Followers

Sunday, March 15, 2020

Loving You... Again Chapter 74 - You'll Be Safe Here







  



Author's note...










Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.

Ang You'll Be Safe Here, original na kanta ng bandang Rivermaya. Isa sa mga paborito kong kanta na mula sa isang teleserye na pinamagatang Spirits. Ugh, sa totoo lang, maganda iyung mga supernatural drama noon kesa ngayon. Nandoon kasi si Maja Salvador na crush na crush ko pa rin hanggang ngayon. Maliban sa mensahe ng kanta ay magiging safe tayo sa piling ng ating minamahal, nais kong mag-ingat ang lahat lalong-lalo na sa mga nakatira sa Metro Manila. Ugaliin po natin na maging malinis sa katawan at maghugas ng kamay para makaiwas po tayo sa sakit. Sa paraan pong iyan, mas malaki ang tyansa po natin na maging safe sa mga sakit.

Sa pagpapatuloy po ng note na ito, humihingi po ako ng pasensya sa inyo kung bakit may parang straight romance na nangyayari. For character development ng mga character na iyan dahil may mga mangyayari sa kanila habang papalapit na tayo sa katapusan ng librong ito.

Heto na po ang Chapter 74.







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 68 | 69 |

Book 4:
70 | 71 | 72 | 73 |











Chapter 74:
You'll Be Safe Here







































Camilla's POV



          8 years ago...

          “May ibang babae na naman si Papa,” I blurted out all of a sudden sa best friend ko at kay Aulric. “He said na hindi na siya mambababae ba. Pero sinabi na niya iyun like 4 times already. Pero nambabae pa rin siya.”



          Walang umimik sa aming tatlo nang nagbe-break kami sa cafeteria. Pero si Aulric ay naka-focus ang tingin sa akin habang si Shai ay ibinaba ang tingin at mukhang iniisip pa kung ano ang sasabihin.



          “Masanay ka na,” sabi ni Aulric.



          “Aulric,” saway ni Shai.



          “What? Ako, sanay na ako sa ganyan,” pagmamalaki pa niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ba niya ipinagmamalaki iyung bagay na nasanay na si Aulric sa ano?



          “This is Camilla. Huwag ka naman ganyan,” rinig kong bulong ni Shai.



          “I love my family,” sabi ko. “I love my Mama, I love my Papa, and I want them na mahalin nila ang isa't isa. Is it too much to ask?”



          Mapait na ngumiti si Aulric. “Ha! Camilla, ganyan din ako noon. At nawala ang Aulric na iyun ever since na, hindi ko na kaya iyung ginagawa ng Tatay ko sa Nanay ko. Makinig ka. Karamihan sa mga anak ng isang magulang ay gustong maging masaya ang pamilya nila. Pero paano kung mismo ang magulang mo ang sumasabutahe sa bagay na iyun? Iyung halos ipaalala mo sa magulang mo kung gaano nila kamahal ang isa't isa, paano ka nabuo. Pero wala pa rin. Wala kang magagawa kung hindi masanay na lang. Uuwi ang Tatay ko na walang pera, tapos mangangako na hindi na siya magsha-shabu forever. Tapos isang araw, malalaman ko sa ibang tao na may promotion ang Tatay ko sa isang trabaho. Drug trafficker. Iyung mga sumunod na pangako niya na hindi na siya magdu-droga, hindi na ako naniniwala. Kasi paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinabi niya. At dahil Tatay ko iyun, wala akong magagawa. Pasok dito...” Tinuro niya ang tenga sa kaliwa. “labas dito,” sabay turo naman palabas sa kabila niya. “Iyan na lang ang ginagawa ko kapag nagangako siya. Kaya masanay ka na ganyan ang Papa mo. Kasi paulit-ulit na gagawin niya iyan. Hanggang, of course, maranasan niya ang kahalagahan ng buhay.”



          “What Aulric is trying to say is-” singit ni Shai.



          “May sariling translation,” pasok pa ni Aulric sabay inom ulit sa softdrinks.



          “I think, hayaan mo na ang mga magulang mo na mag-sort out sa mga bagay-bagay na iyan.”



          “Hindi ko sinabi iyan pero bahala ka,” pasok pa ulit niya.



          “You should give up na hindi magbabago ang Papa mo. Ilang beses ko na rin kasi na naririnig iyan sa iyo, na may ibang babae na naman ang Papa mo.” Inilagay niya ang isang kamay sa kaniyang puso. “At ako, nalulungkot din para sa iyo.”



          “But I don't want to have a broken family,” sabi ko. “May nabasa ako tungkol sa mga effects ng broken family at, hindi iyun maganda.”



          “Camilla,” hinawakan ni Shai ang aking kamay. “it is your choice kung mangyayari iyung mga masasamang bagay na iyun sa iyo. Pero alam ko naman na isa kang mabuting tao at hindi mo hahayaan ang sarili mo na matulad ka sa mga stereotype na broken family. At nandito kami ng mga kaibigan mo, para sa iyo.”



          “The lesson here is, ganito ang mangyayari sa mga taong sinungaling,” sabi ni Aulric. “lalo na kapag nagkaroon ng pamilya. Ngayon, ikaw, bilang anak. Tutularan mo ba si Papa mo?”

          A year ago...

          Habang papauwi ako sa amin, bigla akong may narinig na parang pumutok. Halos mauntog ako sa manibela ng aking sasakyan dahil may bagay ata sa kanan ko na nawala. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan para makita ang lagay nito. Flat na iyung gulong ko sa kanan.



          Hinanap ko ang aking phone para tumawag ng taong, para tulungan ako.



          “Miss?” tawag ng isang boses sa likod.



          Nang nahanap ko na ang aking phone, humarap ako sa may-ari ng boses at nakita ko ang taong ito na naka-pulang t-shirt at lumang maong. May dala siyang bag sa likod at ang karaniwang ora niya ay katulad sa isang construction worker. Sa pangalawang tingin, parang nakita ko na siya dati.



          “Hello,” kinakabahang bati ko kasabay ng pindot sa lock key ng phone ko para umilaw. “Tatawag sana ako para humingi ng tulong dahil...” Ibinaba ko ang tingin sa phone.



          Natigil ako matapos makita na 15% na lang ang battery. At mabilis itong bumaba hanggang 0% na para bang pagkabukas ko lang ay na-drain ang lahat ng battery, hanggang sa nakita ko ang logo ng brand ng aking phone.



          Ibinaling ko ang atensyon ko sa taong nasa harapan ko. Sana ay marunong siyang mag-ayos ng gulong ng kotse.



          “Marunong ka bang mag-ayos ng kotse?” tanong ko.



          Tiningnan niya ang kotse sabay balik sa akin ng tingin. “May gamit ka ba? Tsaka ang reserbang gulong mo?”



          Bigla kong napansin ang mababang boses ng taong nasa harapan ko. Malayong-malayo sa boses na naaalala ko sa, birthday party ni Zafe. Kung nasa birthday party siya ng kaibigan niya, siguro naman ay hindi siya masamang tao.



          Habang naghihintay na maayos ang aking sasakyan, parang kinakabahan ako ng konti. Kung hindi dahil sa nakasimangot niyang mukha, iispin ko na gusto niya akong patayin o ano. Habang naghihintay, unti-unting lumilinaw ang alaala ko tungkol sa kaniya. Masaya siya sa birthday party at tumatawa. Ngayon, hindi ko nakikita ang taong iyun ngayon.



          “May problema ka ba?” tanong ko.



          “Wala naman. Malapit na ito matapos,” sagot niya habang iniikot pa ata ang screw ng kotse ko para mag-lock.



          “Ang ibig kong sabihin, ikaw.” Napatingin ako sa isang sasakyan na madaling lumampas sa amin. “Kung hindi mo alam, nagkita na tayo noon. Sa birthday party ni Zafe, nandoon ka kasama si Randolf.”



          Kita kong huminto siya saglit saka tinuloy ang pagkukumpuni. “Alin doon? Pasensya na. Hindi kita natatandaan.”



          “Yeah. Kahit naman siguro ikaw. Camilla ang pangalan ko. Ikaw?”



          “Inno.” Tumayo na siya ng tuwid at nag-unat-unat. “At tapos na ang problema mo.”



          “Talaga? Salamat,” natutuwang saad ko.



          Naisip kong bigyan si Inno ng pera para sa serbisyo niya. Pero bago ko tingnan ang laman ng aking maliit na bag, may narinig akong sipol mula sa aking likuran. Kaagad akong humarap para malaman kung sino ang sinisipulan. Iyun pala, ako.



          May grupo na naman ng mga kalalakihan. At ang mga ngiti nila ay nakakaloko. Bigla kong naalala ang isang senaryo na...



          “Miss, mukhang kailangan mo ng tulong,” sabi nung lalaki sa gitna ng tatlo.



          Napalunok ako dahil masama ang aking pakiramdam sa pangyayaring ito. “Hindi na kailangan. Wala na akong problema.”



          “Aba miss, kung ganoon, sumama ka sa amin. Libre ka namin ng ilang bote,” wika naman ng lalaki sa pinakakaliwa. Masama nga talaga ang intensyon nila.



          Palapit naman sa akin ang lalaki sa kanan at akmang hahawakan ang kamay ko nang pinigilan ng isang lalaki mula sa aking likuran. Kasama ko nga pala si Inno.



          “Boss Inno, kasama mo ba itong babae?” tanong nito matapos makilala siya. Naku! Magkakilala pa silang apat.



          “Pasensya na,” hingi agad ng dispensa ni Inno. “Pero masyado kang pangit para yayain siya sa isang inuman.”



          Tiningnan ko ng mabuti ang mga lalaki. Hindi naman sila pangit. Pero kung sa mga ginagawa nila, pangit na sila kung pangit. Pero teka, bakit mo naman inaasar ang mga lalakeng ito na panget sila? Gusto mo ba ng gulo?



          Sumama naman ang timpla ng mukha doon sa lalaki na sinabihan ni Inno. “Pangit pala ha. Hetong sa iyo.”



          Natamaan sa panga si Inno at mukhang may ngipin na nabunot dahil sa suntok na iyun. Napaatras pa siya at muntikan nang napaupo bago pa makuha ang kaniyang balanse. Kaagad naman akong pumunta sa likod niya para alalayan pa sana siya. Ang malas ko ata ngayong gabi. Anong gagawin ko ngayon?



          “Iyan ang bagay sa iyo. Mayabang ka kasi,” sabi nung gitnang lalaki na tumatawa pa.



          “Tara, bugbugin na natin,” sulsol ng lalaki sa kaliwa.



          Hindi ko alam ang gagawin sa mga sumunod na segundo. Pero bumangon si Inno at hinampas ng malaking liyabe ang sumapak sa kaniya. Sa tunog na narinig ko, mukhang nawalan ata ng malay ang unang biktima ni Inno dahil humiga na ito sa kongkreto. Napahinto naman iyung mga kasama ng lalaki. Bakas sa mukha nila ang takot nang tumingin si Inno. Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila sa kaniya pero napapansin ko ang kanang kamay ni Inno na mahigpit ang pagkakahawak na malaking liyabe. Mukhang balak niyang gamitin ang liyabe sa mga natitirang lalaki.



          Hindi nagtagal ang pagtitinginan ng tatlo at sumugod ang kabila. Pero makalipas ang ilang segundo ay bumagsak din ang dalawa dahil sa isang hampas lang ni Inno ay tulog kaagad sila. Hindi pa ako humihinga nang bumagsak na ang huling lalaki. Buhay pa ba ang mga iyan matapos mahampas ng malaking liyabe sa ulo?



          “Okay ka lang ba Camilla?” tanong ni Inno na lumapit sa akin hawak-hawak ang malaking liyabe.



          Napa-atras ako dahil sa pag-aakala na ako ang isusunod ni Inno. Pero huminto si Inno at napansin ang ginawa ko. Ibinaba niya ang malaking liyabe at inilagay sa tool box.



          Itinaas pa niya ang kaniyang kamay sabay sabing, “Hindi kita sasaktan.”



          Napalunok ako para mahanap ang boses ko. “Kapag nalaman ni Zafe na sinaksatan mo, hindi ka na niya kakaibiganin,” banta ko.



          “Hindi ko sinasaktan ang kaibigan ko. Kaya kung kaibigan ka ni boss Zafe, hindi kita sasaktan,” pilit na ngiti niya pero mukhang totoo ang intensyon niya.



          Napatingin ako sa mga lalaki na pinatulog ni Inno. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matutuwa. Pero dapat lang sa kanila iyan. Buhay o mabubuhay pa ba sila?



          Bago ko makalimutan ang lahat ng bagay, kumuha ako ng pera sa pitaka. Binigay ko ang kulay asul na papel at inabot iyun sa kaniya.



          Tinanggap naman ito ni Inno. “Salamat, pero-”



          “Spare me the speech!” naiinis kong saad matapos malaman, ang posibleng sasabihin ni Inno. “Pinrotektahan mo ako at inayos ang gulong ng aking kotse. Ibibigay ko ang gusto kong ibigay dahil nararapat iyun sa iyo. Naiintindihan mo?”



          Tumango-tango naman si Inno.



          “Ngayon, ipasok mo na iyung isang gulong.”



          Pagkabalik ko sa bahay, katatapos ko lang na maligo bago ako matulog. Habang nagpapatuyo ako ng buhok sa harap ng salamin gamit ang blower, ibinaba ko ito at tumingin sa salamin. Nagbalik-tanaw ako sa aking mukha, lima o walong taon na ang nakakaraan.



          Masasabi niyong napakapangit ko noon dahil sa may makakapal na bagay ang biglang sumusulpot sa mukha ko. Palagi akong inaasar ni Knoll noon. Pero sa isang hindi inaasahang pangyayari, nagka-debelopan kaming dalawa. Naging kami, at itinago ko pa iyun sa best friend ko na si Shai. Simula nang naging kami, natutunan kong alagaan ang aking sarili.



          Ang mukha ko, unting-unti na kuminis. Kapag ngumingiti ako, gumaganda ang tingin ko sa aking sarili. Si Knoll, kahit hindi niya sabihin, masaya siya na nakikita niya ako na lalong gumaganda habang tumatagal. Pero hindi iyun nagtagal dahil pinagtaksilan pala niya ako, matagal na matagal na.



          Ano naman ang silbi ng ganda ko kung single naman ako? Pero, hindi naman ako nagmamadali. Balang araw, may taong magpapatibok ulit ng puso ko.



          Sa pag-iisip ko ng bagay na ito, bumalik ang utak ko sa nangyari kanina. Napalunok ako. Buhay pa ba talaga iyung mga lalake na iyun? Naku! Paano kung resbakan si Inno ng mga lalaking iyun?



          Ilang buwan ang nakalipas, umuwi si Zafe sa Rizal para i-celebrate ang kaniyang birthday. Imbitado kaming lahat na mga kaibigan niya kaya dumalo kami.



          Habang kumukuha ako ng pagkain, nagkita ulit kami ni Inno. Halos hindi ako nakapaniwala na ito iyung taong tumulong na ayusin ang gulong ng kotse ko. Nakangiti siya at mukhang masayang-masaya.



          “Hi,” nakangiting bati niya sa akin.



          “Hi din, Inno,” tugon ko. “Kumusta ka?” Sinimulan ko nang kumuha ng pagkain.



          “Okay naman.”



          Kita kong binuka ni Inno ang kaniyang bibig pero walang boses na lumabas. Tiningnan ko lang siya habang hihinihintay siyang magsalita. Kalaunan ay tinalikuran niya ako pero humarap din siya.



          “Pwede ba tayong sabay kumain?” yaya niya.



          “Sure.”



          Humanap kami ng bakanteng silya at sabay na kumain. Habang kumakain ay nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay namin.



          “Kumusta na pala iyung mga lalaki na hinampas mo ng liyabe?” biglang naitanong ko.



           Halos nawala ang ngiti ni Inno sa tanong ko. “Naku! Naaalala mo pa pala iyun.” Umiling siya.



          Nagkibit-balikat lang ako. “Kung hindi kita naaalala, hindi kita kausap ngayon, hindi kaya?”



          Diretsong tiningnan niya ako sa mata matapos mapadako ang mga mata niya sa kung saan. “Buhay pa naman sila. Iyun nga lang, hindi nila naaalala na ako iyung gumawa ng bagay na iyun sa kanila.”



          Guminhawa ang pakiramdam ko sa sagot niya. “Good.”



          “H-Hindi iyun maganda,” tugon niya. “Hindi kasi maganda ang araw ko noong araw na iyun. Natanggal ako sa trabaho ko at, bad trip na bad trip ako kaya nagawa ko iyun.”



          “So kung hindi ka bad trip noon, hindi mo ba ako maipagtatanggol?”



          Napangiti naman siya. “Ipagtatanggol pa rin kita. Kaya lang, hindi ganoon ka-grabe na baka mapatay ko iyung isa sa kanila.”



          Sumimangot ako. “Well, walang problema sa akin kung mapatay mo ang isa sa kanila. Dapat lang sa kanila iyun. Nagyayaya sila na uminom ako kasama nila.”



          “Maganda ka kasi.”



          Napangiti naman ako sa sinabi niya. “So ako ang mag-a-adjust?”



          “Hindi naman. Pero baka makulong naman ako kapag namatay sila.”



          “Walang problema. Tatawag ako ng mga pinakamagagaling na abogado para sa iyo. Kokonti na nga lang iyung matitinong tao sa mundo, mababawasan pa.”



          Kagaya kanina, halos mawala ang ngiti ni Inno sa sinabi ko. “Ewan ko lang kung matatawag ko ba ang sarili ko na matinong tao,” bulong niya ata sa sarili.



          “Oo naman. At nakita ko iyun mismo.”



          Habang nag-uusap kami, napansin ko na dumating na si Knoll kasama ang iba ko pang kaibigan. Nagkatinginan kami saglit at nauna akong umiwas.



          “So may nagtatanong sa akin kung single ka ba daw,” sabi ni Inno na diretso ang tingin sa akin.



          “Depende sa kung sino ang nagtatanong,” kibit-balikat ko. “Bakit? Sino ang nagtatanong?”



          “Si Randolf.”



          Sa isang mesa kasama si Zafe, nakita ko si Randolf na mukhang tahimik at nakikinig sa usapan. Napaisip ako. Bakit naman ipapasa pa ni Randolf kay Inno ang pagtatanong? Unless, hindi naman talaga siya ang nagtatanong.



          Itinuon ko ang buong atensyon ko kay Inno. “Talaga bang si Randolf ang nagtatanong? O baka naman ikaw.”



          Biglang nag-iwas ng tingin si Inno at dali-daling ininom ang juice na kinuha niya.



          “Ako, walang problema sa akin. Kaya lang, ligawan mo muna ako.”



          Natigil si Inno at tumingin sa akin ng diretso. Isang tango lang ang sinagot niya. Tama nga ako. Siya naman talaga ang nagtatanong kung single pa ba ako.



          “Kung ganoon, pwede bang mahingi ang number mo?”



          Ilang araw ang lumipas, niyaya ako ni Inno na lumabas. Matapos magpalitan ng text kaming dalawa, finally ay niyaya niya ako.



          Naghahanda ako noon sa bahay nang tumunog ang doorbell ng bahay. Nasa labas na si Inno. Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa aking pitaka at ibinigay iyun sa kaniya. May lisensya siya at si Randolf dahil sila ang kadalasan na pumapalit kay Zafe kapag pumupunta sila sa mga malalayong lugar para mag-bakasyon.



          Anyway, habang nagmamaneho ay nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay. At saka ko lang napagtanto na papunta kami sa isang restaurant na ang pangalan ay Mama Myrna. Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga bagong restaurant sa lugar. Mahal ba dito?



          “Nandito na tayo,” sabi ni Inno na inihinto na ang sasakyan sa parking lot.



          Kaagad na bumaba si Inno at isinara ang pintuan sa driver's seat. Pababa na sana ako nang ini-lock niya ang pintuan gamit ang remote na nasa kamay niya. Nagulat ako saglit, at nag-iba ang tingin kay Inno. Isa siyang mamamatay-tao! Sabi ng isip ko.



          Pero pumunta si Inno sa pintuan ko at binuksan na naman niya ang lock ng pintuan gamit ang remote na nasa kamay niya. Hindi ko alam na pwede pala iyun.



          “Huwag mo ng uulitin iyun,” ngiti ko sa kaniya nang ipinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang bisig.



          Mukha namang nagsisisi si Inno sa ginawa at nagsimula na kaming maglakad papasok ng restaurant. “Pasensya na. Akmang lalabas ka kasi kaya. Hindi na mauulit.” Sinusubukan niyang maging romantiko. How sweet. Pero natakot ako at...



          “Hayaan mo. Next time, mag-aantay ako na pagbuksan mo ako ng pintuan,” tugon ko.



          Medyo konti na ang tao nang pumasok kami sa restaurant. Isang waiter naman ang lumapit sa amin. Nang sinabi ni Inno ang kaniyang pangalan, hinatid kami ng waiter sa aming mesa.



          Binigyan kaming dalawa ng menu. Napakadami ng choices. Pero napunta ang atensyon ko sa isa sa mga Mama Myrna's Specialty, ang lomi. Gusto kong subukan talaga ang specialty nila pero medyo mahal at pwede naman kung sa labas na lang kami mag-lomi. Alam kong binabayaran din namin iyung ambiance, pero bakit ganito kamahal? Siguro ay masarap talaga.



          Okay, inaamin ko, nagpipigil ako. Kaya ko i-shoulder ang gastusin naming dalawa kung ako ang magbabayad. Pero noong kami ni Knoll, siya talaga ang nagpupumilit na magbayad. Kaya hindi malayong gagawin din ito ni Inno. Kung si Knoll, okay lang dahil marami naman siyang pera. Si Inno, sobrang limited ng kaniyang resources. Paano kung ako ang maging dahilan para mamulubi siya? Isang date pa lang, masakit na sa bulsa niya.



          “-lomi. Masarap iyan,” sabi ni Inno na nakangiti.



          Hindi ko namalayan na nagsasalita na pala si Inno. “Ano iyun ulit?” tanong ko. Inilapit ko ng kaunti ang aking mukha sa kaniya.



          “Ang sabi ko, try mo iyung specialty nila na lomi. Masarap iyan, pramis,” ulit pa niya.



          Napalunok ako sa gusto niya. “Okay,” saka ibinigay ang menu sa waiter.



          Nag-usap pa kami habang hinihintay ang pagkain namin. Sa pag-uusap namin, nalaman ko na ang inaalala ko ay balewala, sa ngayon.



          “Isa ako sa mga gumawa ng restaurant na ito,” kwento ni Inno. “Basta magpa-reserve lang kami kapag kakain dito, automatic na may discount kaming mga trabahador.”



          “Bakit nga pala Mama Myrna ang pangalan ng restaurant?” tanong ko kahit na parang obvious na sa akin ang sagot na makukuha ko. “Tsaka, siya ba ang nagluluto ng mga specialty na ito?”



          Lumungkot ang mukha ni Inno. “Siya iyung tumatayong magulang nung mga may-ari ng restaurant na ito. At bago pa man matapos iyung restaurant, pumanaw na siya.”



          “Condolence,” nasabi ko sa aking sarili.



          “Pero huwag kang mag-alala,” ngiti niya. “Masarap pa rin ang mga specialty nila dito. Iyung mga cook, pinag-audition...” Napakamot si Inno sa batok. “... dahil, iyun nga. Mga specialty ng magulang nila iyung lulutuin. At dapat ay masarap na masarap iyun. Kaya nasisiguro ko na masarap pa rin ang mga specialty nila.”



          Dumating na iyung pagkain na inorder namin. Napakasarap nga ng lomi. Halos nakalimutan ko iyung inaalala ko- lies. Hindi ko pa rin nakakalimutan.



          Marahan kong ibinaba ang kubyertos habang siya ay nagpatuloy sa pagkain.



          “May problema ba?” nag-aalala niyang tanong na nagpatigil din sa kaniyang pagkain.



          “Well, may mga bagay lang ako na gustong linawin sa iyo.” Ibinaba ko muna ang aking tingin saka diretso siyang tiningnan sa mata. “Parehas naman nating alam na malayo ang katayuan natin sa buhay. Pero gusto kong isipin mo na walang silbi iyun sa pagitan natin. Kaya kung may mga trip ka na gusto mong gawin natin, okay lang sa akin.”



          “Okay.”



          “Nag-aalala kasi ako, sa iyo. Ayoko na mabalewala ang effort mo-”



          Natigil ako sa pagsasalita. Biglang sumikip ang aking pakiramdam matapos maalala si Knoll. Matapos maalala ang kaniyang sikreto sa akin. Hindi ako ganito. Hindi ko iisipin na magiging ganoon si Inno, na ipagpapalit niya ako habang nasa relasyon kami.



          “Gusto din naman kita,” pagpapatuloy ko. At ayoko na maulit ang nangyari noon. Pero paano kung maulit ulit iyun? Kung sino pa ang minahal ko ng buo, na tumanggap sa akin.



          Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ang sunod na nakita ko ay magkalapit na ang aming dibdib at inaalo niya ako.



          Huminto na ang kotse sa harapan ng bahay.



          “Pumasok ka muna sa loob,” yaya ko kay Inno matapos kong bumaba pagkabukas niya sa pintuan ko.



          Sumunod siya sa loob habang ako ay dumiretso sa kusina para bigyan siya ng maiinom. Pagkabigay sa kaniya ng baso, umupo ako sa sofa na katapat niya.



          “Pasensya na pala sa nangyari kanina,” paghingi ko ng dispenasa at pilit na ngumiti. “Bago lang kasi sa akin ito na mag-date ulit matapos ang...” Ibinaba ko ang aking tingin at nag-isip ng susunod na sasabihin. “... matapos hindi na matuloy ng tuluyan ang aking engagement. ”



          Tumango-tango lang si Inno. “Nakukuha ko pero hindi ko naiintindihan.”



          “Huh?”



          “Ang ibig kong sabihin, engagement, iyun iyung halos ikakasal na, ‘di ba? Hindi ko pa nararanasan iyun.” Tiningnan niya ako ng diretso. “Pero nangangako ako na hindi ka magsisisi sa akin. Hindi ka magsisisi na binuksan mo ang iyung puso para sa akin.”



          May mga salita pa akong gusto niyang sabihin. Na sa akin lang siya at hindi na siya pwede sa iba. Pero kailangan ba na sabihin ko iyun? Mas mabuti pang gawin niya na lang ang bagay na iyun.

          Sa isang mall, kasama ko si Inno na naghahanap ng damit para sa party ng pamilya nila Jin. Si Inno ang tumitingin kung bagay ba sa akin ang isang damit, o hindi. Sa totoo lang, wala naman siyang alam sa fashion, pero kitang-kita mo na sinisubukan niya ako bigyan ng insight. Pero sigurado naman ako na marunong tumingin si Inno ng maganda at sa hindi.



          So far, magaganda naman ang pinili niya. At mamaya, bibili din ako ng para sa kaniya.



          “Bakit hindi ka kaya muna pumili ng damit sa ibang section?” mungkahi ko. “Tapos pipili din ako dito, then kita tayo mamaya.”



          “Magandang ideya. Sige, iwan na muna kita saglit,” ngiti niya.



          Nang naghiwalay na kami, marami akong napili. Namili ako ng mga damit kung saan ako ay presentable. Pero sa kakasubok ko sa damit, may napansin akong lalaki na naglalakad mula sa isang aisle at nawala naman ito nang pumasok siya sa isang aisle. Nagtaka ako dahil kahit patay na si Aulric, alam kong siya ang taong nakita ko.



          Dahan-dahan akong pumunta sa aisle kung saan ko nakita siyang nawala. Pero wala na akong nadatnan. Huh? Nagmumulto ba si Aulric sa akin o kung ano? Kung nagtatampo siya na hindi ko siya mabisita, bakit hindi niya multohin ang Tito Henry niya na nagtago ng kaniyang mga abo?



          “Camilla,” tawag sa akin ng boses ni Inno.



          Hinarap ko ang pinanggalingan ng boses ni Inno at nakita siya na may hawak-hawak na mga damit na naka-hanger.



          Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang mga damit na hawak niya.



          “Tara.”



          Sa harapan ng salamin, kapwa kami masaya na inilalagay sa harapan namin ang damit kung bagay ba na suutin naming dalawa, o hindi.



          “Ang ganda mo dyan,” ngiti niya. “Subukan mo ngang suutin.”



          Pumasok ako sa fitting room at naghubad ng damit. Habang nagpapalit ay natigilan ako nang nakarinig ako ng isang boses.



          “Hey, I know you. You were in the party with Camilla, ” saad ng boses na narinig.



          Bigla kong binilisan ang pagpapalit ng damit.



          “Hi,” bati ni Inno. “Ikaw iyung anak ni gov.”



          Lumabas na ako sa fitting room. Lahat naman ng mata ay nasa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na magalit dahil sa nakita ko si Isabela. Pero nang nakita ko ang tingin ni Inno sa akin, napangiti ako. Halos pinigilan niyang huminga nang nakita ako.



          “Nice to see you, Isabela at Colette,” bati ko.



          “Ikaw din,” tugon ni Colette. “Mukhang naghahanda ka rin para sa party nila Jin.”



          Lumapit ako kay Inno na nakatulala pa rin. Ipinulupot ko ang aking bisig sa kaniya. “Yes, naghahanda talaga ako. After all, it will be my first appearance with my boyfriend, Inno.”



          Bahagya kong siniko si Inno na nagising na sa pagkatulala. “Inno, magpakilala ka,” bulong ko.



          “Umm, kilala ko na sila,” tugon ni Inno. “Siya iyung asawa ni boss Zafe, at siya iyung magandang anak ni gov, si Isabela.”



          Medyo nainis ako sa sinabi niya pero hindi ko iyun ipinapakita.



          “Ahh, yes! Natatandaan ko na,” bulalas ni Colette. “Iyung kaibigan din ni Randolf.”



          Para namang nagliwanag ang mata ni Isabela. May balak kaya siyang agawin si Inno sa akin? Hindi pa ba sapat iyung ginawa niya kay Knoll?



          “Tara na, Colette. Nakuha na natin ang ipinunta natin dito,” yaya ni Isabela. “Huwag na natin abalahin ang dalawa.”



          “Bye,” sabay na paalam nung dalawa saka lumakad paalis.



          “Okay, ako naman ang papasok sa fitting room,” sabi ni Inno na nilalakad na ako pabalik sa fitting room.



          Habang nagbibihis si Inno, napa-isip ako kung sasabihin ko sa kaniya iyung tungkol kay Isabela, nang sa ganoon ay umiwas siya dito. Pero ano ang tyansa na magkita silang ulit dalawa? Hindi naman siguro pinapahanap ni Isabela kung saan siya nakatira. At sigurado ako na sa susunod na magkita sila ulit, nasa party ni Jin at kasama ako.



          Oo, sinabi ko kay Inno na hindi ko tinuloy ang engagement ko kay Knoll pero hindi ko sinabi sa kaniya na si Knoll iyun. At kung nag-i-internet si Inno, hindi niya malalaman iyun dahil binura ko lahat ng mga photos at videos na may kinalaman sa kaniya. Ang akin lang kasi, ayoko naman na maging awkward ang dalawa kapag nag-uusap. Lalo na noong nag-usap-usap sila sa party ni Zafe. Ni si Knoll nga, hindi niya sinabi na may relasyon kami. Kahit ang mga kaibigan namin.



          Okay, hindi ko sasabihin. Hayaan ko na lang na malaman ni Inno ang tungkol sa amin.



Colette's POV



          “Iyung mga kaibigan ba ni Randolf, malapit iyung bahay nila sa isa't isa?” tanong bigla ni Isabela habang lumalabas kami sa shop na iyun kung saan nakita namin si Camilla.



          “In a sense, isang bloke lang ang pagitan ng mga bahay nila,” sagot ko. “Bakit mo naman naitanong?”



          “Hmm, talaga?”



          May bagay na pumasok sa isip ko. “Hoy?! Anong binabalak mo?”



          “Binabalak?” gulat na tanong niya.



          “Isabela, parehas naman nating alam na inagaw mo iyung fiancée niya.” Tumigil kami sa paglalakad at nagharap.



          “Okay, unang-una sa lahat, wala akong inagaw,” kalmadong punto niya. “Nalasing siya, we have unprotected sex, nabuntis ako. Hindi ko ipinagkalat kung sino ang ama. Nalaglag iyung bata, that was unfortunate.” Tumigil siya saglit. “At isa pa, wala naman akong galit kay Camilla o ano. Kaya sasabihin ko na sa iyo ngayon pa lang, walang akong aagawin na anumang ikagagalit niya.” Humarap ulit kami at patuloy na naglakad.



          “Pero bakit ka nagtatanong kung magkakalapit ba ang mga bahay ng kaibigan ni Randolf?”



          “Random question. Minsan kasi, huwag mong seryosohin ang mga tinatanong ko.”



Camilla's POV



          Hinatid na ako ni Inno sa bahay. Pagkarating sa loob ay nadatnan namin si Mama. Para namang naging bato si Inno matapos makita si Mama na nakalagay ang kamay sa magkabilang bisig niya. Ito ang unang beses na makikita niya si Mama.



          “Mama, magandang gabi,” bati ko.



          “Magandang gabi din sa iyo, hija.” Seryoso naman itong tumigin kay Inno. “So ikaw pala ang bagong boyfriend ng anak ko. Anong pangalan mo, hijo?”



          “Inno po,” pakilala niya. “Inno ho. Inno. Inno.”



          “Alin sa tatlo? Inopo, Inoho, o Ino-Ino?”



          “‘ma, Inno ang pangalan niya,” singit ko “I-N-N-O.”



          Tinaasan ng tingin ni Mama si Inno. Saka bumaba at tumaas ulit sa loob lang ng isang segundo. Para bang sinusukat niya ang power level ni Inno.



          “Ma'am, handa na po ang hapunan niyo,” singit ng katulong.



          “Tamang-tama. Yaya, maghanda ka para sa tatlo,” utos nito sa katulong namin na kaagad siyang sinunod. “Anak, Inno, hindi pa siguro kayo kumakain. Dito na kayo mag-hapunan.”



          Tumalikod na si Mama at pumunta na siguro sa hapag-kainan. Tiningnan ko naman si Inno na nanigas sa kaniyang kinatatayuan.



          “Okay. Kalma lang,” sabi ko habang hinahawakan ang kamay niya. “Malakas ang kilay game ni Mama. Pero huwag kang magpapasindak.”



          “Umm, hindi nakakatulong. Natatakot na ako.”



          “Come on. Kaya mo iyan.” Mahigpit na hinawakan ko ang kaniyang kamay.



          Sumagot naman siya sa ginawa ko at hinawakan ang aking kamay. Tumingin siya sa aking mata at tumango.



          Maayos naman ang naging hapunan namin. Hanggang sa...



          “Ano ang trabaho mo?” tanong ni Mama.



          “Supervisor po ako sa isang construction company,” sagot ni Inno.



          “So isa kang engineer?”



          Napatingin ako kay Inno at ganoon din siya bago bumalik sa Mama ko.



          “Hindi po. Sinisigurado ko lang po na nagtatrabaho ang mga tao ko. At sinisigurado ko din po na tama din iyung pinapagawang trabaho sa kanila.”



          Kita kong kinagat ni Mama ang ibabang labi niya saka nagpatuloy sa pagkain. Kami naman ay sumunod na din, at para makauwi na rin si Inno. May pasok si Inno bukas at, may rule siya na sa isang specific na oras ay tulog, at dapat tulog na siya. Nagmaktol kasi ako noong isang buwan kung bakit hindi talaga siya nagre-reply sa isang specific na oras. At iyun pala ang dahilan. Natutulog siya. Bakit siya ganoon? Para alerto daw sa trabaho.



          Matapos ang hapunan, alam kong dapat ay mag-madali na siya para lumabas ng bahay at matulog na sa kanila. Kapag masyado ko siyang pinipilit na samahan ako dito sa bahay, pagkatapos ng hapunan ay magpapaalam na iyan sa akin para umuwi. Kasi nga, dapat ay tulog na siya sa isang specific na oras. Pero ngayon, parang may mali sa kaniya.



          ”Yaya, iyung dessert,” tawag ni Mama sa katulong.



          “Umm, ‘ma-”



          Natigil ako nang hawakan ni Inno ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at umiling. Si Mama naman ay hinintay ako sa aking sasabihin.



          “Kayo po ba ang gumawa ng dessert?” tanong ni Inno.



          Hindi makapaniwalang tumawa si Mama at umiling. “Hijo, ice cream lang naman na nasa plastic ang ipapakain ko sa iyo.” Sumeryoso naman ang mukha niya. “If you want to impress me, try harder.”



          Patuloy pa kaming nag-usap sa mesa habang kumakain hanggang sa dumating na ang oras para umuwi na si Inno.



          “Pasensyahan mo na si Mama, ha?” paghingi ko ng dispensa.



          “Bakit ka naman humihingi ng pasensya?”



          “S-Sa inasal niya. Alam mo iyun. Parang minamata ka ata ng Mama ko dahil...” Alam mo na iyun.



          “Pero hindi ba, sinabi mo sa akin na balewalain ko lang iyun? Ano ang nangyari doon?”



          Hinawakan ko ang kamay ni Inno at pinakiramdaman ko ang kaniyang magaspang na kamay. “Para kasing iba kapag iyung mga taong malalapit sa akin ang kumutya sa iyo. Alam mo, pwede ko naman patigilin si Mama dahil hindi tama iyung ginagawa niya...”



          “Whoah! Huwag mong gagawin iyan.” Si Inno naman ang humawak ng mahigpit sa aking kamay. “Alam mo, dapat ay intindihin mo na lang ang Mama mo. Malay mo, kaya ginagawa niya iyun ay para protektahan ka, mula sa akin.”



          “Pero wala ka namang ginagawang masama.”



          “Kahit na. Magulang siya kaya tungkulin niya iyun na gawin. Para naman iyun sa iyo. At nag-iisa kang anak. Kahit ako. Kapag nag-iisa lang ang anak ko...”



          Natigil sa pagsasalita si Inno. Umiwas naman siya ng tingin at ginalaw-galaw ang hinlalaki ng kamay niya na nasa kamay ko. Bigla ko naman na-realize ang sinasabi niya.



          “S-Sa susunod ulit?” parang kinakabahan niyang tanong.



          “Mag-ingat ka,” paalam ko sa kaniya sabay mabilis na humalik sa labi niya.



          Kaagad naman na tumalikod si Inno. Habang naglalakad siya ay tinitingnan ko ang likod niya. Magka-anak, gusto ko din iyun.



          Bigla ko naman naisip si Felric. Well, sa circle of friends namin, si Felric pa lang naman ang anak ng isa sa mga kaibigan namin. At hindi ko maiwasan maisip ang pros and cons kung sakaling magkaka-anak ako. Naging plano ko ba iyun kay Knoll dati? Ngayong naisip ko iyun, wala kaming planong ganoon. Ang iniisip pa lang namin ay ang aming career at-



          Hindi ko namalayan na lumuha na pala ako. Shit!



          Bumalik ako sa bahay at nadatnan ko si Mama na nasa sala nagtatrabaho. Kaagad kong pinunasan ang aking luha at inayos ang aking sarili.



          “Anong nangyari sa iyo? Bakit umiiyak ka?” malamig na tanong ni Mama. “Pinaiyak ka ba niya?”



          “No, Mama. It's just...”



          Umiling si Mama at sinarado ang laptop. Ibinuka naman niya ang kaniyang mga bisig at sinenyasan ako na lumapit sa akin. Para namang dam na lumabas ang mga luha sa mata ko. Inalo lang ako ni Mama habang patuloy akong umiyak.



          “It's just, Inno and I were talking about how you treat him. And Inno was like, okay lang. Pero ako, I just want you to stop antagonizing him. Tapos pinaliwanag niya na that is your way of protecting your only daughter. Sabi pa niya na kung may nag-iisang anak din siya, at hindi niya itinuloy. Tapos nagpaalam na siya at umalis, then naalala ko naman si Knoll. We never talk about stuffs like that, about having a child, and then it came back to me that I really want to have a conversation like that with him. With him, Ma. But he broke my trust when he brought me the news that he got Isabela pregnant, tapos nalaglag ang bata. I want it to be Knoll, alam niyo ba iyun?! But I can't get over the pain of his betrayal!”



          Hindi ko na namalayan na malayo na pala ang naitakbo ng oras. Pero si Mama, nakayakap pa rin sa akin.



          “Then why think about Knoll?” biglang naitanong ni Mama.



          Napakalas ako kay Mama. “Because Ma, he is, he was my great love. Alam mo, dapat si Knoll iyung nasa mesa kanina. Dapat si Knoll ang isasama ko sa party nila Jin. Dapat si Knoll iyun. But he broke my trust! He broke everything!”



          Malamig na tumingin sa akin si Mama. “Pero si Inno na ang nasa harapan mo ngayon. Anak, don't do that to him. Kaharap mo siya, pero ang isip mo ay kay Knoll. Alam mo kung sino ang gumagawa niyan, ang Papa mo.”



          Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin ni Aulric noon. Bigla kong inisip kung paano mag-isip si Inno. Ang alam lang niya ay ang girlfriend niya ay may pinagdadaanan. At ginagawa niya ang lahat para gumaan ang pakiramdam niya. Pero hindi niya alam na ibang lalaki ang iniisip niya.



          “Anak, kung mahal mo pa rin si Knoll, bumalik ka sa kaniya. Pero huwag mong paasahin si Inno. At kung si Inno naman ang mahal mo, alisin mo na sa isip mo si Knoll. Kapag hindi mo ginawa ang mga bagay na ito, sinasabi ko ito sa iyo anak, hindi maganda ang kalalabasan ng buhay mo.”



          Matapos iyun sabihin ni Mama, niyakap niya ako ulit. Pumili. Sa punto ng buhay ko, hindi ko naisip na mamimili ako sa mga bagay na ganito. Mahilig ako mamili kung ano ang dapat kung suutin, anong kombinasyon ng damit, ano ang bagay at hindi sa akin. Ni minsan, hindi ko iniisip na mamili sa dalawang lalaki. Noong, siguradong-sigurado ako kay Knoll hanggang sa-



          Natigil ako sa naiisip ko. Heto na naman ako. Iniisip ang nakaraan. Kung hindi lang sana nagsinungaling sa akin. Kung hindi na lang niya sinabi sa akin ang tungkol kay Isabela.



Isaac's POV



          5 years ago...

          Isang beses lang iyun. Uminom kami noon sa Maysha Bar sans Zafe, at lalong-lalo na si Jin. Nakita ko si Sharina na umiinom mag-isa. Nakita naman siya ng mga kaibigan ko pero hindi sila nagkumento dahil sa nangyari noon. Naniniwala kasi sila na si Sharina ang pumatay sa anak ni Isabela, at sa anak ni Knoll. Ako, hindi.



          Alam ko na kay Aulric ako dapat kumampi dahil naniniwala naman ako na wala siyang kasalanan. Pero ano ba ang magagawa ni Aulric noon? Ano naman ba ang maitutulong ko kay Sharina para naman hindi siya ang magdusa sa isang parusa na hindi siya ang gumawa?



          Mag-iisang taon nang patay si Aulric, at hindi na siya naghihirap. Pero si Sharina, sigurado ako na naghihirap siya. Kung dati rati, pag-inom lang ng alak ang bisyo niya, umabot na ito sa paninigarilyo. At sana, hindi na ito lumala pa sa, mas malalang bagay.



          Isang gabi, nilakasan ko ang loob ko. Umupo ako sa harapan ng mesa niya.



          “Hi,” bati ko.



          Nakuha ko naman ang atensyon niya. “Isaac.”



          Bigla akong kinabahan nang sinabi niya ang pangalan ko. “Wait, kilala mo ako?”



          “Oo naman. You are with-” Ngumiti siya ng mapait. “Aulric.”



          “Yeah.”



          “Ano naman ang ginagawa mo dito?” tanong niya. “Pinadala ka ba ng kapatid ko?”



          “Hindi,” iling ko. “Walang nagpadala sa akin para kausapin ka. Nandito ako para samahan kang, uminom.”



          “Talaga?” Hinawakan niya ang bote at inilagay ang kaniyang daliri sa bibig nito. “Gusto mong uminom kasama ng isang kriminal?”



          Bigla akong nagtaka sa tanong niya. Ilang beses ko ng naririnig na sinasabi niya iyan sa mga taong lalapit sa kaniya. May mga, nakakatawang sagot mula sa mga lalaki. Gusto nila kasamang uminom ang isang bad girl na katulad ni Sharina.



          Tumingin ako kunyari sa paligid. “Wala akong nakikitang kriminal sa paligid.”



          Kita kong bumuka ang bibig ni Sharina pero hindi niya itinuloy ang sasabihin. Tinawag ni Sharina ang waiter at ibinili din ako ng inumin na kaniyang iniinom.



          “Magkwento ka nga tungkol sa sarili mo.”



          Mga ilang pagkikita ang nakalipas sa bar na iyun, kinikwentuhan ko si Sharina sa mga nangyayari sa buhay ko. Kahit na tingin ko ay nawawalan siya ng interes base sa ekspresyon ng mukha niya, tuloy-tuloy pa rin ako sa pagkikwento.



          “Mukhang ako lang ang may kwento dito ahh?” biro ko.



          Mapait na nguniti si Sharina. “Gusto mo bang malaman kung ano ang nasa isip ko sa tuwing nagkukulong ako sa mansyon?”



          Bigla akong nagsisi sa biro ko pero itinuloy ko. “Kung gusto mo mag-share, okay lang. Iyun ay kung gusto mo.”



          “Gusto kong magpakamatay bukas,” panimula niya. “at tingnan ang magiging reaksyon ng tao kapag ginawa ko iyun. Pero naalala ko, patay na ako paano ko naman malalaman ang magiging reaksyon ng mga tao?”



          Bigla akong nag-alala sa sinabi niya. “Pwede ba kitang pigilan sa bagay na iyan?”



          “Pigilan? Paano naman?”



          “For starters, masasaktan ako. Malulungkot ako at magsisisi kung ano dapat sana ang magagawa ko para mapigilan ka. Pero paano kung ang sasabihin ko ngayon ay walang magawa para mapigilan ka? Still, malulungkot ako. At hindi na ako pupunta sa bar na ito dahil palagi kitang maaalala. Isang kaibigan na hindi ko nailigtas nang nalaman ko na balak niyang mamatay kinabukasan.”



          Umiling si Sharina habang binubuksan ang siguro'y pinakahuli niyang bote sa buhay niya. “Mahina. Magpapakamatay pa rin ako bukas.”



          “May gusto ako sa iyo.”



          Natigil si Sharina habang nakatingin sa bote ng beer. Lumunok ako para hindi ako biglang mahimatay sa mga sasabihin ko.



          “At kung bukas, makikita kita dito sa bar na ito, ibig sabihin, hindi ka nagpakamatay. Pinili mong mabuhay, para sa akin. O baka hindi naman ako ang dahilan. Eitherway, nagiging masaya ako na buhay ka pa. Magandang gabi sa iyo.”



          Tumayo ako bigla at lumabas ng bar. Oh god! Hindi ko napaghandaan iyung mga suicidal speeches niya. Alam kong ginagawa iyun ni Aulric minsan, pero hindi lang ako umiimik dahil mukhang may balak ba talaga siyang magpakamatay kung nagmamahal sa kaniya si Zafe noon? Pero what if ganoon nga?



          Natigil lang ako sa pagmamaneho at na-realize ko na may magagawa pa ako. Nakahinto na ako sa tapat ng bahay ko. May magagawa ako mula dito sa kinauupuan ko.



          Papasok ng bahay, dali-dali kong tinawagan si Jin.



          “Hello, Jin. Makinig ka. Si Sharina, nagbabalak magpakamatay,” diretso kong sabi.



          Rinig kong parang tumayo kaagad siya mula sa kung ano ang ginagawa niya. “A-Anong sabi mo? Kailan? Saan niya gagawin?”



          “H-Hindi ko alam. Basta, nakausap ko siya kanina sa Masyha Acoustic Bar. Habang nagki-kwento kami, all of a sudden, sabi niya ay magpapakamatay siya bukas. Then umalis ako bigla dahil hindi ko alam ang gagawin. Paano kung sa sinabi or ginawa ko ay mas lalo niyang ituloy ang ginagawa?”



          Rinig kong mukhang may kinakausap siya sa harapan niya. “Listen, Isaac. Huwag kang mag-alala. Kami na ang bahala dito. Okay? Nakatulong ka na baka maagapan namin ang gagawin niya.” Medyo hinihingal na si Jin sa pagsasalita at mukhang tumatakbo siya habang kausap ako. “Okay, pupunta na ako sa Maysha Bar. Balitaan na lang kita.”



          Ibinaba na ni Jin ang tawag. Bumilis naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa pag-iisip ko ng mga hindi magagandang senaryo na mangyayari ngayong gabi. Imagine kung ako pa ang nagtulak sa kaniya para magpakamatay? Nako naman. Ginawa ko ba iyun kanina? Sana hindi, sana hindi.



          Tumunog ang doorbell ng bahay. Hindi naman ako lumabas ng bahay dahil nasanay ako na ang katulong ang palaging nagbubukas nito.



          Pumasok ulit ang katulong sa bahay. “Sir, may babaeng naghahanap po sa inyo sa labas,” sabi ng katulong sabay umalis na hindi man lang hinihintay ang susunod na sasabihin ko. Marahil ay may bagay na kailangan ang kaniyang atensyon.



          Pagkabukas ko ng gate, halos tumigil ang aking mundo matapos nakita si Sharina na nakatayo sa gate. Magpapaalam ba ulit siya sa akin? Ito na nga ba talaga ang huli kong pagkakataon sa kaniya?



          “Pwede ba akong pumasok?” ngiti niya.



          “H-Huh? Pumasok? P-Para magpakamatay?” sarkastikong tanong ko. “Huwag naman dito sa bahay. Aalis talaga ako dito kapag dito ka magpapakamatay.”



          Tinakpan ko ang bibig ko. Damn it! What if sa bahay ko nga talaga siya magpakamatay? Huwag na lang kaya ako magsalita? May nabasa ako na dapat ay maingat ka talaga sa mga sinasabi mo lalo na kapag ang isang tao ay balak talagang, or malapit ng magpakamatay.



          “Tuloy ka,” sabi ko.



          Pumasok naman siya sa loob ng bahay at ni-lock ko ang gate. Sa sala ng bahay, naghahanap ako ng magandang movie para sa kaniya. Dapat ang movie na ipapalabas ko ay nakaka-inspire na mabuhay. Iyung makakalimutan niya na gusto niyang magpakamatay. Pero what if mahalata niya ang gagawin ko? What if mag-backfire ang gagawin ko?



          Sa huli, pumili na lang ako ng movie na ang title ay Safe Haven.



          Humarap ako sa kaniya habang naglo-load ang pelikula. “Enjoy. At pupunta na muna ako sa kusina para gumawa ng popcorn.”



          Tumango lang si Sharina saka itinutok ang panonood sa TV. Tumungo na ako sa kusina para magluto ng popcorn.



          Nang nakuha ko na ang mga kailangan ko, bigla kong naalala ang kapatid niya. Bigla naman akong may narinig na sumigaw sa sala. Dumungaw ako at nagpakawala ng malalim na hininga matapos malaman na ang babae sa telibisyon ang sumisigaw. Mukhang takot na takot ang babae na nagtatatakbo. Anyway, tutok na tutok si Sharina sa panonood.



          Ibinalik ko ang atensyon ko sa phone ko at nagsimula ng mag-text.



          “Jin, nasa bahay ko si Sharina. Nanonood kami ng movie sa bahay. Subukan ko na wala siyang gagawin na pagsisisihan niya,” text ko sa kaniya.



          Pagkatapos maluto ang popcorn, tahimik lang kami na pinapanood ang pelikula. Sinusulyapan-sulyapan ko lang si Sharina at mukhang tutok na tutok talaga siya sa pinapanood. Okay ito. Hindi na iyan magbabalak.



          Nang natapos na ang pelikula, nagulat ako matapos malaman ang katapusan. Yeah, gaya ng dati, nagkatuluyan ang lalaki at babae. At ang babae, napagtanto niya na ang pinaka-safe na lugar sa buong mundo ay malapit sa lalaking minamahal niya.



          “That was good,” komento niya. Tumingin naman siya sa akin. “Except, Safe Haven. Zafe, Haven.”



          Natigil ako sa sinabi niya. May ginawa na naman kaya akong masama dahil katunog ng pangalan ni Zafe ang title ng pelikula?



          “I'm sorry,” paghingi ko ng tawad. “Manood naman tayo ng iba.”



          “No, it's fine,” pigil niya matapos kong inangat ang kamay ko para maghanap ng ibang pelikula. “Alam ko naman na hindi intensyonal iyun. Pero salamat. Kung hindi dahil doon, hindi ko maalala ang isang bagay.”



          Tumingin ako sa kaniya ng diretso. “Ano iyun?”



          “Wala akong, safe haven. Yes, wala akong asawa na pulis na psychopath at gusto akong patayin. Meron lang isang pangyayari na nagpabago ng buhay ko para maging ganito.” Tinuro niya ang sarili niya. “At wala akong matakbuhan para hindi ko maisip ang bagay na iyun. Kaya gusto kong magpakamatay.”



          “Pwede naman na, maging ako iyun.” Lumapit ako sa inuupuan niya at hinawakan ang kamay niya. “Pwede naman na ako ang safe haven mo. Just, please. Huwag mong ituloy iyang pagpapakamatay. I will do everything for you, Sharina.”



          Binuhos ko ang aking sinseridad sa mga salita kong iyun. Hawak-hawak ko na ang gusto ko at hindi ko na ito papakawalan pa.



          Naglapat ang labi naming dalawa. Malambot ang labi niya, iyun ang una kong napansin. Wait, kung hinalikan niya, ibig sabihin ba nito ay-



          Naghiwalay kaming dalawa saglit. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung may ginawa ba akong mali at tumigil kami.



          “Bigla kong naalala ang narinig ko mula kay Aulric,” sabi niya kahit parang ayaw niyang sabihin ang pangalan niya. “Isang araw, sa unibersidad, pinapagalitan siya ni Shai dahil sinasabi ni Aulric na gusto niyang magpakamatay. Sumagot si Aulric. Ang sabi niya, bakit siya magpapakamatay kung may mga taong nagmamahal pa sa kaniya? Kung mahal pa siya ni Zafe?”



          Marahil ay dahil kay Aulric, hindi naging maganda ang naging buhay ni Sharina. Pero dahil din kay Aulric, natigil ang binabalak niya na tapusin ang kaniyang buhay. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya dahil sa kaniyang kakaibang pag-uugali. Kung hindi dahil sa kaniya, siguro ay tuluyan nang nawala sa akin si Sharina. Kaya sinabi ko kay Sharina na...



          “Pwede ba tayong lumabas bukas?”

          Humugot ako ng malalim na hininga matapos makapasok sa condo namin ni Jin. Pagkabukas ng ilaw ay kaagad kong nakita ang mga kahon na naglalaman ng aking mga personal na gamit. Kasabay ng pagpasok ko, bigla kong naalala si Sharina. Hindi niya pinapakita pero nalulungkot siya na umalis ako sa amin.



          1 month ago...

          “Pwede naman na sumama ako sa iyo doon sa condo,” sabi ni Sharina na naglalaro ng console sa sala. “Technically, akin din naman iyung condo na iyun. Maliban na lang kung na-disown na nila ako.”



          “Kasama ng pinsan mo?” tanong ko habang nagtitipa pa sa aking laptop.



          “Kaya ko iyun.”



          “Pero hindi naman kayo nag-uusap. At hindi kaya ako komportable sa ganoon. Iyung girlfriend ko, at iyung pinsan niya ay hindi nag-uusap sa iisang kwarto.”



          Napatigil ako sa tinitipa ko sa aking laptop. Hindi ko kasi naririnig iyung controller niya na pinipindot. Nag-angat ako ng tingin at nakita siya na nakatingin lang sa monitor.



          “Yeah. Oo nga pala,” sabi niya. “Gagawin mo ang lahat para sa akin hindi ba?” Tumingin na sa akin si Sharina.



          Oh, boy! Hindi ito ang pag-uusap na gusto kong marinig mula sa kaniya. Oo, mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Pero paano kung gamitin niya ang sinabi ko para, sirain ang mga pangarap ko? Pero pangarap ko din siya at...



          “Papayag akong mag-migrate ka sa Maynila kung ibibigay mo sa akin itong game console mo,” sabi ni Sharina.



          Irasyonal? Oo. Pwede naman siyang bumili ng console na iyan ng mas marami pang, beses.



          “Pinapaalala ko lang sa iyo na ayaw sa akin ng Papa mo. At kaya nakakapasok lang ako dito sa bahay ninyo ay dahil nandito ka. At kapag wala ka dito, hindi ako makakapaglaro ng...”



          Napatay na si Sharina sa nilalaro niya pero wala siyang reaksyon. Minsan, sobra-sobra ko siyang hinuhusgahan. Na magiging irasyonal siya dahil lang sa sinabi ko na gagawin ko ang lahat para sa kaniya.



          “Deal.”

          “Hindi mo dinala iyung game console mo?” tanong ni Jin na halos natapos na sa pag-aayos ng mga gamit namin.



          Nag-isip ako saglit kung paano ko sasabihin ang susunod na mga salita. “Nasa pinsan mo. Papayag lang daw siya na mag-migrate ako dito sa Maynila kung ibibigay ko iyung game console. Naaadik na siya doon sa nilalaro niya.”



          Nagpakawala lang ng simpleng ngiti si Jin. “Ganoon ba? Gusto pa naman kitang makalaro. Tsaka hindi ko din dinala iyung sa akin.”



          “Pwede naman tayong bumili. Hati tayo.”



          “Sure.”



          Nagpatuloy pa ako sa pag-aayos habang siya naman ay lumabas papunta sa kusina para magluto. Alam kong may isang bagay kaming dapat na pag-usapan pero hindi niya bini-bring up. Sa akin ba dapat manggaling ang topic? Yes, kapag nababanggit ko si Sharina sa mga kaibigan ko, ngumingiti lang sila. Marahil ay may reservations pa rin sila tungkol sa kaniya, lalo na't mukhang naniniwala sila na ginawa ni Sharina ang mga bagay na iyun.



          Lumabas na ako ng kwarto at umupo sa sofa habang hinihintay matapos si Jin.



          “Kumusta si Sharina?” rinig kong tinanong ni Jin. At ayan na nga. Sinimulan na niya ang dapat na pag-usapan.



          “Okay naman siya,” sagot ko. “Masaya, at masaya. Hindi na niya sinusubukan...” Lumunok na muna ako dahil sa susunod na sasabihin ko. “magpakamatay.”



          “Masaya ako para sa inyo,” medyo bumaba na tonong sabi niya. “Alam ko na wala akong karapatan na pagsabihan ka, kahit na hindi na kami nag-uusap ni Sharina. Pero please. Huwag mong sasaktan si Sharina. Alam kong isa ka sa dahilan kung bakit nakikita pa namin siya. At natatakot ako na ikaw ang huling depensa.”



          “Oo naman. Hindi ko iyun gagawin sa kaniya. Tsaka gustong-gusto ko kaya siya noon pa. Hindi lang ako makaporma dahil sa mga, drama na nangyari.”



          Hindi na nagsalita si Jin. Lumingon ako sa likod matapos hindi na marinig ang tunog ng niluluto niya sa kusina. Ngumiti lang siya sa akin habang hinahanda na ang aming pagkain.



          “Kumain na tayo,” ngiti niya.



          Tatayo pa sana ako nang tumunog ang phone sa bulsa ko. Nang tiningnan ko ito, may pinadalang litrato si Sharina sa akin. Isang litrato na mataas ang nakuha niyang score sa isang laro. Nag-iwan ako ng heart react sa post niya.



          “Date natin sa Sunday?” mensahe niya.



          “Of course. Iyun iyung usapan hindi ba?” tugon ko.



          “Looking forward to it, like every date of us.”



          Nag-iwan ulit ako ng heart react sa sinabi niya. “Ako din.”



Inno's POV



          Maagang-maaga ako na gumising para sa trabaho ko. Kaagad ko naman na binuksan ang aking phone para batiin ang girlfriend ko.



          “Good morning.”



          Kaagad ko lang tinago ang phone ko dahil alam kong tulog pa si Camilla. Habang nagsisipilyo, biglang nag-replay sa akin ang mga salitang sinabi ko kay Camilla. Tama ba na sinabi kong, ‘anak ko’? Oo, alam ko naman na magkaka-anak ako. Pero parang, napaka-cool sa kabaligtaran iyung sinasabi ko. Ang ibig kong sabihin, sigurado naman na magkaka-anak kami kapag naging kami na. Hindi ko palalampasin sa radar ko si Camilla. Tsaka mahal ko naman siya at mahal din niya ako. Anong masama doon? Mayaman siya, mahirap ako, nagmamahalan kami. Ngayon? Teka, tutol ba iyung Mama niya sa akin dahil mahirap lang ako?



          “Kuya, andito na iyung mayaman na syota mo,” sigaw ng nakababata kong kapatid.



          Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Matapos magbanlaw ng aking bibig ay kinuha ko ang phone saka tiningnan ang profile ni Camilla. Mga ilang oras pa rin na offline siya. Nawalan siya ng load? Nang wifi? Si Camilla pa ang mawawalan? Pero sino iyung nasa baba? Ang alam ko, may pasabi palagi si Camilla kapag pupunta dito.



          Dumungaw ako sa bintana para makita kung sino ang ‘mayaman na syota’ ko. Kumunot ang noo ko matapos hindi makilala ang sasakyan na naka-parke sa harapan ng bahay namin. Pero nagulat ako nang lumabas ang may-ari ng sasakyan. Si Isabela pala ang tinutukoy ng kapatid ko.



ITUTULOY...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails