Followers

Saturday, October 30, 2010

Now Playing Chapter 14

Maraming maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa kwento ko. The story may have taken a darker path, pero patuloy nyo pa rin itong sinusubaybayan. Maraming salamat po sa mga nagkomento, mga nangungulit na ibigay ko ang email address ko, pati mga nag-PM sa akin sa facebook, maraming salamat po.

The previous installment (Now Playing: The Symphony Of Sins) is intended to be a stand-alone piece about two people making love and sharing the passion within. Hindi po talaga siya intended for posting. Pero dahil nga po absent ako ng matagal, regalo ko na lang po sa inyo. Si Peej at JP ay iisa, pero hindi po iyon si Patrick dito sa kwento. Real-life counterpart, pwede pa.

Okay, salamat po sa inyo, and enjoy!
-------
Now Playing Chapter 14
Chain Of Fools

"Every chain, has got a weak link
I might be weak child, but I'll give you strength
Chain, chain, chain
Chain, chain, chain
Chain, chain, chain
Chain of fools.."
- Aretha Franklin, Chain Of Fools
-------
4:27 am

Tama kaya ang ginawa ko? Tama bang hinayaan ko ang sariling magpatangay sa pagnanasa? Sapat bang dahilan ang kalungkutang nararamdaman ko upang makalimot at magpaanod sa kamunduhan? Ginamit ko nga ba ang pag-ibig niya para sa pansamantala kong pagkalimot sa realidad? Naging patas ba ako sa mga nangyari?

Ito ang paulit-ulit na bumabagabag sa akin simula pa kanina. Hindi ako nakatulog pagkatapos ng aming pinagsaluhan. Tinignan ko ang mukha ng anghel na nakayakap sa akin. Nakangiti ito habang natutulog. Tama bang nakipagsiping ako sa kanya dahil sa kalungkutan? Oo, mahal ko pa nga siya. Alam kong mahal niya ako. Dapat bang isipin ang ganitong mga bagay gayong may mas malaki akong problemang dinadala? Oo, kailangan ko ng karamay, ngunit siya ba ang talagang hinahanap ko ngayon? Siya ba ang tunay na hinahanap ng puso ko?

Dahan-dahan kong inalis ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin. Tumayo ako at pinulot ang damit kong nagkalat sa sahig. Isa-isa ko iyong isinuot. Blangko ang isip ko. Tinignan ko ang natutulog na anghel. Wala sa sarili, pinulot ko rin ang kanyang nagkalat na damit at isinuot iyon sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya nagising. Tinitigan ko ang kanyang mukha, at napabuntong-hininga na lang ako.

"Bakit ka ba pumayag sa nais ko? Sana hindi mo tinugon ang mga halik ko. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para maayos ang lahat sa buhay ko. Maraming salamat." at ginawaran ko siya ng halik sa noo. Tumayo na ako at lumabas ng kwartong iyon.
-------
Nadatnan ko si Lex, Clyde at Ash sa kusina. Hindi pa yata sila natutulog, at mukhang may seryosong pinag-uusapan. Hindi na sana ako tutuloy, ngunit nakita ako ni Ash.

"Edge, halika dito. Gusto mo ng kape?" ang nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi nagkakape 'yan. Halika pagtimpla nalang kita ng gatas." ang sabi ni Lex. Tumango na lang ako at nagpasalamat. Lumapit ako sa lamesa. Tumingin ako kay Clyde. Alam kong nakita ko ang malungkot niyang mukha, ngunit bigla rin iyong nawala nang magsalita siya. Hindi ko na lang pinansin.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo? NAKATULOG ka ba?" ang tanong niyang nakangiti. Bakit pakiramdam ko may laman ang kanyang mga sinabi? Hmm..

"Uh, yes." ang pagsisinungaling ko. Hmmp, there's something here that I don't know. Nakita kong ngumisi si Ash, at biglang may tumamang pandesal sa ulo niya. Si Lex pala ang bumato, dala ang gatas ko.

"Hey, para saan iyon? Sana sinamahan mo na ng palaman." ang natatawang sabi nito kay Lex.

"Mokong ka!" at pinandilatan ni Lex si Ash.

"Uh, oo, kapatid ko si Escargot. Ano'ng meron?" ang tanong ko sa kanila. Ayan, slow na naman ako. Natawa sila sa sinabi ko, at nakitawa nalang din ako. Maya-maya, nakita kong nagtinginan silang tatlo, parang nag-aalangan na magsalita.

"Uhm.." si Lex, at biglang namula ang kanyang mukha. Ha?

"Bakit?" ang tanong ko sa kanya.

"Kasi.." ang sabi ulet niya. Nagtataka talaga ako sa mga ito. Matagal silang natahimik, bago nagsalita si Clyde.

"You did it." ang tangi niyang sinabi. Teka. Ako lang ba iyon o mapait talaga ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon? Tinignan ko siya sa mga mata.

"I did what?" ang tanong ko. Blangko pa rin ang isip ko.

"Sex-" ang nasabi ni Ash bago takpan ni Lex ang bibig niya. Oops. Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng dugo ko sa aking mukha. Paano nila nalaman ang tungkol dito?

"Don't get mad, but we heard you. Good thing the guys are already asleep when you two decided to ascend to heaven." ang nakangising tugon ni Lex. Damn! Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong mag-evaporate nalang ako kesa lamunin ng lupa.. Tsk.

"Uh.." ang tangi kong nasabi. Grabe, nakakahiya. Pakshet!

"E di ginawa nyo nga. Naman, kahit pa i-deny mo, alam namin ang narinig namin." ang sabi ni Ash. Naman! Tang'na, gusto ko na ata talagang mamatay! Nakakahiya! Tinignan ko sila. Si Lex medyo namumula pa rin, at parang wala lang naman ang ekspresyon ni Ash. Maliban sa malungkot na mukha ni Clyde, nagtataka ako kung bakit parang hindi sila nadidiri sa mga nalaman nila.

"Uh.. Aren't you.. Uhm.. Grossed?" ang tanong ko na lang, umaasang mawala ng bahagya ang kahihiyang nararamdaman.

"No, not much. Actually, if I liked boys too, I'd be half tempted to try you myself. Damn, mukhang nakarating si Pat sa langit ng ilang ulit.." ang sabi ni Lex na nagpipigil ng tawa. Kung nakakamatay ang pamumula ng mukha, kanina pa sumabog ang mukha ko sa sobrang pula nito. Kasi, versatile ako pagdating sa sex. At oo, medyo maingay si Pat nung.. Alam nyo na.. Tsk. Hindi na nila napigilan ang kanilang mga sarili, at tuluyan na silang humalakhak.

"Oh, Edge, naku, kapag isang araw nagising akong bisexual na, shotain mo ako, ha? Ang cute mo, ang sarap halikan! Hahahaha" ang sabi ni Ash. Waaahhh! Ayoko na! Ano ba? Dumampot ako ng isang bacon sa lamesa at ibinato ko kay Ash na sinangga naman nito gamit ang isang platito. Ang daya! Waaaahhh!

"Ayoko na! Pinagtutulungan 'nyo ako! Madaya kayo! Hmmp! 'Dyan na kayo!" ang sabi kong patampo ang himig. Sh*t talaga. Akmang tatayo na ako nang hawakan ni Clyde ang kamay ko.

"Bitawan mo ako! Isa ka pa, kala ko ba bestfriend kita? Madaya ka." ang sabi ko sa kanya.

"Ito naman, binibiro ka lang namin. Dito ka muna." ang sabi ni Clyde. Habang hawak ang kamay ko, umikot siya sa lamesa papunta sa lugar ko. Niyakap niya ako at bumulong sa akin.

"'Wag ka nang magtampo. Pinapasaya ka lang naman namin."

Tinignan ko ang mga mata niya. Bakit kaya gan'un? Bumulong din ako sa kanya, dahil nais kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga nakita ko.

"Pinapasaya 'nyo nga ako, at pinapasaya mo ako. Pero bakit mukhang mas malungkot ka pa kaysa sa akin?" ang tanong ko sa kanya. Muli akong tumingin sa mga mata niya. Hindi siya agad sumagot, bagkus nagbaba siya ng tingin.

"Sabihin mo sakin, Clyde. Kanina, ikaw ang nakinig sa akin. Ngayon, ito naman ang pagkakataon ko para makinig. Oo, may problema ako, pero may problema ka rin. Alam ko yan, dahil ganyan din ang itsura ko sa salamin. At dahil mag-bestfriend tayo, diba walang iwanan? Edi dapat sabay tayong hahanap ng sagot sa mga problema natin. 'Wag kang madaya. Hayaan mo akong tulungan ka rin." ang bulong ko ulit sa kanya. Niyakap ko siya, at hinigpitan naman niya ang yakap niya sa akin. Sabi na nga ba. Hindi lang ako ang may dalang bagahe.

"Oo, may problema ako, pero hindi naman ito importante. Hayaan mo, sasabihin ko rin ito, kapag hindi ko na kayang mag-isa. Salamat ha? Kahit may problema ka, inaalala mo pa rin ang iba." ang sabi niya sa akin. Bumuntong-hininga na lang ako, at hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Kahit halos mamatay ako sa kalungkutan, ginagawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para makatulong sa iba. Kasi kapag nasilayan ko ang mga ngiti nila, naiibsan rin kahit paano ang bigat sa aking puso.
-------
"Ehem! Lex, yakapin mo nga rin ako, nilalamig ako eh." ang sabi ni Ash.

"Eto, gusto mo?" sabi ni Lex sabay pakita ng kamao niya. Oo nga pala. Medyo matagal yata kaming magkayakap ni Clyde. Alam nyo naman na ang dahilan kung bakit gan'un ako kapayapa sa mga bisig niya, diba? Kumalas ako sa pagkakayakap, at nginitian siya. Ngumiti rin siya sa akin.

"Naku, matapos ng honeymoon, umaalembong na agad." ang sabi ng nakangising si Lex. Bakit ba? Eh sa payapa ako sa mga bisig niya. Tumingin ako kay Clyde na nakatingin rin pala sa akin. At sabay kaming ngumiti sa isa't-isa.

"So.. 'Di pa kayo natutulog?" ang pag-iiba ko sa usapan.
-------
Bandang 7:00 am nang magpasya kaming umuwi na at bumawi ng tulog. Sa almusal namin kila Lex, nagkakwentuhan pa rin kami. Kahit nagpaparinig ang mga mokong, alam kong ligtas pa rin ang sikretong moment namin ni Pat sa iba. Hay, naman. Nagpresinta si Pat na ihatid ako sa amin, ngunit tumanggi ako. Baka malaman niya ang.. Alam 'nyo na. Nagpumilit pa nga ito, at mabuti na lang, to the rescue si Clyde. Kahit na nainis siya, wala na siyang nagawa.
-------
"Gusto mo, d'un muna tayo sa amin." ang sabi ni Clyde nang tumapat kami sa gate ng bahay namin. Ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng 20 taon.

"Ah, hindi na. Ayos na ako. Salamat." ang sabi ko sa kanya, sabay pakawala ng ngiti. Tinignan niya ako, at tumingin rin ako sa kanya. Nakita ko ang nag-aalala niyang tingin. Umiling ako para sabihing 'wag na niya akong alalahanin pa. Bumuntong-hininga siya at hinila ako palapit sa kanya para yakapin.

"O sige. Pero kung kailangan mo ako, i-text o tawagan mo ako. Darating agad ako, ok?" ang bulong niya sa akin.

"Ok. Pero may isang bagay-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang kumalas sa pagkakayakap, hinawakan ang dalawa kong balikat at tumitig sa mga mata ko.

"Ano 'yon? Sabihin mo." ang nag-aalala niyang sabi. Hala. Napangiti ako ng bahagya at nagsalita.

"Pasahan mo ako ng load, check-op na ako." ang sabi ko, at tuluyan akong natawa. Napakamot naman siya ng ulo sa narinig niya.

"Loko ka! Kala ko kung ano na." ang sabi niya.

"Ito naman. Sabi na kasing ayos lang ako eh. 'Wag kang makulit. Hehehe" ang natatawa kong tugon. Napangiti naman siya, at yumakap ulit sa akin.

"Ok, sige, sinabi mo eh. Basta, dadating ako agad, ok? Una na ako, ha?" ang paalam niya. Tumango ako, at kumalas na siya sa pagkakayakap. Kinawayan ko na lang siya ng magsimula na siyang humakbang palayo.

"Ngayon, kailangan kong pakinggan ang musikang nasa harapan ko." ang bulong ko sa sarili ko, at tumingin sa tahanang nakasanayan ko.
-------
"Nandito na po ako." ang sabi ko nang makapasok ako ng pinto. Tinignan ko ang paligid. Ang malambot na sofa na lagi kong hinihigaan, ang lamesang patungan ko ng mga paa ko at lalagyan ng mga lumang dyaryo, ang TV na madalas naming pag-agawan ni Alfie, ang vase na puno ng tulips na paborito ni mama, ang recliner ni papa, at ang family picture na nakasabit sa pader. Bakit kaya ganito ang kinalabasan ng lahat? Ito ba ang kabayaran ng paghahangad sa kaligayahan? Ang laki pa nga ng kapalit, ang buong buhay ko. Nakakalungkot, ngunit kailangan kong kayanin ito.

"Iho, nandiyan ka na pala." ang malungkot na bati ni mama. Ang mama ko. Hindi siya lumapit sa akin. Nakita ko ang malungkot niyang mga mata na pilit ikinukubli sa isang mapagpanggap na ngiti. Alam ko, nararamdaman ko ang pag-aalangan niya sa paglapit sa akin. Ang mama ko.

"Uhm.." ang tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Ngunit sa isang iglap, lahat ng mga masasayang ala-ala ko sa pamilyang ito ay nanumbalik. Parang pelikula na paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ko. Ang mga yakap ni mama, ang paglalambing ni mama, mga pangaral ni mama. Lahat iyan, paulit-ulit kong naaalala. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Hindi, hindi ko sila kayang iwanan. Hindi ko sila kayang kalimutan.

"Mama.." ang usal ko. Agad akong lumapit sa kanya at umiyak sa kanyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang kalungkutang pumutol sa relasyon ko sa pamilyang ito, at unti-unti na naman akong kinakain nito.

"Anak ko.. " ang pahagulgol na sabi ni mama. Habang ako ay nakayuko at umiiyak, ginawaran niya ako ng halik sa noo, sa pisngi. At niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit. Ang hirap tanggapin ng katotohanang ako ay hindi tunay na anak ng taong ito, na walang ibang inasam kundi ang kaligayahan ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak.

"Ma, bakit ganon? Kasalanan ko na naman po ba ito? Lagi nalang ako ang nakikita ng langit. Mali po ba ang maghangad ng labis na kaligayahan? Bakit po ba ako na naman ang pinaglaruan ng tadhana? Ma, sabihin mo sa akin na hindi mo ako iiwan. Paano na ako kung wala ka? Ayokong mapunta sa mga taong hindi ko alam na nabubuhay pala. Hindi ko sila kilala! Ma, diba hindi mo hahayaang mangyari iyon?" ang tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko, at pinapahid naman ni mama iyon.

"Anak, patawarin mo kami. Hindi namin sinasadya ang mga nangyari. Sana intindihin mo na lahat tayo biktima ng sitwasyon. Mahal na mahal ka namin, anak. Kaya hindi namin sinabi sa iyo ang tungkol dito. Natatakot kami na baka kunin ka ng pagkakataon sa amin. Ngunit eto, nangyari na. At wala kaming karapatan sa iyo. Nandito na ang tunay mong pamilya. Anak, sana unawain mo rin sila. Sa loob ng 20 taon wala silang ibang hinangad kundi ang makasama ka. 'Wag kang magagalit sa kanila. Isipin mo na lahat ng ito ay may dahilan. Lahat tayo nagkakamali, at lahat tayo nasasaktan. Magpakatatag ka anak. Kakayanin mo iyan, kakayanin natin ito. Hindi man ikaw ang tunay naming anak, ikaw ay pamilya pa rin namin. Ikaw ay ANAK namin, Edge. Walang magbabago." ang sabi niya sa akin.

"Ibig bang sabihin n'un pinapamigay nyo na ako sa kanila?"

"Anak, hindi sa ganon. Gusto namin na kilalanin mo rin sila, dahil kung wala sila, hindi ka darating sa buhay namin. At katulad namin, mahal na mahal ka rin nila." ang sagot ni mama.

"Mahal? Ano'ng parte ba ng salitang iyon ang hindi nila naiintindihan? Kung mahal nila ako, hindi nila ako ipapa-"

"Anak, 'wag kang mag-isip ng ganyan. Ginawa nila iyon dahil gusto nilang mapabuti ang buhay mo. Isipin mo na lang na ang lahat ng bagay o pangyayari ay may kani-kanyang dahilan." ang sabi ni mama. Bakit ba hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya?

"Kung gan'un, ang buhay ko ay isang malaking pagkakamali lang." ang matipid kong tugon.

"Anak, hindi! Pakiusap, 'wag kang mag-isip ng ganyan." ang malungkot na tugon ni mama.

"I can't help it, Ma." ang sabi ko. Hindi ako makawala sa kalawanging kadenang nakapulupot sa aking puso. "Ano pa ba ang dahilan ng lahat ng ito? Ayoko na, Ma. Lagi na lang kalungkutan ang nakapaligid sa akin. Ano ba'ng dapat kong gawin para makamit ang mailap na kaligayahan? Ang kapayapaan ng kalooban? Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko na may pag-asa pa-" ang dugtong ko. Ngunit naputol ang sinasabi ko nang bigla akong sampalin ni mama.

PAAAKKK!!!

"Ma.."

"Makinig ka! Kahit kailan, matigas ang ulo mo bata ka! Akala mo ba ikaw lang ang nalulungkot sa mga nangyari? Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Hindi lang ikaw, anak. Pati kami, lahat ng taong nagmamahal sa iyo, nahihirapan din sa paghihirap mo. Alam ko, alam naming nahihirapan kang tanggapin ang katotohanang ito. Ngunit isipin mo rin kami anak. Kami na napamahal na sa iyo, at sila na hinahangad ang pagtanggap mo. Patawarin mo kami sa mga pagkakamali namin. Sige, kung gusto mong isipin na isa kang pagkakamali, sige lang. Ngunit alam mo ba, na ang pagkakamaling iyon ang naging daan upang maging bahagi ka ng buhay namin. Sa lahat ng kamalian na nagawa ko, ang isang iyon lamang ang bukod-tangi at habang-buhay kong ipagpapasalamat." ang umiiyak na tugon ni mama. Sh*t! I made her cry. It's all my fault! Para akong nabagsakan ng malaking bato sa ulo ko. Ang kalungkutang ito ang nakapagpapabingi, nakapagpapamanhid, at bumubulag sa akin. Hinayaan ko na namang linlangin at lamunin ako ng labis na kalungkutan. At nakasakit pa ako ng damdamin ng isang taong mahalaga sa akin. Natauhan ako sa mga narinig. Oo, pagtanggap lang naman ang dapat kong gawin, ngunit talagang nahihirapan lang ako sa bilis ng mga pangyayari.

"Ma.. Ma, I'm sorry." ang sabi ko sabay yakap sa kanya. Damang-dama ko ang paghihirap ng kalooban niya. Bakit nga ba sarili ko lang ang iniisip ko? May mga tao pa palang mas naghihirap ang kalooban kaysa sa akin. Kahit kailan makasarili ako. Lagi na nga akong nasasabihang manhid, kailangan pa palang sampalin ako para malaman kong bulag rin pala ako.

"Ma, I'm sorry, I'm sorry.." sabi ko habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Son, I love you so much. I'm sorry if I hit you. Baby, I'm so sorry.." ang sabi ni mama sabay haplos sa aking pisngi.

"Don't worry, Ma. Actually, I thank you. I think I needed that. I was too preoccupied with things that I thought ruined me. I'm so stup-"

"No, son. You're not. You're supposed to hit Rock Bottom in this kind of situation. Acceptance is one of the hardest things to learn, and it usually go with time." ang nakangiting tugon niya. Si mama talaga. Nagawa pa ngang isingit ang Rock Bottom sa usapan. Napangiti rin ako sa naging turan niya.

"Hala, si mama. Ayan, kakanood ng Spongebob, pati pangalan ng lugar d'un sinasali sa ganitong usapan. Ma, salamat po, ha? Sa pag-intindi, sa mga yakap mo, sa pagmamahal mo. Lagi kang nandiyan para sa akin. Pangako mo po, na ikaw pa rin ang mama ko, ha?" ang sabi ko sa kanya. Nakita kong ngumiti siya, at hinagkan niya ang aking noo.

"Oo, at ikaw rin ang anak namin."

Ito ang unang hakbang ko sa pagtanggap sa mga nangyari. Hindi ito magiging madali para sa akin. Ngunit sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin, alam kong malalampasan ko rin ang lahat ng ito.

"Oh, anak, kumain ka na ba? Nagluto ako ng omelet. Halika sabayan mo ako sa pagkain." ang paanyaya ni mama matapos ang ilang saglit naming pananahimik. Nginitian ko siya, at isang tango lamang ang isinagot ko.

"I love you, mama." at hinalikan ko siya sa pisngi.
-------
Tok Tok Tok!

"Edge, anak?"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang mga katok na iyon. Si mama. Teka, bakit kaya? Tumayo ako sa kama at tinungo ang pintuan. Tumingin rin ako sa orasang nasa lamesa.

4:07 pm.

Hay, hapon na pala. Napahaba ata ang tulog ko.

"Ma? Bakit po?" ang tanong ko ng buksan ko ang pinto.

"Ah, anak, may bisita ka." ang parang alangan na tugon ni mama. Bakit kaya?

"Sino po?" ang tanong ko. At sa sinabi niya, naintindihan ko kung bakit nag-aalangan siya.

"Si Cedrick."

"Ah, sige po. Magbibihis lang po ako." ang sabi ko na lang. Nakita ko ang nag-aalalang tingin ni mama sa akin. Pumihit ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"I'll be fine, ma. This 'acceptance' thing is the hardest thing for me right now, but I'll do my best. Wish me luck." ang nakangiti kong tugon kay mama. Dahil sa huli kong sinabi ay napangiti siya. She kissed my cheeks, and walked away.
-------
Ngayon, kailangan kong harapin ang sarili kong mukha sa kanyang pagkatao.
-------
"Chase" ang bungad ni Cedrick sa akin. Nakangiti niya akong sinalubong sa sala, ngunit ang mga mata niya ay alangan pa rin. Lumapit ako sa kanya at bumati.

"Hi." ang matipid kong sagot. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa kanya. Ni hindi ko siya binigyan ng ngiti. Makita lamang ang mukha niya ay sapat na para maalala ko ang kalungkutang pilit kong kinakalimutan.

"Uhm, uh.." ang tila naba-blangko niyang tugon. Alam kong hindi rin niya alam ang kanyang sasabihin ngayong magkaharap na kami.

"Bakit, ano'ng kailangan mo sa akin?" ang pambasag ko sa katahimikang panandaliang lumukob sa amin.

"Kasi.. May gagawin ka ba ngayon? Pwede bang lumabas tayong dalawa?" ang tanong niya sa akin. Kung sa ibang sitwasyon siguro matatawa ako, dahil nga magkamukha kami, parang inaaya ako ng sarili ko sa isang date. Ngunit sa pagkakataong ito..

"Sige. Saan naman tayo pupunta?" ang sagot ko sa kanya. Ginawa ko ito hindi para sa kanya, kundi para sa aking sarili. Ito ang pagkakataon ko para kilalanin siya, at ito rin ang makatutulong sa akin para sa unti-unti kong pagtanggap sa mga nangyari.

"Talaga? Kahit saan. Basta masaya." ang nakangiti niyang tugon. Ang kaninang alangan niyang tingin ay napalitan ng saya at pag-asa. Alam kong gustung-gusto niya rin akong makilala, makasama. Sa totoo lang, magaan ang loob ko sa kanya. Kapatid ko nga talaga ito, ang naisip ko.

"Ok. Saglit lang ha, may kukunin lang ako sa kwarto." ang panandalian kong paalam sa kanya. Ngumiti naman siya, bakas ang saya sa kanyang mukha. Natatakot ako sa mga nangyayari, ngunit alam ko, dadalhin niya ako sa landas ng pagtanggap sa aking tunay na pagkatao.
-------
Ilang sandali pa ay lumarga na kami ni Cedrick. Nagpaalam ako kay mama. Mabuti at naintindihan niya ang pagpayag ko sa imbitasyon ni Cedrick. Hinagkan niya ang aking pisngi at sinabing mag-ingat kami.

Sa una'y nagkakailangan pa kami ni Cedrick, ngunit ng maglaon ay wala kaming ibang inatupag kundi ang magdaldalan at magtawanan. Animo'y close na close na kami kaagad. Basta, napakagaan ng loob ko sa kanya. Pansamantala kong nalimutan ang katotohanan sa aking buhay dahil sa mga ngiti niya. Gumala muna kami sa bayan. Wala lang, wala kaming magawa eh. Pumunta kami sa Dry Goods section ng palengke. Punta sa bargain, bumili ng eggballs, nag fried noodles, pumunta sa HBC, sa mga RTW, pati grocery at yung pusit at isda pinag-trip-an namin. Parang tanga. Sabi nga nung mga saleslady sa Dry Goods, kambal daw kami. Madami pa ngang tingin ng tingin sa amin, mukha daw kaming artista. Haha basta kahit walang katuturan ang pag-ikot namin sa buong palengke, nag-enjoy ako sa company niya.

Kapatid ko.

Nag-take out kami sa Jollibee at pumunta sa maliit na beach sa lugar namin, doon sa tinambayan namin n'un ni Bea. Na-landscape kasi ang lugar na 'yun, may elevated part na may mga damo at puno at may mga concrete na lamesa at upuan, at may mababang parte na buhanginan na patungo sa dagat. Naupo kami sa lilim ng puno ng talisay, at inilatag ang binili naming pagkain. Ilang sandali kaming natahimik habang kumakain. Weird, pero talagang ang gaan ng pakiramadam ko. Nawala lahat ng kalungkutang naranasan ko ilang oras pa lang ang nakararaan. Basta, nakukuha ko nang ngumiti ng palihim kahit papaano.

"Chase.." ang pagbasag ni Cedie sa katahimikan naming dalawa.

"Hmm?" ang naging sagot ko habang ngumunguya ng french fries at nakatingin sa dagat.

"Salamat, ha?" ang sabi niya. Tumingin ako sa kanya, nagtataka sa sinabi niya.

"Salamat saan?" ang tanong ko naman sa kanya.

"Salamat at pinagbigyan mo akong makasama ka. Ang tagal kong hinintay na dumating ka, Chase. Simula nang malaman ko ang tungkol sa iyo, ginawa ko ang lahat para mahanap ka. May mga panahon na halos sumuko na ako, pero mabuti nalang at hindi ako tuluyang bumitaw. That tiny glint of hope in me showed me a miracle I've never expected. Alam mo, hindi ko in-expect na sasama ka sa akin ngayon. Akala ko nga ipagtatabuyan mo ako kanina. Salamat talaga, ha? You don't know how much you made me happy today." ang nakangiti niyang sabi. Kitang-kita sa mukha niya ang sayang nadarama niya. I can't help but smile, masyadong contagious ang ngiti niya.

"You don't have to thank me. Ako dapat ang nagpapasalamat sa iyo, kasi hindi ka sumuko sa akin. Oo, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang nangyari, ang katotohanan.. Pero alam kong darating din ang panahon para d'un, sa tulong mo at lahat ng taong nakapaligid sa akin. At salamat din, kasi naging masaya ako ngayon. Ayoko nang mag-emo pa. Masakit na ang mga mata ko. Hahaha" ang tugon ko sa kanya. Nakita kong lumuha ang mga mata niya. Tumigil ako at wala sa sariling pinunasan ang mga pisngi niyang nadaanan ng mga luha.

"Iyakin ka pala, KUYA." ang sabi ko sa kanya, sabay ngiti.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig, hindi makapaniwalang tinawag ko siyang kuya. Ngumiti ako sa kanya, at siya naman ay lumuluhang nakangiti. Niyakap niya ako, at paulit-ulit na nagpasalamat.

"Chase, salamat. This is too much for me, I don't think I can handle more happiness today. Thanks bro. Thank you so much." ang sabi niya.

"Pwede 'wag ka nang umiyak? Diba dapat ang mas bata ang iyakin? Hahaha" ang natatawa kong sabi sa kanya.

"I don't care kung iyakin ako. Eh kung ikaw naman ang magpapahid ng mga luha ko, why not?" ang nangingiti-ngiti niyang sabi.

"Hoy kuya bolero ka rin pala. Panget mo." ang sabi ko, at sabay kaming tumawa ng tumawa.
-------
Akala ko makakatulog ako ng nakangiti ngayong gabi. Hindi pala.
-------
Nalaman ko na may kamag-anak pala sila kuya Cedie dito sa lugar namin. Bale kamag-anak ko na rin. Pansamantala silang nakituloy doon dahil nga sa pakay nila na paghanap sa akin. Inaya niya ako na sumama muna doon, para makita rin daw ako nila Mr. and Mrs. Lewis (my biological parents) pati ng mga tito at tita daw 'namin'. Pumayag na rin ako, wala naman sigurong mawawala sa akin.

Iyon ang akala ko.

Pumunta kami sa isang parte ng bayan na maganda ang kabahayan. Hindi ito subdivision, parang mga apartment style ang mga bahay dito. Pero parang subdivision na rin dahil nasa loob ito ng secured zone. May checkpoint nga papunta at palabas sa lugar na iyon. Actually pamilyar na ako sa lugar na iyon, karamihan kasi sa mga kaklase ko ay taga doon. Minsan kasi gumagala kami d'un. Sa pagbaba namin sa pampasaherong jeepney na sinakyan namin, napansin ko na dumaan kami sa isang kalye na pamilyar sa akin. Aba, kapit-bahay ata nila ang kaklase ko. Narinig ko ang pagbati ng mga taong nakakakilala sa akin.

"Edge! Psst! Kamusta! Teka, bakit dalawa kayo?" ang bati ni Ate Lena, ang may-ari ng tindahan na madalas naming tambayan. Inakbayan ko si kuya at ngumiti sabay kaway sa kanya. Maging ang mga bata na madalas naming kakulitan kapag walang magawa, binati kami.

"Hala mga kuya sino po sa inyo si kuya Edge?" ang halos pare-pareho nilang tanong sa amin na ikintawa nalang namin.

Huminto kami sa tapat ng isang bahay na napamahal na rin sa akin. Nagtataka ako kung bakit kami narito, kaya tumingin ako sa kanya. Ngiti lamang ang isinukli niya sa akin.

"Tara." ang aya niya sa akin. No. Bakit nandito kami? Kahit na parang may ideya na ako, hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit dito pa? Pinili ko munang manahimik, baka kasi nagkakamali lang ako.

"Nandito na po kami." ang sabi ni kuya Cedie nang makapasok kami sa loob. Nagkataong nandoon sa sala si Mr. at Mrs. Lewis, pati sila..

"Edgar! Kamusta! Ang tagal mong hindi dumalaw, ah?" ang bati ni Tito Tristan.

"Iho, biro mo, kamag-anak ka pala namin!" ang natutuwang bati ni Tita Minerva.

Biro? Hindi biro ito. Hindi! Hindi pwedeng nandito ako? Bakit? Bakit ganito na naman ang nangyari? P*ta, akala ko tapos na ang lahat. Nagsimula na akong makaramdam ng pagka-inis, galit, at pagkahabag sa sarili. Kani-kanina lang masaya ako, tapos eto na naman! Sa isang kisap mata, nalunod ako sa kalokohan ng tadhana. Bakit lagi nalang ako? BAKIT?!

Kinuyom ko ang kamay ko para pigilan hinagpis na nadarama ng aking puso. Upang hindi nila mahalata, ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon. Sh*t, kailangan ko 'siyang' makita, kailangan ko 'siyang' makausap. Kailangan kong malaman ang katotohanan.

"Iho, mabuti naman at pumayag ka na sumama kay Cedrick. At mabuti ay pumayag kang sumama rito." ang sabi ni Mr. Lewis sa akin. Kahit pilit ay binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Para rin po kasi sa akin ito, kailangan ko pong maintindihan ang LAHAT-LAHAT. Sa palagay ko po kasi, ito ang pinakamabuting paraan." ang sabi ko sa kanila. Tango lamang ang naging sagot nila.

"Chase.. ANAK.." ang naluluhang sabi ni Mrs. Lewis sa akin. Hindi nyo ba napansin na Mr. at Mrs. Lewis ang tawag ko sa kanila? One Lewis is enough for a day. Darating din ang panahon na magagawa ko rin silang tawagin na mama o papa. Pero mukhang
matatagalan pa iyon dahil sa isa pang katotohanang nasa harapan ko ngayon.

Nilapitan ko at niyakap pa rin si Mrs. Lewis. It's one of my weakness - I don't want to see mothers crying. Niyakap naman kami pareho ni Mr. Lewis. Umiiyak sila pareho, marahil sa tuwa, ngunit umiiyak naman ako dahil sa panibagong pagkabigo ng aking puso. Akala siguro nila na umiiyak din ako dahil sa tuwa. Hindi, hinding-hindi.

"Salamat at narito ka, patawarin mo kami sa mga nangyari. Anak sana 'wag mong isipin na hindi ka namin mahal kaya ka namin-"

"'Wag na po nating pag-usapan pa, nakaraan na po iyon. Tapos na. Ang mahalaga po ay ang ngayon, at ang bukas. Wala na po tayong magagawa pa doon. Mahirap pong tanggapin ngunit inuunti-unti ko naman pong intindihin, at alam ko pong kakayanin ko po ito. Maaari po bang humiling ako sa inyo ngayon?" ang pagputol ko sa kanyang sinasabi.

"Sige anak, kahit ano. Sabihin mo lang." ang sabi ni Mrs. Lewis sa akin. Hindi ako hihiling dahil ito ang nais ko, kundi ito ang kailangan ko ngayon, dahil sa panibagong dagok na naranasan ko.

"Sana po, 'wag na ninyo akong iwan ulit." ang tangi ko na lang nasabi. Napangiti sila habang patuloy na lumuluha, at muli nila akong niyakap at hinagkan sa pisngi.

"Oo anak. Pangako, hinding-hindi na." ang sabi nila sa akin.
-------
Saglit pa kaming nag-iyakan bago ko hinarap sila Tito Tristan at Tita Minerva. Yumakap ako sa kanila, at sila naman kahit naiiyak ay tuwang-tuwa sa mga nangyari.

"O paano iho, lagi ka nang magpupunta rito, ha?" ang sabi ni Tita Minerva.

"Opo tita." ang sabi ko. Talagang pupunta ako dito, dahil alam kong hindi lang ako ang nagdurugo ang puso.

"Welcome to the family, for real!" ang bati naman ni Tito Tristan. Sana lang ay matanggap rin 'naming dalawa' ang kapalaran naming ito.

"Salamat po, Tito, Tita. 'Nga pala, nandiyan po ba 'siya'?" ang tanong ko sa kanila. Kanina ko pa 'siya' gustong makita, yakapin, at humingi ng tawad dahil pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng ito.

"Oo, mabuti pa at akyatin mo na sa kwarto niya. Kanina pa natutulog iyon. Napuyat yata dahil sa thesis ninyo." ang sabi ni Tito sa akin.

"Sige po, puntahan ko po muna 'siya'." ang paalam ko sa kanilang lahat. Tumango lamang sila. Tumingin ako kay kuya Cedie at nginitian naman niya ako.

Habang unti-unti akong lumalapit sa 'kanyang' kwarto, pabigat ng pabigat ang mga paa ko, at patuloy na nagdurugo ang aking puso. Mabuti nalang at nakatalikod ako sa kanila, hindi nila napansin ang pagpatak ng aking mga luha dahil sa panibagong kalungkutan.

Ang pinto ng 'kanyang' kuwarto.
-------
Wala akong ibang magawa kundi haplusin na lamang ang kahoy na pintuang iyon. Pinanghinaan na ako ng loob sa mga sampal na inabot ko kay tadhana. Pero kailangan kong harapin siya, kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Ibinuhos ko ang natitira kong lakas sa pagkatok sa pintuan ng 'kanyang' kwarto. Sa bawat katok ay nasasaktan ako, at patuloy na nalulunod sa aking mga luha. Walang sumagot, at dahil hinang-hina na ako, napasalampak na lang ako sa sahig at napasandal sa dingding sa tabi ng pinto. Patuloy ang aking pagluha ng mga sandaling iyon. Ano'ng gagawin ko?

Kinuha ko ang cellphone ko. Mabuti na lang nagpa-load ako kanina. Hinanap ko ang numero 'niya', at tinawagan ko ito.

Krrriiinggg...

Krrriiinggg...

Krrriiinggg...

"H-hello?" ang humihikbing sabi 'niya'.

"... Pagbuksan mo naman ako ng pinto. Alam kong nandiyan ka. Ako ito, si Edge. Pakiusap, buksan mo ang pinto." ang umiiyak kong sabi. Narinig ko ang paggalaw niya sa 'kanyang' kwarto, at hindi rin nagtagal ay nagbukas rin ang pinto.
-------
Nasabi ko ba sa inyo na nasa bahay kami ng mga Achilles?
-------
"Edge.." ang umiiyak na sabi niya sa akin.

"Patawarin mo ako, kasalanan ko ang lahat ng ito, Patrick." ang sabi ko sa kanya. Niyakap namin ang isa't isa, at sabay kaming tumangis sa iisang kalungkutan.
[ITUTULOY]

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 5

Chapter 5

-Keith-

Sari-sari naman ang reaksyon ng aming classmates matapos marinig ng lahat ang sinabi ni Yuri.  Ang iba napa ‘O’ na lang.  Ang iba ay nagkikipag-usap sa katabi.  Ang iba pilit nilalabanan ang pagtawa.  Ang iba naman talagang napatawa na. 
Habang nakakarinig ako ng sarisaring reaksyon sa klase, hindi ko tinatanggal ang tingin sa mukha ni Yuri.  Umaasa at naghahanap ng sensyales na nagbibiro lamang siya.  Pero dahil sa normal niyang ekspresyon ang makikita dito, mukhang hindi nga siya nagbibiro.     
“That’s why sir I don’t want to force anybody to be my partner.  If I have an option not to have any, I choose it.  Kasi po kapag bumagsak ako, at least hindi naman po ako nakabigat kanino man.  I’m sure Mr. Sarmiento can find any group that will take him as a groupmate”  ang kanyang idinagdag.  
Talagang kakaiba ang taong ito.   Ewan ko, pero kung totoo man ang sinasabi nito, talagang mahihirapan kahit sinong maging kapartner niya.  Aba at may concern naman pala eh.  Idagdag pa na kahit mukha siyang grade conscious, eh wala siyang pakialam kahit bumagsak.     
“I am sorry for the assumption.  That was very insensitive of me.  But I will not let any group to have a member of more than two while there is a group with a single member.  Also, I will not let anyone from my class to accept failure even if the course hasn’t started yet” ang sagot ni Sir kay Yuri.  “If you want, you can visit my office during my consultation hours so we can do something about it.  And also, I’m sure your partner can teach you some basics regarding the use of computer” sabay tingin sa akin ni Sir ng may ngiting nakakaloko ulit.
Mukhang hindi pa naaalis ang inis ni Sir sa aking pagkalate at talagang isinasangkalan ako nito sa responsibilidad.  Kailangan ko talaga itong turuan kung hindi baka managot ako kay Sir.  Isa pa, mahirap na at baka ako lahat ang gumawa ng exercise namin.  Isisingit ko na lang ang mga lessons namin sa aking hectic sked.

Matapos ng ilang paalala at makuha ang aming class cards, dinismiss na rin kami.  Napansin ko namang akmang tatayo na si Yuri kaya’t pinigilan ko siya sa kanyang braso. 
Sa sandaling iyon, hindi ko maintindihan, pero nakaramdam ako ng mahinang kuryente na dumaloy sa aking sistema sa simpleng pagkakahawak lamang sa kanyang braso.  Hindi naman napakalaki pero masasabi mong may porma at napakatigas nito. 
Biglaan naman niyang inalis ito.  Akmang sisikuhin niya ako sa tagiliran ngunit ng tatama na ay bigla rin nyang inihinto.  Dahil sa kuryenteng dumaloy sa akin at sa kanyang instant reaction, ni hindi ko nagawang makakilos o makapagsalita.  Napako ako sa aking kinauupuan.
“Sorry sa reaction ko kung nagulat kita.  Ikaw naman kasi, huwag mo akong hahawakan ng basta basta.  Hindi kasi ako sanay ng hinahawakan” ang kanyang paghingi ng tawad sa nangyari. 
“Sorry rin kung nagulat kita.  Gusto lang sana kitang kausapin tungkol dun sa sinabi mo kanina.  Me klase ka pa ba?”  ang aking naitugon ng makabawi sa nangyaring pagkabigla.  Umiling siya bilang tugon sa huli kong tanong.  “Pwede ba tayong mag-usap tungkol dun? Alam mo naman na nasa student council ako, di ba?  Kaya gusto ko, maturuan na kita habang maluwag pa ang aking schedule.  Meryenda muna tayo habang nag-uusap.”
Lumabas siya ng silid na sinundan ko naman.  Nang nasa pasilyo na kami, nagtanong siya ng, “Dito na lang natin pag-usapan.  Hindi naman siguro matagal yun, di ba?”
“Huwag dito. Tingnan mo ang daming nakatingin”, pabulong kong wika sa kanya at idinako ang tingin sa mga estuyante sa pasilyo na nonood sa aming usapan.  Sino ba naman ang hindi makakapansin sa dalawang kilalang figure na nag-uusap sa pasilyo. 
Nagpakawala siya ng buntong hininga ng mapansin ang mga taong nakatingin at nag sabing, “Sige ikaw na ang bahala kung saan.”      
Tinungo naman namin ang aking sasakyan sa parking lot.  Naiintindihan naman nya na hindi kami makakapag-usap ng maayos kung sa malapit na canteen lang kaya pinili na lang nyang sumunod kung saan ko siya dadalhin. 
Nang akmang papasok na ako ng sasakyan, napansin kong hindi kumikilos si Yuri para buksan ang kabilang pintuan.  Siguro hindi pa siya nakakasakay sa kotse kaya hindi nya pa alam ang gagawin.  Kung computer nga hindi pa siya nakakahawak, malamang kotse rin.  Kaya naman tinungo ko ang kabilang pintuan ng sasakyan at pinagbuksan siya.  Nang makapasok, isinara ko ito at tinungo ang driver seat.  Pagkatapos, minaneho ko ang kotse papunta sa pinakamalapit na fast food restaurant. 

-Yuri-

                Walang patumpik-tumpik kong inamin sa aming instructor na hindi talaga ako marunong gumamit ng computer.  Parang pang-inis ko na rin ito kay Keith para sa sinabi niyang ako ang bahala sa exercises namin.  Pero ang pangunahin kong dahilan sa pag-amin ay para hindi ako makasagabal sa ibang tao lalo na’t wala akong kaalam-alam sa aming gagawin. 
                Wala akong pakialam sa mga ilang mapang-insultong tingin, tawa at usapan na nagaganap habang ako’y nagsasalita.  Sana nga pumayag na lang din si Sir sa aking mungkahi dahil ayoko rin namang mapalapit sa guwapong lalaking ito.  Pero ayaw talaga eh.  Mukhang nainis si Sir sa pagiging late nito, kaya parang ako na lang ang ginawang ‘parusa’.
                Nang dinismiss na kami, biglang hinawakan ako ni Keith sa braso.  Dahil sa pagkagulat, tinanggal ko ito at muntikan ko pa siyang masiko sa tagiliran.  Mukha siyang natigilan sa reaction ko kaya naman humingi na lang ako ng tawad dahil dun. 
                Nang nasa pasilyo na kami, napansin kong marami na ang nakatingin sa amin bago pa lamang ako magsalita.  Pero itinanong ko pa rin kung pwedeng dun na lang kami mag-usap dahil wala akong pakialam sa kanila.  Ngunit nahalata rin nya ang mga tingin kaya naman nang magmunkahi itong wag na doon ay pumayag na lang din ako. 
                Nang nasa tapat na kami ng kotse nya, hindi ko alam ang gagawin kaya naman tumayo na lang ako.  Pinagbuksan na lamang niya ako ng pintuan at hinayaang makaupo bago tinungo ang driver seat at nagmaneho.
                Dinala nya ako sa pinakamalapit na Jollibee sa campus.  Wala pa namang masyadong tao dun dahil alanganing oras pa ito sa gitna ng tanghalian at meryenda.  Naghanap kami ng lamesa kung saan makakapag-usap kami.  Nang makahanap, ibinaba ni Keith ang kanyang gamit at tinanong ako ng, “Anong gusto mong kainin?”
                “Burger na lang” ang akin na lang itinugon. 
                “Sige, dito ka lang ako na ang mag-oorder” ang sabi pa niya. 
Iniabot ko ang aking bayad para sa aking order pero tinugon nya lang ako ng “It’s my treat”.  Hindi ko na pinagpilitan dahil kung tutuusin hindi naman ako kakain dito kung hindi lang din sa kanya.
                Nang dumating siya dala ang order namin, niyaya na niya akong kumain.  Habang kumakain, may mga itinatanong siyang mga bagay  bagay pero hindi ko ito pinansin dahil sa bahay namin bawal kaming mag-usap habang kumakain.  Nang hindi ko sinagot ang kanyang mga tanong, pinili na lang din niyang manahimik.
                Mabilis ko namang naubos ang sa akin.  Nang mapansin nyang tapos na ako, sinubukan nya ulit akong tanungin ng, “Totoo ba yung sinabi mo kanina na hindi ka pa nakakahawak ng computer sa buong buhay mo?”
                Ngayon sinagot ko na siya ng, “Oo.  Simula pa ng pinanganak ako, hindi pa ako nakakahawak nun.”
                “Sorry sa reaction ko ha? Pero paano mo ginagawa ang mga paper sa ibang courses mo kung hindi ka nagcocomputer?” dagdag pa nyang tanong.
                “E di nagsusubmit ako ng handwritten reports” ang tangi ko lang tugon at napatango na lamang siya.  Natigilan at tila nahulog naman siya sa malalim na pag-iisip kaya nagsalita na ulit ako, “Eto lang ba ang pag-uusapan natin.  Dapat hindi mo na ako dinala dito.  Kung wala ka nang sasabihin, uuwi na ako.”
                “Sorry ulit.  May naisip lang ako” tugon niya.  “Hindi naman iyon ang pag-uusapan natin.  Iischedule lang naman natin kung kailan kita tu-tutor-an.  Gusto kong matapos agad ito hangga’t maaga pa at wala pang masyadong activities.”
                “Naku kung makakaabala ako sa iyo, wag mo na akong tutor-an.  Pupunta na lang ako kay Sir sa consultation hours nya para magpaturo”  ang nahihiya kong pagtangi sa kanyang offer dahil medyo naging mataray ako sa kanya. 
                “Eh hindi pa naman nagsasabi si Sir ng consultation hours.  Malamang next week pa nya ibigay ang schedule nya”, ang kanyang nasabi.  “Gusto ko sana before next meeting natin ay matuto ka kahit ung pinakabasic lang.  Alam mo na, baka pag-initan ulit ako nun.” 
                “Ok sige. Ako, kahit kailan pwede”, ang aking panimula.  “Basta wag lang sa oras ng klase at dapat hanggang 7pm lang tayo.  Malayo pa kasi ang inuuwian ko kaya ayaw kong masyadong gabihin.”
                “That’s fine.  Lagi rin naman akong my meeting sa mga org ko.  Ok lang ba kung sa week-end na kita turuan?  Sa Saturday, free ako nun.  May desktop computer ako kaya sa apartment ko na lang” at ibinigay nya ang address ng apartment nya. 
                “Ok.  Alam ko kung saan un.  Punta na lang ako diyan ng 8AM.  Sabihin mo na rin sa guard na pupunta ako para naman payagan akong pumasok sa compound.”  Ako na ang nagbigay ng oras para maaga kami at maaga rin akong makauwi.  Me tatapusin kasi ako sa bahay. 
Simula kasi ng nawala si ama, ako na rin ang pumalit sa kanyang gawaing bahay tulad ng pagkuha at pagsisibak ng kahoy na panluto.  Hindi talaga ako papayag na si ina ang gumawa nito dahil sa hirap ng trabahong ito.  Ngayong may pasok na, isang beses na lang akong mangahoy at mag-sibak kaya naman marami-rami rin ito.  Sinanay kasi kami na ang linggo ay araw ng pahinga kaya dapat wala kaming gagawing mabigat na trabaho sa araw na iyon.  Pero ayaw ko rin naman ipagwalang bahala ang pagtutor ni Keith sa akin kaya pumayag na ako. 
“Ok sige para marami tayong magawa.”  Akala niya ata mag-sstay ako sa kanila ng hanggang past lunch.  Sa Saturday ko na lang sasabihin na uuwi ako ng maaga. 
Naalala ko rin ang sinabi ni ina na magpakabait ako sa ibang tao para naman makahanap ako ng kaibigan.  “Sorry sa mga inasal ko kanina.  Ikaw na nga ang nag-eextend ng tulong sa akin ako pa ang may ganang magsuplado.  Sorry talaga”,  ang hingi ko ng patawad sa aking inasal kanina.  Hindi naman ako sanay talagang humingi ng tawad kaya sa tingin ko ay nag-init talaga ang pisngi ko sa pagkahiya. 
“Naku wala yun.  Ang cute mo pala kapag nagsosorry. Hahahaha…”  ang kanyang tugon.  Sa tingin ko mas lalong namula ang aking pisngi sa kanyang sagot pero pinilit kong ibalik ang aking normal na ekspresyon. 
Nang magpaalam ako para umuwi, sinabi nyang, “Sorry hindi ko sinasadya.  Kailangan mo na ba talagang umuwi?”  Tumango lamang ako. 
Iniabot naman nya ang kanyang kamay at nagsabing, “Friends?”
Kinuha ko naman ito at nakipagshake hands sa kanya at nagsabing, “Oo naman” at binigyan siya ng ngiting tanging sa magulang ko lang ipinapakita.  Natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay may matatawag na rin akong kaibigan.  Natupad ko rin ang hinihiling nina ina.  Ang ikinakatakot ko lang eh baka layuan nya ako pagnalaman nyang isa akong bakla.  Sa guwapo naman nyang yan, tiyak kong aakalain nyang may pagnanasa ako sa kanya.  Ah basta, saka ko na lang iisipin kapag nalaman nya.
Ayaw ko rin namang magsinungaling sa aking magiging kaibigan pero tingin ko ito lang ang aking magagawa para kahit papaano ay matupad ko ang hiling nina ina at ama.  Isa pa, gusto ko rin naman kahit papaano magkaroon ng matatawag na kaibigan. 

Tuluyan na rin akong nagpaalam sa kanya.  Nag-alok pa nga siyang ihatid ako pero hindi ko na tinanggap dahil sobrang layo din naman ng sa amin.  Pumayag na rin siya at nagpaalam.  

Ang Payo Ni Loloy

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

--------------------------------------

“Loy, tinatamad na ako dito, pagod na pagod na. Gusto ko nang umuwi!”

Isang ordinaryong text message ko lang iyon kagabi, normal na pagpalabas ng mga sama ng loob at hinagpis sa trabaho na naibulatlat ko sa pamangking si Loloy sa tila walang katapusang sakripisyo dito sa Saudi.

Si Loloy ay isa sa pinakamalapit kong pamangkin. May kapansanan ito (cleft palate) dahilan upang tuluyang talikuran nya ang pag-aaral. Hindi nya nakayanan ang mga panunukso at pangungutya ng mga kaklase. Hindi lang kasi siya ngongo kung magsalita, may kahinaan din siya sa klase.

Noong hinikayat naman namin siyang magpa-opera, umayaw ito noong nasa pangatlo at huling operasyon na sana dahil sa sobrang takot. Muntik kasi itong mamatay sa daming dugong lumabas sa kanya sa naunang operasyon. Para sa kanya, mas gugustuhin pa daw nyang maging buhay na ngongo kesa normal nga pero patay naman.

Kaya iyon, hindi nakatungtong ng college at mahirap ang trabahong kinasadlakan.

“Tiyo… wag kang sumuko. Ako nga dito umaakyat ng puno ng niyog, nag-aararo, nagtatanim ng palay. Mahirap. Pero ginagawa ko dahil wala akong ibang trabahong alam. Ngunit mahal ko ang trabaho ko. Kasi, iyong ibang tao nga walang trabaho, o kaya hindi na kayang makapagtrabaho pa. Ikaw pa? Maraming umaasa sa iyo Tiyo… Ikaw ang inspirasyon naming lahat.”

Simpleng sagot lang ni Loloy sa text ko ngunit tila may sibat na bull’s eye na tumama sa akin. Pakiwari ko ay bigla akong nagising at namalayang kong tumulo na lang kusa ang aking mga luha. “Oo nga… malayo ako sa mga mahal sa buhay, halos burado na ang personal na kaligayahan dito sa gitna ng disyerto at ang puso ay puno ng pangungulila. Ngunit maswerte pa rin ako; may trabaho, nasa opisina ang pwesto, mas malaki ang kinikita, nakakatulong sa mga kapatid at nakakapagpaaral pa sa mga pamangkin. Mahirap ngunit...”

Mistula akong nasampal text ni Loloy na iyon.

Ah… akala ko’y wala na akong matutunan pa sa isang taong katulad ni Loloy. Bagkus, sya pa itong nagbukas ng isip ko sa kahalagahan ng aking trabaho. Sa text nyang iyon naramdaman kong luminaw ang aking isipan, lumakas ang loob at di maitatwa ang pagka-proud ko sa kanya.

“Oo Loy. Di ako susuko. At hindi ko bibitiwan ang trabahong ito. Salamat sa pagbukas mo sa isipan ko. At ikaw din d’yan. Tiyaga ka lang muna sa trabaho mo. Kapag nakaipon na ako ng sapat na halaga, matutupad din ang pinapangarap mong maliit na sari-sari store…” Ang sagot ko na lang sa kanya...

Friday, October 29, 2010

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 4

Chapter 4

-Yuri-

                Pagkatapos kong kumain sa canteen, dumeretso na ako sa pinakaayaw kong subject sa lahat ng courses ko.  Ito kasi ang kaisa-isang programming course na kinukuha ng lahat ng estudyante ng engineering.  Nakakatawa man sa karamihan pero hindi ako marunong gumamit ng computer!   
Hindi ako nagkaroon ng interes na matuto sa computer dahil ang focus ko talaga ay sa pag-tetrain at pag-aaral.  Kapag me reports sa mga requirements, laging sulat kamay lang ang aking isinasubmit.  Hindi naman tumututol ang aking mga naging instructor dahil ang aking sulat kamay ay maihahalintulad na sa mga printed reports.  Ung iba nga ay mas gusto pa ito dahil tiyak na hindi lang basta basta ginaya. 
Bakit ko kinuha agad ito?  Me narinig kasi ako nung registration na marami raw bumabagsak sa course na ito.  Ako, na walang computer sa bahay at walang kaalam alam tungkol dito, malamang sa oo na bumagsak ako.  Ayoko namang madelay sa pag graduate kaya kinuha ko na para kung mahulog nga ako ay at least pede pa akong kumuha next semester.  Hindi ko pa nararanasang bumagsak sa klase pero sa tingin ko naman maiintindihan ni ina kung ibabagsak ko itong course na ito. 
Hindi naman magiging problema ito dahil kung tutuusin advance na ako sa aking courses.  Palagi akong kumukuha ng summer classes para sa huling semestre ko ay hindi maging mahirap para sa akin. 
Halos unohin ko naman lahat ng aking mga engineering na subject na naging dahilan na rin kung bakit kilala na ako sa buong college namin.  Bibihira kasi ang nakakakuha ng ganoong grado kaya naman hindi nila ako makalimutan.  Idagdag pa ang aking anyong hapon at pagiging introvert, talagang kilala na ako sa college namin kahit nang mga hindi ko naging kaklase.  
Pag pasok ko sa computer room na aming magiging classroom sa course na ito, pumili ako ng isang upuan sa likuran.  Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang aking mga classmates at ang aming instructor. 
“Ako nga pala si Engr. Andy Ramoso.  Ako ang magiging instructor nyo sa laboratory part ng course na ito” ang kanyang panimula.  “Bilang panimula, ipakilala nyo ang inyong sarili.” 
“Ok class, group yourself into two” ang kanyang tinuran matapos na lahat kami ay magpakilala.  “Your chosen partner will be your companion until the end of the class.  Bawat meeting natin, meron tayong exercise.  The output of the exercise will be a program that will be named after you and your chosen partner.  Sa makatuwid, galingan nyo ang pagpili sapagkat ang pagbagsak ng isa ay pagbagsak na rin ng isa sa mga exercises.”
  Dali-dali namang nagsi tayuan ang aking mga classmates para humanap ng kapareha at pumili.  Halos lahat sila ay magkakakilala at ako naman ay kilala sa pagiging suplado at introvert dahilan upang walang umaya sa aking maging kapareha.  Hindi ko rin naman magawang makipag-usap para makahanap ng kapareha dahil alam kong magiging pasanin lang ako ng partner ko.
“O Mr. de Leon bakit wala ka pang kapareha?”, ang napansin ng aming instructor matapos makita lahat ay may partner na.  “Ok don’t worry, baka meron pang pumasok na absent ngayon next meeting.  Pero kung wala talaga, baka mag-isa ka na lang sa isang unit.”
‘Patay, siguradong bagsak na ako nito’ ang tangi ko na lang nasabi sa aking sarili sa kung saka-sakaling mag-isa nga ako sa isang computer unit.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng may biglang kumatok sa aming classroom.  Napangiwi na lang ang aming instructor habang binubuksan nya ang pintuan at iniluwa ang isang kakamot kamot sa ulong lalaki. 
Nabulabog naman ang ilan dahil ang nasa pinto ay isa sa sikat na pigura ng aming eskuwelahan.  Si Keith ang College Rep namin sa Student Council.  Bukod kasi sa pagiging aktibo sa student council, hinahangaan rin siya ng karamihan dahil sa angking taglay na kakisigan.  Isa kasi siyang perpektong halimbawa ng tall, dark and handsome. 
Miyembro rin siya ng tinatawag sa iskuwelahan na ‘campus royalty’.  Mga taong binubuo ng apat o limang estudyante na bukod sa may angking kakisigan, ay masasabing pinakamayaman na mag-aaral sa buong unibersidad.  Sa mga miyembro nito, dalawa lamang ang nakita ko na at kasama na nga dun si Keith. 
Katulad ng nakasanayan, ibinaling ko na lang ang aking paningin sa isang lugar matapos siyang makita ng panandalian.  Isa rin kasi siya sa hinahangaan ko sa campus kaya dapat mag-ingat.  Mahirap na at baka may makahalata. Katulad ng nakagawian, ikukwento ko na lamang ulit kay ina mamaya.
Hindi ko na napakinggan ang usapan nila ni Sir.  Bahagya na lamang akong nagulat ng mapansin kong ang tinutumbok nito ay ang upuang katabi nung sa akin. 
Binulungan pa niya ako ng makaupo sa tabi ko ng, “Hi partner.  Ako nga pala si Keith Sarmiento.  Ikaw na ang bahala sa exercises natin, ha?” ang nakangiti nyang bati sa akin.

-Keith-

                Patay! 
Napasarap ang kuwentuhan naming magbabarkada ng mapansin kong lampas ala-una na ng hapon.  Mayroon nga pala akong klase sa computer room ng college namin ng 1 PM.  Hindi pa naman basta basta ang attendance  dahil once a week lang iyon.  Kaya kahit first day ng klase kailangan kong pumasok.  Mahirap ng maforce drop dahil sa excessive absences.  Alam ko kasing maraming pagkakataon na baka hindi ako makapapasok dahil sa pagiging busy sa student council at sa orgs ko.

Ako nga pala si KEITH PAUL ROXAS SARMIENTO, 19.  College representative ng engineering.  Laging busy sa extracurricular.  Wala at nawalan ng girlfriend dahil sa pagiging busy.  Pa’no ba naman, ikaw na ang College Rep., ikaw pa ang head ng tatlong organizations, ewan ko lang kung hindi ka magiging busy.  Matalino rin naman kaso dahil sa mga extracurricular hindi ko magawang makapag-aral ng mabuti.  Ang resulta, laging malapit ng bumagsak ang grades.  Kailangan pa naman ng extra effort kapag nag-aaral sa aming mga courses sa Electrical Engineering.
Hindi naman ako sinisita ng aking mga magulang sa mababang marka.  Tingin kasi nila ay mas mahalaga ang mga extracurricular activities.  Saan ka ba naman nakakakita ng ganoong magulang?  Para sa kanila kasi, ang pag establish ng connections ay mas mahalaga kesa sa pag-aaral.  Para na rin siguro sa future ko.  Kaya ok lang sa kanila ang mga babagsaking kong grades basta pumapasa lang at maging active ako sa mga organizations na sinalihan ko.
Ako rin pala ang pangalawa sa panganay sa apat na tagapagmana ng aming mga kompanya.  Sa ngayon, sari-saring businesses na ang may shares ang aming pamilya.  Pero ang pinagmulan ng mga ito ay sa construction.  Kaya ito rin ang pinakuhang kurso sa akin kahit hindi talaga ito ang aking unang gusto. 

Dali-dali akong nagpaalam sa kanila at tinungo ang sariling kotse.  Pinalipad ko ito hanggang sa makarating sa parking lot ng college namin.  Pagbaba sa sasakyan, lakad-takbo kong tinungo ang aming silid.  May mga bumabati sa akin pero tanging tango at simpleng ‘hi’ na lang ang aking naitugon dahil sa pagmamadali.
Nang makarating ako sa aming silid, narinig kong nagsasalita ang aming instructor.  Kinatok ko na ang pintuan pagkatapos kong huminga ng malalim.  Pinagbuksan naman agad ako ng instructor na may iritadong itsura at sabay tanong ng, “Are you in this class?”
“Yes sir” ang aking itinugon. 
“Mr. Sarmiento right? By the way, I am Engr. Ramoso. I will be handling this class.  And since you are late, you have no option to choose your partner now.  Mr. De Leon will be your partner in exercises and future works here in this course”  ang ngingiti-ngiti at nakakaloko nyang tinuran.  “Now take your sit beside him.”
‘Shit’ ang nasabi ko sa aking sarili.  Kilala ko na ang tinutukoy ni Sir.  Siya ung hilaw na hapon na kilala sa aming college sa pagiging matalino at suplado.  Nabalitaan kong halos unuhin nya ang aming mga courses sa engineering sciences na halos ikabagsak ko naman.  Pero dahil may pagkaintrovert at may minsanang straight forward na mga hirit, wala siyang malapit na kaibigan.
Isang beses, kinausap ko siya para alukin ng aking boto noong nakaraang eleksyon.  Tumango lang siya pagkatapos kong makapagsalita ng napakahaba at derederetsong naglakad ng tila walang narinig.  Ikinuwento ko ito sa kanyang mga coursemate at tinawanan lang nila ako.  Ang sabi nila “Naku, napakahirap pakibagayan nyang si Yuri.  Kapag nagiging classmate namin siya, hindi talaga nagsasalita ang mokong at parang robot dahil ni hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha.”
Pero dahil sa matalino naman siya, ok na rin kung magiging magkapareha kami.  Baka nga mahila pa nya ung grade ko pataas.    
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi nya.  Pasimple ko naman siyang binulungan ng ako ay makaupo.
“Hi partner.  Ako nga pala si Keith Sarmiento.  Ikaw na ang bahala sa exercises natin, ha?” ang nakangiti kong turan sa kanya. 
Aba ang mokong, ni hindi man lang lumingon.  Bigla namang nagsalita si Sir nang,
“I assume that everyone of you knows how to use a computer.  I hope you will enjoy the course as I . . . Yes Mr. De Leon?”  Hindi pa tapos mag salita si Sir ng makita niyang nagtaas ng kamay si Yuri.  Napatangin naman ang lahat sa kanya dahil wala namang itinatanong si sir.  Tiyak na may sasabihin itong kakaiba.
“Sir, I am sorry to disappoint you but your assumption earlier is not right” mataman siyang tinitingnan ng lahat. “Hindi pa po kasi ako nakakahawak ng computer sa buong buhay ko at wala po talaga akong kaalam-alam sa paggamit niyan.”  Ang derederetso at walang kahiyahiya niyang pag-amin.

‘Patay!’ ang tangi kong nasabi sa sarili matapos niyang magsalita.

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 3

Chapter 3

-AN-

                “Alright class, it looks like we have a foreigner in our class that’s why I’ll speak in English”, ang paunang sinabi ng aming PE instructor na sa tingin ko ay nasa mid-30s lang. 
“My name is John Dela Cruz and I will be your instructor in this PE.  Once you enter this rubber mat, which will be our ‘dojo’, you must call me ‘sensei’” habang itinuturo ang aming tinatayuan. “I will give you a hand-out of the course requirements and some more guidelines that must be followed while we are in here.  But first, I want you to introduce yourself giving us your name, nickname, course and something about yourself.”
Habang nagsasalita si ‘sensei’, palihim pa rin akong tumitingin sa direksyon ni little Japanese guy.  Mukhang bigla na namang me gumuhit na ngiti sa kanyang labi na bigla ring nawala. Bumalik na naman siya sa kanyang mukhang walang ekspresyon.  Hindi ko na narinig ang unang nagpakilala dahil bigla na lang siyang nagsalita.
“For the benefit of everyone, sasabihin ko pong marunong akong mag tagalog” nagulat ako sa kanyang sinabi.  Napansin ko ring nagulat rin ang iba kong kaklase pagsinghap na aking narinig.  Si Katrina naman ay mukhang nafreeze sa kinatatayuan nya.  Mukhang napahiya yata siya dahil me nakita akong mga matang nakatingin sa kanya na alam kong nakapanood sa aming munting eksena sa labas. 
“Ako nga pala si Yuriel De Leon.  Tawagin nyo akong Yuri.  Kumukuha ng kursong inhinyerong pang-agrikultura.  Ang masasabi ko lang po tungkol sa aking sarili ay dito na ako pinanganak at lumaki sa Pilipinas kaya tagalog po talaga ang pangunahin kong lenguahe.  Hindi po talaga ako marunong mag nihonggo kaya huwag nyo po sana akong kausapin ng ganun.”
Bigla na lang akong tinamaan sa huli nyang sinabi.  Mukhang sa akin niya yata sinasabi ito kahit sa aming ‘sensei’ siya nakatingin.  I can’t say he’s insulting us because he is wearing his default, expressionless face.  I can’t even see a glimpse of smile upon his face.  Napansin ko na lamang na me ibang mga mata na tumuon sa akin because of what he said.  Unti-unti ko namang tinanggal ang aking paningin sa kanya ng mapansin ko ito.
“Wow! Marami namang salamat dahil akala ko mauubusan ako ng ingles dito sa section na ito.  Mukha ngang mas malalim ka pang magtagalog sa amin eh” Ang tinuran ni ‘sensei’ pagkatapos magsalita nung mukhang hapon. Teka nga, hapon naman talaga iyon ah.  Hindi ako nagkakamali dahil marami na akong nakasalamuhang hapon at alam ko ang kanilang mga itsura..  “Talagang inhinyerong pang-agrikultura pa, ah.  Akala ko rin mapapraktis ko ang nihonggo ko sa iyo.  But anyway, lets’ proceed with the lady next to you.”
Sabay-sabay namang tumingin ang tao sa gawi ni Katrina dahil ilang sandali rin ang lumipas pero hindi siya nagsasalita.  Nang mapansin ito, saka lang siya naalimpungatan at nagpakilala. Mukhang hindi siya nakamove on agad dun sa pagkapahiya nya kanina kaya hindi nya narining agad ang tawag. 
Pinakilala ko rin ang aking sarili pagkatapos ni Katrina.  Mahinang nagtitilian pa ang aking ilang classmate na halatang kinikilig habang ako’y nagsasalita. Parang nabura agad ung aking pagkapahiya kani-kanina lang.  Ang sinabi ko lang about myself ay sana maging kaibigan ko silang lahat na lalo namang ikinalakas ng mga tilian.  Sinaway na sila ni ‘sensei’ sa puntong ito upang manahimik. 
                “Next meeting wear a white shirt and a jogging pants.  If you have a karate gi, wear it.  And if you don’t have any question, give me your class cards and see you next meeting.”  Ang sinabi ni ‘sensei’ upang idismiss na kami pagkatapos magpakilala ng huli.  Makailang beses din akong tumingin kay Yuri para tingnan ang kanyang mukha pero hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon.
                Hinila naman ako bigla ni Katrina pagkabigay ng aming class card upang makaalis agad sa building na iyon.  Tinungo namin ang aking sasakyang nakaparada sa tabi ng building.  Nasa loob na kami ng sasakyan ng,
                “HUMANDA ‘YANG PANDAK NA YAN. MALALAMAN NYA KUNG PAANO AKO MAGALIT”, Ang biglang sigaw ni Katrina nang kami’y nasa loob na ng sasakyan.  Mukhang galit na galit siya kay Yuri. Hindi ko na siya sinagot dahil ayokong humaba pa ang usapan.  Napabuntung-hininga na lang ako at pinatakbo ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.              

-Yuri-

                Natuwa naman ako sa aking nakuhang PE dahil tiyak kong mag-eexcel ako dito.  Pagkatapos nito, dumiretso na ako sa pag-uwi sa amin.  Pagdating sa bahay, nakita ko si ina na nakaupo sa terrace, tila malungkot habang nakatingin sa malayo.  Tapos na siguro siyang maghanda nang hapunan at iniintay na lang siguro ako para makakain na kami.
                “Ina, wag po kayong malungkot.  Alam ko naman pong ginagabayan tayo ni ama kahit malayo na siya” ang aking sinabi sa kanya kasabay ng aking ngiting pamatay na tanging sa mga magulang ko lang naipapakita. 
                “Kasi naman hindi pa ako makahanap ng mapagkakakitaan.  Baka maubos na ang ipon ng iyong ama at wala na tayong gastusin” ang kanyang alalang-alala tinuran.  Hindi naman kasi nakaranas maghanap buhay si ina noong buhay pa si ama.  Tanging gawaing bahay lang ang kanyang alam. 
Kahit may ‘dojo’ si ama, hindi naman basta pwedeng pumunta doon si ina dahil iba nga ang kanyang istilo.  Hindi siya nakapagtayo ng ‘dojo’ katulad ni ama dahil hindi naman sikat ang ‘aikido’.  Tanging kami lang talaga ni ate ang tinuruan nya nito.  Si kuya naman ang nagpatuloy ng gawain ni ama sa kanyang naiwang ‘dojo’.  At dahil me katandaan na rin si ina, mas nahihirapan pa siyang makahanap ng papasukan.
                “Huwag na kayong mag-alala ina, matagal tagal pa naman bago maubos iyon.  Kasi naman hindi nyo pa ako payagang magtrabaho eh.  Kaya ko naman pong isabay yan sa pag-aaral” habang hindi pa rin nawawala ang aking ngiti.  Kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na ako’y magtatrabaho, ayaw nyang pumayag.  Gagawin raw nya ang lahat para ako’y kanyang maitaguyod tulad ng pagtaguyod ni ama.  Tutal naman, dalawa na lang daw kami. 
                “Naku tumigil ka diyan sa pinagsasabi mo.  Pag sinabing huwag, huwag” ang kanyang pagtapos sa usaping iyon.  Pag ganon na ang tono ni ina, hindi na ako sumasagot sa kanya dahil alam ko namang hindi talaga siya papayag. 
“Teka nga, parang hindi nawawala ang ngiti mong iyan. Me nakita ka na naman, ano?” ang ngingiti ngiti na rin niyang sinabi.  “Kumain na muna tayo at pagkatapos mo na lang ikuwento iyan.”
Kilala na talaga ako ni ina. Wala na talagang makakaligtas sa kanya.  Sinundan ko na siya sa hapag at tahimik na kumain kasabay siya.  Pagkatapos naming kumain, ako ang nagligpit ng aming kinainan. Habang naghuhugas, si ina naman ay umupo sa may upuan malapit sa lababo senyales na handa na siyang makinig sa aking sasabihin. 
“Ina, sa klase ko sa PE, mayroon akong classmate.  AN ang pangalan, sobrang gwapo” ang kinikilig kong panimula habang sinasabunan ang kalderong pinaglutuan ng kanin.  “Kaso parang mayabang.  Ang angas kasi ng pagbati nya sa akin.  Nagnihonggo pa talaga siya.  Akala nya siguro sasagot ako sa ganun” ang aking idinagdag ng nakangiti.  Idinagdag ko pa yung tungkol sa eksena namin nung girlfriend ni AN at kung paano ko pasimpleng ipinahiya ang dalawa.
“Hay naku.  Dumale ka naman sa iyong pagkamaldita” ang nakangiti na lang nyang nasabi.  “Kaya naman walang basta-bastang lumalapit sa iyo dahil na rin dyan sa ugali mong iyan.  Wala ka tuloy kaibigan na kaedad mo” ang medyo paseryoso na rin nyang tinuran.
“Ina, hindi ko na kailangan pa ang mga kaibigan hangga’t nariyan pa kayo ni ama.” Nagulat ako sa huli kong nasabi dahil wala na nga pala si ama.  Nasanay ko na kasing sinasabi ito tuwing magagawi sa ganitong usapan.  Hindi pa rin ako sanay ng wala siya.  Bigla namang lumungkot ang ekspresyon ni ina.  “Ibig sabihin ko po ay habang binabantayan nyo ako ni ama.”
“Basta anak pilitin mong makipag kaibigan ha? At tsaka bawasan mo na yang pasimple mong pagmamaldita para makahanap ka naman ng mga kaibigan.  Subukan mo kayang sumali sa mga student organization dun sa inyo?” ang sinabi ni ina ng makabawi sa aking maling tinuran.
“Ina, gastos lang ang pag sali dun.  Naririnig ko kasi sa aking mga classmate na lagi silang me binabayarang dues sa org nila” ang aking tinuran bilang pagtutol sa pagsali sa mga orgs.  “Pero sige po susubukan ko pong makipag kaibigan sa iba kong kaklase” ang tangi ko na lang sinabi bilang bawi ko sa pagtutol.
“Basta anak ipangako mo yan ha? O siya matutulog na ako.  Ikaw rin pagkatapos ng assignment mo matulog ka na rin.”  ang kanyang paalala bago siya pumasok sa kanyang silid.
“Ina, wala pa kaming assignment.  Unang pasukan pa lang me assignment agad? Cge tulog na po kayo.  Ako rin po tutulog na pagkatapos nito.” 
Pumasok na rin ako sa aking silid.  Pagkahiga ko sa aking kama, hindi agad ako dinalaw ng antok.  Pumasok na naman kasi sa isipan ko si AN.  Kahit hindi ko masyado itong napagmasdan, saulo ko na agad ang mukha nito.  Naalala ko rin ung mataray nitong girlfriend.    

Naalala ko rin ung sinabi ni ina na piliting makipagkaibigan sa ibang tao.  Hindi naman sa sinusuway ko siya, pero napakahirap namang magbago na lang bigla.  Mas inaalala ko pa na baka madiskubre nila ang aking pagkatao at madisappoint ko si ama.  At naalala ko na naman si ama.  Sinasariwa ko ang aming mga naging samahan ng hindi ko namalayan ang pagtulog kasabay ng pag-agos aking mga luha.

ATTENTION ALL AUTHORS OF MSOB!

Para po maging uniform ang format ng ating mga akda at upang mapabilis ang paghagilap ng mga back-posted entries at hindi rin malito ang mga readers natin kung kanino akda ang alin, please observe the following guidelines when posting your entries:

1. Sa pinakataas ng inyong post, pakilagay ang:

By: (Your name or penname)
email: (optional)
blogsite: (optional)
Other details: (optional)


Itong guideline #1 na ito ay upang malaman kaagad ng mga mambabasa na ikaw ang sumulat sa kwento. May mga nag-email kasi sa akin at nagtanong kung sino ang nagsulat sa ganito at ganire at kung ano ang blogsite nila, email, cp #, etc, etc. Ginawa ba akong directory o information center, lol!

Tas may nagtanong pa kung ako ba daw ang nagsulat sa ganitong kwento. Parang gusto kong sagutin ng, "Kung sakalin na kaya kita? Hindi ako ang may akda niyan, no! Mamaya masambunutan pa ako sa original na otor niyan!" lol!

Minsan tuloy marahil ay sa pagkalito na sa follower may nagtatanong na rin sa akin ng, "Ikaw ba ang sumulat sa 'AKKCNB'?" Arrrggghhh! Parang gusto ko na talagang maghanap ng masambunutan. Hehehe! Joke lang po.

So para klaro sa mga mambabasa natin, paki-identify po ang mga pangalan (or pennames) ninyo sa taas ng inyong mga akda/posts. Alam kong may kanya-kanya tayong mga followers kaya gawan natin ng paraan para hindi sila mahirapang ma-identify ang mga kwento natin lalo na ang mga back-posted stories...

2. Labels.

Upang automatic na papasok ang mga entries ninyo sa Table Of Contents page at upang hindi mahirapang i trace back ang natabunan nang mga posts, always make it a point to fill the "Labels" sa baba, tabi ng post options.

At ang isusulat ninyo sa "Labels" ay ang "Title" lang naman ng inyong kuwento, huwag nang isali ang chapter number.

Paki-fill up lang palagi ang option na ito upang kahit matabunan na ang post mong luma, mahahanap pa rin siya sa Table of Contents at madaling mahanap ng mga followers ninyo.

I guess ito lang po muna.

Maraming salamat!

-Mikejuha-

Thursday, October 28, 2010

Love at its Best (Book2 Part7)

Love at its Best (Book2 Part7)
by: Migs


Nais ko ulit magpasalamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa LAIB.

Maraming salamat din kay kuya Mike, sa pagpayag niya na makapag post ako dito.

Mga co-autjors ko sa GBN, miss ko na kayo lahat. Lalo na si Dalisay. Mother, busy ka pa?

Sensya na kayo kung medyo natagalan ang pagpost ko, medyo tinamaan lang ng katamaran. :-) 
________________________________________________________________________________



Mahapdi na ang kamao ko. Sampu? Kinse? Trenta minutos na ba akong nagsususuntok sa punching bag na ito? Hindi ko alam, basta ang alam ko, may kailangan akong ilabas na sama ng loob. Sama ng loob kanino? Sa sarili ko, kay Jon at kay Sam. Sa aking sarili kasi, alam kong gusto ko si Jon, pero wala akong magawa tungkol dito, kay Sam, dahil bakit humantong sa ganito ang pagmamahal ko sa kaniya, at kay Jon, bakit kailanagn niya akong ilagay sa sitwasyon na ito. Sabay ng paghapdi ng aking kamao ang pag kirot ng kaliwang kamay ko at ang pagtulo ng mga luha ko.


Enso?” tawag ni Jon sa likod ko. di ko siya pinansin, tuloy parin ako sa pagsuntok.


Is this about Sam? Sam is no longer with us.” sabi ulit ni Jon, as if I needed reminding. Itinuloy ko lang ang pagsuntok ko.


Niyakap ako ni Jon para pigilan ako sa pagsuntok sa punching bag, pinapatahan niya rin ako. Kumawala ako sa kaniya at naglakad palayo. Nagulat siya sa ginawa kong yun.


I know I can never replace Sam in your heart.” lumapit siya sakin at pinaharap ako sa kaniya.


No one can replace Sam. You taught me how to live, yes, but it was Sam who taught me about love and how to love at its best. So yes, YOU can never replace Sam. NEVER!” singhal ko kay Jon sabay lakad palayo sa kaniya. Napayuko narin siya, marahil ay napuno na sa sinabi ko.



Andito pa ako! Buhay na buhay at handa kang mahalin! Ako na lang ang mahalin mo. Bakit hindi mo tanggapin na wala na si Sam? Bakit hindi mo tanggapin na hindi mo na mararamdaman ang pagmamahal na hinahanap mo galing sa kaniya?!” pahabol na sigaw ni Jon. Pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo.



Ilang buwan din kaming nagiwasan ni Jon, pagmagkakasalubong sa loob ng ospital, laging may isang iiwas, wala ni isa samin ang may tapang na kumausap sa isa't isa. Isang beses habang nagrarounds, napansin kong parang may nakatingin sakin, napalingon ako at nakita ko si Jon na nakatingin sakin, nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya bigla siyang bumawi ng tingin. Gustong gusto ko na siyang kausapin nun, pero naduwag ako, alam kong marami akong nasabing hindi maganda sa kaniya. Di nakatakas sakin ang tingin na iyon ni Jon, malungkot ang tingin na yun.


anong drama mo baks?! Bakit hindi ka na nakikipagusap kay Jon?!” takang tanong sakin ni Cha.


gusto niya kasing maging kami, pero natatakot ako, hindi ako pumayag, ayokong makalimutan si Sam.” sagot ko kay Cha.


Ano ka ba baks?! Di mo naman kakalimutan si Sam eh. Don't you think it's time for you to be happy naman? Don't you think its time for you to let Sam be a part of your past na?” panenernong sabi sakin ni Cha.



hindi ko pwedeng i-isang tabi lang si Sam.” mahinahong sabi ko kay Cha.



Sam is dead.” pagpapaintindi sakin ni Cha.



I know.”



Jon likes you.”



I like him too.” sagot ko. At binatukan ako ni Cha ng ubod ng lakas.



Ang arte mo talaga! Ganito lang yan eh. Natatakot ka lang kasi na mawala yung konting alaala ni Sam na pinanghahawakan mo kaya hindi ka makagawa ng mga bagong alaala kasama si John. Hindi yan dahil ayaw mong makalimutan si Sam, dahil hindi naman mangyayari yun eh, ang ikinatatakot mo ay ang mawala ang ilang alaala niyo ni Sam.” sabi ni Cha, natameme ako sa sinabi niyang yun. Napagisipsip ko na tama siya, yun nga marahil ang problema ko. di ko napansin na tinititigan pala ako ni Cha, habang nanguya ng chocolate covered wafer ng rebisco.


bakit ganyan ka maka titig?” tanong ko sa kay bruha.


wala naman. Tara punta tayong Tagaytay?” aya sakin ni Cha.


ha?! Napaka impulsive mo talaga!” sagot ko sa kaniya.


sige na trip lang.” pagpupumilit ni Cha.


napapagod din ako Cha, uwi na ako mamya para magpahinga!” sagot ko sa kaniya.


saglit lang naman tayo, sige na.” pagpupumilit ni Cha, wala na akong nagawa.


bwisit ka! Wala ka rin palang dalang sasakyan, kung maka aya ka magroadtrip!” singhal ko kay Cha , habang nakaupo kami sa loob ng bus na nagiintay sa terminal na biyaheng Mendez.


shhhh! Haha! Roadtrip nga baks eh!” sagot naman ni Cha.


lakas trip!” sabi ko sabay irap.


ay manong conductor!” sigaw ni Cha nang mapasilip sa may bintana.


Cha, kunduktor, hindi conductor.” pananaway ko kay Cha.


Inatyin niyo ako ah, nakakita kasi ako ng donut oh, wait lang bili lang ako saglit!” excited na sabi ni Cha sa konduktor.


sure Miss Beautiful.” sagot nung konduktor sabay kindat.


Cha, dun ka na lang bumili sa Tagaytay!” pagpigil ko sa kaniya.


ano ba baks! Gutom na gutom na ako!” sigaw ni bruha sakin, sabay lakad sa pasilyo ng bus at nakipaglandian pa sa manong kunduktor. Pinabayaan ko na lang ang bruha sa gusto niya, binuksan ko ang ipod ko at isinukbit ang earphones. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napatingin ako dito at nagulat, si Jon pala. Biglang umandar ang bus dahandahan palabas ng terminal at napatayo ako, tinanaw ko kung nakasay na pabalik si Cha, walang Cha na naglalakad sa pasilyo ng bus pabalik sa upuan niya. “Nalintikan na.” sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko ang bruha na ngumunguya ng donut at nakangiting pangdemonya.


umupo ka na, baka biglang magbreak yung bus.” mahinahong sabi ni Jon.


plinano niyo ba to? Excuse me bababa ako.” sabi ko kay Jon. Pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit.


isipin mo na lang na asa anger management class ka pa ulit namin ni Cha.” mahinahong sabi ni Jon, napatingin ako sa mata niya. Nagmamakaawa ito. Umupo ako at pinabayaan na lang siya sa gusto niya.


san ba tayo pupunta?” tanong ko kay Jon.

wag kang magaalala, di PA kita rereypin.” ngumiti ito na pangdemonyo. Ibinalik ko na lang ang earphones sa tenga ko at sumandal, ipinikit ko na ang mga mata ko. Tutal mukhang di naman ako sasagutin ng maayos nitong kumag na to.



Naramdaman ko na lang na bigla akong nilamig. Pagdilat ko nakasandal na pala ako sa balikat ni mokong, “ambango niya” isip ko, tinignan ko siya, tulog din. Di muna ako umalis sa ganoong posisyon. Sa halip mas lalo ko pang idinikit ang ilong ko sa dibdib niya.


di kaya maubos ang amoy ko niyan?” sabi ni mokong, napadaretso naman ako ng upo bigla. Nagtutulugtulugan lang pala si kumag. Napahiya tuloy ako.


oh bakit mo inalis ang ulo mo? Sige sandal ka lang. Ok lang.” sabi ni Jon, hindi siya nagloloko, seryoso ang mukha niya.


ah eh, wag na nkakahiya naman sayo.” nahihiya at giniginaw kong sabi. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa Aguinaldo hiway na kami. Iniabot sakin ni Jon ang isang jacket.


thank you.” mahinang sabi ko. Napatingin ako sa kaniya, seryoso parin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinablot at pilit pinasandal sa balikat niya. Umakbay naman siya sakin, namiss ko ang may yumayakap sakin ng ganon. Aayos sana ako ng upo, pero pinigil ako ni Jon. “dito ka lang.” mahinang sabi niya. Di na ako nakapalag. Di nagtagal nakatulog na ulit ako.


00000oooo00000

I'll be loving you forever
Deep inside my heart
You'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever

You are the sun
You are my life
And you're the last thing on my mind
Before I go to sleep at night
You're alwayz 'round
When I'm in need
When trouble's on my mind
You put my soul at ease
There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I
Wanna spend forever with you

I'll be loving you forever
Deep inside my heart
you'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever


Nagising ako sa ingay na ginagawa na yun ni Sam, hindi man maganda ang boses ni kumag, gustong gusto niya paring ginagamit ito.


Ingay mo naman!” saway ko sa kaniya.


aba! Ikaw kasi, tinulugan mo ako! Kita mong limang oras na akong nagdadrive dito oh.” nakasibanghot na sagot sakin ni Sam, habang nagmamaneho pauwi ng Manila galing Baguio. Tinignan ko siya, halatang nainis ang kumag. Tinanggal ko ang seat belt ko at lumapit sa kaniya, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at dun pinagpatuloy ang pagtulog.


Antukin!” mahinang sabi ni Sam. Napangiti naman ako.


00000oooo00000


Naramdaman kong may parang mga buhangin na bumabagsak sa mukha ko. Pagdilat ko andun si Jon na kumakain pala ng buko pie. Tumingin ito sakin at ngumiti.


bababa na tayo mayamaya.” sabi nito. Umupo ako ng maayos at pinagpag ko naman ang mukha ko ng mga mumo mula sa kinakain niyang buko pie, sabay tingin kay Jon ng masama.


ay sorry, gusto mo ba?” sabay pagpag niya sa mukha ko. Tinignan ko ang lalagyan ng buko pie na inaalok niya, nakita kong may isang slice na lang ng buko pie ang natira. Umiling ako.


ok, sakin na to ah.” sabay kain ni Jon sa natirang slice, natawa naman ako, antakaw kasi ni mokong. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ito ng matamis. At naalala ko ulit ang napanaginipan ko kanikanina lang. Nang matapos ang kinakain, tumayo na si mokong at inabot ang kamay ko.


halika na, lapit na tayo dun, malapit na tayong bumaba.” at inalalayan niya akong tumayo.


Pagkababa namin ng bus, tumingin ulit siya sakin. Nakita kong may piraso pa ng buko pie sa labi niya, pinunasan ko ito, nagulat kami pareho sa ginawa ko, bumawi na lang ako ng tingin at ibinaling ang tingin ko sa isang pamilyar na bahay sa kabilang kalye. Napakunot ang noo ko. Bahay iyon ng mga lolo at lola ko. Imposibleng alam ni Jon ang lugar na ito, wala akong nabanggit sa kanila ni Cha tungkol dito. Pilit ko ring inaalala kung may nabanggit nga ba ako. Tumawid kami at nag doorbell sa may gate.


anong gagawin natin dito Jon?” mahinang tanong ko sa kaniya.


I've been in touch with your brother.” sagot ni Jon. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, may isang linggo na ang nakakaraan ng tawagan ako ng tita ko, kapatid ni Daddy, meron daw sakit si Dad, at sana daw ay makadalaw ako dito. Tahimik lang ako, hindi ko magawang tumalikod. Nanginginig na ako. Di pa man ako nakakapasok sa bahay ay nanlalamig na agad ako, hinawakan ni Jon ang kamay ko, kinakabahan. Ganun parin kaya si Dad? Siya parin kaya ang tatay kong walang puso? Humigpit ang hawak ni Jon sa kamay ko. Sinalubong kami ni kuya.


kanina ka pa iniintay ni Dad.” sabi ni kuya, sabay yakap sakin ng mahigpit, hindi siguro niya napansin ang paghawak ng kamay ni Jon sa kamay ko.



ano bang balita?” tanong ko kay kuya.


Its cancer, liver cancer stage 4.” sabi ni kuya na ikinagulat ko. sinamahan niya kami hanggang sa kwarto ni Dad, di ko naman maiwasang magtaka, kung galit ako kay Dad, mas lalo na si kuya, pero eto siya ngayon mas nauna pang magpatawad kay Dad kesa sakin. Habang papalapit ako ng papalapit kay Dad, nararamdaman kong nanginginig ako. At gustong gusto ng tumulo ng mga luha ko.


Dad.” tawag ko sa aking ama. Napaupo ito mula sa pagkakahiga, pansing pansin ang pagbaba ng timbang niya, pumuti ang buhok at nawala ang dating mapagmataas na tingin. Pumalit sa tingin nito ang maluhaluhang tingin at punong puno ng pagsisisi.


Lorenso, anak.” mahina at garalgal na sabi ng aking ama. Lumapit ako, habang naglalakad palapit ay di mapigilan ng mga luha ko ang bumagsak. Nangangatog parin ako. Habang papalapit ay luilinaw na rin ang mukha ng Dad, sa mga pisngi ni Dad ay dumadaloy ang mga luha ng pagsisisi.


Patawarin mo ako Anak, naging masama akong ama sa inyo ng kuya mo, naging masama akong asawa sa Mom ninyo.” umiiyak na sabi ng aking ama.


shhh Dad, tama na. Hindi makakabuti sainyo ang ganyan. Mabuti pa magpahinga na muna kayo.” sagot ko sa aking ama. Umiling lang ito at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.


Nais ko lang naman mabigyan kayo ng magandang buhay, pero kasabay ng pagasenso natin ay ang pagiging bato ang puso ko at naging mapusok ang bawat pagtrato ko sainyo. Sana ay mapatawad niyo ako.” paghingi muli ng kapatawaran aming ama. Napalingon ako sa aking kuya, puno na rin ng luha ang pisngi nito.


Dad, tama na. Kalimutan na natin lahat ng iyon. Ang pangit tignan eh, tatlo tayong nagbrubruskuhan dito, tas iyak tayo ng iyak.” pagbibiro ko, sabay sabay napatawa kaming tatlo.


if only Mom is still here, panigurado ko matutuwa yon.” sabi ni kuya, habang binabalik ang nasirang composure. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Jon, nakangiti itong tumalikod at lumabas papuntang sala.


I'm sure your mom would have been happy indeed.” paniniguro ni Dad. Napayakap ako sa aking ama. Mula sa yakap na iyon, alam ko, wala na ang pusong bato na namamayani dito dati.


pagluluto kita bukas ng waffles and pancakes, Dad.” sabat ng kuya ko. Nagkatinginan kami ni Dad at palihim na ngumiti.


Lumabas ako ng kwarto ni Dad, huminga ng malalim at di ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. Kasunod ko si Jon at si kuya, niyakap ako ni Jon. Napayakap narin ako sa kaniya. Nakita ko namang nakatingin samin si kuya.


magkatabi ba kayong matutulog?” tanong ni kuya na ikinagulat ko naman.


Opo”... “hindi ah!” sabay naming sabi ni Jon. Napangiti si kuya.


I mean uuwi kami.” sagot ko kay kuya, at tinignan ng masama si Jon.


dito na kayo matulog Enso, halatang pagod pa kayo. Saka sabi sakin nitong si Jon may pupuntahan pa daw kayo bukas.” at ngumiti ito.



eh san mo patutulugin tong si Jon?” tanong ko kay kuya, kasi medyo may kaliitan din yung bahay.


magtabi na kayo dun sa guest room. Ok lang na mabuntis ka Enso, may tarbaho nanaman kayo eh, kaya nyo nang sustentuhan ang bata pagnagkataon.” at humalakhak si kuya.


tado!” sabi ko kay Kuya.


and besides, Jon looks like the marrying type.” pahabol na pangaasar ni kuya.


Tantanan! Pwede?!” sigaw kong balik kay kuya. Habang si Jon naman ay nangingiti lang sa gilid.


Habang nasa kwarto kami, wala kaming imikan ni Jon. Nanonood lang ako ng TV, habang siya ay nagpapatuyo ng buhok. Mayamaya nangulit nanaman ang mokong.


palabiro pala kuya mo no?” tanong nito sakin.


Oo, kumag yun eh.” sagot ko naman sa kaniya, habang nakatutok ang mata ko sa palabas na Rubi.


at least siya boto sa akin.” mahinang sabi ni Jon. Napatigil naman ako sa sinabi niyang yun.


tulog na tayo?” pagiiba ko sa usapan.


ok sige.” sabi ni Jon, sabay patay ng ilaw.


ayoko ng nakapatay ang ilaw.” sabi ko. at binuksan ulit ang ilaw sa tabi ng kama.


eh di ako makakatulog pag nakabukas ang ilaw eh.” sagot ni kumag. At patay ulit ng ilaw.


eh pano naman ako makakatulog kung papatayin mo yang ilaw?” tanong ko. biglang bumukas ang pinto, at bumulaga si kuya.


para kayong magasawa!” sabi ni kuya, sabay halakhak at sara ng pinto.


sige na iiwan na lang na bukas yang ilaw, pero yayakap ka sakin.” kundisyon ni Jon.


Wag na! Sige patayin mo na lang.” sabi ko.


ayun naman pala eh, susuko ka rin naman pala eh.” pangaasar ni Jon.



Di pa man nagtatagal ay narinig kong humilik si kumag, at hindi na talaga ako nakatulog.


Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails