Followers

Saturday, September 12, 2020

Loving You... Again Chapter 80 - Confidential Liar

     






  



Author's note...










Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.

Confidential Liar na kinanta ng bandang Vanattica. Tungkol ito sa isang babae na napakagaling magsinungaling. At ang tanong ay may magmamahal ba sa mga taong magaling magsinungaling? Palagay ko ay iyung nagsulat ng kanta ay inabuso sa pagsisinungaling. Pero para sa akin, kaya lang naman nagsisinungaling ang mga taong ito ay para may makuha. Pero ang tanong ay kung ano iyun? Bakit napaka-confident nilang magsinungaling kahit na may masama itong maidudulot kapag nalaman ng mga tao ang totoo?

Heto na po ang Chapter 80.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
70 | 71 | 72 | 73 | 74 | 75 | 76 | 77 | 78 | 79 |











Chapter 80:
Confidential Liar








































Alexander's POV

 

        “Mauna ka na sa sasakyan.” Dala-dala ang isang laptop sa kanang kamay ko, kaagad na hinagis ko ang susi ng sasakyan, na nasa kaliwa ko, kay Randolf habang papasok ako ng opisina ni boss Aulric.

 

        Nasalo naman ni Randolf ang susi at kaagad na naghanda na ito para umalis. Sa loob ng opisina ni boss Aulric, may ginagawa pa siya at mukhang wala pa siyang balak umalis.

 

        Hindi ko na hinintay na umimik siya at inilatag ko na ang mga nalaman ko ngayong araw. Nang nag-play na ang pinapakita ko ay napatigil siya. Tumingin siya ng mabuti. Maya-maya ay may pinindot siya sa laptop. Mukhang pinapabalik niya ang pinapakita ko ng paulit-ulit.

 

        Ang pinakita ko sa kaniya ay ang footage ng pagbangga ni Isaac mula sa isang camera na nasa likod ng traffic lights. Ang ganda ng camera na ginagamit ng Rizal. Napakalinaw. May mga hidden features pa na tanging mga magagaling maghanap ang makakaalam. Bakit kaya? Ire-research ko iyan kung bakit.

 

        Balik sa footage ng pagbangga ni Isaac, hindi kapani-paniwala ang nakita ko. Sa bangketa kung saan nakita niya daw iyung multo ni Aulric ay may nakatayong lalaki. Ang lalaking ito ay may suot na cutout na mukha ni, tunay na Aulric. Alam niyo iyung sinusuot ng mga bata na Iron Man mask, Batman mask, Wonderwoman mask, ganoon. Iyun iyung suot ng lalaki na makikita sa footage.

 

        “Really?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni boss Aulric. “Posible ba ito?”

 

        “Alam mo naman ang salitang ‘namalik-mata’. Iyun iyung nangyari diyan,” paliwanag ko. “Posible na pati iyung iba, baka ganito ang nangyari. Namalik-mata sila kaya akala nila na iyung, tunay na Aulric ang nakita nila at hindi isang cutout.”

 

        “Na-track mo ba ang taong ito? Kagaya nang sino ang posibleng nakasalamuha niya habang hinuhubad ang maskara?” Tinuro ni boss Aulric ang video at nakikita na naglalakad paalis ang lalaki. Mapapansin naman sa video na tinitingnan ng mga tao ang naglalakad na lalaki pahiwatig na totoo ang nangyayari, at kakaiba.

 

        “Sa dami ng mga CCTV sa Rizal, napaka-posible iyun.” Pramis, napakadami-talaga ng CCTV sa Rizal. At ang ganda pa.

 

        Humugot ako ng malalim na hininga. “Pero sa hindi ko malaman na dahilan, bigla na lang hindi naging available ang footage nang mga ilang segundo. Sa loob ng oras na iyun, posibleng hinubad na ng taong ito ang kaniyang maskara.”

 

        Tumango si boss Aulric at pumunta sa bintana ng kaniyang opisina. “May mga notable ba na tao sa paligid ng pangyayaring iyan?”

 

        “Nag-iimbestiga pa ako,” sagot ko.

 

        “Bakit kaya ginagawa nila ito?” tanong ni boss Aulric sa akin, pero parang binubulong niya ito sa kaniyang sarili.

 

        Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kahit ang tanong niya ay para sa akin. Siguro, para manggulo? Sa ngayon, napakaliit pa lang na bagay ang nangyari kay Isaac. Sana nga lang ay ang maliit na pangyayaring ito ay magiging maliit lang.

 

Randolf's POV

 

        Matapos makapaghanda para umalis, lumakad na ako papunta sa elevator at nasalubong ko si Isabela. Mukhang nauna na atang umalis ang sekretarya niya dahil siya lang ang nakasalubong ko.

 

        “Hi,” nahihiyang bati niya.

 

        “Hi,” nahihiyang bati ko din.

 

        Kapwa ay hindi na muna kami nagsalita at tumingin lang sa repleksyon namin sa elevator.

 

        “Si (pekeng) Aulric, nauna na ba sa iyo?” naitanong niya at nagnakaw siya sa akin ng tingin na pinadaan niya sa salamin.

 

        Umiling lang ako. “Pinapauna lang ako dahil mag-uusap pa sila nung kasama ko. Si Alexander.”

 

        Tumango-tango lang siya. “Mag-syota ba iyung dalawa?” bulong niya. “Baka may gagawin sila sa opisina kaya pinapauna ka.”

 

        Isang imahe sa utak ko ang nabuo. Si Alexander at si pekeng Aulric na may ginawang kababalaghan sa opisina.

 

        “Hindi naman. Baka nagkwentuhan lang. Kadalasan kasi sa condo, naaabutan ko ang dalawa na nag-uusap ng mga kung ano-anong bagay.” Na gusto nilang pag-usapan, sabi ko sa isip ko pero hindi ko itinuloy.

 

        “Effective ba ang ginagawa ko sa iyo?” naitanong niya bigla.

 

        Natahimik lang ako. Hindi ko alam ang isasagot. Sa salamin, nginitian niya lang ako kahit na hindi ako sumagot.

 

        Bumukas ang elevator at pumasok kami. Kami lang dalawa ang nasa loob.

 

        “Kung iyung mga pagkain ang tinutukoy mo, salamat,” sagot ko sa tanong niya. “Pero sana, huwag mo na lang ipadaan doon sa sekretarya mo.”

 

        Muli, sa repleksyon namin sa pader ng elevator ay nagkatinginan kami. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil parang mali ang sinasabi ko. Alam kong napaka-busy din niya sa trabaho, tapos mag-re-request pa ako na siya mismo ang magbigay ng tanghalian ko.

 

        “Susubukan ko,” sabi niya.

 

        Kung susibukan nga niya ang sinasabi ko, baka subukan ko din siyang mahalin.

 

Dexter's POV

 

        Pagkagising ko sa umaga nawala ang paulit-ulit na bulong sa akin ni Natasha. Ang pumalit dito ay ang nakita ko kagabi. Talagang buntis nga siya.

 

        Bumangon ako at tumingin sa digital clock. 5. Medyo mas maaga akong nagising ngayon.

 

        Bigla akong may naalala at dali-daling pumunta sa terrace. Gamit ang binoculars na iniwan lang ni Lucky sa isang upuan, sumilip ako sa unit ni Natasha. Nakikita ko sa hawak kong binoculars na may hawak na vacuum ang katulong na nakita ko kagabi.

 

        Kailangan harapin ko ang katotohanan sa likod ng pagkawala niya. Kung may nagbago sa pagitan naming dalawa, wala na akong magagawa kung hindi...

 

Alexander's POV

 

        Bigla akong napaisip sa nangyari kay Isaac pagkagising ko sa umaga. Paano ‘niya’, ‘niya’ kasi hindi ko pa kilala ang taong nagsusuot ng cutout ng mukha nung tunay ni Aulric, nalaman na pupunta si Isaac sa lugar na iyun at magdulot ng ganoong kaliit na kaguluhan? Plano ‘niya’ ba talaga na mapahamak si Isaac? At ano ang motibo ng taong ito sa pagbuhay ng isang namatay na gamit ang cutout ng mukhang ito? Oo, pinapanatili ni sir Henry na buhay ang kaniyang anak sa pagpapalaki kay boss Aulric. Pero ibang usapan iyun.

 

        Isa ko pang problema ay ang panandalian na pag-static ng mga CCTV sa lugar na iyun habang naghubad siya ng maskara para hindi ko siya mamukhaan. May katulong kaya ang taong ito?

 

        “Huwag ka nang bumili ng pagkain ko mamaya,” wika ni Randolf habang nagmamaneho ako papunta sa trabaho nila.

 

        “Si Isabela na lang ang magpapakain sa iyo?” pang-aasar ko sa kaniya.

 

        “Binibigyan ko lang siya ng chance,” tugon niya. Tama iyan. Bigyan mo siya ng chance.

 

        Napangiti lang ako. “Nasabi ko ba sa iyo na napakagwapo mo?”

 

        Ngumiti lang ako nang nakita kong sinimangutan lang niya ako. Well, baka nga gwapo talaga si Randolf para kay Isabela. Ako, sa tingin ko ay gwapo din naman si Randolf. At least, may progress na sa parte niya.

 

        “Talaga? Work from home ngayon si Dexter?” rinig kong sinabi ni boss Aulric bago bumaba sa sasakyan.

 

        Ngayong naihatid ko na sila, pinuntahan ko naman ang condominium ni Natasha. Halos masalubong ko na naman ang kasalukuyang pamilya ng anak ko pero maayos akong umiwas. Wala munang pagnanakaw ng tingin sa anak ko dahil nabigyan ko na siya ng sapat na atensyon, sa ngayon. Pakiramdam ko ay napakaganda ng araw na ito. Kahit may kaunting progress ang nangyari sa ginagawa ko ay pakiramdam ko'y magtutuloy-tuloy ito. Ilang buwan pa kaya para maging sila na ni Isabela?

 

        Kumatok ako sa unit ni Natasha. Ano naman kaya ang gusto niyang kainin ngayon na kakaiba?

 

        Pagbukas ng pintuan ay si Dexter ang nakita kong sumalubong sa akin.

 

        “I'm sorry. I think I'm in a wrong unit,” kalmadong sabi ko. Bakit si Dexter ang nagbubukas ng pintuan? Tsaka akala ko ba ay work from home siya? Kailan pa niya naging bahay ang unit ni Natasha?

 

        “Alexander, alam kong nasa tamang kwarto ka,” saad niya. “Nauna nang pumunta ang kaibigan ko dito at nakita niya na ikaw ang sumalubong sa kaniya nang nag-deliver siya ng parcel sa iyo.” Ugh! Huwag mong sabihin na iyung kakaibang delivery boy na kutis-mayaman?

 

        Inayos ko lang ang aking salamin habang nagpakawala ng malalim na hininga. Wala akong magagawa kung hindi tumuloy. Tsaka may kailangan ako sa isa sa mga gamit ni Natasha.

 

        Bumalik na lang si Dexter loob at iniwan na bukas ang pintuan. Kaya tumuloy ako saka sinara ang pintuan. Pagkapasok ay nakita kong may laptop na nakabukas sa mesa. Nakaupo sa tapat nito ay si Dexter. Hindi mo naman ito bahay pero bakit sinasabi mo na work from home ka?

 

        Lumapit naman ang kasambahay sa akin at ipinaliwanag ang nangyari.

 

        “Okay lang po,” tugon ko sa kasambahay.

 

        Umalis naman ang kasambahay papunta sa malaking CR ng unit na ito para maglaba. Nako! Malaking problema ito. Paano ko makukuha mula kay Natasha ang kailangan ko kung nandito si Dexter.

 

        “So ano ba ang ginagawa mo dito? Akala ko ba, bodyguard ka ni (pekeng) Aulric?” tanong ni Dexter sa akin na hindi nakatingin dahil sa may tinitipa siya sa laptop.

 

        Pagkatapos ibaba ang mga gamit ko sa mesa, binuksan ko ng kaunti ang pintuan sa kwarto ni Natasha at nakita siya na mahimbing na natutulog. Sinarado ko ito nang nakasiguro na akong okay lang siya.

 

        “Hindi ako bodyguard,” sagot ko habang pumupunta sa kusina para mag-timpla ng kape. “Driver lang po ako, sir.”

 

        “Driver? Pero nandito ka ngayon. Kasama ba sa trabaho mo iyun?” rinig kong tanong niya.

 

        “Oo, at hindi,” sagot ko habang nilalagyan ng creamer ang kape. “Pwede akong pumunta kahit saan kung hindi niya ako kailangan. Tsaka may tiwala siya sa akin na kung kailangan niya ako, handa ako.”

 

        Pumunta ako sala at umupo. Maingat kong iniisip kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya.

 

        “Hindi ko naisip na ikaw pala iyung ‘Dexter’ na tinutukoy niya,” sabi ko habang humihigop ng kape.

 

        Biglang natigil ang pagtipa niya sa laptop. “Ako din. Hindi ko naisip na ikaw pala ang nakabuntis sa girlfriend ko.” Nakita kong nakakuyom ang kamay niya.

 

        “Huh! I wish,” singhag ko. Napansin ko naman na mas lalong kinuyom ni Dexter ang kamay niya. “Alam kong ex niya ako, pero kung alam kong may boyfriend siya at gusto niyang makipag-sex sa akin, hindi ko gagawin iyun. Tsaka hindi ako ang ama nung bata na nasa tiyan niya. Inaalagaan ko lang siya dahil sa humanitarian reasons.”

 

        Unti-unting nagre-relax ang kamao ni Dexter. Alam ko naman kung bakit nandito si Dexter. Mahal na mahal niya si Natasha, sa pagkaka-kwento ni Natasha. At kaya nagtatago siya ngayon ay dahil ayaw niyang makita siya ni Dexter na ganito. Pinagbuhuntis ang anak ng iba, kahit na artificially inseminated ang proseso. Seriously, ang bottom line lang naman dito ay buntis siya at hindi si Dexter ang ama.

 

        “Kilala mo ba kung sino ang ama ng bata?” maingat na tanong niya.

 

        Tiningnan ko lang siya ng mabuti, kung alam niya iyun sa likod ng aking salamin. “Bakit hindi mo na lang siya kausapin tungkol sa bagay na iyan? In my experience, ito dapat ang point na magkaharap kayo dahil sinusubukan ngayon ng sitwasyon ang pagmamahal niyo sa isa't isa.” Natawa lang ako sa aking naalala. “Naalala ko tuloy noon nung pinapili niya ako. Siya, o ang mga gusto ko. Pinili ko ang mga gusto ko. At kasabay noon, nalaman kong hindi ko na pala siya mahal.”

 

        Tumayo na ako at pumasok sa loob ng kwarto ni Natasha. Nagulat ako nang nakita si Natasha na gising.

 

        “Is everything alright?” tanong niya habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Baka sumipa ang bata at nagising siya.

 

        “I hope so,” sagot ko. Tinuro ko ang pintuan. “You should talk about this with him. To clear whatever it is between you two.”

 

        Pumunta ako sa aparador niya at kinuha ang mga gamit ni Natasha saka ipinasok sa isang bag.

 

        “Thank you again, for helping me. Despite the things that happened between us, you still help me get through this,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. Hormones.

 

        Ngumiti lang ako matapos mailagay iyung mga gamit niya sa bag. “You're aware that I am using you, right? Because I can use ‘you’?”

 

        Kinuha niya ang kaniyang unan at ibinato ito sa akin. “Ohh, stop that cold-hearted front!”

 

        Ngumiti lang ako saka kinuha ang unan at ibinalik iyun sa kama. “I need these equipment and I might not return it to you. And I don't plan on stopping here since Dexter will be here, everyday.”

 

        Kumuha siya ng tissue na abot-kamay lang niya. “You talk like Dexter and I will be okay after this,” sabi niya habang ipinapahid ito sa mga luha niya.

 

        Hindi na ako nagpaalam at umalis dala-dala ang mga gamit ko. Hindi ko na tiningnan pa si Dexter dahil sa pakiramdam kong magiging okay ang lahat.

 

Dexter's POV

 

        Ilang minuto na ang lumipas nang umalis na si Alexander. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya makikita sa kwartong ito.

 

        “Dexter, can we talk?” rinig kong sinabi ni Natasha mula sa kwarto niya.

 

        Tumayo ako at inayos ang aking saliri. Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok sa kwarto. Una ko munang tiningnan ay si Natasha hawak-hawak ang kaniyang tiyan. Sa gilid ng higaan niya ay may upuan. Inilapit ko ito sa kama ni Natasha at umupo.

 

        “How are you feeling?” tanong ko.

 

        “I'm okay,” sagot niya. “I feel that anytime, this baby will come out.”

 

        Hindi ko alam ang sasabihin matapos niyang sabihin iyun. Sino ba ang unang magsalita? Sino ba ang dapat na unang magtanong? Ako ba, o siya?

 

        “Are we okay?” malungkot na tanong niya.

 

        Umiling ako. “I don't know. Should we? Because I need an explanation to this.” Tumingin lang ako sa tiyan niya. Magsasabi nga ba siya ng totoo? After all, nagtago siya sa akin, marahil ay dahil dito.

 

        Hinimas-himas niya ang kaniyang tiyan at tiningnan niya ito ng katulad sa isang nag-aalagang ina. “The child is a product of artifical insemination.”

 

        Medyo nag-short circuit ang utak ko sa kaniyang sagot. “What?”

 

        Artificial insemination. Pamilyar ako doon. Ang kailangan lang ay ang semilya ng lalaki, tapos gamit ang mga aparatos ay ilalagay ito sa itlog ng babae at voila, buntis na siya.

 

        “I had this gay friend. Who asked me if I can be a surrogate mother to his child,” paliwanag niya. “Without a thought, I accepted it.”

 

        “Then why didn't you tell me? Its not like I'm against it if I know. I will even support you.”

 

        “I know you do,” ngiti niya. “But not everyone will accept this. Especially, filipino people. I don't want people to talk behind you in hushed whispers. That your girlfriend was pregnant by another man's. I want everything to be perfect for you, Dexter.”

 

        Sa Pilipinas, bihira lang ang mga taong nakikipagrelasyon sa mga taong may anak na. It's a proven fact. Sa opisina, may naririnig akong usap-usapan ng mga lalaki.

 

        「1 week ago...

 

        Habang nagpapahinga ako sa terrace ng building namin, may narinig akong usapan ng mga lalaki at babae. Sa lalake...

 

        “Hindi ba may anak na iyun pare?” sabi ng unang lalaking may sigarilyo.

 

        “Gago. Huwag iyung mga ganyan. Dapat men, iyung wala pang anak dahil alam mo na, wala pang anak,” paliwanag naman ng pangalawang lalaki na umiinom sa lata ng isang softdrinks. “At tsaka may plano ka di ba? Wala munang anak-anak hangga't hindi pa stable ang pera mo? Kasi, mahal magkaroon ng anak sa panahon ngayon.”

 

        Hindi sumagot ang pangatlong lalaki. Narahil ay na-offend sa sinabi ng mga kaibigan, o hindi naman kaya ay pinag-iisipan niya ang sinasabi ng mga kaibigan niya. May side naman ako ng mga kababaihan kung bakit hindi dapat pumatol sa mga taong may anak na.

 

        “Sigurado ka na ba diyan sis?” tanong ng babaeng may hawak na milk tea sa kamay.

 

        “Oo naman. Mahal ko iyung tao,” sagot ng babae.

 

        “Nako! Bago ka muna magsabi ng ‘mahal-mahal’ diyan, kilatisin mo muna. Mamaya, kaya pala nakipaghiwalay dahil abusado. Tsaka dagdag reaponsibilidad iyung bata.”

 

        May problema sa pinag-uusapan ng tatlong babae. Kung abosado pala iyung tatay, bakit naman ipapaiwan pa ang anak sa kaniya? May ina bang iiwan iyung bata para lang maging punching bag lang ng tatay? At tsaka iyung bata, wala ka ng magagawa. Magiging dagdag talaga sa responsibilidad iyun. At kung mahal mo iyung tao, hindi ba dapat ay mamahalin mo din kahit iyung bata?」

 

        Bigla kong naintindihan ang gustong iparating ni Natasha. Dahil mahal niya ako, nagtago siya sa mga mata ng tao dahil nagdadalang-tao siya at hindi ako ang ama.

 

        “But I don't care about that.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos-haplos ito. “All I care about is you. Let the people talk. I can handle it.”

 

        “But I can't.” May namuong luha sa gilid ng kanyang mata. “Did you know that my father cheated on his wife? And despite the things that happened between him and his wife, his wife accepted both of us. But that didn't end there. His wife suffered emotionally, because of what people said about her. I wished that I was not born so she will not suffer like that. It's not right to call her names. She was a good person. Until the flood...”

 

        Niyakap ko si Natasha nang nagsimula na siyang umiyak. Naintindihan ko na. Hindi lang ako ang gusto niyang protektahan. Pinoprotektahan din niya ang kaniyang sarili dahil hindi niya kaya. Masisisi ko ba siya na nasasaktan siya sa mga sasabihin ng tao sa akin? Alam kong kaya kong tanggapin iyun pero hindi ko naisip na hindi niya kaya. May nangyari pala sa kaniya noon kaya nagawa niya ito. Nagtago siya sa akin.

 

Colette's POV

 

        Sa isang coffee shop, matapos akong umorder ng kape, nagulat ako nang nasalubong ko si pekeng Aulric. Nagulat din siya nang nakita niya ako.

 

        “Hi,” masayang bati ko.

 

        “Hi, Colette,” bati din niya. “Wow. This is unexpected. Katatapos ko lang sa isang meeting and I decided na bumili dito ng kape.”

 

        “Umm, great! First time mo ba dito? You know, you should try their top choices.” Bigla kong naisip na nasa gitna siya ng trabaho. “Iyun ay kung hindi ka nagmamadali.”

 

        “I'm fine, Colette. Sabihin na lang natin na it's part of the job,” biro niya.

 

        “Let's catch up. Maghahanap lang ako ng mesa para sa ating dalawa.”

 

        “I would like that.”

 

        Nang nakahanap na ako ng mesa, maya-maya ay umupo sa harapan ko si pekeng Aulric dala-dala ang isang electronic coaster.

 

        “Congratulations pala sa inyo,” bati ko. “Napanood ko iyung YouTube series ninyo at naka-one millions views kayo sa isang video.”

 

        Ngumiti naman siya sa sinabi ko. “Well, you should thank your husband's friends. They are a lively bunch. Kung ako lang iyung naglalaro, baka hindi aabot sa isang milyong views iyung video.”

 

        Nag-vibrate naman ang electronic coaster niya at kinuha na ni pekeng Aulric ang order niya sa counter. Pagkabalik sa mesa ay hinayaan ko siyang tikman ang specialty ng coffee shop.

 

        “Mmm! Good thing na naisip kong pumunta dito,” sabi niya.

 

        “How's, life?” naitanong ko.

 

        “Nothing important in particular for me,” kibit-balikat niya. “Pero habang palabas ako ng building, nadaanan ko si Randolf na sinundo ni Isabela sa desk niya para kumain.”

 

        Natuwa ako sa narinig. “Oh! Mukhang may progress na silang dalawa.”

 

        “Right? Kaya si Randolf tuloy, feeling gwapo kasi nililigawan ni Isabela.”

 

        Medyo napangiwi ako sa sinabi niya. “Umm, I don't think that Randolf thinks that way.”

 

        “I'm just joking. Ang bait-bait ni Randolf. Baka sa sobrang bait niya ay ang tingin niya sa sarili ay pangit siya,” dugtong niya habang kinakain ang cake na nirekomenda ko.

 

        Meron din akong chismis para sa kaniya. “You know, a little bird told me na nagiging close kayo ni Jin.”

 

        Nasamid naman si pekeng Aulric sa sinabi ko. Uminom kaagad siya ng tubig.

 

        “I'm sorry,” paghingi ko kaagad ng paumanhin.

 

        “No, it's alright,” wika ni pekeng Aulric habang pinupunasan niya ng tissue ang kaniyang bibig. “It was just unexpected. Of course, it's Isabela. Sooner or later ay malalaman mo. I was just helping him in business particularly. Since apparently, we are homeschooled in that matter. Alam mo naman, IT ang tinapos niya. At ganoon din ako.”

 

        Medyo na-curious ako sa sinabi niya. “I see. Saan ka nagtapos ng IT?”

 

        “Sa University of Rizal,” sagot niya.

 

        “Ahh! Taga-Rizal ka din pala.”

 

        “Yes. Taga-Rizal ako.”

 

        Tumango-tango ako sa nalaman ko. Medyo may alam na ako sa background ni pekeng Aulric.

 

        “You know, I like Jin, dati pa lang. Sikat siya sa acting stage.” Kunyari ay may binubulong si pekeng Aulric sa akin pero hindi siya umalis sa kinauupuan. “Contrary to the people's choice na si Aldred.”

 

        Umiling ako matapos hindi ko makilala ang sinasabi niya. “I don't know Aldred. Anong full name niya”

 

        Parang namang hindi makapaniwala si pekeng Aulric na hindi ko kilala ang sinasabi niya. “Aldred Castro?”

 

        Alam ko na kasama si Jin sa isang drama club sa Bourbon Brother's University. Pero hindi ko talaga kilala ang Aldred na sinasabi niya.

 

        Umiling lang ako. “Hindi ako familiar.”

 

        “Okay.” Pinagpatuloy pa rin niya ang pagkain. “Basta, check mo sa Google. Makikita mo siya. Gwapo din iyun. May asawang lalaki, at mga anak,” pakumpas na sabi niya. “Anyway, iyun nga, gusto ko si Jin.”

 

        Nararamdaman ko na may hindi siya sinasabi. “Kaya lang?” sabi ko bago ako uminom ng kape mula sa tumbler.

 

        “Aulric!” Bigla niyang hinampas ang mesa sa galit nang binanggit niya ang pangalan ni Aulric.

 

        Nagulat ako sa ginawa niya at ganoon din ang mga tao sa paligid. Bakas pa sa mukha niya ang galit, pero tiyak akong hindi para sa akin ang galit niya. Parang tumigil ang mundo sa paligid dahil nakatingin ang lahat sa kaniya.

 

        “I'm sorry,” sabi niya sa mga tao sa paligid matapos niyang pakalmahin ang sarili.

 

        May kaunti akong alam sa love story ng asawa ko. Apparently, si Jin pala ang ka-kompetensya niya sa puso ni Aulric.

 

        “Alam mo, kainin mo pa iyung cake,” nasabi ko na lang matapos, parang nasira ang mood naming dalawa, o ng mood niya.

 

        Pinagpatuloy niya ang pagkain ng cake pero bakas sa mukha niya na naiinis pa rin siya. “It's annoying, you know. You may have the name, but you are not the person that he wants. Tapos iyung ka-kompetisyon mo, patay pa. Hindi mo masuntok iyung tao, masabunot. Kasi nga, patay na.”

 

        “I feel you,” ang gusto kong sabihin sana sa kaniya. Pero sumipsip na lang ako ng kape sa tumbler ko.

 

        “I'm sorry,” paghingi ko ng tawad. Medyo nalungkot ako sa sinasabi niya. “I may be out of line here. But, bakit mo pinalitan ang pangalan mo? Aulric is not your real name, right?”

 

        “Henry made the change,” sagot niya. “Marahil ganoon din, nami-miss si Aulric. Ako, pumayag lang ako para ma-appease siya.”

 

        Humugot ako ng malalim na hininga. “You know, you should try harder na ligawan si Jin. Sure, may matindi silang koneksyon ng tunay na Aulric. But based on my experience, iba pa rin ang bond ng mga buhay na tao. Just like hindi natin masampal o masabunutan ang mga patay, hindi rin sila makakausap ng taimtim. Para ka lang nakipag-usap sa bato at iniisip ang mga maaaring isasagot nila. Tayong mga buhay, we are here physically. We can touch them to brush their tears away, to hug them so that they can feel that they are not alone, and if they need a shoulder to cry on, hiramin nila balikat natin. You feel me?”

 

        Tumango-tango si pekeng Aulric. “I, thank you Colette. Maybe I should try harder nga.”

 

        Pinagpatuloy niya ang pagkain ng cake habang ako ay inuubos ang kape sa tumbler. This is a good talk. I feel na mas nagiging close ako ngayon kay pekeng Aulric.

 

        Ngayon naman, si pekeng Aulric ang bumunot ng buntong-hininga. “I heard na pumayag ka na pumunta si Zafe sa misa para kay Aulric.”

 

        Medyo natigil ako sa sinabi niya. “Yes, I did.”

 

        Sa wakas ay naubos din niya ang cake. “May sikreto akong sasabihin sa iyo and I hope na huwag kang magalit sa akin.”

 

        Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. “Ano iyun?” tanong ko.

 

        “Last time, nagkita kami ni Zafe,” panimula niya. “Since naging successful ang pelikula na pri-noduce ko, nakiusap siya na mag-produce ako ng isa pang pelikula. Hindi ako pumayag at ni-refer ko siya sa isang producer na kakilala ko.”

 

        “Anong pelikula?” Mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

 

        “Pelikula ng love story nila ni Aulric.”

 

        Kaagad na kinalma ko ang aking sarili dahil sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

 

        “I'm sorry na ngayon ko lang sinabi sa iyo. Hindi ko pa kasi na-establish kung kanino ko ibibigay ang loyalty ko. Matapos makita ang ginawa ni Zafe, I am sure sa iyo ko dapat ibigay ang loyalty ko. And I know na nasa parehas na kalagayan tayo.” Humugot na lang si pekeng Aulric ng malalim na hininga. “Just don't tell him I said it. If ever you confront him.”

 

        “I know,” tango ko. “But, (pekeng) Aulric, mag-asawa na kami ni Zafe. Tungkulin naming pareho na pangalagaan ang marriage naming dalawa. At kahit hindi niya inaalagaan iyun, I will. Because I have to. Dahil mahal ko siya.”

 

        “I understand.” Maya-maya ay tumunog ang phone niya. “I have to go. I know that what happened here in this table is kind of a mood breaker. Pasensya na. I just want happiness for all of us.”

 

        “No problem. We should talk some time, here.” Tiningnan ko ang platito saka pabalik sa kaniya. “Sa state ng platito mo, mukhang nasarapan ka sa cake nila.”

 

        Nag-thumbs up siya. “Again, I'm sorry. I have to go.”

 

        Nang umalis na si pekeng Aulric, ininom ko lang ulit ang kape na nasa tumbler. Totoo ang sinasabi ko. Tungkulin naming mag-asawa na pangalagaan ang aming marriage. Kahit na sinisira ni Zafe ang promise niya, sisikapin ko na matutupad niya iyun.

 

        Tiningnan ko lang ang pintuan ng shop. Mas nakilala ko ngayon si pekeng Aulric. Parehas pala kami ng pinagdadaanan. May minamahal, pero ang gusto ng aming minamahal ay isang malamig na bangkay.

 

Randolf's POV

 

        Nang dumating si Alexander sa opisina, hindi niya kasama si pekeng Aulric.

 

        “Tara na!” sinabi lang niya saka bumalik agad kung saan siya galing.

 

        Matapos kong ayusin ang gamit ko, dumaan ako sa opisina ni Isabela.

 

        “Oi, hindi pa bumalik si ma'am,” sabi kaagad ng sekretarya. Natigil lang ako.

 

        “Pakisabi na lang na umuwi na ako,” sabi ko sa kaniya.

 

        “Ang aga naman ata,” sabi ni Isabela na nasa likos ko lang. Nang humarap ako ay may mga hawak siyang papeles.

 

        Ibinigay naman niya ito sa sekretarya. “You know what to do,” sabi niya dito.

 

        Para namang natutuwa pa ang sekretarya na umalis matapos niyang kunin ang mga papeles.

 

        “Aayusin namin iyung misa ni Aulric. Gagawin namin ulit sa likod-bahay nila,” paliwanag ko.

 

        Ibinaba ni Isabela saglit ang tingin niya. “Can I go with you?” Itinaas naman niya ang tingin matapos magtanong.

 

        Ito ang parte na dapat isagot ko ay hindi, dahil baka malaman ng mga magulang niya na kami na kahit hindi pa. Pero iba ang sagot na iniisip ko.

 

        “Hindi ko alam,” maingat na sagot ko. “May imbitasyon ka bang natanggap?”

 

        Natawa naman siya sa sinabi ko. “You're so funny. It's a mass, Randolf. Not a party. I think sa mga party lang pwede ang invitation. Unless it's like an intimate mass. Iyung mga close friends lang.” Bigla siyang may na-realize na nagpalungkot ng mukha niya. “Ohh! It's an intimate one.”

 

        “Si pekeng Aulric na lang ang tanungin mo diyan,” kibit-balikat ko. “Hindi ko alam kung ano ang intimate maas. Mass lang ang alam ko. Pasensya na.”

 

        “Halika nga.” Biglang hinawakan ni Isabela ang batok ko saka inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya.

 

        “This is what intimate means,” halos pabulong niyang sabi sa tenga ko.

 

        Biglang nawala ang hangin sa dibdib ko. Inaasahan ko na hahalik siya dahil sa lapit ng aming mga labi. Pero tiningnan lang niya ako sa mata at wala siyang ginagawa. Bigla naman siyang umatras.

 

        “I'm sorry. I forgot to respect your space again,” ngiti niya. “Mag-ingat ka pauwi.”

 

        Humugot ako ng malalim na hininga. “Ikaw din,” tugon ko saka naglakad na paalis.

 

Alexander's POV

 

        Sa Rizal, ibinaba ko si Randolf sa tinutuluyan niyang bahay matapos malaman na walang kailangan si boss Aulric sa kaniya.

 

        “Si Isabela pala, gusto niya sanang pumunta sa misa,” hindi siguradong sabi ni Randolf na hindi pa tumuloy. Tiningnan niya si boss Aulric sa repleksyon ng itaas na salamin.

 

        “Pwede naman siyang pumunta. Hindi ko naman siya pinagbabawalan,” paliwanag ni boss Aulric. “Besides, kung imbitado sila sa birthday party ni Henry, sa misa pa kaya?”

 

        “Okay,” sabi na lang ni Randolf pagkatapos ay lumabas ng sasakyan. “Ingat kayo pauwi.”

 

        “Ikaw din,” tugon ko saka pinaandar ang sasakyan.

 

        Sa bahay ni Sir Henry, nagre-research ako tungkol sa mga CCTV ng lugar. Nalaman ko na nagbigay ng malaking pera si Simon Schoneberg sa kapulisan para i-upgrade ang security ng lugar. Sa tulong kasi ng mga CCTV na ito ay mabilis malulutas ang mga kaso. Ilang taon kasi ang nakalipas, mataas ang crime index ng Rizal hanggang sa bumaba ito, salamat kay sir Simon.

 

        Research naman tayo kay Simon Schoneberg. Business ang tinapos. Baka benefactor nga lang talaga siya.

 

        Research naman tayo kay Geoffrey Alden na kasalukuyang ulo ng mga kapulisan dito sa Rizal. Parang hindi naman.

 

        Iyung mga IT na namamahala sa seguridad nila. Wala silang mga merits noong mga college pa. Imposible?

 

        Bakit hinahanapan ko ng merits, kasi ang CCTV ng Rizal, it's worth a merit. No wonder na bumaba crime rate sa lugar. Iyung camera na ginagamit nila, nakakatulong talaga.

 

        Nag-research pa ako ng mga news articles tungkol mga kasong na-solve dahil sa malinaw na ebidensya na nakuha nila sa mga CCTV na ito. Napakadami. Kaya, it's worth a meric. An award. An outstanding award. Sure, may nakuha si Geoffrey Alden na awards dahil sa pangyayaring ito, pero bakit iyung mga IT department nila, wala? Ibig sabihin, wala sa kanila ang umayos sa mga camera.

 

        Ngayon, hanapin ko naman ang koneksyon ni Simon Schoneberg, Geoffrey Alden sa tunay na Aulric. Pumupunta si Aulric sa Schoneberg Academe para magtanghal, mahina. Geoffrey Alden, minsan nang inimbestigahan iyung tunay na Aulric dahil pinaghihinalaan niya na ito iyung pumatay sa tatay niya. Nabasura naman iyung paratang matapos walang mapatunayan ang pulis. Medyo mainit-init. Mukhang kailangan ko pang laliman ang imbestigasyon ko.

 

        “Brother, pwede ko bang mahiram iyung mga katulong mo para linisin iyung kotse ko?” tanong ni Derek. “Kailangan na kailangan ko kasi para sa susunod na vlog ko. At wala na akong time para bukas, para makapagpahinga naman ang mga katulong.”

 

        Nasa harapan ko silang dalawa at mukhang kararating lang ni Derek sa bahay.

 

        “Kailangan na kailangan ko sila,” mahinahong sagot ni boss Aulric. “At tsaka tandaan mo, misa ng tunay mong kapatid bukas.”

 

        “Iyun nga. Wala na akong time na ipalinis iyung kotse kasi may kailangan pa akong gawin na editing, tapos bukas, then editing, tapos aalis pa ako. Please kailangan na kailangan ko talaga,” pagmamakaawa pa niya.

 

        “No,” maingat pa rin niyang pagtanggi na para bang magagalit si Derek kapag tumanggi siya. “Pero nandito si Alexander. Pwede niyang imaneho ang kotse mo para ipa-car wash sa pinakamalapit na car wash.”

 

        Bumaling ng tingin sa akin si Derek. “Alexander, pwede ba? Please?”

 

        Umalis na si boss Aulric bago pa niya marinig ang sagot ko.

 

        “Sure,” pagpayag ko.

 

        Lumiwanag ang mukha ni Derek. “Great!”

 

        Ibinaba ni Derek ang kaniyang phone sa coffee table saka may kinuha sa kaniyang wallet.

 

        “Eto iyung bayad,” abot niya sa akin sa pera at susi. “Salamat. Pasensya na talaga.”

 

        “Okay lang, okay lang.”

 

        Matapos kunin ang phone niya ay dali-dali naman umalis si Derek. Pumasok ako sa kotse ni Derek. Habang hinahanda ang sarili ay may napansin akong cellphone na nakalagay sa glove box. Dalawa ang cellphone ni Derek?

 

        Medyo weird para sa akin, pero kung gusto nila na dala-dalawa ang cellphone nila, okay lang.

 

        Naghanap ako ng pinakamalapit na bukas na car wash sa lugar. Halos hating-gabi na pero ilan lang sa lugar na ito ang 24 hours na bukas. Nakahanap naman ako ng car wash sa tapat ng main branch ng business nila Kurt.

 

        Pagdating doon ay may ilang kotse ang nakapila. Iniwan ko ang kotse matapos sabihin sa akin ng may-ari na susunod na iyung kotse.

 

        Dahil ilang oras pa akong maghihintay ay pumunta ako sa shop nila Kurt.

 

        “Ano bang magagawa ko? Kailangan ako dito sa Rizal. Gusto ko pa naman samahan si Christian,” rinig kong sabi ng lalaki sa tapat ng counter.

 

        “Alexander, welcome!” bati sa akin ni Larson na bantay ngayon sa shop.

 

        Hinarap ako ng lalaking kausap niya. “Taas ng araw,” komento sa akin ng lalaki na kaswal ang suot, at ang taong ito ay si Geoffrey Alden.

 

        “Photophobic,” nasabi ko lang.

 

        Mukhang nakuha ni Geoffrey ang sinasabi ko. “Ohh! Pasensya na. Hindi lang ako sanay na makakita ng taong naka-shades sa gabi.”

 

        “Alexander, sa tingin ko naman ay kilala mo siya,” pagpapakilala ni Larson kay Geoffrey, habang siya ay may binibilang sa kaha. “Kung gusto mo mangholdap, huwag mo na ituloy. Tumba ka kaagad dyan.”

 

        Tiningnan ko ng mabuti si Geoffrey. Gusto kong subukan kung kaya niya, pero huwag na lang.

 

        “Tapos kahit makatakas ka pa, hahanapin ka ng mga CCTV ni Larson,” balik naman ni Geoffrey.

 

        Pinanatili ko lang ang ngiti sa labi ko nang pumasok ako. Bakit parang napakadali ng mga nangyayari? Paglabas ko ng bahay nila sir Henry, nalaman ko kaagad na si Larson ang utak sa pagtaas ng seguridad sa lugar? Maliban na lang kung binibiro ako ni Geoffrey.

 

        “Huy! Tumigil ka nga,” pabulong na saway ni Larson. “Gusto mo bang ma-compromise iyung seguridad natin?”

 

        “Sorry,” paumanhin ni Geoffrey. “Tyaka tingin naman ng mga tao ay nagbibiro ako.” Hindi nga siya nagbibiro.

 

        Isa sa mga batas kapag pinapahalagahan mo ang seguridad sa kahit anong porma, huwag mong ipagkalat ang mga detalye tungkol sa seguridad ninyo. Kahit isa.

 

        “Ikaw ang head of police sa Rizal?” pagpapaalala ni Larson. “Magre-rent ka ba?”

 

        Binaling ko ang atensyon ko kay Larson. “Sana. Kaya lang, saglit lang naman ako. Pina-car wash ko iyung sasakyan ng kapatid ng boss ko.”

 

        “Si Derek? Tama ba?”

 

        “Boss mo si pekeng Aulric?” sabat ni Geoffrey.

 

        “Oo nga pala. Baka gusto mong pumunta sa misa,” yaya ni Larson. “Bukas, pupunta kami ni Kurt.”

 

        “Pwede ba?” Biglang natahimik si Geoffrey. “Parang kailan lang. Alam mo pre, noong buhay pa iyun, nalaman ko na may kinalaman iyun sa pagkamatay ng Papa niya. May nakakita kasi sa kaniya na nagbi-bisekleta palabas ng compound. Tapos naging suspect siya. Sa pag-iimbestiga ko, nalaman ko na napaka-abusive ng tatay niya sa kanila at...” Inilahad niya ang kamay sa kung saang direksyon pero wala itong malinaw na pahiwatig.

 

        “Pinakulong mo siya?” interesadong dugtong ko.

 

        “Kung kaya lang ng pagkakataon,” sagot niya. “Pero ewan ko kung paano niya ginawa iyun kasi kulang ang ebidensya laban sa kaniya. Pero sigurado ako na siya iyun. Nagkataon lang siguro na may kaaway ang tatay niya sa pinangyarihan at niyari siya.”

 

        “Geoffrey, pulis ka,” paalala ni Larson na sinara na ang kaha. “Pwede ba naman iyun na sa pakiramdam mo ibabase na siya iyung pumatay sa tatay niya?”

 

        “May motibo siya. At tsaka, basta. Medyo kinikilabutan ko kapag nakatingin sa kaniya, na para bang kakaiba siya sa mga kaedaran niya.” Biglang tumamlay ang mukha ni Geoffrey. “Kaya lang...” Namatay siya, iyan siguro ang kanyang sabihin.

 

        Natahimik kami saglit. Kapag kamatayan talaga ang pinag-uusapan, napapa-contemplate sa sariling buhay ang mga tao.

 

        “Anyway, ano ba?” natatawang tanong ni Larson na unang bumasag sa katahimikan namin. “Magre-rent ka ba?”

 

        Tumingin ako sa likod kung saan kita sa malinaw na salamin na pinapaliguan na iyung kotse ni Derek. “Hindi na,” pagtanggi ko. “Baka mabilis lang malinis iyung kotse. Tsaka interesado ako dito kay, Aulric. Balita ko kasi, kaya nagpa-misa ang pamilya niya ay dahil nagmumulto ito.”

 

        Hindi makapaniwalang tiningnan ako ng dalawa. Mukhang hindi naniniwala sa multo ang dalawa.

 

        “Talaga? Multo?” sabi ni Larson.

 

        “Hayaan mo na,” ani naman ni Geoffrey. “Kung minumulto sila nung tao, ano ba ang magagawa natin kung iyun ang kaso?”

 

        Sa na-obserbahan ko, kaunti lang ang alam ng dalawa kay Aulric. Si Larson, marahil ay nakilala niya dahil kay Kurt. Si Geoffrey, dahil pulis siya?

 

        Tiningnan ko naman ang hubog ng kanilang katawan. Medyo malaki ang anyo ng katawan nila dahil sa kani-kanilang trabaho? Tsaka ang katawan nung tao na nagpapanggap na Aulric ayon sa video, ay medyo katamtaman lang pangangatawan.

 

        Biglang tumunog ang phone ni Geoffrey. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya nang nakita kung anong meron sa phone.

 

        “Tumatawag si Christian. Next time na lang, Larson. Nice meeting you pre,” sabi sa amin ni Geoffrey na lumabas na ng shop at kaagad na sinagot ang phone.

 

        Nag-usap kami ni Larson pero hindi importante ang pinag-usapan namin. Sales talk. Kahit na hindi naman ako madalas mag-rent ng PC, dahil may laptop naman ako, kumuha ako ng membership sa shop niya. Ginawa ko lang iyun para medyo maging close kami ni Larson. Importante na magkaroon ako ng koneksyon sa kaniya dahil siya iyung may-ari ng mga public CCTV dito sa Rizal.

 

        Nang nakabalik na ako sa bahay ni boss Aulric ay nakasalubong ko si Derek na nagmamadali.

 

        “Maraming salamat,” sabi niya pagkatapos ko ibigay ang susi ng kaniyang sasakyan.

 

        Saan kaya pupunta iyun? Malalim na ang gabi.

 

        Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pag-imbestiga sa sala kahit na dapat ay tulog na ako. May nalaman naman akong mga bago. Kahit may isang CCTV ang biglang hindi gumagana, ilan sa kanila ay gumagana din.

 

        Gamit ang mga gamit na hiniram ko kay Natasha ay may kakaiba akong ginawa para makita ang mga CCTV na konektado sa kapulisan ng Rizal. Isa-isa ay nag-check ulit ako ng mga CCTV footage. Nalaman ko na may parang hangganan ang mga hindi gumaganang CCTV. Kaya gumawa ako ng connect-the-dots sa aking virtual map. Ang mga dots ay ang mga CCTV camera ng kapulisan. Eventually, ginawa kong bilog. Dahil kung tama ang hinala ko, nasa gitna ng mga dots na ito ang dahilan kung bakit biglang hindi gumana ang mga CCTV. Nilagyan ko naman ng tanda ang mapa kung saan nabangga si Isaac. Nasa loob nga ito ng bilog.

 

        Ngayon naman ay tiningnan ko ang mga footage malapit sa gitna ng bilog. Bigla akong nagtaka matapos makita ang isang pamilyar na kotse bago hindi gumana ang mga CCTV. Kamamaneho ko lang ng kotse at alam ko ang plate number nito. Ito ang kotse ni Derek.

 

        Sunod naman na ginawa ko ay hinukay ko ang tungkol kay Derek. Obviously, may koneksyon siya sa tunay na Aulric. Pero ang gawin ang sa tingin ko na ginagawa niya sa mga CCTV ng Rizal, hindi ko alam. And just recently, may sarili siyang channel sa YouTube. Travel channel.

 

Randolf's POV

 

        Dumating na ang oras para sa misa ni Aulric at para sa mama niya. Ni-request ni Sir Henry.

 

        Halos lahat ng mga pumunta ay kakilala ng inalayan ng misa. Pero may iba na hindi ko kilala. Bakit nandito iyung head ng mga pulis sa Rizal?

 

        Kahit na kasama si Isabela at Colette, na dapat ay wala sa tingin ko, ay dumating. Tinabihan ko si Isabela para naman hindi ma-etsapwera. Hindi niya kasi katabi si Colette kaya ako na lang ang tumabi.

 

        Nagkaroon naman ng after party bilang pasasalamat sa mga dumating. Medyo nagkanya-kanya na kami dahil magkakaiba kaming lahat?

 

        Inokupa namin ni Isabela ang isang maliit na mesa. Kami lang dalawa ang nakaupo dito.

 

        “Do you think, may pagkakaiba kung sakaling buhay pa si Aulric?” biglang naitanong ni Isabela habang iniikot-ikot ang hawak na tinidor sa plato.

 

        Wala pang ilang segundo ay sumagot ako. “Walang Felric?” Napansin kong nakatingin siya sa akin. “Bakit mo naman naitanong?”

 

        Kumunot ang labi niya at tumingin sa mesa nila Zafe. “Iniisip ko lang kung tadhana ba ang nangyari sa kaniya. Alam kong medyo insensitive na sabihin ko ito. I just feel na he was meant to die. Kasi sa tingin ko, kung hindi siya namatay, hindi kita makikilala. Kaya lang, ang harsh pakinggan. May kailangan mamatay para may ibang tao na sumaya.”

 

        Bigla akong hindi naging komportable sa sinabi niya. “Siguro, huwag nating pagsamahin ang mga salitang ‘mamatay’ at ‘saya’. Hindi ako komportable.”

 

        Tumingin sa akin si Isabela at nagulat siya sa sinabi ko. “Pasensya na. Napupunta ang isip ko sa mga hindi dapat isipin. Ang akin lang kasi, ayokong mawala kung anong meron sa atin ngayon. Bigla kong naisip, may ibang paraan ba para makilala ka?”

 

        “Kaya huwag mo ng isipin iyun.” Hinawakan ko ang kaniyang kamay. “Nakilala mo na ako. Huwag mo ng isipin ang mga bagay na hindi na kahit kailan mangyayari.”

 

        Bigla ko lang napagtanto ang ginawa ko. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Hindi pa naman kami. At ang kapal ng mukha ko na hawakan ang kamay niya.

 

        “Tama ka,” ngiti niya sa akin.

 

        Binitawan ko na ang kamay niya nang nagsimula ulit siyang kumain. Malungkot ba ang buhay ni Isabela kaya siya ganyan? Kaya ba para siyang desperado sa pagmamahal ko?

 

Colette's POV

 

        Habang kumakain kami ni Zafe sa mesa ay tumunog ang phone ko. Text message thru Messenger mula kay Isabela.

 

        Kumunot ang noo ko. Ang lapit lang naman namin sa isa't isa. Bakit kailangan mag-text?

 

Isabela: Tulungan mo ako dito.

 

        Tiningnan ko ang mesa ni Isabela. Nakatalikod siya sa akin at nakikita ko na ang kamay niya ay nasa ilalim hawak-hawak ang cellphone.

 

Colette: What?

 

Isabela: Para akong tanga dito. I'm in a tight situation wherein I look like a socially awkward person.

 

Colette: Anong sinabi mo?

 

Isabela: Basta! Nakakahiya. Ayokong i-share. Ano ba ang sasabihin ko dito kay Randolf? Gagawa ba ako ng tula tungkol sa katawan niya, sa eyes niya, sa dick niya?

 

Colette: OH MY GOD! ISABELA! KAILANGAN KO PA BANG MALAMAN IYAN?!

 

Isabela: I don't know! I'm freaking out! Tulungan mo ako dito! Dali!

 

        Tiningnan ko si Felric na kakatapos lang sa pagkain.

 

        Tumikhim ako. “Felric, remember na after mo kumain, you should wash your hands. Patulong ka kay Ninong Randolf mo.”

 

        Lumawak ang ngiti ni Felric. “Okay.”

 

        “Dahan-dahan,” pahabol ni Zafe nang bumaba na si Felric.

 

        Sinundan ko ng tingin si Felric at nakarating na siya sa kaniyang destinasyon. Ilang segundo ang nakalipas ay kinarga ni Randolf ang anak ko at pumunta sa isang lugar kasama si Isabela. Bago umalis ay nagpasalamat sa akin ang kaibigan ko.

 

        “Thank you nga pala ulit sa pagpayag mo na makapunta ako dito ngayon,” sabi ni Zafe. “Hindi niyo naman kailangan sumama ni Felric.”

 

        “Oh no! Felric came with us dahil kay Randolf. It's not like kilala niya si Aulric para sumama,” tugon ko. Hinawakan ko ang kamay ni Zafe na nakapatong sa mesa. “At ako, I am here for you. Dahil mag-asawa tayo.”

 

        Tumango-tango si Zafe na may ngiti sa labi. “You're right.” Natahimik siya saglit. “But tonight, gusto kong mapag-isa.”

 

        “Are you sure? Ayaw mo bang umiyak sa balikat ko gaya ng dati?”

 

        Bigla kong naalala ang nakaraan. Randomly, umiiyak si Zafe sa balikat ko na hindi niya sinasabi ang dahilan. Pero alam kong para kay Aulric iyun. Siguro, na-realize niya na kahit kailan, hindi niya mapapangasawa ang great love niya.

 

        “No. It's not like that,” tanggi niya. “I want to catch up with my friends. May mga bagay kaming gagawin pagkatapos nito.”

 

        Tumango-tango ako. “Okay.”

 

        Sa likod ng utak ko, ayokong pumayag. Pakiramdam ko ay nagsisinungaling si Zafe sa akin. Pero sa tingin ko ay pinoprotektahan lang niya ako. Sa tingin ko ay may hidden rendezvous point siya kasama ni Aulric na nasa ilalim na ng hukay. I've never felt the feeling of a cheated wife, pero pakiramdam ko ay ito iyun.

 

Alexander's POV

 

        “Mike test. Mike test,” sabi ni Andrew na sinisubukan ang mikropono.

 

        Humarap naman ang mga tao na nakatalikod sa kaniya. Malapit ako sa stage kung saan ako kumakain.

 

        “So, kaming mga kaibigan ni Aulric ay gumawa ng isang tribute para sa kaniya in a form of a video.”

 

        Habang nagsasalita si Andrew ay may mga katulong na binubuhat ang isang projector at ang isang screen.

 

        “Also, in this video, we made a tribute to our friends. To Ricky Rizal and Shai Lyn. As we all know, like weeks ago na namatay si Aulric, may pumatay sa kaibigan namin.” Medyo naluha-luha si Andrew habang nagsasalita. “I know this mass, this gathering is for Aulric, and his mother. But as a person who made an initiative to make this happen, gusto ko lang isingit silang dalawa. Dapat sana kasi na mass din para sa kanilang dalawa ang gathering na ito, kaya lang last minute ko silang naalala and I hated myself for it. It's not fair for them. So until now, walang maipakulong ang mga pulis kung sino ang pumatay sa kaibigan namin.”

 

         Tumingin si Andrew kay Geoffrey. Si Goeffrey naman ay ibinaba ang tingin pero inangat din niya ito.

 

        “Not that I blame them kasi may idea ako kung paano ang procedures ng mga pulis. I'm just angry that their murderers got away and justice was not served for my friends. Anyway, sigurado akong sa impyerno naman pupunta ang mga demonyong iyun. Hindi ko na ito patatagalin pa kaya please watch the video.”

 

        Sa laptop na naka-connect sa projector, ni-load ni Andrew ang video na ipapakita niya. Pinatay din ang ilaw sa loob ng tolda para naman mas makita ng mabuti ang pinapakita ng projector.

 

        Nag-play ang video. Siyempre, ipinakita ng video ang mga pictures ni Aulric na seryoso palagi. At may picture sila ni Zafe na magkayakap.

 

        Sa gilid ng paningin ko, tumingin ako sa mesa nila Zafe. Medyo hindi komportable si Colette sa nakita. Awkward.

 

        “Daddy, ikaw iyun ohh!” sabi ni Felric matapos makita ang litrato.

 

        Tumango-tango si Zafe pero pinapatahimik niya ang anak.

 

        Teka, mukhang hindi naman seryoso palagi ang mga pictures ni Aulric. Kasi pagdating kay Zafe, medyo maliwanag, in a way. Kung hindi ka talaga nakatingin ng mabuti, iisipin mong nakasimangot lang itong si Aulric palagi. Pero saan kaya nakuha ni Andrew iyung mga pictures na parang kagagaling lang sa sex ang dalawa? Tsaka proper ba na pinapakita nila iyung ganoong picture sa event na ito? Super awkward.

 

        Also, may voice-over na hindi ko alam kung kaninong boses. Baka isa sa mga kaibigan ni Aulric, at wala si Zafe. Anyway, nagkwento sila tungkol sa buhay ni Aulric, minus the part na may relasyon sila ni Zafe. Bakit niyo pa pinakita iyung mga pictures na ganoon?

 

        Next ay ang dalawang kaibigan. Si Ricky Rizal at Shai Lyn. Nang halos matapos ang video, napahugot ako ng malalim na hininga. Ang bata-bata pa ng mga batang ito para mamatay.

 

        Noong nasa Mexico ako, may mga kaso akong ganito kung saan mga bata ang biktima. Mga batang puno ng saksak sa katawan. Nahuli ko naman ang mga gumawa noon sa kanila, pero hindi ko maibabalik ang buhay ng mga bata.

 

        “Kaya bibigyan ko sila ng hustisya.”

 

        Bigla akong na-alerto sa narinig kong distorted na boses. May mali.

 

        Sa video, tapos na ang tribute nila sa mga kaibigan nila. Napalitan naman ito ng isang lalaki na kamukha ni Aulric. Oo, kamukha ni Aulric, o malapit lang. Isang virtual avatar ni Aulric. Kung sa mga litrato kanina, nakasimangot siya. Ang Aulric na ito ay nakangiti nang nakakaloko.

 

        “Na-miss niyo ba ako?” tanong ng boses. “Akala niyo ba na napatay niyo ako nang tuluyan? Hindi!”

 

        “A-Anong ibig sabihin nito?” rinig kong tanong ni sir Henry.

 

        “Kumusta nga pala? Salamat sa misa na ibinigay niyo sa akin sa pag-aakalang minumulto ko kayo. Pero alam niyo, hindi ako yumao. Hindi ako nanahimik!”

 

        “Hindi ito kasama sa presentation ko,” sabi ni Andrew na akmang papatayin ang laptop.

 

        “Sandali,” pagpigil ko sa kaniya.

 

        Lahat ng tao ay nakatingin sa screen. Nagulat din sila sa naging takbo ng mga pangyayari.

 

        Bigla naman may dalawang virtual avatar ang lumabas sa gilid ng Aulric na ito. Ngayon naman, virtual avatar ito ni Shai at ni Ricky, na nakapikit.

 

        “Marahil, sila Shai at Ricky, nagsasama na sa langit dahil gusto na nila ng kapayapaan.”

 

        Ilan sa mga tao ay nakatingin kay Zafe. Si Zafe naman ay biglang hindi na mapakali sa mga nangyayari.

 

        Nagbago ang scene ng video. Ngayon naman ay may dalawang virtual avatar ang nakahiga. Ang isa ay si Aulric, at ang isa ay isang babae na hindi ko kilala. Nakapikit din ito. Lumabas din sa gilid nila ang virtual avatar nila Ricky at Shai.

 

        “Si Mama, pina-move on ko na dahil ayoko na siyang mag-hirap. Pero ako, hindi pa ako maka-move on.” Sumeryoso na ang mukha ng Aulric sa video. “Alam niyo kasi, pinatay kami ng isa sa inyo!” matigas na sabi niya habang pinagtuturo kaming lahat.

 

        Dahan-dahan ay hinarap kami ni sir Henry. Isa-isa ay tiningnan niya kami sa mata. Bakas sa mukha niya na naniniwala siya sa sinasabi ng Aulric na nasa video. Ang ibang mga tao ay tinitingnan din ang lahat. Baka marahil ay para malaman nila kung sino nga ang gumawa nito sa kaniya.

 

        “Kaya humanda kayo sa akin.”

 

        Biglang may mga nag-flash na pormal na litrato ng mga tao sa party. Mabilis ito pero nakikilala ko ang mga taong ipinakita. At lahat ng nasa litrato ay may ekis na marka. Ang sigurado ako na hindi ko nakita ay ang mga kaibigan ni Randolf, na dumalo din.

 

        “Humanda kayo kung paano ko kayo sisingilin. Simula pa lang ito. At least ngayon, maghahanda kayo ngayon sa pagdating ko. Hindi ko mapapatawad ang mga taong sumira ng buhay namin!”

 

        Biglang naputol ang video, o sa tingin ko. Napalitan ito ng asul na screen. Hindi ko na pinigilan si Andrew kaya pumunta siya sa kaniyang laptop.

 

        “Ahh!” biglang sigaw ni Andrew matapos hawakan ang kaniyang laptop at pagkatapos ay binawi niya ito. “Bakit ang init ng laptop ko?” Hinimas niya ang kamay na napaso.

 

        Natahimik ang lahat. Isang multo ng nakaraan ang nagpakita sa kanila. Sa pagpapakita pa nito, may bagay na isiniwalat ang multong ito. Totoo ba na isa sa mga guest ng pagtitipon na ito ang pumatay kay Aulric?

 

        Lumapit kaagad si Andrew kila sir Henry. “Sir Henry, (pekeng) Aulric, I am so sorry,” paghingi ng tawad ni Andrew. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ito ang presentation ko.”

 

        Lumapit bigla si sir Henry sa stage at kinuha ang mikropono. “Totoo ba ang sinabi ng anak ko sa video na iyun? Totoo ba na isa sa inyo ang pumatay sa minamahal ko at kay Aulric?!” Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. “Ano ba ang ginawa ko sa inyo? Ano ba ang ginawa nila sa inyo para gawin ninyo ito sa kanila?!”

 

        Kung isa man sa mga taong ito ang pumatay sa mga tao na binanggit, walang umamin. Si Camilla, napa-upo na lang at umiiyak habang inaalo siya ni Inno. Si Felric, napaiyak na lang dahil siguro ay natakot sa kaniyang narinig. Pinapatahan naman siya ni Colette. Si Zafe, ay bigla na lang umalis.

 

        Tuluyan nang humagulgol ng iyak si sir Henry. Dala ito siguro ng pagbubukas ng sugat sa puso niya na matagal nang sarado.

 

        Lumapit naman si Derek pala aluhin ang ama. Kinausap niya ito para umalis na muna sa lugar na iyun.

 

        Base sa mga nangyayari ngayon sa pagtitipon na ito, mukhang hihingi ako ng raise sa sahod ko.

 

ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails