Followers

Saturday, August 3, 2019

Loving You... Again Chapter 71 - Ribs







  



Author's note...








Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.


Welp, nakatulog ako kahapon kaya hindi ko nai-post. So ipapaliwanag ko iyung ginawa ko sa storya na ito. Originally, nagpa-plano ako ng Rizal-esque na style. Ibarra, Simoun, alam niyo iyun kung nabasa niyo iyung dalawang nobela na Noli Me Tangere at saka iyung El Filibusterismo. Pero nagbago iyun matapos kong mabasa iyung Just For A Moment, ulit. Na-trigger ako sa isang linya na binitawan ni Joseph kaya naging ganito ang kwento. May isang tao na nagpakilalang Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor, pero iba ang mukha ng taong ito. Sa pangkalahatan, hindi naman talaga ito si Aulric kaya naglalagay ako ng palatandaan na peke siya.

Para naman sa title ng Book 4, naisip ko na may kinalaman sa kanta at sa lyrics ng kanta. Iyung title ng Chapter 70 na Thinking Of You na kinanta ni Katy Perry. Well, imagine na sinasabi ni Zafe na naka-move on na siya sa pagkamatay ni Aulric. Pero naka-move on na nga ba talaga siya? Ngayon naman sa Chapter 71, kinanta ito ni Lorde na pinamagatang Ribs.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
| 70 |











Chapter 71:
Ribs













































Randolf's POV



     Biglang nakita ko ang sarili ko sa isang mahabang aisle na may dala-dalang isang malaking kahon. Ibinaba ko ang kahon at binuksan ang laman nito. Napakaraming tsokolate na biskwit ang laman ng kahon.



     Binilang ko ang laman nang nasa estante saka nilagay ko ang laman ng kahon kung saan may malaking parte ang walang laman. Kinuha ko ang clipboard na nasa likod ko at isinulat ang bilang ko kung ilang biskwit ang nabenta. Tumayo ako at bumalik sa napakalaking store na iyun.



     Bumalik ako sa estante na ang laman naman ngayon ay mga instant noodles. Ganoon ulit ang ginawa ko. Paulit-ulit iyun hanggang sa napapansin kong dumadami ang tao sa paligid.



     Tumingin ako sa relong pambisig ko. Alas-dose na pala. Oras na ng aking break.



     “Randolf, tara na at kumain,” tawag sa akin ng isang boses. Boses ni Ate Emma.



     “Andyan na po,” tugon ko.



     Ibinalik ko kaagad ang kahon at pumunta sa harapan kung saan nadatnan ko naman si nanay at tatay na kumakain kasama si Ate Emma sa isang mesa. Tuwang-tuwa naman ako na nakisalo din sa kanilang kumain.



     Habang kumakain ay narinig kong bumukas ang pintuan.



     Nakangiting tumayo si Ate Emma. “Ahh! Anak, Zafe, halika kayo! Kain, kain,” yaya niya sa magkasintahan.



     “Tamang-tama po. Gutom na ako,” rinig kong sinasabi ni Zafe.



     “Tara, kain na muna tayo,” sabi ni-



     Natigil ako sa pag-iisip at dali-daling humarap sa dalawa. Nagulat ako nang nakita ko na ang hawak ni Zafe sa kamay ay si boss-pekeng Aulric.



     Kaagad kong ibinuka ang aking mata. Kitang-kita ko naman ang kisame na pamilyar sa akin. Nasa condo ako ni boss-pekeng Aulric. At natutulog ako para bawiin ang tulog ko.



     Bumaba muna ako sa triple-deck na higaan. May natutulog din na tao sa dalawang higaan kaya dahan-dahan ang ginawa ko. Pumunta ako sa banyo at inilabas ang likidong sama ng loob ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Kakaibang panaginip. Pero bakit nandoon si boss-pekeng Aulric?



     Matapos magpakawala ng sama ng loob, nagpakawala lang ako ng malalim na hininga at bumalik sa aking higaan. Kakaiba talaga ang mundo ng panaginip. Gusto kong mapanaginipan si Nanay at Tatay. Medyo matagal na rin pala nang huli ko silang nakita.



Alexander's POV



     Umaga na at nagising ako dahil iyun ang sabi ng body clock ko. Umaga na, kailangan mong magising, kahit na ilang oras lang ako natulog. Pero hindi nakakaramdam ng pagod ang katawan ko. Salamat sa kape na gumigising sa aking katawan.



     Habang umiinom ay siya naman ang pasok ni Aulric.



     Nakakunot-noo siyang nakatingin sa akin. “Gising ka pa?” Tumuloy naman ito sa cabinet, para siguro magtimpla din ng kape. “Hindi ba, kakabalik niyo pa lang ni Randolf?”



     “Pasensya na boss. Body clock.” Nagtaka naman ako sa isang bagay. “Paano mo nalaman na kauuwi pa lang namin?”



     Kumuha siya ng isang tasa at nagsimula ng magtimpla ng kaniyang kape. “Nag-text si Randolf. Ginawa ata akong magulang. Akala niya may pake ako kung nandito na siya. Anyway, nag-enjoy ba kayo?”



     “Oo naman. Susunod na linggo, lalabas ulit kami.”



     “Lalabas? As in, date? Nako, kayong dalawa. Huwag ko lang kayong mahuling nagkakantutan sa sofa.” Sa tono ng pananalita niya, nang-aasar lang siya.



     “Weekly kasi iyung session na pinili namin kaya, lalabas ulit kami,” patuloy na paliwanag ko. “Iyung available kasi na araw nung mga kalaro namin, kahapon lang. Kaya...” Hindi na ako nagpatuloy sa pagpapaliwanag dahil hindi naman importante.



     “So kayo lang ni Randolf ang ititira ko,” sabi ni Aulric, siguro para sa sarili niya, habang nilalagyan na ng mainit na tubig ang kaniyang tasa.



     “Ititira?” Ibinaba ko ang aking tasa.



     Tumingin-tingin si Aulric sa paligid. “Magbabawas na kasi ako ng tauhan,” mahinang sabi niya. “Pakiramdam ko kasi, napakarami nung mga gwardya ko.”



     “Kasi iyun ang gusto ni sir Henry,” walang amor kong dagdag.



     “Alam ko, pero, hindi ako iyung klase ng tao na nagsasayang ng resources.”



     Kahit hindi ko siya nakikita, walang amor ko pa rin na tiningnan ang boss ko. Iyung plano ni Randolf na nasa coffee table sa sala, may ilang revision sa plano. Dalhin si Chris sa kung saan sa Palawan gamit ang isang helicopter. At hindi lang si Chris kung hindi si Joseph din.



     Hinalo-halo ni Aulric ang kaniyang tasa. “Tsaka wala namang tao na nagtangka sa buhay ko. Sila Joseph, walang sinabi na may kinalaman ako sa pagkabalik nung mga shares niya. Kaya, ano pang silbi nung maraming gwardya?”



     Dahil mahal na mahal ka ni sir Henry kasi ayaw niyang mawala ang kaniyang ‘anak’, ay sanang sasabihin ko. Kaya lang, hindi ko pa alam ang mga impormasyon na iyun mula kay Aulric mismo.



     “Gusto ko kayong lahat. Kaya lang, alam mo iyun. Medyo crowded. Kailangan ba na may dalawa sa labas, apat sa baba, dalawa sa back exit, tapos iyung natitira ay natutulog o kaya off? Paano pa kaya sa susunod kong mga plano? Ay, si Aulric. Mukhang mahirap patayin. Ang dawing gwardya. Nako, paano ito?”



     “Better be safe than sorry.”



     “Oo, pero ayokong maging safe. Gusto ko, ang awra ko ay parang katulad sa mga templo. Open sa lahat.”



     Medyo natatawa ako sa sinasabi niya. “Sigurado ka ba na iyan ang tamang, salita para sa sinasabi mo?”



     “Kaya kayo na lang ni Randolf ang ititira ko.”



     “Magtira ka kaya sa isa sa mga kasama ko? Lalong-lalo na sa mga parteng may gusto kang patayin,” suhestyon ko.



     Matapos haluin ay sumipsip ng kaunti sa kaniyang tasa si Aulric. “Mmm, wala akong papatayin. I can say that with attitude na papatayin kita at maniniwala ka. Pero wala akong balak. At tsaka, kamatayan ang pinakagusto ng mga masasamang tao. Maaaring gusto nilang mabuhay para sa sarili nila. Pero deep inside, gusto nilang mamatay. Alam naman natin na kamatayan ang kabayaran sa mga gumagawa ng, well, matinding lebel ng kasamaan.”



     “Torture?”



     “Exactly.”



     “Kaya makipagmabutihan ka na diyan kay Randolf. Magiging personal secretary ko na siya at ikaw ang magiging tanging gwardya ko.” Biglang nairita si Aulric. “Tsaka alisin mo na nga iyang shades na iyan. Wala ka namang kondisyon sa mata, pa-shades-shades kapa. Ano iyan, para cool?”



     “Para iritahin ang mga katulad mo. Alam mo na, kapag may shades ka kasi, hindi mapakali ang mga tao. Hindi nila alam kung saan ka nakatingin. Hindi din nila alam na ini-evaluate mo na pala sila.”



     “Cool. Pero kailangan ba talaga na hanggang dito sa loob ng condo, may shades ka pa rin?”



     “Sinabi ko, mga katulad mo,” pagpapaalala ko. “No exceptions.” Sumipsip lang ako sa kape ko.



     Humugot na lang si Aulric ng malalim na hininga. “Hay! Bahala ka. Basta ako, ayokong makarinig na tinitira mo si Randolf habang may suot na shades.”



     Hindi lang ako umimik sa sinasabi niya. Parang high school, or college ang ugali nito. Magkasama lang na mag-enjoy, gusto na nila na magtirahan agad.



     “Alam mo kagabi, nag-text sa akin na hindi siya makakapasok dahil kasama ka daw niya. Akala niya ata may pake ako doon,” natatawang kwento niya.



     “Umm, boss ka namin?” pagpapaalala ko.



     “Ano ka ba? Kung aabsent ka, sabihin mo na lang na may LBM ka. Hindi ka magpapaalam na napuyat kayo sa board game kaya hindi ka makakapasok. Sino gumagawa nun? Kung ibang boss lang ako, sisante kaagad siya sa akin.“



     “Sinabihan ko na iyun na ako ang bahala ahh?”



     “Hala!” Dinuro niya ako. “Walang tiwala sa iyo.”



     Sumipsip na lang ako ng kape. “At wala rin akong magagawa doon.” Hindi ko naman alam kung ano ang nangyari doon kay Randolf kaya, sipsip na lang ng kape.



     Habang nagsasalita si Aulric ay tumunog ang phone sa bulsa niya. Tiningnan niya lang ito saka sumipsip ng kape. “Hmm, may appointment pala ako. Matulog ka nga ulit. Wala akong tiwala sa mga guard na walang tulog.”



     “Kapag dinalaw ako ng antok.”



     “Sa gitna ng trabaho, huwag.” Umalis na siya ng kusina.



     Sumipsip na lang ako ng kape. Kapag may kape akong ininom, ewan ko lang kung dadalawin pa ako ng antok.



Zafe's POV



     Sa isang basketball sa Rizal, naglalaro kami doon sa court kung saan lagi kaming naglalaro dahil ‘teritoryo’ namin. Si Nestor kasi, kung makaasta, akala mo siya ang nagpagawa ng court. Kaya hindi namin hinahayaan na mabawi niya ang ‘kaniyang’ court.



     Matapos ang isang laro, nagpahinga na kami. Sa ice box na dala-dala namin, naglabas kami ng mga malalamig na inumin dito. Marami na ang pinagbago sa lugar na ito. May mga bahay na may bago ng palapag. At iyung bahay nila Aulric, wala na. Iyung mga gamit nila Aulric na nasa bahay na iyun, kinuha lahat ni Tito Henry. Wala man lang siyang itinira para sa akin. Umaakto siya na siya lang ang nawalan. Ako din naman. Pero ako ang may kasalanan...



     Literal na may bumuhos sa akin na malamig na tubig kaya bumalik ako sa uliran. Nagising lang ako nang nahulog na sa harapan ko ang isang plastic bote na pinagmulan ng tubig.



     “Tarantado ka,” rinig kong sinabi ni Inno.



     Sa tingin ko, inambahan kaagad ni Inno ang kung sinong tao na bumuhos ng tubig sa akin, pero pinigilan iyun sigurado ni Randolf.



     “Inno, huminahon ka,” pigil ni Randolf dito.



     Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Nestor na nakangisi kasama ang mga kaibigan niya na mukhang adik. Masama ko lang silang tiningnan dahil mali ang oras na pinili kila para galitin ako. Alam ko ang gusto nila. Gusto nila na makipaglaro para maibalik sa kanila ang court.



     Nakipaglaro kami sa kanila. Sa laro naming iyun, alam ko naman na maduming maglaro si Nestor. Kaya tinapat ko ang dumi nila. Nang mga oras na iyun, hinayaan ko ang galit ko na kasama ko maglaro. Nawala ang dignidad ko bilang isang magaling na basketball player.



     Sa huling sandali ng laro, sinadya kong sikuhin ang dibdib ni Nestor at nag-shoot ng bola dahilan para manalo kami, at sa amin pa rin ang teritoryo. Umaray naman sa sakit si Nestor nang bumagsak siya.



     “Gago ka!” sigaw ng isang goon niya.



     Hindi ko namalayan na bumunot ng balisong ang kasama niya at sinugod. Mula sa likod ng taong ito ay hinawakan ni Randolf ang kamay nung sumugod. Nagbunuan naman ang dalawa at wala lang akong ginawa kung hindi ang manood. Buti na lang at tumulong si Inno para dis-armahan iyung tao. Akmang susugod pa siya sa kanila pero pinigilan na namin siya. Iyung sa mga mukhang adik na kaibigan naman ni Nestor ay pinigilan naman ang kanilang mga kasamahan na susugod pa.



     May pumito namang baranggay sa kung saang direksyon.



     “Gago, tara na!” udyok ng isa sa mga kasama ni Nestor at tumakas na.



     “Hindi pa tayo tapos, gago ka!” sigaw ni Nestor sa akin matapos makatayo habang hawak-hawak ang dibdib at hinabol ang kaniyang mga kasama.



     Nagtipon-tipon ulit kami sa tindahan kung saan kami tumatambay, at ang sponsor ng inumin namin. Ang tindahan, dati ay maliit. Ngayon, may nadagdag na na palapag at medyo mahaba na ito sa dami ng mga binibenta. Ang nagbabantay naman ay binibigay kaagad kung ano ang gusto ng mga kasama ko, kasi ako naman ang magbabayad.



     “Zafe, okay ka lang ba?” tanong ni Robbie na katapat ko mula sa magkabilang gilid na upuan ng tindahan. “Parang grabe iyung paglampaso mo kay Nestor kanina.”



     “Dapat lang sa kaniya iyun,” dagdag ni Inno na katabi niya. “Ikaw kaya ang buhusan ng malamig na tubig sa ulo?” Sumipsip naman siya sa hawak niyang supot ng inumun.



     “Oo, magagalit ka. Pero, hindi naman ata tama na saktan mo din iyung tao,” pagdipensa ni Robbie. “Bumunot tuloy ng balisong iyung mukhang adik niyang kaibigan. Buti na lang at walang nasaktan.”



     “Dapat kasi ay hindi niyo na ako pinigilan para mabugbog ko,” wika ni Inno na nagsha-shadow boxing na.



     “Inno, hayan ka na naman,” saway ni Randolf na katabi ko.



     “Alam niyo, nakakapagod din kasi na laging kalaro natin si Nestor para sa court. Tapos hindi naman nagbabago iyung istilo ng paglalaro niya at nung kasamahan niya. Madumi pa rin maglaro,” dagdag ni Erman.



     “Ang dapat doon, tinutuluyan na,” gatong ni Orland na katabi ni Randolf sa kanan.



     “Hoy Orland, natokhang ka. Gusto mo matuluyan ka sa loob ng bilangguan?” saway ni Robbie.



     “Pasensya na guys,” paghingi ko ng dispensa. “Nandilim lang talaga ang paningin ko kanina. Iyung malalim ang iniisip ko tapos bigla kang bubuhusan ng tubig sa ulo,” paliwanag ko habang itinapat sa ulo iyung saradong plastic bote na may lamang tubig. “Noong nabuhusan ako, bumalik iyung mga moment na naramdaman ko ang parehas na senaryo. Pagkagising ko, patay na si Aulric. Tapos paggising ko,” turo ko sa direksyon nung dating bahay nila. “may bagong bahay na ang nakatayo doon. Kaya lang, siguro dapat lang sa akin iyun. Technically, ako ang pumatay. Ako iyung reckless na driver kaya naaksidente kami.”



     “Zafe,” nasabi na lang ni Randolf.



     “Alam ko, alam ko,” taas ko ng kamay para hindi matuloy sa pagsasalita si Randolf. “Wala akong kasalanan, nangyari na ang bagay na iyun kaya wala akong magagawa. Sure. Pero pag-angat ko ng tingin, si Nestor, tarantadong putang ina. Alam niyo, okay lang kung isa iyun sa inyo,” turo ko sa kanila isa-isa. “aksidenteng natapunan niyo ako ng tubig or kung kahit sinadya niyo. Dahil mga lalaki tayo at gumagawa din tayo ng katarantaduhan. Pero si Nestor talaga. Putang ina niya! Hindi nagbabago. Palala ng palala habang lumilipas ang araw.”



     “Bakit hindi mo kasi ipakulong?” sabi ni ate na nagbabantay ng tindahan, na nakikinig pala sa usapan namin, habang may ginagawa ito sa phone niya.



     “Ay, ate! Nakulong na iyan ng maraming beses,” sagot ko sa gustong mangyari ni ate. “Hindi ba noong isang taon, nahuli sa isang buy bust. Nakawala. Natokhang, na-rehabilitate, pero walang pinagbago. Tarantado pa rin.”



     “Ipatumba mo na?” tahimik na sabi ni Aman na nasa kaliwa naman ni Inno at tahimik na umiinom ng softdrinks sa supot.



     “Aman,” saway nung lahat ng mga kaibigan ko.



     “Alam mo Aman, kahit may pera ako para ipatumba iyan, hindi ko gagawin iyan. Hindi kaya ng konsensya ko,” tugon ko sa suhestyon.



     “Kaysa naman palala ng palala si Nestor. Ngayon, ikaw ang tinatarantado niya. Paano kung bukas, ibang tao naman at tinatarantado niya at mas malala pa ang gagawin niya?” dagdag paliwanag ni Aman.



     Inilapat ni Inno ang kaniyang kamay sa kabilang balikat ni Aman. “Aman, alam mo, nasa isip ko din iyan na itumba din iyang si Nestor.”



     “Inno,” saway naman namin sa kaniya.



     Itinaas lang ni Inno ang kaniyang daliri at tumingin sa amin. “Pero, hindi dapat tayo ganoon. Hindi natin gusto ang isang tao, itumba agad? Aba, isang malaking PUBG ang mundo natin kung ganyang ang takbo ng isip natin. Kaya ako, ayos lang na bugbugin. Pero patayin sa bugbog, nako! Boundaries. Buhay niya iyan. Respeto lang tayo kung paano niya gustong mabuhay. Kung gusto niya bang mabuhay para lang mabugbog, respeto lang.”



     “Tingnan mo itong si Inno. Jina-justify iyung mga gagawin na may kinalaman sa pambubugbog,” ani ni Orland.



     “Hindi ako makapaniwalang sasabihin ito, pero may punto siya,” opinyon ni Biloy na nakaupo naman sa kaliwa ni Aman.



     “‘di ba? Apir naman diyan best friend.” Tumayo si Inno at nakipag-apir kay Biloy.



     “Tumigil nga kayo, mga basagulero,” asik sa kanila ni Robbie.



     “Kaya magkasundong-magkasundo kayo ehh. Parehas kayong basagulero,” dagdag ni Orland.



     Napangiti lang ako sa usapan ng mga kaibigan ko.



     “Pero Zafe, iyung Aulric iyung nasa TV, hindi iyun si Aulric ‘di ba? Kasi malayo ang mukha,” singit ni Aman.



     Marahan namang siniko ni Inno ang katabi. “Gago, huwag ka ngang panira ng mood. Kita nang ngumiti na iyung tao at hindi na malungkot,” bulong niya dito pero malinaw kong naririnig.



     Tumango lang ako. “Oo. Hindi siya iyun. Kapangalan niya lang iyun,” sabi ko.



     “Mahal!” sigaw ng isang babae sa malayo at sinenyasan ang isa sa amin na lumapit.



     “Ay, si babe!” Mabilis na inubos ni Robbie ang inumin niya. “Sige guys, sa susunod na lang.”



     “Ay! Ako din, magko-computer pa kami ni Biloy,” sabi naman ni Inno.



     “O sige. Next time na lang ulit guys. Uuwi na ako,” sabi din ni Orland.



     Nagpalitan kami lahat ng apir sa isa't isa at nagpaalam, nangako na kung may susunod ay pupunta kami. Kami lang ni Randolf ang naiwan dahil magkasabay kami na pumunta dito.



     “Daan muna tayo sa sementeryo,” sabi ko kay Randolf habang inuubos ko din ang inumin ko. Tinapon ko lang iyung plastic sa loob ng sako sa likuran ko. Tapunan ng basura. “Ate, magkano lahat? Magkano rin po pala iyang kandila?”



Randolf's POV



     5 years ago...

     Nakatayo lang ako sa tapat ng sunog na bahay ni Ate Emma. Dudungaw pa lang ang araw at bago pa noon, uunahan na ni Ate Emma ang araw at magpapakuha na siya sa akin ng mga dapat kunin sa bentahan ng isda. Pero ngayon ay wala na siya.



     Ilang araw matapos ang burol, nakikita ko ang sarili ko sa tapat ng bahay nila. Nalulungkot ako. Siguro dahil isa ako sa mga malalapit kay Ate Emma kaya nandito ako. Gusto kong magluksa dahil nawala ang isa sa mga taong nakakasalamuha ko araw-araw, ang taong ngumingiti sa akin at nagbibigay ng pag-asa para harapin ang ngayon at ang bukas. Oo, maraming gumagawa sa akin ng ganoon, pero bawat isa sa kanila ay mahalaga.



     Aalis pa sana ako nang may kotse ang huminto sa harapan ng bahay. Isang tao ang lumabas sa kotse. Tiningnan lang ako nung tao na bumaba sa kotse. Naaalala ko siya. Si Derek.



     “Umm, Randolf?” tawag nito sa pangalan ko, palagay niya ay baka nagkakamali siya ng taong tinawagan.



     “Ako nga. Bakit?”



     Hindi halata sa mukha ni Derek pero nararamdaman ko na malungkot siya nang tumingin sa aking mga mata.



     “Hindi mo ba alam?” balik-tanong niya. “Patay na si Aulric kaya...” Sumenyas si Derek sa bahay.



     Hindi ko namalayan na napahawak ako sa dibdib. Isa itong trahedya. Pagkatapos nung nanay niya ay ang anak naman.



     “Sumama ka sa akin ngayon at pupunta tayo sa burol niya,” sabi ni Derek.



     Sa burol ni Aulric, medyo maraming tao ang pumunta. Siguro ay ito ang buong unibersidad ng eskwelahan na pinapasukan niya. Sa harapan ay may isang lalagyan. Hindi ko maintindihan kung bakit walang kabaong at lalagyan lang ang nakalagay sa harapan.



     “Nasunog ang katawan niya at halos hindi na makilala ang kaniyang mukha kaya pina-cremate namin,” paliwanag ni Derek.



     Lumakad ako sa lalagyan at nag-alay ng kaunting dasal. Nanatili naman ako sa burol at baka bumisita si Zafe. Pero hindi dumating si Zafe. May mga naririnig akong usap-usapan na kasalanan daw ni Zafe ang nangyari. Hindi pa siya nagigising kaya hindi siya makakabisita.

     Pakiramdam ko ay hindi magandang ideya na bumisita kami sa sementeryo ngayon. Hindi sa halos pagabi na nang nakarating kami. Hindi ako takot sa multo o ano. Ang multo ang dapat matakot sa akin.



     Natatandaan ko nga noong nasa bakasyon kami sa aming probinsya, may balon doon na pinaniniwalaang haunted daw ng isang matandang multo. Pumunta ako ng gabi dahil maliligo ako. Tinawag naman nung mga kamag-anak namin ang tatay ko para pigilan ako na pumunta doon kung kailan daw nagpapakita ang matanda.



     “Ay! Nako! Lalayo pa mismo ang matanda diyan kasi makulit iyan!” pabirong sabi ni tatay. Ang totoo, hindi naman kami naniniwala sa multo. At ang tatay ko, sumalangit nawa.



     Ang dahilan ng takot ko ay baka maapektuhan ang mga tao sa paligid. Ang relasyon ni Zafe at ang asawa niya ngayo'y naaalala niya si Aulric dahil sa nagpakita ang pekeng Aulric. Dagdag pa riyan na nagtatrabaho pa ako doon sa tao mismo.



     Pagdating namin sa sementeryo, bigla akong may naalala. Hindi pala rito nakalibing si Aulric. Naalala ko noon na kinuha ako ni Derek para samahan siya sa bahay nila kung saan ang kabaong ni Aulric. Isang lalagyan pala ang kabaong niya. Hindi na pala namin makikita ang mukha ni Aulric sa huli dahil nasunog daw siya at hindi na mamukhaan nang nakita daw ng mga pulis. Bakit nga pala kami nasa sementeryo?



     Kapwa nagulat kami ni Zafe nang nadatnan namin na may nakasinding kandila sa puntod ni Ricky at ni Shai.



     “Baka bumisita ang isa sa mga kaibigan niyo rito?” nasabi ko na lang.



     Nakahinga ng maluwag si Zafe. “Oo nga pala. Hindi lang ako ang kaibigan ni Ricky at Shai.”



     “Maiwan muna kita. Baka gusto mong makausap si Ricky ng masinsinan.”



     Binigyan ako ng nagtatanong na tingin ni Zafe. “Ikaw, hindi mo ba siya kakausapin?”



     “Pagkatapos mo,” ngiti ko.



     “O sige.”



     Umalis ako sa tabi niya at naglakad-lakad. Bigla kong naalala naman si Ate Emma. Dala-dala ang sarili kong kandila, pumunta ako sa puntod niya. Mula sa malayo, may nakita akong pigura na nakatayo. Kahit na padilim na, nakikita kong may dalawang pigura ang nakatayo sa puntod ni Ate Emma. Lumakad ako papunta sa puntod. Nilingon naman ako ni Sir Henry. Mukhang bumibisita ang mag-ama.



     Nang palapit na ako sa kanila, si Derek naman ay umalis na.



     “Sir Henry,” bati ko sa kaniya.



     Humarap sa akin si Si Henry. “Randolf, matagal din tayong hindi nagkita,” ngiti nito sa akin. “Anong ginagawa mo dito?”



     “Bumibisita po.” Pumunta ako sa puntod at nakitang may dalawang kandila ang nakasindi.



     “Pwede po ba?” tanong ko kay Sir Henry.



     Inilahad ni Sir Henry ang kaniyang kamay para sabihin na pwede ang gusto kong gawin. Gamit ang apoy sa kandila na nakasindi, sinindihan ko ang akin. Tapos nagpapatak ng luha ng kandila sa lupa, at nang pwede ko nang itayo ang kandila ay pinatayo ko ito.



     “Kumusta ka na pala ngayon, Randolf? Mukhang medyo nakikita na kita sa dilim,” biro ni Sir Henry. “Ilang taon din nang huling pagkikita natin.”



     “Okay naman po ako. Wala na pong nanay, wala na rin pong tatay,” sagot ko.



     “I'm sorry. Pwede ko bang malaman kung paano sila namatay?”



     “Sa sakit po. Si nanay, matagal nang may sakit iyun. Si tatay naman, napakakulit. Sabi nang huwag kumain ng mga matataba. Tuwing nakikipag-inuman iyun sa amin, kain ng kain ng matataba. Kaya hayun! Nagkaroon ng sakit dahil doon, at namatay. At hindi ko siya masisisi. At least, umalis siya sa mundo na masaya at habang kinakain niya ang gusto niyang kainin. Kahit ako, gusto ding kainin ang mga kinakain niya.”



     “I'm sorry ulit,” paghingi niya ng dispensa. “May maitutulong ba ako sa iyo? Kailangan mo ba ng pera, trabaho?” Mukhang dinudukot na ni Sir Henry ang pitaka niya sa likurang bulsa ng pantalon niya.



     Binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin. “Umm, hindi niyo po ba alam?”



     Nang nakuha na ni Sir Henry ang kaniyang pitaka, natigil naman siya sa sinabi ko. “Hindi alam ang alin?”



     Mas lalo akong nagtaka sa sinasabi niya. “Umm, nagtatrabaho po ako doon sa isang niyong, Aulric,” sagot ko. “Medyo mataas po siya magbigay ng sweldo kaya hindi ko po kailangan ang pera ninyo.”



     “Ganoon ba?” Ibinalik na ni Sir Henry ang pitaka sa likurang bulsa ng pantalon niya. “Okay ba siya sa iyo?”



     “Oras-oras po, gusto ko pong tumawag sa kaniya at magtanong kung may trabaho pa po ba akong babalikan,” nag-aalala kong sabi.



     “Huh?! Minamaltrato ka ba niya?” Bigla naman napalitan ng galit ang mukha ni Sir Henry.



     “Umm, hindi naman po. Kabaligtaran nga po ang nangyayari. Kasi po, umabsent po ako noong isang araw, tapos okay lang sa kaniya at bayad din daw po iyun. At nag-off din po ako ngayon, at may bayad pa rin po ako,” paliwanag ko. “Hindi ako sanay sa bagong boss ko ngayon. Kasi sa palengke, umabsent ka, wala kang pera. Hindi ka magtrabaho, wala kang pera.”



     Kumalma naman si Sir Henry. “Mabuti naman. Oo nga pala, tungkol sa pangalan ng boss mo-”



     “Ay! Wala po sa akin iyun. Hindi nga lang po ako sanay dahil nakangiti si boss-pekeng, Aulric tuwing nakikita ko. Naiintindihan ko naman po na nami-miss niyo din po siya kaya wala po kayong kailangan ipagpaliwanag sa akin kung bakit Aulric din ang pangalan niya.”



     Humugot ng malalin na hininga si Sir Henry. “Oo. Miss ko din siya. Ang bata na gusto kong ituring na anak pero hindi ako ang ama.” Itinuon naman niya ang atensyon sa puntod ni Ate Emma. “Kung kailan na masaya na ako na nagmamahalan kami, saka naman siya...”



     Ikinuyom ni Sir Henry ang kaniyang mga kamay. Hindi niya ipinapakita pero nararamdaman ko na galit si Sir Henry sa isang bagay. Hindi ko alam kung kanino pero nagagalit siya.



     Bigla naman naging mahinahon ang postura ni Sir Henry at humarap sa akin. “Oo nga pala. Kanina, may ipinapakiusap si Aulric, ang boss mo sa akin. Gusto niya na magbawas ng tauhan dahil sobra-sobra na daw ang mga gwardya sa paligid niya. Gusto niya na kumonti ang mga tauhan niya para daw hindi ako masyadong gumastos. Pumayag na ako kaya, anong oras ay iaanunsyo na niya sa inyo na magbabawas na siya ng tauhan.”



     Nag-aalala ako sa sinasabi ni Sir Henry. Nako! Mukhang isa ako sa mawawalan ng trabaho dahil sa mga pinaggagagawa ko.



     Muli, kinuha ni Sir Henry ang pitaka niya sa likurang bulsa ng kaniyang pantalon. Sa pitaka niya ay may inilabas siyang makulay na papel. Tinanggap ko ito at tiningnan ang papel. Sa papel, nandito ang pangalan niya, contact number niya, at ang address niya. Ang ganda namang business card ito. Medyo makulay, hindi gaya doon kay boss-pekeng, Aulric na ako mismo ang nag-print at nag-gunting para maging perpektong parihaba.



     “Kung isa ka sa mga tatanggalin niya, huwag kang mahiya na lumapit sa akin,” sabi ni Sir Henry. “May lugar ka sa akin, Randolf.”



     Gusto ko sana itong tanggihan dahil tinutulungan naman ako ni Zafe. Pero hindi na niya kailangan malaman iyun.



     Ngumiti lang ako at itinago sa pitaka ko ang kaniyang business card. “Salamat po.”



     “Mauuna na ako. Hanggang sa muli, Randolf. Mag-ingat ka,” paalam niya.



     “Kayo din po.”



     Lumakad na sa isang direksyon si Sir Henry kung saan ko nakitang dumaan si Derek. Bigla ko naman naalala si Zafe na iniwan ko sa puntod nila Shai at Ricky. Nang naglakad na ako pabalik sa lugar na iyun, hindi pa ako nakakadalawang apartment at nakita ko si Zafe na nagtatago. Marahil, kanina pa siya dito nakatayo.



     “Pasensya na,” paghingi ko ng dispensa kahit hindi ako sigurado kung anong dapat ihingi ko ng dispensa. “Kanina ka pa ba diyan?”



     Tumango lang siya sa akin. “Puntahan mo na sila Ricky. Palit naman tayo,” ngiti niya.



     Hindi ako sigurado kung hanggang saan ang narinig ni Zafe. Pero tumuloy na ako sa direksyon ng puntod ni Ricky. Pagkatapos naman kay Ricky, si nanay at tatay naman.



     Sa sasakyan pabalik sa Maynila, tahimik lang kami ni Zafe habang nasa kalsada. Hanggang sa may itinanong siya sa akin.



     “Maalala ko nga pala. Ano pala iyung nangyari sa pagdukot niyo doon sa PULSAR?” Tinutukoy niya ay si Chris.



     “Okay naman. Engaged na sila nung Joseph,” sagot ko.



     “At iyun ang gusto ni Aulric?”



     Nagkibit-balikat lang ako. “Sa totoo lang, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, dukutin at huwag saktan si Chris. Kung ano ang higit pa doon na gusto niya, hindi ko na alam.”



     “Iyung kay Kristel, hindi mo pa pala nai-kwento sa akin iyun. Ano nangyari doon?”



     7 months ago...

     Sa isang mamahaling brand ng damit, para akong tanga na ihinaharap ang phone sa mga damit. Maliban lang sa, hindi ako ganoon. Salamat sa bagong teknolohiya, pwede nang mag-window shopping si boss-pekeng, Aulric. Hindi ko alam kung para saan ba ang mga damit na ito or kung may pagbibigyan siya. Basta sumunod lang ako at ayos na iyun.



     “Iyan iyun boss,” rinig kong sinabi ng isa sa mga kasamahan ko.



     Tumigil ako nang narinig ang mga salitang iyun. Tiningnan ko lang ang damit sa harapan. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag kung anong meron sa damit, pero naaalala ko ang mga suot ng prinsesa. Kulay asul ang namamayaning kulay, at sa gitna ng damit ay may malaking kulay pula na bulaklak ang korte. Sa itaas ng damit may isang sign na nagpapahiwatig na bagong dating lang ang damit na ito.



     “Kunin mo na agad iyan at ipa-deliver dito sa condo. Bilis,” malumanay na utos ni boss-pekeng, Aulric.



     Hinanap ko ang pinakamalapit na saleslady para kaagad maasikaso na ang ipinapagawa ni boss. Nang nabayaran ko ito gamit ang credit card, umalis na ako sa lugar. Pero bago pa ako nakaalis ng tuluyan, may nakita akong pamilyar na babae na papasok din nung lugar na iyun. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung sino. Hindi naman ito si Camilla. Pero parang pamilyar talaga siya sa akin.



     “Ayun, sis!” excited na tili nito saka tumakbo papasok kasama ang lalaking kasama niya.



     Sinundan ko lang sila ng tingin para sakaling maalala ko kung sino siya. Saka ko lang napansin na tumakbo sila papunta sa damit na binili ko.



     “What?!” sigaw niya nang siguro'y malaman na may nakabili na nung napupusuan niyang damit.



     “Sis naman! Dapat kasi pina-reserve mo,” sabi nung kasama niya.



     Tuluyan na akong umalis sa lugar na iyun bago pa ako ituro ng saleslady na nakabili sa damit na iyun. Baka magkagulo kung mananatili pa ako. Sumusunod nga lang ako sa utos, mapapahamak pa ako.



     Sumunod na araw, nasa sasakyan kami ni Alexander, boss-pekeng Aulric. Hawak-hawak ko ngayon ang damit na ipinabili ni boss-pekeng Aulric habang umaandar ang sasakyan papunta sa destinasyon namin.



     “Randolf, kapag sumama na ang paligid, magtago ka lang sa likod ko,” bulong sa akin ni Alexander na katabi ko.



     Nanlaki ang mata ko sa sinasabi ni Alexander. Ano ang mangyayari para balaan niya ako ng ganoon?



     Maya-maya ay huminto na ang sasakyan sa harapan ng isang building. Lumabas kami ng sasakyan. Ang unang kapansin-pansin sa building ay napakaraming tao ang pumapasok. Magagarbo ang kanilang kasuotan na para bang may party na nagaganap sa loob.



     “Randolf,” tawag sa akin ni Alexander.



     Nang humarap ako ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. Isang senyas na tumayo ako ng tuwid. May ipinulupot sa akin si Alexander sa gitna. At base sa suot niyang black suit at sa parehas na suot ko, mukhang iyung maiitim na bowtie ang nilalagay niya sa leeg ko.



     “Naalala mo ang sinasabi ko?” tanong niya.



     Tumango lang ako.



     “Kaya sa tabi lang kita at magiging ayos ang lahat.”



     Isang tango ulit.



     Lumakad na kami papasok sa building. Sa harap si boss-pekeng Aulric at sa likod kami ni Alexander. Napansin ko naman na papunta kami kasabay ang mga tao na mukhang pupunta sa isang party. At nang pumasok kami sa isang napakalaking hall, hindi ako nagkamali sa hula ko na dito kami pupunta.



     Tumingin ako sa gilid at nagulat ako kung ano ang meron. May nagse-celebrate ng birthday. At ang birthday boy or girl ay si Kristel, iyung nakasalubong ko isang araw, at iyung tao na nakita ko sa burol ni Aulric.



     Hindi ko alam na kilala pala ni boss-pekeng Aulric si Kristel. Paano niya ito nakilala? Nagki-kwento kaya si Derek tungkol sa buhay nuon ni Aulric?



     Pero hindi ko maiwasan na mapangiti. Mukhang andito kami sa party para bigyan ng napakagandang regalo si Kristel. Teka, bakit nga pala binili namin ito? Hindi kaya nila alam na bibilhin ito ni Kristel? Napakabait naman talaga ni boss-pekeng Aulric.



     Pagkapasok sa party ay mukhang may sayawan na nangyayari sa bulwagan. Diretso lang kaming lumakad hanggang sa naaabot na ng mata ko si Kristel na tinatanggap na ang kaniyang mga regalo. Napakaganda niya sa suot niyang pambalerina. Siguro may performance siya kanina o magpe-perform pa lang siya.



     “Kristel, it's nice to meet the birthday girl,” sabi ni boss-pekeng Aulric.



     Nagtakang tiningnan siya ni Kristel. “And you are?”



     “Oh! My apologies!” Nag-bow naman si boss-pekeng Aulric. “I'm Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor.”



     Gaya ng inaasahan, nagulat si Kristel. Dahil siguro sa pagkaka-alala niya, patay na ang kaibigan niya na ang pangalan ay Aulric.



     “And I've gotta say na napakapangit ng suot mo ngayon,” biro ni boss-pekeng Aulric dito.



     Lahat ng nakarinig ay nagulat sa sinasabi ni Aulric. Bigla naman na akong nag-alangan sa binibiro ni boss-pekeng Aulric. Hindi ba't napakasakit naman nung sinabi niya? Ahh, naaalala ko tuloy ang tunay.



     “It's your birthday. Dapat maganda ka. And I have a gift just for you.” Pinatunog ni boss-pekeng Aulric ang daliri niya sa kanan kung saan ako nakatayo.



     May ngiti na humakbang ako pasulong at ibinigay ang regalo kay Kristel. Pero si Kristel, mukhang hindi natutuwa. Kinuha naman niya ito at kaagad na binuksan ang packaging ng regalo. Nagulat siya sa laman ng regalo. Mas nagulat naman siya, at pati na rin ako nang kinuha niya ang laman ng regalo at nakakuha siya ng isang malaking piraso ng tela. Naibagsak niya ang regalo dahilan para mahulog din ang laman nito. Kitang-kita ko naman sa aking kinatatayuan na mukhang pinagpira-piraso ni boss-pekeng Aulric ang biniling kasuotan.



     “How dare you!” sigaw ni Kristel.



     Sinugod ni Kristel si boss-pekeng Aulric. Akmang didipensa ako para kay boss-pekeng Aulric pero pinigilan ako ng palad ni Alexander na nakadantay sa dibdib ko. Mukhang gustong suntukin ni Kristel si boss-pekeng Aulric pero nasalo niya ito at hinawakan sa pulsohan. Nanlaki ang mata ni Kristel. Maya-maya ay sinubukan niyang bawiin ang kaniyang kamay, pero mukhang hindi bumibitaw si Aulric.



     “Remember this moment?” tanong ni boss-pekeng Aulric na ngumiti. “Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari pagkatapos?”



     Mas lalong sinisikap ngayon ni Kristel na bawiin ang kaniyang kamay. Dahil ginagamit na niya ang isa pa niyang kamay para makaalis sa hawak ni Aulric. Bigla naman binitawan ni Aulric ang pulsohan niya dahilan para matumba siya.



     “Luamabas ka! Labas!” sigaw ni Kristel sa kaniya.



     “Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa anak ko?!” sigaw ng kung sinong babae, na mukhang Mama ni Kristel sa kabilang dulo ng bulwagan. Kitang-kita ko na naglalakad na ito palapit sa amin.



     “Tara na,” sabi ni boss-pekeng Aulric na may ngiti sa labi nang hinarap niya kami.



     Sumunod lang ako. At kahit gusto kong lumingon, hindi ko ginawa. Mukhang kaaway ni boss-pekeng Aulric ang babae at baka ganoon din sa tunay? Hindi ko alam.

     “Ginawa niya iyun?” hindi makapaniwalang tanong ni Zafe.



     Tumango lang ako.



     “Bakit naman niya gagawin iyun?” tanong ni Zafe sa sarili.



     “Baka kagalit nung tao si Kristel at hindi lang  maalala ni Kristel kung sino siya sa mga kagalit niya?” hula ko.



     “Sa tingin mo kaya, retokada ang boss mo?” kunot-noong tanong ni Zafe.



     “Hindi ko alam,” iling ko. “Ni hindi ko alam kung ano ba ang mga palatandaan na retokada ang isang tao.”



     “Kapag masyadong maganda o guwapo ang isang tao.”



     Tiningnan ko lang si Zafe.



     “Okay, natural itong mukhang ito,” dipensa niya. “At kung tutuusin nga, ako nga ang dapat tumitingin sa iyo. Kaya lang nagmamaneho ako.”



     “Parehas naman natin alam na hindi ko kayang magparetoke.”



     “Ay! Nagbibiro lang ako. Basta ang alam ko, kapag kahina-hinala na guwapo o maganda ang isang tao, retokada iyun. Pero, scratch that. Hindi reliable na indication. Anyway, para sa boss na mukhang may galit kay Kristel, parang napakagrabe naman. Kahit iyung tunay, hindi iyun kayang gawin.” Biglang may naalala si Zafe. “Oh wait, nakapatay na pala siya ng tao.”



     “Huh?”



     Tumunog ang phone ni Zafe. Pinindot lang ni Zafe ang isang buton na nakalagay sa screen at sinagot ang tawag.



     “Daddy,” sabi nung boses, si Felric.



     “Hey baby,” bati ni Zafe. “Bakit ka napatawag? Pasensya na at hindi kaagad nakakauwi si Daddy. May dinaanan lang kaya baka tulog ka na kapag nakarating ako.”



     “Hintayin na lang kita,” tinatamad na tugon ni Felric. Mukhang inaantok na siya.



     “Ay! Huwag! May pasok ka pa bukas kaya kailangan mong matulog.”



     Rinig namin na humikab ito sa kabilang linya. “Basta ha! Lutuan mo ako bukas!” demand nito.



     “Okay. Love you anak! Tulog ng mabuti.”



     “Love you din po, daddy. Mwah!”



     “Tara na baby. Matulog ka na,” rinig naming sinabi ni Colette na tinapos na ang tawag.



     Nang natapos na ang tawag, nakita ko ang ngiti niya na umaabot ng tenga. Siguro dahil sa anak niya. At iyung ngiti niyang iyan, bigla kong naalala ang isa sa mga panaginip ko.



     Maya-maya ay lumuha na ang langit. Nawala bigla ang ngiti niya. Kapansin-pansin ang pagbagal ng pagpapatakbo niya sa sasakyan. Siguro para makaiwas sa disgrasya. Ahh! Ngayon ko lang naalala. Nadisgrasya daw sila ni Aulric habang umuulan. Pumalya daw ang preno niya kaya nang...



     “Alam mo bang napapanaginipan ko siya?” bilang sabi ni Zafe sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. “Napapanaginipan ko siya na naunang bumangon sa akin pagkatapos ng trahedya. Humihingi siya ng tulong at may rumesponde. Tapos siya sana ang unang ililigtas ng rumesponde. Kaya lang, hindi siya nagpauna. Ako ang pinauna niyang iligtas dahil kaya niya daw iligtas ang kaniyang sarili. Hindi ko alam kung bakit pero may problema daw sa akin sabi nung nagliligtas sa akin. Tapos nang nakalabas na si Aulric, tinulungan niya iyung nagliligtas sa akin dahil nakakaamoy na siya ng gas. Kailangan makalabas ako ng sasakyan bago pa ako mawala sa kaniya. Nawalan ulit ako ng malay. Pero nang nagkamalay ulit ako, nasa labas na ako at nakayakap si Aulric sa akin, sinasabi niya na okay lang ang lahat. Ligtas kaming dalawa.”



     Hindi ako umimik. Isang sensitibong bagay na naman ang pinag-uusapan namin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin para pagaanin ang, kalooban niya.



     “Gusto kong gumising sa panaginip na iyun,” dagdag ni Zafe. “Ang ibig kong sabihin, gusto kong magising sa senaryo na iyun kung saan nailigtas niya kami pareho. Kaya lang, imposibleng mangyari ang ganoon.”



     “Ganoon din ako,” sabi ko. “Napanaginipan ko din ang mga magulang ko na buhay pa. Iyung panaginip, parang totoo talaga. Parang nasa ibang mundo. Pero hindi ko mundo iyun at tanggap ko na kahit kailan, hindi ko magiging mundo iyun. Zafe, tanggapin mo din iyun. Siguro ang gawin na lang natin ay maging masaya sa mga bersyon nating iyun na nabubuhay kasama ang mga minamahal nila. At tayo, maghanap ng ibang bagay para maging maligaya tayo. Hindi ba, iyan naman talaga ang ikinabubuhay ng lahat ng tao? Ang maging maligaya? Ikaw, maligaya ka sa anak mo. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo na nakangiti kapag pinapakinggan ang boses niya?” Hindi ko sinama iyung parte na magkahawak-kamay sila ni boss-pekeng Aulric sa panaginip ko. Hindi iyun importante.



     “Oo, nakikita ko. Kaya lang, hindi ko talaga maiwasan na mapatingin sa nakalipas. Ang ulan, ang kotse na ito, at siya. Lahat nang iyun bumabalik sa akin.”



     Ihininto na muna ni Zafe ang kotse. Siguro hinihintay niya na tumila ang ulan. Nang nilingon ko siya, may butil ng luha akong nakita na dumaloy. Kaagad niyang pinunasan ito gamit ang kaniyang kamay.



     “Pasensya na talaga,” paghingi niya ng dispensa. “Tang ina kasi. Hay nako!”



     Kinuha ko lang ang phone ko tsaka may hinanap sa aking mga files. Nang nahanap ko ang hinahanap ko ay binuksan ko.



     “Dali. Praktis tayo. Ano ang gusto mong sabihin kay daddy?” sabi ng boses ko sa phone na ipinakita ko kay Zafe.



     “Happy Birthday sa iyo Daddy!” bati ni Felric sa kaarawan niya noon. “I wish that you will be healthy and live longer para makasama din kita ng matagal. I'm sorry kung minsan ay matigas ang aking ulo. I'm sorry na minsan ay makulit ako. I love you and Happy Birthday sa iyo!”



     “Yehey!”



     Bumalik ulit ang ngiti sa labi ni Zafe nang natapos na ang video. Pero ang luha niya ay nagpapakita pa rin, hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa saya.



     “Hoy, paano mo naikalong iyang si Felric?” tanong niya na pinupunasan pa rin ang kaniyang luha. Pinaandar niya ulit ang sasakyan.



     “Huh? Pinakalong ko siya,” sagot ko habang binabalik ang aking phone. “Sabi ko lang sa kaniya dati, halika ka kay ninong. Kalong ka tapos mag-practice ka kung ano ang sasabihin mo kay daddy.”



     “Ang tigas ng ulo niyan. Ayaw magpatabi sa upuan. Ewan ko kung bakit iyan ganyan.”



     Binuksan ni Zafe ang radyo. Naglipat-lipat siya ng istasyon habang nag-uusap kami. Lumipat na ang usapan namin tungkol sa mga napapanood namin sa telibisyon hanggang sa tumigil na siya sa paglipat dahil nahanap na niya ang paborito niyang istasyon. Malayo na sa nakaraan ang usapan namin dahil masasakit na alaala lang ang mapag-uusapan namin. Kailangan na namin pag-usapan ang kasalukuyan at tungkol sa hinaharap dahil nagbibigay iyun sa amin ng pag-asa at tapang para harapin ang bukas.



Zafe's POV



     Umaga na naman nang nagising ako. Luto dito, luto doon, bukas TV, punta sa MYX. Sa gitna na pagluluto ko ay may kamay na pumulupot sa aking katawan.



          “Good morning,” bati ni Colette.



     Kinuha ko ang kamay na nakapulupot sa akin at hinalikan ko ito. “Good morning,” bati ko.



     Maya-maya ay kumawala na siya. Kinuha na niya ang mga kubyertos para maghanda sa aming agahan. Hininaan ko naman ang ingay na nagmumula sa TV.



     “Colette,” tawag ko sa kaniya. “I'm sorry nga pala.”



     Napahinto naman siya at humarap sa akin. “Para saan naman?”



     “Tungkol sa sinabi ko noong isang araw. Iyung sinabi ko na maghihiwalay tayo kung hindi ka makikipag-ayos kay Randolf.”



     Umiwas siya ng tingin at bumalik din sa akin.



     “You are your own person. At kung ano man siguro ang ayaw mo, wala na akong magagawa doon. Kasal na tayo at ayokong maghiwalay tayo dahil lang sa pinipilit ko ang gusto ko na magka-ayos kayo. Pero please. Tratuhin mo naman iyung tao bilang tao din, katulad mo. Iyun lang ang hinihingi ko. Huwag ka naman sana dumagdag sa mga bagay na iniisip niya ng matagal. Sinasabi niya na okay lang ang mga nangyayari sa pagitan ninyo. Pero I know, deep inside, it's not. I've been there, done that thing. Until I believe na totoo iyung sinasabi ko.”



     “You know what, I should be the one who should tell you that. I'm sorry for not trusting you, this whole time,” tugon kaagad ni Colette. “You know, may history kasi ang family ko sa mga katulad nila kaya I am not keen to be around Randolf. At medyo naalarma ako dahil kaibigan mo siya at pinapalapit mo siya sa kaniya si Felric. Then I forgot na mag-asawa pala tayo. I forgot na you will place us before everybody else. Kaya, okay na sa akin kung magkakaroon ng interaction ang pamilya natin kay Randolf. It is for the best. Masaya ka sa kaniya, masaya din si Felric sa kaniya. That is what is being married to you is all about, hindi ba? Ang maging masaya ang kabiyak mo.”



     Hindi ko ma-contain ang saya na nararamdaman ko nang narinig ko ang mga salitang iyun kay Colette. Kaagad na lumapit ako sa kaniya at humalik sa labi niya.



     “I accept your apology,” sabi ko nang naghiwalay na kami.



     “At ganoon din ako,” tugon ni Colette. Humalik ulit siya sa akin tapos naghiwalay na kami. “Gigisingin ko na si Felric para kumain.”



     Maya-maya ay handa na ang aming agahan. Lumabas na si Felric mula sa kwarto niya kasama ang kaniyang Mommy. Kung may ilalaki pa ang ngiti sa labi ko, mas lalo pa iyun lalaki matapos makita ang mag-ina ko na masaya.



     Nang tumingin ako sa telebisyon, isang interview na naman nung pekeng Aulric ang pinapakita. Pinatay ko lang ang telebisyon saka ihinain na ang aming agahan. Focus lang dapat ako sa mga bagay na magpapasaya sa akin. Ang pamilya ko.



Randolf's POV



     Natapos na ang meeting namin ngayon ni boss-pekeng Aulric. At nag-desisyon siya na kaming dalawa ni Alexander ang matitira na magtatrabaho para sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag dahil may trabaho pa rin ako at hindi na ako mahihirapan na maghanap ulit. Well, hindi naman talaga ako mahihirapan na maghanap ulit dahil may mga backup plan ako kung saan ako magtatrabaho kung sakaling matatanggal ako.



     Ngayong araw ay may ginagawa ako sa computer. Nagta-type ako ng pangalan sa Word na nakapaloob sa isang parisukat na papel. Pero hindi naman dito ipi-print dahil iyun ng utos ni boss-pekeng Aulric



     Sa pagta-type ng pangalan, nakita ko ang pangalan ni Kurt Lee at ang pangalan niya. Binasa ko naman ngayon ang mga salita na nakapaloob sa Word. Invited, Birthday, Henry. Mukhang naghahanda si boss-pekeng Aulric para sa birthday ng stepfather niya. Napakabait naman.



     Sa pagta-type ng pangalan, nakita ko ang apelyido ni Zafe at ang pamilya niya. Napahinto lang ako dahil nag-aalangan ako sa pinapagawa ni boss. Hindi niya ba alam na mortal na kaaway na ng kaniyang papa ang pamilyang ito? Kahit si Zafe, ewan ko kung masisiyahan siya na makita niya ito sa kaarawan niya.



     “Anong problema at tumigil ka?” tanong ni Alexander na mukhang nakatingin sa akin habang nakaupo siya sa pan-isahang sofa at umiinom ng kape.



     “Well, nakikita kong nag-o-organize si boss ng party para sa stepfather niya,” sabi ko at hinihinaan ang aking boses para siya lang ang makarinig, kung sakaling andito si boss-pekeng Aulric.



     “Lumabas siya, huwag kang mag-alala,” sabi ni Alexander sabay sipsip sa kapeng iniinom niya.



     “At nakita ko na imbitado din ang mga tao na nasa banned list ng tatay niya, kung meron iyung tao,” dagdag ko.



     “Huwag mo ng intindihin iyan. Hayaan mo na lang siya sa gusto niyang gawin. Alam mo, excited kaya siya na siya ang mag-o-organize ng party. Kaya, kung gusto niyang imbitahin iyung mga tao, siguro hayaan mo na lang.”



     Binasa ko ulit ang mga taong imbitado sa party. Nandito ang magkakapatid na Bourbon at ang kanilang mga pamilya. Nandito din ang mga mahahalagang tao sa Rizal, kahit ang pulis nandito din. Siguro, napaka-engrande ang magiging party na ito. Teka, si Kristel ba iyung nakikita ko?



     Narinig kong bumukas ang pintuan. “Guys, kailangan ko ang opinyon niyo sa magiging kulay at design ng lamesa sa party,” bungad ni boss-pekeng Aulric. “Kung ikaw ay isang matanda at malapit nang mamatay, anong kulay ang gusto mong makita sa party mo bago ka man lang matigok?” tanong niya sa amin sabay ipinakita niya ang mga tela na may iba't ibang kulay at design.



     May itinuro kaagad si Alexander.



     “Kung ano ang kulay nung birthday celebrant,” naisagot ko.



     Matalim ang tingin sa akin ni boss-pekeng Aulric. Parang mali ata ang nasabi ko.



     “Magandang ideya.” Sinenyasan niya si Alexander na tumayo. “Alexander, mag-overnight tayo sa Rizal. Ihanda mo na ang kotse.” Tinuro naman niya ako. “Ikaw, save mo na iyan sa flash drive at doon mo na iyan ituloy. Maghanda ka din ng ilang damit. Kailangan sa loob ng 15 minutes, nakaalis na tayo.”



     “Okay boss,” tugon naming dalawa.



     “Go.”



     Habang sine-save ang gawa ko sa flash drive, napaisip ako kung bakit inimbita talaga niya ang mga taong nasa banned list ng stepfather niya? Gusto niya bang asarin si Sir Henry sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga taong ayaw niya doon sa party?



Jin's POV



     Sa hapag-kainan, hindi kami kumpleto na naghahapunan. Wala kasi si Sharina dahil nagkulong na naman siya sa kwarto.



     “Jin, ano itong balak mo na lumipat sa Maynila?” tanong ng Papa ko.



     “Narinig ko po kasi na made-destino po sa Maynila si Isaac. Kaya naisip ko po na sumunod sa kaniya at magpadestino din sa Maynila,” nakangiting paliwanag ko saka nagpatuloy sa pagkain.



     “Sigurado ka ba na iyan lang ang dahilan? Baka sinusundan mo lang si Isaac dahil may bagay na namamagitan sa inyong dalawa?” pang-aasar ni Tito Antoine.



     “Antoine, huwag ganyan. Hindi naman lahat ng lalake ay pinapatulan ng anak ko,” saway ni Papa.



     “Nagtataka lang naman ako. Lilipat ka kung kailan lilipat si Isaac,” dagdag pa ni Tito Antoine.



     ”Matalik ko po siyang kaibigan kaya gusto ko siyang samahan. Tsaka po, gusto ko pong ma-experience na magtrabaho po sa Maynila,” dagdag paliwanag ko.



     “O baka dahil iyan sa pekeng Aulric?” tanong ni Tito Marcus na masama na ang timpla ng mukha dahil sa nangyari noon.



     “Tito, tandaan niyo po na patay na iyung tunay at huwag niyo naman pong idamay ang tao na may parehas na pangalan,” pagpapaalala ni Kuya Dexter.



     “Patay na nga. Ganoon din ang relasyon ko sa anak ko,” mapait na wika niya sabay tumayo. “Nawalan na ako ng gana. Kumain kayo ng mabuti.” Umalis na si Tito Marcus sa hapag-kainan.



     “Hay, nako! Si Marcus talaga. Baka ilang araw lang at makikita niya ulit iyung tao tapos ganyan siya,” iling ni Tito Antoine.



     “Antoine, huwag kang ganyan. Hayaan mo na ang tao. Mapapatawad niya din ang patay pagdating ng araw,” saway ni Papa sa kaniya. “Balik tayo sa pinag-uusapan natin anak. Siguro ka ba sa gusto mo? Ayaw mo na ba dito sa Rizal?”



     Natigil ako sa pagkain. “Hindi naman po sa ayaw ko na dito sa Rizal. Gusto ko lang po kasi makita kung ano ang nangyayaring trabaho sa Maynila. Gusto ko lang po maranasan ang-”



     “Pagiging late sa apppintment ng mga ilang minuto,” putol ni Papa.



     Umiling lang ako. “Hindi po iyun ang gusto ko. At tsaka po, nandoon din po ang ilan sa mga kaibigan ko. Nandoon si Zafe, Knoll, at Andrew...” Hindi na ako magpatuloy dahil sigurado naman ako na nakukuha ni Papa ang gusto kong iparating.



     “If you say so,” ngiti ni Papa. “If you want to experience Manila, experience it. Basta huwag ka lang umuwi dito na luhaan.”



     “So pumapayag na po kayo?”



     “Of course. Sa susunod na linggo ay ililipat din kita.” Nagpatuloy na si Papa sa pagkain.



     “Salamat po, Papa,” ngiti ko at kumain na din.



     “Your welcome.”



     Maya-maya ay pumasok ang isa sa mga maids at ibinigay ang lahat ng sobre sa tabi ni Papa.



     “Bakit napakaraming sobre niyan?” tanong ni Tito Marcus.



     “Ewan ko,” sagot ni Papa. “But this one is for you, for you, and for you.” Binigyan din kami ni Papa ng sobre.



     Pagkabukas sa sobre, nalaman ko na imbitasyon pala ito ni Tito Henry para sa kaniyang birthday party.



     “Ahh! Kay bilis ng panahon. Magsi-singkwenta na pala siya,” wika ni Tito Antoine.



     Nawalan na ako ng interes sa pumunta sa birthday party ni Tito Henry. Pero nagulat ako matapos mabasa ang pinakababa ng imbitasyon.



     “Mr. Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor.”



     “Huhulaan ko, kay Marcus at Sharina ang mga natitirang sulat,” hula ni Tito Antoine.



     “Mukhang imbitado tayong lahat,” tugon ni Papa.



     “Ano ba ang iniisip niya at nagpadala pa siya ng imbitasyon doon sa dalawa?” tanong ni Kuya Dexter sa sarili.



     “Out of respect, Dexter,” sagot ni Papa. “Napakabastos naman kung pili lang sa pamilya natin ang pinadalhan ng imbitasyon. Maliban na lang kung tungkol sa kaniya ang party na ito.”



     “Hindi ako pupunta,” kaagad na sabi ni Kuya Dexter.



     “No, lahat tayo ay pupunta,” pag-deklara ni Tito Antoine. “Kahit si Marcus at Sharina, papupuntahin natin.”



     “Anak, mukhang made-delay ang paglipat mo kaya sa susunod na susunod na linggo na lang ang paglipat. Pasensya na dahil kailangan ay nandito tayong lahat sa party na ito,” wika ni Papa.



     “Okay lang po,” tugon ko.



     Tiningnan ko ulit ang imbitasyon na hawak ko. Nadaanan ko ulit ang pangalan ni pekeng Aulric. Hindi halata pero excited ako sa pagkikita naming muli.



ITUTULOY...




No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails