Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.
Decisions na kanta ni Borgore. May pinapakinggan ba ang kanta habang nagbabasa nito? Huwag niyong gawin iyun dahil hindi bagay ang tune ng kanta sa kwentong ito. Pero ang punto kasi ng kanta ay mga decision sa buhay. Kagaya ni Alexander na nagkaroon ng decision para gawin ang isang bagay para sa ikabubuti ng mga tao lalong-lalo na para sa kaniyang pamilya.
Heto na po ang Chapter 75.
Alexander's POV
Napanganga lang ako habang pinapanood ang ending ng
pelikulang si boss Aulric ang producer. Ang powerful na karakter ni Marie ay
pinakawalan si Chris.
“Hindi ito iyung ending na ipinakita mo sa akin noong isang
araw,” bulong ko kay boss Aulric na katabi ko lang.
“Pina-reshoot ko. Idea nung isa sa mga writer namin,”
paliwanag niya. “Maganda iyung ending hindi ba?"
Lahat ay nagpalakpakan nang nag-roll na ang credits scene.
Bumukas na ulit ang mga ilaw at pumunta sa harapan ang mga cast ng pelikula.
Isa-isa naman silang nag-bow.
“Sa mga taong gusto makuha ang picture at autograph namin,
wait niyo lang po kami sa baba. We will be ready kapag ready na kami. Thank you
po ulit,” tuwang-tuwa na sabi ni Joseph.
Ang kwento ng palabas ay ganito. Si Russell (Chris) at Marian
ay isang successful na loveteam sa showbiz. Sa sobrang successful, naging sila.
At tumagal silang dalawa ng isang dekada. Pero sa relasyon nila ni Marian
(Marie), malalaman na napaka-controlling ng babae. Alam niyo na ang ibig
sabihin nun. Si Marian ang may final say sa mga desisyon nilang magkasintahan.
Sa totoo lang, sa simula ay parang okay ang mga desisyon ni Marian. Pero habang
tumatagal, parang ayaw sumunod ni Russell. Pero hindi siya nagsasalita dahil
‘mahal’ niya si Marian.
Enter Mario. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa lalo na't medyo
kilala ko si Joseph mismo. Si Joseph talaga si Mario. Fighter, harsh, mabait
kapag kaibigan mo, gusto mong sakalin kung hindi mo siya kilala. Paano nga ba
nag-krus ang landas ng tatlo?
Sa sampung taon na relasyon ni Marian at Russell, sumabog si
Russell sa wakas. Nagpakalayo-layo si Russell para kahit isang araw ay tantanan
siya ni Marian dahil sumusobra na nga ito.
Sa paglayo ni Russell, napunta siya sa isang magandang lugar.
I think iyung lugar ay sa Palawan pero iniba nila ang pangalan. Sinabi nila na
nasa bandang Mindanao or something. Sa lugar na ito, nagkatagpo si Russell at
Mario.
Sa lugar na ito, walang nakakakilala kay Russell maliban kay
Mario. Sikat si Russell, remember. Pero ang lugar daw na pinuntahan ni Russell,
network ng Malaysia ang nasasagap. Hindi pa daw uso iyung mahiwagang black box.
“Hoy, hindi ba ikaw iyung gwapong artista na kinababaliwan ng
mga babae?” amba ni Mario.
“H-Hindi ako iyun,” pagtanggi niya.
“Sinungaling ka!” sigaw ni Mario. “Napapanood kita sa
telebisyon namin. Pinapanood ni Mama ang teleserye mo.”
“Boss, may gulo boss,” sabi ng isang patron ng bar na mukhang
tumatawag ng awtoridad. Bakit nagtatagalog ang mga taga-Mindanao?
“Kung hindi dahil sa iyo, kung hindi dahil sa iyo!”
Nagpakawala si Mario ng isang malakas na suntok na tumama kay
Russell. Susundan pa sana ito ni Mario pero mabuti na lang at napigilan siya ng
bouncer sa bar. Habang tinitingnan ng mga tao ang lagay ni Russell, si Mario
naman ay nakatanggap ng suntok sa bouncer at nawalan ng malay dahil sa
kalasingan at sa suntok na natanggap nito.
Ilang minuto ang lumipas, lumabas si Russell. Nakita niya si
Mario habang paalis siya sa lugar na iyun. Hindi naman niya maiwasan ang
mag-alala para sa taong sumapak sa kaniyang mukha. May bali-balita pa rin kasi
sa lugar na kapag may mga taong nawawala sa lugar na iyun, kinukuha sila ng mga
terorista at pinapasapi sa kanila.
“Oo, mas bagay siya sa mga terorista na iyun. Pero huwag na.
Baka mas lalo pang kumonti ang hukbo ng bansa namin,” sabi ni Russell sa sarili
habang binubuhat na si Mario papunta sa kaniyang tinutuluyan.
Nang nagising si Mario, nagulat siya kung bakit nakahubad
siya at nakahiga sa isang kwarto. Ang totoo, nakadamit siya nang pinatulog siya
ni Russell sa kaniyang kama at inalis niya iyun habang natutulog nang
naramdaman niyang naiinitan siya.
Pagtingin niya sa kanan niya ay nakikita niya si Russell na
mahimbing na natutulog at nakahubad din. Siniyasat ni Mario ang sarili niya. Sa
sama ng pag-iisip niya, at dala na rin siguro ng kalasingan, naramdaman niya na
masakit ang kaniyang buong katawan.
Sinipa niya si Russell na nahulog sa kama.
“Gago ka!” sigaw niya. “Anong ginawa mo sa akin?! Bakla ka
ba?! Pinagsamantalahan mo ba ako?!”
Lingid sa kaalaman ni Russell, pinagnanasaan ng mga ilang
kalalakihan si Mario sa kaniyang lugar. Kaya si Mario ay tumalon sa ganoong
senaryo.
Gising na gising si Russell matapos mahulog ang katawan sa
sahig. Ang ganda na nga ng panaginip niya kung saan masayang-masaya na sila ni
Marian.
Bago pa marinig ni Mario ang isasagot niya, nagmadali na
siyang magbihis at umalis sa kwarto. Napailing na lang si Russell at bumalik sa
pagtulog sa kama.
Ilang araw ang nakalipas, habang nagmumuni-muni si Russell,
nagkita ulit sila ni Mario. Ibayong inis pa rin ang nangingibabaw sa pagitan ng
dalawa dahil sa nangyari noong isang araw. Hindi pa rin nakakalimutan ng dalawa
ang nangyari sa kwarto.
Kung ang desisyon ni Russell ay umiwas, kabaligtaran naman
ang ginawa ni Mario. Habang si Russell ay naglalakad sa ibang direksyon, si
Mario naman ay tumakbo papunta sa kaniya.
“Hoy, Russell!” sigaw ni Mario.
Napatigil na lang si Russell at inikot ang paningin nang
humarap kay Mario. Pagkaharap niya ay kaagad siyang inambahan ng tao.
“Sabihin mo nga sa akin? May nangyari ba sa atin noong isang
gabi? May nangyari ba sa atin ha?!”
Kumawala si Russell sa hawak ni Mario. Napuno din siya at
binigyan ng isang malutong na suntok sa mukha. Natamaan naman si Mario kaya
napa-atras ito. Pero nang nakatayo ito ay sumugod ulit siya kay Russell, para
siguro suntukin ulit siya sa mukha. Pero kinain ulit niya ang suntok ni
Russell.
“Alam mo ba kung ano ang nangyari bago noon? Sinuntok mo ako
sa mukha. Kaya kung may nangyari sa atin, iyun lang ang nangyari!!”
Sumugod naman ngayon si Russell at sinuntok siya sa mukha.
“Matauhan ka sana sa sinasabi mo! Alam mo naman na may
girlfriend ako!”
“Hoy! Ano iyan?!” tawag ng isang tao na nakakita sa kanila.
Kumaripas na ng takbo si Russell. Kasabay nito ay ang
panalangin niya sa langit na hindi siya nakilala nung lalaking nakakita sa
kanila, o mag-ingay si Mario sa nangyari.
“Pumunta nga ako dito sa lugar na ito para mag-relax, tapos
masasangkot pa ako sa gulo. Kasalanan ito nung Mario na iyun,” sabi ni Russell
sa sarili.
Sumunod na araw, naging mag-ingat na si Russell sa
paglalakad. Pagkabukas ng kaniyang pintuan sa kaniyang tinutuluyan, nakahinga
siya ng maluwag dahil hindi niya nakita si Mario para gumanti. Alam pa naman
nung tao kung saan siya tumutuloy. O baka hindi matalas ang memorya ng tao.
Hindi halata pero praning na praning si Russell. Kapag
naka-sampung metro siya ng kaniyang paglalakad, tumitingin siya sa paligid.
Alam niya sa sarili na baka resbakan siya nung tao at kahit anong oras ay bigla
na lang siyang mawawala sa lugar na iyun at walang makakaalam.
Hindi nagtagal ay pumirmi siya sa dalampasigan. Nakaupo siya
sa puno ng niyog habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sa unang
pagkakataon sa linggong ito, nakadama si Russell ng kapayapaan. Hanggang sa may
bola ng volleyball ang tatama sa kaniya.
Kalmadong itinaas ni Russell ang kanyang kamay para hindi
direktang tumama sa mukha niya ang bola. Nang bumagsak na ito sa lupa, pinulot
niya ito at balak na ibalik sa mga naglalaro ng bola. Nang nag-angat siya ng
tingin ay magkahalong inis at takot ang naramdaman niya nang nakita niya si
Mario ang kukuha sana ng bola
Kung titingnan pa ng mabuti ni Russell ang tao, mapapansin
niya iyung pasa sa mukha nito. Natural, sa kaniya galing iyan.
Ang plano ni Russell kapag nakita ulit si Mario, umiwas dito
para makaiwas din siya sa gulo. Marahang hinagis niya ang bola kay Mario. Nang
nasalo na ni Mario ang bola ay kaagad naglakad si Russell palayo sa tao.
Hinagis na muna ni Mario ang bola sa mga kalaro niya saka
hinabol si Russell.
“Sandali,” tawag niya dito saka hinawakan niya sa braso nang
abot-kamay niya ito.
Muling inikot na naman ni Russell ang mga mata niya saka
hinarap si Mario. “Ano na naman? Gusto mo ba ng gulo?”
Sumama naman ang timpla ni Mario. “Gusto mo bang magkagulo na
naman tayo?”
“Ikaw! Kung gusto mo magsimula ng gulo. Magsimula ka lang,”
balik ni Russell.
Sasagot pa sana si Mario pero tumiklop siya. “Look, ayoko din
ng gulo. At tsaka gusto kong humingi ng tawad sa iyo sa mga nangyari. Alam kong
may girlfriend ka at hindi mo ako pagsasamantalahan.”
“Uh huh?“ Tinaasan ng kilay ni Russell si Mario dahil ayaw
niyang maniwala sa sinasabi ni Mario.
Nakuha naman ito ni Mario. “Kaya kung sinabi mo na walang
nangyari sa atin, naniniwala ako. Kaya, sorry.”
Nakataas pa rin ang kilay ni Russell. “Uh huh?”
Sumama na ulit ang timpla ni Mario. “Okay. Ano ba ang gusto
mong sabihin ko?” naiinis na wika niya. “Nag-sorry na ako. May kailangan pa ba
akong gawin para mapatunayan ang sinseridad ko? Gusto mong sapakin kita?”
Sarkastikong nagliwanag ang mukha ni Russell. “See! Iyan ang
hinihintay kong sabihin mo," duro niya sa kausap. “Na gusto mo akong
sapakin kahit na nag-so-sorry ka na. Tapos tatanungin mo ako kung paano
mapapatunayan ang sinseridad mo? Baka iyung sorry mo, sa bibig lang. Baka
pagtalikod ko, susuntukin mo ako sa likod?”
Nag-aaway ang mabait at masama na bersyon ni Mario sa
kaniyang kalooban. Sigurado ako na kung may representasyon ang masamang
pagkatao ni Mario, sinasabi nito na sapakin niya si Russell. Pero ang mabait na
Mario, mukhang malakas din.
Kitang-kita na pinapakalma ni Mario ang sarili niya kahit
gustong-gusto niya na sapakin ang tao. Pero lumuhod siya at tiningnan sa mata
si Russell.
“Sorry na,” sabi ulit ni Mario.
Hindi naman makapaniwala si Russell na tumingin sa paligid.
May mga tao naman na tumingin sa kanila at mukhang iniisip nila na
nagpo-propose si Mario sa tao.
“Nagkamali ako dahil akala ko ay may nangyari sa pagitan
natin,” pagpapatuloy ni Mario. “At nangangako ako sa iyo, hindi kita sasapakin
kahit gustong-gusto kong gawin iyun sa iyo. At isa pa, quits na tayo. Sinapak
kita, walang namaga sa mukha mo. Sinapak mo ako, namaga ang mukha ko. Dapat ay
gagantihan kita. Pero dahil ayoko ng gulo, kakalimutan ko na ginawa mo iyun.”
“Oo, okay na. Huwag kang lumuhod, gago!” balik ni Russell.
Galit naman na napatayo si Mario. “Sinong gago?”
Pinanlakihan lang ng mata ni Russell si Mario. Nang nakuha sa
tingin si Mario, tumiklop siya.
Hinawakan naman ni Mario si Russell sa pulsohan at pwersahang
hinatak sa isang direksyon. “Tara. Sali ka sa amin. Babawian kita sa
volleyball.”
Hindi na nakatanggi si Russell dahil sa hinatak na siya ni
Mario. Pero nakahinga siya ng maluwag. Ngayong wala ng isang gulo sa buhay
niya, maitutuon na niya ang atensyon sa pag-e-enjoy sa lugar na ito.
Guys, alam kong nina-narrate ko iyung movie, pero iyun iyung
nina-narrate ng character nila. Hindi ito edited. Okay, balik sa movie.
Durog si Mario kay Russell. Ang hindi alam ni Mario, naging
MVP sa volleyball si Russell dahil sa standing niya sa laro ng mga artista.
So, nagkasundo na sila. Pero hindi pa rin maalis ang
nakakainis na ugali ni Mario. Ang kaibahan lang ngayon, nato-tolerate na siya
ni Russell.
Isang araw matapos mag-enjoy ang dalawa sa mga activities ang
isla, recommended by Mario, pwersahan na namang isinama si Russell ni Mario sa
isang birthday party ng kaibigan niya.
“Hindi pa naman ako nakapagbihis,” reklamo ni Russell.
“Okay na iyan,” sabi ni Mario.
Maayos naman ang lahat nang nakarating na sila sa birthday
party. Maliban lang sa...
Nang kumuha ng bote si Mario, kumunot ang noo ni Russell.
“Bakit?” galit na tanong nito sa kasama.
“Kapag ako, sinapak mo ngayon, sasapakin talaga kita,” banta
ni Russell.
“Sige ba,” sabi ni Mario bago tunggain ang inumin.
Dumating ang ilang mga kakilala ni Mario at nag-usap sila. Si
Russell naman ay na out of place, pero pigil na tumatawa lang siya kapag
nagbibiro ang mga kaibigan nito. Nakakatawa naman talaga kasi.
Nang naiwan na ang dalawa ay nag-one-on-one sila ng tanong.
“So, bakit ka nga pala nandito?” tanong ni Mario. “Napanood
ko iyung teleserye mo kahapon at bigla ka daw nawala. Sinabi ng syota mo, na
syota mo talaga sa totoong buhay na kailangan mo munang mapag-isa para hanapin
ang iyong sarili. Si Mama pa nga, naintindihan ka dahil sa mga drama na
nangyari sa palabas, kailangan mo talaga ng break.”
“Wala na pala akong ipapaliwanag. Napanood mo na pala,” sagot
ni Russell.
Hindi makapaniwala si Mario sa narinig. “As in? Iyun talaga?
Hindi talaga parte iyun ng unexpected plot twist noong ayaw na ni John Lloyd sa
showbiz?”
“Malapit doon. Tsaka ganoon talaga ang ginagawa ng mga writer
kapag may nagbago sa lineup ng mga artista.”
“Bakit naman? May problema ka ba?”
Napatingin si Russell sa lupa saka balik kay Mario. ”Oo, may
problema ako.”
Malungkot na tiningnan lang ni Russell ang pagkain na
nakahain sa mesa nila. Si Mario naman ay nakatingin lang sa kaniya at
hinihintay siyang magsalita. Nang mapansin ni Russell ang mga tingin ni Mario,
nagtataka siya kung bakit hindi na ito nagsasalita.
“Bakit?” tanong ni Russell dito.
“Ang problema?” hindi makapaniwalang sagot ni Mario. “Hindi
mo pa sinasabi sa akin kung ano ang problema. Kanina pa ako naghihintay dito
para masabi mo iyun.”
“Bakit? Close ba tayo para sabihin ko iyun sa iyo?”
“Aba't tarantadong-” Pinigilan ni Mario ang sarili na
magalit. “Dapat nagdala ka ng best friend mo dito para naman mapagsabihan ng
mga problema mo. Ako na nga na nagmamagandang-loob para makinig sa problema
mo.”
Pakiramdam ni Russell na napakasama niyang tao. Pero sa
bagay. Wala naman siyang maituturing na best friend maliban lang sa girlfriend
niya.
“Alam mo kasi, simula nang naging kami, siya palagi ang
nagde-decide para sa akin pagdating sa mga bagay-bagay. Okay naman ang mga
desisyon niya, walang masamang nangyayari o kung ano man. Kung baga, tama
palagi iyung mga desisyon niya para sa akin. Hanggang sa, may mga bagay na
napagdesisyunan siyang hindi ko sinasang-ayunan. Pero ako bilang supporting
boyfriend, hinahayaan ko lang siya. Kaya lang, nitong mga nakaraang araw,
napapadalas na iyung mga maling desisyon.”
“Kagaya ng?”
“Nag-agree siya sa gusto ng producer na iyung teleserye
namin, higitan ang runtime ng ‘Ang Probinsyano’.”
Namangha naman si Mario sa narinig. “Wow. Good luck,” sabay
inom nito sa bote na hawak.
“Yes, alam kong sikat kami, pero tinanong niya ba ang gusto
ko? Ayoko ng ganoon. At siya, um-oo para sa akin. Tama ba iyun? Kaya nagalit
ako sa kaniya at andito na ako.”
“Hiwalayan mo na kaya siya?” walang emosyong saad ni Mario.
“Mali ang ginagawa ng girlfriend mo sa iyo. Paminsan-minsan, kailangan mo ding
magdesisyon para sa sarili mo, hindi ba?”
“Pero mahal ko siya,” pagdadahilan ni Russell. “Ano ang
gagawin ko?”
“Sigurado ka ba talaga na mahal mo iyung tao?” Uminom lang si
Mario sa hawak na bote. “Ikaw. Kung mahal mo talaga, go. Balikan mo siya, go.
Kaya lang, baka hindi ka na naman pagdedesisyunan kapag nagkabalikan kayo. Pero
kung mahal ka din niya, go,” sabi ni Mario. “Hindi naman ako ang nahihirapan sa
problema mo,” bulong pa niya sa sarili.
Ilang araw ulit ang nakalipas, bumalik na si Russell kay
Marian. Nag-aalala si Marian na hinawakan si Russell kung saan-saan, na para
bang may deformation na sa pangangatawan ang tao kahit na pinakita kanina na
galit na galit siya na nawala ang tao. May shooting kasi sila para sa isang
teleserye at absent ng dalawang linggo iyung tao kaya hindi sila nakapag-shoot.
Kung ano-ano ang ipinangako ni Marian para lang hindi umalis si Russell. Gaya
ng hahayaan si Russell na mag-desisyon para sa kaniya. Pero nang mga oras na
iyun, determinado si Russell na tiisin si Marian dahil sa mahal niya ito, or so
he thought.
Time skip ulit ng mga ilang araw, dumating ang isa sa mga
close friend ni Marian. Sa isang bar, ipinakilala niya ito.
“Russell, I want you to meet Mario, one of my close friends,”
pagpapakilala ni Marian.
Kapwa nanlaki ang mata ng dalawa nang nagkita.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Marian nang nagkaroon ng
reaksyon ang dalawa matapos magkita.
“Yes. Siya iyung-”
“Nagpa-autograph para sa pamangkin kong babae,” putol ni
Mario sa sasabihin ni Russell.
Nagtaka si Russell. Malinaw ang memorya niya na nakasama niya
si Mario sa Mindanao. Pero isinawalang-bahala niya iyun. Kaya sumakay na lang
siya sa sinasabi ni Mario.
Nagkaroon ng get together ang mga kaibigan ni Marian. Pumunta
sila sa isang bar kasama si Russell.
Pinigilan ni Marian si Russell na kumuha ng isang bote.
“Wait, bakit ka iinom?”
“Para samahan ka sa kasiyahan na ito,” sagot ni Russell.
“At kapag uminom ka, sinong maghahatid sa atin pauwi?”
Hinawakan ni Marian ang batok ni Russell para added charm effect. Pero tumalab
iyun.
“May point si Marian,” sabi ni Russell sa sarili.
Nakaupo lang si Russell habang nakapulupot ang kaniyang kamay
sa bewang ni Marian. Pagkatapos ay nagsayaw sila. Nag-enjoy naman sila hanggang
sa dumating pa ang ilang kaibigan ng mga kaibigan ni Marian para magsaya. Sa
sobrang saya ni Marian ay hinatak niya ang kaniyang mga kaibigang babae para
magsayaw sa dancefloor.
“Inom ka,” yaya ni Mario sa kaniya na uminom ng isang baso.
“Hindi na,” pagtanggi niya. “Magmamaneho ako mamaya kaya
hindi pwede.
“Napaka-good boy mo naman.”
Pinanlakihan na naman ng mata ni Russell ang hawak na bote ni
Mario. “Oo. Baka kapag nalasing ka, susuntukin mo ako dahil sa napaka-good boy
ko.”
Nainis si Mario sa narinig niya. “Susubukan ko,” saka uminom
ng alak.
“Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Marian.”
“Kababata niya ako. At kung hindi mo alam, doon kaya siya sa
lugar na iyun nakatira.”
Nagulat si Russell sa kaniyang nalaman. Hindi niya alam iyun
at doon pa siya pumunta. Nag-usap pa ang dalawa ng matagal. Hindi nagtagal ay
nag-enjoy din si Russell dahil kay Mario. Marami silang bagay na napag-usapan.
Turns out na maraming pagkakapareha ang dalawa. Napansin naman ito ni Marian
pero isinawalang-bahala niya lang ito.
Mas lalong naging close si Russell at Mario. Tuwing may
problema si Russell tungkol kay Marian, sinasabi niya ito sa kaniya. Nakikinig
naman si Mario kahit na hindi talaga siya maka-relate. Pero sa loob-loob niya,
naiinis na siya kay Marian. Hindi kay Russell na lumalapit sa kaniya.
Isang araw, napansin ni Russell na may problema sa kanilang
dalawa ni Marian pero hindi niya maituro kung ano ba talaga ang problema. Ang
alam lang niya, may mali. Kahit na nag-love making sila ni Marian, alam niyang
may mali. Iyung love making scene, ang alam ko ay ito iyung part na may
problema sila Joseph at Chris sa totoong buhay. Coincidence, sa tingin ko
hindi.
“Okay ka lang, Russell?” nag-aalalang tanong ni Marian.
Tango ng tango si Russell. “Oo, okay lang ako.”
Nang may pinuntahan si Marian, nagkita sila ni Mario sa isang
restaurant. Babalik na kasi sa Mindanao si Mario. Apparently, kaya pala nasa
Maynila siya dahil gusto niyang makita ang Papa niya na hindi ko na i-kwento
dahil hindi iyun importante, para sa akin.
“Hindi ko talaga alam kung ano ang problema. Pero alam ko,
meron talaga,” sabi ni Russell habang pinapatunog niya ang kaniyang daliri.
“Hindi ba iyung relasyon niyo naman ang mali sa umpisa pa
lang?” biro niya.
Sinamaan ng tingin ni Russell ang kausap habang ito ay
kumakain. Nagkibit-balikat na lang si Mario dahil hindi niya akalain na tama
ang sinasabi niya.
Isang araw, may pinapabili si Marian kay Russell. Si Mario
naman, pinuntahan ang set. Dahil sa hindi nagmamadali si Mario sa paglalakad,
narinig niya si Marian na may kausap.
“Ma'am, para sa isang scene, ano po ang gusto niyong suotin
ni sir Russell?” tanong ng wardrobe coordinator.
“Iyung blue, sure ako,” sagot ni Marian.
Natigil naman si Mario. Nagtataka si Mario kung bakit si
Marian ang namimili para kay Russell.
“Hoy, Marian. Kausapin mo kaya si Russell tungkol diyan,”
palabirong mungkahi ng kaibigan niya. “Baka mamaya, malaman niya na ikaw ang
pumipili sa kaniya, mag-away na naman kayo.”
“Shh! Tumigil ka nga,” saway ni Marian.
Lumabas iyung wardrobe coordinator ng teleserye na kausap ni
Marian at nakita si Mario. Sinamaan niya ito ng tingin para umalis.
“Ewan ko ba kung bakit napaka-big deal para kay Russell na
siya ang mamili sa mga bagay-bagay. Like, may masama bang nangyayari sa kaniya
kapag ako ang namili para sa kaniya?” litanya ni Marian. “Nako naman! Parang,
kung gusto ko ng green, mamamatay ba siya kapag nagsuot ng green?! Hindi naman
‘di ba? At tsaka, it's for the best. For his best! Kaya para hindi na kami
mag-away, nakakita ako ng loophole sa problema namin. Wala kaming pag-aawayan
kong napili ko na kaagad ang mga problema.”
Sa nalaman ni Mario, nag-click sa kaniya ang mga problema ni
Russell. Ito iyung mali sa relasyon nila.
Umalis si Mario para hindi na marinig si Marian. Pero
pagkalabas niya, nakita niya si Russell na papunta kay Marian. Para naman
siyang isang magnanakaw na nahuli nang nakita siya ni Russell.
“Mario, anong problema?” tanong ni Russell.
Hindi na alam ni Mario kung ano ang sasabihin. Para sa
kaniya, hindi na dapat niya guluhin ang mga bagay-bagay sa pagitan nila Marian
at Russell. Kung okay lang naman silang dalawa dahil sa isang kasinungalingan.
Pero iba ang nakikita ng mga mata niya. Nakita niya ang isang napakaliit na
kahon na hawak ni Russell at tinangka pa niya itong itago. Alam ni Mario ang
ibig sabihin ng kahon na iyun.
Pilit na ngumiti si Mario at sinenyasan niya si Russell na
umuna na papunta kay Marian. Nagtataka si Russell sa inaasal ng kaibigan pero
sumunod siya sa sinasabi ni Mario.
“-dali lang magdesisyon para kay Russell,” naabutan ni
Russell na sinasabi ni Marian. “Ang mas mahirap nga kapag ako ang nagdedesisyon
para sa sarili ko. Pero kay Russell, parang true or false lang sa isang-”
Nanlaki ang bibig nung kaibigan ni Marian nang nakita niya si
Russell. Si Marian naman ay humarap lang sa kaniya na para bang wala siyang
masamang sinabi sa nakarinig sa kanila. Nagkakamali siya.
Sa labas, nakita ni Mario na dali-daling lumabas iyung
kaibigan na kausap ni Marian. Kasabay nito ay ang malakas na pagsara ng pinto.
Mukhang nag-aaway na iyung dalawa.
Sa loob ay nagsimula na ang away ng dalawang magkasinyahan.
“You could have said no kung ayaw mo naman pala ang isang
bagay!” punto ni Marian. “It's not like pinipilit kita na gawin ang isang bagay
na hindi mo gusto!”
“But you know me. Hindi ako mareklamo kapag ang isang bagay
ay napagdesisyunan ko na. Wait a minute, it was not even my decision. It was
your decision!” sigaw ni Russell.
Galit na galit si Russell. Itinapon niya sa sahig ang
singsing na gagamitin niya para yayain si Marian. Hindi siya makapaniwala na
minanipula na naman siya ni Marian para magdesisyon para sa kaniya. Hindi naman
sa masama ang mga bagay na napagdesisyunan ni Marian. Pero kasi, gusto ni
Russell na iyung mga bagay na kailangan niyang pagdesisyunan ay siya ang
magdesisyon. Dahil buhay niya iyun, hindi kay Marian kung hindi sa kaniya.
Napakababaw? Hindi. Minsan talaga, may mga tao na gustong
magdesisyon para sa sarili nila. May mga tao na okay lang na may magdesisyon
para sa kanila, pero hindi si Russell. Kahit na walang masamang intensyon si
Marian sa mga desisyon niya, gusto ni Russell na mapagdesisyunan niya ang lahat
ng mga pinagdesisyunan ni Marian. Pero kasi, feelings ni Russell ang
pinag-uusapan dito. She crossed a line and she will dearly pay. Kung wish ng
syota mo na gawin niya ang isang bagay, hindi ba dapat ay tuparin natin iyun
dahil mahal natin ang tao.
Naalala ni Russell na aalis na si Mario pabalik sa Pala- este
Mindanao. Kaagad niya itong tinawagan at tinanong kung pwede ba siyang sumama.
Pumayag si Mario.
Sa Mindanao, nakalimutan ni Russell ang mga obligasyon sa
Maynila. Hindi niya iniisip ang teleserye na kailangan nilang i-shoot ni
Marian. Tumawag siya sa kaniyang manager na kung kailangan magbayad sila ng
penalty ay magbabayad sila. Pero kapalit nito ay huwag siyang tawagan ng kahit
sino.
Sinusubaybayan ng Mama ni Mario ang palabas ni Russell. Sa
teleserye, bigla daw nawala ang karakter ni Russell sa gitna ng drama na
nangyari. Concern na concern ang Mama ni Mario sa nangyayari sa teleserye dahil
gusto niyang malaman kung ano ang nangyari sa karakter ni Russel, kahit na
nakakasalo niya sa kainan ang aktor. Hindi pinakilala ni Mario si Russell
bilang siya. Pinakilala lang siya bilang isang ka-look-alike ni Russell sa
isang variety show at naniwala ang Mama ni Mario.
Sa showbiz news, naba-blind item na si Russell at si Marian.
“Masama ang ugali ni girl kaya itong si boy ay napuno na at
umalis. Sa teleserye, pinalabas nila na nawawala ang karakter ni boy. Pero ang
totoo, hindi talaga nila ma-kontak si boy dahil nawawala talaga ito,” sabi ng
batikang showbiz chikadora sa balita.
Sa isang banda, pinabulaanan ni Marian na ayos sila ni Russell.
“Binigyan ko lang po siya ng oras na mag-isip dahil po, isang
malaking hakbang ang ginawa ni Russell,” sabi ni Marian sa mga reporter.
Ipinakita pa ni Marian ang singsing na itinapon ni Russell.
Wala namang reaksyon si Russell nang narinig niya ang balita, wala na siyang
pakialam. Pero si Mario, galit na galit. Nagdesisyon na naman si Marian para sa
kaniya.
Bumalik si Russell sa bar kung saan siya uminom ng mag-isa.
Kasama na niya ngayon ay si Mario na nag-aalala na sa nangyayari sa kaibigan.
”Boy, hindi ko na matatagalan itong ginagawa mo,” sabi ni
Mario na uminom sa shot glass.
“Bakit? Ayaw mo na ba akong makasama sa bahay ninyo? Naaasiwa
ka na ba sa mukha ko?” sagot ni Russell.
“Hindi naman si ganoon. Si Mama kasi, masyado ng nag-aalala
kung ano na ang nangyari sa iyo doon sa teleserye. Kapag si Mama talaga, may
nangyaring masama sa kaniya, bubugbugin talaga kita.”
Tinaasan niya ng tingin si Mario. “Paano kung ayoko?”
Kahit gustong-gusto din ni Mario na hamunin ang kaibigan,
hindi niya ginawa. “Ano ba ang magagawa ko kung ayaw mo?” Naglagay naman siya
ng inumin sa kaniyang baso. “Ang sa akin lang, wala kang magagawa kung hindi
harapin si Marian. Oo, para sa iyo ay masama ang ginawa niya. Pero kailangan mo
siyang harapin ng mas maaga, please lang.”
“Sa ayoko nga kasi!” Parang aambahin na ni Russell si Mario
sa inis.
“Kahit ba maubos iyung pera mo sa penalty na babayaran mo?
Narinig ko iyung usapan ng manager niyo at ang laki ng penalty na babayaran mo
sa network dahil sa hindi pagtupad sa kontrata.”
Natawa na lang si Mario. “Lalaki pa ang mawawala sa akin. Mas
lalong malaki pa ang mawawala sa amin ni Marian. Kasi pagbalik na pagbalik ko
sa Maynila, makikipag-break ako sa kaniya. At maraming brand ang masisira dahil
sa gagawin ko. Buti na lang kamo at hindi naka-kontrata sa papel iyung relasyon
namin.”
Gusto sanang magtanong ni Mario tungkol sa parteng
‘naka-kontrata sa papel iyung relasyon namin’ pero hindi niya itinuloy.
Nagtataka lang siya dahil ngayon lang niya nalaman ang bagay na iyun.
“Mahirap ba iyung hinihiling ko sa kaniya?” mangiyak-ngiyak
na tanong niya kay Mario. “Mahirap bang tuparin ang gusto ko na ako naman ang
magdesisyon? Nag-reincarnate ba ang mga magulang ko sa katawan ni Marian? Kasi
simula pagkabata ko, iyung mga magulang ko ang nagdesisyon para sa akin na
mag-artista ako sa murang edad. Gusto pa nila, mag-top ako sa eskwelahan habang
nag-aartista para daw maging sikat na idol ako at hahangaan ako ng mga tao. At
alam mo ba noong bata ako, gustong-gusto ko makipaglaro ng patintero sa mga
bata. Pero ang gusto ng mga magulang ko, magpraktis sa pag-arte. Umiyak ng peke
imbes makipaglaro ng tagu-taguan. Um-attend sa mga dance lessons habang ang mga
bata ay masayang-masaya na naglalaro ng jumping rope. And before I know it,
matanda na ako. Dahil sa desisyon ng mga magulang ko, hindi ko na-enjoy ang
kabataan ko. Naiinggit ako sa mga batang naglalaro sa daan kasama ang mga
kaibigan nila. Oo, may mga kaibigan ako sa showbiz. Pero tuwing isang buwan
lang sa isang taon ko lang sila nakakalaro. And I'm not satisfied!”
Mabilis na sinalo ni Mario ang bote ng alak na muntikan nang
mahulog dala ng pagdadabog ni Russell sa bar. Inalo-alo naman niya ang kaibigan
habang umiiyak ito. Nararamdaman niya ang kaibigan. Hindi niya lubos maisip na
sa mga masasayang araw niya kasama ang mga kaibigan ay may isang tao ang
gustong makipaglaro sa kanila. At iyun marahil ay si Russell.
Lasing na lasing si Russell nang dumating na sila sa bahay ni
Mario. Bumagsak kaagad si Russell nang nakita niya ang higaan ng kaibigan. Si
Mario naman ay medyo lasing din dahil hindi naman dito sa kwarto niya humihiga
ang kaibigan.
“Alam mo, na-realize ko na napakadali mo lang pasayahin,”
wala sa huwisyong sabi ni Mario na bumagsak na din sa kama. “Kung ako kay
Marian, tutuparin ko ang mga gusto mo dahil napapasaya kita. At hindi ba kapag
masaya ang syota mo, magiging masaya ka din.”
Tawa lang ng tawa si Russell. “Ikaw, tutuparin ang gusto ko?
Paano kung gusto ko na maging mabait ka naman sa ibang tao? Gagawin mo ba
iyun?”
“Gago ka ba? Ayoko nga!” tanggi ni Mario. “Kapag masyado kang
mabait sa mga taong hindi mo kakilala, pagsasamantalahan ka nila. At sa sampung
beses na nangyari sa akin iyun, natuto na ako. Hindi. Na. Ako. Magiging.
Mabait. Sa. Mga. Taong. Hindi. Ko. Kakilala!”
Tumingin naman si Mario kay Russell na nakatingin naman sa
kabila. “Pero kung magiging masaya ka, gagawin ko. Mahal kasi kita. Hindi ko
nga lang maipapangako sa iyo na kapag sinumpong ako, manununtok ako.”
Humarap naman si Russell si Mario. “Talaga?”
Bumangon naman si Russell at pumaibabaw kay Mario. “Nako!
Kung pwede ka nga lang syotain, okay lang na magkaroon ng syotang kagaya mo.
Kahit na napakasama ng ugali mo sa ibang tao, napaka-thoughtful mo. Uunahin mo
ang kaligayan mo kesa sa akin.”
Matagal na nagkatinginan ang dalawa. Parang nakalimutan ng
dalawang artista na lasing sila dahil napaka-genuine nang pagtitinginan nilang
dalawa. Pero segundo ang lumipas ay bumalik iyung lasing nilang ekspresyon.
Sumugod naman si Mario sa labi ni Russell at hinawakan pa niya ang batok nito
para hindi makawala. Nang na-domina na ni Mario ang lalaki sa ibabaw,
pinailalim na niya si Russell at patuloy na naghalikan ang dalawa.
Kinabukasan, nagising si Mario mag-isa. Bigla niyang naalala
ang nangyari kagabi sa kanila ni Russell. Sinabi niya dito na mahal niya ang
tao at gagawin nito ang lahat para lang sumaya siya. Naalala din niya ang
pagyakap ni Russell sa kaniya habang umuulos sa loob ng ‘kaibigan’. Nagmadali
siyang tingnan ang isang parte ng aparador pero bakante na ito nang nakita
niya. Nakalagay sa aparador na iyun ang gamit ni Russell.
Sa pag-iisa niyang iyun, hindi niya alam ang gagawin.
“Pinagsisisihan ba ni Russell ang nangyari kagabi?” tanong
niya sa sarili. “Dahil ako, hindi.”
Sa pag-uwi ni Russell sa Maynila maraming bagay ang nangyari.
Unang-una ay itinuloy niya ang teleserye, nakipag-interview sa mga
taga-showbusiness at nagsinungaling.
“Yes, okay naman po kami ni Marian at nag-propose na po ako
sa kaniya,” sagot niya sa isang sikat na talk show host.
Pero kapag walang nakakakita sa kanila, malamig na malamig
ang pakikitungo ni Russell sa kaniya.
Hindi alam ni Russell ang gagawin. Gusto niyang humingi ng
tulong sa nga ‘bestfriend’ niya sa showbiz pero hindi niya ginawa. Tapos sa
‘totoong bestfriend’, siguradong magiging bias iyun sa kaniyang sarili at
sasabihin nito kay Russell na...
“I'm sorry. Ayoko na kitang maging kaibigan,” sabi ni Mario
sa isip niya.
“Tama ba ang mga ginawang desisyon ko sa buhay?” tanong ni
Russell sa sarili. Nag-play naman ang mga nangyari sa pelikula mula simula
hanggang sa parteng umuungol siya sa sarap.
Sa kabilang banda naman, sinusubukan ni Marian na maging
maligaya si Russell. Kahit na malamig ang pakikitungo ni Russell sa kaniya,
hinahayaan na niya itong magdesisyon para sa sarili. Naniniwala pa rin siya na
babalik si Russell sa kaniya.
Habang pabalik si Russell sa lugar niya, naabutan naman niya
si Mario na nakatayo sa harapan ng pintuan. Matagal na nagkatinginan ang dalawa
bago sila gumalaw. Kapwa kinakalkula nila ang kanilang gustong gawin, sa isa't
isa.
“Hi,” bati ni Mario.
“Hello,” bati ni Russell na nahihiya na makita ang lalaki.
“Napasyal ka?” Tumungo siya sa pintuan at binuksan ito.
“Para kumustahin ka matapos ang nangyari sa atin.”
Napahinto si Russell nang naalala niya ang sinasabi ni Mario.
“Baka na-buntis kita o ano,” biro pa nito.
Nang nabuksan niya ang pintuan, galit na galit itong hinarap
si Mario. “G-Gago ka ba? Lalaki ako, Mario. Hindi ako mabubuntis.”
“Gago naman talaga ako, hindi ba?” ngiti pa niya.
Hindi makapaniwala si Russell sa sinabi ng kaibigan. Gusto
niyang tumawa, magalit, hindi niya alam. Pumasok siya ng pintuan at sumunod
naman si Mario. Pagkapasok ay hinatak ni Mario si Russell sa pintuan at maiinit
na binigyan ng halik ang aktor. Sumagot naman si Mario at kaagad na gumalaw ang
kamay niya para alisin ang bag na dala-dala ni Russell. Hindi nagtagal ay kapwa
na sila walang damit pang-itaas.
Sa sumunod na eksena, nakayakap si Mario kay Russell sa kama.
Talagang may love bites pa ang dalawa sa leeg pero si Russell ay meron talaga
sa katawan. Naalala ko na R-18 pala ang rating ng MTRCB sa pelikulang ito.
“Naalala mo iyung unang pagkikita natin na sinapak mo ako
dahil akala mo ay may nangyari sa atin?” tanong ni Russell. “Iyun pala, ikaw
pala ang pasimuno sa ating dalawa.”
Nainis naman si Mario at kinurot sa tagiliran si Russell.
“Aray!” sigaw ni Russell.
“Panira ka ng moment,” naiinis na saad ni Mario.
“Pero tumitigas ka pa, gago!”
“Huwag mong pansinin iyan. Ipapasok ko iyan sa iyo kapag
ininis mo ako.”
Balik ulit ang dalawa sa yakapan session pero si Mario ay
nakapikit ang mata.
“Alam mo, natutuwa ako na nandito ka. Akala ko, galit ka sa
akin matapos ang nangyari,” sabi ulit ni Russell.
“Hmm,” tugon naman ni Mario.
“Nitong mga nakaraang araw, parang pagod na pagod ako dahil
sa ginagawa kong pagkukunyari sa kanila. Sooner or later, malalaman din nila na
hindi kami ikakasal ni Marian. Tapos ako pa nag-affirm na papakasalan ko siya.”
“Hmm.” tugon ulit ni Mario pero parang galit. “Dapat sinabi
mo na kasi kaagad para tapos na. Iyung mga endorsements mo pa kasi ang unang
inaalala mo kapag nag-break kayo ni Marian.”
“Right. Kasalanan ko.”
“Oo nga pala. Dito na ako titira sa Maynila kasama si Mama.
Pag-aaralin ako dito ni Papa hanggang sa makatapos ako.”
Nag-load ang utak ni Russell. “May Papa ka pala?”
Pagod na idinilat ni Mario ang kaniyang mata saka isinara
niya ulit. “Oo, may Papa pa pala ako. At nang nalaman niya na ako ang anak ng
first love niya, lumuhod siya sa aking harapan at nagmakaawa. Patawarin ko daw
siya dahil kasalanan niya ang nangyari noon sa pagitan nila Mama. Hinayaan
niyang makawala si Mama sa kaniyang bisig dahil sa isang maling desisyon.”
Humigpit sa pagkakayakap si Mario. “Kaya ikaw, hindi rin kita pakakawalan.
Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Rerespetuhin ko ang mga gagawin mong desisyon
sa buhay. Dahil mahal kita.”
Mapait akong ngumiti habang nanonood. Gusto kong sumigaw na
mali ang sinasabi ni Mario. Pero ang totoo, natatamaan ako.
Anyway, sa kabilang banda, sinusubukan na talaga ngayon ni
Marian na magkabalikan sila ni Russell. Oo, hindi pa sinasabi ni Russell sa
lahat na may relasyon siya kay Mario.
Napatawad na ni Russell si Marian, in a way. Hindi pa rin
niya ito pormal na hinihiwalayan. Kinakausap na niya ito sa set kapag mag-isa
sila pero may distansya sa usap-usapan ng napipintong kasalan. Iyung isang
beses kasi na sinabi ni Russell na pakakasalan niya si Marian, hindi na siya
kinulit ng mga reporter kung kailan talaga sila ikakasal.
Sa side naman ni Marian, pinipilit niyang mapalapit kay
Russell. Pero parang may hindi siya makitang harang sa pagitan nilang dalawa.
Kahit na mukhang masaya si Russell, nararamdaman niyang hindi siya ang dahilan.
Tuwing napapangiti niya si Russell, masayang-masaya siya noon na nakikita ito.
Pero ngayon, parang masakit na para sa kaniya. Nararamdaman niyang may ibang
tao ang nagpapangiti sa kaniya.
Isang araw, natuklasan din niya kung sino ang taong
nagpapangiti kay Russell. Strange, naiwan ni Russell na bukas ang pintuan ng
unit niya dahil siya naman ang sumugod kay Mario at gusto niya itong tirahin.
Wala namang magawa si Mario kung hindi ang sumunod dahil nga sa sinabi niya.
Gagawin niya ang lahat.
Habang nakasakay si Mario kay Russell, nakita ni Marian ang
mga pangyayari mula sa pintuan ng kwarto. Nagulat siya dahil siguro, nalaman
niyang ang malapit niyang kaibigan ang dahilan kaya ngumingiti si Russell o
parehas silang lalaki.
Dali-daling lumabas si Marian habang tumutulo ang luha niya.
Bumalik sa kaniya ang mga alaala ni Russell kung kailan masaya sila. Lahat ng
mga alaala nila, naalala niya. Exaggeration.
Pero ang tumatak sa mga alaala niya ay ang panahong bumalik
sa unang beses si Russell sa kaniya at ang pangako niya dito na susundin niya
ang gusto nito. Kasunod nito ay ang pagdedesisyon nga ni Marian sa likod ni
Russell. Saka lang niya napagtanto na nagkamali siya. Kung hindi dahil sa
kaniya, marahil ay sila pa ring dalawa.
Nagkaroon ng closure sa sumunod na eksena. Sinabi na ng
dalawa ang kanilang sikretong reaksyon na maluwag na tinanggap ni Marian.
Nagka-aminan na rin sa mundo ng showbiz na hindi na matutuloy ang kasal at
naging usap-usapan ni Mario at Russell.
Sa katapusan ng pelikula, naging sentro ng focus si Marian.
Ilang taon na ang nakalipas, may mga tingin pa rin siya na sikretong binibigay
kay Russell. Pero punong-puno iyun ng pagsisi. Hindi nagtagal ay nagkaroon din
siya ng kasintahan. Dahil sa naging experience niya sa relasyon ni Russell,
sinikap na niya ngayon na mapaligaya ang minamahal. Itinama na niya ang mga
ginagawa niyang desisyon sa kaniyang bagong karelasyon.
「15 years ago...
“No, quédate aquí,” sabi ko kay Roxan habang inaayos ko ang
aking mga gamit. (“Huwag, dito ka lang.”)
“Pero es peligroso allá afuera,” tugon niya na sumunod sa
akin. (“Pero delikado doon.”)
Hinawakan ko sa balikat si Roxan. “Lo sé. Es por eso que
quiero que te quedes aquí mientras la operación está en curso. Necesito que
estés a salvo.” (“Alam ko. Kaya kailangan na nandito ka dahil napakadelikado ng
operasyon na gagawin namin. Gusto ko ay ligtas ka.”)
“Pero puedo pelear. Lucharé contigo en esto.” (“Pero lalaban
ako. Lalaban akong kasama mo.”)
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil siya talaga ang gusto ko
sa isang babae. Matapang. Oo, babae siya. Pero bihira lang ang mga babaeng
katulad niya. Kaya lang, sa lugar na ito. Ayoko. Ayokong ilagay ang tapang niya
sa bansang ito.
“Sé que puedes. Sé que pelearás. Pero este país...” Pero
nangibabaw ang takot ko para sa kaniya, gaano man siya katapang. “Este país no
valorará eso. Porque es el desastre que hicieron. Es un desastre que permiten
entrar. Y además de eso, te valoro.” (“Alam kong kaya mo. Alam kong lalaban ka
para sa bansang ito. Pero ang bansang ito, hindi pahahalagahan ang katapangan
mo. Kasi kagagawan nilang lahat ito. Kasi sila ang nagpabaya na makapasok ang
problemang ito. At higit sa lahat, mahalaga ka sa akin.”)
Hinalikan ko ang noo niya na para bang ito na ang huli naming
pagkakataon na magkikita. Dahil alam ko, kapag nasa labas ako ng bahay, o kahit
nasa bahay ako, nasa peligro ang buhay namin.
“Prométeme una cosa, Roxan,” sabi ko sa kaniya habang
magkadikit ang noo namin. “Irás a tus parientes en España. Y cuando termine, te
seguiré. Y viviremos felices para siempre en ese lugar. ¿Me entiendes? Nuestros
hijos deberían crecer en ese lugar. No aquí, no en México. Es por eso que
quiero que te quedes y te prepares para salir de este miserable país.”
(“Ipangako mo sa akin, Roxan. Bumalik ka sa mga kamag-anak mo sa España.
Pagkatapos ko dito, susunod ako sa iyo. Mabubuhay tayo ng maligaya doon.
Naiintindihan mo ba ako? Doon natin palalakihin ang anak natin. Hindi dito sa
Mexico. Kaya iiwan kita para maghanda na umalis sa miserableng bansa na ito.”)
Tumango-tango si Roxan. Alam kong kayang lumaban ni Roxan
kasama ko. Pero nakatanggap ako ng impormasyon na ang operasyon na gagawin
namin ay magiging palabas lang. At malaki ang tyansa na masasawi kaming lahat.
Pagkapasok sa istasyon, nagkunyari ako na malungkot para
hindi ako mapaghalataan ng chief namin. Ibinigay ko sa kaniya ang kunyaring
sulat ni Roxan na hindi siya sisipot para sa operasyon.
Galit na hinampas ni chief ang lamesa matapos mabasa ang
sulat. “¿Cuál es el significado de esto, Alexander?” (“Anong ibig sabihin nito,
Alexander?”)
“Lo siento, jefe. Traté de persuadirla de que la
necesitaremos. Incluso trató de persuadirme de que no viniera porque dijo que
nuestra operación fallará y que todos moriremos.” (“Pasensya na, chief.
Sinubukan ko siyang kumbinsihin na sumama dahil kailangan natin ang galing
niya. Sinubukan pa nga niya akong kumbinsihin na huwag sumama dahil sabi niya,
papalpak ang operation at mamamatay kaming lahat.”)
Tumingin lang ako ng diretso sa kaniya na may halong lungkot.
Nakakagalit ang tingin ni chief, na para bang may nakatakas na isang tupa mula
sa kaniya.
Dumating na ang ibang nga kasama ko sa operasyon. Lahat sila
ay mga naging kaibigan ko sa istasyong iyun. Lahat sila, ay nakita kong
nakatirik ang mata nang namatay sila.
Gaya nga ng inaasahan, naubos kami sa operasyon. Ako lang ang
natira. Hindi pa nakuntento ang mga loko at dinala nila ako sa isang lugar kung
saan pinaglaruan nila ako. Itinurok nila sa akin ang isang ilegal na droga. At
katakot-takot na epekto ang idinulot nito sa akin. Hindi ko alam ang ginagawa
ko, hindi ko alam ang ginagawa nila. Ang alam ko, kinukuryente nila ang mata ko
at kung mararamdaman ko ba ito.
Hindi ko alam kung ilang minuto, oras, o araw ang lumipas
pero natapos din ang bangungot na ito. Nagising ako sa isang pasilidad. Pero
pagkabukas pa lang ng mata ko, ibayong sakit ang naramdaman ko. May doktor na
pumasok sa kwarto ko at sinubukan pailawan ang mata ko ng maliit na flashlight
na dala nila. Pero wala pa lang isang segundo, ipinikit ko ito dahil sa sakit
na aking nararamdaman ko.
“Me duele el ojo. ¡No! ¡No quiero abrirlo!” pakiusap ko sa
kanila. (“Ang sakit ng mata ko! Ayoko! Ayokong buksan ang mga mata ko.”)
Nagwala ako hanggang sa nakaramdam ulit ako ng pagod.
Sa panaginip ko, nakita ko si Roxan. Nakauwi siya sa España
at nanonood ng telebisyon. Habang nanonood ay napabulalas siya at nagsisigaw.
Dumating ang Mama niya at nagyakapan ang dalawa. “¿Qué te ha
pasado?” tanong sa kaniya ng Mama niya. (“Anong nangyari sa iyo?”)
“Alexander se fue!” sagot ni Roxan. (“Wala na si Alexander.”)
Gusto ko sanang lapitan si Roxan para aluhin siya. Pero alam
kong nananaginip lang ako. Bago matapos ang panaginip ko ay nakita kong naduwal
si Roxan.
Bumalik ako sa reyalidad ng aking katawan. Kanina, habang
binubuksan ang aking mata, sumasakit ang ulo ko. Pero sinubukan ko itong
imulat.
Wala akong naramdaman na sakit matapos dumilat. Pero may kung
anong bagay ang nakalagay sa mata ko.
Sinubukan kong alisin ang bagay sa mata ko. Pero nang inalis
ko ito ay bumalik ang sakit ng ulo ko. Ibinalik ko ang bagay sa mata ko pero
masakit pa rin ang ulo ko.
May kung sino naman ang dumating sa kwarto ko.
“It's alright, it's alright,” sabi ng boses na palagay ko ay
ang doktor. “Just lie down until the pain is gone. Close your eyes if you have
to.”
Nang nawala na ang sakit ng ulo ko, binuksan ko ang aking mga
mata. Kitang kita ko ang paligid pero sa mas madilim na, kulay.
“I'm sorry if we forgot to turn off the lights. It is just
for security reasons,” paliwanag ng lalaking naka-lab coat.
“W-Who are you?” unang tanong ko. “W-Where am I? W-What year
is this?”
Bigla akong may naramdaman sa paa. Pagtingin ko dito ay
naka-posas pala ang paa ko sa kama.
“What is the meaning of this?” Galit na tiningnan ko ang
lalaking naka-lab coat. Kung nakikita ba niya ang galit sa mukha ko ay hindi ko
alam.
“I-I'm sorry that you have to wake up like this,” paghingi ng
paumanhin ng doktor. “Again, it's for security purpose. We will remove it once
you are cleared.”
“Security purpose?”
Kumalma ako nang narinig ko ang dalawang salitang iyun. Sige,
security purpose na kung security purpose. Basta masigurado nila iyung sinasabi
nilang security purpose, okay iyan sa akin.
“So where am I, exactly right now?” tanong ko ulit habang
nakatingin sa kisame.
“I'm sorry,” paghingi niya ulit ng tawad. “It is not my job
to tell you that. My job here is to tell you about your condition. Someone will
answer your question, it's just, it is not me who will answer that.” May
tinatago ba sila kaya hindi nila ako sinasagot?
May narinig akong papel na ginalaw sa kanan ko. “First of
all, my name is Doctor Matthew. I'm the doctor in charge of you. And your name
is Alexander, umm...” Parang hindi ata nababasa ni doctor Matthew ang pangalan
ko. “I know Natasha is probably screwing with me but she wrote here that your
name is Alexander the Great III.”
“You can call me whatever you want,” nasabi ko na lang.
“Right. So Alexander, you have injuries all over your body,
cuts, bruises, burns, broken bones, you name it. But it is already healed after
you enter a long rest,” paliwanag ng doktor.
“How long was it?” tanong ko.
“6 months. You were in a coma for 6 months because of the
torture that you suffered, I assume. Everything was fine except for your eye.”
Napahinga ako ng malalim matapos marinig ang tungkol sa mata
ko. “Will I go blind in later days?”
“Fortunately, no,” direktang sagot ni Doktor Matthew.
“However, there is probably a permanent condition in your eyes that will never
change. You open your eyes and you feel excruciating pain in your head right?”
Tumango lang ako habang patuloy na nakikinig.
”Well, that is a sign that you are photophobic.”
“Photophobic?” pag-uulit ko sa sinabi niya.
“It's a condition of your eyes right now when it doesn't
filter the lights entering your eyes resulting to have too much light in your
eyes. A chain reaction will happen thus, headache, migraine, you name it.”
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Hindi ako mabubulag,
okay iyun.
“To prevent this, we designed a sunglasses that prevent
lights to enter too much in your eyes. But it must be attached to you
permanently if you want to see, the world.”
“Is he awake?” tanong ng isang boses sa pintuan. Boses ng
isang babae.
Napatayo naman si doktor at nakita ko siyang ngumiti.
“Natasha, good thing that you here. You are right on time. I was about to leave
to call you.”
“I was doing some security work when I saw him.” Tumingin ako
sa babae sa pintuan at nakita siyang tinuturo ang isang bagay sa taas. Isang
CCTV.
“Right. Please talk to him. I need to attend the others and
he probably has a lot of questions right now,” sabi ni doktor Matthew habang
lumalabas ng kwarto.
“No problem,” tugon ni Natasha na pumalit sa inuupuan ng
doktor kanina. “I'm Natasha, by the way. I'm from the Secret Security Agency of
America.”
“And I'm an illegal immigrant,” balik ko matapos maisip na
nasa lupa ako ng hilagang Amerika.
Natawa naman siya sa sinabi ko. “Funny.”
May inilabas si Natasha na susi at susi pala iyun para sa
posas sa paa ko.
“Sorry about that. I was the one who saved you from your hell
in that place,” sabi niya matapos maalis ang posas sa paa ko. “I'll be damned
if someone smuggled you out of this place that is why I have to do that.” Bigla
naman sumeryoso ang mukha ni Natasha. “Now that we are acquinted, I would like
to discuss the reason why you are still alive.”
Sa operasyon namin noon, nakatanggap ng babala ang agency ni
Natasha na may dalang peligrosong sandata ang mga adik para ibigay sana sa
pinakamalaking drug cartel ng bansang Mexico. Nagkataon lang na pinaglalaruan
pa ako ng mga adik nang lumusob si Natasha. Nagkataon din na nakita ng ahensya
ang tungkol sa akin kaya iniligtas nila ako.
“But now that you are photophobic, I wonder if you will be
the same out there,” mausisang wika ni Natasha. “Assuming that you'll join us.”
Habang iniisip ang tungkol sa alok niya, bigla kong naalala
si Roxan.
“Can I see my g-girlfriend?” kinakabahang tanong ko. Kung mga
ilang buwan akong hindi na-coma, malamang ay asawa ko na siya.
“Sure.”
May kinuha naman itong parang tablet na nakalagay sa mesa ko.
Ilang pindot niya dito ay sumara ng kusa ang pintuan at namatay ang ilaw sa
labas. Hindi, hindi namatay ang ilaw sa labas. Parang nagbago lang ang kulay ng
bintana kaya akala ko ay pinatay ni Natasha ang ilaw.
At ang sumunod na nangyari ay sa kisame, parang may
nag-project na screen mula sa aking hinihigaan, pero wala akong nakitang ilaw
mula sa isang projector.
Papansinin ko sana ang napaka-high tech ng ginagawa niya
hanggang sa napansin ko ang ipinapakita ng screen sa kisame. Si Roxan ito na
nagmumuni-muni habang hinihimas-himas ang malaki niyang tiyan. Buntis siya.
Hindi ko alam kung sino ang ama, pero pakiramdam ko ay akin ang bata. Hanggang
sa may isang lalaki ang yumakap sa kaniya mula sa likod.
Parang may kumurot sa aking puso at pinigilan ko ang aking
paghinga. Hindi ko pa rin pinansin kung bakit napakalinaw na nakikita ko si
Roxan. Na may kasamang lalaki sa bahay niya at nakayakap sa kaniyang likuran.
“Any chance that you know who the guy is?” tanong ko.
May pinindot sa tablet si Natasha at ipinakita nito ang
profile ng lalaki. Mula sa aking hinihigaan, kitang-kita kung sino ang lalaki
na nakayakap kay Roxan.
“She thought that you died in the operation,” wika ni
Natasha, at mukhang malungkot siya para sa akin. “But that will change
depending on your decision.”
“What decision?” Sinubukan kong abutin ng aking mga kamay ang
mukha ni Roxan.
Lumunok si Natasha. “Our agency wants to recruit you. If you
choose to join us, you will need to forget your life. You will need to forget
her. Or if you don't, we will let you go. We will even drop you in Spain if you
want.”
Sa sinasabi ni Natasha, mukhang abot-kamay ko na naman si
Roxan. Pero hindi na ako kay Roxan nakatingin. Nakatingin ako sa bata na
dinadala niya. Kung ang pagsali sa ahensyang ito ay para maging maganda ang
buhay ng batang dinadala niya, para maging malayo sa kapahamakan, gagawin ko.
Sa pagtulo ng luha ko. Pumayag ako.
“I'm in.”」
Nang nakapasok na si boss Aulric sa kotse, naramdaman kong
may kailangan akong ilabas. Alam ko na bodyguard ako ni boss Aulric pero hindi
ko magagawa ng maayos ang trabaho ko kung hindi ako handa sa mga spesipikong
bagay. Alam kong naghanda na ako kanina pero bakit ngayon ay hindi ko mapigilan
ang katawan ko?
“Magbabanyo lang ako,” sabi ko kay Randolf na nakaupo na sa
passenger's seat.
Matapos magbanyo, napahinto ako nang nakita ko ang isang
binata.
“Señor,” sabi ng binata na ang pangalan ay Philip.
“Niño,” tugon ko sa bata.
Parang excited naman itong tumakbo palapit sa akin. “Ha sido
un largo tiempo.” (“Matagal na panahon din po.”)
“¿Cómo estás? Eras más pequeño la última vez que te vi.”
(“Kumusta ka na? Huli kitang nakita, napakaliit mo pa.”)
“Usted también, señor. Aún tienes tus sombras.” (“Kayo din
po. Suot niyo rin po ang shades niyo.”)
Lumapit ako sa lababo para hugasan ang aking kamay. “Quiero
hablar más contigo. Pero tengo un trabajo que hacer.” (“Gusto pa sana kitang
kausapin. Pero may trabaho pa ako.”)
“Es eso así. También me gustaría hablar contigo. Pero si es
trabajo...” (“Ganoon po ba? Gusto ko din po kayo kausapin. Pero kung dahil po
sa trabaho...)
“No te preocupes Estoy seguro de que nos volveremos a ver,”
sabi ko nang tinapik ko ang balikat niya. “Estoy seguro de ello,” sabi ko sa
sarili ko. (“Huwag kang mag-alala. Sigurado akong magkikita tayo ulit. Sigurado
ako doon.”)
“Cuídate, señor.” (Mag-ingat po kayo.”)
Pagkalabas ko ng banyo, katulad ni Russell, maingat akong
bumalik kila boss Aulric. Dahil sigurado ako, nasa paligid lang si Roxan.
Habang maingat akong naglalakad, nakita ko din si Roxan,
kasama ang kaniyang asawa, sa isang botique. Sa aking paningin, napakaganda pa
rin niya. Sigurado akong mahal siya ng kaniyang asawa.
Inabot ko ang aking kamay na may intensyon na maabot ko ang
mukha ni Roxan. Kung gugustuhin ko, maaabot ko ang mukha niya. Kung gugustuhin
ko, sisirain ko ang napakaganda niyang buhay kasama ng asawa niya. Dahil dapat
ay ako iyun. Pero dahil sa desisyon ko, hindi ko na magagawa iyun.
Umalis na ako matapos maramdaman ko na napansin ako ni Roxan.
Nagmadali akong bumalik kila Aulric. Walang nag-desisyon para sa akin para
gawin ang mga desisyon ko. Ako mismo ang nag-desisyon. At kung nagsisisi ba ako
sa mga ginawa kong desisyon, oo. Pero wala akong magagawa kung hindi
pangatawanan ko ang mga desisyon kong iyun.
“Salamat at dumating ka din,” napapagod na wika ni boss
Aulric nang pumasok na ako ng sasakyan.
“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Randolf.
Nang tumingin ako kay Randolf, hindi ko sinasadya na may
tumulong luha sa mata ko. Sigurado ako na kung aalisin ko ang shades ko,
namumula ang mga mata ko.
“Ayos lang ako, Randolf,” pagsisinungaling ko sa aking
sarili.
Nagmaneho na ako palabas ng mall. Sa pagmamaneho ko ay
nadaanan ko na naman si Roxan kasama ang kaniyang asawa. Pangangatawan ko ang
aking desisyon.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment