Followers

Thursday, September 10, 2020

Loving You... Again Chapter 78 - All We Know

    






  



Author's note...










Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.

All We Know na kinanta ng bandang Paramore. Ang alam nila ay patay na siya. Na-cremate na daw ni sir Henry ang kaniyang mga labi. Pero gaano kaya katotoo na minumulto sila ni Aulric? Pinaglalaruan lang ba sila ng kanilang paningin? At kung minumulto nga sila, ano ba ang nagawa nila para magpakita sa kanila ng ganoon? May kasalanan kaya sila dito? Unti-unting babagsak ang mga paniniwala nila sa chapter na ito. Kaunti lang guys, hindi ko ito sisirain agad. Totoo ba ang mga multo o hindi?

Heto na po ang Chapter 78.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
70 | 71 | 72 | 73 | 74 | 75 | 76 | 77 |











Chapter 78:
All We Know







































Isaac's POV

 

        Ang sakit ng ulo ko nang nagka-malay ako. Pero kaagad kong pinilit ang sarili ko na bumangon. Pagkadilat ng mata ko, kitang-kita ko iyung mga tao na nakatayo lang sa bangketa. Si Sharina, wala na sa kinauupuan niya.

 

        Saglit na nagulat ako nang bumukas ang pintuan sa tabi ko.

 

        “Isaac, are you okay?” tanong ni Sharina. Medyo sinampal-sampal pa niya ako para magising.

 

        “Yes, I'm okay,” kaagad na sagot ko.

 

        “Tatawag na ako ng ambulansya tsaka pulis kasi may bobo na mabilis magpatakbo ng sasakyan!” sigaw niya ata doon sa driver na nakabunggo sa amin.

 

        “Sige lang miss. Tumawag ka ng ambulansya, tumawag ka pa ng pulis, wala akong pakialam dahil wala naman akong kasalanan,” dahilan ng nakabangga sa amin. “Kasalanan ko pa ba iyun? Matagal ng naka-green iyung traffic lights tapos tumuloy pa sila?”

 

        Sinubukan kong isipin iyung nangyari kanina. Hindi nga ako tumingin sa traffic lights sa taas. Kasalanan ko ang nangyari.

 

        “Sharina,” tawag ko. “Huwag.”

 

        “Pero babe-”

 

        “Okay lang.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Just let me handle it.”

 

        “Okay.”

 

        Bumalik ang isip ko sa parteng nakita ko ang multo ni Aulric. Totoo kaya iyung sinasabi sa amin ni lolo?

 

Zafe's POV

 

        Sa kalagitnaan ng aking kamalayan, naaaninag ko ang bibig ni Aulric. Pero nagtataka ako kung bakit masakit ang aking ulo. Masakit ang aking katawan. Ano ang nangyari?

 

        “...fe, gumising ka!” rinig kong sigaw niya.

 

        Habang sumisigaw siya ay parang may nakita siya.

 

        “Tulong!” sigaw naman niya ngayon.

 

        May nakikita akong isang pares ng paa na naglakad papunta sa kaniya.

 

        “Kaya kong lumabas. Siya muna ang unahin mo,” sabi niya sa tao.

 

        Nakalabas nga si Aulric gaya ng sinabi niya. Sa pintuan na malapit sa akin, sinubukan nila na sirain ang pintuan.

 

        “Shit! Langis ba iyung naaamoy ko? Sasabog ba ang kotse?” narinig kong tanong ni Aulric.

 

        “Posible...” narinig ko habang nawawalan na naman ako ng malay.

 

        Nabuksan na nila ang pintuan ng kotse ko. May isang tao naman na hindi ko kilala ang tiningnan ang kalagayan ko.

 

        “Hindi maganda ito,” rinig kong sinabi ng tao.

 

        Nang bumuka ang aking mata, saka ko lang napansin na umuulan. Maya-maya ay may narinig akong bagay na sumabog.

 

        “Okay lang ang lahat, okay lang,” rinig kong sinasabi ni Aulric na nakayapos sa akin.

 

        Dinilat ko ang aking mata. Nasa higaan pa rin ako at katabi si Colette na nakayakap sa akin. Dahan-dahan na bumangon ako para hindi siya magising. Pumunta ako sa banyo para maagang maligo. Bakit mas madalas ko nang napapanaginipan si Aulric?

 

        “Zafe,” tawag sa akin ni Colette na nasa likod ko na.

 

        Hindi ko na namalayan na nakayakap na siya sa akin. Nararamdaman ko ang kaniyang labi sa likod ko, nararamdaman ko din ang kamay niya na kung saan-saan. Dahan-dahan na nagigising ang ari ko.

 

        「7 years ago...

 

        “Ang sarap talagang hawakan ng balikat mo,” puri ni Aulric, pero sa tono ng pananalita niya ay gusto niyang saksakin ang likod ko.

 

        “Thank you,” sabi ko kahit alam ko ang pinaparating ng boses niya.

 

        Hinahalik-halikan na niya ngayon ang likod ko. “Gusto ko ding magkaroon ng balikat na katulad mo.”

 

        “Sigurado ka ba na kailangan mo pang magpalaki ng katawan? Natatandaan ko noong isang araw, may nang-holdap sa atin. Wala akong nagawa kung hindi tumayo lang. Pero ikaw, halos patayin mo iyung holdaper.”

 

        “Alam ko. Pero nai-insecure ako kapag nakakatabi kita.” Naramdaman kong kinagat na niya ang likod ko pero hindi iyun masakit.

 

        “Si Aulric, nai-insecure. Bago iyan ahh?”

 

        Humarap ako sa kaniya at kaagad na inatake ang labi niya.

 

        “Ma-insecure ka kapag ang labi na ito, hindi na ikaw ang hinahalikan,” sabi ko nang humiwalay ako para huminga.

 

        Binigyan naman niya ako ng nakakalokong ngiti. “Makiusap nga kaya ako kay Sir Arthuro na bigyan niya ako ng mga role kung saan maghahalikan kami ni Jin?”

 

        Biglang ako ang na-insecure sa sinabi niya. Marahas na hinalikan ko ang kaniyang labi. Iyung Jin na iyun, napaka-swerte at nahalikan niya sa labi si Aulric. ‘I Saw Mommy Kissing Santa Claus’? Papalitan ko ang title na iyun ng ‘I Saw Aulric Getting Pounded By Santa Claus’.」

 

        Nang dumilat ako, hindi ko namalayan na ang hinahalikan ko ay si Colette. Kaagad akong naglagay ng distansya sa pagitan namin. Shit! Paano kung sinabi ko ang pangalan ni Aulric habang nagse-sex kami? At bakit nilalayuan ko si Colette? Asawa ko siya.

 

        Nagtataka naman na tumingin sa akin si Colette. “Zafe, are you okay?” Zafe, ituloy mo! Lumapit ka ulit! Ituloy mo!

 

        “Yeah, I'm okay,” sagot ko. “I'm just, not in the mood right now.” Anong klaseng dahilan iyan? Tumigil ka! Huwag kang magpaliwanag. Ituloy mo!

 

        Dahan-dahan naman na nilapitan ko siya. “Kasi, wala tayong condom dito sa CR at, ubos na ang stock natin. Also, wala pa akong plano na bigyan si Felric ng kapatid.”

 

        “Kahit blowjob man lang?” tanong pa niya.

 

        Nag-isip ako ng mga pwedeng idahilan para hindi matuloy ang mga iniisip niyang gawin. Iyung para hindi siya mag-alala. Pero alam ko na kahit anong piliin ko, mag-aalala pa rin siya. Gagamitin niya ang status niya bilang asawa ko para malaman niya ang problema ko. Pero ayoko, ayokong magkaroon ng problema.

 

        Hinawakan ko ang balikat niya para paluhurin siya. Umabot naman hanggang tenga ang ngiti ni Colette sa tuwing ginagawa namin ito. Pero sa tuwing ginagawa namin ito, parang may mali. Parang may mali sa akin. Hindi ako nasisiyahan.

 

        One time, bago ako ikasal, lasing ako noon. nagpa-blowjob ako doon kay Katya na taga Schoneberg Academe. Kung paano ko hawakan ang buhok ni Aulric, ginawa ko iyun sa kaniya. Kung paano ko ipalunok sa kaniya ang pagkalalaki ko na halos mabilaukan si Aulric, ginawa ko iyun sa kaniya. Pero sa tuwing natatapos ang blowjob, nasasabi kong...

 

        “Shit, Aulric! Lunukin mo tamod ko! Ungh!”

 

        Kaya kapag si Colette ang nagbibigay sa akin ng blowjob, ini-imagine ko na si Aulric ang gumagawa. At sa tuwing naaabot ko ang rurok, hindi ako umuungol. Dahil baka masaktan ko lang ang damdamin ni Colette. Na kahit sa mga sekswal na gawain, si Aulric pa rin ang naiisip ko.

 

        Kinuyom ko lang ang kamao ko na nasa pader ng CR at hinayaan na lumabas ang tamod ko diretso sa tiyan ni Colette. Hinabol ko ang aking hininga dahil mabilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nangangaliwa ako sa aking asawa.

 

        Umalis kaagad ako sa aking kinatatayuan at kumuha ng pangkuskos sa balat. Nilagyan ko ito ng sabon at binalikan ko si Colette. Nagpalitan lang kami ng ngiti habang ginahawa ko iyun. Ngayon, hindi niya malalaman na may problema kaming dalawa, na may problema ako.

 

        Nang natapos na siya, kinuha naman ni Colette ang pangkuskos. “Ikaw naman. Talikod ka.” Kailangan ay umalis na siya dito.

 

        “Hindi ba may importante kang meeting sa business mo ngayon?” pagpapaalala ko sa kaniya matapos maalala ang sinabi niya kagabi tungkol sa isang napaka-importanteng meeting sa business career niya.

 

        “Babe, it can wait,” dahilan niya. “Talikod ka na.”

 

        Akmang pinapatalikod niya ako pero pinigilan ko ang kaniyang kamay. “Babe, you know pagdating sa business, pagiging punctual ay isa sa mga dahilan kung bakit natu-turn on ang kliyente sa atin. Lalo na't bihira ang pagiging punctual sa bansa natin.”

 

        Kinuha ko ang ulo ng shower at itinutok sa katawan niya para mabanlawan.

 

        “Sa bagay, may point ka,” ngiwi niya habang binabanlawan ko siya. “Kailangan ay balik-balikan ako ng mga kliyente ko para mabilis lumago ang negosyo ko.”

 

        Kinuha ko ang twalya na para sa kaniya saka ipinulupot ito sa katawan niya.

 

        “Hey, mag-date naman tayo mamaya. Celebrate tayo kapag napa-oo ko iyung kliyente ko mamaya,” suhestyon niya.

 

        “Of course. Kahit hindi pumayag, date pa rin tayo mamaya,” pagpayag ko.

 

        “Okay. I love you, babe.” Hinalikan niya ako sa labi.

 

        “I love you din,” nakangiting tugon ko.

 

        Lumabas na si Colette ng CR. Kaagad ko naman ni-lock ang pintuan sa cubicle para hindi niya makita ang ginagawa ko. Binuksan ko lang ang shower. Pumikit ako at ibinalik ang isip ko sa nakaraan. Kung saan buhay pa si Aulric.

 

        「7 years ago...

 

        “Nararamdaman mo ba iyang titi ko?” tanong ko sa kaniya habang ipinaparamdam ko sa kaniya kung gaano na ito kagalit matapos niyang sabihin kanina bigyan pa siya ng role kasama si Jin na may halikan.

 

        Ngumiti pa rin siya ng nakakaloko. “Oo. Ako gumising niyan.”

 

        “Isubo mo,” bulong ko sa tenga niya. “Kasi gusto kong putukan iyang labi mo sa tuwing binabanggit mo ang pangalan ni Jin habang intimate tayo.”

 

        “Alam ko,” tugon niya habang luluhod. “Medyo gusto ko nga iyung mas galit na Zafe kasi ang sarap i-challenge.”

 

        Nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Diniladilaan na niya ang matigas kong pagkalalaki habang nakatingin sa akin. Shit! Baka nga sinasadya niya na banggitin ang pangalan ni Jin para magalit ako dahil iyun ang gusto niya.

 

        “Sige nga? Iputok mo nga iyan sa labi ko,” hamon niya.

 

        Ipinasok ko ang pagkalalaki ko sa bibig niya. Marahas akong umulos habang hawak ng dalawang kamay ko ang buhok niya. Gustong-gusto ni Aulric na nilalakasan ko ang pagpasok kapag sa likod ako nanggagaling. Siguro, ganoon din kapag sa bibig niya.

 

        Maya-maya ay nararamdaman ko na malapit na ako. Mas lalong binilisan ko ang pagbayo. Kahit nararamdaman ko na medyo tumatama sa ngipin niya ang ginagawa ko, tiwala ako kay Aulric na hindi niya hahayaan na kagatin ang ari ko.

 

        “Shit, Aulric! Lunukin mo tamod ko! Ungh!” sabi ko nang halos naabot ko na ang rurok.

 

        Hindi ko inalis ang kamay ko sa ulo niya hanggang sa wala nang mailabas ang ari ko. Gusto ko, lahat-lahat ay lunukin niya. At ang sarap sa pakiramdam. Ilang araw akong hindi nagpalabas? Mukhang isang linggo ata. Panigurado, mabubusog si Aulric. Ang sarap sa feeling.」

 

        Kinontrol ko ang pag-ungol ko nang nilabasan na ako. Mas intense kesa sa nangyari kanina kay Colette. Kasing instense nito iyung ginagawa ko kay Aulric.

 

        Matapos magpalabas ay mapaupo ako sa banyo. Bumalik ulit ang guilt na nararamdaman ko kanina. Na parang nangangaliwa ako. At ang reyalidad na hindi ko na mararamdaman ang nararamdaman ko kay Aulric. Shit! Malaking problema ito.

 

Alexander's POV

 

        If I were a better person, magpo-post ako ng status sa profile ni Randolf na ang status ay, ‘I'm gay’. Kaya lang, hindi ko gagawin iyun at baka makahalata siya na may nakakaalam kung ano ang password ng Facebook account niya.

 

        「5 hours ago...

 

        Sa condo habang naghahanda kami na pumunta sa opisina, may inabot si boss Aulric na papel. Papel pala ito na naglalaman ng Facebook account ni Randolf.

 

        “Breaching of privacy,” unang mga salita na pumasok sa isip ko. “At paano mo ito nakuha?” Umupo ako sa tapat ni boss Aulric.

 

        “Keylogger,” sagot niya kaagad. “Nag-Facebook nga talaga siya sa laptop ko gamit iyung incognito na browser.” Ahh! May background nga pala siya sa computer technology.

 

        “So, kaya binibigay ko iyan sa iyo ay para mamanmanan natin siya ng mabuti, at gusto kong mag-report ka sa akin kung ano iyung pinag-uusapan nila sa isang chatbox.”

 

        “At bakit kailangan ko itong gawin?” sarkastikong tanong ko.

 

        “Dahil nagta-trabaho ka sa akin?” sarkastikong sagot niya. “At tsaka, I feel that something is up with these people. Bakit all of a sudden, pinag-uusapan nila iyung totoong Aulric?”

 

        “Bakit nga ba?”

 

        Tumingin siya sa pambisig na relo. “See, may ginawa akong simulator. Like, paano kung ako talaga si Aulric? Pekein ko kaya ang pagkamatay ko? Sure! Tapos, habang nade-depress si Zafe sa pagkamatay ko, tumayo lang ako sa tabi at pagmasdan siya na nasasaktan dahil wala na ako. Tapos, bigla siyang nakahanap ng kapalit. Say, si Colette. Nagkaanak sila. At may pumasok na pekeng Aulric. Ngayon, ito na ang oras para magkagulo. Paghihiwalayin ko si Zafe at Colette dahil buhay pa ako.”

 

        Tumingin lang ako sa kaniya habang pina-process ko iyung sinasabi niya dahil medyo magkahalintulad kami ng buhay ni what-if-buhay-itong-totoong-Aulric, pero sa sarili kong bersyon. Hindi mo ma-gets ang sinasabi ni boss pero base sa nakalap kong impormasyong tungkol sa tunay na Aulric, may 50/50 chance na gagawin niya iyun?

 

        Okay, nag-assume ako na gagawin talaga ni tunay na Aulric iyung sinasabi ni boss. Say, gagawin niya iyun para sa isang grand scheme?

 

        “Hindi ako maka-relate,” nakangiwing saad ko. “Pero kung ako ang tatanungin, ayokong humantong sa parte na nakahanap na ng iba ang minamahal ko. Tapos nagkaanak pa. Hindi, worth it na gawin iyun. Unless kung hindi niya mahal si Zafe.“

 

        “Right? At kung ako iyung totoong Aulric, papakawalan ko pa ba ang isang katulad ni Zafe? Hahayaan ko pa ba siya na magkaanak? Kung ako iyun, magpapabuntis ako palagi sa kaniya.”

 

        “Uhh, your point?”

 

        “Something is causing a ruckus using the real Aulric's name,” sabi niya habang nakatingin sa bintana ng condo. “At kung ano ang rason kung bakit may gumagawa ng ganito, hindi ko alam.”」

 

        Habang tinitingnan ang chat group na kinabibilangan ni Randolf sans Zafe, nalaman ko na si Andrew ang unang nakakita diumano kay Aulric na nagmumulto. Gamit sana ang account ni Randolf, gusto ko sana na magtanong sa kaniya kung saan at kailan niya ito nakita. Kaya lang, baka makahalata si Randolf na may gumagamit ng account niya. Kahit may secret conversation feature ang Messenger, hindi ko kayang i-risk na hindi niya makita ang ginagawa ko.

 

Isaac: You know guys, nakita ko si Aulric bago ako ma-aksidente.

 

Andrew: Hoy, tumigil ka nga diyan!

 

Camilla: Gago ka, Isaac. Nakakakilabot!

 

Isaac: Hindi nga. Totoo to. Nakita ko siya bago ako mabangga.

 

Knoll: Malapit sa...

 

        Salamat kay Knoll, binigay niya ang lugar kung saan siya nabangga nang hindi ko man lang kailangan magtanong.

 

        “Ay! Hala! Ma'am? Are you alright?”

 

        Tumakbo na ako matapos napasigaw ang katulong. Pagdating ko sa kwarto ay inaalalayan na si Natasha sa higaan.

 

        “Ma'am, just lay down,” sabi ng kasambahay habang ihinihiga si Natasha. “Sir, kuha lang po ako ng pagkain.” Umalis ang katulong papunta sa kusina.

 

        “Are you okay?” tanong ko sa kaniya.

 

        Nakakunot ang noo niya nang tumingin sa akin. “No, I'm not!” pagalit niyang sagot. “Being in the bed sucks! I don't wanna get pregnant again, ever!”

 

        Naawa lang akong tiningnan siya. Sigurado ako na si Dexter lang ang magpapabago ng isip niya.

 

        “Where is my newly harvested durian from Davao?” tanong niya sa akin.

 

        “It's on the way. The app said it's here in Manila,” sagot ko.

 

        Sakto naman na pumasok ang kasambahay dala-dala ang isang pagkain sa tray. “Ma'am, here's your chicken porridge.”

 

        “Is that chicken a male or a female?” tanong ni Natasha.

 

        Natigil kaming dalawa sa tanong niya. Ano naman kung babae or lalake?

 

        “I don't know ma'am,” sagot ng kasambahay habang lumalapit. “I just got the meat from the refrigerator.”

 

        Nang nasa harapan na ni Natasha ang kwestyonableng lugaw, inamoy niya ito. Para namang nakaamoy siya ng basura dahil tinakpan ni Natasha ang kaniyang ilong.

 

        “I don't like this! It's a male chicken,” reklamo niya. “I want a female chicken meat!”

 

        “B-But ma'am, you haven't eaten since yesterday's lunch. It's not good for the baby po,” paliwanag ng kasambahay.

 

        “I don't care! All I want is a female chicken's meat and a newly harvested Durian from Davao! Do you understand?!” Parang bata na nagta-tantrums kung makapagsalita ngayon si Natasha. Paano naman niya nalaman na lalaki iyung manok na ginamit? At paano naman niya malalaman kung kakapitas lang nung durian?

 

        Nag-aalala na ako sa ginagawa ni Natasha. Ang kasambahay naman ay kinuha na lang ang pagkain at bumalik sa kusina. Sinamahan ko naman ang kasambahay.

 

        “Hindi pa siya kumakain kahapon?” tanong ko.

 

        “Opo sir. Kahapon pa iyan,” nag-aalalang sagot niya habang binabalik sa kaldero iyung ihinain niyang lugaw. “Iyung kambal na saging na gustong-gusto niyang kainin noong isang araw, ayaw na niyang kainin. Hindi iyun maganda sir. Baka may kung ano ang mangyari sa bata.”

 

        Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. “Napaka-weird naman ng mga gusto niyang kainin.”

 

        “Naku sir. Normal lang po iyan. Kapag buntis, kung ano-ano talaga ang hinihingi. Noong nabuntis po ako sa una ko, kinukulit ko ang asawa ko tuwing hating-gabi na bilhan niya ako ng santol na walang buto.”

 

        Napangiwi ako. “Paano iyun?”

 

        “H-Hindi ko po alam sir. Hindi ko na masyasong naaalala. Medyo matagal na po iyun.”

 

        Pagkabalik sa ginagawa ko ay naalala ko na naman si Roxan. Hindi ko siya nalagaan noong buntis siya. Isa itong bagong experience para sa akin.

 

        “Sir, paano po iyung babaeng manok ni ma'am?” rinig kong tanong ng kasambahay mula sa kusina.

 

        “Ako na ang bahala doon,” sagot ko.

 

        Tumingin na ako sa orasan. Malapit na magtanghalian at ang tanghalian ay pilitin si Randolf na sagutin si Isabela, ng mas maaga. Okay, reschedule, reschedule!

 

        Naghanap ako ng lugar kung saan masisigurado ko na babaeng manok ang kinakatay nila. Naku naman, ang sakit nito sa ulo. Kung kasama pa kaya ako ni Roxan noon, magtatagal kaya ako sa relasyon namin?

 

        Nang na-secure ko na ang lahat ay sakto na nakarinig ako ng katok sa pintuan.

 

        “Ako na,” sabi ko sa kasambahay.

 

        Tumingin ako sa peephole at nakita kong may package na hawak ang nasa kabila ng pintuan. Binuksan ko ang pintuan.

 

        “Delivery for Alexander El Grande III,” sabi ng nag-deliver sa akin na lalake.

 

        Tumango lang ako saka ibinigay ng lalake sa akin ang clipboard. Habang binibigay niya ang kailangan ko, napansin kong walang suot na gloves ang delivery boy. Nang palihim akong inamoy ang tao, naaamoy ko ang isang pang-mayaman na perfume. Either may sinubukan siyang pabango na dineliber or naka-dekwat siya ng ibang klaseng pabango, hindi ko alam. Isa pang nakapagtataka ay ang kaniyang kutis. Napakakinis at mukhang naaalagaan ng mabuti. Delivery boy kaya ang taong ito?

 

        Bigla akong nanghinala kung sino ba talaga ang taong ito. Nasa critical stage na ata iyung nangyayari kay Natasha. Ayokong may dumagdag na problema dahil lang sa may nangyayaring kakaiba dito.

 

        “So sir, why durian from Davao?” biglang naitanong ng delivery boy. “Meron naman pong nabibili malapit dito.”

 

        “Ikaw, bakit delivery boy ka?” sarkastikong tanong ko.

 

        Pinagmasdan ko mabuti ang reaksyon ng delivery boy. Nagkibit-balikat siya. Pero nakikita kong nine-nerbyos siya. Kung may gagawin akong masama kay Natasha, magpapadala ba ako ng ganitong klaseng tao? Siguradong mamamatay ang taong ito sa loob lang ng isang segundo, sa akin pa lang. May hawak akong clipboard at ballpen, kaya kong patayin ang taong ito. Pero hindi worth it na mamatay ang taong ito para sa isang malaking scheme. Dapat bang ibaba ang depensa ko sa taong ito? O baka isa lang siyang delivery boy na kutis mayaman?

 

        Tiningnan ko ulit ng mabuti ang delivery boy. Hindi ko nakikita ang impresyon na masama itong tao. May mali lang talaga sa taong ito at hindi ko matukoy kung ano.

 

        Nginitian ko lang ang delivery boy. “May buntis sa loob. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya,” sagot ko habang sinusulatan ang clipboard. “Ayaw niyang kumain ng mga normal na pagkain. Gusto niya ng, espesyal. Nung isang araw, gusto niya ng kambal na saging, duryan na galing sa Davao, at mamaya, maghahanap ako ng manok na babaeng kinakatay.” Binalik ko ang clipboard sa delivery boy.

 

        “Ahh! Naglilihi. That's normal sir. My mom craved bagoong when she was pregnant. Can't understand though how she can handle to eat bagoong though,” pabiro niyang tugon. Yup! Mukhang nagsasabi siya ng totoo. Mukhang isa lang itong mayaman na delivery boy.

 

        “I hope na hindi ako ang mag-alaga sa kaniya kapag nabuntis ulit siya. Parang ayoko ng maulit iyung nangyayaring ito. Biruin mo, nabubulabog ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sabi ng kasambahay, ‘sir naghahanap po siya ng duryan na kinuha mula sa Davao’,” sabi ko sa tono na katulad sa aming kasambahay.

 

        Kumunot ang noo ni delivery boy. “Ohh. You talked like she is not your wife.”

 

        Umiling ako. “Inaalagaan ko lang. Hindi ko alam kung sino ang ama.”

 

        Kinuha ng delivery boy ang parcel sa paanan niya at ibinigay sa akin.

 

        “Thank you sir,” ngiti nito saka umalis.

 

        Sinara ko lang ang pintuan saka inilagay ang parcel sa kusina. Pagkabukas ng parcel ay tinakpan ko bigla ang aking ilong.

 

        “Ang baho!” sabi ko.

 

        “Sir, hindi naman ahh?” tugon sa akin ng katulong na mukhang ihahanda na ang prutas.

 

        “Huh? Hindi mo naaamoy na napakabaho ng prutas na iyan? Ito ba ang kakainin ni Natasha?” tanong ko habang bumabalik sa ginagawa ko. Shit! Naaamoy ko mula rito iyung napakabangong duryan.

 

        “Seryoso sir, hindi naman mabaho,” rinig kong sinabi ng kasambahay mula sa kusina.

 

        Niligpit ko na muna ang mga gamit ni Natasha habang hawak-hawak ng isa kong kamay ang aking ilong. “Ugh! Aalis na ako. Tawagan mo na lang ako kung may nangyari na kailangan ng atensyon ko.”

 

        Nasa parking lot na ako nang nakita ko si Philip kasama ang Mama niya. Salamat sa mga sasakyan ay hindi ko na kailangan magtago.

 

        Bumalik ang utak ko sa oras na naglilihi si Natasha. Ang mga tanong ko kanina na gusto kong tanungin kay Roxan. Pero dumaan sa sulok ng aking paningin ang kaniyang asawa. Napakaswerteng lalaki.

 

        Pumasok na ako sa sasakyan para ituloy ang aking iba pang trabaho.

 

        Wala akong masabi para mapabilis ang progreso ni Isabela kay Randolf. Actually, parte ito ng aking estratehiya. Kung ako kasi si Randolf, maririndi ako sa mga kaibigan ko na araw-araw akong inaasar tungkol sa aking love interest.

 

        Pagkatapos naming kumain, tumunog ang phone ni Randolf. Statistically speaking, malaki ang tyansa na iyung chat box nilang magkakaibigan, sans Zafe ang notification na iyun.

 

        “Okay. Aalis na ako,” sabi ko matapos mabilis na nililigpit ang aming pinagkainan.

 

        Parang may sinasabi sa akin ang universe matapos makita na naman si Roxan kasama ang asawa niya. Mukhang propesyonal ang asawa ni Roxan na pumasok sa building.

 

        Dali-dali akong pumunta sa parking lot bago pa sila makarating sa elevator.

 

        “Alexander!”

 

        Bigla akong natigil nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

 

Jin's POV

 

        Sa labas ng building namin, naglalakad na kami ni pekeng Aulric papasok. Galing kasi kami sa isang restaurant kung saan ay may inayos kami sa utos ni Dexter. Huwag na daw kuya dahil CEO na siya.

 

        “Sigurado ka ba na magpapakita ka sa linggo?” tanong sa akin ni pekeng Aulric tungkol sa misa na iaalay sa tunay na nagmamay-ari ng pangalan niya.

 

        “Oo naman,” sagot ko. “Baka multuhin niya ako kapag hindi ako pumunta.”

 

        Natigil naman kami at humarap si pekeng Aulric sa akin. “Ang lakas talaga ni Aulric. Kahit sa kabilang buhay, kinatatakutan niyo pa rin siya.”

 

        “Aulric's best place is not with us.” Lumunok ako. “Naghirap na siya dito habang buhay pa. Hanggang sa kamatayan ba naman, naghihirap pa rin siya?”

 

        “Baka dahil hindi natin nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya, hindi kaya?”

 

        Natigil ako bigla sa sinabi niya. “What do you mean?” Biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin. “Kung makapagsalita ka naman, parang binalak ni Zafe na patayin si Aulric.”

 

        “Wala akong sinasabi,” kibit-balikat ni Aulric. “Speaking of Zafe, sino ang mag-iimbita sa kaniya sa misa?” Bakit iimbitahin natin si Zafe?

 

        “Kailangan ba? Baka magselos si Colette?” nag-aalala kong tanong.

 

        Nagliwanag naman ang mukha niya. “Imbitahin na din natin siya. At least, hindi lang siya mag-iisa.”

 

        Tumalikod na siya at naglakad papasok ng building. “Kasama si Isabela?” Bumalik sa akin ang mga ala-ala na nag-aaway silang dalawa ni Aulric.

 

        Hindi naman ako sinagot ni pekeng Aulric pagkapasok ng building.

 

        “Alexander!” tawag niya sa kaniyang gwardya na mukhang papunta ng parking lot.

 

        Susundan ko naman siya nang may tumawag sa akin.

 

        “Mr. Bourbon!” tawag naman ng tao sa likod ko.

 

        Hinarap ko ang tao na tumawag sa akin. Ibinigay ko ang pinakanatural kong ngiti sa taong ito nang napansin ko na hindi Pilipino ang kaharap ko. May kasama naman siyang babae na napakalayo ng tingin.

 

        “Yes, I am,” ngiti ko. “Unless I am not the Bourbon that you are looking for.”

 

        “My name is Alfonso de Emperador,” pakilala nito. “I am from your company's Barcelona branch. And this is my wife, Roxan de Emperador.”

 

        Binigyan na ni Mrs. Emperador ang kaniyang atensyon sa amin. Nakipagkamayan naman ako sa mag-asawa.

 

        “It's nice to meet you, Mr. Jin Bourbon,” ngiti ni Mrs. Emperador. Pero maya-maya ay may tinitingnan ito sa likod ko.

 

        Bigla ko naman naalala ang schedule ko ngayong araw. May meeting ako sa mga tao galing sa Barcelona.

 

        “Nice to meet you too.” Tiningnan ko muna ang relo. “I think we are right on time to discuss business. Let's take this to my office.”

 

        “Please, lead the way,” saad ni Mr. Emperador.

 

        Para naman bumalik sa uliran si Mrs. Emperador matapos ipulupot ng asawa niya ang bisig dito. Tumungo ako sa elevator at sakto naman na bumukas ito. Si pekeng Aulric at si Alexander ay mukhang may pinag-uusapan pa.

 

        “Okay. Give me an update mamaya,” narinig kong sinabi ni pekeng Aulric

 

        Tumuloy na si Alexander at si pekeng Aulric naman ay sumama sa akin. Pagkasara ng elevator ay umakyat na ito.

 

        “Akala ko gwardya mo lang iyun si Alexander,” sabi ko sa kaniya.

 

        “Hindi lang sa pagiging gwardya magaling si Alexander,” makahulugang saad niya.

 

        Sa repleksyon ng elevator, napansin ko na nakatingin si Mrs. Emperador kay pekeng Aulric. Parang naiintindihan niya ang sinasabi namin. Baka nakaka-intindi siya ng tagalog.

 

Alexander's POV

 

        Nakahinga ako ng maluwag matapos makasakay sa sasakyan. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa napakalapit ko lang kay Roxan. Hindi naman gaano kalapit, pero malapit na iyun para sa akin. Sa kabilang banda naman, parang napakalayo niya.

 

        Sa pangatlong pagkakataon, mukhang may gusto talaga na sabihin ang uniberso sa akin matapos makasalubong naman si Philip. Sa lobby ng condo na tinitirhan ni Natasha, naabutan ko siya na paalis. Umm, sinabihan ba ito ng mga magulang niya na huwag umalis? Kasi kahit ako, sasabihin ko sa kaniya na huwag umalis at napakadelikado ng isang lugar lalo na't hindi siya tagarito. Nakuha ba niya ang pagiging adventurous ko?

 

        “Niño!” tawag ko sa bata.

 

        Nagulat si Philip at nanigas. Baka akala niya na nahuli siya ng magulang niya. Technically, ako ang Papa mo.

 

        Para namang tuwang-tuwa na nilapitan ako ni Philip. “Señor, nos volvimos a ver!” (“Nagkita na naman tayo!”)

 

        Kunyari na tumingin ako sa paligid. “¿Dónde están sus padres?” (“Saan ang mga magulang mo?”)

 

        “¡En la cuarto!” (“Nasa kwarto!”)

 

        Seryoso kong tiningnan ang anak ko. “¿Y ellos te dejan aquí solo?” (“At iniwan ka nila dito mag-isa?”)

 

        “Les pedí que visitaran más lugares en el país ya que estamos de vacaciones. Pero están cansados ​​y no pueden venir conmigo.” (“Nakiusap ako na gumala pa kami. Pero pagod sila at hindi ako masasamahan.”)

 

        Humugot lang ako ng malalim na hininga. “Bueno. Philip.” Hinawakan ko ang kaniyang balikat dahil hindi niya makikita ang mata ko kung gaano ito ka-seryoso na tingnan siya. “Sé que me estás mintiendo. Vi a tus padres salir del edificio.” (“Okay. Philip. Alam kong nagsisinungaling ka. Nakita ko ang mga magulang mo na umalis na building.”)

 

        Para namang nalungkot ang anak ko sa narinig at bumulong siya. “Puta!”

 

        “Niño!”

 

        “Lo siento,” hingi niya ng tawad. “Es solo que estoy aburrido allá arriba. Hay tantos lugares para ver y se está desperdiciando al no hacer nada..” (“Pasensya na. Ano lang kasi, wala akong magawa sa taas. Ang daming lugar na kailangan kong puntahan at nauubos lang ang oras ko.”)

 

        Humugot ako ng malalim na hininga. “Niño, necesitas supervisión de un adulto. Esto no es españa. Este es un lugar diferente de España. Salir es una apuesta arriesgada. Tus padres morirán de ansiedad si algo te sucede allá afuera.” (“Bata, kailangan bantayan ka ng magulang mo. Hindi ito España. Ibang lugar ito. Delikado lumabas. Mamamatay ang mga magulang mo sa pag-aalala kapag may nangyari sa iyo.”)

 

        Bigla naman lumiwanag ang mukha ng anak ko nang may naisip. “¿Señor, qué hay de tí? Eres un adulto Probablemente conozcas este lugar mejor que yo. ¿Podrías llevarme a lugares por favor?” (“Ikaw, matanda ka na! At mukhang mas alam mo ang lugar na ito kesa sa akin. Pwede bang dalhin mo ako sa kung saan, please?”)

 

        Kung hindi ako nag-iisip ng mabuti, sasabihin ko agad na payag ako. Sino ba ang hindi papayag na magkaroon ka ng private moments kasama ang anak kila? Gusto kong dalhin ang anak ko sa Mall of Asia, Manila Bay, Manila Zoo, Malacañang Palace o hindi naman kaya sa Rizal Park? Pero kapag nag-isip ako ng mabuti, baka naman lalong mag-alala si Roxan dahil nawawala ang anak niya kasama ng isang estranghero? Plus, iyung horrible na traffic sa bansang ito. Papuntang Mall of Asia, ilang oras iyun? Pabalik dito, ilang oras iyun? Ayoko naman na mag-enjoy lang ang anak ko sa Mall of Asia ng mga kalahating minuto lang?

 

        Bigla kong naisip ang childhood trauma ko. “¿Sabes nadar?” (“Marunong ka bang lumangoy?”)

 

        Namutla bigla si Philip. “Señor, todo menos eso.” (“Señor, kahit ano huwag lang iyan.”)

 

        Ngumiti ako ng nakakaloko. “¿Qué? ¿Tienes trece años y no sabes nadar?” pang-aasar ko. (“Ano? 13 ka na pero hindi ka pa rin marunong lumangoy?”)

 

        Napakamot sa si Philip sa batok. “No es que no lo se. Es solo que no sé nadar.” Wow! Gayang-gaya niya pati reasoning ko, noong bata pa ako. (“Hindi sa hindi ko alam. Hindi lang talaga ako marunong lumangoy.”)

 

        Umiling lang ako. “Dijiste que estás aburrido. Te diré que. Regrese a su condominio y use su traje de baño. Si tienes algún.” Bigla akong nag-alala kung may dinala nga bang swimming attire si Philip. (“Sabi mo wala kang magawa. Ganito. Bumalik ka sa condo ninyo at suutin mo iyung pang-swimming mo. Iyun ay kung may dala.”)

 

        Lumiwanag ang mukha ni Philip. “Tengo uno. ¿Me enseñarás a nadar?” (“May dala ako. Tuturuan mo ba akong lumangoy?”)

 

        Parang may kumurot sa puso ko nang ngumiti siya. “Por supuesto. Ahora, vuelve y te veré en la piscina. ¿Entendido?” (“Oo naman. Ngayon, bumalik ka na sa condo ninyo at magkita tayo sa swimming pool. Naiintindihan mo?”)

 

        “¡Sí señor!” (“Opo.”)

 

        Pagkabukas ng elevator ay pumasok kaagad si Philip. Bumalik naman ako sa parking lot at tiningnan ang kalendaryo ng phone ko. Narinig ko na ang apelyido na ngayon ni Roxan ay Emperador. Bigla naman may nag-click sa utak ko nang narinig ang pangalan na iyun.

 

        Sa kalendaryo ng phone ko, naka-link dito ang kalendaryo ni boss Aulric. Pati iyung mga deadline ng mga bagay-bagay. May meeting nga si boss Aulric kasama sila at may mga ilang oras ako na makasama ang anak ko ng palihim.

 

        Nag-text ako kay Randolf.

 

        “Kung maaga matapos ang meeting nila boss, text mo kaagad ako.”

 

        Sa briefcase na nasa likod ng sasakyan, dali-dali ko naman kinuha ang swimming attire ko at ang goggles ko na shaded din. For emergency purposes ang mga bagay na ito.

 

        For a moment, I felt good. Ngayong araw, tinuruan ko si Philip na lumangoy. Yes, natuto na siyang lumangoy dahil magaling akong instructor, at magulang. Also, may safety vest pa rin siya pero naniniwala ako na matututo siya kapag inalis niya ang vest.

 

        Nasa kabilang dulo si Philip nang nag-desisyon siya. “Señor, me quitaré esto,” sabay hubad ng vest. (“Sir, huhubarin ko na.”)

 

        Bigla ako nag-panic sa gagawin niya. “Niño, no! ¡No saltes!” (“Bata, huwag! Huwag kang tumalon!”)

 

        Kaagad na akong lumangoy papunta sa kaniya pero tumalon na siya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil tumalon siya sa pinakamalalim na parte ng pool. Nang malapit na ako sa pinagtalunan niya, nag-dive ako at nakita na sinusubukan lumangoy paibabaw. Pero inunahan ko na siya at kinuha ang kaniyang kamay para bumalik sa ibabaw. Pagkabalik sa ibabaw ay pinaalis ko siya sa pool.

 

        “¡¿Qué estás haciendo?! ¿Te dije específicamente que no hagas nada drástico cuando estoy fuera?” pagalit na sabi ko. (“Anong ginagawa mo?! Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang gumawa ng kalokohan kapag nasa malayo ako?!”)

 

        Nagulat bigla si Philip sa sigaw ko at ibinaba ang tingin. “Solo quiero probar lo que hiciste primero en la piscina,” rason niya. “Y lo tengo. Puedo nadar de regreso a la superficie sin tu ayuda.” (“Gusto ko lang gayahin iyung ginawa mo nang lumangoy ka. At alam ko na kung paano. Gusto ko din ipakita sa iyo na kaya kong lumangoy pabalik sa ibabaw.”)

 

        “¡No! ¡Esa no es razón suficiente para hacerlo! ¡Me acabas de dar un infarto! ¡Niño, no soy tu padre! ¡Y no quiero que te pase algo malo mientras están lejos! ¡¿Entiendes eso?!” (“Hindi. Hindi iyun sapat na rason para gawin mo ang bagay na iyun! Bigla mo akong binigyan ng atake sa puso. Bata, hindi ako ang magulang mo. At ayokong may mangyaring masama sa iyo habang wala ang mga magulang mo. Naiintindihan mo ba ako?!”)

 

        Nag-angat din ng tingin si Philip at ibinaba niya ang tingin niya. “Lo siento señor. No lo volveré a hacer.” (“Pasensya na po. Hindi ko na gagawin iyun ulit.”)

 

        Niyakap ko lang si Philip. “Yo tambien lo siento. Espero que entiendas que pase lo que pase aquí será mi culpa. Y no quiero que tus padres regresen aquí y que algo malo te haya pasado. ¿Entiendes eso?” (“Pasensya ka na din. Sana maintindihan mo na kapag may mangyayaring masama sa iyo ay kasalanan ko. At ayokong bumalik ang magulang mo, tapos may nangyaring masama sa iyo. Naiintindihan mo ba?”)

 

        Ramdam kong tumango-tango si Philip. “Lo siento señor. No lo volveré a hacer.” (“Pasensya na po talaga. Hindi ko na po iyun uulitin.”)

 

        Kumalas ako sa kaniya para tingnan siya ng mabuti. “Ahora, me alegra que puedas nadar ahora sin el chaleco. Puede volver a la piscina pero nadar en la parte poco profunda hasta que sus pies no lleguen al fondo. Lo entiendes? Y recuerda. No hagas nada drástico.” (“Ngayon, natutuwa ako na marunong ka ng lumangoy na hindi suot-suot ang vest. Pwede ka ng bumalik sa pool pero lumangoy ka lang sa mababaw hanggang sa hindi na maabot ng paa mo ang ilalim. Naiintindihan mo ba? At tandaan mo. Huwag kang gumawa ng kalokohan.”)

 

        Tumango-tango si Philip. “¿Puedo saltar desde aquí?” Ang tinutukoy niya ay ang pinakamalalim na parte ng pool. (“Pwede ba akong tumalon mula rito?”)

 

        “No,” sagot ko kaagad.

 

        Pinakawalan ko na si Philip at sinundan siya ng tingin. Tumalon naman siya doon sa pinakamababaw na parte ng pool. Naaawa ako kay Roxan. Kung ganito ang anak ko sa piling ko, paano kaya sa kanila?

 

        Lumakad lang ako sa isa sa mga pool chair na may kulay asul na tuwalya. Kinuha ko ang phone ko at may isang mensahe itong laman.

 

        “Tapos na ang meeting nila,” text sa akin ni Randolf. 10 minutes ago.

 

        “Niño, sécate. Necesito ir,” tawag ko. (“Bata, magpatuyo ka na. Kailangan ko ng umalis.”)

 

        Sumunod naman siya kaagad at umahon sa pool.

 

        Matapos mag-banlaw si Philip, naglakad na kami pabalik sa condo.

 

        “Señor, de repente me doy cuenta de que no sé su nombre,” sabi ni Philip habang nasa elevator kami. (“Sir, saka ko lang napansin na hindi ko po alam ang pangalan ninyo.”)

 

        “¿M-Mi nombre?” balik-tanong ko. (“A-Ang pangalan ko?”)

 

        “Mis padres solían decir que no debería hablar con extraños. Porque los extraños pondrán en peligro tu vida. Y creo que no eres ese tipo de extraño. Entonces quiero saber tu nombre.” (“Sabi kasi ng mga magulang na hindi dapat ako makipag-usap sa mga hindi ko kilala. Kasi baka ipahamak nila ako. Pero sa tingin ko naman ay hindi po kayo ganoong klase ng tao. Kaya gusto ko po malaman ang pangalan niyo.”)

 

        Dumating na kami sa floor kung saan ang condo nila Philip.

 

        “Llamarme señor es suficiente, por ahora,” ngiti ko. (“Okay lang na tawagin mo akong sir, sa ngayon.”)

 

        “¿Eres pariente mío?” (“Kamag-anak ba kita?”)

 

        Umiling ako. “Como dijiste, soy un extraño. Nada mas.” (“Gaya ng sinabi mo, hindi mo ako kilala. Wala ng iba.”)

 

        Nakarating din kami sa condo nila.

 

        “¿Eres mi padre?” (“Ikaw po ba ang tatay ko?”)

 

        Natigil ako sa sinabi ni Philip. Lumunok lang ako at humarap sa kaniya. Kahit ang loob ko ay nagsisigaw na umamin sa kaniya, na ako ang tatay niya, hindi ko iyun pinakinggan.

 

        “Tus padres estarán aquí pronto,” pag-iba ko sa usapan. “No vayas a ningún lado sin ellos. Lo entiendes? No les des dolor de cabeza a tus padres y nosotros podríamos. Y no dejes entrar a ningún extraño.” (“Malapit na umuwi ang mga magulang mo. Huwag kang umalis nang hindi mo sila kasama. Naiintindihan mo? Huwag mong kalimutan i-lock iyung pintuan. At huwag kang magpapasok ng kahit sino.”)

 

        Tumango-tango si Philip. Binuksan niya ang condo nila at pumasok. Bago niya isinara ng tuluyan ang pinto ay nagtanong siya sa akin.

 

        “¿Nos volveremos a ver?” (“Magkikita pa ba tayo?”)

 

        “No les des dolor de cabeza a tus padres y nosotros podríamos.” sagot ko. (“Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang mo at baka magkita pa tayo.”)

 

        Isinara na ng tuluyan ni Philip ang pintuan. Kung nakikita niya kung paano ako magsalita at paano mag-alala.

 

        “Si, soy tu padre,” bulong ko sa aking sarili nang naglakad na ako papunta sa hagdan. (“Oo, ako ang Papa mo.”)

 

        Nang nakapasok na ako sa hagdan ay sakto naman na bumukas ang elevator. Dumaan si Roxan at ang asawa niya sa likod ko, ni hindi man lang nila ako napansin.

 

Colette's POV

 

        Late lunch, kasama si Isabela sa isang café ay nagkita kami.

 

        “You know, Zafe is kind of weird kanina,” sabi ko kay Isabela na ninanamnam pa ang amoy ng kaniyang kape. “Inakit ko siya na makipag-sex sa akin pero hindi niya ako pinatulan.”

 

        “Baka dahil imbitado siya sa misa ni Aulric,” sinagot lang ni Isabela saka kinuha ang croissant na nasa plato niya.

 

        Ikinagulat ako ang sinabi niya. “Misa ni Aulric? Iyung tunay o iyung peke?”

 

        Lumunok muna si Isabela. “Iyung patay.” Kinuha ulit niya ang kape. “By the way, inimbita pala niya ako sa misa. Sabi ko na hindi ako makakapunta. Baka masunog lang ako doon.”

 

        Nakaisip ako ng ideya. “Bakit hindi mo ako samahan sa misa na iyan? Kung pupunta si Zafe, siguro naman ay pwede akong pumunta?”

 

        Inilagay ni Isabela ang kaniyang kamay sa kaniyang labi. “Girl, anong binabalak mo? Maging awkward iyung misa? Hala siya. Patay na iyung pinagseselosan mo.”

 

        Nagkibit-balikat lang ako. “Asawa ako ni Zafe. Bawal ba?”

 

        “Real talk, have some decency na huwag ng pumunta. Alam naman ng lahat na asawa mo si Zafe. Gusto mo ipamukha sa kanila iyung marriage certificate?”

 

        “If I have to. Dapat nga ay hindi na lang nila inimbita si Zafe. Sino ba ang walang utak na nag-imbita sa kaniya?” naiinis kong tanong.

 

        “Kapag ba sumama ako, ipa-promise mo ba na hindi ka gagawa ng gulo sa misa?”

 

        Itinaas ko ang kaliwa kong palad.“I promise.”

 

        Tumango-tango lang si Isabela. Maya-maya ay napansin kong kumunot ang noo niya saka napatayo siya. Pero hindi siya sa akin nakatingin. Napansin ko din na nanlilisik ang mata niya na para bang gusto niya maalis ang kaniyang nakikita sa kaniyang paningin.

 

        “What is it?” tanong ko.

 

        Tumayo din ako saka tiningnan din ang tinitingnan niya. Wala naman akong nakitang notable sa napakalaking clear window glass ng café.

 

        “N-Nothing,” sagot ni Isabela na pilit ngumiti.

 

        Umupo kaming dalawa at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi kami nag-usap habang tinatapos namin ang aming pagkain.

 

Randolf's POV

 

        Nag-break na muna sila Zafe sa kanilang show. As usual, kompleto ang kanilang party. Ang MVP sa episode nila ngayon ay si Isaac.

 

        Sa ibang bagay naman, niyaya ako ni Zafe na lumabas muna.

 

        “Gusto mo akong makausap?” tanong niya dala-dala ang cup noodles na bigay nila Kurt.

 

        “May gusto lang akong malaman mo dahil pakiramdam ko ay kailangan mong malaman. At mukhang wala atang nagsasabi sa iyo,” sabi ko saka sumipsip din sa cup noodles. Nabigyan din ako.

 

        Ipinagsawalang-bahala lang ni Zafe ang gusto kong iparating. “Kung makapagsalita ka naman, parang may isa kang malaking sikreto na hindi mo sinasabi sa akin.”

 

        “Marami kasi akong iniisip.” Natahimik ako saglit. “Alam mo naman na gumaganda ang relasyon namin ni Colette. At, ayokong masira iyun.”

 

        Natigil si Zafe at tiningnan niya ako ng seryoso. “Ano ba iyun? Pramis, hindi kita isusumbong sa asawa ko.”

 

        Humugot muna ako ng buntong-hininga. “Sa susunod na linggo, magkakaroon ng misa para kay Aulric. Gaganapin sa likuran ng bahay ang misa. Tapos itatapon ni Sir Henry ang abo niya sa lawa.” Iyun iyung plano na nalaman ko.

 

        “Ohh,” nasabi lang niya saka humigop ng sabaw.

 

        “Lilinawin ko lang na hindi kita iniimbitahan. Gusto ko lang malaman mo na may gagawin silang ganoon,” paglilinaw ko. Medyo kinabahan na ako lalo. Tama ba itong sinasabi ko?”

 

        “Banned ba ako sa misa na ito or ano?” tanong niya.

 

        “Walang sinabi sila Sir Henry. Pero ‘kami’ kasi, naisip na baka may hindi magandang mangyari kung lantaran na iimbitahan ka namin. Lalo na't may asawa ka na at maganda ang relasyon ninyo ni Colette,” paliwanag ko. Hinalo-halo ko lang ang natitirang laman ng cup noodles ko.

 

        “Okay.” Nilagay ni Zafe ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko. “Thank you for telling this to me.”

 

Alexander's POV

 

        Mula sa sasakyan, nakatingin lang ako kay Zafe at Randolf na mukhang may pinag-uusapan. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

 

        Nang pumasok ang dalawa, may lumabas na mag-ama sa café. Napakasaya nung anak ng lalaki habang lumalabas sila sa café. Kung ano ang nangyari sa loob, tiyak na masaya ang anak dahil sinosuportahan siya ng kanyang ama.

 

        Ang anak ko kaya? Masaya kaya siya na marunong na siyang lumangoy? Pumikit ako nang mga ilang segundo at hiniling na tumigil na ang utak ko na isipin ang anak ko. Pero...

 

        Humugot lang ako ng malalim na hininga at tiningnan ang mga CCTV ng condominium na iyun. At tumingin ako sa pool. Una munang ibinigay sa akin ng system ang oras na tinuturuan ko si Philip lumangoy. Pagkatapos ay pinabilis ko ang oras hanggang sa nakita ko ulit si Philip na tumalon sa pinakamalalim na parte ng pool.

 

        Halos napatayo ako nang makita ang pangyayari na iyun. Pero bigla kong naalala na mga ilang oras na ito na nangyari dahil sa timestamp na nakalagay sa camera. Kasunod ni Philip ay si Alfonso na akmang tatalon na nang biglang lumutang si Philip. Tumakbo din si Roxan para makita kung ano ang nangyayari sa anak namin. Nang nakita ni Philip ang Mama niya, ipinagyabang pa nito ang bagong kakayahan na makalangoy. Lumusong na din ang mag-asawa sa pool at sinamahan si Philip.

 

        Nakaka-proud. Iyun ang nararamdaman ko ngayon. Sana ay magkaroon pa ako ng pagkakataon na makasama ang anak ko. Kaya lang, may deadline akong hinahabol. Bago kasi matapos ang deadline ko ay uuwi na sila sa España.

 

        Bigla akong nagkaroon ng inspirasyon. Pagbubutihin ko ang trabaho ko nang magkaroon pa ako ng kahit isang pagkakataon na makasama ang anak ko.

 

        Pabalik sa trabaho ko, mas marami akong nalaman sa pagba-backlog ko. May nalaman pa akong ibang spot kung saan nagpapakita ang multo ni Aulric. Si Camilla, nakita niya ito sa isang mall. Nakita ko iyung mall na pinuntahan niya, salamat kay Randolf na kine-kwentuhan ni Inno.

 

        Si Knoll, habang naghahatid ng kaniyang mga delivery. Nagta-trabaho siya sa Logistics Division ng kompanya ng mga Bourbon. Kung saan niya ito nakita? Walang malinaw na lokasyon.

 

        Ganoon din kay Andrew. Sinabi niya na nakita niya iyun sa isang mall, pero hindi ko alam kung anong mall ang tinutukoy niya.

 

        Si Caleb, habang pauwi siya. Pero tinatamad akong hanapin iyun.

 

        Nakapagtataka na wala silang malinaw na lokasyon ang tatlo sa magkakaibigan na ito. Pero kay Isaac, may resulta ang aking imbestigasyon.

 

Zafe's POV

 

        Matapos ang isang episode ng adventure namin, nag-apir kami dahil isang successful na gabi para sa mga tagapagtanggol ng kabutihan. Work in progress iyung pangalan ng team namin.

 

        Anyway, nauna nang umuwi si pekeng Aulric at Randolf. Kami namang mga natira ay pumunta sa istasyon ng gasolinahan at nagpalipas ng umaga sa isang convenience store. Pinag-usapan namin ang mga ginawa kanina hanggang sa pinalitan ko ang usapan.

 

        “Balita ko, magpapamisa kayo para kay Aulric,” sabi ko habang kumukuha ng chips sa mesa.

 

        “Ohh! So sinumbong na pala sa iyo ni Randolf,” wika ni Caleb na nakaupo sa tapat ko.

 

        “Well, sasabihin sana namin sa iyo next week na may misa kami,” sabi ni Andrew na nakaupo sa kaliwa ni Caleb.

 

        “Parang noong isang araw, ikaw iyung ayaw isama si Zafe ahh?” pabirong sabi ni Knoll na nakaupo sa kanan ko.

 

        Napakamot sa ulo si Andrew. “Well, totoo naman iyun Zafe.” Kumuha siya ng chips sa mesa. “Pero napag-isip-isip ko, bakit pa namin itatago sa iyo? You loved Aulric, more than us. Kaya dapat ay hindi ka mawala sa misa. Iyun ay kung makakapunta ka.”

 

        Kumunot ang noo ko. “You sounded it like, hindi ako makakapunta.”

 

        “Hindi mo ba kinokunsulta ang asawa mo kapag may ginagawa ka?” tanong ni Isaac na nasa kaliwa ko. “Basically, kapag may gagawin ako, sinasabi ko kay Sharina kung ano iyun at kung payag ba siya or hindi.”

 

        Natigil lang ako sa sinabi ni Isaac. “Hindi ko ginagawa iyan kay Colette.”

 

        “Sana all,” wika ni Caleb.

 

        “Y-Yeah,” dagdag ni Jin na nasa kanan ko. “Hindi ko lubos maisip na magkakaroon ako ng girlfriend na katulad ni Sharina. Ayoko kayang i-report sa girlfriend ko kung anong ginagawa ko, like, parang may ginagawa akong masama para baliin ang tiwala ng girlfriend ko.”

 

        Hindi maipinta ang mukha ng lahat habang nakatingin kay Jin.

 

        “Dude, na-realize mo naman siguro na hindi magandang example si Sharina dahil una sa lahat, pinsan mo iyun,” sabi ni Knoll. Tumingin naman siya kay Isaac. “Hindi dahil sa, alam mo na.”

 

        Nagkibit-balikat lang si Jin.

 

        “Anyway, pupunta ako,” sabi ko. “Maiintindihan naman iyun ni Colette kung bakit.”

 

        Tumunog na ang alarm ko hudyat na malapit nang mag-umaga at magigising na ang anak ko.

 

        Tumayo na ako. “Mauna na ako sa inyo guys. Paghahandaan ko pa ng agahan ang anak ko,” paalam niya sa amin.

 

        “Sige pre, bye!” paalam nilang lahat.

 

        “Kita na lang tayo next week,” wika ni Caleb.

 

        Nginitian ko lang sila kami at nagbigay ng thumbs-up. Saka naglakad na ako papunta sa sasakyan.

 

        Magliliwanag na nang nakauwi na ako sa bahay. Pagdating sa kusina para magluto, narinig ko ang boses ni Colette.

 

        “Thank you. Kita na lang tayo mamaya sa office,” rinig kong sinabi niya habang may sinasangag siya sa kawali.

 

        Pagkababa ng phone ay nakita niya ako. “Babe, good morming,” bati niya saka hinalikan ako sa pisngi. “Kumusta ang laro ninyo?”

 

        “Okay naman,” sagot ko. “Umabot na sa 1 million ang subscriber namin.”

 

        “Congratulations!” masayang bati niya habang nilalagay na sa kawali ang binati na itlog. “Malapit ko nang maihanda ang agahan natin. Magpalit ka na.”

 

        Habang naglalakad ako papunta sa kwarto, bigla kong naalala ang pinag-usapan namin nila Isaac kanina. Lumingon ako kay Colette at inisip ang mga sinasabi niya. Kailangan ba malaman ni Colette na pupunta ako sa misa ni Aulric?

 

        “Zafe, inimbita pala kami ni (pekeng) Aulric na pumunta doon sa misa ng kapangalan niya,” sabi ni Colette habang nakatuon pa rin ang atensyon niya sa kawali. “Pupunta ka ba sa misa?”

 

        Nagulat ako nang nalaman ko na inimbitahan pa ni pekeng Aulric ang asawa ko. Bakit kaya? Dahil magkaibigan silang dalawa?

 

        “Yeah. Pupunta ako,” ngiti ko. Mukhang hindi ko na kailangan magpaalam dahil pupunta naman pala siya. Nagpatuloy na akong umakyat sa kwarto dahil okay naman pala ang lahat.

 

Colette's POV

 

        Kinuyom ko lang ang aking kamao habang nakatingin sa niluluto kong itlog. Nakakaramdam ako ng galit dahil sa mga nangyayari. Sa relasyon namin ni Zafe, hindi niya ako masyadong kinokonsulta sa mga bagay-bahay na baka kailangan ang komento ko.

 

        “Magdamag akong makikipaglaro ng board game kila Kurt. Ipo-post namin sa YouTube. Panoorin mo minsan,” sabi niya noong isang araw.

 

        Hindi...

 

        “Magdamag akong makikipaglaro ng board game kila Kurt. Ipo-post namin sa YouTube. Okay lang ba sa ito iyun?”

 

        “Pupunta pala kami ni Randolf sa Rizal para makipaglaro.”

 

        Hindi...

 

        “Pupunta pala kami ni Randolf sa Rizal para makipaglaro. Okay lang ba sa iyo?”

 

        “Gagawin kong ninong si Randolf para sa anak ko.”

 

        Hindi...

 

        “Okay lang ba kung gagawin kong ninong si Randolf para sa anak natin?”

 

        At ngayon...

 

        “Pupunta ako sa misa ni Aulric.”

 

        Hindi...

 

        “Okay lang ba sa iyo kung pupunta ako sa misa ni Aulric?”

 

        Bigla naman ako nagising mula sa aking pag-iisip nang pinaso ako ng mantika. Dali-dali kong inalis ang itlog sa kawali at baka masunog pa ito. Pagkatapos ay sunod na inayos ko ang mesa na pagkakainan namin.

 

        Sa totoo lang, iyung isa sa mga tanong niya, ay okay lang sa akin. Hindi naman masama iyun. Nakikita ko si Zafe sa YouTube na nagre-relax at nag-e-enjoy kasama sila Kurt. Wala siyang nilalanding tao o kahit sino.

 

        Pero ang pagpunta niya sa Rizal para makipaglaro ng basketball, gawing ninong si Randolf kay Felric, pumunta sa misa ni Aulric, hindi okay sa akin iyun. Ayoko siyang palaging bumabalik sa Rizal, ayokong gawin na ninong si Randolf kay Felric. At mas lalong ayokong pumunta si Zafe sa misa ni Aulric. Kung siguro ay naging mahigpit ako. Magkakaroon ako ng kontrol sa mga nangyayari.

 

Dexter's POV

 

        Suot-suot ang isang uniporme ng courier ay humugot ako ng malalim na hininga habang kumakatok sa isang pintuan. Pagkabukas ng pintuan ay may sumilip na medyo matanda na babae.

 

        “Delivery po para kay Natasha Chernaya Vdova,” sabi ko.

 

        Tiningnan lang ng matanda ang hawak kong clipboard. “Ho? Wala pong Natasha Janaya Bidova dito.”

 

        “Talaga?” Tiningnan ko kunyari ang clipboard. “Ito po iyung address na binigay sa amin. Pwede pong pakitingnan?”

 

        Binigay ko sa matanda ang clipboard na kinuha naman nito. “Sandali lang, patingin?”

 

        Kinuha ko ang parcel na nilapag ko at dire-diretsong pumasok. “Ipasok ko na rin po itong delivery niyo. Medyo mabigat po ehh.”

 

        Nagulat ang matanda sa ginawa ko at akmang pipigilan ako. “Teka lang, hijo! Sandali! Hindi ka pwedeng pumasok!”

 

        Dumiretso ako sa pinakasala at nilapag ang parcel sa mesa. Tapos ay kumanan ako kung saan may isang pintuan. Binuksan ko ito at nakita ang gulat na ekspresyon ni Natasha nang nakita ako.

 

        “Dexter?” bulalas niya.

 

ITUTULOY...


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails