Author's note...
Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.
Ang Bravado, kanta ni Lorde. Isa sa mga paborito kong kanta kapag hindi ka napansin ni crush. Pero hindi naman siguro kailangan pansinin palagi hindi ba? May kaibigan ako na palagi siyang nagpapansin sa crush niya. Long story short, sila na. Pero ako, alam kong wala akong pag-asa kaya hindi ko na pinipilit ang sarili ko na pansinin. Oo, sumuko agad ako. Pero kasi, napagdesisyunan ko na ibaling na lang sa iba ang pagpapansin ko. Sa mga priorities ko na lang sa pag-aaral itutuon iyun lahat.
Heto na po ang Chapter 73.
Chapter 73:
Bravado
Jin's POV
“Ako lang ba, o pamilyar siya sa akin?” tanong sa akin ni
Kurt nang umalis na si Larson para kumuha ng pagkain.
Nakatingin siya kay pekeng Aulric na nakikipag-usap sa mga
panauhin kasama ang kaniyang stepfather.
“Talaga? Saan mo naman siya nakita?” tanong ko.
Nag-isip si Kurt saglit. “Sa tingin ko, sa mga kompetisyon
ng Drama Club. Nasa Journalisn Club ako, remember? Sa Journalism Club,
makakahalubilo mo ang kahit na sinong tao. At siya ata iyung, taga-URS?” Tumingin
sa akin si Kurt.
“Bakit ka nakatingin sa akin?” kunot-noong tanong ko.
“Kilala mo siya. Huwag kang magkaila.”
Tumango lang ako.
“Sabi ko na nga ba,” sabi niya na para bang nanalo sa
lotto. “Sa pagkakaalala ko, siya iyung palaging nasa 1st place ang team. Hindi
naman kasi kayo madaling talunin ni Aulric noon. Hanggang sa...” Humugot siya
ng malalim na hininga at uminom ng tubig. “Bakit ba naman kasi nag-quit ka sa
club matapos siyang mawala?”
Tumingin lang ako kay pekeng Aulric at naghanap ng
isasagot. “Sabihin na lang natin na, nawalan ako ng motibasyon na umakto ulit.”
Tumingin ako kay Kurt. “We're a team, you know, sa stage. Kahit na hindi niya
nasagot ang aking pagmamahal sa kaniya, we are still a team. At iyung team na
iyun, it extends to all. Si Caleb at iyung iba, nai-inspire sa ginagawa namin.
Ayaw nila magpatalo. At nakita mo naman iyung mga performance namin. Naging
maganda iyun. Kaya umalis ako sa Drama Club matapos mawala si Aulric, kasi wala
na akong motibasyon na umakto ulit. Ayokong makita ng mga manonood kung paano
ka-pathetic ang performance ko kapag wala siya. Gusto ko na kapag nag-perform
ako, iyun iyung best ko. Para wala akong excuses kapag natalo ako.”
Dumako naman ang tingin ko kay Caleb. Mapait lang ako na
napangiti matapos maalala ang huli nilang performance. Hindi umabot kahit sa
anong place ang Bourbon Brothers at napalitan ito ng URS at Schoneberg Academe.
“By the way, kumusta ka na pala, Kurt?” pag-iiba ko sa
usapan. “Nagulat naman ako na may boyfriend ka na pala.”
Tiningnan ko si Larson na papalapit na sa amin na may
dalang pagkain.
“Ako din nagulat. Siguro, wala na siyang choice kaya...”
Ibinaba ni Larson ang mga pagkain sa mesa. Kahit hindi ako
nagpakuha ay kumuha na si Larson para sa akin.
“Salamat,” sabi ko matapos niyang gawin iyun.
Nginitian lang ako ni Larson sa tahimik na umupo sa tabi ni
Kurt.
“Ano na nga pala ang ginagawa mo ngayon?” tanong ko pa sa
kaniya.
“May-ari na ako ng isang business sa Maynila,” sagot niya
sa akin. “Courier service. Alam mo naman sa Maynila, ma-trapik. Kaya kapag may
kailangan kang ipadala, maipapadala agad ng mga couriers namin.”
Nag-isip ako saglit. “Mukhang napakagandang business. Lalo
na at palaging traffic sa Maynila.”
“At hindi lang iyun.” Marahan niyang siniko ang boyfriend
niya. “Si Larson, nandoon din ang isa sa mga branch ng dalawang business niya.”
“Isa lang iyung sa akin doon,” sabat ni Larson sa
kalagitnaan ng pagkain niya. “Sa kapatid ko iyung isa.”
“At anong business?” tanong ko.
“Tabletop games,” sagot naman ngayon ni Kurt. “pero sa
kapatid niya pala iyun. Kay Larson iyung computer shop na parte.”
“Parang, gusto kong puntahan iyan kapag may panahon. Ibigay
mo sa akin mamaya iyung address ng branch niyo sa Maynila ”
“Maynila? Lilipat ka na ba sa Maynila?”
“Oo. Dapat nga, ngayong linggo. Kaya lang, iyun nga.
Nagpa-party si, pekeng Aulric.”
Nginitian ako ni Kurt. “Well, good luck sa iyo.”
Patuloy naman kaming kumain sa mesa namin habang
nag-e-enjoy ang mga tao sa paligid. Maya-maya ay napansin ko si Kurt. Nang
tumingin ako sa likod ay nandoon pa rin ang mag-ama ng gabing ito kausap din
ang mga magulang ni Kurt. Nang bumalik ako sa pagkain ay biglang nagsalita si
Kurt.
“This is weird,” sabi niya.
“What weird?” tanong ni Larson na halos puno ang bibig ng
pagkain.
Tumingin si Kurt sa kaniyang nobyo. “We are the odd one out
in the party kung hindi mo napapansin,” sagot niya.
Awtomatiko naman na tiningnan ni Larson ang kaniyang
sarili. “Bakit? Hindi ba tayo nakasunod sa dress code ng party?” Lumunok muna
siya.
“Oh! Hindi mo pala alam. I mean, iyung pamilya natin, wala
naman tayong matibay na relasyon sa birthday celebrant. Although iyung
supposed-to-be stepson niya na namatay, may masama akong relasyon doon. Pero
okay naman kami.”
“Hindi ko maintindihan,” ngiwi ng nobyo niya.
“B-Basta. Mahabang kwento,” naguguluhang balik ni Kurt. “I
mean, bakit imbitado iyung pamilya natin sa selebrasyon kung hindi naman namin
ganoon ka-close iyung celebrant? Hindi pa nga nakakausap ng mga magulang ko
iyung celebrant. Ngayon lang.” Yeah. Weird.
“Baka fan ni Tito Henry ang mga magulang mo, hindi kaya?”
sabat ko.
“Fan ni Sir Henry ang mga magulang ko, pwede. Pero ang
magulat iyung celebrant na nakapunta ang mga magulang ko, ano iyun? Hindi niya
alam?”
Sa gilid ng paningin ko ay nakita ko naman sila Derek na
nag-uusap kasama ang mga kaibigan niya. “Alam ko, si pekeng Aulric ang nag-organize
ng party. Baka naman si Derek ang nag-imbita sa kanila kasi, fan sila ni Tito
Henry? Or baka si pekeng Aulric mismo ang nag-imbita sa inyo para sa parehang
rason.”
“Still weird,” ngiwi pa ni Kurt. “Siguro kapag mga bata,
malalaman mo kung sino ang mga idolo nila. Pero kapag matatanda, medyo reserved
na sila na i-vocalize ang kanilang iniidolo. Para malaman ng dalawang anak niya
kung sino ang mga idolo niya, I find it weird.”
“Hay nako! Huwag mo nang isipin iyan,” sabi ni Larson.
“Just have fun. Kasiyahan ito. Do not overthink everything. Kainin mo na iyang
pagkain mo. Gutom lang iyan. Sige na. Hindi naman unwanted guest ang mga
magulang mo sa party para mag-isip ka pa ng ganyan. At masaya ang birthday
celebrant sa presensya nila. Tingnan mo?”
Tinuro ni Larson ang mesa nila Tito Henry. Nang lumingon
ako ay nagtatawanan na ang lahat, dahil sa kwento nung Papa ni Kurt tungkol sa
isa sa mga nakakatawang karanasan niya sa trabaho.
Inikot na lang ni Kurt ang kaniyang mata at tumingin na
lang sa pagkain. “If you say so.”
Maya-maya ay dumating si Derek sa mesa. “Hey, Kurt! Long
time no see.”
“Ikaw din. It's been a long time,” tugon ni Kurt.
“So inimbita ka pala ni alternate Aulric. Not that I don't
want you here. Catch up naman tayo kasama sila Andrew. Pwede ba?”
“Sure.”
“Guys, tara dito!” senyas ni Derek doon sa isang mesa kung
saan nakaupo sila Caleb at Andrew.
“Isaac, patulong,” tawag ni Caleb sa mesa naman nila Isaac
kung saan kausap nito si Sharina.
Mukhang nagpaalam pa ito sa nobya para umalis at sinama pa
iyung lalaki na kasama ni Camilla. Binuhat naman ng magkakaibigan, hindi kasama
iyung kasama ni Camilla dahil mukhang nag-alangan ito sa gagawin nila, ang mesa
papalapit sa mesa namin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa binuhat nila ito
kasama ang mga kubyertos na nasa mesa. Pagkarating sa mesa namin, buti naman at
walang baso na nabasag. Kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa ginawa nila.
Buti na lang at coordinated ang galaw nung apat.
Pansamantala, nakuha ng apat ang atensyon ng lahat. Si
pekeng Aulric naman ay masama ang tingin kay Derek. Pero nag-thumbs up si Derek
dito at ang isinagot naman ni pekeng Aulric ay isang tango. Ipinagpatuloy naman
ng mga tao ang kani-kanilang usapan.
“Kapag ako nag-birthday at inimbita kayo, huwag na huwag
niyong gagawin iyan sa party ko,” natatawang sabi ni Kurt.
Nag-usap-usap na kaming lahat. At ang spotlight ay nasa kay
Zafe na kalong-kalong ang anak. Kahit na parang sensitibo ang usapan,
lalong-lalo na kapag nagtatanong sila ng mga tips kung paano maging matagumpay
ang buhay mag-asawa, sinasagot pa rin ni Zafe ang tanong na may ngiti sa labi.
Mukhang masayang-masaya talaga siya sa buhay niya kahit na ang kapangalan ng
unang mahal niya ay abot-tingin lang niya.
Maya-maya ay napansin ko na napakalikot ng tingin ni Zafe.
Tumitingin siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nakikinig pa siya sa kwento
ni Andrew.
“Randolf, inaantok na ito si Felric. Pwede mo ba siyang
patulugin?” pakiusap ni Zafe.
Binigay ni Zafe ang inaantok niyang anak kay Randolf.
Maya-maya ay narinig ko namang tumawa si pekeng Aulric na nasa ibang mesa na
ata.
“Okay ka lang?” tanong ko habang iniinom ang aking inumin.
Tiningnan ko lang ang baso ko habang kinakausap ko siya. “Kanina ka pa tingin
ng tingin sa likod ko.”
“Tumingin ka kasi sa likod mo para malaman mo kung bakit,”
sabi ni Zafe.
Sumilip naman ako sa likod. “Bakit? Anong meron?”
“Iyan ang gusto kong malaman. Kanina, inaamoy niya ang
balikat ng asawa ko. Tapos si Kristel, si Isabela, anong meron?” kunot-noong
tanong niya.
“Baka naman nag-aamuyan ng pabango?” hindi siguradong
singit ni Isaac na katabi ni Zafe. “Si Sharina at Camilla, ginagawa iyun.”
“Pero lalaki si pekeng Aulric.”
“Hindi din valid na rason iyan,” sagot ko. “Baka naman
flexible lang talaga si, pekeng Aulric. Alam mo iyun. Malay mo, interesado din
siya sa pabango na ginagamit nila Colette.”
Napangiwi na si Zafe. “'di bale na. Wala naman akong
interes sa pabango.”
Mukhang nakinig ulit si Zafe sa kwento ni Andrew pero
tingin pa rin siya ng tingin sa direksyon ko. Maya-maya ay may narinig akong
boses na tumatawa. Hindi ako sigurado kung sino iyun pero mukhang boses iyun ni
Isabela.
“Tumigil ka nga,” rinig kong saway ni Colette sa kung sino
pero walang ngipin ang salita niya.
Hindi ako makatiis nang matagal na siyang nakatingin sa
mesa nila pekeng Aulric.
“Sigurado ka bang hindi si, pekeng Aulric ang tinitingnan
mo?” pabulong na tanong ko nang akmang iinom na naman ako sa aking baso.
“Hindi ahh,” pabulong na tanggi ni Zafe.
“Well, tumigil ka,” bulong ko habang nakatingin kay Andrew.
“Nasa gilid lang kita ng paningin at nahahawa ako sa, pag-aalala mo. Enjoy the
party.”
Nakitawa naman ako sa mga kaibigan ko nang mukhang sinabi
na ni Andrew ang punchline ng joke niya. Maya-maya ay tumayo na si Zafe.
Sinundan ko siya ng tingin. Pumunta siya sa banda na katatapos lang patugtugin
ang isa nilang piyesa. Mukhang may request siya sa banda.
Sinundan ko lang siya ng tingin nang pumayag na ata ang
banda na tugtugin ang request niya, hanggang sa nakita ko siya na lumuhod sa
harapan ni Colette. Nakita kong tinanggap iyun ni Colette at naglakad na sila
palayo sa mesa.
Nang umalis na sila, nakita ko si pekeng Aulric na nakangiti
sa magkapareha habang sinusundan lang niya ito ng tingin. Bigla naman akong may
naalala sa isa sa mga performance niya bilang ibang tao. Tumayo din naman ako
at lumakad palapit kay pekeng Aulric. Nang nakita niya ako ay inilahad ko ang
aking kamay.
“Pwede ba kitang maisayaw?” tanong ko.
Nagulat naman si Isabela at Kristel sa ginawa ko. Kahit
siguro ang mga tao sa kasiyahan ay nagulat din sa ginawa ko, pero wala akong
pakialam. Walang arte na kinuha ni pekeng Aulric ang kamay ko.
“Excuse me ladies,” nakangiting paalam ni pekeng Aulric sa
mga kasama niyang babae sa mesa na iyun, habang nakatingin siya sa akin. “May
guest na gustong makipagsayaw sa akin.”
Nagulat ako nang pumayag siya at hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga gusto makipagsayaw. Hindi naman
talaga ito ang gusto kong gawin. Ini-expect ko na hindi siya papayag dahil ito
ay katawa-tawa. Magsasabi siya ng mga salitang ‘Nagbibiro ka ba?’, o kung ano
para hindi siya pumayag. Oo, naaalala ko na may isinayaw siya kasama ang
ka-partner niya noon sa entablado habang nakadamit pambabae siya. Gusto ko lang
naman na hindi siya pumayag dahilan para umupo ako sa inuupuan ni Colette at
makipag-usap sa kaniya. It's been so long. Yayayain agad ng sayaw ang isang
taong matagal mo nang hindi nakikita?
Dinala ko na lang siya sa gitna habang kinakabahan na
inaalala iyung sayaw na nakita ko sa kaniya noon. Nakita naman kami ni Zafe na
nginitian kami. Paano ko ba siya hahawakan?
Hinawakan ni pekeng Aulric ang kaliwang braso ko at
inilagay iyun sa bewang niya. Ang kanang kamay niya ay sa kaliwang balikat ko
nakahawak. Ang natitira naman naming kamay ay hawak ang isa't isa. Medyo lumapit
naman siya ng konti sa akin at halos maglapat ang labi namin. Pasimple naman
akong lumayo ng kaunti at gumalaw nang maaga kasabay nang pagsisimula ng kanta.
“Kung alam mo iyung steps sa paa noong nagsasayaw kami ni
Rex, gawin mo iyun,” bulong ni pekeng Aulric sa akin.
Naalala ko ang taong sinasabi niya. Hindi na ako nagtanong
pa at sinunod ang sinasabi niya. Kung ang karaniwang nangyayari sa isang sayaw
ay lalaki ang nangunguna, hindi ganoon iyung nangyayari. Oo, lalake si pekeng
Aulric. Ang ibig kong sabihin, dahil ginagawa niya iyung routine ng parte ng
babae kaya siya ang babae sa sitwasyon na ito. Hindi ko alam pero napapasunod
niya ako. Kahit masyadong dominante ang pagkakahawak ko sa bewang niya, siya
talaga ang may kontrol sa mga nangyayari.
Nang natapos na ang kanta, pumalakpak naman ang mga tao.
May ilang tao naman na tumayo pa sa kanilang pagkaka-upo at pumalakpak. Nag-bow
naman kaming lahat sa kanila at pati na rin ang banda at si Isabela.
“Sumunod ka sa akin. Doon tayo sa taas,” bulong ni pekeng
Aulric sa akin.
Sa veranda ng bahay nila, may maliit na coffee table at may
dalawang upuan. Ibinaba ko ang mga dinala kong inumin at pagkain sa mesa. Sa
posisyon namin, kitang-kita namin ang nangyayari sa baba. Mukhang nagpatuloy
ulit sa kanilang pinag-uusapan ang mga kaibigan ko, minus ako at si Zafe. Si
Zafe, bumalik na sa mesa ng kanilang pamilya na mukhang nakikipag-usap din sa
ibang pamilya ng kasiyahan na ito.
Kumuha si pekeng Aulric ng upuan at umupo. Sumabay naman
ako sa kaniya.
“Hindi ko inaasahan na tatanggapin mo ang alok ko na
magsayaw,” sabi ko.
Ngumiwi naman ang mukha niya. “Ako dapat ang magsabi sa iyo
niyan. Hindi ako makapaniwala na yayayain mo akong makipagsayaw sa iyo.”
“Ang plano ko lang naman sana ay kausapin ka. Kaya lang,
pumayag ka.”
“Kasalanan ko pa?” hindi niya makapaniwalang tanong. “Nako!
Kung hindi lang dahil sa akin, napahiya ka na kanina. Buti na lang at naaalala
mo kung paano sumayaw si Rex noon. Alam mo ba na substitute lang namin siya sa
role na ginagawa niya? Kasi iyung orihinal, nagkasakit kaya hindi makasali.
Kaya ipinalit namin si Rex na hindi marunong sumayaw.”
“Pero nagawa niyo,” sabi ko na puno ng paghanga matapos
malaman ang totoo sa palabas nila.
“Dahil magaling ako.” Kinindatan pa niya ako habang umuupo
at naka-dekwatro siya.
Bigla naman nawala ang ngiti ko sa labi. “Alam mo na ba ang
nangyare sa kanila?”
Umiling siya at gamit ang tinidor ay kumuha ng pagkain sa
dinala ko. “Alam ko. Hindi nga lang ako masaya sa mga nangyari kaya huwag na
natin pag-usapan.”
Sa normal na lotohan ng pangyayari sa buhay na may
kinalaman sa mga kaibigan, masasabi kong si pekeng Aulric ay isa sa nga
pinakamalas. Namatay sa isang pulis operation ang isa niyang kaibigan,
collateral damage daw sabi ng mga pulis. Namatay sa sakit sa puso ang isa, sa
high blood, nasaksak ng dating mahal, nabangga ng sasakyan, namatay sa sunog,
at iba pa. Iyan ang nangyari sa buong miyembro ng Drama Club ng University of
Rizal, maliban lang kay pekeng Aulric. Sabi nga nila na baka may ginawang
masama ang isa sa mga ka-grupo nila kaya lahat sila ay minalas. Maaari ngang
ganoon, pero naniniwala ako na malupit lang talaga ang buhay. Para namang hindi
din ako namatayan ng kaibigan.
Matapos lunukin ang pagkain ay idinako naman niya ang
tingin sa mga tao na nasa baba. Sinundan ko ang tingin niya at tingin ko'y
nakatingin siya sa mga kaibigan ko na naglalaro na ng pusoy.
“Buti ka pa. Buong-buo ang mga kaibigan mo.” Tumingin siya
sa akin. “Maliban lang kay,” tingin niya sa gilid. “alam mo na kung sino.”
Umiling ako. “Hindi ko masasabing buo pa rin ang mga,
kaibigan ko. Sa maraming taon na nagdaan, marami din ang nagbago. At hindi lang
naman si Aulric ang nawala. Si Ricky, si Shai.” Tinuro ko naman ang mesa ni
Camilla kasama si Sharina, na may mukhang may pinag-uuspan. “Si Camilla, oo,
andito. Pero nakabukod matapos maghiwalay sila ni Knoll. Si pinsan, masasabi
kong on kay Camilla at Isaac, at off sa amin.”
“Still, nandyan pa sila. May chance pa rin na maibalik sa
dati ang lahat. Hindi katulad ko. Maayos naman kaming nagpa-alam sa isa't isa.
Pero ako na lang ang natitirang buhay.”
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ng mga ilang
segundo at ginamit namin iyun para sumubo ng pagkain.
“Sino nga pala ang nag-imbita sa pamilya Lee?” tanong ko
bigla.
“Ako,” diretsong sagot niya. “Bakit mo naitanong?
“Ohh! Bakit?”
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni pekeng Aulric. “Idol
niya iyung mga magulang ni Kurt. Noong ilang araw pagkatapos ng legal adoption
ko at iyung pagpapalit ng pangalan, nakikita ko iyan na pinapanood iyung mga
past episode nung show nung mag-asawa. Gayong wala namang kwenta ang mga
nakaraang balita dahil, nakaraan na ang mga iyun. By the way, nasa ibang bansa
kami noon kaya pinapanood niya siguro iyung mga na-miss niya.”
Napangiti ako. “Ang bait mo naman para sa ‘matandang
hukluban na malapit ng mamatay’.”
“Binago niya ang buhay ko. At least, mapangiti ko man lang
ang matanda kahit na...” Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Pero nakangiti
siyang tumingin sa kaniyang pagkain.
“Hindi ba sa Maynila ka na sa susunod na linggo?” tanong
naman niya.
“Yeah. Dapat nga, ngayong linggo, nandoon na ako.
Nagpa-party ka pa kasi kaya sa susunod na linggo na lang.”
“Gala tayo. Kapag may oras ka.”
Napainom ako ng tubig sa baso. Niyayaya ba niya ako
makipag-date?
“Umm, pwede.” Napalunok ako. “Okay lang ba na kasama si
Isaac, Knoll at Andrew?”
Medyo ngumiwi si pekeng Aulric sa sinabi ko at nag-isip
saglit. “Pwede. Isasama ko din si Randolf at Alexander. Mas marami, mas
masaya,” ngiti niya.
Randolf's POV
Nasa pinakatuktok na ang araw nang ihinanda na ang agahan
para sa pamilya ni Sir Henry, tanghalian para sa amin na mga empleyado.
Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at isa-isa namang nagkakatao ang mga
upuan. Unang bumaba ang mga anak at huli naman ang tatay.
Umupo naman kami ni Alexander sa isa sa mga upuan na
naroon. Palagi kaming sumasabay sa pagkain ng pamilya.
“Kumusta ang tulog niyo Papa?” tanong ni Derek na kumukuha
ng kanin para kay Sir Henry.
“Okay naman,” ngiti nito sa amin. “Ang daming nangyari.
Na-meet ko ang mga paborito kong news anchor.” Tumingin naman siya kay
boss-pekeng Aulric na bahagya lang ang ngiti. “Na-meet ko ang mga dati kong
kaibigan.” Bumaba muna siya ng tingin saka tumingin kay Derek. “At napatawad ko
na si Zafe sa nangyari.”
Dumaan ang tunay na kapayapaan sa pagitan namin. Natural,
sinira naman ito ni boss-pekeng Aulric.
“It's about damn time na mapatawad mo na sila,” wika ni
boss-pekenc Aulric. “Kasi ako, bilang ako mismo, napatawad ko na siya kahit na
wala naman dapat na ihingi ng tawad.”
Pero kahit binastos ni boss-pekeng Aulric ang tunay na
kapayapaan, dumating ulit ito at nanatili ng mas matagal.
“Salamat na party na in-organize ninyo para sa akin,
Aulric, Derek,” wika ni Sir Henry sa dalawa niyang anak na binalingan niya ng
tingin. “Kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain.”
Ilang minuto ang nakalipas, nagulat ako sa itinanong ni Sir
Henry.
“So ano ang opinyon mo sa dating, mong, mga kaibigan mo?”
tanong ni Sir Henry.
“Dad, ang weird. Bakit, dati ‘niyang’, mga kaibigan?” sabat
ni Derek. Pumapangalawa ako dahil bakit mo naman pinapatanong sa peke kung ano
ang tingin niya sa mga kaibigan niya?
“At hindi kaibigan ni Aulric si Isabela, Kristel at
Colette,” dagdag pa niya.
“Not anymore,” wika ni boss-pekeng Aulric. “Naiintindihan
ko kung hindi niya kaibigan si Isabela, at Kristel. God, I hate that woman
before. Pero si Colette, parang okay naman.”
Mukha naman naging interesado si Derek sa sinasabi ni
boss-pekeng Aulric. “Bakit? Anong ginawa sa iyo ni Kristel?”
Ibinaba ni boss-pekeng Aulric ang kanyang kubyertos at
itinuon ang atensyon sa kanila. “Well, it was final finals week. May papers
kaming ipapasa sa prof namin. Nasa USB-”
“Flash drive,” bulong ni Alexander sa sarili niya.
“-iyung mga kailangan naming ipasa at kailangan na lang
i-print. Kaya lang, isang malaking kamalasan ang nangyari sa akin. Habang
tumatawid sa kalsada, bigla na lang may humarurot na kotse at aksidente kong
nabitawan ang USB habang paatras ako. Sa pagharurot ng kotse, nahagip nito
iyung USB at nasira. Hindi ko pa alam na si Kristel iyun or alam ni Kristel ang
ginawa niya pero sigurado akong siya iyun.”
“Somehow, sa isa sa mga lakad namin, nakita namin iyung
kotse na pag-aari ni Miss Kristel at siguradong-sigurado si boss na iyung kotse
na iyun ang sumira ng, buhay niya?” hindi siguradong kwento ni Alexander. “At
flash drive ang tawag doon. Hindi USB.”
“Ano ba ang nangyari?” tanong ko.
“Hindi kami naka-graduate,” sagot ni boss-pekeng Aulric.
“Hindi ba kayo nakiusap sa prof niyo na bigyan kayo ng
palugit dahil sa nangyari?” tanong ni Alexander.
“Walang pakealam iyung professor namin sa URS. Kasi
nabigyan na kami ng sapat na oras at kasalanan namin iyun dahil hindi namin
ginawa ng mas maaga para hindi iyun mangyari.” Nagpakawala siya ng malalim na
hininga. “At naiintindihan ko ang sinasabi ng prof namin. Kasalanan namin iyun
kaya, hindi kami naka-graduate.” Kaya pala.
“Anyway, siguro naman ay okay ako makipagkaibigan sa kanila
since hindi sila hostile pagdating sa akin,” dagdag pa niya. “Si Colette, wala
namang inseguridad pagdating sa akin dahil lang sa kapangalan ko ang ex ng
asawa niya. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit nagkagusto si Aulric sa
kaniya.”
“Dahil gwapo siya?” hindi ko siguradong sabat.
Nang halos ibinaba na ng lahat ang kanilang kubyertos,
sumenyas naman si Sir Henry na alisin na ang mga plato sa mesa, at tubig.
“Naging kami na sana ni Aulric kung ganoon,” biro ni Derek.
Nagtawanan naman silang lahat dahil sa sinabi niya.
“I don't think it has anything to do with Zafe's
handsomeness,” opinyon ni Sir Henry. “Honestly, hindi ko din alam kung bakit
gusto niya si Zafe. Pero dinepensahan niya ito kung bakit mahal niya ang tao.”
“O baka may nakita lang talaga siya dito na siya lang ang
nakakakita,” parang lutang na sabi ni boss-pekeng Aulric na sigurado akong may
iba't ibang interpretasyon.
Nagpakawala din ng malalim na hininga si Sir Henry. “Maybe
I can agree to that.” Tumayo na siya sa upuan matapos inumin ang tubig na
inilagay ng katulong. “Tara na sa sala para makapaglinis na sila.”
Zafe's POV
Habang kumakain kami ng agahan, bigla naman kinuha ni
Colette ang kaniyang phone saka tumawa. Natigil ako sa pagkain at tiningnan
lang siya.
“Magandang balita?” tanong ko.
“Hmm?” Umiling siya. “Si, ibang, Aulric. May nire-post sa
Instagram kaya natawa ako. Tingnan mo iyung Instagram mo mamaya. Ni-repost ko
din.”
“Mommy, tapos na po ako,” sabi ni Felric matapos maubos ang
pagkain.
“Okay, baby. Wait lang.”
Ibinaba na ni Colette ang phone saka pumunta sa kusina,
para siguro kunin ang mga iniinom na supplement ni Felric. Nang ininom na ni
Felric ang mga supplement ay saka ko naman tiningnan ang phone ko. Saka lang
nakahabol ang isang bagay sa isip ko.
“So, fina-follow mo pala si, Aulric sa Instagram,” sabi ko.
“Yeah. Naka-follow din siya sa akin,” sigaw ni Colette na
nasa kusina na at hinahanda ang babaunin ni Felric. Si Felric naman ay bumaba
sa upuan at mag-isang pumunta sa kwarto niya para magbihis.
Tiningnan ko ang profile ni Colette at nakita ko ang profile
ni pekeng Aulric. Hindi ako naka-follow sa kaniya at kahit siya ay hindi
naka-follow sa akin. Naka-follow din siya kay Kristel, Isabela, kay Mama at
Papa, kahit kay Felric. Pero hindi sa akin? Nandito din ang mga kaibigan na
kilala ko, pero hindi sa akin. Pero hindi sa akin.
“Bakit hindi siya naka-follow sa akin?” tanong ko sa sarili
ko.
“Bakit? Kailangan ba?” wika ni Colette nang bumalik na siya
sa hapag-kainan.
Hindi na lang ako naka-imik. Bigla naman parang naging
awkward ang paligid. Naputol lang iyun nang dumating si Felric.
“Papa, tara na,” wika ni Felric.
“Una na kayo sa kotse,” tugon ko.
Habang nagmamaneho, umiikot pa rin sa isip ko ang nalaman
ko. Hindi naka-follow sa akin si pekeng Aulric sa Instagram pero naka-follow
siya sa buong pamilya ko. May problema ba kaming dalawa?
“Okay ka lang ba, Zafe?” naitanong bigla ni Colette na nasa
likod ng kotse at nakatingin sa akin sa pamamagitan ng gitnang salamin.
Tumingin din ako sa gitnang salamin at nakita siya na hawak
ang kaniyang phone. Baka pinagpapatuloy niya ang pagba-browse sa social media.
“Yeah, okay lang ako,” pagsisinungaling ko. “Next month,
next week pala, inimbitahan ako ni Jin sa party ng kompanya nila para ipakilala
ang bagong board of directors ng kumpanya nila. Isasabay din iyun sa birthday
ni Tito Louie.”
“Another party? Nandoon ba si Ninong Randolf?” tanong ni
Felric na nakaupo sa passenger seat. Minsan talaga, tinatanong ko ang sarili ko
kung anak ko ba ito or anak ba ito ni Randolf.
“Wala si Ninong Randolf mo sa party na iyun,” sagot ko. “At
kung nadoon siya, hindi ka pwede sa party na iyun dahil, pang-matanda iyun.”
Lumungkot ang mukha ni Felric. “I like parties na. Lalo
kapag kasama ko si Ninong Randolf, at kayo, Mama at Papa. It is so much fun.”
Kasama ba talaga kami sa dahilan kung bakit ang mga parties sa iyo ay masaya?
Umiling si Colette habang hawak ang phone niya. “I just
checked their calendar, hindi makakapunta ang parents mo. May outing sila nung
mga kaibigan nila kaya tayo lang ang makakapunta.”
Napangiti lang ako sa narinig at tumingin gitnang salamin.
“Great.”
Tumingin din si Colette sa salamin at ngumiti.
Makalipas ang ilang oras, nasa opisina ako at hindi ko
inaasahan na dumating si Randolf. Lagi naman hindi ko inaasahan ang pagdating
ni Randolf. Pero okay lang.
“Hindi naka-follow sa akin si pekeng Aulric sa Instagram
ko,” nasabi ko habang nilunok ko ang burger na kinakain ko.
Tumingin sa akin saglit si Randolf at bumalik sa
telebisyon. “Ano iyung Instagram?”
Hindi ako nagulat na hindi niya alam kung ano ang
Instagram. May mga kilala akong mga kaibigan na wala pang Instagram account
kahit ilang taon na ang Instagram. Pero at least, alam kung ano iyung
Instagram. Palagay ko, hindi pa alam iyun ni Randolf.
“Facebook siya pero puro litrato ang laman,” paliwanag ko.
Tumango-tango si Randolf. “Parang Tumblr.”
Nagulat ako na alam niya ang Tumblr pero hindi ang
Instagram.
“Anyway, iyun nga. Hindi naka-follow sa akin si pekeng
Aulric. Pero naka-follow siya kay Mama, Papa, Colette at Felric?” dagdag
paliwanag ko sa problema ko. “At sa iba ko pang mga kaibigan. Naka-follow siya.
Sa akin lang, hindi.”
“Meron din si Felric?” Ang dami kong sinabi pero iyun lang
ang kinuha niya.
“Well, kapag kasi may na-achieve si Felric sa school,
pinapa-picture ko doon sa Yaya na magsusundo sa kaniya para ipakita kay Felric
na sumusuporta kami sa kaniya. At iyung account niya, nabubuksan din namin ni
Colette,” paliwanag ko.
Natahimik si Randolf habang nakatingin pa rin sa
telebisyon.
“Hindi naka-follow sa akin si pekeng Aulric sa Instagram.”
“Narinig ko. Huwag mo naman ulitin na para bang isang
problema,” halos walang pake niyang sabi.
Medyo tinaasan ko siya ng boses para makuha niya ang punto
ko. “Isa iyung problema. Gusto mo bang ulitin ko ang parte na naka-follow siya
sa buong pamilya ko maliban sa akin?”
Nag-commercial na ang pinapanood niyang programa at
nilingon niya ako. “Pero ginagamit mo din ang account ni Felric at naka-follow
siya doon. Kung tutuusin, naka-follow ka sa kaniya at siya sa iyo,” paliwanag
niya.
“Pero account iyun ni Felric.”
“Bakit?” kibit-balikat niya. “Hindi kita maintindihan.
Hindi din naman ako naka-add sa Facebook account niya at wala akong nakikitang
problema doon dahil nagtatrabaho ako sa kaniya at okay naman kami.”
“May mga bagay ba siyang sinasabi tungkol sa akin? May
nagawa ba akong hindi niya nagustuhan sa party? Galit ba siya dahil hindi ko
siya gaanong nakausap?”
“Wala naman,” iling niya. “Nagtataka lang naman siya kung
bakit nagustuhan ka ni Aulric.”
Bigla ko naman na-absorb ang isa pang mahiwagang salita. Si
Aulric. Naalala ko ang Facebook account niya na 250 lang ang kaibigan ng
account niya. Sigurado ako na ang karamihan ay ang mga naging kaklase namin.
Iyung iba, sila Isaac at iba pa, at ang Drama Club. Si Randolf, sigurado akong
wala din siya doon. At may isa pang wala.
「7
years ago...
Nagpahinga kami saglit ni Aulric para naman magpahinga
dahil nag-rehearse kami kung paano namin ipe-present ang presentation namin sa
klase. Umupo ako sa kama ko at ibunuka ang aking kamay para mayakap siya at
maghalikan kami habang nagpapahinga. Pero hindi iyun nangyari at umupo siya sa
harapan ng computer habang may ginagawa sa phone. Gusto kong magreklamo pero
hindi ko ginawa dahil baka hindi niya ako nakita, o baka nakita niya ako at
wala lang siya sa mood.
Sa kalagitnaan ng kaniyang ginagawa ay lumiit ang mata niya
at bahagyang inilayo ang phone.
“Huh!”
“May problema?” Ibinagsak ko ang likod ko sa kama habang
nag-iisip kung paano ay sa susunod ay sakyan ako ni Aulric.
“Hindi ko masasabing problema ito,” iling niya. “Hindi
ina-accept ni Derek ang friend request ko. Naka-add na iyung mga kaibigan ko
pero ako na lang ang hindi.”
Bumangon ako para tingnan siya at nag-alala. “Problema
iyan. Baka galit siya sa iyo o ano kaya hindi ka niya ina-accept. Baka
nagseselos iyan sa iyo o ano dahil alam mo na, baka inaagaw mo na ang Papa
niya.”
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Aulric. “Ako,
mang-aagaw ng Papa? Zafe, aware ako sa mga ginagawa ko at wala akong ginagawang
paraan para agawin ang Papa niya.”
“Pero ayaw i-accept ang friend request mo? Kailan ka ba
nag-request?”
Nag-isip siya saglit. “Noong isang buwan pa.”
Nagkibit-balikat ako. “Aba! Iba na iyan. Siguradong may
problema siya sa iyo.”
Binigyan ako ng tingin ni Aulric na para bang hindi niya
nakukuha ang sinasabi ko. “Hindi ko naiintindihan kung bakit iyan ang masasabi
mo sa pangyayaring ito. Pero kung ayaw niya i-accept, okay lang. Maayos naman
kaming dalawa kapag nagkakasalubong. Anyway, may naisip ako para sa....”
At nagsalita na ulit siya tugkol sa ikagaganda ng
presentation nanin. Medyo namangha ako dahil hindi niya masyadong problema ang
social media. Naaalala ko noon na inaway ko si Ricky dahil hindi niya in-accept
na mapunta siya sa close friend category ng profile ko.」
Bigla ko naman naisip kung bakit ba ako nagustuhan ni
Aulric. It is premature to say na nagustuhan niya ako dahil sa aking katawan,
but it was more than that. Siguro dahil minahal ko siya habang, walang ibang
nagmamahal sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya na kahit may nga magagandang babae
sa paligid ay minahal ko siya, pinili siya.
“You're right,” nasabi ko bigla. “Hindi ko dapat
problemahin iyun.”
Tumango-tango lang si Randolf sa akin habang patuloy siyang
nanunuod ng TV. Bumalik ako sa mesa ko at kinuha ang phone. Kasabay ko ay
kinuha ni Randolf ang phone niya, dahil tumunog. Base sa tunog, Facebook
notification, pero ibinaba niya kaagad iyun. Pagkababa niya ay napansin ko na
umiba ang ekspresyon niya pero nagpatuloy pa rin siyang manuod sa TV.
Sa phone ko, binuksan ko ang Facebook at pinuntahan ang
profile ni Aulric. Naka-poker face ang profile picture niya at, napaka-Aulric
niya. Walang cover photo iyung profile niya dahil saka lang ata na-implement
iyun nang pumanaw siya. Sa unang tingin, mukhang okay lang ang lahat hanggang
sa mapansin ko ang icon ng messenger na may nakalagay na ‘3w’.
Nag-isip ako ng malalim. Naka-register ba ang account ni
Aulric sa messenger? May ginawa kaya ako para mag-trigger ang messenger feature
sa account si Aulric? Oo, binubuksan ko pa rin ang account ni Aulric sa
Facebook. Pero kahit kailan ay hindi ako nagme-messenger sa account niya.
Nakapagtataka. Baka may ginawa ako sa account niya at nag-trigger iyung
messenger feature nung account niya?
“Ninong!” natutuwang sigaw na narinig ko mula kay Felric
nang bumukas ang pintuan ng opisina.
Kaagad nakakalong ang anak ko sa kaniya nang nag-angat ako
ng tingin. Sumunod naman si Colette na pumasok.
“May star ako ninong ohh?” Ipinakita ni Felric ang kaniyang
braso.
“At dahil diyan, may reward ka,” sabi ni Colette na
ipinakita kay Felric ang mga pinamili nilang pagkain sa labas.
Lumapit si Colette at saglit na naglapat ang labi namin.
Pinagmasdan ko saglit si Colette habang naghaharutan ang anak ko at si Randolf.
Wala naman akong nakitang negatibong pangitain sa kaniya. Si Randolf naman ay
abot-tenga ang ngiti habang hinaharot ang anak ko.
“Maghugas ka muna ng kamay bago kumain,” sabi ni Randolf
dito.
“Okay.”
Kaagad na bumaba si Felric at kinuha ang kamay ni Colette
saka lumabas.
Nang lumabas na sila, nakangiti pa rin si Randolf na
nakatingin sa pintuan..
“Alam mo, pwede ka naman magkaroon ng sariling anak,”
nasabi ko mga ilang segundo nang umalis ang aking mag-ina.
“Hindi ko pa iniisip iyan,” iling niya. “Para kasing
napakabigat na responsibilidad ang magkaroon ng anak. At alam mo naman, wala
akong panahon na makipag-date sa mga babae dahil sa trabaho ko.”
“Hindi mo ba naisip na maghanap man lang? Kasi, hindi naman
excuse iyung trabaho mo para hindi ka makapaghanap. Pwede mong isakripisyo
iyung mga oras na pagpunta mo dito sa paghahanap. Hindi sa sinasabi ko na dapat
ay hindi ka pumunta dito palagi. Kasi naman, nag-iisa ka na lang sa buhay? At
ang bait-bait mo kaya. You deserve great things in life. Syota na sumusuporta
sa iyo, na maglalambing sa iyo.”
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, pumasok ang aking
mag-ina. Kinuha ni Randolf ang bote ng tubig at uminom.
“May kaibigan akong single na siguradong magugustuhan mo,”
nakangiting wika ni Colette. “You know, you should date Isabela.”
Bigla naman napunta sa maling butas ang iniinom ni Randolf.
Kaagad naman na lumapit si Colette para tapik-tapikin ang likod ni Randolf.
“Okay ka lang?” tanong ko nang sa tingin ko ay mahimasmasan
na siya.
“Salamat,” sabi niya kay Colette. “At anak ng gobernador
iyun na magiging senador. Isa pa...” Inilahad ni Randolf ang kaniyang kamay na
may malinaw na mensahe. Napakalayo ng agwat ni Randolf sa antas ng buhay ni
Isabela.
“Maganda si Tita Isabela,” sabi ni Felric na sinisimulan
nang kainin ang pagkain sa harapan niya.
Umupo si Colette sa tabi ng anak ko. “Randolf, napaka-open
minded ng pamilya ni Isabela, believe me. Hindi magiging problema iyang...”
Inangat-angat niya ang kaniyang kamay sa kaibigan ko. Isa na namang hindi
masabing mensahe na malinaw na malinaw sa pagitan namin. “And knowing you, I
think that you'll be a good match to her.”
“Hindi ba dapat ay linya ko iyan,” bulong ko.
Ibinaba ni Randolf ang bote ng tubig. “Salamat. Pero sa
tingin ko, sa ibang pagkakataon na lang.” Tumunog ang phone niya at iyun ay para
sa alarm.
Tumayo si Randol at tinapik ang buhok ng anak ko. “Aalis na
ako. Kita na lang ulit. Bye Felric.”
“Bye ninong,” paalam ni Felric.
Nang umalis na si Randolf ay may itinanong ako sa aking
asawa.
“Ano iyun?” tanong ko sa kaniya na nakatalikod sa akin mula
sa couch na inuupuan niya.
“Wala naman. Naisip ko na kanina pa ipinaglalandakan ni
Isabela sa Instagram na single siya. At baka si Randolf lang pala ang solusyon
sa problema niya.”
“Ninong will solve all of her problems,” sabi ni Felric na
hindi man lang siguro naiintindihan ang sinasabi namin, o naiintindihan nga ba
niya.
“‘di ba, baby? Do you want ninong with Tita Isabela, to be
like Mommy and Daddy?” tanong ni Colette dito.
“Like...” Ipinagdikit ni Felric ang kaniyang mga daliri sa
kamay at ipinaghalik ang dalawa.
“Felric,” saway ko.
Tumigil naman si Felric. Mukhang palihim naman na nag-uusap
ang mag-ina ko at hindi ko alam kung ano iyun. Pero nagtatawanan sila habang
nagbubulungan.
Makalipas ang ilang minuto, itinuloy ko ang aking trabaho
habang ang aking mag-ina ay abala sa kani-kanilang phone. Maya-maya ay tumayo
si Colette.
“Felric, iiwan ka muna dito kay Papa mo,” sabi ni Colette
na tumayo na at ihinanda na ang sarili.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Bibili ng bagong damit na ipagmamayabang ko sa party.
Ayokong magsuot ng damit na nasuot ko na dati pa,” sagot niya.
Bumalik ang isip ko bago pa sa kaarawan ni Tito Henry. Bago
iyung damit niya na isinuot na iyun. At bumalik naman ang isip ko sa aparador
ng damit ni Colette. Punong-puno ang kaniyang aparador at ni isa doon ay hindi
niya isinuot ng dalawang beses, maliban lang sa mga pangkaraniwan niyang damit.
Nasasayangan ako dahil, hindi ko makuha ang konsepto ng palagi dapat bago ang
mga damit na isusuot niya sa kasiyahan.
“Gusto mo bumili din ako ng bagong damit para sa iyo?”
ngiti ni Colette na nagpabalik sa akin sa hinaharap.
“Hindi na. Okay na ako dito,” balik ko habang itinuloy ko
ulit ang aking trabaho.
“Pakabait ka,” halik niya kay Felric.
“Mag-ingat ka Mama,” sabi ni Felric.
“Kayo din.” At nawala na si Colette sa paningin namin.
Randolf's POV
Sa lobby ng condominium na tinitirhan ni boss-pekeng
Aulric, may, mag-asawa, na hindi ako sigurado dahil mukhang magkasing-edad o
mas bata pa sila kesa sa akin, baka syota pa lang, or live in? Dumaan sila sa
harapan ko kasama ang isang bata na hawak-hawak nung lalaki at mukhang nasa
dalawa o tatlong taon na gulang ang bata. Hindi naman sila bumangga lalo na
iyung babae na hinaharot ng mag-ama. Hindi ko maiwasan na tumingin sa kanila.
Puno ng ngiti ang buong pamilya at mukhang masayang-masaya sila.
“Tara na,” sabi ni Alexander matapos sumulpot mula sa kung
saan at tinabunan niya ang aking paningin gamit ang braso na nakapulupot sa
leeg ko.
Minaniobra niya ako papunta sa elevator kung saan ang
orihinal kong destinasyon. Inalis na ni Alexander ang braso niya para pindutin
ang buton ng elevator. Nakita ko naman si boss-pekeng Aulric na busy sa
kaniyang telepono at hindi ako pinansin.
“Kakilala mo ba iyung kanina?” tanong ni Alexander na
nakatingin sa akin sa pamamagitan ng repleksyon ko sa pintuan ng elevator.
“Huh? Anong kilala?” balik-tanong ko at tiningnan ko din
siya sa repleksyon sa pintuan ng elevator.
“Iyung mag-asawa na halos bumangga sa iyo. Akala ko
nabangga ka nung babae pero mukhang hindi naman. Kaya baka kakilala mo o
ano...”
Tumunog ang elevator at pumasok na kami dito kasama ang
ilang mga pasahero. Nasa sulok si boss-pekeng Aulric habang ako ay katabi niya
at si Alexander ay nasa harapan at nakaharap sa pintuan.
“Wala. May, iniisip lang ako,” sabi ko nang nakapasok na
kaming lahat sa loob.
“Gaya ng?” tanong naman ni boss-pekeng Aulric na nakatingin
pa rin sa phone.
“Bagay-bagay,” hindi ko malinaw na sagot.
Nagsara na ang pintuan ng elevator at nagsimula ng umakyat
“Bigla ko kasi naalala si Felric nang dumaan iyung
mag-asawa. At iyun nga, hindi ko naman talaga anak si Felric. Kaya naisip ko
lang kung magkakaroon ako ng anak, katulad niya,” dagdag ko.
”Sigurado ka bang hindi ikaw ang ama nung bata? Natatandaan
ko na ikaw iyung palagi niyang hinahanap noon sa birthday ni sir Henry,” sabi
ni boss-pekeng Aulric.
“Nakakatuwa nga iyung bata na iyun,” ngiti ni Alexander na
nakikita ko sa repleksyon ng pader ng elevator sa harapan. “Actually, lahat
naman. Lalo na kapag manghihingi sila sa iyo ng kung ano at gagawin nila ang
lahat para makuha iyun.”
“Kung ikaw Alexander, natutuwa sa ganoon, sa akin, hindi,”
komento naman ni boss-pekeng Aulric. “Nakakainis iyung mga batang ganoon.
Sinasamantala iyung kabaitan nung mga matatanda sa kanila.”
Bumukas naman ang pintuan ng elevator at may isang tao na
lumabas, dalawang tao naman ang pumasok.
“10 below, hindi pa nila alam ang salitang iyan,” balik ni
Alexander. “13 below, wala talaga silang pakialam. Paglampas ng 14, conscious
na sila kung ano ang salitang iyun.”
Umandar ulit pataas ang elevator nang nagsara ang pintuan.
“Naisip niyo na ba kung kailan mag-aasawa?” tanong ni
Alexander.
Kasabay ng tanong ni Alexander tumunog ang phone ko. Base
sa ringtone, isa itong mensahe.
“Magiging tatay na ako,” basa ko sa mensahe ni Robbie.
“Makakapag-asawa pa kaya ako sa ginagawa ko?” sarkastikong
tugon ni boss-pekeng Aulric habang nagbabasa ako ng text. “Ikaw Alexander,
naisip mo na ba iyan? Malapit ka ng magkorenta. Tanggalin mo naman iyang shades
mo at makakahanap ka.”
“Ayoko. Kung gusto niya talaga ako, tanggap niya kahit ang
shades ko. At isa pa, hindi kita gusto, boss.”
“Medyo naiingit na kasi ako sa mga, mag-asawa, na
may-anak,” sabi ko. “Tapos iyung kaibigan ko, magiging tatay na. Tingin ko sa
mga taong iyun, pinagyayabang na may anak sila at masayang pamilya. Gusto ko
ding magkaroon ng asawa, at anak na katulad ni Felric.”
Bumukas na ulit ang pintuan ng elevator at lumabas na kami.
Naglakad na kami papunta sa silid ni boss-pekeng Aulric.
“Hindi problema iyan. Mang-anak ka ng babae diyan,” sabi ni
boss-pekeng Aulric habang si Alexander ay...
“Normal lang iyan,” ang sinabi. “Lalo na sa edad mong iyan.
Siguro iyung kabataan mo, iyung kasabay mo, may mga taong nag-aalaga sa kanila
habang ikaw ay mag-isa na naglalakad sa buhay. Sa totoo lang, normal na
ipagyabang nila ang kanilang kaligayahan sa buhay. Hindi nga lang nila alam na
ginagawa nila iyun. Pero hindi dapat tayo magpadalos-dalos sa mga bagay na
iyan. Marami kang dapat tanungin sa sarili mo. Gaya ng, sino ang gusto mong
anakan?”
“Alam ko naman iyun.”
“Masisikmura mo ba na hindi mo mahal ang aanakan mo?”
komento ni boss-pekeng Aulric habang binubuksan ang pintuan ng condo.
“Gusto mo bang maging single dad?” tanong naman ni
Alexander pagkalakad namin papasok sa loob.
“Paano kung magtanong ang anak mo kung sino ang nanay
niya?” ani naman ni boss-pekeng Aulric na humiga sa mahabang sofa.
“Wala pa akong sinasagot sa mga tanong ninyo pero parang
sumasagot na kayo para sa akin,” putol ko sa mga sunod-sunod na tanong nila.
“Pero hindi ko masisikmura na hindi ko mahal ang...” Natahimik ako saglit. “...
magiging ina ng aking anak. Ayokong maging single tatay, at hindi mangyayari
iyun dahil dapat ay magkakaroon siya ng nanay.”
“Kaya simulan mo ng manligaw ng mga babae dyan. At malay
mo, mahahanap mo ang babae para sa iyo,” payo ni boss-pekeng Aulric. “Simulan
mo kay Isabela na ipinaglalandakan na single siya.”
Natahimik na lang ako sa sinabi ni boss-pekeng Aulric.
Nakalimutan ko na magkakaibigan si Colette, Isabela, at si boss-pekeng Aulric
sa isang social media platform. Pero hindi ko naman alam na halos pareho ang
nakikita nilang solusyon sa, pinoproblema ko?
“Masyado siyang mayaman para sa akin.”
“At iyan ang problema sa iyo,” halos papasigaw na sabi ni
Alexander na pumasok sa kusina. Mukhang may gagawin. “Bakit hindi mo man lang
subukan? Malay mo, siya pala ang babae para sa iyo, hindi mo lang alam.” Sinabi
ko ba sa iyo noong isang araw na hindi ko siya mahal?
“Narinig niyo ba ako kanina na sinabi kong masyado siyang
mayaman para sa akin?” pagpapa-alala ko.
“Hindi namin problema iyan,” sabi ni boss-pekeng Aulric na
ibinaba na ang phone at inilagay sa mesa na nasa malapit. “Ikaw ang mag-isip
para mag-click kayo. Pero ikaw. Bahala ka.” Napahikab siya. “Huwag na muna kayo
masyadong maingay. Magpapahinga na ako.”
Natulog na si boss-pekeng Aulric sa sofa. Si Alexander ay
mukhang nanatili na sa kusina. Pumunta ako sa kusina at nadatnan siya na
umiinom ng tubig.
“Pero alam mo naman ang history naming dalawa,” halos
pabulong kong sabi nang umupo ako sa isa pang upuan na malapit sa kaniya sa
counter. “Hindi ko siya mahal dahil sa napakalayo ng agwat namin sa buhay
at...” Hindi ko na itinuloy ang aking sinasabi. Kung kilala ako ni Alexander,
alam niya ang sinasabi ko.
Tiningan niya ako ng seryoso. “Talaga bang iyan ang rason
mo kaya hindi mo siya kayang mahalin? Alam mo, kung ise-set aside mo ang rason
na iyan, magiging madali ang lahat. Hindi naman masamang tao si Isabel para,
hindi mo mahalin. Oo, may nangyari na sa inyo pero, paano kung iyun ang takbo,
ng kwento niyo? Paano kung ito ang simula para sa inyo at ikaw lang mismo ang
pumipigil?”
Ibinaba ko lang ang tingin ko at nag-isip. “Ayoko lang na
may masabi ang tao sa akin.” Tiningnan ko siya ng diretso sa shades na suot
niya. “Ayokong, sabihin ng mga tao sa paligid ko na isa akong tao na naghahabol
ng pera dahil lang sa napakayaman niya. Ayokong may magtanong sa akin diyan na
paano mang-akit ng isang mayamang babae.”
“Ayaw mo bang tanggapin na baka may something kayong
dalawa?” Itinaas ni Alexander ang kanyang tasa. “Tsaka, hindi naman lalapit ang
tao sa iyo kung wala silang kailangan. Wala naman iyan sa rangya ng buhay.
Tingnan mo si Isabela bilang tao. Lumapit siya sa iyo dahil naramdaman niya na
may bagay siyang makukuha mula sa iyo. Pagmamahal. At kung mabuti kang tao,
bigyan mo siya ng pagkakataon. Baka hindi natin alam, bagay kayong dalawa.”
Naubos na ni Alexander ang kape niya at iniwan ako sa
kusina. Iniwan niya ako para pag-isipan ang sinasabi niya. Bibigyan ko ba ng
pagkakataon si Isabela?
Kinuha ko ang aking phone at pumunta sa Facebook. Hindi ko
pa siya kaibigan sa account ko. Idadagdag ko pa sana siya sa mga kaibigan niya
nang nabasa ko ang latest niyang status. May karelasyon na naman siyang lalaki.
Tiningnan ko ang profile ng lalaki. Hindi ko ito kilala.
Pero halatang mataas ang naabot nito sa buhay. Sa kutis pa lang, nakikita ko
na. At sa pangalan pa lang, anak ito ng bise-gobernador sa lugar namin.
Ibinaba ko na ang aking phone. Nakaramdam ako ng
panghihinayang. Baka nga tama si Alexander. Baka bagay kami at ako lang ang
pumipigil na may mamagitan sa amin.
Colette's POV
“Huh? Napakabilis naman. Parang isang oras lang, single ka
pa,” komento ko matapos marinig mula kay Isabela ang latest na update sa buhay
niya.
Kasalukuyan kaming nasa mall at tumingin-tingin sa mga
damit na naroon. Kasalukuyang namimili ako ng disensyo kung saan kita ang aking
dibdib na maipagyayabang ko sa mga tao sa kasiyahan, lalo na at kasama si Zafe,
o backless na kitang-kita ang napakaganda kong likod, para din maipagmayabang
ko sa tao ang linis ng aking likuran.
“Natapos na kasi ako sa aking interviewing phase, at okay
naman siya,” tugon ni Isabela na inilalagay ang isang nakasampay na damit sa
harapan niya kung saan tinitingnan niya kung bagay ba sa akin ang damit na
napili niya, sunod ay kung bagay ba sa kaniya ang damit sa pamamagitan ng pagharap
sa salamin na malapit sa kaniya.
Kumuha ako ng isang damit na naka-hanger at nilagay sa
harapan ko habang naglalakad papunta sa salamin na ginagamit ni Isabela. “Alam
mo, hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ba ang na-date mo, o naka-sex mo.
Ano ba ang ginagawa mo? Ipagyayabang mo ba ang mga iyan sa akin?”
Ibinalik ni Isabela ang hawak na damit at nginitian ako.
“Ikaw naman. Hindi ko iyun ipagyayabang sa iyo. Pero kung ilang gwapo ang
nasakyan ko, baka.”
May nagustuhan na akong damit. Pinili ko ang magbibigay ng
inggit at focus sa aking dibdib. Naglakad ako papunta sa dressing room habang
sinusuot ito.
“Sigurado akong hindi makakapantay si Zafe sa mga iyun,”
sabi ko sa pader ng dressing room.
“Alam ko,” mababang tugon ni Isabela. “Walang makakapantay
kay Zafe para sa iyo, kahit kailan.”
Lumabas ako ng dressing room. Parang isang saglit, nakita
ko si Isabela na malungkot. Kaagad iyun napalitan ng tuwa nang nakita niya ako.
“Girl, you look great!” puri niya.
Tumingin ulit ako sa salamin at binigyan ang sarili ko ng
isang ikot. Nang natuwa na ako, bumalik ako sa loob.
“Colette, ano ba ang hinahanap mo sa isang lalaki?” tanong
ko habang nagpapalit. “Alam ko naman na kung sinong lalaki iyang dine-date mo
ay hindi magtatagal.”
“Si Zafe at si Aulric,” sagot niya.
“A-Anong sinasabi mo?”
“Gusto ko ang relasyon na katulad sa kanila. No offense sa
iyo pero, mas feel ko ang relasyon nilang dalawa. Lowkey, intense, pero hindi
ganoon katamis. Paano naman kasi. Si Aulric, hindi bumibigay ang binti. He
stand strong against his adversaries. Minsan, naiisip ko na baka si Aulric pa
ang tumitira kay Zafe. Pero hindi na natin malalaman iyun.”
Pagkatapos magbihis ay lumabas ako sa dressing room na
masama ang loob. “I hate you. Parang sinasabi mo na mas maganda pa na silang
dalawa ang nagkatuluyan.”
“Isn't it?” makahulugang sabi niya. “Pero huwag kang
mag-alala, friend. Kahit ano naman ang gawin ko dito, hindi ko naman maibabalik
sa mundo ng mga buhay ang taong iyun. At tsaka team Colette at Zafe ako,
forever.”
Medyo gumaan ang aking pakiramdam sa sinabi niya. “Salamat
sa suporta.”
“Ngayon, ako naman. May nakita akong damit na bagay sa date
namin ni Hayden. Diyan ka lang.”
Umalis na si Isabela at hinanap na ang damit na susuutin
niya. Tumungo naman ako sa salamin at inayos ang aking sarili habang
naghihintay sa kaniya. Sa gitna ng pag-aayos ko, bigla akong may nakitang
pigura na dumaan. Hindi ako sigurado pero nakita ko si Aulric.
Nang tumingin ako sa likod, hinanap ko pa siya sa aisle
kung saan siya nawala. Naghanap pa ako saglit pero hindi ko siya nahanap.
Nagulat naman ako na may tumapik sa aking likod.
“Hah!”
Kaagad akong lumayo sa taong tumapik sa akin. Si Isabela
pala iyun at mukhang nagulat din siya sa nangyari. Inilagay niya sa puso ang
kaniyang kamay para humupa ang bilis ng puso niya.
“Ginulat mo naman ako. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”
tanong niya sa akin. “Para kang nakakita ng multo.”
Hindi ko alam kung totoo o multo ang nakita ko kanina.
Hindi ko talaga alam. Kinuha ko ang aking tubig na nasa handbag ko at uminom.
Siguro ay dahil sa sama ng loob ko sa sinasabi ni Isabela kanina, nag-conjure
ang utak ko ng isang imahe ni Aulric na mukhang nabubuhay pa rin hanggang
ngayon.
“Halika. Balik na tayo malapit sa dressing room.”
Hinawakan ni Isabela ang aking kamay at dinala niya ako sa
pinaghintayan namin kanina. Lumingon ako sa likod at baka makita ko pa si
Aulric. Pero wala akong nakita. Baka nga guni-guni ko lang iyung talaga.
ITUTULOY...
تكبير القضيب https://best-enlargement-ar.eu/ تكبير القضيب
ReplyDelete