Followers

Friday, September 11, 2020

Loving You... Again Chapter 79 - The Louvre

    






  



Author's note...










Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.

The Louvre na kinanta ni Lorde. Napapansin ko na medyo nagagamit ko sa title iyung mga kanta niya. Patungkol ito sa pagtingin ni Natasha kay Dexter. Meron akong kaibigan na nahihiya sa crush niya dahil sa medyo matanda siya ng ilang taon. Sabihin na lang natin na lima. Para kasi sa akin, napakalaki na ng limang taon na agwat sa pagitan ng dalawang tao. Kaya si Natasha, medyo nahihiya siya kay Dexter na ligawan. Pero dahil wala siyang POV, hindi natin malalaman iyun. Ang kanta na lang ang magpapaliwanag sa kaniyang nararamdaman.

Heto na po ang Chapter 79.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
70 | 71 | 72 | 73 | 74 | 75 | 76 | 77 | 78 |











Chapter 79:
The Louvre








































Dexter's POV

 

        「9 years ago...

 

        Pinapili ako ng Papa ko. Sa Paris ako mag-aaral o babalik ako sa Pilipinas? Kung pipiliin ko ang Paris, libre ang matrikula ko sa Institut Supérieur du Commerce de Paris. Bibigyan din ako ni Papa ng starting cash pero hanggang doon lang ang matatanggap kong cash assistance mula sa kaniya. Kaya para mabuhay ako, kailangan ay magtrabaho ako para magkapera. Kasi naman, unang tapak ko pa lang sa Paris, nagandahan ako sa kultura at ng environment. Sure, andyan iyung Eiffel Tower, ang Louvre Museum, Arc de Triomphe, Cathedral Nothre-Dame at marami pang iba. Kaya hindi ako bumalik sa Pilipinas. Pasensya na.

 

        Sa umaga, isa akong estudyante. Sa gabi, isa akong tagatimpla ng kape at isa rin akong estudyante. Paano, kapag walang customer sa trabaho, nag-aaral ako. Pero bihira lang mangyari ang bagay na iyun dahil palaging puno ang café.

 

        Sa mga day-off ko, mag-isa na ginagala ko ang Paris gamit ang aking bike. Pinupuntahan ko ang Eiffel Tower at pawi na ang kalungkutan ko. Iyung mga mag-syota sa baba na naglalampungan, sanay na ako. Pumunta ako dito para sa mga tanawin. At masayang-masaya ako. Susunod na day-off ko, puntahan ko ulit ang Louvre.

 

        Isang araw, sa café na pinagtatrabahuan ko...

 

        “I give up!” napapagod na sabi ni Sharina na nakaupo sa bar ng counter.

 

        For some reasons, ang pinsan ko ay kasama ko dito sa Paris. Magkapatid ang magulang namin, at sigurado ako na kung ano ang kondisyon ng Papa ko kung dito ako mananatili ay ganoon din sa kaniya. Kaya nga lang, wala siyang pagmamahal sa lugar. Hindi niya na-appreciate ang kagandahan ng Paris. Kaya mag-isa lang ako na gumagala, sa mga unang taon. Pangalawang taon ko na dito sa Paris at si Sharina ay nakaka-isa pa lang. Magkatabi ang apartment namin, at ngayon ay mukhang sumusuko na siya sa hamon ng Papa niya.

 

        “Duh!” nasabi ko na lang habang nagsi-serve ng kape sa customer. “Kaya bumalik ka na sa Pilipinas.”

 

        Sinamaan lang niya ako ng tingin habang hinihigop ang kaniyang tasa ng kape. “Ang sama mo. Ayaw mo bang i-encourage ako na manatili dito sa Paris?”

 

        Inikot ko lang ang aking paningin at dahan-dahan na nilinis ang bar kung saan siya nakakaupo. “Sharina, I think Paris is enough encouragement already. Eiffel Tower, ang Louvre Museum, Arc de Triomphe, Cathedral Nothre-Dame...” Bigla akong may naalalang lugar na hindi ko pinupuntahan pero alam ko na nasa Paris din. “... Le Pont des Arts.”

 

        Kumuha naman siya ng notebook mula sa kaniyang bag at nagsimulang magsulat. “I'll appreciate those places kung may kasama lang ako sa mga lugar na iyun.”

 

        Pagkatapos maglinis sa bar ay tinuro ko ang aking sarili hanggang sa nakita niya ang ginahawa ko.

 

        “No,” pagtanggi niya.

 

        “Tingnan mo. Ang sama talaga nito. Nandito naman ako pero hindi mo tanggap na makasama ako sa mga lugar na iyun?” Mula sa harapan ng counter ay may customer na lumapit. “Good evening. What coffee do you want?”

 

        Kahit na may kausap akong customer ay pinakinggan ko pa rin ang sinasabi ni Sharina.

 

        “I don't know, baka dahil pinsan kita. At baka mainggit lang ako sa mga makikita ko doon. Lalo na sa Le Pont des Arts. Napakadaming padlock. Makes me think kung ilan doon sa mga naka-padlock ang nagtagal,” paliwanag pa niya.

 

        Matapos basahin ulit ang order ng customer kanina ay sinimulan ko nang mag-timpla ng kape. “Walang magsyotang naglalaplapan sa Louvre Museum, Arc de Triomphe at Cathedral Nothre-Dame. Bakit naman may mga taong maglalaplapan doon? Pero kung aalis ka, okay lang. Hindi kita mami-miss.”

 

        Umiling lang si Sharina. “I'm sorry talaga pinsan,” sincere na paghingi niya ng tawad. “I'm aware na sa akin napupunta iyung mga dapat na iniipon mo, kasi hindi ako kumuha ng trabaho. It's just that, I can't. Dahil palagi talaga akong may problema sa aking academics. Tapos sasabayan pa ng trabaho kaya...”

 

        Matapos i-serve ang kape na order ng customer ay sinenyasan ko ang katrabaho ko na tumao na muna sa counter. Pinuntahan ko naman ang bar ni Sharina.

 

        “Hey, okay lang iyun,” pag-assure ko sa kaniya. “Buti nga at hindi ka masyadong magastos kaya gusto kitang bigyan ng pera.”

 

        Inikot lang ni Sharina ang kaniyang paningin.

 

        “At alam kong iba-iba ang capabilities ng tao. May mga tao na kaya pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, may iba naman na hindi. Kaya kung gusto mong umuwi sa Pilipinas, okay lang. Magiging masaya pa ang Papa mo na umuwi ka.”

 

        Kinagat ni Sharina ang labi niya bago magsalita. “Kung may bagay lang dito sa Paris na makakapagbigay sa akin ng inspirasyon. Ikaw kasi, iyung lugar mismo ang inspiration mo.”

 

        “Kung ang Paris ay ma-personified, siguradong papakasalan ko na siya kaagad.” Tumingin ako sa paligid kung saan may mga binata na gwapo. “Bakit hindi ka humanap ng boyfriend dito sa Paris?”

 

        Umiling lang si Sharina at biglang nagkaroon ng sariling mundo. “Nako, Dexter. Kung trip mo lang si Zafe, siguradong hindi mo siya ipagpapalit.”

 

        Iniwan ko na siya sa sariling mundo at tumao sa counter. Sa Bourbon Brothers University pala nag-aaral ngayon ang isa sa mga sikat na basketball player namin sa lugar. Kaya siguro sumusuko na siya sa hamon ni Tito. Pero maganda na rin na uuwi siya sa Pilipinas. Magiging masama para sa kaniya ang manatili pa dito, in my own opinion.

 

        “Good evening. What coffee do you want?” tanong ko matapos may pumunta na customer sa counter.

 

        “The usual,” sagot ng babaeng customer.

 

        Nginitian ko lang ang babaeng customer saka sinimulan nang timplahin ang kape na gusto niya matapos siyang magbayad. As usual, keep the change.

 

        “May I ask for your notes yerterday?” tanong ng babaeng customer. “I need to copy it for the exam next week.”

 

        “Sure, Natasha,” sagot ko mula sa aking balikat. “Your friend was absent too yesterday?”

 

        “Yes, she is. I was thinking if I can borrow to our classmates' notes as well. Unfortunately, everybody is so busy reviewing for next week. Lucky for me, you are slacking,” paliwanag niya na may kaunting galit sa kaniyang boses. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang boses niya kapag kinakausap ako, wala naman akong ginawa na ikinagagalit niya. O baka may binabalak siyang masama sa akin na mangyayari pa lang.

 

        Matapos matimpla ang kape niya ay pumunta muna ako sa likod para kunin ang notebook na hinihingi niya. Pagbalik ko ay nakaupo na siya doon sa bar na inuupuan ni Sharina. Binigay ko naman sa kaniya ang notebook. Wala na si Sharina pero nag-iwan siya ng note na nakaipit sa tasa.

 

        “Nagmamadali. See you later,” basa ko sa napkin.

 

        “There are other ways to copy my notes. You can just use your smartphone and snapped a picture to it,” suhestyon ko.

 

        “No can't do,” iling niya na nilabas na ang kaniyang notebook para siguro simulan na ngayon ang pagkopya. “Have you seen my phone? It's a plain old 3610.” Hindi nga smartphone.

 

        Akmang aalis na ako para tumao sa counter nang napansin ko na may bendahe ang kaniyang kamay sa suot niyang kulay pink na damit, na abot sa kaniyang pulsohan ang manggas. Hindi naman gaano kasikip ang butas ng manggas kaya nakita ko ang bendahe.

 

        “What happened to your arm?” tanong ko.

 

        Tinaas niya ang kaliwang kamay, kung saan nakita ko ang bendahe sa kamay niya, at tiningnan niya ito. “I got mugged last night,” sagot niya nang hindi man lang nakatingin sa akin. Sinimulan na niyang kopyahin ang notes ko. “Too bad that they mugged the wrong person.”

 

        Humanga lang ako dahil kaya pala ni Natasha na alagaan ang sarili niya. Si Natasha ay ang nangunguna sa klase namin. Medyo matanda siya sa amin ng mga walong taon, hindi ko alam. Pero parang kasing-edad lang namin siya.

 

        “Do you have plans this weekend?” tanong niya mula sa bar habang patuloy na kinokopya ang notes ko.

 

        “I have,” sagot ko mula sa counter habang binibilang ang pera ng kaha para makasigurado na walang nawawalang pera sa café. “I have to see the painting of Mona Lisa in the Louvre Museum. For our literature class' essay.”

 

        Nag-angat siya ng tingin at nginitian niya ako. “Can I come with my friend? My friend and I wants to see the painting too for the essay. And it will be our first time in that museum.” Parang siyang masaya habang nagpapaliwanag. Bakit kaya?

 

        Binigay ko ang isang order ng customer. “Your in luck,” ngiti ko din. “I went there so many times when I stayed here in this country. I can be your tour guide.” Kumunot bigla ang noo ko. “I'm surprised though that it will be your first time in the museum. Then again, my cousin never went there.”

 

        Napansin ko na dumako siya sa huling pahina ng aking notebook at may sinulat siya. “I've been busy, studying. It's a date then.” Sinara niya ang notebook ko at sinimulan na niyang iligpit ang kaniyang gamit. “Text me the time and place of our meeting. Thank you, Dexter.”

 

        Medyo nahiya ako sa sinabi niya. “Y-Your welcome.”

 

        Iniwan niya ang notebook ko at umalis na ng café. Nang nakipagpalit ulit ako sa katrabaho ko ay kinuha ko ang notebook ko. Sa huling pahina ay may nakita akong mga numero. Cellphone number niya ata iyung nilagay niya dito.

 

        Dali-dali akong pumunta sa likod at niligpit ang notebook. Sa unang pagkakataon, parang mas masaya ako ngayon. Ngayon lang siguro nangyari na niyaya ako ng isang babae para lumabas at pumunta sa Louvre Museum. Sa hindi malaman na dahilan, hindi ako makapaghintay na dumating ang weekend.

 

        Dumating na ang Sabado at mga alas-tres pa lang ng hapon ay nandito na ako. Nag-text ako kay Natasha na mga 3:30 pm kami na magkita. Kasalukuyang nakatayo ako sa tapat ng Louvre Pyramid. Marami-raming tao na ang gustong makapasok sa pasukan.

 

        May apat na pasukan sa Louvre Palace. Ang isa ay ang Louvre Pyramid, Carrousel du Louvre na nasa ilalim ng lupa, Passage Richelieu na nasa gilid lang ng Pyramid, at ang Portes de Lions na may mga sculpture ng lion sa gilid. Mula sa Tuileries Garden, kung saan ka magmumula, kumanan ka lang hanggang sa makita mo ang mga leyon.

 

        Sa apat na pasukan, pinakagusto ko ang Louvre Pyramid. Mula sa Tuileries Garden, kitang-kita ko na kaagad ang pyramid. At kapag nakapasok ka sa loob niyan...

 

        “Dexter!” tawag sa akin ng boses ni Natasha. Hindi ko na namalayan na nananaginip ako ng gising habang nakatingin sa pyramid.

 

        Hinarap ko si Natasha at napansin na mag-isa lang siya. Bukod pa riyan, napakaganda ng kaswal niyang kasuotan.

 

        “You look great and solo. Where is your friend?” tanong ko.

 

        Ngumiti naman siya. “Thank you. And my girl friend can't come. She ate something bad last night resulting to, diarrhea. I don't know.”

 

        Medyo naging alerto ako nang sinabi niya ang salitang ‘girlfriend’. ‘Girlfriend’ nga ba talaga iyun o ‘girl friend’?

 

        Umiling ako at hinawi ang iniisip kong hindi maganda. “Too bad. I bought 3 tickets for us,” sabi ko sa kaniya nang pinakita ko ang ticket.

 

        Akmang kukunin niya ang kaniyang pitaka. “How much?”

 

        Pero pinigilan ko siya. “No. My treat.”

 

        “Okay.” Ngumiti naman siya. “What are we waiting for? Let's go.”

 

        Lumakad na kami at pumila sa lane ng mga may ticket. Pagkapasok pa lang sa pyramid ay tumingala kaagad siya at namangha. Mula sa loob ng pyramid ay parang napunta ka sa ibang panahon. Sa totoo lang, para sa ibang tao ay wala namang espesyal kasi nakikita mo ang labas ng mundo na malinaw na malinaw, with matching lines mula sa mga bakal na bumubuo sa pyramid. But this is art. Biruin mo, nakaisip sila ng ganitong konsepto tapos ginawa pa nilang pasukan para sa mga taong gustong pumasok sa museum.

 

        “Beautiful, isn't it?” tanong ko kay Natasha habang bumababa kami sa spiral na hagdan.

 

        “I concur,” tugon niya. “Egypt's pyramids, especially Giza, may be grand and breathtaking too, but nothing beats an art which is made by people who get paid for their art.”

 

        Natawa ako sa sinabi niya. “But it was made by aliens?” biro ko at nagkunyari na nagulat.

 

        “No, that is not even true. Area 51 doesn't even have aliens in their American soil,” seryosong paliwanag niya.

 

        Bigla naman akong nagulat at hindi makapaniwala sa sinasabi niya. “What?”

 

        Ngumiti lang siya at marahan na hinampas ang aking balikat. “I'm just kidding. Come on. Take the lead.”

 

        “Oh! Okay,” sinagot ko din ang mga ngiti niya. “This way.”

 

        Dahil first time pa lang niya dito sa museum, hindi kami dumeretso sa painting ni Mona Lisa. Pumunta kami sa Carrousel du Louvre na isa ding pasukan ng museyo. Sa Carrousel du Louvre ay makikita mo naman ang nakabaliktad na Louvre Pyramid pero mas maliit. Well, ito talaga ay parang nasa ibang mundo ka.

 

        “Where are we exactly in the surface of the complex?” nagtatakang tanong ni Natasha.

 

        “In the surface?” balik-tanong ko. “You remember the Arc de Triomphe du Carrousel on the way to the pyramid? More like, a few more steps forward and you will see a circular shrub. In the middle is...” Tinuro ko lang ang pinaka-base ng nakabaliktad na pyramid. “that.”

 

        “Amazing,” patango-tango niyang sabi.

 

        Matapos makita ang nakabaliktad na pyramid ay pumunta na kami sa mga exhibit ng museyo. Pinakita ko sa kaniya ang The Winged Victory of Samothrace, ang Psyche Revived by Cupid’s Kiss.

 

        “I wish I could kiss someone again like that,” bigla niyang sinabi sa akin na may halong kalungkutan.

 

        Ang Psyche Revived by Cupid's Kiss ay isang eskulptura na gawa ng italyanong si Antonio Canova. Si Psyche ay ang nakahiga at nakahubad habang si Cupid naman ay nakaupo sa uluhan ni Psyche, at nakahubad din. Sinusubukan ni Psyche na hawakan ang ulo ni Cupid para bigyan ito ng halik. Bonus, nakahawak si Cupid sa hubad na suso ni Psyche. Erotic pero hanggang doon lang iyun.

 

        Dahil medyo mas matanda si Natasha sa amin, hindi malayong malayo na rin ang na-experience niya sa buhay.

 

        “Were you in a relationship before?” naitanong ko habang nakatingin sa kaniya. Mas malinaw pa sa sikat ng araw na may ka-relasyon siya noon. At ang sinasabi niyang ‘girl friend’ ay ‘girl friend’ lang naman talaga. Teka nga? Bakit ba ako nag-iisip ng ganoon?

 

        “Yes, 2 years ago,” sagot niya habang nakatingin pa rin sa estatwa. Maya-maya ay ibinaba niya ang kaniyang tingin. “It didn't end well for both of us.”

 

        “I'm sorry,” paghingi ko ng tawad. “What happened?” Bakit ba ako nagtatanong ng mga bagay na hindi ko dapat tinatanong?

 

        Nagbigay siya ng pilit na ngiti habang nakatingin sa estatwa. “We had a fight before he died. He wanted to end things with me, and the rest is history. And for some reasons, it devastated me. Maybe because I really loved him.”

 

        Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ang tour na ito dahil medyo awkward. Wala pa akong nakakarelasyon kaya hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Kahit straightforward na sabihin kong sa ibang exhibit naman kami tumingin, ayoko naman bastusin ang moment niya.

 

        “I'm sorry,” paghingi niya ng tawad saka ngumiti ulit ng tunay. “Shall we move on?”

 

        Sa pagpapatuloy, pinakita ko sa kaniya ang Venus de Milo, iyung walang kamay na babae. Raft of the Medusa, para siyang One Piece na animé pero nagpapatayan ang mga crew. Liberty Leading the People, July Revolution noong 1830 na pinamunuan ng isang babae. Coronation of Napoleon, self-explained. Sleeping Hermaphroditus, kapag may nakakita na Pilipino sa gawang ito, sisigaw sila ng ‘Ay! Tite!’. Hammurabi’s Code, kung saan nanggaling sa kasabihan na ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin’. Lamassu, ang katawan ng estatwa ay parang kalabaw habang ang ulo ay sa tao. Napakalawak talaga ng imahinasyon ng tao noon. Dying Slave and Rebellious Slave, walang libreng drawing. Grande Odalisque by Ingres, nakahubad na namang babae na pinapakita ang likod habang inaanyayahan ang isang lalake na makipag-sex. At marami pang ibang exhibit.

 

        Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa painting ni Mona Lisa. Wala ng masyadong tao nang nakarating na kami sa painting. Medyo tahimik na rin ang paligid. Hindi na ako nagsalita pa habang tinitingnan ang painting. Ito kasi ang pinakamagandang gawin para ma-appreciate mo ang painting ni Leonardo da Vinci. Mula sa panahon ni Leonardo, napaka-innovative ng pagkakagawa niya sa painting na ito. Sa bawat layer ng painting ay nilagyan niya ito ng semi-transparent paint kaya parang nagmumukhang 3D ang painting. Wala pang 3D noon pero dinala iyun ni Leonardo da Vinci sa panahon niya.

 

        “It's beautiful,” nasabi lang ni Natasha matapos kami manahimik ng ilang segundo.

 

        Matapos makita ang exhibit at mapagmasdan ang painting ng mga ilang oras ay lumabas na kami sa museyo. Nasa Arc de Triomphe du Carrousel na kami nang nagsalita siya habang naglalakad kami para umuwi.

 

        “Thank you for coming with me,” nakangiting pasalamat niya. “At first, I didn't get it why you stopped talking to me when we were in the front of the painting, but then I realized, I suddenly get it. I appreciated the painting more than what they said online.”

 

        “Your welcome. Silence is really a great way to appreciate it,” nakangiting tugon ko. “Do you have an idea on what to write in your essay?”

 

        “Of course, I have. I just hope that we have a different words to use in our essays,” biro niya.

 

        Nang nasa kalsada na kami, tumawag ako ng taxi. Binuksan ko ang passenger side at pinapasok siya rito.

 

        “You know, you can come with me,” sabi niya.

 

        “Oh! No,” pagtanggi ko agad. “I came here with my bike. I don't wanna leave it here.”

 

        Napansin kong medyo bumaba ang labi niya mula sa kanina pang mataas na pagkakangiti niya. “Okay. See you in school this Monday,” paalam niya.

 

        “See you soon,” paalam ko. “Text me when you are home. I'll text you too if I am, home.”

 

        “Will do.”

 

        Sinara ko lang ang pintuan ng taxi at naglakad na sa direksyon kung saan ko iniwan ang aking bike. Huminto muna ako saglit para makita ang Louvre tuwing gabi. Napakaganda talaga. Sana isang beses ay may makasama ako dito habang nakatingin sa magandang tanawin ng Louvre tuwing gabi.

 

        Nang nakarating na ako sa aking apartment, nag-text na kaagad ako kay Natasha na nakauwi na ako. Kanina kasi ay nag-text na siya sa akin na nakauwi na siya.

 

        Pagkapasok sa apartment ay naabutan ko naman si Lucky na naglalaro ng Playstation sa sala. Si Lucky ay bestfriend ko na sumunod dito sa Paris para mag-aral din. Parehas ang course na kinukuha namin kaya nasa iisang klase kami.

 

        Sa isang taon na pamamalagi ko dito ay pakiramdam ko'y dinadaya ko ang challenge ng Papa ko dahil napakamapagbigay ni Lucky. Kahit na walang spoken rule na bawal akong tulungan ng kaibigan, para kasing pandaraya pa rin. Pero hindi naman ito naging dahilan para hindi ako magtrabaho sa café. Lucky me.

 

        Umiling lang ako nang makita siya lalo na't naaalala ko ang isang slogan ng isang sikat na food manufacturer sa Pilipinas.

 

        Napansin naman ako nito habang naglalaro. “Bro? Nakabalik ka na. Kumusta ang lakad natin?”

 

        Umupo lang ako sa kutson na nasa gilid niya. “Okay naman. Maganda pa rin ang Louvre Museum.”

 

        “So gagawin mo na iyung essay mo sa literature?” Medyo naging magalaw na ang buo niyang katawan habang nagsasalita. Maaksyon na kasi ang nilalaro niya sa Playstation.

 

        “Gumawa ka kaya ng sarili mong essay?” iwas ko sa tanong niya.

 

        “Okay lang. Basta pakopya ng sayo. Pramis! Iibahin ko lang iyung english na isusulat.”

 

        Tumingin lang ako sa nilalaro niya. “Kung hindi ka lang kasi naglalaro ng Playstation maghapon, makakagawa ka niyan. Maganda kaya kapag ginagamit mo iyung mga sariling mong words sa pagsusulat ng essay. Art na iyun.”

 

        “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakahilig mo sa art. Hindi mo naman makakain ang art,” kunot-noo niyang sabi.

 

        “Hindi mo rin makakain iyang paglaro-laro mo lang diyan ng Playstation.”

 

        “Huh! Watch me!” pagmamayabang niya. “Kapag may funds na ako na para ayusin itong apartment natin, magiging streamer na ako. Tapos ipapakain ko sa iyo ang pera na makukuha ko.”

 

        Tumungo lang ako sa maliit na kusina namin. Wala pang pagkain na niluto si gago. Kung tutuusin, mukhang ang pag-aalaga kay Lucky ang pinaka-challenge ko dito sa Paris. Pero best friend ko siya at, forever na iyun.

 

        Dumating na ang Lunes. Isa sa mga pinakagusto kong advantage ng pag-aaral ng kolehiyo sa labas ng bansa, walang seats na in alphabetical order. Pwedeng umupo kahit saan.

 

        Paborito namin ni Lucky na umupo sa likuran. Hindi dahil sa nagdadaldalan kami dito sa likod. Si Lucky, ang hilig mag-cellphone ng patago.

 

        Si Natasha at ang kaibigan niya, nakaupo sa harap. Dahil iyun naman talaga ang ginagawa ng pinakamatitinong estudyante sa kolehiyo.

 

        Nakita ko na sa harapan iyung kaibigan niya. Pero si Natasha, napansin ko na katabi ko na siya sa upuan. Hindi naman ako umimik dahil napaka-immature na magtanong kung bakit katabi ko siya ngayon. At tsaka hindi naman iyun big deal. Pwede umupo kahit saan. Isa pa, sa mga general education class lang kami magkikita. Iba ang course niya sa course ko pero iyun nga, iisa lang ang general subject na pinapasukan namkn.

 

        Nagpapansinan naman kaming dalawa kapag nagpapalitan kami ng papel, at sa groupings. Pero hindi ko maiwasan na mapansin ang mga ngiti niya. Ngumingiti din naman ako pabalik.

 

        Isang linggo ang lumipas, kumakain kami sa cafeteria nang hindi ko inaasahan na lumapit si Natasha sa akin at nagtanong.

 

        “Can I and my friend sit here?” tanong niya.

 

        “Natasha,” pabulong na tawag ng kaibigan niya. Sa tono pa lang ng boses nito ay parang ayaw niya sa ideya ng kaibigan.

 

        “Sure,” sagot ko.

 

        Ngumiti lang si Natasha at umupo sa tabi ko habang iyung kaibigan naman niya ay umupo sa tabi ni Lucky. Mabilis kong tiningnan ang paligid at nakita na may iba pa namang pwesto sa cafeteria na iyun. Magtatanong pa sana ako kung bakit hindi na lang sila tumungo sa mas malayo. Pero nasagot ko ang sarili kong tanong. Mas malayo kasi. Sa tingin ko, sapat na rason iyun para umupo sa tabi ko si Natasha at ang kaibigan niya. Kahit na parang ayaw ng kaibigan niya.

 

        Hindi naman awkward ang posisyon naming apat. Matapos ng ilang segundo ay nag-usap sila Natasha at ang kaibigan niya, pero sa ibang lenggwahe na hindi ko maintindihan.

 

        “Iyung research pala natin sa finals, kailan natin gagawin?” tanong sa akin ni Lucky na hindi na pinansin ang pag-uusap ng katabi namin.

 

        Pagkatapos, parang daily routine na nila. To the point na hindi na nagtatanong si Natasha, diretso upo na siya sa tabi ko. Tapos, may itatanong sa akin si Natasha tungkol doon sa mga discussion kanina, sa lenggwahe na naiintindihan ko, na sinasagot ko din sa lenggwahe na naiintindihan niya.

 

        “Dude, anong meron sa inyo ni Natasha?” tanong sa akin ni Lucky.

 

        Nasa pinagtatrabahuan kong café kami ngayon. Si Lucky ay nakaupo sa bar kung saan may kasama siyang customer na tahimik na nagbabasa ng libro.

 

        “Wala,” sagot ko habang mina-mop ko ang sahig sa likod niya.

 

        “Wala daw?” sarkastikong singhag niya. “Kung nakikita mo lang kung paano tumingin sa iyo iyung babae. Parang gusto ka niya tingnan magdamag. Oh wait! Nakikita mo iyun pero napaka-dense mo lang.”

 

        “Parang sinasabi mo sa akin na may gusto si Natasha sa akin.”

 

        “Well, shit Sherlock! Napansin ko nga noong Martes, wala na pala siya sa harapan. Iyun pala, katabi mo na.”

 

        Nag-mop naman ako sa side ng mga trabahador sa bar. “Pwede naman umupo kahit saan. Tsaka ikaw nga, tumatabi ka sa akin dahil gusto mong kumopya sa mga sagot sa quiz. Anong dahilan ni Natasha? Sigurado akong wala.”

 

        “Dex, switch,” sabi ng ka-trabaho ko na gusto akong patauhin sa counter. Baka may gagawin saglit.

 

        Sa counter ay saktong-sakto na si Natasha ang customer na ise-serve ko.

 

        “The usual,” sabi niya kaagad bago pa man ako bumati.

 

        “Rude,” sabi ko pero wala namang halong galit sa tono ko.

 

        Binigay niya sa akin ang bayad pero tinanggihan ko.

 

        “It's on the house,” sabi ko.

 

        Binawi na niya ang pera at pinasok na ito sa kaniyang pitaka. “Fair enough.”

 

        Habang hinahanda ko na ang kape niya ay tumungo na siya sa bar at tumabi kay Lucky.

 

        “Hi Lucky,” bati niya sa kaibigan ko.

 

        Biglang lumiwanag ang mukha ni Lucky. “Hello to you too, Natasha. This is the first time that we bumped each other in this café.”

 

        “Yeah. You too. This is actually not my usual café. Don't tell Dexter that I'm a regular customer in the café on the other side of the road.” Sadya ba niyang sinasabi iyun sa kaniya? Narinig ko iyun.

 

        “Which is better? The coffee on the other side or here?” interesanteng tanong ni Lucky.

 

        Nang natimpla ko na ang kape ay ini-serve ko ito kay Natasha.

 

        Tumingin naman si Natasha sa akin bago sumagot. “I can't really tell. It just happened that the other side of the road is included to my route on the way home. That is why I frequently go there.”

 

        “What brings you here then?”

 

        “About that.” Tumingin na si Natasha sa akin. “You know that we have an another paper to write in our literature class? I was hoping if you can come with me again, in Louvre Palace.”

 

        Nag-taas baba naman ang kilay ni Lucky na tumingin sa akin. “Like a date.”

 

        Sinamaan ko lang ng tingin si Lucky.

 

        “No,” sagot ni Natasha na natatawa. “My friend will also come since she also want to write an essay in one of the exhibits in The Louvre. Lucky, you should come too.”

 

        Medyo nadismaya naman si Lucky sa narinig. “I can't go,” pagtanggi ni Lucky. “I have some other place in mind, that is way more worth a page of my essay.”

 

        “Ang sabi niya, sa bahay na lang siya. Mangongopya na lang siya ng essay sa akin,” pang-aasar ko kay Lucky. Binigyan ako ng tingin ni Lucky na nagsasabing, ‘tumigil ka nga’.

 

        Naguluhan si Natasha sa sinabi ko. “What?”

 

        “Of course, I will come with you.” Bumalik ulit ako sa counter nang may customer na lumapit. “Same time, same place.”

 

        “Okay,” nakangiting sabi ni Natasha sa akin. “I should go now. Thanks for the coffee. Bye.” Lumakad na siya palabas ng café.

 

        “Bye,” paalam ko sa kaniya saka pinansin ang customer sa harap ko.

 

        Pagdating sa araw ng pagkikita namin, mag-isa ko na naman siyang nakita. Ngayon naman, LBM ang dahilan kaya hindi namin makakasama ang kaibigan niya.

 

        “How was your culinary course?” naitanong ko habang nasa harap kami ng estatwa ng Winged Victory of Samothrace. Ang dyosa ng Nike.

 

        “It's okay,” parang hindi niya siguradong sagot. “Honestly, I'm just passing my time by taking this course.”

 

        “Ohh! Any particular reason why?”

 

        Hinawi ni Natasha ang kanang parte ng buhok niya, na ngayon ko lang napansin na hindi kahabaan. Pero may pakiramdam ako na parang kakagaling lang sa salon ang buhok niya. Napaka-presko kasi siyang tingnan.

 

        “It's an excuse for me to leave my hometown, to be free,” sagot niya.

 

        Napatingin ako sa kaniya matapos isipin kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang sinasabi. “Why? Where you from that you want to leave your hometown?”

 

        “Irkutsk Oblast.”

 

        Hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya pero ayokong ipaulit iyun sa kaniya. “Is it a country?”

 

        Medyo natawa naman si Natasha. “No.” Naglakad na kaming dalawa palayo sa estatwa. “It's a federal state in Russia. Like, California in America.”

 

        “Right. The world is so big.”

 

        Umupo na muna kami sa isang upuan matapos maglakad ng ilang segundo. “My parents died in a flood. And floods in our Oblast lasts a month or two. My parents and I were about to leave our home, then a strong rain came. While we were leaving, they were unfortunately swept away by the strong current of the flood. Their body was never found.”

 

        “I'm sorry,” awtomatiko kong sabi.

 

        “While still living in Oblast, more floods kept on happening. Along with that, more life-threatening events happened while remembering what happened to my parents. And those memories, I can still see it like a flashback. Until I can't take it anymore. So I promised myself, I will leave my Oblast. I know that our country has many other Oblast that are not easily flooded, but I think that it's better for me to move out and live here in Paris. Lucky for me, a benefactor from another country made it happen.”

 

        Dahil nag-kwento siya tungkol sa kamatayan ng magulang niya, minabuti ko na magkwento na din ako tungkol sa sarili ko.

 

        “I'm from Rizal in Philippines-” panimula ko.

 

        “The hero's hometown,” singit niya. Kilala pala niya si Rizal.

 

        “No,” hindi ko siguradong sagot, kung tanong iyung sinasabi niya. “I don't know. I didn't read too much in our Philippine history. Anyway, I studied Business here in Paris, to be with Paris. Because Paris holds too much memory of my mother. She died when I was 7 while we were touring this palace.”

 

        “Why did you take a business course?” tanong niya.

 

        “Well, my parents and his brothers have a company almost around the globe,” ikot ko ng hintuturo sa ere. “And as their son, I'll gladly take over the company since it's their legacy.” Since nalaman ko na hindi business ang kinuha ni Jin, kailangan kong mag-pursige sa pinag-aaralan ko.

 

        Saglit na in-assess ko ang sitwasyon naming dalawa. Meron akong magandang pagkakataon para masimulan kong ligawan si Natasha. Alam kong hindi ko pa iniisip na magkaroon ng girlfriend, pero gusto kong subukan.

 

        “Are you hungry?” tanong niya bigla nang akmang yayain ko sana siya. “I saw a cafeteria while we went here. Let's go there and talk more about our life. My treat.” Teka, hindi ganito ang gusto kong mangyari. Gusto ko na ako ang magyaya sa kaniya.

 

        “N-No,” pagtanggi ko. “I mean, I can pay for myself, and for you too.”

 

        “Your so sweet,” ngiti niya. “But I'm aware that you treated me and my absent friend so much. So, let me treat you.” Hindi naman ganoon kamahal ang ticket ng palasyo.

 

        Tumango na lang ako. Siguro sa susunod na araw na lang. Kung papalarin ay liligawan ko si Natasha.

 

        Ilang buwan ang nakalipas, naging kami na ni Natasha. Niligawan ko siya at sinagot niya ako. At nang naging kami, sumigla ang buhay ko. May kasama na ako na ma-appreciate ang mga magagandang tanawin ng Paris. Tsaka marunong pala siya mag-bike.

 

        Isang araw ay nagpaalam ako kay Natasha na umuwi muna sa Pilipinas para matingnan ang kalagayan ni Papa. Sumpresa ang pag-uwi ko dahil matagal na akong nakaipon ng pamasahe para sa isang trip.

 

        Habang nasa mall kami ng mga pinsan ko, nakuha ng atensyon ko ang isang tindahan ng mga singsing.

 

        “Isn't that a bit early for that?” na-iintrigang tanong ni Sharina.

 

        “Yeah,” pag-amin ko habang nakatingin sa mga iba't ibang disenyo ng mga singsing sa likod ng mga malilinaw na salamin. “Pero mabuti na ang handa. Hindi ba sabi mo dati na kung tao lang si Paris ay kaagad ko iyun papakasalan? This is me doing that.”

 

        “Pero masyado naman atang mabilis. Kung mag-iisang taon pa nga lang kayo, singsing na agad ang anniversary gift mo?” komento niya habang sumusunod at nakitingin na rin siya sa mga disenyo ng singsing. “Please tell me na hindi mo siya nabuntis.”

 

        “No, I'm being safe.”

 

        Naramdaman kong kinalabit ako sa likod ni Sharina. “Dexter, tingnan mo ito.”

 

        Nilingon ko si Sharina at bumalik doon sa tinitingnan niyang singsing. Saka ko lang napansin na ang singsing na tinitingnan niya ay may disenyo ng Eiffel Tower. Pero sa totoo lang, mas maganda kung disenyo ng Louvre Palace. Pyramid? Egypt kaagad ang naiisip ko kahit na iyung Louvre Palace.

 

        “Miss,” tawag ko sa nagbabantay ng shop. “kukunin ko po ito.” Tinuro ko ang singsing na gusto ko.

 

        Ilang taon ulit ang nakalipas, hindi pa rin ako nag-propose kay Natasha dahil maraming distractions. Mostly, si Natasha mismo. Tsaka napagpasyahan ko na bigyan pa ng ilang taon ang relasyon namin. Kahit na may pinag-aawayan kami gaya ng, bigla siyang nawawala sa hindi ko malaman na dahilan. Tsaka minsan ay may nakikita akong pasa sa katawan niya na hindi niya maipaliwanag kung saan niya ito nakuha. Nag-hinala pa ako na baka sikretong nakikipagkita si Natasha sa ibang lalaki, o baka bumalik na ang ex niya. At kaya binabalikan niya ito ay dahil napaka-intense nito sa kama.

 

        Isang araw ay tinamaan ako ng trangkaso. Humiga lang ako sa higaan ko magdamag dahil ayokong gumalaw at kailangan na kailangan kong magpahinga. Malapit na ako magtapos at, ngayong taon ay ang pinakamasamang timing para magkasakit.

 

        Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga pero narinig ko ang boses ni Natasha na kausap si Lucky. Kagagaling lang namin sa isang away at nasigawan ko siya na ayoko muna siyang makita dahil sa mga nililihim niya.

 

        “How is he?” rinig kong nag-aalalang tanong ni Natasha sa labas ng kwarto ko.

 

        “He is still alive. He just needs rest,” rinig kong sagot ni Lucky sa labas ng kwarto ko. “Is this okay? Me calling you here? I know that you two were in a fight and isn't resolved yet. But I'm worried about myself because I'm going to school without breakfast or lunch.”

 

        “It's okay. I'll take care of it. And you have money to buy lunch.”

 

        Naramdaman ko na gumagalaw ang isa sa kanila.

 

        “I know. But I love eating Dexter's food. You should know that already since you eat him.”

 

        “I know that. You will have dinner when you come home, don't worry.”

 

        “You can use whatever ingredients that we have in the ref. Gotta go. Bye,” paalam ni Lucky. Narinig kong may pintuan na bumukas tsaka nagsara.

 

        Nakiramdam lang ako sa paligid kung papasok ba siya. Pero sa pakikiramdam ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

 

        “Dexter.”

 

        Nagising ako nang naramdaman kong may umalog sa aking katawan. Pagmulat ko ay nakita ko si Natasha na may dalang mangkok.

 

        “Just sit in your bed,” sabi ni Natasha habang tinutulungan niya akong umupo sa higaan.

 

        Imbes na makipag-away sa kaniya, tinulungan ko siya sa gusto niyang gawin sa akin. Umupo ako sa upuan habang sinusubuan niya ako ng lugaw na lasang manok.

 

        “I learned how to cook this when I was in the mansion,” kwento ni Natasha. “Sharina got sick and a maid in there cooked Sharina's favorite food when she got sick. While cooking, the maid told me a story about you when you were sick. You like to eat this food, but in chicken flavor.”

 

        Tumingin lang ako sa kaniya habang nagki-kwento. “It's delicious.”

 

        Ngumiti naman siya habang sinusubuan ako.

 

        Nang naubos na ang lugaw, pinainom din niya ako ng gamot. Tahimik lang kaming dalawa habang nagpapalipas ako ng oras, dahil hindi maganda na humiga kaagad kapag kakakain o kakainom mo lang. Alam kong may pinag-aawayan kami na dapat naming pag-usapan pero hindi siya nagsasalita. Gusto ko na siya ang mauna na magsalita. Dahil kung ako ang unang magsasalita...

 

        “I'm sorry,” paghingi ko ng tawad. “that I don't trust you. That I'm being suspicious about your whereabouts when you are gone.”

 

        Hinawakan lang niya ang kamay ko habang may tumulong isang patak ng luha sa mata ko. Balak niyang magsalita pero hindi niya iyun tinuloy.

 

        “It's just, I love you so much. And I will do anything for you. Tell me what is wrong with me and I will change. Just don't leave me,” pakiusap ko.

 

        Niyakap ako ni Natasha habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko. “I love you too,” bulong niya. “And, don't worry Dexter. There is nothing wrong about you so don't change. And I promise you that I will never leave you. Let's just get past this and trust me, more.”

 

        Bago siya kumalas ay inayos niya ang higaan ko tsaka ako'y pinahiga. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyun. Sa sobrang gaan ay hindi ko na namalayan na nakapikit na ako.

 

        Ilang taon ang nakalipas, umuwi na kami sa mansion. Since malawak ang mansion at may mga individual kaming privacy, dito na kami tumira. With some renovations, lumaki pa ang kwarto ko. Para sa akin, isa itong malaking hakbang sa relasyon namin. At may isa pa akong malaking hakbang na gagawin.

 

        Itinago ko kay Natasha ang isang maliit na kahon na may nakalagay na pangalan niya. Kasi nga, sa loob ng kahon ay ang singsing. Iniisip ko pa rin kung ano ang tinatago niya sa akin, kung makakaapekto ito sa gagawin kong proposal sa kaniya. Simula kasi na nagkasundo kami, hindi ko na siya kinukulit kung ano ang sikreto niya. Magiging maayos ang relasyon ninyong dalawa kung hindi niyo pag-awayan ang isang bagay na mag-aaway talaga kayo. Pero...

 

        “Will you marry me?” tanong ko nang inilabas ko ang singsing na nakatago sa puwet ng champagne glass.

 

        Naghanda ako ng isang romantic dinner sa likod ng bahay namin. Dahil sa dinner na ito, magpo-propose na ako sa kaniya.

 

        Nanlaki ang mata ni Natasha at hindi makapagsalita. Biglang tumigil sa pagtugtog ang mga musikero para marinig ng lahat ang matamis na oo ni Natasha. Habang naghihintay sa isasagot niya ay kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka hindi pumayag si Natasha at ang lahat ng mahika sa paligid ay mawala.

 

        Isang patak ng luha ang lumabas sa kaliwang mata niya.

 

        “I can't,” bulong ni Natasha.

 

        At iyun nga. Biglang nawala ang hiwaga sa paligid sa mga salitang iyun.

 

        “W-What? W-Why?” pautal-utal na tanong ko.

 

        Tumayo si Natasha at itinayo ako.

 

        “Is it too early for marriage or...”

 

        Naputol ang tanong ko nang hinalikan niya ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

 

        Nang naghiwalay na kami, may ibinulong si Natasha sa akin.

 

        “Wait for me. I can't say yes to you right now. But I will,” bulong niya.

 

        Natulala ako sa ginawa niya. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin. Bakit kailangan ko pang maghintay? Bakit?

 

        Hinabol ko siya dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit. Bakit kailangan ko pang maghintay? Pero hindi ko na iyun maitatanong dahil hindi ko na siya nakitang muli.」

       

        “Wait for me. I can't say yes to you right now. But I will.”

 

        Kapag nagigising ako, paulit-ulit na naiisip ko ang mga salitang ibinulong sa akin ni Natasha. Kailangan ko pang maghintay.

 

        Mula naman sa mga salitang iyun ay ang mga hindi magandang dahilan kung bakit sinabi niya iyun. Masyado pa ba akong mahirap sa kalagayan ko ngayon? Technically, mayaman na ako. Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ginagawa ko? I give, she receives. She gives, I receive. Kailangan ko bang i-overwhelm ang balanse naming dalawa?

 

        Baka naman bumalik na ang kaniyang ex at pinapahirapan siyang pumili? Ganoon ba niya talaga kamahal ang ex niya? Talo ba ako sa una niyang mimahal?

 

        Bumangon ako sa kwarto ko at dumiretso sa kusina para magluto. Sa condo ni Lucky ako naninirahan. May space pa naman kila Jin pero pinili kong samahan si Lucky. At as usual, ang ginagawa ko sa condo niya ay pinagluluto siya ng pagkain. Para bang mag-asawa na kaming dalawa.

 

        Nang dumaan ako sa sala ay hindi kami nagpansinang dalawa. Busy si Lucky ngayon at hindi ngayon ang tamang panahon para istorbohin siya dahil seryoso siya sa kaniyang ginagawa. Maalala ko. May kailangan pa akong gawin sa opisina.

 

        Pagkatapos kong tapusin ang mga kailangan kong gawin sa condo ay nagpaalam na ako sa kaniya.

 

        “Bye,” sabi ko bago ako tuluyang lumabas.

 

        Sa parking lot ng building namin, naabutan ko ang sasakyan ng pekeng Aulric kasama ng kaniyang mga retinue. Si Randolf na hindi ko gaanong kakilala, mabait daw iyan sabi ni Jin. At si Alexander na bakit palaging naka-shades. May ora na nilalabas ang tauhan na ito ni pekeng Aulric na hindi ko nagugustuhan. Hindi ko gusto si Alexander kahit na wala pa itong ginagawa na masama sa akin.

 

        Bago lumabas ng sasakyan ay tiningnan ko ang schedule ko, na pinahanda ko sa aking secretary, bago simulan ang araw ko. Blah! Blah! Blah! Makikipag-usap lang ako sa mga taong ito na ipagpatuloy nila ang pag-suporta nila sa kompanya para mas lalo pa kaming yumaman. Ang gusto ba ni Natasha ay bilhin si Manny Villar, tapos papayag na siya na engaged na kami? Ganoon ba iyun? Pero, hindi naman ganoong klase ng tao si Natasha. Wala siyang hilig sa pagsya-shopping dahil ang gusto niyang past time ay iyung katulad ko na pumupunta sa mga historical site ng Paris. Those are not even expensive.

 

        Umiling na lang ako. Ganito talaga ang pagsisimula ng araw ko. Hindi healthy para sa akin, sa totoo lang. It's depressing. Sure, papasok sa trabaho, gawin ang trabaho ng isang CEO, mani lang iyun sa akin. Maraming pera ang papasok as long as ginawa ko ng tama ang trabaho ko. Pero by the end of the day, babalik na naman ako sa tanong na, mahal ba talaga ako ni Natasha?

 

        It's a cycle. It's annoying. It's depressing. Alam ko na sooner or later, kailangan ay ma-break ko ang cycle na ito dahil sooner or later, maaapektuhan nito ng todo ay ako.

 

        Lalabas pa lang ako ng sasakyan nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko ito habang naglalakad ako papunta sa elevator.

 

        “Lucky, bakit?” tanong ko.

 

        Hindi sumagot si Lucky sa kabilang linya pero alam ko na andyan lang siya.

 

        “Do you have something important to do today?” naitanong niya.

 

        “Ako ang CEO ng kumpanya namin,” diretsong sagot ko na nagpapahiwatig na, kung mas iimportante iyang gusto mong sabihin, pwede akong hindi pumasok

 

        Nasa harapan na ako ng elevator at naghihintay na bumaba ito nang napansin ako ng mga empleyado at binati ako. Nilayo ko sa tenga ang aking phone tsaka sumenyas ako na tumigil na sila sa pagbati sa akin ng magandang umaga at ngumiti ng bahagya. Ang nakuha nilang mensahe ay good morning din.

 

        “I can't believe that I am telling you this. Pero sa nakikita ko sa aking binoculars, nakikita ko si Natasha na buntis.”

 

        Pinigil kong huminga nang narinig ang sinasabi ni Lucky. Patakbong bumalik ako sa parking lot.

 

        “Huwag mo akong lolokohin!” pagalit na tanong ko. “Asaan ka ngayon?”

 

        “Nandito lang ako sa condo.”

 

        “Tulog ka ba nang sinabi nila Papa na ako na ang CEO ng kumpanya?” Binuksan ko ang sasakyan saka pumasok sa loob.

 

        “Alam ko.” Pakiramdam ko ay inikutan niya ako ng mata. “But just so you know. Nasa lens ng binoculars ko si Natasha habang hinihimas-himas ang baby sa kaniyang tiyan.”

 

        Binaba ko lang ang phone saka pinaandar na ang sasakyan para umuwi.

 

        Kararating ko lang sa parking lot ng building na tinitirhan namin ni Lucky.

 

        “Yes. Ibigay mo kay Jin lahat,” sabi ko sa sekretarya ko saka ibinaba ang phone.

 

        Pagdating ko sa taas ay nakatingin pa rin si Lucky sa mga building na makikita sa terrace namin. Sa kanan niyang kamay ay may hawak siyang panulat at may sinusulat siya sa papel na malapit sa kaniya.

 

        “Bakit ginagamit mo iyang binoculars dito?” tanong ko kahit na may mas importantent bagay ako na dapat nakita.

 

        “Dude, mula dito sa kinatatayuan ko, nakakakita ako ng mga chicks na halos hubad kung mag-yoga. Kung baga, for research purpose,” sagot niya habang hawak ang binoculars. Ibinaba naman niya ito saka may isinulat sa papel. Alam ko may tawag doon? Pero isinawalang-bahala ko na lang dahil may mas importante ako na dapat malaman.

 

        Kinuha ni Lucky ang papel saka ibinigay sa akin. “So, ito iyung rough sketch ko kung saang floor ko nakita si Natasha.”

 

        Tiningnan ko ang papel na binigay niya. Puro lang ito pahiga na linya. Sa isang pahigang linya ay may pahigang linya pa sa taas.

 

        Humarap ulit sa terrace si Lucky at tinuro ang labas kung saan makikita ang napakaraming building ng Maynila. “Kita mo iyung parang blue na building na iyun?” Ibinigay sa akin ni Lucky ang binoculars.

 

        Pagkagamit ko ng binoculars, medyo nahirapan ako dahil ngayon ko lang ito ginamit. Pero kaagad ko naman nakita ang building. Inilayo ko muna ang binoculars saka sinaulo ang papel na binigay sa akin ni Lucky.

 

        Humugot ako ng malalim na hininga saka inilagay sa mata ko ang binoculars. Base sa nakikita ko sa ground floor ng building, nakikita kong nakatingin ako sa likod ng building dahil walang kalsada sa likod at, may pader. Dahan-dahan na inakyat ko ang bawat floor ng building hanggang sa nakita ko na ang sinasabi ni Lucky na nakita daw niya si Natasha. Pero iba ang nakita ko sa loob ng condominium.

 

        Sa loob ng condominium ay, hindi ako nagkakamali dahil sa shades at sa suot niyang uniform kapag hinahatid si pekeng Aulric, nakita ko si Alexander. Kaagad na pumunta ang utak ko sa malalayong lugar. Ito ba ang bago niya? Ito ba ang nakabuntis sa kaniya? Ito kaya ang dati niyang boyfriend? Sa totoo lang, kaunti lang ang alam ko sa ex niya. Iniwan siya. Iyun lang.

 

        Ilang oras ang lumipas, nakatayo lang ako sa terrace hawak-hawak ang binoculars. Hindi pumasok sa kaniyang trabaho si Lucky pero nag-request siya na mag-work from home setting siya, na ginagawa naman niya.

 

        Maya-maya ay nawala si Alexander sa paningin ko. Pagbalik niya ay may hawak siyang kahon. Sa kahon na hawak niya ay napansin ko ang pangalan ng isang online shopping business. At ang laman ng kahon ay mga saging.

 

        Nagtaka ako kung bakit ino-order pa ni Alexander ang saging gayong napakadaling bumili ng saging. At mukhang tatlo sila sa bahay dahil sa may medyo matanda na umaaligid sa kwarto nila. Pwede naman magpabili ng isa sa kanila sa supermarket. Ganito ba sila lahat ka-busy?

 

        Tiningnan ko ulit ang saging ng mabuti bago pa ito mawala sa paningin ko. Napansin kong parang abnormal ang saging na nakita ko. Parang isang saging na nakadikit din sa isang saging. Kambal na saging?

 

        “Lucky, anong pinagkaiba ng lasa ng normal na saging na green sa parang may kambal-tuko na saging din na kulay green?” tanong ko habang hindi ko inaalis sa kamay ko ang binoculars.

 

        “Maliban lang sa magkadikit sila, wala naman,” sagot ni Dexter. “Maliban na lang kung naglilihi si Natasha at nasa stage niya na may kakaiba na siyang cravings.”

 

        Hindi ko pa nakikita si Natasha ng personal kung buntis ba talaga. Nagdadalawang-isip pa ako kung totoo ang sinasabi ni Lucky o kung niloloko niya ako. Pero kung buntis nga ba talaga siya, hahabulin ko pa ba siya?

 

        Kinabukasan, humugot lang ako ng malalim na hininga. Sa condominium na nakita ko si Alexander, nasa elevator kami ni Lucky kasama ng isang courier. Nang dumating na kami sa floor kung saan namin, hypothetically, mapupuntahan ang kwarto ni Natasha, lumabas din ang courier na kasama namin at nauna itong naglakad.

 

        Binalewala lang namin iyung courier hanggang sa huminto ito sa tapat ng kwarto kung saan nakita ni Lucky si Natasha. Kakatok pa lang ang courier nang...

 

        “Kuya, wait!” Patakbong pinuntahan ni Lucky ang courier na hindi tinuloy ang pagkatok. Medyo matanda pala ang courier nang natingnan ko ito ng mabuti.

 

        “Bakit, sa inyo po ba to?” maingat na tanong ng courier.

 

        Nagkatinginan lang kami ni Lucky dahil hindi ko alam ang gagawin. Ilang pag-uusap ng mata namin later.

 

        “Hindi,” hindi siguradong pag-amin ni Lucky. “Pero ito pong kaibigan ko, gusto niyang makita iyung girlfriend niya-”

 

        “Fiancee,” paglilinaw ko.

 

        “-na papakasalan niya. Pero nalaman ko na buntis na pala siya at nagtatago sa kwarto na iyan.” Bigla naman may naalala si Lucky. “Pero paano kung si Alexander ang makaharap natin?”

 

        Nakuha ko ang gustong sabihin ni Lucky. Paano nga kung si Alexander ang makaharap namin?

 

        “Ano ngayon ang gusto niyong mangyari?” seryosong tanong ng courier.

 

        Nag-usap na naman kami ni Lucky gamit ang mga mata namin. Wala talaga akong maisip sa mga ganitong bagay.

 

        “Paano kung ibigay niyo po sa amin iyung package at kami na lang ang bahala na magbigay niyan sa may-ari ng kwarto na iyan?” suhestyon ni Lucky. “Ahh, tama. Bro, siguro, ako na muna ang gagalaw. Titingnan ko kung pwede natin malampasan si Alexander para makita si Natasha.”

 

        “Aba, hindi pwede iyan,” pagtanggi ng courier. Medyo umatras ang courier na para bang may gagawin kaming masama sa kaniya. “Baka kung ano ang gawin ninyo sa loob at baka matanggal ako sa trabaho. Nasa kritikal na kondisyon ngayon anak ko kaya hindi pwede na matanggalan ako ng trabaho kapag may ginawa kayong kalokohan.”

 

        “Isang milyon,” diretso kong sabi.

 

        Kapwa na nagulat ang dalawa sa sinabi ko at tiningnan ako ng nakakaloko.

 

        “Bro, alam kong mayaman ka pero huwag naman isang milyon kaagad,” komento ni Lucky.

 

        Medyo umurong na naman ang courier. “Sir, kahit ilang milyon pa iyan, hindi ko po iyan matatanggap dahil hindi niyo ako mabibili para lang makuha ninyo ang gusto niyo.”

 

        “Kuya, naiintindihan ko po iyang sinasabi niyo. Pero ako, gagawin ko ang lahat para lang magawa ng kaibigan ko ang plano niya at nang makausap ko ang fiancee ko,” paliwanag ko. “Alam kong mahal niya ako, pero lumayo siya sa akin. Nawala siya sa buhay ko. At ngayon,” tinuro ko ang pintuan sa tapat namin. “nandyan po siya sa likod ng pintuan na iyan. At sabi pa ng kaibigan ko dito, buntis siya. Kuya, gusto kong malaman kung paano ito nangyari sa kaniya. Anong nangyari at bakit? Gusto ko din malaman mula sa kaniya kung mahal pa ba niya ako?”

 

        Hindi ko alam kung tinablan ko ba si kuya o hindi sa sinabi ko. Sa totoo lang, desperado na ako. Kung haharapin ko ngayon si Natasha, titigil na ba ang mga bulong sa isip ko? Mahahanap ko na ba ang kapanatagan ng isip ko?

 

        Sa condominium na tinitirhan namin ni Lucky, sinusulatan ko ang isang tseke. Si kuyang courier ay nasa likod ko at iba na ang damit. Kinuha ni Lucky ang damit niyang pang-courier at nasa tapat na siya ng pintuan sa tinitirhan ni Natasha.

 

        Ibinigay ko na kay kuyang courier ang tseke.

 

        “Sir, seryoso ho ba kayo na isang milyong talaga ito?” tanong ni kuyang courier hawak-hawak ang tseke kasama ng numero ko kapag tumalbog.

 

        “Ang totoo kuya, may 50k kami pero para maniwala kayo na seryoso kami sa gagawin namin, na hindi namin ilalagay sa peligro ang trabaho ninyo,” paliwanag ko. “Tsaka barya lang sa akin ang isang milyon. At maniwala po kayo sa hindi, malaking bagay para sa akin na magawa namin ng kaibigan ko ang plano niya para makausap ko ang fiancee ko. Siguro naman po, naiintindihan niyo po ako dahil umibig din po kayo.”

 

        Tumango-tango si kuyang courier. “Naiintindihan ko po kayo sir. Kaya lang, hindi ganoon ang love story namin ng asawa ko kaya hindi ako maka-relate.” Bahagya naman ngumiti si kuyang courier. “Pero, good luck na lang sa inyo, sir.”

 

        Ilang minuto ang nakalipas ay nakabalik na si Lucky.

 

        “Iyung Alexander ang nakausap ko,” sabi ni Lucky na dumiretso sa kwarto niya.

 

        Sumunod lang ako hanggang sa pintuan ng kwarto niya.

 

        “Mukhang isang matandang babae lang iyung kasama nila sa loob. Nakita ko iyung matanda na sumilip sa amin,” patuloy na sabi niya habang nagpapalit siguro ng damit.

 

        Tumingin ako sa pambisig na relo ko. “Ilang minuto lang at uwian na ni Alexander. Paano ako makakapasok doon?”

 

        Bumukas ang pintuan. Naka-pang-casual na damit na si Lucky at sa kamay niya ay ang damit ng courier.

 

        “Gayahin mo ang ginawa ko. Magmukhang-courier,” sagot niya. “Meron na tayong damit, ilang gamit, at ang kailangan na lang natin ay props para sa package at pwede ka nang makapasok.”

 

        Kaagad akong nandiri sa naisip niyang ideya. “Yuck! Nasuot na ni kuya iyang damit na iyan, tapos sinuot mo. Ayoko,” pagtanggi ko.

 

        Tumungo ulit ako sa terrace saka kinuha ang binoculars. Sinilip ko ulit ang unit ni Natasha pero may kurtina nang nakatakip.

 

        “Huwag ka na kayang mag-inarte. Alam kong ayaw mong magsuot ng mga damit na nasuot na nang ibang tao, pero ito lang ang nakikita kong paraan,” paliwanag ni Lucky sa likod ko na mukhang dala-dala pa ata ang damit. “Tsaka alam mo ba, nang nakita ko kanina si Natasha, mukhang malapit na ata manganak. Baka ngayong linggo, sa susunod, hindi ko alam. Basta malapit na. Kaya huwag ka nang mag-inarte.”

 

        Ramdam ko na naglalakad palayo si Lucky. “Pare maging komportable ka, ilalagay ko sa washing machine iyung damit tapos ida-dryer ko.”

 

        Ibinaba ko ang binoculars dahil wala namang nangyayari na maganda sa ginagawa ko. Ilang minuto ang nakalipas ay tumawag ulit ang sekretarya ko. Ipinapasa ko ulit kay Jin ang mga meetings ko. Wala pa namang importante na mangyayari bukas kaya hindi ako papasok bukas.

 

        Habang papalubog ang araw, tiningnan ko lang ang damit ng courier na nakasampay sa terrace. Ayokong magmukhang maarte pero may history ako sa mga bagay na may kinalaman sa panghihiram ng damit. Noong bata pa ako, may kaklase akong bata na may halos kapareha ko ng damit. Yada, yada, aksidenteng nagkapalit kami ng damit. Habang suot-suot ang damit ko, bigla akong nangati. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya nangati ako noon, pero nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magsusuot ng mga damit na sinuot na ng mga tao. Baka maulit na naman ang nangyari noon.

 

        Bigla naman tumunog ang phone ko. Isang hindi naka-rehistro na number ang tumawag sa akin.

 

        “Hello?”

 

        “Sir, good evening po,” sabi ng tao sa kabilang linya. Hindi ko alam pero parang pamilyar iyung boses ng tao.

 

        “Sino po ito?” tanong ko.

 

        “Sir, ako po iyung courier na binigyan niyo ng isang milyon,” sagot nito. “Napatawag po ako para magpasalamat. Napakalaking tulong po talaga ng pera niyo.”

 

        “M-Mabuti naman po.”

 

        “Siya nga po pala. Napatawag po ako dahil may isa pa po pala akong delivery sa unit na iyun. Iyung sinasabi niyo po kung nasaan ang fiancee niyo. Kung hindi niyo pa po nakita.”

 

        Biglang nagliwanag ang mukha ko at napatingin sa malayong unit daw ni Natasha. “Hindi ko pa po siya nakikita. Pero nagbabalak po ako na sa isang specific po na oras magpakita dahil nandoon po iyung lalaki na kasama po niya. Baka magkaroon ng komprontasyon na sana ay hindi na umabot sa pisikalan. Mukhang nakakatakot iyung lalaki.”

 

        ”Kung ganoon po, baka gusto niyo na kayo na lang po ang maghatid nung package ngayon. Okay po ba sa inyo iyun?”

 

        Napatingin ako sa damit ng courier. “N-Ngayon na?”

 

        “Sa-request kasi nung nagpadala, mataas daw iyung binayad ng nag-order. Kaya dapat po ay ngayong gabi na ibigay. Andito na po ako ngayon sa parking lot ng building.”

 

        “Antayin niyo po ako diyan,” saka ibinaba ang phone. Mukhang wala na talagang ibang paraan.

 

        Suot-suot ang isang uniporme ng courier ay humugot ako ng malalim na hininga habang kumakatok sa isang pintuan. Pagkabukas ng pintuan ay may sumilip na medyo matanda na babae.

 

        “Delivery po para kay Natasha Chernaya Vdova,” sabi ko.

 

        Tiningnan lang ng matanda ang hawak kong clipboard. “Ho? Wala pong Natasha Janaya Bidova dito.”

 

        “Talaga?” Tiningnan ko kunyari ang clipboard. “Ito po iyung address na binigay sa amin. Pwede pong pakitingnan?”

 

        Binigay ko sa matanda ang clipboard na kinuha naman nito. “Sandali lang, patingin?”

 

        Kinuha ko ang parcel na nilapag ko at dire-diretsong pumasok. “Ipasok ko na rin po itong delivery niyo. Medyo mabigat po ehh.”

 

        Nagulat ang matanda sa ginawa ko at akmang pipigilan ako. “Teka lang, hijo! Sandali! Hindi ka pwedeng pumasok!”

 

        Dumiretso ako sa pinakasala at nilapag ang parcel sa mesa. Tapos ay kumanan ako kung saan may isang pintuan. Binuksan ko ito at nakita ang gulat na ekspresyon ni Natasha nang nakita ako.

 

        “Dexter?” bulalas niya.

 

        Nakahabol naman ang matanda sa akin. “Hijo, bawal ka nga dito.”

 

        “Manang, it's okay!” tawag ni Natasha doon sa matanda. “Please, just rest. And don't call anyone.”

 

        “Pero ma'am-”

 

        “It's okay, manang,” pagputol niya. “I promised. Everything is alright.”

 

        Tiningnan ko lang ang matanda na mukhang aangal pa sana. “Huwag po kayong mag-alala. Mag-uusap lang kami,” sabi ko sa matanda.

 

        Pumasok lang ang matanda sa isang pintuan. Mukhang kwarto niya iyun.

 

        Pagbalik ko naman kay Natasha, iniwasan niya ako ng tingin habang nakalapat ang kamay niya sa kaniyang lumulobong tiyan. Mukhang kahit anong oras ay lalabas na ang bata.

 

        “Dexter?” bulalas niya.

 

        Dali-daling akong umalis sa lugar na iyun. Ayoko siyang tanungin kung ano ang nangyari. Natatakot ako sa katotohanan na may nagbago sa pagitan naming dalawa.

 

ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails