Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Habang hindi ko pa natatapos ang next update ng True Love, reposting mode muna. Sa mga naghihintay ay pagtiyagaan niyo muna itong basahin.
Ang kwentong ito ay ang pinakauna kong ginawa. Kaya po sa mga magbabasa, kung anuman po ang makita niyong flaws or mali ay pakisabi po agad para agad kong maiayos.
Hopefully pala next month ay mabubuksan ko na ang aking blog for public viewing.
Happy Reading!
[11]
Dumating na ang araw ng pasukan para sa kolehiyo. Dalawang buwan na ang
nakalilipas nang iwanan ako ng aking pinakamamahal na bestfriend para
ituloy ang pag-aaral sa Amerika. Pero hindi ko naman nararamdaman gaano
ang pagkamiss ko sa kanya dahil halos twice a week kami kung mag-usap sa
pamamagitan ng internet. Ginagamit ko ang laptop ni Jake sa kanyang
kwarto.
Naipasa ko naman ang entrance exam para sa kolehiyo. Sa
tulong na rin ng araw-araw na tutorial namin ni Jake. Sa nakikita ko sa
kanya, medyo bumabait na siya sa akin pero bumabalik pa rin ang
pagkamainitin niya ng ulo kapag hindi ko nakukuha ang mga itinuturo
niya. Tinuloy ko talaga ang naisip kong kurso, ang nursing ganoon din
si Jake na medicine. Natural, hindi kami magkaklase pero sabay pa rin
kami pumasok at umuwi alinsunod na rin sa utos ng mga magulang niya.
First
day of classes, naghiwalay kami ni Jake sa lobby ng school para hanapin
ang aming mga classrooms. Ayon sa aking registration card sa Rm. 211,
nalaman ko na iyon pala ay sa second floor. Pagkatapos ng halos 5
minutong hanapan, nakita ko na ito. Bago ako pumasok, tinignan ko muna
ang magiging kaklase ko. Marami-rami rin pala sila at halos puro lalaki.
Pagkatapos, deretso na kong pumasok at umupo sa bandang likuran. Dahil
sa wala pa akong kilala, siyempre tahimik lang ako, maya-maya nag ring
ang cellphone ko.
"O Dave, kamusta na ang first day" si Erika na tumawag.
"Ito ok lang medyo naiilang ako kasi mukhang matatalino itong mga kaklase ko, ikaw ok ka lang ba?" sabi ko sa kanya.
"Oo naman, at saka alam mo friend, ang dami mga gwapo sa mga kaklase ko." si Erika.
"Ahh ganun ba, dito rin puro lalaki rin pero wala akong interes sa kanila" sabiko ulit.
"Kasi si Jake na naman ang nasa puso mo eh, tanggapin mo na friend na malabo maging kayo" si Erika ulit.
"Alam
ko naman iyon, ok na sa akin ang set-up namin saka kung lalayuan ko
siya ay malabo ring mangyari dahil nakatira ako sa kanila" ang mahabang
sagot ko sa kanya.
"Basta tatandaan mo friend na mag-ingat ka at
pag-isipan mo muna ang isang bagay bago mong gawin ha. Nandito lang ako
kung kailangan mo ng tulong" si Erika.
"Oo alam ko naman iyon binilin naman sa akin ni Pat na ikaw ang magbabantay sa akin."
"O siya sige nandito na ang prof namin kita-kits na lang" si Erika.
"Ok bye." sabay baba ko ng phone.
Habang
naghihintay pa rin sa pagdating ng aming prof para sa first subject,
naisipan ko munang dukutin ang earphone ko sa bag at mag soundtrip gamit
ang cellphone ko, siyempre para di ko rin marinig ang daldalan ng aking
mga kaklase. Maya-maya, isang estudyante ang nakaagaw pansin sa akin na
pumasok at saglit kong tinanggal ang earphone sa tenga. Sa nakikita ko,
mukhang nagmamadali ito dahil pawis na pawis siya, gayunpaman
humahalimuyak ang ginamit niyang pabango. Umupo siya sa katabi kong
upuan sa kanan.
"Buti naman at hindi pa dumadating ang prof natin" sabi niya.
Hindi
naman ako nagsasalita sa pag-aakalang di ako ang kausap niya kundi ang
babae sa harapan niya nang kalabitin niya ako sa balikat.
"Hi!!! bati niyang nakatingin sa akin.
Napatingin
naman ako sa mukha niya. Doon ko napansin na may itsura din pala ang
taong ito. Maputi ang mukha niya, ang mata na medyo singkit, ang
matangos na ilog at mapupulang labi, ang buhok na pang koreano ang
style, maganda ang pangangatawan at matangkad.
"Sabi ko hi." sinabi ulit niya.
"Ah eh kwan, hello" sabi ko sa kanya.
"Mukhang natutulala ka yata sa akin, may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sabay punas ng panyo sa mukha.
"Ah wala naman, nabigla lang ako sa iyo akala ko kasi na hindi ako kausap mo e." sabi ko naman.
"Ganun ba, by the way ako nga pala si Mark Joseph." pagpapakilala niya sabay abot ng kamay para makipagshake hands.
"John David pala" sabi ko sabay abot din ng kamay.
Hindi
ko maintindihan ang nararamdaman ko nang magkamay kaming dalawa. Grabe
ang lambot ng kamay niya at ang kinis. Agad naman akong bumitaw sa
kanya.
"Alam mo sa tingin ko mukhang mabait ka, kasi una palang
pagkakita ko sa iyo e parang ang gaan-gaan ng loob ko, natutuwa ako
dahil magiging magkaklase tayo ng apat na taon." sabi niya na ikinabigla
ko.
"Hi..hindi naman masyado, ikaw naman ngayon mo pa lang ako nakilala e hehehehe" sabi kong medyo nahihiya.
"Basta iyon ang nararamdaman ko sa iyo, kaya sana maging friends tayo simula ngayon kung papayag ka" sabi niya.
"O..oo naman walang problema hehehe" sabi ko sa kanya.
Napaisip
naman ako sa kanya. Parang ang bilis niya yata. Tapos sa lahat ng mga
kaklase ko dito e sa akin pa siya unang makipag-usap. Magkaganun pa man
natutuwa na rin ako kahit papaano dahil meron na akong naging friend
agad.
Marami pa kaming napag-usapan ni Mark. Nalaman ko na
mayaman din pala ang pamilya niya at nag-iisa rin siyang anak tulad ko.
Valedictorian din noong high school. Sa pag-uusap namin, medyo
nakagaanan ko na siya ng loob dahil masayahin siyang tao at palabiro.
Hindi mo aakalaing isang henyo rin ito. Binanggit ko na rin sa kanya ang
tungkol sa akin, na may pagkabobo ako, walang sariling tirahan at ang
pagkaulila ko sa ina at bestfriend.
Labis kong ikinatuwa ang mga sinabi niya. Siyempre di ko sinabi ang totoo kong pagkatao baka layuan niya ako agad.
"Tandaan
mo Dave na walang taong bobo. Huwag mong ibaba ang sarili mo. Sa tingin
mo ba na makakapag college ka ba kung mahina ang utak mo. Isa pa, kahit
ganyan ka, huwag mong hayaan na maliitin o insultuhin ka ng ibang tao.
Ipakita mo kung ano ang mga kakayahan mo na maaari mong
ipagmalaki.Tungkol naman diyan sa pangungulila huwag kang mag-alala
tutal e pumayag ka nang maging friend ko kaya sisikapin kong mapunan
iyon." mahabang pangaral niya habang nakatingin lang siya sa akin.
Nabilib
ako sa mga sinabi niya dahil first time kong makarinig ng mga ganoong
pananalita sa ibang tao. Kasi nakasanayan ko na ang mga sinasabi sa akin
ni Jake pati ng iba kong ka schoolmates noong high school. Sobrang tuwa
ko sa kanya. Dahil doon lalong gumaan ang loob ko sa kanya.
Maya-maya
dumating na rin ang mga prof namin. Dahil first day, puro orientation
lang sa subject, pakilala sa sarili ang ginawa. Makalipas ng halos 6 na
oras, natapos na rin ang klase.
"Dave, saan ka pala nakatira?" tanong ni Mike sa akin.
"Ah diyan lang sa may Mandaluyong sa Greenhills East." sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit.
"Talaga, taga San Juan lang ako, pwede tayong magsabay sa pag-uwi." sabi niya.
"Hindi pwede dahil may kasabay na ko pauwi, yung isang kasama ko sa tinitirhan ko" pagtanggi ko sa alok niya.
"Ganun ba sayang naman, sige mauna na ako sa iyo kita kits na lang bukas" paalam niya sa akin.
"Ok bye."
Lumabas
na rin ako ng classroom nang maisipan kong hanapin ang classroom ni
Jake para makita siya doon. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap
dahil nasa fourth floor lang ito ng parehong building. Sinilip ko siya
sa loob. Nabigla ako sa aking nakita. Sumikip ang dibdib ko at
nakaramdam ng kung anong lungkot. Si Jake may kausap na babae at mukhang
masaya silang nag-uusap. Maganda ang babae, kaya naisip ko agad na
bagay sila. Nakatingin lang ako sa kanila nang makita ko siyang lumingon
sa akin. Agad kong nilisan ang lugar na iyon para hindi niya makita
ang kung anumang emosyong nararamdaman ko.
Pumunta ako sa isang
puno na malayu-layo sa building ng school. Doon ko nilabas ang lahat ng
luha ko sa nakita ko kanina. Maya-maya habang nagiiyak ako, may isang
taong lumapit sa akin at nag-abot ng panyo.
[12]
Inangat ko ang mukha ko para malaman kung sino ang nag-abot ng panyo. Si Mark pala ito.
"Akala
ko ba may kasabay ka sa pag-uwi, bakit nandito ka pa at saka bakit ka
umiiyak?" sunud-sunod niyang tanong saka tumabi sa aking pagkakaupo
sa lilim ng puno.
"Wala to, hindi ako umiiyak oh" pagtanggi ko sabay punas ng kamay sa mata pero hindi ito pinaniwalaan ni Mark.
"Alam ko may problema ka, huwag mong kimkimin yan, nandito lang ako, pwede mong sabihin sa akin ang saloobin mo." si Mark.
"Mark, salamat ha, kahit ngayon lang tayo nagkakilala, naging mabait ka sa akin" pagpapasalamat ko sa kanya.
"Siyempre
naman, nakikita ko naman sa iyo na mabait ka ring tao, wala akong
rason para hindi ako maging mabait din sa iyo." si Mark.
"Alam mo
Mark, nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Nasasaktan ako sa mga
nangyayari sa paligid ko e. Pero di ko pa masasabi ang problema ko,
hindi pa ako handa" humahagulgol ko pa ring sabi sa kanya.
"Naiintindihan
kita Dave, basta kung kailangan mo ng karamay nandito lang ako ha.
Ito lang masasabi ko sa iyo ngayon, alam ko na pag-ibig ang dahilan
kung bakit ka nasasaktan ngayon. Tandaan mo na kapag nagmamahal ka,
hindi pwedeng hindi ka masaktan, pagsubok kasi iyan upang malaman ang
kapasidad ng isang tao, darating at darating iyan." mahabang
paliwanang niya sa akin.
"Oo naiintindihan ko, alam mo dahil sa iyo,
nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob para mabuhay. Simula kasi ng
magkalayo kami ng bestfriend kom medyo bumigat na ang mga problema ko.
"Kayanin mo iyan, lumaban ka, wag mong ipakita sa taong iniibig mo na nasasaktan ka" sabi ni Mark.
Tama
siya, dapat hindi magpakita ng lungkot, sa halip ay mag move-on.
Dahil sa pag-uusap naming iyon, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Agad
naman akong nagpaalam sa kanya baka hinihintay na ako ni Jake sa
kotse.
Pagdating ko sa lugar kung saan nakaparking ang kotse
niya, nakita ko na si Jake, nahihintay sa loob.Binuksan ko na rin ang
kabilang pinto at pumasok.
"Napatagal ka yata, kanina pa kong naghihintay dito" si Jake habang nagstart ng makina na kotse.
"Pasensiya ka na may ginawa lang kasi kami kanina"
"Ganun
ba, teka nga pala Dave, simula bukas dito ka na sa kotse dederetso,
wag mo na akong pupuntahan sa room" utos niya sa akin.
Sa
sinabing iyon ni Jake, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot.
Pakiramdam ko bumalik na siya sa dati nitong pag-uugali. May punto naman
siya, di nga naman tama na ang lalaki pimupuntahan o sinusundo ang
kapwa lalaki sa room. Baka ikinakahiya niya ako sa bagong babae niya.
"Sige, simula bukas dito na lang ako maghihintay" maluha-luha kong pag-ayon sa kanya.
Wala
kaming naging imikan ni Jake habang nagmamaneho siya hanggang sa
makarating ng bahay. Kahit nalulungkot ako, pinilit ko pa rin maging
masaya sa mga kasama ko sa bahay. Hindi na ako naghapunan dahil sa
walang gana, deretso sa kuwarto at doon nagsimula muli akong
lumuha.Naalala ko ang sinabi ni Mark na sa akin kanina. Tama hindi dapat
ako magselos dahil wala naman kaming relasyon.
Lumipas ang
isang buwan, ganoon pa rin ang set-up namin ni Jake. Hindi ko na rin
pinupuntahan ang room nila kaya tinutuon ko ang oras ko sa pag-aaral
ko at sa bago kong kaibigan. Si Mark, napakabait niya talaga halos sa
akin lang siya nakikipag-usap sa araw-araw na nagkikita kami.
Textmates din kami kapag gabi at sabay kung maglunch sa canteen.
Minsan kasama rin namin si Erika. Dahil sa kanya, nagiging masaya ang
bawat araw ko at hindi ko na naiisip ang mga masasakit kong karanasan
kay Jake.
Isang gabi, nag-usap ulit kami ni Pat sa pamamagitan ng internet at nakikita ang isat-isa through webcam.
Pat: "Bestfriend mukhang masaya ka na ngayon ah di tulad ng mga nakaraan nating pag-uusap"
Ako: "Oo, masayang-masaya ako dahil kahit papaano mayroon akong bagong friend sa school"
Pat" "Iyon bang sinasabi mong Mark"
Ako:
"Oo, alam mo ang bait talaga niya at napakamasayahing tao kaya di ko
maiwasang mangiti at tumawa kapag magkasama kami. Hindi lang iyan,
siya na ang tutor ko ngayon sa school."
Pat: "Mabuti naman, kahit papaano nakakadistansya ka na sa kanya, hindi ka na gaano masasaktan."
Ako: "Tama ka best, ikaw naman musta na dyan sa Amerika?"
Pat: "Ok naman, medyo sanay na saka marami na rin akong mga bagong friends dito."
Ako: "Good, at least di ka na nag-iisa dyan."
Pat: "Oo, sige best, next time ulit marami akong ginagawa ngayon e."
Ako: "Sige goodnyt ingat ka"
Pat: "Ikaw rin basta wag mong kalilimutan mag-updates sa akin ha"
Ako:"Oo naman bye."
Pinatay ko na ang laptop at palabas na ng kwarto ng biglang nagsalita si Jake.
"Mukhang
masaya ka na ngayon ah, ang laki ng epekto sa iyo ng bago mong
FRIEND" si Jake na nakaupo sa kama na pinagdiinan ang salitang friend.
"Oo,
naman kaya wala ka nang dapat ipag-alala dahil madidistansya ko na
ang sarili ko sa iyo, hindi mo na rin kailangang turuan pa ako." sabi
ko sa kanya.
"E di mabuti" tugon niyang walang kaemo-emosyon sa mukha.
"Saka nga pala, baka sa susunod hindi na rin ako makakasabay sa iyo sa pag-uwi dahil magkakaroon na kami ng tutorial malapit na kasi ang exam e." paalam ko sa kanya.
Nagtaka ako sa reaksyon niya, nagulat kasi siyasa narinig niya sa akin. Pero di ko na lang pinansin ito.
"Sige,
balik na ako sa kwarto ko, magpapahinga na ako." sabi ko. Nang akmang
bubuksan ko na ang pinto bigla siyang nagsalita ulit.
"Hindi pwede" pagtanggi niya.
"Anong
hindi pwede, wala naman akong gagawin masama saka hindi naman ako
nakakasagasa sa damdamin ng iba sa gagawin ko" matigas ko nang sagot sa
pagtanggi niya.
"Sigurado kang wala" sagot niya ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Oo
wala, kung ang sinasabi mo ay ang pagsuway ko sa utos ng magulang mo,
wag kang mag-alala, nagpaalam na ako sa kanila at naiintindihan nila
ako" sabi ko sa kanya.
Nanlaki bigla ang mata ni Jake sa narinig
niya. Biglang nagbago ang mukha niya. Medyo nakasimangot ito na
malungkot. Nagsalita ulit siya.
"Sige magpahinga ka na" sabi niya sa akin sabay higa sa kama at tumagilid.
Lumabas na ako at pumasok sa kabilang kwarto ko. Humiga na rin ako sa aking kama. Naisip ko si Jake. Parang weird
ang pinakita niya sa akin kanina. Pero hindi ko na lang din pinansin
iyon. Bakit ko pa ba siya iisipin e kuntento na ako sa buhay ko
ngayon.
Kinabukasan, sabay pa rin kami sa pagpasok ni Jake, sa
uwian lang hindi. Wala kaming imikan sa loob ng kanyang sasakyan
hanggang sa makarating na kami sa school. Naghiwalay rin ulit kami
para pumasok sa kaniya-kanyang classroom.
"Dave ano, nagpaalam
ka na ba sa inyo na sa amin ka muna dederetso mamaya para sa tutorial
natin pag uwian?" tanong ni Mark na sumalubong sa pagdating ko sa
pintuan.
"Oo, ayos na sa kanila" sagot ko.
"Yan mabuti naman, siya
nga pala mamayang break dun tayo sa library, kukuha tayo ng mga
references na gagamitin natin sa pag-aaral." sabi niya.
"Sige" pagsang-ayon ko sa kaniya sabay upo.
Sumapit
na ang oras ng breaktime, tulad ng napag-usapan, dumeretso kami sa
library ni Mark. Umupo kaming magkatabi sa upuan, tapos nagpaalam siya
saglit upang maghanap ng libro sa shelves,
hinintay ko na lang siya sa upuan. Maya-maya sa hindi inaasahan
pumasok ang dalawang tao na naging sanhi ng pagkawasak ng damdamin ko,
walang iba kundi si Jake kasama ang babae niyang classmate.
Masaya
silang nag-uusap at magkatabing umupo sa may bandang dulo ng library.
Naramdaman kong biglang bumalik na naman ang aking kalungkutan sa
nakita at di ko maiwasang maluha na naman. Bigla naman akong tinapik
sa balikat ni Mark na nasa likod ko na pala.
"Yan, malungkot ka
na naman, sabi ko sa iyo dapat masaya lang, tatanda ka agad niyan sige
ka" si Mark sabay tabi sa akin at lapag ng mga libro sa mesa.
"Ok lang ako, wag kang mag-alala." sabi ko abay punas ng luha.
"Sila bang dalawa ang tinitignan mo" si Mark sabay turo sa direksyon nina Jake at ng babae gamit ang bibig niya.
"Oo sila nga" sabi ko.
"Yung lalaki pala na iyon ang dahilan ng iyong kalungkutan" si Mark.
"Siya nga" sagot ko.
Mukhang natutunugan na nio Mark ang tinatago kong nararamdaman para kay Jake.
"Alam mo Dave, sana matauhan ka na, lalaki si Jake, natural lang na sa babae niya ilaan ang kanyang atensyon." Paalala ni Mark.
"Tama ka, tara na, magsimula na tayo sa paghahanap." sabi ko.
Sinimulan
na namin ang paghahanap ng mga datos na gagamitin namin sa pag-aaral.
Habang busy kami sa pagbubuklat ng mga aklat. Napatingin naman ako sa
mga taong umupo sa tapat mismo namin ni Mark. Si Jake at ang babae
niya.
[13]
Katapat ko si Jake samantalang ang kasama niyang babae ay kay Mark. May
dala rin silang libro. Wala kaming imikan, lahat busy sa pagbabasa. Si
Jake na rin ang bumasag ng katahimikan.
"Cathy, papakilala ko lang sa iyo si Dave, ang kasama ko sa bahay" biglang pagpapakilala sa akin ni Jake.
"Dave, nice to meet you," si Cathy sabay nakipagkamay sa akin.
Doon
ko napuna na may kagandahan pala ang babaeng ito. Mahaba ang buhok, may
katangkaran, maputi at pang model ang dating. Hindi kataka-takang
magkagusto si Jake sa kanya. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Hindi
ito nakaligtas kay Mark.
"Dave, ok ka lang, gusto mo, lumipat tayo ng pwesto?" si Mark na napuna ang pagkabalisa ko.
"Ok lang ako, dito na lang tayo, bilisan na lang natin" pagtanggi ko sa kanya.
"Dave, hindi mo ba ipapakilala ang kasama mo sa amin" si Jake.
"Mark Joseph nga pala" ang pagsingit ni Mark sabay abot din ng kamay sa kanilang dalawa."
Nakakapagtakang
si Cathy lang ang nakipagkamay sa kanya. Si Jake, nakatingin lang sa
binabasang libro. Alam ko mayroong siyang iniisip sa mga kilos pa lang
niya. Hindi ko na lang pinansin iyon. Pinagpatuloy na lang namin ang
paghahanap ng mga impormasyong gagamitin namin ni Mark. Maya-maya
biglang nagsalita ang kasama ni Jake na babae.
"Jake, mamaya sabay tayo maglunch, isama natin sila" si Cathy.
"Kung papayag sila bakit hindi" si Jake na nakatngin pa rin sa libro.
"Dave, Mark sama kayo sa amin mag-lunch" yaya ni Cathy sa amin.
"O....o...oo sige hehehehehe" pagpayag ko.
Pagkaraan
ng halos 30 minuto, nakatapos na kami sa paghahanap. Sabay-sabay kaming
lumabas ng library pauntang canteen para mag-lunch. Nakitang kong
inakbayan ni Jake si Cathy na nakapagpalungkot ulit sa akin. Nang
makarating, pumila sina Jake at Mark samantalang kami ni Cathy ay
naghanap ng aming pupuwestuhan. Doon kami sa may bintana sa dulo umupo.
"Dave,
ang gwapo talaga ni Jake ano, maginoo at matalino pa, alam mo una ko pa
lang kita sa kanya, nagustuhan ko agad siya. Palagay ko bagay kami." si
Cathy.
Nagulat naman ako sa mga sinabi ng babaeng ito. Lalong
bumigat ang damdamin ko at halos maiiyak na ako. Tama nga naman siya,
bagay sila. Gwapo si Jake at maganda si Cathy. Lalaki si Jake, babae si
Cathy. Siyempre ang lalaki ay para sa babae hindi sa kapwa lalaki.
Naisip kong kahit saang anggulo mo tignan, talo talaga ang mga katulad
ko sa babae pagdating sa pag-ibig.
"Dave, ok ka lang, umiiyak ka ba?" si Cathy na nahalata siguro ang pag-iyak ko.
"Ok lang ako, napuwing lang" ang pagdeny ko sa kanya.
"Ah,
akala ko kung ano na" si Cathy. Maya-maya sabay na bumalik ang dalawa
dala ang order namin. Tumabi ulit si Jake kay Cathy at si Mark sa akin.
Habang kumakain...
"Dave, gusto mo kuha ka lang?" pag-alok ni Mark ng ulam niya sa akin.
"Sige salamat ok na sa akin to" pagtanggi ko.
"Dave, tutal, sabay naman tayong uuwi mamaya, mag meryenda muna tayo sa Jollibee." si Mark.
"Oo,
ba matagal na rin akong di nakakakain doon ng may kasama " pagpayag ko
sabay ngiti. Mula kasi ng mawala si Pat, hindi ko na magawang kumain
doon.
"Talaga, hayaan mo simula ngayon, ako na ang magiging kasama mo
kumain sa labas, ang cute talaga kapag nakangiti ang bestfriend ko" si
Mark sabay hawak sa ulo ko at haplos ng buhok.
Biglang naubo si Jake. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Jake, anong nangyari, o eto tubig" agad na saklolo ni Cathy sa kanya.
"Ok lang ako, nasamid lang" sabi niya sabay inom ng tubig.
Kataka-taka
talaga ang mga kinikilos ni Jake ngayon, sa mga kakaibang pagtingin pa
lang niya sa akin alam ko meron siyang iniisip. Binalewala ko na lang
ulit iyon at tinuloy ang pagkain. Nang makatapos, bumalik na kami sa
aming mga rooms. Habang naglalakad sa lobby paakyat ng hagdan bigla
akong inakbayan ni Mark at nagsalita.
"Dave, alam mo excited na
ako mamaya, siyanga pala, agahan natin mamaya, gusto kang makita ng mga
parents ko, ipapakilala kita sa kanila" si Mark at ngumiti.
"Hindi ba kakain pa tayo sa Jollibee?" tanong ko.
"Oo naman, bilisan lang natin" si Mark ulit. Nginitian ko lang siya.
"Ca...ca...cathy mauna ka na sa room, p...p...punta lang ako ng CR saglit." si Jake na halatang may dinaramdam sa pananalita.
"Oo, bilisan mo ha." si Cathy.
Agad
namang umalis si Jake na nakatungo ang mukha. Lalo tuloy ako nahiwagaan
sa kanya. Marahil napuna na rin ni Cathy ang kakaibang pagkilos niya
kaya pinakiusapan niya ako.
"Dave, parang may problema si Jake, mayroon bang nangyayaring hindi maganda sa bahay nila?" si Cathy.
"Wala naman, ako rin, kanina ko pang napapansin sa kanya yun eh" sagot ko.
"Siguro
mabuting sundan mo muna siya para alamin kung ano yon may 30 minuto pa
naman tayo para sa next subject." si Mark na tumingin sa relo niya.
"Tama, tutal, nakatira naman kayo sa isang bahay, baka sabihin niya sa iyo ang problema niya kung meron man" si Cathy.
Tututol
dapat ako sa kanila at sasabihing sa bahay ko na lang siya kakausapin
pero naisip ko na pagkakataon ko na ito para malaman ang bumabagabag sa
kanya kung meron man.
"Ok, susubukan ko siyang kausapin, sige sundan ko muna siya." paalam ko sa kanila.
"Salamat Dave, sana maging maayos na siya mamaya. Mauna na ako" si Cathy.
"Ako rin, hihintayin na lang kita sa room natin" si Mark.
Agad
naman akong naglakad papunta ng CR. Pagdating ko doon, nakita ko siyang
nakaharap sa salamin at nakapatong ang dalawang kamay sa lababo.
Naaninag niya siguro ako sa salamin kaya tumingin siya sa akin.
Pagharap
niya, nagulat ako sa itsura ng mukha niya. Medyo namamasa ang mata niya
ng luha na hinilamusan lang ng tubig. Halata ring nagpipigil siya ng
galit sa nakikita ko sa kamao niya.
"Bakit mo ako sinundan dito?" pabulyaw niyang tanong sa akin.
[14]
"Jake, tinutulungan ko lang si Cathy. Napapansin na kasi naming may
kakaiba sa mga kinikilos mo eh. May problema ka ba? Kahit mahina ang ulo
ko, sisikapin kitang intindihin at tulungan." sabi ko.
"Ano problema ko, tsk,tsk,tsk. Nagtatanga-tangahan ka ba o sadyang manhid ka lang" pabulyaw niyang sagot.
"Ano ibig mong sabihin? di kita maintindihan" agarang tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sa iyo" si Jake sabay kuha ng bag at nag walk-out.
Bumalik
ako sa room namin na nag-iisip. Pilit kong inaalam sa sarili ko ang
kakaibang kinikilos ni Jake. Sa unang pagkakataon simula nang makilala
ko siya, ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng husto at umiyak.
Naglalakad ako nang wala sa sarili, hindi na tinitingnan ang mga taong
nakakasalubong ko kung mababangga ko na sila. Pagdating sa room ,agad
akong tinawag ni Mark.
"Ano na nangyari Dave? Sinabi ba ni Jake ang problema niya" tanong agad ni Mark pagkaupo ko.
"Hindi ko alam Mark, pati sa akin ayaw niyang sabihin e" sagot ko.
"Ganun ba, siguro obserbahan mo muna siya tutal madalas mo naman siyang nakakasama e." si Mark.
"Tama ka Mark, kapag nakita mo pala si Cathy mamaya, sabihin mo na lang sa kanya ang mga sinabi ko"
"Sige Dave."
Bumalik
na sa upuan niya si Mark. Ako naman iniisip ko pa rin si Jake. Inamin
ko sa sarili na may concern pa rin ako sa kanya kahit malamig ang naging
pakikitungo niya sa akin. Pero ano magagawa ng pagkaconcern ko,
nililihim niya sa akin ang mga problema niya.
Natapos ang klase
namin ng araw na iyon, pinagpaliban ko muna ang pag-iisip kay Jake para
mafocus ko ang sarili sa tutorial namin ni Mark para sa midterms. Tulad
ng napag-usapan namin, sabay kami umalis ng school.
"Wala ka bang sariling kotse" agad kong tanong kay Mark habang naglalakad kami.
"Siyempre meron, napagdesisyuan ko munang hindi gamitin iyon para makasama kita nang matagal." si Mark.
"Ganon, paglalakarin mo ako" sabi ko.
"Hindi, magcocommute lang muna tayo." si Mark.
"Ok, sanay naman na ako sa ganun hehehehehe" sabi ko sabay ngiti.
Nabigla naman ako nang hinalikan ako ni Mark sa pisngi.
"Ano ba ginagawa ko Mark, nakakahiya nasa labas tayo oh baka may makakita sa atin" sabi ko.
"Wala naman nakakita oh, pasensya ka na, nanggigigil lang kasi ako sa iyo e ang cute mo kaya" si Mark.
Binalewala
ko na lang yung ginawa niya. Ewan ko parang di ganun katindi ang impact
sa akin ng ginawa niya. Sana kung si Jake pa ang gumawa baka nahimatay
na ako sa kilig. "Ano ba yan siya na naman ang naisip ko?" sa isip-isip
ko.
Nang makarating sa kanto, sumakay kami ng jeep, tapos MRT
tapos jeep ulit papunta sa kanila. Kahit papaano ay nag-enjoy ako sa
biyahe. Pagkarating sa bahay niya, doonj ko nalaman na medyo malapit
lang pala ito sa tinitirhan ko. Mayaman din sila katulad ni Jake.
Pumasok
kami ng gate nila, at dumeretso sa pinto. Kumatok si Mark at
pinagbuksan naman siya ng isang babae na ang edad ay nasa 40 pataas,
pero nandun pa rin ang angking kagandahan niya. Alam ko siya ang nanay
ni Mark. Kaya pala may itsura tong si Mark dahil sa mama niya.
"Mark, siya ba ung kinukuwento mong bagong kaibigan?" salubong na tanong nung Mama niya kay Mark.
"Yes Ma, si Dave nga pala. Dave ito naman ang mama ko si Evelyn." pakilala ni Mark.
"Aba,
gwapo rin pala ito, at mukhang mabait, Ah Dave puwde mo na kong
tawaging Tita" sabi ng mama niya sabay nakipagkamay sa akin.
"Hindi naman po hehehehe" nahihiya kong sabi.
"Totoo yan Ma, kaya nga gustong-gusto ko siya e" si Mark.
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Agad niyang dinuktungan ito.
"I mean, I like him to be my bestfriend." dagdag niya. Napatungo na lang ako.
"Tama yan anak, ang galing mong pumili bamuti pang magmeryenda muna kayo" si Tita Evelyn.
Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Mark na kakain kami sa Jollibee. Babanggitin ko sana sa kanya ito nang unahan niya ako.
"Yes Ma, nakalimutan din naming kakain pala kami sa Jollibee."
"Sige, Dave upo ka muna, Mark, asikasuhin mo naman yang kasama mo" si Tita ulit.
Nang pumunta na sa kusina si Tita Evelyn, agad nagpaliwanang si Mark sa akin.
"Pasensya ka na Dave, nakalimutan ko talaga, pero di bale, bukas doon tayo maglulunch" si Mark.
Tumungo
na lang ako sa kanya. Makaraan ng halos 10 minuto, kumain na kami ng
meryenda. Naalala ko tuloy si Tita Edna sa nanay ni Mark. Parehas kasing
mabait at palakuwento. Pero si Mark, hindi ko maikumpara kay Jake,
dahil opposite sila. Pagkatapos kumain, umakyat na kami sa kwarto niya,
umupo sa kama niya. si Mark sabay labas lahat ng mga nakuha naming
impormasyon kanina sa library.
Nag-umpisa na siya sa pagtuturo sa
akin. Nabilib naman ako sa pagtuturo niya, ang resulta natutunan ko
lahat. Masaya naman ako kahit papaano dahil mahinahon siya sa
pagpapaliwanag sa akin kahit na nagkakamali ako. Pero pakiramdam ko sa
sarili ko may kulang, parang may hinahanap pa ako. Bakit hindi kumpleto
ang kasiyahan ko kay Mark. Bigla kong naalala ulit si Jake. Doon ko
nabatid na mas totoo ang nararamdaman ko kapag si Jake ang kasama ko.
Hindi ko naman ito pinahalata kay Mark na tuloy-tuloy lang sa pagtuturo
sa akin. Alas dyes na ng gabi nang matapos kami sa unang araw ng
tutorial.
"Ayos ka naman pala, mukhang papasa ka na niyan sa midterms" si Mark.
Muli,
naaalala ko, ganyan din ang mga sinasabi ni Jake sa akin nung high
school kami. Lalo na nang makapasa ako, kita ko sa kanya na masaya rin
siya sa akin. Napapangiti na lang ako sa pag-iisip.
"Mukhang
masaya ka na Dave, alam mo ang cute mo talaga kapag nakangiti sana
palagi ka nang ganyan" si Mark sabay pisil ng pisngi ko.
Niyaya
na ako ni Tita Evelyn na maghapunan muna bago umuwi. Pumayag naman ako
na sabayan ang mag-ina. Pero bago ako magsimula, biglang nagring ang
cellphone ko. Si Erika pala ito.
"Hello Erika, bakit bigla kang napatawag?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Dave, tapos na ba kayo ni Mark?" si Erika.
"Oo, kakatapos lang namin pauwi na sana ako pero niyaya pa nila akong maghapunan dito" sabi ko.
"Dave
mabuti pang bilisan mo diyan, sabi kasi ng isa kong kaklase na nakita
raw nila si Jake na naglalakad sa kalsada nang mag-isa. Parang lasing
nga e kasi iba ang ayos niya."
"Ha, sige pupuntahan ko siya, saan ba nila nakita?" napasigaw ako dahil sa pagkagulat. Napatingin naman sa akin ang mag-ina.
"Doon sa KTV bar malapit sa school natin." si Erika.
"Ok, pupuntahan ko na siya" sabay end call.
"Mark, Tita, alis muna ako may importante kasing nangyari e pasensiya na po salamat na lang po sa hapunan" paalam ko sa mag-ina.
"Dave, ano nangyari, gusto mo ihatid na lang kita, gagamitin ko kotse ko" si Mark.
"Wag
na, maabala ka pa, magtataxi na lang ako, kita nalang tayo bukas
tandaan mo ang Jollibee ko ha" pagtanggi ko sabay ngiti sa kanya.
"Sige ,ingat ka ha, bukas tutuparin ko na ang promise ko sa iyo " si Mark na nakangiti rin.
Nagmadali
akong naglakad papunta sa labas nila. Buti na lang nakasakay agad ako
ng taxi. Bumaba ako sa KTV bar na sinasabi ni Erika. Pinagtanong ko sa
mga tao dun kung may estudyanteng lalaki silang nakita. Maya-maya isang
babae ang lumapit sa akin at inabot ang mga bag ni Jake. Naiwan daw niya
ito. Sabi nila umiiyak daw siya habang umiinom. Dahil sa pag-aalala,
napagdesisyunan ko na siyang hanapin. Nagsimula na akong maglakad-lakad
at ipagtanong sa mga taong nakakasalubong ko sabay pakita ng ID niyang
naiwan sa bag. Sa panganim na taong napagtanungan ko, tinuro niya sa
akin na nakita daw niya ito na nakatayo malapit sa gate ng aming school
na lasing. Nagtatakbo ako papunta doon. Lalong lumala ang pag-aalala ko
sa kanya.
Nang makarating na ako sa school, nakita ko siyang
nakaupo sa semento, nakasandal sa gate ng school at may hawak pang isang
bote ng beer. Nilapitan ko siya. Doon nahabag ako sa ayos niya. Magulo
ang buhok, at nakabukas ang polo shirt. Marahil naramdaman niyang may
tao sa harap niya dahil sa anino kaya tumingin siya sa akin. Dahil sa
ilaw ng poste, naaninag ko ang mukha niya. Muli, nakita ko na maga ang
mata niya sa luha.
[15]
Nahabag ako sa nakikita ko. Kita-kita ang pamumuo ng mga luha sa mata ni
Jake. Akmang hahawakan ko siya nang bigla siyang bumulyaw.
"Layuan mo ako, lumayas ka, ginulo mo ang pagkatao ko" si Jake na humahagulgol pa rin.
"Jake,
lasing ka lang, alam kong may problema kaya. Maaari mo namang sabihin
ito sa akin baka matulungan kita.Tara na, nag-aalala na si Tita." sabi
ko sabay hawak sa braso niya para alalayang tumayo.
"Huwag mo akong
hawakan, umalis ka. Tutulungan mo ako, e lalo mo lang sinasaktan ang
damdamin ko e. Dahil din sa iyo confuse na ako sa sarili ko! napapasigaw
na niyang sabi. Napapatingin na ang mga tao sa amin.
"Please tara na, saglit na lang at darating na si Tita." panunuyo ko pa rin sa kanya.
"Hindi muna ako uuwi hanggat nandun ka pa sa bahay, kaya inuulit ko, layuan mo na ako! si Jake.
Biglang
bumigat ang dibdib ko sa mga narinig ko sa kanya. Kahit lasing siya,
alam niya ang mga sinasabi niya. Naisip ko tuloy na ako ang may
kasalanan kung bakit nagkakaganito siya.
"Ano, tutunganga ka pa ba diyan, alis na" si Jake sabay tulak sa akin.
Hindi
ko na rin napigilang maluha sa nangyayari. Ang taong mahal ko
pinagtatabuyan na ako ngayon. Nasasaktan din ako tulad niya. Napayuko na
lang ako habang humahagulgol. Maya-maya isang kotse ang huminto sa
harapan namin. Napatingin naman ako sa taong bumaba sa pag-aakalang sina
Tita Edna ito. Ngunit lalong bumigat ang dibdib ko parang tinutusok ng
napakaraming karayom sa nakita ko. Si Cathy.
"Jake, anong
problema, bakit nagkakaganyan ka, halika na ihahatid na kita sa inyo,
simula nang magtext ka nag-aalala na ako sa iyo" si Cathy sabay alalay
kay Jake na tumayo.
"Salamat Cathy, please wag mo muna akong iuwi sa
amin hanggat nandun pa ang taong sanhi ng problema ko, doon mo muna ako
sa inyo dalhin." pakiusap ni Jake.
Tuluyan nang umagos ang luha
ko. Kumpirmado, ako ang pinakadahilan niya sa kanyang paghihinagpis.
Naisakay na ni Cathy si Jake sa kotse. Tuluyan na silang umalis. Ako,
dahil sa sobrang hinanakit halos manlambot na ang tuhod ko at di
makatayo. Napaupo na ako sa sento sapo ang mukha ng dalawang kamay at
humihikbi. Maya-maya isang tao ang humaplos sa likod ko.Unti-unti kong
inangat ang mukha ko. Si Itay pala kasama ang mga magulang ni Jake.
"Tay, ang sakit-sakit naman, bakit ganito ang nangyayari sa akin?" sinabi ko kay Itay na humihikbi at napayakap sa kanya.
"Anak, tara na muna sa bahay pag-usapan natin ang problema mo." si Itay.
"Dave, anak ano nangyari, nasaan na si Jake." si Tita Edna na bakas din sa mukha ang pag-aalala sa anak.
"Umalis na po siya,ayaw na niya sa akin, pinagtatabuyan na niya ako" naiiyak ko pa ring sabi.
"Mabuti pa pare, iuwi na natin siya." si Tito Eddie.
Sumunod
na lang ako sa kanila. Hanggang sa loob ng kotse naiiyak pa rin ako. Si
Itay namanm patuloy na hinahaplos ang ulo ko at pinapatahan ako. Nang
makarating sa bahay...
"Anak, kumain ka muna" si Itay.
"Ano ba nangyari, sabihin mo sa amin? si Tita Edna.
Naiiyak
ko pa ring kinuwento sa kanila ang lahat ng nangyayari sa amin ni Jake.
Kita ko sa mukha ng mga magulang niya ang pagkabigla na animo'y may
nalalaman sa problema ng anak nila. Pero di ko na inusisa muna ito dahil
sa emosyon ko ngayon.
"Tita, Tito, tay pahinga muna ako sa kwarto" paalam ko sa kanila para makapagpahinga naman ako.
"Sige anak, pahinga ka na muna, pag-usapan na lang ulit natin ito bukas" si Itay.
"Salamat po sige."
Hindi
ko pa rin magawang makatulog. Patuloy pa rin akong umiiyak. Naisip kong
tuluyan na akong kinasusuklaman ng taong minahal ko nang maraming taon.
Binigyan ko pa ng problema ang pamilya nila. Nahihiya na ako sa kanila.
Habang nasa kasagsagan ako ng pag-hihimutok, may kumatok sa
pinto.Tumayo ako at binuksan. Si Tita pala may dalang gatas.
"Dave inom ka muna ng gatas" si Tita.
"Salamat po Tita pasok po kayo."paanyaya ko siya sa loob. Umupo kami sa kama, kinuha ang gatas at nilapag sa tabi.
"Ano na pakiramdam mo?si Tita.
"Ganun pa rin Tita e" sabi ko sabay tulo muli ng luha.
"Dave,
nagpapasalamat kami ng Tito mo sa iyo. Alam mo mula nang tumira kayo sa
amin, doon ko lang nakita sa unang pagkakataon ang pagiging masaya ni
Jake. Nakakatuwang isipin ano, na ikaw ang nagpabago sa kanya." si Tita.
"Tita, parang kabaliktaran naman po yata yung sinasabi niyo eh" sabi ko pa rin habang nagpapahid ng luha.
"Yun
bang nangyayari ngayon sa kanya ang tinutukoy mo, bilang magulang ni
Jake, alam ko ang nararamdaman niya" si Tita na humawak sa mga kamay ko.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ko siya pinilit na maging tutor mo?" sunod na tanong ni Tita.
"Kasi po mahina ang ulo ko at matalino si Jake." sagot ko.
"Tama ka rin pero hindi iyon ang tunay na dahilan namin ng Tito mo."
"Kung ganoon ano po ang totoo?" tanong ko agad.
"Para
maging malapit kayo sa isa't-isa at mabago ang mga baluktot niyang
pananaw. Teka para mas lalong maliwanangan ka may ipapakita ako sa iyo
kukunin ko lang sa kwarto ko" si Tita ulit.
Bumalik si Tita, may dala-dalang isang photo album.
"Dave, tingnan mo ang mga pictures" sabi niya sabay bigay sa akin.
"Tita,
sino po itong batang babae, ang ganda naman niya, may anak po pala
kayong babae" tanong ko sabay turo sa mga pictures. Puro kasi batang
babae ang mga nakikita ko na naka blouse, gown, bathing suit na may
make-up.
"Wala akong anak na babae, si Jake yan" sagot niyang pabulong sa akin.
"Ha! si Jake ito, bakit naka pangbabaeng damit" nagtatakang tanong ko. Natawa naman si Tita.
"Wala
lang, dahil di kami nabiyayaan ng anak na babae naisip kong bihisan
siya nang ganyan. Akala ko rin babae yung susunod kong anak na namatay
hindi rin pala. Tignan mo oh ang ganda niya di ba. Masayahing bata pa
siya at palakaibigan noong mga panahong iyan?" si Tita na natatawa pa
rin pero bigla na lang nag-iba ang mood nito sa mga sunod niyang sinabi.
"Isa
siguro ito sa mga dahilan ng paghihimutok ni Jake ngayon. Dahil sa
ginawa kong ito sa kanya tinutukso siyang bakla at minamaliit ng mga
kaklase at iba pang bata sa kanya. Naging malungkutin na siya simula
noon, nagbago na siya, nag-aral nang mabuti at naging masungit. Kaya
salamat sa iyo at binalik mo ang dating Jake." si Tita.
Naisip ko
bigla na ito pala siguro kung bakit ang init ang dugo ni Jake sa mga
bakla. Kaya pala nilalayo niya ang sarili sa akin at ang talino ay
ginagamit niya upang maiangat ang sarili sa iba nang sa gayon hindi na
siya maliitin ng mga ito.
"Dave ang iniisip ko pa ngayon, na
naguguluhan na siya sa totoo niyang sekswalidad. Marahil ang totoong
dahilan ng galit niya sa iyo ay selos." si Tita.
"Ano! si Jake, nagseselos kanino naman?" napasigaw kong tanong dahil sa pagkabigla.
"E
di sa iyo. Noon pa namin nakukutuban ng Tito mo na may namumuong
pagtingin si Jake sa iyo. Pilit lang niya ito pinipigilan kaya
napapansin mo na iba ang pakikitungo niya sa iyo. Ikaw, alam din naming
gusto mo siya. Huwang kang mag-alala tanggap namin kayo." si Tita.
"Salamat
po sa pagtanggap sa akin. Pero teka, baka nagkakamali po kayo, di pwede
magkagusto sa akin si Jake. May girlfriend na po siya e." sabi ko.
"Girlfriend, sino? si Tita.
"Yung isa pong kaklase niya, si Cathy, siya rin yung nagsundo sa kanya kanina" sagot ko.
Kita ko sa mukha ni Tita na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.
"Dave,
ito ang masasabi ko sa iyo na dapat pakatandaan mo. Una, huwag mong
sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari kay Jake. Pangalawa, yung galit
niya sa iyo, mawawala rin yan. Pangatlo, mahal ka niya, hindi lang niya
matanggap sa sarili niya na nagkagusto siya sa kapwa. Hayaan mo isang
araw babalik rin siya dito. Sige labas na ko pahinga ka na"
"Goodnight po Tita" sabi ko sabay patay ng lampshade.
Gumaan
naman ang loob ko kahit papaano sa mga nalaman kong rebelasyon kay Tita
Edna. Ang set-up na plano nila sa amin ang nagpabago kay Jake. Pero
nandoon pa rin ang pag-aalinlangan ko tungkol sa sinasabi niyang
pagkagusto raw ng nanak nila sa akin, parang impossible kasi. Ang
pagkamalungkutin ko kanina ay nadagdagan tuloy ng pagkalito. Hindi ko
magawang makatulog ng gabing iyon.
Itutuloy.............
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
ay tapos na, w8 n nmn ng ilang araw para s next chapter. hmmp!
ReplyDeletethanks Daredevil at nadugtungan na rin ito. kilig much pa rin kahit ilang ulit ko na itong nabasa. ikaw na!
ReplyDeleteito ung gus2 kong kwentong tagal nadugtungan, sana naman maging regular na ang post
ReplyDeleteuu nga po sna makapg update agad ng next chapter..sobrang tagal ko inaabangan ang story na to..hehhehehe
ReplyDelete