Maraming salamat sa mga nagcomment, at patuloy na bumabasa sa story na ito! I can't believe na sinusubaybayin niyo pa rin ang buhay ng mga tauhang ito. I really appreciate it! :)
Important announcement: Kaya hinabaan ko ang update ngayon, dahil baka hindi ako makapag-update sa mga susunod na araw, for various reasons. Una, because it's a time of mourning for our family and I need to pay my respects and commit myself as a member of our family. Pangalawa, dahil peak of academic requirements submission sa susunod na Linggo, so kailangan kong magfocus. But don't worry, hindi ko naman ititigil ang pagsuslat. May ilang chapters pa before the finale (which finally! nangangalahati na ako, so malapit ko na 'to matapos).
I hope you don't leave me hanging kahit matagalan ang susunod na update.
Comment on what you guys think! It's one of the longest chapters I've written, and not to mention, one of the main highlights of this series, so I'd really appreciate to know what you think.
And without further ado, here's Chapter 33! :)
Happy Reading!
--
Chapter 33
Matt.
Tahimik kami mula nang makasakay at
makalabas ng elevator, maging hanggang sa marating namin ang pinakatuktok ng
hotel. Bakas sa mukha ni Josh ang pagkabagabag mula sa mga bagay na nangyayari
sa kanya. Nawala ang buhay ng mga mata niya, at tuluyang naging malamlam. Ang
mga ngiting madalas kong nakikita, at ang mga ngiting nakapagpa-ibig sa akin ay
tila nababawasan na. Lalo pang umiigting ang aking kagustuhang tulungan siya,
at ipagtapat ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya ngayong nakikita kong siyang
nahihirapan.
Gusto kong iparamdam sa kanya na may isang
taong handang magmahal sa kanya na kailanman ay hindi siya iiwan.
--
Josh.
Kasalukuyan kaming nakadungaw sa rooftop
ng hotel ni Matt, pilit ineenjoy ang tanawin at ang malamig na simoy ng hangin.
For the first time, I actually felt peace. Masyado akong naconscious sa mga
bagay na nangyari nitong mga nakaraang araw; mula sa tampuhan namin ni Matt,
hanggang sa mga nangyari sa amin ni Gab kagabi. In a way, thankful ako dahil
dinala ako ni Matt dito. Tamang-tama ang set-up, na siyang ikinakalma ng senses
ko.
Walang nagsasalita ni isa sa aming dalawa,
tila nagkakaintindihan kami na hindi ito ang tamang panahon para sa isang
usapan. Alam kong may ideya na si Matt na may mga bagay na bumabagabag sa akin,
at nagpapasalamat ako, dahil hindi pa naman siya nangangahas na magtanong.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
At dito ay biglang nagbalik ang ilang
alaala, mga alaalang lalong nakapagpalungkot sa akin, mga alaalang nagpaalala
sa akin kung paano ko siya minahal.
Flashback
Nandiyan siya kapag kailangan ko siya.
Nagising
ako sa pagring ng aking cellphone. Nang tingnan ko ang orasan ko sa may
dingding ay nakita kong alas-siyete pa lamang ng umaga. Kinuha ko ang aking
cellphone at nadatnan ko ang pangalan ni Gab doon. “Argh!” reklamo ko, dahil
biglang naistorbo ang aking mahimbing na tulog. Tumayo ako sa kama at sinagot
ang telepono. Pagtayo ko ay agad-agad din naman akong napatumba pabalik ng
kama. Bigla kong naramdaman ang pamimigat ng katawan ko, ang sakit ng ulo, at
ang lamig ng paligid.
“Tangina,
nagtuloy pala.” di ko makapaniwalang pahayag, sa kadahilanang nagtuloy ang
simpleng binat ko kagabi, at palagay ko ngayo’y tuluyan na akong nilalagnat.
“Gab?
Ang aga pa. Bakit ka nambubulabog agad?” matamlay kong tugon sa kanya, at
matapos ay bigla-bigla akong naubo. “Uy, okay ka lang, bes? Hindi maganda tunog
ng boses mo.” nag-aalala niyang tanong. Kinuha ko ang kumot ko at dali-daling
ibinalot sa katawan ko. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita kong sarado naman
ang aircon at mataas ang araw sa labas. “Ahhh, wa-walaaa, okay lang ako. Bakit
ka ba napatawag?” nanginginig kong tugon. “Sinong kasama mo diyan?” seryosong
tanong niya. Naubo ako bago muling makasagot. “Wala. Nagpunta si mama sa tita
ko.” tugon ko.
Nagtaka
na lamang ako nang bigla niyang ibinaba ang telepono.
“Ugggh,”
singhap ko, dahil sa nararamdaman kong bigat ng katawan. Sinubukan kong matulog
muli.
--
Naramdaman
ko na lamang na may mga kamay na yumuyugyog sa katawan ko.
Pagdilat
ko ay laking gulat ko nang madatnan ko si Gab, nakakunot ang noo akong pinagmamasdan.
“Uy.” matamlay kong bati. “Tangina ka. Ang taas ng lagnat mo. Oh heto, ginawa
kita ng noodles.” sabi niya sa akin. Tinulungan niya akong ilapat ang katawan
ko sa headboard ng kama para makakain ako ng maayos. Tiningnan ko naman ang
ginawa niyang noodles. Napangiti ako sa loob-loob ko, dahil naappreciate ko ang
ginawa niyang ito para sa akin.
Napabuntong-hininga
siya.
“Oo
na. Sorry iyan lang ang nakayanan ko. Alam mo namang napakagaling ko sa
kusina.” sarkastiko niyang reklamo sa akin. “Ay, hindi ganoon, Gab. Mukhang
masarap nga, eh.” sinsero kong depensa sa sarili ko. “Buti na lang natawag ako
sa’yo, kundi baka kung ano na nangyari. Huwag mo na akong pag-aalalahin.”
malungkot niyang pahayag.
Inalagaan
at binantayan niya ako magdamag hanggang sa gumaling ako.
Hindi ko alam na iyon na pala ang simula.
---
Siya rin ang nagpapalakas ng loob ko.
“Bes,
calm down!” iritang turan sa akin ni Gab.
“How
the fuck do I calm down?! I didn’t sign up for this!” pabalang kong sagot sa
kanya. Napailing siya at napabuntong-hininga. “Look... I know na naiinis ka sa
akin, because I put your name in there. Pero the thing is, kasi... I trust you.
I believe in you. Alam kong kaya mo, eh. Kaya ikaw ang napili kong
mag-intermission number sa program. Sinasayang mo ‘yang talent mo, because of
your lack of self confidence. You need to grow some balls!” kalmado niyang
pagpapakalma sa akin.
“Magkakalat
lang ako, Gab!” balik ko, tila hindi natinag sa sinabi niya.
“Look,
just think that... when worse comes to worse, if magkalat ka man, but God knows
that won’t happen, I’m still here to support you. I’m your number one fan...
okay, medyo cheesy ‘yung last part, pero sige ngayon lang haha. Sige, bes! Kaya
mo ‘yan!” pagccheer niya sa akin. Natawa na lang ako, dahil bihirang ilabas ni
Gab ang ganitong side niya.
And
because of that, I’ve managed to evade stage fright. Natawa pa nga ako, dahil
sumisigaw pa siya habang kumakanta ako, which earned him some raised eyebrows,
dahil hindi niya ugali iyon. To the school, he’s this professional, aloof, and
intimidating leader... but to me, he’s the greatest bestfriend one could ever
dream of, but during that day, I dreamt of something more...
Nang araw na iyon ay napagtanto kong mahal
ko na pala siya.
---
Pero hindi araw-araw ay masaya.
“Bes!”
aligaga at ngiting-ngiting salubong sa akin ni Gab. Naweirduhan naman ako sa
inaakto ni gago ngayong araw. “Ano bang meron at aburidong-aburido kang magkita
tayo? Ano ba ‘yung sasabihin mo, ha?” curious kong tanong. Nagulat na lamang
ako ng bigla niya akong yakapin.
“I
think I found my inspiration.” seryoso niyang sabi sa akin, habang mahigpit pa
rin ang pagkakayakap niya sa akin. Tumaba naman ang puso ko sa narinig kong iyon.
“Bakit, ano bang nangyari?” masaya kong balik sa kanya. It must be something
really special kung ganito ka-ecstatic si Gab.
“I
think I found it.” pagsisimula niya, bakas pa rin ang matamis na ngiti sa
kanyang labi. “Found what?” ngiti kong tanong sa kanya. I’m really happy when I
see him smile. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ng paligid tuwing nakikita ko
ang mga ngiti niya.
Shit,
matindi na nga ang tama ko.
“Uhhh,
the girl I want to court. I’ve decided to pursue Therese! Can you help me?” nahihiya
niyang turan sa akin.
Tulala.
Tulala
ako hanggang sa unti-unti ko ng naramdaman ang sakit, ang realidad na kahit
kailanman ay hindi maibabalik sa akin ni Gab ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Wow! Eh ‘di maganda! Oo naman, tutulungan kita! Basta balitaan mo ako kapag
kayo na, ha.” tugon ko. Sinubukan kong maging masaya—or at least magmukhang
masaya—para sa kanya. Diyan ako magaling, eh: sa pamemeke ng emosyon. “Oo
naman. You’re the best! Thanks, bestfriend!” dagdag pa niya, lalong
pinaparealize sa akin ang katangahan kong tulungan siyang manligaw kay Therese...
pero sa tingin ko hindi naman katangahan ‘yung ginawa ko, eh. Kamartyran
siguro, pero kasi naman, kapag mahal mo ‘yung tao, lahat gagawin mo para makita
lang siyang masaya.
Kahit
masaktan ka pa.
Akala
ko, dahil sa nangyari ay tuluyan ng mawawala ang pagmamahal ko para sa kanya,
pero nagkamali ako.
Dahil
ang sakit na nararamdaman ko ang lalong nagsasabi sa akin kung gaano ko kamahal
si Gab.
--
Bumalik na lamang ako sa ulirat nang bigla
kong naramdaman ang pagkalabit sa akin ni Matt. Nagulat ako sa sumunod niyang
ginawa, dahil hindi ko inaasahang aakbayan niya ako. Hinigpitan niya ang kapit
ng mga daliri niya sa balikat ko, tila sinasabing nandito lang siya para sa
akin. Hinawakan ko naman agad ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko, upang
iparating sa kanya ang aking pasasalamat.
Wala ni isang salita ang lumabas mula sa
mga labi namin.
--
Matt.
Nang tingnan kong muli ang relo ko ay
napansin kong mahigit isang oras na kaming nasa rooftop ni Josh. Wala ni isa sa
aming nagsalita. On my part, I did it out of concern, dahil alam kong kailangan
niya ng comfort. Kaya I thought of something. Ganito ang ginagawa ko tuwing may
bumabagabag sa akin. Hahanap ako ng aking secret spot kung saan tahimik, at
walang tao. I find solace in silence. Kaya nga tuwing may dinadala ako ay
pumupunta ako sa likod ng stage sa school as a rendezvous from everything in
this world. Kahit panandalian lamang ang pagtakas sa mga problema, hindi ko
maikakailang ang kahit panandaliang katahimikan ay nakakatulong upang hindi ka
tuluyang lamunin ng bigat ng mga pasanin mo sa buhay.
Niyaya ko na siyang bumalik sa kwarto
namin na siya namang sinang-ayunan niya agad sa pamamagitan ng pagtango. Habang
naglalakbay kami pabalik ng kwarto namin ay naisip ko na ngayon ko ng gawin ang
pagtatapat ko ng nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako
biglang nagkaroon ng lakas ng loob upang gawin ito ngayon, ngunit alam kong
parte ng kung anumang rasong iyon ay ang pagnanais kong pawiin agad ang lungkot
ni Josh sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanya na may isang taong handang
magmahal sa kanya.
And before I knew it, nakita ko na lamang
ang sarili ko sa kwarto namin.
Ito na talaga. Dapat masabi ko na kay
Josh. Pero napaisip rin ako. Tama bang ngayon ko isingit ang pag-amin ko sa
kanya gayong halata namang may mabigat siyang dinadala? Hindi ba’t parang
nagiging selfish ako? Should I wait a bit more? Pero naisip ko rin na kung
kailan ko pa masasabi sa kanya? Masasayang ang lahat ng pinaghirapan namin ni
Janine at ni Nikki. I should do this now. There’s no other way.
Bigla na lamang akong nanlumo sa susunod
kong naisip.
Paano kung i-reject niya ako? I’m
scared... no, scared is just an understatement.
I’m terrified.
Ito ang dahilan kung bakit ko tinanong si
Josh kanina habang kumakain kami ng lunch. I need to prepare myself just in
case this doesn’t work out... kung sakaling hindi niya ako mahal. Just the
thought of it... gusto ko ng maiyak, pero this is not the time for that. This
is not the time to be a coward. I need to be brave.
I need to man up!
--
“Josh, ano bang problema?” nag-aalala kong
tanong bago ako dalhin ng mga paa ko patungo sa kama niya.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto namin upang
magpahinga. Naputol ang pagmumuni-muni ko ukol sa pag-amin kay Josh nang
marinig ko ang mahihinang hikbi na nagmumula sa kanya. Agad-agad akong humiga
sa tabi niya at ikinulong siya sa isang mahigpit na yakap. Bigla siyang
napaigtad at binigyan ako ng nagtatakang tingin. Agad tumindi ang pag-aalala ko
nang makita ko ang mugto niyang mga mata.
“What the hell, Matt?” irita niyang
pahayag.
“What did I do wrong?” tanong ko, bakas
ang pag-aalala at pagtataka sa boses ko.
“That. Niyakap mo ako.” balik niya.
“Anong mali doon?”
“It’s not normal. Matt, please.”
“Gusto ko ang ginagawa ko. Just let me do
this, please.” ang mga salitang lumabas sa bibig ko bago ko pa mapigilan ang
sarili ko.
Hindi ako nakinig sa protesta, at imbes ay
binigyan ko siya ng isa pang mahigpit na yakap. If aamin na ako sa kanya, I
might as well go all out. Isa pa, gusto kong dahan-dahanin ang pag-amin ko sa
kanya. Ayoko siyang mabigla, seeing his state right now. At saka... baka hindi
ko na ito magawang muli kapag hindi niya matanggap ang pagmamahal ko.
“Josh, alam kong may dinadala ka. Ilabas
mo lang ‘yan.” mariin kong sabi sa kanya, habang yakap-yakap ko siya. At doon
ay naramdaman ko na lamang ang unti-unting pamamasa ng suot kong t-shirt.
Nararamdaman ko rin ang mahina niyang paghikbi. Bawat hikbing naririnig at
nararamdaman kong nangggaling mula sa kanya ay siyang hiling ko na mabawasan
ang bigat at sakit na kanyang nadarama.
Kusa akong kumalas sa yakapan namin at
hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Namasdan ko ang taong mahal ko habang
may ilang butil pa rin ng luha ang tumutulo mula sa mga mata niya. “Anong
nangyari, Josh?” seryoso kong pahayag.
“Bes, I don’t know. Wala akong kwentang
tao. Nasasaktan na ako, bes.” sagot niya habang napapailing.
“Don’t say that. Hindi totoo ‘yan. Kung
alam mo lang, Josh. I thank God everyday because you happened.” ngiti kong
pahayag habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
“Si Gab kasi...” pagsisimula niya.
At nalaman ko na nga ang nangyari kagabi.
I felt threatened, dahil mahal rin pala ni
Gab si Josh. Masakit, dahil nakikita ko siyang nasasaktan. Masakit dahil malaki
ang posibilidad na wala na akong magagawa, na wala na akong pag-asa. Ito lang
naman ang hinihiling ni Josh noon pa, ‘di ba? Ang mahalin siya ni Gab? So bakit
siya umiiyak? Hindi ba dapat ay masaya siya?
Matt,
magtino ka. Huwag mo ipahalata sa kanya ang kalungkutan mo! Kailangan ka niya
ngayon. pag-uutos ko sa
aking sarili.
“I don’t get it... hindi ba dapat masaya
ka?” tanong ko.
“Matt, kung alam mo lang... natatakot ako.
Hell, ito na! I rejected him! I’ve hurt him. Matt, only God knows how I felt
nang makita ko ‘yung mukha niya, his tears. I’ve ruined everything. Kahit
pagkakaibigan namin, Matt hindi ko man lang naisalba! Natatakot ako, bes. Ang
sakit palang magmahal...”
“Bes, I’m always here. Kakayanin mo ‘yan.”
pagputol ko sa kanya.
Natigilan siya ng panandalian.
“Why do you have to do that?” tanong niya
sa akin.
Ano ba ang pinagsasasabi ni Josh.
“Do what?” taka kong tanong.
“Everything, Matt! Bakit ang bait bait mo
sa akin? Bakit mo ba ako pinagtiyatiyagaan? Bakit hindi mo ako sinusukuan? Ano
bang meron sa akin at hindi mo ako maiwan-iwan kahit na maraming beses na akong
nagiging pabigat sa’yo? Bakit mo ako nililigtas tuwing pakiramdam ko matatalo
na ako, na mahuhulog na ako sa kawalan? Bakit, Matt?” sunud-sunod niyang
tanong.
Napaamang ako. I guess it’s time.
“Josh... it’s hard to start. Pero I guess
dapat sa simula ako magsimula.” I never intended this to be a speech, pero this
just goes to show how things can go out of plan.
“Hindi ka man maniwala, pero noong una
kitang makita... when I saw your eyes at kung gaano sila kalungkot, from then
on, I had this urge to help you. Gusto kong maibalik ‘yung sigla sa mga mata
mo. And bes, kahit kailan naman hindi ka naging pabigat sa akin, eh. Kung alam
mo lang kung gaano mo ako pinapalakas araw-araw. Like what I said, I thank God everyday dahil
dumating ka sa buhay ko.” sagot ko.
“Thank you, Matt. Basta, salamat talaga.”
sinsero niyang sabi habang nagkatitigan lamang kami.
Nagising na lamang ako sa katinuan nang
maramdaman ko ang kusang paggalaw ng katawan ko papalapit kay Josh. Hindi naman
siya tumutol. Mataman kaming nagkatitigan ni Josh. Sa mga oras na iyon ay
pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ni Josh ang tao sa mundo, na may parte kami
ng mundo na hindi mapapasukan ng iba, na sa amin lang.
Huminga ako ng malalim.
“Josh, ‘di ba sabi ko sa’yo sasabihin ko
na kung sino ‘yung taong minamahal ko? At gusto ko ikaw ang unang tanong
makarinig ng pag-amin ko sa kanya.” pagsisimula ko. Ngunit wala siyang tugon
bukod sa isang tango. Patuloy pa rin ang siyang nakatitig sa akin. Napadako
naman ang tingin ko sa mga labi niya. Napansin kong napapikit ang mga mata ni
Josh, tila alam ang susunod kong gagawin.
Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga
mata ko. I’m risking everything here. Iniisip ko pa lamang kung gaano ako
kasaya at kung gaano nag-uumapaw ang pagmamahal ko sa kanya ay naiiyak na ako.
Sa kabilang banda, lalong nakadagdag sa nagbabadyang mga luha ang posibilidad
na baka hindi ako tanggapin ni Josh matapos nito.
Muti ay pinagmasdan ko ang mukha ng taong
mahal ko.
At wala na akong sinayang na pagkakataon.
“I love you, bes.” pag-amin ko bago
tuluyang maglapat ang aming mga labi kasabay ng masaganang pag-agos ng luha
mula sa mga mata ko.
--
FAST
FORWARD
Natapos rin ang isang buwan naming
sembreak, at pasukan na.
Buong sembreak akong tuliro, at hindi
makausap ng matino. Hindi ako naglalalabas ng kwarto, hindi nagkakakain ng
maayos. Tuwing naalala ko ang mga nangyari matapos ng unang gabi ng field trip
namin ay hindi ko maiwasang hindi mapakali.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Pero
hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Ang layunin ko naman talaga ay ang sabihin sa
kanya. Masyado lang talagang makapal ang mukha ko at nag-expect ako na aamin
din si Josh after ko siyang halikan! Ang tanga tanga ko talaga.
Kaya nangyari na ang ikinakatakot ko.
Hindi niya ako pinansin matapos ng gabing
iyon. Parang nagsisisi tuloy ako. Hindi ko maikakailang sobrang nasaktan ako.
He rejected me. Hindi man niya sinabi sa akin directly, ang mga kilos naman
niya ang tila nagpapamukha sa akin noon. Ano pa nga ba ang sensible reason kung
bakit siya ganito ngayon sa akin? Rejection.
Only God knows if he’s still willing to
keep the friendship.
Regardless of that fact, hindi ako umiyak.
Hindi ko maikakailang sobrang nasaktan ako, pero may isang malaking bahagi ko
pa rin ang umaasang mali ang hinala ko. Hangga’t hindi ko naririnig mula sa mga
labi ni Josh na hindi niya ako tanggap, na hindi niya ako mahal, hindi ako
mawawalan ng pag-asa.
--
Matamlay akong naglakad palabas ng bahay,
tungo sa kotse namin para makaalis na ng bahay at pumasok ng school. Habang
naglalakbay patungong school ay biglang sumagi sa isip ko kung paano ang
magiging tratuhan namin ni Josh ngayong araw. Ngayon kasi ang una naming
pagkikita matapos ang field trip. Do we act like nothing ever happened? Or
ipagpapatuloy na lamang namin ang nakakailang na dramang ito?
Nang makarating kami ng school ay
agad-agad kong nasipat si Nikki na siyang nilapitan ko. Kasalukuyan siyang
mag-isa, at nakikinig ng music sa kanyang iPod habang nakaupo. Nang makita niya
ako ay kinawayan ko siya at binigyan ng isang hilaw na ngiti. Tinanggal niya
ang mga earphones niya. Tinabihan ko siya at itinaas ko ang mga paa ko sa mesa
.
“Natuloy mo ba?” simpleng tanong niya.
Umiling lang ako. Hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon.
--
Josh.
Ako... mahal ni Matt?
Lihim akong napapangiti tuwing naaalala ko
ang nangyari noong gabi ng field trip. Sino ba naman ang mag-aakalang mamahalin
din ako ng bestfriend ko? Na kaya pala niya akong mahalin? I know that I tend
to over-analyze things, pero alam ko this time, hindi na ako nag-aassume.
Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya na nagbabadya na ng mga luha that
night, and naramdaman ko iyon sa halik niya.
Ngunit bakit ko nga ba siya hindi
pinanapansin?
Oh, right.
I’m scared as fuck. Malaki pa ang
inflicted damage na iniwan sa akin ni Gab, and it would be unfair for Matt
dahil ramdam kong buong sarili niya ang ibinibigay niya sa akin. Hindi naman
atang patas na tira-tira lamang ng natitira ko pang tapang ang ibahagi ko sa
kanya. Mahal ko siya, eh. Kaso takot talaga ako. Ang daming bagay na
nakapagpaalala sa akin kay Gab. Hindi ko masisi ang sarili ko dahil mas matagal
naman talaga ang pinagsamahan namin, ngunit naiinis ako na dahil dito ay hindi
ko tuluyang mabuksan ng buo ang puso ko para sa kanya.
Hindi ko iyon masabi sa kanya.
Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko
at siguraduhin ang nararamdaman ko para kay Gab. Hindi naman kasi ako
maaapektuhan ng ganito kung wala na akong natitirang pagmamahal sa kanya. And
thankful ako na wala pang alam si Matt ukol sa nararamdaman ko para sa kanya,
because I don’t want to lead him into a life na walang kasiguraduhan. Ngunit
nag-aalala ako dahil siguradong iniisip niyang nireject ko siya kaya ko siya
iniiwasan. Kailangan ko siyang makausap.
Gab, kailan ba kita makakalimutan?
--
Matt.
Tahimik pa rin kami ni Josh hanggang sa
loob ng classroom. Sa ‘di malamang kadahilanan ay hindi pumasok si Janine na
siya lalong nakapagpaigting ng katahimikan sa paligid namin. Napapansin ko
naman na pasulyap-sulyap si Nikki sa amin at tila tinatantsa kung kailan kami
magsisimulang mag-usap.
“Bes.”
“Matt.” sabay naming bigkas.
Medyo nanlumo ako dahil sa pangalan ko
niya ako tinawag. Ngunit natuwa naman ako dahil kinausap na niya ako matapos
ang isang buwan! Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag, text, at messages ko
sa kanya sa facebook. Kahit nang magpunta ako sa bahay niya ay palagi na lamang
sinasabi ni tita Stella na wala siya, ngunit alam kong nagsisinungaling lamang
si Tita, dahil ang tingin na binibigay niya sa akin ay may bahid ng awa, ng
pag-aalala.
“Ikaw muna.” pag-encourage ko sa kanya.
“Hindi, ikaw na lang.” nahihiya niyang
sagot.
“Pwede ba tayong mag-usap mamaya after
class?” mahinahon kong pakiusap sa kanya.
Laking tuwa ko nang tumango siya.
“Ikaw, ano sasabihin mo?” tanong ko.
“Ahhh nevermind.” tugon na lamang niya.
At muling nanumbalik ang katahimikan sa
pagitan naming dalawa.
--
Dinala ko siya sa park sa loob ng
subdivision namin matapos ang klase. Gusto ko dito dahil nakakatagpo ako ng
peace of mind sa lugar na ito. Tahimik, malinis, at walang istorbo. Isang
perkpetong lugar para sa isang masinsinang usapan. Alam ko sa oras na ito ay
masasagot na ang mga katanungan ko. Malapit ko ng malaman kung may pag-asa pa
ba ako sa laban na ito, o tuluyan na akong talo?
“Matt, something’s bothering me.”
pagsisimula niya. Natutuwa naman ako na kahit ako ang nag-anyaya sa kanyang
makipag-usap ay isa ang kusang nagsisimula ng conversation.
“Hmm?” tanong ko.
“Tayo.” tugon niya.
“Friendship?” ingat kong tanong.
“That night... noong field trip.” utal
niyang pahayag.
“What about that?”
“The...”
“Kiss?” pagputol ko sa kanya.
“Yeah. Anong ibig sabihin noon?”
Napabuntong-hininga ako.
“Josh, alam kong alam mo na ang ibig
sabihin noon. I thought I made it very clear...”
“So you were serious? Matt, if this is one
of your silly jokes... stop.” tila di niya makapaniwalang pahayag.
“Yes. Ikaw talaga ‘yung mahal ko, eh.
Seryoso.” nahihiya kong pag-amin.
Nakita ko naman ang pamumula ng mga pisngi
niya na siyang ikinatuwa ko sa loob-loob ko.
“I don’t understand... bakit ako?”
“Josh, ang manhid mo pala talaga, no?
Buong taon na ako nagpapansin sa iyo. Lahat ng banat ko, lahat ng sweet
gestures ko, everything. Lahat iyon, may hidden meaning. If you thought, if
lang ha—you thought that you were assuming things, tama ka sa mga assumptions
mo. Hindi ko ginagawa iyon para lang mangtrip, o dahil palabiro lang talaga
akong tao. Josh, seryoso ako. Lahat ng sinabi ko sa’yo during that night were
true... and still is. Walang nagbabago, bes. At sa tanong mo kung bakit ikaw
ang mahal ko? Sa totoo lang... hindi ko alam. Hindi naman dapat pinapaliwanag
ang nararamdaman ng isang tao, eh; dinadama ‘yon.”
Hindi ko inasahan ang susunod niyang
naging reaksyon. Nakita ko na lamang ang isang malusog na butil ng luha na
dumadaloy sa kaliwa niyang pisngi. Ang mas ikinagulat ko ay ang biglang
pagngiti ng kanyang mga labi, tila binabalewala ang luha sa kanyang mukha.
Oh shit. He’s going to reject me.
“So totoo talaga? Na mahal mo ako?”
pagtatanong niyang muli. Hindi ko mabasa ng mabuti ang mukha niya, ngunit tila
may nakikita akong awa at paghingi ng tawad sa mga mata niya.
Rejection. I tried not to cry. Tumango ako
ng madiin.
“So, uhm... you’re gay? Uhm, bisexual?”
maingat niyang tanong, tila nahihiya sa magiging reaksyon ko. Tila nabilaukan
naman ako sa narinig ko sa kanya. Napakaseryoso kasi ng usapan, kaya hindi ko
inexpect ang ganitong uri ng tanong mula sa kanya.
Josh,
you’re amusing me.
“Uhm, next topic please?” nahihiya kong
sagot. Ngunit naisip ko namang he might get the wrong idea kaya naman binawi ko
agad ang huli kong pahayag. “Uhm, sorry. Pero yeah... I guess, pero sa’yo ko
lang naman naramdaman, ‘to eh. First time. Kaya takot na takot ako noong una,
pero pretty much tanggap ko naman. Kung iyon man ang tawag doon, then be it.”
pagbawi ko.
Nakita ko naman ang lalong pamumula ng mga
pisngi niya. Clearly ay hindi niya inasahan ang magiging tugon ko.
“Alam mo ba kung bakit hindi ko tinanggap
ang alok ni Gab? Kung bakit ko siya ni-reject kahit mahal ko siya?” tanong
niya.
Nanatili akong tahimik, naghihintay sa
susunod niyang sasabihin. Kinakabahan.
“Dahil sa’yo. Mahal din naman kita, eh.
Mas mahal kita kaysa sa kanya.” natatawa niyang sabi, ngunit di maikukubli ang
lungkot sa mga mata niya.
Putangina!
“Oo, mahal kita, bes! Ikaw ang dahilan
kung bakit nawala ang pagmamahal ko para kay Gab. Ughhh, nakakainis ka. Bakit
kasi ang bait-bait mo? Nahulog tuloy ako.”
Hindi pa rin ako makatugon.
“Hoy, Matt! Oh my God! Were you just
testing me? To see if bibigay ako?! Tangina, hoy—“ naputol ang paglilitanya
niya nang bigla ko siyang yakapin.
“Mr. Joshua “paranoid, overanalyzing,
numb” Gutierrez, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya! I love you. I love
you. I love you. Hindi kita niloloko. Putangina, mahal din pala ako ng taong
mahal ko!” hindi ko na maikubli ang sayang nararamdaman ko.
Mahal din ako ni Josh!
Gusto kong ipagsigawan iyon, pero
napigilan ko pa rin ang sarili ko. Naramdaman ko ang mahinang paghagikgik niya.
“Josh...” muling pagsisimula ko.
“Bes, natatakot ako. I don’t think I’m
ready.” malungkot niyang tugon.
“Bakit?”
“Gab...”
Hindi na niya kailangang ipagpatuloy pa
ang kanyang mga sasabihin, dahil alam ko na. Alam ko na, na hindi pa niya
kayang buksan ang puso niya, dahil puno pa ito ng mga sugat.
“Hindi naman kita minamadali, bes.” ngiti
kong pahayag sa kanya. Pilit ko siyang inintindi. Ganoon naman kapag nagmamahal
ka, ‘di ba? Iniintindi mo ‘yung tao, dahil mahal mo siya.
“Baka mapagod ka lang.” nakayuko niyang
pahayag.
Iniangat ko ang ulo niya gamit ang palad
ko.
“Hinding-hindi mangyayari iyon, ok?
Maghihintay ako. Ang importante ay may panghahawakan na ako. Josh, you made me
so happy. Ang tagal kong hinintay ‘to. Thank you. I love you.” naluluhang sabi
ko.
Mga luhang puno ng kaligayahan.
--
What do you guys think? Let me know through your comments! :D
at last nagpakatotoo na si Josh!!!hehe. JoMatt pa rin 'til the end!!thanks kuya author!!!
ReplyDeleteJust
Sa wakas! Go matt!!! :)))
ReplyDeleteOh mer gerd team josh &matt ever love et pero sana maki epal c gab sana lng
ReplyDeleteNagaminan na cla yahoooo...good stat josh-matt. Tnx author at my sympathy sa pinagdadaanan ng iyong family. Wait lang ako sa susunod n chapter kung kelan mo man mapost.
ReplyDeleteRandzmesia
Team Matt forever! Salamat sa update Mr. Author, pero nakakalungkot lang na matatagalan pa ang susunod na update :'( sana po mapabilis ng konti yung next chapter! More powers! Good luck :">
ReplyDeleteSa totoo lang 2 stories lang ang pinakasusubaybayan ko dito: 1. Unexpected, 2. Campus Trio and its sequel True Love.
Kaya sana po mapabilis ang update. :)
YESSSSSS!!! Lets celebrate!! lol
ReplyDeleteHayyyy atlast nagka-alaman din hehe at malinaw pgkasabi mu Josh "MAs mahal kita kaysa sa kanya" wlang bawian yan kundi lagot ka skin ;)
Prang nkklungkot lng malapit na pla ending pro in fairview nka-33 chapters na pla, great job!
Mr Author mraming tanx sa ssunod n chapter ;)
AtSea
sa wakas na amin din ni matt!.. haha..
ReplyDeleteIm speechless for a second...twas a great risking move
ReplyDeleteMattjosh aq!!!!!kilig much....
ReplyDeleteTeam-MOSH ako.... hahaha
ReplyDeletego matt...
Josh and matt... hanggang ngayon kinikilig ako..! Finally! ! :))) galing ng author..
ReplyDeleteOhmygod finally!!! Finally!!! Finally! Team Matt go! Grabe kilig ko dito! Astig! Sobrang napakilig ako ng chapter na to!
ReplyDeleteChapter 34 is now uploaded! :) Thanks for waiting.
ReplyDelete