Followers

Tuesday, December 25, 2018

Loving You... Again Chapter 65 - Demands





  



Author's note...



Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.

Hi guys. Magandang umaga or gabi sa inyong lahat. Pasensya na at matagal akong nakapag-post sa kadahilanang nag-aaral ulit ako. Kinain na ako ng mga school work kaya wala akong masyadong time na isulat ang mga susunod na chapters. Pero kapag nakita ninyo ang mensaheng ito, ibig sabihin ay magpo-post ako hanggang bagong taon..

Heto na po ang Chapter 65! Happy reading! Merry Christmas po at Happy New Year!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 |

















Chapter 65:
Demands




































Gerard's POV




          “Hey! May pabor ako. Pwede bang makakuha ng blueprint sa bahay ng mga Neville? Tsaka iyung mga importanteng impormasyon na magagamit ko para makita ang mga CCTV camera nila?" basa ko sa text ni Larson.




          “Huh? Bakit kailangan mo pang pumasok sa bahay nila? Pwede mo naman gawin iyun sa shop ninyo hindi ba?" reply ko.




          “Pwede naman. Kaya lang, wala na akong oras. Bilisan mo. Text ko na lang iyung address kapag tapos ka na. At tsaka pampatulog, magdala ka din."




          Napahugot ako ng malalim na hininga matapos matanggap ang mga text message ni Larson. Kahit pa may kasalukuyan akong ginagawa para sa school, walang pag-aalinlangan na inuna ko ang hinihingi niya. At isa pa, madali lang naman ang pinapagawa niya.




          Kumuha ako ng papel at isinulat ang mga importanteng bagay dito. Isinulat ko dito ang gawain ng katulong, kung anong oras, kung ilan ang tao sa loob, at ang mabilis na layout ng bawat palapag. Hinanda ko na din ang mga pampatulog at ang durog na pampatulog.




          Narating ko na din ang lugar kung saan ako hinihintay ni Larson. Pagkarating dito ay kaagad akong nagtago matapos makita at marinig na may kausap siya. Mukhang may salo-salo malapit sa lawa.




          Nang ipinabalik na niya ang kausap niya sa kasiyahan, pumunta siya sa likod at nakipagkita sa akin.




          “Ahh! Dumating ka nga," magiliw na bati ni Larson sa akin.




          Inabot ko sa kaniya ang bote kasama ng papel. “Of course. May hinihingi kang bagay sa akin na meron naman ako."




          Tiningnan ni Larson ang bote na nakuha niya. “Ha! Nagulat naman ako na meron ka talaga nito." Inalog-alog pa niya ito. “Napakadami naman nito. Kanino mo gagamitin iyung ibang laman?"




          “Sa ibang tao na kailangan iyan. Ikaw, kanino mo gagamitin?" Napatingin ako sa salo-salo na nagaganap. May napansin akong tao sa kasiyahan. “Neville."




          “Kilala mo din?" Tumingin din si Larson sa nangyayaring salo-salo at itinuon ang atensyon kay Zafe. “Ahh! Oo nga pala. Bakit halos lahat, kilala mo sila?"




          “Trabaho ko iyun. Siyempre, kailangan ng amo ko ng mga listahan ng posibleng magamit na leverage kapag nagkagipitan na."




          “Sinong amo?"




          “Iyung patay."




          Nagtawanan kaming dalawa. Sumalangit nawa iyung dati kong amo.




          “Pero iyung pamilya niya, nag-o-operate pa rin ba?" tanong ni Larson.




          “Hindi pa rin tumitigil. Basta may malaking pera na pumapasok. Ganyan siguro kapag iyung negosyong iyun ay ang dahilan na makaalis ang ninuno siya sa kahirapan."




          “Ganyan din sana kami kung hindi lang in-adopt ang Tatay ko ng mga pamilyang iyun."




          “Totoo iyan. Kita mo ang Schoneberg ngayon. Tinuruan iyan ng Tatay mo at mayaman na sila. At kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging ligtas si Ren. Well, hanggang sa nakita siya namin."




          Kahit na walang biro doon, natawa si Larson. Hindi ako natutuwa na tumingin sa kaniya. Hindi magandang biro iyun.




          “Umm, maliban sa pamilya ng Tito ni Keifer, may iba pang tao na nadamay at namatay. And on top of it all, may mga taong namatay," naiinis na wika ko.




          Natigil si Larson sa pagtawa. “Pasensya na," paghingi niya ng dispensa. “Hindi ko alam."




          “Anyway, balita ko, may bago nang business ang pamilya Neville." Itinuon ko ulit ang atensyon sa nangyayaring salo-salo. “Ohh! Magkaibigan nga pala sila ng bago nilang business."




          “Anong klaseng business naman?" naiintrigang tanong niya.




          “Secret."




          Habang nag-uusap kami ay biglang tumunog ang phone ko. Nang tiningnan ko kung anong meron, pinapatawag ako ni Ronnie. May pag-uusapan daw kami ngayon.




          “Aalis na ako. May kailangan pa akong puntahan," sabi ko habang ibinalik ang phone sa bulsa at humugot ng malalim na hininga.




          “Okay. Mag-ingat ka," magiliw na paalam ni Larson.




          “Ikaw din. Bye."




          Sa bahay ni Ronnie, dumiretso na ako sa likod ng bahay kung saan siya makikita. Nakatayo lang siya sa tabi ng pool at mukhang nag-iisip.




          “Bakit ka tumawag?" tanong ko. “Sinabi na ba ni Keifer ang totoo?"




          Umiling siya. “More like sinumbatan pa niya ako. Hindi maganda iyung kunyaring kidnapping dahil naging bayani pa namin siya. Sabi niya, sa pagitan ng kamatayan at buhay, kung maililigtas niya kami, gagawin niya. Bakit lang siya manonood habang dinudukot kami ng sarili kong tauhan." Natawa siya ng mapait.




          “Kailangan natin ng ibang paraan."




          “Hindi mo ba ako narinig?!" sigaw niya. “Niligtas niya ang buhay ko kahit baka buhay pa niya ang kapalit! Ayaw niya na malagay sa peligro ang buhay naming lahat! Kaya kinuha niya ang baril at pinagbabaril niya ang mga tauhan ko!"




          Nasapo ko na lang ang aking ulo. Ang totoo, plano ni Anthony ang bagay na iyun. Hindi niya alam na may butas sa plano niya. Paano kung lumaban nga si Keifer? Paano kung gagawin niya ang lahat mailigtas lang niya si Ren? Siyempre, for a moment, magsisinungaling si Keifer. At kanino siya magsisinungaling? Sa mga pinagkakatiwalaan naming pulis. Bago ang insidente, inalerto ko ang version 2 na Christian at Geoffrey. At ang butas sa plano ko, paano kung hindi magawa ni Keifer ang inaasahan kong mangyari? Paano kung matulog siya sa banggaan na magaganap? At dahil hindi nangyari good. At siyempre, malalaman pa rin ni Ronnie ang bagay na iyun dahil sarili niyang tauhan ang mga aktor sa palabas niya, na sumalangit na.




          Ngayon, para sa follow-up na gagawin ko.




          “Alam mo, hindi ko masasabing palpak ang ideya na naisip ni Anthony. Ang tanong lang naman natin ay may kakayahan ba si Keifer na gumamit ng baril? At ang sagot ay meron."




          “No, he saved me!"




          “Yeah. Niligtas ka niya. The objective remains and a question has been answered. May kakayahan gumamit ng baril si Keifer. At isa pa, walang taong hindi mo matatawag na magaling kung hindi siya marunong magpatama sa ulo ng tatlong beses."




          “Adrenaline niya iyun."




          “No, hindi din iyun adrenaline." Kinuha ko ang baril na nakatago sa aking damit. “Alam mo ba ang training na dinanas ko para makapagpatama sa ulo?" Itinutok ko ang baril sa kaniya. “Mahirap."




          “Gerard, ibaba mo iyan," natatakot na saad niya.




          “Relax! Hindi kita gagawin na target practice," balik ko para hindi siya mag-panic. “Sa laban, kailangan ay kalmado ka kahit na nagbabarilan ang mga tao. Hindi ka tututok ng baril kung hindi ka sigurado na iba ang mapapatay at hindi ikaw." Itinutok ko ang baril sa pader na hinarap namin kanina. “At ngayong kalmado ka pa rin kahit na nakatutok sa iyo ang baril ng kaharap mo, ang gagawin mo na lang ay unahan siya. Pagkatutok at sigurado ka na sa ulo tatama, baril agad." Ibinaba ko na ang baril. “Pero ibang kaso na kapag higit sa dalawa ang kalaban mo sa isang tayuan. Naaalala ko tuloy noong sinasanay pa ako ng Papa ko. Nagtanong ako sa kaniya, paano kung dalawa o higit pa ang kalaban ko sa isang tayuan? Nakatutok ako sa isa habang may dalawa pa na nakatutok sa akin. Ang sagot niya, hindi niya matuturo ang bagay na iyun. Experience ang magtuturo sa akin kung paano gawin ang bagay na iyun."




          Tumingin ako kay Ronnie. Hindi niya maitimpla ang mukha sa aking mga kinikwento. Sa isang banda naman, totoo ang sinasabi ko tungkol sa Papa ko. Siya ang simula ng pagsasanay ko. Ang experience ko naman ay ang aktwal na trabaho ko. Kaya hindi lang isang tao ang kaya ko sa isang tayuan. Dalawa, tatlo, apat. Ugh! Tatlo lang pala. Noong apat ang mga katapat ko, muntikan na akong matigok.




          “Ang sinasabi mo ba ay matagal nang may experience si Keifer sa ganoong mga bagay?" tanong niya.




          Humugot ako ng malalim na hininga. “Alam mo ba na mga tatlong taon bago ako natuto sa dalawa, dalawang taon at ilang buwan sa tatlo? Do the Math, Ronnie. Hindi niya matututunan ang mga bagay na iyun sa isang araw lang. Kahit na sabihin pa natin na survival instinct ang nagtulak sa kaniya para gawin ang bagay na iyun. Tandaan mo iyung mga namatay mong tauhan. Hindi na masama para sa pinakamababa na tauhan. Pero isang Keifer lang ang katapat nilang apat. Isipin mo itong sasabihin ko sa iyo. Ronnie, itong ginagalawan nating mundo, mag-ingat ka. Huwag kang basta-basta magtiwala sa mga tao sa paligid mo."




          Tumunog ang phone ni Ronnie bigla. Tumalikod na ako pa at lalakad para umalis.




          “Hanapin ko lang si Anthony. May ipapagawa lang ako sa kaniya," paalam ko.




          Hinanap ko si Anthony sa buong bahay. Nakapagtataka na hindi ko siya nakita agad. Wala siya sa mga lugar na alam kong palagi niyang puntahan dito sa bahay ni Ronnie. Hindi kaya pumunta na naman iyun sa bahay nila Jonas?




          Sa paghahanap kay Anthony ay nadaanan ko ang kwarto ni Ronnie. Hindi ko pa napasok ang parteng iyun dahil bawal. At wala pa naman akong kailangan sa kwarto niya, siguro sa ngayon.




          “Gerard!" sigaw ni Ronnie na mukhang umalingawngaw sa buong bahay.




          “Andito ako sa taas!" sigaw ko din nang malaman niya na nandito pa rin ako. Naglakad na ako papunta sa sigaw ni Ronnie.




          “May problema tayo," sabi niya matapos kaming nagkakitaan. “Si Anthony, nahuli na siya ng mga pulis."




          “Paano?"




          “Pumunta sa bahay ni Jonas, nagkita silang dalawa," paliwanag ni Ronnie. Nasapo niya ang kaniyang ulo. “Damn it!"




          Humugot ako ng malalim na hininga. “So ano ang gusto mo? Patahimikin na natin?"




          “Huwag. Gusto ko na makabalik siya dito na buhay. Magplano ka na. Matutulog na ako para maghanda sa pasok bukas."




          Tumango lang ako habang pinapanood siya na umakyat sa pangalawang palapag. Mukhang kailangan na kailangan niya si Anthony. Pero para saan? Kung iyung tarantadong iyun ay laging nagpapahuli, magiging liability na siya habang tumatagal. Ang prediksyon ko, ngayong nahuli nila si Anthony dito sa Rizal, tiyak na hindi ito titigilan hanapin ng mga pulis hanggang sa lumamig ang issue. Pero kung palagi itong mangyayari, may isa diyan o dalawang pulis ang itutumba siya. Kung sino ang gagawa ng bagay na iyun, hindi ko masasabi. Mas lalong hindi iyung magsyota na pulis. Kailangan ko ng magplano?




Larson's POV




          Stockholm syndrome. Isang uri ng disorder kung saan ay nagtitiwala ang biktima sa taong nang-aabuso sa kaniya. Kahit na ang tingin ng ibang tao ay gagawa na naman ito ng hindi makakabuti sa biktima, iba naman ang tingin ng biktima. Nagtitiwala sila dito kahit na ano gagawin nila. Kahit na abusuhin pa sila ng paulit-ulit, buo pa rin ang pagtitiwala nila.




          Sa kaso namin ni Kurt, kahit na hindi ako ang nang-aabuso, may kamay pa rin ako sa mga nangyayari. Kasi ngayon, pumayag ako na makipag-sex sa kaniya. Abusado na ako. Mali. Hindi ko dapat ginawa ito sa kaniya. Mas matanda ako kaya dapat ay mas alam ko ito.




          Nagising lang ako nang may naramdaman na nagba-vibrate. Dumilat ako at naramdaman ko nasa tabi ko lang ang vibration. Imbes na kunin ko ang aking phone, nakipagtitigan na lang ako sa kisame ng kwarto ni Kurt. Napakatahimik ng gabi lalong-lalo na sa bahay niya. Pero tama ba ang ginawa ko ngayon?




          Sa totoo lang, masarap makipag-sex. Kaya lang, may mga boundaries na kailangan mo, or kailangan kong isaisip. Hindi naman masama makipag-sex sa ibang tao basta may consent naman nila, kahit sa mga illegal age. Basta hindi ka lang gago na kapag hindi sa iyo nakipag-sex ang tao ay gagamitan mo ng blackmail. Siguradong kulong ka. Kaya lang, ngayon ay may consent ako, pero may mali naman sa kaniya. Wala sa tamang pag-iisip si Kurt kaya invalid ang binigay niyang consent sa akin. At ito ay statutory rape! Pero wait, hindi na pala menor de edad si Kurt. Ugh! Rape pa rin kahit anong itawag ko. Nakipag-sex nga ako sa kaniya, puno naman ng guilt sa loob ko.




          Habang nag-iisip ay saka ko lang pinansin ang phone ko na tumigil na sa pag-vibrate. Hanggang sa mga oras na iyun ay nag-iisip ako. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba ito sa mga magulang niya? Makakasama ba ito sa relasyon namin? Oo naman!




          Nang tiningnan ko ang phone ay text ang natanggap ko. Nang binasa ko ito ay agad akong bumangon. Kinuha ko ang aking mga damit sa sahig at agad na nagbihis.




          “Nahuli na si Anthony," basa ko sa text ni Allan.




          Habang nagbibihis ay nagising ko si Kurt. Bumangon ito at tiningnan lang ako sa ginagawa.




          Natigil ako sa pagbibihis. “Ayos ka lang ba?" tanong ko.




          Mabagal siyang tumango. “Saan ka pupunta?"




          Itinuloy ko ulit ang aking pagbibihis. “Nahuli na si Anthony. Pupunta ako sa istasyon ng pulis at sasapakin ko ang gagong iyun." Kinuha ko ang damit niya at hinagis papunta sa kaniya. “Magbihis ka. Huwag kang magpapaabot sa Mama mo dito na wala ka man lang damit. Tsaka maligo ka o ano, iyung bedsheets kasi sa labas ako nilabasan, ikaw ang maglaba mismo, at ano pa? Makipagkita ka sa psychiatrist mo at pag-usapan ninyo ang mga nangyayari sa iyo."




          Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. Humugot naman ako ng malalim na hininga at nasapo ko ang ulo ko.




          “Oh God! Psychic na ako. Alam ko na ang susunod na sasabihin mo," bulong ko sa aking sarili.




          “I'm fine," nasabi rin niya.




          “No, you are not!" Umupo ako sa kama malapit niya. “You see, masarap talaga makipag-sex. Pero ang pakiramdam na guilty ako after sex ay hindi magandang feeling. Dapat, euphoric. Iyung masaya ka dahil nakipag-sex ka at medyo mababawasan ang sexual urges mo. Alam mo kung sino pa iyung nakakaramdam ng ganito? Iyung mga rapist na nagdadalawang-isip na kung tama ba ang ginagawa nila!"




          Hinawakan niya ang mukha ko. “Pero Larson, you are not a rapist. At tsaka kung naaalala mo sana, nasarapan ka rin naman noong umang beses na nag-sex tayo. At ngayon, gusto ko lang maulit ang moment na iyun. I feel euphoric din naman."




          Tiningnan ko lang ang mukha niya na nakangisi habang nagsasalita. Hindi naman blanko, it's just hindi ako mapalagay sa mga sinasabi niya. Hindi na siya ang Kurt na nakilala ko last 3 hours or 4 hours ago. Parang ibang tao na siya.




          Dahan-dahan na inilapit niya ang kaniyang labi sa akin pero kaagad kong hinarangan ng aking palad. Hindi ko din maitatanggi na masarap humalik ang binata. Pero kailangan labanan ko ang kagustuhan niya. Wala siya sa tamang pag-iisip. Kailangan niya ng medical na tulong.




          Kumalas ako sa kaniya. “Matulog ka na," sabi ko at lumabas ng kwarto nang hindi man lang nagpapaalam.




          Ilang oras ang nakalipas, nakarating na rin ako sa istasyon ng pulis. Kaagad naman akong sinalubong ni Geoffrey.




          “Asaan si Anthony?" agad kong tanong dito.




          “Nasa kulungan," sagot niya. “Bakit? Gusto mo siyang makita?"




          “Pwede ba siyang ilabas ng kulungan para mabugbog ko man lang siya?"




          “Ha! Hindi pwede iyun-"




          Napansin ko na nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa likod ko. Tumalikod din ako at nakita na may makapal na usok na nanggagaling sa labas. Kaagad kong tinakpan ang aking bibig at baka kung ano pa ang malanghap ko.




          “Ano iyu-"




          Bago pa matapos sabihin ni Geoffrey ang kaniyang sasabihin ay isang lalaki ang lumabas mula sa usok at may suot na gas mask. Kaagad naman niyang inalisan ng malay si Geoffrey. Nang natumba si Geoffrey ay naglabas pa ito ng kung ano sa bulsa niya at itinapon papasok sa loob. Sa mga tinapon niya ay may usok din na lumabas. Napatingin naman ang taong iyun sa akin. Pero nawala na siya nang kinain siya ng makapal na usok. Anong nangyayari?




          Inipon ko ang lahat ng aking lakas para mailabas si Geoffrey sa lugar na iyun. Habang nilalabas siya ay nakakarinig ako ng mga taong umuubo at mga taong mukhang pinapatumba ng lalaking may gas mask.




          “Geoffrey, Geoffrey!" alog ko dito.




          Hindi ito nagising. Habang wala siyang malay ay mapatingin ako sa baril na nasa holster pa niya. Kinuha ko ito at inarmasan. Makalipas ang ilang segundo ay may lumabas na dalawang pigura mula sa makapal na usok. Nahagip ko naman ang mukha ni Anthony na mukhang itinatakas.




          “Anthony!" sigaw ko.




          Nakuha ko ang atensyon ng dalawa at humarap ang mga ito sa akin. Tinutukan naman ako ng baril nung dalawa.




          “Sino ka ba?" aroganteng tanong nito.




          “Ang papatay sa iyo!"




          Ipinutok ko ang baril subalit nagmintis ako. Babaril pa sana ako ng pangalawa pero bumaril ang kasama niyang lalaki sa aking baril dahilan para mabitawan ko ito. Nagulat ako sa ginawa ng taong iyun. Patay ako nito. Kailangan magtago ako.




          Sigurading-sigurado ako na tutok na tutok ang asinta ni Anthony sa akin. Katapusan ko na. Mukhang sasamahan ko na si Nanay at Tatay.




          Pero nagulat ako nang binaril din ng kasamahan niya ang hawak na baril ni Anthony kaya nabitawan nito ang baril.




          “Bwisit! Ano ba?" sigaw ni Anthony sa lalaki.




          Itinutok ng kasama niya ang baril kay Anthony. Nagpakita naman ito ng isa pang baril sa isa pa niyang kamay at itinutok sa akin. Hindi ako makagalaw habang naglalakad si Anthony papunta sa kanilang sasakyan. Asintado iyung kasama ni Anthony. Kapag bumaril siya ay siguradong patay ako. Hindi dapat ako gumalaw.




Gerard's POV




          Hinubad ko ang aking gas mask at inubos ang hangin sa paligid ko. Kaagad ko naman pinaandar ang sasakyan palayo ng istasyon.




          “Bakit mo ako pinigilan?!" galit na tanong ni Anthony.




          “Isipin mo nga?! Paano kung hindi nga kita pinigilan?! Anong mangyayari?! Nakapatay ka ng tao, mas lalong mainit ang mga pulis sa'yo! Bobo! Hindi 100% na hawak natin ang mga pulis! Tanga! Hindi natin magagawa palagi na hindi ka hulihin ng mga pulis!" inis na paliwanag ko. “Ano ba kasi ang ginagawa mo?! Sabi nang maghintay at makukuha mo din ang makukuha mo!"




          “Hindi ako makapaghintay dahil nakita kong masasaya ang mga gago!" Tumawa siya bigla. “Pero pota, napuruhan ko si Jonas! Okay na iyun sa ganoon!"




          “Anong okay doon?! Nahuli ka! Gago ka ba?! Pasalamat ka at hindi ka pinapaligpit sa akin. Kung hindi, siguradong tumba ka na!"




          Habang nagmamaneho ay naisip ko ang nangyari sa amin ni Larson. Nang binaril ko siya, mukhang nagkamali ako ng kalkulasyon sa pagbaril sa kaniya. Ni hindi ko nga inaasahan na nandoon siya. Siguro dahil nabalitaan niya ako sa kung sino na nahuli na si Anthony. Shit!




          Nakarating na kami sa bahay ni Ronnie. Tinulak-tulak ko lang siya habang papasok kami. Nang pinagbuksan kami ng tauhan ay sinalubong niya agad ang kamao ni Ronnie. Bumagsak agad siya sa hindi inaasahang suntok.




          “Ano nga ulit ang napagkasunduan natin?" nanggigigil na tanong ni Ronnie.




          “Napagkasunduan natin? Ang ibig mo bang sabihin ay iyung napagkasunduan namin nung chicks na puti ang buhok?" sarkastikong balik ni Anthony. Chicks na puti ang buhok?




          “Tauhan ko iyun."




          Pinatunog ni Anthony ang kaniyang dila. “Na susunod ako sa mga utos mo at makukuha ko ang gusto ko?! Tang ina! Hindi na ako interesado doon. Sumusunod nga ako, hindi ko naman nakukuha ang gusto ko. Lagi niyong sagot, may panahon ako, may panahon ako. Pero ilang buwan na ang nakalipas. Asaan na ang panahon ko?"




          “Asaan ang panahon mo? Ginagastos mo, gago! Pumupunta ka kasi sa kanila at binubugbog mo iyung mga guard nila! Kaya ang siste, nagdagdag pa sila ng mga security. Nahihirapan tuloy si Gerard na planuhin ang mga bagay-bagay. Tapos magtatanong ka sa akin kung asaan ang panahon mo?!"




          “Oo na. Nagastos ko na ang panahon ko. Pero nakuha ko na iyung gusto ko. Napuruhan ko si Jonas kaya hindi ko na kailangan kumuha ng panahon points sa inyo." Lumuhod si Anthony at inilahad ang kanyang mga kamay sa magkabilang direksyon. “Patayin mo na ako." Ngumisi-ngisi pa siya.




          “So tapos ka na sa kaniya? Ayaw mo na siyang patayin? Babaw mo!" Kinuha ni Ronnie ang baril sa mesa at itinutok ito kay Anthony.




          Humugot lang ako ng malalim na hininga habang nangyayari ang mga sagutan nila. Kung ano ang mga plano ko kasama at against kay Anthony, mukhang ibabasura ko na ng maaga. Mukha kasing seryoso si Ronnie para sa kaniyang mga papatayin




          Ilang segundo ang nakalipas pero hindi pa rin ipinuputok ni Ronnie ang baril. Inilagay niya sa safety ang baril at tumalikod sa kausap. Sabi ko na nga ba. May baraha pang tinatago si Ronnie. Gaya nga ng inaasahan sa isang anak ng crime family.




          Natawa si Ronnie. “Nagmamadali ka na talagang mamatay ano? Alam mo, ngayon lang, napagpasyahan ko na baguhin iyung pinagkasunduan natin." Humarap siya sa kausap na may ngiti. “So nagmamadali ka ng mamatay. Hmm? Pero alam mo ba kung sino ang hindi nagmamadali? Iyung Mama mo."




          Tatayo pa sana si Anthony para saktan si Ronnie pero agad namin siyang pinigilan gawin ang bagay na iyun.




          “Hayop ka! Huwag mong idadamay ang Mama ko dito!" sigaw ni Anthony na nilalabanan pa ang aming pagpigil sa kaniya.




          “Kaya sumunod ka sa mga sinasabi ko. Dahil kung hindi ay baka madagdagan pa iyan. Say, iyung kapatid ng Mama mo na nasa abroad, or iyung anak niya na nandito sa Rizal."




          Nagulat ako sa mga sinasabi ngayon ni Ronnie. Ang galing naman ng researcher niya. Sino kaya sa mga tauhan namin ang nag-research kay Anthony? At bakit hindi ko alam 'to? Ako iyung may posisyon sa isa sa mga kamay niya. Maiintindihan ko pa kung iyung Mama lang niya ang dinamay. Pero iyung kapatid ng Mama niya, grabe na iyun.




          Tiningnan ko ang lahat ng mga tauhan niya sa parte ng bahay na iyun. Blanko ang mga ekspresyon at diretso ang kanilang mga tingin. Sino sa mga taong ito ang nag-research kay Anthony?




Allan's POV




          Kasalukuyang nasa shop ako at pansamantalang nagbabantay. Nagkasakit kasi iyung dapat magbantay kaya ako. At hindi lang ako ang magbabantay.




          Sa labas ng shop, kitang-kita ko na bumaba sila Ren, Joseph, at Keifer. Nawala naman ang ngiti sa labi ko. Bakit kasama na naman siya?!




          “Dahil may tiwala si Mama sa kaniya," sagot ni Joseph.




          “At sa akin?" tanong ko.




          Nagkibit-balikat si Joseph. “Sabihin na lang natin na nag-e-exist pero hindi ganoon ka-significant." Humugot siya ng malalim na hininga. “Boys, take care of your boyfriend. May praktis ako na papanalunin."




          “Grabe. Asar-talo ka pa rin na natalo ka ni Chris?" wika ni Keifer.




          “Yes," pag-amin niya. “At ipapanalo ko ang Battle of the Bands ngayong taon para wala siyang masabi sa akin." Tiningnan niya kami na may apoy sa kaniyang mga mata.




          “Go Antagonist!" cheer namin sa kaniya.




          Masama kung makatingin si Joseph sa akin at marahang hinawakan ang aking damit. “Huwag kang mag-cheer sa akin na suot-suot mo ito."




          Tiningnan ko ang suot kong shirt. Ay, patay! Suot ko pala iyung Blizzard Blue na shirt.




          Binitawan ako ni Joseph. “Keifer, alagaan mo iyung driver natin at huwag na kayong magpapa-drive kay Allan," panuto niya.




          “May bumangga sa amin!" protesta ko.




          Itinaas ni Joseph ang kamay niya. “Magreklamo ka sa Mama ko. Alis na ako." Naglakad na siya sa pintuan at lumabas.




          Tumungo ako kay Ren. “Alam mo na iyung account information mo hindi ba?"




          Tumango siya.




          “Great. Laro na muna kayo ni Keifer kasi may ginagawa pa ako sa server. Isang game na muna kayo."




          May pumasok naman na customer at ina-accommodate ko ito. Nang natapos na ay bumalik ako sa chatbox. Kasalukuyan kaming gumagawa ng ilang upgrades para sa sariling website namin, na kami-kami lang ang makikinabang. Also, nagbabalak kami na palakihin namin ang community namin.




MarcoH: untitled.png



tama na ba ito?




Yuuhi: teka, parang may mali sa statement na iyan?




MarcoS: kulang sa “}"



taena, nakakalimutan na




MarcoH: ay! Buti at nakita niyo.




MarcoY has entered the room...




Yuuhi: hmm, nakakabagot.




MarcoY: ang alin?




Yuuhi: si Ren



ang tagal na niyang hindi pumupunta dito



mag-iisang taon na ata



asaan na iyun?



nag-aalala na ako



buhay pa kaya iyun?




          Napatingin ako kay Ren na naglalaro kasama ni Keifer. Oo nga pala. Mag-iisang taon na simula nang nakipag-chat siya sa amin. Siyempre, sa mga cyber friends namin na hindi pa nagkita-kita, maliban kay Alexis (MarcoY) at Marcaux (MarcoH), ay nag-aalala dahil hindi nga nakikipag-chat sa amin.




MarcoH: hindi lang ikaw



nag-aalala din ako, sa totoo lang



tapos hindi pa natin alam iyung tunay niyang pangalan




MarcoS: sorry, privacy issues




MarcoY: ano ba ang problema ninyo kung alam natin ang mga tunay ninyong pangalan?




Yuuhi: walang mystery




MarcoH: on that note, si Yuuhi ang nag-suggest ng idea na iyan




Yuuhi: huh? bakit naman kasi ako?



tsaka suggestion ko lang naman iyun



hindi iyun ma-approve kung hindi pumayag si S




MarcoS: hala! pinasa sa akin




Yuuhi: dapat kasi, wala ng mga rules



hindi naman siguro tayo mga illiterate na tao na kailangan pang suwayin



I mean, sa tingin ko ay lampas na nga sa bente ang mga edad ninyo



kailangan niyo pa ba ng rules?




          Medyo kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Yuuhi ngayon. Gusto na niya ata kaming mag-disclose ng public information sa isa't isa. Ayoko mangyari iyun. Magiging awkward pa lalo ang chatbox dahil kilala ko ang lahat, maliban lang kay Yuuhi. At sila Ren, Yuuhi, Marcaux, hindi pa kami lahat kilala. Ano kaya ang gagawin ko? Paano ko ito malulusutan? Ahh! Alam ko na.




MarcoH: Ito?



untitled.png




Yuuhi: maganda, maganda



ngayon naman, doon sa mga online games na nilalaro natin




MarcoY: masasama ba iyung mga laro na nilalaro natin sa phone?




Yuuhi: oo, kahit iyung mga browser games




          Umurong naman ang daliri ko sa pagta-type ng aking binabalak. Kung hindi pag-uusapan ang isang bagay, mababa ang tyansa na mapag-usapan ang bagay na iyun ulit. Siguro, magiging issue na naman ang bagay na ito sa susunod na taon? Pero hindi ako sigurado na hindi magiging maganda ang kalalabasan nito.




Yuuhi: oh nice!



2m na iyung likes ng Facebook page natin




          Nagulat ako sa aking nabasa. Anong Facebook page?!




MarcoH: ANO?!




MaecoS: MAY FACEBOOK PAGE TAYO?!




MarcoY: tagal na



mag-iisang taon na ang page




MarcoS: AT ALAM MO IYUN Y?




Yuuhi: okay lang kayo?




MarcoY: sine-share mo nga iyung mga memes na galing sa page ehh?




MarcoS: MEME PAGE IYUNG PAGE NATIN?!




Yuuhi: No!



mixed



meme page at nagpo-post din ako ng guide sa mga bagay-bagay



ako nga lang ang nagpo-post



salamat doon sa bot na binigay ni Ren sa akin




MarcoH: nakita ko na iyung page



admin pala ako



...




Yuuhu: S, hindi mo ba talaga alam to?



humingi ng permiso si Ren sa iyo



hindi mo ba natatandaan?




MarcoS: link?




Yuuhi: oh god!



hanapin mo



may invitation ka ng admin



imposible na hindi mo ito nakita




MarcoH: parang dumami lang ata ang likes ng page dahil sa memes




          Inaalala ko naman iyung mga nangyari noong isang taon. Bigla ko naman naalala iyung araw na may hininging permiso sa akin si Ren, na gumawa ng Facebook page ng group. At dahil siguro baliw na baliw ako sa kaniya, pumayag ako kahit hindi naman dapat. Ahh! Naalala ko na. Ibibigay ko ang lahat para lang siya mapasaya. Right!




Yuuhi: so, pagbotohan na natin kung mag-release tayo ng private informations sa isa-isa




MarcoS: SANDALI LANG!



TINITINGNAN KO PA IYUNG CONTENTS NG PAGE!




Yuuhi: para i-take down?




MarcoY: hindi iyan




          Marami akong hinahanap sa page na hindi ko alam. Bakit ba ako may hinahanap sa page? Wala namang hindi maganda dito. In fact, dapat nga ay i-promote ko ito dahil page namin ito.




MarcoH: Yuuhi, bot iyung nagpo-post ng memes?



and wtf is this meme?!



wtf.png




Yuuhi: yeah



nakakalusot si Ren na hindi mag-post dahil in a way, nagpo-post din siya thru the bot na ako ang nagpapatakbo




MarcoH: nice bot




MarcoY: akala ko reddit lang iyung may bot




Yuuhi: now, iyung botohan




MarcoS: right




MarcoH: Authority is meant to be challenged!




Yuuhi: I'm not challenging anyone's authority here H




          Napapikit na lang ako dahil nangyayari talaga ito. Pero dahil ako ang leader, gagawin ko ito at baka mag-aklas ang mga ito.




          Natawa ako sa aking sarili. Mag-aklas ang mga ito. Kung hindi lang wala dito si Ren, hindi ko aalagaan ang group na ito. Pero dahil sa mga pinagsamahan namin, ayokong basta-basta itapon iyun.




MarcoS: sa mga pabor, raise your hand... sa mga hindi, thumbs down




Yuuhi: raisehand.png




MarcoS: raisehand.png




MarcoY: raisehand.png




          Nag-panic ako nang sumagot si Alexis na pabor siya sa binabalak ni Yuuhi. Kaagad na nag-PM ako sa kaniya sa Facebook.




Allan Mercer: MAG THUMBS DOWN KA!




Alexis Dagohoy: Ay! Sorry!




          Nakahinga ako ng maluwag. Kapag oo iyung boto ni Alexis, siguradong talo ako. At kapag hindi naman ay...




MarcoY: thumbsdown.png (edited)



hehe




Yuuhi: huh?



dapat wala ng bawian iyun ehh :(




MarcoS: thumbsdown.png




MarcoH: how inconvenient na lima ang miyembro, apat lang ang online




MarcoS: 2-2



sa may gusto at sa may ayaw



it's a tie




Yuuhi: 3-1 dapat iyun ehh!



nagpalit kasi si Y ng boto



boo!




MarcoY: sorry




MarcoS: well, sa tingin ko ay antayin natin si Ren na mag-online at bumoto sa issue na ito




Yuuhi: ehh, kelan naman mangyayari iyun?




MarcoS: manshrugs.png




MarcoH: bakit hindi ka kaya mag-alay ng ilang bagay para mapalabas mo si Ren?




MarcoY: ritwal?




Yuuhi: magandang ideya



masubukan nga




MarcoS: good luck




          Pinaikot ko na lang ang aking paningin at tumingin kay Ren na naglalaro. Sa screen ng PC niya, may nakasulat na salitang victory. Ibinalik ko ang tingin sa server at nagkali-kalikot ng ibang bagay. Kailangan i-check ko ang lahat ng games namin kung updated.




          Sinilip ko naman iyung tab sa chatbox namin. Sinusubukan pa rin ni Yuuhi na palabasin si Ren sa pamamagitan ng pagpo-post ng iba't ibang mga litrato, particularly ay mga bagay na gusto ni Ren.




Yuuhi: hmm...



husky.png



cattoroll.gif



JUSTBANG.png



sterek.png




MarcoH: oi, bawal ang porn




Yuuhi: kailan pa?




MarcoS: baka kasi tinitigasan iyan




MarcoY: amf!




MarcoH: anong tinitigasan?



excited lang




MarcoS: palusot



btw, anong meron sa STEREK?




Yuuhi: favorite ship ko



I remembered na ito iyung huling pinag-usapan namin dito ni Ren sa chatbox



then nawala na siya




MarcoH: ...




MarcoY: nakaka-miss talaga siya




MarcoS: tiwala lang



magugulat ka na lang na andito na siya



tapos hindi natin inaasahan




Yuuhi: yeah, magugulat na lang tayo




Ren had entered the room...




          Nanigas ako saglit sa kinauupuan nang nakita ko ang mga salitang iyun sa chatbox. Kaagad na tiningnan ko ang monitor ni Ren mula sa server. Nakita ko sa monitor niya ang mga pinag-uusapan namin sa aming chatbox. Naaalala na ni Ren ang ilan sa mga personal accounts niya sa worldwide web.




          Tumunog ang phone ko. Nag-message sa akin si Alexis.




          “Si Ren ba iyun?" basa ko sa text ni Alexis.




Yuuhi: OH MY GOD!




MarcoH: WELCOME BACK!




Yuuhi: Ren, payag ka ba na maglabas tayo ng personal na impormasyon sa isa't isa?



oo o hindi?




MarcoS: teka, dapat ba talaga natin pag-usapan iyan ngayon?



kababalik pa nga lang nung tao




Yuuhi: oo o hindi?




Ren: hindi




Yuuhi: SAYANG!




          Hindi ako makahinga ng maluwag kahit na hindi natuloy ang pagpapasa ng impormasyon. Ano pa kaya ang mga bagay na naaalala ni Ren?




Ren: Sino kayo?




MarcoH: huh?




Yuuhi: ...




MarcoY: ...




MarcoS: sino kami?




Yuuhi: ay! grabe naman



nawala lang nang ilang buwan, hindi na kami maalala




MarcoH: nagbibiro ka lang di ba?




Ren: pasensya na



hindi ko talaga kayo kilala



pero naalala ko iyung address na ito



kaya lang parang bago ito sa akin




MarcoY: seryoso ba talaga to?




Yuuhi: ...



Ren?




MarcoS: ughhh




Ren: Ano iyun?




Yuuhi: hindi nga?



seryoso ka ba na hindi mo kami naaalala?




Ren has left the room...




MarcoH: ...




Yuuhi: ano iyun?



hindi niya tayo naalala?




MarcoS: pero nakapasok dito?



nu iyun?




MarcoY: kasi di ba nga, naaalala niya daw iyung address?




Yuuhi: baka pabalik na iyung alaala niya tapos pumunta siya dito



dapat kasi sumagot na lang siya ng yes



para naman malaman natin kung saan siya nakatira at puntahan natin



kung nagkaroon siya ng amnesia



OH MY GOSH!



hindi kaya ito iyung nababasa ko sa reddit na may isang gamot na nakakapagpawala ng mga alaala?



tapos nabiktima si Ren dahil may alam siya kung sino ang mga alien na sikat?




MarcoH: sobra namang conspiracy theory iyan




MarcoY: ahh!



pero totoo iyung nabasa mo sa reddit...




Yuuhi: ang alin?




          Umalis na ako sa server para alamin ang kalagayan ni Ren. Naabutan ko siya na nakikipaglaro pa rin kay Keifer, gamit ang bagong account, hindi iyung dati niyang ginagamit. Napansin naman niya ako at nginitian.




          “Okay ka lang ba?" naitanong ko.




          Tumango siya. “Kailan ka ba maglalaro?" naiinip na tanong niya.




          Tiningnan ko ang orasan sa server. “Maya-maya, pagkarating ni Larson." Ibinalik ko ang tingin kay Ren. “Ang tagal naman niya."




          Sa labas, napansin ko si Kurt na pumasok sa shop. Kaagad na pumunta ako sa counter at ngumiti sa kaniya.




          “Pa-load ka?" tanong ko.




          Tumango lang siya saka nilagay ang kaniyang bayad sa counter. “Si Kuya Larson mo?"




          “Sa bahay, nagpapahinga," sagot ko.




          Kinuha ko ang phone saka pasikretong nag-text kay Larson.




          “Andito na si Kurt," text ko.




          Kanina, nag-text si Larson sa akin at i-text ko kaagad sa kaniya kapag nandito si Kurt sa loob ng shop. Naguluhan naman ako dahil sigurado akong may number sila sa isa't isa. Bakit kailangan ko pa siyang i-notify kung nandito si Kurt? Narindi na kaya si Kuya Larson sa kaniya?




          Nakita kong kinuha ni Kurt ang phone niya saka nag-dial. Mga ilang segundo lang nang nilagay niya sa tenga ang kaniyang phone, pero ibinaba niya ito pahiwatig na hindi sumasagot si Larson sa tawag niya. Tumawag siya ulit pero ibinaba din niya.




          Pansin ko na naiinis na si Kurt. Kaya lumabas na siya ng shop at sumakay sa sasakyan niya. Nang nakita kong umalis na ang kaniyang sasakyan, nagulat ako nang lumabas si Larson mula sa tinutulugan niya dito sa shop. Nanlaki ang mata ko nang tiningnan siya.




          “Andyan ka lang pala," sabi ko sa kaniya.




          Tiningnan ko ng mabuti si Larson. Medyo maliit ang pagkakabuka ng bata niya dahil siguro nag-a-adjust ang mata niya sa liwanag dito sa baba. Pero ang paghinga niya, napakalalim at sunod-sunod. Wala naman siyang sipon o ano. Wala din sa medical record niya na nahihirapan siyang huminga.




          “Okay ka lang?" usisa ko.




          Umiling siya. Pero nag-sign language siya na salamat sa ginawa ko. Piping Larson?




          “Anong meron sa inyo ni Kurt? Narindi ka na?" tanong ko.




          Nag-sign language ulit siya. “Huwag. Ayoko. Pagod. Utak. Fist bump."




          “Ayaw niyang pag-usapan dahil makakasuntok siya kapag kinulit ko pa siya," basa ko sa buong konteksto ng sinasabi niya. Pasensya na. Hindi ako instant sa pagbabasa ng sign language.




          Nag-sign language din ako sa kaniya. “Palitan mo ako," ang basa ko sa sarili kong sign language.




          Galit na sumagot siya sa akin dahil mabilis at matigas ang kamay niya habang nagbibigay siya ng mensahe sa akin. “Oo. Problema. Ipasa. Magandang ideya."




          “Oo nga ano? Bakit hindi nang sa ganoon ay maipasa niya sa akin ang problema niya. Magandang ideya," basa ko ulit. Huh? Ano ang problema niya ngayon?




          “Pagkatapos kong maligo," nagsalita din si Larson sa wakas pero hindi galit gaya ng pinapahiwatig ng kaniyang kamay.




          Bumalik siya sa tinutulugan niya at kumuha ng damit saka naligo. Napatingin lang ako sa labas at sa kaniya. Ano ang problema ng dalawa?




          Nang naglalaro na kaming tatlo ni Keifer, napapansin ko na bumabalik na talaga ang mga alaala ni Ren. Pabilis na pabilis na ang kaniyang reaksyon sa mga bagay-bagay. Nararamdaman ko na din iyung Ren na kalaro ko dati. Kahit na patalo itong si Keifer at iyung dalawang kasama namin na hindi kilala, nagagawa pa rin namin ni Ren ang lahat para manalo. Napatay iyung mga kasama namin dahil iyun ang gamit nila para sa akin.




          Nanalo kami, as usual. Pero ang pakiramdam ko sa loob ko na hindi maganda na naaalala niya. Nawawala naman ito, saglit, kapag nakikita ko si Ren na masaya.




Larson's POV




          Mula sa server, nakatingin lang ako kay Ren at Allan. Kahit saglit na kalungkutan na pinapakita ng mukha ni Allan, hindi iyun makakaligtas sa aking obserbasyon. Hindi sa may pakialam ako. Tinatamad na naman kasi ako magtrabaho kaya dapat ay may iba akong bagay na pinagkakaabalahan.




          Sa labas ng shop, kitang-kita ko ang sasakyan ni Kurt na nag-park sa harap ng shop. Hindi na ako nag-abala na magtago pa dahil pinapahirapan ko lang ang sarili ko. At tsaka walang papalit sa aking kinauupuan ngayon mismo. Kung hindi pa sana naglalaro si Allan, pwede pa. Kaya lang, makakahalata siya kung bakit iniiwasan ko si Kurt. Okay lang na isipin niya na naririndi ako sa tao, pero ibang usapan na kapag nalaman niyang higit pa roon ang rason.




          Nasa harapan na ng counter si Kurt. Naka-uniporme pa siya pahiwatig na nanggaling siya sa eskwelahan niya. Wala lang siyang ginawa kung hindi ang tumingin sa akin. Isang minuto, okay lang. Dalawa hanggang tatlo, nakakatakot na.




          Ipinikit ko ang aking mata habang sinusuportahan ng kaliwang kamay ko ang aking ulo. Inaantok pa rin ako dahil ka bagot. Sana maraming pumasok na customer sa isang minuto para naman magising ang pagkatao ko. Sa kabilang banda naman, kinakain na ako ng espiritu ng katamaran.




          “Hindi ko talaga maiintindihan itong ginagawa ko," rinig kong saad ni Kurt habang nakatingin pa rin siya sa akin.




          Humugot ako ng malalim na hininga habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. “Ako din naman. Kaya lang, kailangan mong intindihin na may mali sa iyo."




          “Walang mali sa akin," rason niya.




          Dumilat ako habang nakakunot ang ulo. “Ganyan din ang sinasabi ng mga tao na may mali talaga sa kanila. Kaya nga sinasabi ko sa iyo kanina na magpatingin ka."




          Nag-iwas siya ng tingin. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya na tumingin sa akin. “Kung ganoon, bakit hindi tayo magpatingin? Tayong dalawa?"




          Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya at napangiwi ako. “Mukha bang may mali sa akin?"




          “Sa tingin ko, mukhang mali para sa akin na napaka-sarcastic mo noong araw na iyun kahit na mukhang papatayin talaga tayo ni Hela."




          “Ganoon talaga-"




          Natigil ako sa pagsasalita nang maraming customer ang biglang lumutang sa labas ng shop. Nagpakawala lang ako ng natural na ngiti nang pumasok na ang mga tao, kahit na gustong-gusto ko na magalit sa sinasabi ni Kurt dahil alam ko naman sa sarili ko na okay ako.




          Kaagad naman na umupo si Kurt sa isa sa mga upuan sa harap. Lalapitan ko pa sana siya para mag-usap pero tuloy-tuloy ang pagdating ng mga tao. Bukod pa rito, may mga customer na nagrereklamo dahil sa may kung anong mga nangyari sa PC, na inayos ko naman. Tapos mga taong magpapa-print o ano.




          Nang bumalik ako sa counter, kita kong buhat-buhat na ni Allan sa likod si Ren, na natutulog. Habang si Keifer naman ay sinusuportahan ang likuran ni Ren dahil baka mahulog. Lakas naman ni Allan kung kaya niyang buhatin ng ganoon si Ren.




          “Huwag kayong gumawa ng kalokohan sa taas," sabi ko sa tatlo. Mukhang matutulog din si Keifer dahil gusto niyang hadlangan kahit papaano ang pinaggagagawa ni Allan kay Ren.




          Sakto naman na andyan na din iyung isang bantay para may tumingin sa counter. Nandito rin naman iyung mga regular namin pero hindi ko ipinapasa sa mga likod nila na bantayan iyung counter.




          Humugot ako ng malalim na hininga at nagsisisi ako sa ipinalangin ko kanina. Dahil ngayon, gusto ko na wala ang lahat ng mga customer para mapag-usapan namin ni Kurt iyung pinag-uusapan namin kanina.




          Pagkatapos kong matapos sa aking mga gawain, sakto naman na paalis na si Kurt. May inilapag siyang isang piraso ng papel sa counter.




          “Address iyan ng doktor na pupuntahan natin," sabi niya. “Nagpa-appointment na agad ako para bukas, dahil sa malakas ako doon sa doktor at kakilala ng-"




          “Hindi ako pupunta. Ikaw ang kailangan pumunta, mag-isa," pagputol ko sa kaniya. Seryoso ko pa siyang tingnan para iparating pa ng mas malinaw ang aking sinasabi.




          “Huwag kang male-late," pagpapatuloy niya, at mukhang hindi siya nakikinig o natitinag sa mga mata ko. “kung ayaw mong may mangyari na hindi maganda." Lumakad na siya paalis.




          Bago umalis ay bigla kong naalala ang mga mata niya noong tinutukan niya ng baril iyung matabang babae sa motel. Nakikita ko ngayon amg parehas na mata at ito'y nakatitig sa akin habang nagsasalita siya. Nakaramdam ako ng hindi maganda sa mga tingin niyang iyun. Hindi nakakatakot pero tiyak na may binabalak siyang masama at mangyayari iyun kung hindi ako susunod.




          Sinenyasan ko ang kararating lang na bantay at wala na akong sinayang na oras na lumabas ng shop. Naabutan ko siya na papasok pa lang sa kaniyang sasakyan. Hinawakan ko ang pintuan nang akma na niya itong bubuksan.




          “Anong sinasabi mong may mangyayaring hindi maganda kung hindi ako susunod?" Bumilis ang tibok ng puso ko habang nagsasalita. Hindi ito maganda na ganito ang puso ko.




          Diretso niya akong tiningnan. “Hindi ba malinaw iyung sinabi ko?" Naaalala ko na naman iyung tingin niya doon sa matabang babae.




          “Hoy! Kurt, kung inaakala mo na madadaan mo ako sa mga tingin mong iyan gaya ng ginawa mo sa motel, nagkakamali ka! Hindi mo ako matatakot at wala kang hawak sa akin para bantaan mo ako ng ganito," duro ko sa kaniya.




          “Wala, nga ba?" mahina at mabagal niyang saad.




          Mas lalo akong naalarma. May hawak siya laban sa akin. Pero kung gaano kabigat ang hawak niya ay sigurado ako na siguradong mapapasunod niya ako. Pero hindi ako papayag. Hindi niya ako mahahawakan sa leeg para lang mapasunod ako sa kagustuhan niya.




          Umayos siya sa sumandal sa kotse niya. “Naalala mo ba noong sinabi ko sa iyo na may nakapasok sa kwarto ko na magnanakaw?"




          Nag-isip ako kung may sinabi siya. “Wala kang sinabing ganoon."




          “Ay! Naalala ko, wala pala akong sinabing ganoon. Anyway, may nangyari ngang ganoon noon. Dumaan si Aulric sa bintana habang si Ricky ay harapang pumasok doon sa bahay ko." Saglit siyang na nag-antanda. “Sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila."




          Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. “Pinatay mo sila?!"




          Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. “Peace na kami bago pa lang sila mamatay. At hindi ko pinatay iyung dalawa. Tingin mo, after patayin iyung boyfriend at best friend ni Zafe, may kapal pa ba ako ng mukha na tulungan siya na mag-move on? Iyung ako noong isang taon, baka." Humugot siya ng malalim na hininga. “Makinig ka lang muna kasi sa sinasabi ko. Pagkatapos ng insidenteng iyun, nagpa-install na ako ng mga CCTV sa bahay. At meron din ako sa loob ng kwarto ko. Alam mo ba kung saan naka-pwesto ang mga iyun sa mga kwarto ko?"




          Naikuyom ko lang ang kamao ko sa sinabi niya. Hindi na importante kung saan nakalagay ang CCTV niya. Sa kanan ng kama niya, may isang malaking aparador doon na may malaking salamin. Tinira ko siya patagilid habang nakaharap kami sa salaming iyun. Baka doon nakalagay ang CCTV niya.




          Or pwede rin iyung salamin na nasa itaas ng kama niya kung saan kitang-kita mula doon na nag-e-enjoy siya habang sinasakyan niya ako. Iyun ay king tama iyung anggulo ng camera niya. Ay! Hindi ko talaga gets iyung salamin na iyun sa simula pa lang. Baka doon talaga nakalagay.




          “Anyway, hindi na mahalaga iyun," iling niya. “Ang importante ay meron akong panghawak sa leeg mo. Ngayon, may dalawang kopya ang sex video na iyun. Iyung isa, nasa kay Kian. Iyung isa, nasa akin.




          Matapos malaman na nasa kaniya ang isa, kaagad ko siyang piniwersa at hinawakan ang kaniyang isang pulsohan at ang isa naman ay kaagad sa bulsa niya kung saan nakalagay ang cellphone niya. Wala naman siyang nagawa sa lakas ko at nagpaubaya na lang.




          “May lock ang phone ko," wika ni Kurt.




          “Hindi problema iyun," kumpyansa kong sabi. “Sisirain ko lang naman ang phone mo at kukunin ang storage mo."




          Mahinang tumawa si Kurt. “Pero sa tingin mo ba ay kapag nakuha mo ang phone ko ay tapos na ang problema mo?"




          “Oo naman." Tiningnan ko lang ang hawak kong phone habang lumayo sa kaniya ng ilang hakbang para hindi ako masumpresa, kung meron pa siyang gagawin. “Kahit na ipalabas mo pa iyung isa pang kopya sex video doon sa kaibigan mo, isang araw lang at mawawala na iyun. At sa isang araw na iyun, baka makita iyun ng mga tao, o kahit kakilala pa natin. Pero ang gagawin ko lang naman ay tumanggi. Kahit na magsabi ka pa ng katotohanan, walang maniniwala sa iyo dahil wala na ang mga video. Alam mo kung paano ko gagawin iyun? Panonoorin ko lang naman ang sex video natin. At gagawa ng virus para mabura ang kaparehas na video. Ipapakalat ko iyun sa internet. Tapos ang problema. Ganoon lang!" Pinalakpakan ko ang aking sarili. “Ang galing ko, hindi ba?"




          Pumalakpak din si Kurt at ngumiti. “Magaling ka talaga Larson. Kaya lang, sa tingin mo ba ay hindi ko napaghandaan ang lahat?"




          Kinabahan ako sa sinasabi niya. “N-Naghanda ka?"




          Tumayo siya ng maayos habang inaayos ang kaniyang pananamit. “Kanina, bago ako dumating dito, at bago pa noon, dumaan ako sa bahay ninyo. Nandoon ang Mama ninyo sa bahay. Dahil kakilala niya ako, pinapasok niya ako sa bahay. At nagtanong ako kung asaan ka. Siyempre, sumagot ang Mama mo na wala ka doon. Nasa shop. Kaya pumunta ako sa shop. Pero sa shop, ang sabi ni Allan ay baka nasa bahay ka. Kaya imbes bumalik ako sa bahay, bumalik ako sa bahay ko at isinagawa ang balak ko."




          Itinaas niya ang isa niyang daliri. “Unang-una, hindi ko dala-dala ang sex video na nasa akin. Wala sa phone na iyan." Dalawa namang daliri ang itinaas niya. “Pangalawa, kung meron man at nakuha mo ang sa akin, hindi mo mabubura ang nasa kay Kian kung sakaling i-upload niya ang hawak niya. Alam mo ba kung bakit?"




          “Bakit?" nasasaktang tanong ko.




          “Dahil iba ang bersyon na hawak ni Kian. O sa diretsong salita, iba ang anggulo na hawak niya, tsaka iba din ang scene," paliwanag niya. “Tingin mo ba, hahayaan ko lang na iisa lang ang scene ng dalawang video na hawak ko? Larson, kilala kita. Ang mga bagay na posible mong gawin, alam ko."




          Naikuyom ko lang ang kamay ko sa galit. Masasabi kong napaghandaan niya ako ng mabuti.




          “Pangatlo, base sa ginagawa mo nitong araw, alam ko na gagawin mo ang lahat para maiwasan lang ako. Pero ngayon, nasa sitwasyon ka na hindi mo ako matatakasan. Mapupwersa kang harapin ako dahil iyun ang kailangan mong gawin. Alam naman nating dalawa na hindi mo kaya na mapahiya ang isa sa atin sa lugar na ito."




          Gusto ko pa sana siyang sumbatan. Hindi niya dapat ginagawa ang bagay na ito para lang makuha ang gusto niya. Pero kapag sinumbatan ko naman siya, mataas ang tyansa na lalala lang ang lahat. Handa niyang itaya ang reputasyon ng pamilya niya para lang sa gusto niya. Wala siyang makukuha kung hindi ako lang.




          Ibinalik ko sa kaniya ang kaniyang phone. Natalo niya ako sa mga simpleng problema lang. Oo, problema ang dalawang magkaibang bersyon ng sex video namin ni Kurt. Kayang-kaya ko ang isa, pero magagawa ko lang iyun sa isang araw. Kung sabay naman na nag-upload si Kian, o baka nag-upload na siya, isa na namang isang araw ang kailangan kong gugulin para mabura ang isa pa. Bukod pa rito, problema pa kung gaano katagal ang video. Mas matagal, mas mahirap na trabaho ang gagawin ko. All in all, hindi ko kayang isugal ang isang araw na hindi ko matatrabaho. Maraming bagay ang maaaring mangyari sa isang araw. Pero sa isang araw lang na iyun, tiyak masisira ang lahat-lahat sa aming dalawa. Dagdag pa rito na kilalang-kilala si Kurt dahil naibabalita kaya siya sa TV.




          Kinuha naman niya ang kaniyang phone at ibinalik sa bulsa niya. Tumingin naman siya sa akin na may mabigat pang dinadala. “I can't believe na kinaya kita. Alam mo, hindi naman talaga dapat ganito ang mangyari. Bakit ba para lang samahan ako na magpatingin sa doktor, kailangan pa kitang i-blackmail?"




          “Malay ko sa iyo," singhag ko. “Sana pagsisihan mo ang ginagawa mong ito. Dahil sigurado ako, pagkatapos ng ginagawa mong ito, sirang-sira na ang relasyon natin."




          Nakita ko ang ekspresyon ni Kurt na nasaktan sa aking mga sinabi. Shit! Dapat hindi na ako nagsalita. Dapat hindi ko na sinabi sa kaniya ang masakit na katotohanan sa ginagawa niya ngayon.




          “Huwag kang magpahuli bukas. At isipin mo na sa bawat minuto na na-late ka, isang porsyento ang nadadagdag doon sa ginagawa kong pag-upload ng sex video natin," sabi niya bago pumasok sa kaniyang sasakyan.




          Lumayo ako sa daanan ng sasakyan niya. Hinayaan ko siya na umalis sa lugar na iyun. Wala akong magagawa kung hindi ang sumunod.




Ronnie's POV




          “Sir, nandito po siya," salubong sa akin ng katulong habang pumapasok ako ng bahay..




          “Sino?" tanong ko.




          “Iyung babae po," sagot nito habang nakayuko.




          Kaagad na pumunta ako sa likuran ng bahay kung saan doon ang paborito niyang lugar para maghintay. Isang babaeng matangkad at blonde ang nakatayo sa tabi ng pool. May hawak siyang dyaryo sa kamay na nakatupi.




          “Natasha, what brings you here?" tanong ko.




          Humarap ito at nginitian ako. “Ronnie. It's nice to see you too," tugon niya. “Just now, I got orders from the boss that you need to get ahead of the schedule because of a little accident that happened."




          “And what accident was that? I'm sorry but I need more time to give you what your boss wants. It's not easy being near the target while the urge of kidnapping him there swells within me. Furthermore, my friend and my current closest friend are in close proximity of Ren? Like a freaking magnet."




          Inikot ng babae ang kaniyang mata habang umuupo sa isang upuan. “That is not my problem now. And remember, if you don't bring us what boss wants, your family will be under the ground, for real," banta niya. “And the deadline of submission is a bit early so work. We need Ren before something bad will happen."




          Nagsalubong ang aking kilay. “And what is it?" tanong ko.




          Inilapag ni Natasha ang hawak na papel sa mesa at lumakad paalis. Isa pala itong pahayagan. At ang balita sa harapan ay ‘First Victim of ‘Amn' Mysteriously Died A Day After He Remembered His Past'. Kinuha ko ang pahayagan at binasa ito.




          Isang araw, naalala ng asawa niya ang lahat. Natuwa ang babae dahil sa wakas ay naaalala na siya ng kaniyang minamahal. Sa araw na iyun, nagdiwang sila at nagsaya. Nagsapalamat pa sa itaas ang babae dahil pinagaling niya ang kaniyang asawa. Pero isang araw ang lumipas, ang masayang panaginip ay nauwi sa malagim na trahedya. Hindi na daw nagising ang kaniyang asawa. Matapos matanggap ng babae ang mga nangyari ay ipona-autopsy niya ang bangkay ng kaniyang asawa. Maraming teorya ang mga doktor sa kung ano ba talaga ang nangyari. May iba na ang sabi ay himala, dahil daw sa nakausap pa niya ang kaniyang asawa bago mamatay. Ang teorya naman ng ilan ay dahil sa ‘amn'. Ang iba naman ay sinasagawa ang kanilang trabaho at inaalam pa kung ano ba talaga ang nangyari. Baka may terminal illness sa simula pa lang ang pulis at oras na talaga niya.




          Pero ang bagay na ito. Paano kung mangyari ito kay Ren. Paano kung maalala nga niya ang lahat-lahat kinabukasan. Tiyak na hindi magugustuhan ni boss na bangkay ang maiuuwi ko sa kaniya. Tiyak ay hindi ko maililigtas ang aking mga magulang.




          “Damn it!" mura ko na hinampas pa ang dyaryo sa mesa.




          Kailangan kong makaisip ng paraan para gawin ang pinapagawa nila nang sa ganoon ay maiuwi ko sa amin ang mga taong mahal ko.




Ren's POV




          Ang dilim ng paligid nang iminulat ko ang aking mata. Ang katawan ko naman ay pagod na pagod. Hindi ako makatayo dahil sa nakatali ako sa higaan.




          Maya-maya ay naaaninag ko ang liwanag na nanggagaling sa isang kwarto. Salamat sa konting liwanag na ito at nakita ko ang kabuuan ng kwarto, kahit konti.




          Mula sa pintuan, isang pigura ang lumabas. Dali-dali akong niyakap nito mula sa likuran. Sa gilid ng aking paningin, may sinasabi siya. dahil sa pagbuka ng bibig nung tao. Hindi ko marinig ang kaniyang sinasabi. Pero nababasa ko ito.




          “Kumapit ka pa at pasasakupin ko ang pulo niya," basa ko.




          “Hindi iyun ang sinabi niya," sabi ng boses sa isip ko.




          Hindi nga ba iyun ang sinabi niya? Oo. Walang sense ang mga salitang iyun. At galit na galit iyung tao kaya bakit niya pasasakupin ang pulo ko? Huh?




          Napansin ko na nakatingin siya sa harapan. May tao din pala na pumasok sa kwarto. Isang tao na naka-maskara, isang leyon na maskara. Itinutok niya ang baril sa taong nasa likod ko. Pero ibinaba niya ito. At pagkababa niya ay siya ding pagbagsak ng taong may hawak sa akin. Nadamay ako kaya nakahiga din ako sa sahig.




          Kinuha ako ng taong naka-maskara. Inayos niya ang pagkakahiga sa akin saka mabilis na sinuri ang katawan ko. Kusang gumalaw ang aking bibig. Pero walang boses ang lumabas mula rito. Mukhang nag-uusap kami ng taong naka-maskara.




          Nilagay niya ang kaniyang kamay sa maskara. Hinubad niya ito. Nagulat naman ako matapos mag-iba-iba ang mukha ng taong naka-maskara, na para bang isa siyang karakter sa isang horror movie. Mukha ni Theo, mukha ni Ethan, at mukha ni Aldred. Pero imbes matakot, pakiramdam ko ay natutuwa ako na makita ang mukha sa likod ng maskara. Nangyari na ang ganito sa akin noon. At alam ko kung sino ang mukha sa likod ng maskara na iyun. Pero bakit hindi ko maalala?




          Unti-unting umiitim ang aking paningin. At ang mukha ng taong naka-maskara ay dahan-dahan na, humupa. Ang ilang parte ng mukha niya ay tumigil na sa pagpalit-palit. At iyun ay si... Keifer?




ITUTULOY...




No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails