Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.
Heto na po ang Chapter 81.
Isaac's POV
「12 years ago...
Mga ilang metro ang layo ko kay Caleb nang biglang suntukin
siya ng isang lalaki. Tapos may isa naman na nakisuntok, tapos may isa pa.
Tumakbo ako para tulungan si Caleb. “Tama na iyan!” sigaw ko
habang sinusubukan na suntukin ang isa sa mga lalaki.
Sa kasamaang palad, hindi tumama ang suntok ko. Dahil doon ay
nasuntok ako ng lalaki sa sikmura. Pero kahit ganoon, sinubukan kong lumaban.
Hindi tama ang ginagawa ng mga taong ito kay Caleb.
Hindi ko na namalayan na may ibang lalaki ang tumulong sa
amin. Nakahiga lang ako sa kalsada habang tinitingnan ang langit. Wala akong
nagawa. Ni hindi nga ako nakatama ng isang suntok.
“Okay ka lang ba Isaac?” tanong sa akin ni Knoll na inilahad
ang kaniyang kamay.
Kinuha ko iyun para makatayo. Nang tumingin ako sa paligid,
wala na iyung mga taong sumuntok sa akin. Baka umalis na dahil apat pala kami.
Lugi ang tatlo sa apat.
“Anong okay? Hindi nga nakatama iyung suntok niya,” sabat ni
Andrew habang pinapagpag ang kaniyang uniform.
“Huwag niyo na nga asarin iyan,” sabi ni Caleb na hinahabol
ang hininga. “Ikaw Isaac, kung hindi mo naman kaya, huwag ka ng makisali.”
Ibinaba ko lang ang aking tingin. Nakakahiya.
“Tol, huwag ka naman ganyan. Ikaw na nga tinulungan nung
tao,” argumento ni Knoll. “Ayos lang ba kayong dalawa? Kailangan niyo ba ng
tulong? Tara, report natin iyung mga gagong iyun sa principal. Kilala pa naman
ng mga magulang ko iyung mga tatay at nanay nun.”
Ayoko sanang pag-aksayahan pa ng oras ang pumunta sa
principal para lang magsumbong dahil ayos naman kami. Kaya lang, mapilit si
Knoll kaya sumama na ako. Naparusahan naman iyung mga taong bumugbog kay Caleb.
At pagkatapos noon, napansin kong palaging nagtatagpo kami sa school. Kahit
nasa magkabilang dulo ng classroom sila Caleb, Knoll, at Andrew ay pinupuntahan
nila palagi ang mesa ko para makipag-usap. Hindi ko na napansin na palagi ko
nang kasama ang mga taong ito. At nagkaroon ako ng mga bagong malalapit na
kaibigan.」
Camilla's POV
Gabi na at nasa harapan pa rin ako ng computer at tumitingin
ng mga pictures. Imbes na mag-beauty sleep na ako dahil maaga pa ako bukas,
gusto ko munang ubusin ang oras ko sa social media.
Pagkatapos tumingin ng mga pictures ay ang Memories section.
At isang hindi magandang alaala ang nakita ko. Picture namin ito sa Subic.
Hindi namin kasama si Aulric dahil si Zafe ang kasama niya sa Boracay.
Parang kahapon lang kinuha ang picture na ito. Pero ang
dalawang tao sa picture na ito ay wala na.
Bigla naman akong may naisip na idea. Inabala ko si Andrew.
Camilla: Pwede bang isama
natin sa tribute video si Ricky at Shai?
Andrew: Pwede naman. Pero,
alam mo na. Misa iyun para kay Aulric.
Camilla: So? Para kasing
unfair sa kanilang dalawa. I get it na kaya nagpa-misa tayo ay para manahimik
na si Aulric dahil minumulto niya tayo and all. Pero gusto ko sana na maalala
din ng mga tao si Ricky at Shai. They are our precious friends na sa isang gabi
lang ay nawala sa buhay natin.
Andrew: I'm not sure about
this.
Camilla: Please? Kung buhay
lang si Aulric, sure ako na gagawin din niya ito para sa kanilang dalawa.
Matalik din naman niyang kaibigan iyung dalawa.
Andrew: Okay. Sabi mo ehh.
Napangiti lang ako nang nag-agree sa akin si Andrew.
Pinagpatuloy ko naman ubusin ang oras ko sa pagtingin ng aking mga memories sa
social media.
Andrew: Kumusta pala kayo ni
Inno?
Nagulat ako sa itinanong ni Andrew.
Camilla: Okay naman. Naayos na
ang gusot namin nang nalaman ko na nakipag-usap siya kay Isabela. At matapos
malaman na baliw na baliw siya kay Randolf, medyo gumaan ang aking loob. Still,
hindi ko pa rin mapapatawad ang babaeng iyun sa ginawa niya.
Andrew: Okay.
Camilla: Bakit mo naman
naitanong?
Andrew: May iniisip lang ako.
Habang naghahanap kasi ako ng mga pictures ni Shai at Ricky, nakita ko iyung
picture natin sa Subic. Feels like yesterday.
Camilla: Same.
Alam ko na kung saan ito pupunta.
Camilla: Si Knoll ba ang
nagpapatanong sa iyo niyan?
Andrew: Hindi ito alam ni
Knoll. Alam mo naman na off-limits na pag-usapan ‘kayong’ dalawa.
Camilla: Kung ganoon, bakit
ikaw ang nagtatanong?
Andrew: Alam mo naman na
naging saksi ako sa nangyari sa inyong dalawa. Mula sa pambu-bully namin sa
iyo, naging kayo ni Knoll, hanggang sa naghiwalay kayo.
Camilla: Alam ko, nandoon din
ako.
Andrew: Bakit napatawad mo si
Inno pero si Knoll, hindi?
Camilla: Napatawad ko na siya.
Andrew: Pero bakit hindi pa
rin kayo nagbabalikan?
Camilla: Kami pa rin ni Inno.
Andrew: Ayoko kay Inno. Gusto
ko na kayo ni Knoll magkatuluyan sa huli dahil close tayong lahat.
Camilla: Andrew, sa huli, ako
pa rin ang magde-decide kung sino ang gusto kong samahan habangbuhay.
Andrew: Alam mo ba na mas
masaya tayo noon bago kayo maghiwalay? Alam mo na malaki ang pinagbago ni Knoll
simula nang nawala ka? Palagi siyang distant. Tapos kapag magkakasama tayo,
malayo ang kaniyang tingin kahit kamay mo lang ang tinitingnan niya.
Camilla: Andrew, alam mo naman
ang nangyari kung bakit ako nakipaghiwalay. Nandoon ka. Pero pinili niyo na
isikreto ang bagay na iyun.
Andrew: Ang unfair naman kasi.
Si Inno, napatawad mo nang ganoon-ganoon lang. Si Knoll, sa isang pikit-mata
lang, hiniwalayan mo kaagad.
Camilla: I don't want to
stress this out but we all know that Knoll was careless! Knoll impregnated
Isabela! Napaka-convenient lang na nalaglag ang bata dahil wala nang problema!
Andrew: But don't you
appreciate Knoll's honesty? Sa kabila ng mga sinasabi namin na huwag sabihin sa
iyo, sinabi pa rin niya iyun. Dahil mahal ka niya.
Camilla: It changes, things.
Imagine if he'll do it again to me.
Andrew: He will not do that.
Camilla: How can you be sure?
And the fact ngayon ko lang nalaman na pinag-uusapan niyo ang bagay na iyan,
hindi ba dapat magalit din ako sa iyo? Alam mo, in a sense, you betray me like
Knoll did.
Andrew: I am not an
accomplice. I just know the unnecessary things and I can't help it but to get
involved. I know that Caleb hates one of us, I know Isaac complains about you,
I know what other people say about the other. Pero nanahimik lang ako. Because
we all hate things but that didn't affect our friendship altogether. Our views
changes as time passes. Now, Caleb doesn't hate one of us. Isaac no longer
complains about you, everybody has a different issue now.
Camilla: But it's normal
between friends. Alam ko iyan because Knoll complains too. Pa-importante si
ganito, napakatanga ni ganyan, normal lang iyun. It is not between lovers. Look
Andrew, I know that you are invested in our relationship, but you should let it
go. Someday, you will understand what I did dahil hindi mo pa naranasan na
ma-inlove. I am the person who is probably has the biggest investment here, you
know. I gave Knoll whatever he wants, he does the same to me. But the moment
that he slept with Isabela, kahit na ang rason niya ay lasing siya tapos
nabuntis pa niya, it changes things. It changes my point of view about him.
Hinintay kung mag-reply si Andrew sa akin. Pero binura niya
halos lahat ng mga sinabi niya. Binura ko din iyung mga sinabi ko hanggang sa
kaya ng social media app.
Pero lately, nagbago ulit ang pananaw ko sa mga nangyari. Ang
hindi alam ng lahat, ang advice ni Knoll ang nagligtas sa relasyon namin ni
Inno. Yes, naka-block na si Isabela sa contacts ni Inno. Pero kung hindi ako
nakinig kay Knoll...
Ilang araw ang lumipas ay naganap na ang misa ni Aulric.
Medyo marami ang dumalo sa inaasahan ko. Nakita ko din si Isabela, Colette, at
iyung Chief of Police dito sa Rizal. Nandito din si Kurt kasama ang kaniyang
boyfriend. Si Sharina din, kasama ni Isaac. At ang mga kaibigan ni Inno.
Matapos ang misa ay may kaunting salo-salo. Bago pa ipalabas
ni Andrew ang tribute video ay nilapitan niya ako sa aking mesa.
“Camille, pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya habang
ibinaba niya ang kaniyang tingin.
“Excuse me lang,” sabi ko kay Inno.
Tumango lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Tumayo naman
ako at lumayo kami sa mesa.
“I'm sorry nga pala sa sinabi ko sa iyo noong isang araw,”
sinserong paghingi niya ng tawad habang tiningnan niya ako sa mata. “I was out
of my line. Nadala kasi ako sa ating mga nakaraan. I miss both of you. As
together. Tapos kasi si Isaac.” Subtle na tinuro niya ang mesa ni Isaac kung
saan kasama namin ni Inno.
“Did you know that my father cheated on my mom?” tanong ko sa
kaniya.
“A-Alam ko. Minsan, naaabutan ko kayo ni Aulric na
pinag-uusapan ang bagay na iyan.”
Humugot muna ako ng malalim na hininga. “That was one of the
reason kung bakit hindi ko itinuloy ang pagpapakasal kay Knoll. Natatakot ako
na matulad ako kay Mama. Nakatali siya sa asawa niya, at siya lang ang hindi
nangangaliwa. Dahil naniniwala ang Mama ko na masama iyun. Pero ang Papa ko,
pinagpapatuloy pa rin niya ang kaniyang pangangaliwa. Kaya nangako ako sa
sarili ko, kahit kailan, hindi ako magpapatali sa isang tao na kaya akong
kaliwain.”
“Oh!” Nag-iwas siya ng tingin. “Right. That makes sense.”
“Napansin mo bang hindi ako mahigpit kay Knoll noon? Dahil
malaki ang tiwala ko sa kaniya. At sa isang gabing iyun, nawala ang tiwala ko
sa kaniya. Kita mo ba si Inno? Hindi ko hinihigpitan iyan, maliban lang sa
isang bagay. At kagaya ko, malaki din ang tiwala niya sa akin. Mag-inuman tayo
ni Caleb, papayag iyan. Unlike sa ibang lalaki. Because he trust me to do the
right thing. He is my ideal guy. And I hope na magustuhan mo siya.”
“I will try, Camilla. I will try.” Pero walang reaksyon ang
mukha niya. “Again, I'm sorry.”
Tumungo na siya sa harapan. Hindi ko alam kung sinsero ba ang
sinasabi na susubukan niya. Pero nagtitiwala ako sa kaniya na susubukan talaga
niya.
Bigla naman na nag-ring ang phone ko.
Andrew: Again, I'm sorry
talaga.
Nagtaka ako kung bakit pa siya nag-PM pa siya sa akin gayong
magkalapit lang kami. Pero bigla kong naisip kung bakit.
“Mike test. Mike test,” sabi ni Andrew na sinisubukan ang
mikropono.
Humarap ang mga tao na nakatalikod sa kaniya. Ako naman ay
umupo ulit sa mesa na inuupuan ko.
“So, kaming mga kaibigan ni Aulric ay gumawa ng isang tribute
para sa kaniya in a form of a video.”
Habang nagsasalita si Andrew ay may mga katulong na binubuhat
ang isang projector at ang isang screen para sa projector.
“Also, in this video, we made a tribute to our friends. To
Ricky Rizal and Shai Lyn. As we all know, like weeks ago na namatay si Aulric,
may pumatay sa kaibigan namin.” Medyo naluha-luha si Andrew habang nagsasalita.
“I know this mass, this gathering is for Aulric, and his mother. But as a
person who made an initiative to make this happen, gusto ko lang isingit silang
dalawa. Dapat sana kasi na mass din para sa kanilang dalawa ang gathering na
ito, kaya lang last minute ko silang naalala and I hated myself for it. It's
not fair for them. So until now, walang maipakulong ang mga pulis kung sino ang
pumatay sa kaibigan namin.”
Tumingin si Andrew
doon sa chief of police. Ang pulis naman ay ibinaba ang tingin pero inangat din
niya ito.
“Not that I blame them kasi may idea ako kung paano ang
procedures ng mga pulis. I'm just angry that their murderers got away and
justice was not served for my friends. Anyway, sigurado akong sa impyerno naman
pupunta ang mga demonyong iyun. Hindi ko na ito patatagalin pa kaya please
watch the video.”
Biglang napatingin sa akin si Andrew at may sinabi siya sa
hangin.
“I'm sorry talaga.”
Oo, alam kong hindi ko pa sinasabi kay Inno kung sino ang ex
ko. Dahil hindi pa ako handa at ayoko iyun pag-usapan. Pero sa susunod na mga
ilang segundo malalaman niya. Malalaman niya na kaibigan din niya ang ex ko.
Wala ng mas matibay pa na ebisensya kesa sa mga litratong
ginamit ni Andrew para sa tribute video ng tatlo kong kaibigan. Maliban sa
napaka-awkward na litrato ni Zafe at Aulric, kasama din kami ni Knoll. Marahil
ang mga tao, walang pakialam sa mga picture na ipinapakita. Nakaraan na ang mga
ito. Pero para kay Inno, bago lang ito sa kaniya.
Bigla kong hinawakan ang kamay ni Inno. Gusto kong malaman
kung okay lang ba siya sa kaniyang mga nakikita. Sasabihin ko naman sa kaniya
kung kailan handa na ako. Mabuti nga lang at hindi niya ako kinukulit. Pero
para malaman ang bagay na ito sa ibang tao, hindi ko alam. Ano ang nararamdaman
niya sa nakikita? Marami-rami rin ang litrato lalo na kapag kami ni Shai.
Tiningnan ako ni Inno na may nagtatanong na tingin. Nakahinga
ako ng maluwag. Wala akong galit na nakikita sa kaniya. Pero magpapaliwanag pa
rin ako sa kaniya.
“Kaya bibigyan ko sila ng hustisya.”
Bigla akong kinilabutan sa narinig. Kasama ba iyun sa tribute
video niya ni Andrew?
Sa video, tapos na ang tribute ng mga kaibigan ko. Napalitan
naman ito ng isang lalaki na kamukha ni Aulric. Nagulat ako. Parang totoong
buhay siya. Pero parang may mali. Para siyang hindi isang tunay na tao. Ang
Aulric na ito ay nakangiti nang nakakaloko.
“Na-miss niyo ba ako?” tanong ng boses. “Akala niyo ba na
napatay niyo ako nang tuluyan? Hindi!”
“A-Anong ibig sabihin nito?” rinig kong tanong ni tito Henry.
“Kumusta nga pala? Salamat sa misa na ibinigay niyo sa akin
sa pag-aakalang minumulto ko kayo. Pero alam niyo, hindi ako yumao. Hindi ako
nanahimik!”
“Hindi ito kasama sa presentation ko,” sabi ni Andrew na
akmang papatayin ang laptop.
Biglang pinigilan siya ni Alexander na patayin marahil ang
laptop na ginagamit niya.
Lahat ng tao ay nakatingin sa screen. Nagulat din sila sa
nakikita sa screen.
Bigla naman may dalawang tao ang lumabas sa gilid ng Aulric
na ito. Ngayon naman, sa anyo ito ni Shai at ni Ricky, na nakapikit. Katulad
din sila ni Aulric sa video.
“Marahil, sila Shai at Ricky, nagsasama na sa langit dahil
gusto na nila ng kapayapaan.”
Nagbago ang scene ng video. Ngayon naman ay may dalawang tao
ang nakahiga. Ang isa ay si Aulric, at ang isa ay isang babae na hindi ko
kilala. Nakapikit din ito. Lumabas din sa gilid nila sila Ricky at Shai.
“Si Mama, pina-move on ko na dahil ayoko na siyang mag-hirap.
Pero ako, hindi pa ako maka-move on.” Sumeryoso na ang mukha ng Aulric sa
video. “Alam niyo kasi, pinatay kami ng isa sa inyo!” matigas na sabi niya
habang pinagtuturo kaming lahat.
Dahan-dahan ay hinarap kami ni tito Henry. Isa-isa ay
tiningnan niya kami sa mata. Bakas sa mukha niya na naniniwala siya sa sinasabi
ng Aulric na nasa video. Tiningnan ko din ang iba. Isa sa amin na nandito?
“Kaya humanda kayo sa akin.”
Biglang may mga nag-flash na pormal na litrato ng mga tao sa
party. Mabilis ito pero alam kong mga picture sa ID ng Bourbon Brother's
University ang mga picture na iyun. At lahat ng nasa litrato ay may ekis na
marka.
“Humanda kayo kung paano ko kayo sisingilin. Simula pa lang
ito. At least ngayon, maghahanda kayo ngayon sa pagdating ko. Hindi ko
mapapatawad ang mga taong sumira ng buhay namin!”
Biglang naputol ang video at napalitan ito ng asul na screen.
Hindi pinigilan ni Alexander si Andrew.
“Ahh!” biglang sigaw ni Andrew matapos hawakan ang kaniyang
laptop at pagkatapos ay binawi niya ito. Hinimas-himas niya ang kaniyang kamay.
Natahimik ang lahat. Alam ko ang nakita ko. Alam ko ang mga
narinig ko. Pero parang hindi ito totoo. Isa ba sa amin ang pumatay kay Aulric?
Pero ayon kay Zafe, aksidente lang iyun.
Napatayo ako at tumingin kay Zafe para makita ang kaniyang
reaksyon. Hindi siya mapalagay sa nangyari.
Lumapit kaagad si Andrew kila tito Henry. “Sir Henry,
(pekeng) Aulric, I am so sorry,” paghingi ng tawad ni Andrew. “Hindi ko alam
kung ano ang nangyari. Hindi ito ang presentation ko.”
Lumapit bigla si sir Henry sa stage at kinuha ang mikropono.
“Totoo ba ang sinabi ng anak ko sa video na iyun? Totoo ba na isa sa inyo ang
pumatay sa minamahal ko at kay Aulric?!” Nagsimula nang tumulo ang mga luha
niya. “Ano ba ang ginawa ko sa inyo? Ano ba ang ginawa nila sa inyo para gawin
ninyo ito sa kanila?!”
Tiningnan ko ulit ang mga tao sa paligid bago umupo. Hindi ko
mapigilang umiyak dahil sa bigla kong na-absorb ang mga sinabi ng tao sa video.
Isa sa amin din ang pumatay kay Ricky at Shai? Pero bakit? Bakit niya pinatay
ang mga kaibigan ko? Ano ba ang nagawa nila para sapitin nila ng maaga ang
matagal pa na mangyayari sa kanila?
Isaac's POV
Pumunta bigla sa harapan si pekeng Aulric habang si Derek
naman ay ini-escort ang kaniyang ama paalis dito.
“I'm really sorry guys,” kinakabahang sabi niya sa mikropono.
“Kain lang po kayo at salamat po sa panonood ng surprise tribute video.”
Pagkatapos ay sinamahan niya ang mag-ama sa loob ng bahay.
Biglang nagkaroon ulit ng ingay ang party matapos itong manahimik.
“Excuse me lang,” paalam ko kay Sharina na mukhang natulala
din sa nakita.
Pinuntahan ko kaagad si Andrew sa harapan.
“Kunin niyo iyung USB, dali!” sigaw ni Larson na kasunod ko
lang na pupunta sa harap.
Si Alexander naman ay nagmadaling kunin ang USB ni Andrew
kung saan nakalagay ang kaniyang tribute video.
Sa laptop ni Larson, may ginawa siya sa video para malinis
ang file ni Andrew. Sa video file kasi ni Andrew, pinwersa nito na gumawa ng
imaginary process ang laptop dahilan para uminit ang laptop, hanggang sa
mapwersa ito na mamatay sa sobrang init.
Nakaupo kaming magkakaibigan kasama si Alexander at sila Kurt
sa paikot na mesa. Si Camilla naman ay nakaupo sa ibang mesa kasama si Inmo,
habang si Sharina naman ay nag-iisa din sa ibang mesa.
“Pero paano mo ito nakuha?” tanong ni Larson kay Andrew, pero
mukhang sa sarili niya ito itinanong.
“Anong mga ginawa mo habang ginagawa ang video?” tanong ni
Kurt mula sa tabi ng boyfriend niya.
“Kailangan pa bang malaman iyun?” kinakabahang tanong ni
Andrew na nasa kabila naman.
“Kung hindi mo sasagutin ang sagot,” babala ni Alexander na
nasa tapat ni Larson. “iisipin naming lahat na ikaw ang may kagagawan ng video
na ito.”
“Parang kaya ko gumawa ng ganyan.”
“Walang pakialam ang mga tao kung hindi mo kayang gawin ito,”
sabi ni Larson na tiningnan pa niya ito sa mata. “Dahil sa iyo galing ang
video, kahit anong rason mo ngayon, hindi namin iyun pakikinggan dahil,”
idiniin pa niya ang salita. “iisipin naming lahat na ikaw ang may kagagawan ng
video na ito. Kaya kailangan namin malaman ang mga ginawa mo habang ginagawa
ang video.”
Hindi makapaniwalang tiningnan kami ni Andrew. Hindi ko naman
iniisip na kagagawan ito lahat ni Andrew. Pero curious ako kung paano
na-compromise ang video niya.
“Andrew, sagutin mo na,” sulsol ni Knoll na nasa tabi ni
Andrew. “May pulis sa loob ng bahay tapos siya pa iyung hepe.”
“Okay! Okay! Sasagot na ako.” Humugot siya ng malalim na
hininga. “Well, siyempre, para magawa ang video, naghanap ako ng mga available
pictures nila. Tapos habang gumagawa ako, may nilalaro ako. Ganoon.”
“Wala bang kakaibang nangyari? Wala ka bang pinindot na link
sa mga social media account mo?” tanong ni Kurt.
“Wala naman,” iling niya.
Tumingin naman si Larson kay Alexander. “I think kailangan
natin pumunta sa bahay niya para malaman kung paano nangyari ito.”
“Iyun ay kung gusto ni sir Henry na pa-imbestigahan ang bagay
na ito,” sagot ni Alexander. Tiningnan naman niya kami. “Kayo ba, gusto niyong
pa-imbestigahan kung sino ang pumatay sa mga kaibigan niyo?”
Natahimik kaming lahat. Gusto namin bigyan ng hustisya ang
mga kaibigan namin. Walang nangyari sa una, pero sa pangalawang pagkakataon,
mayroon kaya?
“Gusto ko,” sabi ni Camilla na nakatayo na pala sa likod ko.
Pagkatalikod ko, nakita ko na basang-basa ng luha ang mata
niya. Pero nakikita ko sa mata niya na determinado siya. Lalaban si Camilla
para lang makuha ang hustisya ng mga kaibigan niya.
“We should try again,” wika ko sa kanila. “Guys, kaya hindi
nag-prosper iyung kaso nila dahil walang lead. Ngayon, meron na tayo.” Tumayo
ako para makita nila na confident ako sa nangyayari ngayon. “Ito lang iyung
pinakamalaking bagay na magagawa natin para sa kanila. Ang mapakulong ang mga
pumatay sa kanila.”
“Kahit ba isa sa atin ang gumawa nito?” negatibong wika ni
Knoll.
Bigla akong natigil. Oo nga pala. Isa daw sa amin ang gumawa
nito sa kanilang dalawa?
“Anong pinagsasasabi mo Knoll?” naiinis na tanong ni Caleb.
“Okay na nga iyung moment nating lahat, sinira mo pa.”
Napailing si Knoll habang kinagat niya ang kaniyang labi.
“Natatakot kasi ako sa posibilidad na ganoon. Guys, magkakaibigan tayo, alam
ko. Pero paano kung totoo ang sinasabi doon sa video?” Tinuro niya kung nasaan
iyung screen ng projector. “Kakayanin niyo kaya iyung katotohanan na isa sa
ating ang gumawa noon?”
Nagkatinginan kaming lahat. Dahil sa sinabi ni Knoll,
nagdadalawang-isip ako tungkol sa mga kaibigan ko. Kilala ko nga ba talaga
sila? Kaya ba nilang patayin ang mga matalik nilang kaibigan?
”Okay naman na paghinalaan niyo ang isa't isa,” sabi ni Kurt
na nakatingin sa laptop ng boyfriend niya. “Kaya lang, paghinalaan niyo ang mga
schoolmate ninyo sa taong iyun.”
Ihinarap ni Kurt ang laptop sa amin. Mga picture ito sa ID ng
mga estudyante sa Bourbon's Brother University. Kung totoo ang sinabi ng
nakakatakot na boses sa video, na isa sa mga taong ito ang pumatay sa mga
kaibigan ko. Pero kasama kami dito?
Biglang umayos ng upo si Andrew. “Basta ako, confident ako na
hindi ako ang gumawa. Alam niyo kung bakit? Real talk guys. There is a certain
degree that I hate you all.” Isa-isa niya kaming dinuro. “Si Caleb, tirador ng
pulutan. Lagi na lang kada inuman, si Caleb ang uubos sa pulutan.” Napansin ko
na ilan sa mga salita ni Andrew ay nilalagyan niya ng diin dahil nagagalit siya.
“Kayong dalawa ni Knoll at Camilla, wala kayong hiya na naglalaplapan sa harap
namin. Ang sweet niyo, sarap niyong tirisin.” Kunyare ay may tinitiris pa siya
sa ere. “Ikaw Isaac, pa-importante ka. May pupuntahan, isang oras na late
hanggang sa dalawang oras. Si Shai, may pagkakataon, kung makabatok ba. Si
Aulric...” Parang humupa ang galit ni Andrew. “Wala akong maisip na ikagagalit
ko doon sa tao. Pero hindi sumagi sa isip ko na patayin ko kayo. Kaibigan ko
kayo. Hindi naman requirement sa akin na dapat ay mga perpektong tao kayo para
maging masaya kayo.”
Natahimik kami sa isiniwalat ni Andrew. Ngayon lang namin
siya nakita na ganyan, na naglalabas ng sama ng loob.
“Para fair, magsasalita din ako,” sabi ni Caleb na nilagay
ang dalawa niyang kamay sa mesa. “Kung makapagsalita ka ng ganyan sa akin
Andrew, akala mo naman ay napakalaki ng binigay mo sa ambagan. Tsaka totoo
iyung sinasabi niya tungkol kay Isaac. Pati kay Knoll at Camilla. At kila
Aulric at Shai, wala akong masabi dahil...” Sinubukan niyang magsalita pero
mukhang wala siyang maisip. “Wala naman talaga akong masabi. Kaya confident
ako, wala akong ginawang masama.”
“Mas lalo naman ako,” inis na sabi ni Camilla. “Naiinis din
ako sa inyo dahil sa kung anong meron kami ni Knoll noon. Pwede naman hindi
tumingin. Nire-require ko ba kayo na tumingin kayo sa amin kapag naglalaplapan
kami? Pero sila Shai at Aulric, okay lang sa kanila iyun. Kaya sigurado ako na
wala akong ginawang nasama.”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang mga kaibigan ko,
nilalabas nila ang sama ng loob sa isa't isa. Habang ako.
“I'm sorry guys,” sabi ko. “Alam ko na naiinis kayo sa akin.
Pero thank you na kaibigan niyo pa rin ako sa kabila ng lahat. Tanggap ko ang
mga sinabi niyo na pa-importante ako.” Tiningnan ko sila isa-isa sa mata. “Pero
wala akong ibang rason para ipahamak ang mga kaibigan natin. Ayokong mawalan ng
kaibigan, lalo na kayo. Kahit na bini-bully natin noon si Camilla. Sa huli,
nagbago tayong lahat. Nakita ko iyun at masaya ako na nasaksihan ko ang
pagbabago nating iyun.”
“Mas lalong wala akong kasalanan,” sabi ni Knoll. Napatingin
naman siya kay Camilla. “Alam ko na alam mong pinagbabantaan ako palagi ni
Shai. Na may gagawin siya sa akin kung sasaktan kita. Pero hindi ko siya
ipapahamak dahil doon. Ang tingin ko sa kaniya, siya iyung substitute na Mama
mo.” May tumakas na butil ng luha sa mata niya. “I'm sorry. I have to go.” Bigla
siyang tumayo at umalis.
Walang kaming nagawa kung hindi hayaan lang siyang umalis.
Imbes na imbestigasyon ito sa mga pumatay sa kaibigan namin, nabuksan din ang
mga problema na iniwan sa nakaraan. Ang paghihiwalay ni Camilla at Knoll ang
isa sa mga mabigat na nangyari sa barkada namin.
“Ako din guys,” sabi naman ni Camilla. Napalunok siya bigla.
“I have to go. Balitaan niyo na lang ako sa mga development na mangyayari
dito.” Kinumpas niya ang kaniyang kamay sa paikot na mesa.
Tumalikod siya at pinuntahan si Inno. Magkasama naman silang
umalis sa lugar na iyun.
“Well guys, tama iyang ginagawa niyo,” sabi ni Alexander na
tahimik lang na pinapanood kami. “Lumalakas talaga ang bond niyong
magkakaibigan sa ganyan. Sa pagpapalabas ng nararamdaman niyo sa isa't isa. I
just hope that kung may imbestigasyon talaga na mangyayari, wala talaga talaga
sa inyo ang hinahanap namin.”
“As if.” Nakatingin si Caleb sa mesa nila Isabela at Colette.
“Baka nga isa-”
Biglang natahimik si Caleb nang tiningnan siya bigla ni
Alexander. “Kung ako sa iyo, huwag,” banta niya dito.
“Okay,” sabi ni Larson na nagpakawala pa ng malalim na
hininga. May ginagawa pala siya sa laptop at hindi ko lang napansin. “Hindi ko
alam ang significance ng pagsasabi niya ng ‘isa sa inyo’ dito sa party, tapos
may background pa ng mga pictures ng mga schoolmate niyo sa BBU, weird. Kasama
sa picture si Dart Aguirre.”
Sinikap kong hindi mag-react pagkarinig sa pangalan niya.
Pero hindi ko mapigilan na ikuyom ang kamay ko.
“Hindi ba patay na siya nang namatay silang tatlo?” maingat
na tanong ni Caleb.
“At hindi lang si Dart Aguirre ang schoolmate na namatay,”
paliwanag ni Kurt. May tinuro siya sa laptop. “Sigurado ako na itong lima,
namatay sila. Iyung isa, may sakit sa puso, nanakawan, aksidente. Tapos itong
pito, recent lang na namatay sila.”
“Distraction lang ang mga taong iyan,” paliwanag ni
Alexander. “Siguro, kung totoo ang video na ito, isa talaga sa mga schoolmate
niyo ang pumatay sa kaibigan ninyo. That's a clue. So by doing the process of
elimination, bakit hindi niyo tanggalin iyung mga taong sa tingin niyo ay
walang koneksyon sa kanilang tatlo?”
“Ngayon ba talaga natin gagawin ito?” tanong ni Andrew na
parang kinikilabutan. “Pwede bang iyung pulis na lang ang mag-imbestiga nito?”
“Tama siya Alexander,” pagsang-ayon ni Larson. “I think huwag
na muna nating pag-aksayahan ang oras sa video dahil hindi natin alam kung
totoo ba ito o hindi. O baka gawa lang ito ni Andrew.” Tiningnan pa niya si
Andrew.
“No way na ako ang may gawa niyan,” pagtanggi niya agad.
“Pero paano niya nalaman na nagpa-misa tayo kay Aulric dahil
minumulto niya tayo?” naitanong ko. “Sa parte pa lang ng sinabi ng boses sa
video, masasabi kong totoo ang mga sinabi niya.”
“Talaga? Multo?” Parang natawa pa si Larson sa sinabi ko.
Hindi siya naniniwala sa multo.
“Bago nga kasi ako na-aksidente, parang nakita ko si Aulric.
Tapos sila Andrew, Knoll, Camille, Caleb, minumulto din. Hence, ang misa.”
“So, kung sino man ang taong ito, alam niya na minumulto kayo
ni Aulric, at alam niya na magpapamisa kayo para sa kaniya. Tapos, dahil sa
tribute video, may sinabi siya na nangyari noon at ang suspect pa ay isa sa
inyo.” Tumingin ulit si Larson kay Andrew. “Mas lalo kang madidiin dito kaya
umamin ka na.”
Naiinis na si Andrew sa sinasabi ni Larson. “Hindi nga kasi
ako. Tsaka kung alam ko na isa sa atin ang gumawa, hindi ba dapat ay solve na
iyung kaso? Dahil sasabihin ko naman kung sino ang pumatay sa mga kaibigan ko.
Except kay Aulric na ‘pinatay’ daw.”
“Pwede rin naman. Kung ang gusto mo lang mangyari ay
naghahanap ka ng reaksyon sa mga dati mong schoolmates at sa mga kaibigan mo.”
Kinuyom ni Andrew ang kaniyang kamao habang nasa mesa ito.
“Pero kahit na. Wala akong kinalaman dito.”
Nagkatinginan ang dalawa. Para bang kahit anong oras ay
magsusuntukan ang dalawa. Pero sigurado ako na mananalo si Larson.
“Andrew, kalma lang,” pabulong na sabi ni Caleb. “Kahit
pagtulung-tulungan natin iyung tao, talo tayo diyan.” Ang laki kaya ng katawan
ni Larson.
Una namang nag-iwas ng tingin si Larson at tiningnan kaming
lahat. “So, ire-recommend ko kay Geoffrey na ipa-imbestiga ang bagay na ito.
Kaya lang, kung totoo na isa nga sa inyo dito sa party...” Umiling siya. “Ang
gumawa ng bagay na iyun, i-recommend na hindi kayo mag-isa na nakikipagkita sa
isa. Dahil baka sumunod na araw ay bangkay na lang kayo.”
“Hindi nga isa sa amin ang gumawa,” giit pa ni Caleb.
“Alam ko,” tugon agad ni Larson. “Iyun ay kung gusto niyo
lang. Kung tiwala kayo na walang gagawing masama ang kaibigan ninyo, okay.
Maganda. Ang tingin ko kasi na mangyayari dito, may mangyayaring hindi maganda
sa isa sa inyo.”
Medyo sumama ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya.
Masusubukan ata ang pagkakaibigan namin ngayon dahil, kung isa nga sa amin ang
pumatay sa mga kaibigan namin.
“Kaya be safe. Siguraduhin niyong may load kayo palagi, may
signal, at laging handa ang speed dial niyo para tumawag sa gusto ninyong
tawagan.”
“Grabe naman. Parang sinasabi mo na may taong iisa-isahin
kami,” sabi ko.
Mapait na ngumiti si Larson. “Sana nga wala.”
Tumayo na si Larson, Kurt at Alexander sa kanilang
kinauupuan. Pumunta na sila sa loob ng bahay ni sir Henry.
“Pwede bang makahingi ng kopya?” rinig kong tanong ni
Alexander.
Naiwan kaming magkakaibigan sa mesa. Nakatingin kami sa isa't
isa pero hindi kami nagsasalita. Marahil ay sinasabi ng mga tingin namin ay
pinaghihinalaan namin ang isa't isa, o kung sino ang susunod na papatayin.
Basta ako, naniniwala ako na hindi isa sa amin iyun.
”Alam niyo,” simula ni Caleb na una nang binasag ang
katahimikan habang inaayos ang kaniyang pag-upo. “natutuwa ako na sa wakas,
gagalaw na din ang kaso ng mga kaibigan natin. Pero matutuwa ba ako kung
malaman ko na isa sa atin iyun?”
Natawa lang si Andrew. “Ano ka ba? Talagang wala sa atin
iyun.” Bigla niyang ibinaba ang kaniyang boses. “Ang kinakatakot ko lang ay
baka nasa likod mo lang iyun.”
Sa likod ni Caleb ay sila Isabela at Colette na schoolmates
din namin.
“Basta ako guys, alam ko na hindi isa sa atin iyun. Friends
forever tayo hindi ba?” naitanong ko sa kanila. “Gagawin ba ng tunay na
magkakaibigan iyun? May mga galit tayo sa isa't isa pero parang napaka-unreasonable
kung papatay tayo para lang sa mga mabababaw na dahilan.”
Ngumiti si Caleb. “Same. Hindi kita papatayin dahil sa
pagiging late mo sa mga pupuntahan natin. Tumatanaw pa rin ako ng utang na loob
sa iyo, Isaac. Naalala mo noong nasa highschool pa lang tayo? Isa ka sa unang
mga tao na pinagtanggol ako kaagad. Kahit na talong-talo ka sa mga kasuntukan
natin.”
“Hoy, bakit si Isaac lang?” kontra ni Andrew. “Nandoon din
ako at si Knoll. Huwag mo iyun kalilimutan. Tsaka wala ngang naitama iyung
suntok ni Isaac.”
“Meron kaya!” kontra ko.
Randolf's POV
Hinatid ko si Isabela sa kaniyang sasakyan. Medyo kinilabutan
ako sa mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit,
dahil alam kong hindi naman si Zafe ang pumatay kay Aulric. Pag-asa, dahil
mahuhuli na rin ang taong pumatay sa Nanay niya. Pangamba, dahil isa si Isabela
sa mga pinaghihinalaan.
“Are you okay?” tanong sa akin ni Isabela.
Hindi ko napansin na huminto na kami at nasa harapan na kami
ng sasakyan.
“Iyan din ang sana ang gusto kong itanong sa iyo?”
balik-tanong ko. “Nakita ko iyung picture mo sa nakakakilabot na video na
iyun.”
Hindi naman mapakali si Isabela at hinaplos-haplos niya ang
kaniyang mga braso. “Honestly, I'm not. Kung kailan na naging maganda ang takbo
ng relasyon natin, saka pa may mangyayaring ganito.”
“Unang-una sa lahat, hindi ko alam na may mangyayaring
ganito,” paglilinaw ko.
“Randolf,” sabi niya saka hinawakan ang aking kamay. ”you
don't have to explain it to me. What I want to hear is, may magbabago ba sa
atin?”
Biglang kinakabahan ako sa mga tingin niya. Kahit na
napaka-ordinaryo ng tingin niya sa akin, pakiramdam ko'y kakaiba ito kahit
hindi naman. Siguro, dala ito ng nakakakilabot na video na iyun. Pinagdududahan
ko si Isabela.
“May kinalaman ka ba sa nangyari kay Aulric, sa Nanay niya,
kay Shai, at Ricky?” naitanong ko. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Umaasa na
malalaman ko kung totoo ba o hindi ang sinasabi niya.
“No,” umiling siya. “Wala akong kinalaman sa mga nangyari.
Oo, nag-aaway kami ni Aulric noong high school, naakusahan ko siya na pinatay
niya ang anak ko. At alam mo, napakasama ng tingin ko sa nakaraang Isabela na
iyun. Pero ayokong dagdagan ko pa ang mga kasalanan ko sa kaniya.”
Humugot lang ako ng malalim na hininga. Mukhang sinsero naman
siya sa kaniyang sinasabi. Tingin ko ay maniniwala ako sa kaniya.
Kinuha ko ang kamay niya at hinaplos-haplos ito. “Naniniwala
ako.“
Pero sa kabilang banda, hindi ako naniniwala. Hindi ko alam
ang dapat maramdaman. Nahihirapan ako. Kung maniniwala ako sa sinasabi ni
Isabela, iyung mga kaibigan ko naman kay Zafe ang suspect. At kung maniniwala
naman ako sa mga kaibigan ko, si Isabela naman ang nasa kabilang banda.
Ngumiti naman si Isabela. “I appreciate it, Randolf.”
Biglang naglapit ang labi naming dalawa. Habang hinahalikan
ko siya, naaalala ko ang ginawa namin. Hindi ko alam kung dapat ba na nangyari
ang bagay na ito. Naguguluhan ako. Napakabilis kasi. Teka, sinagot ko na ba
siya?
Nang naghiwalay kami, napansin kong namula siya. “I'm sorry.
Nakalimutan kong walang tayo,” paliwanag niya at nagsimulang tumulo ang luha
niya. “I just needed assurance sa mga nangyayari ngayon. Natatakot ako Randolf.
Ayokong may magbago sa ating dalawa. Okay na iyung pacing natin na mabagal at
nililigawan kita. Dahil kaya ko ito. Mapapasagot din-”
Ginantihan ko din siya ng halik sa labi at hinawakan ang
kaniyang bewang para hindi makalayo. Parang napakagandang pakinggan ang
salitang assurance. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng salitang iyun
dahil insurance lang ang naiintindihan ko.
Tumigil sa pagluha ang mata ni Isabela. Nang naghiwalay kami,
parang hindi siya huminga. Para bang malulunod siya sa ginawa ko pero hindi
niya piniling huminga. Nagulat siya. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
“Thank you,” sabi din niya. “I needed that.”
Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at ibinigay ito sa kaniya.
Kinuha niya ang panyo ko at pinunasan ang mga luha niya.
“Makinig ka. Hindi pa natin alam kung ang video na iyun ay
totoo, o baka kalokohan ni Andrew na hindi maganda,” sabi ko. “Sigurado akong
iimbestigahan ito ni sir Henry kaya huwag kang mag-alala.”
Tumango-tango si Isabela. “Uuwi na ako,” paalam niya. “Kita
na lang tayo sa office.”
“Okay. Mag-iingat ka pauwi,” nasabi ko matapos masigurong
okay na siya.
“I will, Randolf. Thank you again,” tugon niya.
Mabilis naman niyang hinalikan ang labi ko saka sumakay sa
kaniyang sasakyan. Nang paalis na ang sasakyan, saka ko lang napansin na nasa
loob si Camilla kasama si Felric, na natutulog, at nakaupo sa passenger's seat.
Isaac's POV
Nang natapos na kaming mag-usap ay hinatid ko si Sharina sa
mansyon ng mga Bourbon. Hindi niya ako kinakausap sa buong byahe. Marahil ay
ina-absorb pa rin niya iyung nangyari sa misa.
“Do you think na isa ako sa tinutukoy ng video ni Andrew?”
naitanong niya habang nakatingin sa bintana.
“I-Iyun ay kung may ginawa kang masama,” naisagot ko.
“Wala akong ginawang masama,” kaagad niyang tugon saka
tumingin sa akin.
Napatingin ako sa kaniya saglit, dahil nagmamaneho pa ako.
Ang mga tingin niya, para bang nakikiusap na maniwala ako sa sinasabi niya?
Maybe, it's because of manipulative side on her part, pero alam kong wala
siyang kasalanan.
“Naniniwala ako sa iyo, Sharina.”
Tinanggal ko ang kanang kamay ko sa manibela at nilagay lang
ito sa gitna. Maya-maya ay naramdaman ko na ang kaniyang kamay. Hinawakan ko
ito ng mahigpit at hinalikan pa ito para malaman niya na totoo ang sinasabi ko.
Alexander's POV
Sumeryoso na ang mukha ng Aulric sa video. “Alam niyo kasi,
pinatay kami ng isa sa inyo!” matigas na sabi niya habang pinagtuturo kaming
lahat. “Kaya humanda kayo sa akin. Humanda kayo kung paano ko kayo sisingilin.
Simula pa lang ito. At least ngayon, maghahanda kayo ngayon sa pagdating ko.
Hindi ko mapapatawad ang mga taong sumira ng buhay namin!”
Ilang oras pagkatapos ng isang nakakagulat na pangyayari sa
pagtitipon namin para kay Aulric, pinauwi na namin ang lahat. Kahit na gusto ni
sir Henry na huwag na muna silang pauwiin dahil isa-isa niya muna itong
tatanungin kung sila ba ang pumatay sa mga minamahal niya. Bigla kasing
namukhaan ni sir Henry si Geoffrey matapos niyang mag-isip na tumawag ng pulis.
“Sir, pasensya na po at hindi pwede iyan,” pagtanggi ni
Geoffrey. “Unang-una po sa lahat, driver at gun license lang po ang dala ko. At
hindi po ako naka-uniporme, at hindi ko po nasaksihan ang aktwal na krimen.
Kaya wala po tayong magagawa kung hindi pakawalan sila.”
Napaupo na lang si sir Henry. “And let the killer get away from
me?!”
Kinagat lang ni Geoffrey ang sarili niyang labi. “May tamang
paraan po para diyan. At wala po tayong magagawa kung hindi pakawalan sila.”
Derek, Zafe, Jin, Sharina, Isabela, Andrew, Isaac, Knoll,
Caleb, Colette, Camilla, Kurt at iba pang mga estudyante sa Bourbon Brothers
University, iyun ang mga litratong nakita ko sa video na na-recover ko mula kay
Andrew.
Matapos malinis ang likod-bahay, nanatili lang ako dito para
hindi ako magulo. Sa loob kasi, hindi maganda dahil galit na galit si sir Henry
sa nakita. Sinusubukan naman siyang pakalmahin ni Derek at Geoffrey. Pero wala
na akong naririnig mula sa loob. Kumalma na kaya siya?
Mula sa loob ay lumabas si boss Aulric.
“Nakapagpasya iyung mga magkakaibigan na ipa-imbestigaham ang
nangyari ngayon,” sabi niya na umupo sa harapan ko.
“Magandang balita,” komento ko.
“Para sa akin, nakapagtataka ang mga nangyayari,” iling ni
boss Aulric. “Gusto kong malaman kung anong meron sa nangyaring ito. Kaya
lang...”
Pinaturo ko sa akin ang mga hinlalaki ko.
“Masyadong halata ka,” kumunot ang noo niya. “Aware ka naman
siguro na driver kita. Ano na lang ang iisipin ng iba kung makita nila ang
driver ko na sumasali sa imbestigasyon na nangyayari?”
“Makibalita ka sa mga pulis,” suhestyon ko. “Sigurado ako na
sasagutin ka nila."
Nakalabas ang ngipin ni boss Aulric nang ngumiwi. “Wala akong
tiwala, sa kanila.”
“Alam mo bang marami-rami na ring award na natanggap ni
Geoffrey sa pagiging pulis niya? Kaya mapagkakatiwalaan mo siya.”
”Alam mo bang problemang teknolohikal ang problema natin
ngayon?” balik kaagad ni boss Aulric. Hindi niya pinansin ang mga award ni
Geoffrey.
“Sabi ni Larson na pinasa niya kay Geoffrey,” paliwanag niya
habang kunyari'y naglilipat siya ng imaginary na bagay sa ere. “may nag-hack sa
file ni Andrew para maisingit iyung nakakatakot na tribute video, assuming na
hindi nga si Andrew ang gumawa. Kaya bukas ay ipapa-imbestiga ni Geoffrey sa
pinakamagaling nilang IT expert, na si Larson ang nangyari.”
Napapito ako sa narinig. “Pagkatapos ng trabahong ito sa iyo,
gusto kong maging police consultant,” sabi ko sa sarili ko. “How about Larson?
I'm sure na masaya siyang i-share sa iyo ang mga malalaman niya.”
Suminghag siya. “Hindi ako sigurado diyan. Kung tama ang
nakita ko, nakita ko ai Kurt sa creepy na video na iyun. Kung si Larson ang
mag-iimbestiga, meron conflict of interest na mangyayari.”
Napunta ang isip ko sa pagkakakilala ko kay Larson at Kurt.
Dahil sa nangyari ay nagkakaroon ako ng duda sa dalawa.
“How about Derek?” suhestyon ko. “I'm sure na marami siyang
free time. At sigurado naman ako na hindi niya gagawan ng masama ang mahal ng
Papa niya at si Aulric. Kahit na nandito iyung picture niya sa video.”
“Gusto mo bang sumugal ako sa half-brother ko?”
"Wala tayong, wala akong magagawa,” kibit-balikat ko.
“At kung mahal niya ang Papa niya, sigurado akong gagawin niya ito para sa
kaniya. Hindi ba napaka-heartwarming kung ang anak niya mismo ang
nakapag-uncover ng bagay na ito?”
“Kung alam nga lang ni Derek ang tinitingnan niya sa
imbestigasyon na mangyayari. Unlike you.”
Biglang bumukas ang pintuan sa likod-bahay.
“Alexander, where are you?!” tawag ni sir Henry.
Parang sundalo naman ako na tumayo. “Sir, andito po ako.”
“This is the Chief of Police here in Rizal,” pagpapakilala
niya kay Geoffrey na kasama niya. “Gusto ko na sumama ka sa mga imbestigasyon
na mangyayari tungkol sa kaso ni Aulric at sa mga kaibigan niya, pati na rin sa
Nanay niya.”
Kapwa nagkatinginan kami ni boss Aulric. Napaka-convenient ng
nangyayari ngayon. Bago pa ako pumayag o tumanggi ay nauna nang nagsalita si
boss Aulric.
“Wait, ako ang binabantayan ni Alexander. At hindi ko
inaasahan si Randolf na kaya akong protektahan kung wala si Alexander,”
protesta ni boss Aulric.
Narinig naman ito ni Randolf na nasa pintuan pa nakatayo,
kasama si Derek.
“Sorry, Randolf. Totoo iyun,” paghingi ng dispensa ni boss
Aulric. Wala namang reaksyon si Randolf at mukhang tinitingnan lang kami.
“May malaki bang banta sa buhay mo na kailangan na kailangan
mo si Alexander?” tanong ni sir Henry.
Napatayo si boss Aulric. “I think we need to talk this out in
private,” sabi niya habang nakatingin kay Geoffrey.
“No, (pekeng) Aulric.” Tumigas bigla ang tindig ni sir Henry.
“There is no need to talk about this in private. I just want an answer. Yes, or
no.”
Kita kong kinuyom ni boss Aulric ang kamao niya.
“Sir, if I may,” singit ko sa dalawa. “I'm just a
driver-bodyguard. Even though I have a background in technology-related things,
I doubt that I have what it takes to be a part of this investigation.” Ngumiti
ako ng nakakaloko. “Pero mape-persuade niyo po akong gawin ang bagay na ito
kung madadagdagan ang sweldo ko.”
Gulat na napatingin si boss Aulric sa akin. “You bastard!”
galit na sambit niya.
“Consider it done,” nasabi kaagad ni sir Henry saka umalis sa
lugar para siguro hindi na dinggin ang protesta na gagawin ni boss Aulric.
Umalis naman sila Derek at Randolf sa pintuan.
“Papa, wait!” sabi ni boss Aulric at sinundan si sir Henry sa
loob ng bahay.
“Kailangan na kailangan mo ba talaga ng pera para gawin
iyun?” kunot-noong tanong sa akin ni Geoffrey nang kami na lang ang natira.
“Yeah,” sagot ko. “Tingin ko kasi ay desperado si sir Henry
na mahuli ang taong gumawa nito sa mga mahal niya sa buhay. At para galingan
ko, dapat lang na taasan niya ang bayad niya. Kapalit nun, sisiguraduhin ko na
gagawin ko ang best ko sa imbestigasyon na mangyayari.”
Pinatunog ni Geoffrey ang kaniyang dila. “Ako din. Iyun din
ang gagawin ko. Pero baka matanggal lang ako sa trabaho.” May kinuha siyang
maliit na notebook sa likod ng bulsa niya at may binasa dito. “Text mo na lang
si Larson kung kailan o saan kayo pupunta bukas. Magkaibigan naman kayo hindi
ba? Ikaw na ang mag-text sa kaniya. Ipapaalam ko sa kaniya mamaya na gusto kang
ipasama ni sir Henry sa imbestigasyon.”
“Walang problema sa akin.”
Ibinalik na niya ang maliit na notebook sa kaniyang bulsa.
“Okay. Magpaalam muna ako kay sir Henry. Good luck sa inyo.” Umalis na si
Geoffrey sa lugar na iyun.
Umupo lang ako ulit at inembestigahan ulit ang video.
Maya-maya ay bumalik si boss Aulric at mukhang galit na galit siyang umupo ulit
sa kinauupuan niya kanina.
“May pinag-iipunan ka ba at kailangan mo ng pera?” inis na
tanong niya sa akin.
Nginitian ko lang ang laptop. “Pero effective naman hindi
ba?”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Yeah. Effective.”
Tumingin na ako kay boss Aulric at nakatingin sa pintuan ng
bahay. “Hindi mo naman kailangan na hindi sumang-ayon sa gusto ni sir Henry.
Iyun ang gusto natin hindi ba? Bakit kailangan mo pang magkunyari na hindi mo
gusto ang gusto ni sir Henry?”
“Wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid kanina,” sagot
niya. “Pakiramdam ko, kailangan kong magkunyari para hindi mukhang gusto ko ang
nangyayari. Sabihin mo man na maraming award ang Geoffrey na iyun, hindi ko
siya kilala at wala akong tiwala sa kaniya.”
Napaka-paranoid talaga ni boss Aulric. Pero tama siya na wala
siyang tiwala sa mga taong nakapaligid kanina. Kung siya ay kay Geoffrey
nakatingin, ako, kay Derek.
Napagpasyahan ko na hindi ko muna sasabihin kay boss Aulric
ang mga nalaman ko. Kailangan ko pang laliman ang paghuhukay para confident
akong sabihin na may kinalaman ang stepbrother niya sa mga nangyayaring ito.
“Mabuti na ang maingat,” nasabi ko saka sinara ang laptop.
Camilla's POV
Hindi ako maka-imik habang hinahatid ako ni Inno sa kotse.
Matapos umalis sa gathering namin, dumiretso na ako sa bahay para magpahinga at
umiyak.
“So si Knoll pala iyun,” biglang sabi niya habang nakatingin
sa harap.
Bahagyang ninakawan ko siya ng tingin para makita kung ano na
ang dapat isagot ko.
“Yes, it was him,” sagot ko. “Are you angry?”
“Dapat ba?” balik-tanong niya. “Ang ibig kong sabihin, dapat
ba talaga? Kasi, alam mo iyun. Weird. Ikakasal na sana kayo, hindi kayo
natuloy, tapos magkaibigan pa rin kayo.”
Umayos ako ng upo. “I don't think matatawag namin ang mga
sarili namin bilang magkaibigan. Kasi for me, it went downhill so fast. We just
stay for our, friends. It's been so long. At ayokong sa kagaguhan na ginawa
niya, masira ang friendship naming lahat.”
“Alam niyo, ang sweet niyo sa mga pictures na iyun.”
Bahagyang nagulat ako sa komento niya. “Of course, we
‘were’.” Mahal na mahal niya ako, sabi ko sa isip ko. “I'm sorry that you have
to found it out this way. Iyung kaibigan ko kasi hindi mahilig magpakuha ng
litrato.”
Biglang gusto kong ibahin ang topic namin. “So, kilala mo ba
si Aulric?”
Kumunot ang noo niya. Hindi ko alam kung dahil sa iniba ko
ang usapan o ano. “Hindi ko siya kilala per se. Parang ano lang, kapitbahay na
hindi ko pinapansin. Kakilala ng kaibigan mo, ganoon.”
Tumango-tango lang ako saka tumingin sa bintana ng sasakyan.
“Akala ko kilala mo siya. Ang impresyon ko sa kaniya noong una, masama ang
ugali. Hanggang sa huli, iyun pa rin ang impresyon ko sa kaniya. Pero, hindi
iyun isang masamang bagay para sa kaniya. More like, his strong suit.”
“Sa mga chismis na naririnig ko sa kaniya, wala. Pero sa Papa
niya, marami. Maraming atraso ang Papa niya sa akin. Ang Papa niya kasi ang
nagbebenta ng ilegal na droga sa Papa ko. Nalulong si Papa, pero nawala din
iyun nang hindi na nagpakita ang Papa ni Aulric.” Kumunot ang noo ni Inno. “Ano
kaya nangyari doon? Buhay pa kaya iyung Papa ni Aulric?”
“Mabuti naman at nagkaroon ng pangalawang pagkakataon ang
Papa mo,” ngiti ko.
“Buti kamo at hindi umabot sa ngayong panahon si Papa. Alam
mo ba na nakulong kami ni Randolf dahil mukha daw kaming mga courier ng droga?”
“Naikwento sa amin ni Zafe, isang beses. Buti na lang at
walang nangyaring masama sa inyo.”
Natahimik ulit kami saglit. Maya-maya ay nakarating na ako sa
bahay.
“Magiging okay ka lang ba?” tanong niya nang ihininto niya
ang sasakyan.
Hindi ako sigurado kung ano ang tinatanong niya. ”Which?”
“Alam kong walang sinabi na may gagawing masama iyung boses,
o si Aulric sa video.” Hinawakan niya ang aking kamay. “Pero masama ang kutob
ko. Paano kung may gawin iyung masama sa inyo? Sa iyo?” Kita ko sa mga mata ni
Inno na nag-aalala siya.
“Wala naman akong ginawang masama. Alam ko iyun,” tugon ko
“Hindi ako ang hinahanap niya dahil naghahanap din ako.”
Dahan-dahan niyang nilagay sa kaniyang labi ang aking mga
kamay at dinampian ng halik. “Basta mag-iingat ka palagi.”
“Ikaw din.”
Hindi binitawan ni Inno ang aking kamay. Hinaplos-haplos niya
ito habang nakatingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin nang biglang sumama
ang pakiramdam ko sa nakita. Nandito ang sasakyan ni Papa.
“I assume na sasakyan ng Papa mo iyan,” sabi ni Knoll na
nakatingin din sa harapan.
“Yeah.”
Napatingin ako bigla kay Inno. Nagulat ako dahil ibang boses
ang narinig ko. Iba nga ba talaga?
Napatingin ako sa pambisig na relo ko. Kung may oras pa siya,
yayayain ko siyang kumain sa loob. Kaya lang, ayoko siyang papasukin ngayon
dahil sigurado ako na nasa loob si Papa.
Biglang tumunog ang phone ni Inno. Gamit ang isa niyang kamay
sinagot niya ang phone.
“Ang aga naman!” nayayamot niyang sabi dito. “O sige! Bye.”
Parang napakagandang sign iyun.
“I'm sorry, Camilla. Maaga ako bukas kaya hindi na kita
masasamahan kumain ngayon,” nalulungkot niyang sabi habang hinahaplos pa rin
niya ang aking kamay. ”Pero kung gusto mo ako mag-stay, okay lang sa akin.
Papa-late na lang ako.”
Gamit ang isang kamay ay pinalo ko siya. “Ano ba?” naiinis
kong sabi. “Huwag. Okay lang naman ako.”
“Ang sakit ha.” Pero nakangiti siya habang hinihimas-himas
ang parte na pinalo ko.
“Text text na lang tayo,” sabi ko habang hinahaplos din ang
kamay na nakahawak sa akin.
Lumabas na si Inno sa kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto.
Sakto naman na nang ginawa niya iyun ay lumabas si Papa ng bahay. Makita lang
si Papa, parang nasira na ang araw ko.
Kagaya nang nangyari sa Mama ko, parang nanigas si Inno nang
nakita niya si Papa. Patagong hinawakan ko ang kamay ni Inno at hinaplos-haplos
ito.
“Good evening, Papa,” bati ko mula sa kinatatayuan ko.
Ayokong lapitan si Papa. Pakiramdam ko, kapag lumapit ako sa kaniya ay baka
masuntok ko lang siya.
“Good evening,” bati din niya sa akin. “Boyfriend mo?”
“Good evening din po sir,” bati ni Inno.
“Good evening,” ani ni Papa. “Hindi kita mamukhaan. Sinong
mga magulang mo?”
“Papa, Inno is in a hurry,” singit ko. “He needs to go right
now.” Nilingon ko si Inno. “I can sense the rich discrimination right now so
go,” bulong ko.
“Kung ganoon, isasabay ko na siya palabas,” sabi ni Papa
habang may nilalagay siyang gamit sa kaniyang sasakyan. “Seeing na kotse mo ang
gamit niya para ihatid ka. I assume na maglalakad lang siya palabas ng
subdivision. Or mag-aantay siya ng tricycle.” Yeah, hindi niya direktang
sinasabi pero masyadong discriminatory ang kaniyang mga salita.
“Hindi ba pwedeng gusto ko lang na siya ang mag-drive para sa
akin dahil I feel safe and complacent?” Nilingon ko ulit si Inno na nakatayo
lang sa likod ko. “Sige na Inno. I'll take it from here.”
Lumakad na si Inno paalis.
“Ahh! Kagaya ba ng ginagawa ni Knoll para sa iyo?” nasabi ni
Papa.
Bigla kong naikuyom ang aking kamay habang hawak-hawak ang
purse ko. Hindi ko alam kung narinig ba iyun ni Inno pero narinig kong
kasasarado pa lang ng maliit na pintuan sa gate.
“Alam niyo, you were saying that you were on your way. Umalis
na po kayo. Baka may-iba na iyung kerida ninyo,” gigil kong sabi. Lumakad na
ako papasok ng bahay.
“How dare you!” Lumakad naman si Papa palapit sa akin.
Nang lumapit siya ay tinaas ni Papa ang kaniyang kanang palad
at malakas na sinampal ang aking kaliwang pisngi. Nagulat ako sa sakit na aking
nadarama.
Hindi ako nakapagpigil at ibinigay ko kay Papa ang kanang
palad ko sa pisngi niya. Nagulat din siya sa ginawa ko pero inangat ulit niya
ang kaniyang kanang kamay na ngayo'y nakakuyom na.
Hinanda ko na ang sarili ko sa suntok na bibitawan ni Papa.
Pero nagulat ako nang may braso ang nakapulupot sa beywang ko at biglang
nakatingin na ako sa sasakyan ko. Naramdaman kong may matigas na bagay sa likod
ko at medyo naalog ako sa posisyon ko. Pagtingin ko sa repleksyon ng aking
sasakyan ay nakita ko si Inno.
“Tama na iyan!” rinig kong sigaw ni Mama mula sa loob ng
bahay.
Sa repleksyon ng salamin, nakita kong tinuturo ako ni Papa.
“Hindi pa tayo tapos.”
Binitiwan na ako ni Inno habang nakatingin sa kotse ni Papa.
Pinagbuksan lang siya ng gate ng gwardya saka lumabas ng bahay.
“Okay ka lang?” tanong niya sa akin.
Na-shock pa rin ako. Handa ko ng saluin iyung suntok ni Papa.
Pero nagulat ako na andito pa rin si Inno.
“Ikaw, okay ka lang?” tanong ko din sa kaniya.
“What were you thinking?!” galit na tanong ni Mama na nasa
likod ni Inno. “Inno, okay ka lang ba?”
“M-Medyo masakit po ang likod ko,” sagot ni Inno.
“Halika na sa loob para malamigan iyan,” sabi ni Mama na
lumakad na papasok ng bahay.
“Pero-”
“Pasok!” sigaw ni Mama.
“Camilla, tara na,” bahagyang alog sa akin ni Inno.
Sa loob ng bahay, hinawakan ko ang ice pack para sa likod ni
Inno.
“Bakit mo pa kasi pinatulan?! Pwede naman na hayaan mo siyang
umalis!” litanya ni Mama.
“I'm sorry,” sabi ko kay Inno. “Ano ang mga narinig mo?”
“Narinig? Ang ibig mong sabihin, iyung sinampal mo siya?”
sagot sa akin ni Inno.
“Sige. Huwag niyo akong pansinin,” litanya pa ni Mama na
umalis na lang.
Medyo kinilig ako sa ginawa niya. “Hindi mo naman kailangan
saluin iyung suntok ni Papa sa akin. Magkukulang ka tuloy sa tulog dahil
binalikan mo pa ako.” This feeling. Hindi ito bago sa akin. Si Knoll...
“Huwag mo ng problemahin iyun.” Ibinaba ni Inno ang suot
niyang damit at humarap sa akin.
“Hindi pa iyun magaling.”
“Gagaling din iyun,” sabi niya saka kinuha ang ice pack para
ilagay sa maliit na mesa. Kinuha niya ulit ang kamay ko. “Makinig ka, hindi ko
alam kung ano ang nangyari sa inyo ng Papa mo, pero huwag mo naman siyang
ganoon-ganoonin. Ginawa ko iyun minsan kay Papa habang lango siya sa droga.
Dahil sinasaktan-saktan niya si Mama. At hindi maganda ang nangyari dahil galit
ako, galit din siya.”
Bigla akong nag-alala sa sinasabi niya. “Sinasabi mo bang
hayaan ko lang na saktan ako ng Papa ko?”
Kinagat lang ni Inno ang labi niya saka nag-iwas ng tingin.
“Hindi iyun ang iniisip kong mga salita. Ang gusto kong sabihin ay huwag mo
siyang pansinin. Parang iyung mga jar ninyo sa bahay.”
Napatingin ako sa paligid ng bahay. Nagtataka kung bakit may
nakitang siyang jar sa bahay namin. Pero pagtingin ko sa hagdanan papunta sa
pangalawang palapag, may isa sa gilid. Ngayon ko lang ito nakita.
Napatingin naman siya sa tinitingnan ko. “Teka, meron pala
kayong jar. Ngayon ko lang iyan napansin.”
Gamit ang mga kamay niya, ihinarap niya ang aking mukha sa
kaniya. “Walang gulong mangyayari kung hindi mo lang ito papansinin. Kagaya ng
Papa mo.”
Biglang hindi sa issue ni Papa ang nasa isip ko kung hindi ay
sa ibang bagay. Pero tumango ako.
Niyakap ko lang si Inno ng mahigpit. “Thank you.”
Nang masiguro ni Inno na okay na ako, umalis na siya ng
bahay. Nakatayo lang ako sa pintuan ng bahay habang naglalakad siya paalis.
“Napakabait na bata,” sabi ni Mama na nakatayo sa likod.
“Kailan mo siya hihiwalayan? Gusto ko na ako naman ang makaranas kung paano
siya magmahal.”
Inis akong tumalikod at pumasok sa loob ng bahay. “Mama,
hindi ko siya hihiwalayan.”
Jin's POV
Nakauwi na ako sa mansyon at pabagsak akong naupo sa sofa sa
sala. Parang isang napakasamang panaginip ang nangyari kanina. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin, hindi ko alam kung ano ang iisipin. Isa nga ba talaga sa
amin ang pumatay kay Aulric, sa Nanay niya, si Shai, at Ricky?
Biglang tumunog ang phone ko sa bulsa. Hindi ako nag-aksayang
tumayo at pinahirapan ang sarili ko na kunin ito habang nakatayo.
Sinagot ko kaagad ang phone na hindi man lang tinitingnan ang
caller ID. “Kung business ito, bukas na lang.”
“No, hindi ito business,” sagot ni pekeng Aulric sa kabilang
linya. “I'm sorry nga pala sa nangyari kanina. Hindi ko inaasahan na
magkakaroon ng ganoong kaguluhan sa misa. Pinapa-imbestiga na ngayon ni Papa
ang video.”
“Iyan lang ba ang sasabihin mo?” nayayamot kong tanong.
“Oo.” Natahimik siya saglit. “Bakit mukhang hindi mo ako
gustong makausap?”
“Isa akong murder suspek,” pagpapaalala ko sa kaniya sa
nangyari kanina. “Isa daw ako sa pumatay sa mga kaibigan niya, sa Nanay niya,
at kay Aulric.”
“Pero hindi pa iyun kumpirmado, Jin. Maliban na lang kung
totoo nga. Okay lang na umamin.”
“Pinalaki ako ng maayos ng magulang ko,” sagot ko. “Kaya
hindi ko magagawang pumatay ng tao.”
“Then, dapat ay nakakahinga ka ng maluwag dahil hindi naman
talaga ikaw. Alam mo, hinga ka muna ng malalim at i-absorb iyung sinabi ko
dahil nakakapagod nang marinig iyung mga tao na-”
Napatingin lang ako sa phone dahil biglang naputol ang tawag.
Iyun pala, tinapos ni pekeng Aulric ang tawag.
Huminga muna ako ng malalim. Tama. Hindi dapat ako mag-alala.
Wala akong ginawang masama. Alam ko iyun.
Tumunog ulit ang phone ko. Kaagad ko naman itong sinagot
dahil alam kong siya ulit ang tumatawag.
“Okay ka na?” tanong niya.
“Yeah, okay na ako,” sagot ko. “Pasensya na sa reaksyon ko
kanina. Hindi ko kasi akalain na may mangyayaring ganito sa buhay ko.”
“Yeah, ako din. Pasensya na. Tinawagan ko pa kasi sila
Isabela at Colette, humingi ng dispensa sa nangyari,” paliwanag ni pekeng
Aulric. “This is really unbelievable. Apparently, sabi ng mga dumalong IT
expert, may nag-insert nung huling parte sa video file ni Andrew kaya ganoon
ang nangyari. Iimbestigahan nila bukas kung totoo ba o kalokohan lang iyung
video na iyun.”
Inayos ko ulit ang sarili ko at tumayo. “So, bakit ka nga
pala napatawag?” Nagsimula na akong lumakad papunta sa kwarto ko.
“Para kumustahin ka,” sagot niya. Hindi ako nakuntento sa
paliwanag niya.
“Iyun lang ba?” Natawa ako. “Parang hindi naman.” Dinukot ko
ang susi ng kwarto ko sa bulsa ko dahil malapit na akong dumating.
“Yayayain sana kita na lumabas bukas.”
Natigil ako nang akmang ipapasok ko ang susi sa keyhole.
“Ha?”
“Tang ina, nagulat ka ba sa sinabi ko? Ang sabi ko, lumabas
tayo bukas,” ulit niya. “Labas, date.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong pumayag. Pakiramdam ko kasi
ay hindi pa ako handa.
“I'm sorry, (pekeng) Aulric,” sagot ko. “It's not you. It's
me. I-”
“I understand,” putol niya. Biglang nag-iba ang timbre ng
boses niya. “You suck at this, alam mo ba iyun? Date pa nga lang hinihingi ko,
nakipag-break ka na kaagad sa akin.”
Parang nasaktan ako sa sinabi niya. “I'm really sorry.”
“It's fine,” halos pagalit niyang sagot. “See you tomorrow.”
Magsasalita pa sana ako nang biglang may nag-crash sa
kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero inilayo ko ang phone
sa tenga ko.
Ipinasok ko na ang susi sa keyhole at binuksan ang kwarto ko.
Hindi na ako nag-abala na maghubad at diretso akong bumagsak sa kama. Mukhang
nagalit si pekeng Aulric sa akin. Date. Kaming dalawa. Lalabas.
Walang masyadong tao ang lumalapit sa akin at yumayaya na
makipag-date. Hindi naman kasi ako mahilig makihalubilo. Lalo na sa mga
nakaraang birthday party ni Papa at ng mga Tito ko. Palagi nilang tinatanong
kung bakit single pa ako. Tapos ire-reto nila ako sa mga anak nila. Pero hindi
naman magtatagal ang mga nire-reto nila dahil sila ang aalis. Hindi naman ako
humahabol dahil may magbabago ba? Ang tingin ko kasi, hindi sila ang hinahanap
ko. Siguro ay naghahanap ako ng katulad ni Aulric. Pero mukhang bukod-tangi
lang siya. Hindi siya kayang gayahin ni pekeng Aulric. Mukhang tatanda akong
binata.
Zafe's POV
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Kaya pumunta ako
sa lugar kung saan ay nakipag-inuman kami para i-celebrate ang buhay ni Aulric,
ni Ricky, at ni Shai. Masaya kami kahit malungkot, nagtatawanan ng angkop sa
nangyayari.
Lumabas ako sa sasakyan at sinariwa ang ginawa namin. Pero
sino ang taong ito nagsasabi na isa sa amin ang gumawa nito sa pamilya niya, sa
mga kaibigan ko? At bakit sinasabi niya na pinatay ko si Aulric?
“Ako ba ang tinutukoy mo?!” buong lakas na sigaw ko sa
langit. “Ako ba ang pumatay kay Aulric?!”
Kumuha ako ng bato sa malapit at itinapon ito sa lawa. Galit
na galit ako. Kung sino man ang taong ito, walang hiya siya! Pinapalabas niya
na napakasama ko. Na pinatay ko ang pinakamamahal ko. Ang una ko bang naalala
na isinaalang-alang ni Aulric ang buhay ko ay hindi totoo?
“Iniligtas niya ako! Tapos sinasabi mong pinatay ko siya?!
Gago! Mahal na mahal ko siya ng higit pa sa buhay ko! Ipinagluksa ko siya ng
matagal dahil ako ang dahilan kaya siya namatay! Kahit kailan, hindi ko
intensyon na patayin siya!”
Tumulo ang mga luha sa mata ko at napaluhod sa lupa. Labis na
nasaktan ang damdamin ko sa nangyari. Hindi ko magagawa iyun. Hindi. Hindi ko
magagawang patayin si Aulric.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa akin. Bigla na
lang dumilim ang paligid matapos may maramdaman sa ulo ko.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment