Followers

Thursday, December 27, 2018

Loving You... Again Chapter 66 - Test





  



Author's note...



Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.


Heto na po ang Chapter 66!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 |

















Chapter 66:
Test





































Edmund's POV




          Magtatanghali na nang natapos na ako sa aking pagluluto. Hiniling kasi ni Jasper na magluto ako ng kung ano, specifically, ako. Apparently, hindi ko naman trabaho ang magluto pero kung may mag-request, hindi ako tatanggi.




          “Tawagan mo na sila," utos ko sa katulong na kanina pa ako inoobserbahan kung paano ko niluluto ang putahe.




          Isang espesyal na putahe ala Edmund ang matitikman nila. May ilang varieties ng gulay, at ilang karne ng manok. Actually, pakbet naman talaga ito, pero tawagin na lang nating putahe ala Edmund. Ang putaheng ito ay kinaiinggitan ni Daryll dahil bakit si Franz ay humihingi ng isa pa. Gusto pa nga niyang gayahin kung paano ko ginagawa ang putahe, pero kahit kailan ay hindi niya magagawa iyun. Sinisigurado ko. Ang style ko sa pagluluto ay kahit kailan hindi magagaya ni Daryll.




          Handang-handa na ang lahat sa hapag-kainan. Bumaba na si Madam Veronica pati ang mga anak niya, tsaka si Franz. Dahil sa bumalik na iyung kapatid niyang babae sa ibang bansa, boring na naman sa lugar niya. Gusto niya sanang tumira doon kasama nila Joseph, kaya lang ay tinanggihan siya mismo. Baka daw kasi kung ano-anong bagay ang ipasok niya sa utak ni Ren habang lumalaki.




          Mula sa bukana ng hapag-kainan, napansin ko agad na masama agad ang timpla ng mukha ni Daryll. Inikot ko na lang ang aking paningin at nangako sa sarili na hindi ko siya pansinin sa mga sitwasyong ganito.




          “Edmund, samahan mo kaming kumain," yaya sa akin ni Madam habang umuupo ito sa gilid malapit sa gitna na inuupuan ni Sir Simon. Wala siya ngayon, nasa business trip abroad.




          Tumango lang ako at umupo sa isa sa mga upuan na naroon. Katabi ko si Jasper habang sila Daryll at Franz ay katabi si Madam Veronica.




          Habang nagsisiupuan ang lahat ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Allan. Nasa shop daw sila ngayon.




          Nagsimula na kaming magsikain. Halatang-halata naman na maganang kumain si Franz pero si Daryll ay nakasimangot. Nawala lang ang simangot nito nang sinibuan siya ni Franz sabay halik sa labi nito. Buti pa ang dalawang ito.




          Maraming ikiniwento si Madam Veronica sa amin habang kumakain kami. Kwento tungkol sa araw-araw na buhay niya at sa mga taong hindi nakaka-appreciate ng kasuotan niya. Kapansin-pansin naman na masyado atang magana si Jasper na magkumento sa mga bagay na sinasabi ni Madam Veronica. Halatang kinukuha ni Jasper ang loob niya at mukhang may kailangan siya. Hindi naman nakaligtas ang mga bagay na iyun kay Madam at sa kapatid niya. Oo, may kailangan talaga siya.




          “Kuya, kotang-kota ka na sa pambobola mo ahh?" wika ni Daryll.




          Mahinang pinalo naman siya ni Franz. “Hoy, tumigil ka nga."




          “Wala naman akong binobola dahil wala akong kailangan bolahin," kaswal na tugon ni Jasper. “Hindi po ba, Mama?"




          “Ay! Oo na lang," singhag ni Madam pagkatapos uminom ng tubig. “Alam kong may kailangan ka. Ano ba iyun?"




          Pinatunog ni Jasper ang kaniyang dila. “Wala akong kailangan, Mama."




          Nagsalubong ang kilay ni Veronica. Agad-agad kasi ang sagot ni Jasper. Isang bagay na hindi normal para sa kaniya. Dahil kung may kailangan silang magkakapatid, sasabihin nila agad. At ang mga magulang ay ibibigay iyun. Oo, binibigay na nila agad dahil iyun ang kailangan nila. Hindi na nila pinapa-delay gaya nang ginagawa nila noong dito pa nakatira si Ren.




          Tungkol naman sa gusto ni Jasper, meron naman talaga. At ang gusto niya, mapapatanong ka ng ’baliw ka ba'? Pero ikaw na tauhan at kaibigan, susuportahan mo na lang. Siyempre, may kinalaman iyun sa bago niyang lalaki. Gusto na niyang ipakilala si Kent sa mga magulang niya.




          Nagpatuloy ang pag-uusap namin. Tungkol naman sa mga buhay-buhay ni Daryll at Franz, at updates tungkol kay Ren. Habang napag-usapan namin si Ren, napansin ko naman si Jasper na kinukuha ang atensyon ko hawak-hawak ang kaniyang phone. Ang mukha ni Jasper, hindi maipinta. Parang may nakita siya sa phone na hindi maganda at kailangan kong makita.




          “Edmund," tawag niya sa akin habang inabot sa akin ang phone niya.




          Kinuha ko ang phone niya. Nang nakita ko kung anong meron, napatigil ako sa aking nabasa. Headlines pa lang ang nababasa ko.




          “First Victim of ‘Amn' Mysteriously Died A Day After He Remembered His Past," basa ko sa headlines.




          Pero nang ibinaba ko para basahin ang nilalaman ng balita, bigla kong naalala ang taong may kaparehas na karamdaman. Sumisikip ang pakiramdam ko kapag naiisip ko na naibabalik na ni Ren ang kaniyang alaala, tapos mamamatay lang siya pagkatapos ng lahat? Oo, nababasa ko na hindi pa sigurado kung iyung ‘Amn' ba talaga ang dahilan ng kamatayan niya. Pero kahit hindi sigurado, hindi maiwasan ng utak ko na isipin ang hindi na pinakamagandang senaryo dahilan ng kamatayan nung pulis.




          “Edmund, ano iyan?" rinig kong tanong ni Madam Veronica.




          Napatingin ako sa balita at kay Madam Veronica. Nang ibinalik ko ang phone ni Jasper, umiling ako pahiwatig na huwag niyang sasabihin ang nakita namin.




          “Gusto kong i-manage ang isa sa mga business ni Papa," bulalas ni Jasper.




          Nanlaki ang mata naming lahat, maliban kay Daryll na sige pa rin sa pagkain. Kahit alam kong sinabi ko na huwag sabihin ang nakita ko, hindi ko naman sinabi sa kaniya na magsabi ng kabaliwan sa kanila.




          “Ay! Talaga? Anong business naman?" excited na tanong ni Madam Veronica.




          Sa pagkakataon na iyun, sumibat na ako para makausap ng pribado si Sir Simon. Unang-una ay pinadala ko ang balita saka tumawag kay Sir Simon makalipas ang ilang minuto. Alam ko na kapag mensahe galing sa akin, babasahin agad ni Sir Simon. Kahit na hindi business ang mensahe ko, basta. Nagte-text lang naman ako sa kaniya kapag kailangan na kailangan talaga. Or kapag nalaman niya na nasa panganib ang buhay ni Ren.




          Tatawag pa sana ako nang nauna na si Sir Simon at tinawagan ako. Kaagad ko naman itong sinagot. Tanging paghinga lang ni Sir Simon ang narinig ko. Sa hindi ko malaman na dahilan, ibinaba niya ang telepono. Pero tumawag ulit siya kaagad.




          “Pasensya na," sabi ni Sir Simon matapos bumuntong-hininga. “Alam kong hindi pa kumpirmado ang nabasa ko. Pero ang posibilidad na mangyari iyun..." Rinig kong nag-crack ang boses niya sa kabilang linya. “Unang-una, hindi natin alam kung anong kemikal o anong elemento ang meron sa gamot na iyun. Kung ano ang magiging epekto nito sa isang tao pagkalipas ng ilang panahon. Bumalik siya sa akin ng buhay, tapos mamamatay siya matapos maalala ang lahat? Napaka-unfair iyun para sa bata. Bakit ba nangyayari sa kaniya ito? Ang hiling ko lang naman sa kaniya ay maging maayos ang buhay niya."




          ‘Patay na po iyung mga humahabol sa kaniya', ang gusto kong sabihin. Pero sa tingin ko ay mukhang alam na niya iyun. Kaya at least, okay na nga ang buhay ni Ren. Pero itong bagay na iniwan ng kalaban ng pamilya niya, napakaganda ng timing.




          “Pero, Sir Simon, muli, hindi pa po kumpirmado," paglilinaw ko ulit. “Alam ko pong hindi ako siyentista. Pero huwag po sana tayong dumiretso sa konklusyon. May mga pagsusuri na ginagawa iyung mga doktor. At sana ay maganda ang resulta na maibabalik nila sa atin."




          Rinig ko ang paglunok ni Sir Simon sa kabilang linya. “Sana. Medyo mapapaaga ang uwi ko. Kung hindi maganda ang resulta..."




          “Sir Simon, huwag naman po kayong magsalita ng ganyan," pakiusap ko. “Hindi lang naman po kayo ang malulungkot kapag nawala siya."




          “Alam ko. Makikipag-uganayan ako sa ilang siyentista para makakuha agad ako ng update. Bye."




          Ibinaba na ni Sir Simon ang tawag. Inikot-ikot ko lang ang phone sa aking kamay. Sana talaga, maganda ang resulta na makukuha namin.




Allan's POV




          Habang natutulog, nakarinig ako ng iyak. Kilala ko ang boses na iyun.




          Agad akong nagising at niyugyog si Ren. Kitang-kita ko naman ang luha na dumadaloy sa kaniyang mata. Nang sa wakas ay nagising ko siya, agad ko siyang niyakap at inalo. Saka ko naman nalaman na wala na si Keifer sa likod niya. Kami na lang dalawa ang tao sa kwarto na iyun.




          “Tahan na," sabi ko sa kaniya ng paulit-ulit. “Okay lang ang lahat. Nandito si kuya."




          Maya-maya ay tumahan na si Ren. Nakahiga na kami sa higaan sa shop. Nakatingin lang ako sa kisame habang si Ren ay nakayakap lang sa ibabaw ko. Hindi pa rin siya nagsasalita.




          Nang narinig kong tumunog ang phone ko na nasa sahig, medyo malayo sa akin, sinubukan kong gumalaw. Pero hindi siya bumitaw at umayos pa sa pagyakap sa akin.




          “Ayokong lumabas," rinig kong sinabi niya. “Ayoko ng lumabas."




          “Bakit?" tanong ko. “May problema ba?"




          “Ayoko lang," iling niya. “Gusto ko kasi na dito lang tumira. Dito sa kwarto mo."




          Nanlaki ang mata ko. “Ren, hindi ko kwarto ito," pagpapaalala ko. Tumira sa kwarto ko, tumira si Ren sa kwarto ko. Okay?




          “At hindi papayag si Mama mo at si Kuya Joseph. May bahay ka naman ehh."




          “Baka bumalik ang lalaki."




          “Sinong lalaki?" naitanong ko.




          “Hoy, andito na si Joseph," bungad ni Keifer nang umakyat siya sa kwarto.




          “Nandito na si Kuya mo," sabi ko kay Ren habang sinusubukan kong salubungin ang tingin niya.




          Umiling lang si Ren.




          “Ren, huwag na matigas ang ulo," pakiusap ko. “Alam mo naman ang mangyayari kapag hindi kita naibalik doon sa bahay. Mamaya, pupunta dito si Joseph at, baka magalit kay kuya. Baka akala niya, pinipilit kita na dito lang sa shop at-"




          Bumukas pa lalo ang pintuan at pumasok ang ilaw mula sa labas at si Joseph din. Naaninag naman niya kami agad at lumapit sa amin. Pero dahan-dahan, hindi iyung karaniwan na gustong manuntok ng tao. Ganoon ba talaga siya lumapit?




          “Anong nangyari?" naaninag kong galaw ng bibig niya.




          “Ewan," tahimik na tugon ko.




          “Ren, tara na," sabi naman ni Joseph. “Nagluto si Mama mo ng paborito mong ulam."




          Kaagad umalis si Ren sa ibabaw ko. Wala man lang kadramahan nang si Joseph na ang nagsalita. Dahil siguro nahuli ni Joseph ang kiliti niya sa pagkain.




          Sa hapag-kainan sa bahay ni Ren, sabay-sabay kaming kumain. May kakaiba naman akong napansin habang ino-obserbahan siya. Napakalikot ng mga mata niya at napapansin ko iyun dahil katabi ko siya sa mesa. Palipat-lipat ang tingin niya. Mula kay Keifer, sa Mama ni Joseph, at kay Joseph mismo. Hindi naman siya tumitingin sa akin. Siguro dahil alam niya na nakatitig ako.




          Nang natapos na kaming kumain, napansin ni Joseph na umakyat siya agad.




          “Aakyat ka na?" tanong ni Joseph mula sa kutson na inuupuan niya.




          “Oo. May assignment lang ako na tatapusin," paalam niya at nagpatuloy na siya sa kwarto niya.




          Kaagad na nagkatinginan kami ni Keifer. Parehas namin alam na kakaiba ang dahilan niyang iyun. Walang assignment ngayon sa klase. At kung meron man, tapos na agad iyun sa eskwelahan pa lang. Isa sa mga bagay na ginagawa pa rin ni Ren kahit nawala na iyung alaala niya.




          “Ikaw na?" offer agad ni Keifer.




          Hindi ko siya sinagot at umakyat sa kwarto ni Ren. Pagkarating ko sa kwarto niya, nagtaka ako nang naka-lock ang kwarto niya. Yeah, may ganoong feature ang pintuan ni Ren. Pero kahit kailan, simula nang nawala ang alaala niya, hindi siya nagla-lock ng pintuan. Kaya hindi naka-lock ay para makapasok agad sila Joseph sa kwarto niya dahil sa mga bangungot niya. Pero ngayon, medyo okay na daw siya ayon kay Joseph.




          Kumatok ako. “Ren, si Kuya Allan mo ito."




          Wala akong natanggap na sagot. Sinubukan ko ulit kumatok at tumawag pero wala pa rin.




          Nakita ko naman si Keifer na naglalakad papunta sa akin. Nakakunot ang noo niya at mukhang nagtataka siya.




          “Ano iyan? Naka-lock ba ang kwarto niya?" tanong niya agad.




          Tumango ako. May kinuha naman siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin ang isang susi. Ako sana ang magbubukas ng pinto pero nilagay niya agad ang susi sa butas. Nang bumukas ang pintuan, wala kaming makita. Madilim ang kwarto ni Ren. Siguro sa dilim siya gunagawa ng assignment, dahil wala naman talaga siyang assignment.




          Binuksan ni Keifer ang ilaw. Nakita naman namin si Ren na nakaupo sa isang sulok. Nakalibing ang kaniyang ulo sa pagitan ng kaniyang tuhod at bisig. Anong ginagawa niya?




          “Ren?" tawag ko. “Okay ka lang?"




          Dahan-dahan na lumapit ako. Hindi ko na napansin na hindi ko na kasama ai Keifer.




          “Ren," tawag ko ulit.




          Para namang nagising siya sa pagkakahimbing nang idinilat niya ang kaniyang mga mata.




          “Kuya Allan," mahinang tawag niya sa pangalan ko. “Pwede bang dito ka lang?"




          “Huh? Umm, pwede naman," naguguluhang sagot ko. “Kaya lang, kailangan ko din umuwi. Kasi, nandoon ang mga gamit ko, pati iyung damit ko."




          Ibinaba ni Ren ang kaniyang mukha. Nagtataka ako kung bakit gusto niya akong makasama. Iyung kanina na akala niya na kwarto ko, at itong ngayon na gusto niya akong makasama. Nandyan naman si Kuya Joseph pero bakit kailangan ako pa? Ano ba ang nangyayari?




          “Ayaw mo na ba kay Kuya Joseph?" maingat na tanong ko.




          “Ayoko," rinig kong sagot mula sa kaniya habang nakatabon pa rin ang kaniyang mukha. “Hindi ako tinulungan ni Kuya nang dumating iyung lalaki. Sinubukan kong labanan iyung lalaki pero, ang lakas niya. Hindi ko siya kaya. At dahil hindi ako tinulungan ni kuya, nadukot ako."




          Lumapit ako para yakapin si Ren. Binuksan naman niya ang posisyon para yakapin din ako.




          “Kaya kuya, dito ka lang," pagpapatuloy niya.




          “Pero bakit si Kuya Joseph lang?" Kumalas ako sa kaniya. “Sa totoo lang Ren, wala rin akong nagawa nang nawala ka. Isang araw lang, nalaman namin ni Larson na wala kang malay nang dalhin ka ni Mr. Schoneberg sa mansyon."




          Hindi makapaniwala si Ren sa sinasabi ko. “Kasi naiintindihan ko na wala ka palagi sa tabi ko. Pero alam ko na gusto mo akong kasama. Pero ngayon, bakit hindi pwede? Kuya Allan, dito ka na lang. Please?" pakiusap niya.




          Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya. Pero pakiramdam ko ay nanganganib si Ren. Naaalala kong sinabi niya na baka bumalik ang lalaki. Buhay pa kaya ang taong dumukot sa kaniya?




          “Ren, anong nangyayari?" tanong ni Joseph mula sa likod.




          Tumingin ako sa balikat ko at nakita si Joseph na nakatayo sa pintuan. May hawak siyang phone at hindi ko masabi kung kanina pa ba siya diyan nakatayo.




          “Okay lang ako kuya," sagot ni Ren na agad pinunasan ang mukha. “Okay lang ako."




          Ngumisi lang si Joseph pero sineryoso niya agad ang mukha niya. Baka siguro para magbiro na ganito gumawa ng kaniyang assignment.




          “Gusto mo ba na dito lang si Kuya Allan?" tanong ni Joseph. “Balita ko, nag-iisa lang siya doon sa bahay niya. At si Kuya Larson naman niya, palaging naglalagi sa shop."




          Nagulat kaming dalawa ni Ren sa itinanong niya. Agad naman siyang tumango.




          “Okay. Allan, kuha ka muna ng mga damit mo. Siguradong magtatagal ka dito," sabi niya saka umalis.




          Ngumiti naman si Ren. Tuwang-tuwa siya sa balita. Masaya ako, pero anong meron? Bakit gusto na nila ako dito? Off-limits na magtagal ako dito, tama?




          “Alis ka na kuya. Maghihintay ako sa iyo dito," nakangiting wika ni Ren.




          Medyo na-excite naman ako na hindi lang si Keifer ang malapit sa kaniya. “Babalik ako bago mo pa malaman iyun." Hinalikan ko ang kaniyang noo.




          Pagkasara ng pintuan ni Ren, napansin ko na iyung mga tao sa bahay ay nasa daanan. Si Joseph katabi ang Mama niya na mukhang nag-aalala. Si Keifer naman na nasa likod at sa malayo nakatingin.




          Tumalikod si Keifer at bumaba. Sa emosyon na pinapakita nila sa akin, nararamdaman ko na hindi maganda ang mga nangyayari.




          “Allan, may kailangan kang malaman?" sabi ni Joseph habang inabot niya ang kaniyang phone at hindi nakatingin sa akin.




          Kinuha ko ang phone niya. Isa itong news article tungkol sa isang pulis na pinakaunang biktima ng ‘Amn'. Binasa ko ang nilalaman ng balita. Bagama't hindi pa kumpirmado, sumisikip ang dibdib ko. Napunta ang utak ko sa pinakamasamang senaryo kung bakit namatay ang pulis. Sa epekto ng ‘Amn'.




Larson's POV




          Napangiwi lang ako matapos mabasa ang text ni Allan. Nasa bahay siya ngayon ni Ren at doon titira ng mga ilang araw, dahil sa tingin niya ay bilang na ang mga natitirang araw ni Ren.




Larson: Umayos ka. Hindi pa naman kumpirmado iyung pagkamatay nung pulis. May ginagawa pang mga test para malaman kung ano talaga ang ikinamatay nung tao.




Allan: At kung doon nga sa iniisip ko, ano?




          ‘Iiyak na lang tayo', ang tugon ko sana. Walang emosyon ko itong sasabihin sa kaniya. Baka nga gawin ko pa itong biro. Pero hindi ko ito itutuloy. Ayokong dagdagan ang sakit na nararamdaman niya dahil may isa pang bagay na nangyari na ako pa lang ang nakakaalam.




Larson: Maging resunable ka nga. Bakit ba iniisip mo iyung pinakamasamang senaryo? Napapagod ka na ba kay Ren kaya ang sinisigaw ng isip mo ay mamamatay na siya? Tumigil ka nga sa pag-iisip ng ganyan. At isa pa, huwag kang magpapahalata na iniisip mong mamamatay na si Ren. Baka ikaw pa ang maging dahilan ng kamatayan niya.




          Pero, hindi ko naman siya masisisi. Siguro, ganito lang talaga kapag nagmamahal at ang pinag-uusapan ay mamamatay ba siya matapos maalala ang lahat dahil sa chain reaction nung ‘Amn'? At kung mamatay nga siya, sino pa ang hahabulin namin? Patay na iyung nagpainom sa kaniya ng bagay na iyun.




Larson: Again, keep it down. Hindi pa kumpirmado ang lahat. Haka-haka pa lang. Nakabantay ako sa ‘kanila' at nakakaintindi pa rin ako ng ingles. Huwag masyadong OA dahil baka nagpapaka-OA tayo para sa wala. Magmumukha tayong tanga lahat. Mag-i-stay ka lang diyan, and have fun!




          Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin ng diretso matapos makita ang isang pamilyar na sasakyan. Kasalukuyan akong nakasandal sa pader ng building at inaantay ang taong nag-blackmail sa akin. Sa totoo lang, hindi magandang ideya na napapasunod niya ako dahil sa sex video namin. Damn! Alam niyo naman ang mga taong namba-blackmail. Kapag na-blackmail ka na nila, aabusuhin ka na niyan. Baka magpagawa pa siya ng bagay na makakakuha na naman ng bagong material para gamitin sa isang panibagong blackmail. Ang saya! Iniisip ko pa naman na baka mag-sex ulit kami ni Kurt at mangangako siya na buburahin iyung mga video na hawak niya. Tapos malalaman ko na may panibagong video siya, at paulit-ulit na mangyayari iyun hanggang sa magkanda-letse-letse ang lahat. Nasa pinagkakatiwalaan pa daw niya iyung isang video. Pero ako, hindi ako nagtitiwala sa pinagkakatiwalaan niya. Maraming bagay ang posibleng mangyari. Baka kapag may bagay na aksidenteng naibura niya, tapos hihingi ng tulong sa mga IT expert. Tapos habang tinutulungan siya, nakita ng IT expert iyung video. Ipinakalat. Yari na! Mukhang sarap na sarap pa kaming dalawa sa kahit anong bersyon nung video namin.




          “Kurt, sarap na sarap ka ba na tinuhog ni Larson?" tanong ng isang bastos na reporter sa isip ko.




          “Sa ibang balita naman, nag-resign ang mag-asawang reporter dahil sa isang malaswang video ng anak nila na kumalat-" wika naman ng isang reporter sa isip ko.




          Ayokong mangyari iyun. Nakipag-sex lang ako sa kaniya, nakaramdam ako ng guilt sa loob ko, nanira pa ako ng career ng mga tao? Ako naman, pwede akong magpaka-asshole. Magpapakita lang ako sa shop at maging gwapong-gwapo sa sarili.




          “Tang ina nun ni Kurt. Sarap tirahin lalo na kapag sinasakyan ng malaking titi ko," sabi ng mayabang na bersyon sa isip ko, kung sakaling magpaka-gago na lang ako habang ang pamilya niya ay nasadlak sa kahihiyan.




          Nanginig ako matapos maalala ang bagay na iyun sa pagitan namin ni Kurt. Ugh! Oo nga pala. Tinuruan ko talaga siya kung paano ako sakyan. Ako ang nag-guide sa ari ko sa kaniyang butas, kung paano siya gumalaw kapag nasa ibabaw siya, at iyung tao, fast learner. Nakuha agad ang kiliti ko. Potang ina! Potang ina!




          “Okay ka lang?" tanong ni Kurt na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.




          Masama ko na lang siyang tiningnan. “Hah! Nagtanong ka pa."




          Pasalamat itong taong ito, ayoko masira ang pamilya niya. Ayokong masira ang mga buhay nila.




          “Halika na! Para matapos na ito." Lumakad ako sa pintuan at binuksan ito para sa kaniya. “After you."




          Ibinaba lang in Kurt ang tingin niya saka pumasok sa loob. Matapos maging available ang psychiatrist ng gusaling iyun, kaagad na isinalang ng doktor si Kurt. Pagkatapos, ako naman. Gaya ng inaasahan, ang topic ay iyung tungkol sa pagdukot sa amin. Tinanong kami kung ano ba talaga ang naaalala namin noong mga panahon na iyun. May choice kami, o ako na hindi talaga sagutin ang psychiatrist.




          At ang choice ko, sumagot ako. Pero hindi ko inilathala iyung mga bagay na hindi ko talaga naaalala. Gaya ng ginawa ko kay Kurt. Again, ano ang naaalala ko. Hindi naaalala ni Kurt, kung hindi ang naaalala ko lang. Napaka-pilosopo ko.




          Pagkatapos ng exam, nagpayo sa akin ang psychiatrist ng kung ano-ano na hindi na ako interesado. Lumabas na ako at nakita si Kurt na nakaupo at hinihintay akin.




          “Kumusta ka?" tanong ko.




          Humugot muna siya ng malalim na hininga. “Pasensya na," mahinang sabi niya habang nakatingin pa rin sa baba. Aba! Mukhang magandang senyales ito.




          “Alam mo kasi kuya, kapag nagmamahal ako ay halos binibigay ko ang lahat. Oras ko, panahon, sex, binibigay ko talaga. Kasi gusto ko, forever ko na iyung isang tao. At gagawin ko talaga ang lahat para lang hindi ako iwan." Umiling siya. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at nag-peace sign. “Pero hindi. Dalawang beses na."




          Lumapit ako sa kaniya at inilagay ko ang aking kamay sa likod niya. “Bata, okay lang iyan. Makakahanap ka pa naman ng iba. 7 billion ang tao sa mundo. Sa 0.01% na tao ang makasalubong mo sa buhay mo daily, may isa diyan na baka ikaw ang hinahanap. May isa diyan na dadaan lang sa buhay mo para makita mo ang hinahanap mo. Baka best friend niya, or dating kaaway niya, ganoon. Tsaka bata ka pa naman. Marami ka pang makikilala. Mahahahanap at mahahanap mo din ang tao para sa iyo. Trial and error, hit and miss, ganoon talaga ang buhay."




          Nag-angat siya ng tingin at ibinaling ang direksyon ulo sa akin, hindi pa rin siya nakatingin sa akin sa mata. “Pero hindi ko gusto ng ganoon. Ayokong makalima, maka-anim bago pa makita iyung tao na para sa akin. Hindi ko kaya dahil lahat ng nakarelasyon ko ay natapos sa kwentong pinagtaksilan ako. Iyung pangatlo kaya? Pagtataksilan na naman ba ako?" Sinalubong niya ang aking tingin. “Pagtataksilan mo ba ako?"




          Umiling ako. “Unang-una sa lahat, hindi tayo counted. Pangalawa, hindi ako sigurado. Ang taas kasi ng kumpyansa mo sa sarili na hindi ka pagtataksilan. Expect that at least na may bagay na mangyayari at hindi mo inaasahan. At wala na akong magagawa diyan dahil hindi ko basta-basta mababago iyang tingin mo sa mundo. Tsaka isa pa lang ang nakarelasyon ko. Natapos iyun ng biglaan kasi kailangan kong lumayo, at okay naman iyun sa kaniya dahil kailangan. At isa pa, wala akong balak na ikaw iyung pangalawa. Marahil ay natapos na iyung una, pero nagsisimula pa ulit kami."




          “Sino iyun?" tanong niya.




          “Umm, naaalala mo ba na bina-black mail mo ako ngayon? Baka kapag nalaman mo kung sino, dadagdagan mo na naman ang mga kasalanan mo," pagpapaalala ko.




          Kinuha ni Kurt ang kaniyang phone at may tinawagan. Umupo lang ako at naghintay sa kakuntsaba niya sa pagba-blackmail sa akin, sa aming dalawa.




          Pagtaksilan, huh! Si Gerard pa lang naman iyung nakarelasyon ko. Pero natapos kami ng biglaan kasi nga, siya pala iyung pinagmamalaki ng mga Villaflores pagdating sa pagpatay. At alam na nung mga Villaflores kung saan-saan iyung mga natitirang Villarica kaya lumayo kami.




          Maya-maya ay dumating na iyung kaibigan niya. Pagkakita pa lang sa akin, bahagyang ibinaba nito ang kaniyang tingin. Tinanggal niya sa pagkaka-lock ang cellphone niya at ibinigay ito sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Kurt. Hinanap ko ang mga video. At pagkakita dito, napapikit na lang ako. Hindi nagbibiro si Kurt sa mga sinasabi niya na. Dalawa nga ang video, magkakaiba din ang scene, magkakaiba din ang anggulo. Mahihirapan talaga ako kapag lumabas ito ng biglaan.




          “Sumama kayo sa bahay ko. Buburahin ko lang ang mga video ng tuluyan," sabi ko sa dalawa.




          Nauna na akong lumabas habang nakasunod ang dalawa sa likod ko.




          Sa kwarto ko sa bahay, pwersahan kong pinapakinggan ang video habang ginagawa ang parte ko, habang ang dalawa ay nasa sala. Gumagawa ako ng virus na makakabura ng mga video na ito kung sakaling naipakalat na nung kaibigan ni Kurt o ni Kurt mismo ang video. At kailangan naka-play talaga? Oo. Baka kasi may kaunting anomalya sa video at sa isang mali lang, mali na lahat. Huwag kayong kumuha ng IT course dahil dapat ay perfectionist ka sa mga codes mo. Gaya ng sabi ko, isang mali lang at mali na lahat.




          Habang ginagawa ko ang trabaho ko ay mino-monitor ko sila Kurt at Kian. Sa monitor, kitang-kita ko na nag-uusap sila. Marahil ay sinasabihan ang kaniyang kaibigan na mali ang pinaggagagawa niya sa buhay. Nam-blackmail ba naman ng ibang tao, itinaya pa niya ang sarili at ang pamilya niya.




          Hindi ko talaga siya maintindihan. Ini-expect niya na pagkapasok sa relasyon ay okay na agad. Tingin niya ba ay huminto ang buhay nang naging sila nung mga babae sa buhay niya? Tingin niya ba ay wala ng mangyayari? Pero napakaganda siguro na kapag iyung taong mahal mo ay mahal ka din. At kahit may mga pagsubok ay sa huli, naging kayo pa rin. Maraming sumubok na gibain ang relasyon ninyo, pero hindi kayo nagigiba dahil imbes magiba ay tumitibay pa kayo.




          Natapos ko na din ang code na ginagawa ko. In-upload ko na muna iyung mga sex videos ko sa internet. Nang natapos na mag-upload ay in-upload ko naman sa internet ang virus na ginagawa ko. Laking tuwa ko matapos mawala ang na-upload na video sa isang iglap lang.




          Tumungo na ako sa sala at ibinigay sa dalawa ang kanilang mga phone. Kinuha naman ito ng dalawa. Tumayo agad sila at lumakad palabas ng bahay.




          “Kurt," tawag ko dito saka hinawakan ang pulsuhan niya nang nahabol ko.




          Hindi naman siya humarap pero napansin niya ang presensya ko. Huminto naman si Kian at humarap sa kaniya. Pero sumenyas lang siya at tumuloy na sa paglalakad si Kian.




          “Gusto kong malaman mo na kaibigan mo pa rin ako hanggang ngayon," hindi ko siguradong sabi. “Kung hihingin mo ang kapatawaran ko, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo. Pinapatawad na kita."




          Narinig ko ang mahina niyang paghinga, saglit. Palagay ko ay nagulat siya sa sinabi ko. Iyung bina-blackmail mo, akalain mo iyun. Naging kaibigan mo pa. Pero jokes aside, alam kong may ginawa siyang hindi maganda sa akin. May ginawa din naman akong mali sa kaniya kaya quits lang. At hangga't maaari, iyung mga katulad namin ni Kurt, kailangan ng matinding suporta, hindi lang sa pamilya kung hindi sa mga kaibigan din.




          Ihinarap ni Kurt ang mukha niya sa gilid. Kita kong bumuka ang labi niya pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad at umalis.




Gerard's POV




          Katatapos lang ng pinapagawang delivery ng pamilya ni Ronnie. Huwag niyo ng tanungin kung ano ang pinapadala. Wala nmang patayan na naganap, which is maganda.




          Bumalik ako sa mansyon niya at naabutan si Ronnie na may bitbit na pahayagan. Sa paglalakad ay bigla ko naman naaalala si Edmund, o si Larson. Parehas na scene ang makikita ko. Ang paligid ay iyung apartment na tinitirhan ko, si Ronnie ay iyung isa sa mga lalaking naiisip ko, na naghihintay, at ako na galing sa eskwelahan, na dapat nga ay hindi ko na pasukan kasi matalino na ako, sa normal na lebel.




          “Gerard?" tawag ng isang boses.




          Natigil ang pag-iisip ko nang tinawag ni Ronnie ang pangalan ko. Lahat ng naisip ko ay biglang naglaho, sa hindi magandang paraan. Parang sinasabi ng kaibuturan ng aking kamalayan na hangga't pinagpapatuloy ko ang ginagawang ito, hindi mangyayari ang dalawang magkaibang senaryo na naisip ko. Pero kahit ganoon, ipagpapatuloy ko ito sa huli. Hanggang sa masiguro ko na ligtas na kaming lahat mula sa orihinal na mga kaaway namin.




          “Maayos ba ang lahat?" Kumunot ang kaniyang noo at bumuntong-hininga. “Si Anthony? Buhay pa ba?"




          “Maayos kong nagawa ang pinapagawa ng pamilya mo. Si Anthony, buhay pa rin at sumusunod sa mga direksyon ko," sagot ko. Hindi ko pa rin nakukuha ang tunay na halaga ni Anthony.




          Habang tinitingnan siya ay nahiwalay ang tingin ko dahil sa kaniyang hawak na dyaryo. Ang title ng article na binabasa niya ay ‘First Victim of ‘Amn' Mysteriously Died A Day After He Remembered His Past'.




          “‘Amn'," nasabi ko. “Saan ko ba narinig ang bagay na iyan?" Umakto akong nag-iisip.




          “Iyan iyung gamot na nagpapawala ng buong alaala ng isang tao." Binitawan niya ang dyaryo. Inangat ni Ronnie ang kaniyang mga kamay at pinaglayo sa isa't isa ng dahan-dahan. “Literal talaga na buong alaala ng tao. Pati kung paano natin igalaw ang ating katawan," turo niya sa katawan niya. “Sa memory din natin iyun kaya apektado. Kaya para tayong baby kung sakaling mabiktima tayo ng drogang ito."




          Nagkunyari akong nagulat. “Hindi buo ang eksplanasyon mo, pero nakuha ko agad. At mukhang alam na alam mo ang bagay na iyan."




          Ngumiti siya at mukhang nahihiya sa sinasabi ko. “May nabasa kasi akong libro kung paano mag-function ang katawan natin." Tumikhim siya. “Sa ibang bagay naman, may ilan sa mga kakilala ng pamilya ko ang may hawak ng gamot na ito. Kaya lang, sa isang gabi, pare-parehas nawala ang mga gamot na ito sa kanilang mga pinagtataguan."




          Natural naman na namangha ako. “Ang galing naman."




          Sa totoo lang, napakagaling naman talaga ni Keifer. Mag-isa, lang siya, isang gabi, apat na ‘Amn', apat na magkakaibang lokasyon. World record iyun sa mundo ng mga magnanakaw. Biruin mo, isang araw pagkagising ko, nakuha na niya agad iyung mga ‘Amn'.




          6 months ago…




          “Tapos ka na agad?"




          Napatingin ako sa salamin na nasa pintuan. Parang nanlumo ako dahil, experienced akong tao. Tiningnan ko naman ang katawan ni Keifer, na hindi gaanong experienced. Ang katawan na iyan, kayang magnakaw ng apat na beses sa iba't ibang lugar?




          Sa plano namin, talagang sa isang gabi namin gagawin ang bagay na iyun. Gaya ng sinabi ko, ang ‘Amn' ay limited edition para sa mga masasamang tao. Kapag naibalita sa mga taong may hawak na may taong nagnanakaw ng mga gamot na ito, hihigpit sigurado ang seguridad para lang hindi manakaw ang kanilang ‘Amn'.




          “Ganoon talaga," nagkibit-balikat si Keifer.




          “Paano? Paano mo ginawa? Magkwento ka naman," siko ko sa kaniya saka umupo sa mesa.




          Umupo din si Keifer sa mesa. “Ginamitan ko sila element of surprise. Tago dito, suntok sa batok nila," proud na kwento niya.




          Para naman akong bata na nakikinig sa kwento niya. Kinokontra ko pa ang sinasabi niya na para bang ako ang guard sa gabing iyun, kung ako iyun. Experienced din ako sa pagbabantay at walang nananakaw mula sa akin.




          “Dalawang tao daw ang responsable sa mga kumuha ng mga ‘Amn'. Pero may mga report na isa lang daw tao ang sumugod sa kanila," kwento pa ni Ronnie. Ang galing talaga ni Keifer. Kaya niyang paramihin ang kaniyang sarili kaya nasasabi nila na dalawang tao ang responsable.




          “So, ano naman ang koneksyon nito sa binabasa mo?" tanong ko.




          Kinuha ni Ronnie ang dyaryo. “Sinabi sa akin ni Allan na biktima si Ren ng ‘Amn'. At ayon sa balita, baka dahil daw sa epekto ng ‘Amn' kaya namatay ang unang biktima."




          “Nag-aalala ka ba kay Ren?" maingat na tanong ko.




          Nanlaki ang mata niya. “Oo naman. Kaibigan ko iyung tao. Ang hindi ko lang maintindihan, sinong loko-lokong tao ang gumamit sa kaniya ng drogang iyun?" Iyung best friend mo.




          Bigla naman sumeryoso ang mukha ko sa isip ko. Hindi lang si Ren ang inaalala ko na mamatay. Natatandaan ko na ginamit din ni Keifer ang gamot sa mga pinsan niya. At alam ko, baka nabasa na ni Keifer ang article na ito.




          “Pwede ko bang basahin ang dyaryo? Naging interesado ako bigla," sabi ko.




          “Sure," pagpayag niya.




          Habang kinukuha ko ang dyaryo ay tumunog naman ang phone niya.




          Kinuha niya ito. “Huwag ka muna umalis. Pagkatapos ng tawag, ibibigay ko na sa iyo iyung sweldo mo."




          Tumango lang ako. Nang umalis na siya ay mabilis kong binasa ang pahayagan. At ang nakuha ko, hindi sigurado ang mga tao kung dahil ba sa ‘Amn' o kaya may ibang dahilan kaya namatay ang pulis. Hindi sigurado, hindi ito maganda. Hindi pa naman namin alam kung saan gawa ang ‘Amn".




          Ibinaba ko na ang dyaryo nang naramdaman ko ang mga yapak ni Ronnie na papalapit. May inabot siya sa akin na malaking sobre. Nang binuksan ko ito, napakaraming P1000 ang nakita ko. Binilang ko ito kung tama ba ang pinapasweldo sa akin. Oo, nagbibilang pa rin kami ng sweldo. Gaano kalaki, o kahit galing pa sa ilegal na gawain, importante pa rin sa akin ang nilalaman ng aking sobre.




          Kumunot ang noo ko matapos mabilang ang pera. Tumingin ako kay Ronnie.




          “Doble sa dati ang binibigay mo ngayon," sabi ko.




          “Sa magulang ko galing iyung iba. At kanang kamay kita, hindi ba? Dapat lang na malaki-laki ang ibigay ko sa iyo," ngiti niya. Aba! Marunong talaga siya.




          Umupo si Ronnie at kinuha ang dyaryo. “Bakit hindi ka na lang mag-drop sa course mo? Dito ka na lang at full-time na magtrabaho."




          “Pwede. Kaya lang ay nasimulan ko na iyung pag-aaral ko. Kailangan ay tapusin ko iyun. Iyun ang kredo ko, hindi mo ba alam? Walang makakawala sa akin kapag target ko ang isang tao."




          Tumango siya sa akin at humugot ng malalim na hininga. “Good work, Gerard," puri niya.




          “Magpapahinga na ako."




          Tumalikod na ako para lumabas. Habang lumalabas ay dumaan naman sa paningin ko si Anthony na umakyat sa pangalawang palapag ng bahay ni Ronnie, kung saan siya natutulog. Speaking of sweldo, ang mga katulad niyang ‘aso' ay hindi binibigyan ng sweldo. Ang pinakasweldo niya ngayon ay nananatiling buhay pa rin ang mga kapamilya niya.




          Umakyat ako sa kwarto niya at naabutan siya na tumitingin sa isang litrato. Nagulat siya at agad na itinago ito. Litrato iyun ng Mama niya kung tama ang pagkakakita ko.




          “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang masama siyang nakatingin sa akin.




          “Kinukumusta ka," simpleng sagot ko. Kumuha ako ng ilang P1000 sa sobre ko at inilagay sa kama niya.




          “Para saan iyan?" tanong ni Anthony habang kinukuha ang pera mula sa kama.




          “Sweldo, mula sa akin." Ibinalik ko ang sobre sa aking bulsa. “Alam kong ang mga katulad mong aso ay hindi na binibigyan ng pera kapag natapos ang isang operasyon. Marahil ang mga magulang ni Ronnie ay naniniwalang huwag ka ng bigyan. Pero iyung dati kong amo, namimigay pa rin. Kasi, umm..." Napakamot ako sa ulo. “ginagamit namin ang pera para mag-iba ang isip ng lahat ng taong binibigyan namin." Natawa na lang ako. Hindi kasi normal na iyung mga aso ay bigyan pa ng pera, para mag-iba ang isip. Gumagana naman kahit papaano.




          “Ang punto ko, sumunod ka na lang. Kung naghintay ka pa ng matagal, marahil ay ginagahasa mo na iyung stepbrother mo, wait. Hindi mo pala stepbrother si Nicko." Nag-isip ako saglit. Pinatunog ko ang aking tatlong daliri. “Aha! Anak ng lalaking nagustuhan ng Mama mo, basta. Iyun na iyun. Ang mga marunong maghintay ay mabibiyayaaan. Ang mga taong hindi marunong maghintay ay mapapahamak." Itinuro ko siya gamit ang aking palad. “Gaya mo."




          “Bakit? Ano pa ba ang magagawa nila kung susunod lang ako sa sinasabi niya?" tanong niya habang inaayos ang kaniyang kwarto.




          “Pwede namin palayain ang Mama mo mula sa kulungan na iyun, pati na rin ikaw."




          Sarkastikong tumawa si Anthony at hinarap ako. “Makakalaya? Talaga? Para sa isang mas malaking kulungan?"




          “Ehh, ano naman?" ismid ko. Nang-aasar na tiningnan ko siya. “Kasalanan mo naman kung bakit ka nagpahuli nang unang beses. Kaya ang kulungan mo na hindi pa natatapos ang senstensya, reclusion perpetua tama? Mas lalaki lang. Pero at least, lumaki. Hindi mo makikita ang mga pare-parehong mukha na nakakulong kagaya mo. Kami lang ni Ronnie at iyung iba na na malayang-malaya." Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto niya at tumigil ako sa air conditioner. “Hindi mo kailangan sumipsip sa mga boss mong nakakulong din para lang mabigyan ng aircon ang kwarto mo." Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. “Hindi ka din mangangamba na biglang sumugod ang gobyerno sa kulungan at inalis iyung aircon. Tapos sisipsip ka na naman sa boss mo doon. At higit sa lahat, hindi ka mag-aaalala na may taong maiinggit sa kalagayan mo ngayon. Na taong may magta-traydor sa iyo. Ang kailangan mo lang namang gawin ay sumunod. Hindi naman mahirap gawin iyun, hindi ba?"




          Nginitian ko lang siya habang nakikita ko sa mga mata niya na pinag-iisipan ang aking mga sinasabi. Lahat ng sinasabi ko ay totoo, maliban lang sa parteng walang magta-traydor sa kaniya dito. Kasi ang totoo, ako iyun. Ako naman talaga ang traydor sa simula pa lang. Gusto kong makontrol siya para kay Ronnie at para sa sarili kong interes.




          “Pag-isipan mo iyan ng mabuti. Hindi mo alam pero napakaswerte mo. Sa dinami-dami ng mga nakakulong sa bansa natin, ikaw ang napili. Kung ako sa iyo, hindi ko na pakakawalan ang pagkakataong ito."




          Isinara ko ang pintuan at naglakad na papalabas. Ibinalik ko ang aking mata sa mansyon na tinitirhan nila. Naglakbay naman ang isip ko sa bahay ng dati kong amo. Ang alam ko, dating preso din si Papa hanggang sa nakuha siya ng dati kong amo. Or, si Papa ba iyun? Parang si Lolo. Ahh! Hindi bale na. Ang masasabi ko lang ay napakaswerte ng pamilya namin. Pero hindi swerte iyun kung ang kapalit ay buhay ng ilang mga tao para sa gawain namin. Siguro sila, masisikmura nila. Pero ako, hindi kahit kailan.




          Nag-commute naman ako papunta sa isang lugar, sa isang orphanage. Tumingin-tingin naman ako sa likod habang naglalakad. Tumango ako matapos makumpirma na walang sumusunod sa akin.




          Dumiretso ako sa gate na may hawak na isanglibo sa pagitan ng dalawa kong daliri. Kinuha naman iyun ng gwardya at pinapasok ako. May ibinigay naman sa akin na visitor pass ang isang gwardya sa loob. Pagkarating sa loob ng orphanage ay nakita ko agad si Keifer na nakatayo sa lilim ng isang puno. Pinapanood ang mga pinsan niya na naglalaro kasama ang iba pang mga bata.




          Pumunta din ako sa kabilang parte ng puno na malilim din. Naramdaman agad ni Keifer ang presensya ko pero hindi siya nag-abala na tingnan ako. Tumingin lang din ako sa mga kababata niya.




          “Mukha naman silang okay," sabi ko matapos makita ang mga ngiti sa labi ng kaniyang pinsan. Napaka-inosente.




          “Mukha lang," matipid niyang tugon habang hinahawi ni Keifer ang kaniyang buhok. “Kapag may nangyari sa mga pinsan ko..." Humugot siya ng malalim na hininga. “Ano ang gagawin natin ngayon? Dapat may gawin tayo. Kasi itong mga pinsan ko, ang babata pa. Si Ren, makakasama ko na ng mas matagal, sana. Tapos..."




          Nakikita kong maraming beses siyang humugot ng malalim na hininga na may papikit-pikit pa ng mata. Nagagalit siya ngayon dahil sa sitwasyon, ng mga malalapit sa kaniya.




          “Maghintay," nasabi ko na lang.




          Tiningnan niya ako ng masama na mukhang aambahan pa ako, pero hindi iyun nangyari. Sarkastikong ngumiti siya at minura ako ng maraming beses. Iyung tipong bawat mura ay may katumbas na diyos na sana, mawala ako sa kinatatayuan ko ngayon.




          “Nang-aasar ka ba?" mahinang boses na tanong niya pero bakas dito na sisigaw siya kung wala siya sa lugar na ito.




          “Hindi sa ganoon," iling ko.




          “Natatandaan mo ba nang huli mong sinabi iyan sa akin? Naturukan si Ren ng ‘Amn'," duro niya. “At ngayon, maghihintay na lang tayo na bigla na lang siyang mangisay sa harapan, naming lahat!" angat niya sa kaniyang kamay. “Palibhasa kasi, hindi ikaw ang mamamatayan. Hindi ikaw ang makakalimutan."




          Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. “Keifer, ano ba ang gusto mong gawin ko, gawin natin? Alalahanin mo na iba ang sitwasyon natin noon. Kailangan masiguro na nandoon silang lahat para walang ng makakaalam at wala ng humabol pa! Hindi ba iyan ang gusto mo? Napatay mo na silang lahat! Wala nang makakaalam sa sikreto ng pamilya, wala nang hahabol kay Ren!"




          Diretso ko siyang tiningnan habang iniiwasan niya ang aking tingin. Kinagat-kagat pa niya ang kaniyang labi dahil sa inis.




          “Kung may solusyon lang ako sa sitwasyon natin ngayon, hindi maghintay ang isasagot ko sa iyo. Aksyon agad ang gagawin ko. Malas nga lang natin, ikaw ay nag-aaral pa lang bilang doktor. Ako, iyung kaalaman lang ng ex ko at ang natural na abilidad kong pumatay ng tao ang dala ko. Ehh, anong gagawin nating dalawa? Gaya mo na nangakong magiging maayos ang buhay ni Ren, pangako ko din iyun kay Lars. Kaya masakit man na marinig sa akin ang sagot sa tanong mo, tanggapin mo. Maghintay lang ang magagawa natin."




          Kinuha ko ang sobre na may lamang pera at kumuha ng sampung isanglibo dito. Nilagay ko sa bulsa ang perang kinuha ko at ibinigay ang sobre kay Keifer. Kinuha naman niya ito habang ako ay naglakad na papalabas. Kung sana ay isa akong tao na may mga solusyon kaagad sa mga problema na kinakaharap ko. Aayusin ko ang lahat ng mga gusot na ginawa ko.




          Sunod naman na pumunta ako sa shop ni Larson. Pagkarating doon ay iyung bantay lang ang nadatnan ko, at ilang regular na naglalaro. Nandito si Alexis kasama ang ilan sa mga kaibigan niya, o mga kalaro niya na taga-Bourbon Brothers. Halos okupado ang unang row dahil may isang upuan na bukas ang PC pero walang naglalaro. Walang masyadong tao sa araw na ito. Nadismaya ako dahil gusto ko sana siya na makausap ng personal.




          Tumungo ako sa CR para sana mag-CR. Kaya lang, ‘Out of Order' ang CR. Pinatunog ko lang ang dila ko saka kinuha ang phone para tawagan si Edmund. Umupo lang ako sa papag na nandoon kung saan humihiga iyung matandang inaalagaan ni Larson. Si Mang Luke. Matapos ang ilang piano keys ng Fix You, iyun ang ringtone ko sa phone niya na naririnog ko sa utak ko, sinagot agad ni Edmund ang phone.




          “Gerard, napatawag ka," excited niyang tugon.




          “Oi, hindi ka halatang excited," natatawang sabi ko.




          “Ahh! Nandito kasi ako ngayon sa DOH. Alam mo na kung bakit. Ngayon na daw kasi malalaman iyung resulta kung ‘Amn' nga ba o hindi ang pumatay doon sa pulis," paliwanag niya. “Kanina pa nga ako naghihintay dito. Nakakabagot kaya, alam mo ba iyun? Parang gusto ko na nga laruin iyung sarili ko dito."




          Nanlaki ang mata ko sa sinabi. “Huy! Tumigil ka. Huwag kang gumawa ng hindi maganda diyan!"




          Tumawa si Edmund sa kabilang linya. “Biro lang. Ikaw? Kumusta ka?"




          “Okay lang ako. Nandito ako ngayon sa shop ni Larson..." Tumigil ako saglit. “para magtapat sa kaniya tungkol sa nangyari kay Mang Luke."




          “Sasabihin mo sa kaniya ang totoo?"




          “Yeah. Ako iyung parang bitag ni Larson. Nahuli ko siya sa bitag ko. Pumasok si Anthony dito sa shop at tinakot si Mang Luke. Umalis si Mang Luke at gaya ng inaasahan ay pumunta sa bahay niya. At pinatay ni Anthony si Mang Luke kahit na ang direktiba ko ay takutin lang."




          Humugot ng malalim na hinga si Edmund. “Pwede ko bang malaman kung ano ang nalalaman ni Mang Luke?"




          Ngumiti ako ng mapait. “Nakita niya na kakilala natin iyung pumatay. Iyun lang." Napahiga ako sa papag.




          “So pinipili mo si Larson kesa sa akin?" seryosong tanong niya.




          “Huh? Bakit mo naman nasabi iyan?"




          “Kasi sasabihin mo ang lahat sa kaniya. Sa akin, hindi mo nga masagot iyung tanong ko."




          Lumabas si Alexis sa shop at inikot ang mata. Hindi naman ako nito pinansin pero mukhang may hinahanap siya.




          “Saan na nagpunta iyun?" tanong nito sa sarili bago pumasok sa shop.




          Napabangon ako sa papag. “H-Hindi ko alam. Unang-una sa lahat, hindi ko alam ang pag-uugali ni Larson. Hindi sila parehas ng pag-uugali ni Lars. Pero kasi, kailangan niya iyun malaman Edmund. At pagkatapos noon, depende sa mangyayari..." Nasapo ko ang aking ulo. “Hindi dapat ganito. Pasensya na."




          “Hey! Magsalita ka lang. Okay lang iyan. Kung si Larson ang pipiliin mo over me, okay lang naman sa akin. I mean, hindi naman ako ang originally mahal mo. Naiintindihan ko na mas prefer mo iyung magkapatid kesa sa akin. In fact, magiging masaya pa ako para sa iyo," kalmadong paliwanag niya.




          Nai-imagine ko mula sa akin kinauupuan ang mukha niya. Kalmado talaga siya na sinasabi ang mga salitang binibitawan niya. Pero sa loob niya, parang may kutsilyo na tumusok sa kaniyang katawan. Malakas si Edmund, pero nasasaktan pa rin siya gaya ng isang karaniwang tao.




          Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, tumunog ang phone ko. Isang text ang aking natanggap.




          “Ibababa ko na ang phone," sabi ko nang ibinalik ko ang phone sa tenga.




          “Mag-iingat ka. At kahit anong mangyari, Gerard. Tandaan mo? Palagi akong nasa tabi mo, maging tayo man o hindi."




          Kaagad kong tinapos ang tawag. Sa mga salitang binibitawan ni Edmund, nasasaktan na din ako. Parehas ko silang gusto, parehas na intensidad ko silang mahal, pero ang pagmamahal ni Larson, matagal nang nandyan. Hindi ko lang alam dahil nagpapanggap siya bilang si Lars. Katapatan naman ang bagay na unique kay Edmund. Biruin mo, halos mamatay na siya sa ginawa ko, pero pinili pa rin niya na, makatabi ako.




          Tiningnan ko ang laman ng mensahe na pinadala sa akin. Galing ito sa isang unregistered na number. Sa unang parte ng mensahe ay may pinaghalong letra at numero, combination na tanging kami-kami lang ang nakakaalam. Ibig sabihin, may ipapagawa na naman iyung mga magulang ni Ronnie. May isa na namang delivery na gagawin bukas.




          Humugot ako ng malalim na hininga para pumasok ulit sa shop at maghintay pa ng ilang, oras, o minuto para makita si Larson. Hindi halata pero papikit-pikit na ang aking mata. Gusto kong suminghot ng shabu kaya lang ay hindi gawain ng mga tao sa taas ang suminghot ng shabu. Iyung mga tao sa pinakamababa lang ang gumagawa noon.




          Habang naghihintay ay tiningnan ko lang ang kabuuan ng shop. Iyung upuan na kanina'y bakante ay bakante pa rin.




          Lumingon ako sa pinto nang bumukas ito. Nadismaya ako nang hindi si Larson ang pumasok. Iyung kalaro niya na si Kurt at, siya iyung nasa bakanteng upuan. Sino ba niloloko ko? Kahit sino, pwedeng pumasok sa shop.




          Lumabas na ako at nag-commute pabalik sa apartment. Siguro, sa ibang araw na lang, basta hindi sa text.




Edmund's POV




          Nilaro-laro ko lang ang phone matapos akong tawagan ni Gerard. Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga upuan na nasa labas ng labaratoryo ng DOH. Kasalukuyan kong hinihintay ang resulta tungkol sa bagay na may kinalaman sa kaso ni Ren. Ngayong araw kasi, posibleng maibigay na nila ang opisyal na report kung ano ba talaga ang ikinamatay nung pulis na naging unang biktima ng ‘Amn".




          Gaya ng sinasabi ko kanina, habang naghihintay ay nakausap ko si Gerard. Sasabihin niya daw ngayon ang totoo kay Larson na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Mang Luke. Umiling lang ako matapos mag-isip ang aking utak na tatanggapin ni Larson sa Gerard sa kabila ng mga ginawa niya. Pero iba talaga kapag mahal mo ang isang tao. Tatanggapin niya ang bagay na iyun. Besides, si Anthony ang pumatay kay Mang Luke at hindi siya. Isang, hindi magandang salita ito, hindi inaasahang collateral damage. Kasi naman, biglang pinatay daw, biglang naisipan ni Anthony na patayin si Mang Luke. At hindi lang iyun ang kasalanan ni Anthony. Marami pa. Ano ba iyan?! Dapat kapag nasa kulungan ka, nag-iisip ka kung paano mabawas-bawasan ang kasalanan mo sa mga tao para makalaya ka kaagad. At kapag nakalaya ka ay maging isang mabuting tao. But then again, hindi naman ako isang tao na gumagawa ng masama. Hindi ko alam kung anong trip nila.




          Nang natigil ako sa pag-ikot-ikot ng phone, binuksan ko ang mobile data para mag-browse sa aking social media. Ngayong araw, kaarawan ni Madam Veronica at nag-party sila sa mansyon. Imbitado ang lahat. Pero para sa inyong kaalaman, hindi gawa-gawa ang kaarawan ni Madam Veronica. Pero sigurado ako na excuse ang birthday ni Madam Veronica para magsama-sama silang lahat, para kay Ren.




          Ugh! Ang tagal naman ng resulta. Parang ako ata ang mamamatay sa kaka-antay.




          Bumukas naman ang pintuan at mula dito ay lumabas ang isang doktor na naka-lab coat at may hawak siyang isang malaking envelop. Napatayo naman ako matapos magkatinginan kami nung doktor.




          “Galing kay Mr. Schoneberg, right?" tanong nito sa akin.




          Tumango lang ako.




          Inabot niya sa akin ang envelope. “May ilang minuto ka lang para makita ang resulta. Agad na ipa-pasa ko ito sa taas."




          Napalunok ako matapos buksan ang lid ng sobre. Sa loob ay may isang malaking papel. At hindi ito literal na magsasabi na, ‘Mamamatay si Ren' o ‘Hindi mamamatay si Ren'. Teka, hindi lang pala isang papel ang nasa loob. Iyung unang papel, findings iyun ng mga doktor kung ano ba ang obserbasyon nila. At sa pangalawang papel ay nabasa ko kung ano ang resulta ng lab test.




Allan's POV




          Sa mansyon ng mga Schoneberg, nakahiga si Ren sa dati niyang kwarto at natutulog. Nagsi-siesta siya ngayon dahil napagod sa kakalaro ng video games. Ang mga kalaro namin ay ako, pati iyung magkapatid na Schoneberg. Kalaro din namin pati iyung mga pinsan nila. Ngayong araw ay kaarawan ni Mrs. Schoneberg at ngayong araw din ay reunion din ng mga magkakamag-anak. Kaya maraming tao sa bahay, at all day long ang party. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ng birthday party si Mrs. Schoneberg, hindi ko alam kung kailan ba talaga ang birthday niya, o iyung reunion. Baka kasi excuse lang ang lahat ng ito para lang makasama nila si Ren. Matapos pumutok ang balita na namatay iyung unang biktima, nag-aalala ako kung ganoon din ba ang sasapitin ni Ren. Nag-aalala din ako na kapag natulog siya ay hindi na siya magising. Kaya maya't maya kung tinitingnan kung tumitibok pa ba ang puso niya.




          Hindi lang ako kay Ren na maya't maya tumitingin. Pati sa phone ko. Tine-text ko si Edmund kung ano na ang balita.




          “Makulit ka! Huwag ka na nga munang mag-text!" basa ko sa huling text niya.




          Habang tsine-check ang mga mensahe ay nahuli ko si Ren na dumilat. Nang itinuon ko ang aking buong atensyon ay nakapikit na siya. Tumingin ako sa sikmura niya at nakinig din sa kaniyang paghinga. Medyo mabilis ito at nagpapahiwatig na gising na siya.




          “Kikilitiin kita," sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga kiliti.




          Hindi pa ako nakakahawak sa balat niya ay kaagad naman niyang kinuha ang kamay ko palayo sa katawan niya.




          “Ayaw!" protesta niya na parang bata.




          “Sabi ko na nga ba at gising ka ehh," sabi ko habang tinutuloy ang pagkiliti sa kaniya.




          Pumaibabaw ako sa kaniya para hindi siya makatakas. Siyempre, nilalabanan niya ang aking ginagawa. At ang panalo, ako. Dahil nakikita ko na nakangiti siya kahit na hindi ko alam kung huli ko na ba na makikita iyun.




          Tumigil na ako sa pangingiliti at ganoon din siya. Nagkatinginan kami. Dahan-dahan na nilagay ko ang aking kamay sa mukha niya para mai-focus ko ang mata niya sa akin, at ang aking mata sa kaniya. Bigla kong na-realize, mas malala ang ganito, kumpara sa iba. May iba na nalaman nilang may nakamamatay na sakit ang mahal nila, at asaan sila? Sa hospital habang nakikita nila itong nanghihina. Ako, andito sa mansyon ng Ninong niya, habang nakikita siyang nasa magandang kalusugan, pero hindi ko alam kung mawawala siya. Hindi ba nga, naaalala daw nung pulis iyung mga alaala niya, tapos namatay. Pero, Allan! Again, hindi pa kumpirmado na iyun talaga ang ikinamatay niya.




          “Kuya?" tawag niya sa akin.




          Hindi ko namalayan na may luhang namumuo sa mata ko. Sumisigaw ang utak ko na hindi ko kaya, hindi ko kaya. Sa pagkakataon na ito, mas mabuting makipag-break siya sa akin dahil sa mga malalaman niya, kesa maalala niya lahat pero mamamatay siya kinabukasan.




          Pinunasan ko kaagad ang aking luha. “Pasensya na. Umiiyak na naman si Kuya. Napaka-iyakin talaga ni Kuya lately."




          Tiningnan lang ako ni Ren nang mga ilang segundo. Bago pa magkaroon ng bakas ng pag-aalala sa mukha niya, mabilis na hinalikan ko ang kaniyang labi. Pagkahiwalay namin ay ipinagdikit ko ang aming mga noo.




          “Okay lang ang lahat Ren. Huwag mong intindihin si Kuya," bulong ko. “Ang intindihin mo lang ay..."




          Natigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pintuan. Pumasok sa kwarto si Larson at hindi maganda ang timpla ng mukha niya.




          “Ren, hinahanap ka ni Tita Veronica," sabi ni Larson na bahagyang ngumiti habang nagsasalita. “Tulungan mo siyang magdamit ng tama."




          Dali-daling bumangon si Ren. “Tara, Kuya Allan," hila niya sa akin.




          “Umm, sasama mo si Kuya Allan sa akin," dagdag pa niya.




          Tumingin sa kaniya si Ren na mukhang magtatanong pa kung bakit.




          “May pag-uusapan kami nila Edmund," tuloy niya. “Huwag kang mag-alala. Hindi kami magtatagal."




          Ibinalik ni Ren ang tingin sa akin.




          Hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan at idinampi ang labi ko dito. “Pumunta ka na kay Tita Veronica mo at susunod ako. Pagandahin mo si Tita ha?"




          “Okay," nguso niya. Pero nang lumabas na siya ng kwarto ay masaya itong umalis.




          “Tara," nasabi na lang ni Larson saka lumabas ng kwarto.




ITUTULOY...

1 comment:

  1. Many thanks, this website is very practical.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails