XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 17
SI KIBO
Naglalakad na ko papunta sa cr nun ng may makita akong pamilyar na mukha, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko hanggang mapansin ko yung babaeng kaharap niya.
Nakatalikod yung babaeng yun sa dereksyon ko kaya hindi ko makita yung mukha nito.
Kita ko lang yung pagtawa niya habang kausap yung kasama niya, mukhang nag eenjoy sya.
Nang tumapat ako sa table nila ay tumigil lang ako, nagtama naman yung mata naming dalawa.
" Why?" tanong niya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
" Do you know him Keith?" tanong nung babae, kita ko naman na mariin akong tinitigan nito hanggang mapadako yung tingin niya sa tenga ko. Hindi ko suot yung hikaw.
" Do you need anything kiddo?" ngiti ni Keith pero marahan lang akong umiling saka tumingin dun sa babae. She's beautiful, wow that face.
Sa dating nung babae, halatang mayaman at may sinabi sa buhay. Napakaamo din ng mukha nito at halata din na mamahalin yung damit na suot niya.
Ngumiti lang yung babae sakin.
" Your glasses is so cute." ngiti nung babae sakin, tumango naman ako saka naglakad papunta sa cr. Pagpasok ay humarap lang ako sa salamin saka kinapa yung hikaw ko sa bulsa saka hinubad yung glasses ni Queenie na suot ko.
Ang sakit pala kapag di ka nakikilala ng mahal mo.
Madalas sa chekko or sa condo lang kami nagkakasama ni Keith, nakalimutan ko na sa labas ng mundo na binuo naming dalawa ay imposible pala para sa kanya na makilala ako, imposible sa kanya na matandaan yung mukha ko.
Prosopagnosia, damn it!
Binalik ko lang sa bulsa ko yung hikaw at muling sinuot yung glasses ni Queenie.
Paglabas ko ng banyo ay humakbang na ko pabalik pero nakita ko lang si Keith na naglalakad na papunta sa dereksyon ko, tumungo naman ako saka humakbang hanggang magtapat kami at lumagpas sya.
Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko saka tinuloy yung paghakbang.
Kahit ilang beses kami magkasalubong ay hinding hindi niya ko makikilala.
Pagbalik ko sa mesa namin ay nilagyan ko lang ng ngiti yung labi ko, pinilit wag ipakita yung lungkot sa mga mata ko. Eh bakit ba ko nalulungkot eh matagal ko ng alam yung sakit niya and it is my fault na hindi ko nagpakilala sa kanya.
Kasalanan ko...pero bakit ang sakit sakit.
" Okay ka lang Kibo?" tanong ng ni Mrs Miranda, ngumiti lang ako saka marahang tumango at tinuloy yung pagkain ko.
" This is so good." turo ni Queenie sa crab sa harapan niya. " thank you Mom for bringing us here."
" Thank you po." tango ko.
" Do you have a girlfriend Kibo?" tanong nito, napalingon lang sakin si Queenie saka natawa. " Why?"
" Mom, matagal ko ng nasabi sa inyo na gay si Kibo."
" Oh I'm sorry." ngiti nito pero tumango lang ako saka sumubo ng pagkain. " Are you not afraid getting old alone?" tanong pa niya, nag angat naman ako ng tingin. " Hindi mo ba naisip na mag asawa nalang ng babae?"
" Yes kibo, hindi mo ba naisip yun?"
" How about marriage?"
Marahan lang akong umiling saka nagbigay ng simpleng ngiti.
" Mom, I think Kibo is bit uncomfortable to that kind of question. Let's eat?" ngiti ni Queenie.
" I'm just curious? Ano sabi ng parents mo about it?"
" Mom, Tanggap nila si Kibo. Okay na okay sa kanila."
" Well as a parent, I want to see my son and daughter getting married. Finding a right girl for my son and for Queenie, I want to see Queenie walk down the aisle or seeing Keith waiting at the altar for his girl, being excited and preparing for thier wedding day, I want to see kids playing around the house. I want to see my children building thier own happy family. That is a dream of a parent like me." ngiti nito habang nakatingin sakin. " I can't wait to see it happen."
" But what if mom, ayaw ni kuya magpakasal or he's not happy about getting married?" lingon sakin ni Queenie.
" Marriage is not meant to make you happy, it will do something even better. It will give you the apportunity to find happiness in peace. Family is everything and when he have that, your kuya will be extremely happy."
" Yes he will." tango ko.
Pagkatapos namin magdinner ay di na ko sumakay kay Queenie, Palihim pa kong sumulyap kung nasaan sila Keith nun pero wala na sila kung saan ko sila nakita kanina.
Nauna naman na umalis yung Mommy ni Queenie dahil may dala itong sasakyan.
" Kibo I'm sorry sa mga tanong ni Mommy kanina huh."
" No problem."
" I know na offend ka and about kuya getting married, wag mo masyadong isipin."
" I know." ngiti ko.
" Are you sure, uuwi ka sa bahay niyo?"
" Yeah, Nagtext si Mommy na mataas daw dugo ni Daddy kaya gusto ko umuwi."
" Pero may pasok bukas."
" Papasok ako don't worry, papahatid nalang ako sa driver ni Daddy." ngiti ko.
" Is there something wrong? Okay ba Daddy mo?"
" He's fine, just wanna go home. Here is your glasses." hubad ko ng salamin niya saka to inabot sa kanya. " Thanks."
" Magtataxi ka lang?"
" Nagbook na ko sa grab, don't worry about me. Una ka na."
" Pero."
" Queenie okay lang ako."
" Pano muna yung cute?" ngiti niya, ngumiti lang ako saka nagpacute. " Grabe ang cute cute mo talaga."
" Okay na, sige na." tulak ko sa kanya.
" Okay, ingat ka huh?" saad niya , tumango naman ako.
Nang maiwan ako mag isa sa harap ng napakalaking building na yun ay isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka nagsimula humakbang.
Hanggang maramdaman ko yung pagtulo ng luha ko.
" They look good together." bulong ko. " Ang ganda niya...Sobrang bagay sila."
SI KEITH
" So this is where you live?" lingon ko kay Drew pagtigil ng kotse ko sa tapat sa isang bagong building, pagkatapos namin mag dinner ay pinasya ko na ihatid sya dahil hindi niya dala yung car niya, she is one of the senior engineer sa kumpanya ni Daddy. Sya din yung mag guguide sakin sa gagawin kong proposal at pagbuo ng team para sa bago naming client.
" Yeah, isa ako sa mga unang kumuha ng unit dito when Xiayen develop this years ago, pinag aralan ko yung blueprint and I'm so impress. Fgc is good to came up with this kind of design, old but modern."
" You love Fgc pero bakit sa kumpanya ka ni Daddy nagtrabaho?"
" Why? Let's say. Malaki utang na loob ko sa Daddy mo so I want to work with him and now to you." ngiti niya.
" Utang na loob?"
" Okay fine, I got rejected by fgc when I applied to them then your dad saw my designs and he thought that I'm perfect fo his company and offer me a job."
" I See." Tango ko.
" Una na ko, salamat sa dinner. I really enjoyed it."
" Wala yun."
" So see you tomorrow."
" Yeah, tango ko sa kanya. bumaba lang sya ng kotse, ilang sandali ko pa syang pinagmasdan hanggang makapasok sya sa building. She's beautiful and cool, wala pa kong nakilala na babae na kasing cool at successful niya, matalino pa at mabait. Ang swerte ng lalakeng magugustuhan niya.
She's a bit older but she's hot.
Isang iling lang yung pinakawalan ko saka pinaandar yung kotse ko.
" 10pm palang, baka maabutan ko pa si Kibo na gising." bulong ko ng makita yung oras, pakiramdam ko mababaliw na ko kakaisip sa mukha niya na di ko naman maalala, pakiramdam ko tuloy lahat ng nakakasalubong ko sya. Nakakainis!
Pagpakapark ko sa building namin ay dinial ko lang yung number niya saka kinuha yung cookies na binili ko.
" Damn it, miss na miss ko na sya." inis na saad ko ng di sya sumagot, nagmamadali lang akong lumabas ng elevator ng tumigil to sa floor kung nasaan yung unit ni Kibo.
Inayos ko lang yung buhok ko saka pinindot yung passcode niya.
" Please, sana gising pa sya." bukas ko ng pinto pero sumalubong lang sakin yung kadiliman sa loob ng condo niya, pinindot ko naman yung switch ng ilaw. Kahit sa kwarto niya patay din yung ilaw at kahit lampshade ay wala ding sindi. " Di pa sya nakakauwi?"
Kinuha ko lang yung phone ko saka dinial muli yung number niya.
" Hello keith." sagot niya.
" Where are you?"
" Uhm , umuwi ako sa bahay. High blood kasi si Daddy." saad niya.
" You okay?" tanong ko ng mapansin yung lungkot sa boses niya.
" Yeah, I'm fine. Medyo okay nanaman sya pero para sure umuwi na ko, actually nasa byahe palang ako." napakamot naman ako sa ulo.
" Gabi na masyado, hindi ba delikado?"
"Hindi naman, malapit na din ako" natatawang saad niya. " Ikaw, nakauwi ka na?"
" Yeah, kauuwi ko lang." sagot ko, ilang sandali naman syang natahimik. " Kibo."
" Kain ka muna bago matulog huh, I miss you."
" Miss na miss na kita, nakakabuwiset!" inis na saad ko.
" Talaga?" mahinang saad niya.
" Yeah sobra, pwede ka ba umabsent kahit isang beses lang sa school mo? Let's have a date?"
" Hindi pwede eh, Saka busy ka di ba. May proposal kang kailangan gawin?"
" Pero."
" Keith, Let's know our priorities. Nasabi ko naman sayo na importante sakin yung school di ba and ngayon na nagtatrabaho ka na talaga I think kailangan yan muna yung ipriority mo."
" Pero Kibo."
" What?"
" Ayaw mo pa bang makipagsex?"
" Gusto."
" Okay, on Sunday let's do it."
" Uhm."
" Please?"
" Uhm we do have dental mission sa cavite on Sunday, buong araw yun so I don't think Sunday will work."
" Kainis naman."
" I'm sorry." mahinang saad niya.
" I'm sorry din."
" For what?"
" Uhm wala."
" Tomorrow, I think mga 10 nasa condo na ko." saad niya.
" Dami kong kailangan gawin at kailangan pag-aralan bukas para sa proposal and I don't think makakauwi ako . We are doing technical comprehension about the project and that is the hardest part of our proposal."
" I see."
" I miss you, nagsasawa na ko sa picture lang. Gusto na kita makita at makausap na nakikita ko yung mukha mo."
" We can do a video call if you want."
" I want to see you in front of me, I miss your face! Badtrip ka!"
" Naalala mo pa ba yung itsura ko?" natatawang saad niya.
" Hindi." mahinang saad ko kasabay ng buntong hininga. " Kibo I am scared."
" Why?"
" I am now in a real world, hindi nalang si Vanessa, trey at ikaw yung nakakasalamuha ko. Madaming tao na and I cant remember thier faces. Wala si vanessa para sabihin sakin kung sino yung nasa harapan ko, wala si Trey para sabihin sakin kung sino yung kasalubong ko."
" Meron ka na bang friend sa trabaho?"
" Why?"
" You need someone you can trust, someone na pwede mo sabihin kung ano yung kalagayan mo so she can help you."
" Do you think maiintindihan kaya yung sitwasyon ko?"
" Hindi mo malalaman kung di mo susubukan." saad niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " Malapit na ko samin Keith."
" Sige na, matutulog na ko. Maaga pa ko bukas."
" Sige, goodnight."
" Text me kung nasa bahay ka na huh. Wag mo kakalimutan."
" Yeah."
" Goodnight Kibo."
" Goodnight." saad niya hanggang maputol yung linya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang nakatingin sa phone ko, umupo lang ako sa sofa niya saka binuksan yung box ng cookie na binili ko at sumubo ng isa.
Sa paglipas ng araw ay nagfocus ako sa ginagawa naming proposal, with Drew and the team assign to me. Sleepless night, halos buong maghapon nakaharap sa computer, sa ibang araw sa mismong site para pag aralan yung lugar na pagtatayuan ng project.
Days, weeks.
" I can't believe that I am actually doing this right now." natatawang saad ko habang nasa pantry ng opisina kasama si Drew.
" I know that you are new to this, but I am impress. Nakapag adjust ka agad."
" I have to, kailangan ko patunayan sa mga empleyado ni Dad na I deserve this project."
" You really do, but let's be honest binigay sayo tong project na to because you are the son of the ceo and that's okay. Connections and power are all that matters in this kind of field and to be successful you have to use it, take advantage of it."
" May iba bang tao dapat para sa project na to or para talaga sakin to?"
" Well wala pa naman, but base on your experience alone.. you are difinitely not qualified but you have me. This is not just your project now, we are a team on this and you have to keep that in mind."
" I'm sorry." tango ko.
" It's okay." ngiti niya.
" let's go back to work, we'll have to start our scope statement."
" Wait Drew."
" What?" lingon niya sakin.
" I have to tell you something."
" What is it?"
" I don't know kung napansin mo, but I want to be honest." saad ko. " I actually have a medical condition." tumungo lang ako.
" Prosopagnosia?" saad niya
" How did you know that?"
" Your dad, sinabi niya sakin." ngiti niya saka hinawakan yung I.d niya. " Di mo ba napapansin na medyo malaki yung mga letters sa I.d namin." nanlaki naman yung mata ko, oh shit dahil dun kaya hanggang ngayon di pa ko sumasablay sa pag alala sa mga tao sa team namin. " Months ago, pinapalitan ng Daddy mo lahat ng I.d namin so if ever na andito ka na hindi ka mahirapan kahit di mo maalala mo yung mukha namin."
" Thanks dad." bulong ko saka natawa. " Wait alam ba ng lahat?"
" Nope, ako lang. So if ever na nasa labas tayo you can count on me para hindi ka mahirapan."
"Thank you." ngiti ko.
" No worries, let's go?" saad niya , marahan naman akong tumango.
Sa gabi halos hating gabi na ko nakakaalis sa opisana kaya madalas sa bahay na ko umuuwi dahil mas malapit. Sobrang antok na din ako tuwing darating sa bahay, sa umaga naman ginigising ako ni Mommy para hindi malate sa opisina.
Sa pagdaan ng araw naging ganito yung routine ko.
" How is your day anak?" tanong ni Mommy pagpasok ko sa bahay ng gabi na yun, lumingon naman ako sa likod ko saka nagkibit ng balikat. " Drew." ngiti ni Mommy.
" You invited her daw kaya sumabay na sya sakin."
" Yeah, Alam mo anak bagay kayo." bulong ni Mommy sakin. Natawa lang ako saka umiling.
" Where is Queenie?" tanoong ko.
" Why?"
" I just wanna ask her something lang."
" Ask her what?"
" About her friend." ngiti ko. " Kibo? You know him right?" marahan naman tumango si Mommy. " Drew, puntahan ko lang sister ko."
" Sure." ngiti nito.
SI TREY
Palabas ako ng elevator nung sa building nila ni Keith ng makita ko si Kibo na may backpack sa likod na papasok ng building, napangiti lang ako ng makita yung seryoso niyang mukha habang naglalakad.
" Kibo?"
" Trey." ngiti niya. Napacute niya talaga.
" Kauuwi mo lang?"
" Yeah." tango niya.
" Kumain ka na?"
" Yeah, galing ka sa unit ni Keith?"
" Ah may kinuha lang."
" I see, akyat na ko."
" Ayaw mo kumain?" tanong ko pero marahan lang syang umiling. " Labas tayo? Party?" pero umiling lang uli sya. " Pagod ka?" ngumuso lang sya saka marahang tumango. Napangiti lang ako.
" Akyat na ko." saad niya saka ngumiti at humakbang, nagwave pa sya ng kamay sakin bago pumasok ng elevator.
Tumingala lang ako.
" Payag ka ba na ligawan ko sya?" ngiti ko. " your brother is soooo cute."
SI KIBO
Nakatulala lang ako nun sa isang bench sa school ng gabing yun habang hawak yung enveloped na bigay ni Mrs Miranda.
" I am fine with you being friends with my daughter, but a relationship with my son? I am really sorry. I can't accept that."
" Hey where have you been? Bakit wala ka sa last subject natin?" untag sakin ni Queenie na nagpabalik sa katinuan ko. " Ano nangyayare sayo? San ka galing?"
" Uhm may pinuntahan lang ako." saad ko saka pinilit maglagay ng ngiti sa labi.
" Ano yang hawak mo?" turo niya sa envelope, agad ko naman tong nilagay sa likod ko. " What is that?"
" Ah wala lang to, tara na." saad ko saka tumayo at nagmamadaling naglakad hanggang makalabas kami ng building.
" Are you sure you're okay?" tanong ni Queenie habang nakatingin sa kotse ni Daddy na nakapark sa labas ng school.
" I guess, why?"
" Bakit sinundo ka uli ng Dad mo?"
" Ah he had a meeting nearby, gusto ko din umuwi sa bahay kaya sabi ko sunduin niya ko."
" Napapadalas uwi mo sa bahay niyo."
" It's actually my moms cooking, I really miss it. I am really exhausted to all school, lab activities and moms foods are keeping me sane these days."
" Well, I absolutely agree to that." natatawang saad niya. " yung luto ng mommy is one of the best na natikman ko."
" Besides, busy din naman si Keith hindi ko rin sya nakikita kaya uwi nalang ako sa bahay."
" Yeah." kibit niya ng balikat.
" Uwi na ko, see you on Monday?" ngiti ko.
" Sure." tango niya, nagmamadali naman akong naglakad papunta sa kotse ni Daddy, pagpasok ko nakita ko lang syang may binabasang mga papers. " hello dad, what is that?" lagay ko ng enveloped sa bag ko.
" I had meeting with our new supplier, I'm just studying her offer. So how's school?"
" Worn out." bagsak ang balikat na saad ko saka ngumuso, natawa naman si Daddy. " I need food dad, can we order sa drive tru on our way home?"
" Gusto mo ba muna kumain? Kain muna tayo?"
" No, I just want a burger, mom told me she cooked something kaya sa bahay nalang ako kakain."
" I see." saad niya saka pinaandar yung kotse, pagkaorder sa drive tru ay tahimik lang akong kumain sa driver side ng kotse habang nakatingin sa labas.
Kanina nagulat ako ng tumawag yung Mommy ni Keith sakin at ask me to meet her.
Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka kumagat sa burger.
" Para saan yun?" tanong ni Daddy.
" Alin Dad?"
" Yung buntong hininga mo?"
" Pagod lang po." pilit na ngiti ko.
" So how's keith."
" He's busy."
" Busy?"
" He is working na in his Dads company and he is so busy right now."
" Kamusta kayo?"
" Kami?"
" Yeah, yung relasyon niyo?" tanong ni Daddy pero nagkibit lang ako ng balikat.
" He is busy with his career path and i don't want to bother him, I am also busy with school and stuff. Dad, kuya neko is your favorite right?" pag-iiba ko ng usapan.
" No, both of you are my favorites."
" Pero laging si kuya neko ang kasama mo."
" Lagi ka kasing nasa kusina kasama ng mommy mo." natatawang saad niya. " Kaya si Allen at kuya mo ang lagi kong kasama."
" Dad si Allen, do you still like him for me?"
" Yes, mas gusto ko sya para sayo. Mabait na bata yun and I know him since bata pa sya. Aaminin ko na nalungkot ako nung nalaman ko kung ano yung sexuality mo pero nung nalaman ko na may gusto sayo si Allen. Natuwa ako anak, "
" Kasi mayaman sya?"
" No, kasi mabuti syang tao at alam ko na hindi ka niya pababayaan. I know what he had been through since he was young, Kibo napakabait ni Allen. Nag aalala ako sayo at sa future mo kasi paano kung wala na kami ng Mommy mo? pero kung si Allen ang kasama mo? Mapapanatag ako." seryosong saad ni Daddy.
" I see." buntong hininga ko saka tumingin sa labas ng kotse.
" Why nagbago na ba isip mo?"
" I want to give him a chance."
" Glad to hear that, mas gwapo sya kesa kay keith."
" Mas gwapo si Keith." irap ko na ikinatawa niya.
SI KEITH
Nasa site kami nun para pag aralan yung lugar na pagtatayuan ng building na yun.
" Our architect did a great job, Mr Hernandez like the design now all we have to do is the project budget." lingon sakin ni Drew, tumabi naman ako sa kanya na pinagmamasdan yung kabuuan ng lupa. " Kapag napirmahan yung contract, kailangan na natin simulan yung mga permits na kakailangan, Mga sub contractor. This is going to be whole lot new world for you cause you are the engineer incharge at kung sakaling man na magkaroon ng palpak. Ikaw lahat at damay ang company."
" Damn it."
" I think you need to shave." natatawang saad niya saka tumalikod at naglakad, nahawakan ko naman yung baba ko na.
" It's Sunday, I want to go somewhere."
" You can't, marami tayong kailangan tapusin." lingon niya. " And also we have a meeting with one of our subcontractor."
" Pero."
" Focus Keith, wait do you have a girlfriend?" tanong niya sakin, marahan naman akong umiling. " Good, kasi kung meron malaking problema yan. We need you to focus on this project kasi pangalan ng kumpanya ang nakataya dito and we don't want you to fail on this."
" Yeah I know." buntong hininga ko. " Ikaw wala ka bang boyfriend?"
" Why gusto mo mag apply?" lingon niya na may ngiti sa labi, napalunok lang ako. " Just send me your resume then I'll schedule your interview with my parents. Don't worry it's direct hiring."
" That's funny." walang emosyong saad ko saka sya nilampasan, nang lingunin ko sya nakangiti lang sya sakin.
SI KIBO
" Oh my god." nanlalaki ang matang bulong ko ng makita yung sasakyan namin na yacht ni Allen. Napakalaki nito kesa sa typical na yate at masasabi mo na agad na mayaman ang may ari nito.
" I'd like you to meet, Going merry."
" May name to?"
" Of course, Do you like it?"
" This is awesome." lingon ko sa kanya.
" Sa family ni Vanessa yan and they bought it a year ago, I just borrow it. What do you think?"
" It's big! And I am so excited to see what's inside." lingon ko sa kanya. " Nakasakay na ko sa yacht before. Dad rent one last year nung nasa boracay kami for avacation, It was small but what I am looking right now is huge!"
" Sabi ni Jessica it's 74ft foot yacht, m75 panacera model. "
" Sino magpapapaandar, ikaw?"
" Nope, may kasama tayong crew sa loob." ngiti niya. " Let's go?"
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka ngumiti at sumunod kay Allen, napasighap lang ako pagtapak ko sa platform ng yate na yun.
" Let's go." natatawang saad niya.
" This is so beautiful." saad ko pagka-akyat namin sa stair tumambad lang sakin yung couch na may tensile end na table. I think this where the gatherings happen.
" This is the aft deck and when you enter this glass door." saad niya, bumukas naman yung automatic na salamin na pinto na yun. Pagpasok namin ay nakita ko lang yung couch. " you can watch tv here." lingon niya sakin.
" But where is the tv?" tanong ko , may binuksan lang syang cabinet saka may pinundot dito, napanganga lang ako ng makita yung dahan dahan pag labas ng tv sa wooden cabinet na yun.
" That was awesome!"
" Hi Sir Allen." napalingon lang ako, nakita ko lang yung gwapong lalake na tingin ko nasa mid thirties na to, may dalawa syang kasamang crew.
" Hello Troy."
" Welcome aboard M75 panacera, I'll be your captain today I am Troy Ventura and this is my crew lance and renz." ngiti nito, tumango naman ako sa kanila. " So if you need anything, questions or help just call us."
" Thank you."
" Hope you enjoy your stay here."
" Thank you." tango ko.
" Balik na kami sa taas, you can find us a upperdeck or sa helm." ngiti nito hanggang maiwan uli kaming dalawa ni Allen.
" Ang gwapo." bulong ko kay Allen.
" May asawa na yun." natatawang saad niya.
" Ilang room neto?"
" There are 4 and 2 rooms for the crews." saad niya saka umupo.
" Pwede ko ba libutin?"
" Samahan kita?"
" Wag na!" natatawang saad niya.
" Okay sure, ayusin ko yung mga dala natin."
" Wait one day lang ba talaga tayo dito, pwede bang 2 days?"
" Gusto mo?"
" Kung pwede?"
" Pwede naman, basta tayo na?"
" Shut up, fine one day!" simangot ko na ikinatawa niya. " Ayusin mo na gamit natin."
" Wait sa isang room tayo huh?"
" Mukha mo!" dirty finger ko sa kanya saka tumalikod at nagsimula libutin yung malaking yate na yun, nakita ko lang yung mga kwarto na sobrang gaganda. Yung mga wall na parang nakakahiyang hawakan. Kahit yung cr, amoy mayaman, the kitchen na super legit yung design.
This is the first time na nakapasok ako sa ganito kalaki at kagarbong yate, bawat sulok at gamit na andun ay personalize na tingin ko may ari mismo ang pumili.
" Wow this is crazy!" di makapaniwalang saad ko habang pinapanuod si Allen na nilalagay yung food namin sa malaking refregirator sa kitchen, nakaupo lang ako sa isang stool sa bar area.
" Actually wanted to buy a yatch, just like this." lingon niya sakin.
" Madami ka naman pera eh."
" One day bibili ako nito, unahin ko muna yung pagtravel ko."
" Jessica is so rich to own this kind of yacht."
" They are, jessica loves the sea. Mahilig sila mag cruise ship ng family nila and nakwento niya na simula nung bata sya lagi na silang nasa dagat. She have a brother who is also a captain, malalaking barko yung pinapatakbo nun."
" She's interesting, perfect. Kung ako talaga sayo dapat di mo na sya pinakawalan eh."
" Kung di lang nainlove sayo, baka natuloy yung kasal namin ni Jessica."
" So it's my fault."
" Yes." tango niya.
Kinagabihan ay tumambay lang kami ni Allen sa foredeck nun habang nakaupo si allen sa couch at ako naman ay nakahiga at pinagmamasdan yung ganda ng mga bituin sa langit
" Sa sobrang busy ko, ngayon ko lang uli napagmasdan ang langit." saad ko. " This is so beautiful, the stars, the moon."
" Same here, ang daming nangyare nitong mga nakaraang buwan." saad ni Allen, binuksan naman niya yung wine na hawak niya at sinalinan yung dalawang baso, umayos naman ako ng upo saka kinuha yung baso at uminom dito.
" Sarap." ngiti ko.
" Tingin mo sasakay si Neko dito kung buhay pa sya?" tanong niya pero natatawa lang akong umiling.
" Mahihilohin yun, kahit nga sa eroplano ayaw niya, sa dagat pa kaya."
" Takot sya sa eroplano kasi he watched all the final destination movies." ngiti ni Allen.
" Napanuod ko din yun at ikaw din, hate kuya neko kasi pinilit niya ko samahan kayo panuorin yun." simangot ko. " Please wag mo ipaalala yun, kung ano ano naiimagine ko dahil sa movie na yun."
" Natapos mo na yung game of thrones?" tanong niya na ikinailing ko.
" Haven't watch the last season! I am so busy." simangot ko.
" Same here! Looking back, we love watching series ng magkakasama."
" Greys anatomy?" ngiti ko. " bigbag theory and amazed by sheldon the genius."
" Walking dead?" tango niya.
" Wow I love that! Zombies!" approve ko sa kanya. " Miss being kids, yung tamang nuod lang."
" Miss being with Neko." saad niya kasunod ng buntong hininga. " After niya mawala, pakiramdam ko napilay ako, I lost the only person who believe in me." seryosong saad niya.
" How about me, I believe in you naman ah."
" kasi you like me?"
" Uhmm, yeah." tango ko saka nagpeace sign.
" Well neko saw all my potentials, how smart, how dedicated I am. He always says na kaya ko yan, just try it if hindi magwork then try again, kung hindi parin. Sumubok pa ng isa. He told me na kapag gusto ko kahit paulit uli akong madapa ay dapat bumangon ako at sumubok uli."
" Kuya Neko is always na ganyan naman, he is so positive sa lahat ng bagay."
" But you know what, mas madalas nagpefailed ako." natatawang saad niya. " Dad, told me that winning is everything, that no one remember the second place so I always have to be on top of everything."
" Yung dad mo talaga eh noh." ngiti ko.
" Pero neko told me about Stirling Moss."
" Who is that?"
" He is a formula one racing driver, he was describe as the greatest driver never to win the world championship." lingon niya sakin. " he is a legend, but you know what he was always a runner up and never come first in winning the ultimate crown."
" Really, the how he became a legend?"
" he won a lot of car racing competition, from his hometown to another and to another. He was known as great driver during his time, Ilang beses niya sinubukan na manalo sa world competition pero hindi nangyare. The closest one of him winning the crown is when he testified on behalf of another driver. Hawthorn, it was accused of infraction. So dahil kay Moss hindi sya nadisqualified at nakapagparticipate parin sa race but you know what is the twist?"
" What?"
" Hawthorn came first and won by one point, moss is second scoring 41. Hawthorn won that race by 1 point."
" Damn!"
" But Moss never regret what he did for hawthorn, He was a legend because of his attitude, being puckish, brash. It is his persona that captures the public and became legend. Hindi man niya nakuha yung ultimate crown, he was happy because racing is what he love the most so whether he win a crown or not. He is doing what he love."
" So neko told me that being second does not matter if you love what you are doing, Do what you love and you will find a way to get it out to the world."
" That is nice!"
" Just like the mindset of Stirling Moss." ngiti niya.
SI VANESSA
" Queenie, what are you doing here? Gabi na ah." tanong ko ng makita si Queenie na nakasandal sa kotse niya habang nasa parking lot ng chekko. Pauwi na kami nun pagsara ng store.
" Queenie?" Nagtatakang saad din ni Trey.
" Ate Vanessa, I have a problem."
" What?"
" About kay Kibo."
" Kibo?" kunot noong saad ni Trey.
" Nakita ko syang sinundo ni Mommy nung isang araw and di ko alam kung ano pinag-usapan nila. I think alam na ni Mommy yung tungkol sa relasyon ni Kibo kay Kuya."
" Si Trey nagsabi sa Mommy mo." lingon ko kay Trey pero ngumiti lang to kaya inirapan ko sya.
" Yeah, at ayaw ng Mommy mo kay Kibo." kibit ang balikat na saad ni Trey.
" Ano gagawin natin?"
" We need to talk to Kibo first, where is he?"
" He is with Allen right now."
" Tingin mo ba puro masasakit na salita sinabi ng Mommy mo kay Kibo, Hays kawawa naman yung cute na yun." napapakamot na saad ni Trey. " Let's face it, hindi lahat matatanggap yung ganun na relasyon."
" Well ganun talaga, sa ganito kakonserbatibong bansa walang lugar yung mga ganung relasyon." mapait na saad ko. " Pero wala parin karapatan ang sino man na diktahan ang nararamdaman ng isang tao. Hate society!"
" Sasabihin ba natin kay Kuya? Pano kung magalit sya kay Mommy? Di ko na alam gagawin ko, after ng ilang taon ngayon lang uli kami nabuo tapos ganito pa."
" Nakausap mo Mommy mo?"
" Not yet, may kasama si Kuya isang beses na girl sa dinner namin and mom told me kanina na sya yung magiging future wife ni Kuya."
" Ano sabi ng kuya mo?"
" Hindi ko pa sya nakakausap about ate Drew so I don't know kung anong relasyon nila."
" Maganda ba yang Drew na yan?" tanong ni Trey.
" She is freakin beautiful kuya Trey!"
" Oh my god." hawak ko sa noo ko, nakita ko naman na natawa si Trey. " Let's wait kibo for nalang."
SI KIBO
" Kayo ni Keith kamusta pala." tanong ni Allen saka muling sinalinan ng alak yung baso ko.
" Busy sya, he is doing a proposal para sa bagong client."
" Wow, may project na agad sya?"
" Pinagkatiwala ng Daddy niya."
"Masyadong maaga for him. I think dapat mag observe muna sya or just be apart muna ng isang team para sa isang project. You know being an engineer to a project is one of the hardest job in this field, kasi ikaw yung leader and napakadaming kailangan iconsider sa isang project."
" Halos di na nga kami nagkikita."
" that's good."
" Anong good dun?"
" Maagaw kita." ngiti niya, natawa naman ako.
" Whatever."
" Alam ko kung gaano kahirap yung ginagawa niya. He needs to meet the standard codes Maintenance, efficiency and economic concerns ng gagawin nilang project and halos mabaliw ako nung gumagawa ako nung proposal but luckily meron akong magagaling na team members na tinulungan ako sa lahat ng bagay na kailangan ko." kibit niya ng balikat. " So mawawalan sya ng time talaga sayo."
" EH bakit ikaw ang dami mong time?"
" It's all about priorities."
" So ako yung priority mo?"
" Yes." tango niya.
" Yung work mo? Di ba on going yung project mo?"
" Sabi ko nga may my team is good. Hindi ko naman sila pinababayaan pero they doing a great job na monitoring na lang halos yung ginagawa ko. Well the first part of doing the proposal and project report is really the hardest part."
" I see."
" Sad ka? Im here naman eh."
" Whatever." natatawang saad ko saka muling tumingala, hanggang mapansin ko yung titig niya sakin. " Allen stop that stare." ngiti ko sa kanya saka tumayo at nagmamadaling bumaba sa foredeck ng yate na yun. " I'm sleepy na, matutulog na ko." sigaw ko pa.
Pumasok lang ako sa pinakamaster bedroom ng yate, pero ilang sandali pa ng makita ko si Allen sa pinto.
" What? Are you going to rape me?" pabagsak na higa ko sa malaking kama na yun.
" Yeah." ngiti niya.
" Shut up." irap ko sa kanya hanggang pumasok sya at umupo sa kama. " Hindi mo kaya, I know you."
" Yeah right." simangot niya, natawa naman ako saka umayos ng higa at sumandal sa headboard ng kama.
" Can I ask you something?"
" What?"
" Wala kang pangarap magkapamilya?"
" Why?"
" Tinatanong ko lang?"
" Meron naman kaso I am only attracted to boys so kung bubuo tayo ng pamilya pwede tayo mag ampon."
" Why me." natatawang saad ko. " teka, nakapagsex ba kayo ni Jessica?"
" Yeah, madaming beses na din."
" Really!? tapos ganun ka niya kabilis napatawad?"
" Jessica is on open minded person."
" Kung sa boys ka lang naatract pano ka nakikipagsex kay Jessica?"
" Iniisip kita?" lingon niya sakin, napalunok naman ako. " Seriously, ikaw talaga iniisip ko kapag nagsesex kami."
" Kadiri ka."
" Well, it's true and since wala naman akong dapat itago or ikahiya about sa bagay na yun, okay lang na malaman mo."
" Mejo baboy."
" Ikaw never mo ba ko pinagpantasyahan?"
" Dati, lage."
" Really." ngiti niya.
" Oo nga, gwapo ka naman kasi."
" Eh nung nagkita uli tayo?" tanong niya, umiwas naman ako ng tingin. " So naging laman na ko ng imagination mo bukod kay keith?"
" Ano ba naman tanong yan?"
" I think you're guilty."
" Eh ano naman, wait maiba tayo wala kang balak na mag asawa ng babae?"
" Wala." natatawang saad niya, napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa kanya. Keith's mom don't want a complicated life for her son. Kahit naman ako, gusto ko din magkaroon ng normal na buhay si Keith, I love him pero tingin ko I don't deserve him.
Nung nakita ko yung mga pictures niya kasama yung babae na nakita ko sa restaurant, nasaktan ako pero totoo naman yung sinabi ng Mommy niya, mas bagay sila.
Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
"Why?"
" What if tayo nalang?"
" What do you mean?"
" I saw keith with a girl." mapait na ngiti ko. " They look good together, sobrang bagay nila."
" You mean he is cheating?"
" I don't know pero I think bagay sila." saad kong nakatingin sa ceiling. "Straight si Keith."
" I know."
" Mahal ko sya pero tingin ko hindi kami bagay, I want him to have a family, magkaroon ng anak. Nung nakita ko sya na kasama yung magandang babaeng yun nasaktan ako pero I am also happy."
" Mahal ka niya di ba?"
" Uhm."
" Di ka niya mahal?"
" Ayoko na isipin na mahal niya ko."
" Pero."
"Wala na yung love ko sayo but I really like you. Pwede bang pag aralan ko uli na mahalin ka. Tayo nalang?" ngiti ko sa kanya, kita ko lang yung titig niya sakin.
" Are you serious? Pano si Keith?"
" Ayoko sirain yung buhay niya and I want him to have a normal life."
" First date palang to, ako na pinipili mo?"
" Shut up, pag aaralan ko pa uli na mahalin ka." simangot ko.
" can we kiss?"
" What?"
" Kiss?" turo niya sa labi niya. " Please?"
" Just kiss, kiss lang!"
" Ayaw mo ng higit dun?"
" Allen, shut up." inis na saad ko na ikinatawa niya hanggang dahan dahan syang umakyat sa kama at pumatong sakin, napasinghap lang ako habang pinagmamasdan yung mukha niya.
" Can I rape you?"
" Pinagpapaalam ba yun?" natatawang saad ko. " Kiss lang muna please."
" I know you want more."
" Yeah, I want more pero.."
" Pero ano?"
" Pwede ba ko maging honest?"
" Sure."
" I am still virgin."
" Wow."
" And gusto ko si Keith yung mauna." iwas ko ng tingin, kita ko lang yung tingin niya sakin saka pabagsak na nahiga sa tabi ko. " You know I love him, kahit man lang sa sex maexperience ko sa taong mahal ko." Bulong ko, hindi naman sya nagsalita. "Allen.. galit ka?" bumuntong hininga naman sya.
" No, hindi ako galit."
" Weh."
" Iniisip ko lang yung sinabi mo, parang lugi ako eh." natatawang saad niya. " You love him pero ako yung pinipili mo, you want to have sex with me pero gusto mo sya mauna, are you crazy?" lingon niya sakin.
" Tingin ko?" pilit na ngiti ko, natawa naman sya.
" You are crazy Kibo."
" Pwede mo ba ko pabigyan sa bagay na yun? Promise after that iiwasan ko na sya, gusto ko lang may maalala saming dalawa."
" Mababaliw ako sayo Kibo."
" I'm just being honest here."
" Brutally honest." sarkastikong saad niya.
"Makikipagsex muna ako sa bwiset na yun bago ko sya palayain!" natatawang saad ko.
"Fine fine, Ayoko na." iling niya.
" What do you mean ayaw mo na?"
" Pumapayag na ko pero ayoko na magisip, mababaliw ako." aktong tatayo sya ng pigilan ko sya saka sya hinalikan sa labi, natigilan lang sya hanggang unti unti niya tong sagutin. Nang maghiwalay yung labi namin ay agad niya lang akong pinatungan saka mapusok na hinalikan na agad kong sinagot hanggang dahan dahan syang humiwalay. " Hinalikan mo ko,so ibig sabihin sinusukuan mo na si Keith?"
" I think hindi kami para sa isa't isa, he deserves to have a family, makasal, magkaanak, magkaroon ng masayang pamilya at hindi yun mangyayare kapag pinilit ko yung sarili ko sa kanya." mapait na saad ko. " Kapag nakipagsex ako sayo ngayon, sayo na ko."
" Pero sabi mo kanina gusto mo si Keith mauna sayo."
" Im just joking kanina and you are so dumb para pumayag." natatawang saad ko.
" You love him."
"And you love me."
" But he loves you."
" But we can't be together pero tayo pwede." saad kong deretsong nakatingin sa mata niya saka hinawakan yung ulo niya saka nilapit yung mukha ko hanggang maglapat yung labi naming dalawa na mapusok niyang sinagot, ilang sandali pa ng maramdaman ko yung pagtulo ng luha ko hangang hindi ko na mapigilan yung hikbi ng mapunta sa leeg ko yung halik niya.
" Wait, why are you crying!?" di makapaniwalang saad niya.
" Kasi hindi kami pwede." hikbi ko. " Ahh nakakainis!!" palo ko sa balikat niya. " Nakakainisssssss!"
" Bakit parang kasalanan ko?" saad niya, inis naman akong tumitig sa kanya. " What?"
" Ang bigat mo!"
" you are so cute!" ngiti niya saka ako muling hinalikan sa labi pero sinamaan ko lang sya ng tingin. " Cute." halik niya sa ilong ko, sa pisngi, sa noo.
" Nakakadami ka ng halik! Pakiramdam ko nagcecheat ako kay Keith."
" Kayo na ba?" tanong niya pero umiling lang ako. " Hindi pala eh, pero ngayon tayo na."
" Tayo na?"
" Yeah, I am your boyfriend now."
" Pero?"
" Gusto o ayaw?"
" Ayaw." iling ko. " Ang bigat mo promise!" saad ko pero nagulat ako ng mapusok niya kong halikan, sinagot ko naman to hanggang mapunta sa tenga ko yung halik niya.
" You're mine now.." bulong niya sa tenga ko.
" Ayaww!!" saad ko pero humiwalay lang sya saka dahan dahang nag unbotton ng polo habang nakatingin sakin, tanging paglunok lang yung nagawa ko saka agad tinakpan yung mga mata ko. " Alllleeeeenn no!"
SI KEITH
Sa mabilis na paglipas ng mga linggo, kahit anino ata ni Kibo hindi ko man lang nasilayan. Hindi na rin sya halos umuuwi sa condo niya, sabi ni Queenie hinahatid daw si Kibo ng kotse ng Daddy niya at sinusundo sa pagkatapos ng mga klase niya.
Kapag tinatawagan ko naman, laging nagmamadali or worse hindi niya sinasagot.
I don't know kung iniiwasan ba niya ko?
Sinubukan ko pumunta sa bahay nila pero pagdating ko sabi ng gwardiya wala dun si Kibo.
Hindi ko alam kung ano ba talaga nangyayare.
" You okay?" tanong ni Drew.
" What?"
" Nakatulala ka sa computer mo?"
" Oh I'm sorry, may iniisip lang about sa gusto ng client sa plano."
" I See."
" Wait I have to go, for finalizing nalang di ba?" saad ko saka tumayo at kinuha yung coat ko.
" Where are you going?"
" Somewhere." ngiti ko sa kanya saka nagmamadaling lumabas ng office ko. Nagdrive lang ako papunta sa chekko.
I'm sure, bago man lang sya umuwi dumadaan sya sa chekko. Di niya matitiis na di masayaran ng milk tea yung lalamunan niya.
Pagdating ko naabutan ko lang si Vanessa na nasa counter, nilibot ko naman yung tingin ko sa buong lugar.
" Why, sino hinahanap mo?"
" Si kibo, pumupunta ba sya dito?"
" I think three days ago galing sila dito ni Queenie."
" Sa gabi, dumadaan sya dito?"
" Sometimes, hindi ba kayo nagkikita."
" I'm so busy this past few weeks and hindi ko pa sya nakikita."
" What?"
" Patapos na yung ginagawa kong proposal, asan kaya sya ngayon?"
" Why don't you call him?"
" Hindi sinasagot eh." buntong hininga ko saka nagmamadaling lumabas at muling sumakay sa kotse. Dinial ko lang yung number ni Queenie.
" Yes kuya?"
" Si Kibo, nasaan kaya sya ngayon?"
" I think he is with Allen right now."
" What?"
" Nasabi niya sakin nung isang araw may pupuntahan sila ni Allen."
" Bakit di niya sanabi sakin."
" I don't know."
" Damn it."
" Wait kuya, mas gusto sana akong sabihin about kay Mommy."
" What is it?"
" Uhm..Nevermind." saad niya.
" Okay, punta ako sa bahay ni Kibo." saad ko saka pinatay yung phone ko at mabilis na nagdrive halos dalawang oras din yung binayahe ko hanggang makarating sa tapat ng gate ng malaking bahay nila Kibo.
Wala daw si Kibo sa loob, I think iniiwasan niya ko but why!?
Ilang sandali pa kong andun hanggang matanaw ko yung pagtigil ng kotse sa di kalayuan, I know that car.
Naglakad lang ako papalapit hanggang tumapat ako dito saka kumatok sa tinted na salamin.
Dahan dahan lang bumaba yung bintana. I am sure it's Allen.
" Keith." saad ni Allen hanggang makita ko si Kibo sa driver side, shit yeah this is his face and I miss it.
" Bakit kayo tumigil? Wala man lang Hi kibo?" saad kong nakatingin kay Kibo. Nagbigay naman to ng pilit na ngiti hanggang bumaba sya ng kotse. " Ano ibig sabihin nito Kibo? Iniiwasan mo ko?"
" No, bakit kita iiwasan?" saad niya. " Busy ka di ba?"
" Then bakit di mo sinasagot mga tawag ko?"
" Kami na ni Allen." mahinang saad niya, napalingon lang ako nung bumaba si Allen sa kotse.
" What?!"
" Sinagot ko na sya, wala naman tayo relasyon di ba so I don't think kailangan ko pa sabihin sayo."
" Ano sinasabi mo?!"
" Kibo let's go."
" You shut up!" lingon ko kay Allen. " Pano naging kayo?"
" I like him."
" Nababaliw ka na ba?"
" Uhm We need to go." saad niya saka tumalikod aktong bubuksan niya yung pinto ng kotse ng hawakan ko yung kamay niya pero agad niyang tinanggal yung kamay ko.
" Ano ba problema huh!"
" Wala, keith I just like him?"
" Pero ako mahal mo di ba?"
" Before." saad niyang sa ibang dereksyon nakatingin, nakita ko naman na binuksan ni Allen yung pinto ng kotse.
" get in Kibo."
" No!" aktong hahawakan ko yung kamay niya ng harangan ako ni Allen, binigyan ko naman sya ng matalim na tingin.
" Akin na si Kibo." ngiti niya. " I told you, aagawin ko sya sayo."
" Sayo si Kibo?"
" Yeah, he is mine now." saad niya, nang tingnan ko si Kibo sa ibang dereksyon lang to nakatingin. " Ako na yung pinili niya."
" Kibo." saad ko.
" Keith, I'm sorry."
" I love you, at akin ka lang!" gigil na saad ko saka tumitig kay Allen. " If you really love him Why don't you tell him first what really happen that night, what really happen to Neko!?" deretsong saad ko habang nakatitig sa mata niya. Kita ko lang yung pagbabago ng expression sa mukha niya.
" What about kuya Neko, Keith?" nagtatakang tanong ni Kibo.
" What are you talking about?" saad ni Allen.
" Neko did not died in his sleep, he was shot!" lingon ko kay Kibo.
ITUTULOY
Authors note: First thanks sa lahat ng nagbabasa, love you guys! salamat kay young sa help sa story na to, mwuahugs! please vote, like, share, comments and follow please.. salamat sa support in advance!
We do have a private group in facebook, just search "bluerose" for more ek ek and update mwuah mwuah!
No comments:
Post a Comment