Followers

Sunday, May 19, 2013

The Yuppie Is My Papi 4


Part1 Part2 Part3...


Tense na tense si Charito habang mabilis niyang tinatapos ang ipinapagawa sa kaniyang Compilation ng Sales Report ni Sir Benedict dahil sa presence ng Mommy nito't talaga namang walang ka-ide-ideya itong si Charito na ang inakala nilang matandang customer nila kanina ay isa sa mga big bosses ng Shu Eumura Philippines.
"Impressive..." Ang naririnig ni Charito mula sa matandang babae habang nag-eEncode siya ng mga numbers sa laptop ni Sir Benedict.
"Ano nga pala ang name mo iha?"
"Ahm... Charito po Ma'am... Chai nalang po for Short." Ang kinakabahang sagot naman ni Charito habang patuloy pa din siya sa pagtaType.
"Kaya ka siguro inutusan ng anak kong gumawa ng compilations eh napakaProfessional ng mga sales report mo." Ang sunod na sinabi naman ng Mommy ni Sir Benedict habang binubuklat niya ang mga ginawang sales report noon ni Charito na siya ding tininignan noon ni Sir Benedict.
"Anong natapos mong course?"
"Ahm... Vocational lang po... Secretarial."
"Hmmm... Kaya pala..." Ang naiimpress na sambit naman ng matandang babae.
Napapangiti itong si Mrs. Chavez habang pinagmamasdan niya ang nagtaType na SalesLady. Humahanga talaga siya sa ipinakitang pag-aasikaso sa kaniya ni Charito kaninang nagpanggap siyang Customer kanina.
Hindi naman talaga ginagawa ng kanilang Company ang pagpapadala ng secret consumer upang itest ang kanilang mga sales represebnntative ngunit naisipan lamang ni Mrs. Chavez na subukan ang mga Representative ng kanilang Companysa SM San Lazaro at hindi nga siya nadismaya dito kay Charito.
Ang talagang ikinadismaya ng matanda ay nang mapag-alamanan niyang nagLakwatsa na naman sa gitna ng trabaho ang kaniyang Spoiled Brat na Anak. Ang buong katotohanan ng pagpunta ni Mrs. Chavez sa SM San Lazaro'y upang personal niyang kamustahin at sorpresahin ang kaniyang anak at tignan ang kalagayan nito.
Medyo nakokonsensya ang matanda dahil sa ginawa niyang pagpapadala kay Sir Benedict sa SM San Lazaro bilang kaparusahan nito sa hindi nito pagseseryoso sa trabaho ngunit batid din ng matanda na kinakailangang gawin niya ito kay Benedict upang maging Mature na ito sa pagtratrabaho.
Nagsisisi naman si Mrs. Chavez dahil sa matinding pagsunod niya sa layaw ng kaniyang unico iho simula sa pagkabata nito at lumaki itong si Sir Benedict na nakukuha ang mga gusto nito ng hindi pinaghihirapan.
"Kailangan mo bang tapusin yan ngayon?" Ang tanong ni Mrs. Chavez kay Charito.
"Yes Ma'am..."
"Huwag mo nang tapusin yan... Yan lang naman ang gagawin ng anak ko dito..."
"Naku hindi po puwede!!!"
"Bakit naman? Tinakot ka ba niya iha?"
"Ahm... Kasi po... Eh..."
"Huwag kang matakot iha... Sabihin mo sa akin..."
"Ano po kasi... Eh... Pag may nasimulan po kasi akong gawin eh dapat po na tinatapos ko... Ayokong may trabaho po akong nakatengga!" Ang mabilis na sagot ni Charito sa Mommy ni Sir Benedict.
"Ganun ba iha..."
"Opo... Ganyan po ako magtrabaho... Malapit na naman pong matapos ito eh..." Ang pagsisinungaling ni Charito sa matanda. Ang buong katotohana'y hinahabol talaga ni Charito ang P1,500.00 na ibabayad sa kaniya ni Sir Benedict kapalit ng pagGawa niya ng Sales Report Compilation.
Kinalauna'y naging abala si Mrs.Chavez sa pagtingin ng mga Sales Report at ito namang si Charito'y naging abala din sa pagtapos ng ipinagagawa sa kaniya ni Sir Benedict.
"Ma'am tapos na po ako... May ipapagawa po ba kayo?"
"Wala naman iha..." Ang nakangiting sambit ni Mrs. Chavez sa dalaga at pagkatapos ay tumingin ito sa suot nitong Gold Plated na ladies Watch.
"Samahan mo na lang ako magLunch at pasado alas dose na pala..."
"Hindi ko na mahihintay si Benedict..." Ang anyaya ng matanda kay Charito.
"Sige po..." Ang excited na sambit naman ng dalaga at alam niyang sa isang bigtime na resto sila manananghalian.

********************************

"Eto ang Senior Citizen ID ko... Sayang naman ang discount..." Ang sambit ni Mrs. Chavez sa Cashier ng Jollibee pagkatapos nitong mag-Order.
Nakangangang pinagmamasdan lamang niCharito ang matanda dahil hindi talaga siya makapaniwalang sa Jollibee lang sila manananghalian ni Mrs. Chavez at inaakala talaga niyang bigatin ang matanda't hindi ito kakain sa isang Fast Food.
Hindi na din nagulat si Charitong malamang dala ng matanda ang Senior Citizen ID nito at kutob niya'y tinitesting lang sila nito kanina. Ang talaga't lalo pang ikinagulat ni Charito'y mayaman sina Mrs. Chavez ngunit kumukuha pa din ito ng discount at kumakain sa Jollibee.
"Hello..." Ang bati ni Mrs. Chavez sa kaniyang kausap sa phone habang nakaupo na silang dalawa ni Charito sa mesa.
"Dito kami sa Jollibee..."
"Si Benedict... Tinatanong kung nasaan tayo..." Ang natatawang sambit ni Mrs. Chavez sa nakatingin sa kaniyang si Charito matapos niyang iEnd ang kaniyang call sa anak.
"Sige na kumain na tayo..." Ang muling sinabi ni Mrs. Chavez sa kaharap dahil naalibadbaran siyang bigla dito dahil sa expression sa mukha ni Charito.
Sanay na sanay na si Mrs. Chavez na makakuha ng ganoong mga expression sa mga taong hindi pa siya lubusang kilala. Ang karaniwang iniisip kasi ng maraming mga tao na kapag mayama'y sosyal na at talaga namang nagugulat ang iba sa kaniya sa tuwing nakikita nila sa kauna-unahang pagkakataong nagpapakaPractical siya't nagtitipid.

********************************

Pagkababang-pagkababa ni sir Benedict sa kaniyang kotse'y naghihikahos niyang pinuntahan ang kaniyang Mommy sa Jollibee at nang makapasok na siya sa store ay kaagad niyang hinanap ito sa napakaraming customer na nanananghalian sa Jollibee.
Napalunok ng laway itong si Benedict nang makita niya ang likod ng kaniyang Mommy at kaagad niyang nilapitan ito ngunit makailang hakbang pa lamang siya'y bigla siyang natigilan nang makita niyang kasama ng kaniyang Mommy itong si Charito.
Kahit na gumamit ng Rexona si Benedict ay hindi maiwasang pagpawisan ang dalawa niyang kili-kili bukod sa matatabang pawis niyang tumutulo sa kaniyang noo't leeg. Pakiwari ni Benedict na close na close na ang kaniyang Mommy at itong si Charito dahil kitang-kita niya ang mapuputing ngipin ni Charito dahil sa pagtawa nito na tila nasa kalagitnaan ito ng masayang pakikipag-usap sa kaniyang Mommy.
Nag-inhale at nag-exhale muna si Benedict bago siya muling kumilos patungo sa mesang kinakaupuan ng kaniyang Mommy at ni Charito.
Habang papaplapit siya'y nireRehearse niya ang kaniyang sasabihing pagsisinungaling sa kaniyang Mommy sakaling usisain siya nito kung saan siya galing.
Habang naiipit kasi si Benedict sa traffic kanina nang pabalik na siya sa SM San Lazaro'y nakaisip na siya ng magandang Alibi para sa kaniyang Mommy.
Magkukunwari na lamang siyang parang wala doon si Charito.
"Hi Ma!" Ang masayang bati ni Benedict sabay kiss sa cheek ng kaniyang Mommy.
"Sana po'y nagpasabi kayo na bibisita po kayo dito." Ang sunod na sinabi ni Benedict sa kaniyang Mommy while ignoring and not looking at Charito.
"Saan ka galing?" Ang bungad kaagad ni Mrs Chavez sa anak.
"Tinignan ko po yung puwestong gustong bilhin ni Paul. Biglang tumawag kasi at nagpasama eh." Ang cool na cool na sagot ni Benedict sa kaniyang Mommy.
"Ganun ba? Kamusta naman..."
"Medyo naliliitan si Paul at nagdadalawang isip na bilhin yung property." Ang sagot naman ni Benedict. Tahimik lang si Charitong nakikinig sa usapan ng Mag-ina.
"Hmmm... San ka talaga nagpunta?"
"Sinamahan ko nga po si Paul..." Hindi na napigilang maging defensive agad nitong si Sir Benedict.
"Mamaya na tayo mag-usap at magsi-CR lang ako... Excuse me Chai..." Ang paghingi ng paumanhin ni Mrs. Chavez bago ito tumayo't umalis sa kanilang mesa.
Pagkaalis na pagkaalis ni Mrs. Chavez ay kaagad na dinukot ni Benedict ang kaniyang phone sa kaniyang bulsa.
"FUCK!!!" Ang naiinis na sambit ni Sir Benedict nang mapag-alamanan niyang wala sa kaniyang bulsa ang kaniyang phone.
Sa sobrang kamamadali kasi ni Sir Benedict ay naiwan niya sa kaniyang kotse ang kaniyang telepono.
"Pwedeng pahiram niyang Phone mo..." Ang mabilis na sambit ni Sir Benedict kay Charito kasabay ng pagturo niya sa nakakuwintas sa leeg na fake na iPhone ni Charito na siya namang biglang ikinagulat ng dalaga.
"Bakit?" Ang tanong naman ni Charito.
"Mag-e-FB lang ako." Ang paliwanag naman ni Sir Benedict.
"Sige na Please..." Ang pagmamakaawa ni Sir Benedict kay Charito na wala namang nagawa kungdi'y pahiramin na lang niya ito ng kaniyang fake na iPhone.
Mabuti na lamang at mabilis-bilis ang WiFi ng SM San Lazaro't nakapagLog-in kaagad si Sir Benedict sa FB nito't mabilis na nakapagPM sa kaniyang kaibigang si Paul upang abisuhan ito na baka tawagan ito ng kaniyang Mommy. NagRequest si Sir Benedict sa kaniyang kaibigan na sakali mang usisain ito ng kaniyang Mommy kung talaga bang nagpasama ito sa kaniya'y magsinungaling na lamang ito para sa kaniya.
Napangiti kaagad itong si Sir Benedict nang nagReply kaagad at walang tanong-tanong sa kaniya ang kaniyang kaibigang si Paul ng 'Ok'.
"Parang masaya ka ata..." Ang biglang tanong ni Mrs. Chavez sa anak nang makabalik na ito galing sa CR na siya namang ikinagulat ni Sir Benedict.
"Bakit ang bilis po ninyo?" Ang nagtatakang tanong naman ni Benedict sa kaniyang Mommy habang iniabot niya kay Charito ng palihim sa ilalim ng mesa ang iPhone nito.
"Nakapila ang mga tao sa Rest Room dito... doon na lang ako magsiCR sa Opisina nyo sa taas." Ang maikling sagot lamang ni Mrs. Chavez sa kaniyang anak.
Tahimik na itinuloy na lamang ni Charito ang kaniyang pagkain habang nakikinig siya kay Mrs. Chavez na inuusisa si Sir Benedict kung saan nga ba ito talaga galing. NaGets na kaagad ni Charito ang situation ng mag-ina't nanatili na lamang siyang tahimik hanggang sa makabalik na ulit silang tatlo sa opisina ni Sir Benedict.
"Punta ka naman sa Burger King and buy me a big whopper with regular fries... diet coke ang drinks... Salamat." Ang utos kaagad ni Sir Benedict kay Charito nang makapasok na sila sa loob ng kaniyang office.
"Nasa Jollibee na tayo kanina eh hindi ka pa kumain?!" Ang naiinis na sambit ni Mrs. Chavez sa kaniyang anak.
"Ayoko po talaga sa Jollibee..." Ang sagot naman agad ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy. Napabuntong hininga na lamang si Mrs. Chavez sa anak habang pinagmamasdan nitong iniaabot ang pera kay Charito.
"Huwag ka munang babalik... I'll text you..." Ang bulong ni Sir Benedict kay Charito habang marahang tinutulak niya ito palabas sa kaniyang office.
"I do hope that you're doing your job responsibly!" Ang sinabi ni Mrs. Chavez nang makalabas na si Charito't maisarado na ni Sir Benedict ang pintuan ng office.
"Why did you assume naman Ma na i'm playing hookie again..."
"Naabutan ko lang naman ang saleslady nating nagkoCompile ng Sales Report natin."
"Eh mommy naman... Siya ang gumawa ng mga past reports kaya siguro naman eh siya ang karapat dapat na gumawa ng compilation... Tignan n'yo po ang mga ginawa niyang mga Sales report..." Ang palusot ni Benedict sa kaniyang Mommy.
"There's no need... I already saw it... And by the way... NapakaProfessional niyang magtrabaho..."
"You get my point Ma... Mas maganda talaga kung si Chai ang gumawa ng compilataion..."
" And I already promised na naman to you that i'll be serious na talaga sa trabaho..."
"Much Better... It's for your own good naman anak..."
"You're such a lucky person Benedict... Hindi mo dinanas ang pinagdaanang hirap namin ng sumalangit mong Ama..." Ang pagsisimula ng pangangaral ni Mrs. Chavez sa anak.
"Blah... blah... blah..."
"Nakikinig ka ba Benedict???"
"Blah... blah... blah..." Ang sunod-sunod na rachada ni Mrs. Chavez sa anak.
Halos mapurga na ang dalawang tainga nitong si Sir Benedict sa litanya sa kaniya ng kaniyang Mommy dahil paulit-ulit na lang ang lagi nitong pag-papaalala sa kaniya na napakaSuwerte niya't lumaki siyang may SilverSpoon sa mouth at hindi na niya naExperience ang mga hardship ng kaniyang Parents bago nila narating ang current status nila Financially.
Maagang naulila sa Ama itong si Benedict at ang tanging nagtaguyod na lamang sa kaniya ay ang kaniyang Mommy sa tulong ng kaniyang mga Grand Parents on both sides. Nagbunga naman ang pagsusumikap at pagtitiyaga ni Mrs. Chavez sa buhay dahil from the lowest position nito nang makapasok sa Shu Eumura Philippines ay unti-unting na promote siya  hanggang sa marating nga niya at magkaroon siya ng established na position sa nasabing company.
"And by the way Benedict..."
"What's that Ma?"
"You need to a new saleslady in this branch..."
"Two is enough Ma... There's no room for another one..."
"I know... The position of Chai will be Vacant tomorrow since I will make her my Personal Secretary and Assistant..."
"WHAT???" Ang gulat na tanong ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy.
"You heard me..."
"Di ba you already have one... Si Naomi?"
"She's planning to take a vacation at gusto na nilang magkaBaby ng kaniyang husband."
"Mommy naman!!!" Ang naiinis na sambit ni Sir Benedict.
"Naku matutuwa niyan si Naomi at makakapagbakasyon na siya!" Ang masayang sambit naman ni Mrs. Chavez while ignoring her Son dahil talaga namang kinukulit na siya ng kaniyang Secretary na si Naomi kung pupuwede bang makapagbaksyon or magResign na lamang ito.
Hindi pumayag si Mrs. Chavez sa request sa kaniya ng kaniyang secretary at binigyan na lamang niya ito ng Condition na papayagan niya itong magVacation kapag may nakita na siyang pupuwedeng punan pansamantala ang position nito.
At ngayon nga'y nakita na ni Mrs. Chavez ang pansamantalang kapalit ni Naomi at ito'y walang iba kungdi itong si Charito.
"Bahala na nga po kayo..." Ang talunang sambit na lamang ni Sir Benedict sa kaniyang patawa-tawang Mommy.
Alam ni Mrs. Chavez na uutus-utusan lang ng kanyang anak itong si Charito upang gawin ang trabaho nito at hindi talaga niya mapapayagang mangyari ito.
"Ang tagal namang bumalik ni Chai..." Ang sambit ni Mrs.Chavez nang mapansin niyang hindi pa bumabalik si Charito galing Burger King.
"I'll text her..." Ang upset na nasambit naman nitong si Sir Benedict sa kaniyang Mommy.
Hindi nga nagkamali itong si Mrs. Chavez sa kaniyang ginawang decision at talaga namang ikinaUpset iyon ni Sir Benedict.
Ang akala talaga ni Sir Benedict ay magiging petiks na siya habang nasa SM San Lazaro siya't makakapaglakwatsa na siya dahil ipapagawa niya ang lahat ng kaniyang trabaho kay Charito.

********************************

Halos hindi maipinta ang mukha ni Charito kinagabihan dahil sa sobrang saya niya nang ipaalam sa kaniya ni Mrs. Chavez na gagawin siya nitong Personal Assistant and Secretary for two months na kaniya namang sinungGaban kaagad-agad.
Lalo pang napangisi itong si Charito habang nakahiga siya sa kaniyang kama nang muli niyang inalala ang pagbabayad sa kaniya kanina ni Sir Benedict. Iniabot ni Sir Benedict ang P1,500.00 na napagkasunduan nilang kabayaran para sa ginawa niyang Data Encoding at Compilation ng Sales Reports kanina bago siya umuwi.
"Ano ka ngayon Kalbo?!" Ang masayang nasambit ni Charito habang tinitignan niya ang Shirtless na DP ni Sir Benedict sa FB nito sa kaniyang fake na iPhone.
NakikiWifi lamang itong si Charito sa kanilang kapitbahay at laking gulat talaga ng dalaga nang maisipan niyang iCheck ang FB niya at talaga namang para siyang nakaJackPot nang makita niyang hindi nakapagLogOut sa FB itong si Sir Benedict.
Nawala na sa isip ni Sir Benedict kanina na magLogOut sa FB account nito nang ibinalik niya kay Charito ang hiniram niyang iPhone dito.
Nag-Enjoy talaga itong si Charito sa pag-Invade niya sa privacy ng FB ni Sir Benedict at talaga namang halos sumakit ang tiyan niya sa kakatawa nang mabistong napakapalikero pala ng kaniyang Boss dahil binasang lahat ni Charito ang mga PM ni Sir Benedict sa FB at doon niya napag-alamanang maraming nililigawan at pinapaasa itong si Sir Benedict.
Lalo pang napangisi itong si Charito nang may biglang pumasok na idea sa kaniyang isipan at mabilis pa sa alas kuwatrong nagtype siya sa status box ng FB ni Sir Benedict.
Halos maduling na sa kakatawa si Charito habang binabasa niya ang nakalagay sa ipinost niyang status ni Sir Benedict.
'ANG YABANG-YABANG NG KALBONG ITO! KALA MO MAYAMAN PERO HINDI MAN LANG MARUNONG MAGLOG-OUT PAG NAKIKIGAMIT NG PHONE PARA MAKAPAG FB!'
"Goodnight Kalbo..." Ang masaya't malanding sinambit ni Charito habang nakatingin siya sa Sexy half body na image ni Sir Benedict sa FB nito bago niya tuluyang ini-Log-Out na ang account ni Sir Benedict at tuluyan nang matulog.
Kung gaano kasaya ng gabing iyon si Charito'y ganoon din ang sayang nararamdaman nitong si Sir Benedict habang binabasa niya ang lahat ng PM sa FB ni Charito. Dahil sa pagiging tense ni Charito sa presence ni Mrs. Chavez ay nawaglit din sa isipan nitong makapagLog-out sa FB sa laptop ni Sir Benedict. NagFB kasi itong si Charito nang gumagawa siya kanina ng Sales Report Compilation.
Halos mabaliw sa kakatawa itong si Sir Benedict habang tinitignan niya ang mga photoshopped na mga DP ni Charito sa FB nito dahil talaga namang napakalayo ng mga ito sa kung anong kulay talaga ng balat ni Charito sa personal.
Dito din nalaman ni Sir Benedict na nakikipagFlirt sa mga handsome at poser sa FB itong si Charito na saiya namang napakaPoser din.
Humalakhak talaga ng malakas si Sir Benedict nang mabasa niya ang isang status ni Charitong nagsasabing nagWeekend vacation ito sa Palawan gayun namang may trabaho ito sa nasabing date.
Naging pilyo ang mga ngisi ni Sir Benedict nang biglang may pumasok din na idea sa kaniyang isipan.
Halos nakangising ipinost ni Sir Benedict sa status ni Charito sa FB ang kaniyang naisipang idea at talaga namang para na siyang nakaganti sa mataas na siningil sa kaniya ni Charito kanina.
Halos hindi maipinta ang pagmumukha ni Sir Benedict at halos sumakit na ang dalawa nitong pisngi habang binabasa niya ang status ni Charito sa FB na kaniyang inilagay.
'BUNTIS AKO AT DI KO ALAM KUNG KANINO!'




To Be Continued

9 comments:

  1. bwahahaha... gustong gusto ko tlga ang story mo. always makes me laugh... sana lang maging mas mabilis ang updates dhil talagang nakakabitin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. after kong maPost yung Finale ng 'Ang RnB' magiging regular na ito :)

      Delete
    2. tnx ponse.., sinusubaybayan ko din ung RnB... tnx for your hard work... wag k sanang magsawa...

      more power to you and to all the writters here at MSOB...

      Delete
  2. hahahaha ang dami ng tawa ko sa chapter nato...... tnx sa adik na author kasi pinasaya mo ang aking gabi hahahahaha .. kamusta ang byahe? :-)

    ReplyDelete
  3. Ang ganda naman. I like charitos character.very confident parati.

    ReplyDelete
  4. very funny. Inaabangan ko na sya.

    ReplyDelete
  5. Ang cute talaga ng story n ito kuya ponse naiiba...parang beauty and the beast na baligtad...tnx. Kelan update ng RNB?

    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. tawa ako ng tawang mag isa habang binabasa ko ang kwentong to. Ang galing mo Mr author! nakakawala ng stress! God Bless you!

    Ben

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails