan? “
Agad naman akong umiling
“kumain ka na ng makapag umpisa na tayo”
Hindi ko alam kung pano ako kakain, WALANG KUTSARA! Kutsilyo at tinidor lang ang nandito. Tae naman! Iba talaga kapag mayaman tsk.

Ng makakuha ako ng lechong manok at kanin nahirapan ako dahil walang kutsara kainis haha.
“ ah, nil, pw-pwede bang magkamay ?” yun kasi ang nakasanayan ko eh
Kita ko lang ang pagtataka sa mga mata nya pero agad din umoo.

Kaya walang ano ano ay SUGOD KAPATIRAN!

Halos hindi na ako makatayo sa sobrang dami ng nakain ko. Kita ko rin sa mga mata nung ibang kasambahay ang mga ngiti nila sa akin na tila bang natutuwa sa nasaksihan.

Hays. Ang sarap nun ah! Hahaha! Pag uwi ko sa bicol bibilhan ko sila inay nyan. Ang sarap woo! Puro kasi talbos ng kamote ang ulam namin e

Matapos naming kumain, umakyat na sa taas si nil samantalang ako ay dumiretso na sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan namin

“ nako sir ako nah o dyan, baka mapagalitan pa kami ni sir nil” saad ng kasambahay
“ hindi na ho, kaya ko na, ako na lang po para makapagpahinga nap o kayo”
“ nako sir di po talaga pwede, mapapagalitan kami”
Kaya wala na akong magawa kundi ipaubaya na sa kanya ang Gawain.
“ ah ate matanong ko lang, nasaan ang pamilya ni nil? Bakit sya lang nandito?”
“ nasa ibang bansa kasi silang lahat, doon na sila nakatira, si sir nil naman piniling manirahan dito dahil ayaw nya doon, mas gusto nya ditto”
“ ah ganoon po ba”
“ nako, alam mo bang ikaw lang ang kaunaunahang dinala nyan ditto”

Nagulat man ako pero hindi ko ipinahalata

“ po? Ba-bakit po?”
“ medyo masungit kasi yan si sir eh hehe nako wag kang maingay ha satin satin lang yun”

“ at alin ang sa inyo lang ate doris?” ang biglang singit ng isang boses. Aya agad kaming napabalikwas sa aming kinatatayuan. Bakas sa mukha ni ate doris ang kaba kaya ako na ang nagsalita

“ ah ano kasi, parehas kami ng probinsya, yung boypren nya kilala ko hehe”

“ sigurado ka? Parang iba narinig ko eh?”
“ opo sir yun poi yon”

“ o sige. Umakyat ka na ng maupisahan na natin ang activity nay un”

Nginitian ko lang si ate doris saka umalis sa kinaroroonan ko. Ng makarating kami sa kwarto nya ay namangha ako, sobrang dami ng collections, at halatang mahal ang bawat isa.

“ ehem!” at muli akong bumalik sa aking ulirat
“ ay pasensya na, tara umpisahan na natin”

Medyo mahirap hirap ang gagawin naming, kailangan naming gumawa ng solar system, hindi basta basta, kailangang maganda dahil ditto nakasalalay kung ma e exempt kami sa major exam naming sa science kaya kailangan naming gandahan. Nakaready na rin ang mga materyales kaya hindi na kami nahirapan.

Hati kami sa gagawin. Sya ang mag uukit nung mga bilog at ako naman ang magpipinta ng bawat isa, mahirap man sa una pero alam kong kakayanin namin ito.

Ilang oras na rin kaming gumagawa at wala talagang pansinan dahil busy sa kanya kanyang ginagawa, alas dos na rin pala ng madaling araw at kailangan pa naming pumasok ng alas otso. Kaya napagdesisyunan kong magpaalam kay nil na ipagpabukas na lang ang gagawin. Pero bago ako mag salita, nakita ko lang syang nakapikit na at halatang mahimbing na ang tulog.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na pagmasdan sya sa mala anghel nyang mukha. Mukha syang mabait pero gaya nga ng sabi ko, pinipili lang nya ang kakausapin nya kaya di na ko umaasa pang magiging magkaibigan kami. Agad lang akong kumuha ng kumot at unan para makatulog sya ng maayos. Hindi ko naman sya kayang buhatin no, mas malaking tao sakin to. Haha.

Lumipas ang mga araw at nakikita kong medyo maayos na ang pakikitungo nya sa akin pero pagdating sa school ay ganoon pa rin sya, parang hindi ako kilala.

At ngayon ang huling araw ng pag gawa namin ng solar system, almost done na talaga at masasabi kong perfect ang gawa namin.

“ yes! Sa wakas. Okay na! wohhooo!!” ang di ko mapigilang pag burst out ko.
Pero isang tipid na ngiti lang ang ibinigay nya
“ yun lang? isang tipid na ngiti lang? ang hirap kaya gawin nito. For sure mananalo tayo!” ang sabi ko sa kanya. Medyo nakakabiruan ko na rin kasi sya pero hindi ko alam kung kaibigan din ba ang turing nya sa akin
“ ah hehe, pasensya na pagod lang”

Matapos naming gumawa ay nagpahinga na rin kami dahil tama sya, pagod na rin talaga kami at anong oras na.

Kinabukasan

Science time na at excited ako na ipasa ang gawa namin, dahil di naman maikakaila na sa amin ang pinakamagandang gawa eh hehe. Yabang! Pero base sa mga nakikita ko, alam kong malaki ang laban naming dahil marami ang pumupuri sa gawa naming, yun nga lang, si nil ang pinupuri nila hindi ako.

“ okay, congratulations Mr. Martinez and Mr. Costales, kayo ang may pinakamagandang gawa sa lahat, you are now safe to take the final exam”

“lupit mo xander! Talino mo talaga!” ang pagsingit ni mike, isa sa mga kaibigan ko.

“ syempre, bestie ko ata yan no” ang pang bibida naman ni jiji.
Lahat sila ay nagpalakpakan at puro papuri kay nil.

“ hayaan mo na sila, ang mahalaga alam mong pinaghirapan mo rin yan” ang sabi ni jiji
“ oo nga, at dahil dyan, kakain tayo, my treat. Para naman makagala tong si xander school dorm school lang ata hobby nito eh” ang pagsabi naman ni mike.

Dumating ang breaktime at lahat sila ay nagsilabasan na, usually pag ganitong oras ay dumidiretso ako sa dorm para doon kumain. Ngunit habang nag lalakad ako ay nakita ko ang tropa ni Nil at syempre sya na rin.
Nilakasan ko lang ang loob ko para lapitan sya para batiin sa pagkapanalo namin.

“ hi nil! Congrats satin, sabi sayo eh mananalo tayo hehe” ngunit himbis na makakuha ako ng sagot mula sa kanya ay para syang tuod na nakakita ng multo.
“ nil? Don’t tell me kaibigan mo yang promdi nay an? Haha ew ha, your taste nil.” Ang sabi nung isang babae

“ ah hindi, di ko yan kaibigan, ako? Makikipagkaibigan sa kanya? Haha. You’re out of your mind cristy. Nagging kagrupo ko lang sya. Btw, congrats din, pwede ka ng umalis” ang sabi nya sa akin.
Halos madurog ang puso ko pagkatapos marinig ang mga sinabi nya. Parang masyadong niyurakan ang aking pagkatao.

Hindi naan ako nag asam na kaibiganin pa sya eh dahil alam ko naman, gusto ko lang naman syang batiin sa pagkapanalo namin.

Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako papuntang dorm. At ng makarating ako ay tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko.

Siguro nga mahirap makuha ang loob ng taong hinahanggan mo lalo na kung mag kaiba kayo ng estado sa buhay. Wala eh. Ganoon talaga.

Hanggang sa napagdesisyunan kong lumayo na lang sa kanya at ituring din syang hindi nag eexist gaya ng pagtataboy nya sa akin.



FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails