Followers

Tuesday, January 28, 2020

Loving You... Again Chapter 72 - Swingin Party







  



Author's note...










Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.

Ang Swingin Party ay orihinal na kanta ng The Replacements na binigyang buhay ulit ni Lorde. Sa totoo lang, hindi ko naiintindihan ang kabuuang meaning nung kanta. Sa parte pa nga lang ng magdala daw ng lampshade, hindi ko na maintindihan ehh. Ang naiintindihan ko lang, kung kasalanan ang maging mali, magsama-sama na lang tayo. Kung kailangan at gusto natin maging malakas, tulungan natin ang mga mahihina.

Belated Happy New Year po sa inyong lahat. Heto na po ang Chapter 72.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
70 | 71 |











Chapter 72:
Swingin Party
















































Randolf's POV



          Pagkababa namin sa mansyon nila Sir Henry, kaagad kaming sinalubong nung mga katulong at sinubukang kunin ang mga gamit namin.



          “Huwag na kayong mag-abala,” pigil ni boss-pekeng Aulric sa kanila matapos bumaba ng sasakyan. “Alexander, Randolf, huwag niyong ipapahawak sa mga katulong ang mga gamit ninyo, maliwanag?”



          Napatingin lang ako sa mga katulong na naririnig ang mga sinasabi niya. Ibinaba lang nila ang tingin nila at mukhang nasaktan sila sa sinasabi niya.



          “Huwag mo naman pagalitan ng ganyan ang mga katulong ko,” wika ni Sir Henry na lumabas mula sa pintuan kasama si Derek. “Ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.”



          “Alam ko. Pero hindi ko naman sila pinapagalitan. Ang sabi ko lang ay huwag nilang hawakan ang mga gamit namin. Pwede nilang hawakan ang mga tauhan ko pero hindi ang mga gamit namin,” sagot ni boss-pekeng Aulric. “Papa, it's been a long time. Derek, nice to meet you.” Tumingin naman siya sa mga katulong. “Bumalik na kayo sa loob. Kaya na nung dalawa ang mga gamit ko.”



          Nagpakawala ng malalim na hininga ang mga katulong at bumalik na sa loob ng bahay. Medyo ngumiti naman sila, dahil siguro wala na silang masyadong gagawin.



          Lumapit si Derek sa akin. “Randolf, pumuti ka.” At niyakap niya ako.



          Nanlaki ang mata ko matapos gawin iyun ni Derek. Si boss-pekeng Aulric naman ay kumunot ang noo. Sinagot ko naman ang yakap ni Derek.



          “Kilala mo siya?” tanong ni boss-pekeng Aulric.



          “Oo, kilala namin siya,” sagot ni Sir Henry.



          Napalingon naman si boss-pekeng Aulric sa kaniya.



          “Kaibigan siya nung...” Iniwan lang ni Sir Henry ang salita sa ere.



          Mukhang nakuha na ni boss-pekeng Aulric ang kaniyang sinasabi kaya patango-tango na siya hanggang sa tumingin siya sa akin. “At hindi mo iyun sinabi sa akin dahil...” Matalim na tiningnan niya ako.



          Kumalas ako sa yakap ni Derek at tumayo ng tuwid. “Ayokong mawalan ng trabaho?” hindi ko siguradong sagot.



          Nawala naman ang matalim na tingin niya at tumango-tango ulit siya. “Interesting, pero hindi ako ganoon ka-interesado. Ipasok niyo na ang mga gamit. Pagkatapos, ipagpatuloy mo na iyung paggawa ng imbitasyon.”



          “Umm, pwede ba akong mag-imbita ng tao para sa birthday ni Papa?” tanong ni Derek habang sinisimulan na namin kunin ang gamit sa loob ng kotse.



          “Ikaw ang bahala,” sagot ni boss-pekeng Aulric. Humarap naman siya sa akin. “At ikaw Randolf, alam kong nakatira ka malapit dito. Bakit hindi ka mag-imbita ng ilan sa mga kakilala mo?”



Jin's POV



          Kahit na susunod na susunod ng linggo pa ako lilipat, kaagad na pinuntahan ko ang condominium na pag-aari ng pamilya ko. Kasama si Isaac ay pinuntahan namin ito para makita kung gaano kalaki.



          “Wow! Sigurado ka bang libre lang ako na makakatira dito?” tanong ni Isaac matapos mamangha sa nakita.



          “Kasasabi ko nga lang na libre,” tugon ko.



          Malawak ang loob ng condominium. May parang second floor pa ito. Sa pangalawang palapag ay may ilang kwarto. Hindi nga ako nagkamali nang pumasok sa isa sa mga ito. Nandito ang tulugan. Sa una ay ang malawak na sala, kainan at ang kusina.



          Nag-angat ng tingin si Isaac. “By the way, nakatanggap ka ba ng imbitasyon mula kay, pekeng Aulric?” tanong niya na nahihirapan sa kaniyang sinasabi.



          Katatapos lang namin na ayusin ang mga bagay-bagay na dala niya at nakaupo kami sa malalambot na upuan.



          “Imbitasyon?” nagtatakang tanong ko. “Sa birthday ba ni Tito Henry?”



          “Mukhang nakatanggap ka nga. Hindi ko iyun maintindihan. In a sense, hindi ko naman close si Tito Henry.”



          “Iyung buong pamilya mo ba ang nakatanggap?”



          Umiling si Isaac. “Hindi. Ako lang.”



          Nag-isip ako kung ano ang posibleng dahilan kahit na hindi naman ganoon ka-close ni Isaac ang tao. Bakit imbitado siya sa kaarawan ni Tito Henry?



          “Sa amin, ang buong pamilya ko ang nakatanggap,” nasabi ko lang. “Obivously, may history ang mga magulang ko kay Tito Henry kaya natural lang na makatanggap kami. Pero ikaw, bakit nga ba?” tanong ko sa aking sarili.



          Sa gitna ng pag-iisip ko, nakatanggap kami ng mensahe sa chatbox.



Knoll: Pero hindi ko naman ganoon ka-close si Tito Henry? invitation.png



Caleb: Nakatanggap din ako. invitation.png



Derek: Umm, guys, ako ang nagpadala niyan.



          Pinigilan ko lang ang aking pagtawa nang tiningnan ko si Isaac. Oo nga pala. Kaibigan pala namim si Derek. At kapag may birthday celebration ang magulang, siyempre, i-invite mo din ang mga kaibigan mo na pumunta at makikain. Make sense.



Isaac: Akala ko hindi ka namin kaibigan.



Caleb: Oi, Isaac, asaan ka pala noong nag-picnic tayo kasama ang tropa?



Isaac: NANDOON AKO!



Derek: First of all guys, pasensya na at hindi ko sinagot iyung tungkol sa stepbrother ko ngayon na ibang Aulric.



Derek: Weird, sinasabi ko sa inyo.



Derek: At hindi din ipinaaalam sa akin ni Papa iyan until, surprise! May bago ka nang kapatid.



Camilla: So basically, this Aulric is like another Aulric?



Derek: Yes, Camilla. And gusto kong makilala niyo siya.



Derek: Okay, huwag na lang.



Derek: Tinawag niya si Papa na isang matandang hukluban na malapit ng mamatay.



Knoll: That is so Aulric, but more like Aulric+.



Isaac: Let's settle na tawagin natin siyang fake!Aulric.



Caleb: Sure



Jin: Sure.



Derek: Anyway guys, punta kayo, please. Kahit wala kayong regalo basta pumunta kayo. Tumatanggap din ako ng regalo para sa akin.



Camilla: By the way, photo nga ni fake!Aulric kung nandyan siya. Gusto ko siya makita without filter.



Derek: fake!Aulric.png



          Makikita sa litrato na mukhang si Aulric ang nag-o-organize ng party. Ang litrato ay kinuha sa harap niya. Katabi niya ay ang nakangiti na si Randolf na nag-peace sign at isang lalaki na nakatayo ng tuwid at naka-shades.



Knoll: Si Randolf ba iyan?!



Isaac: Mukhang medyo pumuti siya.



Caleb: At nagta-trabaho siya para kay fake!Aulric?



Derek: Yeah. Nagta-trabaho siya sa kaniya.



Derek: fake!Aulric2.png



          Ngayon naman, mukhang sa likod at sa veranda ng bahay kinuhaan ang litrato. Ang nakakapagtaka naman ngayon ay si Randolf ay naka-ngiti pa rin saka naka peace sign siya. Tsaka iyung taong naka-shades ay nakatayo at nakaharap pa rin ng tuwid at nakatingin sa camera. Si pekeng Aulric naman ay naka-peace sign pero nakalagay ito sa ulo ni Randolf dahilan para magmukhang demonyo si Randolf habang nakaharap naman sa magiging venue ng party.



Camilla: Bigla ko tuloy na-miss si Shai.



Caleb: Gusto mo sa isang linggo, bisitahin natin siya bago pumunta sa party?



Camilla: Yeah. Thanks Caleb.



          Ibinaba na namin ang phone. Tumayo si Isaac at pumunta sa kusina.



          “Bibinyagan ko na ito,” masayang sabi ni Isaac.



          Nagluto si Isaac sa kusina habang humahaginit. Hinahaginit niya ang kanta na You'll Be Safe Here ng Rivermaya.



          “Kumusta na pala si Sharina?” tanong niya bigla matapos tumigil sa paghaginit.



          “Heto! Hindi pa rin kami kinakausap,” sagot ko. Nag-unat-unat ako sa inuupuan ko. “Bakit mo naman naitanong?”



          “Umm, concerned lang ako sa mga nangyayari sa inyo,” paliwanag niya. “Alam mo kasi, sabi nung kaibigan ko na kumuha ng abogasya, pwede mo pa daw maisalba ang kaso niya sa mataas na hukuman kasi, alam mo na. Para hindi mangyari iyung sitwasyon ngayon.”



          Inunat ko pa lalo ang aking ulo para makita si Isaac at inilagay ang paa sa upuan. “At makulong si Aulric?”



          Biglang natigil si Isaac at tumingin sa akin saglit tapos balik sa niluluto. “Ganoon ba ang mangyayari kapag ginawa niyo iyun? God! Hindi ko naisip iyun.”



          Umupo na ako ng maayos sa sofa. “Actually, pwede naman. Kung may bagong ebidensya na magpapatunay na may bagong suspect sa nangyari, hindi makukulong si Aulric. Kaya lang, namatay si Aulric at, iyun na nga. Pwede ko naman kumbinsihin sana si Aulric noon na sabihin niya na ang tingin niya, na frame up lang si Sharina at gugulong na iyung kaso. Kaya lang, isa pang problema ay ano ang ebidensya na ganoon nga ang nanyari?”



          Habang nag-iisip ako, narinig kong bumukas ang gripo sa lababo na ginagamit ni Isaac. Bigla naman sumagi sa isip ko si Ricky at Shai.



          “It's been years pero hindi natin alam kung sino naman ang pumatay kila Ricky and Shai,” nasabi ko. “Hindi rin natin alam kung buhay pa sila o hindi. Alam mo ba na simula nang may namatay sa eskwelahan namin, bumaba ang kita ng school? Nagtagal iyun ng apat na taon hanggang sa namatay din ang bagay na iyun sa isip ng mga tao? Dahilan noon nung mga magulang, bakit nila pag-aaralin ang anak nila sa paaralan na hindi man lang nahanap ang mga taong pumatay sa kanila?”



          “Ako nga, kinumbinsi ako ng mga magulang ko na sa Schoneberg na lang ako magtapos dahil baka ako naman ang susunod,” dagdag ni Isaac na umupo na ulit sa sofa na inuupuan nila. “Well, mabuti naman at walang sumunod? Siguradong malulugi kayo kapag nangyari iyun. Pero, for it to happen kila Shai and Ricky...” Ipinikit niya ang kaniyang mata at umiling.



          “Hindi niyo ba naisip noon na paano kung kayo ang sumunod?”



          “Hah! Si Caleb ang tanungin mo diyan. Iniisip niya iyun. Pero mabuti naman at hindi nagkatotoo.”



          Malungkot naman na tiningnan ni Isaac ang sahig. Sumunod naman ako dahil, it's been years. Hindi pa rin namin mabigyan ng hustisya ang dalawa naming kaibigan.



Zafe's POV



          Kaka-uwi ko lang mula sa trabaho nang may tumawag sa akin.



          “Sir,” tawag sa akin ng katulong sa bahay na may hawak-hawak na dalawang sobre.



          “Salamat,” sabi ko matapos makuha ang mga sobre. “Hindi pa ba umuwi ang mag-ina ko?”



          “Hindi pa po, sir.”



          Tumango lang ako at bumalik na ang katulong sa kaniyang mga trabaho. Tiningnan ko lang sobre na natanggap ko. Binuksan ko naman ang sobre na nakaukit ang aking pangalan. Pagkabukas ko ay sumambulat sa akin isang napakagandang pabilog na disenyo. Sa loob ng bilog ay may nakaukit na salitang, Invitation.



          Nang binuksan ko ang papel, blah! blah! blah! Imbitado ako sa kaarawan ni Tito Henry. Date at saan ang venue, at ang nag-imbita sa amin ay si pekeng Aulric.



          Tiningnan ko naman ang sobre na nakaukit naman ang pangalan ni Colette, na may Neville ang apelyido. Kasi asawa ko siya. Pagkabukas din ng sobre niya ay parehas ang laman na nakita ko. Nakapaskil din ng buo ang pangalan ni pekeng Aulric. Medyo naguluhan ako dahil bakit mo naman inilalagay sa imbitasyon ang mahaba mong pangalan? Para bang may isang nakatagong sikreto kaya ginagawa niya ito. Pero wala na akong pakialam. Siguro ay pupunta ako sa kasiyahan para naman makipag-ayos kay Tito Henry.



          Makalipas ang ilang araw, sa bahay ng mga magulang ko, inaayusan ko ang anak ko sa suot niya. Ngayon ang araw kung kailan kami pupunta sa birthday celebration ni Tito Henry.



          “Sigurado ba kayo na kailangan nating pumunta sa selebrasyon na iyan?” tanong ni Papa na inaayos ang suot sa salamin.



          “Zachary, it's been years. Yes, galit siya sa atin noon dahil sa nangyari. But what else can we do?” tugon ni Mama na inaayusan na ngayon si Papa. “It's not like maibabalik natin iyung buhay ng tao.”



          “Mama,” saway ko para itigil na niya ang pagkwento sa nakaraan.



          “Zafe, you cannot stop me to talk about the past. It is true,” sabi ni Mama matapos tumingin sa akin ng masama. Tumingin ulit siya kay Papa. “And everything is in the past kaya, mag-move on na tayo. Or tapos na ba tayo doon? This time, doon na tayo sa healing part. Inimbita niya tayo sa party, pumunta tayo.”



          “There is nothing wrong about that,” sabi naman ni Papa. “What is wrong is doon sa pangalan ng adopted na anak niya. Nakita mo ba ang sulat? Inilagay talaga niya ang buong pangalan niya. Iyung buong pangalan niya kung sakaling nabubuhay iyung tao. And for me, it is making a statement.”



          Nang natapos ko nang ayusan si Felric ay umupo naman siya sa sofa at kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa coffee table. “Papa, you are just overreacting It's just a name.” Tumayo ako at humarap sa mga magulang ko.



          “At malay mo, miss niya iyung inaanak niyang iyun,” dagdag ni Mama. “Mukhang mas mahal pa niya ata iyun sa tunay niyang anak na si, Derek ba iyun?”



          Ginulungan ni Papa ng mata si Mama. “Whatever you say, Fe.”



          Pinaharap siya ni Mama sa kaniya. “Now, ngumiti ka. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Pa-kiss nga?”



          Sadyang humarang na lang ako sa pagitan ni Felric at ng mga magulang ko nang hinalikan talaga ni Mama sa lips si Papa. Sa isang halik lang ni Papa ay ngumiti naman siya.



          “And you are gorgeous as ever din, my love,” wika ni Papa. Humarap naman siya sa akin. “Oo nga pala, ang asawa mo?”



          “I'm here,” sabi ni Colette na nagmula sa labas. “Papunta na daw ang mga magulang ko doon sa party. Let's go, Mama, Papa.”



          “Felric, aalis na tayo,” sabi ko sa kaniya.



          Ibinalik naman niya ang phone sa akin. Bumaba siya sa upuan at kinuha ang kamay ko.



          “Si Felric pala, paano iyan? Kakalungin lang ba iyan ni Zafe? Baka gumawa ng gulo iyan doon,” pahabol ni Papa bago lumabas.



          Lumabas na kaming lahat sa bahay. “Ako na po ang bahala.”



          Pumasok na sila Papa sa kotse at umupo sa likod. “Hanggang sa lumaki siya? Kakalungin mo pa rin?”



          “Zachary, tumigil ka na,” saway ni Mama na pinalo sa tagiliran si Papa matapos makapasok at makatabi si Papa.



          “Wait, si Isabela pa pala. Asaan iyun?” Tumingin ulit sa bahay si Colette.



          “Andito ako,” sabi ni Isabela na mukhang lumabas sa gilid ng bahay. “Tara na at baka ma-late tayo.”



          Pumasok na sa gitna si Isabela at Colette. Si Felric naman ay katabi ko sa harapan. Nag-aalangan tuloy akong mag-drive kapag nasa harapan siya. Pwede naman akong maging matigas na tatay at paupuin si Felric sa gitna kasama si Isabela at Colette. Pero ayoko ng gulo. Naniniwala kasi ako na ang kaso ni Felric, na walang tao ang makakaupo sa tabi niya maliban sa akin, ay isa lang sitwasyon na mawawala habang tumatanda siya. Teka, bigla kong natatandaan na may katulad akong kaso sa kaniya noon. Ang pinagkaiba lang ay may imaginary friend ako. Anak ko nga talaga siya.



          Dumating na kami sa mansyon ni Tito Henry. Nag-park naman kami sa isang bakanteng lote dahil mukhang maraming pamilya ang imbitado sa party. May mga gwardya naman na nakabantay para masiguro ang seguridad ng mga sasakyan.



          Naglakad kami ng kaunti papunta sa harapan ng bahay ni Tito Henry. Sa pintuan ay nakita ko si pekeng Aulric na mukhang binabati ang mga bisita. Katabi niya ay mga tauhan siguro ng pamilya nila na pagkatapos ng pagbati ay ihahatid nila ang pamilya sa kanilang mesa.



          Nakita ko na hindi lang importanteng tao ang imbitado sa party na ito. Nakita ko kasi ang kabarkada ko kila Randolf na pumasok din kasama ang kani-kanilang asawa, anak at syota. Sumunod naman sa kanila ay ang pamilya ni Kristel. Ano?! Bakit pamilya pa ni Kristel?! Hindi kaya mauwi ito sa gulo dahil sa ginawa nung pekeng Aulric?



          Matapos magpakilala ni pekeng Aulric, inilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa dibdib at gamit ang kaliwa ay hinawakan ang kamay ni Kristel. “I can say that you are breathtaking tonight, Kristel. You are far from the girl that I knew months ago.”



          Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang sama ng tingin ng Mama ni Kristel kay pekeng Aulric. Marahil iniisip niya na pina-plastik lang ni pekeng Aulric ang anak niya dahil sa isa itong kasiyahan para sa kaniyang stepfather.



          “Thank you for your kind words, Aulric,” tugon ni Kristel. “That's because I learned from the best. I learned to dress from Erica De Guzman.”



          Bigla akong nag-isip na para bang ako mismo si Aulric. Kung ako si Aulric at iso-sopla ko si Kristel, sasabihin ko na, unggoy ka talaga at natuto ka din sa wakas na manamit katulad ng isang tao.



          “I didn't learn to dress from her. But I will want to one of these days,” reply ni pekeng Aulric.



          “I'm sorry, that is not possible. Erica only teaches women on how to dress beautifully and fabulously. Unless, you want to dress like a woman, she might find a way for you,” balik ni Kristel.



          Kinabahan bigla ako sa ibinabalik ni Kristel. Magkakaroon ng word war dahil sa round 1, panalo si Kristel. Kung ako si Aulric, hindi ako magpapatalo at babawi ako ng isang puntos sa pangalawang round. Matapos insultuhin ni Kristel si pekeng Aulric, nagpaliwanag siya sa kaniya kung bakit ganito ganyan ang damit niya at ano ang dahilan. Wala akong pakealam kung ano ang damit niya. Basta ang mahalaga ay makabalik sa kaniya si pekeng Aulric at umuwi siyang luhaan. Iyung Mama ni Kristel, proud na proud na ngumingiti para sa anak.



          Biglang naputol ang moment nang tumikhim si Papa. Naagaw nito ang atensyon ng mga tao sa harap.



          “I'm so sorry, Kristel. You are so beautiful that I forgot that we have other visitors tonight,” puri ni pekeng Aulric. “Perhaps, we can talk more in the party and you can share there the secrets of an Erica De Guzman fashion. So I can share it with my girlfriends.”



          “Unfortunately, we don't share those secrets. Kami-kami lang kaya ang nakakaalam kung paano iyun,” bulong ni Kristel pero naririnig pa rin namin kung ano iyung sinasabi niya.



          Round 2. Nanalo pa rin si Kristel. Nagpakawala ako ng hininga na hindi ko namamalayan na pinipigil ko. Bigla kong nakalimutan na hindi ito iyung Aulric na kilala ko. Pero iyung ginawa niya sa party ni Kristel, ano iyun? Kwentong-barbero lang ba iyun ni Randolf? Pero hindi niya gawain iyun. Anong nangyayari? Magkaibigan na ba sila pekeng Aulric at Kristel?



          Pinatunog ni pekeng Aulruc ang kaniyang daliri at lumapit sa kaniya ang isang katulong. “Sayang naman. Ang daya mo,” sabi niya na mukhang nagkukunyaring malungkot sa sinasabi ni Kristel. Pero ngumiti siya ulit. “I hope that you will enjoy the party. Please, pasok. Lead them to their seats according to the plan,” sabi niya doon sa katulong.



          “Thank you,” sabi ni Kristel na masayang-masaya pumasok dahil nanalo siya sa word war nila ni Aulric.



          Nang nasa harapan na kami, nagpakilala ulit si pekeng Aulric. “I'm glad na nakarating kayo, Neville family, and Isabela Dominguez. Mukhang kasabay mo silang pumunta sa party ngayon.”



          “Best friend ko si Colette kaya tuwing may ganitong okasyon, sumasabay ako sa kaniya,” tugon ni Isabela.



          May mga sinasabi pa si pekeng Aulric sa amin. Kagaya nang kinakamusta niya ang business ng pamilya namin. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya ng seryoso. Humahanap ata ako ng dahilan para masabing siya ay isang totoong Aulric. Pero wala akong mahanap. Hindi ang labi na iyan ang gusto kong mahalikan at may maipapasok diyan tuwing may pagkakataon. Ang mata niya, hindi iyan iyung mata na umaapoy sa galit tuwing natatalo sa isang bagay. Kung baga doon sa nangyari kay Kristel, masasabi kong bagsak ang grado niya. Nasa kaniya ang buong pangalan, pero hindi naman siya ang tao sa pangalan. Kung masyado pa akong seryoso, hindi karapat-dapat sa kaniya ang pangalang Aulric. Oo, tama. Hindi siya si Aulric.



          Nagising ako sa pag-iisip nang pinatunog niya ang kaniyang daliri. “I'm sorry for taking some of your time just for my introductions. I hope that you will enjoy the party. Please, pasok. Randolf, you know what to do.”



          Ang tauhan na lumapit ay si Randolf.



          “Ninong!” masayang tawag ni Felric dito.



          “Ninong?” naguguluhang bulong ni pekeng Aulric sa sarili habang sinusundan ng tingin si Felric.



          Nabitawan ko si Felric. Masaya siyang tumakbo papunta kay Randolf. Si Randolf naman, kagaya ng isang naka-program na robot, binuksan ang mga kamay para salubungin si Felric dahil alam niya ang susunod na mangyayari kapag tumatakbo si Felric. Nang malapit na si Felric ay tumalon siya at inakyat si Randolf na para bang katulad sa isang puno.



          “Karga mo ako,” pakiusap ni Felric kahit na nakakarga na siya dito.



          “Alam mo ba ito Zafe?” tanong ni Papa sa akin tungkol sa, nakakakarga ni Randolf si Felric.



          Si Papa kasi, hindi nakakarga si Felric. Laging gustong kumawala sa kaniya pero kapag sa normal na okasyon, nakakatayo ito sa tabi niya at iyun lang. Parehas ito kay Mama.



          “Alam namin pero hindi na kami nag-ingay pa dahil baka pagselosan niyo iyung ninong na ipinag-ninong ko lang kay Felric,” mabilis na paliwanag ko.



          Inayos naman ang pagkakahawak ni Randolf sa bata. “Ay! Delikado iyun. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na huwag ka basta-basta tumakbo?”



          “Eee! Karga mo ako,” pakiusap pa ni Felric. Akala niya ay ibaba siya ni Randolf.



          “Basta behave ka at huwag malikot. Lalong-lalo na sa loob ng party, okay?”



          “Basta karga mo ako.” Nakakarga ka na bata!



          Nag-bow sa amin si Randolf. “Pasensya na. Ilalakad ko na po kayo sa inyong mesa. Sumunod po kayo sa akin.”



          Pumasok na kami sa loob ng bahay at sumunod kay Randolf. Si pekeng Aulric naman ay patuloy sa kaniyang pagbati sa mga bisitang darating. Si Felric, habang karga-karga ni Randolf ay tanong ng tanong sa kaniya kung ano iyung isang bagay na ituturo niya sa loob ng bahay. Sasagutin naman iyun ni Randolf at sasabihin na meron kami nung bagay na iyun. Habang naglalakad, ipinulupot ni Colette ang bisig ko sa bisig niya. Tiningnan ko siya at mukhang nakangiti siya habang naglalakad. Sinagot ko din ang mga ngiti niya.



          Nang nakalabas na kami ulit ng bahay, kaagad kong iginala ang tingin ko at tiningnan kung sino pa ang mga inimbitahan sa kasiyahan. Nagtayo sila ng malaking tolda sa likod-bahay nila at mukhang ang likod-bahay nila ay mas malaki na kumpara sa naaalala ko dati. Siguro ay nabili na ni Tito Henry ang espasyo sa likuran ng bahay nila.



          Napakarami ng mesa at mukhang may pattern ito base sa outer ring ng tolda. Bago pa tuluyan mapunta sa gitna ay dito naman nakalagay ang mga mesa na may pagkain. Sa gitna ng tolda ay malawak ang espasyo na pwede pa paglagyan ng mesa pero mukhang may pinaplano ata si pekeng Aulric kung ano ang gagawin dito.



          Nakita ko sa isang mesa ang mga kabarkada ko na medyo maiingay pero sakto lang para sa kasiyahan na iyun. May pinag-uusapan sila at mukhang tungkol ito sa mga artista na napapanood nila sa telebisyon. Nang nakita nila ako, nagtaas lang sila ng kamay. Nagtaas din ako ng kamay. Pagkababa nila ay nagpatuloy na sila sa kanilang usapan. Saka ko naman napansin na wala si Inno.



          Sa isang mesa naman ay nakikita ko ang mga kaibigan ko sa group chat. Nagtaas din sila ng kamay at sinagot ko din ito. Sa mesa naman na ito, wala si Camilla, Isaac at Jin. Siguro ay kaya wala si Jin ay mukhang kasabay nito ang pamilya niya. Si Camilla at Isaac, bakit kaya wala pa?



          “Andito na po tayo,” wika ni Randolf na tumigil na sa paglalakad.



          Napakalaki ng mesa namin. Pabilog ito at may sapat kaming espasyo para hindi kami magsagian kapag kumakain.



          “Ohh! I have to go. My family is over there,” turo ni Isabela sa isang direksyon kung saan nag-uusap ang kaniyang pamilya. “usap na lang tayo mamaya,” paalam niya kay Colette.



          “Okay.” Kumalas sa akin si Colette at nakipag-beso-beso sa kaniya.



          “Mag-enjoy tayo, Tito, Tita.” Nakipag-besohan din siya kay Mama bago umalis.



          Si Randolf ay ibinaba naman si Felric. “Basta iyung sinabi mo. Magbe-behave ka at laging kasama mo si Mama at Papa. Okay?”



          “Okay,” tugon ni Felric na nakasimangot na. “Bye.”



          Nag-bow ulit sa amin si Randolf. “Mag-enjoy po kayo.”



Randolf's POV



          Bumalik na ako sa grupo ng mga maghahatid sa bisita. Sa dulo ng pila, naabutan ko si Alexander na sinusundan ako ng tingin, kung iyun ang ginagawa niya sa likod ng shades niya.



          “I smell trouble,” bulong sa akin ni Alexander.



          “Naaamoy mo lang ang sarili mo,” balik ko.



          Lumapit sa akin si Alexander at inamoy ang leeg ko. “Nope. Definitely, you. Hindi ko alam na ninong ka pala sa anak ni Zafe.” Tumayo ulit siya ng tuwid.



          “Bakit? Kailangan ko bang ipagyabang iyun o ano? Sa totoo nga lang, hindi ko in-expect na magiging ninong ako doon sa anak niya. Ang tanging relasyon ko lang naman noon kay Zafe ay kasama niya na naglalaro ng basketball. Tapos isang araw, nagulat na lang ako na gusto niya akong maging ninong sa anak niya.”



          “And you said yes?”



          Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Alexander. “Like may choice ako.”



          “Of course, meron. Iniisip niyo lang na wala, pero meron.”



          “No, wala talagang choice pagdating sa bagay na iyan. Iyung kaibigan ko nga na si Inno, pinag-ninong sa anak nung kapitbahay niya, hindi nga niya alam.”



          Umalis na ang mga tao sa harapan ni Alexander. Ibig sabihin, siya na naman ang maghahatid sa mga tao sa mesa. At ang susunod niyang ihahatid ay ang Bourbon Family. Pero nawawala iyung isang babae sa pamilya nila. Sharina ata ang pangalan nun.



          Nagpakilala naman kaagad si boss-pekeng Aulric. Pagkatapos ay nagsalita ng ilang linya ng pagpapatawad sa pamilya dahil sa nakaraang sigalot nung kapangalan niya at ang pamilya niya.



          “Have you tried bringing it to the higher court?” naitanong ni boss-pekeng Aulric. “I heard that if you appeal to the higher court, things might change.”



          “We tried but you died,” makahulugang sabi ni Antoine Bourbon. “And it's not easy even if you support us that Sharina didn't kill Dart Aguirre. A stronger evidence is still required.”



          “Randolf, your here!” Kaagad na lumapit sa akin si Jin at niyakap ako.



          Sumagot din ako ng yakap habang kumunot ang noo ni boss-pekeng Aulric nang tumingin sa akin na para bang, imposible na kakilala ko ang mga taong ito.



          “It's been so long!” Kumalas sa akin si Jin. “Mukhang pumuti ka ata buhat nang nagkasalubong tayo sa sementeryo.”



          Matalim na naman akong tiningnan ni boss-pekeng Aulric. “Sementeryo?”



          “Well, by chance, nakakasalubong ko si Randolf sa sementeryo kung saan nakalibing ang isa sa aming mga kaibigan,” paliwanag ni Jin. “At namumukhaan ko siya dahil sa burol din ng isa naming kaibigan.”



          Tumango-tango si boss-pekeng Aulric. “I see.” Humarap naman siya sa kaniyang mga panauhin. “Anyway, gentlemen, I'm sorry to hold you for some introductions.” Pinatunog ulit niya ang kaniyang daliri at humakbang si Alexander. “I wish I can talk to you more in the party. I'm sorry for taking some of your time just for my introductions. I hope that you will enjoy the party. Please, pasok. Alexander, lead the guests.”



          “Kita na lang tayo sa loob,” tapik ni Jin sa akin saka sumabay na pumasok sa bahay kasama ang kaniyang mga kamag-anak.



          “Randolf, please tell me the truth. Isa ka bang bastardo ng isang mayaman na pamilya?” tanong ni boss-pekeng Aulric nang malayo na ang mga bisita.



          Seryoso ang tingin niya nang humarap ako sa kaniya.



          “Boss, nakakasalamuha ko lang po sila,” sagot ko. “Tsaka, palakaibigan lang talaga ako, boss.”



          “Good,” ngiti niya. “I like that you are friendly to other people. Hindi kagaya ni Alexander na nilalayuan kaagad ng mga tao kapag naiwan sila sa tao.”



          Pinatunog naman niya ang daliri sa kaliwa niya, na dapat ay sa kanan kung nakaharap siya sa pintuan. Isang clipboard naman ang inabot sa kaniya nung katulong. Nilalagyan niya ng linya ang pangalan ng mga taong nakapasok na sa loob. Tumingin siya sa orasan dahil ayon sa schedule ng program niya, maya-maya lang ay magsisimula na ang kasiyahan. Kita ko naman mula sa kinatatayuan ko na may ilang pangalan ang hindi nalinyahan kahit sa ikalawang pahina.



          “Patay na siguro ang mga taong ito kaya hindi makakadalo sa kasiyahan,” komento ni boss-pekeng Aulric.



          Mula naman sa malayo, may isang pares na naglalakad papasok sa pintuan. Hindi pala isa kung hindi dalawa. Kapwa nakapulupot ang bisig nila sa isa't isa. Dalawang tao lang ang nakilala ko doon sa dalawang magkapareha. Si Inno at si Isaac. Teka, sino ang kasama ni Inno?



          “Good afternoon,” bati ni boss-pekeng Aulric sa magkapareha. “I think that you guys are invited to the party but I don't know you guys personally.”



          “Isaac Lindoln,” pagpapakilala ni Isaac sa sarili. “at si Sharina Bourbon,” turo nito sa kasama. “Sa likod ko naman ay si Camilla Adarna, at si Inno Jackstone.”



          “Jackston pre. Hindi Jackstone,” sabat ni Inno na nasa sa likod at galit na galit. “Laro iyung Jackstone ehh. Bobo ka ba?”



          “Inno,” sabay namin saway nung babae na kasama niya.



          Nakuha ko na naman ang tingin ni boss-pekeng Aulric. Kagaya nung tingin niya kanina kung bakit kilala ako ng isa sa mga Bourbon.



          “Si Inno ang isa sa mga taong inimbita ko at isa rin siya sa mga kalaro namin ng basketball ni Zafe,” mabilis na paliwanag ko.



          “At ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito dahil...”



          “At kahit hindi mo ito kailangan malaman, I believe that Camilla and Isaac are a brief acquaintance of, yours truly.” Namura ko lang ang sarili. Parang gumagaling ako mag-ingles kahit hindi naman ako nagpa-praktis.



          Sa loob-loob ko, naiinis na ako dahil para bang lahat ng bagay ay dapat isiwalat ko sa kaniya. Oo nga pala boss-pekeng Aulric. Iyung dating presidente ng Pilipinas, nasapak ko iyun sa mukha.



          “And we are on a double date,” sabat nung Isaac.



          “Hindi pa tayo tapos,” basa ko sa labi niya saka humarap ulit siya sa mga bisita. “I see. Gusto niyo ng ibang mesa. I am prepared for that. Fortunately, may mesa para sa inyo. Guide them, Randolf.”



          Nakangiti akong tumingin sa magkapareha. “Please, sundan niyo ako.”



          Nang umalis na ako, saktong-sakto na tumunog ang relo ni boss-pekeng Aulric. Kung hindi ako nagkakamali, may alarm siya limang minuto bago mag alas-sais.



          “Uy, Randolf, gwapo natin ahh!” puri ni Inno.



          “Back at you, Inno,” puri ko din sa kaniya. “Pero huwag sana na mainit ang ulo mo dito sa party na ito Inno. Mapapahiya ako dahil ako ang nag-imbita sa iyo dito.”



          “Oh! Don't worry. I will take the responsibility,” sabi ni Camilla. “Kahit hindi mo siya inimbita, I will bring him as a date sa party.”



          “That Aulric is so fake,” komento nung Sharina.



          “Really, Sharina?” pang-o-okray, siguro ni Camilla. “We are in the same mindset then.”



          “Please, fake na kung fake,” tugon ni Isaac. “And since anak siya at kapatid ng nag-imbita sa atin sa party na ito, let's be civil at least?”



          “Well, as long as he is not the real one,” wika ni Sharina. “I have no problem on being civil.”



          Nang umabot na kami sa likod, kaagad naman namin naagaw ang atensyon ng mga tao sa party. Normal naman itong nangyayari lalo na sa pamilya nila Zafe kanina. Pero may malaking pagkakaiba. May isang mesa ang nakatingin pa rin sa amin nang bumalik na ang karamihan sa mga mata ng tao sa kausap nila. Ang mesa na ito ay inookupa nina Andrew, Caleb, Knoll, at Derek.



          Lumakad kami papunta sa mesa na iyun kung saan ko ihahatid ang mga magkapareha.



          “You've got to be kidding me,” rinig kong sinabi ni Camilla pero sa mababang boses. “Pwede ba kaming magpalit ng mesa?”



          “That is supposed to be my line,” sabi naman ni Sharina.



          Isa naman sa mga kapitmesa nila ay ang pamilya Bourbon, pamilya Dominguez, at ang pamilya Neville.



          “Camilla, relax,” wika ni Inno. “Walang mangyayaring hindi maganda sa party na ito. Just smile, okay?”



          “Is the seating arrangement intentional?” galit na bulong sa akin ni Sharina.



          Hindi ako makapagsalita. Hindi ko naman kasi plano ito at ngayon ko lang naalala na may sigalot sa pamilya Bourbon. Kaya, hindi ko problema ang mga issue ninyo?



          “Sharina, it's fine,” wika naman ni Isaac. “You can have fun. I am here. Your family doesn't matter in this party here, right? Nandito ako.”



          Nakita ko na naman si Felric na akmang kakawala na naman sa hawak ni Zafe. Kaagad ko itong sinenyasan na umayos siya. Sumimangot naman siya saglit pero umayos ulit siya sa kinauupuan niya.



          Nang dumating na kami sa mesa, hinayaan ko lang ang mga lalaki na kunin ang upuan ng mga kapareha nila. Kapansin-pansin na ang posisyon ni Sharina ay nakatalikod sa mesa ng nga Bourbon. Kalapit naman niya na si Camilla ay nakatalikod sa pamilya Dominguez. Nag-bow ako sa kanila bago ako umalis saka bumalik ulit sa harapan.



Alexander's POV



          Pagkabalik sa harapan, naabutan ko si Aulric na may binibigay na panuto sa mga katulong kung sakaling may mga darating pa. Natural, may mga darating pa dahil mga Pilipino kayo.



          Bago pa makaalis si Aulric, may pamilya naman na humabol. Hindi naman naging bastos si Aulric at hinarap pa rin ang pamilyang ito. Nagpakilala siya at pinuri niya ang mag-asawa sa parangal na natanggap ng mga ito sa International Media. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pamilya Lee. At ang anak nilang lalaki na nasa likod ay nakapulupot ang isang bisig sa bisig naman ng isang lalaki. Kung nakikita lang nila ang mata ko, medyo mamatahin ko sila dahil halatang-halata na mas matanda ang lalaki ng mga ilang taon. Hindi lang siguro isa o dalawang taon. Pero ano ba ang pakialam ko doon? Mukhang ayos lang ito sa mga magulang nung lalaki.



          “And this is...” sabi ni Aulric na gustong makilala ang kasintahan ni Kurt Lee.



          “Larson Mercer,” sagot nito.



          “And if I'm not mistaken, is that your guard over there?” tawag ng atensyon ni Kurt Lee na nakatingin sa akin. “I saw him before. What was his name? Ahh! Alexander.”



          Ngayon, nakukuha ko ang parehas na tingin na ibinigay ni Aulric kay Randolf. At si Randolf naman na pabalik dito sa harapan ay biglang lumiko pabalik sa party. Iyung traydor na iyun?!



          “Umm, I didn't know that time that you have the information of your customers in that shop,” tugon ko sa sinasabi ni Kurt Lee.



          “Ahh! Actually, nakuha niyo lang kasi ang atensyon ko. You were with Randolf that time. Alexander the human paladin, and Randolf the halfling thief.”



          “Iyun iyung mga panahon na nagpaalam si Randolf sa iyo na hindi siya makakapasok. Pumunta kami sa hobby shop na bukas buong araw. At hindi ko alam na ang pamilya Lee pala ang may-ari ng lugar na iyun,” paliwanag ko kay Aulric.



          “Oh! Hindi kami ang fully na may-ari ng lugar na iyun,” sabat ni Mrs. Karina Lee. “It was a partnership with my friend here in Rizal. Nag-originate kasi iyan dito. And mukhang successful ang business sa lugar na ito kaya sinubukan namin na magtayo ng branch sa Maynila. As expected, it was a success. And hindi lang iyun ang business namin sa Maynila. We are also in the-”



          “Good evening everyone,” wika ng boses ni Derek sa microphone na rinig dito sa harap.



          “Oh no. Looks like magsisimula na ang party. Mr. Lee, Mrs. Lee, I'm sorry for keeping you here,” paghingi ng dispensa ni Aulric. “I would like to hear more of your business in Manila if I have time sa loob. It was interesting, really. Please, join us.”



          “Oh, sorry din,” natatawang paghingi din ng dispensa ni Mrs. Karina Lee. “Let's go.”



          Lumakad din ako papasok kasabay nila. Mukhang hindi pala ako mabo-bored dito sa Rizal dahil andito pala ang main branch.



Randolf's POV



          “So, since this is a birthday party, may hinanda kaming games,” wika ni Derek sa mikropono. “At may games kaming hinanda para sa mga bata at para sa mga matatanda. So, una muna ang mga bata.”



          Lahat ng mga may bata sa kasiyahan ay inudyukan ang kanilang anak na maglaro.



          “Sige na kids,” udyok ko. “Ang mananalo ay may prices.”



          Mas lalong inudyukan ng mga magulang ang kanilang anak na maglaro. Habang nagsisitayuan ang lahat, si Inno naman ay tumayo at naglakad papalapit sa amin.



          “Sige Inno. Lumapit ka. Bata ka pa ehh,” saway ko dito.



          Kaagad naman itong umupo na sa tabi ni Camilla habang ang ka-date niya ay pinalo siya sa tagiliran habang tawa ng tawa.



          Si Felric naman na nakawala na sa hawla ay kaagad na lumapit sa akin at tumalon para magpakarga.



          “Pwede akin na lang iyung price?” bulong sa akin ni Felric pero naririnig ito ng mga magulang dahil sa mikropono na nakatutok sa bibig niya.



          “Ay! Hindi iyan pwede Felric. Kailangan ay makipaglaro ka para makuha mo ang price.”



          Natawa naman ang lahat sa narinig. Si Felric ay kumunot ulit ang noo pero umayos naman siya. Ibinaba ko na siya para makipaglaro na sa mga bata.



          Hindi ko napansin si Alexander na nasa likod ko at bumulong. “Kakausapin daw tayo ni Boss.”



          Tumango lang ako at ibinalik ang mikropono kay Derek. Bago umalis at sumunod kay Alexander, sinenyasan ko ulit si Felric na mag-behave. Sigurado ako na hahabulin ako nito kapag umalis ako.



          Sa loob ng bahay, sa sala, nakaupo si boss-pekeng Aulric sa pang-isahan na sofa. Mukhang alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin.



          “So pinatawag ko kayo ngayon dahil may kailangan kayong malaman,” panimula niya. “Or, may kailangan akong malaman. May mga bagay ba kayong alam tungkol sa mga tao sa likod? Mga naging kaibigan, hook-up?”



          Tumingin naman sa akin ang dalawa.



          “Wala, na,” nag-aalangan na sabi ko.



          “Sinungaling,” diretsong sabi ni Alexander.



          “Hey!”



          Itinaas ni Alexander ang kaniyang mga kamay. “Sorry. Trabaho lang. Sabihin mo na kasi kung ano pa ang mga tinatago mo.”



          “Boss, bakit mo ba kailangan malaman?” reklamo ko kay boss-pekeng Aulric. “Hindi naman siguro makakaapekto ito sa kung anong bagay na malalaman mo?”



          “Actually, it is,” dipensa ni boss-pekeng Aulric. “Ngayon, nalaman ko na napaka-friendly mo na halos kaibigan mo ang 1/8 sa mga bisita natin. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan aabot ang pagiging palakaibigan mo.”



          “At ano ang kinalaman nito sa tinatago ko? Hindi ba pwedeng magtago ako ng sikreto ko para sa sarili ko?”



          “Kung walang kinalaman ang mga tao sa loob, wala akong pakialam kung ano ang sikreto na iyun.”



          Iniwasan ko na siya ng tingin. “Kung ganoon, wala na akong sikreto na may kinalaman pa sa mga tao sa loob.”



          “Kasinungalingan din iyan,” sabat naman ni Alexander.



          Sinamaan ko lang siya ng tingin pero nagtaas siya ulit ng kamay.



          “Trabaho lang. At ayokong ipaliwanag kung paano gumagana ang lie detector ko,” dagdag pa niya.



          Nagpakawala ng malalim na hininga si boss-pekeng Aulric. “Alam mo, madali lang naman sana ito kung sasabihin mo na ang bagay na iyan sa amin. At hindi ko sasabihin ang dahilan hangga't hindi ka nagtitiwala sa amin. Kaya kung ano ang natitirang sikreto na iyan, sabihin mo.”



          Nag-aaway ang loob ko sa mga sinasabi niya. Oo, meron. Pero bakit gusto niyang malaman? Hindi ito patas para lang magpalitan ng sikreto.



          “At ang nanalo ay si Felric,” masayang wika ni Derek sa labas.



          Rinig naman sa loob ang palakpakan nila. Pero kahit ano ang nangyayari sa labas, hindi pa rin ako nilulubayan ni boss-pekeng Aulric.



          “Asaan si ninong?” tanong ni Felric, siguro kay Derek.



          “Ninong? Sino?” Mukhang nagtanong si Derek kila Zafe. “Si Randolf? Ninong Randolf? Where na you? Hanap ka ni Felric.”



          “Bibigyan kita ng ultimatum,” wika ni boss-pekeng Aulric. “Meron ka lang hanggang sa katapusan ng kasiyahan. Kung malalaman ko iyang sikreto mo kahit hindi mo ito sabihin sa akin, hindi ko pa rin sasabihin ang dahilan kung gusto kong malaman ang sikreto mo. Hanggat hindi ka nagsasalita, hindi ko sasabihin ang dahilan. Bumalik na kayo sa kasiyahan.”



          “Ninong Randolf, I miss you na po,” tawag sa akin ni Felric.



          Dali-dali akong lumabas para makaalis sa lugar na iyun. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko gawin ang bagay na iyun. Isang sikreto para sa sikreto. Paano kung hindi ako interesado sa sikreto niya? Ano ang gagawin niya sa akin? Tatanggalin ba niya ako sa trabaho?



          Nang nakarating na ako sa labas, lahat ng mata ng tao ay napunta sa akin. Naabutan nila ako na may ngiti sa labi kahit na ang loob ko ay naguguluhan sa mga nangyayari kanina. Kahit saan ko man tingnan ang bagay na iyun, sumusobra na si boss-pekeng Aulric. Lumampas na siya sa linya ng dapat niyang pasukin sa aking buhay.



Jin's POV



          Sinundan ko lang ng tingin si Randolf habang pumupunta siya sa gitna para i-karga si Felric. Kanina habang naghahanda ang mga bata sa larong Trip to Jerusalem, kaagad na pumunta sa harapan si Zafe at may ibinulong kay Derek. Mula Trip to Jerusalem, napalitan ito ng Stop Dance. Hindi ko alam kung bakit napalitan ang laro saglit pero sa tingin ko ay may kinalaman iyun kay Felric. May usap-usapan kasi na may depekto daw ang anak ni Zafe. Pero kung ano ang depekto na iyun, hindi matukoy ng mga taong tsismoso. Mula sa kinatatayuan ko, mukha namang isang normal na bata ang anak ni Zafe. Pero ano ba ang problema sa kaniya? Ang depekto niya kaya ay dahil palagi niyang hinahanap si Randolf? Depekto ba iyun?



          “So, isa pa ba mga kids?” tanong ni Derek sa mga bata.



          “Opo,” sagot ng mga bata sa harap.



          “Okay. Dahil diyan, isang laro pa! Mga teenagers, mga dalaga't binata, maghanda kayo. Kayo naman ang susunod sa mga games namin. Okay, maglalaro naman tayo ng Trip to Jerusalem.”



          Inayos na naman nila ulit ang upuan. Si Felric naman na karga-karga ni Randolf ay ibinalik na sa kaniyang ama.



          Pabalik na ako ng tingin sa gitna nang napansin ko si pekeng Aulric kasabay ang tauhan ng bahay na naka-shades. Kagaya ng nakasanayan, napansin ko na naman ang mga bagay na hindi natural sa paligid. Naka-shades ang taong ito kahit wala namang araw?!



          Lumipas ang ilang minuto at bumalik ulit ang isip ko sa dapat na gawin. Gusto ko siyang makausap.



          “Excuse me,” paalam ko sa pamilya ko.



          Nang papalapit ako sa kaniya, bigla kong naalala ang nakaraan kung kailan kami unang nagkita.



          “Kung ano man iyang iniisip mo, Jin, gusto kong ibaon mo iyan kasama sa hukay mo,” banta niya sa akin.



          “Anong iniisip ko?” tanong ko at tumayo sa tabi niya kung saan pinapanood namin ang nangyayari sa kasiyahan.



          “Ang nakaraan,” sagot niya kahit hindi tumingin sa akin. “Halos ganito din ang nangyari noong una tayong nagkita. Naglalakad ka pabalik sa iyong kuponan, ako sa entablado. Ano ang ipinunta mo at lumapit ka sa akin?”



          Tumingin na ako sa mukha niya. “Gusto ko lang naman na makipagkamustahan sa iyo. Gusto kong malaman kung bakit kinukuha mo ang pangalan ng isa sa iyong mga idolo.”



          “Well, hulaan mo kung bakit,” ginulungan niya ako ng mata saka tumingin sa akin. "Gumawa ka pa ng survey at magtanong sa mga taong narito.”



          “Mukhang walang makakakuha kung bakit. Kahit ako. Tagahanga mo din ako, alam mo ba iyun? Sa tatlong na taong pakikipagkompetensya sa iyo, nandyan ka lang sa gilid ng isip ko. Kaya lang, ang idolo mo ay ang pinakanagniningning.”



          “At ngayon, napapansin mo na ako dahil ba sa pangalan ko, or dahil sa akin?”



          Nag-iwas lang ako ng tingin. Hindi ko masagot ang tanong niya lalo na't hindi din maganda kung sabihin ko na dahil doon sa dalawa. Napakahina ko. Gusto ko siyang hanapin noon pero, nagpasya ako na hayaan na ang kapalaran ang magpasya. Hindi ko naman akalain noon na magpapakita ulit siya na may malaking pagbabago. Siya na ang kaniyang idolo.



          Pinatunog ni pekeng Aulric ang kaniyang dila at umiling. “Kagaya pa rin ng dati. Walang nakakaalala sa akin. Kahit ang mga magulang ko. Siguro, ang mga club mates ko ay maaalala ako. Pero kahit ako, hindi ko sila maalala. Sa tingin ko, dapat lang iyun.”



          “Pero naaalala mo ako.”



          Humarap si pekeng Aulric sa akin at hinawakan ang aking necktie dahilan para maglapit ang aming mukha. “Ganoon talaga kapag may kailangan ka sa isang tao. Naaalala mo sila.”



          Natigil ako saglit sa ginawa niya. Kung ibababa pa niya ang hawak sa aking necktie, kaunti na lang at madadampian ko ang kaniyang labi. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Isa itong kasiyahan at may mga bata sa paligid. Pero bigla kong naalala ang sinabi niya. May kailangan siya sa akin.



          Binitawan na niya ang aking necktie at pinapagpag kunyari ang aking balikat. “Gusto kong malaman kung kumusta na ang inyong business. Ikaw ba ang dapat kong kausapin tungkol sa bagay na ito?”



          Lumunok muna ako. “Andito ang mga magulang ko. Bakit hindi mo sila kausapin? I'm sure, marami kang malalaman sa kanila.”



          “Kung ganoon, kausapin natin sila.”



Zafe's POV



          Natigil din ako nang nakita ko si pekeng Aurlic na akmang hahalikan si Jin. Nang mukhang inaayusan na nung pekeng Aulric ang tao, ibinalik ko ang tingin sa gitna. Mabuti na lang at hindi ako nakita ni Colette. Busy kasi siya sa pakikipag-usap doon sa mga ibang kaibigan niya na dumalo din sa party. Si Randolf naman ay kaagad na tinabunan ang mata ni Felric at ang bata naman ay tuwang-tuwa dahil akala niya ay may laro silang nilalaro ni Randolf.



          Nang nagkatinginan na kami ni Randolf, inalis na niya ang kamay sa mata ng bata at kinulit ito saglit. Nagpatuloy naman si Felric sa pagkain sa mesa.



          “Ano iyun?” tanong ko kay Randolf na baka may alam sa mga nangyayari.



          “Wala akong alam,” iling niya. “At kung magtatanong ako sa bagay na iyan, baka hindi niya sabihin sa akin.”



          “Bakit naman?”



          “Kanina kasi, nagtanong si boss-pekeng Aulric kung may sikreto pa ba daw akong tinatago. Hindi ako sumagot dahil sikreto ko iyun,” paliwanag niya.



          “Alam ko ba itong sikreto mo?”



          “Zafe, huwag mo naman sabihin na interesado ka din sa mga sikreto ko? At tsaka, wala naman mapapahamak kung hindi ko sasabihin.”



          “So ang sinasabi mo, may mapapahamak kung may nakakaalam ng sikreto mo?”



          “Sabihin na lang natin na meron. At, ayokong gumawa ng malaking issue dahil lang sa sikreto ko.”



          Napatingin lang ako sa anak ko na masayang kumakain habang kumakandong kay Randolf. “Ikaw ang ama ni Felric?” bulong ko.



          Binigyan lang ako ng tingin ni Randolf na hindi natutuwa sa sinasabi ko. Isa ito sa mga biro na sinasabi ko sa kaniya dahil nakakandong niya si Felric habang kung sa ibang tao naman ay magwawala ang anak ko.”



          “Tingin mo, magkaibigan pa tayo kung totoo iyan?” walang biro niyang tanong. “Nako! Marinig ka ng asawa mo, hahayaan kitang magpaliwanag at iiwan kita sa ere.”



          “Tara!” sigaw naman ni Felric na mukhang may hindi nakukuha ang aming pinag-uusapan.



          “Oh no, Felric. Kain lang,” sabi ni Randolf na inilapit ang spaghetti sa kaniya.



          Tumingin ulit ako sa likod. Ngayon naman, si pekeng Aulric ay kasama na ngayon ang pamilya Bourbon.



          Natapos naman ang laro ng mga bata. Sumunod naman na tinawag ang mga dalaga't binata. Maglalaro sila ngayon ng larong mas mahirap pa sa hephep, hurray! Ang laro ay Siomai, Siopao, Suman na may katumbas na hand sign.



          “Wala bang kahit clue diyan kung ano iyung sikreto mo?” subok ko na malaman ang sikreto ni Randolf.



          “Tingnan mo ang taong ito. Idinaan na sa Blues Clues. Ayoko ngang malaman ng iba dahil...” Itinaas ni Randolf ang kaniyang kamay saka nilagay sa gilid. Ang sinasabi niya ay malaki. Big deal.



          “Alam mo, handa akong makipagpalitan ng sikreto sa iyo. Kung sasabihin mo iyang sikreto mo, tutumbasan ko din iyan. Equivalent exchange.”



          Tinakpan ni Randolf ang tenga ni Felric. “Zafe, ang sikreto na maaaring itago mo sa akin ay may kinikita kang babae o lalake sa likuran ni Colette, or may naanakan ka na hindi si Colette. At wala iyun sa personalidad mo. Iyung mga sikretong iyun, pwede kong ipapalit iyun sa sikreto ko.”



          “Pero paano kung meron?” bulong ko.



          “Kung hindi mo nagawa iyun kay Aulric, hindi mo gagawin iyun kay Colette.” Tinanggal na niya ang kamay sa tenga ni Felric. “Hashtag loyal ka, alam mo ba iyun? Sino ang mahal ni daddy?” tanong niya kay Felric.



          “Si mommy at ako!” masayang sagot ni Felric. “At si ninong.”



          “At alam mo, kung masayang-masaya ang pamilya mo, isang senyales iyan na masaya kayong nagsasama. Walang sikreto sa isa't isa, at alam mo na. Healthy ang inyong relasyon. At isa pa, hayaan mo na ako sa mga sikreto ko. Hindi naman kasi lahat, masasabi ko sa iyo. Kahit matalik na kaibigan or boss kita. Makuntento ka naman na nasasabi ko sa iyo ang mga problema ko at, nasosolusyunan mo.”



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Naiintriga lang kasi ako. Siyempre, matagal na kitang kaibigan. Baka kasi may mga bagay pa akong hindi nalalaman tungkol sa iyo at gusto kong malaman iyun. Pero dahil kaibigan kita at ayokong masira ang relasyon natin, fine. Hindi kita kukulitin kung ano ang sikreto mo. Pero kung may problema ka, nandito lang ako.”



          “Thank you, Zafe. Salamat sa pag-respeto mo sa akin.”



          Matapos makipag-usap kay Randolf, iginala ko naman ang paningin ko para hanapin si Tito Henry na masayang nakaupo sa upuan niya habang pinapanood ang mga naglalaro. Sa tabi niya ay may isang bakanteng upuan.



          “Excuse me,” paalam ko naman kay Randolf.



          Dahan-dahan na lumapit ako kay Tito Henry hanggang sa nasa tabi na ako ng upuan na bakante.



          “Pwede po ba akong maupo?” paghingi ng permiso ko sa kaniya.



          Hindi sumagot si Tito Henry nang mga ilang segundo. Marahil ay nag-iisip ng pwedeng maibalik sa akin na masasakit na salita gaya nang, kinuha ko nga si Aulric mula sa kaniya at hindi niya ako pinigilan. Ang upuan pa kaya?



          “Please, maupo ka,” pagpayag niya.



          Umupo agad ako at nanood saglit sa nangyayaring palaro. Nasa finals na sila at malalaman na kung sino ang pinakamagaling sa Siomai, Siopao, Suman.



          “Tito Henry, alam kong matagal na ang nangyari,” panimula ko habang nakatingin sa kasiyahan. “Pero, hindi ko po kayo nakausap noon at mukhang iniiwasan niyo po ako. At hanggang ngayon, gusto kong hingin na patawarin niyo po sana ako sa nangyari. Ninakaw ko ang kinabukasan niya, ang buhay niya. Kung nagising lang ako noong mga panahon na iyun, gagawin ko ang lahat para masagip siya.”



          “I know you will,” tugon ni Tito Henry na nakatingin pa rin sa kasiyahan. “At, gusto ko din na mag-sorry sa iyo. Dahil nagalit ako kung bakit nakaligtas ka at siya, hindi. But you know, kaya ka buhay ngayon ay dahil sa kaniya.”



          Napatingin ako saglit sa kaniya tapos pabalik sa kasiyahan. “Po?”



          “You see, Aulric made a choice.” Tumingin din siya sa akin saglit na may mapait na ngiti tapos pabalik ulit sa kasiyahan. “Nagkwento sa akin ang nagligtas sa inyo. Nauna si Aulric na nagising matapos kayong mag-crash. At alam mo ba kung ano ang kaniyang sinabi sa nagligtas sa inyo?” Tumingin na sa akin si Tito Henry. “Ikaw muna ang iligtas dahil wala na siyang pag-asa makaligtas. Stuck siya sa loob, at ikaw hindi. Kaya iniligtas ka ng nagligtas sa inyo. Habang siya...”



          Nag-iwas ng tingin si Tito Henry at bumalik sa kasiyahan na may mapait na ngiti sa labi. Sa isip ko nakikita ko ang pagsabog na lumamon sa katawan niya. Natahimik lang ako sa rebelasyon na sinabi niya. Hanggang sa huli talaga, ako ang iniisip ni Aulric at hindi ang sarili niya.



Camilla's POV



          2 years ago...

          Araw na ng pagtatapos namin ngayon. Kung ang mga tao ay nasa kanilang kasiyahan, nagsasaya, ako, hindi. Kasalukuyang nakatayo ako ngayon sa puntod ng aking matalik na kaibigan, at ang kaniyang mahal sa buhay. Hindi ako makapagsaya dahil bigla kong naalala ang aking best friend. Kung buhay pa sana siya ngayon, parehas kaming nagsasaya dahil Graduation Day din niya sana ngayon.



          Ilang buwan ang nakalipas, napagpasyahan namin ni Knoll na i-announce na ang engagement namin. Siyempre, nakapasaya ko dahil sa tagal ng pinagsamahan namin, engagement patungong kasalan ang kulang sa amin.



          Pero isang gabi, sa isang restaurant kung saan kami gumagawi para mag-usap, nagbago ang lahat.



          “May bagay akong gustong malaman mo at...” Lumunok siya at tiningnan ako ng mabuti. “dahil ikakasal na tayo, gusto kong magiging totoo sa iyo.”



          Bigla akong kinabahan sa kaniyang mga sinasabi. “Ano iyun?”



          Hinawakan niya ang aking kamay at hinayaan ko iyun. “Natatandaan mo ba noong nakulong si Aulric?”



          Bumalik ako sa nakaraan para isipin iyun. “Yes, nakulong siya dahil sa maling akala.”



          Humugot ulit siya ng malalim na hininga habang hinahaplos ang aking kamay. “The thing is, humingi ako ng tulong sa isang bagay. At alam mo naman, si Aulric, diretso siya sumagot. Ipalaglag namin iyung bata.”



          Naguguluhan ako sa sinasabi niya. “I don't understand. Ano bang sinasabi mo?”



          “I want you to know that I was not entirely faithful to you. Nabuntis ko si Isabela noon.”



          Biglang bumalik na naman sa akin ang drama na nakapaligid kay Isabela. Tandang-tanda ko pa noon na buntis siya at malapit nang manganak nang nalaglag ang bata dahil naka-inom siya ng gamot pampalaglag at hindi niya iyun alam.



          Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at tumayo saka umalis sa restaurant na iyun.



          “Camilla, wait? I can explain this,” mangiyak-ngiyak na pakiusap sa akin ni Knoll at hinawakan niya ang aking pulsohan.



          Hinarap ko siya at malutong na sinampal sa pisngi. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin ang bagay na iyun.



          Habang tinitingnan siya na nakabuka ang bibig, bumalik ulit sa akin ang nangyari kay Isabela. Ang pagkalaglag sa bata, ang pagkakulong kay Aulric dahil siya ang itinuturo ng isang tao, ang pagka-abswelto niya sa nangyari, ang pagkalipat ng sisi kay Sharina. Paano kung si Knoll talaga ang may gawa ng bagay na iyun? Paano kung siya talaga ang nagpapatay?



          Kaagad kong itinanggal sa palasingsingan ang engagement ring na ibinigay niya sa akin at itinapon sa kaniyang mukha. Patuloy akong lumabas sa restaurant na iyun at lumuha ng lumuha. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

          “Camilla, pwede ba kitang maisayaw?” nakangiting tanong sa akin ni Inno na inilahad ang kaniyang palad sa akin.



          Tumingin ako sa gitna kung saan may mga ilang matatanda at kabataan ang sumasayaw sa mabagal na tugtog ng mga musikero.



          Kinuha ko ang kaniyang kamay tsaka dahan-dahan na pumunta sa gitna. Nang nasa gitna na kami ay sumabay kami sa musika. Napapansin ko si Inno na tumitingin siya sa ibaba, sa aming paa.



          “Okay lang iyan. Just lead me to the rhythm,” sabi ko sa kaniya habang isinasagawa namin ang basic step.



          Hindi na siya tumingin sa ibaba namin at isinayaw niya ako ng maayos. Hindi naman niya ako aksidenteng natatapakan kahit na unang beses pa lang niya ata ito na sumayaw.



          “Naalala ko tuloy iyung itinuturo sa P. E. namin,” nakangiting sabi niya.



          Hindi naman ako sumagot pero nginitian ko lang siya. Maya-maya ay ibinababa na talaga niya ang kaniyang tingin at lunok siya ng lunok. Mukhang kinakabahan siya sa kaniyang ginagawa.



          Habang pinagpapatuloy namin ang sayaw, nakita ko si Knoll si likod na kausap ang mga kaibigan ko. Habang kausap niya ang mga ito, napatingin siya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at nginitian lang si Inno. Mabuti naman at hindi napansin ni Inno kung saan ako nakatingin.



Sharina's POV



          Matapos akong sumayaw, may bagong kamay naman na yumaya sa akin na sumayaw. Nagulat ako matapos makita na ang nagyaya ay si pekeng Aulric.



          “Maaari ba kitang maisayaw?” tanong niya.



          Habang nakatingin sa kamay niya, hindi ko maiwasan na isipin kung iyung tunay na Aulric ang nagyaya. Baka tanggihan ko pa siya sabay palo sa kaniyang kamay. Pero ang taong ito, ibang Aulric ang nasa harapan ko, isang peke. Bakit hindi?



          Kinuha ko ang kamay niya na isang tahimik na oo. Pagkasayaw namin sa gitna ay hindi ko maiwasan na pansinin ang tingin ng aking pamilya. Pero bumalik din ito sa mga kausap nila.



          “Narinig ko ang nangyari sa iyo noon,” sabi ni pekeng Aulric.



          “At kailangan ba nating pag-usapan iyan habang tayo ay nagsasayaw? Baka sumama ang mood ko at sampalin kita bigla?” hamon ko.



          Bahagyang nginitian niya ako. “Iyan, ang ayaw kong mangyari. Hindi naman sampal ang gusto kong abutin sa iyo.”



          “Kung ganoon, ano?” malumanay na tanong ko. “Marahil ay Bourbon pa rin ang apelyido ko pero, wala akong halaga.”



          “Hindi ko nakikitang, walang halaga, ang isang tao,” sagot niya.



          Tiningnan ko ang mata niya habang sumasagot. “Wow. Ang sagot na iyan ay nanggagaling sa taong, may binabalak.”



          “Hindi ko maitatanggi na meron.”



          Nagulat ako nang nagbago ang galaw ng kamay niya at tumaas ito papunta sa ulo ko. Ang isa naman niyang kamay ay itinulak ako sa isang direksyon dahilan para malaman ang gusto niyang gawin ko. Umikot ako at pagkatapos ng isang ikot ay hinawakan ko siya sa balikat kung saan ko siya hinahawakan kapag nagsasayaw. Nagpatuloy naman kami sa ginagawa.



          “Alam ko ang ginawa ng taong pinagkuhaan ko ng pangalan. Sabihin na lang natin na nandoon ako habang nangyayari ang mga bagay-bagay. At maniwala ka kapag sinabi ko na, kabaligtaran sa gusto niya ang gusto kong mangyari.”



          Nagpakawala ako ng ngiti, saglit. “Kinamumuhian ko siya, oo. Pero ni minsan, hindi ko masasabing gusto niya ang nangyari sa paglilitis. Ang madiin ako sa nangyari. Kung tatanungin mo ako kung nasa panig ako ni Aulric noon, hindi ko masasabi. Pero naniniwala akong wala siyang kinalaman sa nangyari. Naniniwala akong biktima lang siya nang itinuro siya ni Dart Aguirre. Kasama ang kapatid ko nang pumunta sila sa bahay niya. Kaya huwag mo naman sabihin na gusto niya ang nangyari.”



          Isang pamilyar na galaw na naman ang gusto niyang gawin. Umikot ulit ako sa sayaw na ginagawa namin.



          “Ipagpaumanhin mo ang aking sinabi,” paghingi niya ng dispensa. “Pero sana ay hindi magbago ang ibig sabihin ng aking sinasabi. Gusto kitang tulungan na malinis ang iyung pangalan.”



          “At ano ang kapalit?”



          Bahagyang gumalaw ang kaniyang ulo. “W-Wala akong kapalit na hinihingi.”



          “Sinungaling. Hindi ako ipinanganak kahapon. Laging may kapalit ang mga bagay-bagay.”



          “Kung gusto mo ng sagot, gusto kong tumagal ang ating, pagkakaibigan.”



          “Walang halaga ang pakikipagkaibigan.”



          “Exactly,” ngiti niya ulit. “Hindi naman materyal na bagay ang gusto ko.”



          Tumingin ulit ako sa mata niya para malaman kung ano ba talaga ang totoong pakay niya. Sinasabi niya ang mga bagay na gusto kong marinig. Kaya lang, parang napakalayo sa katotohanan ang sinasabi niya.



          Sa kakasayaw, hindi ko namalayan na patapos na ang tinutugtog ng banda. Binitawan niya ang kamay ko at ibinaba ang kaniyang ulo abot hanggang sa kaniyang tiyan habang ang kanang kamay niya ay nakalahad sa kanan, na para bang isa akong prinsesa.



          “Bibigyan kita ng ilang araw para pag-isipan ang alok ko,” sabi niya matapos makita ko ang kaniyang mukha. “Hindi naman ako nagmamadali.”



          Tinalikuran na niya ako para makipag-usap naman sa pamilya Lee habang ako ay bumalik sa aking mesa.



Randolf's POV



          2 years ago...

          Nag-part time ako sa isang bar matapos malaman na kailangan nila ng tauhan para sa isang malaking event. Napakaraming mayayaman ang dumalo sa kasiyahan. Pero ni isa naman dito ay hindi ko kakilala.



          Sa pagse-serve ng inumin, naagaw ko naman ang ilang atensyon ng kalalakihan at kababaihan. Nagpakilala lang ako saglit saka dali-daling umalis at nagkunyaring may gagawin.



          Hindi ko alam kung ano ang meron pero baka dahil sa aking suot. Nakakatawa na nagkaka-interes sila sa akin. Siguro dahil sa dilim ng lugar na hindi nila makitang medyo maitim ako.



          Habang nagse-serve ako ng inumin, hindi ko maiwasan na makita ang isang pangyayari. May inilagay ang isang lalaki sa isang inumin at mula ito sa isang sachet. Bigla akong naalarma dahil hindi ko alam ang gagawin ko.



          Maya-maya ay may babae na dumating. Ibinigay niya ang kontaminadong inumin sa babae. Baka kung ano ang mangyari sa babae dahil sa ginawa nung lalaki.



          “Miss, huwag niyo pong inumin iyan. May inilagay siyang kung ano sa inumin niyo,” sabi ko na hindi man lang pinag-iisipan kung ano ang gagawin.



          Biglang tiningnan ako ng masama nung lalaki habang ang babae naman ay hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.



          “Are you sure?” tanong ng babae sa akin.



          “Nako, babe! Wala akong nilagay diyan. Inumin mo na para malaman mong wala,” sabi nung lalaki. “At ikaw, umalis ka na nga rito? Panira ka ng diskarte ehh.”



          Hinawakan naman nung babae ang baso.



          “Miss, nagsasabi ako ng totoo. Nakita kong may nilagay siya sa inumin mo. Baka kung ano ang mangyari sa iyo,” kinakabahang sabi ko. Paano kung hindi sila maniwala sa akin?



          “Babe, anong nilagay mo sa inumin ko?” matalim na tanong ng babae sa lalake.



          “Wala akong nilagay. Promise. Hope to die. Inumin mo na,” marahang pilit nung lalake na hinaplos-haplos ang bisig ng babae.



          “Sabihin mo bago pa ako tumawag ng pulis at ipapapulis kita,” banta nung babae.



          Sumama ang timpla ng mukha ng lalaki. ”Babe, trust me. Wala akong nilagay sa inumin mo. Drink it.”



          Sa saglit na katangahan, inagaw ko ang inumin at itinungga ko iyun.



          “Hey!” sigaw ng lalaki.



          Bigla na lang parang bula ang paligid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Meron nga talagang kung ano sa inumin na iyun. At ako iyung tanga na uminom ng bagay na iyun.



          Wala na akong halos maalala sa nangyari. Ang nakita ko lang ay sinampal ng babae ang lalake. Tapos nang akmang gaganti ang lalaki ay pinagtulungan naman siya nung mga lalaki sa bar. Iyung babae ay tinitingnan ang aking kalagayan. Pagkatapos, napunta ako sa isang kotse. Pagkatapos ay sa isang kwarto. Pagkatapos ay gumising ako na masakit ang aking ulo.



          Nang gumising ako, tiningnan ko ang sarili ko kung buo pa ba ako. Tumingin naman ako sa paligid para alamin kung nasaan ako. Hindi ako pamilyar sa lugar. Pero alam kong nakahubad ako. At may katabi ako sa kamang hinihigaan ko.



          Hindi ako makagalaw nang mga oras na iyun. Ano ang ginawa ko? Paano ako napunta dito? Bakit ako nakahubad? At sino ba itong nabuntis ko? Iyan ang mga tanong na nasa isip ko.



          Gumalaw naman ang katabi ko sa higaan habang dali-dali akong nagtago sa kumot. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nagpa-panic ako. Ano ang gagawin ko?



          “Hey! Nakita kong gising ka na,” sabi ng boses ng isang babae at niyugyog ako.



          Natatandaan ko ang boses ng babae. Ito iyung babae na iniligtas ko sa bar.



          Patuloy akong nagtago sa kumot. “Pasensya na. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Umm, kung nabuntis kita, hindi ako tatakbo. Aakuin ko ang responsibilidad. Basta sabihin mo lang sa akin ang pangalan at ang address mo at pupuntahan kita. Basta iwanan mo ako dito.”



          “Bakit naman kita iiwanan? You're my hero,” tugon ng babae. “Kung hindi mo ininom iyung inumin na iyun para sa akin, siguradong nabuntis na ako ng lalakeng iyun. Ang mga lalake talaga. Kapag hindi nakuha ang gusto, gagawa ng paraan para lang makuha ka nila.”



          “Excuse me, nandito pa ako,” pagpapaalala ko.



          “Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko.” Naramdaman kong gumalaw ang higaan. “At kung mabubuntis mo ako, I don't mind. At least, nabuntis ako ng isang bayaning katulad mo.”



          “Pasensya na. Pero wala pa sa isip ko ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. Mahal mabuhay ngayon. Gusto kong nakakakain ng maayos ang anak ko.”



          “Hindi problema iyan. Mayaman ako. Kaya kong pakainin kahit ang susunod na henerasyon mo.”



          Okay, mas malala ito. Nakabuntis ako ng isang mayaman.



          Naramdaman ko na lang na gumalaw ulit ang kumot ko at mukhang hinahawakan niya ang bisig ko.



          “Medyo maitim ka nga lang pero may masel. Kargador ka ba? Hayaan mo, hindi ka na magtatrabaho ngayon dahil pakakasalan mo ako. Teka, isang round pa tayo. Sinuotan kita ng condom kaya hindi mo ako mabubuntis.”



          Bigla akong bumangon. “Good. Then huwag na tayong magkita ulit.”



          Natigil lang ako nang nakita ang babaeng kasiping ko. Hindi ako nagkakamali. Siya si Isabela Dominguez. Ang anak ng Gobernador namin.



          Ngumiti naman si Isabela nang nakita ako. “Teka, I know you. Naaalala kita. You are Randolf.”



          Kaagad akong umalis sa kama at hinanap ang aking mga damit na nakakalat sa sahig. “Nice to meet you. Please, huwag mo na akong hanapin kung saan ako nakatira.”



          “Oh! I know kung saan ka nakatira. Kagaya ng alam ko kung saan nakatira si Aulric. Gusto mong puntahan kita sa inyo?”



          Nakita ko na ang karamihan sa aking mga panamit. “Kung alam mo ang makakabuti sa akin, hindi ka pupunta doon. Tsaka, napakaraming bastos na lalaki sa lugar namin. Paano kung pagsamantalahan ka nila?”



          “That is so easy. Pupuntahan mo ako at sasagipin mo ako kagaya ng ginawa mo kagabi,” ngiti niya na hindi ako pinigilan sa aking ginagawa.



          “At kung hindi kita masagip? Paano kung nasa trabaho ako? Mukha ba akong si Superman sa iyo?”



          Ipinulupot na naman niya ang kamay sa bisig ko. “Then don't go.”



          Muli, hinalikan na naman niya ang labi ko pero sumagot ako. Kaya lang, hindi pa rin maiwasan ng isip ko ang pagkaka-iba naming dalawa. Kahit gustong-gusto ko, hindi ako handa. At ayoko.



          Dahan-dahan na humiwalay ako sa kaniya. “Pasensya na. Ayoko talaga. Gusto ko pero hindi sa iyo. Pisikal na atraksyon lang ang nararamdaman ko sa iyo, pero hindi kita nararamdaman.”



          Pagkakuha ko ng mga dapat kong dalhin, lumabas ako sa building na iyun.

          Matapos ang programa sa party, patuloy naman na nagsasaya ang mga tao. Umuwi na ang mga kakilala ko maliban lang kay Inno. Tinutulungan ko naman ang mga katulong sa mga gawain nila. Hindi ko naman maiwasan na pansinin ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin. Kahit saan ako pumunta, kahit ano ang aking gawin, nakasunod ang isang pares ng mata na ito sa akin.



          Nang nakarating na ako sa banyo, nagulat ako nang nagpakita sa tabi ko ang taong ito matapos akong maghilamos. Kaagad akong isiniil ng halik ng taong ito. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang batok ko para hindi ako makawala. Naalarma naman ako nang narinig kong may nagbukas ng pintuan. Kaagad kong pinapasok ang taong ito sa cubicle para hindi kami mahuli.



          Pinakiramdaman ko ang labas kung sino ang pumasok. Pero natigil iyun nang humalik ulit ang taong ito sa akin. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa hanggang sa nararamdaman kong wala na iyung tao na pumasok. Humiwalay lang ako sa taong ito para pagsabihan.



          “Isabela, anong ginagawa mo?” tanong ko.



          Inilagay niya sa batok ko ang mga kamay niya. “Hinahalikan kita para maalala mo ako.”



          “Oo, naaalala kita. Pero kailangan ba na sundan mo ako sa CR at makipaghalikan sa akin?”



          “Para nga maalala mo ako.” Lumapit siya sa aking tenga. “Para maalala mo ang init na naramdaman mo nang nagsiping tayo sa isang hotel.”



          Kaagad lang ako kumawala sa kaniya nang sinubukan pa niya akong halikan. “At ayoko, Isabela. Mahal ko ang buhay ko at ayokong mapatay ng Papa mo.”



          Nakuha na naman ng mga kamay niya ang batok ko. “Iniisip mo ba ang Papa ko habang pinapaligaya mo ako? Randolf, huwag mo siyang isipin. Ang isipin mo, ikaw, ako, at tayo. Pwede kong ibigay sa iyo ang lahat ng pagmamanahan ko. Kapalit noon ay ibibigay mo ang sarili mo sa akin. Iyun lang. Hindi ba napakadali lang ng gusto ko, Randolf? Kahit hindi ka na magtrabaho sa pekeng Aulric na iyun, magiging maginhawa ang buhay mo. At magiging maligaya tayo. Ayaw mo ba?”



          “Pero hindi kita mahal.”



          “Okay lang.” Bumulong na naman siya sa tenga ko. “Matututunan mo din akong mahalin,” sabay dahan-dahan na kinagat ang tenga ko.



          Kumawala ulit ako sa kaniya dahil hindi ko gusto ang mga nangyayari. Lumabas na ako ng cubicle para mawala ang temptasyon. Pero nang lumabas na ako, saktong-sakto naman na pumasok si Alexander. Nanlaki lang ang mata ko at pipigilan pa sana si Isabela na lumabas, pero huli na ang lahat. Lumabas siya sa cubicle na pinasukan namin diretso sa labas ng CR.



          Hindi ko alam kung ano ang tingin na ibinigay sa akin ni Alexander pero itinuro niya ang gilid ng kaniyang batok. Sa malaking salamin, wala akong nakita sa gilid ng batok ko. Tumingin ako sa kabila at nakita ang bakas ng lipstick na ginamit ni Isabela.



          “Wala kang pagsasabihan nito kung hindi tapos na ang pagkakaibigan natin,” turo ko sa kaniya.



          Itinaas ulit niya ang kaniyang mga kamay. “Okay. Hindi ko sasabihin sa boss natin na ang sikreto mo ay nakipag-sex ka doon sa anak ng Gobernador ng lugar na ito.”



          Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin pero nawalan na ako ng paki. Sabihin na niya ang sikreto ko kay boss-pekeng Aulric, hindi na kami magkaibigan.



          “Look, tulungan na nga kita diyan,” sabi ni Alexander.



          Kumuha ng pamunas si Alexander mula sa bulsa niya at binasa ito. Tumayo naman siya sa tabi ko at tinulungan akong alisin ang bakas ng lipstick sa gilid ng batok ko.



          “Napakalaki nga ng sikreto mo. Imagine, pwede kong ibigay sa iyo ang lahat ng pagmamanahan ko. Kapalit noon ay ibibigay mo ang sarili mo sa akin. Iyun lang. Hindi ba napakadali lang ng gusto ko, Randolf? Kahit hindi ka na magtrabaho sa pekeng Aulric na iyun, magiging maginhawa ang buhay mo. At magiging maligaya tayo. Ayaw mo ba?” habang ginagaya niya ang boses ni Isabela. Pinapakita niya sa akin na narinig niya lahat. “Bakit hindi ka pumayag?”



          “Umm, hindi ako katulad ng ibang tao diyan na makakita lang ng ginto ay magkakandarapa na kunin ang gintong iyun para yumaman. Tsaka para kasing networking ang linyahan ni Isabela.” Nag-isip ako saglit para maghanap ng isang salita. “Ano nga ang tawag nila sa bagay na ganoon? Scam?”



          “Ikaw nga talaga iyan. Naalala ko nga nang naglalaro tayo ng Dungeons And Dragons, lagi mong pinagsususpetyahan ang makikitang ginto sa daan.”



          “At tama naman ako, hindi ba? Nalaman natin na may sumpa ang ginto na iyun kaya pina-exorcise ba iyun? At nakakuha tayo ng mas maraming ginto bilang premyo.”



          Natapos na din si Alexander. “Pero hindi ito laro, Randolf. Totoong buhay na ito,” paalala niya saka pinaharap ako para ayusin pa ang aking damit.



          “Kahit nasa putik na ako, hindi ako bibigay sa kaniya.”



          “Kaya sasabihin mo ang bagay na ito kay boss Aulric at mabibigyan ka ng gantimpala.”



          “Nice try Alexander, pero ayoko. At huwag mong sasabihin ang bagay na ito sa kaniya.”



          Nanghuhula ako pero inikutan niya ako ng paningin. “Oo, nangangako ako. Wala akong sasabihin sa kaniya. Pero binibigyan kita ng payo. Kahit hindi ka magsabi, hindi ka naman tatanggalin ni boss. Pero may mga bagay lang talaga na hindi mo na malalaman mula ngayon.”



          “At ano ang sikreto na iyan?”



          Nagtaas siya ng kamay. “Nice try din. Pero kung ano ang sikreto niya, siya ang magsasabi sa iyo. Kung ano ang sikreto mo, ikaw ang magsabi sa kaniya. Talikod ka nga.”



          Pinatalikod niya ako pero kalaunan naman ay pinaharap niya ako sa salamin. Kumuha siya ng suklay mula sa bulsa niya at inayusan ako.



          “Ayan. Mukha ka ng hindi ginahasa,” natutuwang sabi ni Alexander.



          “Sinong ginahasa?” tanong ng boses ni boss-pekeng Aulric. Kitang-kita ko sa salamin na galing siya sa entrada ng CR.



          Naramdaman ko naman na pinulupot ni Alexander ang kamay niya sa gitna ko at mukhang inamoy niya ang leeg ko. “Ako boss. Ginahasa ko siya para sabihin niya sa akin ang sikreto niya,” sabi niya matapos huminga.



          “At hindi siya bumigay, I presume.”



          Humiwalay naman si Alexander sa akin at humarap kay boss-pekeng Aulric. “Wala. Matibay.”



          “Hay, nako! Huwag mo na siyang pilitin. Balik na kayo doon sa kasiyahan,” utos nito sa amin.



          “Yes boss,” sabay naming sabi ni Alexander.



          Paalis pa sana ako nang nadaanan ko si boss-pekeng Aulric at pinigilan niya akong lumabas. “Randolf, bumalik ka nga rito.”



          Bumalik naman ako sa tabi ni Alexander. Wala man lang paalam na inamoy ni boss-pekeng Aulric ang leeg ko. Nagulat ako saglit.



          “Bumalik ka na doon, Randolf.” Binitawan na niya ang aking kamay at nagpatuloy na ako sa paglalakad.



          Bago tuluyang umalis ay nakita ko si boss-pekeng Aulric na inamoy naman ang leeg ni Alexander. Anong meron doon?



Alexander's POV



          Nang nakaalis na si Randolf at pagkatapos amuyin ni Aulric ang leeg ko, tumayo lang siya ng tuwid. Ang ulo niya ay bahagyang nakatingin sa direksyon ng pinto.



          “Bihira na lang talaga ako makakita ng taong hindi sobrang conscious sa kaniyang sekswalidad. Lalong-lalo na sa lalaki,” seryosong sabi niya tapos ay humarap sa akin. “Katulad kanina. Niyakap mo siya sa likuran at huminga pa sa kaniyang leeg. Kung ako iyun, sasabihin kong nandidiri ako at sisikuhin kita.”



          “Baka wala lang siyang kiliti sa leeg,” tugon ko. “Alam mo naman, kapag na-trigger ang isa sa mga sensitibong parte ng katawan mo, may dalawang posibleng mangyari. Una, matatawa ka at makikiliti. Pangalawa, titigasan ka.”



          “Hindi naman iyun ganoon. Lalaki si Randolf. Lalaki ka din. Karamihan ng mga lalaki sa Pilipinas, yakapin mo lang mula sa likod, tapos dagdagan mo pa ng pag-amoy sa leeg, siguradong siko ang aabutin mo. Pero iyung wala man lang reaksyon sa ginawa mo kanina, hindi kaya baog si Randolf? Or wala siyang ari?” Pinukpok ni Aulric ang palad niya sa kaniyang palad. “Iyun kaya ang sikreto niya? Impotent siya? Kung totoo iyun, kahit ako ay mahihiyang sabihin ang sikreto na iyun.”



          Pinakiramdaman ko lang ang sinasabi ni Aulric. Hindi siya seryoso sa sinasabi. Siguro, alam na niya kung bakit niyakap ko si Randolf kanina at inamoy pa ang kaniyang leeg. Ang totoo kasi niyan, habang pinupunasan ko ang leeg ni Randolf na may lipstick, may naamoy akong pabango, mula ito siguro sa pabango ni Isabela. Siyempre, ako, bilang isang mabuting kaibigan, nag-isip, at nag-isip na parang si Aulric. Kapag lumapit ako kay Randolf at may naamoy akong kakaiba, ano ang gagawin ko? Siyempre, marami akong naisip na mga posibleng gagawin niya. Pero iisa lang ang konteksto ng mga gagawin ni Aulric. Ang mag-imbestiga. At sa pag-i-imbestiga na iyun, malalaman at malalaman din niya ang sikreto ni Randolf kahit na wala siyang alam. Manghuhula siya, pwede. Mag-bluff siya, pwede. Pero malalaman niya na may namamagitan sa dalawa.



          Bilang kaibigan ni Randolf, ayoko naman ipahamak siya. Kung ano man ang dahilan at ginagawa ito ni Aulric sa kaniya, hindi ko din alam. Mukhang sasabihin din niya sa akin dahil, baka mahalaga ako sa plano niya? Ang totoo, hindi ko din alam. Pero gagawin ko ang lahat para maitago ang sikreto ni Randolf na walang masasakripisyong bagay sa pagitan namin. Kahit hindi niya sabihin kay Aulric ang sikreto niya, sigurado akong hindi niya ito tatanggalin sa trabaho, dahil kailangan din siya ni Aulric? Muli, hindi din ako sigurado.



          Kaya para maitago ang sikreto ni Randolf, niyakap ko siya mula sa likod, at ilipat sa kaniya kahit papaano ang pabango na ginagamit ko. Sigurado akong alam ni Aulric na hindi nagpapabango si Randolf dahil hindi masyadong gumagamit ng pabango ang tao mismo. Kaya kung maaamoy siya ni Aulric na may pabangong hindi pa niya naaamoy mula sa kaniya, siguradong maghihinala talaga siya at mag-iimbestiga. At iyun nga, kalaunan, malalaman niya ang tungkol kay Randolf at Isabela. Pero nakita niya ako sa ginawa ko kanina. At ngayon, naghihinala siya kung tama ba ang iniisip niya na tinutulungan ko si Randolf sa sikreto niya? Ano ang gagawin ko?



          “Siguro, subukan ko siyang yakapin mula sa harap kapag parehas kaming nakahubad. Baka mag-react na siya sa ganoon,” pag-iiba ko sa usapan.



          Napatingin na lang si Aulric sa cubicle tsaka lumakad papasok rito. “May kaibahan kaya kapag nakadamit ang tao at hindi?”



          Hindi na ako nag-antay sa sasabihin pa niya. Lumabas ako ng cubicle at nagpatuloy sa pinapagawa.



Colette's POV



          “Hi Kristel,” bati ko dito nang nakasabay ko siya habang namimili ng pagkain.



          “Hello,” ngiti niya saka kumaway. “Enjoying the party?” Bumalik naman siya sa pamimili ng pagkain. Bakit nga ba siya namimili ng pagkain?



          “Dapat ako ang magtanong sa iyo niyan. Bakit nga pala ang tagal mong mamili ng pagkain?”



          “Well, I am watching out for my carbs,” sagot niya sabay tapon ng ngiti sa akin tapos bumalik ang tingin sa pagkain. “To maintain my beauty, I should watch on what food I eat. Could you give me some of that?” turo niya sa afritada na nasa harapan ng utusan ng bahay. “And while you pour the sauce, when I say stop, stop ha?”



          Sumunod naman ang utusan sa ipinagawa niya. Nagsabi talaga siya ng stop para mahinto ang pagsasalin nung sauce ng pagkain. Dedicated talaga siya para sa figure niya.



          “Ako din, isang serving,” sabi ko din sa utusan.



          “You are not watching on your carbs?” tanong ni Kristel.



          Umiling ako. “Hindi naman ako tumataba. Tumataba lang ako kapag buntis. Gusto mong sabay na tayo kumain? Chika naman tayo.”



          “Sure.”



          May isang table na bakante na at doon kami pumwesto. Nagsisimula na magsialisan ang mga tao pero hindi naman ganoon kabilis. Sa mga naririnig ko, may mga trabaho or meetings ang ibang bisita ni Tito Henry. Kami naman ay nandito pa rin para makipag-usap sa mga kaibigan. This is a rare occasion na makakausap mo ang isang tao, face to face.



          “By the way, may narinig akong chika. Chika na nangyari sa birthday party mo,” wika ko nang umupo na ako sa upuan.



          “Ano ang narinig mo?” balik-tanong niya nang nakaupo. Nagsimula naman siyang kumain at kumuha lang ng isang kapirasong kanin sabay sawsaw doon sa sauce.



          Masamang tiningnan ko iyung pekeng Aulric na nakikipag-usap sa pamilya Bourbon. “Narinig kong may ginawa siyang masama sa party mo.”



          Tumango-tango si Kristel. “Yeah. Meron nga. Pero that's in the past. Magkaibigan na kami ngayon kaya, iyung nakaraang ako na lang ang magalit sa kaniya.”



          “Kahit na napakasama talaga ng ginawa niya? I mean, punitin ang bibilhin mo sanang damit para sa birthday party mo.”



          “Like I said, friends na kami ngayon. But if he pull the same stunt on me sa birthday party ko, I will never forgive him.”



          Bigla akong nag-alangan na kainin ang pagkain na hinanda nila. Baka may gayuma sa pagkain o ano na nakakalimutan ang mga ginawa niyang masama noon. Teka, wala pa namang ginagawa sa aking masama si pekeng Aulric noon.



          Habang kumakain, hindi namin namalayan na umupo sa mesa namin si pekeng Aulric, na may dalang pagkain.



          “Hi ladies,” bati niya sa amin. “Enjoying the party?”



          “Yeah. I enjoy the party,” malungkot na sagot ni Kristel. “I hope na sa susunod na party ay may ka-date na ako.”



          “Iba ang sinasabi ng boses mo, Kristel. Bakit hindi mo pala inimbita si Jert?”



          Masamang tumingin si Kristel sa kaniya. “Hindi ka nakakatawa. Alam mo ba kung saan niya ako pinagpalit kaya hindi siya nakapunta ngayon? Ipinagpalit niya ako sa isang lalaki na nakilala niya sa isang gay dating app. Sabi niya, marami pa naman siyang mapupuntahan na party sa buong buhay niya. Pero ang one night stand sa isang machong-macho at gwapong lalaki, isang gabi lang.”



          “Palitan mo na iyan,” gatong ko.



          Umiling si Kristel. “Wala na akong magagawa. Forever na siyang best friend ko. Tsaka baka dahil malapit na mag-trenta kaya naghahanap na ng matinong boyfriend. Or naghahanap nga ba? I swear, lahat ng gwapong lalaki na makita niya ay gusto nun tikman.”



          “I think, everything is just the same,” komento ni pekeng Aulric. “Lalaking ganito, lalaking ganyan, babaeng ganito, babaeng ganyan, although I am a virgin myself so I can't say with certainty.”



          “Actually, totoo iyang sinasabi mo,” sabi ko para masuportahan ang sinasabi niya. “Before naging kami ni Zafe, may mga naka-sex na akong lalaki. Not just one guy. At, tama iyang sinasabi mo Aulric. They are just the same. Kaya lang, kay Zafe, iba. Siguro dahil nararamdaman ko na mahal na mahal niya ako habang ginagawa niya ito and I feel the same to him.”



          Nanlaki naman ang mata ni Aulric habang nginunguya ang kaniyang kinakain. Si Kristel naman ay patuloy na kumakain habang nakikinig.



          “What's wrong?” tanong ko kay pekeng Aulric.



          Mabilis na umiling si pekeng Aulric at sumubo ng isang patatas ata. “Wala. I was just, surprised. I mean, saying that you have other people before Zafe, is just too much for me. And you are sharing it with us.”



          “Aulric, that is totally normal,” wika ni Kristel. “Sinabi mo naman na virgin ka kaya...” Hindi na niya pinagpatuloy ang sinasabi at sumubo ulit ng pagkain.



          “I mean, that was in my category of what you call it, over sharing. Considering that this is our first meeting in this party.” Nararamdaman ko na hindi siya ganoon ka-komportable sa mga sinasabi namin.



          “Sinasabi mo na virgin ka is over sharing.”



          “And telling your past sexual experience sa mga taong ngayon mo lang nakilala is just normal,” sabi ko naman. “Unless you are offended to it or something?” Sumubo ako sa aking kinakain.



          Nagpakawala naman ng malalim na hininga si pekeng Aulric. “I see. I understand.”



          Maya-maya ay pinatunog ni pekeng Aulric ang kanang kamay niya ng dalawang beses at lumapit naman si Randolf, na may dalang inumin na juice. Kaagad naman na pinuno ni Randolf ang baso na nasa tabi ni pekeng Aulric.



          “Juice po?” tanong ni Randolf sa amin.



          “Please, pati na rin sa katabi ko,” sabi naman ni Kristel.



          Sumunod naman si Randolf sa sinasabi ni Kristel at umalis agad para pagsilbihan naman ang iba pang guest na nag-uusap.



          “Can I have a request?” tanong sa amin ni pekeng Aulric matapos inumin ang isang baso na juice.



          “Shoot,” sabi kaagad ni Kristel.



          Tumikhim saglit si pekeng Aulric. “Kung okay sa inyong dalawa?”



          “Pati ako?” Hinawakan ko ang baso na may lamang juice at inilagay ko ito malapit sa aking bibig. “Kung kaya ko?” Uminom ako ng konti saka ibinalik ito sa mesa.



          “Gusto ko sanang amuyin ang pabango na ginagamit ninyo. At kung nagustuhan ko ang pabango, saka niyo sabihin sa akin kung ano iyun.”



          “Sure. Walang problema sa akin,” sagot ko.



          Tumayo si pekeng Aulric at lumapit sa pwesto ko. Ipinakita ko sa kaniya ang leeg na nilagyan ko ng pabango at ipina-amoy sa kaniya. Sa isang mesa naman, nakikita si Zafe, na kandong si Felric, at ang mga kaibigan niya na nag-uusap. Napadako naman ang isang kasamahan nila sa amin. Mukhang pinag-uusapan kami sa nangyayari sa mesa namin.



          “Bakit gusto mong amuyin pala ang perfume namin?” tanong ko matapos umalis si Aulric sa likod ko at lumipat naman kay Kristel.



          Mukhang hindi niya nagustuhan ang pabango ko dahil hindi siya nagtanong. Tiningnan ko naman siya ng mabuti habang inaamoy si Kristel. Nakapikit ang mga mata niya habang inilapit ang ilong sa leeg na pinapakita ni Kristel. Pagkatapos niyang amuyin ay tumayo siya ng tuwid at mukhang ninanamnam pa niya ang amoy ng pabango sa utak niya.



          “I like that one personally pero huwag mong sasabihin kung ano iyan,” pigil ni pekeng Aulric nang akmang sasabihin kaagad ni Kristel ang pabango na ginagamit niya. “It's just, hindi siya bagay sa taong pagbibigyan ko.”



          Hindi ko na hinintay na sagutin pa ni pekeng Aulric ang tanong ko sapagkat sinagot naman na niya ito. Bumalik siya sa kaniyang upuan at umupo ulit. Awtomatiko naman na napadako ang mata ko kay Zafe. Hindi siya masyadong gumagamit ng pabango.



          “Sino naman iyan?” nai-intrigang tanong ni Kristel.



          Bumalik kaagad ang tingin ko sa mesa namin habang sumusubo ulit ng pagkain. Mukhang interesante ito.



          “For a friend. Hindi kasi siya nagpapabango masyado,” sabi ni pekeng Aulric na itinaas ang kanang kamay at ipinagalaw ang hinlalaki mula sa gitnang daliri papunta sa hintuturo.



          Hindi ko kaagad nakuha ang ibig niyang sabihin pero nakita ko si Randolf sa kalayuan na nakatingin sa kaniya, hindi niya alam kung lalapit ba o ano. Saka ko naman naalala ang paraan ng pagtawag niya sa tao. Mukhang si Randolf ang kaniyang pagbibigyan.



          “Mukhang close kayo ni Randolf kahit hindi ikaw iyung, tunay na Aulric,” direktang sabi ni Kristel.



          “I wonder about that. Actually, hindi naman sila close nung orihinal na Aulric. Randolf explained it to me nang nalaman ko na related sila, somehow nung tunay na Aulric."



          Bigla naman akong may naalala. “You know, I'm curious about something,” panimula ko nang tumingin ulit kay pekeng Aulric. “Narinig kong tinulungan ng asawa ko si Randolf na maipasok siya sa isang agency. How did he ended up in your employment?”



          “Sa isang agency,” sagot niya. “Tumawag lang ako at ibinigay sa akin ng agency ang mga tao. And probably, it was Randolf's turn and he ended up on me.”



          “Hi guys!” bati ni Isabela na umupo din sa upuan na may dalang pagkain. “Sali naman ako sa pinag-uusapan ninyo.”



          “Sure,” pagpayag na ni pekeng Aulric. “pero paamoy muna nung perfume na ginagamit mo.”



          “Para saan naman?” tanong ni Isabela na ipinakita din kay pekeng Aulric ang kaniyang leeg na nilagyan niya ng pabango.



          “Para kay Randolf,” sagot ni Kristel.



          Nagliwanag naman ang mukha ni pekeng Aulric nang naamoy na niya ang pabango ni Isabela. “I like this one. Smells familiar though. What perfume is this?”



          Napaisip naman si Isabela at natulala saglit. “Luster.” Nagpatuloy naman si Isabela sa kinakain.



          “Nadine Lustre? No wonder na familiar sa akin ang amoy.”



          “Have you met her?” tanong ko.



          “Yeah. Isa siya sa mga nag-audition sa pino-produce kong movie. I turned her down though dahil hindi siya swak sa hinahanap kong leading lady sa pelikula. Considering na si Joseph at si Chris ng PULSAR ang makakatambal niya, feel ko ay walang chemistry iyung tatlo. Kung siguro gagawa ako ng pelikula at siya ang leading lady, I'd rather choose his real life boyfriend, James Reid para sa leading man.”



          “Pwede bang humingi ng ticket diyan para sa upcoming movie na iyan?” halos pabulong na pakiusap ni Isabela kay pekeng Aulric.



          Nagulat ako sa itinanong niya. “Isabela?” Walang hiya ito. Pwede naman siyang bumili ng isang sinehan at mapapanood niya ang pelikula.



          “Sure,” pagpayag ni pekeng Aulric.



          Itinaas ni pekeng Aulric ang mga kamay niya sa kaliwang direksyon at ipinalakpak ang kalahating kamay ng apat na beses. Isang malaking lalaki naman ang lumapit sa kaniya na may hawak ding inumin na nakakalasing. Bakit may suot siyang shades sa gabi?



          “Kayo Kristel, Colette? Ayaw niyo ba ng libreng ticket?” tanong ni pekeng Aulric sa amin.



          “Nakakahiya naman. Kaya ko namang bumili ng isang sinehan para mapanood ang pelikula na iyan,” nasabi ko na lang.



          “Aantayin ko na lang iyung pirated version,” sagot ni Kristel.



          Napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakakagulat kaya niyang magsalita ng ganoon sa harapan ni pekeng Aulric, na producer ng pelikula.



          Natawa na lang si pekeng Aulric. “You're so funny, Kristel. Alexander, kumuha ka ng isang ticket para kay Isabela.”



          Tumango ang lalaki at lumakad na papasok ng mansyon. Halos mapasigaw naman si Isabela sa tuwa dahil sa narinig.



          “Thank you,” taos-pusong sabi ni Isabela.



Zafe's POV



          Sa mesa ko kung saan nag-uusap ang mga kaibigan ko, hindi ko maisawan na mapatingin sa mesa nila Colette.



          “Randolf, inaantok na ito si Felric. Pwede mo ba siyang patulugin?” pakiusap ko.



          Binigay ko lang ang inaantok na si Felric kay Randolf. Hindi naman ito nagwala matapos mapahiwalay sa akin at sinimulan na nitong matulog sa balikat ni Randolf. Maya-maya ay narinig ko namang tumawa si pekeng Aulric at napatingin na naman ako sa mesa.



          “Okay ka lang?” tanong ni Jin na uminom sa kaniyang baso. Tiningnan lang niya ito habang kinakausap ako. “Kanina ka pa tingin ng tingin sa likod ko.”



          “Tumingin ka kasi sa likod mo para malaman kung bakit,” sabi ko.



          Sumilip naman siya sa likod. “Bakit? Anong meron?”



          “Iyan ang gusto kong malaman. Kanina, inaamoy niya ang balikat ng asawa ko. Tapos si Kristel, si Isabela, anong meron?” kunot-noong tanong ko.



          “Baka naman nag-aamuyan ng pabango?” hindi siguradong singit ni Isaac kahit na may kinikwento si Andrew sa kanila. “Si Sharina at Camilla, ginagawa iyun.”



          “Pero lalaki si pekeng Aulric.”



          “Hindi din valid na rason iyan,” sagot naman ni Jin. “Baka naman flexible lang talaga si, pekeng Aulric. Alam mo iyun. Malay mo, interesado din siya sa pabango na ginagamit nila Colette.”



          Napangiwi na lang ako. “'di bale na. Wala naman akong interes sa pabango.”



          Nakinig ulit ako sa kinikwento ni Andrew. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mapatingin sa mesa nila Colette. Maya-maya ay lumapit iyung malaking lalaki at may binigay si pekeng Aulric kay Isabela. Tuwang-tuwa naman ito na sumigaw at ipinakita pa sa mga kaibigan niya sa mesa ang nakuha niya.



          “Tumigil ka nga,” rinig kong saway ni Colette na natatawa pa sa nangyayari.



          “Sigurado ka bang hindi si, pekeng Aulric ang tinitingnan mo?” pabulong na tanong ni Jin nang akmang iinom na naman siya sa kaniyang baso.



          “Hindi ahh,” pabulong na tanggi ko.



          “Well, tumigil ka,” bulong pa ni Jin na nakatingin kay Andrew. “Nasa gilid lang kita ng paningin at nahahawa ako sa, pag-aalala mo. Enjoy the party.”



          Tumawa naman bigla ang mga kaibigan ko sa mesa, kasama na si Isaac na nasa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sigurado ako na may punchline doon sa sinasabi ni Andrew na hindi ko napakinggan.



          Tumingin naman ako sa banda na mukhang magpapalit na naman sila ng kanta. Tumayo na ako sa mesa at lumapit dito para malaman kung pwede ba nila patugtugin ang kanta na gusto ko. Nang tumango sila, umalis na ako at pumunta na kay Colette. Hindi na muna nila patutugtugin ang kanta na ni-request ko dahil magpapahinga sila ng mga isang minuto.



          “Hey,” bati sa akin ni Colette nang nakita ako.



          Tumingin naman sa akin ang tatlo. Napansin ko naman si Isabela na may ibinulong kay pekeng Aulric at kapwa sila pasikretong tumawa.



          Inuluhod ko naman ang isa kong paa at inilahad ko ang aking mga kamay. “Sayaw tayo,” diretsong sabi ko dahil sa hindi ako komportable sa sinasabi ko. Ewan ko kung bakit.



          Iniayos naman ni Colette ang kaniyang kutsara at tinidor saka nagpunas ng labi. “Sure,” masayang sagot niya at kinuha ang aking kamay. “Magsasayaw lang kami ng asawa ko,” dagdag pa niya sa mga kausap niya.



          Tumayo ako at pumunta kami sa gitna. Nang nasa gitna kami ay saktong-sakto naman na nakita ko si Jin na ginaya ang ginawa ko, pero kay pekeng Aulric siya nakaluhod. Nguniti naman si pekeng Aulric at tinanggap ang kamay niya. Dali-dali naman ako tumingin kay Colette para wala siyang masabi. Pero nakatingin pala siya sa banda at mukhang hinihintay niya na magsimula itong tumugtog. Humugot lang ako ng malalim na hininga habang dahan-dahan na pumunta ang magkapareho sa gitna.



          Nagulat naman si Colette nang nakita ang dalawa. Walang palitan ng salita na nangyari kung hindi palitan lang ng ngiti. Pinilit ko naman ang sarili ko na ngumiti habang nakatingin sa kanila. Parang kinakabahan si Jin dahil hindi niya alam kung paano hawakan ang kapareha. Ano ba kasi ang ginagawa niya?



          Sampung segundo na ang nakalipas o higit pa nang tumugtog ang banda, nakita ko si Inno na nilapitan ni Camilla habang si Isaac naman ay lumapit kay Sharina at nagyaya na magsayaw sila. Hindi ko naman alam ang gagawin ni Isabela nang lumapit naman siya papunta sa amin. Siguro ang kaniyang kapareha niya sa sayaw na ito ay nasa likod lang namin o...



Randolf's POV



          Matapos mapatulog si Felric sa isa sa mga guest room, bumukas naman ang pintuan. Niluwa nito ang isang katulong na mas bata pa sa akin.



          “Kuya, palit tayo,” pakiusap nito sa akin. “Ako na diyan. Doon ka na sa labas.”



          “Sige. Basta, bantayan mo lang iyung bata,” sabi ko nang tumayo na ako. “Tsaka huwag mong tabihan sa kama. Baka magwala.”



          “Okay.” Pumasok siya sa kwarto at naglabas ng cellphone. Kaya pala gusto niya dito sa loob.



          Pagkalabas ng kwarto ay bumaba na ako pabalik sa party. Naabutan ko ang pagbago ng kanta nung banda. Sa gitna ng tolda ay nakita ko si Isabela na hawak ang mikropono.



          “When marimba rhythm starts to play, dance with me, make me sway. Like a lazy ocean hugs the shore, hold me close, sway me more,” kanta ni Isabela na sinamahan pa ng sariling interpretasyon ng sayaw kahit wala siyang kapareha.



          Nang nagkatinginan kami ay nakatutok na ang mga tingin niya sa akin.



          “Like a flower bending in the breeze, bend with me, sway with ease. When we dance you have a way with me, stay with me, sway with me.”



          Patuloy naman na mag-isa siyang sumayaw sa gitna at nakatingin sa akin habang kumakanta. Marahil ay hinihiling niya na pumunta ako sa harapan at sumayaw din. Pero ayoko.



Zafe's POV



          “Other dancers may be on the floor. Dear, but my eyes will see only you. Only you have that magic technique, when we sway I go weak.”



          Masaya naman na gumalaw ang lahat nang sinimulan nang kantahin ni Isabela ang kanta. Si Colette naman ay todo-bigay sa pagsayaw dahil siguro alam na alam niyang sayawin ito. Ako naman ay ginagaya ko lang ang magagawa ko. Hindi naman kami palagi nagsasayaw pero alam ko kung paano ako sasayaw. Palaging maganda ang kinakalabasan ng sayaw dahil sa ginagawa namin.



          Sa gilid ng paningin ko, nakikita ko naman si Jin at pekeng Aulric na sumasayaw din na naaayon sa tugtog. Ganoon din ang iba pang mananayaw sa gitna pero iba ang routine na ginagawa nila. Si pekeng Aulric naman ay sinasayaw ang parte ng babae. Ang ‘sway’ ay dapat sinasayaw ng isang lalaki at isang babae. Hindi daw maganda tingnan kapag iba sa nakasanayan ang pagsayaw. Pero si pekeng Aulric, walang hiya niyang ginawa ang mga pang-babaeng routine nila ni Jin. Masaya pa siya habang umiikot sila sa gitna. Swerte naman, o napaka-considerate ng ibang tao, na hindi kami nagbabanggaan sa aming mga sariling routine.



          Nang natapos na ang kanta, pumalakpak naman ang mga tao na hindi pa umalis. May ilang tao naman na tumayo mula sa kanilang pagkaka-upo at pumalakpak. Nag-bow naman kaming lahat sa kanila at pati na rin ang banda at si Isabela.



          Isa-isa naman kaming bumalik sa aming upuan. Ang mga utusan naman sa party ay kaagad kaming sinalinan ng tubig kahit na hindi pa namin sinasabi. Uminom agad si Colette ng isang baso at ganoon din ako.



          “That was great,” masayang wika ni Colette.



          “Planado mo ba ito?” rinig kong tanong ng isang babae sa isang mesa, ang tanong ay para kay Tito Henry na katabi nito sa upuan.



          Nakita kong umiling si Tito Henry. “I didn't expect anything of this to happen. But it's good. Especially my stepson,” puri nito kay pekeng Aulric.



          “Zachary, nakaka-inggit sila,” rinig kong sinabi ni Mama sa isa sa mga mesa sa harap namin. “Tara. Sumayaw din tayo. Huwag tayong magpatalo sa mga kabataan.”



          “How can I say no?” iling ni Papa na tumayo at inilahad ang kamay.



          Ang mga matatanda naman ngayon ang pumunta sa gitna at sumayaw. Ang pinatugtog naman ng banda ay mukhang isang lumang kanta dahil sa hindi ko ito maipangalan. Sinamahan naman ito ng mag-asawa na umaakto ayon sa awit. Pagkatapos ay iyung babae naman ang kumanta. Bagamat hindi ginagaya ng mga ibang mananayaw ang ginagawa nila, kita naman sa ngiti nila na masayang-masaya habang nakakasayaw ang kanilang kapareha. Marahil ay may sari-sarili silang kwento tungkol sa unang sayaw ng kanilang katipan, o una nga ba talaga?



          Bigla akong natulala at naalala ang isang bagay. Si Aulric. Gusto kong tumanda kasama siya. Gusto ko rin siyang isayaw kagaya ng mga matatanda sa harapan.



          “Okay ka lang?” untag sa akin ni Colette.



          Nagising naman ako mula sa aking iniisip. “Okay lang ako,” ngiti ko. Napatingin naman ako sa mga mananayaw. “Gusto ko na pagdating ng maraming taon, makasayaw pa rin kita, kagaya nila.”



          Hinawakan naman ni Colette ang kamay ko. “Oo naman. Gusto ko din iyun, Zafe.”



          Tumingin lang kami sa mga matatandang sumayaw hanggang sa natapos ang kanta. Kagaya ng ginawa nila kanina, binigyan din namin sila ng standing ovation.



Randolf's POV



          Natapos na ang birthday party ni Sir Henry. Umuwi na ang lahat ng bisita na masaya. Pagkabalik ni boss-pekeng Aulric sa likuran, kumuha siya ng upuan at nilagay ito sa gitna. Sinenyasan naman niya kami ni Alexander na tumigil sa ginagawa at pumunta sa harapan niya.



          Tumayo lang kami ng tuwid ni Alexander sa harapan niya. Kung nasa TV show kami, para kaming nasa isang show kung saan isa lang sa amin ni Alexander ang matitira. Isa nga lang ba sa amin ang matitira?



          Seryosong tumingin sa akin si boss-pekeng Aulric sa akin. “Bago ka pa magsalita, gusto kong malaman mo na alam ko na ang sikreto mo.” Huh?! Paano?!



          “Ipapaliwanag ko sa iyo kung paano ko nalaman. Nang nakita ko kayo ni Alexander na makayakap kanina sa CR, alam ko ang ginagawa niya. May bagay na gustong itago si Alexander. At iyun ay nasa leeg mo. Alam mo ba kung ano iyun? Isang pabango.”



          Napalunok ako habang nagpapaliwanag niya. Mapapahamak ba si Alexander sa ginagawa niya? Sinabi niya kaya kay boss-pekeng Aulric ang sikreto ko?



          “Ang hula ko, dumikit ang amoy ng isang tao sa leeg mo. Para mawala ang amoy na iyun sa leeg mo, kailangan maidikit ni Alexander ang amoy niya sa iyo. Pero bago mawala ng tuluyan ang amoy na iyun, naamoy ko ang itinatago ni Alexander.” Tumingin siya kay Alexander. “Too bad.”



          Tumingin ako kay Alexander. Wala siyang reaksyon sa sinasabi ni boss-pekeng Aulric.



          “At mula sa naamoy ko sa iyo, of course, inamoy ko ang mga bisita natin,” patuloy niyang sabi. “May isang tao ang may parehas na pabango.” Ini-ekis niya ang kaniyang paa at inilapat ang kanyang kamay ka-lebel ng dibdib niya. “Ngayon, hindi ko sasabihin kung sino ang taong iyun kasi, I like you, Randolf. Pero bilang amo mo, ayokong sirain ang tyansa mo na malaman ang isa sa mga sikreto mo.”



          “Pero bakit kailangan ko magsabi ng sikreto sa iyo?” tanong na lumabas mula sa bibig ko.



          Naguluhan na tumingin si boss-pekeng Aulric sa akin. “Anong sabi mo?”



          “Kung tutuusin, hindi sikreto ang mga nalalaman mo sa akin,” paliwanag ko. “Kung lumalim ang pagkakaibigan natin, malalaman mo ang bagay na iyun sa akin. Tanong ko lang? Ano ang depinisyon mo ng sikreto?”



          “Mga bagay na hindi ko alam,” sagot ni boss-pekeng Aulric. “Mga bagay na wala talaga akong alam.”



          “Pero malalaman mo iyun kung itatanong mo sa akin,” balik ko. “Ang depinisyon ko ng sikreto ay isang bagay na hindi ko sinasabi kahit na itanong ng mga kaibigan ko, kahit na sino. Iyun ang sikreto.”



          “So, ano? Sasabihin mo ba sa akin kung ano ang sikreto mo kahit na alam ko iyun?”



          “Bakit ko kailangan sabihin iyun? Boss, ang tingin ko sa ginagawa mo ay hindi makatarungan. Hindi ko alam kung anong sikreto ang sasabihin mo sa akin kapalit ng sikreto na sasabihin mo, pero wala akong pakialam doon. Sikreto mo iyun. Pasensya na boss pero, wala akong sikretong sasabihin sa iyo. Kahit na mukhang may nalalaman ka na sa sikreto ko, wala akong magagawa kung hindi manahimik. Ang pananahimik ko ay parehas na kumpirmasyon at pagtanggi.”



          “Pero magkasalungat ang dalawa na iyun.”



          “Oo. Pero kahit magkasalungat ang dalawa, hindi mapipigilan ng utak mo na mag-isip ng dalawang tanong. Paano kung totoo? Paano kung hindi? Ang masasabi ko lang ay, mamatay ka sa kakaisip.”



          Sineryoso ko lang ang mukha ko kahit na mukhang pambata ang aking sinasabi. Medyo nagiging bastos na ako sa aking sinasabi. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni boss-pekeng Aulric sa sinasabi ko. Pero gusto kong maging matibay para sa desisyon ko na hindi ko sasabihin ang sikreto namin ni Isabela. Wala siyang matibay na ebidensya. Kahit patotohanin ni Isabela na may nangyari sa amin, tatanggi ako. Tatanggi ako hanggang sa magiging katotohanan ito. Dahil wala naman talaga. Wala.



          Biglang tumawa ng malakas si boss-pekeng Aulric. Napatingin saglit ang mga taong naglilinis pero bumalik din sila sa ginagawa. Bakit siya natatawa? Ano ang nakakatawa?



          “Well done,” ngiti pa niya nang natapos na siya sa pagtawa.



          “B-Bakit? Ano ang nakakatawa?” maingat na tanong ko.



          “Nakapasa ka. Nararapat ka talaga na mapabilang sa mga tauhan ko,” sagot niya tapos itinuro si Alexander. “At pati din si Alexander. Nakapasa din siya.”



          Tumingin naman ako kay Alexander na naguguluhan nang nagkatinginan kami. Bumalik ang atensyon ko kay boss-pekeng Aulric.



          “Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa sikreto mo. Ang gusto kong makita ay kung tatayo ka ba kung sumusobra na ako,” paliwanag niya. “Alam mo kasi, may mga tendency na sumusobra din ako sa aking mga pinapagawa. Lalong-lalo na ngayong medyo close na tayo kasi tatlo na lang tayo. At gusto ko iyang attitude mo, Randolf. Hindi mo sinabi ang sikreto mo and that's fine.”



          “P-Pero, alam mo na ang sikreto ko?”



          “Bluff ko lang iyun,” ngiti niya ulit. “Nakita ko kasi na niyakap ka ni Alexander. At ang yakap na iyun, lalong-lalo na si Alexander, hindi para harasin ka o ano. Iyun ay para itago ang amoy ng kung sinong perfume sa leeg mo. Mula sa bagay na iyan, nag-formulate na lang ako ng sariling deduction kung anong meron doon.”



          Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Siguro, ayos na ito na wala pala siyang ni isang ideya kung ano ang sikreto ko. At hindi din sinabi ni Alexander kung ano iyun.



          “Dismiss ka na, Randolf. Tulungan mo na silang magligpit.” Inilahad ni boss-pekeng Aulric ang isang kamay niya sa mga naglilinis.



          Umalis na ako sa kinatatayuan ko at nagtrabaho ulit. Isang pagsubok lang pala ang ginagawa niya. Buti na lang at nakapasa ako.



Alexander's POV



          Nanatili lang akong nakatayo sa harapan ni Aulric. Kanina, sinabi niya kay Randolf na ang ginagawa niya ay isa lang pagsubok. At meron din daw ako. Pero hindi ko alam kung ano ang pagsubok na iyun.



          Bigla naman nawala ang ngiti sa labi niya nang umalis na si Randolf. “Sayang naman. Kung may ideya lang talaga siya kung ano ang sasabihin ko. Pero wala akong magagawa. Sa tingin ko, hahayaan ko na lang siya.”



          Tahimik lang ako sa tabi na nakikinig sa kaniya.



          Ngumiti ulit siya. “Oo, tama. Sa tingin ko, para ito sa ikabubuti ng lahat. Alam kong may mga hindi kayang gawin si Randolf. Pero pinili ko pa rin siya dahil malapit siya sa pangalan ko. Para hindi siya mapahamak, mabuti na nasa malapit lang siya. Alexander, mula ngayon, may mga bagay ka na pwedeng sabihin kay Randolf, at may mga bagay na hindi. Ngayong gabi, sasabihin ko kung bakit ang pangalan ko ngayon ay ang pangalan ng namatay na anak nung stepfather ko.” Tumingin siya sa akin ng diretso. “Dahil...”



ITUTULOY...




FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails