Followers

Tuesday, October 5, 2010

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [1]

Authors Note:

Una sa lahat hindi naman talaga ako mahilig mag sulat ng ganitong mga kwento siguro na inspired lang ako sa mga nababasa kong kwento na gawa ni kuya Mike. Dahil narin siguro sa sobrang pag ka inip ko sa boarding house kaya naisipan kong magsulat ng ganitong kwento. Hehehe Pasensya na kayo kung hindi kagandahan ang kwento kong ito, First time ko lang kasi gumawa eh hehe

HAPPY 19TH BIRHTDAY SA AKIN. LOL


Announcement: Nga pala may video po ako ng Idol ko si sir paki email nyo na lang ako at paki sabi kung follower kayo o hindi send nyo na din ung name na gamit nyo as a follower.



By: oonheru

email: watashioonheru03@gmail.com

facebook: oonheru@facebook.com

twitter: @oonheru

website: http://wattpad.com/oonheru



MESSAGE SENDING FAILED! Ah pucha kung kelan pa naman na importante ang i-tetext mo saka kapa mawawalan ng load. Ala una na noon ng madaling araw kaya hindi na ako makapag pa load dahil sarado na ang mga tindahan sa labas at naka-lock na rin ang gate ng aming boarding house. Laganap kasi ang mga magnanakaw sa mga boarding house kaya naman alas dyis pa lang sarado na ito at nasa may ari ang susi, tuwing umaga lang ito binubuksan.

Ako nga pala si Prince Marky 18 years old, marky na lang itawag nyo sa akin. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Ewan ko ba kina nanay at tatay kung bakit may Prince at Princess ang simula ng mga pangalan naming. Ang pangalan ng kuya ko ay Prince Mikey at ang bunso naman namin ay Princess Marinel.At ewan ko rin ba kung bakit iisa ang birthday naming magkakapatid, parang sinadya lang o nagkataon lang talaga. Kaya naman pag birthday namin ay halos mag Party Party ang buong barangay sa amin. Hehehe

Maliit lang kasi ang aming barangay kaya naman lahat ng tao magkakakilala na. Kilala din ang aming pamilya dahil pulitiko ang tatay ko. Hindi pa ako pinapanganak kagawad na siya sa aming barangay.

Ang buong akala ko ay straight guy ako dahil noong elementary at high school ay babae ang nagugustuhan ko, ngunit nadiskubre ko ang tunay kong pagkatao noong tumuntong ako ng college. Hindi naging madali ang aking sitwasyondahil baka malaman ng mga kaibigan at ng pamilya ko ang tunay na ako, na lalaki pala ang hinahanap ko. Nahihiya akong sabihin ito sa kanila baka hindi nila matanggap o itakwil nila ako. Paano nalang ang future ko kung mangyari yun? Pero sigurado ako na maiintindihan nila ako pag dating ng panahon dahil sino ba ang may gusto na maging ganito ako?diba? pero hindi dapat nila malaman nba ganito ako dahil hindi naman halata, kumbaga slight lang ang pagka-bisexual ko.



First day of school noon sa college syempre excited akong pumasok kaya alas otso palang ng umaga bihis na ako para pumunta ng school kahit alas nuebe pa ang pasok ko. Agad ko naming tiningnan ang schedule na pasok ko.

“Ah Filipino pala ang unang subject ko at TBA pa”.

sa totoo lang maraming mga studyante ang naloloko sa TBA na iyan dahil nilalagyan ng mga higher year ang bawat pintuan ng classroom ng TBA (TO BE ANNOUNCE) kaya akala naman ng mga Freshmen un ang kanilang room. Ganyan lagi ang scenario tuwing pasukan lalo na kapag engineering ang course mo karamihan sa mga schedule ng subjects ay TBA dahil sa sobrang dami ng population sa engineering.

Pumunta ako sa harapan ng faculty room at nag-intay dahil ang buong akala ko ay doon nag aanounce kung saan ang room mo ngunit isa din pala ako sa biktima ng TBA na iyan. Dahil sa sobrang tagal ko hindi ko namalayan na time na pala para sa kasunod kong subject. Agad ko uling tiningnan ang schedule ko at Algebra naman ang sunod kong subject hinanap ko agad ang room 208 at sa wakas nakita ko rin.

(ITUTULOY)

1 comment:

  1. hehehe, katuwa naman to, samin before kala namin initials ng prof un na napakalupit kasi almost ng major subjects namin me TBA, hahahahaha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails