Followers

Thursday, August 1, 2019

Loving You... Again Chapter 70 - Thinking Of You







  



Author's note...






Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.


At nagbabalik na naman tayo sa kwento ni Aulric, o si Aulric nga ba? Sa ibang bagay naman, may kaunting bagay ako na iniba, o iibahin pa lang sa Chapter 24. Hindi ko talaga napag-isipan na iyung Aulric na makikilala natin ay, basahin niyo. Ipapaliwanag ko na lang bukas kung bakit, iyun ang nagyari. Heto na po ang Chapter 70!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |











Chapter 70:
Thinking Of You











































Zafe's POV



      Sa kalagitnaan ng aking kamalayan, naaaninag ko ang bibig ni Aulric. Pero nagtataka ako kung bakit masakit ang aking ulo. Masakit ang aking katawan. Ano ang nangyari?



      “...fe, gumising ka!” rinig kong sigaw niya.



      Habang sumisigaw siya ay parang may nakita siya.



      “Tulong!” sigaw naman niya ngayon.



      May nakikita akong isang pares ng paa na naglakad papunta sa kaniya.



      “Kaya kong lumabas. Siya muna ang unahin mo,” sabi niya sa tao.



      Nakalabas nga si Aulric gaya ng sinabi niya. Sa pintuan na malapit sa akin, sinubukan nila na sirain ang pintuan.



      “Shit! Langis ba iyung naaamoy ko? Sasabog ba ang kotse?” narinig kong tanong ni Aulric.



      “Posible...” narinig ko habang nawawala na naman ako ng malay.



      Nabuksan na nila ang pintuan ng kotse ko. May isang tao naman na hindi ko kilala ang tiningnan ang kalagayan ko.



      “Hindi maganda ito,” rinig kong sinabi ng tao.



      Nang bumuka ang aking mata, saka ko lang napansin na umuulan. Maya-maya ay may narinig akong bagay na sumabog.



      “Okay lang ang lahat, okay lang,” rinig kong sinasabi ni Aulric na nakayapos sa akin.



      “Kriiiiing!"



      Bigla akong nagising sa ingay ng aking orasan. Binigyan ko ng saglit na oras ang aking panaginip kanina pero binalewala ko na muna ang bagay na iyun. Sa aking paningin ay nakikita ko ang aking limang taon kong anak na mahimbing na natutulog.



      Gumising agad ako at tumungo sa kusina para magluto. Alas-singko pa lang ng umaga at gising na ako para personal na lutuin ang magiging pagkain ng anak ko. Sa kalagitnaan ng pagluluto, inilabas ko ang aking phone para makita ang mga dapat kong gawin ngayong araw. Technically, wala. Pero hindi ko dapat pabayaan ang trabaho ko kahit nasa pamilya namin ako nagta-trabaho.



      Mabilis naman na-resolba ang iniisip ko kaya napunta na naman ang isip ko kay Aulric. Anim na taon na ba noong namatay siya? Hindi ako sigurado. Pero maganda ito. Unti-unti na akong nagmo-move on.



      Binuksan ko lang ang TV at hindi na ako nag-aksaya na magpalit ng channel. Naghanap naman ako ng plato para makakain na. Nang bumalik ako sa TV, nagulat ako sa pangalan na naka-flash sa TV.



      “Mr. Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Producer.”



      Hindi ko alam ang dapat maramdaman nang mabasa ko ang buong pangalan niya. Wala akong pakialam kung ano ang mukha ng taong ito. Pero iyung pangalan, bakit niya ginagawa ito? Alam kong galit siya sa akin noon pero, hindi ko alam. Kailangan niya bang gawin ito?



      Kaagad naman na nag-ingay ang aking phone. Sa messenger, may isa sa mga group chat na nagpadala ng mensahe.



      “Is this a joke?” basa ko sa caption ni Caleb na pinost din iyung nakikita ko ngayon sa TV.



      Patuloy naman na nag-ingay ang phone ko.



Knoll: Derek? Andyan ka ba? Ano ito?



Camilla: Guys, kaaga-aga. So ingay.



Andrew: Derek?



      Tiningnan ko lang ang messenger at hinihintay na magsalita si Derek. Pero nag-seen lang siya.



      “I believe in the talent of these people,” sabi nung pekeng Aulric sa nag-interview sa kaniya. “I believe that with my investments to the right people, this movie will be a big hit.”



      “So, binigay mo halos lahat para sa movie na ito?” tanong ng interviewer.



      “Of course! When Joseph, and Chris accepted the roles, I really throw away my money for this movie. The chemistry of these people is so good.”



      “But the movie is not all about them, right? I saw the trailer.”



      “Ohh, it's just a trailer. Remember that in Infinity War, Hulk made an appearance to the war. But in the actual movie, Hulk didn't made an appearance. He was scared of Thanos.”



      “So what will happen in this movie?”



      “That is the thing that you need to find out yourself.”



      Nagbigay ng interesadong tingin ang interviewer kay pekeng Aulric. “Mr. Aulric, would you like to invite our viewers to watch the movie?”



      Umayos ang anggulo ng camera at tumingin dito si Aulric. “Everyone, I am the producer the movie...” Tumingin muna sa gilid si Aulric at mukhang kinakausap iyung interviewer. “You know, iyung sinabi kong pangalan ng movie, working title pa lang iyun. Baka magbago sa release date kaya hindi ko muna sasabihin iyung title?”



      Mukhang tumango-tango ang interviewer sa gilid ng camera at humarap ulit si pekeng Aulric sa camera.



      “So iyun, i-search niyo sa youtube ang mga clips at trailers. Featuring, Joseph Arthur Mendoza and Christian Castillo from the hit boyband, PULSAR, and our beautiful Marie Chua. I invite you to support their newest movie when it comes out in theatres.” Mukhang tumingin naman si Aulric sa mga live audience ng show. “At dahil diyan, iyung mga live audience natin dito ay makakatanggap ng coupon para sa isang libreng ticket sa lalabas na movie!”



      Nagpalakpakan naman ang mga manunuod at inilipat ng cameraman ang focus dito. Mukhang tuwang-tuwa ang mga audience sa narinig nila.



      “Magbabalik po tayo makalipas ang ilang paalala,” sabi ng interviewer.



      Gumalaw ulit ang camera at bago pa man mag-commercial, nakatutok ulit ang camera sa pekeng Aulric at mukhang kinakausap pa ang interviewer. Anong ibig sabihin nito? Kailangan ba talaga na Aulric ang ipangalan niya dito sa kung sinong taong ito? Alam ko naman na kung buhay ang tunay na Aulric, magiging ganyan ang buong pangalan niya. Or Aulric Neville.



      Humugot ako ng malalim na hininga. Kung ano ang ginagawa nito ni Tito Henry, isa itong malaking kalapastanganan.



Jin's POV



      Sa aming mansion, sa kusina, nagtitimpla ako ng kape para sa sarili ko. Isang umaga na naman ang sumambulat sa akin. Walang ibang iniisip kung hindi ang paulit-ulit siguro na mangyayari sa buhay ko. Hindi sa may hinahanap akong kakaiba, or masamang bagay na mangyari sa akin. Ang hinahanap ko ay kung kailan ba ulit kami magkita-kita ng mga kaibigan ko. Iyan na lang ang inaabangan ko ngayon.



      Hinipan ko ang kape at sumipsip ng kaunti. Sabi ni Papa, bakit hindi daw ako maghanap ng mapapangasawa kagaya ng mga kaibigan ko? Kagaya ni Zafe para naman daw hindi maging boring ang buhay ko? Oo, hindi nga boring ang buhay na ganoon. Pero may hinahanap ako. Isang bagay na hindi ko na siguro mahahanap pa dahil...



      Nagpakawala lang ako ng malalim na hininga. Pero kahit na. Kailangan maging positibo ako. Marahil ay halos paulit-ulit nga, pero dapat ay mabubay ako. Dahil kung patay na ako, hindi ko na mahahanap ang matagal ko nang hinahanap. Naniniwala ako na darating din ang araw na iyun.



      Tumungo ako sa sala at naabutan si Kuya Dexter na nakalagay ang paa sa coffee table na nasa harapan niya. Pa-lipat-lipat lang siya ng channel sa TV gamit ang remote na nasa phone. Sa totoo lang, wala siya sa kaniyang sarili. Kasi, naka-dalawang lap na siya sa buong channel na meron ang TV, pero hindi pa rin siya tumitigil.



      “Kuya, manonood ako ng balita,” marahang sabi ko.



      Ibinaba na niya ang phone. Kinuha ko naman ang remote saka umupo sa solong upuan na nasa malayong kanan nya at ibinaba ko ang aking mug sa coffee table. Habang nanonood ng balita, hindi ko maiwasan na tumingin sa kaniya dahil hawak-hawak niya iyung phone mula sa karaniwang ginagawa niya na nakalapag ito.



      “Hindi pa rin ba siya tumatawag?” maingat na tanong ko.



      Galit na tiningnan lang ako ni Kuya Dexter. Pero hindi siya tumayo para saktan ako o ano. Nakakahawa na kasi iyung pagiging-depressed niya.



      “It's been months,” mahinang bulong niya sa sarili, pero narinig ko iyun.



      3 months ago...

      Nag-boluntaryo ako na maging isa sa mga waiter ni Kuya Dexter para masaksihan ang matamis na oo ni Natasha para pakasalan siya. Nasa likod-bahay kami at naglagay ng tolda para sa magiging lugar ng date ng dalawa at mga ilang musicians para sa ambiance, para mukhang magical romantic. Kumain ang dalawa ng masarap na hapunan, ice cream, dessert, at hindi maiwasan na tumunog ang aking tiyan dahil nagugutom na din ako sa mga nakikita ko kahit na kumain na ako kanina pa. Hindi nga lang iyung mga nakahanda ang kinain ko.



      Nang halos patapos na ang kainan, tumayo si Kuya Dexter at lumuhod sa harapan ni Natasha.



      “Will you marry me?” tanong ni Dexter nang inilabas na niya ang singsing na nakatago pala sa puwet ng champagne glass.



      Nanlaki ang mata ni Natasha at hindi makapagsalita. Biglang tumigil sa pagtugtog ang mga musikero para marinig naming lahat ang matamis na oo ni Natasha. Habang naghihintay sa isasagot niya ay naririnig ko na ang kabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako na baka hindi pumayag si Natasha at ang lahat ng mahika sa paligid ay mawala.



      Habang nakatingin ako ay kitang-kita na may tumakas na luha sa gilid ng mata ni Natasha.



      “I can't,” bulong ni Natasha.



      At iyun nga. Biglang nawala ang hiwaga sa paligid sa mga salitang iyun.



      “W-What? W-Why?” pautal-utal na tanong ni Kuya Dexter.



      Tumayo si Natasha at itinayo si Dexter.



      “Is it too early for marriage or...”



      Naputol ang tanong ni Kuya Dexter nang hinalikan siya ng malalim ni Natasha. Saglit na hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Lumuluha si Natasha habang nakahalik kay kuya, hindi siya pumayag na magpakasal kay Kuya Dexter.



      Nang naghiwalay na ang labi ng dalawa, may ibinulong si Natasha dito saka tumakbo na siya palabas ng bahay. Natulala si Kuya Dexter sa nangyari. Maya-maya ay hinabol niya si Natasha. Pero huli na nang humabol siya dahil nakaalis na siya ng mansyon. Umalis si Natasha sa mansyon na biniak ang puso ni Kuya Dexter.

      “Alam mo, ang sabi niya sa akin noon, wait for me.”



      Lumingon ako kay Kuya Dexter na nagsasalita pala.



      “I can't say yes to you right now. But I will,” patuloy ni Kuya. “Hindi ko maintindihan. Anong ibig sabihin niya doon?”



      Unang beses ko itong nalaman kay Kuya. Iyun pala ang sinabi ni Natasha sa kaniya. Pero hindi ko pa rin maintindihan. Bakit hindi pa pwedeng magpakasal si Natasha kay Kuya?



      Ini-stalk ko ang mga social media accounts ni Natasha. Wala namang kakaiba sa mga account niya maliban sa mga litrato niya kasama si Kuya.



      Litrato namin nang na-meet namin si Natasha na wala pa si Kuya.



      “#Happy”



      Litrato namin nang dumating na ang pasko at kasama namin si Kuya.



      “#BestChristmasEver”



      Litrato nila kuya habang basa Boracay at piniktyuran ko sila. Si Natasha na nakasakay kay Kuya sa likod.



      “#ILoveYouDexter”



      Litrato nila Natasha na tinuturuan siya magluto ng isa sa mga putahe niya.



      “#CookingWithDexter”



      Baka may iba na siyang mahal at nauna siyang magpakasal dito. Tapos nagkalabuan, nag-divorce, then it takes time para maging effective ang divorce. Iyan ang gusto kong itanong kay Kuya pero hindi ko ito binigyan ng boses. Pero kahit ganoon, hindi niya magagawa iyun, baka sakaling isagot ni Kuya. Ramdam na ramdam ni Kuya na mahal din siya ni Natasha. Yayayain ba niya ito magpakasal kung may agam-agam pa siya sa babae?



      Hindi ko masagot ang katanungan ni Kuya. Kahit ako ay hindi din maintindihan. Bigla na lang din kasi naging inactive ang mga social media accounts ni Natasha. Pero si Kuya, naghihintay siya. Umaasa na bumalik sa kaniya si Natasha dahil naniniwala siya rito. Pero hanggang saan ang paniniwala ni Kuya sa mahal niya?



      Ilang minuto ang lumipas ay umalis na si Kuya. Marahil ay para maghanda sa pagpasok niya sa opisina. Bilang susunod na tagapagmana ng kumpanya, kailangan niyang maging matibay para sa aming lahat. Dahil ang kumpanya ay dugo at laman ng aming mga magulang. Buti at kahit hindi natuloy iyung engagement, hindi naapektuhan nito ang trabaho niya.



      Kinuha ko ang aking kape at akmang sisipsip dito nang nakita ko ang pangalan na naka-flash sa screen.



      “Mr. Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Producer.”



      Natigil ako bigla dahil may gumagamit sa pangalan niya. At ang gumagamit sa pangalan niya ay isang peke.



      Tumimgin ako sa phone ko at nakita si Caleb na may ipinapakita sa grupo.



      “Is this a joke?” basa ko sa caption ni Caleb na pinost din iyung nakikita ko ngayon sa telebisyon.



      Patuloy naman na nag-ingay ang phone ko.



Knoll: Derek? Andyan ka ba? Ano ito?



Camilla: Guys, kaaga-aga. So ingay.



Andrew: Derek?



      Ibinaba ko kaagad ang phone ko para pagtuunan ng pansin ang pekeng Aulric sa harapan ko. Ilang taon na ba ang nakalipas simula nang huli kaming nagkita? Hindi ko na matandaan. Katulad pa rin siya ng dati. Pero bakit suot-suot niya ang pangalan na pilit naming kinakalimutan? Ano ang iniisip ni Tito Henry?



      Habang nanunuod ay hindi ko napansin ang pagpasok ni Sharina. Nang napansin ko siya ay naka-focus din siya sa telebisyon. Sa saglit na sandali, nakita ko ang galit sa mukha niya. Kaagad naman siyang tumakbo paakyat sa kwarto niya. Hinabol ko naman siya hanggang sa nadatnan ko ang kwarto niya na naka-lock ang pintuan.



      “Sharina?” tawag ko. Kumatok ako. “Sharina, mag-usap tayo.”



      Walang sagot. Kumatok ulit ako nang mga ilang beses.



      “Sharina, buksan mo ang pinto. Mag-usap naman tayo.”



      Hindi pa rin bumukas ang pintuan. Hindi ko na binigyan ng pangatlong ulit ang ginagawa ko dahil mukhang ayaw talaga niya makipag-usap sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tinalikuran na ang pintuan na hindi magbubukas. Araw-araw, ganito na ang nangyayari sa amin nila Kuya Dexter, Sharina, at ako. Walang bago.



      Pagkababa ko sa sala, tapos na ang interview nung pekeng Aulric. Mukhang ngayong araw, maghahanap ako ng impormasyon tungkol sa kaniya.



Zafe's POV



      Inalis ko ulit sa isip ko ang mga nangyari kanina. Tumungo ako sa kwarto ng anak ko para gisingin siya. Dahan-dahan na umupo ako sa gilid ng kama niya at marahang inalog ang natutulog niyang anyo na nagtatago sa kumot.



      “Felric, gising na,” bulong ko sa tenga niya. “Umaga na at may pasok ka pa.”



      Bahagyang gumalaw ang loob ng kumot. Tinanggal ko naman ang kumot at inayos ito kaagad.



      “Pero inaantok pa ako,” reklamo niya habang kinakamot ang ulo.



      “Ako din, anak. Ala-una na ako natulog,” sabi ko sa aking sarili. “Matulog ka na lang mamaya. Halika na. Bangon na.”



      Iniwan ko na si Felric sa kwarto niya at ihinanda na ang mga kakainin niya. Maya-maya ay lumabas na siya.



      “Asaan na si Mama?” inaantok na tanong niya.



      “Mamaya mo pa siya makikita,” sagot ko habang hinahanda ang inumin na magpapagising sa kaniya. Tsoko na gatas.



      Habang pinapanood si Felric na kumakain, kinuha ko ulit ang phone ko at binuksan ang messenger. Ilang minuto na din pero walang bago doon sa chatbox. Naka-seen pa rin si Derek sa amin. Umiling na lang ako.



      Ilang oras na ang nakalipas, nasa opisina na ako at tinatapos na lang ang isang bagay bago ako magtanghalian.



      “Sir, nasa baba daw po si Randolf,” rinig kong sinabi ng secretary na dumungaw sa pintuan.



      “Paakyatin mo,” tugon ko habang ang mata ay nasa ginagawa pa rin.



      Nang natapos na ako sa ginagawa, saktong-sakto na niluwa ng pintuan si Randolf. Ngayon ay bahagyang pumuputi na dahil hindi na siya sa ilalim ng init ng araw nagtatrabaho. Saka ko naman napansin na may mga hawak siyang plastik sa kamay.



      “Boss,” nakangiting salubong ni Randolf. Ibinaba niya ang mga pagkain sa coffee table. “Kain.”



      Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at nag-unat-unat. “Tamang-tama.”



      Kaagad naman binuksan ni Randolf ang maliit na TV at tumungo sa paborito niyang channel kapag bumibisita siya sa opisina ko.



      “Mukhang naka-sweldo ka ngayon ng malaki ahh.” Sumubo ako ng isang tinidor ng spaghetti.



      Ibinaling ni Randolf ang atensyon sa akin. “Malaki talaga, boss. Salamat sa pagpasok sa akin doon sa agency.”



      “Kumusta pala iyung mga kaibigan natin?” tanong ko doon sa mga kaibigan niya na kalaro ko ng basketball.



      Ibinalik niya ang tingin sa TV. “Ay boss, si Inno, may nakaaway na naman. Ayun, may black eye na naman. Si Robbie pala boss, tatay na.”



      “Talaga? Congratulations! Bibisita ako pagkabalik ni Colette dito.”



      Habang nakabukas ang TV, balita na ang naging programa ng pinapanood ni Randolf. Nagpalitan kami ng kuro-kuro tungkol sa mga nangyayari, lalong-lalo na iyung tokhang. Isang taon, ikinulong si Randolf at ang mga kaibigan niya dahil daw mukha silang courier ng droga dahil nakikisalamuha siya sa akin. Anong kaululan iyun?!



      Mabuti na lang at kaagad na nabigyan ko ng lawyer ang mga kaibigan ko at nanalo naman silang lahat laban sa mga kumakaso sa kanila.



      “Nako! Ayoko talaga ng tokhang na iyan. Iyung kapitbahay ko, pinatay ng mga pulis dahil nanlaban daw,” rinig kong sinabi ni Randolf habang nagbabalita ang telibisyon tungkol sa pagkamatay ng isang tao na nanlaban daw sa mga pulis.



      Habang nagsasalita si Randolf ay nawala ako bigla sa aking iniisip. Si Aulric, sumagi na naman sa isip ko. Sigurado ako na marami ding masasabi si Aulric kung buhay pa siya.



      Nang bumalik na ako sa uliran, isang balita na naman tungkol kay pekeng Aulric. Hindi ko alam kung bakit pero dali-daling kinuha ni Randolf ang remote. Kaagad ko naman siyang pinigilan sa ginagawa.



      “Ohh! Teka, huwag mo muna ilipat.”



      Nagdalawang-isip si Randolf kung susunod or hindi pero sumunod naman siya. Iyung sinasabi ngayon sa telibisyon, binabalita si pekeng Aulric na nakikipagkulitan sa cast ng bago niyang pino-produce na pelikula. Nang lumipat naman ito doon sa Joseph, kitang-kita ang inis sa mukha nito pero pinipigilan niyang magalit. Baka dahil makikita sa TV ang gagawin niya.



      “Alam mo naman na hindi siya totoo, hindi ba?” maingat na tanong ni Randolf.



      “Alam ko,” sagot ko.



      “Alam mo na pala,” sabi niya pero mukhang para sa sarili niya. “Pero bakit parang interesado ka pa na manood? Kailangan mo ba talagang, panoorin kung ano iyung ginagawa ng pekeng Aulric? Kahit na sabihin nating ibinigay ni Sir Henry ang pangalan niya dito, dapat ay hindi tayo maging interesado sa kaniya. Buhay niya iyan.” Ibinaba ni Randolf ang tingin niya. “A-Alam naman natin na, wala na talaga iyung tunay.”



      Ibubuka pa sana ni Randolf ang bibig niya nang nag-angat siya ng tingin. Pero umiling na lang siya.



      “Oo, alam ko,” sagot ko sa sasabihin pa dapat niya. “Alam mo, tama ka. Hindi ako dapat, maging interesado.”



      Kinuha ko ang remote at naglipat ng channel.



      “Alam mo, alam ko na ang hirap talaga. Lalo na kapag kaharap mo siya. Kaya lagi kong pinapaalala, patay na iyung tunay kasi kung siya iyung tunay, hindi ka niya kakausapin na may ngiti sa labi. Nakakapani-”



      Biglang tinigil ni Randolf pagsasalita.



      “Nakaharap mo na ba siya?” tanong ko.



      Tumango lang si Randolf. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Parang higit pa doon iyung nangyaring paghaharap nila.



      Umiwas na lang ng tingin si Randolf at nagpatuloy siya sa pagkain pero hindi ko siya nilubayan ng tingin. “Bakit hindi mo ituloy ang sinasabi mo? Hindi naman sa interesado ako sa kaniya o ano. Gusto ko lang malaman bilang, kaibigan mo.”



      “Kasi...” Ibinaba ni Randolf ang pagkain niya sa mesa at lumunok. “Hindi ba pinapasok mo ako sa agency sa tulong ng rekomendasyon mo? At, natanggap ako. At nalaman ko kung sino ang amo ko. At iyun ay si...” Hindi na niya itinuloy ang sinasabi pero itinuro na lang niya ang TV.



      Tumingin lang ako sa TV at may cartoons ang palabas. Pero alam ko ang pinapahiwatig na si pekeng Aulric ang amo niya.



      “Noong una, okay lang,” natatawa niyang sabi at ginagamit na niya ang kaniyang kamay sa pagpapaliwanag. “dahil, uy! Iyung amo ko, nakangiti sa amin. Mukhang ayos ito. Mukhang bibigyan niya ako ng 13th month pay at bonus. Pero nagulat ako nang binanggit na nung amo ko ang pangalan niya.”



      “Mr. Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor.”



      Naiisip ko kung paano nangyari iyung senaryong sinasabi ni Randolf.



      “Sabi ng isip ko,” dagdag pa niya. “hindi talaga siya si Aulric. Pero iyung pangalan talaga, hindi ba dapat ganito ang pangalan niya kapag pinalitan ni Aulric ang apelyido niya? Parehas nating alam kung gaano ka-walanghiya ang tatay niya. Tapos, habang naiisip ko iyun, napansin niya ako. Tinanong niya ako saka nakangiti siya nang nagtanong. ‘May problema ka ba?’ sabi niya. ‘Randolf’ dugtong ko kasi nagpakilala kaming lahat at mukhang hindi na niya naalala. Ako naman, sinagot ko na, wala. ‘Okay’.”



      “Nasasalubong mo ba si Tito Henry?” tanong ko.



      “Hindi ko pa siya nakikita. Si pekeng Aulric, palaging business ang inaatupag kaya siguro wala ng panahon sa ama. Alam mo ba na nag-gate crash siya sa birthday party ni Kristel?”



      Tumingin lang ako ng diretso sa aking kinakain. Gate crash sa birthday party ni Kristel? Ano kaya ang reaksyon niya doon?



      Bumukas na naman ang pintuan at niluwa nito sa Colette at si Felric. Bahagyang nagulat naman si Colette kung sino ang kaharap ko.



      “Ninong Randolf,” tuwang-tuwa na sabi ni Felric na tumakbo agad papunta sa kaniya at kumandong.



      Natuwa naman din si Randolf nang umupo na ang inaanak. “Ay! Umupo agad sa kandungan ko ahh. Halika, kain tayo.”



      Akmang isusubo na ni Randolf ang spaghetti sa bibig ng anak ko nang sumigaw si Colette. “Felric!”



      Nagulat kaming lahat sa sigaw niya.



      “Why mommy?” tanong nito na naguguluhan.



      “Come here.” Pinababa niya ang anak ko at hinawakan ang kamay. “Let's wash your hands first bago ka kumain.”



      Sumunod naman ang anak ko at pumunta marahil sa banyo. Napailing na lang ako sa ginawa ni Colette.



      “Randolf, pasensya na,” paghingi ko ng tawad. “Mukhang hindi pa ata palagay ang loob sa iyo ni Colette.”



      Nakita kong mapait na ngumiti si Randolf. “Okay lang iyun Boss.”



      Wala na akong masabi para gumaan pa ang pakiramdam ni Randolf. Nagulat naman kami saglit nang may teleponong tumunog. Nanlaki ang mata ni Randolf nang nakita niya kung ano ang meron sa phone niya.



      Sinagot kaagad nito ni Randolf at pinindot ang loudspeaker. “Hello boss.”



      “Ahh! Randolf, tamang-tama at sinagot mo kaagad,” sabi ng pekeng Aulric.



      Nanlaki ang mata ni Randolf dahil may ginawa siyang mali. Nakaugalian kasi ni Randolf na i-loud speaker ang mga tawag na matatanggap niya.



      Akmang sinubukan ni Randolf na tanggalin ang loud speaker ng phone nang pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ng kaniyang pulsohan. Umiling na lang si Randolf at tahimik na nakipag-away sa akin. Nilabanan ko din ang mga tingin niya, pero sa huli ay natalo siya.



      “Randolf, andyan ka pa ba?” nayayamot na tanong nung pekeng Aulric.



      Ibinaba ko na lang ang tingin ko para senyasan siya na kausapin iyung pekeng Aulric.



      Nagpakawala na lang ng hininga si Randolf. “Boss, pasensya na. May ginawa lang ako saglit.”



      Rinig sa telepono na bumuntong si Aulric na peke. “Well, mabuti naman at wala pa akong sinasabi na napaka-importanteng bagay,” sabi niya ng mabilis at sa mababang tono. Biglang naging iba ang boses niya at bumalik ang pagiging boss niya. “Makinig ka. Gusto kong mag-organize ka ng isang grupo para kidnapin si Chris. Gusto ko ng anim na tao at mamili ka sa mga tauhan natin. Gusto mo bang ikaw na ang magplano kung paano gawin ang kidnapping?”



      Nagkatinginan na lang kami ni Randolf. Ano daw?



      “Boss, k-kidnapping?” pautal-utal na tugon ni Randolf.



      “Oo. Pero huwag kang mag-alala. Wala tayong papatayin o ano, walang tatanggalan ng lamang-loob o ano, at mas lalong wala tayong hihingan ng ransom. Napakayaman ko na para manghingi ng ransom. At higit sa lahat, wala tayong gagawin na illegal,” paliwanag niya.



      “Pero b-boss, ano ang ipapaliwanag ko sa mga tauhan ninyo? At hindi po ba dapat, sa kanang-kamay po kayo magsabi niyan?” nag-aalalang tanong ni Randolf.



      “Wait, wala pa pala akong kanang-kamay?” Parang nag-isip pa saglit si pekeng Aulric. “'di ikaw na lang.”



      Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Randolf. Si Randolf naman ay mas lalong naguguluhan sa mga nangyari. Hindi siya makapakiwala dahil siya na ang kanang-kamay ni pekeng Aulric.



      “Boss?” ang nasabi na lang ni Randolf.



      “Ano? Hindi ka pa ba pumapayag? Tataas sweldo mo kapag ganoon.” Humaginit ang pekeng Aulric tapos biglang naglabas ng maingay na static iyung phone.



      Tahimik na inudyukan ko si Randolf na pumayag. Nakipag-away na naman siya sa akin dahil mukhang marami siyang iniisip. Baka mga bagay na, paano kung...



      “Ugh! Tama ba iyung pagkakalagay ko ng mantika?” rinig naming sinabi ni pekeng Aulric habang tahimik pa rin kami na nag-argumento ni Randolf.



      Humugot ulit ng malalim na hininga si Randolf. “Sige, Boss. Pumapayag na ako.”



      “Good. Bueno, dalian mo at magplano ka na. At sabihin mo sa akin ang mga plano mo para mabago ko sa huling segundo. Tandaan mo. Wala tayong ilegal na gagawin. Klaro ba tayo?”



      “Klaro boss.”



      Kaagad na ibinaba nung pekeng Aulric ang tawag. Masaya naman akong tumingin kay Randolf dahil, na-promote na siya! Habang ang tao mismo ay hindi alam kung matutuwa o malulungkot.



      “I-report mo sa akin ang mga ginagawa niya,” nasabi ko na lang nang masyado nang tahimik. Tumayo na ako at bumalik sa aking mesa.



      “Para saan pa?” sabi nito sa sarili niya. “Boss, hindi siya si Aulric.”



      “Pero ang ginagawa niya ay siguradong, kasiya-siya,” sabi ko habang itinataas ang kamay ko sa magkabaliang dulo, ka-lebel sa balikat ko. “Imagine. Kidnapin ang isa sa mga sikat na artista ng bansa? Tsaka Randolf, hindi naman sa pagnanasaan ko iyung tao. Gusto ko lang makarinig ng mga nakakatuwang bagay na ginagawa niya. Sigurado naman akong hindi lang iyan ang nakakatawa sa mga ginawa niya.”



      Hindi maipinta ni Randolf ang kaniyang mukha nung nagsalita. “Nagbigay talaga siya ng regalo kay Kristel nung nag-gate crash siya,” sabi niya sa mesa.



      “Tsaka, maliit na bagay lang naman itong hinihingi ko.” Inilagay ko ang aking mga kamay sa mesa at bahagyang inilapit ang ulo ko sa kaniya na para bang may sikreto kaming dalawa na kami lang ang makakaalam. Oo naman. Sikreto namin itong dalawa.



      Bumuntong-hininga na lang si Randolf. “Sige, Boss.” Parang nagdadalawang-isip pa siya kung tama na iyung ginagawa niya.



      Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting guilt sa ginagawa ko. Sa saglit na oras, parang gusto kong bawasan iyun.



      “Huwag na. Ako na ang magliligpit niyan,” sabi ko sa kaniya habang nililigpit ang pinagkainan namin.



      “Okay lang iyun, Boss. Palabas na rin naman ako,” tugon niya habang nagliligpit.



      Habang naglilinis siya, napansin kong hindi pa rin bumabalik si Colette at Felric. Saan sila naghuhas ng kamay? Sa Edsa?



      “Una na ako,” paalam ni Randolf dala-dala ang mga niligpit niya.



      Pinindot ko ang isang buton ng intercom. “Flor, si Colette?”



      “Saglit lang sir,” tugon ng kabilang linya.



      Tumayo muna ako at tumingin sa malinaw na pader sa likod ko. Sa pagtingin ko sa pader ay nakita ko ang paboritong fast food chain ng anak ko. Tumunog naman ang telepono makalipas ang ilang segundo at kaagad kong pinindot ang buton.



      “Lumabas na po sila, sir.”



      Napailing na lang ako. Binuksan ko ang aking tablet at tiningnan ang schedule ngayong araw.



      Sa labas ng building ay naglakad ako ng mga ilang metro saka pumasok sa isang fast food restaurant. Nakita ko kaagad si Felric at Colette na tuwang-tuwa. Humugot ako ng malalim na hininga at lumapit sa dalawa. Napansin naman kaagad ako ni Felric.



      “Daddy!” tuwang-tuwa na sigaw niya.



      “Hey, baby,” ngiti ko sabay hinalikan ang pisngi niya. “Nandito lang pala kayo. Akala ko, naghugas kayo ng kamay sa Edsa?” Umupo ako sa upuan katabi niya.



      Umiling na lang si Colette. “Felric, laro ka muna sa slides,” baling niya kanan niya kung saan iyung slide.



      “So, ano ba ang problema kay Randolf?” Nilagay ko ang aking kamay sa magkabilang bisig.



      “Zafe-”



      “No,” marahang pagputol ko sa sinasabi niya. “Ayokong marinig ang mga dahilan mo. Iyung usual na galing sa skwater si Randolf, at baka dinadala niya sa katawan niya iyung mikrobyo sa skwater. Baka naman tatay ni Felric si Randolf at hindi ko lang alam.”



      “God, no!” disgustong balik niya. “Kaya nilalayo ko ang bata sa kaniya dahil it's for the best.”



      “At naisip mo ba ako sa best ni Felric? Colette, ako nga, hinahayaan ko na gawin niyong makeup experiment ang anak ko.” Ninakawan ko ng tingin si Felric na patuloy pa rin na naglalaro. “Kahit na ako ay hindi talaga komportable sa ginagawa ng mga kaibigan mo, hinahayaan ko kayo dahil masaya ka, masaya si Felric. Maging patas ka naman sa akin.”



      “Okay na din naman sa akin kung mahawakan ni Randolf iyung bata. Kasi siya ang ninong. At ano na ang magagawa ko para mabago ang estado na iyun? Ang sa akin lang, hindi, talaga, ako komportable.” Habang nagsasalita siyang, parang nahihirapan siya na sabihin ang iniisip niya.



      Diretso ko lang siyang tiningnan. “Wala pa rin akong nakikitang pagbabago doon sa sinasabi mo.” Lumapit ako ng kaunti at ibinaba ko ang boses ko. “May ginawa bang masama ang tao sa iyo? Minolestya ka ba ni Randolf?”



      “Zafe, kung ginawa niya iyan, sa tingin mo ba ay makakasalamuha mo pa ba iyung tao?”



      Umayos ulit ako ng upo. “Ehh, iyun nga. Makakasalamuha mo pa iyung tao dahil ninong siya ni Felric at kaibigan ko. Sa tingin mo ba ay uupo lang ako habang lantaran kayong nag-iiwasan? Lalong-lalo na at asawa kita. Si Ricky nga...”



      Bigla na lang akong napatigil. Kasunod ng pagtigil ko ay ang pagbigat ng kalooban ko. Sa gitna ng pagtigil ko, tumunog ang phone ko hudyat na ilang minuto na lang at may meeting ako.



      “Alam mo, kung hindi kayo magkakasundo, maghiwalay na lang tayo,” sabi ko at tumungo kay Felric sa palaruan para bigyan siya ng halik sa noo tsaka nagpaalam.



Colette's POV



      Napanganga lang ako nang sinabi niyang maghiwalay na lang kami kung hindi kami magkakasundo nung kaibigan niyang skwater. Nagpakawala na lang ako ng hininga na hindi ko namalayang pinipigil ko. Napakababaw naman na rason iyun. Ehh, sa ayaw ko nga makisalamuha sa skwater na iyun. Umiling na lang ako. Maghihiwalay na ba kami dahil doon?



      Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Isabela suot-suot ang mga designer, items. Iyung straw hat niya na pang-summer, gucci na handbag, hindi ko kilalang designer ng sun glass, mukha kasing pare-pareho lang sa akin ang mga sun glasses. At sapatos na medyo mataas ang takong na gawa ni Louie Vuiton. Bongga iyung entrance niya dahil siguro pinapakita niya ang bagong manicure na daliri niya. Teka, iyung high heels ba iyung Gucci then Louie Vuiton iyung bag? Nakakaloka magsaulo.



      “Hi Colette,” bati nito sa akin.



      Tumayo ako at nakipagbesuhan sa kaniya. Uupo pa sana siya sa upuan ni Felric nang pinigilan ko siya.



      “Ooops! Huwag diyan sis. Ayoko makipag-away sa anak ko,” sabi ko sabay buntong-hininga.



      “Ay! Oo nga pala.” Lumipat siya sa tabi ko. “Ohh? Anong problema at nagpakawala ka ng deep breath?”



      “Well, nag-away na naman kami ni Zafe tungkol sa skwater niyang friend. Ngayon, nagtatangka na makipaghiwalay siya sa akin kung hindi ako makikipag-ayos.”



      “Hi Tita Isabela,” sigaw ni Felric sa loob ng slide at kumaway.



      Kinawayan din siya ni Isabela saka inilagay sa mesa ang straw hat niya at ang glasses niya. “Ay! Makipag-ayos ka,” diretso niyang sabi. “Ano ba naman iyan friend? Siguradong gagawin niya iyun dahil hindi ka friendly sa mga kaibigan niya. Tsaka, ano ba ang mawawala sa iyo kapag nakipag-ayos ka? Pwede naman makipag-ayos ka lang para hindi ka hiwalayan ng asawa mo. Then, huwag mo na siyang pansinin for the rest of your life.”



      “Ninong siya ni Felric,” tugon ko saka inikot ko ang aking mata.



      “Ay! Bakit naman? Uhaw ba sa atensyon iyung tao?”



      Kumuha ako ng fries sa mesa. “Ayoko lang kasi na maimpluwensyahan ng anak ko. Mamaya, kung ano ang ituro niyan habang hindi ako nakatingin. Si Zafe pa naman, parang tanga na okay lang sa kaniya ang lahat. At baka naku! Gamitin pa ang anak ko para manghingi ng pera tapos sila ang makinabang.”



      Nag-aalalang tiningnan ako ni Isabela. “Nako! Oo nga. Baka ganoon ang mangyari. Kaya lang, hindi ganoon iyung ninong. Iyung kaibigan nung ninong, pwede pa.”



      “Teka, kanino ka ba kampi?” naiirita kong tanong.



      Kumuha din siya ng fries sa mesa. “Walang kampihan dito ‘day. Ang sa akin lang, girl, si Zafe iyan. Kung hindi lang siya kasal sa iyo, maraming magkakandarapa na magpa-anak diyan. Kaya kung ako sa iyo, makipag-ayos ka doon sa ninong. Hindi ka naman siguro minomolestya nung tao para pandirihan mo siya.



      Bigla akong nakaisip ng magandang ideya. Binabaan ko ang aking boses. “What if mag-panggap ako na minolestya niya? Siguro kapag ganoon, makikinig sa akin si Zafe at ilalayo na niya ito sa kaniya?” Bumilog ang aking bibig sa aking nasabi.



      Bumilog din ang bibig ni Isabela. “Magandang ideya din iyan,” halos pabulong niyang sabi. “Kaya lang ay hindi maniniwala si Zafe sa iyo. Baka kapag nagkasuhan, si Zafe pa mismo ang magbigay ng lawyer diyan. Natandaan mo na natokhang iyun? ‘di ba nagising si Zafe sa kalagitnaan ng gabi para lang bigyan ng abogado iyung tao?”



      Nanlaki ang mata ko at tiningnan ng masama ang kausap. “At bakit hindi maniniwala si Zafe? Asawa niya ako.”



      Napangiwi si Isabela. “Ikaw nga ang asawa. Pero maniniwala siya doon sa tao dahil kilala niya ito. Mabait, masipag, pumuti sa aircon, habulin ng mga babaeng mayayaman.”



      Ako naman ang napangiwi sa sinabi niya. “Habulin ng mga babaeng mayayaman? Hindi naman kagwapuhan iyung tao.”



      “May asawa ka kaya bulag ka. Kahit si Lee Min Ho na dumaan sa harap mo noon, hindi mo nga napansin, or pinansin.”



      Inalala ko ulit ang mukha ni Randolf. Sa gitna ng pag-iisip, humarap ng upuan si Isabela. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at humarap din ako sa kaniya.



      “Alam mo, hindi sa kinakampihan ko iyung ninong. Ikaw ang kinakampihan ko dito. Pero kasi Colette, iyang iniisip mo, nag-iisip ka ng mga bagay-bagay para makipaghiwalay sa iyo iyung tao.”



      “Sa ayaw ko nga kasi makasalamuha iyung tao. At si Felric.”



      “Wala na tayong magagawa doon.” Nakita kong gumilid ang tingin ng mata ni Isabele habang nagsasalita. Marahil ay binabantayan din si Felric. “I tell you what. Ganito ang gawin mo. Pagkatapos mo mag-sorry, limitahin mo na iyung pakikipag-ugnayan sa tao. At hindi mo na mamamalayan na nag-e-exist siya sa buhay mo. Basta si Felric, nakikita mo. At si Zafe, nasa bisig mo. Lahat, panalo!”



      Mahinang pumalakpak si Isabela na para bang isa siya sa mga nag-e-explain ng mechanics kung paano manalo ng isang milyong piso sa isang variety show. Sumubo na naman siya ng isang french fries habang ako ay nag-iisip kung magandang ideya ba ang sinasabi kiya. Kung tutuusin, maganda namam talaga ang ideya niya. Ako nga lang ang problema kung paano ko iyun i-execute. Kailangan kong pag-aralan iyun kung paano.



      Bigla naman nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan iyun ng pag-aalala. “By the way, I'm sure na nakita mo na sa Facebook mo, Twitter, Instagram ang isang balita?”



      Nawala din ang ngiti sa labi ko. “Nakita ko. Si Aulric ba?”



      “Pekeng Aulric,” pagko-correct niya.



      “Yeah. Whatever. Wala namang pinagkaiba.”



      Nanlaki ang mata ni Isabela. “Kung walang pinagkaiba, magdi-divorce kaagad si Zafe sa iyo.”



      “Whatever. Ang sinasabi ko, sa akin pa rin naman si Zafe. Tsaka ibang tao iyung nasa screen. Hindi iyung mismong Aulric. Bakit? Tingin mo ba, papakasalan kaagad ni Zafe iyung pekeng Aulric na iyun dahil Aulric ang pangalan niya? Na-inlove siya doon sa Aulric na Aulric at hindi sa Aulric na iba ang mukha pero Aulric ang pangalan. ‘day, kung dapat ma-threatened ako dahil Aulric ang pangalan niya, mas nakakatakot pa kapag iyung Aulric mismo ang...”



      Sa malinaw na pader ng restaurant, isang nakakapangilabot na bagay ang aking nakita. Nakita ko ang tunay na Aulric na nakatingin sa akin. Walang buhay ang tingin nito sa aking mata. Pero kung nakatayo siya diyan, mukhang buhay na buhay talaga.



      “Girl...” Pinatunog ni Isabela ang kaniyang daliri sa mukha ko.



      Panandalian akong na-distract at tumingin ako kay Isabela.



      “Girl, bakit parang nakakita ka ng multo?” nag-aalalang tanong ni Isabela.



      Tumingin ulit ako sa malinaw na pader kung saan ko huling nakita si Aulric. “For a moment, parang nakita ko iyung tunay na Aulric sa bintana.”



      Mabilis na lumingon si Isabela sa bintana na tinitingnan ko. Wala na doon si Aulric nang tumingin ulit ako. Humarap ulit sa akin si Isabela at tumingin saglit sa slide para alamin kung naglalaro pa rin si Felric.



      “Nako! Guni-guni mo lang iyan. Pinag-uusapan kasi natin iyung, kapangalan niya,” nasabi na lang ni Isabela.



      “Mommy, uwi na tayo,” pakiusap ni Felric na umupo ulit sa upuan niya kanina para kainin ang natitirang fries. “I'm so tired na.”



      Bumaling sa kaniya ang lahat ng atensyon ko. “Let's go?”



      Tumango-tango si Felric.



      “O siya. Hindi na kita aabalahin,” wika ni Isabela na naghahanda ng umalis. “May appointment pa ako na pupuntahan. Mag-ingat ka.”



      “Ikaw din,” paalam ko.



      Tumayo kaming dalawa at nagbeso-beso. Hinawakan ko sa kamay si Felric at sabay-sabay kaming lumabas. Nang lumakad na si Isabela sa isang direksyon, tumingin naman ako sa pader kung saan ko nakita si Aulric.



      “Let's go, Mommy,” untag ni Felric sa akin.



      Umiling na lang ako at nagpakawala ng malalim na hininga. Lumakad na ako papunta sa building nila Zafe para puntahan ang sasakyan.



Randolf's POV



      Pumasok ako sa condo ni boss-pekeng, Aulric. Na naguguluhan sa nangyayari. Gusto niya na ako ang magiging kanang-kamay niya gayong, may mas bagay pa sa posisyon ko. Si Alexander ay isa sa mga tauhan ni Aulric. Malaki ang kaniyang pangangatawan, bihasa sa pakikipaglaban, at mas matagal siyang naninilbihan kay boss-pekeng, Aulric. Mukhang matagal akong masasanay nito na tawagin siyang Aulric na wala ang ibang mga titulo.



      Anyway, si Alexander ay hindi isang Pilipino, pero marunong siya magsalita ng tagalog na hindi man lang nagpapahalata na isa siyang dayuhan. May kayumanggi din siyang balat at maitim ang kaniyang buhok kagaya sa mga tipikal na Pilipino kaya hindi mo mahahalatang hindi siya taga-rito. Siguro, nakatira siya malapit sa ekwador ng ating mundo. Wala kasing pinagkaiba sa kutis ng katawan ang mga taong nakatira malapit sa ekwador ng mundo maliban lang sa pagsasalita ng lenggwahe. Tahimik siya at nakakatakot. Laging may suot siyang shades kahit saan man siya magpunta. Siguro may kundisyon siya sa mata kaya lagi siyang naka-shades.



      “Boss?” tawag ko sa kaniya nang nakapasok ako at nadatnan na walang tao sa loob.



      “Huwag kang maingay. Natutulog siya,” sabi nung boses ni Alexander na nanggaling sa kung saan.



      Tumungo ako sa sala at umupo sa mahabang sofa. Ibinaba ko ang aking bag sa sahig at naglabas ng ilang papel. Mula sa kusina, nagpakita sa akin si Alexander na naka-tank top lang at shorts, at may hawak na isang tasa ng kape sa kaniyang mga kamay. Mukhang off niya ngayon.



      Ibinaba niya ang mga hawak na kape, ang isa sa tapat ko, at iyung isa ay sa tapat ng pang-isahan na upuan kung saan siya uupo.



      “Congratulations nga pala,” bati niya. “Narinig kong na-promote ka na.”



      Napakamot ako sa aking batok habang naglalabas pa ng papel. “Umm, salamat?” hindi ko siguradong tugon. “Dapat nga, ikaw iyung kanang-kamay niya. Ikaw nga at iyung grupo mo dito iyung ano, nakikipagbakbakan sa mga tauhan ni Harris.”



      “Kesa naman kayong mga walang experience ang iharap, ‘di ba?” Sumipsip siya sa kaniyang kape.



      “Wala namang nasaktan sa grupo niyo, ‘di ba?” maingat na tanong ko sabay abot doon sa kape na nasa coffee table.



      Nag-isip saglit si Alexander. “Mga ilang buto din,” sagot niya. “By the way, kumusta na iyung plano?”



      Tumingin ako sa mga papel na nakalagay sa mesa. “Hindi ko alam kung gagana dahil wala akong experience sa ganoon. Kargador lang naman sa palengke ang dati kong trabaho.”



      “Pero meron?”



      Tumango-tango ako. “Oo, meron.”



      “Saan mo nakuha iyung ideya?”



      “Sa show ni Coco Martin. Chloroform sa mukha, ipasok sa van.”



      Naguluhan si Alexander sa sinasabi ko. “Sino si Coco Martin?”



      “Iyung bida sa Ang Probinsyano. At hanggang ngayon ay hindi pa tapos.”



      “Ahh! Sa The Brothers.”



      Ako naman ang naguluhan sa sinasabi ni Alexander. “Anong The Brothers?”



      “Iyung show.”



      Hindi ko ma-gets iyung ipinaparating niya. “Ahh! Oo,” nasabi ko na lang.



      “Well, iyung mga action show sa Netflix ay hindi naman malayo sa totoong buhay. Sino-sino nga pala ang gagawa?”



      “Sa kidnapping part, ikaw?” hindi ko siguradong sabi. “Tapos iyung the rest, dalawa sa grupo namin.”



      Tumango-tango lang si Alexander habang iniinom iyung kaniyang kape. Ako naman ay tiningnan lang ang outline ng plano.



      “Feeling ko talaga, illegal itong ipapagawa ni boss,” sabi ko nang matagal ko nang tinitingnan ang plano.



      Tahimik lang si Alexander na sinipsip ang kape. Maya-maya ay ipinahinga na niya ang kaniyang ulo at mukhang ipinikit na niya ang kaniyang mata.



      “Oo nga pala Alexander. Hindi ba off mo ngayon? Bakit hindi ka, lumabas?” Tinuro ko ang pintuan palabas.



      “At ano naman ang gagawin ko?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang mga mata niya siguro.



      “Ewan ko. Mga bagay na makakapagpasaya sa iyo?” subok ko.



      “Hmm, ano ba ang meron sa labas?” sabi niya sa kaniyang sarili. “Botique, kainan, building, bar, hindi ako mag-e-enjoy sa mga lugar na ganoon.”



      “Hindi ko sinasabi na mag-enjoy ka malapit dito. Bakit hindi ka pumunta sa mga malalayong lugar? Libutin ang kalsada ng Edsa, pumunta sa MOA...” Nag-isip pa ako ng mga bagay na makikita sa labas.



      “Maganda sana kung may kasama ako.”



      “Iyung mga ka-grupo mo?”



      “Gusto lang ng mga iyun ay magpakalasing.”



      “Bakit hindi ka maghanap sa labas?” subok ko ulit. “I'm sure, kapag sinabi mong foreigner ka, itatapon ng mga babae ang kanilang sarili sa iyo.”



      “Or ikaw ang sumama sa akin.”



      Nagulat ako sa inaalok niya. “Bakit naman?”



      “Taga-rito ka sa bansa na ito.”



      “At ikaw ba, hindi?”



      “Nalibot ko na ang Pilipinas pero hindi maiaalis ang katotohanan na dayuhan ako. Ikaw, taga-rito ka. Baka may bagay ka na alam mo na hindi ko alam. Alam mo na?” Inubos na niya ngayon ang laman ng tasa.



      Nag-isip pa ako kung anong mga bagay ang sa tingin ko na bago sa kaniya. “Basketball?”



      Nag-isip din si Alexander saglit. Inangat niya ang kaniyang ulo. “Pwede. May bola ka ba diyan?”



      Biglang may ideya na pumasok sa utak ko. May makikipaglaro ba ng basketball sa taong ito? At tsaka may court ba sa paligid?



      “I have a better idea,” sabi ni Alexander na tumayo bigla. “Mag-antay ka sa baba.”



      May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ihinagis ito sa papunta sa akin. Nasalo ko naman ito pagkatapos ay nawala na siya sa sala. Niligpit ko muna ang mga kape namin at itinungga ko ang kape na medyo mainit na lang. Ang sarap ng kape.



      Ang mga plano, inipit ko na lang sa gitna ng coffee table gamit ang vase na nasa gitna pagkatapos ay bumaba na ako ng parking lot.



      Pagkabukas ng kotse, naghintay pa ako ng ilang saglit bago pa dumating si Alexander. Saan ba kami pupunta ni Alexander? Maya-maya ay hindi ko na namalayan na nakapikit na ako dahil sa lamig ng kotse.



      Pagkadilat ng mga mata ko, umaandar na iyung kotse. Kinusot ko ang aking mata para makita ng mas malinaw ang labas. Hindi ko alam kung nasaan ako pero mukhang nasa Maynila pa rin ako.



      “Baliktad iyung naging epekto ng kape sa iyo?” tanong ni Alexander na nagmamaneho ng sasakyan.



      Nag-unat-unat ako at humikab. “Walang epekto sa akin iyung kape. Ewan ko kung bakit.”



      “Ahh! Sa metabolism mo iyan. Iba-iba nga talaga ang tao,” sabi niya sa kaniyang sarili. “Nandito na tayo.”



      Tumingin ako sa harapan. Huminto kami sa isang building na mukhang may limang palapag. Iyung sa ground floor na building, 1/3 ng building ay computer shop. Ang isa pang 1/3 naman ay kainan. Sa natitira ay may nakahilerang mga motor na pare-parehas ang kulay. May mga papasok at meron ding palabas.



      Lumabas kami ng kotse ni Alexander at pumasok sa parteng may computer shop. Mukhang magko-computer lang pala kami.



      Pumunta si Alexander sa counter kung saan may itinanong siya sa bantay. May itinuro naman ang bantay na mukhang sinasabi niya na diretso lang at umakyat sa hagdan.



      “Tara,” tingin ni Alexander sa akin.



      Nang umakyat kami sa pangalawang palapag, ibang bagay naman ang mga narito. May mga maliliit na pigura ng kung anong karakter ang naka-display sa pinakatuktok ng pader, sa loob ng parang mga malilinaw capsule. Ang nakilala ko lang na karakter ay si Sun Goku sa Dragon Balls. Sa ibaba naman ng mga pigurang ito ay bulto-bultong mga maliliit na karton.



      “Nakita ko ang lugar na ito sa internet,” sabi ni Alexander na nakatayo sa gilid ko at pinagmamasdan ang mga kahon.



      “Ano ang mga kahon na iyan?” turo ko dito.



      “Board game ang mga iyan,” sagot niya.



      “Board game? Parang snake and ladders?”



      “Oo, pero mas malaki. Halos kinakain ang isang lamesa.” Mukhang may napansin sa akin si Alexander. “Hindi ka pa ata nakapaglaro ng ganito.”



      “Patintero at luksong-baka lang ang nalaro ko sa buhay ko.”



      “Boy! Sana may mga matatanda na naglalaro pa rin ng luksong-baka. Anyway, maglaro na tayo.” Tumungo siya sa parang receptionist nung lugar na iyun.



      “Anong lalaruin natin?” tanong ko nang sinundan ko siya.



      “Dungeons and Dragons. Maganda iyun. Basta marunong ka lang mag-isip at magiging okay ka,” sagot niya.



      Nilaro namin ang board game na nilalaro ni Alexander. Napakadaming gagawin sa simula pa lang. Ano iyung tauhan mo, pangalan, itsura, stats? Hindi ko masyadong nasusundan pero ang nakukuha ko, kapag mas mataas ang numero, mas magaling ka sa bagay na iyun. Lalong-lalo na kapag gumugulong ang dice. May para kaming tao na nagki-kwento ng ginagawa namin. Masaya naman ang laro lalong-lalo na iyung mga kalaro namin na iniiba iyung boses nila kapag nagsasalita. Tapos may mga pagkakataon na kapag mababa ang bigay nung dice, may nangyayaring masama, tapos tawa lang kami ng tawa. May biruan pero hindi naman ganoon ka-grabe. Siyempre, hindi namin kilala ang isa't isa pero masaya kami.



      “Okay. Break muna tayo guys,” sabi nung nagkikwento ng laro namin. “Isang campaign pa ba kayo?”



      Napatingin ako sa pambisig na relo ko. Medyo gabi na. Tumingin lang ako kay Alexander.



      “Ikaw, gusto mo pa ba?” tanong niya sa akin.



      “Sana,” sagot ko. “Kaya lang, may trabaho ako bukas. Tapos, ako pa iyung, alam mo na.”



      “Laro pa tayo. Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala.”



      Tiningnan ko lang si Alexander na puno ng pagdududa. Bago pa sa akin ang mga bagay na ito lalong-lalo na pagdating sa trabaho. Kapag lumiban ka lang ng isang beses, tiyak magagalit ang amo mo.



      “Sigurado ka?” tanong ko.



      “Ako ang bahala.”



      Nagtiwala na lang ako sa sinasabi niya habang bumabalik sa akin ang mga panloloko na ginagawa ng mga kasama ko habang nagtatrabaho sa palengke. Kahit kailan, huwag magniwala agad.



      “CR muna ako. Saan ba ang banyo?” paalam ko.



      Binigay sa akin nung taga-kwento ang direksyon ng CR. Nang nasa CR ako ay nagpadala ako ng mabilis na mensahe kay boss-pekeng, Aulric.



      “Boss, mukhang hindi ako makakapasok bukas. Kasama ko si Alexander ngayon at naglalaro kami ng board game. Okay lang po ba?”



      “Teka, kilala kita,” sabi nung boses sa likod ko.



      Lumingon ako sa likod at may nakitang nakatayong tao. Parang pamilyar siya sa akin. Pero hindi ko alam ang pangalan niya.



      Bumukas naman ang CR at niluwa nito si Alexander. Huminto naman siya saglit at tiningnan kaming dalawa.



      “Ikaw iyung kaibigan ni Aulric, hindi ba? Nandoon ka sa lamay niya,” sabi nitong taong kaharap ko. “Ano nga ang pangalan mo?”



      “Randolf,” pagpapakilala ko. “at hindi ako kaibigan ni Aulric.”



      Tumuloy na si Alexander sa isang cubicle at umihi.



      “Kaaway?” hula niya. “I'm sorry. Lahat kasi ng uri ng tao ay pumunta sa burol ni Aulric. Pati si Kristel. Hindi ko alam kung bakit.”



      “Hindi din. Isa lang naman ako sa mga trabahador ng nanay niya noon. At nakakasalubong ko si Aulric. Hindi kami magkaibigan, hindi rin kami magkaaway. Masasabi mong magkakilala lang kami.”



      Tumango-tango siya. “I see. Nice to meet you, Randolf. Ako nga pala si Kurt Lee.”



      Naging pamilyar bigla iyung pangalan niya nang nagkamayan kami. “Iyung nandaya sa kaniya para hindi makapunta sa ibang bansa?”



      “Wala akong ginawang ganoon,” agad na pagtanggi niya. “Unang-una sa lahat, parang lotto iyun kaya napakababa ng tyansa na mabunot siya.”



      Lumabas sa cubicle si Alexander. Tumingin siya sa relo at sinenyasan niya ang pintuan at lumabas na siya.



      “Naglalaro ka ba doon?” turo ni Kurt sa pintuan nang kumalas na ang kamay niya.



      “Oo. May kasama ako at maglalaro pa kami ng isa pang campaign,” sagot ko.



      Hindi ko maiwasan na mapansin ang tingin ni Kurt mula ulo hanggang talampakan. Bakit niya ako tinitingnan ng ganyan? May problema ba?



      “Mukhang medyo pumuti ka na mula nang nakita kita sa burol. How things have changed,” ngiti niya. “Anyway, baka naabala na kita. Laro ka na doon. Usap tayo kapag may time.”



      “Yeah. Ikaw din,” tugon ko. Hindi ko alam kung ano iyung tinutukoy ko.



      Lumabas na ako ng CR. Pagkalabas ko sa CR ay nakatanggap kaagad ako ng text mula kay boss-pekeng, Aulric.



      “Nasa labas kayo ni Alexander? Salamat naman. Buti at napalabas mo iyang si Alexander. Ang sakit kaya sa mata kapag laging nasa loob siya ng condo. Anyway, nakita ko na ang plano at ayos lang na hindi ka makapasok bukas. Wala ka rin namang gagawin bukas at bayad iyun. Ganoon din si Alexander. Have fun! Enjoy! Mag-ingat kayo,” basa ko sa text niya.



      Mas lalo akong hindi mapakali nang nabasa ko ang text. Pwede akong hindi pumasok bukas at bayad pa iyun. Sisante na ba ako sa trabaho?



      Nang bumalik ako sa mesa, nagpatuloy na kami sa paglalaro. Sa gitna ng laro ay may mga pagkain kaming natanggap. Isang mamahaling burger galing sa baba na may kasamang kape, pampagising.



      Nagtaka naman ang lahat kung bakit nakatanggap kami ng burger. Hindi lang ang table namin kung hindi ang iba ring mesa.



      “Umm, guys,” tawag ng receptionist sa mga atensyon namin. Nakita ko naman si Kurt na nakatayo sa counter ng receptionist.



      “Galing po ang mga burger sa boss namin. Pasasalamat po ito sa pagtangkilik niyo sa aming café at sana po ay patuloy niyong suportahan ang café namin. Maraming salamat po.”



      Pumalakpak naman ang lahat.



      “Salamat Boss Kurt,” sigaw ng isa sa mga tao sa mesa na nasa likod ko.



      Ngumiti si Kurt at kumaway. Siya pala ang may-ari ng café na ito.



      Halos mag-uumaga na nang umalis na kami ni Alexander.



      “Nag-enjoy ka ba?” tanong ni Alexander sa akin.



      “Oo naman. Nag-enjoy ako,” ngiti ko.



      “Napakaswerte mo naman sa dice kasi. Puro critical roll.”



      Natawa na lang ako. “Kahit ako, hindi ako makapaniwala na laging ganoon ang ibibigay nung dice.” Iyung critical roll na sinasabi ni Alexander, sa laro namin kanina, may katumbas ito na may magandang mangyayari sa laro na pabor sa amin.



      “Anyway, narinig ko kayo kanina na pinag-uusapan niyo si Boss Aulric,” pag-iba niya sa topic.



      “Ahh! Oo. Pero, hindi si Boss Aulric iyung pinag-uusapan namin. O baka siya nga ba,” magulo na paliwanag.



      Kumunot ang noo na tiningnan ako ni Alexander saglit saka tumingin ulit sa kalsada. “Huh? Hindi ko maintindihan. Ipaliwanag mo naman.”



      “Mahabang kwento.”



      “Okay lang. Makikinig ako. Pero huwag naman masyadong mahaba.”



      Humugot ako ng malalim na hininga. “Well, ganito kasi. Noong sa palengke ako nagtatrabaho, nakilala ko ang mag-ina na ito. Emma ang pangalan ng nanay, at ang anak niyang si Aulric.”



      “Iyung tatay?” putol sa akin ni Alexander.



      “Tarantado,” mabilis na tugon ko. “Ipagpalagay natin na sa kwento ko, patay na iyung tatay kasi hindi naman ganoon ka-importante.”



      Tumango-tango si Alexander. “Okay. Wait, iyung sinasabi nung kaibigan mo na lamay ni Aulric, ano iyun?”



      “Teka, huwag muna doon sa parteng namatay na siya. Darating tayo diyan,” pagpapahinto ko sa tanong niya.



      “Okay.”



      “Anyway, nakakaraos naman sa buhay ang mag-ina. Nakapagkolehiyo si Aulric, sa Bourbon Brothers University...”



      “Private?” tanong kaagad niya na nagpahinto saglit sa kwento.



      Tumango lang ako. “Tapos iyun nga, hindi ko na alam ang kwento ng buhay niya sa eskwelahan na iyun. Basta isang araw, nakapatay daw si Aulric ng bata sa school. Nakulong siya.”



      “Intense,” bulong ni Alexander sa sarili.



      “And then napatunayan naman na hindi siya ang gumawa kaya nakalaya siya. Tapos habang nangyayari ang bagay na iyun, may nabubuo palang pagtingin ang nanay ni Aulric sa benefactor ni Aulric. Iyung benefactor pala ni Aulric ang isa sa mga dahilan kaya nakapagkolehiyo siya sa private school na iyun. Hulaan mo kung sino ang benefactor ni Aulric?”



      “Wow! Kung makapaghula. Parang kakilala natin iyung tao na iyun,” sarkastikong sabi niya.



      “Parang,” sabi ko.



      Nakita kong nanlaki ang mata ni Alexander habang nagmamaneho. “Oh wait, kilala ba talaga natin? Huwag mong sabihin iyung boss Aulric natin?”



      Umiling ako. “Malapit na.”



      “What? Sino? Iyung papa ba niya? Si Sir Henry?” hula ulit niya.



      “Bingo.”



      “What?” sabi niya pero mas mahaba. “As in si Sir Henry talaga?”



      Tumango lang ako. “Magpapakasal sana iyung dalawa. Kaya lang, may masamang nangyari. Namatay iyung nanay, pati din si Aulric na itinuturing niyang anak, na tanggap din naman siya. Hulaan mo kung ano ang magiging pangalan ni Aulric kung legal na siyang anak ni Sir Henry.”



      “Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor,” sagot ni Alexander. “So, ano ang ikinamatay nitong kaibigan mong si, Aulric? Nahuli ba iyung pumatay?”



      “Iyung nanay, may pumatay. Hindi pa rin nahuhuli. Pero si Aulric, namatay siya sa isang aksidente,” kwento ko.



      “Wow. Ang sakit nun. So itong Aulric na boss natin, ampon lang siya or something. Bakit naman kaya iyun ang ipinangalan niya sa tao?”



      “Hindi ko alam. Hindi ko masasabi ang iniisip ni sir Henry. Siguro, may kung anong bagay si Aulric na nakikita si Henry kaya pinangalan niya iyung boss natin na ganoon. Pero hoy, huwag mong ipagkalat iyung kwento ko. Mamaya, may hindi magandang mangyari sa trabaho ko.”



      “Huwag kang mag-alala. Safe sa akin iyang kwento mo. So, ano ang pakiramdam mo na nagtatrabaho ka kay boss ngayon? Lalong-lalo na at kapangalan siya nung dating kaibigan mo?”



      “Siyempre, nagulat ako.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Alam mo, kahit hindi kami magkaibigan nun, miss ko siya. Bago man lang siya mawala, may gusto sana akong itanong sa kaniya. Magkaibigan ba tayo?”



      “For a moment there, akala ko itatanong mo kung pwede bang maging kayo,” natatawa niyang sabi.



      “May boyfriend iyun, kaya hindi magiging kami. Tsaka okay na ako sa kaibigan. Alam mo kasi, napakakonti lang talaga ng kaibigan ko sa buhay na ito. Hindi ako katulad ng iba na may kaibigan sa kabilang baryo, kabilang siyudad, kabilang bansa. Sa palengke, pili lang ang mga kaibigan ko. Lalong-lalo na sa high school. Nakikisama, oo. Pero hindi ko totoong mga kaibigan iyung mga tao. Kung tutuusin nga, mabibilang mo ang mga kaibigan ko sa kamay. Kaya, mahalaga sa akin ang mga kaibigan ko. Mahalaga din sa akin na madagdagan ng kaibigan.”



      “Tayo ba, magkaibigan ba tayo?” biglang tanong ni Alexander.



      Nagulat ako sa itinanong niya. “Gusto mo ba akong maging kaibigan?”



      “Oo naman. Hindi naman tayo magkagalit, nag-uusap tayo ng mahinahon, nagtatawanan, hindi sa standards ko iyun para maging kaibigan mo ako. For the record, enjoy ka namang kasama. At sigurado ako na iyung mga kalaro natin sa café kanina, gusto ka ding maging kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa iyo noon kung bakit mapili ka sa kaibigan mo. Pero liligawan kita as a friend.”



      “Actually, maraming drug addict sa amin kaya mapili talaga ako sa mga kaibigan ko,” paliwanag ko.



      “Ay, kaya pala! Same! Kahit ako, magiging mapili sa mga kaibigan ko kung nasa sitwasyon mo din ako.”



      Tiningnan ko lang si Alexander habang nagmamaneho. “Oo, magkaibigan tayo.”



      “Back at you.”



      Hindi ko alam kung ano iyung sinasabi niya pero mukhang sinasabi niya na kaibigan niya din ako. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may bagay na nawala sa aking kalooban. Naging magaan ang aking pakiramdam.



      Habang nakatingin sa labas ng sasakyan, na-i-imagine ko ang mukha ni Aulric na nakangiti sa akin at sinagot niya ang tanong ko ng...



      “Oo naman, Randolf. Magkaibigan tayo.”




ITUTULOY...

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails