Followers

Wednesday, July 31, 2019

Loving You... Again Chapter 69 - Loss





  



Author's note...






Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.


Nagbabalik na naman po ako mga kaibigan. Pasensya na at natagalan dahil dinadamihan ko ang pagsulat para mabilis matapos. Sa ngayon, asahan niyo na magpapatuloy ang update ng storya August at January. Kaya kasi ganoon dahil iyun lang ang mga oras na libre ako mula sa eskwelahan. Pero asahan niyo na marami-rami ang update sa mga buwan na iyan. Heto na po ang Chapter 69!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 | 68 |

















Chapter 69:
Loss








































Ren's POV



          Nagulat ako nang may pinaamoy sa akin si Ronnie na isang panyo dahilan para mawalan ako ng malay. Noong oras na iyun, nag-iisip ako kung ano ba ang balak sa akin ni Ronnie. Bakit niya ginawa sa akin iyun?




          Sa kadiliman ng aking pagkahimbing, may nakita ako. Isang tao ang gumagalaw sa aking ibabaw. Naririnig ko ang umuungol kong boses pero hindi ako ang umuungol mismo.




          “Harry, tumigil- ahh, ka na," pakiusap ko.




          Hindi din ako ang nagsalita. Boses ko iyun pero, hindi ako ang nagsasalita.




          Tumawa ang tao sa ibabaw ko. “Konti na lang. Lalabasan na ako."




          Mula sa aking kinatatayuan, kitang-kita ko na pabilis ng pabilis ang tao sa ibabaw ko. Sa gitna ng lahat nang iyun, napa-isip ako. Ano itong nakikita ko? Alaala ko ba ang mga ito?




          “Oo, alaala ko ang mga ito," sabi ng aking boses.




          Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses ko. Isang tao ang nakatayo sa pintuan, at kamukha ko siya.




          “Bakit alam mo ang iniisip ko? Bakit," Nag-alangan akong magtanong. “kamukha kita?"




          Malamyang ngumiti ang kamukha ko. “Hindi ba halata? Ako, ay ikaw. Ikaw, ay ako. Siya ay ako. At siya ay ikaw din." Ano? Hindi ko maintindihan.




          Sa isang kisap-mata, nasa harapan ko na ang taong kamukha ko.




          “Ako, ay ikaw. Ikaw, ay ako. Siya ay ako. At siya ay ikaw din."




          Paulit-ulit na sinasabi iyun ng tao sa harapan ko. Hanggang sa lumabo ito ng lumabo at isang nakakabinging tunog ang aking narinig ng aking tenga.




          Parang sumanib ang kamukha ko sa akin nang umabante pa ito ng isa pang hakbang. At nang sumanib siya sa akin, nakikita ko na ng mas malinaw ang mga alaala ko. Ang natunghayan ko kanina, pero ngayon ay sigurado ako na nakahiga ako dahil sa nakikita ko ang kisame ng kwarto ni Harry. Ang mga pakiusap ko sa kaniya na itigil ang ginagawa.




          Marami pa akong naalala hanggang sa hindi ko nakayanan. Si Keifer, si Allan, si Larson, si Joseph, at ang iba pang tao na nakilala ko, naghalo-halo ang mga ito at...




          Minulat ko ang aking mata. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na lugar. Nakita ko si Harry na nakaupo. Hindi, isang anino sa dilim. Pero nakikinita ko na si Harry ang nakaupo na iyun. Sinubukan kong tumayo pero saka ko lang nalaman na nakatali ang aking mga kamay.




          Sinubukan kong igalaw ang aking paa para makalayo sa kaniya. Natatakot ako sa mga bagay na gagawin niya sa akin. Hanggang sa may naramdaman ako na nakasandal na kung ano.




          Namutla ako dahil sa alam kong hindi ako makakatakas. Labanan ko kaya ang taong ito? Makakaya ko kaya?




          “Ibalik mo siya dito," senyas ni Harry sa kung sinong tauhan niya.




          Itinayo ako ng tauhan niya habang sinusubukan na makawala sa pagkakatali.




          “Hindi! Ayoko!" sigaw ko. “Harry, ayoko na. Hindi pa ba sapat na pinatay mo si Keifer sa harapan ko?!"




          Biglang itinulak ako ng tao sa likod ko. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na itutulak ako nung tao gayong nakatali ako. Kaya tumama ang ulo ko sa sahig.




          Ren, kumusta?” untag ng isang lalaki sa akin.

          Alam kong ako si Ren pero luminga-linga pa ako at baka sakaling hindi ako ang tinatawag niya. Binigyan ko naman ng nagtatakang tingin ang taong kumausap sa akin. Hindi kasi ito ang taong nasa harapan ko, dapat. Ohh, hindi ba dapat?




          “Grabe ka naman. Napaka-antisocial mo naman,” nguso nito.




          “Ohh, so ako pala ang kausap mo,” walang emosyon kong saad. “Well kung alam mo pala na isa akong antisocial na tao, bakit mo pa ako kinakausap? Mas gusto ko kasi na ako ang makipag-usap.”




          “Tss! Maniwala ako sa’yo? Ikaw? Makikipag-usap sa mga tao? Magugunaw na ang mundo kapag nagawa mo iyun,” walang emosyong saad niya.




          “Magugunaw ba talaga ang mundo kapag ginawa ko iyun? Pwede bang umupo ka ulit doon sa upuan mo tapos lalapit ako sa iyo para kausapin ka para naman magunaw na ang mundo,” sarkastiko kong pagkakasabi.




          “Naku, huwag mong gawin iyan. Hindi pa nga buo ang Chapter 1 ng buhay mo tapos gugunawin mo na agad ang mundo.” Tumawa siya ng payak.




          “Sino ka nga pala ulit?” tanong ko na ikinalaki naman ng mata niya. Hindi ko siya kilala.




          “Dude, seryoso? Hindi mo pa rin ako kilala? Nagpakilala na ako sa iyo like 5 times last year and still tatanungin mo ako kung sino ako?” hindi makapaniwalang saad niya. “Sabi nila kapag hindi mo daw naalala ang isang tao, hindi daw ito mahalaga sa iyo or may ginawang masama sa iyo.” Hindi ka naman ganoon kahalaga sa akin.




          “So ano? Hindi ka pa rin ba magpapakilala?” tanong ko ulit sa kaniya. Walang amor ko siyang tiningnan. “Sinasayang mo lang ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo.”




          Tiningnan ko naman ng mabuti kung sino ang taong ito. Pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita.




          “Harry Villaflores,” pakilala niya.

          Hi, I’m Keifer Salvador. You can call me, Kei. Nice to meet you,” pakilala niya sa akin habang nakangiti. Bigla naman akong naasar sa ngiti niya.

          “Nice to meet you too,” sarkastiko kong saad.




          “This is new, huh?” Marahan namang siniko ni Harry si Kei.




          “Tapos ilalagay mo ito sa top wonders ng school?” tanong ko.




          “Pwede,” diretso niyang sagot.




          “Puwes Keifer Salvador, the thing you did was getting on my nerves. Kung may balak ka gumawa ng isa pang article tungkol sa akin, ngayon pa lang tigilan mo na,” pagalit kong sabi pero kalmado. Mahahalata sa boses ko ang intensyon ko na tumigil na siya.




          “Guys, guys, kalma lang,” pag-awat sa amin ni Harry.

          Wow! Ikaw ba iyan, Ren?" manghang wika ni Allan sa akin.

          Dahan-dahan na ibinuka ko ang aking mata. Puting kisame ang kaagad na nakita ko. Nararamdaman ko na gumagalaw ang paligid. Teka, ano ba ang nangyari kanina sa akin?




          Hindi ko muna inalala ang mga nangyari. Sa halip ay inalala ko kung sino ako. Ako si Ren Severin Castillo. Kasabay ng pag-aalala ko sa aking sarili ay isang alaala ang nahukay ng aking isip. Alaala na kung saan ay nag-uusap-usap sila sa aking kwarto, alaala na kung saan ay niyakap ako ng Mama ni Joseph ng mahigpit. Pati na rin si Joseph na nagkukunyaring kapatid ko. Naaalala ko iyun.




          “Nagising ka din," wika ni Ronnie.




          Kahit hindi ako tumingin, alam kong nakatutok ang baril niya sa akin. Siguro ay para makasigurado na wala akong gagawin na pagsisisihan ko.




          “Kailangan pa ba iyan?" kalmadong tanong ko. Bahagyang nilingon ko ang pigura niya. “Wala akong lakas. Kahit subukan kong tumakas, mahuhuli mo din naman ako."




          Ibinalik niya ang kaniyang baril sa kaniyang gilid. “Alam ko. Pero natuto na ako. Hindi ko dapat maliitin ang mga bagay-bagay. Kagaya na lang ng ginawa ni Keifer sa buong pamilya niya."




          “Huh?" Wala akong ideya sa sinasabi niya. “Hindi ko alam iyun. Ang alam ko, patay na-" Natigil ako matapos kong maalala na nakikita ko siya sa araw-araw kong buhay.




          Bahagya akong naguluhan. Naalala ko na sinabi sa akin ni Harry na pinatay na niya si Keifer. At ang pagkakasabi pa niya ay siguradong-sigurado. Naalala ko din na nakikita ko si Keifer lalong-lalo na sa bahay. Sa pag-aalala ko ng mga ito ay nasapo ko ang aking ulo dahil sa sakit na nararamdaman.




          Napatayo si Ronnie at idinampi ang kaniyang kamay sa ulo ko. “Anong nangyayari sa iyo? Masakit pa rin ba?"




          Sa tono ng pagtatanong niya, talagang nag-aalala siya sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya, o hindi. Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang ginawa niya sa akin. Dinukot niya ako.




          “Medyo masakit ang ulo ko. Sa tuwing iniisip ko ang nakaraan, parang may bagay na pumupukpok sa ulo ko," paliwanag ko.




          “Ganoon ba?" Umupo siya ulit. “Tumigil ka kung ganoon. Sasakit pa iyan lalo sa tuwing pinipilit mong alalahanin ang mga bagay-bagay lalo na noong bago mo pa nainum ang ‘Amn’."




          “‘Amn'?”




          “Mula sa salitang ‘amnesia’, natanggal ang ‘esia’ dahil nakalimutan, kaya ‘amn’. Isa itong gamot na nagpapawala ng alaala mo.” Tumahimik siya saglit. “At kasabay ng mga alaala mo, lahat talaga ng alaala mo. Kung paano ka kumain, maglakad, mag-isip. Kahit siguro paghinga sa ilong, makakalimutan mo."




          Bahagya akong tumango sa impormasyon na pinapaliwanag niya. “Anong kailangan mo?" wala sa huwisyong tanong ko.




          “Ano ulit?"




          Ibanaling ko ulo ko sa posisyon niya. “Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Buhay si Keifer, nandito ako sa isang sasakyan na hindi ko alam kung saan mo ako dadalhin. Ngayon, tinatanong ko. Ano ang kailangan mo?"




          “Lahat. Gusto kong ipaghiganti ang best friend ko. Kaya lang, kailangan muna kitang dalhin..." Nag-iwas siya ng tingin saglit at bumalik ito sa akin. “Kailangan na muna kitang dalhin sa isang lugar. At kailangan ay sumunod ka kung gusto mong mabuhay."




          Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Ako ba muna bago si Keifer?"




          Biglang lumiwanag ang mukha ni Ronnie. “Kung gusto mo, pwede ko kayong pag-sabayin. Gaya ng, patayin ko si Keifer sa harap mo."




          “Hindi ko gusto iyun." Ayokong mangyari iyun. Ayokong mamatay si Keifer.




          “Kung ganoon, gusto kong makipag-negosasyon."




          “Negosasyon?" Ngumisi si Ronnie. “Nasa posisyon ka ba para makipag-negosasyon?"




          Sumagot ako ng maliit na ngiti. “Pakinggan mo muna ako sa sasabihin ko."




          Umiling siya. “Kung ano man iyan, hindi ako papayag."




          “Ngayon lang, naalala ko ang isang pelikula na pinapanood namin ni Kuya Jose-" Naalala ko na hindi ko naman talaga kapatid si Joseph. “Joseph. Tungkol ito sa giyera noong nakaraang panahon. Isa sa mga eksena ay iyung pagpapakamatay ng isang sundalo sa pamamagitan ng pagkagat ng kaniyang dila, at hayaan na lumabas ang dugo mula rito hanggang sa mamatay siya."




          “Imposible. Hindi mo kayang gawin iyun. Iyung mga may training lang ang kayang gawin ang bagay na iyun."




          “Tama ka. Hindi ko kayang gawin iyun. Pero hindi iyun ang punto ng sinasabi ko."




          “Talaga? At ano ang gagawin mo? Magpapakamatay ka?"




          “Mismo," diretsong sagot ko.




          Nag-iba bigla ang ekspresyon sa mukha ni Ronnie. Tama ako. Medyo mahalaga ang buhay ko para sa kaniya. Kung ano ang balak niya, dapat ay buhay ako.




          “Hindi mo kaya," sabi niya matapos manahimik nang ilang segundo.




          “Anong mangyayari kapag namatay ako?" curious na tanong ko. Sinusuri ko ang bawat reaksyon na ginagawa niya.




          “Fine! At ano ang kondisyon mo?"




          Mas lalo akong nagulat dahil sa umaayon sa hindi dapat na ruta ang iniisip ko, bagama't gusto ko. Sa ngayon, ang alam ko ay mahalaga para kay Ronnie ang buhay ko. Hindi niya ako gustong mamatay.




          “Sasama ako sa iyo. Hindi ako magpupumiglas. Basta, huwag mong papatayin si Keifer," Ibinaba ko ang aking tingin dahil sa hindi ko gustong sabihin ito. “sa presensya ko."




          Katakot-takot na ngiti ang lumabas sa mukha ni Ronnie. Tumango-tango siya. “Pwede, pwede iyang sinasabi mo."




          Nagulat ako nang may naramdaman na nagba-vibrate. Sumeryoso si Ronnie na kinuha ang phone sa bulsa niya. Nang tiningnan niya ito, biglang nawala ang ngiti sa labi niya.




Ronnie's POV



          “Nandito sila,” basa ko sa text ng phone.




          Tumayo ako at lumabas sa kwarto. Pagkalabas ko ay tumigil na sa paggalaw ang paligid. Kasalukuyang nasa isang container kami at nakapatong ito sa isang trak. Isa na namang text ang aking natanggap.




          “Dito na po tayo boss.”




          “Mag-antay kayo sa susunod kong ipapagawa," tugon ko.




          Nag-isip ako saglit kung paano nalaman nila Keifer ang gagawin ko. Isinuka kaya ako ni Anthony nang nahuli siya? Imposible iyun. Hindi ko sinabi ang buong plano ko sa kaniya.




          Napakagat ako sa ibaba kong labi matapos maisip ang mas malapit na dahilan. Alam ni Keifer kung paano ang takbo ng business ng pamilya namin. Ano ang gagawin ko?




          Matagal na pinindot ko ang pangalawang pangunahing numero at inilagay ito sa tenga ko. Kaagad naman itong sinagot ng tao sa kabilang linya.




          “Ronnie, what's up?" tanong ni Natasha.




          “We have a problem," diretso kong sabi. “By some twist of fate, Keifer somehow knew where will I smuggle Ren outside the country."




          “They are in Subic?" tanong ni Natasha pero mukhang hindi tanong iyun para sa akin.




          “I think we need to move this deadline to see my family again." Humugot ako ng malalim na hininga. “I need to speak to your boss."




          “Umm, how about no?"




          Hindi ako makapaniwala na tinanggihan kaagad ako ni Natasha. “Are you saying that we can't delay this any longer?"




          “What I am saying is, we are in bigger trouble if you cannot do it tomorrow. The task that you have can only be done by tomorrow."




          Inilayo ko muna sa aking tenga ang telepono at huminga ng malalim. Hindi pwede ito. Hindi ko alam kung bakit pero kung bukas talaga ang deadline...




          “-still there?" rinig kong tanong ni Natasha sa phone.




          Ibinalik ko sa tenga ko ang phone. “I'm listening."




          “Listen. I may not be able to help you but I can give you an advice. Use a distraction."




          Ibinaba ko lang ang phone ko saka tinapos ko na ang tawag.




          1 year ago...

          Sa ibang bansa, sa isang restaurant, may kausap akong babae na may ibinagsak na litrato sa harapan ko. Bigla akong namutla matapos makita ang mga mugshot ng magulang ko. Nahuli sila sa ibang bansa na may ginagawang ilegal.




          “And, that's not all." Inilagay ng babaeng nagpakilala na si Natasha ang kaniyang kamay sa kaniyang baba. “We learned that your family were a prominent, well, let's just say prominent corruptor of the country."




          “I don't know what you are talking about," pagsisinungaling ko. Naninigurado lang naman ako dahil baka isa itong scam o ano.




          “Really, Ronnie?" mas lalo akong namutla nang alam ng babae ang pangalan ko.




          “I have no time for this non-sense." Tumayo na agad ako para makalayo sa kaniya pero hinawakan niya ang aking pulsohan habang nakaharap pa rin siya sa mesa. “What?"




          “Well, if that wouldn't caught your attention, I heard a troubling news regarding your best friend. Say, Harry Villaflores, and his family was killed this New Year."




          Hindi ako umimik habang sinasabi niya ang mga salitang iyun. Kaagad kong iniisip na hindi totoo iyun. Buhay pa si Harry. Pero bago pa matapos ang taon o nang bago na ang taon, wala akong narinig sa kaniya ni isang text o tawag. Hindi niya kinakalimutan iyun. Posible kayang wala na siya?




          Binitawan ng babae ang kamay niya sa akin. Patuloy naman akong lumabas palabas ng restaurant na iyun.




          Sa apartment na tinutuluyan ko, ginawa ko ang lahat para makakuha ng impormasyon sa nangyayari sa Pilipinas. Mga impormasyon na posibleng may kinalaman kay Harry, o sa pamilya niya. Sa paghahanap ko, nakita ko ang isang clip ng balita sa isang lugar sa Laguna. Isang mansyon daw ang nasunog. At ang mansyon na iyun ay ang tinitirhan ni Harry.




          Hindi ako makapaniwala. Patay na ang buong pamilya ni Harry. Sino ang gumawa nito sa kaniya, sa kanila? Kung totoo ang impormasyon na ito, marahil pati ang pamilya ko...




          Lumabas ako sa apartment ko at bumalik sa restaurant kung saan nakausap ko ang babae. Nagulat ako nang nakita siya na nandoon pa rin pero may mga order na siya na pagkain. Lumapit ako dito at inupuan ang upuan na kanina ko inokupa.




          Hindi naman umimik ang babae nang nakita niya ako ulit. Pinagpatuloy pa rin niya ang pagkain.




          Humugot ako ng malalim na hininga. “What do you want from me by telling me these things?” diretso kong tanong.




          Ininom na muna ng babae ang kalahating baso ng kung anong inumin ang inorder niya. “Hi. I'm Natasha. Nice to meet you," pagpapakilala ulit ng babae sa sarili kahit hindi na ito kailangan. “And why I am telling you these things? Because your parents cannot bribe their way out of this latest predicament. They got caught by the wrong ‘agency’." Ngumiti-ngiti pa ang babae habang dinahan-dahan ang huling salitang sinabi niya.




          “This ‘agency’, are you working for this ‘agency’?" Tinaliman ko ang tingin sa babae.




          “Of course.”




          “And what does this ‘agency’ needs from me?”




          Tinawag ni Natasha ang waiter para linisin ang mesa sa harapan niya. Bago makaalis ang waiter ay nagsalita siya sa ibang linggwahe. Umorder siya ng desert para sa aming dalawa.




          “Do you love your parents?” tanong niya. Uminom na naman siya sa inumin niya.




          “Of course. I love my parents.”




          “Then here's your chance to prove it.”




          Natahimik siya nang dumating ang aming desert.




          “Our ‘agency’ will ensure that your parents are alive until you bring us the thing that the ‘agency’ needs. Furthermore, the ‘agency’ will assist you financially," paliwanag niya.




          “One thing. Could you help me know who killed the entire family of my best friend?” tanong ko.




          Biglang naging neutral ang mukha ni Natasha. “Of course.”




          Mula sa bag niya, naglabas na naman siya ng ilang litrato ng isang taong hindi ko kilala. Pero imbes na tumingin sa litrato, napalingon ako sa paligid. Nag-aalala ako kung okay lang ba na mag-usap kami sa lugar na ito.




          “Is it okay that we should talk about this thing here in this place?" nag-aalalang tanong ko.




          Confident na ngumiti si Natasha. “Don't worry. This place is under the jurisdiction of the ‘agency’. Now, look at this photo.”




          Kinuha ko ang litrato na tinuro niya. Litrato ito ng isang lalaki na ka-edad ko.




          “Who is this?" tanong ko.




          “His name is Ren Severin Castillo. He is the person that caught the interest of our agency."




          Mga ilang litrato nung Ren ang tiningnan ko hanggang sa may makita akong mga pamilyar na mukha. Ang kaibigan ni Mama na si Veronica Schoneberg at ang asawa niya, at ang mga anak nila na si Daryll at Jasper.




          “I know these people." Nag-angat ako ng tingin. “This is the Schoneberg family. How are they involved to the person?"




          “They are taking care of him, for some reasons that I don't know. According to the information that I got, they are supporting him financially even though he is not blood-related to them.”




          “A bastard?" hula ko.




          Umiling si Natasha. “Not even close. I know that there is a deeper connection for this unusual relationship, but I cannot find more information. Somehow, it looks like there are some force behind the, hiding of information? Eitherway, it's a problem for another day. Your family are friends with the Schoneberg, correct?"




          Tumango ako pero nagsuspetya kung bakit alam niya ang impormasyon na iyun. Pero siguro dahil malalakas ang mga tao sa likod niya.




          “This will be easy for you then because in order to get to this person, you must be friends to the family. And if you can do this, we will return your parents and continue the rotten lifestyle that you have. But not in the same country that they got caught."




          Medyo nagagalit ako sa paraan ng pagsasalita niya tungkol sa pamilya ko. Pero nanatili akong kalmado dahil buhay nila ang nakataya dito.

          Humugot ako ng malalim na hininga matapos makaisip ng plano. Hating-gabi na nang natapos kong gamitin ang aking mga koneksyon para gawin ang aking plano. Tiningnan ko lang iyung kwarto ni Ren mula sa aking kinauupuan. Ilang oras na lang at gagalaw na naman ang container.




          Sumilip ako sa kwarto ni Ren. Nakahiga lang siya habang nakapikit ang mata. Sa kaliwa niya ay ang pagkain na binigay ko at mukhang hindi pa rin ito nababawasan.




          “Pinaplano mo bang mamatay sa gutom?" tanong ko dahil alam kong gising siya. “Walang katulong dito na magsusubo ng pagkain para sa'yo.”




          Bumangon si Ren. Nilagay ko ang tray sa ibabaw ng katawan niya. Tiningnan ko lang siya habang inuubos ang pagkain. Natuwa naman ako dahil siguradong hindi siya mamamatay sa gutom.




          Lumabas ulit ako ng kwarto nang nasiguro kong kumakain na si Ren. Bumaba na ako sa container at nilabas ang aking phone. Tinawagan ko ang mga magulang ko para marinig ang boses nila.




          Makalipas ang sampung segundo ay may sumagot.




          “Hello? Ronnie?" Si Mama ang sumagot. May bakas ng pagdadalawang-isip kung ako ba ang tumatawag o hindi.




          “Mama,” sagot ko. “Hi.”




          Rinig kong tuwang-tuwa si Mama matapos marinig ang boses ko. “Mabuti naman at napatawag ka anak.” Parang nag-crack ata ang boses ni Mama habang kinakausap ko siya.




          “Kumusta kayo ‘ma? Si Papa, kumusta?" Tumingala lang ako at nakita ang napakadilim na langit.




          “Okay naman kami dito anak. Tinatrato naman nila kami ng maayos dito. Ikaw? Ayos ka lang ba anak?"




          “Ayos naman po ako. Huwag po kayong mag-alala, Mama. Baka po bukas makakalaya na po tayo. Maipagpapatuloy na po natin ang ating business kung sakali." Habang nakatingala ay nakakita ako ng bulalakaw na mabilis dumaan sa aking mga mata. Para sa akin, isang napakagandang pangitain iyun.




          “Talaga? Nako! Napakagandang balita iyan.”




          Napatingin ako sa relo. “Puputulin ko na iyung tawag, ’ma. Kailangan ko pa pong matulog para mailabas ko kayo diyan. I love you, ‘ma. Regards po kay Papa.”




          “I love you anak. Bye.” Ibinaba na ni Mama ang tawag.




          Pumasok ulit ako sa container at humiga saglit sa simpleng kama na naroon. Nag-set ako ng alarm sa phone saka ipinikit ang aking mata.




          Kinabukasan, gumalaw na naman ang container. Gamit ang drone na ibinigay sa akin ni Natasha, nakikita ko ang nangyayare sa base. Nang matagumpay naming mailayo si Keifer sa entrada na papasukin namin, gumalaw na kami. Pagkatapos ng kaguluhan, saka kami papasok.




          Sa isa na namang hindi inaasahang pagkakataon, mukhang nakita niya ang takbo ng aking plano. Pero nag-iisa siya. Pinagbabaril niya ang harapang gulong ng trak. Sa ginawa niya, kaagad na nagtaas ng baril ang mga sundalo sa kaniya. May nag-radyo naman sa mga sundalo dahil sa narinig nila ang putok ng baril ni Keifer. Pero ipinagsawalang bahala ng mga sundalo ang putok na iyun at idinahilan na naagapan na ng mga sundalo ang sitwasyon.




          Binuksan ko ang pintuan ng trak. “Huwag kayong magpaputok!” sigaw ko.




          Tiningnan ko si Ren na nasa tabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay para lumabas kasama ko.




          “Keifer,” sambit ni Ren sa pangalan niya nang nagkita sila.




          Bigla namang bumagsak ang katawan ni Ren at kaagad ko siyang nasalo. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Ren pero ayon kay Natasha, normal lang ito habang dahan-dahan na bumabalik ang alaala niya.




          “Umm, Ren, okay ka lang?" naitanong ni Keifer na may panahon mag-alala sa sitwasyon namin ngayon.




          Akmang lalapit pa sana ito nang may nagkasa ng baril para malaman niya na hindi pwede ang kaniyang gagawin.




          “Mmm," imik ni Ren.




          Dahan-dahan na umangat ang ulo ni Ren.




          “Naaalala ko na iyung nangyari," mahinang bulong niya. “Oo, ginawa niya iyun. Pinatay niya ang buong pamilya ni Harry. Pero-"




          Halos makita ng mga mata ko ang nangyari sa kaibigan ko at sa pamilya niya. Inilabas ko kaagad ang aking baril na may suppressor at pinaputukan ang kaniyang tuhod pero tumama ito sa kaniyang binti. Bumagsak siya sa aspalto. Hindi siya na siya gumalaw pagkatapos. Marahil ay dahil sa takot na baka magpaputok pa ako ng magpaputok.




          “Huwag!" sigaw ni Ren na sinubukan agawin ang baril ko. Pero lumapit ang dalawang kong tauhan para pigilan siya. “Ronnie, may pinag-usapan tayo! Hayaan mo siya at sasama ako sa iyo!"




          “Hahayaan ko ang pumatay sa best friend ko? Hahayaan ko ang pumatay sa kaibigan ng pamilya ko?" Buong galit na tiningnan ko si Keifer. “Nahihibang ka na ba, Ren? Ang taong ito ay maraming pagbabayaran. At isa pa," Humarap ako kay Ren na patuloy pa rin nagpupumiglas. “isa lang naman si Keifer sa mga nagmamahal sa iyo. Nandyan naman si Allan."




          “Kung gagawin mo iyan, papatayin-"




          “Tumigil ka na!" sigaw si Keifer para maputol ang sinasabi ni Ren.




          Natahimik ang lahat. Si Ren naman ay nasasaktan na tiningnan si Keifer. Tama iyan. Tingnan mo lang si Keifer dahil ito na ang huling beses na makikita mo siya.




          Dahan-dahan na itinaas ko ang aking baril para sa aking huling tira. Sa wakas, makakapaghiganti na rin ako sa ginawa niya kay Harry at sa pamilya niya. At kahit pa nagbanta si Ren na magpapakamatay siya, wala akong pakialam. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya na kaya niyang magpakamatay. Kahit pa hindi ito ang napag-usapan namin. Ito na ang huling hininga mo, Keifer.




          “Ughk!"




Ren's POV



          Nanlaki ang mata ko matapos makakita ng eksenang ngayon ko lang siguro nakita. May lumabas na dugo sa ulo ni...




          “Dapa!" sigaw niya.




          Kaagad kong tinabunan ang aking ulo at dumapa sa kongkretong lupa. Hindi ko alam ang gagawin. Naririnig ko na may mga bagay na bumabagsak mula sa langit. Pero hindi ko alam kung ano ang mga bumabagsak.




          Ilang segundo ang nakalipas at naramdaman ko na may tumabon sa akin ulo. Hindi na ako nag-abalang tumingin kung sino iyun. Hangga't may mga bumabagsak na bagay mula sa lupa, hindi ako mag-aangat ng tingin.




          Ilang segundo ang nakalipas, wala ng bagay ang bumabagsak mula sa langit. Naramdaman kong nawala ang katawan na nakapatong sa akin. Pero kahit ganoon, hindi pa rin ako nag-angat ng tingin para malaman kung ano ang nangyari.




          Maya-maya ay nakarinig ako ng sirena. Humupa na ang ulan ng kung ano mula sa langit. Mag-aangat na sana ako ng tingin nang may pumigil sa akin na makakita. May kamay na nakaharang sa paningin ko.




          “Huwag ka munang didilat," bulong ni Keifer sa akin. “Dumilat ka lang kapag kapag wala na tayo dito."




          Hindi ko alam kung ano ang nakikita at bakit nasabi niya iyun. Pero lumunok lang ako saka sinunod ang sinabi niya. Nawala ang kamay na nakaharang mata ko at ipinikit ko ulit ang aking mga mata.




          Nakaramdam ako ng mga yapak na papalapit sa amin.




          “Dalhin niyo siya sa ligtas na lugar," sabi ni Keifer sa mga taong ito. Sinabi pa niya kung ano-ano ang mga kalagayan namin at gumalaw na ang mga yapak.




          Nanatili pa rin akong nakapikit kahit na may umangat sa akin. Hanggang sa nakahiga na ako sa isang stretcher at pumasok na kami sa isang sasakyan. Pero habang nakapikit ako, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.




???'s POV



          6 hours ago...

          Mula sa hotel na tinutuluyan ko, nakikinig ako sa usapan ng mag-anak at pinapanood ang live stream ng mag-asawang nakakulong sa aking laptop. Nakakaantig ang usapan nila. Ramdam ko ang pagmamahal ng dalawa sa isa't isa.




          Matapos ibinaba ng ginang ang kaniyang phone, tuwang-tuwa nito na ginising ang kaniyang asawa. Ilang alog lang ng babae at nagising din ito sa wakas. Tuwang-tuwa naman ang lalaki matapos marinig ang sinabi ng asawa niya.




          “Malapit na tayong mailabas ni Ronnie,” rinig kong sinabi ng babae na may galak sa mukha.




          “Ronnie will get us out here, soon," sabi ng translator na boses lalaki sa isang ear piece ko.




          Bagama't nakaka-antig, hindi pa rin mawala ang galit ko sa mga taong ito. Kinamumuhian ko ang mga taong katulad nila na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot, human trafficking, at marami pang ibang masasamang gawain. Hindi ko mapapatawad ang mga taong ito. Nakapagdesisyon na ako.




          Binuksan ko ang command prompt ng laptop ko. Nagtipa lang ako ng ilang codes at pinindot ko ang ‘Enter’.




          Sa monitor, kitang-kita ko na may usok ang lumalabas mula sa gilid ng silid. Hindi iyun napansin ng mag-asawa hanggang sa nanlaki ang mata ng lalaki. Kaagad na nangisay ang lalaki at binawian rin ng buhay. Kasabay niya ay ang asawa niya. May tinipa naman akong code para masiguro na hindi na matatawagan pa ni Ronnie ang mga magulang niya.

          Mula sa bundok na kinatatayuan namin, kung saan kitang-kita namin ni Natasha ang mga nangyayari sa base, lumabas ako ng sasakyan at naabutan si Natasha na nakatayo pa rin at may nakadikit pa ring largabista sa mata niya. Nakasuot siya ng isang damit na may palda sa ibaba at may sombrero pa sa ulo na para bang gumagala lang siya sa kaniyang misyon.




          “It's done," sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.




          “Excellent," puri ko.




          Ibinaba ni Natasha ang largabista niya at ibinigay ito sa akin. Sa lens na ito, nakikita ko si Ronnie na nakahilata sa aspalto at wala ng buhay. Inayos ko ng konti ang largabista at nakita ko si Ren na dinadala sa loob ng isang ambulansya.




          “Everything is according to the plan," sabi ko sa sarili.




          “Not planning to kidnap him, sure," kibit-balikat ni Natasha.




          “If I indeed plan to kidnap him, that would be worst. He will not cooperate to everything I say.” Binaba ko ang largabista at tumingin sa mga mata ni Natasha. “Kidnapping him is, if you procured those ‘Amn’ in the first place. I may be able to use it to him after this.”




          “Come on, boss. It's not that, bad. You didn't owe anything to a criminal now," punto niya. “I remember it very well that you really really really hate them. As in really really, hate them.”




          Inikot ko lang ang aking mata. “Right. But who is your superior, that you should follow their orders without questioning it?” pagpapaalala ko.




          Pinatunog ni Natasha ang kaniyang dila. “You should know it already that I, am not that kind of person. Following, things, blindly."




          Ngumiti lang ako habang nakatingin sa kaniya. “Good thing that I'm not rushing. No matter, bad people will be gone forever when he will agree to our cause.”




          “I'm sure of it." Napatingin siya sa direksyon ng base. Bumaling ulit siya ng tingin sa akin. “So, where to, Boss Jude?"




          “Me, I'm going back to the country and continue my work. How about you?"




          Lumakad si Natasha pabalik sa sasakyan at sumunod naman ako. Pumasok ako sa passenger's set habang si Natasha naman ay nasa kabila.




          “Waiting for my boyfriend. We will celebrate Christmas together in this country," sagot niya habang pinaandar ang sasakyan paalis sa lugar na iyun.




Gerard's POV



          “Softdrinks?” yaya ko kay Larson nang natapat ako sa ref para kumuha ng inumin.




          “Hindi na," iling niya. Napapansin kong sa akin lang siya nakatitig na para bang mawawala ako saglit kapag nawala ako sa paningin niya. “Hindi naman ako magtatagal.”




          Kumuha lang ako ng isang bote ng 1.5 tsaka tumungga saglit. Sabay balik nito sa ref. Pagbalik ko sa sala, nagsalubong kami ng tingin ni Larson.




          Nagpakawala lang ako ng pilit na ngiti. “Makatitig ka naman sa akin, para akong mawawala.”




          “Pumunta ako dito noong isang araw. Tapos may ambulansya at pulis akong nadatnan," sagot niya. “Kumusta iyung kaso mo sa mga," Napatingin siya sa ibang parte ng bahay. “hindi lisensyadong baril?”




          “Wala pa akong ginagawa pero sisiguraduhin ko na hindi ko magiging problema iyun."




          “Papatay ka ba?"




          Medyo kinabahan ako sa sinasabi niya. Alam kong normal na tanong iyun, pero sa normal na tanong na iyun, hindi ko maiwasan na maapektuhan sa sinasabi niya.




          Pumunta ako sa harap niya. “Pwede,” sagot ko. “Pero sisiguraduhin ko na masasamang tao ang mamamatay.”




          Tumango-tango lang siya habang nakatayo. Inilagay ni Larson ang dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa. “Iyung sasabihin mo, ano iyun?"




          Humugot ako ng malalim na hininga. Heto na ang tamang pagkakataon para sabihin sa kaniya ang totoo.




          Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang phone ni Larson. Kaagad akong tumigil at pasimpleng tinuro ang phone niya na mukhang isang tawag dahil sa matagal itong mag-ring. Pero nakatingin pa rin siya sa akin. Pasimpleng tinuro ko pa ito ulit pahiwatig na gawin niya ang dapat niyang gawin sa tumutunog na phone niya. Pero nagulat ako nang kinuha niya ito sa bulsa niya at hindi sinagot ang tawag. Medyo kinutuban na ako sa nangyari.




          “B-Bakit mo binaba?" kinakabahan kong tanong.




          Nagkibit-balikat siya. “Ugh! Wala lang iyung tawag na iyun.”




          “Sa sitwasyon na ito na na-kidnap si Ren?" pagpapaalala ko.




          Tumunog din ang phone ko sa kwarto pahiwatig na may tumatawag sa akin.




          “Saglit lang," paalam ko.




          Pagkatalikod ko, biglang tumigil sa pagtunog ang phone ko. Sa basag-basag na salamin na nasa harap ko, nakita ko si Larson na may pinindot sa phone niya. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong ginawa niya. Pero ang pagtigil ng ringtone sa phone ko, pahiwatig na may kontrol siya dito sa paraan na hindi ko alam.




          “Ano nga pala ang gusto mong sabihin sa akin?" tanong niya.




          Dahan-dahan na humarap ako at hindi nagpakita ng emosyon. Sa paraan ng pagtatanong niya, parang may nalalaman siya. Pero paano niya nalaman iyun? Ahh! Si Anthony. Nahuli siya noong isang araw. Kaya nagtanong siya dito at isinuka niya ako. Siguro, wala na akong kailangan na gawin kung hindi ang magtapat sa kaniya.




          “May kinalaman ako sa pagkamatay ni Mang Luke."




          Kita kong kinagat ni Larson ang labi niya.




          “Pinapahanap siya ni Ronnie dahil naging witness siya sa ginawa niyang pagpatay doon sa tauhan ni Mr. Schoneberg," pagpapatuloy ko. “Nang nalaman ko kung asaan si Mang Luke, sinabi ko kay Ronnie. Nagplano kami na takutin lang siya. Pero si Anthony, may ibang plano siya at-”




          “Agghh!"




          Kahit nakita ko iyung mosyon niya na susuntukin ako sa mukha, pinigilan ko ang aking pangalawang pandama na ilagan iyun at gumanti. Bumagsak ako sa sahig. Nang naka-recover ako, napatingin ako kay Larson. May sasabihin pa ako pero hindi ko na pinagpatuloy. Ang mukha niya, galit na galit siya sa akin.




          Ilang segundo lang ang nakalipas ay tumalikod siya at umalis sa lugar na iyun. Nakita ko pa siya na kinuha ang kaniyang phone at may pinindot dito. Rinig kong tumunog na ang phone sa kwarto ko pero hindi na ito ang ringtone na may tumatawag sa akin. Mensahe na ito, para sa akin. Kung basta lang ako tinalikuran ni Larson, ano kaya ang mensahe na sinasabi niya?




Ren's POV



          Dinilat ko ang aking mata at nakakita ako ng puting kisame. Medyo inaantok pa ako nang gumising ako. Pero naalala ko bigla ang nangyari kanina, may bumaril kay Ronnie sa ulo. Si Keifer ay tinabunan niya ang kaniyang katawan para sa akin.




          “Ren," tawag ng isang boses sa kanan ko.




          Sa kanan ko, nakita ko si Allan na hawak-hawak ang aking kamay.




          “K-Kumusta ka na?” nag-aalalang tanong niya.




          Paunti-unti, bumabalik sa akin ang mga alaala na may kinalaman si Allan. Bumabalik sa akin, lahat. Pati na iyung mga bagay na ginawa niya sa akin. Pero bakit ko ba ginawa iyun? Dahil mahal ko siya? Pero, si Keifer ang mahal ko. Hmm, hindi ko na alam ang iisipin ko.




          “Oo," wala sa huwisyong sagot ko.




          Sa kanan ko din, napansin ko si Ninong na natutulog sa mahabang upuan at may unan sa ulo. Nakabaluktot siya habang nakahiga, at habang suot niya ang kaniyang pantulog na kasuotan.




          “Anong oras na?” tanong ko sa kaniya.




          Binitawan ni Allan ang kamay ko at kinuha ang phone sa gilid. “Hating-gabi pa lang.” Kaagad siyang may tinipa sa phone. “Tatawagan ko lang ang mga doktor.” Akmang aalis na siya nang...




          “Huwag,” mahinang pagtutol ko. “Dito ka lang. Marami akong gustong itanong sa’yo.” Ano ba iyun? Bakit parang inaantok pa rin ako?




          “Sige.” Umupo ulit siya ng maayos. “Ano ang gusto mong itanong sa akin?”




          Napansin kong palipat-lipat ang kamay ni Allan sa akin at sa kamay ko. Kaya inangat ko ang aking kamay. Wala pa man akong sinasabi ay hinawakan niya ang kamay ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya. Parang mas lalo pa akong inantok.




          “Si Keifer?” tanong ko.




          “Ayos lang din siya,” kaagad na sagot niya. “Nabaril ang kaniyang paa pero ayos naman siya. Ilang araw lang at makakalakad siya ng maayos.”




          “Mabuti naman,” ngiti ko. Ipinikit ko ulit ang aking mata. “Matulog na muna tayo.”




          Huling sinabi ko bago ulit ako nahimbing.




Allan's POV



          Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang nahimbing na naman si Ren habang hawak-hawak ko ang kaniyang kamay. Nang tiningnan ko siya, naramdaman kong, may nag-iba sa kaniya. Iyung mga tingin niya na gusto niya akong makita, hindi ko iyun makita sa mga mata niya. Hindi kaya, bumalik na ang kaniyang mga alaala?




          Sumunod na araw, pinatingin na namin siya sa doktor. Ayos lang naman siya maliban sa pananakit ng ulo niya na para daw saglit lang dumaan sa isang segundo. May itinanong pa ang doktor sa kaniya na mga personal na tanong. Tanong kung kilala ba niya ako at si Mr. Schoneberg. Tumango si Ren. Tinanong din siya kung sino ang mga kamag-anak niya at ang pangalan niya. Sinagot ni Ren ang buong pangalan nila Joseph at ang Mama niya pati ang sarili niyang pangalan. Nang masigurong okay si Ren, umalis na ang doktor kasama si Mr. Schoneberg. Mag-uusap daw ang dalawa sa labas.




          Ilang segundo ang lumipas at bumukas na naman ang pintuan ng kwarto. Niluwa nito si Joseph at ang Mama niya. Kaagad kong binitawan ang kamay ni Ren nang nakita ko ang isang patak ng luha sa mata ng Mama ni Joseph sabay yapos kay Ren. Gumanti naman ng yakap si Ren dito.




          “Salamat sa Diyos at ligtas ka anak," wika ng Mama ni Joseph sa gitna ng pag-iyak nito.




          “Mama,” sabi ni Ren na napa-iyak din.




          Sa gitna ng iyakan nila, nakakita na ako ng pagkakataon na lumabas sa kwarto na iyun.




          “What? Nakakaalala na siya?” hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Schoneberg na kausap pa rin ang doktor.




          Nagulat ako sa aking narinig. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang nag-iiyakan pa rin ang mag-anak.




          “Hindi ako sigurado,” iling ng doktor. “Ang sabi ni Keifer na tiningnan ko kanina, naaalala na ni Ren ang lahat.” Natigil saglit ang doktor. “Hindi ba siya ang nagligtas sa inaanak mo?”




          Tumango si Mr. Schoneberg na parang binalewala ang paraan ng pagsasalita ng doktor. Baka magkakilala sila at hindi ko lang alam?




          “Kung ganoon, baka totoo nga ang sinasabi niya. At napakagandang balita ito kung totoo man.”




          Pigil na ngumiti si Mr. Schoneberg. “Mabuti naman kung ganoon.”




          Sumilip ulit ako sa kwarto ni Ren kung saan nakangiti siyang kinakausap ang Mama ni Joseph.




Kurt's POV



          Bumuhos bigla ang malakas na ulan sa lugar namin. Samantalang sa telebisyon kung saan live na nagre-report si Mama ay maaraw. Wala naman siya sa Rizal kaya hindi nakapagtataka. Baka maya-maya, uulan din sa parte niya.




          Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at maraming bagay na iniisip. Unang-una diyan ay si Zafe na medyo maganda-ganda na ang kalagayan. Sila na ulit ni Colette. Oo nga pala. Mga articles patungkol sa kababalaghan na nangyayari sa school. Apparently, usap-usapan sa school namin na may dalawang tao ang nagmumulto sa building ng school. Magkasintahan daw ang dalawa, duguan at may butas daw ang mga ulo. Alam kong sila Shai at Ricky ang mga multong iyun, kaya lang ay hindi ako naniniwala sa multo. Kailangan ba talaga nilang gumawa ng mga kwentong, ganoon? Yes, patay na iyung dalawa. Pero, alam niyo ba iyun? May namatay. Namatay na hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ang hustisya na para sa kanila. Ni suspek kung sino ang pumatay, wala.




          Nagising ako sa pag-iisip nang narinig kong nag-ring ang doorbell. Kaagad kong inayos ang aking sarili at kumuha ng payong bago lumabas ng bahay. Nang lumabas ako ay binuksan ko ang gate. Bumungad sa akin si Larson na basang-basa ang damit, ang mga mata niya ay halos walang buhay at ningning pero may ngiti pa rin siya sa kaniyang labi.




          “Alam mo ba na pwede mong baguhin ang address mo sa Internet Protocol habang ina-access ang internet?" sabi niya. “Baguhin mo lang iyun at aakalain ng system na nasa ibang bansa ka kahit na nasa Pilipinas ka lang naman nag-a-access.”




          “I'm fine, thank you," sagot sa imahinasyong tanong na kumusta na ako. Alam ko ang pinagsasasabi niya pero hindi ko alam kung ano ang pinu-punto niya kung bakit sinasabi niya ang mga bagay na ito sa akin.




          “Kaya lang, may ilang paraan pa rin para ma-trace ang mga uma-access sa internet. Isa na dito ay ang hindi napapalitan na MAC address o Media Access Control. Medyo kumplikado kung ipapaliwanag ko pa sa iyo kung ano ang MAC address. Pero sa madaling salita, ito ay isang unique code ng isang device. Ang cellphone mo, PC ko sa shop, cellphone ng Mama mo, kahit ang tablet na ginagamit natin, may unique na MAC address. Kahit ang mga gadgets na gagawin pa lang, may unique na MAC address.”




          Napalunok ako sa sinasabi niya. Medyo nasusundan ko ang sinasabi niya.




          Kita kong lumunok din si Larson habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan. Mukhang kinalimutan ko ata na yayain siya na pumasok sa loob dahil iyun ang dapat. Medyo napakalakas ng buhos ng ulan pero dito pa kami sa labas at nag-uusap.




          “Isang araw, may natanggap akong isang mensahe. Isang mensahe na biglang nagpabago ng aking mga iniisip, mga desisyon sa buhay, at iba pa. Habang binabasa ang mensahe, napaisip ako. Totoo ba ang sinasabi ng taong ito? Ngayon, alam kong hindi direktang sinasabe ng mensahe na ginawa talaga ng taong iyun ang nangyari, pero ang mensaheng iyun?” Itinaas niya ang kaniyang kamao at ikinuyom ito. “Napakalakas," gigil na sabi niya.




          Ibinaba niya ulit ang kaniyang kamao at tumingin ng mabuti sa akin. “Kaya bigla akong napaisip. Kanino kaya nanggaling ang mensahe? Bakit sinabi iyun nung taong ito? Ano ang motibo niya? Kaya inalam ko kung saan ito nanggaling. Nang nagsagawa ako ng tracing, ang mensahe na pinadala sa akin ay galing sa isang online website na nagsasagawa ng online text messaging na sikat lang sa Pilipinas. Pero ang isa pang address na nagpadala ng mensahe, nagulat ako. Taga-ibang bansa. Medyo wala iyung sense kung bakit ang isang dayuhan ay gagamit ng local text messaging ng bansa para lang padalhan ako ng mensahe. Pero may patunay ako na ang nagpadala ng mensahe ay hindi isang dayuhan kung hindi isang Pinoy katulad ko. Tagalog nga ang pinadalang mensahe. Kaya isa lang ang ibig sabihin noon. Nagtatago siya. Kaya naghanap pa ako ng mabuti. Hanggang sa paghahanap ko, may nakita akong napakapamilyar na MAC address.”




          Hindi ko man siya inimbita papasok, humakbang si Larson ng isang beses papasok. Napa-atras naman ako sa ginawa niya. Nagkatinginan lang kami matapos siyang tumigil.




          “Pasok ka. Magpatuyo ka sa loob,” nasabi ko na lang nang tumalikod ako at naglakad papasok ng bahay.




          Kaagad na naghanap ako ng twalya tsaka ibinigay ito sa kaniya. Naabutan ko siya na papasok pa lang sa pintuan. Nang kinuha niya ang twalya ay naghanap naman ako ng balde. Pagkabalik sa kaniya ay nakapasok na siya ng tuluyan sa bahay habang pumapatak pa rin ang kaniyang damit.




          “Ilagay mo muna ang mga damit mo rito,” sabi ko.




          Nag-angat siya ng nagtatanong na tingin.




          “Wala akong katulong sa bahay. Ayokong magkalat ka pa dito sa bahay,” dugtong ko.




          Lumiit naman ang mata niya na wari'y may iniisip akong masama sa pinapagawa ko. Pero diretso lang akong tumingin. Sa totoo lang, okay lang naman kung hindi niya gawin ang sinasabi ko. Huwag lang siyang umupo sa sofa na basang-basa at siya ang mag-mop ng mga kalat niya sa sahig.




          Inalis nga siya ang lahat ng kaniyang damit maliban sa kaniyang boxer shorts. Nang inalagay niya sa balde ang kaniyang mga damit, kinuha ko agad ang balde saka inilagay sa dryer na nasa likod-bahay namin.




          Bumalik ako sa sala. Naabutan kong nakatapis sa bewang niya ang tuwalya na binigay ko at nakaupo na siya sa sofa. Nakababa ang tingin niya at mukhang nag-iisip.




          “I'm sorry,” paghingi ko kaagad ng tawad. “Oo, sa akin nanggaling ang mensaheng iyun.”




          Wala akong nakuhang reaksyon mula sa kaniya.




          “Kaya lang, kaya ganoon ko ang ginawa ko, nag-iba ng,” Sinubukan kong ipaliwanag ang ginawa ko pero hindi ko maipaliwanag ng maayos. “basta, kaya ganoon ang ginawa ko. Hindi ako direktsang nagpadala sa iyo ng mensahe dahil baka iniisip mo na may gusto akong makuha sa ginagawa ko. Baka iniisip mo na may iba akong motibo.”




          Naglakad ako papunta sa sofa na katapat niya habang kagat ko ang aking ibabang labi. “Kasi, sinira ko ang reputasyon ko sa iyo. Kaya siguradong iyung ganoon kabigat na rebelasyon, baka hindi ka maniniwala sa akin kung ako mismo ang nagsabi.”




          Dahan-dahan na inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. “Paano mo iyun nalaman? Sigurado akong hindi naman kayo magkakilala. Paano mo iyun, nalaman?” naitanong niya.




          Napalunok ako bago magsalita at sinubukang alalahanin ang mga nangyari. “Medyo nakakahiya kung paano,” natatawang sabi ko pero sumeryoso naman agad ako. “Nasa shop ako kasama si Alexis noong araw na iyun. Habang naglalaro kami, masama na ang sikmura ko. Tapos nang natapos na ang laro, nata-tae ako. Desperado na ako na ilabas iyung napakasamang pakiramdam ng tiyan ko. Kaya kaagad na dumiretso ako sa CR ng shop. Nang nakapaglabas na ako, saka ko lang naalala na may nangyari sa pasilidad ng CR niyo kaya out of order. Sira iyung ilaw, walang tubig, wala ding tissue. Nako! Tapos, imagine, napakabaho pa ng tae ko.” Ugh! Huwag kayong magtanong.




          “Hihingi na sana ako ng tulong nang may narinig akong boses," patuloy ko. “Kanina pa pala iyun at saktong-sakto na narinig ko ang parteng may ipagtatapat siya tungkol sa nangyari kay Mang Luke.”




          Humugot ako ng malalim na hininga. Pinigilan ko ang sarili ko na mag-kwento tungkol sa parte na pinigilan ko ang aking sarili na lumabas sa CR na iyun sa baho ng aking- hindi ko na uulitin.




          “Nang natapos na siya sa kaniyang tawag, lumabas ako sa CR at dumaan sa kabilang daanan. Dumaan ako sa harap na para bang nanggaling ako doon. Tinanong ko iyung bantay kung kilala niya iyung tao. Sinabi niya sa akin na ang pangalan niya ay Gerard.”




          Wala pa ring reaksyon mula sa kaniya. Siguro dahil mali ang ginawa ko. Nakinig ako sa usapan ng iba at hindi ko alam ang buong detalye.




          “Alam mo, pasensya na. Mali iyung ginawa-”




          “Huwag kang humingi ng pasensya,” pagputol niya.




          Nag-angat na siya ng tingin na may blangkong ekspresyon. Pero mas nakakagulat na bumuhos ang kaniyang luha habang pinapanatili ang blangkong ekspresyon niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero kaagad akong yumapos sa kaniya. Nang yumapos ako ay yumapos na din siya pabalik sa akin saka humikbi.




          “Napakasakit. Marahil, hindi parehas sa nangyari sa iyo, pero pinagtaksilan niya ako,” sabi niya habang humihikbi. “Siya ang may kasalanan kaya namatay si Mang Luke!”




          Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoong nangyari, pero alam kong mahal na mahal ni Larson si Mang Luke na para bang katulad ng isang ama. Ang nakuha ko lang ay mukhang may kapatid at kamukha si Larson na ang pangalan ay Lars. At ang Gerard na ito, siya ang una ni Larson.




          Ilang minuto ang nakalipas, hindi ko na namalayan na tumigil na sa pag-iyak si Larson at nakayapos pa rin ako sa kaniya at pati siya sa akin. Nakahiga na kami sa mahabang sofa. Nang bumalik ang aking saliri, iba na ang aking napansin habang nakayapos. Napaka-init ng balat ni Larson. Ang sarap sa pakiramdam. Pero mali itong ginagawa ko.




          Tumigil ako sa pagyapos at sinubukang kumawala sa kaniya. Pero hindi ako makaalis.




          “Umm, Larson?”




          “Dito ka lang,” rinig kong sabi niya. “Pwede?”




          “Sure, bakit hindi,” sarkastikong sabi ko. “Pero ang yapusin ka dito sa sala habang tuwalya lang ang suot mo. Tapos baka-”




          “Beep! Beep!”




          “Shit!”




          Kaagad akong kumawala sa hawak niya. Nahulog pa ako sa sahig pero ininda ko ang sakit. Pagkabangon ay pinalo ko kaagad siya sa tagiliran.




          “Magtago ka sa taas, dali!” sabi ko sa kaniya.




          Wala namang reaksyon si Larson. Habang nakatapis pa rin ang twalya sa bewang, umakyat si Larson sa kwarto ko. Kaagad akong tumingin sa paligid kung may kahina-hinalang bagay ako na iniwan. Inayos ko ang sarili ko para makasigurado na maayos ako at walang bagay na nangyari dito sa sala. Wala.




          Nang palabas na ako ng bahay, muntikan akong nadulas dahil hindi ko napansin na basang-basa iyung entrada ng bahay. Shit! Isa pa iyan! Lilinisin ko ba muna ito bago pa dumating si Papa or pagbuksan muna ng gate si Papa?




          Kalaunan, bumukas mag-isa ang pintuan. Nagulat ako dahil kung bumukas mag-isa ang pintuan, nag-iisa ako dito sa bahay at wala akong inaasahang bisita, at nag-iisa si Papa, sino ang papasok?




          Niluwa ng pintuan ang isang lalaki na medyo matanda sa akin at may hawak na mga gamit at bag. Ang pantaas nito ay medyo basa habang ang itim na pantalon naman niya ay maraming lebel ng basa sa kaniyang pang-itaas. Saka gumana ng utak ko na baka kasamahan ito ni Papa sa kaniyang trabaho.




          “Umm, magandang araw. Payong?” kaagad nitong tanong sa akin.




          Tinuro ko lang ang mga lagayan ng payong na nasa kanan ko lang. Kumuha siya at muntikan pang madulas nang nahawakan ko siya para hindi siya mawalan ng balanse.




          “Salamat,” sabi nito nang tumingala.




          Kaagad siyang bumitaw at kumuha ng dalawang payong saka lumabas. Nang lumabas ako, nadatnan ko iyung lalaki na binibigyan ng payong si Papa.




          Kaagad naman kaming pumasok sa loob dahil lumakas pa lalo ang ulan. Kumuha naman ako ng mop saka pinunasan ang mga iniwan nilang ‘kalat’ sa bahay.




          “Chester, i-dryer mo na iyang damit mo. Aalis tayo maya-maya lang,” rinig kong sinabi ni Papa habang nagma-mop. Nako! May laman nga pala iyung dryer! Pero tapos na iyung damit ni Larson.




          Tumigil ako sa aking ginagawa. “Papa, ako na lang maglalagay sa dryer,” nasabi ko.




          Tumingin si Papa sa akin na para bang may kakaiba akong sinabi. May kakaiba nga talaga akong sinabi.




          “Ilagay mo na lang sa balde at ako na ang bahala na maglagay sa dryer,” dagdag ko sa assistant niya. “Andyan lang iyung CR turo ko sa isang direksyon.”




          Tumango naman ang assistant niya at hinanap ang CR. Tumungo naman si Papa sa kusina at naghanap ng makakain.




          “Kumain ka na?” tanong ni Papa mula sa kusina na tinaasan niya ang kaniyang boses para marinig ko.




          “Opo,” sagot ko. “Initan mo lang iyan ‘pa.” Pinatungkulan ko ang unang pagkain na makikita niya sa ref.




          “Iyung kaibigan mo? Kumain din ba?” biglang naitanong ni Papa.




          “Po?” naguguluhan kong tanong.




          “Iyung kaibigan mo. May nakita akong isa pang pares ng tsinelas sa labas.”




          Nanlaki ang aking mata dahil nakalimutan ko ang isang napakaliit na detalye. Kaagad na tinapos ko ang aking pagma-mop saka tumungo sa CR.




          “Kumain na rin po,” hindi ko siguradong sagot.




          Lumabas ang assistant niya sa CR na may suot na bagong damit. Ibinigay din niya sa akin ang balde na naglalaman ng kaniyang basang kasuotan.




          “Papuntahin mo dito si Chester para kumain na. Pgkatapos niya.”




          Tiningnan ko lang si Chester sa mata. “Sa kusina.”




          Nang umalis si Chester, pumunta ako sa likod-bahay at nilabas ang mga damit ni Larson. Pinasok ko naman iyung damit ni Chester. Kaagad akong umakyat sa taas kung saan nagtatago si Larson. Nadatnan ko siya sa kama ko na nakahiga. Nilagay ko na lang sa kama ang tuyong damit niya saka bumaba.




          Nang bumaba ako sa kusina, nag-uusap sila nung kaniyang assistant. Narinig ko na ang pag-uusap nila ay tungkol sa mga balita na ibinalita ni Papa kanina. Gusto ko sana sumali sa usapan. Kaya lang, baka kapag nakipag-usap ako kay Papa ay magtanong siya kung sino ang kasama ko ngayon sa bahay.




          “Sino nga pala iyung kasama mo dito sa bahay?” naitanong ni Papa habang kumakain. Huh? Bakit alam ni Papa na sumisilip lang ako sa kanila?




          “Si Kian,” sagot ko.




          “Hindi ba masyadong malaki ang paa ni Kian para maging tsinelas niya iyun?” Nako! Ganoon ba kahalata na mas malaki ang paa ni Larson kay Kian?




          “Para hindi niya malakihan agad ang kaniyang tsinelas. Alam mo naman si Kian, bihira lang magpalit ng tsinelas kasi bihira lang niya gamitin iyun,” paliwanag ko.




          Nagtaas ng kilay si Papa. “Sa bagay. Oo nga pala.”




          “Oo nga pala, sir. Ano nga pala iyung multo na sinasabi ninyo kanina?” tanong ni Chester.




          Bumaling iyung atensyon ni Papa sa kaniya. “Ahh! Habang papunta kasi dito, parang nakita ko kasi iyung dating kaibigan ng anak ko.” Tumingin siya sa akin. “Si Aulric ba iyun, iyung dating boyfriend ni Zafe?”




          “Aulric? Bakit ‘pa? Nagpakita ang multo niya sa iyo?”




          Nag-isip saglit si Papa at inayos ang kubyertos sa plato nang tapos na siyang kumain. “Hindi ko nga masabing multo iyun. Para kasing buhay na buhay siya nang nakita ko siya sa airport. At, mukha siyang nagtatago.”




          “Papa, ni hindi niyo nakasalamuha iyung tao. Bakit naman magmumulto iyun sa inyo?”




          “Pero kasi, hindi nag-a-add up. Kasi nakita ko talaga na buhay na buhay. Pero wala naman siyang kapatid o ano.




          “Baka po kamukha lang?” sabi ni Chester na tapos na ding kumain.




          “Hmm, baka nga.”




          Kinumusta naman ako ni Papa. Maayos ang usapan hanggang sa pinansin na naman niya si Larson, Kian. Si Chester naman ay kinuha na ang damit na ipinatuyo.




          “Asaan si Kian at bakit hindi siya bumababa?” tanong ni Papa.




          “Tulog, sa taas,” sagot ko agad.




          May itatanong pa sana si Papa nang tumunog ang phone niya. Napatingin din ako sa orasan na nasa kusina at nagpakawala ng malalim na hininga. Oras na para umalis si Papa dahil sa kaniyang show. Gusto ko sana na manatili si Papa ngayon pero hangga't si Larson ay nasa taas ng kwarto ko at naka-twalya lang siguro, gusto ko ng umalis si Papa.




          Humupa na ang ulan sa labas. Medyo sumisilip na ang araw kaya lang ay kulay dalandan pahiwatig na pagabi na. Hinatid ko sila Papa palabas.




          Umakyat ako pabalik sa kwarto ko. Nang pumasok ako ay nadatnan ko pa rin si Larson kung ano ang nadatnan ko sa kaniya kanina. Mahimbing siyang natutulog.




          Binalewala ko ang pakiramdam ko kanina dahil sa ipinagtapat niya sa akin kanina. Pero ngayon, ayos lang ba na umatake? Mga ilang oras na rin iyung naglabas siya ng sama ng loob niya. Sinubukan kong tumitig lang sa mukha niya. Pero hindi ko maiwasan na ibaba ang tingin ko. Tuwing matagal-tagal akong pumipikit, kahit sa aking pagtulog, parang nararamdaman ko ang ginawa sa akin ni Larson. Iyung marahas na paggalaw niya habang bumabayo sa harapan ko.




          Wala na si Papa, at si Mama naman ay sa susunod na linggo pa makakauwi. Dahan-dahan na sinakyan ko ang natutulog na anyo ni Larson. Alam kong noong isang araw, tutol na tutol si Larson sa nangyari sa amin. Pero ako, hindi. Gusto kong maulit iyun. Gusto kong malaman kung bakit ganito ang epekto sa akin ni Larson. Sa tuwing nakikita siya, nalilibugan ako.




          “Anong ginagawa mo?”




          Kaagad akong nagising mula sa aking pag-iisip. Nakikita ko si Larson na nakamulat na ang kaniyang mata.




          Magpapaliwanag pa sana ako nang pinutol niya ako sa pagsasalita ko.




          “Maghubad ka,” mahinang sabi niya.




          Nagulat ako nang dumako ang isa niyang kamay sa bewang ko. Ang init na nararamdaman ko sa kamay niya, napakasarap.




          “Sigurado ka ba?” tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. “Baka bukas, ma-guilty ka.”




          Sa hindi malaman na dahilan, natutuwa ako nang sumimangot si Larson. Ahh! Si Kuya Larson. Bihira ko lang siya makitang sumimangot. Palagi, ako iyung sumisimangot dahil sa mga pang-aasar niya. At noong bina-blackmail ko siya. Noong mga panahon na iyun, walang ligaya akong nararamdaman. Pero ngayon...




          Bigla siyang ngumiti. “Gusto kong makalimot, kahit sandali lang. Dahil hanggang ngayon, mula kanina pa, galit na galit ako.” Sumunod ay naging blanko ang ekspresyon niya. “Iyung suntok na natanggap niya kanina, kulang pa iyun sa ginawa niya. Sisiguraduhin ko na isa sa mga araw na ito...”




          “Papatayin mo siya?” hula ko habang minamasa-masahe ang dibdib niya.




          Napapikit at napa-ungol ko si Larson sa ginawa ko. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod na itinulak ako papalapit sa bibig niya. Sa simula ay magkalapit lang ang aming mga ng halik hanggang sa ginamit na rin niya ang kaniyang dila at mas lalo niyang idiniin ang pagtulak ng kamay niya sa likod ko. Ano nga ba ang sinasabi ko kanina? Hmm, nakalimutan ko na.




          Sinubukan kong labanan ang ginagawa niya pero sa huli ay nanalo siya. Nawala ako dahil sa init ng katawan niya. Ang init ng lumalaki niyang ari na nararamdaman ko sa pagitan ng aking mga paa.




          “Maghubad ka,” sinabi niya ulit nang humiwalay siya bago pa humalik sa aking baba.




          Sa totoo lang, hindi ko magawa ang gusto niya dahil bumalik na naman siya sa akin labi habang nakatulak pa rin ang kamay niya. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niya na hawak na ang laylayan ng aking damit sa likod. Pataas ito ng pataas hanggang sa itinaas ko ang aking kamay at naalis niya ng tuluyan ang aking damit.




          Tumigil na naman siya sa paghalik at naghiwalay kami.




          “Ikaw ang taya,” sabi niya. “Ikaw, naman, ang magpaligaya, sa, akin,” dahan-dahan niyang sabi habang dumako na naman ang kamay niya sa bewang ko habang dahan-dahan na umaangat ito hanggang sa utong ko.




          “Kaya mo ba?” tanong niya.




          Binigyan niya ako ng naghahamon na tingin. Bagama't nakikita ko na halos walang kabuhay-buhay ang mata niya, at baka pagsisisihan niya ito kinabukasan, magsisi siya. Wala akong pakialam.




          Inangat ni Larson ang kanang daliri niya sa gitna. Tatlo ang bilang ko. At itinapat niya iyung sa labi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya hanggang sa lumapit ito sa labi ko at pinapasok ko ang mga ito. Biglang may ideya ang pumasok sa utak ko at sinipsip ang mga daliri niya. Matagal-tagal na ginawa ko iyun hanggang sa inilabas niya ito.




          Napapikit ako nang naramdaman ko ang daliri niya. Hindi ko alam kung ilan iyun, pero gumalaw ako. Medyo nahihirapan ako dahil siguro magkaiba ang daliri at ang tunay na bagay na dapat pumapasok sa puwitan ko.




          “Cute.”




          Hindi ko alam kung bakit sinabi niya iyun. Nang sumilip ako, nakabuka pa ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Mukha siyang namamangha sa ginagawa ko.




          Nang natapos na siya sa mga daliri niya, binigay na niya sa akin ang main course. Sa tulong niya, dahan-dahan na ibinaba niya ako sa ari niya. Napapikit ako dahil medyo masakit iyung nangyayaring pagpasok niya. Nang naramdaman ko ang buhok niya, hinayaan niya muna ako na magpahinga.




          Habang nagpapahinga ay nararamdaman ko ang kaniyang kamay na hinihimas ang aking puwitan.




          “Nakalimutan mo na ba siya?” bigla kong tanong.




          “Sino ang tinutukoy mo?”




          Umangat siya nang nagtanong siya. Medyo nagulat ako kaya napa-ungol ako. Nagtuloy-tuloy na siya sa pag-angat at gumalaw na din ako. Mabagal siya noong una hanggang sa bumilis siya. Sa gitna ng ginagawa namin, hindi ko namalayan na makakaraos na ako dahil tutok na tutok ako sa ginagawa ko. Sumunod naman siya at ipinilit pa ni Larson na ibaon pa ang kaniyang semilya sa loob ko.




          Nang parehas na kaming pagod sa ginagawa, inalis ko ang sarili ko sa ibabaw niya. Sa saglit na oras, naramdaman kong kontento na ako sa buhay. Kontento. Understatement.




          Maya-maya ay nagulat ako nang ipinulupot ni Larson ang kamay niya sa gitna ko. Naramdaman ko sa isa na namang pagkakataon ang mainit niyang katawan. Pero ang ari niya na dumaplis sa puwet ko ay hindi na ganoon katigas. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero hinayaan ko lang ang antok na kunin ako.




Joseph's POV



          Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nararamdaman ko na may nangyari. Hindi ako tanga. Iyung Ren na naiwala namin ni Mama ay tuluyang nawala na. May Ren nga na bumalik sa amin, pero ang bumalik ay, iba.




          Ilang araw na nang bumalik sa amin si Ren, marami akong bagay na napansin sa kaniya. Napaka-sweet ni Ren sa Mama ko, mas sweet pa kesa noong, naiwala namin siya. Hanggang sa may isang bagay ang pumasok sa aking utak. Ang orihinal na Ren ay wala ng mga magulang. Nagkaroon lang siya nang, nag-boluntaryo ang Mama ko na maging pansamantala niyang magulang. Hindi ako sigurado pero, nagbalik na ang orihinal ni Ren. Naibalik na niya ang kaniyang mga alaala.




          Isang araw, nang kami na lang ni Ren ang natira sa bahay para maghugas ng mga pinggan, kaagad kong binigyan si Ren ng masamang tingin.




          “M-May problema ba, kuya?” natatakot na tanong ni Ren. Sinasabi ko na nga ba.




          Iyung Ren na inaalagaan ko, hindi siya natatakot sa masama kong tingin. Ang gagong bata ay mukhang iniisip pa na nakikipaglaro sa kaniya at binabalik ang aking masamang tingin sa pabirong paraan.




          “Huwag mo akong tawaging ‘kuya’, kahit kailan,” madiin na sabi ko. “Huwag ka din magkunyari na hindi mo pa naibabalik ang mga alaala mo.”




          Humugot na lang ako ng malalim na hininga at ipinagpatuloy ko ang paghuhugas ng plato. Nako! Paano kung mali ang iniisip ko? Paano kung ito lang talaga ang normal na Ren?




          “Sinasabi na nga ba. Naaasar ka pa rin kapag tinatawag kitang kuya.”




          Tumindig ang balahibo ko saglit sa paraan ng pagsasalita ni Ren. Iyung para bang na-possessed si Ren ng kung anong maligno dahil sa normal na paraan niya ng pagsasalita noong nawala ang alaala niya, napalitan na ito ng boses na, alam na alam talaga niya ang sinasabi niya.




          Nang natapos na ako sa isang plato, ipinasa ko ito sa kaniya. Sinalubong niya ako ng ngiti, iyung ngiti niya sa tuwing nagpa-practice kami ng maayos sa Music Room. Kalimitan, binabalik nilang lahat ang ngiti ni Ren maliban lang sa akin. Siguro, nakaugalian ko na. Pero ngayon, nginitian ko siya pabalik.




          “Oo, naaasar talaga ako. Magkasing-edad lang kaya tayo,” dahilan ko. “Maiba nga ako, bilang isang Kuya Joseph, mula 1-10, anong numero ang pagiging kuya ko?”




          Naging interesado ako sa isasagot ni Ren. Muli, bilang naging nakakatandang kapatid niya, hindi siya mahirap alagaan. Namura ko ba si Ren nang minsan? Sa sama pa naman ng ugali ko, tiyak mamumura ko siya. Pero hindi. Mukhang may gumising sa pagkatao ko para maging mabait sa kaniya. Para maging isang huwaran na kapatid. O baka dahil pakiusap ito ni Mr. Schoneberg.




          Ngumiti si Ren at ibinalik ang hawak na plato sa lagayan. “Hindi ko alam,” iling niya.




          “Ano ulit?” gulat na tanong ko. “Ang bait-bait kong kuya. Tapos hindi ko alam lang ang isasagot mo? Ang sakit sa damdamin!”




          “Ehh, sa hindi ko alam,” ngiwi niya. “Baka naman kapag sumagot ako, magreklamo ka sa ibibigay kong marka?”




          “Hindi ako magrereklamo,” sagot ko. Naghugas na naman ako ng isang plato. “Alam mo, sa kasunduan na ito, na-diskubre kong isa akong mabait na kuya kung may kapatid ako.




          “Talaga?” sarkastikong tanong niya. Okay, nagagalit na talaga ako!




          “Kailan pa?” naitanong ko. “Kailan pa naibalik ang alaala mo?” Ibinigay ko sa kaniya ang platong hinihugasan ko.




          “Noong na-kidnap ako,” diretso niyang sabi sabay balik ang plato sa lagayan matapos niya itong pagpagin sa ere.




          “Mga ilang araw na din pala,” sabi ko sa aking sarili.




          Tumingin sa bintana si Ren na nasa harapan namin habang nagsasalita siya. “Gusto ko kasing magtagal pa muna ang Mama mo dito, Joseph. Kasi kung ipaalam ko na nakakaalala na ako, baka paalisin kayo agad. Gusto kong magkaroon ng Mama, kahit pansamantala lang.”




          Siguro, kahit talaga sino, hahanapin ang pagmamahal ng isang magulang. Ilang taon nang walang ganoon si Ren. At sa pagbabalik pa lang ng alaala niya, isang masakit na katotohanan ang natunghayan niya. Ngayong alam na niya ang katotohanan, iniisip kaya niya na nagkukunyari lang kaya si Mama para sa kapakanan niya?




          “Pwede mo naman siyang tawaging Mama.” Tumingin din ako sa labas. “Basta huwag mo na akong tatawaging kuya, kahit kailan.”




          “Pero nagkukunyari lang ang Mama mo, hindi ba?” Bumaling sa akin ng tingin si Ren. Bahagyang hindi maganda ang timpla ng mukha niya.




          Nagpatuloy akong tumingin sa bintana. “Noong una, pagkukunyari talaga iyun,” diretso kong sabi. “Pero nang kalaunan, normal na gumagalaw ang mga isip namin at hindi iniisip na trabaho lang ito na ibinigay sa amin ni Mr. Schoneberg. Sa totoo lang, gusto ni Mama na magkaroon ng isa pang anak. Kaya lang, may kondisyon si Mama na kapag nagbuntis siya, baka hindi niya kayanin at iyung bata. Ako naman, baka gusto ko ng nakababatang kapatid. Kapatid na mapagmahal katulad mo. Natatandaan mo ba iyung sinabi ko sa iyo na ampon lang ako ni Mama?”




          Patuloy lang na tumingin sa akin si Ren pero sa bintana pa rin ako nakatingin.




          “Hindi ko sasabihin iyun sa iyo kung, hindi ako totoo sa iyo. Ikaw pa lang ang nakakaalam na ampon ako.” Bigla akong nagdalawang-isip sa sinaaabi ko. Si Franz kaya, alam iyun?




          Sa gilid ng aking paningin, nakita kong ngumiti si Ren. “Salamat.”




Edmund's POV



          “Hulaan mo kung sino na naman ang nanloko sa atin,” sabi ni Keifer na ihinain sa mesa ko ang pagkain na in-order ko.




          Inikot ko lang ang mata ko. “Bakit pa ako magugulat?” sabi ko sa sarili ko.




          Bumalik na sa counter si Keifer. Paliwanag, niloko na naman kaming lahat ni Gerard. Iyung aktong maging antagonista sa buhay ni Keifer, isa lang ding palabas. Ang suspetya ko ay para makalapit kay Ronnie.




          Speaking of Ronnie, well, nag-cover up na lang kami at ipinagkalat na nasa ibang eskwelahan siya o ano. Kahit masama pala ang papel ni Ronnie sa amin, hindi na namin iyun pinalala pa sa pagsabi sa buong eskwelahan na patay na siya.




          At speaking sa pagkamatay ni Ronnie, isang nakakapangilabot na balita ang natanggap namin. Hindi yari sa Pilipinas ang baril na ginamit sa pagpatay sa kaniya. May mga spekulasyon sa military na baka original work ng baril, o, ibang bansa. Walang maibigay na siguradong eksplanasyon ang mga imbestigador sa nangyari. Pero hindi na importante iyun. Ang mahalaga, isang kampon ng kasamaan na naman ang nawala sa buhay namin, sa buhay ni Ren.




          At malayo na pa ba ako sa aking pinapaliwanag? Ngayon, kahit na tuloy-tuloy ang sustento ni Keifer, nakabalik na siya sa apartment niya, dahil nakakaalala na si Ren at kaya ng mabuhay mag-isa. Nagtatrabaho pa rin siya sa cafeteria ng eskwelahan. Ang dahilan niya...




          “Ekstrang pera,” sagot niya.




          Sinubukan kong tanungin si Keifer tungkol kay Ren, dahil interesado ako kung ano ang magiging takbo ng relasyon nila. Pero ngiti lang niya ang isinagot ni Keifer.




          Sa kalagitnaan ng pagkain, narinig ko ang boses ni Gerard. Lumingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses niya. Nakita ko siya na may kausap na dalawang babae. Naka-akbay siya sa isang babae




          “Ay! Sige Gerard!” Umalis sa pagkaka-akbay iyung isang babae. “Salamat pala sa pagtuturo sa amin.”




          “Walang problema,” cool na tugon niya. “Basta ang tinuro kong mga cardinal rules sa gusto ng prof natin.”




          “Sige. Bye,” paalam ng dalawang babae na lumakad na palayo sa kaniya.




          Sa gilid ata ng paningin niya, nakita ako ni Gerard. Ibinaling niya ang tingin sa akin at kumaway. Pumunta naman siya sa counter at may-ipinaorder kay Keifer. Maya-maya ay kinuha niya ang kaniyang phone. May sinabi na muna siya kay Keifer sabay lagay sa tenga ang phone at tumabi sa lumalaking linya.




          May ibang tao naman ang pumunta sa harapan ko at nagtanong.




          “Kasama daw kayo ni Gerard?”




          Tumango ako at ibinaba na niya ang mga pagkain na in-order ni Gerard. Maya-maya ay umupo na si Gerard sa kabilang upuan. Saka ko lang napansin ang pawala ng pangingitim ng mukha niya. Nabugbog ba siya nung mga humuli sa kaniya?




          “Galing kay Larson,” sagot niya sa tanong na hindi ko pa itinatanong. “Nang sinabi ko sa kaniya ang totoo, hinanda ko na ang sarili ko na saluin ang suntok niya.” Umiling siya saka sumubo ng pagkain.




          “Worth it ba iyung bukol sa ulo mo dati?” tanong ko matapos maalala na parte pala iyun ng palabas niya.




          Lumunok si Gerard. “Oo naman. Hanggang sa nasa loob pa rin ng kalkulasyon ko ang mga nangyayari at iyung mga taong involve ay hindi napahamak.” Ngumiti siya ng mapait. “Pwera lang sa matanda,” dagdag pa niya sa sarili.




          Napailing na lang talaga ako sa sinasabi niya. Para sa akin, hindi ako nag-a-agree sa sinasabi niya. Nasaktan niya ang mahal niya sa kaniyang ginawa. Pero kung hindi dahil doon...




          “Gusto kong permanente na putulin ang pakikipag-ugnayan natin sa isa't isa,” bigla niyang sabi.




          Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “A-Ano?”




          Humugot siya ng malalim na hininga. “Ayoko nang tumalon papunta sa iyo agad. Sigurado ako na itong relasyon natin...” Tinuro niya kaming dalawa. “ay hindi mo gusto. Kasi sasabihin ko na sa iyo ngayon pa lang. Posibleng iyung ginawa ko, hindi iyun ang huli. Walang katapusan na kasinungalingan ang sisira sa atin, Edmund. Kaya ngayon pa lang, gusto kong itigil na ng permanente ang relasyon natin.”




          Nanlaki ang mata ko sa sinabi. “Huh? Ano ba ang sinasabi mo? Sinasabi mo ba na hindi ka pa tapos?”




          “Hindi kahit kailan natatapos ang pagiging, ganoon ko,” sabi niya kasabay ng paggalaw ng kamay niya na mukhang pinapatungkulan ang sarili. “pagiging manipulative. At ayokong masira ang buhay mo, Edmund. I love you, pero mas maganda na...” Lumunok ulit siya. “mag-isa kong sisirain ang buhay ko.”




          Tumayo siya agad na hindi man lang tinatapos ang pagkain. Hindi ako nakagalaw nang ilang segundo dahil, nagulat ako. Binigyan ko siya ng panahon pero hindi siya bumalik sa akin.




          Naikuyom ko lang ang kamao ko. Hindi ako pumapayag.




Gerard's POV



          Umalis kaagad ako ng cafeteria para hindi na marinig ang sasabihin pa ni Edmund para maisalba ang relasyon naming dalawa. Pero, ayoko na. Iyung tingin ni Larson sa akin nang umalis siya, ayokong makita iyun sa mata ni Edmund. Ayokong dumating ang araw na kamumuhian ako ng taong minahal ko.




          Tumungo ako sa pinakataas na baitang ng building at umupo sa parteng may anino. Tumingin ako sa napaka-asul na kalangitan, na may butil ng luha sa mata. Parte ng pagkatao ko, gusto kong hindi mawala ang relasyon namin ni Edmund. Pero paano kung ang mga aksyon ko ay maapektuhan siya ng malaki at kamuhian na niya ako ng tuluyan? Paano kung magkamali ako?




          Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa aking ginagawa. Napakadilim na ng kalangitan. Ang phone ko naman ay, pinatay ko nga pala. Pinatay ko dahil ayokong maistorbo sa aking kalungkutan.




          Binuksan ko ang phone ko at hinanda ko ang sarili ko kung may ipinadalang mensahe sa akin si Gerard. Pagkabukas ay maraming data ang pumasok sa phone ko. Pero ni isa nito, walang galing kay Edmund. Okay. Mabuti ito.




          Nang bumalik ako sa apartment, bigla akong kinutuban. Hindi ko matukoy kung ano iyun pero, ano iyun? Kinukutuban talaga ako.




          Tumingin ako sa paligid. Tumingin din ako sa ibaba kung may kakaiba na dahilan ng pakiramdam ko. Wala naman. Ibig sabihin, sa loob ng bahay ko?




          Tumingin ako sa apartment ni Keifer at tiningnan kung may kakaiba din sa kaniya. Ahh, patay ang mga ilaw. Wala pala siya ngayon dahil may ginagawa sila sa Journalism Club. Sa welcome mat na nasa tapat ng apartment ko, hinanap ko ang maliit na kutsilyo na itinago ko dito. Nagulat ako na wala akong makapa. Sunod ay sinubukan ko sa welcome mat ni Keifer. Nakahinga ako ng maluwag matapos makakuha ng isa.




          Naitago ko kaagad ang kutsilyo matapos may maramdaman na may lumalapit sa akin. Iyung ka-floor lang pala namin na binati ako nang dumaan sabay pasok sa apartment niya.




          Pumasok ako sa apartment ko ng normal. Binuksan ko ang ilaw at normal na ginagawa ang karaniwan kong ginagawa kapag pumapasok ng bahay para hindi makahalata ang kung sino o ano na pumasok sa apartment ko. Pagkapasok ko sa kwarto pagkabukas ng pinto, nagulat ako nang nakita ko si Edmund na naka-upo sa gilid ng higaan at nakaharap sa pintuan. Oo nga pala. May susi pa siya sa apartment ko.




          “Nakalimutan mo na ba ang isang bagay? Tanggap ko ang lahat sa iyo,” sabi niya.




          Kinuyom ko ang aking kamao. “Ganyan din ang sinabi ni Lars, Larson matapos malaman nila na sa kalabang pamilya ako naninilbihan,” galit na dugtong ko. “At ano ang nangyari?! Kinamumuhian ako ni Larson!” Kumalma ako mula sa aking pagsigaw. “Alam mo ba, matapos makita ang tingin ni Larson, natakot ako. Paano kung ikaw naman? Paano kung pumalpak ako sa isang bagay at ikaw naman ang tumingin sa akin ng ganoon?!”




          “Nasaksak mo ba si Lars o si Larson sa dibdib na halos ikamatay na nila?” naitanong niya. “Pero hinahanap-hanap pa rin kita.” Dinuro niya ang sahig na may galit. “Sumunod ako sa apartment mo para sabihin sa iyo na, ayos lang ang lahat. Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Mang Jude. Si Anthony ang may gawa noon. Siya ang pumatay doon sa matanda. Hindi ikaw.”




          “Oo. Hindi ako. Pero paano kung sa susunod? May mangyari na naman na ganito at ang mahal mo sa buhay ang mawala?”




          Humiga ng malalim si Edmund at malungkot na ngumiti sa akin. “Sisiguraduhin mo na hindi na iyan mangyayari ulit dahil natuto ka na.”




          Sarkastiko akong tumawa. “Napakadali namang sabihin.”




          “Pero gagawin mo, hindi ba?”




          Nasabunutan ko ang sarili ko saka tumingin sa sala. Oo, gagawin ko. Pero Edmund, umalis ka na. Ayokong madamay ka pa sa mga gulong mangyayari, kung meron man.




          “Alam mo, ang sakit ng ginagawa mo ngayon sa akin,” sabi ni Edmund. “Ang sakit dito...” Hindi ko pa rin siya hinarap pero sigurado akong nakaduro ang kung anong side ng daliri niya sa puso. “dahil sa tagal ng ating relasyon, hindi ka pa rin nagtitiwala sa akin? Sinabi mo sa akin ang mga kasalanan mo. Asaan ako pagkatapos mo ginawa iyun? Nandito pa rin ako, naghihintay sa kwarto mo. Humahahol para sabihin sa iyo na nagkakamali ka sa iyong desisyon.”




          Hinarap ko siya. “Pero marami pa rin akong itinatago sa iyo, hanggang ngayon. At ang hirap nito sa loob ko dahil kailangan ko itong itago.”




          “Bakit hindi tayo ang maghirap sa sikreto mo?”




          Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. “Anong sinasabi mo? M-Maghirap tayo?”




          Tumayo si Edmund at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hindi ko mapigilan na mapaungol sa init na nararamdaman ko sa paghawak pa lang ng kamay niya.




          “Sabihin mo lahat sa akin ang mga sikreto mo. At kung ano iyun, itatago ko din nang sa ganoon ay maghirap din ako. Magdusa tayo pareho. Alam mo, masarap magdusa nang may kasama. Nang sa ganoon ay gumaan ang pakiramdam mo. At handa akong magdusa para sa iyo, Gerard. Ganoon kita kamahal.”




          May pangarap ako noong bata pa ako, bago ko pa malaman ang ginagawa ng papa ko. Isang normal na pangarap ng bawat bata. Magkaroon ng asawa, anak, at mabuhay ng payapa. At nagbago iyun pagkatapos kong malaman ang ginagawa ng papa ko. Maghanap ng mapagkakatiwalaan ng aking mga sikreto at paghihirap at subukang mabuhay ng mapayapa. Iyung una kong pangarap, napakahirap noon. Pero mas mahirap ang pangalawa. Idagdag niyo pa ang dati kong, pinagmulan. Ngayon, may nahanap akong isang tao na gagawing katotohanan ang pangarap ko. Pero natatakot ako.




          “Kapag nawala ang pagmamahal mo at pagtitiwala sa akin, papatayin kita,” bulong ko kay Edmund. “Susugal ka pa ba sa relasyon natin, Edmund? Masasabi mo kaya ang mga bagay na iyan paglipas ng ilang taon?”




          “Kung iyan ang gusto mo, gawin mo. Pero Gerard, tandaan mo. Hindi kita bibitawan.”




          Ibinigay ko ulit ang sarili ko sa kaniya. Nang gabing iyun, naging mas masaya ako. Dahil kung totoo man na hindi niya ako bibitawan, susuklian ko ang pagmamahal niya. Hindi ko siya bibitawan. Sino ba naman ang hindi? Ang isa sa mga bagay na magpapaligaya sa akin ay nasa harapan ko lang pala. Hindi kay Larson, pero kay Edmund lang pala.




Ren's POV



          Mabilis lumipas ang mga araw. Nang nagtapat ako sa Mama ni Joseph na bumalik na ang alaala ko, lumipas pa ng isang linggo para tuluyan na umalis sila Joseph. Kahit na hindi na ako responsobilidad ng Mama ni Joseph, gusto niya masiguro na kaya ko na ulit ang aking sarili.




          Pagkatapos ng linggong din iyun, kinausap ko naman ang iba ko pang mga kaibigan. Tuwang-tuwa naman sila nang bumalik na talaga ako. Kaya lang, mukhang may malas na idinala ang pagbabalik ng alaala ko. Natalo ang banda namin sa Battle of the Bands. Sa kabila ng kamalasan, nanalo ulit ang eskwelahan sa liga.




          Patuloy na naging normal ang takbo ng aking buhay. Kahit na nasa tabi ko sila Keifer at Allan, wala silang ginagawa kung hindi ang sumunod lang sa akin. Hindi ko pa rin kasi alam ang gagawin. May dapat kaming pag-usapan, pero ano ang dapat kong gawin?




          “Bakit hindi muna natin bigyan ng pahinga ang isa't isa?” sabi ko sa kanila.




          Nasa cafeteria kami at pauwi na ang lahat. Kami na lang siguro sa lugar na iyun. Pero nakita ko si Marcaux kasama ang mga kaibigan niya. Kaya lang ay nag-U-turn sila.




          “Look, alam kong dapat na akong pumili para matapos ang lahat nang ito,” nininerbyos na paliwanag ako. “pero hindi ko magawa.”




          Inilapat ko ang aking kamay sa aking dibdib. May bagay akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. At habang pinapatagal ko ang pananahimik ko, pakikiramdam ko ay mawawala ko silang dalawa.




          Tiningnan ko silang dalawa. Gulat na ekspresyon ang ipinakita sa akin ni Allan. Habang si Keifer ay naka-maskara ang kaniyang ekspresyon. Hindi ko siya mabasa kagaya ng dati. Nababasa ko nga ba siya dati?




          “Pero-”




          Pinigilan ni Keifer si Allan sa sasabihin niya gamit ang tapik ng kamay. Umiling si Keifer suot pa rin ang maskarang ekspresyon niya.




          “Kailangan ko lang ng panahon. Hindi ko alam kung kailan. Siguro, sa katapusan ng college. Kung kailan, mas malaki na tayo. I don't know. Mas maalam sa buhay natin?” mangiyak-ngiyak kong paliwanag. “Basta, kailangan ko lang ng panahon.”




          Lumunok ako at kaagad na tumayo palayo sa kanila. Hindi ako lumingon pabalik para tingnan kung ano ang magiging reaksyon nila.




          Kinabukasan sa klase, nagpalit na ng upuan si Geo at Allan. Si Allan, nasa kabilang dulo na nakaupo katabi pa rin si Alexis. Si Keifer ay patuloy pa rin ang buhay. Ako naman, sinusubukan na balewalain ang nararamdaman ko sa dalawa. Pero kahit na binabalewala ko ang aking nararamdaman, ang takbo ng buhay namin ay pinipilit kaming pagtagpuin. Kaya lang, buo na ang desisyon ko. Ayoko munang mamili. Natatakot ako na kapag pumili ako ng isa ay may bagay akong gawin na ikakasama para sa lahat.




Allan's POV



          Nasa labas ng bahay kami ni Marcaux kasama si Keifer. Ang mga kaibigan namin ay nasa loob at nagka-karaoke. Kasalukuyang kinakanta ni Alexa ang isang napalaking biro sa kanilang club ang kanta ni Imelda Papin na, Isang Linggong Pag-ibig. Nandito kami sa bahay niya ngayon dahil graduate na sa academe si Marcaux, Keith, at ilan pang mga kaibigan nila sa Journalism Club. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang ituring kaming sakit ni Ren. Alam niyo iyun? Nakikita ka niya pero umiiwas? Pero sakit ba ang tawag doon? Kasi at least naman, nginingitian pa rin niya ako, at si Keifer.




          “Nanalo nga kami pero hindi ko ramdam na nanalo ako,” sabi ko sa sarili matapos tingnang ang shot glass na may kaunting laman ng empi, na pinapa-ikot-ikot ko lang sa baso.




          “Ako, ramdam ko,” tugon ni Marcaux na katapat ko.




          Inis na tiningnan ko si Marcaux tsaka tinungga na ang alak. “May Keith ka.”




          Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. “Wait, tungkol na naman ba ito kay Ren na walang pinili sa inyo ni Keifer?” Nilingon nito si Keifer sa katabi ko lang at kinuha na ang shot glass para isalin sa susunod na iinom. Siya.




          “Ikaw, may ipagmamalaki. Ako-”




          “Ay Keifer. Manahimik ka nga,” inis na putol ko sa sasabihin ni Keifer. “Huwag mong sabihin sa akin na wala kang maipagmamalaki. Parehas nating alam na meron.”




          “At ano naman iyun?” tanong ni Marcaux na itinuon ang tingin kay Keifer.




          “Tinuruan ko siyang magpaputok ng baril,” natatawang sagot ni Keifer kahit na hindi naman iyung ang itinutukoy ko.




          “Pero at least, good job ha. Sinusunod niyo iyung gusto ng tao na magpakalayo,” puri niya sa aming dalawa.




          “How can I not? Mahal ko iyung tao,” pagmamalaki ko. “Gusto niya ng space, bakit hindi na lang ang buong universe ang ibigay ko sa kaniya?”




          “Idagdag mo pa ang katotohanan na nasa iisang klase kayo,” natatawa ding sabi ni Keifer na itinungga na sa wakas ang inumin.




          “Pero may mata ka naman doon. Si Gerard.”




          “Si Gerard? Walang paki iyun.” Lumapit sa akin si Keifer at bumulong. “Tsaka mahal maningil iyun.”




          “Wow! May bayad pala ang surveillance.”




          Natigil kami bigla nang nasa katapusang parte na ng kanta si Alexa. Saglit na tumayo kaming tatlo at naghiyawan sa kanila.




          Nang umupo kami, tumayo si Marcaux at kumuha ng ilang shot glass mula sa loob ng bahay niya. Nilagyan niya ang mga ito ng inumin na nasa kritikal na lebel.




          “Alam niyo, napaka-weird niyong dalawa. Nag-e-expect ako ng, alam niyo iyun.” Natatawang tumingin sa amin si Marcaux at kumumpas-kumpas. “Sisihan man lang or, something. Kasi humingi ng oras si Ren at heto kayo ngayon sa harapan ko. Nag-iinuman.”




          Napasimangot ako. “Bakit naman kami magsisihan? Wala naman kaming kinalaman sa desisyon ni Ren na bigyan namin siya ng panahon.”




          “Bumalik ang alaala niya. May mga naalala siyang bagay.” Binigyan ako ng tingin ni Keifer saka bumalik kay Marcaux. “Fun fact, yeah. Bigyan mo ng panahon. Tsaka willing akong maghintay.”




          “At paano kapag nakahanap ng iba si Ren na hindi kayo?” tanong ni Marcaux.




          “Babarilin namin,” sabay naming sagot ni Keifer.




          Bahagyang nanlaki ang mata ni Marcaux sa isinagot namin.




          “Kailan mo pala ako bibigyan ng lisensyadong baril?” baling ko kay Keifer.




          “Kapag sigurado na ako na responsable kang makahawak ng isa.”




          Pinatunog ko ang aking dila sa inis. “Then, barilin mo na lang din siya, or kung sinong tao ang aagaw kay Ren para sa atin.”




          “Sure.”




          Natatawang umiling si Marcaux. “Baliw na talaga kayo,” bulong nito sa sarili pero narinig namin iyun.




          “Napaka-unfair kaya noon,” reklamo ko. “Binigyan mo ng space. Tapos sa paghahanap ng space, nakahanap siya ng iba? Asaan iyung space niyang iyan? Sa Planet Romeo?”




          “Ay, Allan. Huwag kang mag-alala. Hindi iyan maghahanap. Alam mo naman na si Ren ay...” Biglang natahimik si Keifer. “may isang salita.” Napaisip siya bigla.




          “Bakit natahimik ka sa saglit?” lingon ko sa kaniya.




          Umayos si Keifer ng upo. “Aling Ren ang tinutukoy natin? Iyung isang taon na Ren o iyung ngayong Ren? Eitherway, hindi na ako sigurado. May nabasa kasi ako na iyung mga taong nagkakaroon ng amnesia, may tyansa na may mga bagong ugali tayong mapapansin sa pasyente.”




          Napalunok ako sa narinig. “Ay nako, Keifer! Hayan ka na naman! Pinag-aalala mo ako sa mga pinagsasasabi mo.”




          “Hindi naman kita pinag-aalala. Iyung mga nababasa ko lang talaga sa school, nai-a-apply ko sa sarili ko.” Lumapit ulit sa tenga ko si Allan. “Ikaw pa naman, hindi ka na nakakakopya kay Ren.”




          Natawa ako sa sinabi niya. “Nope. Hindi na kailangan. Naituro na sa akin ni Ren ang nalalaman niya kaya, kaya ko naman.” Nilingon ko si Marcaux. “Hey, hulaan niyo kung sino ang umakyat sa stage noong ek-ek exercise ng school?”




          “Naks! Yabang! Dean's lister!” palakpak ni Marcaux.




          “Naman!”




          “Sa 1st semester,” natatawang dagdag ni Keifer.




          Kinuha na namin iyung shot glass na ihinanda ni Marcaux.




          “Bago na muna natin ito inumin, mangako muna kayo sa isa't isa na tutuparin niyo ang gusto ni Ren na bigyan niyo siya ng espasyo. Ano?” Inangat ni Marcaux ang kaniyang baso.




          “Deal.” Tumingin ako kay Keifer nang kinuha ko na ang aking baso. “Basta walang lamangan.”




          “Deal!” sabi ni Keifer na kinuha din ang kaniyang baso.




          “Cheers!” sabay-sabay naming sabi sabay tungga sa laman ng baso.




          Tumayo na si Keifer. “O sige. Matutulog na ako at, whoah!” Muntik na bumagsak si Keifer pero nakuha niya kaagad ang kaniyang balanse. “Saan na ba iyung guest room ninyo?”




          Natatawang tumayo si Marcaux. “Ahh! Dito, dito,” saka pumasok sa loob ng bahay.




          Tinapunan ako ni Keifer ng saludo saka sumunod sa loob ng bahay. Nang nasa loob na sila ay nag-vibrate ang phone ko. Isang mensahe. May date at oras at ang sender ay si Ren.




Keifer's POV



          Pumunta ako sa isang orphanage kung saan pansamantalang tumitira ang aking mga pinsan. Mukhang masigla ang lahat ng mga nakatira dito dahil sa maraming tao ang naglalaro. Sa malayo, nakikita ko ang aking mga pinsan na naglalaro ng habulan.




          “Keifer,” tawag sa akin ng isang madre.




          “Sister Magda,” bati ko dito habang nakatingin pa rin sa aking mga pinsan.




          Humugot siya ng malalim na hininga at tiningnan ang mga pinsan ko. “Salamat naman sa Diyos at hindi totoo ang mga narinig kong balita.”




          Makikipag-argumento pa sana ako kaya lang ay hindi ko na itinuloy. “May nagkaka-interes ba na pamilya sa mga pinsan ko?”




          “Meron. Kung magiging maganda ang proseso, may kukuha na doon sa isa.”




          “Talaga? Sinong pamilya naman iyan?”




          Sa gilid na paningin ko ay umiling siya. “Hindi pwede iyan, Keifer. Confidential ang impormasyon na iyan. Bakit nga pala gusto mong malaman?”




          Bahagya ko siyang tiningnan at bumalik sa aking mga pinsan. “Para makasigurado na nasa mabuting kamay sila. Ayokong patayin ulit ang mga magiging magulang nila kung sakali'y masasama ang mga ito.” Nagkaharap kaming dalawa.




          Ngumiti naman si Sister Magda. “Naiintindihan ko. Ipapadala ko ang impormasyon sa e-mail address mo.” Napatingin naman siya sa supot na hawak ko. “Para saan naman iyan?”




          Inangat ko ang supot saglit. “Para kay Harry,” sagot ko at sabay na kaming naglakad papasok ng ampunan. “Asaan pala siya?”




          “Nasa loob at nagbabasa ng mga libro. Teka, okay lang ba na pangalanan mo rin siya sa dati niyang pangalan? Paano kung may maalala siya tungkol sa dati niyang buhay?” nag-aalalang tanong ni sister.




          “Hindi ko alam kung tama ba ang sasabihin kong ito, sister. Pero bumabalik lang ang alaala ng mga biktima nung ‘Amn’ kung may nagmamahal sa kanila at ipinapaalala nila ulit ang mga nangyari sa dati nilang buhay. Walang nagmamahal kay Harry, maliban lang sa akin. Kahit na may ginawa siyang masama sa minamahal ko ay hindi ko siya magawang patayin. Ganoon ko kamahal ang aking pamilya, ang aking pinsan.”




          Namangha si Sister Magda sa aking sinabi at napangiti. “Ang bait mo naman.”




          “Huwag kang mag-alala, sister.” Nagharap kami ni sister nang umabot na sa paningin ko si Harry na nagbabasa ng libro. Ibinaba ko ang aking boses. “Walang mangyayaring masama kay Harry hangga't hindi ko ipinaalala ang kaniyang dating buhay. Ayokong dumating ang isang araw na wala na akong ibang paraang maiisip kung hindi ay, patayin siya. Gusto kong mabuhay siya ng normal at malayo sa kasamaan.”




          “Keifer?” tawag sa akin ni Harry mula sa mesa niya.




          Ibinaba din ni Sister Magda ang boses niya habang naglalakad na kami papunta sa mesa ni Harry. “Sana nga ay mangyari iyan, Keifer. Sino ba naman ang ayaw bigyan ng normal na buhay ang katulad ni Harry?”




          “Ang mga magulang niya,” bulong ko sa aking sarili.




          “Maiwan ko na kayo. May aasikasuhin pa ako sa opisina,” paalam niya na naglakad na ibang direksyon.




          Tuwang-tuwa si Harry nang niyakap niya ako. Mas lalo siyang natuwa nang nakita niya ang laman ng supot. Mga pagkain sa labas na paborito niya.




          “The best ka talaga, Keifer,” sabi niya.




          “Oo naman. Kaibigan mo kaya ako,” tugon ko. “Tara, kumain na tayo.”




          Oo, buhay pa si Harry at kami lang ni Gerard ang may alam. Noong gabing iyun, mabuti na lang at naturukan ko siya ng pampatulog kaya nawalan siya ng malay habang hino-hostage si Ren. At pagkatapos noon ay nilagay namin si Harry dito sa ampunan para bantayan siya ni Sister Magda habang naghahanap kami ng ‘Amn’.




          Si Sister Magda ay dati ring mamamatay-tao sa pamilya namin. Pero trinaydor siya ng isa sa aming kasamahan at pinatay, pero hindi pa pala siya patay. Habang wala pa kaming nahahanap na ‘Amn’ ay siya ang nag-aalaga at nagpakain dito.




          Gaya ng sinasabi ko, mahal ko ang mga pinsan ko lalong-lalo na si Harry, kahit na may ginawa siyang malaking kasalanan. Napatawad ko na siya.




          Habang kumakain kami ni Harry ay nag-vibrate ang phone ko. Nang tiningnan ko ay isa pala itong mensahe. May petya, oras, at galing ito kay Ren.




          “Ano iyan, best friend?” tanong ni Harry.




          Hindi ko maipinta ang aking mukha sa aking nababasa. “Mga bagay na kailangan kong gawin.”




          Sumimangot si Harry. “Aalis ka na ba agad?”




          “Hindi,” iling ko. “Sa isang linggo pa naman ito.”




          “Ay! Alam mo, may kwento ako sa iyo,” excited na saad niya habang kumakain. “May dumating dito na galing sa isang school. Tapos may nakilala akong babae. Ang pangalan niya, Natasha.”




          Bigla akong natigil nang narinig ang pangalan niya. “Anong hitsura niya?”




          “Babae, medyo matangkad, medyo pula ang buhok, foreigner,” saad niya.




          Tumango-tango lang ako. “At ano ang ginawa niya dito?”




          “Wala naman. Nakuha ko lang siguro ang interes niya dahil, ako daw ang pinakamatanda sa ampunang ito. May programa silang ginawa dito. Ano nga ba iyun?” Saglit na nag-isip si Harry. “Outreach program ba iyun? Galing sila sa Bourbon Brothers University.”




          Tumango-tango lang ako saka kumuha ng burger sa supot. Wala naman sigurong masama kung bumisita siya dito sa ampunan na ito, hindi ba? Hindi naman siya siguro kilala si Harry.




          Napangiti ako. “Tamang-tama. Kung magiging maganda ang resulta ng pag-aaral mo dito sa ampunan, sa susunod na taon ay i-e-enroll kita sa eskwelahan na iyun.”




          Nagulat si Harry sa sinabi ko. “Talaga? Wow! Sige, mag-aaral ako ng mabuti!”




          At nagpatuloy pa siya magkwento tungkol sa mga naging karanasan niya dito sa ampunan.








ITUTULOY...



No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails